by: Zildjian
Habang pinagmamasdan ko si Martin na
mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Kanina, nang pag-isahin nito ang aming katawan at kaluluwa ay wala akong ibang
naramdaman kung hindi ang kaligayahan. The man I longed for the longest time
had finaly came and made me feel how much he loved and cared for me.
Sa bawat indayog, sa bawat ulos at sa
bawat halik nito ay hindi ko maikakailang ramdam ko ang kung anumang damdamin
nito para sa akin. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat. Ang taong matagal ko
nang pinapangarap ay heto’t katabi ko sa kama. Parang isang panaginip, isang
napakagandang panaginip na sa wakas, sa matagal na panahon na paghihintay ay
hindi ko lang nakadaupang-palad kundi nakaniig ko na rin ang taong
pinakamamahal ko, ng higit pa sa buhay ko.
Hindi ko maikakailang sa kabila ng
lahat ng pinagdaanan namin ay siya pa rin ang taong walang sawang minahal ko.
Ang nag-iisang taong pinangarap ko. Kay tagal na panahon ko itong hinintay –
ang tuluyang maramdaman ko ang pagmamahal nito sa akin.
Pinaglakbay ko ang aking kamay sa
napakaamong mukha nito. Pilit pinapaniwala ang sarili na ang nangyari kanina ay
totoo. Ramdam ko ang buong katawan nito na nakadikit sa kahubdan ko.
“This is all for real.” Ang pabulong
kong wika habang hindi pa rin napapalis ang ngiti sa aking mga labi. “Hindi na
ito pagkukunwari at lalong hindi na ito isang ilusyon.”
Muli kong pinaglakbay ang aking kamay
sa mukha nito. Ang init na hatid ng balat nito ay nagpapatotoo sa akin na lahat
ng nangyari kanina ay totoo, na lahat ng nakikita ko ngayon ay totoo.
Marahil ay naramdaman nito ang
ginagawa kong paghaplos sa kanya. Dahan-dahan itong nagmulat at muli ko na
namang nakita ang mga mata nitong punong-puno ng pagmamahal. Ang kakaibang
ningning ng mga mata nito ang nagsasabi sa tunay nitong nararamdaman sa mga
oras na iyon.
“Bakit?” Kapagkuwan ay wika nito na
sinamahan pa niya ng isang napakagandang ngiti.
Imbes na sagutin ito ay lalo ko lang
isiniksik ang sarili ko sa kanya. Sa puntong iyon ay ayaw ko na lang munang
magsalita, mas ginusto kong maramdaman ang presensya nito.
Isinuklay nito ang kanyang kamay sa
aking buhok kasabay noon ang pagbigay sa akin nito ng isang napakatamis na
halik sa aking labi. Mabilis lang ang halik nito pero hindi ko maikakailang
ramdam ko ang pagmamahal sa halik na iyon.
“Nakatulog pala tayo.” Nakangiti
nitong wika. “Nagugutom ka na ba?”
Umiling ako at muling isinubsob ang
sarili sa kanyang matipunong dibdib. Parang gusto ko na lamang manatili sa tabi
nito dahil sa mga bisig niya, nakakaramdam ako na kapanatagan. Kung p’wede lang
ay sana ay hindi na kami maghiwalay pa.
“Making love to you was the best thing
that ever happened to me.” Wika nito habang binibigyan niya ng mumunting halik
ang aking ulo. “Maraming beses na akong nakipagtalik, pero sa ‘yo ko lang
naramdaman ang ganitong klaseng kaligayahan na para bang kahit mamatay pa ako
ngayon ay malugod kong tatanggapin.”
“Hindi ka pa p’wedeng mamatay Matt,
kailangan pa kita.” Usal ko.
“Mas kailangan kita Ken, sobra pa sa
pangangailangan mo sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng
pangangailangan sa isang tao. Ikaw ang kumukumpleto sa akin Kenotz, ikaw ang bumubuo ng pagkatao ko.” Bakas ang
sobrang emosyon sa boses nito.
Naramdaman ko ang paghigpit ng
pagkakayakap nito sa akin kasabay noon ang paglapat ng mga labi nito sa aking
noo.
“Hindi ko alam kung dapat mo pa ba
akong pagkatiwalaan. Ang alam ko lang, kailangan kita hindi lang bilang isang
kaibigan kung hindi bilang isang kasintahan. Isinusuko ko na sa ‘yo ngayon ang
buhay ko Ken. Sana hindi pa huli ang lahat.”
“Hindi ko alam Matt.” Tugon ko rito.
“Masyadong magulo pa sa akin ang lahat. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin
ko ngayon. I admit, mahal pa rin kita pero hindi ko rin maikakailang dahil sa
patuloy na pagmamahal ko sa’yo, may nasaktan akong tao.”
“Aayusin ko ang lahat.” Matatag nitong
sabi. “Ako naman ngayon ang kikilos para sa ating dalawa. Ako naman ngayon ang
po-protekta sa ‘yo.”
“Matt..”
“Mahal kita Kenotz, mahal ko ang
bestfriend ko at handa akong gawin ang lahat maitama ko lang ang mga
pagkakamali at mga pagkukulang ko sa ‘yo noon. Ipapakita ko sa ‘yo at
ipaparamdam na hindi pagkakamali na minahal mo ako hanggang ngayon.”
Napayakap ako ng mahigpit dito.
Masyado na akong kinain ng nararamdaman ko sa mga narinig ko mula sa kanya.
Hindi ko napigilang hindi mapaluha. Ang taong matagal ko nang pinangarap na
mahalin ako ay nandito na at handang gawin ang lahat para sa akin.
“Huwag kang umiyak.” Punong-puno ng
pag-aalalang wika nito.
“Kay tagal kong hinintay ang
pagkakataong ito Matt.”
“Shhh.... tahan na pangako babawi ako.
This time, ako naman ang magbibigay at magpapadama sa ‘yo ng pagmamahal ko.”
Sunod-sunod na malalakas na katok ang
gumulantang sa amin ni Martin sa kadramahang ginagawa namin sa loob ng k’warto.
Bigla akong nakaramdam ng kaba, pareho kaming walang saplot ni Martin. Nagkalat
pa rin ang mga damit namin sa ibaba ng kama.
Hindi pa man ako nakakagalaw dahil sa
sobrang pagkataranta nang bumukas ang pintuan kasabay noon ay ang pagliwanag ng
buong k’warto.
“Kakain –– Ay hala!” Ang nabigla ring
wika ng aking butihing ina. Napatakip pa ito sa kanyang bibig nang makita ang
kahubdan namin ni Martin. Mabilisan nitong pinatay muli ang ilaw at
nagmamadaling lumabas ng k’warto. “Chester anak, mukhang malapit ka nang maging
tito!” Ang narinig pa naming wika nito.
Imbes na makaramdam ng hiya sa
pagkakahuli sa amin ng aking ina ay pareho kaming napatawa ng malakas ni
Martin. Ibang level talaga ang pagiging kunsentidora nito at laking pasasalamat
ko na ito ang naging ina ko.
Tatlong araw pa ang nagdaaan ilang
araw na lang at matatapos na ang bakasyong ibinigay sa akin ng kumpanyang
pinapasukan ko. Malaking pasasalamat ko na nabigyan ako ng gano’ng kahabang
bakasyon dahil sa ilang araw na pananatili sa lugar kung saan ako lumaki ay
maraming bagay ang nangyari sa buhay ko.
Biyernes. Ito ang araw na muli akong
tatapak sa bahay ng mga Medillo. Matapos ang gabing pinagsaluhan namin ni
Martin ay nagsimula ang malaking pagbabago sa aking buhay. Paunti-unti ay
nagagawa ko ng palayain ang sarili ko sa nakaraan dahil na rin sa presensya ni
Martin kahit pa man may mga gabi pa ring dinadalaw ako ng mga bangungot ko kay
Nhad. Pero hindi na tulad noon, na gigising ako sa aking kama na mag-isa,
ngayon, palagi nang naroon si Martin na handang umagapay sa akin. Ito ang
laging pumapawi ng mga luha ko at takot kapag inaalipin na naman ako ng aking
konsensiya.
Minsan, hindi ko mapiligang maitanong
sa aking sarili kung hanggang kailan ko ba dadalhin ang lahat ng iyon. Pinilit
kong makalimot dahil batid kong hindi lang ako ang nahihirapan sa nangyayari sa
akin. Bakas rin sa mga mata ni Martin ang lungkot at awa sa tuwing bigla akong
umiiyak sa kalagitnaan ng gabi. Nakikita ko rin sa mga mata nito ang paninisi
niya sa kanyang sarili sa pagdurusang nangyayari sa akin.
Dahil na rin sa kagustuhan ng aking
ina at kagustuhan na rin ni Martin ay sinamahan ako nitong magpatingin sa isang
espesyalista. No’ng una ay tumutol ako, natakot kasi ako sa katotohanang
tuluyan na ngang naapektuhan ang utak ko sa lahat ng mga nangyari. Pero sa
huli, napagdesisyunan ko na ring subukan. Hindi ko na kasi makayanan ang
nakikita kong ibayong pag-aalala sa mga mata ng aking ina at ng taong pinahahalagahan
ko ng higit pa sa buhay ko..
PSTD o Post-traumatic stress disorder.
Iyon ang naging konklusyon ng tumingin sa aking doctor matapos kong maisiwalat
sa kanya ang mga nangyari sa akin sa mga nagdaang araw. Hindi ko raw kinaya ang
sobrang emosyon sa mga nangyari sa akin dahilan para magkaroon ako ng isang
traumatic experience na tinawag nilang PSTD. Isang sakit na nakukuha ng isang
tao kapag may mga pangyayari sa buhay nito na hindi nito nakayanang harapin at
tanggapin.
Ang PSTD ay may iba’t ibang stage
depende sa kung kailan ito nakuha. Habang tumatagal daw ay lalo itong lumalala
na p’wedeng ikabaliw ng isang tao. Sa parte ko, madali raw maaagapan iyon dahil
ilang araw pa lang itong nangyari . Ipinak’wento nito sa akin ang lahat bilang
parte ng therapy niya para mabawasan kahit papaano ang dinadala ko at ipinayo
din niya na subukan kong isa-isang harapin ang mga dahilan ng lahat ng takot
ko. Iyon daw ang pinakamabisang lunas para sa akin.
Natural, natakot ako. Alam ko kasing
isa sa mga rason ng sakit ko ay si Nhad. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang
harapin ito lalo na’t alam ko ang matinding galit nito para sa akin.
“Anak, nasa labas na si Martin.” Ang
pagtawag sa akin ng aking ina mula sa labas ng aking k’warto.
Dahil doon, napukaw ako nito mula sa
malalim na pag-iisip. Mula sa pagkakaupo sa aking kama ay tumayo ako at humarap
sa salamin. Mataman kong pinagmasdan ang aking sariling repleksyon kasabay
naman noon ang pagpasok ng aking ina.
“Aba, ang g’wapo ng anak ko, ah.”
Inabot nito ang kuwelyo ng aking suot na polo at inayos iyon.
“Ma, natatakot ako.” Ang wala sa
sarili kong sabi.
“Kenneth, okey lang ang matakot
pamisan-minsan dahil natural lang sa tao iyon. Pero, huwag mong kalilimutan na
narito lang kami ng kapatid mo para sa ‘yo. ‘Wag kang mahihiyang humingi ng
tulong sa amin kapag hindi mo na kaya. Hindi kahinaan ang paminsan-minsang
paghingi ng tulong sa iba anak.”
“Sorry Ma kung naging mahina ako. Sa
halip na ako ang nag-aalaga sa ’yo bilang panganay mo ay heto’t ako pa rin
itong inaalagaan niyo.” May bahid ng
hiya at paghingi ng tawad kong wika. Alam ko naman kasing kahit anong katatagan
ang ipakita sa akin ni mama, ramdam kong apektado rin ito sa mga pinagdaraanan
ko ngayon.
Ngumiti ito sa akin ng ubod ng tamis
bakas ang pag-intindi sa mga mata nito. How lucky I am to have a mother like
her. Isang ina na bukod sa sobrang mapagmahal sa kanyang mga anak ay
napakasupportive rin.
“Okey lang sa akin ang alagaan ka
basta ba’t next time na may gagawin kayong karumaldumal ni Martin hintayin niyo
naman munang tuluyan ka nang magaling para naman makapag-perform ka ng todo.”
“Ma!” Ang malakas kong pagsaway rito.
“Mag-uusap pala, ha.” Panunukso pang
lalo nito sa akin. “Iyon na ba ang bagong pauso niyo ni Martin na pag-uusap
anak?”
Agad akong nakaramdam ng pag-iinit sa
aking magkabilang pisngi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakakalimutan
ang nasaksihan tatlong araw na ang nakakaraan at hanggang ngayon kapag
nakakakita ito nang pagkakataon ay tinutukso pa rin ako nito.
“Mabuti na lang at hindi si Chester
ang inutusan ko noon na umakyat para gisingin kayo kung nagkataon mababahiran
ng kalaswaan ang utak ng bunso ko.” Patuloy pa rin nitong panunukso na sinamahan
pa niya ng nakakalokong tawa.
“Mama naman, eh!” Ang natatawa ko na
ring sabi sa kalokohan ng magaling kong ina.
Sa muli ay nagawa na naman ng aking
inang palisin ang kanina lang na namumuong negatibong emosyon ko. Pakiramdam
ko, sinadya niya iyon para mawaksi sa isip ko pansamantala ang mga bagay na
bumabagabag sa akin.
Matapos ang panunukso nito sa akin sa
loob ng k’warto ko ay magkasabay na kaming bumaba. Tulad nga ng sabi nito ay
naroon na nga si Martin sa sala at naghihintay sa akin. Napakaguwapo nito sa
suot nitong formal attire.
“Iuwi mo itong dalaga este binata ko
ng maaga Martin, ah.” Nakangising banat na naman ni Mama.
“Kuya Martin, sama ako!” Singit naman
ng kapatid ko.
“Hindi p’wede.” Baling ni mama rito.
“Bawal doon ang mga hindi pa naliligo.”
“Naligo na kaya ako.”
“Kung gano’n bakit hindi ka pa
nagpapalit ng damit. Iyan ang damit mo no’ng isang araw pa, ah.”
Hindi ito nakapagsalita at napakamot
na lang sa kanyang batok. Paniguradong masyado na naman itong nawili sa
pagco-computer kaya hindi na naman ito nakaligo. Ngingiti-ngiti na lang kami ni
Martin habang ito naman ang mapagtripan ni mama na asarin.
“Oh, bakit nandito pa kayo? Humayo na
kayo’t ng makarami!” Usal nito ng mapansing naroon pa rin kami.
Napapailing na lang akong nagpatiuna
palabas ng bahay namin kasunod ang ngingiti-ngiting si Martin. Mukhang
nagustuhan nito ang huling banat ng aking magaling na ina.
“Matt, huwag nalang kaya tayong
tumuloy? Uuwi nalang ako.” Ang kabado kong sabi ng huminto ang sasakyan nito sa
tapat ng kanilang bahay.
Inabot nito ang aking kamay at marahan
iyong pinisil.
“’Wag kang matakot, nandito naman ako
hindi kita pababayaan.” May bahid ng paniniguro nitong sabi.
Muli kong ibinaling ang aking tingin
sa kabuohan ng bahay nila kung saan pansin kong marami na ang taong nasa loob.
Ito ang araw kung saan gaganapin ang birthday ng ina nito at sa loob ng bahay,
naroon ngayon ang lahat ng taong importante sa kanilang pamilya para dumalo.
Naalala ko bigla ang huling tapak
namin sa bahay nina Martin at iyon ay ang araw kung saan nagpanggap kami bilang
magkasintahan na ikinagalit ng husto ng ama nito dahilan para itakwil nito ang
kanyang kaisa-isang anak.
“Maraming tao Matt.” Kapagkuwan ay
wika ko. “At baka hindi magustohan ng Papa mo na makita ako sa loob ng
pamamahay niyo.” Dagdag ko pang wika na punong-puno ng pag-aalala.
Mula sa pagkakahawak niya sa aking
kamay ay umakyat ang mga kamay nito papunta sa aking pisngi at marahan akong
pinaharap sa kanya. Ngumiti ito sa akin ng ubod ng tamis at binigayan ako ng
isang napakatamis na halik. Halik na nagsasabing pagkatiwalaan ko siya.
“I promised you that i will make
things right for us, right?”
Tumango ako.
“Dito natin sisimulan ang lahat.
Itatama ko ngayon ang mga maling nagawa ko noon paisa-isa para tuluyan ka nang
makawala sa mga bangungot mo.”
“Pero Matt ––”
“Nandito lang ako okey? All i need
from you is for you to trust me and i will make sure that everything will be
okey.” Wika nito at muli akong kinantilan ng halik.
Lahat ng pag-aalinlangan ko ay tuluyan
ko ng pinakawalan sa mga oras na iyon at piniling pagkatiwalaan nalang si
Martin. Nang makakababa kami ng sasakyan at nasa tapat na ng mataas na gate ng
bahay nila hindi ko mapigilang mapahawak sa kanya na para bang sa kanya ako
kumukuha ng lakas at tapang.
“Everything will be alright.” Pabulong
nitong wika na nilakipan pa niya ng isang ngiti.
Tulad nga ng inaasahan ko, sa malawak
palang na bakuran nila ay napakarami ng tao. Nakaramdam ako ng kaba ng lumingon
ang ilan sa mga ito sa gawi namin ni Martin. Akmang tatanggalin ko na sana ang
pagkakahawak ko sa braso nito ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak
nito sa aking kamay as if telling me not to let go of him.
Napayuko nalang ako para maiwasang makasalubong
ko ng tingin ang mga taong ngayon ay nasa amin na ang pansin. Ayaw ko kasing
makita sa mga mata nila ang pandidiri o pagkadisguto nila para sa amin. Baka
hindi ko kayanin ang lahat at biglaan nalang akong tumakbo papalayo.
“Well, well ,well.” Napatigil kami ni
Matt ng salubungin kami ng isang pamilyar na boses. May pag-aalinlangan kong
iniangat ang aking tingin para makita ang mukha nito at tumambad sa akin ang
nakangiting pinsan niya.
“Pinsan.” Bati ni Martin dito. “Kuya
Laurence.”
Doon ko lang nabigyan ng pansin ang
kasama nitong lalaki. Hindi rin maikakaila na may maipagmamalaki rin ang
hitsura nito. Maamo ang mukha at mahinhin ang dating. Iyan agad ang discription
ko ng mapagmasdan ko ito.
“You must be Kenneth.” Nakangiting
wika nito. “I’m Laurence Cervantes –Samaniego ang dakilang asawa nitong kurimaw
na ito.” Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay at may pag-aalinlangan ko
naman niyong tinanggap.
“Nice to meet you.” Mahina kong usal
dala ng hiya.
“Mukhang napagtagupayan mo rin ang isang
ito pinsan, ah.” Nakangising wika naman ng pinsan nitong si Claude.
Ngumisi si Matt dito at muling
hinigpitan ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.
“Ang sweet.” Usal nito. “Parang tayo
lang misis, noh?” Sabay ng paghawak din nito ng kamay ng kanyang asawa.
“Inggetero ka talaga.” Natatawa namang
wika ni Laurence. “Mukhang tama nga ang nababalitaan ko mula sa tsismosong
asawa ko, ah. So you’ve finally met your match Martin at talagang katulad ko
pang mahiyain itong si kenneth. Kayo talagang magpinsan, ang hilig niyo sa
mababait.” Wika dito na nilakipan pa niya ng nakakalokong tawa.
Ako man ay napangiti narin sa tinuran
nito. Mukhang tama ang naging assesment ko sa isang ito, mabait siya at madaling
makagaanan ng loob
“There.” Wika ni Martin. “Ikaw lang
pala ang makakapagpangiti sa kanya kuya Lance. Kanina pa kasi kabado itong si
Ken ko.”
“Naks, Ken ko agad?” Basag ng pinsan
nito. “Kamakailan lang para kang tutang ulol na hahabol-habol diyan, ah.”
Ngingisi-ngising dagdag nito.
Nakatanggap ito ng mahinang batok mula
sa kanyang asawa.
“Walang basagan ng trip. Ikaw rin
naman noon, habol ka ng habol sa akin.”
“Pakipot ka kasi misis.”
Di ko mapigilang mapangiti sa
ginagawang batuhan ng lambingan ng dalawa. Napakasaya nilang tingnan na
naglalambingan kahit paman maraming tao ang nakatingin sa kanila.
“Tara na sa loob, iwan na natin yang
dalawang yan.” Pabulong na wika sa akin ni Martin.
Nilampansan na nga namin ang dalalwang
magkapareha na nagkaroon na ng sariling mundo. Hindi na nga napansin ng mga ito
ang pag-alis namin. Iyon pala ang nagagawa ng pagmamahal -nakakalimutan mo ang
lahat kapag kapiling mo na ang taong pinahahalagahan mo.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay
nito ay agad naming naagaw ang pansin ng mga taong nasa loob kasama na doon ang
mama at papa nito na kausap ang mga business associates ng mga ito. Agad na
sumilay ang napakagandang ngiti sa labi ng mama nito at lumapit sa amin.
“Kenneth iho. Mabuti naman at
nakapunta ka.” Bati nito sa akin na nilakipan pa niya ng paghalik sa aking
pisngi. Sumunod naman dito ang kaninang mga kausap nitong tao. “Ate, ito ang
sinasabi ko sa’yong si Kenneth. Kenneth ito ang nag-iisang kapatid kong si Marguerette
at ang kanyang asawa, si Samuel.”
“M-Magandang gabi po.” Mahiya-hiya
kong bati sa mga ito.
“He’s like Laurence. Mahiyain pero
mabait.” Nakangiting wika ng babaeng nagngangalang Marguerette.
“Sila ang mommy at daddy ni Kuya
Claude.” Wika ni Matt.
“Nakilala mo na pala ang isa sa mga
anak namin.” Nakangiti ring wika ng asawa nito. “Louisa iha, halika rito.”
Tawag nito sa isang babaeng nakaupo sa isang tabi at nakasimangot.
Hindi naman nito binigo ang ama at
lumapit ito sa amin napakunot noo ako ng mapagmasdan kong maigi ang mukha nito.
She looks familiar kaso hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita.
“Louisa iha, this is ––.”
“I know him.” Kapagkuwan ay wika ng
babaeng nagngangalang Louisa.
“Magkakilala kayo?” Ang halos hindi
makapaniwalang wika ng mga magulang nito.
“Not exactly Deh, coincidence lang.
Nakilala ko siya sa isang bar noon.”
Doon ko lang naalala ang tagpo kung
saan ko ito nakilala. She was the girl at the bar no’ng birthday ni Chelsa.
Siya yung babaeng lasing at naghahanap ng makakasama.
“Small World.” Kapagkuwan ay wika ng
Mama ni Martin. “Anyway, Martin anak, samahan mo munang kumain si kenneth baka
nagugutom na siya.”
Sa totoo lang nakakapanibago ang
kabaitang ipinapakita sa akin ng mama nito. Oo nga’t bago ito umuwi noon, no’ng
pansamantala itong makituloy sa apartment namin ni Martin ay nagkapagalayan
kami ng loob pero hindi ko akalain na ganito kainit ang gagawin nitong
pagtanggap sa akin sa bahay nila.
“Tara, kuha muna tayo ng pagkain.”
Wika ni Martin na tinugon ko lang ng isang simpleng tango. Nag-aalangang ngiti
ang ibinigay ko sa mga taong nasaharap namin bago namin tinugo ang buffet
table. Pinili ko talagang iwasang makasalubong ng tingin ang Papa niya sa takot
sa pweding makita ko sa mga mata nito.
Sa kabila ng napakaraming bisita sa
loob ng bahay na iyon ay hindi nawala sa tabi ko Martin. Tulad ng ipinangako
nito ay nanatili ito sa aking tabi na ipinagpapasalamat ko naman dahil
pagka-asiwa at hiya ang nararamdaman ko sa tuwing may mahuhuli akong taong sa
amin nakatingin.
Ilang saglit pa ay nilapitan kami ng
mama nito. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong batiin ito ng maligayang
kaarawan.
“Salamat iho. P’wedi ko bang mahiram
sandali itong anak ko? His Tito Samuel and kuya Claude wanted to hear about the
idea he has para sa bagong negosyong itatayo namin.”
“Hindi ko p’weding iwan si Kenneth
Ma.” Ang pagtutol naman ni Martin dito.
“H-Hindi. Sige na, ayos lang ako
rito.” Wika ko naman.
“Sigurado ka?”
Tumango ako rito at binigyan siya ng
isang ngiti. May pag-aalangan parin sa mga mata nito habang papalit-palit ng
tingin sa amin ng mama niya.
“Don’t worry iho, ako ang bahala rito
kay Ken.”
Sa sinabing iyon ng kanyang mama ay
napatayo na rin ito. Sumulyap muna ito sa akin bago binalingan ang kanyang ina.
“Make sure to take good care of him
Ma. Ken, hindi ako magtatagal, dito kalang okey?” At saka ito mabilisang
pinuntahan ang mesa kung saan naroon at mga taong gustong kumausap dito.
“Look at him.” Kapagkuwan ay wika ng
mama nito habang sinusundan ng tingin ang anak. “I never imagined that he can
be that much protective to someone.” Bumaling ito sa akin at ngumiti.
“I also wanted to take this
opportunity to thank you iho. Kung hindi dahil sa’yo, hindi maibabalik ang
pagmamahal at respeto sa akin ng anak ko. At ngayon, ikaw na naman ang dahilan
sa pagbabati nila ng Papa niya.”
“Ano ho ang ibig niyong sabihin?” Ang
‘di ko maiwasang maitanong.
Umupo ito sa isang upuan parahap sa
akin.
“You’re the very reason why our son
open his self to us and honestly speaking i’m a bit jealous of you iho. Ikaw
lang kasi ang nag-iisang kahinaan ng anak ko. Nang umuwi si Martin dito tatlong
buwan na ang nakakaraan iyon ang unang pagkakataong makita ko siya sa kanyang
vulnerable state. Martin always act so strong infront of us. Hindi niya
ipinapakita sa amin ang kahinaan niya kahit paman no’ng mga panahon na
pinipilit namin siyang gawin ang mga bagay na ayaw niya. Nag-aalala ako para sa
kanya even his father, pero alam mo naman ang mga lalaki, matataas ang pride.
So as a mother, i tried to reach out to my son. Kahit paman p’wedi lang ulit
akong itaboy nito.”
Mataman lang akong nakikinig sa kanya.
Pilit iniintindi ang lahat ng kanyang sinasabi.
“But i was very happy enough na ginawa
ko iyon. Dahil doon ko naramdaman ang pangangailangan sa akin ng anak ko.
Ikinuwento niya sa akin ang lahat-lahat ng nangyari sa inyo kasama na doon ang
pagpapanggap niyo para lamang matulungan mo siyang makalayo sa pagiging control
freak namin. Para makabawi kami sa lahat ng pagkukulang namin bilang magulang
ipinadala kami ng papa niya sa California para doon pansamantalang makalimot
ang anak namin of course, without Martin knowing that it was his fathers plan.
Alam kasi ng Papa niya na galit na galit parin sa kanya si Martin.”
“Hindi ko inaaasahan na ang anak ko pa
mismo ang lalapit sa akin sa kabila ng lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko sa
kanya noon.” Biglang pagsulpot ng Papa nito na sa akin nakatingin. Walang galit
sa mga mata nito hindi tulad ng huli naming pag-uusap noon. Ngayon, isang
napakaamong ama ang nakikita ko.
“Lumapit siya sa akin para humingi ng
tawad sa mga kasalanang ako naman ang may gawa. Kinalimutan na niya ang lahat
ng galit niya sa akin para lamang sa isang tao at ikaw iyon iho. Kaya
maraming-maraming salamat sapagkat dahil sa’yo, nabigyan pa ako ng pagkakataong
maitama ang mga bagay-bagay para sa anak ko. Napakalaki ng naitulong mo sa
pamilya ko.”
Nabaling ang tingin ko kay Martin na
hanggang sa mga oras na iyon ay nakikipag-usap parin sa Tito at pinsan nito.
Hindi ko napigilan ang pamumuo ng aking mga luha sa mga narinig mula mismo sa
mga magulang nito. He really did make things right for us.
“Mahal ka niya.” Kapagkuwan ay wika ng
ama nito.
“Sobra.” Pagsangayon naman ng mama
nito. “At malugod ka naming tatanggapin sa pamilya namin iho, hindi na bilang
matalik na kaibigan ng anak namin kung hindi ang taong piniling mahalin ni Martin.”
Tuluyan ng bumasag ang mga luhang
kanina pa namumuo sa aking mga mata. Pero hindi tulad ng laging dahilan ng
pagpatak nito na puro pagdurusa ngayon, masasabi kong ang mga luhang iyon ay
bunga ng ibayong saya na dala ni Martin sa akin.
“Bakit niyo pinapaiyak si Kenneth Ma,
Pa, alam niyo namang hindi makakabuti sa kanya ang umiiyak eh.” Ang biglang
sulpot ni Martin. “Ayos kalang ba, inaway ka na naman ba nila?”
Pareho-pareho kaming napangiti ng mga
magulang nito habang pinapahid ko ang mga dumadaloy na luha sa aking
magkabilang pisngi.
“Umandar na naman ang pagiging over
protective mo. Hindi namin inaaway si Kenneth, nagpasalamat lang kami ng Papa
mo.”
“Walang duda, sa akin nga siya
nagmana.” Ngingiti-ngiting wika naman ng ama nito. Habang iginagaya na palayo
ang asawa nito.
“Sabi sayo, eh. Ayaw mo kasing
maniwala.” Ani naman ng kanyang ina.
“Sige nalang, birthday mo naman
ngayon.”
Nang tuluyan ng makalayo ang mga
magulang nito ay hindi ko mapigilang mapayakap kay Martin kahit paman sa kabila
ng maraming taong nakatingin sa amin.
“Maraming salamat Matt.” Ang wika ko
hindi mapigilan ang mapahikbi.
“Basta’t para sayo Ken, lahat gagawin
ko kahit ibaba ko pa ang pride ko maalis ko lang ang lahat ng pangamba diyan sa
puso mo.”
“Oi, group hug! Sali kami ni misis ko
diyan!” Ang narinig ko pang wika ng pinsan nito pero hindi ko na iyon pinansin
sa sobrang kaligayahang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Itutuloy. . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment