Sunday, January 6, 2013

Bulag na Pag-ibig (11 & Finale)

By: Mikejuha
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: getmybox@hotmail.com

WARNING: This post contains scenes that are not suitable to readers under 18.

[11]
Hindi ako makapaniwala na sa isang masagwang pakana kong iyon, matulungan ko siyang malunasan ang kanyang problema sa pagkalalaki.

Marahil ay totoo nga ang sinabi ng ibang mga tao na ang kanyang problema ay resulta sa nangyaring pagkaputol ng kanyang mga paa at sa naranasang matinding depresyon. Hindi ko alam. Ang mahalaga ay napatunayan naming na nanumbalik na ang dati niyang gana sa pakikipagtalik; na masaya siya, at syempre, ako rin...

At sa unang pagkakataon, nalasap ko ang sarap ng pakikipagtalik sa taong tunay kong mahal; sa taong ang turing ko ay isang tunay na kuya.

Noong humupa na ang nag-aalab naming pagnanasa, “Mahal kita kuya… Mahal na mahal” ang nasambit ko habang nakadapa ako sa kama at nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko pa ang habol-habol naming paghinga.


“Mahal na mahal din kita tol.”

“B-bilang kapatid ba kuya?” ang pag-aalangan kong pagklaro

“Hindi. Bilang isang… hayan, karelasyon.”

“T-talaga???” ang sagot kong matinding tuwa ang naramdaman. “Bakit hindi mo sinabi dati?”

“Paano ko sasabihin, may nakaungos na sa iyo, si Dencio.”

“Ikaw kaya ang may Shiela”

“Gusto ko kasing patunayan sa sarili ko na lalaki ako… At pagselosin ka. Kaso lalo mo pang dinepensahan si Dencio at ibinigay mo pa sa kanya ang sarili mo. Nasaktan ako.”

“Totoo talaga kuya na mahal mo ako?” paggiit ko pa sa tanong.

“Totoo iyan tol. Kung alam mo lang…”

“E paano iyan. Kung ibigin mo ako, e di bakla ka na? Di ba ayaw mo noon?”

“Hayaan mo na tol. Wala namang pinipili ang pag-ibig di ba? Lalaki, babae, bakla, tomboy. Puro lang naman iyan mga etiketa. Kapag umibig ka, wala ang mga iyan. Made in China, made in Japan, made in Germany… hindi paninda ang pag-ibig. Walang label, walang presyo. Basta kapag umibig ka, iyon na iyon.”

Napangiti lang ako sa kanyang sinabi, binitawan ang isang malalim na buntong hininga. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap sa pagkarinig sa kanyang mga sinabi.

Tahimik.

Niyakap niya ako.

“Alam mo kuya… matagal na kitang mahal. Matagal na kitang pinagnasaan. At ang pagmamahal ko sa iyo ay siyang nag-udyok sa akin upang patulan si Dencio. Kasi… nawalan na ako ng pag-asang mapagbigyan ang pagmamahal ko sa iyo.”

Hinaplos niya ang aking mukha. “T-talaga tol?”

“Opo…”

“Kasi, aminin ko... matagal na rin akong may naramdaman para sa iyo. Kahit noong hindi pa ako inampon ng mga magulang mo, na-attract na ako sa iyo eh. Kaya noong naging kuya mo na ako, sobrang saya ko kasi… palagi na kitang makasama. Alam mo bang noong dating nagsasabay tayo sa paliligo, parang gusto kong yakapin ka at siilin ng halik ang mga labi mo. Kaso… natakot ka na baka magalit ka eh, at isumbong mo ako sa mga magulang natin. Baka isipin nila na inabuso ko ang kabaitan nila.”

“Sayang.” Ang nasambit ko.

“Bakit?”

“Kung alam ko lang noon pa, e di sana matagal ko nang natikman ito” biro ko, sabay dakma sa harapan niya.

Natawa lang siya, hindi man lang hinarang ang aking kamay at bagkus lalo pa niyang ibinuka ang kanyang mga paa. “Di bale tol… simula ngayon, para sa iyo lang talaga iyan”

Napangiti ako. “Promise?”

“Promise. Ikaw pa… ikaw ang dahilan kung bakit tumigas uli iyan. Para sa iyo talaga iyan”

“E paano iyan, may sinabi ka na kung sino ang unang makatalik mo ay sya mong mamahalin? E di… si Shiela iyon, hindi ako.”

“Hindi rin…” ang casual niyang sagot.

“Bakit hindi?”

“Ikaw kaya ang una kong nakatalik…”

“Ha? Paano nangyari iyon?”

“Noong dating hindi ka pa napasok sa center, may isang gabing himbing ka at nanaginip, hinipo mo ang pagkalalaki ko, nilaro mo ito. At nasarapan ako. Pinatulan kita at tinira sa likuran. Kahit sa ginawa ko, himbing ka pa rin. Akala ko nga gising ka eh. Doon ko unang nalasap ang sarap ng pagtatalik… sa iyo. Ikaw ang una kong karanasan.”

Hindi ako nakaimik. Naalala ko ang eksenang iyon na nanaginip akong nagtalik kami ni Dencio at noong nagising ako, nagulat ako kasi pareho na kaming nakahubad ni Dante. Pakiramdam ko ay tumalon-talon ang puso sa galak.

“Ikaw ang itinadhana para sa akin, tol…. Noong nasaksak ko si Dencio, ikaw ang sumalo sa parusang dapat ay para sa akin. Wala akong narinig na reklamo galing sa iyo. Bagkus, ang bait-bait mo pa sa akin. Noong naputulan ako ng mga paa, nandyan ka sa aking tabi. Noong iniwanan ako ni Shiela, hindi mo ako pinabayaan. Pati ang anak namin ay ikaw na rin ang nag-aalaga. Isinakripisyo mo pa ang pg-aaral mo nang dahil sa akin. At ngayon, ikaw din ang naging susi upang manumbalik ang pagiging normal ng aking pagkalalaki. Sino pa ba ang maaaring makapagbigay sa akin ng kagaya ng pagmamahal mo? Wala na tol... Sa iyo ko lang naranasan ang tunay na pagmamahal.”

At namalayan ko na lang na tumulo na ang aking mga luha. Nanumbalik kasi sa isip ko ang mga dinanas kong sakit at hirap dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ang mga pagkakataon na gusto ko na sanang gumive up sa buhay dahil pakiramdam ko ay wala na akong silbi at sobrang unfair ang buhay; ang pagmamahal ko sa kanya na akala ko ay wala nang katuparan, ang lahat ng kahirapan. Ngunit sa pagkakatoang iyon, parang natumbasan ang lahat ng aking paghihirap. At ang nasabi ko na lang ay, “Mahal na mahal kasi kita kuya eh. Hindi ko alam kung paano ang mabuhay kapag wala ka…”

“At mahal na mahal din kita tol.” Ang sambit niya habang pinahid ng kamay niya sa aking mga luha. “At sana, darating din ang panahon na makaganti ako sa mga ginawa mong kabutihan sa akin.”

“Wala iyan kuya…”

“Pangako ko sa iyo tol… ikaw lang ang mamahalin ko.”

“Pangako kuya… ikaw lang din ang mamahalin ko. Hindi kita pababayaan kuya, kahit ano man ang mangyari…”

Simula noon, nagsama na kami ni Dante na parang isang tunay na mag-asawa. Tulong-tulong kami sa paggawa ng mga gawaing bahay, sa pag-alaga sa bata, sa paghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng babrbecue. At dahil may kapansanan na si Dante, syempre, ako ang bugbog sa lahat ng gawain. Ngunit napapawi ang lahat ng ito dahil gabi-gabi kapag nasa bahay na kami, ang saya-saya din namin. Harutan, biruan, tawanan. At ang lahat ay mauuwi sa lampungan at syempre, sa pagniniig. At sa bawat sabay naming pagnamnam sa sarap ng makamundong kaligayahan, lalo pang sumaya si Dante dahil napapatunayan niyang wala na siyang problema sa kanyang pagkalalaki at naeenjoy na niya ang aming pagtatalik.

Hindi ko na rin ipinagpatuloy pa ang pag-aaral. Isinakripisyo ko ang sarili para sa kanya. Nais kong pagsilbihan siya nang lubos. Nais kong ipakita sa kanya na mahalaga siya; na kaya kong ibigay ang lahat sa kanya.

Isang araw, dumalaw ang aming mga magulang sa bahay namin ni Dante. Muntik pa kaming mahuli dahil nasa kalagitnaan kami ng aming pagtatalik noong biglang umiyak si baby. Nahinto kami sa aming ginagawa at noong tumayo ako at inalog ang duyan, nasilip ko sa guwang ng bahagyang nakabukas na pinto sina itay at inay na nasa sala pala ng bahay. Nakaupo sa sa isang silya ang itay na mistulang malalim ang iniisip habang ang inay naman ay nagtitingin sa mga gamit ng aming kusina.

Bigla tuloy akong napalundag sa pagkagulat at palihim na tumakbo pabalik sa may kama, pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at dali-daling nagsuot sabay bulong kay Dante ng, “Nand’yan sina itay at inay!” at inihagis na rin sa kanya ang kanyang brief, pantalon at t-shirt.

Matinding kaba ang naramdaman ko. Alam ko, pati si Dante ay kinabahan din. Kitang-kita ko ito sa kanyang tarantang pagbibihis.

Noong nakapagbihis na kaming pareho at hindi na umiyak si baby, nagkunyari na lang akong walang kaalam-alam na nandoon sila kung kaya ay kunyaring nagulat ako noong nakita sila sa sala.

“Nagpahinga lang muna kami ditto anak, hindi na naming kayo inistorbo.” Ang sabi ng inay.

“M-mabuti naman po at napadalaw kayo…” ang sagot ko.

“Gusto lang naming makita ang sitwasyon ninyo anak. Baka nahirapan kayo dito. B-baka gusto ninyong doon na tayong lahat sa relocation para kahit papaano, makatulong kami ng itay ninyo sa inyo…”

Tiningnan ko si Dante na ang mga tingin ko ay may pagtutol sa mungkahi ng inay. Mas gusto ko kasing kami lang dalawa. At least, kahit mahirap ang mga trabaho, libre kami sa lahat ng bagay. Hindi kasi nila alam ang aming relasyon.

“D-dito na lang po kami ni kuya nay… Kaya naman namin eh. Atsaka po, mas natuto kaming tumayo sa mga sarili namin.”

NIlingon ng inay si itay at mistulang nag-uusap ang kanilang mga tingin. “O sige, kung iyan ang gusto ninyo, hindi naming kayo pipilitin. Ngunit anak… gusto sana namin na magpatuloy ka sa pag-aaral.”

“Inay, makapaghintay naman ang pag-aaral eh. Kapag malaki na si baby, saka ko na ipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto kong ako na lang muna ang mag-alaga sa kanya at kay kuya.”

“O-ok lang kung mag-aaral ka tol. Kaya ko naman dito sa bahay eh… Matuto din ako. Huwag kang mag-alala sa akin.” Ang pagsingit ni Dante.

“O… payag naman pala ang kuya mo.”

“Hindi lang lang naman kasi iyan ang problema eh. Paano ang mga gastusin ko sa eskuwela? Baon, pamasahe, tuition, libro, a tiba pa?” ang nasambit ko. Nais ko pa sanang sabihin na kulang ang ibinibigay nilang pera para sa pagkain namin at gatas ni baby ngunit sinarili ko na lang ito. Ayaw ko kasing ma-pressure ang mga magulang namin na magbigay ng karagdagang halaga dahil alam ko, marami din silang utang at ang kita ng paninda nila ay sapat lamang para sa kanilang mga pangangailangan, dagdagan pa sa hindi pa nabuong bahay namin sa relocation. Kaya, “OK lang inay… kapag malaki na si baby saka na ako magpatuloy ng pag-aaral. Wala pong problema sa akin.”

“O s-sige anak. Ngunit kapag gusto mo nang mag-aral uli, sabihin mo lang at pipilitin namin ng itay mo na tustusan ka sa iyong pag-aaral.”

“Salamat sa pag-intindi ‘nay…” ang sambit ko.

“Sya nga pala, tumawag si Tom.” Dugtong niya.

“T-talaga po? Ano pong sabi?” ang excited kong tanong.

“Pupunta daw siya ng Amerika. Nangumusta lang. Nagtanong kung may cp ka daw at tatawagan ka niya. Ang sabi ko, wala. Ngunit ibinigay ko ang number ng ating kapitbahay dito na si Cris para kung tatawag siya ay malapit lang sa inyo. Hindi ba siya tumawag?”

“H-hindi naman po… Kailan pa siya umalis nay?” ang malungkot kong tanong.

“Noong nakaraang linggo lang.”

“Ah…” ang nasambit ko na lang. Na-miss ko na rin kasi si Tom. Alam ko na kapag nalaman niyang ok na kami ni Dante, siguradong matutuwa iyon.

“Ano nga ba ang apelyido ni Tom anak?” ang biglang tanong ng inay. Ngunit siya na rin ang sumagot sa tanong niya, “Villas ba?”

Nagulat naman ako sa narinig. Ngunit inisip ko na lang na sinabi ito ni tom sa kanya. “Opo! Ang buong pangalan niya ay Tom Villas Jr. po. S-sinabi po ba niya sa iyo ang apilyedo niya ‘nay?”

Ngunit doon na ako talagang nagtaka noong ang sagot niya ay, “Hindi, hindi anak. Hula ko lang…”

“Ay ang galing niyo po namang manghula! Tumpak na tumpak!” ang nasambit ko.

Ngumiti lang siya, hindi umimik. Bagkus, “O sya kung iyan ang desisyon mong huwag munang mag-aral anak, wala kaming magagawa ng itay mo. Ngunit kung gusto mo na, sabiihin mo lang ha?” ang paglihis niya sa usapan.

“S-sige po nay.”

Kahit nagsama kami ni Dante na parang isang tunay na mag-asawa, ang lahat ng ito ay lihim sa aming mga magulang. At ito ang isang problema naming dalawa kung paano ibunyag sa kanila. Kahit nagmamahalan kami, may naramdaman pa rin kaming guilt dahil sa inilihim namin ito sa kanila.

“K-kuya… ano kaya ang gagawin ng inay at itay kapag nalaman nilang ang dalawa nilang anak ay nagmamahaln?”

“Hindi ko alam tol…”

“Hanggang kailan natin ito kayang itago sa kanila?”

“Gusto mo bang sabihin na natin?”

“Gusto sana. Kaso, n-natatakot akong baka magalit sila at paghiwalayin tayo...”

“Bakit gusto mong malaman nila?”

“M-masarap kasi ang pakiramdam kapag m-may basbas nila ang ating pagmamhalan. Siguro kapag nangyari iyan kuya, iyan na ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.”

“Hayaan mo, sasabihin ko sa kanila.”

“Huwag muna siguro kuya. Hindi pa ako handa. Paano kung igiit nilang paghiwalayin tayo? Ayoko niyan!”

“Panindigan natin tol…”

“Paano… nahihirapan ka ngang mag-isa eh. Wala kang mga paa. Hindi ka makatayo. Paano ka maninindigan?”

“Hindi pisikal ang ibig kung sabihin, tol. Prinsipyo, pananalig, paniwala…”

“Sabagay. Pero paano kong ilayo ako, hindi mo ako kayang mahanap, hindi ka makalakad?”

“Gagawin ko ang lahat tol… Kapag umibgi ka, ang puso mo ay nakaahhanap ng paraan.”

Tahimik.

“Bakit ikaw, lalayuan mo ba ako kapag sinabi nila sa iyong layuan mo ako?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

“H-hindi. Ipaglaban kita kuya. Antagal ko na kayang nag-antay sa pagkakataong ito na magsama tayo ng ganito. Ang tagal ko nang nagdusa upang maipakita ko sa iyo ang pagmamahal ko. Ayoko nang magdusang muli kuya…”

“Ako rin tol… ayoko nang magdusa ka pa. Tama na ang mga naranasan mo. Tama na rin sigurong naging lumpo ako. Dahil kung mawala ka sa akin, baka maisipan ko ring wakasan ang buhay ko…”

Niyakap ko siya. “Pangako kuya, hindi kita iiwan…”

“Kahit itakwil tayo ng ating mga magulang?”

“Kahit pa itakwil nila tayo kuya. Kung hindi nila matanggap ang ating pagmamahalan, kakayanin nating tumayo at magsama kuya bilang isang pamilya.”

“Kung ganoon tol, dapat na nating sabihin sa mga magulang natin ang lahat.”

Hindi ako nakakibo. Sa loob-loob ko kasi ay hindi pa ako handa bagamat naisip ko rin na sa kabilag banda, gusto ko ring makamit ang basbas ng aking mga magulang, o kung hindi man, kahit iyong maiparating lang sa kanilang kaalaman ang aming pagmamahalan. “B-ahala ka na kuya…” ang nasambit ko.

Sa aming naging set-up, kahit papaano, masaya ako. Kahit pagod dahil sa pag-aalaga sa bata, maglalaba sa araw at maglinis ng bahay, magluluto, mag-alaga kay Dante at nagtitinda pa ng barbecue, may dulot din itong tamis sa aming pagsasama. Lalo pang naging sweet sa akin si Dante, hinid kami naghihiwalay minu-minuto at higit sa lahat, ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Pakiramdam ko ay isa talaga akong tunay na ina at asawa. Iyon nga lang, patago ang aming pagmamahalan.

Pero ok lang. Napapawi naman ang mga pangamba ko kapag ganyang nakikita siyang masaya. Kapag ganyang naliligo ako sa pawis sa dami ng mga gawaing bahay at pinupunasan niya ako, hinahalik-halikan ang labi, niyayakap-yakap... ang sarap ng pakiramdam.

“Halika nga dito tol!” isang beses na abalang-abala ako sa mga gawaing-bahay at naroon siya sa loob ng kuwarto.

“Bakit”

“Basta, punta ka lang dito!”

“Maya na kuya ah! Madami pa akong gagawin. Dapat matapos ko ito habang hindi pa nagising si baby!” ang sambit kong may kaunting pagmamaktol.

“Ngayon na, dali… Arekoppppp!”

Tumalima naman ako. Baka kasi kung napaano na siya. Narinig ko kasi ang salitang “Arekoppp!”

Noong nakapasok na ako ng kuwarto, nandoon siya sa gilid ng kama, nakaupo, nakatapis lang ng tuwalya. “Akala ko kung napaano ka na! Bakit? Maliligo ka ba?” Tanong ko noong makita ang porma niya.

“Jan jaraaaannnnn!” sabay tanggal ng tuwalya. Bumulaga naman sa aking paningin ang kanyang nakatayong pagkalalaki. Tawa siya ng tawa.

At sa inis na inistorbo pa niya ako sa aking gagawin, hinablot ko ang tuwalya niya at inihambalos iyon sa kanya ng pabiro. “Salbahe!”

“Halika na… na miss kita tol… habang tulog pa si baby.” Ang may sambit niya ang boses ay nagmamakaawa at ibinuka ang kanyang mga bisig, nanatiling tirik na tirik ang kanyang pagkalalaki.

Napatigil na lang ako, pinagmasdan siya. Alam ko, masaya siya na na-eenjoy na naman niya ang pagiging normal ng kanyang seksuwal na pangangailangan. At ramdam ko ang udyok sa aking katawan na tumbasan ang tuwang nadarama niya.

Dahan-dahan kong nilapitan siya, atsaka niyakap, siniil ng halik ang kangynag mga labi. At kahit basang-basa ako sa pawis, ramdam kong mas lalo itong nagpatindi sa kanyang pagnanasa, sa bawat pagdaplis ng kanyang yakap at haplos dahil sa dulas ng aking balat.

Mistula kaming mga hayop na gutom na gutom sa pagkain, walang pakialam sa mundo. At bagamat naliligo sa pawis, ramdam kong lalo pa siyang ginanahang sipsipin at dilaan ang aking katawan.

Iyan ang normal na set-up namin ni Dante simula noong nanumbalik ang sigla ng kanyang libido. Walang eksaktong oras kung namnamin naming ang sarap ng pagtatalik. Mapa-gabi, mapa-araw. Parang wala na akong mahihiling pa sa buhay. Sobrang saya ko na. Pakiramdam ko ay kumpleto na ang lahat… maliban sa basbas ng aming mga magulang.

Isang araw, bumisita na naman ang aking mga magulang. Masaya naman ang kuwentuhan namin. Pakiramdam ko ay masaya na rin ang aming mga magulang marahil ay dahil sa nakitang saya rin namin ni Dante sa kabila ng nangyari kay Dante at sa hirap na may inaalagaang bata at pareho pang hindi kami nakapagpatuloy sa pag-aaral.

Nasa ganoon kaming kasayang kuwentuhan noong bigla ba namang isiningit ni Dante ang, “Nay, tay… sana ay huwag po kayong magagalit sa akin.”

“At bakit naman kami magagalit?”

“K-kasi po… m-may minahal na po ako at handa ko siyang paninindigan.”

Mistulang pumutok ang aking eardrum sa narinig, hindi makapaniwalang isisingit talaga iyon ni Dante. Pakiramdam ko ay simputi ng papel ang aking mga labi sa takot sa maaaring hantungan ng pagbukas niya sa topic na iyon. Hindi ako makakibo ni makaimik.

“At bakit naman kami magagalit kung talagang mahal mo ang taong iyan, Dante?”

“K-kasi po…” ang nasambit ni Dante na tumingin sa akin.

Yumuko na lang ako, iyon bang pakiramdam na wala ka nang magagawa dahil nasa dead end ka na, wala nang ibang escape route at ipaubaya na lang ang lahat sa swerte.

“Kasi ano, Dante? Sino ba ang babaeng ito?”

“H-hindi po siya babae nay, tay…”

Kitang-kita ko ang pagsalubong ng mga mata ng aking mga magulang. Tila nag-uusap ang mga ito. “S-sino naman ang l-lalaking ito?”

“S-si T-tristan po tay, nay…” ang mahinang sambit ni Dante na halatang nanginginig ang boses.

Tahimik.

Kahit nakayuko ako, pinakiramdaman ko ang maaaring reaksyon ng aking mga magulang. Napakagat ako sa aking labi sa sobrang pagkakatensyonado sa kalagayan naming iyon.

Maya-maya, narinig kong nagsalita ang aking inay. “Ikaw Tristan, mahal mo ba ang kuya mo… B-bilang karelasyon?”

Bahagya kong inangat ang aking mukha at pilit na tiningnan si inay. “M-mahal ko po siya nay…” at hindi ko na napigilan ang sarilign hindi mapahagulgol. “Ayoko pong paghiwalayin ninyo kami. Mahal na mahal ko po ang kuya ko, at si baby.”

Hindi sila umimik bagamat patuiloy pa rin ang aking pag-iyak habang nakayuko lang, hindi makatingin-tingin sa kanila.

Npaiyak na rin si Tristan, marahil ay nahabag sa sarili at sa kalagayan namin. At ako, matindi ang takot na baka magalit sila at hindi na kami payagang magsama.

Maya-maya, nagsalita si inay, “K-kung mahal ninyo ang isa’t-isa… kaya ba ninyong panindigan sa buhay iyan? Sa mga taong maaaring makaalam? Sa pangungutya nila? Kung pagtatawanan man nila kayo dahil kakaiba ang inyong relasyon at naturingan pang magkapatid kayo? Kung habang naglalakad kayo sa kalye at may mga taong nagbubulungan at nakakainsulto ang mga tingin nila sa inyo?”

“K-kakayanin po namin ang lahat inay. Mahal ko po kasi si Tris. Lahat po ng hirap ay dinanas at sinuong niya para sa akin. At ako, kahit buhay ko po, handa kong ibigay para kay Tris…” ang sagot ni Dante.

“Sa baby mo… kung lumaki man siya? Anong sasabihin ninyo sa kanya?

“S-sasabihin po naming ang lahat. Maintindihan namn niya po siguro kasi po, ako po ang ama niya at hinid naming siya pababayaan. Palakihin namin siya ng puno ng pagmamahal upang mahalin din po niya kami sampo ng aming mga kakulangan…”

Hindi na sumagot ang aking inay. Bagkus, “O sya… may dala kaming pasalubong ng itay ninyo, kumain muna tayo” sambit niya na para bang gusto na niyang ibaon sa limo tang topic na iyon.

Ngunit iginiit ko ang tanong. “Inay… tanggap ba ninyo kami?”

Ngunit hindi pa rin sila sumagot. Parang wala lang nangyari. Sumunod kami sa kanila sa kusina. Inilabas ng inay ang mga dala niyang pasalubong at ikinuwento sa amin ang mga nangyari sa kanila sa kabilang bahay.

Sabay kaming kumain sa dala nilang mga pagkain.

Nagpaalam na silang umalis noong sinabi ko sa inay, “P-pasensya na po inay, ngayon lang namin sinabi sa inyo ang tungkol sa amin ni kuya Dante. Sana po ay tanggap po ninyo kami…”

“Tristan, noon pa man, napansin ko na ang kakaiba mong pagtingin sa kuya mo; ang kakaiba mong pag-aalaga sa kuya mo. Ina mo ako at alam ko ang kilos mo, ang mga galaw mo, ang naramdaman mo. May hinala na ako noon pa. At noong huling bisita namin sa inyo kung nasaksihan namin ang ginawa ninyo sa loob ng inyong kuwarto, doon na namin na kumpirma ng itay mo ang lahat. Kung hindi namin tanggap iyon, bibisita pa kaya kami sa inyo? Kung iyan ang gusto ninyo, anong magagawa namin ng itay mo? Ngunit anak… mahirap ang ganyang klaseng relasyon. Sana ay maging matatag kayo…” ang paliwanag niya.

At tuluyan na silang umalis. Niyakap ko si Dante sa sobrang tuwa. Sabi ko sa sarili, “Wala na talagang hadlang ang aming pag-iibigan.

Ngunit… nagkamali ako. Sadya nga sigurong mapaglaro ang tadhana. Mahiwaga ang buhay, sinusukat kung gaano katatag, kalalim, at kadakila ang isang pag-ibig…

Isang araw habang abala ako sa pagpapaypay sa aming iniihaw na barbecue, napansin kong mahapdi at may kirot ang aking mga mata. Bagamat naramdaman kong lumalabo ang aking paningin, hindi ko ito pinansin. Pinabayaan ko lang siya. Kinakamot ko, pinapahid o paminsan-minsang kinukuskos sa aking daliri. Hinayaan ko na lang kasi nga, ayaw kong gumastos sa duktor at sa pambili ng gamot. Wala kaming budget para dito.

Alam kong may kakaiba sa naramdaman ko sa aking mga mata. Ngunit hindi ko ito ipinaalam kay Dante. Patuloy lang ako sa aking mga gawain, bagamat ramdam ko na ang panlalabo ng aking paningin at patindi nang patindi ang kirot na aking nadarama.

Hanggang sa isang umaga, sa paggising ko, “K-kuya… bakit madilim?”

“Bakit? Hindi naman madilim ah? Hayan o, kitang-kita ko nga ang sikat ng araw eh…”

“Kuya wala talaga akong makita! Madilim po talaga!”

“Hindi nga madilim tol, ano ka ba!”

“Bakit wala kaong nikikita?”

“Ay malay ko ba… Hindi ka naman nakapikit.”

At naramdaman ko na lang ang paggapang ng kaba sa aking katauhan. “N-nasaan ka kuya?”

“Nandito sa gilid mo.”

Kinapa ko siya at dahan-dahang iginapang ko ang aking mga kamay sa kanyang mukha.

Hindi siya gumalaw.

At… “Kuyyyyyaaaaaaaaaaa!!!!! Wala akong makitaaaaaaaaaaaaaaa!!!!” ang sigaw ko.

(Itutuloy)


[Finale]
“HIndi ako makakita kuya! Nabulag ako kuya!!!!” ang pagsisigaw ko.

“Tol… anong gagawin ko? Anogn gagawin ko???” ang sigw din ni kuya.

“Kumuha ka ng tubig kuya! Maghilamos ako! Baka may dumi lang sa aking mga mata!”

Narinig ko ang paggalaw ng wheelchair ni Dante. At maya-maya lang ay bumalik ito at inilatag sa aking kandungan ang tabo na may lamang tubig.

Dali-dali akong naghilamos.

Ngunit ganoon pa rin. Madilim pa rin ang paligid. Humagulgol na lang ako. “Hindi na ako makakita kuya…”

At naramdaman ko ang mga bisig ni kuya na yumakap sa akin. “Tawagan natin ang inay at itay tol… magpatulong tayo” ang mungkahi ni Dante.

“S-sige kuya. Paano natin sila tatawagan? Wala tayong celpon, nakikitext lang tayo sa kapitbahay.”

“Puntahan natin ang kapitbahay natin Tol.”

“Paano kuya? Hindi ako makakita”

“Paningin mo lang ang nawala tol… Makakalakad ka, makakatayo. Kapain mo ang hawakan ng aking wheelchair at itulak mo, sasabihin ko sa iyo kung itulak mo ito o ihinto…”

“S-sige kuya…”

At iyon nga ang ginawa namin. Bagamat hindi ako nakakakita, nakarating kami sa aming kapitbahay na ang tanging giya ko ay ang paghawak sa wheelchair ni Dante.

Natawagan namin ang aking mga magulang. At kinahapunan ng araw ding iyon, dumating sila.

Awang-awa sa kalagayan namin ang aming mga magulang. Napagdesisyonan ng mga magulang ko na dalhin ako sa ospital upang matingnan ng duktor ang aking kalagayan.

“I-inay… saan naman po tayo maghahagilap ng perang pambayad?” ang tanong ko.

“Bahala na anak. Ibenta na lang siguro natin ang ating puwesto sa relocation site… at babalik na lang kami dito ng itay mo.”

“E… paano po ang hanap-buhay ninyo?”

“B-bahala na. Bahala na… ang importante ay maipagamot ka kaagad”

“S-si Kuya Tom po nay… tumawag ba uli?” ang tanong ko noong naalala si Tom.

“Ay oo… may sakit pala siya kaya siya nasa Amerika!”

“A-ano ang sakit niya inay? Malala ba kung kaya sa Amerika siya nagpagamot?”

“Hindi ko naitangong, napuputol kasi ang linya eh. HIndi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya…”

“P-wede ba nating tawagan siya inay?”

“S-sige anak… may kaunting load pa ito. Kahit ma-miscall lang baka siya na ang tatawag.”

“H-hello? K-kuya Tom?!” ang sigaw ko noong naka-connect na linya.

”Tol…??? Ok, ok… ako ang tatawag.”

At noong nakatawag na si Tom, isiniwalat ko sa kanya ang nangyari sa akin. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko noong inako ni Tom ang gastusin sa aking pagpagamot at magpapadala kaagad siya ng pera. Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabing iyon ni Tom. At sa sobrang saya, hindi ko na nagawang magtanong pa kung ano ang nangyari sa kanya at kung gaano kalala ba ang kanyang karamdaman na kailangang sa Amerika pa siya nagpagamot.

Infected cornea daw ang dahilan kung kaya nawala ang aking paningin. Ang masaklap, manatili akong bulag hanggang may mahanap kaming donor na siyang mag-donate ng kanyang cornea na kabagay ng aking mata, dugo, tissue. At iyan ang malaking problema namin dahil mahirap daw makahanap ng donor. Syempre, sa mga namatay na tao iyon. At syempre pa, kung mayroon mang source, i-test pa ito kung hindi ire-reject ng aking katawan.

Kaya pakiramdam ko ay nawalan na naman ako ng pag-asa. May gagastos na sana sa aking paggaling ngunit ang donor naman ang wala.

“Gusto mo na ba talagang makakita tol?” ang tanong ni Dante isang araw sa akin habang haplos-haplos niya ang aking pisngi.

“S-sana… Kaso malabo yata eh. Wala naman palang donor. Di ba sa patay lang nakukuha iyon? At kapag pumayag din ang mga kamag-anak na i-donate ang kanilang mga mata ng namatay na kamag-anak nila?”

“Tama ka tol… Ngunit puwede ring sa isang buhay pa, na nasa matinding kalagayan na at wala nang pag-asang gumaling. O siguro sa isang malakas na tao ngunit handang ibigay ang kanyang mga mata, mabubulag nga lang siya.”

“E… sino naman ang gagawa noon? At para sa akin pa, na hindi naman niya kakilala?”

Hindi na siya umimik.

Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong hininga.

Akala ko ay hanggang doon na lang talaga ang aking hantungan noong isang umaga, “Tol… may nahanap na donor na para sa mga mata mo. Ginagawa na nila ang test at alam mo ba kung ano ang resulta?” ang masayang sabi ni Dante.

“A-ano kuya?” ang excited ko ring sagot.

“Compatible daw! Ibig sabihin, puwedeng i-transplant sa mga mata mo ang cornea!” sagot ni Dante.

“T-talaga kuya???”

“Talaga tol. At sa sunod na linggo na gaganapin ang operasyon mo. At ang sabi pa ng mga duktor, malaki daw ang tsansang magtagumapy ang opersyon.”

Halos hindi naman ako magkamayaw sa sobrang tuwa na naramdaman. Pakramdam ko ay gusto ko ng maglupasay, sumigaw.

Napansin kong tahimik lang si Dante. Maya-maya, “K-kung manumbalik na ang iyong paningin, ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan tol ha?”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Ano ka ba kuya… ngayon pa ba ako aalis sa piling mo? Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan kuya.” Ang sabi ko.

“Salamat tol…”

Tahimik.

“S-sino kaya ang nagdonate ng kanyang cornea sa akin kuya?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“E… h-hindi ko alam tol.”

“Sa isang namatay na tao ba iyon? O sa isang… taong may matinding karamdaman?”

“H-hindi ko alam tol”

At noong nabigkas ko ang salitang karamdaman, bigla ding pumasok sa isip ko si Tom. “Kuya… hindi kaya si Tom ang nagdonate ng cornea niya sa akin? Kung kaya nasa Amerika siya nagpagamot dahil matindi ang karamdaman niya at ibibigay na lang niya ang kanyang cornea sa akin?”

“M-maaari…” ang sagot ni Dante.

At sa sagot na iyon ni Dante, Hindi ko na napigilan ang hindi mapaiyak. “Ang bait talaga ni kuya Tom! Sa una pa lamang naming pagkikita, sinagip na niya ang buhay ko. Tinulungan niya tayo noong naputol ang iyong mga paa at ngayon, ang mga mata naman niya ang ibibigay niya sa akin. P-parang ayaw kong tanggpin ang mga mata niya kuya…”

“E… kung mamamatay din lang siya, tanggapin mo na. At least may isang parte ng katawan niya na mananatiling buhay at magiging ala-ala mo pa sa kanya.” ang sagot ni Dante.

“B-bakit malungkot ang boses mo kuya?” ang tanong ko noong nahalatang parang malungkot siya.

“Hindi… nalungkot lang ako sa kinahinatnan ni Tom. Ang bait-bait kasi niya.”

“K-kaya nga eh…”

Sa gabing iyon nagpaalam si Dante na umuwi muna gawa nang wala daw magbabantay sa baby. Ang kapitbahay na nagboluntaryong mag-alaga ay may aasikasuhin daw. Pinayagan ko na lang siya.

Kinabukasan, ipinaalam sa akin ng duktor na sisimulan na raw ang operasyon pagsapit ng hapon. Magkahalong kaba at excitement ang aking nadarama.

Noong dumating na ang takdang oras, inilipat nila ako sa operating room. “Nay… nasaan po si kuya?”

“Wala dito anak… Bukas na siya makarating may inaasikaso pa sa bahay. Hayaan mo, nandito naman ako e.” ang sambit ng inay. “H-handa ka na ba sa operasyon, anak?”

“G-gusto ko po munang pumarito ang kuya po… Hintayin po natin siya nay.” ang naisagot ko.

“E… nasa bahay nga siya anak.”

Na-disappoint naman ako. Syempre, si Dante ang nagpapalakas ng aking loob. “G-gusto ko pong makausap siya nay… k-kahit sa telepono lang po.”

Narinig kong nagbubulungan sila. Marahil ang mga duktor iyon na siyang mag-opera sa akin. At may narinig akong nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

“O sige, sandali lang ha? Tatawagan natin ang telepono ng kapitbahay…”

At maya-maya nga lang ay iniabot na sa akin ang isang cell phone. “Kausapin mo anak, si kuya mo iyan.”

“K-kuya? Nasaan ka? Ooperahan na ako!!!” ang sigaw ko.

“Nandito pa ako sa bahay tol… huwag kang mag-alala, pupuntahan kita d’yan!”

“Ngayon na kuya!!!”

“H-hindi pa ako puwede. Basta ituloy lang ang operasyon at darating ako ha? Sige na po… bait naman ang bunso ko eh…” ang panunuyo pa niya.

“Kuya naman e…”

“Basta, daratnig ako ha? O sya… may gaawin pa ako. Bye! I love you! Mwah!” At pinutol na niya ang linya.

Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Naramdaman ko sa aking mukha na may inilagay na parang gas mask at iyon na ang huli kong natandaan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na inoperahan at walang malay. Wala akong natatandaan sa oras, wala akong ideya kung isang araw ba o ilang oras dahil purong madilim lang ang aking nakikita. “K-kuya??? Inay???” ang sigaw ko.

“Nandito ako anak…” ang sagot naman ni inay. “Tapos na ang operasyon mo, at tagumpay daw ito sabi ng duktor.”

“T-talaga po? Makakakita na po ba ako?”

“Oo anak… makakakita ka na raw. Dalawang linggo kapag natanggal na ang mga bendahe sa iyong mga mata.” Ang sagot ng inay habang niyakap niya ako at tinatapik ang aking likod.

“N-nasaan po ba si kuya nay?” ang tanong ko noong naalala si Dante.

“Parating na dito anak… huwag kang mag-alala.”

At napanatag naman ang aking kalooban. At maya-maya nga ay narinig kong bumukas ang pinto at may narinig akong boses, “Kaya mo ba? Kaya mo ba?”

At narinig ko rin ang sagot ni dante na, “Kaya ko, kaya ko…”

Narinig ko ang palapit na palapit na tunog ng wheelchair ni kuya. Pamilyar na kasi sa akin iyon. “Bakit ka nila tinanong kuya kung kaya mo?”

“Ito naman o… putol kaya ang mga paa ko. Akala nila hindi ko kaya” sabay haplos niya sa aking katawan.

Inabot ko naman ang kanyang kamay at hinawakan iyon. “Bakit ba ang tagal-tagal mo ah!” ang may halong pagmamaktol at pagtatampo ko. “Naiinis ako sa iyo… Kung kailan makakakita na ako atsaka ka pa wala sa piling ko. Mabuti pa si kuya Tom. Kahit wala siya dito, lahat ay binigay niya para sa akin.”

“Sorry na… pasensya na. Mas mahal naman kita kaysa pagmamahal ng kuya Tom mo para sa iyo...”

“Iyon na nga eh… mahal mo ako pero wala ka sa piling ko. Kung namatay ako? Kung hindi ako nagising pagkatapos ng operasyon? Anong gagawin mo?”

“O sya… huwag nang magalit kasi nandito na ako at malapit ka nang makakita” ang sambit niya sabay hapols sa aking pisngi at hinalikan ang aking mga labi. “Mwah!”

At doon napawi ang aking pagtatampo.

Araw ng pagtatanggal ng bendahe sa aking mga mata. Excited na ako. Nandoon sa aking piling ang aking itay at inay. At muli, nawaa na naman si Dante. “N-asaan na naman si kuya nay?” ang tanong ko noong dumating na ang duktor at assistant niya upang siyang magtanggal ng bendahe.

“Parating na, huwag kang mag-alala” sagot naman ng inay.

Ngunit may 30 minutos na lang ang nakalipas at wala pa rnig Dante ang sumipot. “O sya, tanggalin na natin?” ang sabi ng duktor na umalis lang sandali gawa ng panghingi ko ng ilangminutong maghintay kay Dante.

“Nasaan na si kuya?” ang naiinis ko namang sabi med’yo tumaas uli ang boses.

“Malapit na raw siya. Ipatanggal na lang natin ang bendahe mo, anak. Naghintay na ang duktor.”

At wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon bagamat mabigat ito sa aking kalooban ang pagtanggal sa bendahe. Inisip ko pa naman sana na habang binubuksn ang bendahe ko, nasa tabi ko si dante at hawak-hawak ko ang kamay niya.

Ngunit wala na akong magawa. Habang dahan-dahang tinanggal na ang bendahe, hindi ko naman maiwasang sumagi sa isip si Tom. Naawa ako sa kanya, nalungkot kung ano man ang nangyari sa kanya.

Noong natanggal na ang bendahe, kinakabahan ako dahil madilim pa rin ang aking paligid noong unang ibinuka ko ang aking mga mata. Ngunit unti-unti ding may nakikita akong malabong sinag at hugis at ilang saglit pa, ay may nakikita na ako, bagamat tila may maninipis na ulap pang nakaharan. “N-nakakakita na ako!” sambit ko.

Narinig ko naman ang palakpakan ng mga nakapaligid. At nakita ko na ang aking inay, ang itay, ang duktor at dalawang nurse. Sobrang tuwa kong nanumbalik ang aking mga mata.

Noong ibinaling ko naman ang paningin ko sa isang sulok, nakita ko ang isang taong nakangiti rin at pumapalakpak. “K-kuya Tom!!!!!” ang sigaw ko. “A-akala ko nagkasakit ka at pumunta ng Amerika upang magpagamot! Akala ko ikaw ang nagbigay sa aking ng iyon mga mata!”

Tumawa lang siya, nilapitan ako at niyakap. “Hindi Tol. Nagpunta ako ng Amerika dahil nagbakasyon kami ng daddy ko at nagkataong nagkasakit ako, diarrhea. At nagpaospital. Ngunit ok na ako, kung kaya noong nalaman ko ang nangyari sa iyo at may handang donor na rin para sa iyong mga mata, kung kaya nagpadala na ako ng pera at heto, dali-daling umuwi.”

“E… s-sino pala ang nagdonate ng mga mata niya sa akin?”

“H-ahayan siya o…” sabay namang pagbukas ng pinto at tulak-tulak ng nurse ang kanyang wheel chair.

At noong nakita ko ang mukha noong nakasakay sa wheel chair, ang kanyang mga mata ay may mga bendhae pa rin, hindi ko na napigilan an gsarilign hindi sumigaw ng malakas. “Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!” Dali-dali akong bumalikwas ako sa kama atsaka niyakap siya. “Bakit hindi mo sinabiiiii? Bakit hindi mo sinabi kuyaaaaaaa!!!! Ang daya moooo!!!!!” ang sigaw ko dahil sa matinding pagkaawa ko sa kanyang kalagayan.

“P-pasensya ka na tol… Alam ko kasing hindi ka papayag kapag nalaman mong ibigay ko sa iyo ang aking mga mata. Gusto kong ikaw ang makakita kasi…” napahinto siya ng bahagya noong ang boses niya ay nag-crack, tanda na napaiyak siya. “… kasi, ako naman talaga ang may kapansanan eh. At… sa ganitong paraan ko rin mabayaran ang mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Di ba ang dami-dami mong mga sakripisyo at pagsubok na hinarap nang dahil sa akin. Naawa ako sa iyo. Pero ok lang naman sa akin kasi alam kong hindi mo ako pababayaan, hindi mo ako iiwan, di ba? Iyan ang pangako mo sa akin…”

“Kuya…” ang naisagot ko na lang.

“Ngunit may good news naman ako sa iyo tol…”

“A-ano iyon kuya?”

“Magkapatid kami sa ina ni Tom…”

Napatingin ako sa aking inay at itay. “Tama si kuya Dante mo, tristan. Mahabang kuwento ngunit naging katulong ng pamilya ng mga Villas ang ina ni Dante. Nabuntis ito ng ama ni Tom at noong mdiskubre ito, pinalayas siya ng yumaong lola ni Tom sa tahanan nila. Nag-imbento lang daw ito ng kuwento upang makatikim sa yaman ng mga Villas…”

“At huwag ka ring mag-alala tol… dahil kasalukuyang naghahanap na rin ang daddy; daddy namin ni Dante ng maaaring maging donor ng cornea upang makakitang muli ang aking kapatid. Bilib na bilib ang daddy sa ipinakitang pagtulong niya sa iyo. Alam mo naman ang daddy, may dugong pilantropo, mataas ang respeto sa mga taong mapagbigay. Kahit saang sulok ng mundo, hahanapin namin ang donor na iyan. Makakita din siya, huwag kang mag-alala. At tungkol naman sa pagkaputol ng mga paa ni Dante, hindi na rin problema iyan” at ipinakita niya ang dalang box na noong binuksan, ang laman ay mga prosthesis, o iyong artificial na mga paa at parang normal lamang itong paa kapag isinuot at nakakalakad ng normal, nakakatakbo...

Tuwang-tuwa naman si Dante sa narinig. Noong inabot ang mga ito sa kanya, hinahaplos-haplos niya.

“M-makakalakad ka na rin k-kuya” ang nasambit ko bagamat nalungkot din ako sa kalagayan niya, kung kailang pa siya nabulag. “S-sana, ako na lang ang naghintay sa donor eh… kasi ganoon pa rin naman. K-kagaya ngayon, makakalakad ka na sana muli. K-kaso, di ka naman nakakakita.”

“Hayaan mo na. Mas gusto kong ako ang maghintay kaysa ikaw. Malay mo, hindi makahanap ng donor e, di tuluyan ka nang mabulag.”

“E, ngayon kung hindi makahanap ng donor, e di ikaw naman ngayon ang tuluyang mabulag?”

“Ok lang… mas nanaisin kong ako mabulag ng habambuhay kaysa ikaw. Sobra-sobra na ang mga sakripisyo mo sa akin. Hayaan mong ako naman ang magparaya… Atsaka hindi ka ba masaya na may bahagi ng katawan ko na nasa iyo? Ang sarap kayang isipin na nakikita ng taong mahal ko ang kulay at ganda ng mundo dahil sa aking mga mata.”

At muling niyakap ko si Dante. Iyong pakiramdam na sobrang touched sa ginawa niya. “S-salamat kuya” at hinalikan ang kanyang mga labi. Doon ko narealize kung gaano niya talaga ako kamahal.

“K-kung pwede nga lang sana kitang pakasalan eh… ginawa ko na. Kaso, hindi. Kaya at least, d’yan, sa mata kong nasa iyo, parang na ring buo tayo.”

“T-talaga kuya? P-pakasalan mo sana ako?”

“Oo… kung maaari lang.”

Iyan ang sinabi niyang tumatak sa aking isipan.

At habang naghintay si Dante sa donor ng cornea, nagpapraktis naman siya sa paggamit sa prosthesis na ibinigay sa kanya ni Tom. At madali siyang natuto. Kung hindi lang siya bulag, malamang na nakatatakbo na rin ito. Naengganyo kasi sa ikinuwento ni kuya Tom tungkol sa isang South African runner na si Oscar Pistorius na bagamat naka-prosthesis lamang ay sumali sa mga international at Olympic competitions na ang mga kalaban ay may mga kumpletong paa. At palagi siyang nanalo, at tinaguriang blade runner.

Lumipas ang anim na buwan, ipinadala kami ng daddy ni Tom sa America. Ako, si Dante, ang anak niya sampu ng aming mga magulang. Doon kasi nila naisipang ipaopera ang mga mata ni Dante, at gusto rin ng daddy nila Tom na isama kami dahil sa isang sorpresa na pinaplano niyang ibigay kay Dante kapag bumalik na ang paningin nito. Ginastusan talaga nila ang aming pagpunta. May nakita na kasing donor para sa mga mata ni Dante at kailangan na siyang maoperahan.

Sobrang saya ko at ng aking mga magulang noong nakarating na kami ng Amerika. Sa buong buhay ko, hindi ko akalain na makarating ako sa lugar na iyon. At syempre, ganoon din ang naramdaman ng aking mga magulang. Imagine, nagtitinda lang kami ng mga tingi-tingi na asukal, mantika, asin, ahos at iba pa sa kanto-kanto, at biglang nakatungtong kami sa Amerika. Parang isang panaginip lamang ang lahat.

Anyway, naoperahan si Dante at natapos ito. At ang sabi ng mga duktor, matagumpay daw na nagawa ito. Pati ang sistema niya ay hindi ni-reject ang cornea na inilipat sa mata niya.

Sumapit ang araw na tatanggalin na ang bendahe. Ibayong sigla ang aking naramdaman. Hindi ako magkamayaw sa aking gagawin.

“Tol… Di ba tatanggalin lang naman nila ang bendahe ng aking mga mata? B-bakit kailangan pang sumakay tayo ng van?”

“Ah… eh, a-ano… ang daddy ninyo ni kuya Tom ay nasa mansyon ninyo at may sakit, hindi siya makapunta at gusto niyang doon gaganapin ang pagtanggal sa bendahe mo at siya ang isa sa mga taong dapat ay una mong makita. Hindi mo pa siya nakita di ba?”

“Hindi pa...”

“Kaya ganoon.”

“At bakit parang bihis na bihis ata ako sa aking porma? Atsaka hinipo ko ang aking prosthesis, parang ang ganda-ganda ng aking sapatos na suot?”

“E…” ang nasambit ko na lang. Hindi ko kasi alam kung paano ipaliwanag. At ang naging alibi ko na lang ay, “G-ganyan talaga ang mga mayayaman dito sa Amerika kuya! Kapag mayaman ka dito, kahit nasa bahay ka lang ay naka-Amerikana ka!”

Lihim naman na napahagakhak sina Tom at ang aking mga magulang na kasama naming nakasakay sa sa van.

“N-niloloko mo naman ako tol eh. Nagtawanan ata sina kuya Tom at inay at itay eh!”

“Iba naman ang pinagtawanan nila ah! Huwag ka kasing magpahalata. Baka sabihin ng mga taong ignorante ka. Basta ok lang iyang suot mo. Promise!”

Nakarating din kami sa itinakdang lugar. Actually, sa mansion naman talaga nila iyon, sa malaking bulwagan na mistulang isang auditorium ang laki. Napakaganda ng lugar, punong-puno ito ng palamuti at handa na rin ang mga streamers, ang mga malalaki at mababangong bulaklak, ang mga sound system, ang mga pagkain, ang mga bisita, isang sorpresa na angkop para sa isang anak-mayaman na nawala ngunit natagpuan...

Pakiwari ko ay puputok ang aking dibdib sa sobrang magkahalong matinding kaba at excitement. “G-ganito pala ang mga mayayaman…” bulong ko na lang sa sarili. Para akong lalamunin sa ganda at pagka elegante ng lugar. Parang bahagi lamang ako sa mga palamuti nito.

Sa gitna ng bulwagan pinaupo si kuya, sa gitna ng magkabilaang nakahilerang mga upuan. Nagpahinga sandali at noong sinabi ng duktor na tatanggalin na ang bendahe sa mga mata niya.

“Tatanggalin na ang bendahe ko tol! Nasaan ka? Dapat nandito ka sa gilid ko!” ang sigaw niya noong aalis sana ako.

“Ikaw nga, wala sa tabi ko noong tinanggal ang bendahe ko eh. Dapat wala rin ako!”

“Tado ka! Halika rito! Hawakan mo ang kamay ko!”

“Nandito lang ako kuya…” ang sambit ko bagamat hinila na ako ng aking mga magulang sa gitna ng pasilyo.

Hindi na siya nakapalag noong sinimulan na ng duktor ang pagtanggal sa kanyang mga bendahe.

Inadjust ang ilaw sa bulwagan, iyong may pagka-dim light na bahagya. Noong tuluyan nang natanggal ang lahat ng bendahe sa mga mata niya, hinid ko naman mailayo ang aking paningin sa mukha niya. Pansin ko ang tila pagka-disoriented niya. Naalala ko ang naramdaman ko noong ako naman ang inoperahan at tinanggalan ng bendahe. Na-imagine ko ang nakikitang dilim sa simula hanggang sa unti-unting luminaw ang paligid.

Nakita kong inikot niya ang kanyang mga mata. At sabay sa pagliwanag ng kanyang mukha ay pinatugtog ang kantang, “All My Life”

videokeman mp3
All My Life – America Song Lyrics


All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share

All the things this changing world can offer
So I sing, Id be happy just to
Stay this way, spend each day, with you

There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line

I put the past away
I put the past away
I put the past away

All my life, I will carry you through
All my life, between each hour of the passing days
I will stay with you

There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time then I chose to lay it on the line

I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I wanted this all my life

Ang kantang iyan kasi ang paborito niya. Nagflash-back tuloy ang eksenang galit na galit ako noong pinag-aralan niyang kantahin at gitarahin iyan gamit ang hiniram na gitara ng kapitbahay.

“Kuya naman! Magpatulog ka!!! Ang sakit sa tainga!!!” Paano basag na nga ang tunog ng gitara, magkahiwalay pa ang mga tono nila.

“Kaya nga nagpraktis eh!” sagot naman niya.

“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Arrggghhhh!”

At tumahimik siya, ibinalik sa kapitbahay ang gitara atsaka tumabi na sa akin sa pagtulog.

Kinabukasan, nakita ko ang kudigo niya sa mga chords at sa itaas ng papel ay may nakasulat na, “Theme song ko para sa mahal na mahal kong utol...”

Doon ako natouched sobra at naawa rin sa kanya kasi pinagalitan ko pa. Kaya noong nasa kuwarto na kaming muli, sinabi ko sa kanya na gusto kong kantahin niya muli ang “All My Life”

“Ayoko nga! Sagwa kaya ng boses ko!” ang pagtatampo niya.

“Hindi ah! Masama lang pakiramdam ko noon.”

“Sure ka na gusto mong kantahin ko?”

“Opo...”

At iyon ang simula. Palagi na niyang kinakanta iyan sa akin. Kapag nagagalit ako, naiinis, nalulungkot, kinakanta niya sa akin. Sinasabayan ko na rin siya. Wala akong pakialam kung naiingayan ang kapitbahay o sumakit din ang mga tainga nila. Basta para sa akin, ang kanta niya ang pinakamagandang kanta na narinig ko.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naalala ko ang hirap ng buhay naming, ang aking mga pinagdaanan, ang mga sakripisyo ko sa pag-ibig kay Dante. Ang buong akala ko ay hindi kami aabot sa ganoon.

Noong narinig niya ang kanta, ang hinanap kaagad ng paningin niya ay ako. At noong nakita na, “Tol!!! Nakakita na muli ako tol!!! Andaming tao tollll!” sigaw niya.

Natawa lang ako sa pagsisigaw niya. At habang nasa ganoon siyang ka-excited, ipinakilala naman siya ng duktor sa kanyang daddy. Parang isang iglap lamang iyon dahil pagkatapos noon ay ineskortan na siya nito sa pagmartsa sa gitnang pasilyo patungo sa kinaroroonan ko kung saan naman ay pinagitnaan ako ng aking mga nakaposturang magulang: naka barong-tagalog si itay at naka Filipina-gown naman ang inay. Sosyal na sosyal.

Kitang-kita ko sa mukha ni kuya ang pagkalito na ang isip ay tila nagtatnong sa daddy niya kung anong nangyari o kung saan sila patungo.

At habang nasa ganoong kalituhan si Dante, unti-unti namang ibinaba ang streamer galing sa itaas ng bulwagan na may nakasulat na, “Congratulations Dante-Tristan on your wedding!” sabay laglag ng mga confetti na may iba’t-ibang kulay at ang pag-ilaw na ng buong bulwagan.

Kitang-kita ko sa mukha ni Dante ang matinding pagkamangha. Tinitignan niya ako, abot-tainga naman ang ngiti niya, nakuha kung ano ang ibig sabihin ng okasyon.

Noong nakarating na sila sa aming kinatatayuan, nagmano siya sa mga magulang ko at niyakap siya ng aking inay at itay. “Alagaan mo si Tristan Dante… ngayong mag-iisang dibdib na kayo.”

Nakita ko ang mga luhang dumaloy sa mga mata ni Dante. “Huwag kang umiyak ah! Magka-impeksyon iyang mga mata mo!” sambit ko.

At kinurot niya ang aking pisngi sabay sabi ng, “Ikaw kasi… di mo sinabi ang lahat ng ito”

“Surprise kuya… surprise!”

Niyakap niya ako at hinalikan sa bibig.

Kumawala ako, “Hindi pa nga sinabi ng pari na kiss the bride, er… partner eh! Baka pagalitan tayo!” biro ko.

At nagtawanan na lang kami habang ipinagpatuloy ang pagmamartsa patungo sa harap ng bulwagan kung saan nakalagay ang platform na aming puwesto para sa seremonya ng kasal.

At habang nagmartsa kami, ang kantang ito naman ang pinili kong ipatugtog. Nagustuhan ko kasi ang kahulugan ng kanta lalo na sa mata niyang siyang dahilan upang Makita ko ang kulay at ganda ng buhay, na sinabi din sa kanta, “...and you brought out the colors, what a gentle surpise; now I’m able to see all the things life can be, shinin’ soft in you eyes, now I’m able to see all the things life can be
shinin’ soft in your eyes...”


videokeman mp3
You Decorated My Life – Kenny Rogers Song Lyrics


All my life was a paper,
Once plain, pure and white;
‘Till you moved with your pen,
Changin’ moods now and then
‘Till the balance was right.
Then you added some music,
Ev’ry note was in place;
And anybody could see all the changes in me
By the look on my face.

And you decorated my life,
Created a world where dreams area apart.
And you decorated my life
By paintin’ your love all over my heart,
You decorated my life.

Like a rhyme with no reason in an unfinished song;
There was no harmony life meant nothin’ to me,
Until you came along.
And you brought out the colors,
What a gentle surpise;
Now I’m able to see all the things life can be
Shinin’ soft in you eyes
Now I’m able to see all the things life can be
Shinin’ soft in your eyes

And you decorated my life;
Created a world where dreams are apart.
And you decorated my life
By paintin’ your love all over my heart,
You decorated my life.

At noong nakarating na kami sa harap ng altar at pastor, siguro naman ay alam na ninyo kung ano ang sunod na nangyari: Nag-“I do” kami, nagsumpaan, atsaka itinuloy ang halikan...

Ngayon, sa Amerka na kami nanirahan kasama ang aming mga magulang. May maliit na shop na ibinigay sa amin ng daddy nina Tom at Dante, at minamanage namin kasama ang aking mga magulang.

Si Dante naman ay hindi lang nakakalakad gamit ang kanyang prosthesis kundi isang runner na rin kagaya ng kanyang idol. Gusto raw niyang sundan ang mga yapak ni Oscar Pistorius.

Kumpleto na ang aming pagsasama. At dahil nasa amin ang baby ni Dante, buo na ang aming pamilya. Buo na rin ang aming buhay.

Wakas.

No comments:

Post a Comment