Monday, December 17, 2012

Afterall (15)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Kinabukasan nakaramdam ako nang uhaw kaya ako nagising. Nang mapatingin ako sa wall clock ay magaalas onse na pala. Ibinaling ko ang aking tingin sa taong ngayon ay mahimbing na natutulog katabi ko. Nakaunan ito sa aking kanang braso at nakayakap sa akin. Halos abutin kami nang sikat nang araw kanina sa aming ginawa. Napangiti ako nang magbalik sa aking alala ang mga nangyari.


Dahan-dahan kong inihiga ang ulo nito sa unan at tumayo na. Kailangan kong maghanda para sa aming tanghalian. Pinulot ko ang nagkalat naming saplot sa ibaba nang kama at tinungo ko ang banyo para maghilamos at makapag toothbrush na rin. Nang makapag bihis ay isinunod kong ligpitin ang mga bote nang RH at mga supot nang mani na binili namin at dinala na ito pababa.




Napagdesisyunan kong magluto nang sinigang para may sabaw, panigurado kasing may hangover nanaman yon pagising. Nagsaing na rin ako nang kanin at bumili  nang coke sa malapit na tindahan sa labas.


Nang maluto ko ang inihanda kong putahe para sa aming tanghalian ay umakyat akong muli sa kwarto para gisingin sya.


“Damulag.” Ang mahina kong sambit habang niyuyugyog sya nang marahan.


Hindi ito natinag sa ginawa ko. May pumasok agad sa isip ko para tuluyan itong magising at ginawa ko nga. Hinalikan ko sya sa labi kasabay nang paghimas sa kanyang nakatayong sandata na natatakpan nang makapal na kumot. Hindi nga ako nagkamali napamulat ito at parang nabigla. Napa hagikhik ako sa kanyang naging reaksyon.


“Good morning Damulag!” Ang magiliw kong bati sa kanya at binigyan sya nang isang halik.


“Ano ginagawa mo?” Nakakunot nitong tugon sa akin.


“Ginigising ko ang mahal ko dahil nakahanda na ang pagkain sa baba.” Hindi pa rin mawala ang magiliw na aura sa akin.


“Kinabahan naman ako. Kala ko i-score ka nanaman.” Sabi nito na ngayon ay nakangiti na.


Napahalakhak ako sa sinabi nito.


“Hindi pa. Mamaya na ako i-score pagkatapos kumain ng mahal ko.” Paglalambing ko rito. “Tara na, bangon kana baka lumamig ang niluto ko.” Dagdag wika ko pa.


“Di ka rin napapagod noh?” Pabiro nitong sabi.


“Hinding hindi ako mapapagod basta ba lagi mo lang gagawin yung ginawa mo sa akin kanina eh.” Sabay kindat ko sa kanya.


Kita kong namula ito nang bahayga. Ang cute talaga nitong asarin dahil pagnamumula ito ay madali mong mapapansin sa sobrang puti nya.


“Grabe ka. Nakarami na nga tayo kanina gumaganyan ka pa. Baka dugo na ang lumabas sayo.” Biro nitong sabi at tumayo na.


Napakunot noo ako sa aking nakita. Tumingin din ito sa gawi kung saan nakapako ang aking tingin.


“Wag kang magalala okey lang ako.” Paninigurado nitong sabi na sinamahan pa nang matamis na ngiti.


“Pero di ba napasok ko na yan dati? Bakit dumugo ulit, masakit pa ba ngayon?” Nagaalala kong tanong sabay lapit ko sa kanya.


“Sa laki ba naman nito.” At dinakma nito ang putotoy ko. “Sino ang di duduguin?” Dagdag pagbibiro pa nito.


“Sigurado ka bang okey kalang?” Hindi pa rin mawala ang pagaalala ko dahil sa dami nang mantsa nang dugo sa kobre kama at meron din akong nakita sa kumot.


“Don’t worry okey lang ako kahit mag round 4 pa tayo ngayon.” Nakangisi nitong sabi sabay halik sa akin.


Agad namang napawi ang pagaalala ko dahil sa biro nya. Hindi naman siguro sya magyayaya nang ganun kung may nararamdaman syang kakaiba ngayon.



“Sige, mamaya round 4 tayo, pero kain muna tayo para may energy ako.” Ang nakangisi ko nang sabi rito.


Tumatawa itong pumasok sa banyo. Habang ako naman ay ngingiti ngiting tinanggal ang bed sheet at kinuha ang kumot na may dugo para malabhan.


Nang matapos maayos ang kwarto ay sakto namang paglabas ni Dorwin na ngayon ay bagong ligo na.


“Aba! pinaghahandaan ang round 4 mamaya ah.” Biro ko rito. “Ang bango bango naman nang mahal ko.” Sabay yakap ko rito mula sa likuran at binigyan sya nang mga damping halik sa kanyang batok  habang kumukuha sya nang damit sa cabinet.


“Baliw.” Tatawa-tawa nitong sagot sa akin halatang kinikilig.


“Tara na bumaba na tayo baka di ako makapagpigil ikaw ang kainin ko.” Sabi ko rito na di parin natatangal ang pagkayakap sa kanya.


“Paano naman kasi ako makakapag bihis kong nakayakap ka. Tsaka yung ano mo tinutusok likod ko.” Tukoy nito sa aking sandata na unti-unti nanamang tumitigas.


Tatawa-tawa akong bumitiw sa kanya para tuluyan na syang makapagbihis. Nang matapos ito ay agad na kaming bumaba para kumain.


“Wow! Sarap naman nitong hinanda mo.” Magiliw nitong sabi sa akin.


“Kasing sarap ko?” Tanong ko sa kanya na may kasamang pilyong ngiti.


“Mas masarap ka parin syempre.” Ang namumula nitong sagot sa akin.


Napa hagikhik nalang ako sa sinabi nito.


Talaga palang mahilig si Dorwin sa coke dahil halos mangalahati sa kanya ang binili kong 1.5 hindi pa man ako naglalagay sa baso ko.


Tinulungan ako nitong magligpit at maghugas. Sya ang taga banlaw at ako naman ang taga sabon. Nagbibiruan pa kami habang ginagawa iyon. Nariyan ang babasain nya ang mukha ko nang tubig na ginagantihan ko naman nang paglagay nang sabon sa kanyang mukha. Napakasayang simula para sa aming dalawa.


Nang matapos kaming makapaghugas ay isinunod ko namang ibabad sa washing machine ang kumot at ang bed sheet. Sinadya nya daw talagang bumili nang washing machine para sa mga ito dahil sobrang bigat kung dadalhin pa nya ito sa laundry shop. Napaisip tuloy ako kung pano nya ginawa yon magisa sya pa naman ang tao na sa tingin ko walang alam sa mga gawaing bahay.


Halos magaalas dos na nang hapon ng matapos kami sa lahat nang gawaing bahay. Mabagal dahil puro harutan ang ginagawa namin habang naglilinis. Nang umakyat kami sa kwarto agad kong tiningnan ang cellphone ko kung meron ba akong mensahe or missed calls. Hindi nga ako nag kamali meron akong apat na mensahe at lahat ng iyon ay galing kay Ace. Ipinaalala nito sa akin na may paguusapan kami mamaya. Napailing nalang ako sa nalalapit na interrogation na mangyayari.


“Oh, bakit?” Pagpansin ni Dorwin nang makita akong napapailing.


“Yung pinsan mo mukhang gigisahin ako mamaya.” Lungkot lungkutan kong sabi.


Natawa ito sa ginamit kong termino.


“Panigurado yon. Hindi nya alam ang tungkol sa akin eh.” Animoy natutuwa pa nitong sabi.


“At talagang na tutuwa ka pa ha? Paano, sasabihin ko ba ang tungkol sa atin?” Di ko kasi alam kong okey ba sa kanya kung malaman ng barkada ko ang tungkol sa amin.


“Ang tanong dyan ay gusto mo bang sabihin?” Nanunubok nitong balik tanong sa akin. Alam kong hindi pa ito tuluyang naniniwala sa mga sinabi ko sa kanya kanina.


“Gusto kong sabihin sa kanilang lahat.” Seryoso kong sabi.


“Hindi ka ba natatakot na pagtawanan nila? Baka magwala si Angela.” Nakangisi nitong sambit parang ewan lang.


“Hindi nila gagawin yon at tungkol naman kay Angela di mo sya dapat pagselosan.” Nakangiti kong pangaalaska.


“Pagselosan?” Paguulit nito sa sinabi ko sabay tawa nang nakakagago.


“Bakit di mo ba ako ipagdadamot?” Lungkot-lungkutan kong sabi rito.


“Asus nag tampo ang mama.” Naglalambing naman nitong sabi sabay yakap sa akin.


Hindi ako tumugon sa yakap nito sa halip pinagpatuloy ko ang pagarte na kunyare nagtatampo. Gusto kong makita kong paano nya ako aaluin.


“Hala, nag tampo na nga. Syempre ipagdadamot kita pero hindi sa mga kaibigan mo alam ko kasing mababait sila at magandang impluwensya sayo kaya wala akong nakikitang dahilan para ipagdamot ka sa kanila. Tungkol naman kay Angela alam ko namang hindi mo type yon kasi kung type mo yon dapat kayo na di ba?” Mahabang sabi nito pero hindi pa rin ako kumibo.


“Wag kana magtampo.” Sabi nito iginaya ang mukha ko paharap sa kanya sabay bigay nang isang matamis na halik na tinugon ko naman agad.


“Halik lang pala ang katapat.” Nakangiti nitong sabi nang maghiwalay ang aming labi.


Ngumiti na rin ako rito at muli kong inangkin ang kanyang labi. Naging malalim ang halikan namin hanggang sa nauwi nanaman ito sa isang marubdob na pagtatalik at muli ko nanamang narinig ang ungol nito na parang musika na sa aking pandinig.


Nagising akong muli pasado ala singko nang hapon agad na hinanap kong hinanap si Dorwin na wala na sa aking tabi. Tinungo ko ang banyo para tingnan kung may iniwan itong sticky note doon dahil ito ang lagi nyang ginagawa tuwing aalis na hindi nagsasabi sa akin.


Punta muna ako sa bahay nina lola para magpaattendance alam mo naman Sunday ngayon at family day. Babalik rin ako agad before mag 6pm. Hinatayin mo ako ah sasamahan kita sa pagpunta mo sa bar para di ka magisa masyado ni pinsan.

                                                                                                                          
 Dorwin


Nakangiti akong naligo para maghanda na sa pagpunta sa bar. Hindi ko alam kong saan kami dadalhin ni Dorwin sa relasyon naming ito pero ang masasabi ko lang ay masaya ako ngayon. Gusto kong ibigay kay Dorwin lahat ng pagmamahal na balak kong ibigay kay Ace noon. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal na gusto nyang maramdaman sa abot ng aking makakaya.


Dumating nga si Dorwin at gumayak na kami papunta sa bar. Nagtext na rin si Ace na pupunta sila after dinner. Napagdesisyunan naman namin ni Dorwin na mag takeout nalang sa isang fastfood para sa dinner namin.


Pasado ala syete wala pang masyadong tao nasa labas kami ni Dorwin at katatapos lang lantakin ang tinakeout naming pagkain sa Jollibee na ilang kanto lang ang layo sa kinatatayuan ng bar.


“Sa tingin mo ba kailangan pa nating sabihin sa kanila ang tungkol sa atin?” Nagaalalang tanong ni Dorwin.


“Oo, kasi gusto kong ipagsigawan sa lahat na ikaw ang mahal ko.” Ang nakangiti kong tugon sa kanya.


“Yon ba talaga ang dahilan o may iba pa?” Ang tila nanunubok nanaman nitong tanong sa akin.


Napakunot noo ako sa sinabi nya. Naramdaman kong may himig ito nang pagdududa.


“Anong ibig mong sabihin?” Ang nasambit ko sa kanya.


“Seneryoso mo naman.” Sabay tawa nito sa akin. “Binibiro lang kita.” Dagdag wika pa nito.


“Hindi ka ba naniniwala na mahal kita?” Seryoso kong tanong sa kanya.


Bigla nitong iniba ang usapan.


“Ayan na sila pinsan.” Ang nakangiti nitong sabi.


Hindi na ako nangulit pang sagutin nya ang huling tanong ko. Tanggap kong si Niel pa rin ang nasa puso nya pero hindi ako susuko makukuha ko rin ang loob nya lalo’t alam kong kahit konte may pagtingin sya sa akin. Yon ang gagamitin ko para makuha ko nang buo si Dorwin.


“Pinsan, ano ginagawa mo rito?” Ang bati ni Ace na may pagkabigla nang makita si Dorwin na kasama ko.


“Hinihintay kayo.” Nakangiting tugon nito


Napakunot ng noo si Ace sa naging sagot sa kanya ni Dorwin. Batid ko na naguguluhan na ito sa mga nangyayari.


“Para sagutin lahat nang katanungan mo.” Sabi nito para bigyan nang ideya si Ace.


“Alam kong alam mo na ang tungkol sa akin dahil galing ako sa bahay nila lola at kinausap ako ni Ate Claire. Nalaman ko sa kanya na tinawagan mo sya tungkol sa hinala mo sa amin ni Red.” Nakangiti paring sabi nito.


Kita ko na parang nahiya si Ace sa deretsahang pambubuking ni Dorwin sa ginawang imbestigasyon nito sa kanyang pinsan. Pareho lang kaming nakikinig ni Rome sa dalawa.


“I think we need a drink para pare-pareho tayong magkaron nang lakas nang loob para magsalita.” Nakangisi nitong sabi nang hindi tumugon si Ace.


Pilit na ngiti ang ibinigay nito na nagpapahiwatig na gusto nya ang ideya nang kanyang pinsan.


Agad na tumayo si Rome.


“Ako na ang kukuha nang maiinum.” Pagprepresenta nito at mabilisang pumasok sa loob.


Akala ko ako ang magigisa ngayong gabi pero mukhang si Ace pala ang gigisahin ni Dorwin. Ilang sigundo lang ang nakalipas nang makabalik si Rome at may dala na itong bucket nang RH.


“Game pinsan. Ano ang gusto mong malaman?” Pagbabalik ni Dorwin sa usapan.


“Ano.. ahh..” Hindi makahanap nang itatanong si Ace. Hindi nito siguro alam kung ano ang unang itatanong.


“Yes I am like you.” Sempling sambit ni Dorwin. “And Yes kami na ni Red kanina lang.” Dagdag wika pa nito.


Napatingin sa akin si Rome at si Ace. Kita ko sa mga mata nila ang pagkabigla sa sinabi ni Dorwin.


“Paano nangyari to Red?” Tanong ni Ace sa akin bakas parin sa mukha nito ang pagkabigla. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Kuya?” Dagdag pa nito.


“Nung opening lang.” Matipid kong sagot nakaramdam ako nang kaba.


“Nung opening ng bar? Di ba 3 weeks ago palang yon?” Di makapaniwalang wika nito.


Ibinaling ko ang aking tingin kay Dorwin gusto kong humingi nang tulong pero binigyan lang ako nito nang tingin na nagsasabihing ako dapat ang magpaliwanag ng lahat.


Napa buntong hininga ako bago magsalita.


“Maraming nangyari sa amin ni Dorwin sa loob ng 3 lingong hindi tayo nagkita-kita.”


“Tulad ng?”



“Hindi na importante yon Ace. Ang importante kami na ngayon.” Pagtatapos ko sa usapan. Wala naman kasi akong balak ikwento sa kanya lahat kung paano kami na uwi ni Dorwin sa isang relasyon.


“Pero..”


Hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang may sumigaw sa kabilang kalye. Si Angela at ang iba pa naming kaibigan napakunot noo ako.


“Tinawagan ko sila dahil nasabi sa akin ni Angela kagabi na layas ka ngayon at gusto kong malaman ang dahilan kong bakit.”


“Aba! Inuman na naman?” Magiliw na sabi ni Carlo nang makalapit sila sa amin.


“Maupo kayo dahil marami kaming gustong malaman ni Rome tungkol sa mga nangyari nung nasa isla kami.” May Authority na wika ni Ace.


Nagkatinginan naman ang mga bagong dating naming kaibigan. Alam nila na seryoso si Ace base sa tono nang boses nito. Tahimik silang naupo.


“Ngayon Red, Ikwento mo kung ano ang rason kung bakit ka naglayas sa inyo.” Seryoso nitong sabi.


Kahit na magsinungaling pa ako ay paniguradong may idea na si Ace tungkol sa problema ko sa bahay. Alam ko kung hanggang saan ang pagiging madaldal ni Angela siguradong lahat nakwento na nito at gusto lang ni Ace na kumpermahin ito sa akin.


Wala na akong nagawa isiniwalat ko lahat mula sa naging bangayan namin nang aking magaling na amain at sa hindi pagpili sa akin ni mama haggang sa pagtuloy ko sa bahay ni Dorwin. Pilit ko mang kalimutan ang ginawang pagtakwil sa akin ng sarili kong ina pero hetot muling nabuksan nanaman ang nangyari habang ikinukwento ko ang lahat sa kanila.


“Actually Ace, kami ang nakiusap kay Dorwin na sa kanya nalang muna pansamantala si Red.” Pagsabat ni Mina nang matapos kong maisalaysay lahat ng nangyari.


“Bakit di mo sinabi sa akin na ganito? Na may problema ka pala sa bahay nyo? Ang tagal na nating magkakaibigan Red.” Panunumbat ni Ace sa akin.


“Wifey, tama na yan.” Pagsaway ni Rome rito. “Alam kong may dahilan si pareng Red kung bakit hindi nya sinabi ito sa atin respetuhin natin yon.”


“Puntahan natin ang mama mo. Tutulungan kitang kausapin sya.” Wika ni Ace hindi pinansin ang sinabi ni Rome.


“Wala na akong balak na bumalik pa sa bahay na iyon Ace.”


“Kaya mo bang tiisin ang mama mo?” Di makapaniwala nitong tanong sa akin.


“Kung nakaya nyang piliin ang asawa nya over me na tunay nyang anak ako pa kaya?!” Medyo napataas ang boses sa inis hindi kay Ace kung hindi para sa mama ko muli nanaman kasing nanariwa sa akin ang huling tagpo namin ni mama.


Hindi naman nakaimik si Ace. Parang nabigla ito nang hindi sinasadyang pagtaas ng boses ko.


“Easy lang guys. Inhale and exhale.” Pagputol ni Tonet sa namumuong tensyon. “ Ace, labas na tayo sa family matter ni Red. Malaki na sya at alam na nya ang ginagawa nya.” Dagdag wika pa ni Tonet.


“Tama si Tonet Wifey, Tutal nasabi na ni Red sa atin ang problema nya ang gawin nalang natin ay suportahan sya at tulungan sa mga magiging desisyon nila ni Kuya Dorwin. Im sure hindi sya papabayaan ni Kuya.” Pagsangayon naman ni Rome.


“Bakit tahimik ka Attorney?” Pagpupuna ni Carlo kay Dorwin.


“Usapang magkakaibigan na kasi ang topic hindi naman ako kasali dyan.” Ang nakangiting sagot nito.


“Ano ka ba kuya, Syempre parte ka na ng barkada ngayon pa’t kayo na ni pareng Red.” Sabat naman ni Rome.


BIglang natahimik ang lahat. Halata sa mga mukha nila ang pagkabigla sa sinabi ni Rome. Literal na napanganga si Carlo pati si Chad. Ang mga babae naman naming kaibigan ay binigyan ako nang di makapaniwalang tingin.


“Ahh..ehh…” Di ako makahanap nang sasabihin.


Hinawakan ni Dorwin ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang tumango at ngumiti sa akin. Hindi naman ito nakatakas sa malikot na mata ni Angela.


“Define holding hands?” Ang malokong sabi ni Angela sabay nguso sa magkahawak kamay namin ni Dorwin.


“Kelan pa to Pare?” Ang na sambit ni Carlo nang makabawi sa pagkabigla.


“Kanina lang after natin sa bahay nila Rome.” Tugon ko rito.


“Oh my god.” Magkasabay na sambit ni Mina at Tonet.


“Yan na nga ang sinasabi ko.” Singit naman ni Chad.


“Well, ang masasabi ko lang Good Luck! Ngayon ako nalang ang walang partner sa grupong to nakakainis!” Maarteng wika ni Angela.


“Di ba’t parang ang bilis naman, Kelan lang kayo nagkakilala tapos ito na yon kayo na?” Si Mina na bakas pa rin ang pagkabigla.


“Wala naman sa tagal yon eh ang importante pareho kaming may nararamdaman sa isa’t isa don kami magsisimula.” Nakangiting wika ko sa kanila.


“Kayo na ang may nararamdaman sa isa’t isa!” Banat ni Angela na tinawanan lang namin ni Dorwin.


Kwentohang wagas ang sumunod na nangyari sa aming umpukan. Napagdesisyunan din naming gawing Casher si Alex since nakatongtong naman ito nang second year college at para na rin hindi ko na kailangan pang magpaumaga sa bar. Sisimulan namin ito next month at magdadagdag rin kami nang isa pang waiter na papalit naman sa naiwang posisyon ni Alex.

Naging masaya naman ang gabi namin. Puno nang tawanan at asaran ang nangyari at binaha kami ni Dorwin nang mga tukso. Gumaganti rin ito sa kanila kaya hindi sila nailang na batuhin kami nang kung anu-anong tanong. Pansin kong bihirang sumabat si Ace sa amin para bang wala ito sa sarili at malalim ang inisip. Hindi ko nalang muna sya tinanong tungkol doon para hindi masira ang aming gabi.


Pasado alas dos na nang magdesisyon kaming umuwi. Si Alex ang muli kong pinagbantay sa casher biniro ko pa ito na training na nya iyon para sa nalalapit nyang promotion. Matapos makapagpaalaman ay naghiwa-hiwalay na kami nang landas.


“Ngayong alam na nila ang tungkol sa atin enough reason na ba iyon para hindi mo na pagdudahan ang nararamdaman ko sayo?” Ang naitanong ko kay Dorwin habang binabagtas ang daan pauwi.


“hmmmm..” Tila nagiisip pa ito sa isasagot. “Yes I am. Lets do our best to make this relationship work.” Sabi nito at ninakawan ako nang halik sa pisngi.


“Would you promise me na hindi mo ako pagsasawaan at ipagpapalit?” Naglalambing kong tanong sa kanya sabay gap nang kamay nito habang ang isa kong kamay ay nasa manibela.


Napa hagikhik ito.


“Bakit ka napapahagikhik dyan?” Takang tanong ko sa kanya.


“Hindi lang ako makapaniwala na hahantong tayo sa ganito. 3 weeks ago ang suplado mo sa akin kaya nga na challenge akong inisin ka pa lalo, eh.” Sabi nito sabay pisil ng kamay ko.


Kahit hindi nya sinagot ang tanong ko kontento na akong marinig na intersado syang palalimin ang bago naming relasyon. Hindi ako kailangang magmadali, gagawin ko ang lahat para sa amin. Masaya na ako dahil sa wakas may matatawag na akong akin.

________________________


Kinabukasan nagising ako sa isang halik galing kay Dorwin. Nakabihis na ito at handa nang umalis patungo sa kanyang trabaho. Inaya ko pa itong magalmusal pero tumangi ito uuwi naman daw sya before mag lunch may nakaschedule daw kasi syang meeting ngayon sa isang kleyente nya.


Imbes na bumalik sa pagtulog ay bumangon na ako para maglaba. Marami rami na rin kasi akong na tambak na labahan. Ayaw ni Dorwin na naglalaba ako pwedi naman daw nyang isama sa pagpapalaundry ang mga damit ko pero mas gusto kong may ginagawa ako kesa matulog lang maghapon.


Pasado alas nuebe abala akong nanunuod nang UAAP basketball nang may mag door bell nang sunod sunod para itong nagmamadali.


Agad akong tumayo para pagbuksan ito. Gulat ang rumehestro sa akin nang mapagbuksan ang taong nasa harap ko ngayon na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.





Itutuloy:

No comments:

Post a Comment