Sunday, January 6, 2013

My Wooden Heart (Finale)

By: Cielitoe
Youtube Channel: www.youtube.com/timclarify
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com

=================================
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, character, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.

“Ang pag-ibig parang ipis, akala mo patay na… yun pala buhay pa!”


Tulala lang ako habang pinapanood siya. Lumapit siya sa akin pagkatapos ng set nila at tinitigan lang ako. Tahimik. Hinawakan niya ang aking mukha… naiilang ako sa ginagawa niya dahil nagi-guilty talaga ako.




“My 3 months here is over…” pagbasag niya sa katahimikan.


“Huh? I thought you’ll stay here for good?” pagtataka ko.


“I know you Tim… I know you so well because I love you.”


“What do you mean Jerek?”


“You don’t need to hide anything… remember my promise? I promised not to push too hard!” nakangiti niyang sinabi. “I know what you feel… I’m here but it seems that you see someone else… I understand that!”


“Jerek…” maikli kong tugon.


“All I ever wanted was to take care of you Tim… you kept your promise to let me love you and so it’s time that I do my share. I love you so much that I want you to find your true happiness… and that’s not me.” Tuloy tuloy niyang sinabi.


“He’s here!” sabay tingin ni Jerek sa bandang entrance ng bar... nandun si Wesley...



Wala na kong nagawa noong panahon na yun kundi ang yakapin si Jerek… mahigpit, parang ayaw ko siyang pakawalan. Grabe ang nararamdaman kong saya sa pagpaparaya niya. At least alam ko na tanggap niya ang lahat at wala kaming samaan ng loob sa isa’t isa.



“Hep, hep, hep!... tama na yan! Baka maubusan ako!” si Wesley pala nasa tabi na namin. Epic fail! Panira ng drama!


“Hey you Wesley! Promise me never to make Tim cry again!” nakangiting sinabi ni Jerek kay Wesley. “If I hear any news that you made him upset again… I’ll get the first flight back to Manila!” pahabol niya.


“Hala! Hindi pa nakakaalis, may balak na agad bumalik?” bulong naman ni Wesley.


“What?” tanong ni Jerek.


“Nothing… he’s just joking! Ikaw baliw ka talaga… pipigilan ko yan!” sabay siko ko naman kay Wesley.


“But seriously Jerek. Thank you… super thank you for being so caring and understanding. I’ll bring back all your kindness, I don’t know how but I will.” Seryoso kong sinabi.



Nag-bonding muna kaming tatlo… HINDI KATULAD NG INIISIP NIYO! Hindi kami nag-threesome, mga baliw! Gumimik lang kami at tuluyan na ngang nagpaalaman. Okay naman palang pagsamahin yung dalawa. Buti walang rambol na naganap dahil talagang hindi maalis kay Jerek na maging sweet sa akin. Siguro iniintindi na lang ni Wesley, total sa kaniya naman ang puso ko… Yakkksss ang cheeseeeee… Hehehe!


Lumipas ang isang linggo… papalipad na pabalik ng Singapore si Jerek. Siyempre hinatid namin siya sa airport. Nakaka-artista lang kasi tinginan ang lahat ng tao sa amin. Paano ba naman ang gwapo ng mga kasama ko…LOL! Pero talagang na-sad ako sa pag-alis ni Jerek ha! Feeling ko nga mag-soulmates kami, yun bang magkakilala na kami noong past life namin kasi super comportable kami sa isa’t isa. But of course hanggang dun na lang yun.


Pumasok na nga si Jerek sa waiting area ng airport. Hindi na kami nakasama pa sa loob dahil bawal na daw kaya sinilip na lang namin siya ni Wesley mula sa glass wall. Ano yun? Bakit parang may gulo? Nakita namin na nakikipagtalo ito sa isang babae. In fairness, pretty si girl, matangkad at mukhang artistahin din kaso ang tapang!



“Manong guard… kaibigan kasi namin yung Intsik, anong nangyayari?” tanong ko sa guard na nagbabantay sa pinto.


“Ah… sir, baka nagkaka-agawan sa luggage? Palagi ho nangyayari yan dito. Baka magkamukha ang maleta nila o ano.” Sagot naman ng guard.


“Hayaan na natin sila… dyan din naman tayo nagsimula noon!” sabay tingin sa akin ni Wesley.


“May future!” sagot ko naman.



Tinext ko na lang si Jerek na aalis na din kami at mag-ingat siya palagi. Pagdating niya naman ng Singapore ay agad siyang nag-message sa akin sa Facebook. Ikinwento niya ang babaeng naka-away niya sa airport. Nakakaloka! Hindi lang niya pala nakabanggaan sa airport si loka… katabi pa niya sa eroplano at… kasamahan niya pa sa music school na pinagtuturuan niya! Pakk na pakk!


Kami naman ni Wesley… keri lang! Kung ngayon niyo ko tatanungin kung sure na sure na ba ako sa kaniya. Ganun pa din ang sagot ko. HINDI! Ayoko kasing magsalita ng tapos. Basta ang alam ko, masaya kami ngayon. Yun bang level na never kong naramdaman sa buong buhay ko. Mukhang ganon din naman siya sa akin. Para nga lang adik dahil ayaw naman akong tantanan, kulang na lang ipagpaalam ako kay Mom na magsama na kami. Siyempre ayoko noh! Pakasalan muna niya ko!


Grabe, ang bilis ng panahon, it has been exactly one year since una kaming nagkakilala. April 12! And guess what… birthday ko ngayon! Isang taon na naman nilamang ng age ko kay Boss… keber! Mas mukha naman akong bata sa kanya… hehehe!


Come to think of it! One year ago hindi ako naniniwala sa mga fairy tales at happy endings. Akala ko nga never na magiging bahagi ng isang love story ang buhay ko. Pero sa loob lang ng isang taon nagbago na ang lahat. Meron na akong prince charming… meron nang gumising sa mahabang pagtulog ng puso ko. My wooden heart… good bye na!


Speaking of love life… may usapan nga pala kami ni Wesley ah? Saan na yun si Mokong!?



“BUZZ!”


In fairness… sosyal sosyal na… may-nag YM!



“Boss… ikaw na lang punta dito sa bahay… masama kasi pakiramdam ko.- WESLEY”



Aba, birthday na birthday ko, gagawin akong care giver? Di bale na, love ko naman yun! Tawagan ko muna.



“Hello boss… anong nangyari sa’yo?”


“Masama pakiramdam ko eh, para kong nilalagnat? Pinagod mo kasi ako!”


“Ulol! Pinagod ka dyan… sino kaya sa atin ang sa kalagitnaan ng gabi eh magtetext at magyayayang mag-yun na! Pasalamat ka nga hindi ako napapansin ni Mom!”


“Ehehe… basta ikaw na lang pumunta dito ha! Sige na…”


“Opo na! BOSS!”


“Yehey… Love you!”


“Okay… sige!”


“Love you ko muna!”


“Kulit naman… oh siya… I love you… I love you… I love you kahit inaabuso mo ko!”


“Hoy… may ganun pa… walang maaabuso kung walang nagpapaabuso!”


“Ahhh ganun pala… oh sige, alagaan mo sarili mo!”


“JOKE lang!  Sige na… hintayin kita ha!”


“Okay… bye! I love you!”



Mapuntahan na nga si mokong… Baka kung mapano pa yun, ako pa sisihin ni Papa Rez Cortes este Papa Big Boss. By the way, okay na kami ng biyanan kong hilaw. Minsan eh hindi sila nagkakaintindihan ni Mom kapag nagku-krus ang landas nila pero understood na yun. Alam mo naman… mahirap magpalaki ng mga magulang.  At nandito na nga ako sa bahay niya. Bilis noh! Parang Simeco!


Bakit madilim? Parang walang tao? Pero nakabukas ang gate. So, gora na lang ko! Pati pinto eh bukas. Siguro naman hindi ako kakasuhan ng trespassing nito. Subukan niya at isang linggo ko siyang ida-diet! Bawal ang karne!



“Boss… Wesley… Boss!”



Waley talaga! Naupo na lang ako sa sala. Mokong talaga yun… pinapunta ako tapos wala naman pala siya dito! Biglang may nag-play na music… Careless Whisper? Hayden Kho… ikaw ba yan?


Aba! Si Wesley… naka-brief lang?



“Loko ka talaga… akala ko may sakit ka!”


“Upo ka lang dyan!” sayaw pa si mokong


“Ano na naman to… ikaw ha! Ginagawa mo kong sex slave! Kakasuhan kita!”


“Ikaw naman panira ka sa surprise… relax ka lang!”



At kinuha na nga niya ang surprise… halo- halo? Hindi ko din naman talaga masakyan trip nitong si Boss… Magkukunwaring may sakit at sasayawan ako ng naka-brief lang para pakainin ng halo halo? Ito na ba ang epekto ng global warming?



“Ano to?”


“Halo- Halo! Bilis kainin mo na… hindi ka ba nag-init sa akin?”


“Kapal mo din ha!.. nag-init… as if naman hindi ko pa nakita yan!”


“Ah… hindi pala ha… eh kung hubarin ko lahat!” sabay hawak sa garter ng kaniyang brief.


“Oh eto na nga kakainin na eh!.. tabihan mo na ko dali! Iipitan kita ng isang daan sa bewang!”


“Feel na feel mo ha… waaaah!!! Nandyan na ko!” sabay takbo sa akin.


“EH ano ba to? Masarap ba pagkakagawa mo?”


“Oo naman… kasing sarap ko… bilis kainin mo na…”


“Ayy, panis na to! Charrr lang…”



Nasa bandang dulo na ng baso ng may makagat akong matigas…



“Ano ba tong matigas boss? May halong adobe na pala ang halo halo ngayon…” sabay luwa sa matigas na bagay. “Waaaaaaaaaaaahhhhh… singsing? Para saan to.”



Kinuha ni Wesley ang singsing… Medyo kadiri dahil galing yun sa bibig ko pero keri na… sweet naman eh!



“Para to kay manang… naihulog niya siguro sa baso noong naggagawa siya ng halo halo.” Biro niya


“Loko loko ka talaga…”


“De… siyempre para sa’yo! Happy Birthday Boss…” at lumuhod ito sa harap ko. “Will you marry me!?”


“Weh di nga? Ilang K ba tong singsing… kapag may 24K , magye-yes ako!”


“Boss naman eh!”


“Ano ka ba… siyempre yes! Aarte pa ba ko? Yes!!! Kahit yayain pa ko ni Xian Lim,Enchong Dee, Coco Martin o kahit sino pa mang may Pan de Coco, ikaw pa din pipiliin ko! Kaya YES!!! Pero pwede bang next time, wag naman yung naka-brief ka lang, gawa tayo ng sequel ng proposal mo ha!”


“Basta Yes na ha! Hindi na magbabago yan!”



At nagpaikot ikot ito sa loob ng bahay sa sobrang saya. Para man akong magkaka-sore throat sa pinakain niyang halo halo eh okay lang. We also had dinner with my mom and his papa… mabuti naman at okay na lahat. Pinaalam na din namin sa kanila ang plano namin na pumunt ng Canada at dun magpakasal. Sa totoo lang, ang jologs ng idea pero sino bang hindi jologs kapag in love?


Si Jerek naman, nabalitaan naming sila na nung Pinay na nakabanggaan niya sa airport. Melanie daw ang pangalan at Marquez ang apelyido… Melanie Marquez? Kaya pala siya long-legged! Hahaha… happy naman ako para sa kanila dahil sa wakas ay nahanap na din ni Jerek ang para sa kaniya. Deserve na deserve naman niya yun dahil sobrang bait niya.


Kami ni Wesley, though nag-Yes na ko sa proposal niya eh naghihintay pa kami ng mga one year more bago lumipad ng Canada. Ayoko naman kasing madaliin lahat, alam mo na! Hindi naman kasi assurance ang kasal para masabing panghabambuhay na kami magsasama. Ang mahalaga eh nagkakaintindihan kami at nangako na kami sa isa’t isa. Let’s see kung after a year eh mapapanagutan naming ang promise naming at kung yun na… eh di yun na!


Ganoon lang kasimple ang kwento ko… walang babaeng hitad na suddenly naging psychotic at bet akong tsugihin… wala ding pulis na darating sa scene of the crime kung kelan tegi na ang lahat… wala ding masyadong revelations. Simple lang! Ganoon naman dapat ang buhay. Masyado nang problemado ang mundo kung satanista ba si Lady Gaga o hindi kaya ayoko na maki-sawsaw pa!


Ngayon bigla kong naalala ang 10 Commandment of love ko.


1. Ang taong in love, parang may LBM… ano mang pigil ang gagawin mo lalabas at lalabas din… minsan maamoy pa!

2. Kapag nagmahal ka… para ka lang nagsanla, may interes!

3. Wag ka masyadong seryoso sa pag-ibig… ang mga seryoso sa ICU ang diretso!

4. Masarap daw umibig… parang paborito mong ulam, wag lang sana abutin ng pagkapanis.

5. Ang pag-ibig parang bingo, kahit isang numero na lang ang kulang, minsan natatalo pa!

6. Madaling mauto ang nagmamahal… ingat ka lang kasi nakakasanay.

7. Kapag broken hearted ka, tiisin mo, nag-enjoy ka din naman!

8. Hindi madaling ma-in love, magastos! Magnegosyo ka na lang!

9. Kung hindi ka handang mabaliw, wag ka na lang sumugal sa pag-ibig

10. Ang pag-ibig parang ipis, akala mo patay na… yun pala buhay pa!



Parang hindi na siya updated… siguro kailangan ko na gumawa ng bago.

May sequel?



(WAKAS)

No comments:

Post a Comment