Monday, December 17, 2012

Afterall (16)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

“A-ace?” Ang di ko makapaniwalang sabi nang makita ko ang taong nakatayo ngayon sa harap ko.


“A-ano ginagawa mo dito?” Dagdag wika ko pa sa kanya.


Hindi ito sumagot sa akin sa halip ay hinawi ako nito para makadaan sya.


“We need to talk Red.” Ang sabi nito nang makaupo sa sofa.


Napakunot naman ang noo ko kung ano ang paguusapan namin. Akala ko kasi natapos na lahat kagabi ang mga bagay na dapat naming pagusapan.



“Ano ang plinaplano mo kay kuya Dorwin? Pinsan ko sya alam mo yon, di mo sya pweding gawing panakip butas!” May kalakasan nitong sabi.


Nabigla ako sa pagtataas nito nang boses sa akin at sa kanyang paratang. Ganun ba ang tingin nya pinaglalaruan ko lang si Dorwin?


“Anong panakip butas Ace? Mahal ko si Dorwin at yon ang totoo!” Mataas na tono ko ring sabi.


“Red, naririnig mo ba sinasabi mo? 3 weeks palang kayong magkakilala ni kuya Dorwin tapos mahal mo na sya?!” Napatayo ito sa pagkakaupo.


“Bakit Ace, Kayo lang ba ang may karapatang sumaya? Gusto ko ring sumaya at si Dorwin ang taong nagpapasaya sa akin. Sya lang ang nagiisang taong umintindi sa akin sa mga panahong naguguluhan ako!”


Hindi ito nakapagsalita sa sinabi ko.


“Gusto ko rin namang maramdaman na may taong nagmamahal sa akin Ace. Yung taong pwedi kong pakitaan rin ng pagmamahal.” Naiiyak ko nang sabi sa kanya pero pinigilan kong hindi dumaloy ang luha ko. “At wag na wag mong sasabihin na panakip butas lang si Dorwin dahil tanggap ko na sa sarili ko na hindi ka mapapasaakin.” May diin ko pang wika sa kanya.


Parang bigla itong nahimasmasan at kumalma.


“Red, Don’t get me wrong. Nagaalala lang ako dahil pinsan ko si kuya Dorwin at kaibigan kita. Ayaw kong umabot sa punto na kailangan kong mamili sa inyo dahil pareho kayong mahalaga sa akin lalo kana.” Mababang sambit na nito.


“Hindi mo kailangang mamili. Mahal ko si Dorwin Ace, sya ang taong gusto kong paglaanan ng pagmamahal ko. Hinding hindi ko sya sasaktan kung yan man ang inaalala mo.” Paninigurado ko sa kanya.


“Paano kung ikaw ang masaktan Red?” May pagaalalang sabi nito sa akin.


Ako naman ang hindi nakapagsalita. Hindi ko napaghandaan ang tanong nyang iyon.


“Alam mo naman siguro na may pinagdadaanan rin ngayon si kuya Dorwin di ba? Yon ang dahilan kung bakit natatakot ako Red. Pareho kayong may pinagdadaanan tapos bigla bigla nalang kayong papasok sa relasyon?”


Nakuha ko ang ibig sabihin ni Ace. Naiintindihan ko kung bakit sya nagaalala para sa amin ng pinsan nya. Alam kong gusto lang nitong protektahan kami.


“Alam ko yon Ace, kaya nga ginagawa ko ang lahat para makalimutan nya si Niel. Gagawin ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noon sayo dahil gusto ko ring sumaya at gusto ko ring maramdaman na minamahal ako.” Sa puntong iyon ay tuluyan ng dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.


Nabigla ako sa sunod na ginawa nito. Yinakap nya ako nang mahigpit, hindi ako nakapagreact sa ginawa ni Ace pero batid kong humihikbi ito.


“Im sorry kung hindi ko nagawang mahalin ka Red. Im sorry kung wala ako nung mga panahon na kailangan mo nang makakausap. Im sorry.” Ang umaiiyak na nitong sabi.


Nakaramdam ko ang senseredad sa mga sinabi nito.


“Shhhh.. Tama na Ace tapos na yon. Ako pa nga dapat magpasalamat sayo dahil marami akong natutunan sa pagmamahal ko sayo.” Pag-aalo ko sa kanya habang hinahagod ang likod nito.


Nasa ganun kaming eksena nang tumunog ang cellphone ko. Agad namang bumitiw si Ace sa aming yakapan. Tinungo ko ang aking cellphone na nasa center table.


“Hello?” Pinilit kong hindi gumaralgal ang boses ko.


“Ah, ganun ba? Sige hihintayin nalang kita. Ano gusto mong ulam?”


“Alright, you’re the boss.”


“Sige babay din mahal.” Sabay putol nang linya.


Nakatingin lang sa akin si Ace na may mga ngiti sa kanyang labi.


“Si Dorwin, Malalate daw sya nang konte pero dito parin sya maglulunch. Dito ka na rin mag lunch Ace magluluto ako nang afritada yon ang request ni Dorwin, eh.” Nakangiti kong paaanyaya sa kanya.


“Wow! Paborito ko yan. Sige, Tatawagan ko na rin si Rome baka hanapin ako nun pagnagising hindi kasi ako nagpaalam na pupuntahan kita.”


“Ganun? Baka mag wala yon pagnagising na wala ka sa tabi nya.” Biro ko sa kanya.


“Kaya nga tatawagan, eh.” Nakangisi nitong sabi. “Seriously Red, wala ka ba talagang balak makipag-ayos sa mama mo?” Pagpapabalik nanaman nito sa topic namin kagabi.


“Ace.” Pagsaway ko sa kanya.


“Alright, alright!” Nakataas pang mga kamay nito na animoy sumusuko sa laban.


Tinulungan ako ni Ace na maghanda at pinatawagan ko sa kanya si Rome kung pweding sabihan nya itong bumili nang coke at yosi sa madadaanang grocey store. Magaalas dose na nang dumating si Rome. Assual labingang walang katapusan ang ginawa nang dalawa imbes na tulungan akong mag handa sa lamesa.

Dumating si Dorwin pasado alas dose. Saglit na  nabigla pa ito nang makitang nan doon ang magkasintahang walang kamatayan ang lambingan daig pa ang hindi nagkikita araw-araw. Makikita mo ang closeness ng dalawa habang naghaharutan sa hapag.


Naging masaya ang tanghalian namin. Pansin kong bumalik na ang sigla ni Ace, tumatawa na ito habang nakikipag kwentohan sa kanyang pinsan. Kami naman ni Rome ay nakikinig lang at nakikitawa sa kanilang dalawa.


_______________________


 Araw-araw kong ipinaparamdam kay Dorwin Kung gaano ko sya kamahal. Sa mga nagdaang buwan ay naging maganda ang pagsasama namin ni Dorwin walang nagbago nariyan ang lambingan at syempre ang sex pero ang mas pinaka exciting na nangyari ay nung ipakilala ako nito sa kanyang mga kaibigan at kapamilya. Parang nagkaroon ulit ako nang pamilya, tanggap nila ang relasyon na meron kami ni Dorwin naisip ko pa nga na napaka swerte pala ni Rome sa pamilya ni Ace noong ipakilala sya nito dahil yon ang naramdaman ko nang ako naman ang nasa lugar nya. Nung una nakakailang pero nandoon din naman sina Rome at Ace kaya hindi ako na out of place. Naging kasundo ko rin ang kambal nito na si Dave dahil pareho kami nang kurso at nangako pa ito sa akin na tutulungan akong makahanap ng trabaho oras na maipasa ko ang board exam.


“Mahal, happy 7th monthsary!” Ang magiliw kong bati sa kanya nang pumasok ito sa kwarto at akmang bubuksan na ang ilaw. Kadarating lang nito galing sa isang hearing.


Lagi kong pinaghahandaan ang monthsary namin ni Dorwin gusto ko kasi na gawing memorable ang bawat buwan na magkasama kami. Niluto ko ang mga paborito nitong ulam at bumili din ako nang mga paborito nitong desserts.


“Sabi ko na nga bang may binabalak ka nanaman, eh.” Ngingiti ngiti nitong sabi at binigyan ako nang halik.


“Syempre naman. Gusto ko lagi kitang sinusurpresa para hindi ka magsawa sa akin.” Naglalambing kong sabi.


“Asus! May ganun talaga? Ako rin may surpresa sayo.”


“Talaga, Ano naman yon?” Ang parang batang excited na malaman kung ano ang surpresa nito.


“Di mo ba muna ako papakainin? Nagugutom na ako. eh” Nakangiti nitong paglalambing.


“Ay, oo nga pala tara, niluto ko ang mga paborito mo tiyak mapaparami nanaman kain mo.”
At iginaya ko na sya sa lamesa na inihanda ko sa loob nang kwarto. Pula ang napili kong cover sa maliit na lamesa na pagsasaluhan namin. Ilaw na nagmumula sa scented candles ang nagsilbing liwanag sa kwarto. Nang makaupo sya ay ibinigay ko ang regalo ko sa kanya. Tatlong mapupulang rosas na may kalakip na note.


Bakas sa mukha ni Dorwin ang pagkabigla nang makita ang inihanda kong surpresa sa kanya. Effective ang surpresa ko. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili habang nakatingin na mangha sa ginawa ko.


Binigyan ako nito nang isang matamis na ngiti at sinimulang basahin ang note na ginawa ko talaga para lang sa kanya. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga loveletters nung high school sanay kasi ako na ako ang binibigyan ng mga may crush sa akin.


I may not be the man in your dream but I just wanted you to know that I was very lucky to have you as my other half. Kahit hindi mo sinasabing mahal mo ako hindi magiging rason yon para hindi na kita mahalin. All im asking is for you to stay beside me and let me make you feel how to be loved. I love you and happy Monthsary.

Red.


Kita kong unti-unting pumatak ang luha nito habang binabasa ang Note na ginawa ko para sa kanya.  Nang matapos nya itong basahin ay agad syang napatayo at lumapit sabay bigay nang isang mahigpit na yakap na ginantihan ko naman.


“Wag kang umiyak. Di ba sabi ko sayo ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak?” Pag-aalo ko rito.


“Ikaw kasi, eh.” Sabi nito na humihikbi.


Iniharap ko ang mukha nito sa akin at nagkatitigan kami.


“I love you.” Ang nakangiti kong sabi na bakas sa aking mga mata ang senseridad sa sinabi ko.


Inilalayan ko na itong bumalik sa upuan para masimulan na naming kumain. Sa loob ng pitong buwan ay mas lalong lumalim ang damdamin ko para kay Dorwin. Kahit pa man alam kong may puwang pa rin si Niel sa kanyang puso dahil sa tuwing naiimbitahan kami nang mga kabarkada nya ay nagiiba ang mood nito hindi iyon naging hadlang sa akin. Sa halip ay ginamit ko pa iyon para mas ma challenge akong mahalin sya araw-araw.


“Masaya ka ba ngayon?” Ang tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakaupo sa may carpet at nakasandal sa kama. Katatapos lang nitong inumin ang pangapat nyang tagay.


“Sobra!” Magiliw nitong tugon na sinamahan pa nang isang matamis na ngiti. “Ay teka yung surprise ko di ko pa pala nabibigay sayo.” Ang sabi nito nang maalala ang kanyang surpresa sa akin.


Tumayo ito at may dunukot sa kanyang pantalon. Nang makuha nito ang bagay na nasa kanyang bulsa ay mabilis nya itong tinago sa kanyang likod.


“Pikit ka.” Nakangiti nitong utos sa akin.


Sinunod ko naman sya. Parang tambol ang aking dibdib sa sobrang excitement. Naramdaman ko nalang ang pagdampi nang isang malaming na bagay sa aking daliri napamulat ako.


“Siguro sapat na ito para maiparamdam sayo na mahal rin kita Red. Hindi ko man sinasabi sayo kung gaano ka kahalaga sa akin alam ko sa puso ko na may nararamdaman din ako sayo hindi man tulad nang pagmamahal mo sa akin gagawin ko ang lahat para tuluyang makalimutan si Niel. Thank you for all the efforts it really means a lot to me.”


Napayakap ako rito. Sa pitong buwan naming magkarelasyon alam kong hindi ko pa lubusang naaangkin si Dorwin pero hindi na iyon mahalaga sa akin. Ang importante ay sinusubukan ako nitong mahalin sa abot ng kanyang makakaya. Pasasaan bat makukuha ko rin ang buong pagmamahal nya.


Iniharap nito ang aking mukha sa kanya at masuyo akong hinalikan. Naging malalim ang halikan namin. Pareho naming ipinaramdam ang pagmamahal sa isa’t isa hanggang sa namalayan ko nalang na nasa ibabaw na pala kami nang kama at kapwa na hubo’t buhad.


Nang maghiwalay ang aming mga labi ay nagtagpo ang aming nangungusap na mga mata.


“Make love to me Red.” Sambit nito.


“I will.” Pabulong kong sagot at muling naghinang ang aming labi.


______________________


Nagising ako sa malakas na tunog nang aking cellphone agad ko itong kinuha.


“Oh, Ace bakit?” Inaantok kong bungad rito.


“Sige, sige. What time ba?”


“Okey sige pupunta ako. Bye.” at ibanalik ko ang telepono sa side table.


Napatingin ako sa wall clock mag aalas dose na pala. Dali-dali akong bumangon at tinungo ang banyo.


Thank you about last night you’re always full of surprises. I’ll be home after my meeting with my client. Enjoy the rest of your day.

Dorwin,


Kahit na pitong buwan na ang lumipas ay patuloy pa rin ang pagiiwan ni Dorwin ng sticky note sa akin tuwing aalis ito na tulog pa ako. Ito ang nagbibigay sa akin ng ngiti at pagasa araw-araw sa tuwing hindi ko sya nakikita pagmulat ko. Mababaw man pero kontento na ako sa simpleng bagay na iyon. Maramirami na rin akong nakulektang sticky note galing sa kanya simula nang maging kami nakahiligan ko na itong itago sa isang maliit na box.


Hindi mahirap mahalin si Dorwin kahit paiba iba ito nang ugali. May mga araw na sorbrang lambing nito at may mga araw naman na may sumpong, yon ang nagustohan ko sa kanya napaka unpredictable nyang tao hindi ko mahulaan ang tumatakbo nang kanyang isip. Malapit na rin ang kasal ni Niel at ni Pauline ang girlfriend nito na balita koy anak mayaman rin. Minsan ko lang itong nakilala nung birthday nang kaibigan ni Dorwin at yon din ang unang beses na nakilala ko ang mga kaibigan nito. Hindi naman sila mahirap pakisamahan, tulad ng mga kaibigan ko ay makukulit at kwela rin ang mga ito lalo na si Brian na syang naging malapit sa akin.


Naging maganda ang takbo nang bar. Isa na ito ngayon sa mga dinadayong bars sa downtown area. Sa halip na sa tuwing Friday lang ang acoustic night ay ginawa naming Friday and Saturday since yon ang laging renerequest ng mga costumers namin. Si alex na ngayon ang casher ng bar kaya kahit anong oras na akong pweding pumunta doon.


Ang mga kabarkada ko naman ay hindi parin nagbabago. Nariyan parin ang Saturday session namin para makapag bonding at makapagusap usap syempre kasama na namin sa inuman si Dorwin.


Pitong buwan ko na ring hindi nakikita si mama. Wala na akong balita pa rito simula nang pinalayas ako nang asawa nya ni hindi nga nito nakuhang magtext o tumawag manlang para kumustahin kung buhay pa ako. Mas lalong sumidhi ang galit ko para sa kanya sa mga nagdaang buwan.


Tuluyan ko na ring nakalimutan ang nararamdaman ko kay Ace, sa ngayon ay matalik nalang kaming magkabigan at ako ang laging takbohan nito tuwing may problema sila ni Rome.


Natapos akong maligo at makapag bihis. Agad akong lumabas para puntahan si Ace sa bahay nila kailangan daw ako nitong makausap. Paniguradong may problema nanaman ito sa tono palang nang boses nya kanina.


“Kayo pala sir Red.” Ang bungad sa akin ni Manang Let ang mayordoma nila Ace.


“Manang si Ace po?” Magalang kong tanong rito.


“Nasa kwarto nya mukhang nagaway ni sir Rome. Hindi pa bumababa para kumain.” Pagsusumbong nito sa akin.


“Ganun po ba? Ako na bahala don manang.”


Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Ace. Sa pitong buwan na dumaan bihira lang magaway ang dalawa at kung magaway man ito ay maliliit na bagay lang kaya hindi ako nagaalala sanay na ako sa sumpong ng dalawang hunghang na ito.


“Ano nanaman ang problema mo at hindi ka pa raw kumakain?” Bungad ko rito nang pagbuksan ako ng pinto.


“Red, I need your help.” Seryoso nitong tugon.


“Ano naman yon?”


“Something’s wrong with Rome para itong balisa sa mga araw na nagdaan.” Pagkwekwento nito.


“What do you mean?” Nakakunot na noo tong tugon.


“Lately parang ang lalim ng iniisip nya. Nawala na ang appetite nya sa sex na mas lalong nagpapakaba sa akin. Feeling ko may babae si Rome.” Mangiyak ngiyak nitong paglalahad.


“Si Rome may babae?” Ang di ko makapaniwalang nasambit. “Ace, baliw na baliw ang mokong na yon sayo hinding hindi nya magagawa yon.” Dagdag wika ko pa.


“Nagawa nga nya noon bakit di nya magagawa ngayon? Siguro nagsasawa na sya sa akin.” At tuluyan na itong naiyak.


Yinakap ko naman ito at inalo iyakin talaga si Ace noon pa man ito rin siguro ang dahilan kong bakit na hulog ako sa kanya noon ang pagiging vulnerable nito na nagbigay sa akin ng pakiramdam na dapat ko syang protektahan.


“Shhh.. Tama na ako bahala kakausapin ko si Rome.” Pag-aalo ko rito.


“Natatakot ako Red, baka mauwi lang sa wala ang relasyon namin ni Rome.” Humihikbi nitong sabi.


“Hindi yon mangyayari ano ka ba. Wag ka ngang magisip ng ganyan. Basta ako ang bahala okey?”


Sinaluhan kong kumain si Ace para lang mapilit ito. Kahit tapos na akong kumain bago umalis ay napasubo ulit ako. Napaisip rin ako sa kung ano ang problema kay Rome totoo kayang nagsasawa na ito kay Ace?


Nang masigurong okey na si Ace ay nagpaalam na ako rito sinabihan ko nalang sya na wag na munang magisip ng kung anu-ano at intindihin nalang muna si Rome dahil baka may problema ito sa kanila. Balak kong tawagan si Rome at makipagusap sa kung ano man ang problema nito.


Tinawagan ko si Dorwin na doon nalang kami magkita sa bar sinabi ko rito na magiinuman kami nina Carlo at Rome. Tiwagan ko rin ang dalawa at niyaya silang makipaginuman ang dahilan ko lang ay na miss ko ang makipaginum na kami kami lang at hindi kasama ang mga karelasyon namin sinabi rin ni Carlo na tatawagan nya si Chad at aayain.


Pasado alast otso nang dumating ang mga kumag. Agad naman naming sinimulan ang inuman don lang kami sa labas pumuwesto para walang makarinig sa mga paguusapan namin. Magandang timing ito dahil matutulungan ako nina Carlo at Chad para mapilit si Rome na magsalita.


“Kamusta kayo ni Attorney pare?” Pagsisimula ni Carlo sa usapan.


“Kaka celebrate lang namin ng 7th monthsary kagabi.” Nakangisi kong tugon.


“Tingnan mo nga naman. Ang bilis na dumaan ng buwan noh? Nung una ayaw na ayaw mo sa kanya pero ngayon inlababo ka na.” Pabirong sabi nito.


“Oo nga eh. Nung una may nalalaman pa syang ‘Wala akong ibang lalaking iibigin kung hindi si Ace lang.’ na linya tapos ngayon ang keso na.” Sabat naman ni Chad.


Napatingin ako sa gawi ni Rome kita kong napalitan ang mukha nito mula sa pagkakangiti sa pagkaseryoso. Napansin naman ito ni Chad.


“Sorry pare kala ko kasi okey na ang ganung biro.” Pagpapaumanhin nito.


“Okey lang yon.” Tugon nito na may pilit na ngiti.


Nagkatinginan kami ni Carlo. Nasabi ko na sa kanya about sa sinabi sa akin ni Ace at nangako itong tutulungan ako. Kailangan ko lang ng tamang timing para matanong si Rome. Nagpatuloy ang kwentohan pero ibang topic na hanggang sa medyo may mga tama na kami.


“Rome may tanong ako.” Pag-agaw ko nang pansin nito na kanina pa parang baliw na tumatawa kahit hindi naman talaga nakakatawa ang usapan.


“Ano yon pare?” Ngingiti ngiti pa nitong tugon.


“May problema ba kayo ni Ace?” Seryosong tanong ko rito.


Bigla itong nagiba nang aura yung kaninang masaya at tumatawang Rome ay nanahimik bigla na parang iniisip kong sasabihin ba nya ang totoo o hindi.


“Pare, Nagpakahirap kaming tulungan kang makuha sya ulit wag mo naman sanang sayangin yon.” Dagdag wika ko pa rito.


Hindi ito sumagot kaya ako na mismo ang sumagot sa tanong ko sa kanya.


“Pinapunta ako ni Ace sa bahay nila kanina umiiyak ito dahil napapansin daw nyang may tinatago ka sa kanya. Diretsuhin na kita pare may iba ka ba?”


“Wala noh!” Maagap nitong sagot.


“Kung wala pare bakit di mo sya kasama ngayon? Hindi ikaw ang tipong gagala nang hindi kasama si Ace kilala kita.” Sabat naman ni Carlo.


“May..”





Itutuloy:

No comments:

Post a Comment