by: Zildjian
“Ito po si Lantis ang sinasabi ko sayo
Manang Susi na intersado mangupahan sa apartment.”
“Siya ba? Ka gwapong bata naman nitong
kaibigan mo iho.” Ang nakangiti nitong sabi.
“Salamat po.” Tugon naman ni Lantis.
Napag-alaman nitong bakante ang isang
kwarto sa inu-upahan kong apartment. Kinausap ako nito kung pwedi siyang
mangupahan kasama ko. Hindi naman ako nagdalawang isip dahil naging kaibigan ko
na rin ito sa nagdaang mga buwan. Suplado, hindi palasalita at minsan lang
ngumiti si Lantis pero hindi maikakailang mabait na tao ito tulad ng mga
kaibigan niya.
“Malamang nasabi na sa’yo nitong si
Ken ang patakaran ng mga nangungupahan sa apartment ko. Ayos lang sa akin na
mahuli kayo ng bayad basta abisuhan niyo ako agad para naman magawan ko agad ng
paraan.”
Sadyang mabait talagang si Manang
Susi. Kahit sa amin no’ng bago palang kaming nangungupahan sa kanya ay mabait
na ito. Matagal ng pumanaw ang asawa nito at ang dalawang anak niya ay nasa
ibang bansa na at doon nagtra-trabaho. Ang apartment na dati nitong bahay ay
iniwan niya nang ipagpatayo siya ng kanyang mga anak ng bagong bahay na mas
maganda at malaki sa una.
“Huwag po kayong mag-alala. Babayaran
ko na ngayon ang unang tatlong buwan ko rito para wala akong maging problema at
hindi rin kayo mamuroblema sa akin.”
Hindi ko alam kung ano ang rason kung
bakit biglaan ang paghahanap ng matutuluyan si Lantis. Ang alam ko, tulad nina
Nicollo, Jay at Maki ay may kaya rin ang pinagmulan nitong pamilya. Pero dahil
sa hindi naman talaga ito palasalita hindi ko nalang ito inusisa pa.
Kinuha nito ang wallet niya mula sa
kanyang back pocket. Ini-abot nito kay Manang Susi ang bayad para sa unang
tatlong buwang bayad nito. Hindi talaga ito mahilig sa mga paligoy-ligoy na usapan.
“Akala ko hindi na matutuloy ang
paglipat mo ngayon.” Bati ko kay Lantis ng mapagbuksan ko ito ng pinto. Matapos
nitong makausap ang may-ari ng apartment kahapon ay nagdesisyon itong ngayon na
siya agad lilipat. Halatang wala itong gustong sayangin na oras.
“Nagkaproblema lang, hindi ko mahanap
si Karupin.” Simpleng tugon nito.
Nginitian ko nalang ito at tinanguan
bilang pagtugon kasabay ng pag-abot ko sa isa sa dalawang malalaking bag na
bitbit nito.
“Kung hindi mo mamasamain Lantis,
bakit biglaan ata ang naging desisyon mong mangupahan? Di ba may sarili naman
kayong bahay dito?” Due to my curiousity hindi ko napigilan ang tanungin ito.
Well, hindi naman ako nag-eexpect na sagutin nito ang tanong ko ang gusto ko
lang maitanong iyon sa kanya na hindi magawa ng mga kaibigan nito marahil ay
dahil alam ng mga ito na wala silang makukuhang sagot kay Lantis.
“Because of the unwanted visitor we
have.” Bumakas ang galit sa mga mata nito sa di malamang dahilan ng mabanggit
nito ang rason kung bakit ito biglaang nag-alsa balutan.
Maski ako ay nakaramdam ng kaunting
takot sa nakita kong galit sa mga mata nito. Kung ano man ang dahilan ng galit
nito sa tinutukoy niya ay paniguradong malalim ang pinagmulan. Hindi ang tipo
ni Lantis ang madaling magpakita ng ekspresyon. At sa nakikita ko ngayon sa
kanya hindi makakabuti kong uusisain ko pa ito at baka kami pa ang mag-away.
“Ito ang magiging kwarto mo.” Pag-iiba
ko ng usapan. “Ito ang dating kwarto ng kasamahan ko dito noon.”
“Yeah, si Martin.” Wika nito.
Bago ko sagutin si Nhad ay nagawa ko
ng maikwento ang nakaraan ko kay Martin at iyon ay kay Lantis. Ito lang kasi
ang nakita kong tamang taong pwedi kong mapagkatiwalaan. Hindi naman ako
nagkamali ng taong napagkwentuhan dahil kahit papaano natulungan ako nitong
tuluyang tanggapin ang lahat at tuluyan ring pakawalan ang nararamdaman ko.
“He’s not worth your pain Ken. Kung
hindi ka niya magawang mahalin hindi mo na kasalanan iyon.Naging totoo kalang
sa sarili mo at sa nararamdaman mo sa kanya. Besides, siya naman ang dahilan
kung bakit lalo kang nahulog sa kanya dahil sa pinagpanggap ka niyang
kasintahan niya. It’s not your fault kung naging duwag man siyang tanggapin ang
katotohanang minahal siya ng bestfriend niya. Marami pa’ng deserving sa
pagmamahal mo, continue living your life.”
That was his words that bring me to my
realization. Kung may naging kasalanan man ako noon siguro ay ng mangarap ako
na pwedi pang lumalim ang relasyon namin ni Martin bilang magkaibigan.
Napagbayaran ko na ang pagkakamali kong iyon sa loob ng ilang buwan kong
pagpapasakit sa sarili ko at tama ito, hindi ko kasalanan kung hindi man nito
nagawang tanggapin na minahal ko siya.
“Yep.” Kapag kuwan ay wika ko. Medyo
nakaramdam ulit ako ng kaunting pangungulila kay Matt. Gano’n lagi ang
nangyayari tuwing may bumabanggit o nagpapaalala sa akin rito. Kaya as much as
possible ayaw kong pag-usapan ito.
Mataman ako nitong tinitigan dahilan
para iiwas ko ang tingin sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa uri ng
pagtitig nito sa akin.
“May Nhad kanang nagmamahal sayo Ken,
don’t waste his love for you. Ang daming taong gustong mahalin ng tulad ni
Nhad. He’s nice, sweet, and he loves you more than you love him. Kung ako sa’yo
kalimutan mo na ng tuluyan ang katangahan mo kay Martin. `Di ka na niya
babalikan pa.”
“Matagal ko ng kinalimutan ang
nararamdaman ko sa kanya Lantis at matagal ko na ring tinanggap na hindi na
siya babalik pa.” Matatag kong wika. “Don’t make it sound like I’m using Nhad.”
“Wala na akong sinabi.” Wika nito na
sinabayan pa niya ng pagkibit balikat.
Ang sumunod na nangyari ay magkatulong
naming inayos ni Lantis ang kwarto nito. Dalawang buwan na rin ng nakakaraan
simula ng iwan ni Martin ang kwartong ito. At sa dalawang buwan na iyon ngayon
lang ulit ako nakapasok sa kwarto nito. He’s scent still linger inside the room
na nagbabalik sa akin ng mga ala-ala no’ng magkasama pa kami.
Maharan akong pumiling pilit iniwaksi
ang mga nakaraan. I’m committed at iyon nalang dapat ang binibigyan ko ng
pansin. Nakakangiti na ako ngayon, nakakatawa, at unti-unti ng bumabalik sa
normal ang lahat and it was all thanks to Nhad.
Pero hanggang ngayon, tuwing maaalala
ko ang huling pag-uusap namin ni Martin. Hindi ko mapigilan na isipin na
somehow minahal din ako nito.
“I heard na tuluyan ng lumipat si
Lantis sa apartment mo.” Wika ni Nhad
habang kumakain kami sa paborito naming restaurant –ang restaurant kung saan
kami unang nag-date at kung saan ko rin siya sinagot.
We were having dinner that night dahil
pareho kaming walang trabaho. Araw iyon ng sabado, which also happened to be
our date day. Ito lang kasi ang araw sa isang lingo na pareho kaming walang
commitment sa mga trabaho namin.
“Yeah, actually kanina lang siya
lumipat.” Nakangiti ko namang tugon rito.
“Good. Kung hindi lang sa lola ko baka
ako na ang umukupa sa bakanteng kwarto na iniwan ng kaibigan mo. Ayaw mo naman
kasing doon nalang sa bahay tumuloy. Ayos lang naman kay Lola, maaalagaan pa
kita.”
Pinili kong tuluyang itago kay Nhad
ang totoong rason kung bakit umalis si Martin sa apartment. Inisip kong wala
rin namang magandang maidudulot kung sasabihin ko pa sa kanya ang tungkol sa
nararamdaman ko noon sa bestfriend ko. Tutal, nagdesisyon na rin akong
kalimutan ang lahat, wala ng dahilan para buksan pa iyon sa bagong yugto ng
buhay ko. Sabi nga nila, huwag mong isama ang nakaraan mo sa bagong buhay mo
kung gusto mo talagang makalimutan na ng tuluyan ang lahat.
“Ginawa mo naman akong bata. I can
well take care of myself Nhad. Tsaka, hindi naman ata maganda na sa puder mo
ako tutuloy. Ano nalang ang sasabihin ng lola at mga magulang mo. Ikaw na rin
ang nagsabi, hindi pa nila alam ang tungkol sa atin.”
“I’m about to tell them.” Agad nitong
tugon.
“You don’t need to kung hindi ka pa
handa. I’m not forcing or obliging you to do so. Kontento na ako sa kung ano
ang meron tayo ngayon.”
“Kung ikaw contented na ako hindi.”
Saka inabot nito ang aking kamay at marahang hinaplos. “I wanted to keep you
for good Ken, mahal na mahal kita. Gusto kong sabihin na ang tungkol sa atin sa
mga magulang ko because I wanted you to feel how important you are to me.”
“I can already feel that.” Nakangiti
kong tugon. Kahit kailan talaga napaka-sweet nitong taong to. He’s almost
perfect to me. Ito na ata ang tamang example ng too good to be true. “Hindi mo
kailangang madaliin ang sarili mo Nhad. We still have lots of time ahead of
us.”
“I know, pero hindi parin nagbabago
ang desisyon ko.”
“Ang kulit mo rin noh?” Natatawa kong
wika.
“You bet!” At mibilis nitong ninakawan
ng halik ang aking kamay na hawak nito.
I can really feel how much he loves
me. Tama nga si Lantis, ang swerte ko na ako ang piniling mahalin ng tulad ni
Nhad. Walang araw na hindi nito naiparamdam sa akin kung gaano ako nito ka
mahal at ngayon, handa itong gawin ang bagay na matagal na nitong
kinakatakutang gawin – ang ipagtapat sa mga magulang nito ang totoo niyang
pagkatao para lang sa akin.
Wala na akong hihilingin pa kay Nhad.
He already gave me enough love for me to continue living my life happily. Siya
ang dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon sa harap niya. The glow in his eyes
is telling me all the emotions he had for me.
Ang swerte ko pa pala kahit papaano.
With that thought napangiti ulit ako.
“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?”
“Wala. Na-gwagwapuhan lang ako sa’yo.”
Parang hindi ata nito napaghandaan ang
sinabi ko dahil pansalamantala itong natigilan. Amusement was now in his eyes.
Hanggang ngayon ikinabibigla parin nito ang mga simpleng hirit ko sa kanya na
ikinatutuwa ko naman.
“G-Gwapo ako sa paningin mo?” Tila
hindi parin mapakaniwala nitong wika.
“Oo, `wag mong sabihin na wala pang
nagsasabi sayo na gwapo ka.” Ang may bahid naman ng panunukso kong sabi. How I
love making this guy in front of me uncomfortable.
“M-Marami na rin.” At tumikhim ito
para tanggalin ang kung anu mang bumabara sa kanyang lalamunan. “Marami na
rin.”
“Marami na pala so, bakit parang
nabigla ka pa?
“Who wouldn’t? Ito ang kauna-unahang
pagkakataon na pinuna mo ang kakisigan ko.” Nakaplastar na ang notorious smile
nito sa kanyang mukha.
“Talaga?” Ako naman ang parang hindi
makapaniwala.
“Yeah, this is the first time na magpakita
ka ng interes sa physical appearance ko. Ang lagi mo lang kasing sinasabi ay
mabait ako kaya, inisip ko na kaya mo ako minahal dahil sa kabaitan ko though,
its not that bad. First time ko kasing maka-encounter ng taong hindi binigyan
ng pansin ang hitsura ko at ang taong gusto ko pa iyon. Kaya inakala kong
binubola lang ako ng mga dating pumupuna sa akin.”
Napangiwi ako sa sinabi nito. I admire
him physically noon pa mang una ko palang itong makilala. Pero siguro, dahil na
rin sa sobrang kabaitan at mga naitulong nito sa akin ay hindi ko na iyon
napansin. Mas nangibabaw kasi sa akin ang kabaitan nito.
“At least ngayon bumalik na ang
confidence ko sa hitsura ko.” Ngingisi-ngisi nitong sabi.
“Gwapo ka Nhad, kaya nga nabaliw
pansamantala si Chelsa sayo di ba?”
“Iba parin ang pakiramdam na ang taong
mahal ko ang nagsabi sa akin na gwapo ako. Dahil sa totoo lang kahit binubola
mo pa ako ngayon paniniwalaan parin kita.” Again, gumuhit na naman ang
nakakabighani nitong ngiti. I matched his notorious smile with a grin.
Ilang araw at lingo pa ang lumipas na
naging maganda ang pagsasama namin ni Nhad. Naging maganda rin ang takbo ng
buhay ko kasama ang mga bagong kaibigan na nakilala ko sa lugar na pinuntahan
namin ni Martin ng magbalak kaming lumayo.
Maraming nabago sa akin simula ng
humiwalay ako sa puder ng mama ko para makipagsapalaran kasama ang bestfriend
ko. Nawala ang pinakamatalik kong kaibigan pero nakilala ko naman ang mga taong
gumabay sa akin at binigyan ng importansya ang nararamdaman ko.
Noon, umiikot ang mundo ko sa isang
tao. Sa kanya lang nakadependi ang lahat ng magiging desisyon ko sa buhay dahil
gusto ko na lagi akong nasa tabi niya and that was the most stupid mistake I
ever did. Depending my happiness to someone was a mistake kasi iyon ang dahilan
ng muntikang pagkasira ng buhay ko. Kung hindi ko nakilala ang mga taong
tumulong sa akin baka hindi na ako nakabangon, baka hanggang ngayon ay
nagluluksa parin ako sa pagkawala ng isang taong tanging naging buhay ko.
Tinuruan nila akong tumayo mag-isa. Tinuruan din nila ako kung papaano
magpakatatag at ipagpatuloy ang buhay. Kaya laking pasasalamat ko sa mga
kaibigan ko ngayon.
“Maki, naasar na ako sayo. Kanina mo
pa binabara ang mga sinasabi ko.” Ang tila nagtatampong wika ni Jay. Among the
five of them si Jay at Maki ang pinaka close sa isa’t isa.
“Hindi kita binabara. Sinasabi ko lang
sayo na walang patutunguhan iyang pagiging tamad mo sa trabaho. Akala ko ba
gusto mo ng magbago?”
“Hindi ko kasalanan kung bakit
tinatamad na ako sa trabaho ko, paulit-ulit nalang kasi. Walang thrill.” Kahit
ang boses nito ay wala na ring sigla. Hindi ko naman ito masisisi wala nga
namang masyadong magandang naidudulot ang pagiging call center agent aside sa
malaking sahod. Stress ka na nga sa mga costumer na puro paninigaw lang ang
alam ay wala ka pang matinong tulog.
“Sino ba naman kasi ang nag-utos
sayong doon ka mag-apply?” Ani naman ni Nico na salubong na naman ang kilay.
Well, lagi namang nagsasalubong ang kilay nito tuwing nasa harapan nito si Lantis.
“You have your family business to take
care of Jay. Maybe it’s about time na tanggapin mo na ang responsabilidad mo sa
pamilya mo. Itigil mo na ang walang kwentang paglalaro mo sa buhay at iyang
trip mong pagpapaka-low profile.” Ani naman ni Lantis.
“Wala pa akong balak i-commit ang
sarili ko sa negosyo namin. Besides, hindi ko pa kaya ang magpatakbo ng isang
malaking kompanya.”
Jay’s family owned a computer company.
Sila rin ang distributor ng mga bagong labas na computer mula sa ibang bansa.
Kung tutuusin hindi na nito kailangan pang magtrabaho pero sadyang mapilit ito
sa kanyang gusto at dahil na rin spoiled ito ng mga magulang niya for being the
only son and the heir of their unimaginable wealth ay laging ito ang nasusunod.
Ginusto nitong maging isang normal na employee lang. He’s reason? Gusto lang
daw niya ng simpleng buhay.
“Ang sabihin mo takot kalang matali sa
negosyo niyo. Masyado ka kasing easy go lucky, hindi ka tumulad kay Alex na
kahit may mayaman ng boyfriend, ayon at nagpapaka kuba parin sa trabaho para
buhayin ang pamilya niya.”
“We can’t compare Alex to Jay,
masyadong magkaiba silang dalawa. May panininindigan si Alex. Hindi niya
hahayaan na ibang tao ang bubuhay sa pamilya niya dahil hindi siya marunong
manggamit ng tao. Kaya nga tayo bilib na bilib sa kanya di ba?” Ani ni Lantis.
“Nakakasama ka ng loob Lantis.” Ang
tila nagtatampong wika ni Jay. “Hindi naman sa wala akong paninindigan sa
pamilya ko, natatakot lang ako na baka dahil sa akin mauwi sa lahat ang
pinaghirapan ng parents ko. Alam niyo namang madali akong magsawa sa isang
bagay.”
“Pati sa relasyon.” Dugtong pa ni
Nico.
“`Wag niyo nang idamay ang mga palpak
kong relasyon. Nagbabagong buhay na nga ako di ba?”
“Yeah right.” Sarkastikong pangbabara
naman ni Maki at binalingan ako nito. “Ikaw Ken, do you think nagbabagong buhay
na nga itong si Jay?”
“`Wag niyo akong isali diyan.” Ang
nakangiti kong tugon. Ayaw kong makigulo sa kanila dahil bago palang ako. Hindi
ko pa masyadong kilala ang bawat isa sa kanila kaya wala akong karapatang
magbigay ng komento patungkol kay Jay.
“At bakit naman hindi ka namin
isasali? Akala ko ba magkakaibigan na tayo rito?”
“Maki, give Kenneth a break.” Walang
ganang wika ni Nico. “`Wag mo siyang isali sa problema niyo ni Jay.”
“Anong problema namin? Baka
nakakalimutan niyong kaibigan rin natin iyan. So, problema niyo rin siya. Kayo
naman ang magpangaral sa isang `to at nakakalbo na ako sa kanya.”
“You worry too much for him Maki.”
Kapag kuwan ay wika ni Nicollo. Napatingin naman ako kay Jay at nakita ko na
nagpipigil itong mapangiti.
“Im not.” Maagap nitong tugon.
“Really?” Tila nanunubok namang wika
ni Lantis.
“Yes, concerned lang ako sa parents’
niya dahil mabait sa atin sina Tita at Tito.”
“Kina Tita ka concerned.”
Tatango-tangong wika ni Nico.
“Drop it Niccolo.” Nagbabanta na ang
boses nito. Napikon marahil sa kalokohan ng mga kaibigan nito. Nabaliktad na
ata ang sitwasyon. Kung kanina si Jay ang naasar, ngayon ay si Maki na. At ito
ang unang pagkakataong makita kong nagsasalubong ang kilay ng pinaka maamo sa
kanilang apat.
“What?” Paenosenting wika ni Nico.
“Wat-watin kaya kita riyan ng makita
mo.” At doon na tuluyang sumilay ang mapanuksong ngiti ni Nico na sinabayan
naman ni Lantis.
“Oh, tama na yan naiinis na si
Maki-Maki.” Saway ni Jay pero nakaguhit na rin ang nanunuksong ngisi sa mukha
nito. Di ko tuloy mapigilang mapangiti na rin.
“Stop calling me Maki-Maki, Jay-Jay.”
Tila may nasabi itong hindi nito nagutohan dahil biglang sumimangot ito.
“A fish can only be hooked by its
mouth, huh?” Nanunuksong wika ni Nico.
“Pwedi rin sa sa kaliskis.”
Sarkatikong tugon ni Maki. “Huwag kang ngingiti-ngiti riyan Kenneth at baka
masama ka sa mga iihawin ko mamaya.” Baling naman nito sa akin dahilan para tuluyan
ng kaming matawa rito.
Ganito sila kagulo kapag
nagkakatipon-tipon silang magkakaibigan. Favorite hobby na talaga nila ang
asarin ang isa’t isa.
“Nakalimutan ko, pakakainin ko pa
dapat si Kerochan ko. Pasok muna ako sa loob.”
“Paano napunta sayo ang pusa ko?” Ang
tila nagtatakang tanong ni Lantis.
“He’s not your cat. Kerochan is mine,
ninakaw mo lang siya sa bahay.” Salubong na muli ang kilay na wika ni Niccollo.
“Excuse me, `wag kang mang-aakusa ng
ganyan sa akin dahil pusa ko yan. Ako ang unang nakakita riyan kaya akin yan.
Kaya pala hindi ko siya mahagilap sa buong bahay namin ikaw pala ang kumidnap
sa kanya. Akala ko pa naman tuluyan na siyang nawala.”
“Kumidnap? Baka makulong ka sa mga
paratang mo. For your information, si Kerochan ko ang kusang pumunta sa bahay
namin. Wanna know why? Because he’s my cat. Ikaw lang itong nag-iinsist na pusa
mo siya.”
“Sa akin si Karupin!” Agad itong
tumayo at nagpatiuna sa loob ng coffee shop kung saan naroon ang private office
ni Nico. Agad namang sumunod si Nico sa kanya.
“Malala na talaga ang problema ng
dalawang iyon.” Ang napapailing na wika ni Maki.
“Sino ba kasi ang totoong may-ari ng
pusang iyon?” Takang tanong ko naman dito.
“Actually, wala.” Si Jay ang sumagot.
“Gala lang talaga ang pusang iyon at naligaw sa bahay nina Nico at Lantis.”
“Magkasama sila sa iisang bahay?”
“Nope, magkaharap lang ang bahay
nila.” Ani naman ni Maki.
“So, bakit nila pinag-aawayan ang
pusang iyon?”
“Sila lang ang nakakaalam ng rason.
They always quarrel sa mga simpleng bagay pero hindi sila mapaghiwalay.” Tugon
ni Maki.
“Mabuti pang umuwi na tayo.” Kapag
kuwan ay wika ni Jay. “Matatagalan pa `yang mga yan. Hayaan na nating si Nico
ang maghatid kay Lantis. For sure kailangan nilang mag-usap. Susunduin ka ba ni
Nhad, Ken?”
“Hindi. Duty siya ngayon sa hospital.”
Iniwan na nga namin sina Lantis at
Nico. Gusto sana akong ihatid ng mga ito sa apartment namin ni Lantis pero out
of the way na iyon sa kanila kaya naman tumanggi ako. Nangako si Nhad na dadaan
siya sa apartment pagkatapos ng shift nito sa hospital at doon maghahapunan sa
bahay kaya naman naisipan kong dumaan sa grocery store para bumili ng mga pwedi
kong gamitin sa lulutuin ko.
Nasa sakayan na ako ng jeep at kanina
pa naghihinay ng masasakyan dahil halos puno na lahat ng dumaan nang may bilang
pumarang itim na kotse sa harapan ko. Isang taong hindi ko inaasahan ang
bumulaga sa akin ng maibaba nito ang tainted na bintana.
“M-Martin?” Ang may bahid ng
pagkagulat at hindi makapaniwala kong sabi.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment