Monday, December 17, 2012

Afterall (22)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Red

“Bakit mo kasi pinagtataguan yung tao?” Tanong ni Mina sa akin nang tuluyan nang makaalis si Dorwin.


Nasa likod lang ako nang bar. Napansin ko kanina ang sasakyan ni Dorwin kahit na doon nya pinark ito sa malayo. Matagal na rin kaming hindi nagkikita at ngayon ako naman itong hindi handang makipagusap sa kanya. Masyado akong nasaktan sa ginawa nya sa akin. Parang naapakan ang pagkalalake ko sa pambabaliwala nya sa mga ginawa ko.


“Ayaw ko lang syang makausap dahil baka matalo lang ako sa nararamdaman ko sa kanya.” Sinsero kong sabi.



Napabuntong hininga ito.


“Walang patutunguhan yang ginagawa mo Red. Hindi habang buhay matatakasan mo sya. By the look of his eyes masasabi kong sigurado na sya ngayon.” Seryoso namang sabi nito.


“Natatakot na akong sumugal Mins. Binigay ko lahat pero ano ang napala ko?”


“Sabihin na nating nasaktan ka nya. Why don’t you give both of you a chance? Alam naman naming mahal mo pa rin sya. Wag mong i-deprive ang sarili mo Red.” Ramdam ko na sinsero ito sa kanyang sinasabi. Alam ko namang hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon pati rin mga kaibigan ko.


Natigilan ako sa mga sinabi nya. Oo, hanggang ngayon mahal ko pa rin si Dorwin at hindi mag babago iyon. Kahit na ako lang ang nagmahal sa aming dalawa hindi ko pa rin maikakaila na naging masaya ako sa piling nya.


“It’s been a month Red, isang buwan mo na ring tinatakbuhan ang problema. I know hindi ako tulad ni Carlo at ni Ace na naging malapit sayo pero nasasaktan ako sa nakikita ko sayo how much more sila?” Malalim nitong sabi.


Napahawak ako sa mga kamay nito.


“Thanks Mins.”


Hindi mawala sa akin ang mga huling salitang sinabi sa akin ni Mina. Nakakatatlong bote na ako nang RH naging sandigan ko ito sa loob ng isang buwang pangungulila ko kay Dorwin. Kanina pa panay ang tawag sa akin nito pero hindi ko ito magawang sagutin. Nag dadalawang isip parin ako kung dapat ko pa ba syang kausap gayong pinalaya ko na sya.


Naka ilang subok pa ito hanggang tuluyan na itong sumuko napagud narin siguro at malamang iniisip nitong wala syang pagasang sasagutin ko ang tawag nya. Makaraan ang isang minuto ay nakatanggap ako nang text galing sa kanya. May pagdadalawang isip ko itong binuksan para basahin.


Gulat ang aking naramdaman nung mabasa ko ang text nito sa akin. Nawala bigla ang tama nang alak sa aking katawan.


Dali-dali akong nagbihis at naghanap nang sasakyan para tunguin ang bahay nito. Hindi ako mapakali, magkahalong galit at pangungulila ang aking nararamdaman habang nasa taxi.


Nang sa wakas ay huminto ang taxi sa tapat ng bahay na naging malaking parte nang buhay ko ay hindi ko maiwasang manlamig at pagpawisan. Gusto ko mang ihakbang ang aking mga paa ngunit hindi ito sumusunod sa akin. Literal na nanginginig ang aking mga kamay.


Tahimik ang paligid. Halos rinig ko na ang mga ingay na gawa nang panggabing insekto. Dahan-dahan kong tinawid ang kalsada at nung nasa tapat na ako nang gate nito ay nanginginig ang kamay kong pinindot ang door bell.


Hindi nag tagal ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong laman parin ng aking puso kahit na ilang beses na nya akong nasaktan. Bakas sa mukha nito ang galak ng makita akong nakatayo sa harap ng gate nya. Habang dahan-dahan syang papalapit sa akin ay di ko maiwasan ang pangungulila sa kanya pero naisip ko rin na hindi na dapat. Hindi ako ang mahal nito at masasaktan lang ako kung ipipilit ko pa ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya ko ito. Ang nasabi ko sa aking sarili at nagbigay nang malalim na buntong hininga.


