By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Nagising ako sa lakas na tunog ng
alarm clock ko. Sakit parin ng ulo ko kung hindi sana napasarap ang inuman
namin kagabi ng barkada hindi ko sana nararamdaman to ngayon. Pilit akong
tumayo para maligo kailangan kasi naming puntahan ngayon si Rome para mamaya.
Iyon ang surpresa namin kay Ace. Kahit masakit para sa akin kailangan kong
gawin dahil nangako ako kay Ace na hindi ako hahadlang sa relasyon nila.
Ramdam ko ang bigat ng aking damdamin.
Sobra akong nagsisisi kung sana nasabi ko kay Ace ang tunay kong nararamdaman
noon pa ako sana ngayon ang taong mahal nya. Pero huli na sa akin ang lahat ang
magagawa ko nalang ay tulungan si Rome para tuluyang maging masaya ang taong
mahal ko.
“Oh bakit?” wala kong ganang sagot sa
kanya.
“Buti naman at gising kana. Kala ko
uulanin pa kita ng tawag bago mo sagutin. Ready kana?” Masigla nitong sabi.
“Magbibihis nalang. San tayo
magkikita-kita?”
“Sa bahay nalang nila Rome.” Sagot
naman nito. “Red.” ang wika pa nito.
“oh bakit?”
“Alam ko ang pinag dadaanan mo ngayon.
Are you sure na gusto mo itong gawin?” ramdam ko ang pag aalala sa boses nya.
“Yeah, para kay Ace.” Malungkot kong
sagot.
“Pwedi naman kami nalang ang pumunta
kay Rome para kausapin sya eh.”
“Hindi, sasama ako.” gamit ang
siguradong tono.
“Ikaw ang bahala Red. Pinapahirapan mo
lang lalo ang sarili mo.”
“Hayaan mo na ako Tonet ito ang gusto
kong gawin. Kita nalang tayo sa bahay nila Rome mga 10am.” Sagot ko sa kanya
sabay pindot ng end call
Ito ba talaga ang gusto ko ang
pahirapan ang sarili ko? Hindi ko mapigilang maitanong sa sarili ko. Kaya ko
namang agawin si Ace kay Rome ngayon pat nagkakalaboan sila pero bakit hindi ko
magawa? Sobra akong naguguluhan dahil first time kong makaramdam ng ganito.
Fist time ko ding ma busted at sa kapwa ko pa lalaki. Muli, napabuntong
hinginga ako.
Agad kong tinungo ang cabinet para
kumuha ng damit at walking short. Ganun lang naman ako pumorma kahit nung nasa
manila pa ako. Mas comportable ako pag ganun ang suot ko.
“Good morning ma.” Ang bati ko sa
aking ina.
“Good morning. San punta mo?”
“Sa bahay nila Rome may aasikasuhin
lang.”
“Alas 4 kana umuwi tapos ngayon
lalakad kananaman? Di ba mamaya na ang opening ng business nyo?”
“Yep mamaya na nga. Kaya ko nga
pupuntahan si Rome eh. Sige ma alis na ako.” At binigyan ko sya ng halik sa
pisngi sabay tinungo ang garahe para kunin ang motor ko.
“Mag iingat ka.” ang narinig ko pa
nitong sabi.
Agad ko namang pinaharorot ang motor
ko at tinungo ang daan papunta sa village nila Rome. Katabing village lang
namin ang village nila. Habang nasa daan iniisip ko parin kung ano ang susunod
na mangyayari pagkatapos nito. Malamang magkakabati na ulit ang dalawa at
mawawala nanaman ulit ako sa buhay ni Ace. Pero pilit ko nalang binaliwala ang
mga yon ang importante masaya na ulit ang mahal ko.
Dumating ako sa kanila at kita ko na
nakapark na ang sasakyan ni Tonet sa labas. Agad ko namang pinark ang motor ko
at tinungo ang door bell nila. Pinag buksan naman ako nang katulong at sinabing
nasa kusina ang barkada nag aalmusal daw.
“Oh dito na pala si Red.” Ang magiliw
na sabi ni Angela. Ang babaeng ubod ng dal-dal.
“Kamusta na pare?” tanong sakin ni
Rome. Kita ko sa mata nya ang pag aalangan sa akin siguro dahil sa mga sinabi
ni Tonet nung gabing mag walkout si Ace.
“Lika almusal muna tayo. Bago natin
pagusapan ang plano mamaya.” Dagdag pa nitong sabi.
“Sige, tapos na ako.” Hindi ko man
pinapakita pero naiingit ako kay Rome. Bakit sya pa ang pinili ni Ace. Ano ba
ang meron sya na wala ako.
“Hay naku Red alam kong di kapa nag
aalmusal kaya wag kana umarteng di ka gutom.” Sabat ni Tonet.
“Oo nga naman tol. Pag uusapan pa
natin ang plano para sa pagkidnap kay Ace just incase hindi gumana ang plano ni
pareng Rome.” Wika ni Carlo. Napakunot ako nang noo sa narinig.
“Kidnap? Bakit sya kikidnapin?” Ang
naguguluhan kong tanong sa kanila.
“Umupo ka kasi muna dito para
mapagusapan natin. Ang dami mong tanong!” Singit ulit ng bungangerang si
Angela. Kaya siguro hindi ko nagustohan tong babaeng to kahit maganda kasi ang
bunganga parang machine gun.
Wala na akong nagawa ayaw ko mang
magalmusal dahil hindi talaga ako sanay na nag aalmusal umupo nalang ako. Gusto
kong malaman kong ano ang binabalak nila kay Ace.
“Suggestion ko yon kay Rome.” Pag
uumpisa ni Tonet ipaliwanag sa akin. “Alam naman natin na may pagka maarte si
Ace diba?” Tango lang ang naisagot ko dahil totoo naman na may pagkapakipot si
Ace. “So may possibility na magpapakipot si Ace. Kaya sinabi ko kay Rome na pag
nang yari yon. Kidnapin nalang si Ace at dalhin sa Isla nila Carlo.” Mahabang
paliwanag nito
“Baka magalit yon sa atin.” Ang
simpleng pagtotol ko. Hindi ko gusto ang idea pano kung matulad ng nangyari sa
amin ni Ace sa kwarto nya pagsinolo sya ni Rome. Alam kong may pagkamahilig din
itong lokong to.
“Hindi yan ako ang bahala. Mas maganda
yon para hindi maka takas si Ace kay Rome at para na din magkaron sila ng
privacy na makapag usap.”
“At para makapag sapakan sila nang
walang nakakakita.” Singit nanaman ni Angela sabay tawa nito nang nakakaloko.
“Sigurado ba kayo na handa na syang
kausapin ako?” Nag aalalang tanong ni Rome. Hindi ako sumagot hinayaan ko na
iba ang sumagot sa tanong nya dahil gusto sumagot ako ako lang din ang
masasaktan dahil alam ko namang “Oo” ang isasagot ko.
“Napatawad na nya si Chad. Alam kong
mapapatawad ka na rin nya Rome.” Ang sagot ni Mina. Napa tango nalang si Rome.
“So here’s the plan. Di ka muna mag
papakita agad kay Ace. Papasabikin natin sya sayo para mas lumalim ang
pagnanasa nya na makita ka. Tapos may special number kang gagawin diba yon ang
plano mo?” Tango lang ulit ang sagot ni Rome. Habang ako naman ay nakikinig
lang sa ginagawa nilang plano. “Don kana sa special number mo magpapakita.” Pag
tatapos ni Tonet.
“Pano kung hindi umepek yon?” tanong
naman ni Angela.
“Don na natin gagawin ang plan B. Pag
hindi pa talaga nakipag usap sayo si Ace lalagyan natin ng pampatulog ang
iinumin nya tapos dalhin mo sya sa resort nila Carlo.” Sabay ngisi nito. Bilib
talaga ako dito kay Tonet sobrang galing mag plano.
“Eh pano naman ang Bangka.” Si Mina.
“Don’t worry kami na ang bahala ng
baby ko dyan.” Sabay kindat sa amin.
Kita ko naman ang excitement sa mga
mata ni Rome. Kung ako man ang nasa katayuan nya maeexcite din ako dahil
makakasama ko ang taong mahal ko sa isang lugar na kami lang. Swerte talaga.
Pabolong kong sabi.
“Ano yon Red may sinasabi ka?” lakas
pala nang pandinig nitong bungangerang to.
“Huh!? Sinasabi wala naman gutom lang
yan.” Pagaalaska ko sa kanya.
Natapos ang meeting namin sa bahay
nila Rome halos malapit nang mag lunch kaya doon nalang din kami kumain
pagkatapos ay agad kaming umalis. Nasabi na din namin kung anong oras sya
pupunta. Bago kami nakalabas nang bahay nila muling pinaalala sa kanya ni Tonet
na dapat di sya makita ni Ace.
“Next stop sa bahay nila Ace.
Bulabugin natin para patas.” Sabi ni Tonet sabay tawa ng nakakaloka.
“Bakit pa kailangan tayo pumunta don?”
Tanong ko dito.
“Para pagusapan kong sinu ang hahawak
ng bar.” simpleng sagot nito bago sumakay sa kotse.
“Convoy nalang tayo pare.” Sabi naman
ni Carlo sabay start ng makina. Tango nalang ang sinagot ko sa kanya.
Tinahak na nga namin ang papunta sa
bahay nila Ace. Alam ko sa mga oras na ito tulog na tulog pa si loko. Muli
bumalik nanaman sa akin ang nang yari nung gabing naglasing sya sa isang bar.
“What’s your problem?” ang may diin
kong sabi sa kanya.
Kita ko sa mga na nabigla sya dahil
siguro hindi nya ine-expect na nandoon din ako sa bar.
“Wala naman.” Ang sagot nya sa akin.
Agad akong nakaramdam ng matinding awa kay Ace.
“Bakit hindi mo ako pagkatiwalaan.”
Ang agad kong sumbat sa kanya. Dahil nadudurog din ang puso ko pagnakikita ko
syang mesirable.
“May magagawa kaba kapag sinabi ko?”
Nasaktan ako sa sinabi nya. Dahil totoo anu nga ba ang magagawa ko para
matulungan sya.
“Siguro nga wala pero alam kong
makakatulong ako in some ways.” Di ko alam kong bakit yon ang nasabi ko para
kasing inconsistent ako.
“Hindi mo ako matutulungan.” Sabay
lagok nito ng alak.
“Paano ka nakakasiguro?” Alam kong
makulit na ang dating ko pero hindi ko kaya na hayaan nalang sya.
Sa halip na sumagot sya sa akin ay
um-order pa sya nang alak na at akmang lalagukin nanaman nya ito ng pinigilan
ko sya at inagaw ang baso sa kanya.
“Anu ba Red!” alang kong nainis sya sa
ginawa ko. “Ibalik mo nga sa akin iyan!”
Pero hindi ako nagpapigil sa kanya.
“NO! Uuwi na tayo.” May himig nang
naguutos kong sabi sa kanya.
Hindi sya gumalaw kaya naman tumaas na
talaga ang dugo ko at nasigawan sya.
“I said we’re going home!” bigla ko
syang hinablot na dahilan para mapatayo sya agad kong binayaran ang mga ininum
nya at kinalad kad ko sya papasok sa kotshe nya.
Tuwing maalala ko ang panahon na
naging ganun si Ace bumabalik ang sakit sa puso ko. Ang hindi ko maiwasang
magsisi dahil sa kaduwagan ko nawala ang taong totoo kong minahal. Sana ako
nalang ang minahal nya para hindi na sya na saktan ng ganun.
Hindi ko namalayan na lumampas pala
ako sa bahay nila Rome dahil sa pagiisip.
“Pare! Bakit ka lumampas?” ang
natatawang sita sa akin ni Carlo.
“Ah.. eh.. wala trip ko lang” pag
aalibi ko. Pero agad na binara ni Angela.
“lumilipad nanaman ang isip.”
Imbes na sagutin ang patama nya ay
agad kong tinungo ang gate nila Ace para mag door bell. Pinagbuksan naman kami
ng katulong nila at pinapasok.
“Hello guys ang aga nyo naman ata.
Kala ko ba mamayang gabi pa ang opening nyo.” Ang bati sa amin ng Daddy ni Ace.
Sobrang bait talaga ng parents nya at sobrang cool pa.
“Hello din po tito. Si Ace po?” Si
tonet na ginamit nanaman ang charm nito.
“Naku tulog pa iha, Alas 4 na daw kasi
kayo natapos maginuman kanina. Kung gusto nyo gisingin nyo nalang.” Ang
nakangiti nitong sabi.
“Sige po tito maya maya nalang po.”
Ang singit ko naman. Ayaw kong gisingin nila si Ace alam kong pagud pa yon.
Bigla namang napaangat ng kilay si Tonet sa akin.
“Kayo ang bahala. So pano maiwan ko
muna kayo kailangan ko pang magpunta sa opisina para i-cancel ang mga meetings
namin ng tita mo. Narinig kasi naming kakanta si Ace mamaya sa opening nyo.”
“Sige po. Ingat po kayo.” Ang halos
sabay sabay namin sabi.
Nang makaalis na nga ang Daddy ni Ace
ay sinimulan na namin ang usapan tungkol sa hahawak ng bar. Si Mina at Angela
ay hindi pwedi dahil malapit na silang umalis para mag review. Pareho kasi
silang Nursing graduate. Si Tonet naman daw ay hindi pwedi sa kadahilanang sya
ang nag mamanage nang family business nila. Lalo naman si Carlo na wala na
atang gustong gawin kung hindi dumikit kay Tonet. Pinipilit nila na ako nalang
daw ang humawak since wala naman akong masyadong gagawin pero ayaw ko dahil
natatakot ako na baka malugi lang ito at ako pa ang masisisi.
Nasaganun kaming usapan nang biglang
bumaba si Ace na nakakunot ang noo.
“Mabuti naman at gising kana.” Agad na
sabi ni Tonet.
Kita ko naman na biglang nagbago ang
tila inis na expression nito nang makita kami. Lakas talaga ng tama ko kay Ace
napakaamo talaga nang mukha nito. Hindi ko ito naramdaman sa mga babaeng
nakarelasyon ko. Kakaiba talaga si Ace.
Sinabi naman ni Tonet ang dahilan kung
bakit kami nan doon. Sinabi rin nito na tumatangi ako sa desisyon nila na ako
ang humawak sa bar. Halos mapahagalpak naman ako sa tawa dahil tila iniinis ni
Ace si Tonet. Ang kulit! Ang nasabi ko nalang habang nakangitin sa kanya at
nakangisi. Muntik pang ma dulas si Tonet sa plano namin mabuti nalang at
sinaway ito ni Carlo. Pero nahalata parin nya.
“May tinatago ba kayo sa akin? Sabihin
nyo na at baka di ako pumunta mamaya sa opening” may pananakot nitong sabi.
“Wala noh!” defensive kong sagot dahil
kung magkataon papalpak kami.
Tumingin naman ito sa akin na may
pananakot sa mga mata nito. Agad naman ako natakot kasi baka mapilit nya akong
magsabi ng totoo kaya agad akong sumagot.
“Promise!”
“Talaga lang ha? So bakit ayaw mo na ikaw
ang mag manage nang bar natin?”
“Natatakot kasi ako. Baka malugi pag
ako ang humawak, ako pa masisi nyo.” Depensa ko naman sa sarili ko.
Napangisi sya na agad akong kinabahan
dahil alam kong may binabalak ito. Lumapit sya sa akin at binulungan ako. “Ikaw
na ang mag manage. Pag ikaw ang nagmanage may gift ako sa’yo.”
Agad akong namula dahil naramdaman ko
nanaman ang init ng kanyang hininga para makalusot agad akong nag salita.
“Walang ganyanan naman! Lugi ako dyan eh!” hindi ko alam kong bakit ganun ang
lumabas sa bibig ko. Napatawa naman silang lahat.
At yon na nga wala na akong nagawa
dahil hindi ko talaga kayang tumanggi pag si Ace ang humihingi ng pabor.
Matapos ang usapan ay agad naming linisan ang lugar para makapag handa na kami
dahil kailangan pa naming tawagan ang mga taong close sa amin para sa opening
mamaya at kailangan ko pang ihanda ang mga gagamitin namin para sa pagtugtog.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment