By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
JAMES’ POINT OF VIEW
Ang turing ko kay Xian ay
tropa, kapatid, kaibigan at kasangga. Siya yung laging nandiyan para sa akin.
Alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko. Lahat ng kuwento ng buhay ko ay bukas na
aklat sa kaniya. Madami akong gustong itanong sa kaniya ngunit nanatiling tikom
ang aking mga labi. Ayaw ko siyang ma-offend. Sa dami ng utang na loob ko sa
kaniya ay ayaw ko sanang mag-isip ng kahit ano laban sa kaniyang pagkatao. Isa
pa, wala pa naman siyang ginawang hindi ko nagustuhan.
Hindi ako manhid lalong hindi
din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato niya sa
akin, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang
pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba
ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din
ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang
iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Anong karapatan kong husgahan siya
kung wala naman siyang ginagawang hindi kanais-nais sa akin? Ni hindi ko nga
kaya siyang tanungin kung bakit ganoon ang mga ikinikilos niya. Kung ibang tao
lang sana siya ay baka harap-harapan ko nang pinaamin.
Ngunit sakali mang
may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang
sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing
kung tuluyan siyang bibigay. Hindi ko siguro alam kung paano ko tatanggapin na
ang kaisa-isa kong totoong tropa at barkada ay hindi naman pala tunay ang
pinakita niyang pagkatao sa akin. Basta naniniwala akong ang barkada ay
barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Pakikipagkaibigan lang ang
siyang alam kong kayang-kaya kong maisukli sa kaniya. Walang labis, walang
kulang. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng
pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan
ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay
naming dalawa.
Ngunit may mas malaking
problema ang dumating sa buhay ko na kahit sabihing napaghandaan ko nang
mangyayari ay sobra pa din akong nasaktan nang ito’y tuluyang nagkatotoo. Hindi
ang asawa ko ang naisip ko kundi ang mga kaawa-awang mga anak ko. Ayaw kong
matulad sila sa akin na naging magulo ang pamilya. Ang pinakamasidhing takot ng
ama ay ang matulad ang mahal niyang mga anak sa masasakit at mahihirap na
karanasan niya. Hangga’t maari ay ayaw kong maranasan ng mga anak ko ang mga
iyon ngunit sadya yatang mapaglaro ang tandhana sa akin. Sadya yatang hinahamon
akong subukin ang aking katatagan. Sobra akong nalungkot, grabeng sakit ng loob
na hindi ko mailabas sa mga panahong iyon. Hindi kayang maibsan ng sigaw at
pag-iyak ang naipong magkahalong galit, pagkamuhi, inis at sakit ng damdamin na
naramdaman ko laban sa asawa ko. Iniwan niya ang mga anak namin at ipinagpalit
lang ako sa pera. Ipinagpalit niya ang pamilya niya sa kaginhawaan. Labis akong
nag-alala para sa mga anak ko at hiniling ko sa kapatid ko na kung maari ay
mabawi niya ang mga anak ko sa mga biyenan ko. Kahit lahat ng sahod ko ay
mapunta sa kanila, kahit walang maiwan sa akin. Ang tanging pinahahalagahan ko
ay ang kinabukasan nila.
Sa gabing iyon ay gusto kong
maglasing. Gusto kong lunurin ng alak ang bigat ng dinadala ko. Naibuhos ko kay
Xian ang sakit ng loob ko. Nang malasing na ako ay sa kaniya ko inihinga lahat.
Sa balikat niya ako umiyak. Nakagagaan din pala sa loob na may hahaplos sa
likod mo kapag alam mong hindi mo na kaya. Sa buong buhay ko ay noon ko lang
naranasang umiyak na may yumakap sa akin na parang sinasabi niyang lahat ay
malalagpasan ko din. Yakap na nakapagbibigay ng kaginhawaan… ng seguridad na
hindi ako mag-iisa at kahit kailan ay hindi ako iiwan.
“Lahat tayo ay dumadaan sa mga
masasakit na pagsubok. Sa katulad natin na mga nasa ibang bansa, ang
pinakamasakit na dumadating sa buhay natin ay ang may magkasakit, mamatay,
makalimot ng tuluyan o kaya ay madisgrasiya na mahal natin sa buhay habang
malayo tayo sa kanila. Pera lang ang alam nating itapat sa lahat ng mga
nangyayaring iyon. Iyon lang ang alam nating itulong dahil hindi tayo agad-agad
makakauwi para sa kanila . Tibay ng loob lang ang tangi nating sandata. Iyon
lang ang kailangan natin dito sa ibang bansa. Kailangan natin ang sandosenang
lakas ng loob. Naiintindihan ko yung sakit. Hindi kabawasan ng iyong
pagkalalaki ang pag-iyak. Iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang
naiipong sakit sa dibdib mo lalo pa’t nasa ibang bansa tayo. Walang barako sa
ibang bansa lalo na dito sa Middle East ang hindi tinatamaan niyan. Lahat tayo
dumadaan sa ganyan at ang tanging paraan para maibsan ang dinadala nating
lungkot at hirap ay ang pag-iyak. Lumaban ka…ipakita mo sa kaniyang kaya mo.”
Iyon ang sinabi ni Xian sa akin na siyang parang nagpapagaan sa loob ko.
Wala akong maisagot dahil
punum-puno na ang dibdib ko ng galit, sakit ng loob at kabiguan. Napakarami ko
nang dinadala noon pa man at ngayon ko lang inilabas ang lahat. Ngayon lang ako
muling umiyak na naman. Tama siya, hindi kahinaan ang pag-iyak. Kahit noong una
ay naaalangan akong ipakita sa ibang lumuluha ako. Para sa akin noon, isang
kaduwagang maituturing ang pagluha. Ngunit kapag nasa ibang bansa ka pala iyon
lang ang puwede mong gawin para maibsan ang bigat ng iyong dinadala.
Noon ay lasing na ako kaya
lakas loob kong sinambulat sa kaniya ang naipon doong sakit. Hanggang hindi ko
na nakaya pa. Ngunit ramdam ko ang buong nangyari. Maaring lasing na lasing na
ako at hindi na kaya ng katawan ko ngunit hindi ang utak ko. Alam ng utak ko
ang buong pangyayari. Wala lang lakas ang katawan kong pigilan ang lahat.
Inaantok man ako at nahihilo ngunit ramdam ko ang ginawa niya sa akin.
Nagsimula iyon ng
halos matumba akong tumungo sa banyo. Hindi kasi siya gaanong uminom dahil
inalalayan lang niya ako. Sa tatlong shot ko, isa lang sa kaniya. Akala ko
hindi pa ako natamaan nang naiihi ako. Tumayo ako. Mabilis niya akong
inalalayan nang muntik na akong matumba. Akala ko hanggang sa pintuan lang ng
banyo ngunit hindi ko akalain na pati sa pagbaba ng zipper ko na alam kong kaya
ko pa naman ay siya na din ang gumawa. Naalala ko pa nga na pinilit kong tinanggal
ang kaniyang kamay sa zipper ko ngunit mapilit siya.
“Ako na, huwag kang mag-alala,
hindi ko bibigyan ng malisya. Ngayon ka pa ba naman mag-isip ng iba e higit
dalawang dekada na tayo magkakilala?” iyon ang alam kong sinabi niya. Kung nagkamali
man ako, alam kong iyon ang punto ng sinabi niya na dahilan para ipaubaya ang
pagbaba niya ng zipper ko.
“Ako na pha-re…” pagtanggal ko
sa kamay niya ngunit mabilis niyang inilabas ang tulog na ari ko sa aking maong
na short. Medyo nakaramdam ako ng
kakaiba noon. Tinulak ko ang kamay niya ngunit kasabay niyon ng parang biglang
pagkahilo ko. Iyon bang parang gumagana ang utak ko at may gusto akong gawin
ngunit hindi ko kaya dahil hindi ko kayang utusan ng tama ang buong katawan ko
na gawin ang nasa kung ano ang iniisip ko. Pagbalik namin sa kuwarto ay akbay
parin niya ako.
“Hinom pha tayo.. p-pha-re”
bulol kong wika.
“Hindi mo na kaya tol. Tama na.”
inagaw niya ang basong may alak sa kamay ko.
“Hiindhi thol! Hindi pa ako lashing! Khya kho
pa thol!” pangungulit ko.
“Hindi na nga. Pahinga ka na lang.
Halika ka’t ipahiga kita sa kama mo.”
Kahit pumipikit na ang mga mata
ko ay nakita ko siyang nakatitig sa aking mukha. Lumapit siya sa akin. Pinatayo
niya ako at inalalayan hanggang sa aking kama. Dahil sa bigat ko siguro ay
natumba kaming dalawa sa aking kama at natungan niya ako. Hindi muna siya noon
kaagad tumayo. Nakatitig lang siya sa aking mukha. Itinulak ko siya noon
maalala ko ngunit mas malakas siya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang labi
niya sa aking labi. Noon ay buong lakas ko siyang itinulak.
“Bhakit moh ako hinalikan tol? Pwe!
Pwe!” Nagdudura ako. Nandiri ako sa ginawa niyang paghalik sa aking labi. Kung
nakakatayo lang ako noon ay baka nasuntok ko siya ngunit kahit gusto ng utak ko
ay hindi talaga kinakaya ng katawan ko. Muli akong napapikit. Ngunit hindi!
Hindi ako puwedeng makatulog at baka ano ang magawa niya sa akin. Pinilit kong
tumayo at bumangon ngunit napasalampak ako sa sahig. Pinilit niya akong
patayuin ngunit tinulak ko ang kamay niya.
“Huwag khang lumapit! Huwag mo
akong Hawakhan!”
Ngunit mapilit siya at kasabay iyon
ng parang umiikot na ang paligid ko. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang inihiga
niya ako sa kama. Ilang sandali pa ay lumabas siya ng kuwarto at hinayaan kong
gapiin ako ng hilo ngunit tumatakbo parin ang utak ko. Inaantok ang pakiramdam
ko ngunit hindi ang takbo ng utak ko.
Naramdaman ko ang mainit-init
na towel sa mukha ko. Sa dibdib ko… sa tiyan… at naramdaman kong tinanggal niya
ang short ko. Hanggang sa may kakaibang sensasyon nang mailapat ang maligamgam
na tuwalya sa hita ko pataas doon. Nang makaramdam ako ng malambot na labi sa
labi ko ay naitulak ko ang mukha niya. Kung noon ay aksidente ang pagdampi ng
labi ko sa labi niya nang sinubukan ko siyang yakapin para magpasalamat, alam
kong hindi ito aksidente lang. Sinadya na niya ang paghalik sa akin. Walang
nagawa ang paggalaw ng aking ulo para tuluyan niyang itigil iyon.
“Ha-nong ginagawa mo sa akin
p’re.” Gusto kong malaman niya na kahit lasing ako ay alam kong hindi tama ang
ginagawa niya sa akin ngunit parang wala siyang narinig. Naramdaman ko ang
mainit niyang palad na pumasok sa aking brief at sapulna sapol niya ang alaga
ko, hinahaplos niya iyon, marahan niyang sinalsal at sa tulad kong walang sex
na higit anim na buwan ay mabilis iyong lumaban sa binigay na sensayon. Kahit
sabihin pang haplos ng kapwa ko lalaki, ang mahawakan iyon ng ibang palad ay
iba ang magiging dating. Napapikit na lang ako sa hatid nitong kakaibang
sensasyon. Ngunit hindi tama iyon. Alam ng utak kong nakakadiri yung ginagawa
niya sa akin ngunit nang maramdaman ko ang dila niya at manit na bunganga na
sumubo sa akin ay parang lahat ng pagtanggi ay ginapi ng kakaibang sarap. Alam
kong hindi buong tanggap ng utak ko ngunit ano ba ang kaya nitong gawin kung
tuluyan ng ginusto ng buo kong katawan. Napapikit ako. Hindi na si Tol Xian ang
nasa isip ko ng mangyari iyon. Babae ang naglalaro sa isip ko. Babae ang
sumusubo sa aking kargada. Dinadamdam ko ang kakaibang kiliti, ang kakaibang
paghagod nito mula dulo hanggang sa puno. Napadaing ako sa kakaibang sarap. At
alam ko, bago ako tuluyang nakatulog ay pumutok ang katas. Lalo akong nanghina
at dahil nademonyo ng alak ang utak ko ay parang sa sandaling iyon ay okey lang
ang nangyari ngunit paggising ko kinaumagahan ay alam kong hindi iyon tama.
Iyon ay isang kamalian. Isang nakakadiring kamalian.
Kinabukasan ay wala na siya.
May nakalagay na note sa mesa.
“James, (Naisip ko, walang na ang
tawagan naming tol)
May Advil dito. Mag-almusal ka na
muna bago mo inumin ito. Mas mainam din na uminom ka ng uminom ng malamig na
tubig para matanggal ang hang-over mo. Ingat sa pagpasok.
See you mamayang gabi.
Xian.
Pinunit ko ang sulat sa
pinakamaliliit na piraso. Nakaramdam ako ng pandidiri. Naligo muna ako at
lumabas. Nag-almusal ako sa Pilipino Souq sa Pinoy Bakery at dumaan ng Panadol
para sa sakit ng aking ulo. Tumunog ang cellphone ko. Si Xian. Pinatayan ko
siya.
Nang nasa trabaho ako ay hindi na
ako mapakali. Nagkakaproblema na nga ako sa pamilya ko at heto pa ang isang
problema. Ang taong tumulong sa akin, nag-alaga, kaibigan at kasama sa bahay ay
isa sa mga kinasusuklaman kong alanganin. Ngayong tuluyan ko nang alam na
ganoon siya ay parang tumigil na ang ikot ng aking mundo. Siya na lamang ang
tanging pamilya ko dito. Siya lang ang kaibigan ko. Siya ang taong
napagsasabihan ko ng lahat lahat tapos, ganito pa ang nangyari. Pakiramdam ko
ay parang wala na akong ibang matatakbuhan pa.
Ilang tawag pa niya ang hindi ko
sinagot at mga text na hindi ko na pinag-aksayahan ng panahong basahin.
Dumating ako kinagabihan na
parang pasan ko ang daigdig. Tulad ng dati, may mga masasarap na namang pagkain
na nakahain. Hinihintay na naman niya ang pagdating ko. Iniwasan ko siyang masalubong ang kaniyang
mga tingin. Alam kong ramdam niya iyon ngunit sadya yatang may kakapalan ang
mukha ng mga katulad niya. Kahit gutom ako ay wala akong ganang kumain. Wala
akong panahong kausapin siya. Galit ako sa ginawa niya sa akin. Nasusuklam ako.
“Kain na tayo. Nagluto ako ng
paborito mong ginataang kalabasa at sitaw, pritong isda at dumaan na din ako
diyan sa baba ng papaitan.” wika niya ng nakapagpalit na ako ng pantulog. Hindi
na ako naghubad ng damit. Mahirap na. Asiwa na din akong maghubad sa harapan
niya.
“Hindi ako gutom. Ikaw na
lamang ang kumain. Gusto ko ng magpahinga. Huwag mo na lang akong kausapin.”
Hindi ko siya tinignan. Mabigat ang bawat bitaw ko. Gusto kong kahit papaano ay
kausapin siya ng matino ngunit nangingibabaw talaga ang inis ko.
“Saan ka naman kumain. Huwag
kang matulog na walang laman ang tiyan mo. Kahit konti lang.” pakiusap niya.
Hindi na ako sumagot. Ni hindi ko
nga siya tinapunan ng tinin. Humiga ako. Binalot ko ng comforter ang katawan
ko. Baka mamaya dakmain niya pa ako.
“Sayang naman yung mga niluto ko.
Saka bawal daw na pinaghihintay at hinihindian ang grasya.” Pangungulit niya.
“Sinabi ng huwag mo muna akong
kausapin.”
Bumuntong hininga siya. Umupo sa
gilid ng aking kama.
“Galit ka ba sa akin James?”
nanatiling mapagkumbaba ang tono niya.
“Makulit ka din ano?
Nakakaintindi ka ba? Marami na akong iniisip at sana lang, huwag mo ng dagdagan
pa. Please!”
“Dahil ba ito sa nangyari
kagabi?”
“Tang-ina naman oh… uulitin ko
ha…huwag na huwag mo na muna ako kausapin!” Tumayo ako. Gusto kong palampasin
ang galit ko. Binalabag ko ang pintuan ng kuwarto namin.
Pumasok ako sa banyo at nagshower.
Kung sana mapalamig ng ulo ko ang malamig na tubig na nanggagaling sa faucet.
Niloko niya ako. Sa tagal naming magkaibigan sana binigyan niya ng halaga iyon.
Sana nirespeto niya ako kahit pa sabihing lasing na lasing ako. Alam naman
niyang babae ang trip ko at hindi ang kagaya niya. Napapamura ako sa inis
habang hinuhugasan ko ang kargada kong buum-buo niyang isinubo kagabi. Sa
tuwing naalala ko ang ginawa niya ay nangingibabaw talaga ang pandidiri. Parang
kapatid ko na ang gumawa sa akin ng ganoon!
Pagpasok ko sa kuwarto ay wala
na ang nakahain na pagkain. Nakahiga na rin siya at nakatalikod. Alam kong
umiiyak siya dahil sa naririnig ko ang kaniyang paghikbi. Ang paghikbing iyon
ay tuluyang natigil nang narinig niya ang langitngit ng aking kama dahil sa
paghiga ko. Siguro ay nahihiya siyang malaman ko na iniiyakan niya ako kaya
minabuti na lang niyang itigil iyon.
Kahit anong pilit
kong matulog sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Alam kong ganoon din si
Xian dahil nararamdaman ko ang paglabas-masok niya sa kuwarto. Binalot ko na
din ng comforter ang aking katawan at inilagay ang unan sa tapat ng aking
kargada. Malay ko ba. Mahirap na. Hindi na lamang ako gumagalaw para akalain
niyang tulug na tulog ako at bago matapos ang gabing iyon ay nagdesisyon na ako
sa dapat kong gawin.
Kinaumagahan pagkapasok niya sa
trabaho ay namili na ako ng mga sarili kong gamit sa pagluluto. Bumili ako ng
sarili kong bigas, ng mga sarili kong abasto na pagkain at lahat ng mga damit
ko marurumi ay inipon ko na sa labas ng kuwarto. Nilagyan ko sa ibabaw nito ng
note na “Huwag Pakialaman”. Inilagay ko ang mga aparador sa gitna ng aming mga
kama para may dibisyon kaming dalawa. Bago ako pumasok sa araw na iyon ay
nag-iwan ako sa kama niya ng pera at
sulat na nagsasabing iyon ay bayad ko sa pagtira ko sa kuwarto niya. Iyon ay
kalahati lahat ng naitabi ko sa walong
buwan. Ayaw ko ng umutang sa kaniya ng kahit na ano…pera man, serbisyo o utang
na loob.
Hindi ko alam ngunit nakadama
ako ng pagsisisi sa ginawa ko noong nasa trabaho na ako. Inisip ko lahat ng mga
ginawa ni Xian sa akin ngunit sa tuwing bumabalik sa isip ko ang sakit ng
pinagdaanan ko dahil pagiging bakla ni kuya ay naisip kong tama lang ang ginawa
kong pag-iwas sa kaniya ng tuluyan.
Pagdating ko sa bahay
nang sumunod na gabi ay wala siyang imik na nakatingin sa akin. Nakapagluto na
siya at nakahain na iyon sa maliit naming mesa.
“Kain na tayo.” Yaya
niya sa akin na parang walang nagyari. Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga
siya.
“Huwag na. May naluto
na akong pagkain ko. Iinit ko na lang. kung tapos ka na kumain sabihin mo lang
at susunod na lang ako mamaya.” Seryoso kong tugon sa kaniya. Kinuha ko ang
ulam ko sa ref. Lumabas ako sa kuwarto at inilagay ko sa oven ang ulam.
“Ano itong ginagawa mo James?”
tanong niya. Sumunod din pala siya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Tuloy lang
ako sa ginagawa kong pag-init ng ulam.
“Hindi mo naman kailangang
bumukod e. Nakapagluto na ako. Hinintay kita. Hindi pa din ako kumakain.”
“Mula ngayon, hindi mo na ako
dapat hintayin. Huwag mo ng pakialaman ang madudumi kong mga damit. Huwag na
huwag kang pumasok sa teritoryo ko. Bayad na ako sa iyo. Yung renta ko sa buwan
na ito ibibigay ko sa iyo sa katapusan.”
“Hindi kita sinisingil. Saka
bakit mo ba ginagawa ito? Pinapahirapan mo ang sitwasyon nating dalawa.”
“Pinapahirapan? Ikaw ang
nagsimula ng lahat ng ito. Huwag kang magkunwari na walang problema dahil alam
mong meron. Huwag mong isiping walang nabago sa atin dahil alam mong mula’t
sapol ay galit ako sa katulad mo. Huwag kang mag-ilusyon na matanggap kita
dahil kahit kailan Xian ay hindi mangyayari iyon.”
“Gano’n n lang ba iyon? Nang
dahil lang sa nangyaring iyon lahat ng pinagsamahan natin, ga’nun na lang ‘yun?
Pasensiya ka na. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. Hindi na mauulit.
Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin dahil sa nangyaring iyon kagabi.”
“E, tarantado kang bakla ka e.
Siguro naman patas na tayo, tinulungan mo ako pero binaboy mo ako at tinikman.
Di ba kaya mo ako pinapunta dito para matikman ako. ‘Lang ya! Kung alam ko lang
sana pagdating ko pa lamang ay ginawa mo na iyon at hindi mo na kailangan pang
lasingin ako. Ibigay ko iyon nang hindi ka na umasta pang mabait, matulungin at
parang asawa ko. Sana din lang ay hindi na ako naniwalang mabait ka lang talaga
kaya mo ginawa ang lahat ng ito sa akin. Kaya mo akong ahasin e tropa mo ako
mula pagkabata. Nagkunyarian ka pang mabait at matulungin iyon pala may iba ka
lang talagang gusto. O, ngayon nakuha mo na ang gusto mo. Siguro naman hahayaan
mo na lang ako.”
“Gano’n ba ang tingin mo sa
akin? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa katulad ko James?” nangilid ang luha
niya.
“At anong gusto mong
tingin ko sa ginawa mo? Dapat bang palakpakan kita at sabihing “Wow, ang tropa
ko binabae!” Kung sana marunong kang magpahalaga ng pagkakaibigan at pinagsamahan,
sana hindi mo ginawa ang ginawa mo sa akin kagabi. Ngayon, tatanungin mo ako
kung bakit ganoon na lang kababaw ang tingin ko sa’yo?”
Hindi siya sumagot.
Umagos ang luha sa kaniyang pisngi. Tumalikod siya. Pumasok sa kuwarto. May
kaunting kirot sa didbdin akong naramdaman. Isang kurot na parang sakop ang buo
kong pagkatao. Ngunit iyon ang alam kong dapat. Iyon ang alam kong tama para sa
katulad niya. Gusto kong kamuhian niya ako. Magalit siya sa akin ng tuluyan
para siya na mismo ang magpalayas sa akin at tuluyan na din akong makalipat ng
tirahan. At marami pa akong naging plano na siyang lalong nagpatindi ng
paghihirap niya at pasakit. Alam kong sa paraang ganoon ay tuluyan na niyang
kalimutan kung anuman ang maaring nararamdaman niya sa akin. Tutulungan ko
siyang kalimutan niya ang maling pagkagusto niya sa akin kapalit man ng tuluyan
niyang paglayo at pagkamuhi sa akin. Simula palang iyon. Madami pang mas
masasakit siyang pagdadaanan at hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya
niyang gawin para sa akin.
No comments:
Post a Comment