by: Zildjian
Tatlong araw na ang nakakalipas
matapos kong aminin ang tunay na nararamdaman ko para kay Martin. Hanggang
ngayon ay pilit ko pa ring iniintindi ang huling salitang binitiwan nito sa
akin.
“’Wag.”
Sobrang simple ng salitang iyon, pero
ang hirap intindihin kung ano ang kanyang ibig sabihin nang sabihin niya iyon
sa akin.
Funny, kung kelan naamin ko na sa
kanya ang tunay na nararamdaman ko siya namang takot ko na tanungin siya kung
ano ang ibig niyang sabihin sa pagpigil niya sa akin.
Walang kumpirmasyon at wala ring
pagtugon akong nakuha mula kay Martin. In short, walang closure ang ginawang
pag-amin ko dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ako lulugar ngayon.
Aaminin kong mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon sa tuwing
nakikita kong parang wala lang kay Martin ang ginawa kong pagtatapat sa kanya.
Kung tutuusin dapat akong matuwa dahil
walang nagbago sa kanya, parang hindi nga nangyari ang pagtatapat ko. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit
parang hindi ako kontento sa mga nangyari? Sira-ulo na kung sira-ulo pero
parang gusto ko pa na kahit papaano ay may makita man lang ako na pagbabago
mula sa kanya pero wala talaga.
Pakiramdam ko tuloy ay parang
binalewala lang nito ang pagtatapat ko. I felt like I’ve been rejected in a
different subtle way. Kaya heto ako ngayon mag-isa at naguguluhan sa sitwasyon
namin ngayon ng bestfriend ko.
“Kamusta ang pakikipagtitigan sa kape
mo? Ingat-ingat lang at baka bigla kang kausapin niyan sa sobrang pagkakatitig
mo sa kanya.” Ang nakangiting wika sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Jay na si
Maki.
Kakaiba talaga ang angking aura ng
isang ito, animoy wala itong ni katiting na problema sa buhay. Kung si Jay ang
pinakamadaldal sa kanilang magkakaibigan ay masasabi kong si Maki naman ang
pinakamasayahin sa kanila. Laging nakaplastar ang ngiti nito na talaga namang
dumaragdag sa maamo at inosente nitong mukha. Boy next door, iyan ang
pinakamalapit na description na pwedi kong maibigay sa isang ito.
Alanganing ngiti ang ibinalik ko sa
kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan paharap sa akin na hindi tinatanggal ang
pagkakatitig sa akin at ang nakaplastar na ngiti nito sa kanyang mukha.
“Mukhang tama nga ang nasagap kong
balita mula kay Jay ah.”
“Balita? Anong balita naman iyon?” Ang
naguguluhan kong tanong dito.
“Na itong mesang ito ang
pinakapaboritong spot mo tuwing nagpupunta ka rito sa coffee shop ni Nico.”
Nakangiti nitong sabi.
Napangiti na rin ako sa kanya. Sadya
‘atang totoo ang sabi ni Jay na nakakahawa ang kasiyahang taglay nitong si
Maki. Sa simpleng mga salita lamang nito at sa simple rin nitong pagngiti sa
akin ay nagawa ako nitong mapangiti nang hindi pilit.
“Hindi maganda ang laging seryoso sa
buhay nakakatanda iyon at nakakapangit ng mukha.” Wika nito. “Gusto mo ba ng
cake? Sabi nila masarap daw na kasabay ng kape ang cake. Ang alam ko may cake
si Nico na nagagawang pangitiin ang sinumang taong kumain no’n.”
Nakangiti lang akong umiling sa kanya.
Mababait talaga ang mga kaibigan ni Jay kahit pa man ang iba sa mga ito ay
overwhelming ang dating at medyo simpatiko. You cannot judge a book by its
cover ‘ika nga nila at napatutuhanan ko iyon nang makilala ko ang mga kaibigan
ni Jay na ngayon ay masasabi kong mga kaibigan ko na rin.
Nasa gano’n kaming tagpo ni Maki nang
may pumarang itim na kotse at iniluwa nito ang dalawa pang kaibigan ni Jay. Ang
dalawang aso’t pusa kung magbangayan na hindi naman mapaghiwalay. Parehong
seryoso ang mga mukha nito, batid kong kagagaling na naman nila sa isang mainit
at walang kwentang pagtatalo.
Kinawayan ni Maki ang dalawa dahilan
para lumapit ang mga ito sa mesa na kinauupuan namin. Pareho silang biniyayaan
ng simpatikong mukha pero masasabi mo pa rin na may pagkakaiba ang mga ito.
Kung si Lantis ay ang tipo na seryoso at maiilang kang kausapin at tingnan, iba
naman ang dating ni Nicolo. Antipatiko man ang unang impression mo sa kanya
hindi iyon hadlang para hindi ka matakaw na sulyapan siya. Siya na yata ang pinakamagandang example sa
salitang “irresistible.”
“Mukhang nagkakasundo na kayo ah.”
Nakangiting bati ni Maki sa mga ito nang makalapit sila sa amin. “Kapag nakita
ni Jay ito paniguradong uulanin na naman kayo ng tukso.”
Tulad ni Maki ay natawa na lang ako
nang sabay na mag-make face ang dalawa at parang nandidiring binigyan ng tingin
ang isa’t isa.
“Makapag-order na nga lang muna ng
kape.” Wika ni Lantis at tuluyan na itong dumiretso sa loob ng coffee shop.
“Kahit kailan pikunin talaga ang isang
iyon.” Tatawa-tawa namang wika ni Maki.
“Nahawa ka na rin kasi sa kadaldalan
ni Jay.” Tila yamot namang sabi ni Niccolo. “Wala ka sigurong magawa kaya
nagpakalat-kalat ka dito sa coffee shop ko.”
“Mali ka kaibigan. Narito ako hindi
dahil wala akong magawa kung hindi dahil marami akong ginagawa ngayon. Salamat
sa free wifi niyo rito at natapos ko ang lahat ng iyon.” Tugon naman nito na
sinamahan pa nang ngising nakakagago.
“Tapos ka na pala so bakit narito ka
pa?.”
“Dahil nakita kong walang kasama si
Ken kaya naisipan ko munang samahan siya.” Tugon nito sa kanyang kaibigan na sa
akin nakatingin.
Medyo nakaramdam ako ng pagkailang
nang mapatingin na rin sa akin si Nicollo. Tulad ng unang gabi na mabigyan kami
nang pagkakataong makapag-usap ay mapanuri ang tingin na ibinigay nito sa akin.
“I see.” Kapag-kuwan ay wika ni Nicolo
na sinamahan pa nito nang pagtango-tango parang may kung ano itong nakuhang
impormasyon sa akin.
“Is that what I think it is?” Ang wika
ni Maki na nagpakunot sa aking noo. Misan talaga nawe-weirduhan ako sa mga ito.
“Imbes na kung anu-ano ang pinapansin
mo Niccollo unahin mo munang resulbahin ang problema ng isang costumer mo sa
loob kung ayaw mong malugi itong negosyo mo.” Ang biglang sabat ni Lantis na
nasa likod na pala ni Nicollo. Hawak na nito ang in-order niyang kape.
“Naks, ang sweet niyo naman parang…
parang….” Ang halatang nang-aasar na komento ni Maki sa dalawa.
“At ikaw naman Maki, kung wala kang
hinihintay na order mabuti pang umuwi ka na at itulog mo na lang iyang
pang-aasar mo dahil kapag napikon ako ibubuhos ko itong kape ko sa pagmumukha
mo.”
I must admit na na-iinggit ako sa
kakaibang friendship na meron ang mga kaibigan ni Jay. Kahit pa man nag-aasaran
ang mga ito makikita mo pa rin na hindi nila kayang mawala ang isa’t isa.
“Wala talagang kupas ang pagiging
suplado mo Lantis.” Ngingisi-ngising wika ni Maki na sinamahan pa nito ng
pagtaas ng kanyang dalawang kamay tanda nang pagsuko.
Sa mesa na kinauupuan namin ni Maki
umupo si Lantis maya-maya ay tinawag nito ang isang waiter na katatapos lang mag-serve
sa iba pang costumer.
“Two cinnamon streusel.” Ani nito sa
waiter makalapit.
