Tuesday, January 15, 2013

Straight 06

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


James’ Point of View
                Sa bahay na tinitirhan namin ay may dalawang kuwarto. Nirerentahan naming dalawa ni Xian ang isa at ang isang kuwarto naman doon ay isang Pinay.  Hindi din naman kagandahan at may naiwang asawa at tatlong anak sa Pilipinas ngunit hindi naman karelasyon ang habol ko kundi kausap at kaibigan habang magulo palang kami ni Xian. Sa katulad kong may iniisip na mga suliranin kailangan ko din ng ibang tao na makakasalamuha. Wala akong ibang kilala sa Doha, oo nga’t may mga katrabaho din naman ako pero may mga sarili din naman silang buhay. Ang masaklap pa niyan, halos magkakaiba ang day-off namin at kapag uwian na sa gabi ay itulog na din lang dahil sa pagod. Sa tulad ko ding nag-iipon at nagtitipid, hindi ko naisip lumabas at maki-jamming dahil mahal din ang bilihin sa Doha.

Dahil hindi ko din naman balak pang magtagal sa Qatar ay gusto ko ding makapag-ipon ng mabilisan sa kahit anong puwedeng paraan at pagkakakitahan. Gusto kong makauwi nang may sapat na puhunan para sa mga anak ko. Hindi ko hahayaang mawalan sila ng magulang na titingin sa kanila hanggang sa kanilang paglaki. Ayaw kong lumaki ang mga batang malayo ang loob nila sa akin at sumbatang tanging pera lamang ang naramdaman nila na galing sa akin at hindi ang pag-aruga ko’t pagmamahal. Gusto kong naroon ako habang sila ay lumalaki. Malungkot ang nasa ibang bansa katulad ng sa Qatar. Hindi ka malayang gawin ang gusto mo. Pagkagaling sa trabaho sa bahay na agad at mula bahay hanggang sa trabaho. Paulit-ulit lang na takbo ng buhay. Tanging panood ng TV, internet at paminsang-minsang pamamasyal at pagkain sa labas ang tanging libangan naming ni Xian at ngayong may namumuong tensiyon sa pagitan naming dalawa ay kailangan ko ng ibang makakausap. Ibang makakasama.
Sa kabila ng mga ginagawa kong hindi pagpansin kay Xian ay hindi ko nakitaan ng pagbabago ang pakikitungo niya sa akin. Kahit anong gawin kong pang-inis ay hindi ko nakitaan na nagalit siya. Tanging tahimik na pagluha ang nakikita ko at buntong-hininga ang naririnig ko sa kaniya, sa tuwing hindi ako sumasagot kapag kinakausap niya ako. Nagkaroon iyon ng kakaibang kurot sa aking puso. Awa. Sobrang naawa din naman ako sa kaniya, hindi ko naman iyon itinatanggi. Naroon man yung galit sa ginawa niyang pagtarantado sa akin pero unti-unting napapalitan iyon ng pagkaawa.
Tuwing day-off namin ay hindi ako sa kuwarto naglalagi. Doon ako sa sala o kaya sa kusina at masayang kausap si Lydia. Ang kapitbahay naming sa pagdaan ng panahon ay nahuhulog na yata sa akin. Pansin ko iyon sa kaniyang mga panakaw na tingin. Kung hindi man ako makita ni Lydia sa kusina o kaya sa salat ay kakatok iyon sa aming pintuan at hahanapin ako kay Xian. Sasabihin naman ni Xian kung nasaan ako o papasukin niya sa kuwarto namin kahit alam kong nasasaktan siya. Wala parin akong narinig mula sa kaniya na reklamo. Wala parin siyang ipinakitang hindi maganda sa akin o kay Lydia kung nakikita niyang naghaharutan kami sa kama ko o kaya ay sa sala. Hindi ko pala siya basta-basta napapasuko.
Dalawang buwan pagkatapos na may nangyari sa amin ni Xian ay inimbitahan ako ni Lydia sa kayang kuwarto na mag-inuman daw kami. Pinagbigyan ko siya. Nagsimula palang kaming mag-inuman nang makita kong nagsuot siya ng manipis na damit na walang kahit anong bra. Bakat ang kaniyang malulusog na dibdib. Halos makita na din ang singit niya sa maiksi niyang short. Napalunok ako. Sa katulad kong matagal nang nadiyeta sa babae ay puwedeng-puwede na si Lydia na pangkamot sa kati. Naninigas na si manoy ngunit pinigilan ko lang.
“Paano mo natatagalang makasama sa kuwarto ang bading?” tanong sa akin ni Lydia.
Nagulat ako. Akala ko kasi hindi alam ni Lydia na bakla si Xian.
“Sinong bading?” painosente kong sagot. Kahit ganoon ang tropa ko ay kahihiyan ko ding sabihang bakla ang aking kasama sa kuwarto. Mahirap na,baka pag-isipan pang papa niya ako.
“Yang si Christina?”
“Christina?”
“Ewan ko sa’yo! Hindi mo alam?” tanong niyang muli.
“Tagay pa!” gusto kong ilayo ang usapan. Ayaw kong pag-usapan namin si Xian.
“Dati maraming bisita yang si Christina na baklang pumupunta dito. Napupuno nga sila diyan sa sala. Pero nang dumating ka, unti-unting wala na sa kaniyang dumadalaw at nang naglaon aba pati pananamit niya nagbago na. Astig na at brusko. Biniro ko nga ‘yan minsan kung anong nakain ng loka. Ta’s sabi niya, patay na daw si Christina at mainam nang kalimutan na, buhay na buhay na daw si Xian ngayon.”
“Ganun ba?” ayaw kong marinig pa ang kahit ano. Nagpakita ako ng kawalang interes.
“So, hindi mo nga pala talaga alam. ‘Kala ko ba naman kababata mo ‘yan. Hindi mo man lang naamoy? Sayang siya ano? Ganda ng katawan, guwapo, maputi, makinis, magaling magluto, masipag at responsable. Alam mo kung straight lang ‘yan matagal ko ng pinatos. Kahit naman dati alam kong bakla ‘yan, nilalandi ko parin pero ayaw talaga kaya bumabalik ako sa kuwartong bigo. Mabuti hindi ka niya ginagalaw o baka naman may relasyon kayo hindi mo lang sinasabi sa akin?”
“Huwag na nga natin siyang pag-usapan.” Medyo pikon kong sagot.
“OMG! Kayo ba? Bakit ka galit!”
“Hindi ako pumapatol sa bading! Baka mabugbog ko pa ‘yan!” sagot ko, ngunit alam kong kahit ganoon si Xian ay hindi ko siya kayang pagbuhatan ng kamay. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Oo nga’t ginago niya ako nang nalasing ako pero hindi ko masikmurang mapagbuhatan ng kamay ang tropa ko mula nang mga bata pa kami. Maliban na lamang kung uulitin pa niya ang ginawa niya sa akin. Ibang usapan na ‘yun.”
“Akala ko nga dyowa ka niya…”
“Huwag na nga pag-usapan! Sige kung hindi ka titigil balik na lang ako sa kuwarto.” Tumayo na ako.
“Relax! Ubusin na muna natin ‘to!”
Umupo ako.
Habang palalim ang gabi ay dumami ang nainom namin at napansin kong medyo tinamaan na din siya. Lumipat siya sa tabi ko at naamoy ko ang kaniyang pabango. Inakbayan ko siya at kasimbilis niyon ng paghalik niya sa aking labi. Sa tulad kong matagal ding hindi nakatikim ng babae ay biglang tumayo ang aking kargada. Nakipaglaplapan ako sa kaniya. At kahit hilo na ako ay nagawa kong pahigain siya doon sa mismong pinag-inuman namin. Sinuksuk ko ang kamay ko sa manipis niyang damit at dumiretso sa mauumbok niyang dibdib at banayad kong nilamas-lamas iyon habang dila sa dila naming pinagsaluhan ang maiinit naming halikan. Hinubad ko ang suot niya at nilaro ng aking dila ang sentro ng kaniyang sensasyon habang ang aking mga kamay naman ay naglalaro sa sentro ng kaniyang kaligayahan.  Marahan kong ipinasok ang daliri ko sa kaniyang bukana. Sandaling nilabas-masok ko iyon hanggang sa naramdam kong mamasa-masa na ang kinakalikot ng aking mga daliri. Napapaungol na siya sa sarap. Galit na galit na rin ang aking kargada. Mabilis niyang tinanggal ang sinturon ko at ibinaba ang aking maong na short at brief at napa-shit ako nang buum-buo niyang isinubo ang aking ari. Nang nagsawa ay inupuan niya iyon at naramdaman ko ang mainit-init niyang lagusan. Dahil hindi ako makakadyot ng maayos ay binuhat ko siya sa kaniyang kama na hindi tinatanggal ang ang kargada ko sa kaniyang bukana at doon ay kinana ko siya ng kinana. Masarap ang hagod ng mainit niyang puwerta sa aking alaga. Nakailang labas-masok ako at alam kong sarap na sarap na siya sa ginagawa ko ngunit hindi ko pa gustong isambulat ang katas. Hinila ko ang baywang niya at pinatalikod ko siya. Mabilis naman siyang sumunod. Nang nakatalikod na siya ay saka ko itinutok uli ang aking kargada doon sa sentro ng kaniyang ligaya at sa posisyong iyon ay alam kong abot ko ang pinakasukdulan niya. Mas masarap. Mas swabe at alam kong sa ilang hagod ko ay sabay naming pinagsalpok ang katas ng kaligayahan. Sabay kaming hinang-hina na napahiga at bago ko pinikit ang aking mga mata ay nakita ko si Xian sa bahagyang bukas na pintuan. Nakasilip. Basa ng luha ang buong mukha. Hindi ko pinansin. Sa pagod, hilo at naramdaman ko na ang tuluyang pagkalasing ay napapikit ako. Naramdaman kong tumayo si Lydia at tinungo ang pinto. Ilang saglit pa ay may nagtaas ng brief ko at may nag-ayos sa short ko. May umaalalay sa akin para bumangon. Si Xian.
“Bitiwan mo ako baklah! Baka kung ano pang g-gawin mo moh shakin!” ngunit tulad ng dati, wala din akong lakas na pigilan siya.
“Hindi ka naman puwedeng matulog dito. Doon ka sa kuwarto natin dahil may darating na kasama ni Lydia.”
“Bhakit ka ba kasi nangingialam? Kaya ko to! Bitiwana mo nga ako.”
Ngunit nang binitiwan niya ako ay naramdaman kong hilong-hilo pala talaga ako. Bigla yatang ngayon ko lang naramdaman ang sipa ng alak na nainom naming. Mauuntog na sana ako sa pintuan ngunit maagap lang si Xian na hawakan ako sa baywang.
“Kita mo ngang hindi mo na kaya e. Kung wala lang bisitang darating si Lydia e, bakit ba kita ibabalik sa kuwarto? Mahirap nang maabutan ka pa niya.”
Gusto kong tanungin siya ngunit nang lumabas si Lydia sa banyo ay siya na din lang mismo ang sumagot sa dapat ay itatanong ko.
“Salamat Xian. Ilang minuto na lang kasi darating na si Ahmad. Mahirap nang maabutan siya dito. Tulungan mo na din akong mag-ayos mamaya para hindi mahalatang may kainuman ako dito friend ha?”
“Sige babalik ako agad. Ihatid ko lang siya sa kama niya.” Si Xian habang nakayapos siya sa akin para hindi matumba.
Pagkatapos niya akong ihiga sa kama ko ay lumabas siya ng ilang minuto. Gumagana pa din ang utak ko. Pagbalik niya ay muli kong naramdaman ang maligamgam na towel sa aking mukha, leeg at katawan. Nililinis na naman niya ako. Hindi na ako makapapayag pa na pagsamantalahan muli niya ako. Hinayaan ko muna siyang linisin niya ako pero nakahanda ako na kung sakali mang gagawin niya ang ginawa niya dati ay dadapo aking kamao sa nguso niya. Ngunit pagkatapos niya akong mapunasan ay isang halik lang sa noo ang naramdaman ko at kinumutan na niya ako saka tahimik siyang bumalik sa kama niya. Bago ako igupo ng antok ay narinig ko ang kaniyang hagulgol. Iniiyakan niya ako.
  Kinabukasan paggising ko ay wala pa ding nagbago. Naroon parin ang agahan na kahit hindi ko ginagalaw ay nagluluto parin siya para sa akin. Plantsado parin ang mga damit ko, makintab parin ang sapatos na susuotin ko, ang panyo at medyas ko ay naroon parin.
Sa tabi ng panyo ay may mga gamot para sa sakit ng ulo. May maliit na note. “Inumin mo ito pagkatapos mo kumain para mawala ang sakit ng ulo mo. Uminom ka ng maraming malamig na tubig.”  Napabuntong hininga ako. Tao ako. Sobrang nakakaramdam din. Tao din akong natatamaan sa kabutihang patuloy niyang ginagawa sa akin.
Pagkapasok ko sa trabaho ay tinawag ako ng Britton na amo ko. Kinausap niya ako sa isang business proposal daw. Nakita daw niya ang galing ko sa pagbebenta. Alam din daw niyang maasahan ako at mapagkakatiwalaan kaya isa ako sa mga gusto niyang kasama sa business niya sa Qatar. Bago palang ang business niyang iyon at iilan din lang daw kaming napili niyang makasama. Malaki ang pera. At alam kong ito na ang hinihintay kong pagkakataon para makaipon ng malaki at makauwi ng Pilipinas nang may sapat ding ipon. Bago ako lumabas sa opisina niya ay nagbigay ako ng pangalan na gagamitin ko na itawag sa akin ng mga piling-pili na parokyano. Christian Santos ang ginamit ko.
Pag-uwi ko ay naroon na naman si Xian at naghihintay.
“Mabuti dumating ka na. Kumusta ang hang-over mo?”
Tulad ng dati kong ginagawa ay hindi ko siya sinagot. Parang wala akong nakita. Naghubad ako ng sapatos at medyas.
“Nakahain na ang pagkain. Alam kong gutom ka na.” Parang wala parin akong naririnig.  Busog ako dahil kumain muna kami ng Britton kong amo sa labas bago ako umuwi. Lagpas na nga ng alas dose ngunit naghihintay parin hindi pa ba siya nagsasawa? Hindi ba siya marunong sumuko at magalit? Nagpalit na ako ng pantulog at nahiga at tulad ng palagi niyang ginagawa.   Ilalabas na lahat ang mga pagkaing hinain at papatayin ang ilaw. Tahimik na lang siyang hihiga sa kama niya.
Sa gabing iyon ay hindi uli ako dinalaw ng antok. Ayaw ko din namang kausapin siya kaya lumabas ako sa kuwarto at tinungo ang kuwarto ni Lydia. Nakaramdam kasi ako bigla ng libog. Nakailang katok na ako bago bumukas ang pintuan niya at matandang arabo ang bumungad.
“Lesh? What do you need?” antipatiko niyang tanong sa matigas na English.
“Mafi… kaliwali sadik…shokran. Ana ro…” (Wala. Hayaan mo na, kaibigan. Salamat. Alis na ako.) iyon ang tanging nasabi ko ngunit may gusto akong sana ay tanungin. Kahit paano ay kirot iyon sa akin. Hindi sa mahal ko si Lydia ngunit gusto kong malaman kung ano ang ginagawa nang arabong iyan at kung ano lang kay Lydia ang nangyari sa amin.
KInabukasan ay nakita ko si Lydia na nagtitimpla ng kape niya sa kusina.
“Kumusta?” bati ko.
“Heto. Okey lang” Papasok na siya sa kuwarto niya ngunit mabilis ko siyang pinigilan.
“Mag-usap nga tayo Lydia. Sino yung kasama mo diyan sa kuwarto mo kagabi?”
“Bakit kailangan mong tanungin? Nag-away kami dahil sa iyo kaya puwede ba layuan mo ako.”
“Ganun? So ano yung nangyari sa atin noong nakaraang gabi?”
“Libog lang iyon. Ayaw ko nang maulit. Hindi ako puwedeng pumatol sa Pilipino. Magbigay man yan ng pera, barya barya lang. Kulang pang pambili ng make up. Kung sa ibang lahi ako, sulit na magkakapera pa ako.”
“Okey ka din ano. Pare-pareho lang pala kayong mga babae.”
“E, anong inaangal mo diyan. Nasarapan ka naman di ba? Kapag magsalita ka akala mo ako lang yung nasarapan at ikaw ang nadehado. Saka puwede ba sa uulitin e huwag kang kumakatok diyan sa pintuan ko dahil for business lang iyan. Sige na nga at may darating pa mamaya na parokyano. Kailangan ko pang maligo at magpabango.”
Hindi ako nakaimik. Parang nakita ko ang asawa ko sa katauhan niya. Nanlumo akong pumasok sa kuwarto. Oo nga naman, pera pera lang naman ang labanan dito sa ibang bansa. Kaya nga nag-abroad para kumita ng salapi. Kung anuman ang relasyong pinasok dito, pag-uwi ng Pilipinas lahat burado dahil ang importante ang naipong pera. Tindi rin ng sikmura ng mga katrabaho kong iba na may asawa sa Pilipinas akalain mong ilan sa kanila ay may bakla silang karelasyon dito. Kabi-kabilaan ang nag-aabot sa kanila ng gadgets at pera. Konting drama lang nila bibigay na agad ang mga baklang karelasyon. Ang mga babaeng may asawa naman sa Pilipinas kung umasta akala mo mga dalaga dahil sa kagustuhan nilang makapamingwit na kahit uugud-ugod ng arabo basta makatas ang bulsa ay guwapo naring maituturing. Mas masahol pa pala ang putahan at gamitan dito. Patago nga lamang ngunit mas masangsang, mas mabaho at mas matindi. Ngunit hindi naman lahat, marami parin ang sadyang hindi nagpagapi sa tindi ng pangangailangan at kalungkutan.
   Sabihin mang kailangan ko ng malaking halaga, hindi ko kayang mamera ng bakla. Tama na yung nasimulan kong patagong pagkakakitahan. Mas malakas ang pasok ng pera. Mas mabilis ang pag-usad ko at kapag alam kong tagilid na ay puwede lang akong umuwi dahil hawak ko naman ang passport ko.
Ilang araw ang nagdaan ay doon ko napatunayang hindi lang pala iisa ang may hawak kay Lydia. Madami sila. Ngunit hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga ginagawa niya ay parang hindi ako apektado. Parang okey lang sa akin ang lahat. Dahil nga siguro hindi ko naman siya mahal. Libog lang. Pampawi ng kati.
Nagpatuloy lang si Xian sa pananahimik niya. Alam kong nasasaktan siya ngunit nanatiling tikom ang labi niya. Ako man ay naawa na sa kaniya. May kung ano akong nararamdaman ngunit pilit kong pinaglalabanan. Unti-unti niyang dinudurog ang matigas kong paninindigan laban sa kanila. Patuloy niyang ini-in-in hanggang parang wala na akong maapuhap na galit sa puso ko. Ngunit naroon parin ang pride ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ako sa tuwing nakikita ko siya. Parang may gusto akong patunayan. May gusto akong ilabas sa pagkatao niya. May gusto akong marinig mula sa kaniya. Kaya kahit hirap ang loob kong saktan siya ay parang ipinagpapatuloy ko paring gawin dahil hindi ko siya mapiga-piga. Ako man din ay hindi ko matarok kung ano nga ba iyon. May mga sandaling napapatingin ako sa kaniya lalo na kapag nadadatnan ko siyang natutulog habang hinihintay niya ako. Sayang ang kaguwapuhan niya. Makinis ang maputi niyang balat. Namumula ang kaniyang pisngi at labi. Maamo ang kabuuan ng kaniyang mukha. Sayang at hindi siya naging tunay na lalaki.
Sa katulad ni Lydia na makati at malibog ay wala sa kaniya ang hiya. Gabi noon. Siguro hindi siya sinipot ng arabong kinakalantari kaya naisipan niyang katukin ako sa pintuan. Dahil takot siyang madatnan kaming maglalampungan sa loob ng kuwarto niya ay naisipan niyang sa kama ko na lamang gawin ang gusto niya. Sa tulad kong sabik din ng butas ay handa akong pagbigyan siya ngunit nagsisimula pa lamang na hinahagod ko ang kaniyang katawan ay isang malakas na pagsara ng pintuan ang pumigil sa amin.
“Ano ‘yun?” anas na tanong ni Lydia. Tinigil niya sandali ang kaniyang pagsubo sa ari ko. Nagulat siya.Nagulat din ako.
“E, di siya? Sino pa nga ba?”
“Galit? Bakit ganoon ang reaksiyon niya?” kinuha ni Lydia ang sinabit niyang blouse. Nagdamit siya.
“Malay ko? Baka may sumpong.” Sinuot ko na din ang aking boxer short. Nawalan na din ako ng libog.
“Kayo ba? Baka naman kasi kayo kaya ganyan na lang ang galit niya.”
“Hindi ah! Hindi nga ako pumapatol sa bading. Baka lang ayaw niyang gawin natin dito sa kuwarto. Doon na lang tayo sa kuwarto mo.”
“Next time na lang. Nawalan na ako ng gana. Baka may lihim siyang pagmamahal sa iyo, hindi kaya?”
“Aba, malay ko naman diyan. Saka ikiskis na lang niya sa pader wala siyang maasahana sa akin.” Tumayo ako. Hinanap ko ang sando ko ngunit hindi ko mahagilap. Nagsuot na din ng short si Lydia.
“Talaga lang ha. Baka kakainin mo ‘yang sinabi mo. Matindi na magpaibig ngayon ang mga bading. Akala mo ba? Dito sa Qatar isa sila sa mga matinding kalaban lalo na sa mga lalaking matindi ang pangangailangan.”
“Ibahin mo ako.”
Sinundan ko si Xian sa labas. Pumasok na din si Lydia sa kuwarto niya.
“Anong kabastusan ang ginawa mo?” tanong ko. Nanginginig ako sa galit.
Tumingin siya sa akin. May hinanakit ang mata ngunit mabilis na umagos ang luha niya. Nakita ko sa mukha niya ang kakaibang sakit. Tumalikod siya. Alam kong umiiwas na naman. Ganoon naman siya lagi. Kaysa siguro makita kong magalit ay iiwas na lang siya. Iluluha na lang niya ang sakit ng kaniyang kalooban. Pumasok sa kuwarto. Sinundan ko siya. Gusto kong ilabas niya ang galit niya sa akin. Biglang parang nalusaw ang kanina’y galit ko.
“Kinakausap kita. Harapin mo ako bilang lalaki tol at hindi isang bakla na tumatakas at tumatalikod.”
“Sorry. Matulog na lang tayo. May pasok pa kasi bukas. Pasensiya na. Hindi ko lang kasi nakayanan. Sorry talaga.” Humiga na siya sa kama niya. Tumagilid patalikod sa akin. Hinila ang kumot hanggang sa kaniyang balikat.
“Andrama mo. Itigil mo ngang kabaklaan mo tol! Hindi na ako natutuwa sa ‘yo. O, ngayon anong inaasta mo kanina? May problema ka sa amin ni Lydia? Ano magsalita ka hindi yung dadabog-dabog ka tapos hindi mo naman pala kayang panindigan!”
Bumangon siya. Tumingin sa akin.
Sa gabing iyon ay para akong natunaw sa hiya. Parang wala akong alam na isagot sa mga sinabi niya. Kasabay ng pagluha ang pagsambulat ng kaniyang niloloob. Lahat ng sinabi niya ay dumiretso sa aking kalooban. Tinupok nito ang matayog kong pride. Ngunit alam kong hindi pa doon natatapos ang aming laban.

No comments:

Post a Comment