by:
Zildjian
“Why
are you here `Ma? And how the heck did you find me? Hindi ba’t itinakwil na
ninyo ako ni Papa?” Batid ko ang galit at pagtatampo sa boses nito. Martin
cannot deny the fact that even if he hated the woman sitting in front of him
right now he still missed her. After all, mama pa rin niya ito.
“You
can’t blame me for missing my only son. Nag-hire ako ng tao para ipahanap ka.
Don’t worry hindi ito alam ng Papa mo.”
Pero
mukhang hindi ata nagustuhan ni Martin ang narinig mula rito. Mas lalo kasing
dumilim ngayon ang mukha nito.
“Ngayong
nakita mo na ako p’wede ka na bang umalis?” Tiim-bagang nitong sabi.
“Martin––”
“Kung
nandito ka para kumbinsihin akong bumalik sa imp’yernong pamamahay na iyon,
nagsasayang kayo ng oras Ma, wala na akong balak na bumalik pa roon. Maganda na
ang buhay ko rito kasama ang boyfriend ko.”
Pansamantala
akong nagulat sa sinabi nito pero agad rin iyong napalitan ng lungkot nang
maalalang nagpapanggap pala kaming magkasintahan sa mga magulang nito.
“Martin
please.” Batid ko ang pagsusumamo sa boses nito. “Sa mga nagdaang buwan ay
hindi ako makatulog ng mahimbing sa sobrang pag-aalala sa ‘yo anak.” Inilibot
pa nito ang tingin sa buong apartment kaya medyo napaatras ako sa takot na
makita ako nito. “Look at this place, hindi ito ang pinangarap namin ng papa mo
para sa’yo.”
“Sorry
Ma, pero may sarili akong buhay, may sarili akong mga pangarap, iba sa mga
naisip n’yong makabubuti para sa akin. At ‘wag n’yong lalaitin ang ‘LUGAR’ na
ito dahil dito ako nakaramdam ibayong kasiyahan at kalayaan, kalayaang
makapagdesisyon para sa buhay ko.” He said giving emphasis to the word lugar.
Hindi na ma-drawing ang mukha nito ngayon halatang malapit na itong mapuno sa
ginawang simpleng panlalait ng ina nito sa inuupahan naming apartment. Oo nga
naman, wala nga naman talaga itong panama kumpara sa mala-palasyo nilang
tahanan.
“Hanggang
kailan ang pagmamatigas mo Martin?” Wala na rin sa boses nito ang pagiging
mahinahon marahil ay nagsisimula na rin itong maasar.
Walang
duda nanay nga niya ito.
“Look
at you, ni hindi ka na nga ‘ata nakakakain ng tama sa hitshura mo ngayon, you
look like a mess. Hindi mo kayang mabuhay ng walang suporta galing sa amin so,
drop that god damn pride of yours at umuwi na tayo. Kung sasama kang
umuwi sa akin ngayon I can promise you na tutulungan kitang mag-sorry sa papa
mo. You can even have your credit card and your car back.”
Parang
gusto ko tuloy patulan na ni Martin ang bribe ng Mama nito. Nakita ko rin
naman kung paano niya tiisin ang sobrang pagtitipid na hindi nito nakasanayan
simula nang isilang siya sa mundo at kahit na walang reklamo mula rito alam
kong nahihirapan na rin ito ngayon.
“No
thanks. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. I may not have a credit card and a
car like I used to, but who cares anyway, as long as I’m happy.” Puno ng
kumpiyansa nitong sagot.
“Happy?
You are happy with this kind of life and being with a gay? You can’t be that
serious iho, alam ko’t alam mo, na hindi ka tatagal. I’m your mother and I know
you well enough for me to say all of this. At alam ko rin na hindi
masusuportahan ng baklang iyon ang lahat ng luho mo.”
Hindi
ko maikakailang nasaktan ako nang husto sa mga huling sinabi ng nanay nito.
Sobrang baba nang tingin nito sa akin. Ang akala ko pa naman noon nang makita
ko ito sa graduation namin ay mabait ito pero mukhang may itinatago rin pala
itong kademonyohan.
Gusto
ko na sanang umalis sa lugar na iyon sa sobrang paninibugho sa mga sinabi ng
ina nito. Hindi ako bato para hindi ako mainsulto at masaktan. Alam ko’t
tanggap ko ang estado namin sa buhay ang hindi ko kayang tanggapin ay ang
panlalait nito sa pagkatao ko. Para kasing pinapalabas nito kung gaanong
kalawang-kwenta ang isang tulad ko. But before I can take a step away
narinig kong nagsalita si Martin.
“Wala
kang karapatang pagsalitaan nang ganyan si Ken.” Ito ang pangalawang
pagkakataong makita ko si Martin na galit na galit. Nagsisimula nang pumiyok
ang boses nito sa sobrang pagtitimpi. “Unlike you, hindi ako iniwan ni Kenneth
nang itakwil ako ni Papa. You’ve never been a Mother to me dahil ang alam ko
ang mga totoong ina sinusuportahan ang gusto ng mga anak nila. But you?” He
smirked, parang nanunuya ang hitchura nito. “Ni hindi mo ako nagawang
ipagtanggol kay papa sa pagiging control freak niya dahil sa sobrang takot mo
sa kanya. Hindi ako katulad mo Ma, I have my own life to live, at gagawin ko
ang gusto ko sa sarili kong buhay.”
Halatang
nabigla ito sa maaanghang na salitang nakuha nito mula sa kanyang nag-iisang
anak. Nawala na ang kaninang tapang sa mga mata nito at napalitan iyon ng pait.
Martin’s words for his mother was too harsh at halatang napuruhan ang ina nito.
Doon ko na napagdesiyunang lumabas para awatin sila. I may have hated his mom
for saying nasty things about me pero, hindi ko naman maaatim na masyado itong
masaktan ng kanyang anak. May ina rin ako at hindi ko maaatim na makikita ko si
mama na masasaktan ng gano’n.
“Matt,
tama na yan.” Sabay hawak ko sa kaliwang braso nito. Doon ko lang naramdaman
ang sobrang panginginig nito marahil ay sa sobrang pagtitimpi nito sa kanyang
galit.
“Ma’am,
mas makakabuti ho ‘ata kung aalis na lang muna kayo.” Baling ko naman sa ina
nito na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang pagkagulat at sakit sa mga mata
nito. Maawain nga ata ako dahil bigla akong nakaramdam ng awa para dito kahit
na sa kabila ng sobrang panghahamak nito sa pagkatao ko.
Lalong
akong naawa sa ina nito nang makita ko ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata
nito. Pain, yan ang nakikita ko rito hanggang sa mapahagulhol ito nang iyak.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko kayang makakita ng
isang ina sa gano’ng kalagayan.
Mabilis
kong hinila si Martin sa loob ng kwarto nito at agad na isinara iyon. Naiwan
ang pobreng matanda na patuloy pa rin ang pag-iyak sa sala.
“I
won’t do that!” Nasa loob kami nang kwarto nito at pinilit ko itong pakalmahin.
Hindi naman ako nabigo dahil kahit papaano ay nabawasan ang panginginig nito
pero heto’t muli na namang bumalik ang galit sa mga mata nito nang sabihin ko
sa kanyang mag-sorry sa Mama niya.
“Matt––”
“No!
Hindi ako hihingi nang paumanhin sa mga sinabi ko dahil totoo naman lahat ng
iyon. “ Pagputol nito sa mga sasabihin ko. Talaga nga namang kay hirap
paliwanagan ang mga taong naalipin na ng galit.
“Totoo
man o hindi ang mga sinabi mo, hindi mo pa rin dapat sinaktan ang mama mo nang
gano’n. Can’t you see how painful it was for her na marinig ang gano’ng
masasakit na pananalita mula sa anak niya? Kahit may pagkukulang siya sa ‘yo,
hindi pa rin sapat na rason iyon para saktan mo siya nang gano’n. She’s your
mother for God’s sake Matt!” Mahina’t may diin kong sabi. Ayaw ko kasing
marinig ng ina nito ang pinagtatalunan namin ni Martin at baka lalo lamang
sumama ang loob nito.
“Naririnig
mo ba ang sarili mo Ken?”
“You
should ask that question to yourself Matt. Narinig mo ba ang mga salitang binitiwan
mo kanina sa mama mo? Nasaktan mo siya nang husto Matt, and I don’t think she
deserved it dahil kahit papaano utang na loob mo pa rin sa kanya kung bakit
narito ka ngayon sa mundo.”
“Ako
ba Ken, do you think I deserve to be disowned by them? I had been a good son
ever since, alam mo yon. Ginawa ko ang lahat para ma-please sila pero ano, lalo
lang silang lumala to the point na pati ang pagpili ko ng makakasama ko
habang-buhay ay pinakialaman na nila. They’ve never been a parent to me and
I’ve never been a son to them. Isa lang akong kasangkapan para lalong mapalago
ang negosyo nila.”
“You
may have all the rights para magalit sa kanila gaya ngayon pero Matt, mama mo
siya. Siya ang taong nagluwal sa ‘yo sa mundong ito. Okey lang na magkaroon ka
ng tampo sa kanya dahil sa mga pagkukulang niya sa ‘yo pero hindi pa rin sapat
iyon para pagsalitaan mo siya nang masasakit na salita.”
Nasasaktan
ako sa nakikita ko ngayon sa matalik kong kaibigan. Sanay ako sa Martin na
makulit, masayahin at laging nakangiti pero ngayon, kabaliktaran lahat ng mga
nakasanayan ko sa kanya ang anyo nito. Galit at pagkasuklam ang mga emosyon na
rumerehistro sa g’wapo nitong mukha.
Biglang
naglaho ang galit at pagkasuklam na nakita ko kanina sa mga mata nito at
napalitan iyon ng pag-aalala.
“Great!
Pati ang nag-iisang taong dinamayan ako sa buong buhay ko ay nahihirapan dahil
sa akin.” Ang wika nito na ipinagtaka ko naman. He lifted his right hand at
naramdaman ko na lang ang pagdapo niyon sa aking pisngi. Naiyak pala ako nang
di ko namamalayan marahil sa naapektuhan ako nang husto sa pagbabagong nakita
ko sa kanya . Martin wiped away the tears using his hands.
Magsisinungaling
ako kung sasabihin kong hindi ako nakaramdam ng ibayong tuwa sa mga oras na
iyon. Pero sadya nga ‘atang partner ko na si pareng supalpal.
“Hindi
ko dapat sinasaktan ang isang taong dinamayan ako sa lahat ng bagay. Malaki ang
utang na loob ko sa ‘yo Ken, hindi ko maatim na saktan ka.”
That
was it. Kaya pala hindi nagbago ang pakikitungo nito sa akin kahit na
ipinagtapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko dahil sa may utang na loob siya
sa akin. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig.
He
just wanted to repay everything I did for him kaya hindi nagbago ang
pakikitungo niya sa akin. Ang sakit
palang masampal ng katotohan, mas masakit pa sa inaakala ko pero hindi ko iyon
ipinahalata sa kanya.
“Mag-sorry
ka sa mama mo.” Saka ko na iisipin ang sarili kong problema, sa ngayon
iintindihin ko na lang muna ang ina nitong patuloy pa rin sa pag-iyak sa sala.
“Hindi
mo ako naiintindihan Ken––”
“Naiintindihan
kita Matt, kaya nga pinag-so-sorry kita sa kanya dahil ayaw kong dumating ang
panahon na pagsisihan mo ang lahat, bago pa man maging huli ang lahat.” Bahagya
kong binuksan ang pintuan ng k’warto niyang iyon at sinilip ang kanyang inang
wala pa ring patid sa pag-iiiyak. “Ayaw kong dumating ang puntong iyon Matt,
dahil hindi ko na rin alam kung papaano pa kita matutulungan kapag nangyari
iyon.”
“Sorry.”
Ang mahinang wika ni Martin sa ina nito. “Sorry kung nasaktan kita Ma, pero
hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. Matagal na akong naging sunod sunuran sa
gusto niyo ni Papa para sa akin and I think it’s about time na ako naman ang
pakinggan niyo.” Naroon pa rin ang galit at pagtatampo sa boses nito pero
ngayon nabawasan na iyon.
Patuloy
pa rin sa pagiyak ang ina nito at lalo lang sumisikip ang dibdib ko sa
nakikita. Kahit na may pagkukulang man ang mga ito sa kanilang anak I still
don’t think na tama ang ginawa ni Martin kanina.
“I
had lived my life with Ken for the past few months. Hindi man ganun ka dali ang
buhay namin ngayon masaya naman ako dahil at last nakuha ko rin ang freedom na
gusto ko noon pa. Hindi ako nagmamalaki Ma, pero hindi ko rin makakailang masaya
ako na napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko naman palang mabuhay ng malayo sa
inyo dahil natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.”
Martin
was right. Marami kaming natutunan sa buhay simula nang mamuhay kami na malayo
sa mga magulang namin. Isa na roon ay ang matuto kaming buhayin ang mga
sarili namin gamit ang pagsusumikap at para sa amin isang achievement iyon.
“Kaya
ba hindi mo na kami kailangan dahil kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga
paa?” Her mom said while sobbing.
“Mali
ka Ma, kailangan ko pa kayo pero hindi na sa material na bagay kung hindi
ang suporta ninyo sa mga gusto kong gawin.”
Saglit
na natahimik ang matanda. Nagpahid ito nang kanyang mga luha bago muling
nagsalita.
“Then
let me support you.” Matatag nitong sabi. Halatang nabigla si Martin sa sinabi
nang ina nito sa nakikita kong ekspresyon ng mukha niya ngayon pero agad rin
iyong nawala at muli na namang nabalik sa pagiging blangko ang ekspresyon nito.
“Kung
noon mo pa sinabi iyan baka maniwala pa ako at matuwa Ma. Alam kung sinasabi mo
lang iyan ngayon para mapauwi mo ako.”
“No.”
Iiling-iling na wika nang ina nito. “Alam kung hindi na kita mapipilit na umuwi
ngayon kaya I'll be staying here with you.
Pareho
kaming nagulat ni Martin sa tinuran ng ina nito. Hindi agad nakapag-react si
Martin sa pagkabigla kaya nagpatuloy ang ina nito.
“Mali
nga siguro ang ginawa naming pamimilit ng Papa mo sayo sa mga gusto namin. I
don’t want my only son to hate me the same hatred you have for your father.”
“I
have all the rights to hate him after all what he had said to me. And you can’t
stay here hahanapin ka ni Papa.” Wika ni Martin dito at aktong babalik na ito
sa kwarto niya nang pigilan ito nang kanyang ina.
“Kahit
one week lang anak hayaan mo akong makasama ka.” May pagususumamo nitong sabi.
“Kahit man lang sa kaunting oras na iyon maiparamdam ko ang suportang dapat
matagal ko nang ibinigay sayo.”
Tao
lang ako na madaling lumambot ang puso. Ngayon ibayong awa ang nararamdaman ko
para sa mama ni Martin. Sobra akong nadala sa pagmamakaawa nito ngayon sa
kanyang anak.
Napatingin
sa gawi ko sa Martin as if he was asking me kung anu ang dapat niyang gawin. I
gave him a weak smiley and a nod.
Nagpakawala
ito nang isang buntong hininga.
“Bahala
ka.” At tahimik na itong pumasok sa kanyang kwarto.
Kasalukuyan
akong nakahiga sa loob ng aking kwarto. Marami ang nangyari sa araw na ito sa
loob ng apartment namin ni Martin. Ngayon, kasama na namin sa apartment ang
mama nito. Kahit na medyo naninikip pa rin ang aking dibdib ng mapag-alaman ko
na kaya pala hindi nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Martin ay dahil sa
gusto lang nitong tumanaw ng utang na loob.
Mahinang
mga katok ang pumukaw sa akin sa pagiisip. Iniwan ko ang mag-ina sa sala
matapos naming makapag tanghalian. I want to give them enough privacy lalo na’t
alam kung hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang loob ni Martin sa kanyang ina.
Ang
seryosong mukha ni Martin ang sumalubong sa akin pagkabukas ko nang pintuan.
“Pweding
pumasok?”
Napatango
nalang ako at nagpasingtabi para makapasok siya. Walang imik ito habang
nakaupo sa gilid ng aking kama halatang may gusto itong sabihin.
“Asan
mama mo?” Pagsisimula ko nang usapan namin para na rin mabawasan ang ano mang
pagkailang nito ngayon na nakikita ko sa mga mata niya.
“Kukuha
daw muna siya nang mga gamit niya.” Ani nito in a tired voice. “Hindi ko alam
kung ano ang pumasok sa utak ko at pumayag ako sa gusto ni mama na tumira siya
rito pansamantala.”
“Binigyan
mo lang ng chance ang Mama mo na maipakita ang suporta niya para sayo. Walang
masama sa ginawa mong pagpayag Matt.”
“She
still thinks na mag-boyfriend tayo.” Ani nito.
“Then
maybe pwedi mo nang sabihin ang totoo sa kanya since na––”
“No.”
Napatingin ako sa kanya na may pagtataka sa pagtutol nyang iyon. Wala na rin
kasi akong nakikitang rason para ipagpatuloy pa namin ang pagpapanggap sa harap
ng Mama nito. “I still don’t trust her words. Baka ginagawa lang niya ito para
makahanap ng isang magandang rason para mapauwi niya ako.”
Hindi
ko ito masisisi kung bakit hindi agad nito makayanang paniwalaan ang mga sinabi
nang kanyang ina. Nasaktan ito nang itakwil siya nang mga ito well, hindi naman
talaga kasama ang mama niya since ang Papa naman nito ang tumakwil dito pero
walang ginawa ang Mama nito para kontrahin ang naging desisyon ng asawa kaya
siguro ganito na lang ang galit ni Martin dito.
Namayani
na naman ang katahimikan sa aming dalawa.
“I’m
sorry if I dragged you again into this mess.” Maya-maya ay wika nito. “Marami
ka nang naitulong sa akin.”
“Hindi
naman ako nagbibilang ng tulong, best friends naman tayo.” Masakit mang
isipin pero iyon ang totoo. Hanggang magkaibigan lang talaga kami at hindi na
iyon magbabago. Maybe it is also about time for me to let go.
Nakakailang
ang ginagawa nitong pagtitig niya sa akin. Hindi ko alam pero parang may
kakaiba sa mga titig niyang iyon kaya naman ako na ang nagbawi nang tingin.
“Hindi
tayo mag-best friend.” Kapag kuan ay wika nito na ipinagtaka ko. Binigyan ko
siya nang nagtatakang tingin. “Pretend boyfriend kita habang narito si mama di
ba?” He said and flashed a very nice smile.
Nagsimula
na namang bumilis ang pagtibok ng aking puso.
Wag
ka ngang ngingiti sa akin ng ganyan! Nakakasama ka naman ng loob eh! Ang gusto ko sanang sabihin pero sa kasamaang palad hindi ko
nagawang maisaboses iyon.
“Kunin
ko lang ang mga gamit ko sa kwarto ko para madala ko na dito.” Wika nito.
“Hah?
A-Anong ibig mong sabihin?” Ang di ko makapaniwalang wika.
“Si
mama ang gagamit ng kwarto ko so sa kwarto mo ako matutulog. Sanay naman tayong
matulog na magkatabi noon pa di ba? Besides, mas kapani-paniwala ang relasyon
natin kung magkasama tayong matutulog sa iisang kwarto.”
Oo
nga naman sanay kayong matulog na magkatabi so bakit ka umaarte nang ganyan? Sigaw ng maligalig kong isip.
Ano
na naman ba itong napasukan ko?
Itutuloy. . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment