By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Hindi na ako nag hapunan pa sa bahay ni Dorwin hindi rin
ito nagtext sa akin kung nasaan sya. 6.30 nang umalis ako para pumunta sa bar.
Panay ang text sa akin nang mga kaibigan ko tungkol sa drinking session na
mangyayari mamaya.
Mga alas nuebe nang isa-isang dumating ang mga kabarkada
ko. Naunang dumating si Carlo at Tonet sumunod naman sa kanila si Mina, Chad,
at si Angela na talagang pinaghadaan ata ang gabing ito. Agad akong linapitan
ni Carlo at ipinaalala sa akin na kailangan naming magusap mamaya. Tango naman
ang isinagot ko rito.
Nagsimula kaming maginuman. Napagusapan namin ang tungkol
kay Ace at Rome. Lahat sila ay masaya para sa dalawa habang ako ay pilit
itinatago ang tunay kong nararamdaman. Alam kong napapansin ito nang bestfriend
ko dahil panay ang tingin nito sa akin pero pinili nitong manahimik nalang muna
at wag nang ungkatin pa sa harap nang barkada ang saloobin ko.
Kaya kami naging close ni Carlo nung high school paman
dahil sa ugali nyang yon. Hindi ito mahilig mangialam sa ibang tao. Pero kung
nakikita na nyang kailangan na nang tulong ang kaibigan nya, gagawa ito nang
paraan para makapagusap kayo nang masinsinan at masabi nya ang gusto nyang
sabihin para matulungan ka. Hindi nya ipipilit sayo na gawin mo ang advice nya.
Lagi nyang sinasabi sa tuwing matapos nyang magbigay nang opinion ay.
“Advice ko lang ito tol. Ikaw parin ang mag dedecide if
you’re going to take it or leave it. Ang importante naibigay ko ang opinion
ko.”
Nasa ganun akong pagiisip nang biglang magsalita si Tonet.
“Red, kamusta pala ang kita natin kahapon?”
“Okey naman at sa tingin ko hindi tayo lugi kung
tuloy-tuloy na may papasok dito.” Habang sinasabi ko iyon iginala ko ang mga
mata sa mga lamesa na halos lahat ay may nakaupo at nagsasaya. Nung una hindi
ko alam kung magcli-click ang ganitong setup kasi nga mas gusto nang mga ka
edad namin ang magpakawala sa pagsasayaw hindi ko akalain na may mga tao pa
pala na mas pinipili pa ang ganitong setup ang uminum habang hindi mo na
kailangan pang sumigaw para lang marinig ka nang katabi mo.
“Good, balak ko na kasing bilhin itong bar na to sa
pinsan ko para na din hindi na natin kailangan pang magbayad sa renta dito.”
Sabi nito habang nakangiti.
“Bibilhin? Girl, wala na akong budget di na ako
makakapagbigay nang share kung sakali.” Ang nagaalalang wika ni Angela.
Maski ako hindi ko alam kong makakapagbigay pa ako sa
kalagayan ko ngayon. Oo nga may perang pumapasok sa bar, pero iniipon ko lahat
kasi everymonth ang hatian naming magkakabarkada. Yon ang naging usapan namin
bago kami magsimula sa negosyong ito.
“Relax Girl, pera ko nalang muna ang gagamitin natin para
bilhin ang bar na ito. Saka na natin problemahin kung paano nyo ako babayaran
sa magagastos ko. I already talked to kuya
Xian about my plan okey naman daw sa kanya.” Pagpapaliwanag nito kay
Angela.
“Guys, Hmmmm…” Singit naman ni Chad.
“Bakit Chad any suggestion? Napatingin kaming lahat kay
Chad. Bihira lang itong sumali sa usapan naming magkakabarkada. Parang hanggang
ngayon aloof parin ito sa amin.
“Ano kasi.. Kung okey lang ba kahit huli na ang sumali sa
negosyo nyo?” Halata ang magkahalong kaba at pagaalangan sa mukha nito.
“Kaloka! Akala ko naman na buntis mo na bestfriend ko.”
Banat ni Angela sabay tawa na parang wala nang bukas.
“Hindi, ah!” Pagdedepensa nito na biglang namula.
Pinandilatan naman ito ni Mina.
“Sorry!” Sabay bigay nito nang peace sign sa amin.
Napailing nalang ako sa kalokohan ni Angela. Tama si Ace,
kahit kailan hindi talaga marunong tumiming ang loka lokang to.
“Chad, kasali kana sa barkadahang ito kaya you’re very
much welcome to join us at pwedi ba wag kanang mahiya pa sa amin.”
“Sabi ko naman sayo hon, eh.” Wika ni Mina sabay pulupot
nito sa kanang braso nang boyfriend nya. “Welcome na welcome ka sa mga barkada
ko ang babait kaya nyan.” Dagdag pang pambobola nito sa amin.
“Oo nga ang babait namin.” Pagsakay naman ni Angela sa
pambobola ni Mina.
“Sila lang ang mabait!” Wika ni Mina na kinatawa naming
lahat.
Ganito ang barkada ko pagnakukumpleto sobrang kulit at
saya. Pagkasama ko sila nakakalimutan ko lahat ng problema kaya siguro di ko
sila kayang ipagpalit sa iba ko pang mga kaibigan na wala nang ibang alam kung
hindi ang makipag inuman at puro kayabangan ang alam. Atleast with them may natututunan
ako.
“Anyway Chad, Ganito nalang para hindi maging magulo
isang share nalang ang sa inyo ni Mina hindi naman siguro kayo maghihiwalay di
ba?” Pabirong wika ni Tonet.
“What do you mean girl?” Nagtatakang tanong ni Angela.
Halatang di nakuha ang ibigsabihin ni Tonet.
“Si Chad nalang ang magbabayad nang dapat babayaran ni
Mina para sa pagbili natin nang bar na ito. Automatically kasali na sya sa
hatian natin every month.” Maarte nitong sabi. “Ayos ba sa inyo iyon?”
“So, Imbes na divided by 7 ay 8 na ganun?” Ani ni Angela
na halata sa mukha na nagbibilang na. “Paano yan di mababawasan ang dapat
nating makukuha everymonth?” Sabi pa nito nang marealize ang sitwasyon.
“May point si Angela girl.” Sabat naman ni Mina.
“Yep, mababawasan nga but it doesn’t matter. Gagawa tayo
nang paraan para dyan at yung 15 thousand ni Chad ay i-didivide naman natin to
7. Para may tig two thousand plus na maibabalik sa atin. So, bale imbes na 15
yung share nating pito magiging 13 nalang. Sa susunod na bwan pa makukuha ni
Chad ang 2k nya kasi papaikutin muna natin ang pera nya. Fair enough?”
“Kahit naman hindi na maibalik sa akin yung 2 thousand
okey lang. Gusto ko lang sumali para mas lalong maramdaman ko na bahagi na rin
ako nang grupo nyo.” Sagot naman ni Chad.
“Taray!” Wika ni Angela.
“Pero kailangan din malaman ni Ace at Rome to.”
Pambabaliwala ni Tonet sa sinabi ni Angela.
At yon na nga napagdesisyunan naming isali si Chad sa
negosyo naming pito. Wala namang problema sa akin yon kasi nakikita ko naman na
mabait na tao si Chad at talagang seryoso ito kay Mina pati rin yung iba ganun
ang nararamdaman para sa kanya kaya welcome na welcome sya sa amin.
Habang lumalalim ang gabi patuloy parin ang usapan at
inuman namin. May tama na ako dahil muli, hindi nanaman ako nakapag hapunan.
Mga alas dose na ata iyon nang dumating ang hindi ko inaasahang tao sa bar na
may dala dalang bar-be-que. Kumaway pa ito sa amin habang papalapit ito.
Napakunot ako nang noo.
“Dorwin! Buti at nakahabol ka.” Ang pagbati ni Tonet
rito.
Mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi ni Tonet. Parang
expected na nya na dararating si Dorwin sa gabing iyon.
“Hey guys.” At nakipag kamayan ito kay Carlo at Chad.
Napatingin lang ako sa kanya na may pagtataka.
“Hey.” Ang bati nito sa akin. Tango lang ang ibinigay
kong sagot rito.
“Who’s this handsome guy?” nagtatakang tanong ni Angela.
Wala nga pala sya nung maginuman kami na kasama si Dorwin.
“Si Dorwin ang poging pinsan ni Ace.” Pagpapakilala ni
Mina rito. “Dorwin meet my bestfriend Angela. Wala sya nung maginuman tayo kasi
nag overload ang utak nya dahilan para lagnatin sya.” Patawang pagpapakilala
naman ni Mina kay Angela.
“Nice to meet you pogi. May girlfriend kana ba?” Sabay
ayos nito nang tube nya para ipakita ang nagmumura nitong cleavage.
“Desperada ikaw ba yan?” Wika ni Mina sabay tawa nang
nakakaloko na ikinatawa naming lahat.
“Tse! Panira ka talaga besh!” tampo-tampuhan nitong sabi.
“Bakit ang tagal mo pare?” Singit ni Carlo nang makaupo
ito sa tabi ko. Amoy ko ang pabango nito na talaga namang kahit na sinong babae
ay maaakit. Kung hindi ako nagkakamali ang pabango nya ay jovan musk na talaga
namang mamahalin.
“Kailangan ko pa kasing pagaralan muna ang kasong
hinahawakan ko, eh. Mahirap na baka matalo pa.” Wika nito habang nakangiti.
“Abagado ka?” Manghang tanong ni Angela rito.
“Oo girl abugado sya. Di halata sa suot nya noh?” Sagot
ni Mina sa tanong nito.
Hindi mo nga masasabing abogado ang kaharap namin ngayon
dahil naka walking shorts lang ito at blue na T-shirt. Kung titingnan mo sya
ngayon para lang syang teenager na mahilig gumimik at walang inaalalang kaso.
“Naku, tama na yang about sa akin. May nadaanan akong
marasap mag bar-be-que kaya bumili ako para dalhan kayo.” Wika nito sabay
tingin sa akin. Parang alam ko na kung para saan ang tingin na yon. Siguro alam
nyang hindi pa ako naghahapunan.
“Wow! Sa wakas hindi na puro nochas ang isusuka ko
mamaya.” Walang prenong sabi ni Angela. Sanay na kami rito sa mga punch line
nitong hindi pinagiisipan kung angkop ba sa lugar at sa mga kaharap nya.
“Kadiri ka namang girl!” Reklamo ni Tonet na halata sa
mukha ang pangdidiri.
“Anyway, Dorwin alam mo naba na nandito na ang pinsan mo
at ang bestfriend nya?” Tanong ni Mina rito.
“Talaga? Hindi eh. Minsan lang magparamdam yung pinsan
kong yon. Im sure mabibigla yon kung makita ako dito na kasama kayo.” Magiliw
nitong sagot.
“Hindi ba kayo close?” Tanong naman ni Tonet.
“Close kami pero sabi mo pa nga nung sa opening nyo
sobrang reserved nang pinsan kung yon.”
“You mean pati sa inyo ganun din sya?” Sabat naman ni
Mina.
“Yep. Kay Ate Claire lang sya madaldal.” Sagot naman nito
rito.
Maski pala sa pamilya ni Ace ganun sya? Ang naitanong ko sa aking isip habang
nakikinig sa usapan nila.
Naging welcome din sa kanila si Dorwin lalo na si Tonet
at Carlo na para talagang close na close na sila rito. Si mokong naman enjoy na
enjoy sa pagsagot sa mga tanong nila lalo na si Angela na sobra kung makapag
tanong. Para itong high school kung magtanong kagaya nang favorite color at
favorite book nito. Pinili ko nalang manahimik ang importante sa akin ay
marunong din naman pala syang tumupad sa usapan. Siguro natatakot na hindi na
sya makaka score pa sa akin kung sakaling sumira sya.
Busy sila sa pakikipag usap kay Dorwin nang biglang
tumayo at lumapit sa akin si Carlo.
“Guys sa loob muna kami ni Red may paguusapan lang.”
“Ano naman ang paguusapan nyo abir? Bakit kailangan pang
sa loob kayo magusap kung pwedi naman dito?” Nakataas pang kilay na sabi ni
Angela.
“Usapang lalaki lang.” Sabay ngisi nito. “Dyan lang muna
kayo mga tol may paguusapan lang kami nang bestfriend ko.” Dagdag pang wika
nito kay Dorwin at Chad sabay akbay sa akin.
“Sige babe go!” Pagpayag ni Tonet na may kasama pang
kindat sa akin.
Wala nang nagawa pa si Angela. Agad kaming pumasok sa
loob na may dalang tig iisang bote nang san mig light at tinungo namin ang bar
counter. Gusto ko rin malaman kung ano ang ibig pagusapan ni Carlo.
“Alam kong lumayas ka sa inyo. Tinawagan kita sa landline
nyo kagabi nang sabihin sa akin ni Janice na dumaan ka raw sa bahay at
hinahanap ako. Naka usap ko mama mo ayon iyak ng iyak galit ka raw sa kanya.”
Agad nitong sabi nung makaupo kami.
Nag sindi muna ako nang sigarilyo bago nagsalita.
“Pinalayas ako nang magaling nyang asawa.” Wika ko na
parang nagsusumbong.
“Pinalayas? Bakit ka pinalayas di ba bahay yon nang papa
mo? Wala syang karapatang palayasin ka. Di ba sya pinigilan nang mama mo?” Kita
ko sa mukha nito ang pagaalala sa akin.
“Yon nga ang masakit tol, eh.” sabay lagok nang alak
dahil muli nanamang nanuyot ang lalamutan ko. “Pinapili sya nang asawa nya.”
“Pinapili?” Paguulit nito sa sinabi ko. Kita ang
pagtataka sa mga mata nito.
“Pinapili.” Walang gana kong sagot rito. “Sinabi nang magaling
nyang asawa na kung hindi daw ako papalayasin ni mama sa bahay ay sila daw
mismo ang aalis kasama ang dalawa nilang anak at di na daw ulit sila makikita
ni mama.”
“Wag mong sabihin..” Hindi ko na sya pinatapos pa ako na
mismo ang tumapos sa sasabihin nya.
“Sila ang pinili ni mama.” Sabay bigay nang pilit na
tawa. “Nakakatuwa noh? Ako ang tunay na anak pero ako ang initsapwera.”
“San ka naligo? San ka nagpalit nang damit? San ka
kumain?” Sunod sunod nitong tanong sa akin.
“Ampon ako ni Dorwin.” Simpleng sagot ko rito. Sa buong
barkada si Carlo lang ang nagiisang tao na hindi ko kayang pagsinungalingan.
Siguro dahil alam kong walang silbi ang pagsisinungaling ko dahil paniguradong
malalaman at malalaman nya kung san ako nakatira. Ganun ka maabilidad si Carlo.
Sa sinabi kong iyon napalingon sya sa labas kung saan
naguumpukan ang mga barkada namin. Ibinalik nya ang tingin sa akin sabay
sabing.
“Dorwin? As in si Att. Nivera? Yung pinsan ni Ace?
Paano?” Sunod sunod nitong tanong na halata sa mukha na di ito makapaniwala.
“Katulad din sya ni Ace.” Walang gana kong sagot sa mga
tanong nya.
Nanlaki ang mga mata nito. Halatang na bigla ito sa
nalaman.
“What do you mean?”
“Lalaki rin ang trip nya.” Sagot ko rito sabay bigay nang
ngising nakakagago.
“Wag mong sabihing kayo na?” Nag aalalang tanong nito sa
akin.
“Hindi noh! Gago ka ba? Si Ace lang ang tanging lalaki na
nakakapag patibok nang puso ko.” Nabigla ako sa ginawa kong pagamin. Siguro
dala nang kalasingan nakalimutan ko nang itago ang damdamin ko.
“Di umamin ka rin.” Sabi nito sabay tawa.
Binigyan ko sya nang nagtatakang tingin.
“Matagal na naming napapansin ng baby ko na sobrang dikit
ka kay Ace nung mga panahon na nagaway sila ni Rome. Hindi naman namin masisisi
si Rome kung bakit pinagselosan ka nya dahil halata sa mga mata mo na malakas
ang tama mo kay Ace.” Ngingiti ngiti nitong sabi.
Para akong na statwa sa kinauupuan ko nang malaman na
alam na pala nilang lahat ang lihim kong damdamin para kay Ace. Hindi ko alam
ang magiging reaksyon ko, kung dapat ba akong matuwa dahil may nakakaintindi
rin pala sa nararamdaman ko o dapat ba akong mainis dahil itinago nila iyon sa
akin.
“Pare, ito lang masasabi ko sayo. Mga kaibigan mo kami
kahit lalaki paman ang mahalin mo tatangapin namin yon dahil ang mahalaga sa
amin ay ang kaligayahan mo. Katulad nalang nang pagtanggap namin sa namamagitan
kay Rome at Ace.” Malumanay nitong sabi sa akin.
Napayoko ako. Nahiya ako dahil hindi ko sila
pinagkatiwalaan. Ang galing galing ko pa namang mag payo kay Ace na tanggap
namin kung ano ang meron sya eh ako rin pala kailangang tangapin sa sarili ko
na iba na ako ngayon. Iniba na ako nang pagmamahal ko para kay Ace.
“Bilib nga ako sayo eh. Nagawa mong magparaya pero alam
ko rin na masakit iyon para sa iyo kaya nga hindi muna ako nagkomento kahit
nahahalata ko na. Gusto ko munang makita kung hanggang saan ka dadalhin nang
nararamdaman mo kay Ace. Akala ko nung una talagang gusto mo lang syang
tulungan.” Lumagok muna ito nang iniinum nya bago nagpatuloy.
“Alam kong masakit pare, pero tama na. Masyado kanang
nasasaktan sa pagmamahal mo kay Ace ayaw ko mang mangaling ito sa akin, pero
alam nating lahat kung sino ang tinitibok nang puso ni Ace at yon ay hindi ikaw
ang isipin mo nalang masaya na si Ace sa piling ni Rome makontento ka nalang sa
kung ano ang meron kayo.”
Nasaktan ako sa deretsahang pagsabi sa akin ni Carlo.
Pero tama sya masyado nang masakit at hindi ko na kaya ang nararamdaman ko
siguro panahon na rin para simulan ko nang kalimutan nang tuluyan si Ace at
ipaubaya na ito kay Rome. Nanatili lang akong tahimik at nakayoko. Ayaw kong
ipakita sa bestfriend ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
“Kunin mo mga gamit mo kay Dorwin. Don kanalang muna sa
amin tumira tol.” Sabi nito sa akin.
“Hindi na tol salamat nalang. Okey na ako sa puder ni
Dorwin.” Sabi ko dito na nakayuko pa rin.
“Tol, sabi mo nga di ba katulad ni Ace yung pinsan nya
para na rin makaiwas ka sa tukso.” Pagpupumilit nito.
“Huli na tol, may nangyari na sa amin. Ibenenta ko na
kaluluwa ko sa kanya kapalit nang pansamantalang pagtira ko sa bahay nya.”
Pagamin ko pa rito sabay bigay nang pilit na ngiti.
Kita ko sa mukha ni Carlo ang pagkabigla at awa para sa
akin. Magsasalita na sana ito nang biglang may magsalita sa likod namin.
“So, kaya pala di mo ako magustohan dahil lalaki rin pala
ang gusto mo. Dapat sinabi mo sa akin para nag join force tayo.” Ang biglang
wika ni Angela.
Halos magkasabay kaming napalingon ni Carlo sa gawi nya.
Si Carlo na halata pa rin ang pagkabigla habang ako naman ay hindi mawari kong
anu ang isasagot sa kanya.
“Halos lahat ata nang poging lalaki ay lalaki na rin ang
hanap. Mukhang dapat na akong magmadali or else mauubusan ako.” Sabay tawa nito
nang nakakagago.
Pareho kaming hindi nakapagsalita ni Carlo.
“Ano? Tutunganga nalang kayo dyan? Yesterday! Na rinig ko
lahat nang pinaguusapan nyo about how Red loved Ace eversince the world begun
at si papa Dorwin na katulad rin pala ni Ace.” Maarteng wika nito na sinabayan
pa nang pagkampay kampay nang kamay nya. Halata sa guestures ni Angela na
tinamaan na sya.
Lumapit ito sa akin at agad na umakbay.
“So, tulad ni Rome lalaki rin ang trip mo? Kainis ka
naman! Pero keri lang yon matagal ko nang isinuko ang nararamdaman ko sayo.”
Sabay agaw nito nang hawak kong bote at inubos ang natitirang laman. “Mabuti pa
si papa Dorwin na tikman kana ako kaya kelan kaya ako madidiligan nang kasing
pogi mo?”
Nagkatinginan kami ni Carlo at sabay na humagalpak nang
tawa. Sa totoo lang maganda si Angela, kutis palang ulam na ika nga nila, pero
hindi ko talaga sya type kahit nung high school palang kami. Sobra kasing
daldal nang babaeng to na daig pa ata ang armalite. Pero sa lahat nang mga
babae si Angela ang pinaka the best kasi sobrang thoughtful at maalalahanin.
“Mga walang hiya kayo. Sige, pagtawanan nyo lang ako. Pag
ako nakahanap nang fafa makikita nyo!” Pagmamaktol nito habang hinahampas
hampas ang braso ko.
“Try mo kasing manahimik minsan kahit isang araw lang.”
Biro ko sa kanya.
“Ah ganun? Try ko kayang sabihin kay Ace na pinatos mo
pati pinsan nya?” Inis nitong sabi sa akin.
“Patay tayo dyan.” Sabi ko sabay hagalpak nang tawa. Alam
kong hindi gagawin ni Angela yon. Mahal ako nang babaeng to.”
“Tse! Don na daw tayo sa labas. Naubusan na kami nang
itatanong kay papa dorwin.” Sabi nito.
Akmang tatalikod na sana sya sa amin para bumalik na sa
labas nang tawagin ko sya. Napalingon naman ito.
“Salamat ha.” Sabay bigay nang isang matamis na ngiti.
“Basta ba ibalik mo lang ang pagiging masayahin mo walang
kaso.” Sabay talikod nito sa amin.
Nagkatinginan kami ni Carlo na parehong may mga ngiti sa
aming labi.
“Salamat din tol.” Sinsero kong sabi.
“No worries!” At binigyan ako nito nang nakakagagong
ngiti. “Make sure to fix everything before its too late pare.” At tumayo na ito
at susunod na sana kay Angela nang bigla ko itong tawagin.
“Hoy! San ka pupunta? Di mo ba ako pipiliting don sa inyo
tumuloy?”
“Don kanalang muna kay Dorwin. Mas matutulungan ka nya sa
problema mo.” At tuluyan na nga nya akong iniwan na nagtataka sa huling sinabi
nya.
Ano kaya ibig sabihin nang loko lokong yon? Ang di ko
mapigilang tanong sa aking isip.
Isinang tabi ko nalang muna ang sinabi nito at sumunod na
sa labas. Tawanan at tuksuhan ang ginagawa nila. Tinutukso nila si Mina at Chad
sa sobrang ka-sweetan nito. Si Tonet naman ay nag thumbs up sa akin pagkabalik
ko sa umupukan ngiti ang isinagot ko rito sabay kindat.
Alas tres na nang madaling araw. Usapang kalokohan ang
sumunod na mga nangyari hangang sa isa-isang kaming tinamaan ng alak. Si Carlo
at Tonet ay panay na ang harutan habang si Dorwin, Mina at Chad naman ay
masayang pinanunuod ang dalawa. Si Angela naman ay nakaidlip na sa kanyang
kinauupuan sa sobrang kalasingan.
“Knock down na ang babaeng machine gun ang bunganga.”
Biro ko sa kanila sabay turo kay Angela na ikinatawa naming lahat pati si
Dorwin ay humagalpak sa tawa.
“Ikaw na ang susunod. Halata na sa mga mata mong singkit
na malapit kanang pumunta sa dreamland.” Tatawa-tawang sabi ni Tonet.
“Dorwin family day nyo pa mamaya, go na kayo ni Red, kami
na ang bahala sa bar at kay Ange.” Wika naman ni Mina.
Napa “huh!?” ako sa sinabi ni Mina.
“Etchusero. Kanina pa namin alam na pinalayas ka nang
magaling mong step father. Don kanalang muna makituloy kay Dorwin since na
nasabi nya sa amin na may sarili syang bahay. Kinausap na namin sya wala daw
problema sa kanya.” Sabat ni Tonet. “Bukas na natin pagusapan ang magandang
solusyon dyan sa problema mo.” Dagdag pang wika nito.
“Dorwin pakainin mo muna yan, ah. Hindi pa naghahapunan
yan.” Wika naman ni Mina.
Napalingon nalang ako kay Dorwin at binigyan sya nang
matipid na ngiti.
“Sige na tol, lumayas na kayo kita kits nalang tayo
bukas.” Sabat pa ni Carlo habang nakangising aso sa akin.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment