By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Sobrang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko lalo na kay
Angela at Carlo dahil parang nabawasan ang bigat nang damdamin ko sa mga sinabi
at pinakita nilang pagintindi sa akin. Ito lang naman kasi ang gusto ko ang may
umintindi at magpakita sa akin nang pagaalala.
Nasa byahe na kami ni Dorwin pauwi nang bigla itong
lumiko sa isang kalsada. Nagtaka ako kung saan kami pupunta kaya naman tinanong
ko sya.
“San tayo pupunta?”
“Daan muna tayo sa Andoks bili lang ako nang pagkain mo.”
Sabi nito sa akin na nakatuon parin ang atensyon sa kalsada.
“Wag na. Tulog nalang tayo pag dating natin sa bahay mo.”
Pagtanggi ko.
“Hindi pwedi. Hindi ka kumain kanina nang dinner baka
magka ulcer ka sa ginagawa mo umiinum ka nang walang laman ang tyan.” Pamimilit
nito.
Hindi na ako nakipagtalo pa. Ramdam ko na kasi ang pagod
at tama nang alak sa akin. Hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.
Nasa kalaliman ako nang tulog nang bigla kong maramdaman
na may tumapapik sa balikat ko. Nabigla ako kaya naman napabalikwas ako nang
upo. Hindi kasi ako sanay na may gumigising sa akin pag natutulog.
“Relax, Ako lang to.” Sabi nito sa akin.
“Asan tayo?” Inaantok ko pang tanong sa kanya.
“Nasa bahay na. Kaya nga kita ginising, eh. Tara na nang
makakain kana at makapag pahinga.” Sabi nito sa akin sabay baba nang kanyang
sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya sa loob nang bahay.
“Mag half bath ka muna para presko ang pagtulog mo
mamaya. Ako na bahala sa paghahanda nang makakain mo.” Sabi nito nang makapasok
kami sa loob.
Agad naman akong tumalima para makapag shower. Hindi ko
alam pero parang ang bait nang lokong to ngayon sa akin. Napangiti nalang ako
sa kanya bago umakyat nang kwarto para tunguin ang banyo doon.
“Yung tuwalya nasa cabinet!” Pasigaw nitong sabi sa akin.
Nakakapanibago si Dorwin. Ibang iba sya kumpara sa una
naming encounter. Ano naman kaya ang plano nito? Ang naitanong ko nalang sa
aking sarili.
Agad akong tumalima sa banyo at sinimulang maligo. Habang
naliligo ako ay bumabalik balik sa akin lahat nang mga sinabi ni Carlo. Ang
makuntento nalang kung ano ang meron kami ni Ace. Hindi ko hahayaan na masira
ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko.
Mga labing limang minuto ang itinagal ko sa banyo at nang
lumabas ako may mga ngiti na ako sa aking labi. Hindi na ito pilit na ngiti
kung hindi ngiting nagsasabi na magiging okey din ang lahat. Bumaba ako sa
kusina at nadatnan ko si Dorwin na nagtitimpla nang kape.
“Ang bango naman nang kape.” Bati ko dito na nakangiti.
Ngiti ang isinagot nito sa akin sabay sabing. “Kumain
kana para makapag pahinga ka pagkatapos.”
Naupo ako at sinimulang kumain si Dorwin naman ay umupo
rin paharap sa akin dala ang kanyang kape. Ramdam ko na malalim ang kanyang
inisip kaya naman bigla kong binsag ang kanyang pananahimik.
“Balita ko family day nyo mamaya.”
“Yeah, every Sunday ang family day namin.” Sagot nito sa
akin at binigyan ako nang nagtatakang tingin.
“hmmm… About sa nangyari..”
“Wag na nating pagusapan yon. Ikaw na nga ang may sabi na
yon ang habol ko sayo.” Ramdam ko ang panunumbat nito sa akin.
“Hindi ngaba?” Ang hamon kong tanong sa kanya.
“Kahit anong gawin kung paliwanag hindi ka rin naman
makikinig kaya hayaan nalang natin sa kung ano ang gusto mong isipin sa akin.”
Tango nalang ang naisagot ko sa kanya. Wala akong maisip
na sasabihin dahil tinamaan ako sa sinabi nya at kahit man magsabi sya nang
totoo wala na ring magagawa iyon dahil nangyari na ang nangyari.
“Mauna kanang magpahinga baka ma late ka bukas sa
pupuntahan mo ako na bahala magligpit nang kinainan ko.” Pagputol ko muli sa
katahimikang namayani.
“Hindi, ako na ang bahala dyan hintayin nalang kitang
matapos.”
“Ako na sabi ang bahala.” Wika ko rito na nakangiti.
“Sige na magpahinga kana.” Dagdag ko pang sabi rito.
“Sige, kung mapilit ka. Paano, akyat na ako di na rin
kaya nang mata ko ang antok.” Sabay tayo nito sa kinauupuan nya at tinungo ang
hagdanan para pumanik sa kwarto. Sinundan ko lang sya nang tingin.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nasaisip ko parin
ang kakaibang Dorwin na aking nakikita ngayon. Parang naguguilty ako na ewan sa
ginawa ko sa kanya.
Matapos akong makapagligpit ng pinagkainan ko. Agad akong
umakyat sa kwarto ni Dorwin para makapag pahinga narin. Nang makapasok ako sa
kwarto nya kita kong mahimbing na ang tulog nito halatang pagod rin sya
sapagkat rinig ko ang mabini nitong paghilik. Sa di malamang kadahilanan
napatitig ako sa maamo nitong mukha. Para itong bata kung matulog na
nakayakap sa kanyang malaking hot dog
pillow. Napangiti ako sa di malamang dahilan.
Tumabi ako rito dahan dahan para hindi ito magising.
Naihiga ko na ang katawan ko sa kama nang biglang tumunog ang Cellphone ko.
“Oh, pare?” Ang pabulong kong sagot kay Carlo.
“Dito na kami sa bahay kadarating lang. Kamusta ang lagay
mo dyan?” Rinig ko ang pagtawa ni Tonet siguro naka speaker ito.
“Akala ko naman kung ano na ang importanteng sasabihin
mo.” Nakaramdam ako nang inis sa dalawa.
“Sorry naman gusto ko lang masiguro na okey ka.”
“Okey pa sa alright pare, sige na matutulog na ako at
baka magising pa si Dorwin dahil sayo.” Galit kong sabi sa kanya.
“Ay tulog na ang isa. Alright, you win. Be ready with
your price.” Malanding sabi ni Tonet sa kabilang linya.
“Walang hiya ano nanaman ang trip nyong dalawa ngayon?” Reklamo
ko rito na sabay nilang tinawanan.
“Buset!” At pinutol ko na ang linya.
Ngingiti ngiti kong ibinalika ang cellphone ko sa side
table. Nakakaingit lang sila dahil hanggang ngayon hindi parin sila nauubusan
ng kalokohan. Yon siguro ang paraan nila para hindi sila ma bored sa isa’t isa
kaya naman habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang kanilang relasyon.
___________________________
Ala una na nang akoy magising wala na si Dorwin sa tabi
ko. Agad kong tinungo ang Banyo at muli may naka dikit na naman sa salamin na
sticky note.
Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka. Kumain
kanalang sa baba nakahanda na ang pagkain mo at ilagay mo nalang sa lalagyan
nang labahan ang damit mo isasabay ko nalang ito sa pagpapalaundry ko sa
tuestday. Kung aalis ka naman, nasa aparador ang spare key i-lock mo nalang ang
pinto may susi naman akong dala. Enjoy the rest of your day. Dorwin
Napangiti ako sa aking nabasa. Pagkatapos kung gawin
lahat nang routine ko kasama na ang 50 pushups at 100 sit ups na nakasanayan ko
nung nasa varsity pa ako ay agad akong bumaba para kumain. Habang linalantakan
ko ang inihandang tanghalian sa akin ni Dorwin narinig ko ang ringtone nang
aking cellphone. Dali dali akong tumayo at tinungo ang kwarto kung saan don ko
iniwan ang cellphone ko.
“Oh, bakit?” Sagot ko sa taong tumawag sa akin.
“Buti naman at gising kana. Punta daw tayo sa house nina
Carlo.” Bungad nitong sabi sa akin.
“Ano meron?” Tanong ko dito habang pabalik na ako sa
lamesa.
“Nagluto si Tonet nang spaghetti. Food trip tayo doon.”
Sabi nito na halata sa boses ang excitement.
“Di halatang gutom ka noh?” Pangiinis ko rito.
“Shut up! Matagal na nating di nagagawa to sayang nga
lang at kulang tayo pero go pa rin daw.”
“San ka nagkalat kanina?” Tatawa-tawa kong pangaalaska sa
kanya.
“Sa ano.” Ang nahihiya nitong pagamin sa akin.
“Ano, saan?” Nanunuya kong wika.
“Sa bintana nang kotche ni Chad.” Humina ang boses nito
siguro dahil sa hiya.
Humagalpak ako nang tawa. Si Angela kasi ang tipong pag
nalasing expected na ang pagkakalat nito. Minsan nga pati ako nasusukahan nito
kung inaalalayan kong itong umuwi. Wala na itong pakialam kung may nakakakita
sa kanya. Ilang beses na rin itong natumba at nagkabukol dahil sa lakas nitong
uminum daig pa ang lalake kung lumaklak itong babaeng to.
“Sige lang pagtawanan mo lang akong hayop ka. Punta
kanalang doon mga alas tres good bye! Sabay putol nito nang linya.
Tawa parin ako nang tawa kahit naibaba na ni Angela ang
tawag, ine-imagine ko kasi ang hitchura nito habang sumusuka. Halos maghalo ang
laway at sipon nito pagnagkakalat.
Pagkatapos kong kumain at maghugas. Napagtripan kong
linisin ang bahay ni Dorwin ewan ko ba parang may guilt feelings ako para sa
kanya na hindi ko alam. Halatang hindi na ito nalilinisan dahil siguro sobrang
busy nyang tao. Naghanap ako nang walis okey na rin to para makatulong maibaba
lahat nang kinain ko nang hindi masayang ang ginawa kong sit ups kanina.
Tinungo ko ang DVD player nito at pumili nang CD para pampagana. Sakto naman na
may nakita akong album nang cold play. Agad kong isinalang ito sa dvd player at
pinatugtog ang paborito kung kanta.
Sinimulan kong linisin ang buong bahay. Inayos ko ang
lahat nang kalat sa sala bago tunguin ang kusina para isunod. Pagkatapos ko sa
kusina tinungo ko naman ang kwarto at sinimulang linisin ang banyo na lagi
naming ginagamit ni Dorwin. Inilabas ko lahat nang mga damit na nagkalat lang
sa labahan at itinupi ito para madali nyang mailagay sa bag kung mag
papalaundry sya. Napapailing ako dahil pati mga brief at boxers nya ay kasamang
nakakalat sa labahan. Burarang tao tong isang to. Ang nasabi ko nalang sa aking
sarili.
Sinunud kong linisin ang kanyang kwarto. Inayos ko ang
bed sheet nito, inilagay sa ayos ang mga unan at ang kumot pati na rin ang
buong cabinet nito na parang dinaanan na nang bagyo sa sobrang gulo. Yung mga
barong nya ay ine-hanger ko at iniligay sa dapat nitong paglagyan. Nagtataka
lang ako kung bakit walang ni isang picture si Dorwin sa kwarto nya maski
family picture ay wala sya.
Pasado alas tres na nang matapos akong maglinis sa buong
bahay. Nalabhan ko na rin ang mga boxers nito. Parang gusto kong bumawi kahit
hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko basta yon ang nararamdaman ko at
tingin ko ay dapat kung gawin.
Agad akong naligo at nagbihis para pumunta sa bahay nila
Carlo. Nang tingnan ko ang cellphone ko tinadtad na ako nang mga text nila. Nag
reply lang ako na papunta na ako saka siniguradong naka unplug lahat nang mga
appliances nito bago umalis nang bahay.
Nang nasa tapat na ako nang bahay nila Carlo dinig ko ang
malakas na tawanan nila sa loob. Agad akong nag door bell nang dalawang beses
na magkasunod. Ilang sigundo lang ay pinagbuksan ako ni Janice, ang katulong
nila Carlo na malakas ang tama sa akin.
“Kayo pala ser.” Bati nito sa akin nang mapagbuksan ako
nito. “Kanina pa po kayo hinihintay ni ser Carlo.”
“Asan sila?”
“Nasa sala po.” Sabay pa beautiful eyes pa nito na lihim
kong ikinatawa. “Diretso nalang po kayo sa sala.”
Tango ang isinagot ko rito bago dumiretso sa umpukan nang
mga kaibigan ko.
“Anong kaguluhan ito?” Ang bungad ko sa kanila. Lahat
sila ay napalingon sa akin.
“Dumating ka rin! Nagugutom na basta ako.”
tampo-tampuhang wika ni Angela.
“Lagi ka namang gutom eh.” Sagot ko rito. “Bat ang ingay
nyo, ano meron?” Tanong ko ulit sa kanila.
“Itong kaibigan mo.” Sabay turo kay Carlo. “Ang lakas
magyaya nang Churvahan di naman pala kaya.” Sagot nito sa akin gamit ang
maarteng tinig.
“Anong churvahan?” Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
“Slow!?” Inis nitong sagot. “Gustong makipag laro nang
apoy kagabi. Pinagbigyan ko dahil nga natalo ako sa pustahan namin. Akalain
mong tulugan ako habang nakabaon pa sya. My god!” Tila batang nagmamatol nitong
sabi.
Humagalpak kami nang tawa habang si Carlo naman ay pulang
pula na hindi makatingin sa akin nang deretso.
“Baby naman. Hindi mo naman kailangang ikwento sa kanila
lahat nang ginagawa natin, eh.” Reklamo ni Carlo sa sobrang pagkapahiya.
“Heh! Manahimik ka dyan di tayo bati ngayon!” Sagot nito
sa boyfriend nya.
“Buti nalang yung hon ko hindi madaling makatulog kaya
nag eenjoy kami.” Sabat ni Mina.
Napatingin kaming lahat kay Chad na katulad ni Carlo ay
agad ding namula at pasekretong kinalabit si Mina para sawayin.
“Nakakailang rounds ba kayo besh?” Tila intersadong
tanong ni Angela.
“Yung pinaka marami besh 4 rounds.” Sabay tawa nito nang
nakakagago.
“Grabe naman yan. Si Carlo hangang two lang, eh” Sabat ni
Tonet na kita sa mukha ang paghanga sa kakayahan ni Chad. “hmmmmm..” Dagdag pa
nito na inimuwestra ang hintuturo sa kanyang sintido na animoy nag iisip.
“Anong hmmmm yan?” Kinakabahang tanong ni Carlo.
“Naisip ko lang baby. Siguro dapat kanang palitan.” Sabay
ngisi nito na parang nangiinis.
“Wag kang magbibiro nang ganyan Antonet.” Wika nito na
naglungkot lungkutan.
“Hindi ako nag bibiro.” Dagdag pangiinis ni Tonet rito.
“Kahit naman hangang two rounds lang ang kaya ko kotento
ka naman sa laki.” Sabay bigay nang nakakagagong ngiti.
“Ang yabang!” Birada ni Angela.
“Inggit kalang dahil wala kang love life. Talo mo pa ang
coke zero!” Banat naman ni Carlo rito na ikinatawa naming lahat.
“Makikita nyo makakahanap rin ako nang papa na bukod sa
gwapo, eh malaki rin ang hmmp!!.” Sabay tayo at umaktong nasa pagent. “Sa ganda
kong to? Malas nyo!” Biglang wika pa nito.
Tawanan kami sa kagagahan ni Angela.
Inihanda na ni Tonet ang spaghetti na kanyang niluto.
Tumulong sa kanya sa paghahanda sina Angela at Mina habang kaming mga lalaki ay
naiwan sa sala.
“Kamusta ka pare sa bahay ni Att. Nivera?” Tanong ni
Carlo sa akin.
“Okey naman. Kanina, bago ako pumunta dito lininis ko ang
buong bahay nya dahil sobrang kalat. Wala na atang panahon yung abogagong yon
na mag hire nang katulong.” Pabiro kong sagot rito.
“Buti hindi ka inaaraw-araw nun?” Pabirong sabi pa nito
na sinabayan nang mahinang tawa.
“Hindi naman. May kasunduan kami na ako ang masusunod
kung kelan kami magtatalik at syempre ako ang may kontrol sa kanya.” Sabay
bigay ko nang nakakagagong ngisi rito.
“Ingat kalang pare.” Sabat naman ni Chad. Napatingin
kaming dalawa ni Carlo sa kanya na may pagtataka dahil hindi namin naintindihan
ang sinabi nito.
“Baka kung saan mauwi yang ginagawa mo. I mean, baka ikaw
pala ang umiikot sa mga palad nito. Dalawang beses ko nang nakausap si Dorwin
at batid kong matalino syang tao.” Kita ko ang pagaalala nito para sa akin.
“Hindi ko nga maintindihan, eh.” Ang sagot ko rito.
“Anong hindi mo naiintindihan? Sabat ni Carlo.
“Iba ang Dorwin na nakilala ko nung opening sa Dorwin na
kasama ko ngayon matulog.” Wika ko sa kanila.
“What do you mean?” Tila interesadong tanong ni Carlo.
“Ang 1st time naming encounter ay mabait sya tapos nang
maiuwi nya ako sa kanila nung malasing ako may nang yari sa amin inakala ko
kasing si Ace ang kahalikan ko sa sobrang kalasingan. Kaya ako nainis sa kanya
dahil imbes na tumutol ay nagtake advantage pa sya. Nang magising ako
kinabukasan ibang Dorwin na ang humarap sa akin arogante na ito at tila
pinaglalaruan ako.” Mahaba kong paliwanag.
“Pinag lalaruan?” Di parin maintindihang wika ni Carlo.
“Naalala mo nung maginuman tayo sa bar na dumating sya.
Di ba nagpunta ako nang CR tapos sumunod sya. May sinabi sya sa akin na
ikinagulo nang isip ko. Para masagot ang katanungan na yon sabi ko kailangan ko
syang makausap ulit, nung pinalayas ako sa bahay at hindi kita naabutan dito sa
inyo dumaan sya sa bar. Binilhan nya ako nangpagkain, pumasok sa isip ko na may
kapalit yon kaya naman naginsist akong malaman. Sinabi nya na ang matulog sa
bahay nya ang kapalit. Nainis ako dahil lumabas din ang tunay na kulay nito
kaya pinatulan ko ang laro nya. Pero nung nagtatalik na kami at habang sinasabi
ko ang lahat nang kondisyon ko hindi ko alam pero iba, eh. Walang libog akong
nararamdaman galing sa kanya maski ang mga halik nya pa iba-iba. Ewan ko ba
pari.”
“Pano mo naman na sabi na katawan lang ang habol sayo ni
Dorwin nang sinabi nyang don ka sa kanila matulog?” Tanong ni Chad.
Hindi ako nakasagot.
“Paano kung gusto lang pala ni Dorwin tulungan ka kaya
sya nag offer nang ganun?” Seryosong sabi ni Carlo.
“So bakit sya kumagat sa pangaakit ko sa kanya?” Sagot ko
naman.
“Gago ka ba, ano tingin mo kay Dorwin santo?” Inis nitong
balik.
Paano pala kung mali nga ako? Ang sabi ko sa aking isip.
“Paano kung gusto ka pala nya?” Seryosong sabat naman ni
Chad.
“Si Ace lang ang una at huli kong taong mamahalin. Kung
bibigyan nang pagkakataon na maiba ang unang tagpo namin ni Dorwin gusto ko
lang syang maging kaibigan.”
“Pare kung ako sayo ayusin mo yan. Kung iisipin mong
mabuti at kung naririnig mo ang sarili mo ngayon hindi kasalanan ni Dorwin ang
mga nangyari.” Seryoso ding sabi ni Carlo na sinabayan naman nang pagtango ni
Chad.
“Ano yang pinaguusapan nyo?” Bungad ni Angela na papalapit
na pala sa amin at may dalang dalawang plato nang sliced bread.
“Wala naman tungkol lang sa problema nitong si parekoy sa
pamilya.” Agad na sagot ni Carlo rito.
Sumunod namang dumating sina Tonet at Mina na parehong
may bitbit. Agad na tumayo si Chad para tulungan ang kanyang kasintahan na tila
nahihirapan sa pagdala nang mga baso at plato. Ganun ito ka sweet kay Mina.
Habang kami ay kumakain biglang itinanong ni Tonet ang
buong detalye kung bakit ako pinapalayas nang aking step father. Walang
pagaalinlangan na ikweninto ko ito sa kanila. Nang matapos ako agad na nag
kumento si Tonet.
“Gusto mo samahan ka namin sa inyo para kaladkarin natin
yang step father mong magaling?” Sabi nito na halata sa mukha ang nagpupuyos na
galit. Lihim akong napangisi rito dahil ako man din ay gustong gusto nang
patayin ang gagong yon.
“Hindi na kailangan Tonet hayaan nalang natin sila.” Ang
sabi ko na pilit pinalumanay ang boses dahil ayaw ko naman na ipahamak at pare
pareho kaming makalaboso nang mga kaibigan ko.
“Red, You have to stand with your rights. Ikaw ang may
karapatan sa bahay na yon dahil papa mo mismo ang nagtayo nang bahay na yon.”
Wika pa nito na parang sya ang nahihirapan sa sitwasyon ko.
Umiling lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Ayaw ko nang pahabain pa ang usapin tungkol sa pamilya ko dahil sa tuwing
maaalala ko ang pambabaliwala sa akin ni mama at nung hayaan nitong paalisin
ako nang asawa nya sa bahay namin ay nasasaktan ako.
“Paano na yan, Na simulan mo nabang i-process ang
insurance na makukuha mo?” Tanong naman ni Mina na halata rito ang pagaalala sa
akin. Hindi man kami ganun ka close ni Mina dati nag iba na rin ito dahil sa
panahon.
“Ano ang silbi natin kung hindi natin sya matutulungan?”
Sabat naman ni Angela. Kahit na may sira ang babaeng to iba parin itong
magalala sa akin kahit na hindi naging kami.
“Dapat malaman to ni Rome at Ace.” Ang biglang sabi ni
Tonet.
“Wag!” Bigla ko ring pagtutol sa idea nya. “Hindi pwedi,
wag kay Ace.” Dagdag ko pang sabi na tila nag papanic.
“Bakit?” Sabay sabay nilang sabi.
“Basta! Pag sinabi nyo kay Ace ang problema ko
magkalimutan na tayo.” Seryoso kong sabi sa kanila.
“Relax parekoy hindi namin sasabihin.” Pagkakalma ni
Carlo sa akin.
Tumingin nalang sila sa akin na parang naguguluhan pero
wala ni isa sa kanila ang kumontra siguro dahil alam nilang hindi ako
nagbibiro. Iniba nalang ni Tonet ang usapan napag desisyunan nalang muna nila
na kay Dorwin nalang muna ako tumuloy habang wala pa kaming nahahanap na
apartment para sa akin. Pumayag nalang din ako para hindi na humaba pa ang
usapan naiintindihan ko naman kasi ang pagaalala nila sa akin. Sinabi pa ni
Tonet na rest day ko ngayon dahil sila ni Carlo ang tatao sa bar para makapag
pahinga naman ako kahit konte.
Alas Nuebe na nang gabi nang dumating si Dorwin sa bar.
Binati ito nang lahat nang kabarkada ko. Halata sa etchura nito na nag enjoy
sya sa kanilang family gathering.
“Kamusta ang family gathering?” Bungad na tanong ni
Tonet.
“Okey naman. Masaya ang mga nangyari.” Sagot naman nito
sabay hila nang upuan.
“Nan doon ba sila Ace at Rome?” Sabat ni Carlo.
“Yup!” Magiliw nitong sagot. “So, ano ang meron?” Sabi pa
nito na hindi parin matangal ang ngiti sa kanyang labi.
“Dorwin okey lang ba na sayo na muna tumuloy ulit si Red
habang di pa kami nakakahanap nang apartment para sa kanya?” Sagot naman ni
Mina rito.
“Hindi nyo na kailangan pang sabihin yon kahit don na sya
sa akin tumira habang buhay.” Sagot naman nito na sa akin parin nakatingin.
“Ay parang bahay bahayan lang? Bongga!” Sabat ni Angela
na nakatikim nang batok mula kay mina.
“Aray naman besh, Ayan kananaman!” nagmamatol nitong sabi
habang hinahapo ang tinamaang bahagi nang ulo nito.
“Malisyosa ka kasi! Di kana nahiya kay Dorwin.” May
halong inis nitong sabi na ikinatawa naman ni Dorwin.
“Okey lang yon. Sanay na ako sa biruan nyo.” Sabi nito.
“Dumaan lang ako dito para itanong kay Red kong nakita nya ang susi, hindi rin
ako magtatagal kasi may trabaho bukas.” Wika pa nito.
“Oo, ito dala ko nga, eh.” Sabay labas nang spare key nya
sa bulsa ko. “Pero sasabay na ako sayo si Tonet at Carlo ang bantay ngayon.”
“Oh sya, sige umuwi na kayo para pareho kayong makapag
pahinga.” Kita ko palihim na pagngisi ni Carlo.
“So, Tara?” Sabi ni Dorwin sabay tayo. Tumango naman ako
at tumayo na rin.
Dumating kami sa bahay ni Dorwin. Nang mabuksan nito ang
pintuan ay nabigla ito sa nakita. Agad itong napa atras at napalingon sa akin
na may pagtataka.
“Napag tripan kong mag linis kanina.” Simpleng sagot ko
sa kanya.
“Ano kaba, hindi mo na dapat ginawa yon nakakahiya
naman.” Sabi nito sa akin.
Nagtaka ako sa kanyang sunod na ginawa. Tinangal nya ang
kanyang suot na rubber shoes di paman kami nakaka pasok sa loob nang bahay.
“Bakit mo tinangal sapatos mo?” Takang tanong ko rito.
“Baka kasi madumihan ang sahig.” Sagot nito na ikinatawa
ko.
“Sira! Okey lang yan.” Tatawa-tawa ko pang sabi. Gusto
kong malaman kung talagang nagkamali ako sa inakala kay Dorwin at kung ma prove
ko na iba talaga ito sa inaakala ko ako mismo ang hihingi nang tawad rito dahil
sa totoo lang gusto ko ang ugali ni Dorwin na nakikita ko ngayon.
“Nag hapunan ka naba?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi na ako nakapag hapunan doon dahil nawili kami sa
usapan at inuman, pero busog pa naman ako.” Pilit ang ngiti nitong wika sa akin
nang makapasok kami sa bahay nya.
“Ano ba meron dyan sa ref mo na pweding lutuin ko?”
Tanong ko rito.
“Ano nakain mo?” Ang tanong nito sa akin imbes na sagutin
ako. “Di ba galit na galit ka sa akin?” Sabay tangal nito nang medyas nya.
“Gusto mo araw-araw tayong mag bangayan ganun?”
Sarkastikong sagot ko sa kanya.
“Natatakot lang ako dahil nang huling mag bait baitan ka
sa akin binaboy mo ako.” Seryoso nitong sagot.
Hindi ako nakasagot sa kanya.
“Biro lang, Sige akyat na ako para maligo.” At tumayo na
ito para tunguhin ang kanyang silid.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa sinabi nyang
iyon. Alam kong may laman ang sinabi nya kanina ramdam kong hindi iyon biro.
Umakyat agad ako sa kwarto para kausapin sya. Ito na siguro ang tamang
pagkakataon para makausap ko sya nang matino.
“Dorwin.” Ang mahina kong sabi nang makapasok ako sa
kwarto nya. Rinig ko ang lagaslas nang tubig na nagmumula sa shower ibig
sabihin nakapasok na nga ito. Hinintay ko nalang sya na matapos.
Pagkalabas nito nang pinto rumehistro sa mukha nito ang
pagaalinlangan at kaba? Bakit sya kinakabahan, ano ang iniisip nya? Ang
naitanong ko sa aking isip na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Bakit?”
“Gusto kitang makausap.” Seryoso kong sabi sa kanya.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment