By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Napakunot noo ako nang makita ang pangalan nang caller sa
main screen. Nag aalangan man ay napag desisyunan kong sagutin nalang ito baka
sabihin pa nya na ako ang talo sa ginagawa nyang pakikipag laro sa akin. Di ako
mag papatalo sa laro mo gago ka. Ang nasabi ko sa aking isip habang nagpupuyos
sag alit.
“Ano ang kailangan mo at paano ako nag karoon nang number
sayo?” Agad kong bungad sa kanya.
“Relax lang. Ako nag lagay nang number ko dyan sa cp mo
habang mahimbing ang tulog mo kanina.” Ramdam ko ang panunuya sa boses nito
kaya naman uminit bigla ang tenga ko.
“Ano pa ba ang gusto mo sa akin? Nakuha mo na ang gusto
mo ano pa kailangan mo?” Ang galit kong tanong sa kanya sa sobrang pagkapikon.
“Woah! Para namang sinabi mo na minolestya kita.” At
tumawa ito nang nakakagago.
“Hindi ngaba? Pinag samantalahan mo ako naturingan ka pa
namang pinsan nang kabarkada namin.” May diin kong sagot dito.
“Hey hey hey! Eh di mag sampa ka nang kaso. Kung gusto mo
ako pa hahanap nang abugado para sayo.” Pangiinis pang lalo nito sa akin.
“Ano ba kasi kailangan mo sa akin?”
“Simple lang naman. Gusto kitang ayain mag dinner.”
Simpleng sagot nito na parang wala syang atraso sa akin.
“Dinner?” Paninigurado kong tanong. “What made you think
na sasama ulit ako sayo after what happened? Nag papatawa kaba?” Ganting
pangaalaska ko sa kanya.
“So predictable Red.” Sabi nito sa akin. “Im 100 percent
sure.” Sabay tawa nanaman nito sa kabilang linya.
“Wag kanang umasa.”At binabaan ko sya nang telepeno.
Hindi ko alam kong ano ang gusto at binabalak sa akin
nang taong yon. Sobra kung makapangasar si gago pero sisiguraduhin kong hindi
ako mag papatalo sa kanya.
Ilang minuto pa ang dumaan at isa-isang nagsidatingan ang
mga empleyado namin sa bar. May apat kaming sinuswelduhan. Isang barista, isang
tagapangasiwa nang mga short orders at dalawang all around.
Agad ko namang inutusan ang isa na bumili nang Ice para
mamaya. Habang ang isa naman ay sinimulang ayusin ang mga lamesa. Ang maganda
dito sa mga nakuha namin ay hindi mga tamad. Pag walang ginagawa ang isa hindi
na kailangang pagsabihan pa para tumulong.
Pasado ala sais nang dumating sina Tonet at Carlo. May
dala nga itong ulam para sa amin. Matagal na naming trip ang magdala kung ano
ang pweding dalhin kahit nung high school palang kami.
“Parekoy san ka nang galing kagabi at bigla ka nalang
nawala?” Tanong sa akin ni Carlo.
“Isinama ako nang kaibigan ko pare.” Pagsisinungaling ko
sa kanya.
“Sinong kaibigan naman yon? Bakit di mo dinala motor mo?”
Sabat naman ni Tonet na busy sa pag hahanda sa lamesa.”
“Ahh..Ehhh si.. Kalaro ko nang basketball?” Nag aalangan
kong sabi sa kanila.
“Bakit kami tinatanong mo? Malay ba namin kong kalaro mo
yon oh hindi. Nagsisinungaling ka ata eh.” Umandar nanaman ang pagiging
detective ni Tonet habang pareho silang may di naniniwalang tingin sa akin.
“Ako? Nag sisinungaling? Hindi Ah!” defensive kong sagot
sa kanilang dawala.
“Anyway, Tumawag si Ace kanina nung nasa bahay kami nina
Mina. Galit na galit dahil daw pinag tulungan natin sya.” Si Tonet.
Agad namang naging intersado ako sa sinabi ni Tonet.
Gusto kong malaman kung ano na ang nang yayari kay Ace sa isla.
“Talaga? Kumusta daw sya? Okey na ba sila?” Ang sunod
sunod kong tanong dito.
“Halatang di ka intersado kay Ace noh?” Pambubuska nito sa
akin na ikinamula ko naman. “Okey naman siguro yun. Kasama nya naman si Rome
doon kaya di yon mapapahamak. Pero sa tingin ko di pa sila okey.” Dagdag pang
sabi nito.
“Siguradong di palalampasin ni pareng Rome ang
pagkakataon. Panigurado magiging okey din sila.” Sabat naman ni Carlo.
Lumungkot bigla ang mukha ko sa narinig. Alam ko kasi na
pag naging okey na si Rome at Ace ay bihira ko nalang ulit itong makikita ganon
naman kasi lagi. Napansin ni Tonet ang biglaang pagpapalit ko nang mood.
“Bakit ka biglang nalungkot dyan? Di ba ikaw naman ang
may gusto na magkabati na sila para sumaya na ulit si Ace?”
“Oo.” Matipid kong sagot dito.
Agad akong inakbayan ni Carlo sabay sabing. “Okey lang
yan pare lilipas din yan.”
Nagtaka naman ako sa sinabi nito wala naman kasi silang
alam sa nararamdaman ko hindi ko naman ito sinabi sa kanila.
“Lilipas? Anong lilipas?”
“Denial ka rin noh?” Banat ni Tonet. “Halata naman kahit
di mo sabihin na nahuhumaling ka rin kay Ace.”
Pinamulhan ako sa sinabi ni Tonet. Ganun na pala ako sa
transparent sa kanila. Biglang umandar ang pagka defensive ko.
“Nahuhumaling? Barkada natin yon ulol.” Sabay bigay nang
peking tawa.
“Etchusero.” Dinig kong pabolong na sabi ni Tonet.
“Kumain na nga lang tayo gutom lang yan.” Pagiiba ko nang
usapan.
Wala na silang nagawa. Sinimulan na naming kumain habang
pinag uusapan ang income namin nung nakaraang gabi. Ine-explain ni Tonet kung
ano ang mga dapat bilhin araw-araw. Talagang mahirap pala ang ganitong negosyo
sumakit ulo ko sa dami nang sinabi ni Tonet.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas muna kaming tatlo
para makapag pahangin at makapag yosi na rin. Dinalhan din ni Tonet nang
pagkain ang mga bar attendants namin at pinakain na rin habang wala pang tao.
Ganun si Tonet sobrang mapag mahal sa mga tao.
“Wow! Full moon pala ngayon! Im sure mag eenjoy sina Ace
at Rome sa isla.” Di ko alam kung sinadya talaga ni Tonet na papagselosan ako.
“Oo nga noh. Magandang maginum ngayon sa may tabing
dagat.” Dagdag wika naman nang bestfriend kong may topak din ang ulo.
“Eh di pumunta kayo nang dagat.” Sabat ko sa dalawa.
Tinawanan lang ako nang dalawa. Isa-isa na ring nag
sisidatingan ang mga tao sa bar. Karamihan ay mga estudyante mula sa malapit na
University. Pares pares ang mga ito at ang iba naman ay isang groupo.
“Grabe ang daming love birds ngayon. Ikaw ba Red walang
lovelife?” Nanunuyang tanong sa akin ni Tonet.
“Marami.” Sabay tawa nang nakakagago.
“Ows? Bakit wala kapang pinapakilala sa amin?”
“Wala lang di ko lang trip ipakilala sa inyo.” Simpleng
sagot ko dito.
“Di mo lang trip o wala ka talagang maipakilala sa amin?”
Sabat naman ni Carlo.
“Bakit nyo ba ako pinag tutulungan?” Inis inisan kong
reklamo sa kanilang dalawa.
“Katulad ka rin ni Ace eh. Pareho kayong mga denial.”
Sagot ni Tonet sabay tawa nito na parang kontrabida.
“Babe, wag mo masyadong inisin yan baka umiyak.” Gatong
pang pangaasar ni Carlo.
“Ulol!” Sabay tawa naming tatlo.
Nasa ganun kaming usapan nang may makita akong pamilyar
na kotse na nagpapark sa kabilang kalsada. Agad umusbong ang kaba sa aking
dibdib nang makita kong bumababa sa sasakyan nya si Dorwin.
Napatingin rin ang dalawang magkasintahan sa gawi nito.
“Di ba yon ang pinsan ni Ace?” Si Carlo sabay turo pa
nito sa papalapit na si Dorwin.
Di ako nakasagot dahil sa sobrang ka ba. Kumaway pa ito
sa amin nang makita kami.
“Hey guys. Ano meron ngayong gabi?” Tanong nito nang
makalapit sa amin.
“Full Moon?” Malokong sagot ni Tonet na ikinatawa naman
nito.
Nanatili lang akong tahimik.
“Oo nga noh.” Pag sangayon nito habang nakatingala at
nakatingin sa bilog na buwan. “Mukhang sakto ang pagpunta ko ah.”
“Inuman tayo?” Tanong ni Carlo dito.
“Oo ba! Yan eh kung okey lang kay Red.” Sagot naman ni
Dorwin.
Binigyan ko ito nang isang peking ngiti. Dahil sa loob
loob ko gusto ko na talagang sapakin ang taong ito.
“Naginuman palang kasi tayo kagabi under recovery pa
ako.” Simpleng pagtangi ko sa kanila.
“At kelan ka pa natutong tumangi sa inuman?”Ang
nakapamiwang na sabi ni Tonet sabay taas nang isang kilay nito.
“Oo nga naman parekoy kelan kapa tumangi?” Dagdag pang
wika ni Carlo.
Napalingon ako sa gawi ni Dorwin kita ko na nakangiting
aso ito sa akin. Agad kong binawi ang aking tingin dito sabay sabing.
“Baka di ko maasikaso ang bar kung uminom ako kayo nalang
muna.”
“Don’t worry Red parating na sina Mina at Chad. Hindi
naman ganun ka lakas uminum si Mina kaya pwedi syang mag take over ngayon.”
Wala na talaga akong lusot. Kita ko ang pigil na pagtawa
ni Dorwin alam kong pinag didiwang nito ang pagkapanalo nya.
Dahil may tatlong naman kaming umbrella table sa labas
nang bar para sa mga costumer na ang trip ay ang magpahangin at makapag usap
nang matino. Pinili ni Tonet na don kami pumuwesto.
Agad na tinawag ni Tonet ang waiter na kumukuha nang mga
oders at sinabihang mag serve ang isang bucket nang San Miguel Light. Um-order
din ito nang nachos para sa pulutan. Yon daw kasi ang bagay sa San Mig Light.
Kwentohan tungkol sa trabaho ni Dorwin ang unang paksa
namin. Doon ko napag alaman na Abogado pala ang lokong yon at may sariling
opisina. Napag alaman din namin na kapatid nang Mommy ni Ace ang papa nya at
may kambal sya na katulad ko ay Electrical Engineering din ang natapos.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman sina Chad at
Mina. Lahat sila ay sobrang bilib kay Dorwin dahil sa edad nitong 25 ay isa na
itong magaling na lawyer.
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig lang sa kanilang
usapan. Hindi ako komportable sa presenya ni Dorwin. Alam ko kasing may
binabalak na naman itong kalokohan kita ko sa mga mata nito habang paminsan
minsan ay tumitingin sa akin.
“Bakit tahimik ka Red?” Pamumuna ni Mina sa akin.
Isa ring tanong ang isinagot ko dito.
“Asan si Angela?”
“Wala, Di daw sya makakarating ngayon masama daw
pakiramdam.” Sagot naman nito.
“Ah ganun ba? Okey naman yon kanina nang tumawag sa akin
ah.”
“Teka nga pala. San ka ba nagpunta kanina bakit bigla
kang nawala?”
Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Napalingon ako sa
gawi ni Dorwin na may kaba dahil sa takot na baka ibuko ako nito.
“Ako ang kasama nya kanina.” Magiliw na sagot nito sa mga
kabarkada ko.
Kita ko ang pagkabila nang mga ito sa nalaman. Habang si
Tonet ay napa tingin sa akin na nakataas ang kanyang kilay. Lumakas ang kabog
nang aking puso sa mga susunod na sasabihin ni Dorwin.
“Talaga? Nag babasketball Karin?” Tanong ni Tonet dito.
“Dati, pero ngayon hindi na.”
“Kasi sabi ni Red kalaro daw nya nang BASKETBALL eh.” Pag
bibigay diin nya nang salitang basketball. “So matagal na pala kayong
magkakilala?” Dagdag pang wika nito.
“Hindi kagabi lang kami nag kakilala nung ipakilala kayo
sa amin ni Pinsan.”
Tumingin ang dalawang mag syota sa akin na may pagtataka
sa kanilang mga mata. Hindi ko alam kong ano ang idadahilan ko.
“So magkatabi kayong natulog?” Nag tatakang tanong ni
Tonet.
Binigyan ko nang isang nagbabantang tingin si Dorwin.
Isang tingin na nagsasabing wag nyang sasabihin ang totoo.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment