By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Dumaan ang mga araw, lingo, at buwan nakilala nang mga
kaibigan ko ang mga kaibigan ni Dorwi doon ni Angela na kilala si Vincent. Nung
una umurong ang dila ni Angela nang hayagang magpakita nang interes sa kanya si
Vincent hindi nito alam kung paano magrereact. Napagalaman nalang namin isang
lingo matapos ang pagpunta nang mga kaibigan ni Dorwin sa bar na liniligawan na
pala ni Vincent si Angela. Sinusundo ito sa bar para magdinner, binibigyan ng
flowers at chocolate. Hindi na nagpakipot pa si Angela dahil siguro sa sobrang
tagal na nitong naghihintay na may isang taong magpapakita nang interes sa
kanya ay sinagot nya ito sa pangalawang lingo. “Grab the opportunity” yon ang
sabi nya nung magreact si Mina sa mabilisan nyang pagsagot kay Vincent.
Dalawang lingo matapos ikasal si Kuya Dan, pinsan ni
Dorwin ay nagpasya nang bumukod sina Rome at Ace. Pagkatapos nang problema kay
Amber ay naging mas malalim pa ang relasyon nang dalawa. Nag trabaho si Rome sa
bagong negosyo nang mga magulang ni Ace para makapagsimula silang mabuhay na
hindi humihingi sa kani-kanilang mga magulang. Balita ko ay nung una ay
nagalangan ang mga magulang nila sa desisyon nang dalawa, pero dahil sa
disidido na talaga silang bumukod ay wala rin itong nagawa kung hindi ang
suportahan ang mga anak nila.
Sa unang buwan mula nang makita ko ang paguusap ni Dorwin
at Niel ay wala akong nakitang pagbabago kay Dorwin tulad nang dati ay
linalambing parin ako nito pero biglang nagbago ang lahat. Minsan nalang itong
umuwi tuwing tanghalian, hindi na rin ito nagiiwan ng sticky note sa akin. Nung
una ay akala ko may problema lang ito sa opisina kaya hindi ko nalang ito
pinansin.
Kahit ganun ang naging takbo nang relasyon namin ni
Dorwin ay hindi parin ako sumuko. Araw-araw ay pinaparamdam ko sa kanya kong
gaano sya kahalaga sa akin kahit wala akong makuhang pagtugon mula rito ay
hindi iyon naging dahilan para isuko ko ang nararamdaman ko sa kanya.
Kahit nasasaktan ako tuwing maghahanda ako nang pagkain
para sa amin at tinatangihan nya ay hindi iyon naging rason para magreklamo
ako. Ayaw kong dagdagan pa ang mga problema nito sa opisina.
Hindi ko na inisip na ang dahilan ng paunti unti nyang
pagiiba ay si Niel dahil sa loob naman ng isang buwan hindi nagbago si Dorwin
sa akin akala ko tapos na ang lahat sa kanila hangang sa mabalitaan ko nalang
mula kay Vincent na hindi na matutuloy ang kasal ni Niel at ni Pualine umatras
daw si Niel sa kasal at sinabing may iba itong mahal. Hindi alam nang mga
barkada nito kung sino iyon pero ako alam ko na si Dorwin ang tinutukoy ni
Niel.
Simula nang malaman ko iyon ay araw-araw na akong balisa,
hindi makatulog at hindi rin makakain nang mabuti. Hindi ko maitago ang
pananamlay ko tuwing magkikita-kita kami nang mga kaibigan ko pero tuwing
magtatanong sila ay agad akong umaastang normal don naman ako magaling ang
magpanggap na walang nang yayari.
Napakahirap, napakasakit dahil ni hindi manlang nakwento
sa akin ni Dorwin ang tungkol sa pakikipaghiwalay ni Niel sa fiancé nito.
Siguro ayaw nitong malaman ko para hindi ko sya pagdudahan.
“Hello?” Ang bungad ko taong nagpabalik sa akin mula sa
malalim na pagiisip.
“Wala naman bakit?”
“Masakit ang..” Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin
ko dahil agad ako nitong binara.
“Sige, sige.” Ang nasabi ko nalang bago pinutol ang linya
at napabuntong hininga.
Ilang minuto pa ay dumating si Ace kasama si Chad, Carlo
at Rome. Sinabi nito kanina na tatambay sila sa bahay gusto ko sanang tumanggi
kasi para makapagisa pero mapilit si Ace wala na daw akong magagawa dahil on
the way na sila.
“Asan ang mga babaeng hunghang?” Ang biro nang
mapagbuksan ko sila nang pinto. Pinilit kong umastang masaya sa harapan nila
tulad nang lagi kong ginagawa sa mga nagdaang araw.
“Nandito kami para makipaginuman pero bawal ang girls
except sa wifey ko.” Ang nakangiting wika ni Rome.
“Ano kala mo sa akin babae?” Natatawang wika ni Ace sabay
batok nito kay Rome.
“Aray! Wifey naman pangatlong batok mo na yan sa akin
ngayong araw.” Tampo-tampuhang wika nito.
“Bakit may reklamo ka?” Nakangising banat naman ni Ace.
“May sinabi ba ako?
Natatawa nalang kami sa dalawa parang mga bata lang kung
magharutan ang mga ito.
“Puro kayo lakolokohan.” Tatawa-tawa kong sabi. “Bakit
banned ang girls ano meron ngayon?” Dagdag wika ko pa.
“Dahil may paguusapan tayong mga boys.” Seryosong wika ni
Carlo.
Napatingin ako dito na may pagtataka.
“Mamaya na yan kumuha ka na muna nang mga plato para
paglagyan ng dinala naming pulutan. Rome kunin mo ang RH sa kotse.” Parang boss
lang kung makapagutos. Sumalot naman ang uto bago lumabas ng bahay.
“Ang ganda mo!” Ang biro ko sa kanya sabay pisil sa
pisngi nito na parang nanggigigil.
“Sira! Takot lang yon sa akin.” At tumawa ito nang
nakakagago.
“Sino ba kasi hindi matatakot sayo eh halos magkabukol na
yung tao kakabatok mo.” Tatawa tawang sabat naman ni Carlo.
Nakakatuwang tingnan na pagkatapos nang mga problemang
pinagdaan nang dalawa ay masaya parin sila sa isa’t isa. Nabawasan na ang
walang kwentang tampuhan nila nakakapagadjust na si Rome sa ugali ni Ace kung
sabagay isang taon na rin ang mga ito.
“Hoy! Yung mga plato asan na? Wala ka nanaman sa sarili
mo.” Pagbasag ni Ace sa pagiisip ko.
“Sorry naman! Natutuwa lang ako na masaya na ulit kayo
nang boyfriend mong isip bata.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Ihampas ko kaya sayo tong case nang RH nang makita mo
kung sino ang isip bata.” Sabat ni Rome narinig pala nito ang sinabi ko.
Tatawa-tawa akong pumunta sa kasina para kumuha nang
plato at baso. Nagsimula kaming maginuman. Napagusapan namin ang tungkol sa
paglipat nila nang bahay tatawa-tawa kami habang panay ang reklamo ni Rome sa
pagiging makalat daw ni Ace pati daw mga brief nito ay hindi nilalabhan. Mulang
mula naman si Ace sa pambubuking nang asawa nya. Tama nga sila makikilala mo lang
nang tuluyan ang partner mo kung nakatira na kayo sa iisang bahay.
“Wag kayong maniwala dyan!” Protesta ni Ace. “Alam nyo
bang hindi yan marunong maglaba? Yung mga puting damit ko na linabhan nya,
ngayon ay kulay Rainbow na dahil pinagsama-sama nya sa washing machine ang mga
dikulor at puti.” Humahagalpak kami nang tawa sa pagbubukingan ng kani-kanilang
kapalpakan ang dalawa.
“Ikaw dapat kasi ang naglalaba dahil ako naman ang
nagtratrabaho.” Depensa naman ni Rome.
“Bakit di kayo kumuha nang maid?” Sabat ni Chad.
“Ayaw nya sa maid. Natatakot sigurong sya ang
magpasweldo.” Tatawa-tawang sabi ni Ace.
“Bakit ako matatakot may monthly allowance naman ako kina
mommy at daddy tapos may trabaho na ako ayaw ko lang na iba ang magsisilbi sa
wifey ko.” Paglalambing nito na hinalik halikan pa ang pisngi ni Ace.
“Cornetto!” Basag namin sa kanya na tinawanan lang nito.
“Maiba ako pare. San si Attorney?” Biglang tanong ni
Carlo.
“Umalis kanina pa.” Matipid kong tugon.
“May problema ba kayo ni pinsan Red?” Seryosong tanong
naman ni Ace.
“Wala.”
“Wag kang magsisinungaling sa amin babasagin ko bungo
mo.” Pagbabanta nito sa akin.
Hindi ako sumagot sa halip ay tinunga ko ang laman nang
baso at binigyan siya nang pilit na ngiti.
“Alam kong may problema ka pare sabihin mo sa amin baka
makatulog kami.” Sabat naman ni Carlo.
“Tama si Carlo pare, It’s about time na kami naman ang
tutulong. Laki na nang utang namin ni
Supah Ace sayo.” Pagsangayon pa ni Rome.
“Wala naman talaga. Simpleng di pagkakaintindihan lang.
Maayos din namin ito.” Pagsisinungaling ko sa kanila ayaw kong ipaalam sa
kanila na magdadalawang buwan nang nanlalamig si Dorwin sa akin.
“Nalaman namin mula kay Angela na hindi natuloy ang
pagpapakasal ni Niel sa fiancé nito. Alam ko ang tungkol sa naging relasyon ni
Niel at Kuya na kwento sa akin ni Ate Claire. Kaya naisip ko na baka si Kuya
ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nito.” Mahabang sabi ni Ace.
“Alam ko na yon. Matagal na.” Simpleng tugon ko sa
kanila.
“At alam mo bang nakita sila ni Chad last night na
magkasamang nagdidinner?” Napatingin ako sa gawi ni Chad tumango ito hudyat na
totoo ang sinabi ni Ace. Nagulat ako sa sinabi ni Ace mas lalong naghalo-halo
ang mga emosyon sa dibdib ko.
Napaisip ako, nagkakaroon na nang mukha ang biglaang
pagbabago ni Dorwin sa akin. Napaluha ako sa realisasyon na iyon.
“I know that this is hard for you but…”
“Noong matapos ikasal si Kuya Dan doon biglang nagbago si
Dorwin sa akin.” Bigla kong pagputol sa gustong sabihin ni Carlo sa akin. “Para
na kaming di magkakilala dito sa bahay. Hinihintay ko nalang na makipaghiwalay
sya sa akin.” Di ko maiwasang makwento sa kanila dala nang sama nang loob sa
narinig. Kaya pala umaga na syang umuwi si Niel pala ang kasama.
Kita ko ang pagaalala sa mga mata nila. Biglang lumapit
sa akin si Ace at yinakap ako napayakap rin ako rito sa sobrang pait at sakit.
Ano ba ang nagawa kong mali sa relasyon namin seneryoso ko naman sya bakit di
nya ako magawang mahalin? Ano ba ang meron si Niel na wala ako? Kung pero pwedi
ko namang i-withdraw ang ibinigay sa akin ng insurance company ni papa ah.
Desperadong desperado kong mga tanong.
Ako ang unang bumitiw sa yakapan namin ni Ace.
“Mga pare pwedi nyo ba akong tulungan?” Ang tanong ko sa
kanila.
“Sige pare, kami ang bahala kay Attorney, kakausapin
namin sya.” Tugon ni Chad na tinanguan nilang lahat.
“Hindi pare, Tulungan nyo akong maghanap nang matitirhan
aalis na ako dito. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Isang taon kong pinilit
na mahalin ako nang buo ni Dorwin pero mukhang malabo nang mayari iyon. Suko na
ako hindi ko na kaya.” Hindi ko maiwasang mapaluha.
Bakas sa mga mata nila ang awa. Si Ace ay muling
napayakap sa akin.
“Araw-araw para akong sinasaksak sa tuwing ine-ignora nya
ang mga paglalambing ko. Kahit ipinaghahanda ko sya nang pagkain ay
tinatangihan nya. Kung susubukan ko namang makipagusap sa kanya ay lagi syang
nagmamadali di pa man ako nakakapagsimulang magsalita. Ibang iba na sya sa
Dorwin na kilala ko noon.” Ang parang bata kong pagsusumbong sa kanila.
“Tama ang desisyon mo pare. Wag mo nang hintayin na pati
ang respeto mo sa sarili ay tuluyan nang mawala.” Ang nasabi nalang ni Chad.
Totoo pala ang sabi nila hindi sapat na mahal mo lang ang
isang tao. Isang taon kong ipinaramdam kay Dorwin ang pagmamahal ko sa kanya
pero hindi parin ito naging sapat para ipagkatiwala nya ang puso nya sa akin.
Nangako ang mga kaibigan ko na tutulungan nila akong
maghanap nang matutuluyan. Sinabi ko rin sa kanila na ngayong gabi rin ako
aalis sa bahay ni Dorwin inalok naman ako ni Carlo na sa kanila nalang muna
matulog at bukas nalang kami maghahanap nang bagong matutuluyan ko. Pumayag ako
pero sinabi ko sa kanya na tatawagan ko nalang sya, balak ko kasing kausapin si
Dorwin bago umalis.
Natapos ang inuman namin na walang imik at malalim ang
iniisip ni Ace. Sinabi ko sa kanya na okey lang ako na wag syang magalit sa
pinsan nya dahil hindi lang naman ito ang may kasalanan ako naman talaga ang
nagpumilit sa relasyon namin kahit na alam kong si Niel parin ang mahal nito.
Buong akala ko kasi ay magagawa kong ipalimot sa kanya si Niel.
Pinauwi ko nalang muna sila. Nung una ay ayaw ni Ace,
gusto nyang hintayin si Dorwin para kausapin pero napilit ito ni Rome
ipinaintindi nito na kailangan namin ni Dorwin ng privacy para makapagusap sa
huling pagkakataon.
Nagsimula akong magempaki kinuha ko ang mga damit ko sa
cabinet at inilagay iyon sa malaking bag na pinaglagyan ko nung lumayas ako sa
bahay. Mapait na ngiti ang gumuhit sa mukha ko sa kamalasan sa buhay. Pinalayas
ako nang amain ko na hindi tinutulan nang aking ina at nagmahal ako sa dalawang
taong iba naman ang mahal.
Nang tinungo ko ang drawer kung saan nakalagay ang iba ko
pang gamit ay napansin ko ang maliit na box na pinaglagyan ko nang mga sticky
note na bigay sa akin ni Dorwin noong maganda pa ang pagsasama namin. Doon na
ako simulang lumuha habang binabasa ko isa-isa ang mga mensahe ni Dorwin sa
tuwing aalis ito na tulog pa ako.
“Anong ginagawa mo?” Ang biglang sabi ni Dorwin.
Napalingon ako sa kanya at agad na pinahid ang mga luhang
dumadaloy sa aking pisngi. Kita ko ang pagtataka nito nang makita ang malaking
bag na nasa kama.
“Aalis na ako dito.” Matipid kong sagot sa kanya at
tinungo ang bag para ilagay ang mga gamit na nakuha ko sa drawer kasama ang mga
sticky note na binigay nya.
“Hindi naman kita pinapaalis dito.”
“Hindi mo nga sinasabi pero pinaparamdam mo naman sa
akin.” Sarkastikong sagot ko sa kanya.
Naramdaman ko nalang na nakalapit na ito sa akin at
nabigla ako sa sunod na ginawa nito. Ibinalik nito ang mga dami ko sa cabinet.
Kinuha ko ito at muling ibinalik sa bag ko. Pero talagang
makulit itong si Dorwin kaya nagsimula na akong mainis.
"Ano ba!" Singhal ko sa kanya habang muling
kinukuha ang mga damit kong ibinalik niya sa cabinet.
Nakipag-agawan naman si Dorwin sa mga damit ko. Kung
tutuusin para kaming mga batang naglalaro. Yeah naglalaro nga kami ngayon, a
game of staying in this relationship and suffer or let it go and be happy.
"Fine!" Sabi ko rito nang hindi ito nagpatalo
sa pagkuha sa mga damit ko sa bag.
Lumabas na lang ako sa kwarto since alam ko namang hindi
ito papayag na makuha ang mga damit ko. Sumunod ito sa akin at hinawakan ako sa
braso.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Getting out of your house. Getting out of your
life." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang sambitin ko ang
mga huling katagang iyon.
"What do you mean, Red?" May boses na ngayon ko
lang narinig sa kanya. Nagsusumamo? I don't think so.
"I'm breaking up with you!" Pinilit kong
magpakatatag sa ginawa kong iyon.
"No, you can't do that to me Red! I love you, you
love me! Why break up with me?" Ngayo'y dalawang kamay na nito ang
nakahawak sa magkabila kong braso.
I can't resist Dorwin's reaction pero kailangan kong
maging firm sa desisyon ko to revive myself from total doom.
"I can no longer feel you around." Walang
anu-ano kong tugon.
"Then let me make it up to you Red. Please, wag mo
akong iwan!" Hindi na nito napigilang lumuha. Nanlambot bigla ang puso ko.
Naawa ako sa kanya.
"You don't have to Dorbs." Sabay haplos ko sa
mukha niya. "Aalis ako hindi dahil sa hindi na kita mahal. Aalis ako kasi
mahal kita and gusto kong makita kang masaya without me in it. Malaya ka na
Dorwin."
At tuluyan na akong lumabas ng bahay niya. Parang gripo
na umaagos ang mga luha ko. Naguguluhan, nasasaktan, mga naghahalong damdamin
sa aking dibdib. Naguguluhan, dahil sa sinabi nitong mahal nya ako, kay tagal
kong inasam na sambitin nya ang salitang iyon pero bakit ngayong nasabi na nya
ay hindi ko na makuhang mapaniwalaan? Nasasaktan, sapagkat nang lumabas ako
nang bahay na iyon ay umaasa parin akong tatawagin nya ang pangalan ko at
pipigilan nya ako pero hindi iyon nang yari nakasakay nalang ako sa taxi walang
Dorwin na tumawag o pumigil sa akin.
“Napakalaki kong gago!” Ang wala sa sarili kong nasambit
dahilan para tumingin ang driver nang taxi sa akin gamit ang rearview mirror ng
sasakyan.
Dumating ako sa bar namin. Nandoon pala silang lahat at
halatang hinihintay ako. Agad na lumapit sa akin si Ace.
“Bakit ka umiiyak? Ano nang yari?” Walang anu-ano bigla
ko itong niyakap at doon humagulhol wala na akong pakialam sa mga taong
makakakita sa akin.
“Shhhh.. Tama na.” Pag-aalu nito sa akin.
“Sabi nya mahal nya ako pero bakit hindi ko maramdaman
yon Ace? Ano ba ang tumatakbo sa isip ng pinsan mo?” Parang batang tanong ko sa
kanya. “Minahal ko naman sya di ba? Ginawa ko lahat para sumaya sya pero bakit
ganito, bakit lagi nalang ako ang nagbibigay? Sawang-sawa na ako Ace ayaw ko
na.” Dagdag ko pang sabi.
“Hayaan muna nating makapagisip si Kuya kung ano ba
talaga ang gusto nya.” Ramdam ko ang pagaalala sa boses nito.
Doon ko na inilabas lahat nang sama nang loob ko. Naginum
pa ako kahit panay ang sita nila sa akin. Wala akong narinig na tanong mula sa
kanila kahit sa mga babae naming kaibigan ay nakatingin lang sa akin na hindi
alam ang gagawin. Inilunod ako ang sarili ko sa alak.
“This is freaking me out! Hahayaan nalang ba natin syang
tuluyang masira ang buhay?” Ang narinig kong bulong ni Tonet kay Carlo.
“Tatawagan ko si Dorwin bukas susubukan ko syang
kausapin.” Balik na bulong ni Carlo.
“Wag na wag mong gagawin yon tol. Hindi awa ang kailangan
ko kung hindi pagmamahal at yon ang bagay na di kayang maibigay sa akin ni
Dorwin tanggap ko na yon.” Sabi ko sa kanila.
Hindi na ito nagsalita pa. Ako naman ay patuloy na
lumaklak habang iniisip ang mga nangyari kanina sa bahay ni Dorwin. Mahal nya
ako? I don’t think so sinabi lang nya yon para hindi ako umalis o baka nga para
lang mabawasan ang konsensya nya. Pero bakit iba ang naramdaman ko kanina at
tsaka bakit sya umiyak kung nagsisinungaling lang sya? Ang mga tanong na ngayon
ay patuloy paring gumulo sa akin isip. Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking
ulo sa pagkadismaya sa mga katanungang hindi ko mahanapan nang sagot.
Hindi ko nalang namalayan na sa sobrang kalasingan ay
nakatulog pala ako sa lamesa. Siguro bumabawi na ang katawan ko sa mga araw na
hindi ako makatulog dahil sa dami nang iniisip. Namalayan ko nalang na nasa
loob na ako nang sasakyan.
“Matulog kalang dyan gigisingin nalang kita pagnasa bahay
na tayo.” Ang rinig kong wika ni Carlo.
“Salamat tol.” At muli kong ipinikit ang aking mga mata
umaasang sana bukas iba na ang maging takbo nang buhay ko.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment