Monday, December 17, 2012

Afterall (18)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Halata ang kaba sa mga mata ni Amber ng makita ang buong barkada na nakatayo sa harap namin. Para itong nawalan ng dugo literal na nagcrack ang lipstick nitong pulang pula siguro sa sobrang kaba.


“Kahit kailan talaga wala kang magawang maganda.” Ang wika ko sa kanya bago ako pumunta sa panig ng mga kabigan ko.


Kita ko na nagtitimpi si Rome na masapak o mapagbuhatan ng kamay si Amber. Nakakuyom ang mga kamao nito at dinig ko ang mga ngipin nitong nanggigigil.


“Hindi ka lang pala talaga maharot, mukhang pera ka pa!” Malakas na sabi ni Rome. Agad itong hinawakan ni Carlo at Chad sa magkabilang braso.



Bakas ang takot sa mga mata ni Amber. Siguro nasa isip nito ngayon na wala na syang lusot at hindi na sya makakapagsinungaling pa kaya naman nagpalinga-linga ito at aktong tatakas na nang biglang pigilan ito ni Mina sa pamamagitan ng pag hablot sa mahaba nitong buhok.


“Tatakas ka pang malandi ka, ah.” Gamit ang boses nitong nanggigigil.


Nakaramdam ako nang kaba at excitement sa mga mangyayari. Lalapit na sana ang gwardya nang Coffee shop ng pigilan ito ni Tonet.


“Wag kang makikialam dito manong guard kung ayaw mong masali.” Nagbabantang wika ni Tonet rito. “It’s a girl fight so don’t dare interfere.”


Naalarma naman ang mga tao sa loob ng coffee shop na iyon. Ang ilan ay napanganga sa ginawang paghablot ni Mina kay Amber habang ang ilan naman ay napatayo sa kani kanilang lamesa at nakiusyoso.


“A gold digger bitch like you should really have to learn some lesson in the HARD WAY!” Ang malakas na sabi ni Mina at binigyan si Amber nang nakakabinging sampal sa kaliwang mukha. Napasigaw ito sa sakit at akmang gaganti nang sampal pero maagap na napigilan ni Angela at sinabunutan ito.


“Mga walang hiya kayo! Di kayo marunong lumaban ng patas! Mga probinsyana!!” Nagwawala nitong sabi habang lumalaban ng sabunutan at sampalan sa dalawa.


“Awatin nyo sila!” Ang narinig kong sabi nang isang costumer.


Na i-lock ni Mina ang isang kamay nito sa likod habang ang isang kamay ay nakasabunot parin sa buhok ni Amber.


“For everyone’s sake. Baka akala nyo inaapi namin ang babaeng ito nagkakamali kayo!” Pagsigaw na sabi ni Mina sa mga nanunuod. “This girl is a total bitch!” Ibinaling pa nito sa kaliwa’t kanan ang mukha ni Amber para makita nito ang mga nunuod.


“Nagpanggap itong nabuntis ng kaibigan namin at pinagkaperahan nya!” Gusto talagang ipahiya ni Mina si Amber sa mga tao.  “And worst ay sinira nya ang relasyon ng kaibigan namin!” Nanggagalaiting dagdag wika ni Angela at muli itong sinabunutan. Hindi makalaban si Amber dahil sa naka lock ang mga kamay nito wala itong magawa kung hindi ang magsisigaw ng tulong.


Nakita kong nagbulungan ang mga tao. Yung iba naman ay napasabi na “Ay bagay lang pala sa kanya yan.”


“Walang hiya kayo! I-dedemanda ko kayong mga hayop kayo!” Umiiyak nitong sabi.


“Di mag demanda ka!” Sabay pinihit ito ni Mina paharap sa kanya at itinulak nang pagkalakas lakas na dahilan ng pagkatumba nito. Halos kita na ang bra nito dahil sa napihit pababa ang suot nitong floral dress kaninag mag-rambulan sila nina Mina at Angela. Agad na pumatong si Mina rito.


“Ito para kay Rome!” Isang malakas na sampal ang sunod na ginawa nito. “At ito naman para kay Ace!” At muli pinaulanan ito ng magkasunod na sampal.


Tumayo ito. Akala ko tapos na, pero nagkamali ako.


“At ito naman para sa hindi mo pagpapatulog sa amin sa kakaplano kung pano ka namin mahuhuli!” Sabi nito sabay bigay ng isang malakas na tadyak sa tagiliran ni Amber na dahilan para mapaungol ito sa  sakit na tinamo.


“Baka akala mo hanggang dito lang yan. You messed with the wrong group bitch, ihanda mo ang sarili mo dahil magsasampa kami nang kaso sa pamba-blackmail mo kay Rome. We still have the record from the bank at mga text messages mo kay Rome.”


Napanganga lahat ng mga tao sa ginawa ni Mina. Yung iba ay lihim na natuwa may mangilan ngilan na naawa para sa sinapit ni Amber pero dapat lang daw yon sa kanya.


“Ngayon manong guard pwedi na kayong tumawag ng pulis at ipadampot nyo na ang basurang yan.” Ang wika ni Tonet.


Nang makalapit si Mina kay Rome ay ngumiti ito nang nakakagago at inilagay ang buhok sa ayos.


“Hon, yung bag ko?” Tulalang ibinigay ni Chad ang bag nito, hindi siguro makapaniwala sa ipinamalas ng kasintahan nya pagdating sa rambulan.


“Now Rome, okey na ang lahat si Ace nalang ang problema.” Sabi nito na tinatapik tapik pa ang balikat nito.


Pagkabigla at paghanga ang ibinalik na tingin ni Rome kay Mina. Halos kaming lahat ay nabigla sa pagka-amasona nito. Nakangising nakakagago naman si Angela at Tonet habang kaming mga lalaki ay bakas sa mukha ang takot rito. Kakaibang Mina ang nakita namin kanina habang nakikipag rambolan ito kay Amber, parang may sanib lang.


“Pre, kung ako sayo wag kang gagawa nang kalokohan paniguradong tigok ka.” Nagbibirong bulong ni Carlo kay Chad.


“Tara na guys, kailangan ko pang mag pamanicure ulit bago pumunta sa presinto mukhang nasira yung nails ko.” Maarte nitong sabi sabay talikod at tinungo ang kotse.


Nagtawanan ang mga nakarinig pati kami ay natawa habang si Amber ay tinutulungan ng gwardya na tumayo. Iyak parin ito nang iyak nagpapaawa sa mga tao pero walang itong nakuhang tugon dahil nang makatalikod si Mina ay isa isa na itong umalis at bumalik sa kaninang ginagawa nila na parang wala lang nangyari hindi manlang ito binigyan ng pansin o kinumusta manlang kung may nabali bang buto rito.


Ipinatawag nga kami sa presinto nandoon ang Tita ni Amber na kumukupkop rito. Nung una ay galit na galit ito kay Mina talak ng talak, pero hindi nagpatalo si Mina. Nang malaman ang ginawa nang kanyang pamangkin kay Rome ay nakaramdam ito nang hiya at pinagsasampal pa si Amber sa perwisyong idinulot nito. Nalaman din namin na ipinatapon pala si Amber ng mga magulang nya dahil sa mga katarantaduhang ginawa nito sa Manila kaya pala dina ito nabalik doon.


Hindi rin nag tagal ay dumating ang mga magulang ni Rome. Bakas sa mga mukha nito ang pagaalala, hindi pala nila inakala na ganun kalaki ang problema nang anak nila iniisip kasi nilang may simpleng tampuhan lang ito at si Ace.


Naayos ang problema sa pakiusap narin ng Tita ni Amber na wag na itong kasuhan at nangako itong babayaran ang halagang naibigay ni Rome dito pati na rin ang perwisyong naidulot ng kanyang pamangkin. Hindi makatingin si Amber ng deretso sa amin sa sobrang hiya at pasa sa mukha.


“Ang galing mo talaga besh! Panalong panalo ang ginawa mo!” Nagtititiling sambit ni Angela.


Nasa bahay kami ngayon at nagcecelebrate dahil sa wakas natapos na rin ang problema ni Rome kay Amber.


“Naman! Sanay ako sa mga ganyan, sayang pagkablack belter ko!” Proud nitong sabi na sinabayan pa nang tawang pangkontrabida lang.


“Hon, next time naman kong may plano kang makipagaway pwedi sa hindi mataong lugar?” Nagaalalang sabi ni Chad.


“Hay naku hon, okey na rin yon minsan lang naman, exposure narin yon paniguradong marami akong friend request sa fb bukas at tagged pictures.” At humalakhak nanaman ito.


“Hoy Rome, bakit sambakol nanaman ang hitchura mo?” Pagpansin nito kay Rome kahit puno pa ang bibig ng pizza.


Nag buntong hininga muna ito bago sumagot.


“Tinatawagan ko si Ace pero ayaw paring sumagot. Ito na ang pinakamatagal naming away sa nagdaang mga buwan.” Malungkot nitong sabi.


“Relax tol, kausap na ni Dorwin yon ngayon malay mo kasama na nun si Ace paguwi nya.” Nakangisi kong sabi.


Bigla namang nagliwanag ang mukha nito mabilisan itong tumayo at tinungo ang pintuan.


“San ka pupunta?” Magkasabay na Tanong ni Carlo at Tonet.


“Bibili nang peace offering!” Magiliw nitong sagot.


“Wala ka namang dalang sasakyan, ah!” Pam basag naman ni Chad.


Napakamot naman ang hunghang sa kanyang ulo.


“Ito oh, sabay hagis ng susi nito kay Rome. Galingan mo pagpili tol, alam mo namang choosy ang syota mo.” Tatawa-tawang sabi ni Chad na sinangayunan naming lahat.


Mga ilang oras din ang itinigal at nakabalik na si Rome sa amin. May dala itong human size na teddy bear mula sa blue magic. Wala itong kaalam alam na nagtatago na si Ace sa kwarto namin ni Dorwin. Naikwento na namin kay Ace ang mga nangyari nakatulong ng malaki ang ginawang pakikipagusap ni Dorwin at ng mga magulang ni Rome para mabuksan ang isip nito.


“Lang ya! Mas malaki pa ata yan kay Ace, ah!” Buska ni Angela.


“Inggit kalang! Syempre para sa wifey ko to kaya dapat malaki!” Nakangisi nitong tugon at inilapag sa center table ang malaking teddy bear na kulay puti.


“Ginawa mo namang babae si Ace. Pustahan tayo di magugustuhan ni Ace yan.” Dagdag pangaalaska naman ni Tonet.


“Akala nyo lang yon.” Pambabaliwala nito sa pangiinis ng dalawa.


Sakto namang pababa na si Dorwin galing sa kwarto para itago si Ace. Ideya iyon ni Tonet ang surpresahin si Rome.


“Kuya asan si Ace?” Bumalik ang lungkot nito na lihim kong ikinatawa.


“Ewan, Hanapin mo.” Maangmaangan nitong tugon.


“Akala ko kasama mo sya.” Malungkot nitong sabi.


“Kaya nga pinapahanap sayo, eh!” Sabay sabay naming sabi na sinamahan pa nang paghalakhak ni Carlo.


Napatingin ito kay Dorwin na may pagtataka. Ibinaling naman ni Dorwin ang kanyang tingin sa kwarto agad itong nakuha ni Rome at mabilis pa sa hangin na pinulot ang teddy bear na binili nya at mabilisang tinungo ang kwarto namin.


“Hoy! Wag kayong gagawa nang kahalayan kapapalit ko lang ng bed sheet!” Ang natatawa kong singhal rito.


“So tuloy ba tayo sa session mamaya?” Tanong ni Carlo sa amin.


“Aba dapat lang!” Magkakasabay na tugon ng mga babae.


“Kayo nalang muna tol, may birthday kaming pupuntahan ni Dorwin, eh.” Wika ko sa kanila.


“Okey lang naman kong hindi ka sumama.” Sambit ni Dorwin.


Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko na may pamimilit sa mga mata nila.


“Nangako ako sayo na sasamahan kita.” Tugon ko kay Dorwin.  “Susunod nalang kami pag napaaga kami ng uwi.” Sabi ko naman sa mga kaibigan ko.


Halata sa kanila ang disappointment pero gusto ko talagang samahan si Dorwin. Malaki laki na kasi ang utang ko rito nung mga araw na nagkaproblema sina Rome at Ace. Ramdam ko na kahit hindi ito nag rereact o nagsasalita ay may tampo na ito sa akin.


“YES!!” Ang malakas na sigaw ni Rome na ngayon ay magkahawak kamay na ni Ace pababa nang hagdanan.


____________________


Kinagabihan ay nagpunta na nga kami sa birthday ni Brian. Hindi ako tinantanan ng mga kaibigan ko lalo na si Ace pinipilit nila akong humabol. Naiintindihan ko naman sila dahil sa mga nagdaang sabado hindi kami ma kompleto kung hindi si Rome ang absent ay si Ace naman.


Hindi naman boring kainuman at kabangkaan ang mga kaibigan ni Dorwin kaso naaasiwa parin talaga ako kay Niel kakaiba kasi ang mga tingin nito sa akin parang may halo nang pagkainggit kahit maganda naman ang girlfriend nito. Sa minsan naming inuman na hindi nito kasama ang girlfriend nya ay sinubukan nitong kausapin si Dorwin pero hindi sya binigyan ng pagkakataon.


Katulad ng mga kaibigan ko makukulit at ma kwela rin ang mga kaibigan ni Dorwin. Yung iba ay may mga trabaho na habang yung iba naman ay may sarili nang negosyo. A perfect circle of friends, yon ang unang nasabi ko sa aking sarili nung makita ko silang buo. Lahat successful at hindi uso sa mga ito ang magyabang very down to earth kung baga.


“Mga pare buti naman at nakapunta kayo.” Ang bati ni Brian sa amin.


“Happy birthday pare tumatanda kana.” Biro kong bati rito.


“Hindi pa naman, ako nga ang pinaka bata sa aming lahat eh.” Tatawa-tawa nitong sabi. “Tara na sa loob sa wakas kompleto ang barkada. Puro kasi drawing itong si Dorwin ayaw magpakita porket may ibinahay na.” Dagdag biro pa nito.


“Sira! Busy lang talaga ako.” Tugon naman nito.


Kung baga sa amin si Brian ang Angela. Palabiro ito at makwento hindi ka mabobored na ka inuman ang isang to. Sabi ni Dorwin si Brian ang huling taong pumasok sa grupo nila nung college at simula nung masali ito sa kanila naging masaya na raw ang barkadahan hindi na puro seryoso.


Pumasok kami sa loob nang bahay. Sobrang lakas ng sound, house party kung house party kasi wala ang parents ni Brian nasa ibang bansa at doon nag tratrabaho. May isa itong kapatid na babae pero nakapag asawa na at may sarili nang bahay kaya mga katulong lang ang kasama nito.


“The late comers! Tagayan na yan!” Bungad sa amin ni Vincent. Isa rin itong kabarkada ni Dorwin na isa ring Engineer. Nakilala ni Dorwin ang mga ito nung nagaaral pa sya nang political science bago mag proceed ng law.


“Akala namin di na kayo darating Dorbs.” Sabi ni Alexa girlfriend ni Chuckie.


“Been busy for the past days kaya di ako makapunta sa inuman.” Nakangiting tugon nito.


“Ayon naman pala, busy sa lovelife kayo naman intindihin nyo tigang, eh.” Sabat naman ni Chuckie na tinawanan lang namin.


“Pareng Red, wala kang excuse ngayon, magiinuman tayo hanggang bukas nang gabi.” Nakangising wika ni Brian.


“Oo nga lagi nalang kayong tumatakas na dalawa.” Si Pauline ang fiancĂ© ni Niel.


Ngiti lang ang isinagot ko sa mga ito. Ayaw kong lumabas na feeling close sa kanila lalo’t nakatingin nanaman sa akin si Niel.


“Di nyo ba kami papakainin muna?” Reklamo ni Dorwin sa mga ito.


“Teka lang samahan ko muna silang kumuha nang pagkain.” At iginaya na nga kami ni Brian sa buffet table para kumuha nang pagkain. Nang matapos ay bumalik din kami sa umpukan.


Usapan tungkol sa mga trabaho nila ang sumunod na nangyari. Ngingiti ngiti lang akong nakikinig sa mga ito at paminsan minsan sumasabay sa mga tanong para hindi naman sabihin na hindi ako nageenjoy o others ako.


“Red, I was at your bar last, last week with my friends and I met four of your friends. I think if I remember it correctly their names were Antonet, Mina, Carlo and Chad?” Ang biglang  sabi ni Alexa. “It was my 1st time na pumunta doon and the girl Antonet, she was so nice when I told her na I know you and Dorwin binigyan kami ng discount.” Magiliw nitong pagkukwento.


“Mabait talaga yung mga yon.” Pagsangayon ko sa kanya na sinamahan ko pa nang ngiti nakakaproud kasing malaman na naging mabuti ang trato nila sa kaibigan ni Dorwin.


“Na kwento rin nya sa akin na Dorwin’s cousin is one of the owners” Pagpapatuloy nito sa pakikipagusap sa akin.


“Si Ace. Yeah isa sya sa amin.” Nakangiti kong tugon.


“Guys we really have to check the place out sobrang galing ng band na nagpeperform doon and ang babait ng mga kaibigan ni Red.” Nabigla naman ako sa pagaadvertise nito. Iba kasi ang hilig nang mga barkada ni Dorwin mas gusto nila ang maiingay na lugar like disco bars.


“Sure! Next week ano guys game?” Pagsangayon naman ni Chuckie sa nobya nito.


“Game!” Sabay sabay nilang sabi. “Kelan ba ang acoustic night nyo Red?” Dagdag pang tanong ni Vincent.


“Friday and Saturday.” Matipid kong sagot dala nang hiya ewan ko ba siguro natatakot ako laki kasi nang expectations nila pagdating sa mga gimikan.


“Wag kang magalala magugustohan nila doon.” Bulong sa akin ni DOrwin maharil napansin nito ang pagiging uneasy ko tango ang isinagot ko rito sabay bigay ng pilit na ngiti.


“Great! Sa Saturday nalang tayo pumunta doon.” Wika ni Alexa na sinangyunan naman ng lahat.


Habang lumalalim ang gabi at medyo may mga tama na ay nagiging seryoso na ang usapan. Mga problema sa trabaho hangang sa dumating sa lovelife ang topic. Hindi ako nakaiwas sa mga panguusisa nila tungkol sa amin ni Dorwin.


“Kayo Red, kumusta naman kayo ni Dorbs?” Tanong sa akin ni Brian.


Hindi pa man ako nakakasagot ay biglang nag salita si Niel.


“CR lang ako.” Pagpapaalam nito sa malamig na tono.


“Ano problema nun?” Wika ni Chuckie nang makaalis ito.


Kibit balikat lang ang isinagot nang lahat. Maski ang girlfriend nito ay nagtaka sa biglaan nitong pagpapalit ng mood.


“Pasensya kana Red sa isang yon may sumpong baka pagod sa trabaho.” Pagpapaumanhin ng girlfriend nito.


Ngiti ang isinagot ko rito. Nagpatuloy ang usapan hanggang sa bumalik si Niel. Si Dorwin naman ang nagpaalam na gagamit ng CR at nang makaalis na ito ay biglang nagpaalam ulit si Niel na may nakalimutan ito. Hindi ko iyon pinansin dahil abala ako sa pakikipagusap kay Brian. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin nakakabalik si Dorwin kaya napagpasyahan ko itong sundan tutal naiihi na rin ako.


“Sabihin mo lang na mahal mo pa ako at hindi ko ipagpapatuloy ang kasal namin ni Pauline. Mahal pa rin kita Dorbs and it pains me seeing you with somebody else.” Ang narinig kong sabi ni Niel nang mapadaan ako sa study room nila Brian.


“Nahihibang kana ba? Malapit na ang kasal mo Niel, kalimutan na natin kung ano mang namagitan sa atin noon.” May diin na sabi ni Dorwin.


Nanatili lang akong nakasilip sa nakauwang na pintuan. Kita kong umiiyak na si Niel habang nakahawak sa magkabilang braso ni Dorwin.


“Wala akong pakialam! Ikaw ang mahal ko! Alam kong mahal mo pa rin ako Dorbs please give me one more chance this time ipaglalaban ko ang relasyon natin.” Nagsusumamo nitong sabi.


“Mahal ko si Red at mahal nya ako.” Ang tila nahihirapan nitong tugon.


“Mas mahal mo ako nararamdaman ko yon.” Sigurado nitong sabi.


Hindi nakasagot si Dorwin. Para akong sinasaksak sa pananahimik nito dahil ang buong akala ko tuluyan na nyang nakalimutan si Niel sa loob ng pitong buwan naming pagsasama. Nanatili akong nakikinig kahit alam kong masasaktan ako gusto kong marinig kong ano ang sasabihin ni Dorwin.


“Hindi na mahalaga yon. Natutunan ko na ring mahalin si Red at may Pauline kana.” Ang sabi nito at akmang tatalikod na pero maagap syang nahawakan ni Niel.


“Hihiwalayan ko si Pauline and I will do everything to win you back. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” At bigla nitong hinihalikan si Dorwin


Di ko na nakayanan ang nakikita ko kaya mabilisan kong tinungo ang CR. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong maisip na magiging reaksyon sa mga nasaksihan ko. Kung magagalit ba ako kay Dorwin o ano.


Nakaramdam ako nang panghihinayang at pagkasawi. Paano kung magkabalikan sila? Paano kung iwan ako ni Dorwin ano ang gagawin ko mapipigilan ko ba sya? Mga katanungan na pinilit kong hanapan ng sagot pero wala akong maisip. Idinaan ko nalang sa paghihilamos umaasang makakatulong itong maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.


Nagpasya akong bumalik sa umpukan at isantabi ang mga bumabagabang sa akin. Hindi ko ipapaalam kay Dorwin ang mga narinig ko. Napagdesisyunan kong hindi ako basta basta nalang susuko gagawin ko ang hindi ko nagawa noon kay Ace, lalaban ako.


“San ka galing?” Tanong ni Dorwin sa akin ng makabalik ako sa umpukan.


“Nag CR, kaso nawala ako eh kaya natagalan.” Nakangiti kong sagot rito.


Kita kong titig na titig sa amin ni Niel sinadya ko na talagang hayagang maglambing sa harap nila. Nariyan ang bubulungan ko si Dorwin na mahal ko sya at di ko kayang mawala sya sa akin, ang pag-gap ng mga kamay nito at ipatong sa hita ko. Lahat ng pwedi kong magawa para lang maiparamdam rito kung gaano sya kahalaga sa akin.


Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Hindi kasi ito sanay na naglalambing ako sa kanya sa harap ng mga kaibigan nya at sa mga kaibigan ko pag nasa labas kasi kami para lang kaming magkaibigan kung magturingan. Nakakapaglambing lang ako sa kanya kung nasa bahay kami o kung kaming dalawa lang.


“Paano pare, kita kits nalang tayo sa Sabado?” Ang wika ni Brian, nasa labas na kami para umuwi.


“Sige pare, aasahan ko kayo sa sabado.” Nakangiti kong tugon rito.


Gusto pa ni Dorwin na dumaan kami sa bar pero sabi ko sa kanya na dumeritso nalang kami nang uwi. Binigyan ko ito nang pilyong ngiti na nakuha naman agad nito dahilan para matawa ito at sumangyon narin.


Kung kailangang araw-araw at gabi-gabi kong iparamdam sayo na mahal kita gagawin ko makuha ko lang ng buo ang puso mo. Ang sabi ko sa aking isip habang nagmamaneho at tinatahak ang daan pauwi sabay pagtulo nang luha sa mata ko.









Itutuloy:

No comments:

Post a Comment