By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Xian’s Point of View
Hindi naging madali ang lahat
lalo na ang pagbabalat-kayo. Hindi natuwa ang mga kaibigan ko sa ginawa ko lalo
pa’t pati sila ay naoobligang magpakalalaki kung kaharap si James. Dahil sa
pagtatago ay hindi na din nila na-eenjoy na kasama ako. Hindi na nila nagagawa
ang gusto nilang gawin sa bahay at halos walang gustong magsalita kung kaharap
si James. May mga sandaling kapag wala pa si James ay masaya kaming magbibiruan
ng kabaklaan, nailalabas namin ang totoong kami ngunit kung bubulaga na si
James sa pintuan ay magbabagong anyo kaming lahat. Tuluyang matatahimik ang
kuwarto hanggang sa isa-isa na din silang magpapaalam. Dumating ang araw na
halos hindi na rin nila ako nabibisita hanggang sa bihira na din akong sumama
pa sa kanilang mga lakad. Pagkaraan ng ilang Linggo pa, halos hindi ko na din
kilala pa ang sarili ko.
Nagbuhay prinsipe si James sa
piling ko. Bago ako papasok sa trabaho ay inihahanda ko na muna ang lahat mula
almusal hanggang mga damit, medyas, sapatos at panyo niya. Yung paggising niya
sa umaga, ang gagawin na lang niya ay papasok lang sa banyo at paglabas kakain at
magsusuot na lang ng inihanda kong damit niya. Magkaiba kami ng work schedule.
Sa umaga ako dahil nga sa opisina lang ako at hanggang walong oras lang ang
trabaho ko. Sa hapon naman siya hanggang alas-onse ng gabi. Kaya nga sa umaga
pag-alis ko ay tulog pa siya at pagdating ko naman ay magluluto na ako at
hihintayin ko pa siya na dumating sa gabi para kasabay magdinner. Minsan
umaabot na ako ng alas-dose sa kahihintay pero kumakain na lamang ako ng kaunti
at iidlip habang naghihintay sa pag-uwi niya.
“Tol, hindi mo naman kailangang
gawin ang lahat ng ito. Naiilang na tuloy ako sa sobrang kabaitan mo sa akin.
Mula paglalaba ng damit ko, pati nga ang brief ko ay ikaw na ang gumagawa.
Puwede bang ako na lang ang bahala sa sarili ko?” pakiusap niya nang isang araw
na wala kaming pasok na dalawa.
“Huwag mo ngang isipin ‘yan
tol. Maliit lang na bagay ang mga ‘yun. Ang iniisip ko lang naman ay mas
mabigat ang trabaho mo sa akin. Mas mahirap din ang schedule mo. Saka gusto ko
kasi yung may ginagawa ako lagi nang hindi ako naiinip.” sagot ko sa kaniya.
Ngunit, ang totoo ay kahit sa mga ganoong paraan ay maiparamdam ko sa kaniyang
mahal ko siya at kung hindi man ay masaya na akong pagsilbihan ang taong mahal
ko.
“Pero tol, hindi naman tayo
mag-asawa para gawin mo mga yan sa akin. Isa pa, hindi na ako sanay na
pinagsisilbihan ako. Sa tagal nga namin ni Cathy, ni hindi niya ginawa sa akin
ang mga bagay na ginagawa mo ngayon sa akin. Nasanay akong ako ang gumagawa ng
lahat ng iyan sa sarili ko.” Pamimilit niya sa akin.
“Tol naman, hayaan mo na ako.
Okey lang naman sa akin. Wala kang dapat ipag-alala sa akin. Kaya ko ‘yan at
huwag ka ng mahiya dahil tayo lang dalawa ang magkasangga dito.”
“Nakakaasiwa kasi na ibang tao pa
ang maglalaba ng mga nadumihan ko, na kung tutuusin ay kaya ko naman talagang
gawin. Pag-uwi ko dito pati nga sa araw ng day-off ko, wala akong ginagawa kasi
hindi ko na mahagilap ang mga nagamit kong damit at hayun nga’t nalabhan na
pala. Mamaya niya’n magiging tuluyan na akong tamad.”
“Basta ako ng bahala
sa mga ‘yan. Kita mo namang wala akong ibang magawa dito sa kuwarto kundi ‘yan.
Kung sana parang Pilipinas lang dito na maraming puwedeng gawin ay sigurado
hindi ko pakikialamang labhan ang mga damit mo.”
“E, kasi..”
“Sus, tapos ng usapan
tol.”