“Ambait mo naman pala talaga Lantis,
biruin mo nilibre mo pa ako ng cake baka gusto mo ring samahan ng isang masarap
na kape iyan?.” Ang nakangisi pa ring wika ni Maki. Hindi talaga nito
tinatantanan ang kaibigan.
Binigyan lang ito ni Lantis ng isang
matalim na tingin at muling humigop sa in-order nitong kape. Kakaiba talaga ang
pagiging suplado ng isang ito kahit ang pinakamalapit nitong kaibigan ay hindi
nakakaligtas.
Hindi naman nagtagal ay dumating na
ang order nito.
“Here, para naman hindi malungkot
iyang kape mo.” Ani nito na ikinagulat ko. Di ko lubos maisip na para pala sa
akin ang isang cake na in-order nito.
May hiya akong napatingin kay Maki at
sinalubong ako ng napakatamis na ngiti nito. It is as if he already knew from
the start na para sa akin talaga ang isang cake na in-order ni Lantis.
“Try it. It will make you feel
better.” Ang wika ni Lantis dahilan para hindi na ako makatanggi pa. Takot ko
lang na ma-offend ko ito.
Am I that obvious?
Ngiming ngiti na lang ang ibinalik ko
sa kanya.
Tama nga ang ginagawa kong pag-unwind
kanina sa bagong coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ni Jay. When it rains
nga naman talaga it pours at inulan ako ngayon ng malas. Halos puro irate ang
natanggap kong costumers sa buong shift ko.
Bakas ang pagod at antok sa mukha ko
nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin ng CR namin sa opisina.
Define wasted. Ang nasabi ko na lang
sa aking sarili at nagpakawala ng buntong-hininga.
No wonder na halos lahat ng
nagtratrabaho sa isang call center company ay nagkakasakit. Sino ba ang hindi
kung halos lahat ng makakausap mo ay puro problema ang ibibigay sa ‘yo.
Stressful kung stressful kaya siguro malaki ang sahod.
Hindi ko pa sana gustong umuwi kaso,
rest day ngayon ng mga katrabaho ko na naging malapit na sa akin. Sila lang
naman kasi ang mga taong nakakasalamuha’t nakakasama ko sa mga galaan.
Tinungo ko na lang ang locker ko para
maghanda ng umuwi. Ramdam ko ang ibayong pagod sa buo kong katawan. Sabagay,
simula nang mangyari ang pagtatapat ko kay Martin ay hindi na ako dinalaw ni
pareng antok.
Kung noon ay lagi akong excited tuwing
uuwi ako para hintayin ang pag-uwi ni Martin ngayon ay hindi ko na maramdaman
ang excitement na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang dahilan ng pagbabagong
ito sa akin. Kung dahil ba sa natatakot akong muling makaharap si Martin o
dahil sa kakaibang pag-reject nito sa nararamdaman ko. Ewan, ang gulo!
Nakakasira lang ng ulo tuwing sinusubukan kong hanapan ng kasagutan.
Mag-aalas-onse na nang umaga nang
dumating ako sa bahay. Ipapasok ko pa lang susi ko sa susian ng bigla itong
bumukas at sumalubong sa akin si Martin.
“H-Hindi ka pumasok?” Ang medyo
nabigla kong tanong.
“Medyo tinamad akong pumasok kanina
kaya tinext ko na lang ang boss ko na masama ang pakiramdam ko.” Tugon naman
nito.
“Ganun ba?” Ang matipid kong wika at
tuluyan nang pumasok sa loob ng inuupahan naming apartment.
“Magpalit ka na lang muna ng damit
kenotz, malapit ng maluto ang ulam na niluto ko sabay na tayong mananghalian
bago ka matulog.”
“Sige.” At tinungo ko na nga ang
kwarto ko para magbihis.
Hindi ko mapigilang mapasulyap kay
Martin habang nasa hapagkainan kami. Ganadong-ganado ito sa pagkain habang ako
ay halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Sinubukan kong basahin ang anumang
p’wede kong mabasa sa kanya pero wala.
Nagpakawala ako ng isang
buntong-hininga.
“Nakakapagod ba ang trabaho?” Ang
nakangiting tanong nito sa akin.
“Medyo.”
“ Ako na lang ang maghuhugas.
Magpahinga ka na lang pagkatapos nating kumain.” Ani nito.
Ito ang dahilan kung bakit naguguluhan
ako ngayon. Kung bakit gustong-gusto kong itanong sa kanya kung ano ba ang ibig
niyang sabihin sa huling salitang binitiwan niya no’ng magtapat ako sa kanya.
Hindi ko na kasi alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa kanya.
Huminga ako ng malalim.
Kung nagawa kong magtapat sa kanya,
kaya magagawa ko ring tanungin siya ngayon.
Nakapagdesisyon na ako. Mas mabuti
nang marinig ko mula sa kanya ang rejection kesa naman hayaan kong masiraan ako
ng bait kakaisip kong ano na ba talaga kami ngayon.
“M-Matt, t-tungkol sa sinabi ko …”
“Huwag na lang nating pag-usapan iyon
Kenotz.” Malumanay na pagputol nito sa iba ko pang sasabihin.
Parang huminto ang oras sa aming
dalawa. Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya sa huling salitang
binitiwan niya no’ng umamin ako sa kanya.
Sobrang sakit oo, dahil ngayon alam ko nang hindi niya kayang matugunan
ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nagpakawala ako ng isang ngiti kahit
pa man sa loob-loob ko ay parang dinudurog na ang puso ko. Bakit ko nga ba
naisipan na pwedi akong mahalin ng bestfriend ko? Ano nga ba ang pumasok sa
kokote ko at pinaniwala ko ang sarili ko sa isang ilusyon na p’wedeng maging
totoo ang ginagawa naming pagpapanggap noon ni Martin?
“I’m sorry ––”
“Don’t be. Hindi mo naman kasalanan
eh.” Ako naman ngayon ang pumutol sa kanyang sasabihin. “Isa lang ang hinihiling
ko Matt, sana walang magbago sa pagkakaibigan natin. Magpapahinga muna ako.” At
nagmamadali na akong pumasok sa aking kwarto para doon lihim na umiyak dahil sa
kabiguan ko sa bestfriend ko.
Dumaan pa ang mga araw na walang
pagbabago sa pakikitungo ni Martin sa akin. Gaya nang dati ay lagi pa itong
nagtetext sa akin kapag umaalis ako papuntang opisina. Pero hindi ako
makaramdam ng tuwa sa sitwasyon naming dalawa parang ako pa itong naiilang sa
kanya na hindi ko mawari kung bakit.
Kung tutuusin nga dapat ikasiya ko pa
na pagkatapos kong ipagtapat sa bestfriend ko ang nararamdaman ko para sa kanya
ay heto parin siya at nanatiling kaibigan ko. Pero parang mali, may mali at
alam kong ako ang mali ngayon dahil parang gusto ko pang may mabago sa samahan
namin. Siguro dahil in-expect ko na iyon at ngayon na hindi nangyari ang mga
in-expect ko ay nakakaramdam ako nang kakaiba.
“Kenotz, may lakad kami mamaya ng mga
ka-opisina ko. Nagkayayaan kasi hindi na ako nakatanggi.” Wika nito habang
magkasabay kaming nanananghalian.
“Talaga? Sige enjoy ka lang.” I
answered nonchalantly.
“Kayo ba, wala kayong lakad ng mga
bago mong kaibigan?”
“Hindi ko alam. Pero baka dito lang
ako ngayon sa bahay. Susulitin ko ang rest day ko para makapagpahinga.”
Tumango-tango naman ito at hindi na
muli pang nagsalita. Nakakapraning talaga ang ganitong uri nang pakiramdam iyon
bang parang pinipilit mong maging normal ang lahat kahit alam mo namang hindi
na normal ang nangyayari.
Ito rin ang unang pagkakataon na
sumama si Martin sa yayaan ng mga ka-trabaho niya marahil ay nakakaramdam na
rin ito ng boredom sa loob ng apartment namin dahil simula nang i-reject ako
nito ay naging mailap na ako sa kanaya.
Tulad nga nang sabi ni Martin ay
umalis ito bandang alas-syete nang gabi. Medyo nakaramdam ako nang emptiness sa
loob ng bahay kaya napagdesisyonan kong i-text sina Chelsa. Alam ko kasing sa
mga oras na ito ay nakatambay na ang mga iyon sa coffee shop ni Nico at doon
nagsasayang ng oras bago pumasok.
Hindi naman ako nabigo at napagalaman
kong naroon nga sila. Agad akong naligo at nagbihis gusto kong i-divert para
puntahan sila.
Nasa kabilang kalsada palang ako ay
tanaw ko na ang nagkakasiyang mga ka-trabaho ko na naging mga kaibigan ko na
rin. Tulad ko ay favorite spot rin ng mga ito ang labas ng coffee shop dahil sa
halos lahat sila ay naninigarilyo.
“You look epic Kent.” Ang agad na
komento sa akin ni Rachalet ng makalapit ako sa kanila. “Natutulog ka pa ba?”
“Bakit, mukha na ba akong zombie?”
“Hindi, mukha ka nang kabaong.” Ani
nito na ikinatawa nang iba pa naming kasama.
Hindi naman ako na offend sa medyo
below the belt nitong biro dahil totoo naman. Alam kong sobrang wasted na nang
hitsura ko dahil sa palaging kinukulang ng tulog. Maski nga ako ay hindi ko na
makilala ang sarili ko kapag nananalamin ako.
“Walking dead ang dating mo Kenneth.
Broken hearted ka ba?” Ang gatong naman ni Chelsa.
“Paano magiging broken hearted yan eh
wala naman siyang girlfriend.” Ani naman ni Rex.
“Who knows diba? Malay natin tinatago
lang pala ni Ken ang syota niya sa bulsa niya.”
“Wag niyo ngang pagtripan si Ken.” Ang
sabat naman ng nakangiting si Jay. “Pero Ken, kung may problema ka idaan natin
yan sa maboteng usapan.” Dagdag pa nitong sabi.
“Inuman? Gusto ko yan!” Tila excited
namang sagot ni Rachalet.
Halos mapapalatak ako sa kabaliwan ng
mga kasama ko.Ganito talaga sila kapag ikaw ang huling dumating dahil sayo
magiging focus ang atensyon nilang lahat.
“Di tayo papasok?” Halatang interesado
ring sabi ni Jay.
“Ikaw ang nagbigay ng ideya sa amin so
dapat alam mo na ang sagot sa bagay na yan.” Ngingisi-ngisi namang sagot ni
Rex.
Tama nga ang nagising desisyon kong
puntahan ang mga ito. Kapag kasama ko sila ay pansamantala kong nakakalimutan
ang ano mang problema meron ako.
“Kung magiinum tayo saan naman?”
Tanong ni Chelsa. “Gusto ko yung may mga papa para naman ma-i-display ko ang
bagong tube ko.”
“Para maiba naman mag-singing trip
tayo.” Suhestyon naman ni Rachalet.
“Ay gusto ko yan girl panalo yan. Oh
siya simulan na nating papakin ng text si TL may the best palusot win.” Agad na
wika ni Chelsa sabay hugot nito nang kanyang cellphone.
“In all fairness ang ganda ng boses ng
pa-gurl na yon at mukhang type ka Rex.” Ang nanunuksong wika ni Rachalet.
Natuloy ang biglaang plano nang mga ito at ngayon ay nasa isa kaming videoke
bar.
“Ayan ka na naman Rachalet binibenta
mo na naman ako.” Nagtatampo namang wika nito.
“Nakakasama nang loob. Type ko pa
naman ang papa na kasama niya pero mukhang naunahan na ako nang timawang yon.”
Ani naman ni Chelsa na sabay lagok nito nang kanyang shot.
“Dont worry girl marami pa yan relax
ka lang sa ganda nating ito walang sino man ang may kakayahang tanggihan tayo
except sa mga kalahi nitong si Jay.”
“Ako na naman ang nakita mo. Kung ako
sayo ihanda mo na ang sarili mo at malapit kanang kumanta huwag mo kaming
ipahiya ah.”
“Wala sa lahi namin ang napapahiya
pagdating sa pagkanta Jay. Kahit ikaw ay titigasan kapag narinig mo akong
kumanta.”
Napatawa naman kaming lahat sa tinuran
nito dahilan para makakuha kami nang atensyon sa loob ng bar na iyon. Masasabi
ko talagang enjoy na kasama sa kahit ano mang lakaran ang mga kurimaw na ito
walang dull moment kung baga.
“Basta ang usapan lahat kakanta okey?
Ang hindi kumanta ay ang magbabayad ng lahat ng damage natin ngayong gabi.”
Ngising wika ni Rachalet.
“May ganyan ba tayong usapan?” Ang
medyo kinabahan ko namang tanong. Hindi ko naman kasi nakahiligan ang kumanta.
“Meron, kasasabi ko nga lang di ba?
Okey lang naman na tumanggi ka basta ikaw ang magbabayad ng lahat ng damage
natin.” Nakangising wika ni Rachalet.
Halos mapapalatak ako sa sobrang
pangungunsumisyon. Kung alam ko lang na may ganitong pangyayari palang
magaganap sana hindi nalang ako lumabas ng bahay. Nailibot ko ang paningin ko
sa kabuohan ng videoke bar na iyon at napabuntong hinuinga nalang ako nang
makita ko na may karamihan ang tao.
Great! Me and my Epic Voice.
Nagsimula nang kumanta ang mga
kasamahan ko at masasabi kong may mga alam ito sa pagkanta. Hindi ko tuloy
maiwasang pagpawisan at maihi sa nalalapit kong pagsalang sa kalokohan ni
Rachalet.
“Punta muna ako nang CR.” Ang
pagpapaalam ko sa mga ito habang si Rex ay kumakanta na.
“Siguraduhin mong hindi ka tatakas Ken
ha.” Ngingisi-ngising wika ni Jay.
Napailing nalang ako sa nalalapit kong
kahihiyan. Wala rin naman akong magagawa dahil sa konte lang ang perang meron
sa wallet ko at alam kong ang mga kolokoy na kasama ko ang tipong hindi
palalampasin ang pagkakataong malibre sila.
Sunod-sunod na buntong hininga ang
pinakawalan ko habang nakaharap sa salamin ng CR na iyon. Gusto ko sanang
tumakas kaso malapit sa pintuan ang kinauupuan naming lamesa.
“It seems something is bothering you.”
Ang wika nang isang lalaki na ngayon ay nakangiting nakatayo sa likod ko.
May pagtataka akong napatitig sa
kanaya. Medyo singkitin ito at maganda rin ang hubog ng katawan na bumabakat sa
halos fit nitong suot na grey T-shirt.
“Narinig ko kasi ang malalalim mong
buntong hininga.”
“A-Ah….. pasensiya na medyo napasubo
kasi ako sa mga kaibigan ko.” May bahid ng hiya kong sabi.
Muli ako nitong nginitian.
“Kaya pala halos kasing lalim na nang
balon ng paghinga mo. By the way Nhad.” Sabay lahad nito nang kanyang kamay sa
akin.
Napatitig naman ako sa kamay nitong
nakalahad sa akin at may pagaalangan ko itong tinanggap.
“Ken.” At nagpakawala ako nang tipid
na ngiti.
“Mukhang pressured ka sa nalalapit
mong pagkanta ah.”
Napakunot noo naman ako sa sinabi
nito.
“Nasa likod lang kasi ang mesa namin
sa mesa niyo kaya medyo narinig ko ang usapan niyong magkakaibigan. I hope you
don’t mind.” At muli itong ngumiti na halos mawala na ang mga mata nito tulad
ng kay Martin.
Hindi ko alam pero napangiti na rin
ako sa kanya.
“Oo nga eh. Mukhang napahamak ako sa
kalokohan ng mga kasama ko. Hindi kasi ako komportableng kumanta lalo na’t
maraming tao ang makakarinig sa akin.”
“Bakit hindi ka nalang tumanggi?”
“Wala kasi akong sapat na pera para
bayaran ang lahat ng in-order namin. Yon ang kapalit ng pagtanggi ko.”
Hindi ko alam kung tama ang nakita ko
sa mga mata nito. Para kasing may nabakasan akong amusement sa kanyang mga mata
habang nakatitig sa akin.
Itutuloy. . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment