Tuesday, December 25, 2012

Make Me Believe (16)

by: Zildjian

Matapos magkapag-lunch sa bahay nina Nhad ay inihatid ako nito sa apartment na tinutuluyan namin. I must admit that last night really shocked the hell out of me. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa ginawang pagtatapat ng lalaking naging hobby na ata ang manggulat. Pero aaminin ko na kahit papaano ay pansamantala kong nakalimutan ang sakit na idinulot sa akin ng pagpapakatanga ko sa aking matalik na kaibigan.


Ito ang pangalawang beses na iniligtas ako ni Nhad, kung no’ng una ay aware siyang kailangan ko nang tulong niya, this time is different dahil hindi niya alam na sa ginawa niyang pagtatapat kagabi ay pansamantala kong nakalimutan ang problema ko.

Mabait si Nhad. Hindi man kapani-paniwala dahil ilang araw palang kaming nagkakakilala nito pero iyon ang totoo. Nakita ko ang kabaitan nito nang masaksihan mismo nang dalawa kong mata how much he take good care and love his grandma. Siya na ata ang lola’s boy na nakilala ko na imbes na mabawasan ang akin nitong kagwapuhan ay lalo pang nadagdagan. Doon ko rin napagalaman ang pagiging natural ng sweetness nito at kapilyohan because even the 82 years old woman ay napapatawa niya with his notorious humor.

Hindi ako pinatulog ng mga ipinagtapat nito sa akin. It’s still hard for me to believe everything that he confessed to me pero, ang mga mata na mismo nito ang nagsasabi sa akin na lahat ng iyon ay totoo. I should be happy dahil ni sa hinagap ay hindi ko inaakalang may isang tulad nito na bukod sa galing din sa isang matinong pamilya at may magandang trabaho ay `gwapo rin ito ngunit kabaliktaran ang naramdaman ko. Nasa kamay ng ibang tao ang puso ko at natatakot ako na baka hindi ko maibalik ang nararamdaman nito para sa akin at sa huli ay masaktan ko lamang ito.

“Narito na tayo Ken.” Ang wika nito nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng apartment namin. Agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin ko kay Martin.

“Salamat Nhad.” Ang tugon ko naman dito kasabay ng pagpapakawala nang isang mahinang buntong hininga.

“Would you be fine?” May bahid ng pagaalala nitong wika.

I gave him a weak smile to answer his question at bumaba na sa sasakyan nito.

“Ingat sa pagmamaneho Nhad, at pasensiya na ulit sa perwisyo ko sa’yo kagabi.”

Hindi pa man ako nakakailang hakbang nang muli ako nitong tawagin.

“`Wag kang mag-alangan na tawagan o i-text ako kung kailngan mo nang kasama.”

Kahit na walang kasiguraduhan ang naging sagot ko rito sa nagdaang gabi ay napakabait pa rin ng pakikitungo nito sa akin.

“I will.” Ang nakangiti kong wika rito. Sinuklian naman nito iyon ng isang napakagandang ngiti –ang ngiting kahit na sinong babae o alanganin ay mahuhumaling kapag nakita iyon. Pinaharurot na nito ang kanyang sasakyan. Naiwan akong nakatayo at pansamantalang natigilan bago tuluyang maglakad patungo sa pintuan ng apartment namin. Walang katulad talaga ang kagiliwan nito na talaga namang nakakahawa.

Sa sobrang pagmamadaling makaalis kagabi para tuluyang makaiwas kay Martin ay nakalimutan kong dalhin ang susi ko. Sinubukan kong ipihit ang seradura pero naka-lock ito. Kahit may pagaalinlangan ay sinubukan kong kumatok pero hindi na pala kailangan. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Martin.

“Saan ka galing?” Kung titingnan ko siya ngayon malayong-malayo ang hitsura nito sa Martin na kilala ko.

Natulog na ba ito? Piping tanong ko sa sarili ko.

“Tinatanong kita, saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi?”

Hindi ko nagustohan ang tono nang pananalita nito sa akin. Mukhang ito pa kasi ang may ganang magalit pagkatapos ng malamig na pagpapakilala nito sa akin sa mga katrabaho niya sa nagdaang gabi. Pero imbes na patulan ito ay hindi ko na lang ito pinansin. Walang magandang maidudulot ang pumatol sa isang taong lasing at sa tingin ko ay hindi pa natutulog.