“Red…” Alam kong marami itong gustong sabihin sa akin kita ko sa mga mata nito, pero agad ko itong pinutol. Ayaw ko nang umasa pa tatapusin ko na ang kabaliwan ko sa kanya.


“Asan sila?” Malamig kong tugon sa kanya. Pilit itinatago ang aking emosyon.


Tinitigan lang ako nito gamit ang nangungusap nyang mga mata na para bang nakikiusap na bigyan ko sya nang pagkakataong makapagpaliwanag. Walang emosyon ang ibinalik kong tingin sa kanya. Napabuntong hininga ito siguro natunugan na hindi pa ako handang makipagusap sa kanya.


“Nasa loob sila kumakain.” Sabi nito sabay bukas nang gate.


Hindi ko na hinintay na ayain ako nitong pumasok. Nang mabuksan nito ang gate ay walang anu-ano akong pumasok at dumiretso sa loob ng bahay.


“M-ma?” Ang kinakabahan kong tawag sa aking ina.


Nang humarap ito sa akin ay doon na tuluyang naglaho ang galit ko sa kanya pero ang kapalit nito ay ang pagkahabag sa nakita kong hitchura nang aking ina. Tuluyang umagos ang luhang kanina pa nangingilid sa aking mga mata.  Patakbo kung linapitan ito at niyakap nang mahigpit. Para akong batang humahangulhol sa kanya.


“Ano ang nangyari sayo ma? Sino ang gumawa nyan sayo?” Humihikbi kong sabi.


Napaiyak narin ito. Imbes na sagutin ang aking tanong ay panay sorry ang sinasabi nito sa akin.


Inilayo ko sya nang bahagya para matingnan ang kanyang hitchura at doon ko malapitang nakita ang mga mga pasa nito sa kanyang braso pati na rin sa kanyang mukha.


“SINO ANG GUMAWA NITO SAYO?” Ang may kalakasan ko nang sabi sa kanya. Galit, oo tama galit na galit ako.


“S-si papa kuya.” Ang tugon sa akin nang isa kung kapatid.


Napatingin ako rito at nang ibalik ko ang aking tingin sa aking ina ay binigyan ko sya nang nagtatanong na tingin.


“Mula nung malugi ang negosyo nya ay sa amin na ng mga kapatid mo ibinubuhos ni Raul ang kanyang galit. Lagi nalang itong naglalasing at mas lalo pa itong nalulun sa pagsusugal dahilan para maubos ang lahat ng ipon namin.” Umiiyak nitong pagamin sa akin.


“PUTANGINA NYA!” Ang galit na galit kong sigaw. Nanginginig ang kamay kong ikinuyum ang aking mga kamao. Akmang tatalikod na sana ako para puntahan ang aking amain para papagbayarin sa ginawa nito nang hawakan ako nang aking ina.


“Anak wag.” Ang umiiyak nitong pigil sa akin. Marahil alam na nito ang tumatakbo sa aking isipan.


“Hindi! Papatayin ko yang gagong yan! PAPATAYIN KO SYA!” Ang nagwawala kong sabi. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit. Hindi ako papayag na hindi maiganti ang ina ko.


Mas lalong humigpit ang hawak nang aking ina sa akin. Kita ko ang pagmamakaawa nito sa kanyang mga mata habang patuloy parin ang pagagos ng mga luha namin. Kahit na may kinimkim akong galit sa aking ina nung hindi ako nito ipaglaban sa asawa nya ay hindi ko mapigilang hindi mahabag sa kanyang sinapit. Napahagulhol nalang ako sa kanyang dibdib dahil sa wala akong magawa kung hindi ang sundin sya.


“Bakit ganyan ka ma? Bakit nakukuha mo pang ipagtangol ang lalaking yon sa kabila nang ginawa nya sayo? Bakit hindi mo ako hayaang ipaghiganti ka?” Ang humihikbi kong sabi sa kanya.


“Hindi para sa kanya anak. Para sayo, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Hindi ko hahayaang makulong ka dahil lang sa kanya, dahil lang pinagtangol mo ako. Mas lalo akong masasaktan pag nangyari iyon. Mahal na mahal kita Red, mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko kay Raul. Hindi ko lang magawang maipakita sayo dahil sa takot kong ikaw ang paginitan nya. Patawarin mo ako anak.”


Sa sinabi nyang yon ay muling nadurog ang aking puso. Napakasama kong anak, imbes na intindihin sya ay nakuha ko pang magbitiw nang masasakit na salita sa kanya. Hindi ko manlang inisip na baka para din sa akin ang ginagawa nya.


“Sorry ma.” Ang humihikbi kong sabi. “Sorry sa mga nasabi ko sa iyo noon.” Dagdag ko pang paghingi ng paumanhin.


Gusto ko mang isama sila mama sa apartment na inuupahan ko ay hindi ko magawa dahil napakaliit nito. Hindi kami magkakasya sa folding bed na higaan ko.


“Ma, sa hotel nalang muna kayo nang mga kapatid ko. Bukas na bukas maghahanap tayo nang matutuluyan para sa ating apat.”


“Hindi mo na kailangang maghanap, malaki naman ang bahay natin para sa kanila.” Ang nakangiting sabat ni Dorwin.


Napatingin ako sa kanya. Ano daw? Natin? Ang di ko maiwasang maitanong sa aking sarili.


“Nagusap na kami nang mama mo at na kumbinsi ko na syang dumito muna sa bahay natin.” Sabi nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti.


“Wag na, nakakahiya naman sa kinakasama mo.” Pasaring kung sabi sa kanya na ang tinutukoy ay si Niel.


“Oo, nga naman Dorwin di ba nakakahiya sa asawa mo?”


Natawa ito sa tinuran nang aking ina.


“Ang anak nyo po ang asawa ko.” Walang ka gatol-gatol nitong sabi.


Bakas ang pagkabigla sa mga mukha nang mga kapatid ko at si mama. Ako naman ay literal na napanganga sa sinabi nito.


Ibinaling ni mama ang kanyang tingin sa akin nang makabawi ito sa pagkabigla.


“Asawa?” Ang wika nito na para bang hinihingi ang paliwanag ko.


Hindi ako magkaugaga sa paghahanap nang isasagot sa aking ina. Lokong abogago to ah! Ang  pabulong kung sabi at binigyan ko si Dorwin ng masamang tingin.


“Ano kasi ma.. uhmm… wait!” Ang nasabi ko nalang sabay hila kay Dorwin palayo sa kanilang nanunuring mga mata.


“Ano ang ginagawa mo?!” Galit kong sabi sa manihang boses.


“Bakit, totoo namang asawa kita di ba?” Sabay taas nito nang kamay ko para ipaalala sa akin ang singsing na ibinigay nya na ngayon ay suot ko pa rin.


Bahagya akong namula at napahiya ngunit agad akong nakabawi. Hinablot ko ang kamay ko sa kanya.


“Tapos na sa atin ang lahat Dorbs, baka nakakalimutan mong nakipaghiwalay ako sayo nung gabing lumayas ako sa pamamahay mo.” Kita ko ang biglang paglungkot nang mga mata nito.


“Kaya mo ba ako pinagtataguan?”


“Oo, dahil ayaw na kitang makita pa. Tama na ang isang taon, sawa na akong mahalin ka. Hindi na mauulit yon!” May diin kong sabi sa kanya. Masakit para sa akin ang mga binitiwan kong salita pero iyon lang ang paraan para tuluyan ng lumayo sa akin si Dorwin. Ayaw ko nang sirain ang relasyon nila ni Niel dahil lang kinakaawaan ako nito. Hindi awa ang gusto ko mula sa kanya.


Batid kong lubusan ko syang nasaktan sa mga sinabi ko. Dumaloy ang masaganang luha nito sa kanyang mapupulang pisngi. Hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan sa tuwing makikita ko syang umiiyak kaya naman tumalikod na ako sa kanya dahil baka di ko pa mapigilan ang sarili ko.


“Red?” Ang tawag nito sa akin. May pagaatubiling humarap ako sa kanya.


“Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako.” Sabi nito na ikinabigla ko pero hindi ako nagpahalata. Sa halip ay binigyan ko sya nang isang malungkot na tingin at umiling bago tuluyang tumalikod ulit sa kanya.






“Anak, napagdesisyunan ko na ang gusto mong mangyari.” Bungad sa akin ni mama nang makababa ako sa hapag para mag almusal.


Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang puntahan ko sila sa bahay ni Dorwin. Hindi na rin sila doon tumuloy ipinilit ko nalang na mag hotel kami para na rin hindi na makaabala pa kay Dorwin at para makaiwas na rin sa kanya.


Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga huling sinabi ni Dorwin may parte sa akin na gustong maniwala habang ang isang parte naman ay sinasabing wag akong magpapadala.


 Kahit anong pilit kong itanggi sa sarili ko ay apektado pa rin ako sa kanya. Nakarami ito nang dalaw sa amin pero hindi ko sya binigyan ng pagkakataong makausap ako. Lahat na ata nang alibi nagawa ko na para lang makaiwas sa kanya.


“Talaga ma? Itutuloy ba nating bawiin kay Raul ang bahay natin?”


Na kwento rin sa akin ni mama ang lahat. Kaya pala sya binugbog nang magaling nyang asawa dahil pinipilit sya nitong ibenta ang bahay na ipinundar nang nasira kong ama, pero tumanggi si mama kaya bugbog sarado ang inabot nya. Nang malaman ko ang dahilan ay napagdesisyunan kong tuluyang palayasin ang aking magaling na amain sa pamamahay namin. Sinangayunan naman ito nang dalawa kong kapatid sa awa na rin kay mama.


“Oo anak, nag pa medical na ako kahapon tinulungan ako nang mommy ni Rome. Handa na akong ipaglaban ka at ang bahay na itinayo nang papa mo para sa atin.” Maluha luha nitong sabi sa akin.


“Kailangan nalang nating magsampa nang kaso sa kanya at maghanap ng abogado. Wag kayong magalala may ipon naman ako at hindi ko pa nagagalaw ang perang ibinigay ni papa. Gagamitin natin ang perang iyon para makapagsimula nang bagong negosyo.” Nakangiti kong wika sa kanya.


“May abogado na tayo anak. Si Dorwin ang ibinigay na abogado sa akin ni Ace. Akalain mong abogado pala ang kaibigan mong yon?”


Napakunot ako nang noo.


“A-anong si Dorwin? Di ba pweding iba nalang ang kunin natin?” Di mapakaling wika ko sa kanya.


“Anak, alam ko na ang tungkol sa inyo ni Dorwin na kwento na lahat sa akin ni Ace. Naiintindihan kita anak, siguro dahil sa pagpapabaya ko ay naghanap ka nang pagmamahal sa ibang tao. Minsan ko palang nakausap si Dorwin pero alam kong mabait ang batang iyon.” Mahaba nitong turan sa akin.


“Ma..” Pinutol nito ang sasabihin ko.


“Alam kong mahal mo sya. Anak kita kaya hindi mo maitatago yan sa akin. Ang gusto ko lang sana anak ay pagisipan mong mabuti ang magiging desisyon mo. Kung ano man iyon ay susuportahan ka namin ng mga kapatid mo. Ganyan ka namin kamahal.” Ito yung hinahanap ko sa kanya. Ngayong ramdam ko na ang pagmamahal ng isang ina ay di ko mapigilang mapaluha.


“Maraming salamat sa pagintindi ma.” Ang aking sabi sabay bigay nang isang ngiti.


Ipinagpatuloy namin ang aming agahan. Ang mga kapatid ko ay maagang pumasok sa kanilang eskwelahan, hindi ako pumayag na huminto sila dahil sayang, isang taon nalang gragradute na sila nang high school kaya sinabi kong ako ang susuporta sa kanila sa abot nang aking makakaya. Mahal ko ang mga kapatid ko hindi rason ang galit ko sa kanilang ama para idamay ko sila.


Sinampahan namin nang kasong violence against women and ang aking magaling na amain. Naging matagumpay naman ito sa tulong na rin ng medical certificate na ibinigay ng doctor at sa pagtistigo nang dalawa kong kapatid laban sa kanilang ama. Si Dorwin ang humawak nang kaso nang aking ina ang mga kaibigan ko ay ibinigay din ang kanilang suporta.


“Salamat ng marami Dorwin ha, napakalaki nang naitulong mo sa amin.” Ang sabi nang aking ina katatapos lang naming matanggap ang naging desisyon ng korte.


“Wala pong anu man iyon.” Nakangiti nitong tugon.


“Doon nalang kayo sa bahay namin mag dinner mamaya.” Masayang paanyaya nito sa aking mga kaibigan.


“Sure tita. Matagal na rin naming di nakakabonding yang anak nyo.” Sagot naman ni Tonet rito.


“Attorney, ikaw rin di ka pweding mawala mamaya.”


“S-sige po.” Nakayuko nitong sabi.


“Tara na ma mag gro-grocery pa tayo para sa mga lulutuin mamaya. Pano guys kita kits nalang tayo sa bahay.” Ang pagsabat ko naman hindi ko tiningnan si Dorwin.


Tuluyan na kaming sumakay sa taxi. Alam kung gusto ni Dorwin na sya ang maghatid sa amin pero nahiya itong mag offer sa takot na baka sa pangapat na pagkakataon ay tanggihan ko sya.


“Ang babait talaga nang mga kaibigan mo. Napaka swerte mo sa kanila anak.” Ang wika ni mama nung nasa loob na kami nang taxi at binabagtas ang daan papuntang mall para mag grocery.


“Sila ang naging sandigan ko ma sa loob ng isang taong hindi tayo magkasama.” Nakangiti kong sabi sa kanya.


“Pasensya..” Agad kong pinutol ang sasabihin nya.


“Ma, wag na nating ungkatin pa ang mapapait na nakaraan.” Sabay akbay ko sakanya. Ngumiti naman ito sa akin at tumango.


Natapos kaming mag grocery ni Mama at agad na umuwi para maghanda. Nagtulungan kami sa pagluluto na miss ko ring gamitin ang kusina namin kaya naman ganadong ganado ako sa pagluluto.


“Beef steak?” Tanong ni mama nang mapansin ang niluluto ko. “Ang bango! Muhang special yan ah.”


“Paborito ni Dorwin.” Ako man ay nabigla kung bakit ko na sabi yon. Bumakas ang pilyong ngiti sa labi ni mama at pa sipol-sipol itong ibinalik ang atensyon sa ginagawang spagette.


Makaraan ang ilang minutong pananahimik nito.


“Alam mo gusto ko sya.” Ang biglang sabi nito.


“Sino?” Takang tanong ko naman.


“Si Dorwin, gusto ko sya hindi dahil hindi nya tayo siningil kung hindi magaan ang loob ko sa batang iyon.”


“Ah ganun ba? Nga pala ma utusan mo si Marky na bumili nang RH sabihin mo nasa kwarto ang wallet ko.” Pagiiba ko nang usapan.


“Mahal mo sya?”


Napalingon ako sa sinabi nya.


“May mahal na syang iba ma. Ayaw ko nang ipilit ang sarili ko.”


Kibit balikat ang isinagot nito sa akin. Ibinalik ko nalang ang aking pansin sa aking niluluto.


Dumating ang mga kaibigan ko at sa muling pagkakataon ay nakasama namin si Vincent. Masaya naming pinagsaluhan ang luto namin ni Mama. Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi pa dumarating si Dorwin. Natapos nalang kaming kumain pero walang Dorwin na dumating nakaramdam ako nang panhihinayang.


“Bakit kaya hindi dumating si attorney?” Pagsisimula ni Angela sa usapan.


“Tinawagan ko na pero ayaw sumagot eh.” Sabi naman ni Vincent.


“Dumaan kami ni Supah Ace sa bahay nya pero mukhang walang tao.” Sabat naman ni Rome.


Nakaramdam ako nang pagaalala kung saan napunta ang abogagong yon. Napansin naman ito ni Carlo.


“Bakit hindi mo tawagan pare? Baka sakaling sagutin nya kung ikaw ang tumawag.”


“Baka may date sila ni Niel.” Tugon ko naman rito gamit ang boses na nagbibiro, pero sa loob ko ay may kirot akong naramdaman.


“Hiwalay na sila ni Niel.” Simpleng sabi ni Vincent.


Napatingin kaming lahat sa kanya na parang hindi naniniwala.


“Hindi nyo pa alam? Naku, si Dorbs talaga kahit kailan laging gustong solohin ang lahat. Naghiwalay na sila akala ko nga nagkabalikan na kayo eh.”


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa aking mga narinig. Hindi ko rin mapigilang isipin na baka ako ang dahilan ng paghihiwalay nila.


“Bakit sila naghiwalay?” Panguusisa naman ni Tonet.


“Niel was a jerk. Kaya pala sila pinaghiwalay ng daddy ni Dorbs kasi may kinakalantari itong ibang lalaki. Galit na galit nga kami nung malaman namin ito kay Dave eh. Na guilty kami kasi si Dorbs ang sinisi namin nung hiniwalayan ni Niel si Pauline.” Paglalahad nito sa amin.


“Oh my god. Kawawa naman pala si attorney.” Sabi naman ni Angela.


“Nope, ang kawawa ay si Niel. Dahil kahit anong pilit nyang makabawi kay Dorbs ay di pa rin nya nagawang ibalik ang dati kasi iba na ang mahal ni Dorbs at si Red yon. Halos gabi-gabing nagsusumbong sa amin si Niel pero lagi lang syang binabara ni Brian.” Pagpapatuloy pa nito.


Mataman lang akong nakikinig. Ang bilis nang tibok ng puso ko hindi ako makapaniwala na minahal rin pala ako ni Dorwin.


“Si pinsan talaga ang hilig sa mahirapang paraan.” Napapailing namang komento ni Ace.


“Eh ikaw rin naman wifey gusto mo lagi akong nahihirapan.” Basag naman ni Rome sa asawa nya.


“Ah ganun? Sige, hindi tayo ngayon magtatabi!” Pikon na balik ni Ace rito.


“Wag ganun!” At nagtawanan ang buong barkada maliban sa akin na nasa kalaliman parin ng pagiisip sa aking mga nalaman kay Vincent.


“Ready to give him another chance?” Pagbasag ni Mina sa katahimikan ko.


Ngumiti ako nang ubod nang tamis sa kanila. “Let’s do it my way this time.”


Pinagusapan namin kung ano ang mga gagawin naming hakbang para sa plano ko sa amin ni Dorwin. This time sya naman ang papahirapan ko bago nya ako makuha ulit. Tatawa-tawa naman ang mga kaibigan ko sa naisip kong plano at halata sa mga mukha nito ang excitement sa mga manyayari.


“Matagal tagal na rin nating hindi nagagawa ito! Ang last time eh yung kay Rome at Ace.” Ang wika ni Tonet na halata sa boses ang kasabikan.


“Tama! Cheers tayo para dyan!” Sabat naman ni Mina.


“Grabe kayo. Talagang papahirapan nyo ang kaibigan ko.” Tatawa-tawang wika ni Vincent.


“Aba dapat lang noh, pinahirapan nya rin ang kaibigan namin. It’s pay back time.” Sagot naman ni Angela sa boyfriend nya sabay tawa nang nakakagago.


Hinatayin mo lang ako damulag. Ang bigla kong nasambit sa aking isip kasabay ng paguhit ng isang ngiti sa aking mukha.






Itutuloy

No comments:

Post a Comment