Monday, December 17, 2012

Afterall (21)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Kasalukuyan kong binabaybay ang daan patungo sa lugar kung saan kami unang pinagtagpo ni Red, ang lugar kung saan aksidenteng pinagtagpo ang aming mga puso, ang aming tadhana.



Red, asan ka na? Sabi nang isip ko habang hawak ko pa rin ang manibela.



Hindi naglipas sandali ay nasa tapat na ako nang bar nila. Ipi-nark ko ang kotse sa lugar na hindi madaling mapapansin o makikita nang kahit na sino sa mga kaibigan niya.



Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang bumaba. Habang papalapit ay ibayong kaba ang nararamdaman ko. Sana andito ka Red. Sana makausap na kita.




“Attorney!” Sigaw ni Mina sa akin na siya ngayong tumatao sa bar.



Hindi ko siya masyadong pinagtuunan ng pansin dahil abala ang mga mata ko sa paghagod sa mga taong laman ng mga nagpapatayang ilaw. Hindi ko siya mahagilap. Nadismaya ako.



“Attorney!” Sabi ulit ni Mina na ngayo’y nakalapit na at natapik pa sa braso ko.



Ngumiti lang ako rito saka diretso na tumungo sa bar counter para um-order ng maiinom.



“Attorney!” For the third time, tinawag ni Mina ang atensyon ko.



Natawa na lang akong bigla.


“Gee, attorney! May sakit ka ba?” Sabay salat sa noo ko. Nagtataka ito marahil sa inaasta ko.



“Pansin ko lang kasi na kanina mo pa ako tinatawag and hindi man lang kita masagot-sagot ng maayos. My apologies.” Pagpaumanhin ko rito.



“Naku attorney, walang kaso sakin iyon. Naiintindihan kita.” Sagot nito.



Natahimik ako saglit. Patuloy pa ring nagmamasid ang mga mata ko baka sakaling mahagip ko ni anino man lang ng taong hinahanap ko.



“Wala siya rito attorney.” Sabat ni Mina.



Napabuntung-hininga ako. Mina’s maybe right pero iba ang sinasabi nang pakiramdam ko. I know Red is somewhere here. Nagtatago lang. Dahil sa naisip ay lalo akong napabuntung-hininga.



“If you happen to know Red’s whereabouts, kindly give me a ding.” Coz I miss him so much. Sabi ko kay Mina.



Pinilit kong hindi mapaluha dahil ayokong makita ni Mina na mahina ako.



“Sure attorney.” Sagot nito na may kalakip na ngiti.




Inubos ko ang natitira kong inumin. Wala na akong pakialam kung gaano man kapait ang ginawa ko dahil mas mapait ang katotohanang pinagtataguan ako ni Red.



Nagbayad na ako at tuluyang umalis ng bar. Dumiretso ako sa sasakyan ko at binalak ng umuwi ngunit may nagtutulak sa akin na magpalipas muna nang ilang saglit pa.



Maya-maya pa ay nakita ko si Mina na pasilip-silip sa may pintuan ng bar. Hindi ko maunawaan kung bakit ganun ang iginagawi niya. Nagsalita ito at naintindihan ko ang salitang namutawi sa kanya. ‘Wala na siya.’



Napaluha ako dahil tama ang hinala kong nanduduon nga si Red at pinagtataguan niya lang ako. Pinaandar ko ang makina nang sasakyan ko at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.



Wala akong ibang alam na puntahan sa mga oras na iyon. Ayokong pumunta kila Ace dahil nagsabi na ito sa akin na hindi ako nito matutulungan. Hindi ko rin malalapitan ang barkada dahil nahihiya pa rin ako sa kanila kahit alam nilang wala akong kasalanan sa naudlot na kasalan.



Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa damuhan at umiiyak.



“Ma, bakit ganun? Bakit lahat kayo iniiwan ako?” Para akong batang nagsusumbong.



“Lahat ng mga taong pinapahalagahan ko at minahal bigla na lang umalis. Ma, hindi ba pwedeng bumalik ka na para may kakampi ako?” Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. “Kung gusto mo, ipapaalam kita kay Papa Jesus para makasama kita?”




Hinaplos ko ang malamig na sementong nagtataglay ng mga alaala nang yumao kong ina. “O kaya naman ma, sunduin mo na ako para hindi na ako nakakaramdam ng ganito. Ma, nag-iisa na lang ako. Hindi ko pwedeng kunin si Dave dahil hindi papayag si daddy.Hindi ko na talaga kaya ma. Ang sakit-sakit sobra!”



“Alam mo ma, ang sama-sama ko. Nandyan na yung taong binigay sakin at magmamahal ng lubos pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. Ngayong wala na siya, doon ko lang na-realize na nawalan na naman ako. Bakit hindi na ako natuto? Ma, tulong naman oh. Tulungan mo naman akong pabalikin si Red.



Bigla akong binalutan ng malamig na hangin. Ramdam ko ang presensiya ni mama. Kahit papaano ay napagaan nuon ang nararamdaman kong bigat sa dibdib.



“Ma, salamat sa yakap mo. Sana minsan hindi na lang hangin ang makapiling ko, sana ikaw na mismo.” Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.



Nagpatuloy lang ako sa paglalabas ng sama nang loob sa lugar na iyon.



Ilang saglit pa ay napagpasyahan ko nang umuwi sa bahay. Kahit papaano ay nabawasan ang dalahin ko. Ilang metro na lang ang layo ko sa aking bahay ng bigla akong kabahan. Kabang madalas kong maramdaman kung may mangyayari bang hindi maganda.



Si Red.



Dinukot ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan siya. Nakailang ring na ako ngunit hindi pa rin niya sinasagot kaya naman nag-iwan na lang ako sa kanya nang mensahe.





Muli kong isinilid sa aking bulsa ang awditibo at muling itinuon ang atensiyon sa daanan. Wala pang ilang minuto at nasa bahay na ako. Dahil na rin siguro sa pre-occupied ako, hindi ko na napansin ang isang hindi inaasahang bisita na nakaupo sa sala.



Napakunot noo ako at ang pangungulila ko kay Red ay napalitan ng nag-uumapaw na  galit.



“What are you doing here.” Pambungad ko sa kanya.



“Just passing by. Nagpunta ako sa kaibigan ko na kalugar mo and I decided to visit you here.” Sabi niya.



“Cut the crap old man! Alam kong wala kang kaibigan na nakatira sa ganitong lugar. Lahat ng kaibigan mo ay sa exclusive subdivision nakatira!” Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses sa kanya.



“My apologies…”



“Ano bang ginagawa mo rito sa bahay ko?” Pagpuputol ko sa sasabihin niya.



Bumuntong-hininga muna ito bago muling nagsalita.



“Binibisita ko lang ang anak ko.”



“You must be in the wrong house. Wala kang anak na nakatira sa bahay na ito!”



“I can’t believe na you’ve managed your own life and put up all of these. I’m so proud of you.”



“You should be dahil ginawa ko ang lahat para someday makita mo mismo ang mga achievements ko. Sapat na siguro yang mga nakikita mo para maintindihan mong hindi kita kailangan.”



“Dorwin, anak. I’m sorry!” Napaluha ito.



Napatawa ako sa huling salitang sinabi niya. “Ikaw ba talaga yan? Never in my entire life na nakarinig ako nang ganyang salita galing sa’yo. You must be kidding me.” Pang-uuyaw ko sa kanya.



Bumuntong-hininga ulit ito.



“Alam ko kung anong nagawa ko sa iyo noon. Nagsisi na ako at patuloy ko iyong pinagbabayaran pero Dorwin believe me, ginawa ko lang kung ano yung nararapat.”



“Nararapat? Para kanino? Para sa sarili mo?”



“No, para sayo dahil…”



“Good evening sweetheart!”



Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kitang kita ko rito ang pagrehistro nang pagkagulat kasabay ng pamumutla nito.



“What are you doing here??? What’s he doing here Dorwin!!!” Biglang pagbabago naman ng tono nang boses ni daddy. It was the same tone na narinig ko years ago nung pinaghihiwalay niya kami ni Niel.



“He’s living with me.” Matigas kong tugon rito.



Kita ko na lang ang ginawang pagsugod niya kay Niel at binigyan ito nang suntok. Napatumba naman si Niel. Dali-dali akong lumapit rito para tulungan siya.



“Ang lakas ng loob mong bumalik dito at talagang kay Dorwin ka pa kumapit tarantado ka!!!” Nagpupuyos ito sa galit. “Bitawan mo siya!” Utos nito sakin.



“Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita. Wala kang karapatang utusan ako o pagbawalan kung sino ang pwede at hindi pwedeng tumuntong rito.” Pasigaw kong sagot sa kanya habang inaalalayan si Niel.



“Payag ako sa payag pero hindi sa taong yan! May God Dorwin, hindi ka na natuto! Ginagago ka lang niyang hayop na yan!”



“Shut up!!! Get out of my house!” Sabay duro sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng emosyon ko. Nagpatong-patong na lahat.



Wala itong nagawa kundi ang umalis. Kahit papaano ay nagbubunyi ang kalooban ko dahil finally nanalo ako sa kanya.



“My eyes are on you Niel! Don’t you dare do that again or else I’ll kill you!” Sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng bahay.



Malaki talaga ang galit nito kay Niel at nagawa niya itong pagbantaan. First time kong nakita ang pagluha nito maging ang pagbabanta nito. The other side of him na ngayon niya lang pinakita.



Teka, tama ba narinig ko kanina? Do that again? Ano bang ginawa niya dati? Nag-iwan iyon ng mga iba pang katanungan kung bakit ganun na lang ang galit niya kay Niel.



Tiningnan ko si Niel. Kita ko ang paghihirap nito gawa na rin ng suntok na natanggap nito. Inalalayan ko itong tumayo at inakyat para makapagpalit na rin at makapagpahinga.



Matapos ko siyang asikasuhin ay pinatulog ko na siya. Pinagmasdan ko ang maamo nitong mukha. Maya-maya pa ay naisipan ko na siyang tabihan. Pinilit kong matulog ngunit hindi ko magawa. May mga bagay pa akong dapat ayusin kaya naman muli akong nagbihis at umalis.



Lulan ng aking kotse ay binagtas ko ang daan patungo sa lugar na naging himlayan ng mga mapapait kong alaala.



“Dave, asan siya?” Tanong ko sa kambal ko na walang sawang naglalaro nang computer game.



“Nasa kuwarto, tulog. Bakit?”



“Kailangan ko nang mga kasagutan sa mga tanong ko.”



“Tungkol kay Niel?” Tanong nito pero ang atensyon ay nasa screen pa rin ng computer.



“May alam ka ba?” Balik-tanong ko sa kanya.



“Meron. Kakasabi niya lang kanina.”



“Tell me.”



“Ano ba munang nangyari at umuwi si papa na galit na galit?”



“Pumunta siya sa bahay. Nang nakita niya si Niel ay galit na galit ito. Pero hindi yun eh.”



“Ano?”



“Pinagbantaan niya si Niel at sinabihang don’t do that again. Ano bang nangyari noon?”



“Why don’t you ask dad?” Sabi nito.



“Dave, please! Nagmamakaawa ako sayo.”



“It’s improper for me to discuss that with you.”



“Dave, please? I needed an answer. Nahihirapan na ako.”



“Kung gusto mo, dito ka na lang matulog ngayon tapos bukas mo na lang siya kausapin.”



“I can’t. May pasok ako bukas.”



Kita ko na lang na kinuha ni Dave yung phone at may kinausap. Medyo may katagalan rin itong nakipag-usap sa telepono bago niya binaba.



“Nakausap ko na si Lor at sinabihan ko siyang i-cancel appointment mo bukas.”



Napanganga ako sa tinuran niya.



“What the!? Anong ginawa mo Dave!! Important client yun!”



“Sino ba mas importante? Client mo o yang mga katanungang nasa isip mo?” Tanong nito sa akin.



Hindi ako nakaimik. Hindi rin kasi ako makaka-focus bukas kung may gumugulo sa isip ko.


“Dorbs?”



“Bakit?”



“Pagluto mo naman ako oh. Gutom na kasi ako eh.” Paglalambing nito.



“Gago ka Dave! Hindi ako marunong magluto!”



“Please?”



Napatingin ako rito.



“Don’t look at me like that!” Sabi ko rito sabay iwas ng tingin sa kanya.



“Like this Dorbs?” At pilit talagang pinapakita sakin yung itsura niya.



“Okay fine! Tigilan mo lang yang ginagawa mo!”



Natawa naman si gago. Naisahan na naman niya ako run ah. Lagi na lang. Hindi ko talaga maiwasang hindi pagbigyan si gago pag naglalambing. Mahal na mahal ko itong si kambal kahit na magkahiwalay kami.




Tinalikdan ko kasi ang mga kagustuhan ni daddy kaya naman yung frustrations nito sa akin ay inako ni Dave. Gayunpaman, hindi iyon naging dahilan para magkaroon ng gap sa amin. Naging tagapagtanggol ko ito kay daddy. Napaka-suwerte ko pa rin pala dahil andyan si Dave para sakin.



“Anong niluluto mo dyan?” Sabay akap nito sa baywang ko.



“Omelet?”



“Talaga? Miss ko yang luto mo na yan. Wala kasi lasa yung omelet ni nanay eh.”



“Hala ka, sumbong kita kay nanay bukas!”



“Kaya mo ba akong isumbong kay nanay?” Nagpapaawa na naman siya.



“Tumigil ka nga! Dali na punta ka na sa hapag baka matalsikan ka.” Utos ko sa kanya.



“Ayaw, gusto ko dito lang ako yakap sayo.” Na-touch ako sa tinuran ni Dave. Sobrang na-miss ko mga ganitong paglalambing niya sa akin.



“Kaw bahala.”



At itinuloy ka na ang pagluluto ko.



“Dorbs?”



“Hmmm?”



“Pwede ka nang wag magpanggap na malakas at kaya mo pa. Pwede ka nang umiyak. Andito lang ako, hindi kita iiwan. Hindi rin kita tatawanan pag may uhog ka na.”



Natawa ako sa tinuran niya imbes na maluha.



“Tarantado ka talaga Dave kahit kailan.”



“Mahal mo naman.”



“Oo naman, mahal na mahal.”



“Sweet mo ngayon kambal ah.” Pang-aasar nito.



“Minsan lang ito kaya sulitin mo na.” Balik pang-aasar ko sa kanya.



Nagkulitan pa kami ni Dave habang kumakain. Parang bumalik kami sa pagkabata. Ganito kasi kami magkulitan. Tuwang-tuwa si mommy sa tuwing makikita niya kaming ganito.





Ang omelet dish ko ay umabot ng dalawang oras para maubos dahil na rin sa pangungulit ni Dave. Sobrang daming kalokohang alam, pero aaminin ko na sumaya ako sa desisyon kong umuwi sa bahay. Pansamantala kong nalimutan ang mga problema ko.



Dahil na rin sa ingay ni Dave ay nagising si daddy. Gulat ang rumehistro sa mukha nito nang makita niya ako sa pamamahay niya.



“D-dorwin?”



“Pa ano ka bulag? Malamang si Dorbs yan. Tsaka dad pwede ba, hindi pa yan patay nuh.”



“Dave!” Saway ni papa.



“Eh kasi naman kung maka-Dorwin ka wagas. Hay naku, maiwan ko na nga kayo diyan. Paalala lang, bawal ang sapakan dito huh?”



Natawa naman si papa sa tinuran ni Dave.



Nang makaalis na ito ay naging seryoso na ulit ang ambience. Humarap na ito sa akin na may mga matang nagtatanong kung bakit ako nasa bahay niya.



“Bakit ganun ang galit mo kay Niel?” Pambungad ko.



“Iyon ba dahilan ng pagpunta mo rito?”



“Just answer me! Bakit ka ganun kay Niel? Nung una pinaalis mo siya nang bansa tapos ngayon pinagbantaan mo pa? What’s wrong with you?



“There’s nothing wrong with me. Yang relasyon mo kay Niel ang mali, maling-mali.”



“Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?”



“I don’t care kung papaniwalaan mo itong sasabihin ko sa’yo o hindi pero matagal ko nang tinanggap kung ano ka. Bago pa man maging kayo niyang Niel na yan, nakitaan na kita nang palatandaan na magiging ganyan ka kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na gagabayan kita sa paraang alam ko.”



Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Tinitimbang ko kung may katotohanan ba ang mga pinagsasasabi niya.



“Nung nalaman ko na naging kayo ni Niel, hindi ako tumutol dahil sa doon ka masaya pero masisisi mo ba ako kung ginawa ko ang isang bagay na tanging ang isang ama lamang ang makakagawa?”



Hinihintay ko pa rin yung dahilan bakit niya kami pinaglayo ni Niel. Hindi ko binago ang aura ko.



“If you’re on my shoe, maaatim mo bang makita na yung taong pinakamamahal ng anak mo ay pumasok sa motel at may kasamang ibang lalaki?”



There it goes. Nanikip dibdib ko.



“Maiintindihan ko pa sana kung sa kalapit na hotel sila pumasok pero hindi. Anong gusto mong isipin ko sa pagpasok nila roon? Magdadasal? Magko-conference? Hindi ako pinanganak kahapon para hindi maisip kung ano ang pwede nilang gawin!”



Tumigil ito saglit.



“Kinumpronta ko ito. Right there and then, inutusan ko siyang layuan ka at umalis ng bansa. Napahiya ako nung tinanong siya nung kasama niya kung sino ako at sumagot ito nang hindi ko siya kilala. Alam mo ba kung gaanong kalaking insulto sa akin yun?”



“Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Alam mo bang mas pinahirapan mo ako sa ginawa mo?”



“Kung hindi ko iyon ginawa, patuloy ka lang niyang bibilugin. Hindi ko kayang makita ka na pinapaikot ng taong yun sa mga kamay niya. Mas mabuting ako na mismo ang kumilos. Yun lang ang nakita kong paraan para makabawi sa’yo.”



Patuloy lang kami sa pagpapalitan ng mga salita nang sa kung saan ay biglang sumulpot si Dave at may bitbit.



“Paps, Dorbs, look what I’ve found.”



Nasa likuran niya si Niel na may dala-dalang malaking bag. Bag na ginamit niya nung lumipat siya sa bahay ko.



“What’s this Dave?”



“Nagpahangin lang ako sa labas eh akalain ko bang dadalhin ako nang mga paa ko sa bahay mo at makitang nakabihis itong isang to at may dala pang malaking bag.” Dire-diretsong sabi nito. “Maglalayas ka ba?” Biglang turan niya kay Niel.



Hindi naman ito nakaimik marahil gawa nang sobrang hiya sa amin.



“Lagot ka Niel! By this time alam na ni Dorbs ginawa mo noon sa kanya! Lagot ka!” Pang-aasar ni Dave sa kanya.



“Dave, tama na yan. Umakyat ka na sa kuwarto mo at matulog ka na!”



“Pero papa, gusto kong makita yung laban eh. Yung ganito oh.” Sabay muwestra pa nito na nakikipagsuntukan.



“Dave!”



Tumigil ito sa ginagawa. Nakasimangot.



“Alright paps. Hoy ikaw, ito na ang huli mong pagtapak sa bahay namin pati na rin sa buhay ni Dorbs!” At ipinakita nito ang kamao nya na para bang nagbabanta.



Ilang minuto na rin ang nakakaraan ng umakyat na sa kani-kanilang kuwarto ang dalawa pero hindi pa rin makuha ni Niel na tumingin sa akin.



“Sige makinig at manuod ka lang dyan, makakatikim ka nang kutos sa akin gago ka!” At nakarinig na lang ako nang pagsara nang pintuan.



Hindi ko inaalis sa kanya ang tingin. Nakaramdam ito kaya naman napatingin din ito sa akin. Ang mga mata nito ay may kung anong sinasabi.



“Dorbs?”



Hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko lang siya na magsalita at umamin sa nagawa niya.



“I’m sorry!” Nakayuko pa rin ito.



“Sorry saan Niel?”



“Sa lahat-lahat ng ginawa kong mali sa iyo.”



“Anong bang maling ginawa mo sa akin Niel?”



Natahimik ito. Parang hindi alam kung ano ang sasabihin.



“Nagso-sorry ka bas a ginawa mong panggagago sakin nung tayo pa?”



“Hindi ko sinasadya Dorbs.”



“Wow, ayos yun ah. So ibig mong sabihin lahat ng pangangaliwa hindi sinasadya?”



Natahimik ito.



“Natatandaan ko yung lagi nating pinag-aawayan noon. Sa tuwing lumalabas ako kasama nang mga kaibigan ko galit na galit ka.”



Hindi pa rin siya naimik.



“Ang lakas ng loob mong pagbintangan akong may kinakalantaring iba pero heto ka na nagsabi nun ang siya mismong gumawa! You’re the perfect example of doers are thinkers!”



“I’m sorry Dorbs. Nagkamali ako noon inaamin ko kaya nga ako bumabawi na sa iyo eh.”



“Bumabawi? Saang part ka bumabawi sa akin?”



“Sa pakikipagbalikan ko sa iyo. Aayusin ko lahat ng pagkakamali ko.”



“Alam mo bang dahil sa ginawa mo nagalit sa akin ang buong barkada dahil ang akala nila pinilit kitang hiwalayan si Pauline para mapunta ka ulit sa akin?!” Napatahimik ako saglit. “Awwww, paano mo nga pala malalaman yun eh busy ka nga sa ‘PAGBAWI’ sa akin di ba?”



“Dorbs naman eh.” May pagsaway sa boses nito pero hindi ko pinansin.



“Teka, in the first place, bakit ka nagbalik?”



“D-dahil ikakasal na kami ni Pauline.” Usal nito.



“Bakit mo hiniwalayan si Pauline?”



“D-dahil di ko kayang lokohin si Pauline kasi mas mahal kita Dorbs.”



“Bakit mo ako mas mahal? Nagawa mo ngang magtaksil sa akin tapos ngayon sasabihin mong mas mahal mo ako kay Pauline?”



“Yun yung nararamdaman ko Dorbs! Maniwala ka naman sa akin.”



“Sige sabihin na nating naniniwala ako sa iyo pero anong guarantee ang panghahawakan ko na hindi ka na uulit sa ginawa mo sa akin at kay Paulyn?”



Natahimik ulit siya.




“Alam mo Niel, naging tapat ako sa iyo! Nagbago ako dahil sa iyo! Iniwasan ko ang mga dati kong gawi para sa iyo pero hindi ko alam na lahat pala nang sakripisyo kong iyon tinapon mo lang at sinira. Sayang lang pala lahat ng ginawa ko para sa iyo. Sana buo pa rin ako hanggang ngayon.”



Hindi na nito napigilan ang emosyon at napaiyak. Lumapit ito sa akin sabay kabig ng yakap. Hinayaan ko lang pero hindi ako gumanti.



“Saktan mo ako Dorbs kung yun lang yung paraan para mapatawad mo ako.”



“Mapatawad? Ibinibigay yan sa tamang panahon Niel. Sa ngayon wala akong ibang maramdaman sa’yo kundi galit at awa!”



Umiiyak ito sa dibdib ko.



“Tama ang narinig mo Niel. Awa. Naaawa ako sa iyo kasi isang kagaya ko ang ginago mo, ngayon magdusa ka. You’ll never find someone like me. Never ka nang makakakita nang Dorwin na ipagpapalit ang mundo niya para sa iyo.”



Patuloy lang ito sa pag-iyak at lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin.



“Alam mo bang dahil sa iyo binitiwan ko si Red? Dahil sa iyo nasaktan ko si Red! At dahil din sa iyo nasasaktan ako nang ganito. Sinisisi ko nga sarili ko kung bakit mas pinili kita kaysa kay Red. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Red pero alam mo yun Niel, naawa kasi talaga ako sa iyo eh kaya pinatulan kita.”





Napakalas siya sa akin dahil sa huli kong sinabi. Nasaktan ito dahil kita ko sa expression ng mukha nito ang resulta nang huli kong sinabi sa kanya.



“W-what do you mean Dorbs?”



“I don’t mean anything Niel, just being mean.” Sabay flash ng mapang-asar na ngiti.



“Heto ba ang paghihiganti mo sa ginawa ko sa iyo?”



“No, not really. Gusto ko lang talagang ubusin yung natitirang pagmamahal ko sa’yo kaya ako pumayag sa gusto mo para naman maibigay ko kay Red ng buo yung dapat sa kanya.”



Natameme ito at mukhang naguluhan. Sa ngayon unti-unti na akong nakakabawi.



“You’re not deaf Niel and stupid kaya alam kong naiintindihan mo ang sinabi ko. Hmmm, let’s just put it this way para hindi ka mahirapan. Pumayag ako sa gusto mo para tuluyan kong mabigyan ng justification kung talagang mahal pa ba kita o hindi na, an experiment for instance, at ang resulta nun ay ang katotohanang limot ka na nang puso ko. Alaala ka na lang.”



Kita ko sa mukha nito ang sobrang sakit. Nakakahabag siya kung tutuusin pero hindi ko magawang kaawaan siya. Dapat lang sa kanya iyon.



Lumayo na ito nang tuluyan sa akin at kinuha yung bag niya at nagdesisyong umalis na. Kasabay ng pagtalikod niya ay ang dahan-dahang pagkawala nang galit ko sa kanya at hindi man lang siya nakatikim ng suntok sa akin. That’s so unusual.



“Hey Niel wait!”



Humarap ito.



“Thank you for making this easier for me.” Sabay ngiti sa kanya.



Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon pero iisa lang ang alam ko, ngayong malaya na ako ang kailangan ko na lang gawin ay bawiin si Red.



Umakyat na ako sa kuwarto namin ni Dave.



Nakita ko itong nakahiga sa kama at natutulog.Lumapit ako rito at binigyan ito nang kutos.



“Aray Dorbs!”



“Gago ka kasi eh!”



“Oh bakit anong ginawa ko?”



“Planado mo ito nuh?” Sabi ko rito.



“Hindi ah.”



“Umamin ka!” May pagbabanta sa boses ko.



“Anong aaminin ko sa’yo? Mahal kita? Hay naku naman Dorbs, matagal mo nang alam yan eh. Wala nang bago diyan.”



“Tarantado! Hindi yan ibig kong sabihin.”



“Eh ano nga?”



“Bakit siya biglaang pumunta sa bahay ko?”



Natahimik ito.



“Sasabihin mo ba o sa labas ka matutulog?” Pagbabanta ko pa sa kanya.



“Aba, kuwarto ko ito ah bakit mo ako papalabasin?” Depensa naman nito.



“Isa!”



“Ewan ko sa’yo Dorbs. Matulog ka na nga lang.”



“Dalawa!”



“Tatlo!” Sagot nito.



“Aba’t!” At dali-dali akong tumayo at hinila ang paa ni Dave.



Dahil na rin sa mas malakas ako rito ay nahila ko ito at nabagsak siya sa sahig.



“Arekup!”



Patuloy ko pa rin siyang hinihila. Wala akong pakialam sa pagrereklamo nito.



“Oo na! Oo na! Sasabihin ko na. Kung makahila ka naman para lang akong baboy.”



“Aamin ka ba o hihilain pa rin kita?” Pagbabanta ko.



“Heto na nga eh. Wag ka kasing nagmamadali.” Umakyat na ulit ito sa kama.



Tumabi na ako sa kanya.



“Hinahanap ka kasi ni daddy. Alam mo ba Dorbs, lagi ka niya kinakamusta sa akin?”



Tahimik lang ako.



“Mahal na mahal ka ni papa Dorbs kaso sa ibang paraan niya naiparamdam sa’yo. Alam mo bang simula nung bumukod ka mas naging protective yan sakin. Lagi ka nga niya ikinu-compare sakin na bakit hindi ko raw magawang maging kagaya mo, masipag, matalino, may paninindigan sa sarili, may prinsipyo.”



Hindi ko alam na may ganun palang nangyayari sa bahay simula nung umalis ako. well, paano ko nga naman malalaman eh hindi na ako nakapasan sa kanila.



“Minsan nahuli ko yang umiinom mag-isa, umiiyak. Sinisisi niya hanggang ngayon sarili niya sa paglalayas mo. Hindi niya raw kasi natupad pangako niya kay mommy na babantayan at aalagaan ka.”



Sa totoo lang, sa mga kuwento ni Dave, unti-unting natutunaw yung yelong bumabalot sa puso ko para kay daddy.



Binatukan ko siya.



“Arekup! Nakakadalawa ka na Dorbs huh!”



“Gago ka eh. Wag ka na nga magpaligo-ligoy pa. Sagutin mo na yung tanong ko!”



“Heto na nga eh. Papunta na run eh nagmamadali ka?”



Babatukan ko na sana siya ulit ng pigilan niya ako.



“Sige subukan mo hahalikan kita!”



Tinuloy kong batukan siya at bigla rin naman ako nitong hinalikan sa pisngi. Natawa kami pareho sa mga inasta namin. Kulitan pa kami ulit na tipong sinasariwa ang mga kagaguhan naming dalawa nuong magkasama pa kami rito sa bahay.



Matapos tumawa ay muli na naman na naging seryoso ang takbo nang usapan naming dalawa.



“Alam na ni papa.”



“Alin?” Tanong ko.



“Na ikaw ang nagdugtong sa buhay niya noon.”



“Bakit?”



“Karapatan niyang malaman Dorbs. Hindi mo naman ako pwedeng sisihin dahil kitang kita ko ang labis na pagkamuhi ni daddy sa sarili niya. Lalo pang nadagdagan ng makita niya mismo yung dokumentong nagsasabing ikaw ang naging blood donor nung mag-agaw buhay siya. Nakakaawa siya Dorbs.”



“Mabuti na rin siguro yung ganun Dave...”



“Ang alin? Yung mukhang kaawa-awa si papa?”  Nakangisi nitong sabi.



“Gago! Hindi yun ibig kong sabihin.”



“Eh ano?” Maang-maangan nitong sabi.



“Hindi pa kasi ako tapos magsalita pinutol mo na agad.”



“Pasensya naman di ba?”



“Ewan ko sa’yo!” Minsan di ko maiwasang mapikon kung nagiging isip bata sya.



Natahimik na naman akong bigla.



“Alam mo ba dinalaw ko si mommy kanina.”



“Bakit? Depressed ka?”



“Siguro.”



“Anong siguro? Hindi ka naman dadalaw kay mommy kung hindi ka depressed eh.” Kambal nga kami. Alam na alam nito ang ugali ko.



“Alam mo naman pala bakit mo pa tinatanong?”



“Bakit?” Pangungulit pa nito sa akin.



“Nami-miss ko na si Red, Dave. Hindi ko na alam gagawin ko. Kanina pumunta ako sa bar para sana makausap siya pero pinagtataguan niya ako. Dave, tulong naman oh.”



“Anong tulong ba gusto mo? Ipapa-kidnap ko ba siya?” Seryoso nitong sabi kahit alam ko namang ginagago lang nya ako.



“Umayos ka nga Dave! Seryoso tong usapan eh hinahaluan mo nang kalokohan.”



Natawa si gago.



“Seriously, ano gusto mong gawin natin?” Pagseseryoso nito.



“Hindi ko kasi alam kung paano ko maibabalik si Red sa akin? Nahihirapan ako.”



“Hmmm, ganito gawin natin Dorbs. Matulog na muna tayo. Ako na bahala mag-isip ng plano. Inaantok na kasi ako eh.”



“Tarantado naman nito! Tutulugan mo ako?”



“Trust me Dorbs.”



Wala na akong nagawa pa kundi pumikit na rin at matulog. Naramdaman ko pa ang pagyakap sa akin ni Dave.



“Dorbs, tutulungan kitang maibalik si Red pero ipangako mong aayusin mo relasyon mo kay papa.” Pabulong nitong sabi.



Sa halip na sumagot ay hinalikan ko na lang ito sa noo. Hindi ko kasi alam ang isasagot  sa kanya eh. Muli sinubukan kong pumikit.







“Good morning!!!!” Masiglang bati ni Dave sa akin.



“Good morning dickhead!”



“Bangon na dyan!” Sabay hila sa akin patayo.



“Ano ba Dave, bakit ka ba nagmamadali? Anong meron?”



“Ipagluluto mo ako ulit nung omelet. Kanina pa ako nagugutom eh.”



“Bakit di ka na lang nagpaluto kay nanay?”



“Hindi masarap luto ni nanay.”



Nang sipatin ko ito nang tingin ay nakita ko na naman ang paawa effect niya.



“Damn you Dave!”



Wala akong nagawa kundi bumangon at mag-asikaso sa sarili. Matapos iyon ay bumaba na ako para ipaghanda si mokong ng makakain niya.



Wala pang ilang minuto ay nakatapos na rin akong maghanda at wala ring ilang minuto ay ubos na ang niluto ko. Mukhang gutom nga si Dave sa isip-isip ko.



Muli na akong umakyat para mag-asikaso sa sarili ko. Babalik na ako sa bahay ko. Mabilis lang ginawa kong paliligo dahil marami pa akong bagay na dapat umpisahang asikasuhin.



Nagpaalam na rin ako kay Dave na uuwi na. Umakyat muna ako sa kuwarto ni daddy para magpaalam. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Hinalikan ko ito sa noo bilang pamamaalam.



Kita ko ang pagluha nito. Pinunasan ko ito nang bigla niyang hinawakan kamay ko. Nagulat ako. Nagmulat ito. Ngayon nakita niya ang soft spot na tanging kay Dave ko lang pinapakita. Agad akong tumayo at nag-ayos.



Bumangon ito.



“Dorwin?” Sabi nito. Napatingin ako sa kanya. Naka-reach out ang mga braso niya as if asking me to give him a big hug.



Nagdadalawang-isip ako kung yayakapin ko siya o hindi. May malamig na hangin ang nagtulak sa akin para lapitan siya. Nag-aatubili pa ako nung una pero nung siya na ang nagkusang yumakap sa akin nagtuloy-tuloy na.



Bigla rin ang pagbuhos ng mga luha ko.



“Papa, I’m really really sorry!”



“Shhhh! Tahan na anak nahahawa ako.” Rinig ko na rin ang hikbi niya.



Natawa akong bigla sa inasal niya.



“Ang pangit mong umiyak.” Pang-aasar ko sa kanya.



“Abat! Ikaw kaya unang umiyak diyan.” Ganting biro niya. “Son, I miss you so much! Thank you at finally napatawad mo na ako.”



“No pa, ako ang dapat humingi nang sorry sa iyo kasi hindi ko man lang inalam kung bakit mo kami pinaglayo ni Niel. You just did a great job there old man.”



Nangiti ito sa sinabi ko. Ilang saglit pa ay nagseryoso na ulit ako.



“May balak ka bang gawin ulit iyon sa amin ni Red?”



“Matagal ko nang kilala yang bata na yan at hindi ako tututol kung siya mismo ang magiging son-in-law ko.”



Nanlaki mata ko sa ginamit na term ni papa.



“Papa, cut the crap!” Ramdam kong namula pisngi ko.



“Ang cute mo pala pag nagba-blush.” Pang-aasar pa ni papa sa akin.



“Shut up! I’m not blushing! You sound like Tito Arnold.” Sabay tampal sa mga pisngi ko. Natawa ito siguro sa pagkumpara ko sa kanya sa daddy ni Ace.



“I heard from Dave na nagkakalabuan kayo ni Red ngayon. Gusto mo bang turuan kita kung paano mo siya maibabalik sa iyo?”



Dahil sa sinabi ni papa ay para akong batang biglang handang makinig sa ituturo nang guro ko. Tatango-tango pa ako.



“Ganyan na ganyan din kasi ang sitwasyon naming dalawa nang mommy mo noon. Naaalala ko pa noon kung gaano ako naghirap para makuha siyang muli.”



Ang dami pang sinasabi ni papa na hindi ko naman gustong marinig.



“Pa, please pwede diretsahin mo na ako kung ano ba ginawa mo kay mommy noon?”



“Hay naku, nagkukwento pa lang ako. Tsk. Tsk. Tsk. Mga kabataan talaga ngayon, hindi marunong maghintay.”



“Pa!”



“Fine, fine! Heto na.”



At dinetalye na sa akin ni papa kung paano niya muling nakuha ang puso ni mommy. Maganda yung ginawa niya and sa tingin ko papasa iyon kay Red. Nagpaalam na ako kay papa after ng few minutes of lecture sa mismong kuwarto niya. Niyakap ko na ito at humalik ulit sa noo niya.



Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay isa-isa kong inayos ang mga kaganapan sa buhay ko. Sinimulan ko ito sa paglilinis ng mga kalat na iniwan ng kahapon. Nilinis ko na rin ang mga alaala sa apat na sulok ng kuwarto ko na magpapaalala sakin kung gaano ko pinahirapan si Red.



Matapos iyon ay nagdesisyon akong tumungo sa bahay nila Ace para mangumusta. Nagbihis ako saglit at tumuloy na.



Pagkadating doon ay simpleng kamustahan lang ang nangyari. Updates lang kumbaga. Hindi na rin ako nagtagal pa dahil alam ko naman na itatago pa rin nila si Red sa akin. Hindi ko magawang magalit o sisihin sila. Tanggap ko na maaaring ito ang kabayaran sa mga ginawa ko kay Red.



Habang nagda-drive pauwi ay nakaramdam na naman ako nang kakaibang kaba. Parang mas matindi itong ngayon kumpara sa kahapon. Hindi ako mapakali kaya naman binilisan ko ang pagpapatakbo ko.



Malayo pa lang ay tanaw ko na na may taong nakaupo sa may harapan ng bahay ko. May mga dala itong bag at may mga batang kasama. Lumiliwanag ang imahe nila sa paglapit ng sasakyan ko sa bahay.



Gulat ang rumehistro sa mukha ko. Pagod na pagod ang mga hitsura nila lalo na ang kanilang ina na bugbog sarado.



“Anak…”









Itutuloy

No comments:

Post a Comment