Tumingin siya sa
akin. Dinig ko ang pagbunot niya ng malalim na hiningi at kasabay no’n ng
pag-iling ngunit hindi na siya nagsalita. Kilala niya kasi ako na kapag ako ang
nag-alok, huwag ka ng kokontra dahil gagawin at gagawin ko parin ang alam kong
gusto ko basta hindi naman makakasama sa ibang tao.
“Ano? Okey na?” tanong ko sa
kaniya.
` “E, para namang may magagawa pa
ako. Kilala na kasi kita tol. Ang sa akin lang kasi ayaw kong magiging sobrang
pabigat ako sa iyo lalo na andami ko ng utang na loob sa iyo. Nahihiya na kasi talaga ako. Nakakabawas ng
bayag. Akalain mong pati bayad sa bahay at kahit pagshare sa pagkain ay ayaw
mong tanggapin. Totoo niyan, hiyang-hiya na talaga ako sa’yo.”
“Ano ka ba. Wala wala nga ‘yun.
Huwag mo na kasi isipin yung mga bagay na ‘yan. Isa pa, tinulungan na kita kaya
lubus-lubusin ko na. Kahit naman nung wala ka, ganun din lang naman ang bayad
ko dito sa kuwarto at yung pagkain naman, magkano lang naman ‘yun. Tol, ang
isipin mo na lang ay ang panggastos mo sa pamilya mo.”
“Kahit yung renta na lang ng bahay
ang pababayarin mo sa akin.”
“Huwag na nga tol. Hindi ako
maghihirap sa 800 Riyals mo. Kapag ipadala mo ‘yan sa anak mo tumataginting din
yan na sampung libo sa pera natin kaya ibigay mo na lang sa kanila o ipunin
para sa pag-aaral nila.”
Tumingin siya sa akin. Parang
may gusto siyang gawin na hindi niya alam kung tama lang bang gawin niya.
Nakita ko kasi na parang hindi siya mapalagay. Tatayo na ako nang bigla din
siyang tumayo at niyakap niya ako. Muling naulit ang nangyari noong grade four
kami. Hindi ko napaghandaan ang pagyakap niya kaya nataranta ako at dumampi ang
labi niya sa gilid ng labi ko pero alam kong para sa kaniya aksidente lang ang
nangyari. Ngunit para sa akin hindi lang
na naman aksidente ang nangyaring iyon. Muli kong naamoy ang mabango niyang
hininga na naghatid sa akin sa kakaibang kaluwalhatian. Ang lambot ng labi niya
sa gilid ng labi ko ay parang nagdala ng libong boltahe sa aking kabuuan. Kahit
mabilis niyang tinanggal na para bang biglang nandiri sa pagkakalapat ng
kaniyang labi sa gilid ng aking labi ay tuluyan na nitong sinakop ang aking
kabuuan.
“Sorry tol. Muntik pa
yata kitang mahalikan.” Paghingi niyang ng paumanhin. Pinunasan ang nguso na
para bang nandiri sa muntikan ng mangyari.
Hindi ako nakasagot
dahil nabibigla ako sa naganap na iyon.
Muli siyang lumapit
at niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong para sa kaniya ang pagdampi ng aming
mga dibdib at ang paglapat ng kaniyang buong katawan sa katawan ko ay isang
pasasalamat ngunit sa akin ay nagdala ng isang kalibugan.
“Salamat tol… ikaw talaga ang
tanging savior ko. Mabuti na lang nandiyan ka dahil kung hindi, baka sa
kahirapan parin ako nakasadlak ngayon.”
“Sus drama naman ‘yan tol.
Hindi bagay sa’yo.” Gusto ko lang mawala ang tensiyon. Mabawasan ang
nararamdaman kong kakaiba.
“Seryoso ako tol. Anlaki ng utang
na loob ko sa’yo. Sana makabawi-bawi din ako baling araw.”
“Sabi ko naman sa’yo,
okey lang iyon…ikaw talaga kung ano kadramahan ang nalalaman mo.” Kailangan
kong ilayo ang katawan ko dahil bigla kong naramdaman na nagagalit na ang aking
kargada.
Ayaw kong maramdaman
niya na ang simpleng yakap ng pasasalamat ay nagiging sanhi ng pagwawala ng
alaga ko. Sa haba at taba ay siguradong hindi ko iyon maipit at maitatago sa
kaniya. Kaya bago huli ang lahat ay tumalikod ako, inabot ang tuwalya at mabilis
na akong tumungo sa banyo. Pagbalik ko pagkatapos ng sapilitang paliligo para
mawala ang init at tensiyon na naramdaman ko ay nakahiga na siya sa kaniyang
kama at humihilik na siya. Tulad ng nakagawian niya, nakabrief lang siyang
matulog. Nasipa siguro niya ang kumot kaya kita ang buong katawan pati ang
bumubukol sa harapan niya. Napalunok ako.
Pinagmasdan ko siya. Sa ilang
Linggong pamamalagi niya sa Qatar ay bumalik na ang dating kulay niya at
kakisigan. Napakagwapo niya na parang isang Adonis na mahimbing sa
pagkakatulog. Impis ang makinis na tiyan at maumbok ang mga masel sa kaniyang
dibdib na nabanat dahil sa hirap ng kaniyang trabaho sa Pilipinas. Napalunok
ako ng makita ang bumubukol doon na tinatakpan ng masikip niyang puting brief.
Gaano kaya iyon kalaki?
Narito lang sa loob
ng kuwarto ko ang lalaking pinagnasaan ko mula nang kabataan ko. Abot kamay ko
lang ang lalaking pinangarap kong makasama habang-buhay. Ngunit pakiramdam ko
ay milya parin ang layo namin sa isa’t isa. Hindi ko puwedeng angkinin, hindi
ko kayang abutin at tanging ang panakaw na tingin na lamang ang siyang kaya
kong gawin. Dahil malamig ang buga ng aircon ay naisipan kong itaas at kumutan
siya, pagkuha ko ng kumot ay bigla siyang gumalaw at nadaganan niya ang kamay
ko ngunit sapol iyon sa kargada niya. Dama ko ang matigas niyang ari sa ibabaw
ng kamay ko. Sa tulad kong bihasa sa sukat kahit haplos lang ay alam kong isa
iyon sa mga pinakamalaking naidampi sa aking kamay. Lalong nag-init na ang
aking pakiramdam. Nanginginig ang buong katawan ko. Alam kong gahibla na lang
ang naiiwang lakas sa akin para makontrol ko pa ang aking kabaklaan.
Kahit gaano kasarap
ang maramdaman ang bumubukol na iyon na nakadampi lang sa aking kamay ay
kailangan kong tanggalin. Kung hindi ko gagawin iyon ay alam kong tuluyan ng
gapiin ng nagdedemonyo kong pagnanasa ang aking katinuan.
“Ohh, ano yan tol!” paanas
niyang tanong dahil naramdaman niya ang paggalaw ng kamay ko doon mismo sa
tapat ng ari niya.
Biglang para akong pinagpawisan
at di ko alam ang isasagot ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.
“Kuwan, kasi!”
“Anong ginagawa mo sa
kama ko at bakit nandiyan ang kamay mo?” ibinangon niya ang kanyang ulo sa
unan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Naroon ang galit ngunit mas
nangingibabaw ang pagtataka sa kaniyang mukha.
“Yung… yung kumot mo,
ayusin ko sana pero nang itaas ko para ikumot sa iyo dahil malamig ang buga ng
aircon e gumalaw ka kaya nadaganan mo ang kamay ko.”
Inirapan niya ako ng bahagya
saka niya kinuha ang kumot at tinalukbong sa hubad niyang katawan. Tumagilid
patalikod sa akin.
“Akala ko kung ano ginagawa mo.
Matulog ka na din.”
Ako man din ay biglang bumalik
sa katinuan ngunit hindi ang init sa katawan. Sasabog na ako. Kaya kahit tapos
na akong maligo ay bumalik parin ako sa banyo at nagsariling sikap. Ngayon ay
mas may iniisip na akong sukat nang naramdaman ko kanina sa aking kamay. Iyon
naman ang tangi kong laging puwedeng gawin. Ang amuyin ang brief niya at
pinangarap na siya ang inaamoy ko habang nag-aalis ng libog. Iyon lang kasi ang
tanging paraan para hindi ako mademonyong galawin siya. Napakalaki ng
naitutulong niyon para hindi ko masira ang pagkakaibigan namin. Ayaw kong iwan
niya ako. Sapat na sa akin ang kasama ko siya kahit ganito lang, ang
napagsisilbihan siya higit pa sa asawa. Hindi ko na inisip pang makuha ang
pagmamahal niya dahil alam kong ang tulad ko, hindi maaring mahalin ng straight
na katulad niya. Madami na kasi akong karanasan sa straight dito sa Qatar.
Karamihan kasi o halos lahat, peperahan ka lang, magpagamit sa iyo pero may
kapalit iyon. Huwag kang umasang mamahalin ka niya dahil mahal lang niya ang
mayroon ka ngunit hindi ikaw at pagkatapos ng lahat, kapag makuha ang gusto o
wala kang maibigay, hahanap iyan ng ibang huhuthutan ngunit sa huli, sa piling
parin ng babae siya tunay na sasaya at pagdating ng araw, sa babae parin
ikakasal…at ikaw, isa ka lang sa mga bakklang ginamit niya sa materyal niyang
pangangailangan.
Ngunit iba si James. Espesyal
siyang straight sa akin. Kahit ano pa ang gagawin niya, kahit habang-buhay ko
siyang pagsisilbihan na walang sex, kahit kaibigan lang ang turing niya sa akin
ay hinding-hindi ako makapapayag na muli na naman kaming magkakalayo. Alam kong
lumalabas na ang katangahan ko. Iyon naman lagi ang sinasabi sa akin nga mga
kaibigan ko..tanga akong nagmamahal sa straight…nagmamahal sa lalaking hindi
niya alam na mahal ko siya. Ngunit ano bang magagawa nang pusong lubos na nagmamahal?
Sa ganitong paraan ako masaya. Hangga’t kaya ko ay pagsisilbihan ko siya.
Maaring pagtatawanan ako ng iba. Sigurado ding kinukutya na ako sa ginagawa
kong kabobohan ngunit kung dito ako masaya, anong karapatan ng ibang husgahan
ako? Kung napapagod man ako o maghihirap, anong karapatan nilang sumbatan ako?
Sarili ko ang masasaktan, ako ang mahihirapan at ako din ang mapapagod ngunit
sana naisip ng lahat na kahit ganoon ang tingin nila ay alam kong iyon lang ang
tanging nakapagbibigay sa akin ng ligaya. Oo nga’t puwede namang may karelasyon
akong paminta din o bakla na siyang magmamahal at tatanggap sa akin ngunit
aanhin ko naman ang pagmamahal at pagtanggap na iyon sa akin kung hindi naman
ako masaya o kung hindi ko naman mahal. Hindi ako yung tipong pinipilit ang
sariling tanggapin at mahalin ang isang taong alam kong hindi ko magugustuhan.
Oo maaring martir ako o tanga ngayonngunit hindi naman ako manloloko para pati
sarili ko ay kailangan kong lokohin. Hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko sa
alam kong ayaw ko. Di ba natural lang na doon tayo sa kung sino ang mahal natin
at hindi na minsan mahalaga kung ano pa siya, bakla, straight, paminta o kahit
pa transgendered. Di ba ang importante ay yung naramdaman natin? Ganoon ako
mag-isip dahil tinatalo ng puso ko ang tamang direksiyon ng utak. Ginapi ng
tuluyan ng puso ko ang tamang pag-iisip. Mas pinakikinggan ko ang tibok ng
aking puso kaysa sa sigaw ng aking utak.
Mabilis ang pagdaan ng araw.
Anim na buwan na si James noon sa Qatar.
At siyempre, anim buwan na din akong tigang. Anim na buwang nagtimpi at
nagtiis. Anim na buwang nanilbi at nagmahal na walang hinintay na kapalit at
halos lahat ng mga kaibigan ko ay tuluyan na ding hindi ko na mahagilap. Kailangan ba talaga na
kapag magmahal ay may mga bagay na kailangang isakripisyo?
Isang araw pag-uwi ko
galing sa trabaho ay nagulat akong nadatnan ko siya sa bahay. Malalim ang
iniisip at nakita kong mamasa-masa ang namumula niyang mata. Naisip kong
mabigat ang problema nito dahil hindi na siya pumasok pa sa kaniyang trabaho.
Nakiramdam muna ako. Gusto kong hayaan siyang ibahagi kung gusto niya ang
anumang gumugulo sa kaniya.
“Gusto kong uminom. Gusto kong
maglasing. May alam kang makukuhaan natin ng alak?” tanong niya. Naroon parin
ang lungkot sa kaniyang mga mata.
“May mga kaibigan akong
lisensiyado.” Sagot ko.
“Pakuha ka, ako na
magbayad tol.”
“Sige, tatawagan ko
yung isa para magpabili ako sa kaniya.”
Nagluto muna ako ng aming
panggabihan at pulutan. Hinayaan ko na muna sa kaniyang higaan. Nang
nakapagluto na ako at yayain siya ay sinabing wala daw siyang ganang kumain.
Naisip kong malubha nga ang problema niiya. Kalahating oras pa at dumating na
ang alak. Pagkatapos kong magshower ay hinanda ko na an gaming iinumin.
Naghubad siya ng damit nang magsimula kaming uminom. Nandoon na naman ang kabog
sa aking dibdib. Sana kakayanin ko pa lahat ang mga tuksong ito. Tahimik parin
siya at hindi din muna ako nagtanong. Hinayaan ko lang muna siyang tumungga at
nang alam kong umepekto na ang alak ay nagsimula na din siyang maglahad ng
niloloob niya.
“Sira na ang pamilya ko tol.”
“Anong nangyari? Makikinig ako.
Sabihin mo lahat sa akin. Pag-usapan natin lahat. Makakatulong yan para gumaan
ang pakiramdam mo tol.”
“Sumama ang asawa ko sa isang
mayamang lalaki. Iniwan ang mga anak ko sa mga magulang niya at hindi ko alam
kung paano na sila ngayong malayo ako at iniwan pa sila ng mama nilang puta.
Ansakit- sakit pare. Parang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masakit na
ngayon pa nagluko ang asawa ko ngayong kaya ko nang ibigay ang financial na
pangangailangan nila. Ngayon pa na wala akong magawa dahil ilang milya ang layo
nila sa akin. Wala akong kayang gawin kundi ito, nagngingitngit sag alit. Hirap
pala neto tol, ang sakit-sakit at punumpuno ng galit ang dibdib ko kaso wala
akong magawa dahil nandito ako at naroon siya. Kahit anong gawin ko ngayon,
kahit anong sasabihin ko tol ay hindi niya iyon alam at nakikita. Parang
sasabog ang dibdib ko. Bakit itinaon pa niyang maglandi ngayong wala ako para
sa mga anak namin. Bakit sinabay niyang iwan ang mga anak naming sa panahong
wala ako dun. Kung dati ay halos wala na akong maramdaman na pagmamahal sa
kaniya, ngayon naman ay tanging galit at pagkamuhi ang nasa dibdib ko.
Sinusumpa ko siya at kung kayamanan ang dahilan niya para iwan niya ako,
ipapamukha ko sa kaniyang magkakaroon din ako ng pera at magiging maganda ang
kinabukasan namin ng mga anak niya.”
“Tama ‘yan tol. Huwag mong hayaang
masira ka ng tuluyan bagkus lumaban ka. Gawin mong hamon ang ginawa niya sa iyo
para umangat. Babalikan ka no’n kapag nakita niyang nakaya mong paunlarin ang
buhay ninyo nang wala siya.”
“Babalikan? Sa tingin mo
mababalikan pa niya ang dati na niyang iniwan? Wala na siyang babalikan pa,
tol. Punum-puno na ako sa kaniya. Baka nga masaktan ko siya kung magpakita pa
iyon sa akin.”
“Anong balak mo ngayon?” tanong ko.
“Kailangan kong mag-ipon tol.
Kailangan kong kumita para sa mga anak ko. Ayaw kong mapagdaanan nila ang
napagdaanan ko na nang nawala si nanay ay nagkaletse-letse na ang buhay ko.
Gusto kong makapg-ipon ng sapat para sa amin. Kahit magkaroon lang ng kaunting
negosyo pagbalik ko basta ang importante hindi kami muling magkakalayo ng mga
anak ko. Kailangan nila ako doon.”
Gusto kong sabihin na, paano ako?
Kailangan din naman kita dito? Ngunit siyempre, hindi ko kayang sabihin iyon sa
kaniya.
“Kaya mo yan tol. Iyon na ang
pinakamabisa mong gawin ngunit sa ngayon simulan mo na lamang na kalimutan si
Cathy. Alam kong mahirap sa una ‘yan ngunit pasasaan din at magiging maayos din
ang lahat. Huwag kang patalo sa lungkot ditto sa ibang bansa dahil kung mahina
ka dito, buum-buo kang lalamunin niyan.”
“Salamat tol. Kahit papaano
nailalabas ko ang sakit ng loob ko.”
Lumalim ng lumalim ang gabi
kasabay din ng pagdami ng aming nainom. At isang pagkakamali ang aking nagawa.
Pagkakamaling naitulak ng kalasingan. Pagkakamaling nagpabago sa takbo ng buhay
namin. Ang nangyaring iyon ang siyang
naging mitsa para mabuksan nang tuluyan ang mga lihim sa pagitan namin.
Nailabas ang matagal kong itinatago. May sandaling naramdaman ko ang
kaluwalhatian ng ligaya ngunit may kaakibat namang kakaibang sakit. Nagsimula akong lumuha. Nagsimula akong
tinibag ng kakaibang pagkabigo at pasakit. Nagsimulang gumuho ang dati’y
tahimik kong mundo. Ngunit mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya na parang
nakahirap ko siyang tiisin
No comments:
Post a Comment