Akmang papasok na ako sa loob ng bahay nang humarang ito. Muli akong napatingin sa mukha nito na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon.

“Inaantok pa ako Matt.” May bahid ng pagsuko kong sabi. Parang nagulat pa ito sa naging reaksyon ko bago walang imik na nagpasingtabi.

Sumalubong sa akin ang nagkalat pa ring bote ng alak ngunit hindi na nahagip ng mga mata ko ang mga katrabaho nito.

Inisa-isa kong pinulot ang mga kalat habang napapailing. Halos lahat kasi nang gamit namin sa sala ay nawala sa ayos. Ang mga throw pillows ay nagkalat sa sahig. Ang mga CD’s ng mga collection ni Martin ay nawala rin sa ayos.

What a disaster. Nasambit ko sa aking sarili habang ibalik sa ayos ang magulong sala.

Sumalampak si Martin sa sofa. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin nito sa akin habang nililigpit ko at ibinabalik sa ayos ang mga gamit namin.

“Sino `yong naghatid sayo, siya ba yung kasama mo kagabi? Mukhang buong gabi kayong magkasama, ah.”

Again, hindi ko ito pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

“Mukhang naka-jackpot ka rin kagabi.” May bahid ng panunukso at pang-uuyam nitong wika.

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi nito. Agad na umapaw ang galit sa akin. Hindi ako makapaniwala na ganun pala ako kababa sa paningin niya. Ang buong akala ko ay kaibigan ko siya –isang matalik na kaibigan. Ngunit sa mga pananalita nito ngayon hindi ko na alam kung kaibigan ko pa rin ba siya.

“Huwag mo akong igaya sayo Martin.”

“Igaya sa akin?” Tumawa ito nang pagak. “C’mon Ken, bestfriends tayo di ba? Hindi mo na kailangang itago sa akin na may nangyari sa inyo nang lalaking kasama mo.”

Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi nito. Nawala na ang pagtitimping kanina ko pa ginagawa. Muli na naman akong nasaktan nito sa mga sinabi niya dahil hindi ko matanggap na gano’n ang tingin nito sa akin.

“Bestfriends?” Ako naman ngayon ang tumawa ng pagak. “Kaya pala ‘Kasamahan’ dito bahay ang pakilala mo sa akin kagabi sa mga katrabaho mo.”

Natigilan ito. Iyon ang kinuha kong pagkakataon para sabihin ang lahat ng hinanakit ko sa kanya.

“Alam mo Matt, okey lang naman sa akin kung babuyin mo itong apartment, eh. Hindi lang naman ako ang nagbabayad sa upa rito kaya may karapatan kang gawin ang gusto mo. Pero sana naman irespeto mo rin ang karapatan ko.”

Napayuko ito. Batid kong tinamaan ito sa mga sinabi ko.

“Ano ba ang problema mo Matt, akala ko ba magkaibigan tayo bakit parang hindi mo na pinahahalagahan ang pinagsamahan natin?”

“Ikaw ang unang sumira sa pagkakaibigan natin.” Mahinang wika nito pero sapat na para marinig ko iyon.

“A-Ako?” Ikinagulat ko ang sinabi nito.

“Simula nang ipagtapat mo ang nararamdaman mo para sa akin, nagulo na ang pagkakaibigan natin Ken.”

Iyon pala ang rason –ang ginawa kong pagtatapat sa kanya. So, tama nga ako. Lahat  ng ipinakita nitong kabutihan sa akin ay hindi totoo. Ginawa lang niya iyon dahil kailangan naming magpanggap sa harap ng Mama niya at ngayong wala na ito ay lumabas na ang tunay nitong nararamdaman.

Masakit oo, dahil umasa ako at naniwala akong totoo ang lahat ng iyon. Ngayon, hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit kami umabot sa puntong ito. Mukhang tama nga ito, ako nga ang sumira sa matagal naming pinagsamahan. Ito ang kinakatakutan ko noon, ang sirain ng nararamdaman ko para sa kanya ang pagkakaibigan namin.

Tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak sa aking mga mata. Ibayong lungkot ang nararamdaman ko sa mga nangyari sa amin.

“Ikaw ang sumira sa atin Ken, ikaw at ang lintik na nararamdaman mo sa akin ang sumira sa atin. Kung sana.. kung sana… hindi mo na lang sinabi sa akin iyon sana okey pa tayo hanggang ngayon. Hindi sana ako nakakaramdam ganitong pagkalito.” Ramdam ko ang paghihirap at bigat ng nararamdaman nito.

“H-Hindi ko ginusto ang lahat ng ito Matt. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko sayo.” Hindi ko alam kung sino ang gusto kung kumbinsihin. Kung siya ba o ako, dahil hindi ko maiwasan na hindi makonsensiya sa mga pagkakamali ko.

Nag-angat ito nang tingin. Wala na ang madilim ng ekspresyon sa mukha nito. Napalitan iyon ng sakit at lungkot na lagi kung nakikita noon tuwing may problema ito sa kanyang mga magulang. Lalong bumigat ang aking pakiramdam sa nakikita ko sa kanya. Bilang kaibigan nito ay ako dapat ang gumagawa nang paraan para hindi ito masaktan pero heto’t ako pa ang dahilan ng pasakit nito.

Sana pala ay kinalimutan ko na lang at sinarili ang nararamdaman ko sa kanya. Sana pala ay nakontento na lang ako sa pagiging magkaibigan namin.

“Sorry.” Ang mahinang wika ko. Hindi ko na nagawang salubungin ang mga tingin nito. Nahihiya ako sa kanya nang sobra. Ako ang rason kung bakit nagulo ang pagkakaibigan namin. “Babawi ako Matt, kalimutan natin ang lahat at mag-umpisa ulit tayo ng bago.”

“A-Anong ibig mong sabihin?”

Ini-angat ko ang aking tingin at sinalubong ang tingin nito.

“Tama ka. Walang patutunguhan ang nararamdaman ko sayo. Kaya ititigil ko na ang kahibangan ko. Dapat noon ko pa ito ginawa pero matigas ang ulo ko.”

Hindi ito umimik nanatili lang itong ngakatingin sa akin. Wala na akong makitang ekspresyon sa gwapo nitong mukha. Masakit man para sa akin pero kailangan ko na ring tanggapin na hindi ako nito magagawang mahalin.

“I can’t believe this!” Ang nagsisimyentong wika ni Chelsea. Napagkasunduan naming tumambay sa Keros Café ang coffee shop na pag-aari nang dalawang kaibigan ni Jay na sina Niccolo at Alexis sa gabing iyon.

Matapos ang tagpo namin ni Martin sa apartment kaninang hapon ay buong araw na itong naglagi sa kanyang kwarto. Ako man ay ibinuhos ang buong araw ko sa loob ng aking kwarto at doon tahimik na pinag-isipan ng husto ang tungkol sa aming dalawa.

Nagpagdesisyunan ko na ring tuluyang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya para maiwasang masira ang pagkakaibigan na inalagaan namin sa mahabang panahon. Kung tutuusin, wala naman ibang dapat sisihin kung bakit ako nasasaktan ng husto kung hindi ako mismo. Hinayaan ko kasi ang sarili kong paniwalaan ang mga ipinapakita nito sa akin kahit pa man alam kong pagpapanggap lamang iyon para mapaniwala nito ang kanyang ina. Sadya nga lang talagang matigas lang ang ulo ko.

“Hay naku girl, tanggapin mo na lang ang lahat ng maluwag sa kalooban mo.” Ani naman ni Rachalet.

“Hindi ko kayang tanggapin girl. Isa itong malaking pandaraya.”

Rachalet give out a sigh.

“Walang pandarayang nagaganap Chelsea, tanggapin mo na lang na hindi talaga ikaw ang type ni Nhad.”

“Iyon na nga ang hindi ko matanggap eh.” Eksaherada pa nitong sinabunutan ang sarili. “Hindi pa nga ako nakakapagsimulang manligaw sa kanya basted na ako.”

