Monday, December 17, 2012

Afterall (14)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Mabalis pa sa alas kwarto na tinungo ko ang sasakyan ni Rome. Agad ko itong pinasibad para hanapin kong nasaan si Dorwin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para tawagan sya. Nakailang ring din ito bago nya sagutin.


“He-hello?” Ang tila lasing nitong sagot sa akin.


“Great! Lasing kananaman asan ka ba?” Nagpapanic kong tanong sa kanya. Baka kasi matulad nanaman ito nung huling malasing ito na hindi na kaya pang tumayo at magmaneho.


“Nasha bar kami.” Ang lango nitong sagot sa akin. Wala akong makukuhang magandang impormasyon sa kanya kaya naman pinutol ko nalang ang tawag. Pero dinig ko ang tawanan at maingay na tugtog paniguradong nasa isang disco bar ito. Ang alam ko lang naman na sikat na disco bar sa lugar namin ay nasa may downtown area malapit sa isang Hotel. Agad kong binaybay ang daan papunta doon.



Nang marating ko ang lugar ay nakita ko agad ang kotse nito na nakapark sa isang tabi lang. Agad akong bumaba para pumasok nang harangin ako nang bouncer. Naka pamewang pa ito na animoy bibitbitin ka pagnagattempt kang gumawa nang gulo.


“Boss may stamp ka na ba?” Tanong nito sa akin habang nakaharang sa pintuan.


Ayoko naman na makakuha nang atensyon kaya binayaran ko nalang ito nang 100 na entrance fee kahit wala naman akong planong makipag siksikan sa loob nang matagal.


Nang makapasok ay agad kong hinanap si Dorwin.  Sa dami nang tao ay nahirapan akong hanapin ito idagdag mo pa ang mga kababaihan at mga baklang pilit akong isinasayaw akala siguro nang mga ito ay nan doon ako para maki-party sa kanila.


Nang makita ko ang pamilyar na damit na suot ni Dorwin kanina bago kami umalis ng bahay ay agad ko itong linapitan. Nakipagsiksikan ako sa mga tao na ngayon ay nagsasayaw sa makipot na dance floor. Nasa may bar counter ito at may kausap na dalawang lalake nagtatawanan pa ang mga loko.


“Dito kalang pala.” Ang bungad ko rito nang akoy makalapit.


“Oh Red, ano ginagawa mo dito?” Kung pwedi ko lang batukan tong taong to siguro na gawa ko na. Ano kaya sa tingin nito ang ginagawa ko sa isang disco bar na pagkasikip sikip at ang sakit sa mata nang usok na nagmula sa mga sigarilyo na di na ata nakayanan ng exhaust fan ng bar na iyon.


“Ano pa ba ang ginagawa ko rito eh di sinusundo ka.” Sarkastikong tugon rito. Hindi naman ako naiinis sa kanya kung hind sa mga baklang pasekreto akong hinihipuan kanina.


“Pare, sino sya body guard mo?” Singit nang lalaking kausap ni Dorwin kanina.


Napatingin ako sa gawi nito at binigyan ng nagbabantang tingin.


“Easy lang pare, biro lang yon.” Sabi nito na nakataas pa ang dalawang kamay.


“Waiter! Ibigay mo na sa akin ang bill nito aalis na kami.” Sumunod naman ito at kinuha ang bill ni Dorwin sabay abot sa akin.


Agad kong binayaran ang damage ni kolokoy sabay aya na nitong umuwi. Nakatanga lang ang dalawang hunghang habang itinatayo ko si Dorwin at inilalayan para makipagsiksikan muli sa mga taong walang kapagod pagod na magsayaw kahit na empyerno na sa init ang lugar.


Nang makalabas at maisakay si Dorwin sa sasakyan ni Rome ay kinuha ko ang susi nito. Hindi naman ito namilit na magmaneho. Sinabihan ko itong wag nang bumaba at hintayin lang ako. Tumango naman ito sa akin.


Pinaandar at ipinark ko ang sasakyan nito sa isang malapit na hospital para safe ito doon at mabantayan nang gwardya. Naghanap nalang ako nang motor para magpahatid pabalik sa kung saan ko iniwan ang kotse ni Rome at si Dorwin.


“San tayo pupunta?” Tanong nito sa akin nang paandarin ko na ang sasakyan.


“Magkakape muna tayo nang mahimasmasan ka naman. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote mo at nagpunta ka nang bar mag-isa? Asan ang mga kaibigan mo akala ko ba sila ang kainuman mo ngayon?” Pag-interrogate rito.


“Nasa bahay nina Niel. Hindi ko gusto ang ambiance kaya umalis ako doon agad. Ayaw ko namang umuwi muna dahil wala naman tao don kaya nagpalipas lang muna ako nang oras sa bar habang hinihintay kang magpasundo.”


Nakaramdam ako nang awa para rito. Siguro hindi pareho ang nangyari ngayon sa amin. Kung ako ay naging masaya sa muling pagkikita namin ni Ace sya naman siguro ay hindi nakayanan na makita ang dati nyang minamahal na ngayon ay may girlfriend na daw.


“Ikaw talaga. Wag ka ngang pasaway sa akin Damulag. Halika nga rito.” Sabay hila nang kamay nya para mapasandal sya sa akin at agad ko syang inakbayan habang ang isang kamay ko ay nasa manibela. “Pwedi mo naman kasi akong tawagan kanina na di ka pala nag eenjoy doon eh.” Dagdag paglalambing ko pa sa kanya. Ito lang kasi ang alam kong gawin para maibsan ang lungkot nya.


“K.J ko naman nun kung papauwin kita agad dahil sa hindi ako nagenjoy sa lakad ko.” Sagot nito sa akin.


“Asus! Gumaganun? Take out nalang natin yung kape punta tayo sa bahay nila Rome hinihintay nila tayo eh.” Magiliw kong sabi sa kanya.


“Hindi ba nakakahiya? Tsaka pano si Ace?” Nagaalangan nitong sabi.


“Hindi yan ako ang bahala. Kung si Ace naman ang inaalala mo paniguradong nasabi na nila kung sino ang susuduin ko.” Sabay bigay nang isang ngiti na may assurance.


Hindi na ito sumagot pa at nanatili nalang naka sandal sa akin. Nang matapos kaming makapag order nang kape para sa kanya ay dumeritso na kami sa bahay nila Rome. Hindi nga ako nagkamali dahil parang hindi na nabigla si Ace nang makita na kasama ko ang kuya Dorwin nya.


“Kuya, buti naman at napilit ka ni Red na pumunta rito.” Ang bati ni Rome sa kanya.


“Oo nga eh,” Napapakamot nito sa ulong tugon.


“Sayang Kuya Dorbs, di mo na abutan sina Mommy at Tita Wilma.” Sabat naman ni Ace.


“Talaga, sayang naman di ko sila na abutan.” Nakangiti nitong sagot sa kanyang pinsan.


“Tol, kuha ko lang sya nang pagkain, ah.” Sabat ko sa usapan nila para makaiwas na magisa. Panigurado kasing umandar nanaman ang pagiging madaldal ni Angela lalo’t may tama na ito nang alak.


“Naku, tapos na ako kumain. Inuman nalang tayo.” Nahihiyang pagtangi nito.


“Ano kaba kuya wag kanang mahiya. Rome samahan mo si Red kumuha nang pagkain para kay Kuya Dorwin mahilig yan sa sweets.” Utos ni Ace kay Rome.


Ayon na nga magkasama kami ni Rome na tinungo ang buffet para ikuha nang pagkain si Dorwin. Nilingon ko pa ito at nakita ko naman na nakangiti itong nakikipag usap sa mga kaibigan ko at sa pinsan nya. Atleast dito di ka ma bobored. Ang pabolong kong sabi.


“Anong meron sa inyo ni Kuya Dorwin?” Nakangising tanong ni Rome sa akin.


“Wala, Magkaibigan lang kami.” Simpleng sagot ko sa kanya.


“Ah, okey” Tatawa-tawang sabi nito.


“Bakit tumatawa ka? Ano nanaman yang tumatakbo sa isip mo?” Nakangiti ko ring sabi rito. Okey na ako, humingi na nang tawad sa akin si Rome kahit hindi naman talaga dapat. Talagang mabait lang itong gagong to minsan lalo na pag-okey sila ni Ace.


“Salamat nang marami tol ah.” Sinserong sabi nito.


“Wala yon basta kayo. Teka nga naka 1st base ka naba kay Ace?” Biro ko sa kanya. Ayaw ko nang mauwi nanaman sa dramahan ang usapan, gusto kong magenjoy ngayon.


“Kung kaya lang magdala nang bata nyang si Supah Ace paniguradong buntis na yan.” Sabay tawa naming dalawa.


“Hoy! Anong tinatawa-tawa nyo dyan mga ugok kayo?” Hindi namin namalayan na sumunod pala si Ace sa amin. “Ang tagal nyong kumuha nang pagkain nagugutom na panigurado si Kuya Dorwin.” Dagdag pang sabi nito.


“Wala wifey nagkakatuwaan lang kami ni pareng Red. Hindi kasi namin alam kong ano ang trip ni kuya Dorwin kainin, eh.” Magiliw nitong tugon sabay akbay nito sa akin.Ngingiti ngiti lang akong tumango.


“Mango float, salad, chocolate cake, at maraming coke. Yan ang dalhin mo sa kanya im sure ubos nya yan.” Tugon nito kay Rome at aktong babalik na sa lamesa nang lumingon ulit ito.


“Hoy Red, maguusap tayo bukas.” Seryosong wika nito na tinanguan ko naman.


“Patay kang bata ka. Mukhang ikaw ang pinaglilihian ng asawa ko.” At humalakhak nanaman ito nang nakakagago na pati ang mga bisita nang mommy nya ay napalingon sa gawi namin.


“Gago! Tara na nga puro ka kalokohan.”


Nakabalik na kami sa umpukan. Pansin kong hindi na naiilang si Chad sa presensya naming pito nakikisali narin ito sa usapan at tawanan.


“Ay bongga! Favorite ko to papa Red thank you.” Sabi ni Angela nang makita ang mga dala ko.


“Kumuha ka doon hindi ito para sayo.” Pangaalaska ko sa kanya. “At di ba diet ka?” Dagdag ko pang biro rito.


“Tse! Hindi ako kumain buong araw noh kaya keri lang na lumamon ako ngayon nang bonggang bongga.” Nagtataray nitong tugon na may irap pang kasama.


Natawa kaming lahat sa kalokohan ni Angela sira ulo talaga ang babaeng ito.


“Talagang pinaghandaan mo ang pagpunta mo rito noh?” Dagdag namang pangaalaska ni Mina.


“Besh pati ba naman ikaw?” Nagtatampo nitong sabi at sinabayan nang pag-pout sa kanyang pangibabang labi.


“Ang pangit besh di bagay.” Humahalakhak na pangbubuska ni Mina.


“Umiinom ka nanaman?” Pabolong kong pagpansin kay Dorwin nang makitang may hawak itong bote nang san mig light.


“Beer lang naman ito.” Balik bulong nito na nakangiti.


“Ano binubulong bulong nyo dyang dalawa?” Nagtataray na tanong ni Angela siguro akala nya sya ang pinaguusapan namin.


“Wala.” Magkasabay naming tugon ni Dorwin at sabay na tumawa.


“Pag ako talaga nagka boyfriend ipapabugbog kita Red.” Inis nitong wika sa akin na tinawanan lang namin. Kahit kasi umastang napipikon si Angela hindi naman nya ito dinidibdib.


Tinawag si Rome at Ace nang mommy at daddy nang una para ipakilala sa mga kaibigan at ibang kapamilya nito na dumating mula pa talaga sa surigao. Triple celebration daw ito ngayon ang pagbabalik ng daddy ni Rome at pagpapakilala nang mga magulang nila sa asawa nang nagiisa nilang anak. Nakakatuwa ang suportang ibinigay nang mga parents nila hindi nito ikinahiya ang relasyon nang kanilang mga anak.


Kwentohang wagas ang sumunod na nang yari nang makabalik sina Rome at Ace sa aming umpukan. Ikwenento ni Rome ang mga nangyari sa kanila ni Ace sa Isla na pagaari nila Carlo. Halos mamatay sa kilig naman ang mga babae naming kasama nang malaman ang mga pinag-gagawa nang dalawa habang nasa isla.


Napansin kong masaya naman si Dorwin sa piling nang mga barkada ko at pinsan nya. Nakikisali naman ito sa usapan at nakikitawa rin ito. Tahimik lang akong pinagmamasdan syang tatawa-tawa nung napagusapan nila ni Ace ang tungkol sa mga kalokohan nila nung mga bata pa sila. Si Tonet naman at Carlo ay talagang nagsisimula nanamang langgamin siguro naiingit ang mga ito kay Rome at Ace na kanina pa hindi naghihiwalay ang mga kamay kakaholding hands. Ganun din sina Mina at Chad na may pabulong bulong pang nalalaman. Mahurot siguro ang dalawang to biruin mong umaabot sila nang 4 rounds. Si Angela naman mukhang wala lang sa kanya ang lambingan ng mga kaibigan namin siguro katulad ko masaya rin ito para sa kanilang lahat.


Umabot ang inuman namin hanggang alas tres nang madaling araw. Nagpahatid kami kay Chad sa kung saan ko iniwan ang sasakyan ni Dorwin tutal dadaan naman talaga sya doon para maihatid nya si Angela. Mukhang wala rin planong maghiwalay magdamag ang dalawa.


“Daan naman tayo nang Andoks.” Sabi ni Dorwin nang mastart ko na ang makina nang kanyang sasakyan.


Napakunot noo ako sa narinig.


“Nagugutom ko nanaman?” And di ko makapaniwalang naisambit.


“Hindi, Gusto ko lang bumili nang kahit 3 bote nang RH para makatulog ako. Nawala kasi yung tama sa akin nang ininum ko kanina nang mag san mig light ako.” Mahaba nitong sabi. Hindi ko na ito pinigilan pa dahil maski ako medyo hindi rin tinamaan sa san mig light na ininum ko.


Tinahak ko ang daan patungong Andoks ako na rin ang bumaba para bumil. Anim na RH stallion ang binili ko para kung sakaling mapasarap ang inuman namin ay di kami mabibitin. Alam ko naman kasing pagdating sa RH malakas ang tolerance ni Dorwin. Dumaan din kami sa isang 24/7 na mini grocey para bumili nang pulutan namin.


Nang makarating nang bahay agad inakyat ni Dorwin ang tatlong bote habang ako naman ang nag dala nang tatlo pang natitira pati na rin nang pulutan. Kumuha na rin ako nang baso na gagamitin namin para tagayan mas maganda yun para medyo mapatagal ang inuman namin. Napagisip isip ko rin na tamang timing to para matanong si Dorwin tungkol sa problemang dinadala nito.


Nang matapos makapag palit nang pambahay ay agad kaming nag simulang maginuman ni Dorwin. Sa mga unang palitan namin ng tagay ay walang namagitang usapan sa amin. Tahimik lang kaming pareho na nakatingin sa lamp shade na nagbibigay ilaw sa buong kwarto. Nang medyo may tama na ako ay napagdesisyun kong simulan ang usapan.


“Bakit wala kang family picture dito sa bahay mo at ang aga mo naman atang bumukod di ba 25 ka lang?” Sempleng tanong ko sa kanya.




“Di ko lang trip mag lagay.” Semple rin nitong sagot sa akin.


“Hindi naman sa nang hihimasok ako pero narinig ko kasi ang usapan nyo ni Ate Claire nung magpunta sya rito.” Malumanay kong sabi rito.


“What do u want to know Red? Diretsuhin mo nalang ako.” Ang sabi nito na nakatingin sa aking mata. Nakaramdam ako nang pagaalinlangan kung dapat ko pabang ipagpatuloy ang paguusisa ko tungkol sa kanya. Natatakot kasi ako na baka magalit ito sa akin. Ngunit dala siguro nang sobrang curiosity ay nagawa ko ulit magtanong.


“Tell me what happened to You and Niel.” Walang kagatol-gatol kong sabi.


Napakunot ang noo nito at halatang hindi na gustohan ang tanong ko.


“Bakit ko kailangang sabihin sayo?”


“I just wanted to know the real story.”


“I can’t find any reason for me to tell you about it.” Tugon nito sa akin sabay ubos nito sa natitirang laman ng baso.


“I care for you. Isn’t it enough?” Seryoso kong sabi.


“Wag mo akong kaawaan Red.”


“Hindi kita kinakaawaan. Gusto ko lang malaman para kahit papaano makatulong ako katulad nang ginawa mo sa akin.”


“Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit kanino.” May diin nitong sabi.


Natahimik ako at napaisip. Walang patutunguhan kong ganitong klaseng pakikipagusap ang gagawin ko sa kanya paniguradong wala akong makukuha. Bigla kong naisipan na i-provoke sya kahit magalit man ito sa akin mailalabas naman nito lahat ng sama nang loob na kinikimkim nya.


“Talaga lang ha? Kung hindi mo kailangan nang tulong then why are u doing this to yourself? Nag mumukmok ka, nag lalasing. Alam mo ba kung bakit ginagawa yan nang tao? Hindi lang dahil sa gusto nilang makalimutan problema pansamantala kung hindi gusto nilang may pumansin at maawa sa kinala!”


“Hindi ako nagpapaawa wala kang alam!” Napalakas nitong sabi.


“Ako pa ngayon ang walang alam?” Sabay tawa ko nang pagak. “Bakit, Ano ba pinagkaibahan nang nangyari sayo sa nangyari sa akin?” Ganting sigaw ko rito.


Napatahimik ito at napayuko.


“Alam mong pinagdaan ko rin yan kaya alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman mo.” Mahina ko nang sabi rito.


“Nakilala ko si Niel nung nagtatake up ako nang law, isa rin syang law student. Naging mabuti kaming magkaibigan hanggang sa nauwi sa isang sitwasyon na pareho naming hindi inaasahan. We fell inlove to each other at mas lalong naging masaya ang unang taon namin sa law.” Tinagayan muna nito ang baso para sa akin bago nagpatuloy.


“Akala ko tuloy tuloy na ang saya pero hindi pala. Noong nangangalahati na kami sa second year ay biglang nawala si Niel. Hinanap ko sya kung saan saan hanggang sa nalaman ko na nagpunta na sya nang Canada kasama ang pamilya nya. I was devastated that time kasi pakiramdam ko naloko ako. Wala akong malapitan nung mga panahong iyon. Naging diversion ko ang pagaaral para makalimot hangang marinig kong nagtatalo ang kambal ko at si papa.” Kita ko ang matinding lungkot sa mga mata nito na sinabayan ng pagagos nang masaganang luha. Ito ang pangalawang pagkakataon na makita ko si Dorwin na vulnerable. Malayong malayo sa pinapakita nya araw-araw sa mga kleyente nya at sa mga kanyang kaibigan.


“Hindi ko alam na may ideya pala sila sa naging relasyon namin ni Niel. Si papa ang gumawa nang paraan para maghiwalay kami. Pinuntahan nya ang parents ni Niel at isinumbong ang relasyon namin kaya dinala si Niel sa Canada. Kinimkim ko ang galit ko sa aking ama at kay Niel hanggang sa akoy makapagtapos. Ang kambal ko at si Ate Claire ang naging sandigan ko nung mga panahon na kailangan ko nang kausap.


“Ang mama mo?” Pagbutt-in ko.


“She died because of breast cancer nung high school palang kami ni Dave.”


“Sorry.” Mahina kong sabi.


“Okey lang yon. Matagal ko nang tanggap ang pagkawala ni mama.”


“Pero nandito na si Niel. Bakit di nyo pagpatuloy ang nasimulan nyo noon?” Ang may himig nang pagasa kong sabi para sa kanya.


“He’s getting married.” Matipid nitong sagot sa akin.


Nakaramdam ako nang awa para sa kanya. Isa lang ang alam kong pwedi kong gawin para manlang maibsan ang nararamdaman nito. Niyakap ko sya nang mahigpit, yakap na nagpaparamdam na magiging okey rin ang lahat.


“Tagay mo na.” Ang wika nito sa akin na nakangiti na kahit may mga dumadaloy paring luha sa mga mata nito. Binigyan ko sya nang isang matamis na ngiti at pinahid ang mga luha nito gamit ang aking kamay bago ako uminum.


“Mag patugtog tayo.” Ang sabi ko sa kanya at agad na tumayo para tunguin ang computer table nito. “May maganda kabang music dito?” Dagdag wika ko habang binubuksan ang computer.


“Tingnan mo sa music files may mga kanta ako dyan.” Tugon nito sa akin.


“Ito mangada to.” Sabay play nang kanta na napili ko ine-repeat mode ito. “Paborito ko ang kantang to.” Dagdag wika ko pa.






Forevermore – Side A Song Lyrics




Nagpatuloy kami sa inuman namin. Lumakas na rin ang tama ko kaya naman sinasabayan ko na ang kantang paulit ulit na tumutugtog. Nang mapatingin ako kay Dorwin ay nakatingin rin pala ito sa akin.

“Bakit ka nakatingin?”


“Wala. Nakakatuwa kalang pagmasdan.” Nakangiti nitong sagot.


“Naiinlove ka siguro sa boses ko.” Pagbibiro ko sa rito.


“Kapal ng mukha mo.”


Inilapit ko dito ang mukaha ko at tinitigan sya mata sa mata hindi ito nakailag dahil nakakulong sya sa magkabila kong kamay na nakahawak ngayon sa kamang kinasasandalan nya.


Pinagsawa ko ang aking mata sa pagtitig sa maamong mukha nito. Ayaw kong makitang nalulungkot ang mukhang nakikita ko ngayon.


“Re-red..” Nauutal nitong sambit sa pangalan ko.


“Shhhh, Ayaw mo bang subukan natin?” Ang malambing kong tanong rito sabay bigay nang marubdob na halik. Nagbigla ito at hindi agad na tumugon. Pinagbuti ko pa ang paghalik sa kanya ipinaramdam ko sa kanya na hindi iyon halik ng pagnanasa kung hindi halik ng pagmamahal. Ilang sigundo pa ay lumaban narin ito nang halikan sa akin.


Naramdaman ko nalang ang mga kamay nito na humahagod sa aking likod papunta sa aking batok. Itinayo ko sya na hindi hinayaan na maghiwalay ang aming mga labi at dahan-dahan ko syang inihiga sa kama.


Naghiwalay kami sa aming halikan para kumuha nang hangin.


“Anong subukan?” Humihingal nitong tanong sa akin.


Ngumiti ako rito at hinawakan ang kaliwang pisngi nito.


“Alam ko namang may pagtingin ka sa akin kahit papaano, eh. Alam ko rin na may nararamdaman na ako sa iyo kaya gusto ko sanang subukan nating sumaya sa isa’t isa.” Sensero kong sabi rito.


Hindi ko na ito hinayaan pang makapag tanong o humindi gusto kong iparamdam sa kanya na seryoso ako sa sinabi ko sa pamamagitan nang aking mga halik.


Hindi naman ako nabigo naramdaman kong dahan dahan na nitong inaangat ang aking damit para matangal ito. Humiwalay kami nang halikan para hindi na sya mahirapan pang hubaran ako. Isinunod ko rin ang damit nya at nang kapwa na kami walang pangitaas ay muling naglapat ang aming labi.


Hindi nito mapigilang mapa ungol nang pasadahan ko ang tenga nya. Talo nito ang musikang pinatugtog ko kanina dahil ang sarap nitong pakinggan na lalong nagpaulol sa akin.


Mas lalo ko pang ginalingan at pinalikot ang aking dila para mas lalo nitong lakasan ang parang musikang gustong gusto kong marinig na ungol nya.


Muli ko syang tinignan, nag tama ang aming mga mata.


“I love you.” Ang nasabit ko at muli ko syang hinalikan pababa sa kanyang mga utong. Doon ko naman pinagsawa ang aking dila. Halos sabunutan ako nito sa sensasyong na nararamdaman nya. Nariyan ang kinakagat-kagat ko ito at dahan-dahan pinapaikot ang dila ko sa gilid nang kanyang utong.


“Red?”


“hmmmm?”


“Hindi ba parang ang bilis naman. Halos last week lang tayong nagkasundo.” Sambit nito habang hinahagod ang likod ko.


“Di naman importante yon ang importante pareho tayong may nararamdaman sa isa’t isa. We can work this out promise.” Tugon ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Tumango ito sa akin at ngumiti.


Na bigla ako nang ihiga ako nito sa kama at mabilisang pumatong sa akin.


“Ako naman ang magpapaligaya sayo.”


Ginawa nya lahat nang ginawa ko sa kanya pero ang mas lalong nakapag bigay sa akin nang ibayong libog ay nung isubo nito ang aking pagkalalaki. Para akong nakukuryente sa sobrang sarap at kiliti na dulot nang mapaglaro nitong dila. Napapamura nalang ako sa sobrang sensasyon na nararamdaman ko lalo na nung maramdaman ko ang dila nito na pinaglalaruan ang dalawa kong bola.


Mabaliw baliw ako sa salitang ginawa nya. Nariyan ang ibinabalik nito ang atensyon sa ari ko habang nilalaro naman ng kamay nya ang mga bola ko.


Iginaya ko ang ulo nya sa pabalik sa akin. Muli nanaman kaming nagkatitigan.


“Dorwin.” Ang nagsusumamo kong sambit nang kanyang pangalan. Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.


“Hindi ko kaya Red.” Sambit nito na halata ang pagaalala sa mukha.


“This time I’ll be gentle.” Paga-assure ko sa kanya.


Tumango ito na ibig sabihin nagtitiwala sya sa akin.


Hinubad ko ang natitirang saplot nya at nang matanggal ito ay ipinatong ko ang kanyang magkabilang binti sa making balikat. Dinuraan ko ang aking kamay at ipinahid ito sa kanyang butas. Hindi tulad noong una ko syang inangkin ngayon ay may pagiingat, dahan-dahan akong pumasok sa kanya. Kita ko na pilit nyang tinitiis ang sakit kaya para manlang ma divert ang nararamdaman nya ay hilakan ko sya kasabay nang pagpasok ng aking kabuohan.


“Mahal kita.” Ang sambit ko at dahan-dahan nang umindayog.


Impit na ungol ang namumutawi sa aming dalawa. Maingat, hindi nagmamadali ang ginagawa kong pagindayong para mas lalong maramdaman nya rin ang sarap tulad nang nararamdaman ko.


Bumagsak ako sa tabi nito nang marating ko ang sukdulan. Habol ang hiningang yumakap ako sa kanya at binigyan sya nang matamis na halik na tinugon naman nito nang kaparehong halik.


“Salamat sa pagtitiwala.” Ang sambit ko nang maghiwalay ang aming labi.


“Hindi ko alam kong ano ang mangyayari mamaya pagising natin Red pero gusto ko na ring makalimot sa nakaraan ko, tulungan mo ako.” Nagsusumamo nitong sabi.


“Tutulungan natin ang isa’t isa.” Sagot ko at muling naglapat ang mga labi.



Itutuloy:

No comments:

Post a Comment