Napahagikhik sina Jay at Rex na kasama rin namin sa umpukan. Ang kaibigan naman ni Jay na sina Niccolo at Maki na kasama rin namin sa mesang iyon ay sabay na napailing.

“Mahiya ka nga sa sarili mo Chelsea, kababae mong tao ikaw pa itong nanliligaw sa lalake. At ano ba ang pinagdra-drama mo riyan? Di ba sanay ka namang ma basted ng mga type mong lalake?” Halatang napipikon na rin si Rachalet sa ka-praningan ng kaibigan namin. Nahihiya na marahil ito sa dalawang kaibigan ni Jay.

Napaismid ito kay Rachalet at nakasimangot na binalingan ang in-order nitong frap.

“Ano ba kasi ang sinabi sayo nang kolokoy na yon?” Ngingisi-ngising panguusisa ni Jay.

“Jay, umandar na naman ang pagiging tsismoso mo.” Basag naman dito ni Nico na nginisihan lang ni Jay.

“May mahal na daw siyang iba.” Nakasimangot na tugon ni Chelsea. “Can you believe that girl, tinanggihan niya ang mala-dyosa kong ganda kasi may iba na siyang mahal?”

Ewan ko sa mga kasama ko, pero imbes na maawa sa sinapit na kamalasan ni Chelsea sa kamay ni Kupido ay tila wala pang pakialam ang mga ito. Sabagay, sino ba naman ang seseryoso kay Chelsea, batid naming lahat kung gaano kalakas ang sayad nito.

Kung alam lang nito ang tunay na pagkatao ni Nhad paniguradong hindi ito aarte nang ganito. At mukhang alam ko na rin kung sino ang tinutukoy ni Nhad na mahal niya pero pinili kung manahimik at makinig na lang sa usapan nila.

“Wait, paano kayo nakapagusap?” Pang-uusisang lalo ni Jay.

“I have my ways you know.” Pagmamayabang pa nitong sabi.

“Omg, don’t tell me na in-stalk mo siya?” Ang di makapaniwalang sabi ni Rachalet.

Namula ito at alam na namin kung ano ang ibig sabihin noon. Humagalpak ng tawa sina Jay at Rex habang sina Nico at Maki naman ay muling napailing. Marahil ay hindi makapaniwala ang dalawa sa kabaliwan ni Chelsea na umabot na ata hanggang sukdulan.

“Wala ka na bang kahihiyan na natitira sa katawan Chelsea? Gees girl, that was the most stupid move you’ve ever made.”

“Anong magagawa ko eh, sa type ko siya.”

“Ikaw ba type ka niya?” Nakataas ang kilay na patutsada ni Rachalet.

“Alam mo Rachalet, minsan talaga hindi ko na maiwasang magtampo sa iyo. Imbes na suportahan mo ako sa pakikibaka ko sa magiging fafa ko ay lalo mo lang pinapasama ang loob ko.”

“Kasi naman Chelsea, below sea level na ang kagagahan mo. We’re friends pero hindi ibig sabihin noon ay i-to-tolerate ko na ang kabaliwan mo.”

“Oo na, oo na.” Ang sumusuko nitong wika. “Pero sino kaya ang sinasabi ni Nhad na mahal niya? Ang swerte naman ng taong yon. Bukod sa may gwapo na siyang fafa loyal pa ang ugok.”

Hindi ko alam kung bakit sa akin na baling ang tingin ni Jay at ni Rachalet at sabay pa itong ngumisi sa akin nang nakakaloko. Pati tuloy ang iba naming kasama sa lamesa ay napatingin na rin sa akin giving me a stern look.

“B-Bakit ganyan kayong makatingin?” Patay malisya kong wika.

“Oo nga, bakit tayo kay Ken nakatingin?” Ani naman ni Jay.

“Ah, okey.” Wika ni Rex.

“Hmmm.” Wika naman ni Nico.

“Cool.” Ani naman ni Maki.

Hindi ko maiwasang hindi mailang sa mga ito lalo na sa mga mapanuring tingin nila. Ngayon ko lang napatotohanan ang kakaibang galing ni Jay at Rachalet makakuha nang impormasyon o sadya lang talagang gifted ang mga ito sa pagsagap ng tsismis.

“Ano bang meron?” Ang walang muwang naman na wika ni Chelsea.

“Ganyan na ba ngayon ang mga nababasted girl, nagiging slow?” Basag ni Rachalet dito.

Muli akong binigyan ni Chelsea ng mapanuring tingin hanggang sa magliwanag ang mga mata nito na para bang nakuha na rin ang ibig sabihin ng iba pa naming kasamahan.

“Omg!” Kapag kuwan ay wika nito.  “Omg ulit! As in Omg talaga. How could I haven’t notice it?”

“Tatanga-tanga ka kasi minsan girl, kaya hindi umaandar ang radar mo.”

Kunot noong napatingin ako sa mga ito na hindi parin pinapahalata na may ideya ako sa kung ano mang kalokohan na naisip nila. I played innocent as much as possible. Hangga't hindi mismo nagmumula sa bibig ng mga ito ang kung anu mang napansin ng dalawa.

Napapalatak si Chelsea at umiiling-iling na animoy hindi makapaniwala sa natuklasan.

“Nakakahiya.” Ang wika nito. “Wala na akong face na maihaharap sa mga ex-boyfriends ko kapag nalaman nilang I fell in love with a… uhmmm… eh… sa isang Ranma one half?”

Humagalpak ng tawa si Jay sa tinuran nito kahit na ang supladitong si Nico ay bahagya ring napangiti sa panibagong punch line ni Chelsea habang ako naman ay napangiwi sa term na ginamit nito.

Ranma one half? What the hell?

“Kaya pala… kaya pala di niya bet ang beauty ko kasi boylet din ang gusto niya. Inagawan mo ako nang fafa Ken, nakakasama ka nang loob!” Ang tila mangiyak-ngiyak nitong wika.

“Huh? Anong pinagsasabi mo?” Patay malisya ko pa ring sabi.

“`Wag mo nang i-deny Ken, we are not that stupid not to notice the glimmer of Nhad’s eyes everytime he turn his gaze on you.”

“Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”

“Really? Then let see kung makakapag deny kapa.” May kinawayan itong lalaki sa likod ko. Nakatalikod ako sa entrance ng Café nina Nicolo kaya kailangan ko pang lingunin ang kinawayan nito. At laking gulat ko nang makita ko ang palabas na si Nhad mula sa loob ng café.

Halatang alam na nitong naroon ako sa naturang café nang hindi na ito magulat nang magtama ang aming tingin. Muli ko na namang nakita ang magiliw nitong ngiti at naglakad na ito papunta sa mesang pinag-uumpukan namin.

“Hey guys.” Bati niya sa mga kasamahan ko and then he motioned to greet me. “Hey Ken, coffee?” At inilahad nito sa akin ang hawak na in-oder na frap. Wala sa sarili ko itong tinanggap.

“Sabi naman sa inyo di ba?” Biglang wika ni Rachalet giving us a mischievious smile.

“Proven!” Tila nagkakaisang wika naman nilang lahat.

Maski tuloy si Nhad ay naguluhan sa kakaibang ikinikilos ng mga ito. Binigyan niya ako nang nagtatakang tingin na sinagot ko lang ng pagkikibit balikat at isang pilit na ngiti. Kahit naman papaano ay nababawasan ng presensya ni Nhad ang lungkot na nararamdaman ko sa tuluyang pagbitaw ko sa aking nararamdaman para kay Martin. Kapag nasa harapan ko siya ay nagagawa nitong mapanatag ang loob ko maybe because I know that he has feelings for me at dahil doon medyo nababawasan ang pangangawawa ko sa aking sarili.

“Anong ginagawa mo rito?” Kaswal kong tanong sa kanya. “Wala ka bang duty ngayon?”

“Nabalitaan ko kasing may bagong bukas na coffee shop dito ayon sa mga katrabaho ko kaya sinadya ko na.” Nakangiti nitong wika. “At tungkol naman sa trabaho, wala akong trabaho ngayon ako kasi ang nagrilyebo sa kasaman ko last week.”

“Wow! Best in explanation! Kayo na?” Sabat naman ni Chelsa.

“Wag mo siyang pansinin Nhad, nawawala na naman yan sa katinuan. By the way, meet Jay’s friends Maki and Nico. Si Nico ang owner ng Keros Café.” Ani naman ni Rachalet.

Malugod namang inilahad nito ang kanyang kamay sa dalawang kaibigan ni Jay na tinanggap naman nang dalawa. Kahit may pagkasupalado ang ilan sa kanila hindi naman maikakailang pala kaibigan ang mga ito. Siguro, natural na lang talaga ang supladong image sa mga ito.

“Ang bata pa pala nang may-ari ng Coffee shop na ito.” Wika ni Nhad. “Nice plays you have here.”

“Salamat. Actually hindi lang naman sa akin itong café, kasosyo ko ang isa sa mga kaibigan namin.” Kaswal namang tugon ni Nico.

“Kelan nga pala ulit dadalaw si Alexis at ang praning na si Dave? Yung last na punta nila rito sa lugar natin ay no’ng birday ko ah.” Ngingisi-ngising wika ni Jay.

“Subukan mong iparinig kay Alex iyang tawag mo sa boyfriend niya at paniguradong ililibing ka no’n ng buhay.”

“Oo nga.” Sang-ayon naman ni Maki. “But don’t worry, sasabihin ko kay Alex na ibalot ka muna nang sako para low profile ang dating ng pagkakalibing sayo.”

Napangiwi naman si Jay tanda na takot nga ito kay Alex. May pagkamaldito nga rin ang isang iyon tulad ni Lantis pero dahil siguro nakahanap na ito nang kapareha niya sa katauhan ni Renzell Dave Nivera ay nabawasan na iyon.

“Siya nga pala Niccollo, may balita ka nga ba kay Alex?” Baling naman ni Maki sa katabi.

“Nico.” Pagtatama nito. “Tinawagan ko siya kahapon para sabihin ang update ng coffee shop. Nasa Isla raw sila nang isa sa kaibigan nila for their anniversary.”

“Hangsosyal!” Pakikisali naman ni Chelsea sa usapan feeling close na talaga ito sa mga kaibigan ni Jay. “Tayo girl, `kelan ang team building natin ng makapag-beach naman tayo.”

“No idea.” Halata rin ang pagkainggit sa mukha nito.

“Ang barat naman kasi nang company natin. Hindi na sila nakakatuwa.”

“Kung gano’n, bakit hindi na lang tayo ang mag-setup ng beach party?” Suhestyon ni Jay.

Agad na kumislap ang mga mata nang dalawang babae halatang nagustohan ng mga ito ang naging ideya ni Jay. Hari talaga nang katamaran pagdating sa trabaho itong isang ito.

“Absent ulit tayo?” Magkasabay na wika nang dalawa na tinugon naman nina Jay at Rex ng magkasabay na ngisi.

“Sa lahat ng ideya mo Jay, ito ang pinakagusto ko.” Nakalimutan na ata ni Chelsea ang kabiguan nito sa lalaking nakatayo sa may likuran ko.

“Malulugi ang kahit na anong kompanya sa inyo.” Ang iiling-iling na wika ni Maki.

“Nahawa na sila sa katamaran ni Jay.” Ani naman ni Nicollo.

“`Wag na kayong kumontrang dalawa dahil kasama naman kayo sa plano namin.” Wika naman ni Jay sa mga ito. “Nhad, sama ka rin sa amin.”

“Hindi ba nakakahiya?” Ang tila nag-aalangang wika ni Nhad. “Hindi niyo naman ako katrabaho eh.”

“Kaya nga isasama ko ang mga panggulo kong kaibigan para di ka mailang sa amin eh. Di ba mga kakosa?” Baling naman nito sa mga kaibigan na sinamahan pa nito ng pagtaas baba ng kanyang kilay.

Sa di malamang dahilan ay sabay na tumango ang dalawang kaibigan nito.

“Tawagan natin si Lantis.`Kelan ba tayo aalis?” Si Maki.

“Oh great!” Napapalatak namang reaksyon ni Nico nang marinig ang pangalan ng mortal nitong kaaway o mas tamang sabihin ang paborito nitong kaasaran.

Itutuloy. . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment