Blog: avinthisismylife.blogspot.com
Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)
*any resemblance in this story is just coincidental.*
FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip
sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------
[06] Back Together Again
"Ahhh ehhh....ayos lang naman siya.." sabi ni kuya Van..Pero parang may gusto pa siyang sabihin pero parang pinipigilan niya ang sarili niya..
"Ahh okay..".tumayo ako at akmang lalabas ng kwarto.
"O san ka pupunta?" tanong niya.
"Kay kuya Marco. gusto ko siyang makita." sabi ko.
Well, gusto ko naman kasing makita na si Marco ulit. Namiss ko rin yung mokong na yun.
Ang lantod! Grabe! Ang landi mo talaga! May Van ka na, naghahanap ka pa ng Marco! Grabe ang kati mo talaga!
Ang sabi ko, gusto kong makita yung tao dahil namimiss ko siya, hindi ko sinabing gusto ko siyang makita dahil crush ko siya! Abnormal ka talaga!
"Ayy.." parang nadisappoint siya.."Ganun ba??, sige.." sabi niya.
Hala! anong problema nito?
Baka naman nagseselos!
Nagseselos?
Ayy hinde!!!!!!!!
Bakit naman?
Hello?! Ang slow mo talaga, shunga na nga, slow pa..haay nako!
Eh bakit nga?!
Si Marco yung pupuntahan mo edi tiyak magseselos yan! Hello?! nakalimutan mo na ba? Marco's inlove with you too!
Ohh so? Friends lang naman kami ni kuya Marco ah?
Naku! Friends nga lang ba talaga?
Gaga! Ou naman! friends lang kami nun hanu!
Whatever!
Nasa ganoon akong pakikipagtalo sa boses sa utak ko ng biglang sumulpot si manang sa pinto..
"Sir Av, may bisita po kayo sa baba.." sabi ni manang.
Hala?! Bisita na agad? wala pang isang araw dito may bisita na agad? Sosyal!
Talagang sosyal ako! Hindi katulad mo! Cheap! hahah
Yabang naman nito!! Hoy FYI! Hindi ako cheap!
Hahaha, whatever.
"Ah eh...sino daw po yun manang?" tanong ko.
"Sina sir Marco po.." Nagkatinginan kami ni kuya Van..Parang bigla naman siyang naging malungkot nung narinig niyang nasa baba si Marco..
Nagseselos nga kasi!
Mukha nga.
"Sige po manang, susunod na kami." at umalis na si manang. Nilapitan ko si Van sa kama,.Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya.
"Tara, puntahan natin si kuya Marco sa baba." sabi ko. Ngumiti naman siya at tumayo na..Papalabas na sana kami ng pinto ng bigla niya akong yakapin at halikan muli.
"O para saan yun?" sabi ko.
"Sakin ka lang..Nakakulong ka na dito sa puso ko, kaya wala nang makakakuha sa'yo." sabi niya.
Tinulak ko ang noo niya. "Umm! Hindi ka pa rin nagbabago! Abnormal ka pa rin! At ang Corny ha!" sabi ko. "Tara na nga!"
Bumaba na kami. Hindi pa rin bumibitiw ang kamay namin sa isa't-isa..
Aray!
Hala? Bakit ka naman umaaray diyan?
Ang dami kasing langgam! Masyado kasi kayong sweet!
Inggit ka lang!
Che!
Nasa hagdan pa lang kami ay nakikita ko na sina kuya Marco, Macky at Coleen na nakaupo sa couch sa sala..Papalapit na kami sa kanila ng bigla silang nagtayuan at tumingin papunta sa amin ng nakangiti..Nginitian ko rin naman sila..Agad pumunta sina Coleen at Macky papunta sa akin. Binitawan naman ni kuya Van ang kamay ko para mayakap ang mga kaibigan ko..
"Av!" sabay nila akong niyakap..
"Buti naman okay ka..Akala namin iniwan mo na kami.." mangiyak-ngiyak na sinabi ni Coleen.
"Oo nga, pero buti na lang at okay ka na..Namiss ka namin!" sabi naman ni Macky..
Nginitian ko silang dalawa.. Namiss ko rin tong dalawang abnormal na mga kaibigan ko.
Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.."Namiss ko rin kayo." ang saya-saya ko kasi nakita ko na ulit silang lahat,.
"Av.." sabi ni Marco..Gumilid muna yung dalawa para mag-give way kay Marco. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.."Av! Thank God at okay ka!.Namiss kita..sobra..."
"Namiss din kita kuya.." ang nasabi ko na lang..habang nakayakap ako kay kuya Marco, nakita ko si kuya Van na nakatingin lang sa floor at parang may malalim na iniisip.
Anong drama nun?
Nagseselos nga!
Ganun?
Hayy nako! Paulit-ulit na lang! Parrot teh?! Unli?!
Kumalas na si Marco sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.."I'm really happy to see you again.." nginitian niya ako at pumatak ang luha niya..
"Me too kuya.." at nginitian ko rin siya..hinalikan niya ako sa noo at niyakap muli...
"Ehem ehem.." sabi ni Macky.."Hindi naman kaya magdikit na ang mga katawan ninyo niyan?"
Tumawa kaming lahat except si Van..mukhang may gumugulo talaga sa kanya..
Uulitin ko pa ba yung reason kung bakit?
Hinde yaan mu na..muka ka lang tanga..para kang sirang plaka! hahah
Che!
Anyway, so ayun nga, nagkita-kita na ulit kami. Umupo kami sa couch..2 yung couch sa sala. dun sa isa, nakaupo silang tatlo..dun naman sa isa, magkatabi kami ni Van na umupo. nasa kanang side ko siya..Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinawakan ko ang kamay niya.. Pagkatapos ay tiningnan siya't ngumiti..Parang nagliwanag naman ang buong mukha niya at nginitian niya ako.,hinigpitan pa niya ang pagkakahawa sa kamay ko't umakbay sa akin..Nakangiti naman sa amin yung dalawa..Si kuya Marco naman, halatang pilit yung ngiti niya.
O! Alam ko na sasabihin mo! Nagseselos diba?
Hayy nako! Buti naman alam mo! Nahihirapan na kaya akong paulit-ulit na sinasabi sa'yo!
Sinimulan kong ikinuwento sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin..mula sa pagsagip sa akin ni kuya Caloy, hanggang sa pagkakadiscover ko sa real identity ko, as Sam Wilson..Nakikinig naman sila sa akin ng mabuti habang nilalaro laro ni kuya Van ang kaliwang palad ko..ewan ko ba kung bakit niya ginagawa yun, pero hinayaan ko lang siya..Hindi naman kasi nakakadistract.
Panung hindi nakakadistract, eh gusto mo kasi!
Ou na! Sige na! Gusto na! Eh ano naman ngayon sa'yo?!
Wala naman.
Wala naman pala eh!
Pagkatapos ng kwento ko,..
"Grabe,..ang gulo pala ng buhay mo Av este Sam." sabi ni Coleen..
"Oo nga eh, pang-teleserye ang drama!" sabi naman ni Macky.
"I know right?!" sabi ko naman.
Tumawa naman kaming lahat..Pagkatapos ng kwentuha'y nagpaalam na sina kuya Marco..Pagkatapos ay umupo kaming muli ni kuya Van sa couch..nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at nakaholding hands..
"Bakit parang hindi masaya kanina nung nandito si Marco?" tanong ko..
"Wala.." sabi niya.
"Nagseselos ka ba kay kuya Marco?" tanong ko.tinignan ko siya sa mga mata.
"Oo." seryoso niyang sagot habang nakatitig sa akin.
Tama ka nga! Nagseselos nga talaga siya!
Hello?! May tao ba?
No comment na lang ako..baka kung ano pa masabi ko sa'yo.
Okay.
Nginitian ko siya at hinalikan sa labi.."Wag kang magselos kay kuya Marco..kaibigan ko lang siya..parang kapatid ko na lang din iyon."
Nginitian niya ako.."So ibig bang sabihin nito tayo na ulit?" tanong niya habang nakangiti.
"Nanligaw ka na ba?" tumawa ako..
"Akala ko pa naman makakalusot na ko!" sabi niya.
Tumawa lang ako..Pagkatapos ay niyakap ko siya..Napansin ko yung singsing na binigay niya sa akin. I was wearing it the whole time..Buti na nga lang at hindi siya nawala,. sa dinami-dami ng pinagdaanan ko, naka-stay lang siya sa daliri ko..Nakita niyang naka titig lang ako sa singsing na iyon na nakasuot sa daliri ko..
"Tayo na diba?" sabi niya.
"..hahalikan ba kita kung hindi tayo??" sabi ko.
"Sabi ko na nga ba eh!" sabi niya.."I love you Av..este Sam pala.." sabi niya at tumawa.
"I love you too kuya.." sabi ko.
Kumain kami ng hapunan at doon siya natulog sa amin..
PS: Walang nangyari sa amin huh!
Nag-umpisa na ulit akong bumalik sa pag-aaral..Nakahabol naman ako kaagad sa mga lessons dahil hindi naman ganoon ka-complicated ang mga ito..Masaya rin ang mga teachers at mga kaklase ko sa aking pagbabalik..Lumipas ang mga araw at bumalik na sa dati ang buhay ko..Paminsan minsan nama akong dinadalaw nila kuya Ken at kuya Max sa bahay..Nabalitaan ko rin na nag-aaral nang muli si kuya Caloy sa Manila..Nursing ang course na kinuha niya,. Naipapagamot na rin si nanay Soledad kaya bumubuti na ang kanyang kalagayan..Okay rin naman ang naging relationship namin ni Van,.Wala pa namang sinasapian ni Jenny or ni Ram sa paligid kaya walang kontra bida sa relasyon namin..
Eh paano naman si Marco?
Ay oo nga no..Ayun! Ang balita ko eh may nililigawan na si kuya Marco..si Cathy! Maganda si Cathy, matalino, at mabait raw sabi ng iba kong mga kaklase..Kaya siguro nagustuhan ni kuya Marco..I'm happy for him..
Happy ka ba talaga?
Oo naman! I'm happy na na-realize niya na babae talaga ang gusto niya,.naguluhan lang siguro siya noon nung sinabi niyang ako ang gusto niya..
Hindi ka nagseselos?
Bakit naman ako magseselos? At isa pa, I'm happy rin naman sa kalagayan ko ngayon ah..Happy ako with Van..so bakit pa ako maghahanap ng iba diba?
Ok.
Everything seems to be fine as time goes by. Parang ang saya-saya ng buhay.. Kasama ko ang mga kaibigan ko,..kasama ko ang mga taong mahal ko,.Nasa tabi ko lang palagi si Van..meron man kaming mga misunderstandings pero naayos naman kaagad..Madalas rin siyang matulog sa bahay..lalo na kapag Friday..
PS ulit: Walang nangyari sa amin,.
Hindi pa kasi ako ready sa ganoong bagay..oo 16 na nga ako, nasa college na, pero siyempre, mayroon pa ring mga bagay na hindi pa ako handang gawin, at isa na roon ang sex..Maybe the right time will come.
Ang arte mo naman!
Ewan ko sa'yo! Palibhasa kasi, malandi ka!
Che!
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana..Isang araw, pagkagising ko ay bumaba ako para kumain ng almusal,.Sunday noon kaya walang pasok..Pababa pa lang ako ng hagdan ay rinig ko na ang mga tawanan ng mga pamilyar na tao..Pagpunta ko sa sala, nakita ko sina mommy, daddy at buong Wilson family na nagkukuwentuhan. Lumapit ako sa kanila at binati silang lahat..Niyakap ko sila pati na rin si Sai..mukhang natutunan na niyang tanggapin ang lahat..
Pero bakit sila nandito?
"Uhmm, mama, papa, why are you here?" tanong ko.
"Sam..we're here to...."
----------------------
Until the next episode,
Sam.
[07] Goodbyes and Hellos
"Sam..we're here to visit you.." sabi ni papa ng nakangiti..
Wew! Akala ko kung anu na eh!
Masyado ka kasing praning!
Sorry naman! iba kasi yung kutob ko eh!
"Kamusta ka na anak?" tanong ni papa.
Nagulat ako sa aking narining. "Marunong ka pong magtagalog papa?"
"Siyempre naman anak!" sagot niya. Tumawa naman ang mga kuya ko.
"Okay naman po ako papa..kayo po?" tanong ko.
"I'm fine too." tugon niya ng nakangiti.
Bigla akong nilapitan ni mama Amy..hinawakan niya ang mga kamay ko.."Sam anak...Pwede ka na bang sumama sa amin?"
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya..Sh*t ayan na...Tama ang kutob ko..eto na ang pinakakinatatakutan kong manyari... Nakangiti lang silang lahat sa akin at naghihintay sa isasagot ko..
Sasama ka ba?
Hindi ko alam...
Gusto mo bang sumama?
Hindi ko alam....
Hindi mo alam?! Puro ka na lang hindi mo alam!
Eh hindi ko nga alam eh! Ikaw nasa utak ko, bakit hindi ikaw ang magsabi sakin kung ano nasa loob nito?!
...........
Oh ano?! bakit hindi ka makasagot?! Ang hirap hirap ng sitwasyon ko!
Nakikipagtalo ako sa boses sa utak ko ng biglang lumapit sa akin si mommy..
"Ah eh Amy,.Pwede ko muna ba siyang kausapin?" tanong ni mommy..
"Sige.." at nagngitian silang dalawa..
Niyaya ako ni mommy na pumunta sa kusina at doon nag-usap,.Hinawakan niya ang mga braso ko.
"Anak.." mangiyak-ngiyak siya ngunit nakangiti pa rin sa akin.
"Mommy.."
"Gusto kong malaman mo na....ayos lang sa amin ng daddy mo kung sasama ka na sa mga totoo mong magulang.." at tuluyan nang pumatak ang luha niya... "Karapatan mong makasama sila..At alam kong gusto ka na nila makasama..."
"Mommy.." tumulo na rin ang luha ko..Niyakap ko siya.
"Anak,..nanay rin ako...alam ko ang pakiramdam kapag nawalay sa akin ang anak ko..Mas matindi pa nga ang nararamdaman ni Amy..14 years siyang nangungulila sa'yo..."
"Ipinapamigay mo na po ba ako sa kanila mommy?" Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko.kumals ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Hindi kita ipinamimigay anak..Kung pwede nga lang dito ka na lang..."
"Eh bakit niyo po ako binibigay sa kanila?"
Niyakap lang ako ni mommy..Biglang lumitaw si daddy sa pintuan.
"Anak?." malungkot ang mukha ni daddy.
"Daddy.." agad akong yumakap kay daddy..niyakap niya ako ng mahigpit.
"Anak ko,.." sabi ni daddy.."Ako na dito Rosalie..puntahan mo muna sina Amy sa labas.."
Nakayakap pa rin ako kay daddy ng magpaalam sa amin si mommy..Niyaya ako ni daddy na umupo muna..Pinunasan niya ang mga luha ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Mga ilang minuto rin ang nakalipas,..
"Alam mo ba anak, ang saya saya ko nung dumating ka sa amin ng mommy mo..Kasi nagkaroon na kami ng anak...Lalo na lalaki ka..este, babae pala..." tumawa si daddy..
Natawa rin ako.."Daddy.."
"Tanggap naman kita diba?..dahil mahal kita anak ko.."
"Salamat po daddy.."
"Siyempre kasi anak kita..hindi man kita kadugo, magkarugtong pa rin ang puso.." niyakap ko siyang muli..
Mga ilang minuto rin siguro ang nakalipas na puno ng katahimikan bago siya magsalita muli..
"Anak..Kailangan mo nang sumama sa kanila..."
Tiningnan ko siya. unti-unting muling namumuo ang mga luha sa aking mga mata.
Ayaw na ba nila sa akin? Bakit nila ako ipinapamigay?
Sam, mahal ka nila..at ginagawa lang nila kung ano ang mas makakabuti sa'yo..kung ano ang dapat...kung ano ang tama..
"Hindi ka namin ipinamimigay..hindi ka namin ipinagtatabuyan....Ipinauubaya ka namin sa kanila...dahil sila ang tunay mong pamilya..."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya..tumulong muli ang mga luha ko.
"Anak, huwag mo sanang isiping hindi ka namin mahal...Mahal na mahal ka namin ng mommy mo anak ko..ginagawa lang namin kung ano ang nararapat..Hindi ka namin pwedeng ipagdamot sa mga tunay mong pamilya..masasaktan rin sila kung hindi ka sasama sa kanila..masakit man para sa amin..pero kailangan eh.."
Hindi pa rin ako nakasagot..tuluyan na akong humagulgol..Niyakap ako ni daddy..Hinayaan niya lang akong umiyak habang nakayakap ako sa kanya..Hinaplos niya ang ulo ko..
Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko..Hinalikan niya ako sa noo.."Lagi mong tatandaan anak..na mahal na mahal kita..Mahal na mahal ka namin ng mommy mo.." Nginitian niya ako.
"Mahal na mahal ko rin po kayo.."
So does this mean na sasama ka na sa kanila?
Excited much? tingnan mo na lang kung ano ang susunod na mga mangyayari sa..Agua Bendita..
Gaga! Agua Bendita ka jan?! Taong tubig ka teh? More like shokoy!
Gaga!
Bato bato sa langit, tamaan wag magalit!
Mali! Mali yang kasabihan mo na iyan!
Ha? Anong mali dun?
Bato bato sa langit,.......
O?
Ang tawag dun ay asteroids!!!
Loka loka!
:P
Pumunta na kaming muli sa sala ni daddy..Mukhang kinakabahan din sila sa magiging desisyon ko..
Ayokong iwanan sina mommy at daddy, dahil mahal ko sila..ayoko ring saktan sila mama at papa dahil mahal rin nila ako..at siyempre kahit hindi ko pa sila ganun kakilala, nanay at tatay ko pa rin sila..
So anu na?
Excited talaga teh?! Maghintay ka nga! Patience is a virtue!
Che!
Kaagad lumapit sa akin si mama Amy.."Anak?"
Huminga ako ng malalim...mahirap tong desisyon na to..Pero I have to do this..
"Sasama na po ako sa inyo mama.."
Kaagad akong niyakap ni mama..tuwang-tuwa siya sa kanyang narinig..maging si papa ay yumakap na rin sa akin.Nakita ko namang nakangiti lang sa amin sina mommy at daddy, pati na rin ang mga kuya ko..Lahat ay mukhang masaya, except kay Sai..Halatang pilit lang ang mga ngiti niya..Pero hindi ko na lang pinansin yun.
"Uhmm mama, pwede muna po ba akong magpaalam sa mga kaibigan ko?" tanong ko kay mama Amy.
"Sure anak!".
Lumabas ako ng bahay para pumunta sa bahay nila Macky..Kapitbahay lang namin sila kaya, konting hakbang lang, nandun na ako..Pinapasok ako kaagad ng katulong nila, naabutan kong nakaupo sina Macky at Coleen sa sala nila habang nagtatawanan at nanood ng tv..Natanaw ko naman sa dining area sina Cathy at kuya Marco..Mukhang sila na dahil ang sweet sweet nila..Hindi naman ako nagselos..
Naku!
Oo na sige na! Nagseselos ako! Pero konti lang ha!!!
Wala naman akong sinasabing nagseselos ka ah! Ikaw tong defensive! hahaha
Hayy nako!
Oo, nakaramdam ako ng selos, pero konti lang ha..Promise, konti lang talaga..Anyway,.
"O Av! Nandiyan ka pala!" sabi ni Macky.
"Ahh ehh..magpapaalam lang kasi ako sa inyo.." tintry kong wag umiyak..ayokong magburst out ulit ung mga luha ko, baka umiyak pa rin tong dalawa na to..
"Bakit??" tanong ni Coleen.
"Aalis na kasi ako.." sabi ko sa kanila. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita nilang pumatak ang luha ko.
"Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ni kuya Marco.
Tiningnan ko siya..Malungkot ang mukha niya..Ganun rin sina Macky at Coleen..Pinilit kong ngitian sila.."Sasama na kasi ako kila kuya." Pero biglang pumatak ang mga luha kong kanina pa namumuo.
Kaagad akong niyakap nung dalawa, sina Coleen at si Macky...Niyakap ko na lang din sila at hinayaang pumatak ang aking mga luha..Umiiyak na rin sila..
"Eto yung ayaw ko eh,..Yung mag-iiyakan pa tayo.." sabi ko sabay bitaw ng maikling tawa..
"Kailan ka ba aalis?" tanong ni Coleen.
"Mamaya na..kaya dumaan muna ko dito..para magpaalam sa inyo.." Pilit ko silang nginitian..kahit mahirap..kasi iiwanan ko tong mga abnormal pero mga mababait at mapagmahal kong mga kaibigan.."Wag kayung mag-alala, dadalawin ko naman kayo dito palagi.."
Niyakap nila kong dalawa muli.."Mamimiss ko kayung dalawa.."
"Mamimiss ka rin namin Av." sabi ni Macky.
"Sam.." Pag-cocorrect ko sa kanya..
"Ay oo nga pala,..Sam.." at nginitian niya ako..
Lumapit sa akin si kuya Marco..Nginitian ko siya...Niyakap niya ako ng mahigpit..Yumakap na lang rin ako sa kanya..Hindi kami nagsasalita..Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata..Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata..Hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap.
Ehem ehem, may nakakalimutan ka ata.
Ha? ano?
Si Cathy, gaga! Ang landi mo!
Ay shoot ou nga pala!
Kumalas ako sa pagkakayakap niya..Nginitian ko siya at tinignan si Cathy.. "Cathy."
"Hm?" tanong niya.
"Kapag pinaiyak ka nito sabihin mo sakin ha? Uupakan natin yan." sabi ko ng nakangiti. Tumawa naman silang lahat..
"Kaya mo ba akong upakan?" tanong ni Marco..
Nginitian ko lang siya..."Mamimiss kita kuya.."
"Mamimiss din kita..Pakabait ka dun ha? Wag sakit ng ulo? Wag ka na rin papakidnap!"
Natawa ako sa sinabi niya.."Sige, sasabihin ko sa mga kidnappers na wag ako ang kidnapin!"
"O sige na, pupuntahan ko pa si Van."
Niyakap nila akong muli..Nagpaalam sa isa't isa, at umalis na..Ang hirap magpaalam sa mga kaibigan mo..Lalo na sa mga kaibigan mong talagang parte na ng puso mo..Mahirap..Masakit..Nakakalungkot..Pero kailangan tanggapin..Makikita ko pa naman sila ulit..kaya let's think positive, sabi nga nila,.
Sunod kong pinuntahan si Van..Sa kanya ako pinakamahihirapang magpaalam..Iiyak na naman ako..Sumakay ako ng tricycle dahil nasa kabilang dako pa ng baranggay namin ang bahay nila..Dumating ako roon at naabutan kong nagwawalis sa labas ang nanay niya.
"Tita, good morning po,." bati ko kay Tita Ana. Nagmano ako sa kanya.
"Av anak, good morning din..Tulog pa si Van, ikaw na ang gumising." sabi ni tita.
"Sige po." pumasok ako sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto ni Van..Nakita kong nakahiga pa siya sa kanyang kama at himbing na himbing pa ang tulog..Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi niya.,Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya, at iniyakap ang aking kamay sa kanyang katawan..Tinitigan ko ang mukha niya, yung matangos niyang ilong, yung mapupula't malalambot na labi niya. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa mukha niya ng bumukas ang kanyang mga mata..Lumitaw ang mga gray niyang mga mata..Nginitian ko siya at nginitian rin niya ako..Hinalika niya ako sa labi..
"Good morning." sabi niya..
"Good morning.." Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.
"Bakit ka umiiyak? May problema ba?" tanong niya..
Hindi ako nakasagot kaagad at tuluyan na akong umiyak..Ang hirap pala nito! Ni hindi ko man lang masabi na aalis na ako..
Kaya mo yan! Nakasurvive ka nga sa bingit ng kamatayan e, yan pa kaya?! Kayang kaya mo yan!
Niyakap ko siya ng mahigpit..
"Bunso ko? Bakit ka umiiyak? Anong problema?"
"Kuya...kinukuha na ako ng mga totoo kong magulang.."
Hindi siya sumagot..sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit..
"I'm sorry..." sabi ko.
"Shh...Wala kang dapat i-pag-sorry.."
"Okay lang sa'yo?"
"Kung ako ang tatanungin, hindi..Dahil magkakalayo tayo..at ayokong malayu ka sa akin..Pero kailangan mong gawin to..pamilya mo sila, dapat lang na sumama ka sa kanila.."
Hindi ako sumagot..
"Magkikita pa naman tayo diba? Pwede naman kitang dalawin dun, diba?"
Tinignan ko siya at nginitian..Hinalikan niya akong muli sa labi at nagyakapan kaming dalawa..
============================================
Dumating kami sa bahay nila, este bahay namin pala..Nakakamangha yung bahay nila, namin pala..Mansion...mali, hacienda! parang isang buong street yung daan mula sa gate papunta sa bahay..Sa daan, makikita mo yung mga puno, mga halaman at bulaklak na nakatanim. Yung bahay naman, PALASYO!
Eleganteng elegante! Pang-mayamang pang mayaman! Sinalubong kami ng 3 katulong. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ang isang malaki't magandang chandelier na nakasabit sa kisame, ang mga paintings na nakasabit sa dingding at ang isang malaking family picture nila..Grabe wala akong masabi sa nakita ko..Sobrang ganda talaga ng bahay..Hinatid ako ni kuya Ken sa kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto ko, namangha akong muli..Ang laki! Malaki na yung kwarto ko nuon, pero ngayon, mas doble pa! May sariling bathroom, may sariling walking closet, may balchony..Ang laki nung kama, King size...May shelf ng books, at binilhan na rin nila ako ng sarili kong computer..
"Kuya, may laptop naman ako eh, bakit ka pa bumili ng desktop?" tanong ko.
"Eh mapilit si daddy eh..ibili ka raw, kaya ayan..At hindi lang iyan..Try sliding that door,." sabay turo sa isang furniture na parang isang cabinet..
I-ni-slide ko yung pinto at laking gulat ko sa nakita ko.. Isang 46-inch LCD tv..tapos sa ilalim nun, may PS3 with Move, at XBOX 360 with Kinect.
"Kami ng kuya Max mo ang bumili niyang mga consoles na yan para sa'yo. We also bought you some games,. Sana magustuhan mo.."
"Thank you kuya!!!!" niyakap ko siya..Ang bait naman talaga ng mga kuya ko.
Pagkatapos akong itour ni kuya Ken sa buong bahay, plus yung swimming pool, at yung baketball court, kumain na kami..masaya kaming kumakain..pero everytime na mapapatingin ako kay Sai ay matulis ang tingin nito sa akin,.
Anong problema niyang kambal mo?
Malay ko?
Oh well,.
Hindi ko naman ginawang big deal iyon..Hindi ko na lang pinansin..Dedma na lang..Natapos ang kainan, at natulog na ako.
==========================================
First day ko sa school nila Sai..Siyempre, nagtransfer ako ng school..nagshift rin ako ng course dahil iyon ang hiling ni papa, nahihiya naman akong tumutol kay pumayag na ako..so I decided to take Business Admin, katulad ng course ni Sai...Unang araw ko, and Sai didn't even bother teaching me the ways through the campus.
Kainis yang kambal mo ha!
Hayaan mo na lang..
Simula nung dumating ako sa bahay, ang sungit sungit na niya sa akin..Pag may tinatanong ako, sasabhin niya, "Bakit ba ang kulit kulit mo? Ang dami-dami mong tanong!"
Anyway, buti na lang ay may nagtour sa akin..Si Harvey..Siya raw ang assigned para magtour sa mga transferries..
"Hi! You must be Sam Wilson,. I'm Harvey del Rosario.." iniabot niya ang kamay niya sa akin.
"Hello, nice to meet you." sagot ko naman. Kinamayan ko siya.
Mabait si Harvey..Gwapo siya actually..Matangkad, moreno, maganda ang built ng katawan, mapula yung mga labi niya, may brown na mga mata, matangos ang ilong. Malakas din ang appeal..Pero siyempre, hindi ako nagpatukso, may boyfriend na kaya ako..
Buti naman alam mo na dapat wag ka magpatukso.
Siyempre! Ako pa?!
Inilibot niya ako sa buong campus. Inexplain ang mga rules, student code of conduct, pinakilala ako sa mga school administrators, principal, sa dean, sa lahat! Naikot nga namin ang buong school eh!
Sa unang class ko, College Algebra, nagulat ako na kaklase ko pala si Harvey..Parehas pala kami ng course na kinuha,..Nakahabol naman ako kaagad sa mga topics dahil naintindihan ko ito kaagad..Mataas naman kasi ang mga nakuha kong grades sa math nung highschool pa ako..
Natapos ang mga morning subjects ko at lunch break ko na..Pumunta ako ng canteen at bumili ng pagkain..Hindi naman ako gutom kaya napagpasyahan kong magsandwich na lang and then bumili ng iced tea,.Nakakita ako ng isang bakanteng table malapit sa bintana..Ewan ko ba, favorite spot ko yung somewhere malapit sa windows..Anyway, so ayun naupo ako..Kumakain ako ng biglang may kumalabit sa akin..Paglingon ko,
"Hey Sam!" nakangiti niyang bati sa akin.
--------------------------------
Until the next episode,
Sam.
[08]
Episode 8 - Jealou-Sai?
"Hey Sam!" nakangiti niyang bati sa akin.
"Oh Harvey! Ikaw pala iyan!" sabi ko.
"Mind if I join you?" tanong niya.
"No, soothe yourself." tugon ko naman ng nakangiti sa kanya..
Bakit kaya siya pumunta dito?
Umupo naman siya sa tabi ko..which is unexpected..I was expecting na sa harap ko sita uupo, but instead, he sat right next to me..
Naku! kunyari pang ayaw eh! Gustong gusto naman!
Gaga! May boyfriend na ko no!
Hmmp! Whatever!
"So what's up? Why aren't you with Sai?" tanong niya.
"Well, hindi naman kailangan lagi kaming magkasama diba? Magkasama na kami sa bahay..and I think he doesn't want me to be around, so might as well do things on my own.."
Mukhang hindi naman niya kasi ako talaga gustong makasama, kasi ba naman, lagi niya akong iniisnob, laging matulis ang tingin niya sa akin..At ramdam ko ang kaplastikan niya kapag naguusap kami kaharap nila mama..
"Are you having problems with each other?"
"I think we're still in the stage of knowing each other.." sabi ko sabay ng maigsing tawa. "We're still adjusting with our situation.." Tumigil ako sandali at nag-isip ng ibang topic na mapag-uusapan.. "Anyway, nakita ko yung mga pictures niyo ni Sai sa bahay ah..Mukhang magbestfriends kayo.." May mga pictures kasi silang dalawa sa sala..Simula nung bata pa sila hanggang sa tumanda na..Kung titingnan mo yung pictures nila, makikita mo talaga na magbestfriends silang dalawa.
"Used to be.." sabi niya ng may disappointment ang tone ng boses niya.
"Used to be? Bakit? Anung nangyari?" tanong ko,.
"It's a long story.." sabi niya.
Bigla naman akong nagkaroon ng eagerness na malaman kung ano ang nangyari sa kanila.. "Sige na! Kwento mo na!" pagpupumilit ko sa kanya..
Feeling close teh?!
Oo! At wala kang pakielam! Kaya tumahimik ka na lang jan!
Che!
Hindi siya sumagot.."Please.."
Natawa siya..Nagtaka ako kung bakit sia tumatawa.
Aba, at pinagtatawanan ako nitong mokong na to?
Kahit naman wala ka pang gawin eh, nakakatawa na yang mukha mo! Kaya wag ka nang magtaka kung bakit siya tumatawa!
Gaga! Cute kaya ako!
Conceited much?!
Nagsasabi lang ako ng totoo! Kung hindi ako cute, bakit naiinlove sakin yung mga lalaki?
Kasi nga ginayuma mo sila!
Hindi ako mangkukulam no! Baka ikaw!
Naku kunyari pa eh!
Whatever!
"Why are you laughing?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Magkakambal talaga kayo..Parehas kayung makulit!" sabi niya at pinisil niya ang pisngi ko.
Kinilig naman ako sa ginawa niyang iyon.. Teka, bakit ako kinikilig? Hindi pwede to!
"Ganun?"
So may similarity rin pala kami ni Sai, besides the appearance..
"Oo." sabay ngiti sa akin..
"Anyway, Anu na? Sabihin mo na.."
Nagbuntong hininga muna siya bago muling nagsalita.."Ok, but promise you won't tell anyone, and also, don't judge me.."
"I promise!" itinaas ko ang kanang kamay ko.
Ano naman kaya ang sinasabi niya na wag kong sasabihin kahit kanino? Hmmm...
"Magkababata kami niyang kakambal mo..Magkaklase since kinder and hanggang ngaun..magbestfriends kami...NOON..Ang saya saya namin noon..Parang magkapatid na nga rin ang turingan namin niyang si Sai..Habang lumilipas ang panahon, lalong gumagaan ang loob ko sa kanya...until sa hindi ko na namalayan....na..." bigla siyang tumigil..parang bigla siyang nahiya na ipagpatuloy ang sasabihin.
"Na?"
"Na...."
I think I know where is this going..Are you thinking what I'm thinking?
Confirmed!
So tinulungan ko na siyang i-open up ito sa akin..Sana lang tama ang hinala ko..dahil kung hindi, mapapahiya ako at baka magalit pa siya sa akin dahil ganun ang tingin ko sa kanya..."Na nahulog ang loob mo sa kanya?" tanong ko.
Tiningnan muna niya ako..pagkatapos ay tumingin sa baba, at saka tumango..
Confirmed indeed. Grabe bakit hindi ko siya naamoy kaagad? Kalahi ko pala ito.
Hindi naman kasi siya malansa katulad mo!
Ahh ganon?!
Oo! isa kang malansang sirena!
Ikaw naman, isa kang masangsang na shokoy!
Che!
Che ka rin!
"Nakakahiya.." bulong niya..
Bakit naman siya nahihiya? Wala namang masama sa ganun ah? Ako nga eto oh, hindi naman ako nahihiya sa iba..Wala naman kasi dapt ikahiya..Wala namang ginagawang masama..wala rin namang natatapakan na tao, kaya go lang dapat!
Hinawakan ko ang balikat niya,. "You don't have to be ashamed of anything Harvey..Wala namang masama kung ganyan ka..kung ganito tayo.."
Bigla siyang napatingin sa akin.."You mean,...you're...."
"Yes..I am.." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"T-talaga?"
"Oo nga!" at tumawa ako..
"Alam ba nila tita na ganyan ka?" tanong niya.
Tumango ako..Alam nilang lahat kung ano ako..At tanggap naman nila, even si Papa..Kaya nga nung hiniling niya sa akin na etong course na to ang kunin ko, hindi na ako nagdalawang isip na pagbigyan ang hiling niya..Siyempre, since tanggap naman nila, I have to do my part rin naman, at iyon ang pagsunod sa magulang ko..Swerte ako na tanggap nila ako..Bihira ang mga ganyan..yung iba nga, pinapalayas sa bahay nila,..itinatakwil ng tatay nila..Pero ako, ayan, tanggap na tanggap..Kaya kailangan ko ring suklian yung kabaitan nila.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kanila ni Sai..Matagal na pala niyang gusto si Sai, simula pa nung highschool sila..natatakot lang itong sabihin, dahil baka raw layuan siya nito..Dahil alam niyang lalaki si Sai..Pero nung nalasing sila isang beses, nung birthday ni Sai, hindi na niya napigilan ang sarili niya at nasabi niya kay Sai ang kanyang nararamdaman..
"Galit na galit siya sa akin noon..I've been taking advantage on him daw..Pero kahit kailan, I never took him for granted...Hindi ko siya inabuso..I tried to act just like a normal bestfriend would..Kahit nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang may kasama siyang iba..Kahit na nahihirapan ako na hindi ko siya mayakap at mahalikan..Tiniis ko lahat ng yun..wag lang siya lumayo sa akin.." sabi niya.
Ang martyr pala nito! Parang ikaw lang!
"Mahal mo talaga siya no?" tanong ko..
"Minahal ko siya...Pero natutunan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko...Since hindi rin naman magiging kami, might as well move on.."
"Hindi ako naniniwala.." sabi ko.
"Hindi ka naniniwala na???"
"Na hindi mo na siya mahal...Alam ko, mahal mo pa rin siya..." tugon ko ng nakangiti.
"And how can you be so sure? Nababasa mo ba kung ano ang nasa isip at puso ko Mr. Sam Wilson?"
"Nope..pero nararamdaman ko.."
"Malay mo, I've found someone else na.."
"Hindi, mahal mo pa rin talaga siya.."
"Hindi nga ih!"
"Mahal mo siya!"
"Ang kulit!!!!!" sabi niya sabay tawa..
Tumawa rin ako,."Aminin mo na kasi!!"
"Ano bang aaminin ko? Eh hindi naman talaga!"
Hindi ko na siya kinulit pa..baka kasi magalit pa siya.."Ok..basta..." sabi ko..Tumawa siyang muli..
Bigla kaming natahimik dalawa..Nilingon ko siya..Pagkalingon ko, nakita ko siyang nakatitig sa akin..
Shoot! Why is he staring at me?!Hala? Nabighani sa taglay kong kagandahan?
Ang kapal! Nastiff neck lang yan kaya hindi na maigalaw yung ulo!
Gaga! Stiff neck ka jan! Abnormal!
Mas abnormal ka!
"Why are you staring at me like that? Do I have something on my face?" tanong ko..Hindi pa rin siya sumasagot.
Infairness, gwapo talaga tong si Harvey..Kung wala lang akong boyfriend!
Aba! Ang landi talaga! Lagot ka kay Van!
Joke lang to naman!
"Harvey?" inuga ko siya.
"Oh, I'm sorry what?" tanong niya bigla ng parang bumalik siya sa kasalukuyan.
"Nakakalusaw yang titig mo!" biro ko sa kanya.
"Oh, I'm sorry,." sabi niya sabay tawa. "Magkamukhang magkamukha talaga kayo.."
"Ahh eh siguro dahil po magkakambal kami?" sarcastic na tugon ko sa kanya.
"Hmmmmm!!! ang cute mo talaga!" sabay pisil sa pisngi ko.
Kinikilig ako! Wait, hindi pwede to! Bakit ako kinikilig!Kainis!
Ang landi mo talaga!
Arrrghh, kainis naman kasi, bakit ang daming gwapo sa balat ng lupa!
Edi try mong pumunta sa ilalim ng lupa!
Gaga!
Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa next class namin..Kapag naman pinaglalaruan ka talaga ng tadhana oo..Magkaklase pa rin kami! Parang highschool lang ang dating sakin!
Baka naman kasi meant to be!
Meant to be ka jan! May Van na ko! Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba! Which reminds me, ano na kaya ang ginagawa nun ngayun?
Wala pa naman yung professor namin kaya tinext ko muna sa Van.
-> Hi kuya! What gawa mo ngayun?
Kaagad naman siyang nagreply.
+> Hi bunso ko! Eto iniisip ka..ikaw? I miss you. :(
Bigla naman akong kinilig sa text niyang iyon..
-> awwwe :) parehas po pala tayu ng ginagawa.. i miss you too po!
+> Cge bunso ko, dito na prof ko, usap na lang tayu ulit mamaya..i love you!
Narinig ko sa mga kaklase ko na paparating na rin daw yung prof namin.
-> Cge po kuya ko! Dito na rin prof ko eh,..i love you more!
+> I love you morER! :P
-> I love you morEST! :P
+> Cge na, baka hindi pa kita mapakawalan,.i love you! Mwah!
-> hehehe, I love you too! Mwah!
Nasa ganun akong state of kakiligan ng biglang nagsalita si Harvey..Katabi ko lang siya.."Sino yang kausap mo? Mukhang kinikilig ka ah!"
"Ahh, wala ito.." palusot ko.
"Naku! Boyfriend mo no?" sabi niya..Buti na lang at sa likod kami nakaupo, at walang tao sa row sa harap namin.
"Ah eh..Oum." sabay tango sa kanya..
"Ahh so may boyfriend ka na pala..." sabi niya..ewan ko kung tama ang pandinig ko, pero narinig kong binulong niya na, "wala na pala akong pag-asa.."
"Anu yon?" tanong ko.
"Hmmm? May sinabi ba ko?"
"Parang may narinig lang kasi ako..Oh well.." sabi ko nalang. Pero I swear, promise talaga! Narinig ko talaga yun!
Naku! Ayan na naman tayo sa kakapalan ng mukha mo!
Ayan na naman tayo sa sobrang kaepalan mo!
Whatever!
Inggit ka lang!
Inikot ko ang mga mata ko sa buong class..Nagbabakasakaling may iba pa kong kilala, like classmate ko sa morning class ko..Pero nagulat ako kung sino ang makita ko sa class na iyon..Si Sai!!!
"Kaklase rin pala natin si Sai?" bulong ko kay Harvey..
"Oo,." sabi niya.
Nagsimula na ang klase,..naging active naman ako sa pagsagot sa mga tanong ng prof namin.Bilib na bilib naman sa akin si Harvey, ang galing galing ko raw..Nung napalingon naman ako sa direksyon ni Sai, matulis ang tingin niya sa akin pagkatapos ay inirapan ako..
Aba! At ang taray!
Anong drama nun?!
Insecured..
Hindi naman siguro..matalino rin naman daw siya sabi ni Harvey. Hay nako..Yamu na nga siya!
Tama, dedma na lang.
Natapos ang buong araw..okay naman ang first day ko..I met some new friends..including Harvey..Ang bait nga eh, hinatid pa ko pauwi.. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso na agad ako sa kitchen para kumuha ng maiinom..Wala sa bahay sina mama, papa at sina kuya..Nasa trabaho silang lahat..naabutan kong naroon din si Sai, umiinom ng juice naroon rin ang isang katulong..Nginitian ko lang siya pero inisnob pa rin niya ako.
Aba! At ano nanamang problema nito?! Hay nako!
"May kailangan po kayo sir?" tanong ni manang Betty.
"Ahh tubig na lang po, salamat." sabi ko naman..kaagad akong kinuha ng tubig ni manang..Umiinom na ako ng biglang nagsalita si Sai.
"Mukhang magkaibigan na kayo ni Harvey ah.." sabi niya.
"Oo, magkaibigan na kami..Ang bait pala nun..Diba magkaibigan rin kayo?" sabi ko na lang at nginitian siya..
Mga ilang segundo rin bago siya nakasagot.."Used to be.." maikling tugon niya.."Hindi kasi ako nikipagkaibigan sa mga taong manggagamit,."
Wow! Ang lakas naman makapintas nito! Akala mo kung sino siyang perpekto!
Ou nga!
Hindi ko na lang siya sinagot..
"Ang galing mo rin kanina ah..nasasagot mo lahat ng tanong ng prof natin..nagpasikat?"
Waaa! Ako? nagpapasikat??
"Excuse me??"
"You heard me,.Nagpapasikat ka! Nagmamayabang! Gusto mo ikaw ang magaling! gusto mo ikaw ang sikat!" sabi niya.
Aba! Away na to!
Shhh!
"That's not true Sai!" depensa ko.
"Talaga lang ha? Alam mo, bagay kayo ni Harvey. Parehas kayung plastik!" sabi niya.
Nag-umpisa na lang akong maglakad papunta sa labas ng kusina..Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Baka kung ano pa magawa ko sa kanya..
"Hey! I'm yet finish talking to you!" hindi ko na pinansin iyon at dumiretso na lang sa kwarto..
Kainis yang Sai na yan ha..Ang yabang yabang!!! arrghhh!
Wag mo na nga lang siyang pansinin..Papansin lang yan!
Arrrghh Kainis kasi eh!! Kala mo kung sino siya!!
Tinry kong tanggalin ang inis ko sa kanya sa pamamagitan ng pagtulog..Napagod rin kasi ako sa unang araw ng school..Nagising akong katabi ko si kuya Max sa higaan..Nakatitig lang siya sa akin..
Nginitian ko siya.."Bakit ka nakatitig sakin ng ganyan kuya?" tanong ko habang kinukuskos ko yung mga mata ko.
"Ang cute kasi ng bunso ko, lalo na pag natutulog.." sabi niya.
"Bolero ka talaga kuya.." sabay bato ko sa kanya yung isang unan.. tumayo ako.."Ano nga palang ginagawa mo dito kuya?"
"Kakain na kasi tayo ng dinner."
"Eh bakit di mo na lang po ako ginising?"
"Ang himbing kasi ng tulog mo, kaya hinintay na lang kita magising.." tugon naman niya.
"Ahh..sige kuya, maghihilamos lang ako tapos bababa na rin ako.."
"Sige, hintayin na kita.."
At naghilamos ako..Pagkatapos ay pumunta na kami sa baba..naabutan namin na nakaupo na silang lahat..
"Goodevening anak.." bati sa akin ni mama.
"Good evening po mama." sabay beso kay mama.
Nagsimula kaming kumain. Tahimik lang ako..Ganun rin si Sai..pero kapag nababaling ang tingin ko sa kanya, nakikita kong matulis ang tingin niya sa akin.
"Tumawag nga pala kami ng papa mo sa school niyo..Para kamustahin ang naging performance mo sa first day mo dun.." sabi ni mama.
"You're professors told me that you're doing great..they say you're a smart kid..Keep up the good work Sam.." sabi naman ni Papa..
"Very good anak! Alam kong kayang kaya mo ito anak.." sabi ni mama.
"Thank you po, ma, pa." tugon ko ng nakangiti,.
"Ou nga naman Sam,.Congratulations! Ang galing galing mo." said Sai, with sarcasm.."Next time, gagalingan ko rin para naman matuwa sina mama and papa sa akin..Oh wait, actually ginalingan ko..I think it's just not good enough." sabi niya.
Bigla akong natahimik sa sinabi ni Sai.
"Sai!" sabi ni kuya Ken.
"What? Totoo naman ah! When I graduated salutatorian last year, naging ganyan ba kayo kahappy? Hindi!" sabi niya..
"Sai stop it!" sabi naman ni papa.
"No!" sabi niya sabay tayo.."I did everything! Pero bakit parang kulang pa rin?! Bakit si Sam?" at tinuro niya ako.. "Ang saya saya niyo para sa kanya!..Eh ako?!! You never became happy for me! That's because you don't love me! Siya lang ang mahal niyo!" nakita kong pumatak ang luha niya.
Nilapitan siya ni mama.."Sai, anak.." ngunit itinaboy siya nito.
"No Ma!" sabi ni Sai..Tinignan niya ako..Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata..Akala ko'y may sasabihin siya, ngunit nagwalk-out lang siya..
Bakit sayo siya nagagalit? Ano bang ginawa mo sa kanya? Wala ka namang ginagawa sa kanya ah..
Hindi ko rin alam..
Natulala lang ako.. "Bunso, wag mo nang isipin yung sinabi ni Sai.." sabi ni kuya Ken habang nakahawak siya sa braso ko.
Binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti..Feeling ko tuloy, ako ang may kasalanan ng lahat ng to..Dumaan ang mga araw, at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Sai..Para ngang hindi ako nag-eexist eh..Hindi ko na lang siya pinansin..Mas minabuti ko na lang na magfocus sa pag-aaral..Pero sa tuwing nagkikita kami sa school, parang may nagtutulak sa akin na lapitan siya at ayusin kung ano mang gusot ang meron sa amin..
Hayaan mo na nga lang siya!
Hindi pwede, kapatid ko siya..Kakambal pa nga eh! Hindi ko siya kayang tiisin, lalo na't hindi ko alam kung bakit siya ganun sa akin..gusto kong ayusin kung ano mang problema namin..
Napagdesisyunan kong kausapin siya..Isang araw, sa school,.Lunch na noon.Naglalakad kami papuntang cafeteria.
"Sai!" sabi ko habang hinahabol ko siya,."Sai sandali lang!" hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
"Ano ba?!" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya.."Ano ba ha?! Tigilan mo nga ako!" sabi niya sabay talikod.
"Sai wait! I just want to talk to you." sabi ko..hinawakan ko ang balikat niya.
"Hindi ka ba titigil ha?!" galit na galit siya..tumalikod siyang muli.
"Sai!"
Sa pagharap niya muli, ay sinuntok na niya ako sa mukha.. Tumumba ako sa lakas ng suntok niya..Nagulat ang lahat ng tao sa nakita nila..Masakit yung suntok niya..Naluha nga ako sa sakit.
"Sam!" sigaw ni Harvey..tinulungan niya akong tumayo.."Ayos ka lang ba?"
Tumango na lang ako..
"Ano bang problema mo?! Bakit mo siya sinuntok ha?!" sabi ni Harvey.
"Yan ang problema ko!" sabay turo niya sa akin..
"Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah! Gusto ko lang makipag-usap! Hindi ko nga alam kung bakit ka galit na galit sakin eh!" sagot ko naman..
Hindi na nagsalita pa si Sai at umalis na ito..Kaagad naman akong dinala ni Harvey sa clinic.
"Bakit mo ba kasi nilapitan yun? Ayan tuloy, nasaktan ka pa.." sabi ni Harvey.
"Harvey, gusto kong malaman kung bakit siya galit sa akin dahil wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit siya ganun sa akin..Gusto ko na lang wag pansinin pero, hindi ko matiis..magkapatid kami Harvey..Magkakambal pa..hindi ba mas maganda na magkaayos kami?"
"Pero nasasaktan ka na Sam.." sabi niya.
"Kung ito lang ang paraan para magkaayos kami, kahit suntukin pa niya ako ng ilang beses, ayos lang..ang mahalaga, magkaayos na kaming magkapatid.."
Hindi na nagsalita pa si Harvey..Sa halip ay nginitian na lang niya ako..
Bakit ba kasi ipinagsisiksikan mo yang sarili mo kay Sai? Nakita mo namang ayaw ka niya eh!
Sabi ko nga, magkapatid kami..At hindi ko siya kayang tiisin.
Eh bakit ikaw natitiis niya.
Porket ba ganun siya sa akin ay ganun na rin dapat ako sa kanya?
Oo ah! Kung ayaw niya sa'yo, wag ka nang magpumilit pa.
Hindi pwede..kapatid ko siya..Malay mo, mapalambot ko rin ang puso niya.
Ang tanga mo talaga!
Tanga na kung tanga..Mahal ko lang yung kapatid ko..
Pag-uwi ko ng bahay, kaagad napansin ng mga magulang ko ang pasa ko sa mukha..Nagpalusot na lang ako na nadulas ako sa banyo at tumama ang mukha ko sa sahig..Ayoko na kasing mas magalit pa sa akin si Sai kung sasabihin kong siya ang may gawa sa akin noon..
Dumaan ang mga araw, wala pa ring nagbabago..ganun pa rin si Sai sa akin..hindi ako pinapansin..Kaya mas minabuti ko na lang munang magfocus sa aking pag-aaral..Mas napapalapit naman kami ni Harvey sa isa't-isa..Unti-unti ko siyang mas nakilala..Mabait talaga siya, lagi kaming sabay umuuwi, kumakain sa labas, magkasamang gumagawa ng projects and assignments..Okay naman ang relationship namin ni Van..Nag-uusap naman kami araw-araw..Parang wala namang nagbabago saaming dalawa.. Isang araw, may dumating sa bahay..
"Sir Sam, may bisita po kayo.." sabi ni manang.
"Sino daw po?" tanong ko.
"Ako." sabi nung boses na nanggaling sa likod ni manang.
Halos abot tenga ang ngiti ko ng makita ko siya..Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit..Namiss ko siya ng sobra..
"Kuya!" sabi ko..
---------------------------------
Until the next episode,
Sam.
contact me @:
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com
[09]
Episode 9 - S.S.S.
"Kuya!" sabi ko habang yakap yakap siya ng mahigpit.
"Mukhang namiss ako ng bunso ko ah.." sabi niya habang yakap yakap niya ako..
"Naku! Eh namiss mo rin naman ako!"
Assuming teh?!
Sige, pustahan tayo o! Ipapaputol ko lahat ng daliri ko, pati sa paa, kapag sinabi niyang hindi niya ako namiss!
Naku hayaan mo na! Hindi bagay sayu ang maging isang powerpuff girl.
Whatever!
"Hindi kaya!!" sabi naman niya..
"Ah ganon?!" pagtataray ko sa kanya.
WAHAHAHA! Pano ba yan?! Talo ka! Paputol mo na yang daliri mo!
"Hindi lang kita namiss,.MISS na MISS kita ng SOBRA SOBRA!" sabi niya at niyakap akong muli ng mahigpit..Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.."I love you.." sabi niya ng nakangiti..
"I love you too.." at nginitian ko rin siya,. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi..Namiss ko ng sobra yung halik niyang iyon..Mainit..masarap..punong-puno ng pagmamahal..Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may umextra.
"Ehem ehem.." boses galing sa likuran ko..Bigla akong napatigil at nilingon kung sino iyon..Si Harvey..Nakangiti lang siya sa amin..
"Mukhang namiss niyo talaga ang isa't isa ah." sabi ni Harvey.
"Ah eh kuya, this is Harvey. Friend and classmate ko sa school..Harvey, this is Van..my boyfriend.." pakilala ko sa kanila sa isa't isa.
"Nice to meet you pre." sabay abot ng kamay ni Harvey para kamayan si Van.
"Nice to meet you too.." At kinamayan naman siya ni Van..
Pagkatapos nilang magkamayan, nagpaalam na si Harvey sa amin.
"Ah eh Sam, kailangan ko ng umalis..may pupuntahan pa kasi kami ng mga parents ko." sabi ni Harvey.
"Ganun ba? Sige ingat ka Harvey.." sagot ko naman sa kanya at nginitian siya.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.."Bye" sabi niya habang nakayakap sa akin..
Waaaah! ano to? Bakit ganito? Bakit may yakap pang kasama??
Naku! Eh gusto mo naman!
Gusto? Hello! Una, nagulat ako, wala akong sinabing kinikilig ako or something..Pangalawa, VAN IS RIGHT IN FRONT OF US!
Naku patay kang bata ka!
Hindi ako nakapagreact sa ginawa niyang iyon..Parang nanigas lang ako at dilat na dilat ang mga mata..Mga ilang Segundo rin ang nakalipas at kumalas na siya sa hug niya sa akin..Nakangiti lang siya sa akin..Pagkatapos at hinarap niya si Van at kinamayan ulit ito.
“Sige pre una na ko..Nice meeting you ulit.” Paalam ni Harvey.
“Sige, ingat ka pre.” Sabi naman ni Van.
Nakalabas na si Harvey ngunit wala pa rin akong kibo. Tinignan ko si Van at mukhang nagtatampo or….nagseselos..Nakatitig lang siya sa akin..kalmado ang kanyang mukha..ngunit nakikita ko sa mga mata niya..na may iba siyang nararamdaman..Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang kamay niya, at hinawakan iyon ng mahigpit..
“Tara, punta tayo sa kwarto.” Anyaya ko sa kanya ng nakangiti.
Sinuklian naman niya ako ng ngiti at tumango. Umakyat kami sa kwarto ko..Namangha naman siya sa laki nito.
“Wow! Ang laki naman ng kwarto ng bunso ko! Pwede na tayong tumira dito ah! Kasama ang mga anak natin!” sabi niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya.. “Oo, kasama ng mga ANAK natin.” Pageemphasize ko sa word na anak..Kasi nga diba, paano kaming magkakaroon ng anak, eh wala naman akong anu,.alam niyo na..
“Gusto mo ba, gumawa na tayo ng baby?” tanong niya sa akin sabay bitaw ng isang pilyong ngiti.
Tinulak ko ang noo niya. “Ummm! Baby ka jan?!” sabay talikod sa kanya papunta sa kama.
Kaagad naman niya akong hinablot at niyakap sa likuran.. “Sige na bunso…please..” pagmamakaawa niya.
“Diba nag-usap na tayo sa bagay na iyan?” humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Nakayakap naman siya sa magkabilang side ng baywang ko..
“Opo..” disappointed na tugon niya.
“Sorry ha..kung hindi pa ako handa..”sabi ko.
“Ayos lang..kaya ko naman maghintay eh..basta para sa’yo.” Sabi niya sabay bitaw ng isang matamis na ngiti..
Hinalikan ko siya sa labi. “Thank you..”
“I love you..” sabi niya.
“I love you too..” at niyakap ko siya ng mahigpit.
Itinour ko siya sa bahay namin.. Nagswimming din kami sa pool..naglaro ng ps3..mga bagay na namiss kong ginagawa naming noon.. Nakapag-usap rin sila ng mga magulang ko. Gayon din sa mga kuya ko..Si Sai lang ang hindi..Pagkatapos niyang kumain, umakyat na kaagad siya sa kwarto niya at naiwan kaming lahat sa sala na nagkukuwentuhan..doon na rin siya nagpalipas ng gabi, tutal wala namang pasok kinabukasan..
Magkatabi kami sa kama ko..Nakapatong ang ulo ko sa kaliwang balikat niya, nakapatong ang paa ko sa kanyang tiyan at magkahawak ang kaliwang kamay ko at kanang kamay niya na nakapatong sa kanyang dibdib..Nakayakap naman sa akin ang kaliwang kamay niya..
“Namiss ko to..sobra..” sabi niya.,.
“Ako rin...namiss kita..sobra…” sagot ko naman.
“Bunso..”
“Po kuya?”
“Lagi mong tatandaan…kahit magkalayo man tayo..kahit minsan lang tayo nagkakasama..mahal na mahal kita..” sabi niya..
Tiningnan ko siya at tumitig sa mga mata niya.. “Opo..mahal na mahal din po kita..”
“Minahal kita noon…minamahal pa rin kita hanggang ngayon..at pinapangako ko sa’yo, ikaw lang ang mamahalin ko sa habang panahon..” sabi niya.
Ang saya saya sa pakiramdam kapag naririnig mo iyong linya na iyon..lalo na galing sa taong mahal na mahal mo..
“Ikaw lang ang laman ng puso ko..” sabi ko naman.
“Alam ko..dahil kahit na ilang beses ka nang umiyak ng dahil sakin, tinanggap mo pa rin ako..at minahal ng buong buo..kaya napakaswerte ko..dahil mayroon akong isang cute, malambing at mapagmahal na bunso, partner,..at asawa, sa future..” sabi niya ng nakangiti.
Kinilig ako ng sobra sa sinabi niya.. “Asawa?”
“Bakit ayaw mob a akong maging asawa mo?” tanong niya.
“Siyempre gusto!”
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, Gustong gusto ko! Gusto ko lang ulit marinig na sabihin mu ulit na asawa mo ako..
Ang landi mo!
Wag ka nga munang umepal jan!
Hmff!
“Yun naman pala eh!. Teka, asaan yung singsing na binigay ko sa’yo noon?” tanong niya.
“Ayan oh.” Sabay pakita ko sa kanya ng kaliwang kamay ko.
Kinuha niya ang singsing at tumayo siya.. “Oh san ka pupunta?” tanong ko.
“Sandali lang..” Pumunta siya sa gilid ng kama at lumuhod sa harap ko..
“Waaahh! Ano to?” tanong ko.
Hinawakan niya ng kanyang dalawang kamay ang singsing.. “Av..este Sam..bunso..will you marry me?”
Hindi ako makapag-salita..Parang na-overwhelm ako ng kilig..mga ilang Segundo rin siguro ang nakalipas bago ako makasagot ng.. “Yes kuya..”
Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing..pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit..
“Engaged na tayo ah..at etong singsing na to, ang patunay at simbolo ng pangako ko sayo, na papakasalan kita..” sabi niya.
Hindi na ako nakasagot sa sobrang kasayahan na aking nararamdaman. Ang saya pala ng ganito..
Grabe teh! Kinikilig ako sa inyo!!
Nakatulog kaming magkayakap..Kinabukasa’y umuwi na si Van,. Sabi naman niya na dadalawin ulit niya ako kapag maluwag ang schedule niya..Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko..pumapasok ako sa eskwela, kasama ko si Harvey na kumakain araw-araw pati na ang ibang mga kaibigan namin, araw araw rin akong tinetext ni Van at gabi-gabi niya akong tinatawagan,. At ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Sai..Hindi ko nalang muna siya pinapansin..naisip ko, mapapagod rin siyang iwasan ako..mapapagod rin siyang mainis sa akin..
Isang araw, habang kumakain kami nina Harvey sa cafeteria, bigla akong nakarecieve ng message galing kay Van...pagbukas ko, ang nakalagay,
ANONG IBIG SABIHIN NITO?!!
Pagkatapos ay may picture.. nagulat ako sa nakita kong picture,. Picture ko to at ni Harvey na magkahalikan!
Ano toh?! Bakit may ganito?! Hindi ako to!! Hindi naman kami naghalikan ni Harvey ah! Never kaming naghalikan!
Kaagad kong tinawagan si Van..sumagot naman siya kaagad.
“Van, fake yung nakita mo..hindi ako yun!” pagdedepensa ko sa sarili ko..biglang natigil sa pagkukuwentuhan ang mga kasama ko at napatingin sa akin.
“Kung hindi ikaw yun eh sino?! Bakit mo ko niloko Sam?! Bakit!!” sabi niya.
“Hindi kita niloloko kuya..hindi talaga ako yung nasa picture!” tumulo na ang luha ko..napansin naman iyon ng mga kasama ko at si Harvey..
Biglang naputol yung linya..ibinaba na niya ang phone niya..Sinubukan ko itong tawagan ulit ngunit hindi niya sinasagot..Iyak ako ng iyak..
“Sam, ano nangyari?” tanong ni Harvey..
Tumingin ako sa kanya at ibinigay ang cellphone ko..Nakita niya ang picture na sinend sakin ni Van.
“Saan to galing?” gulat na tanong niya.
“Sinend yan sa akin ni Van…” sagot ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
“Pero, fake to…” sabi niya.
“Sinabi ko na sa kanya na fake yan..pero hindi siya naniwala..” sagot ko.
Natahimik lang si Harvey at nakatitig lang siya sa picture..maya-maya,
“Teka, sa tingin ko hindi to fake..” sabi ni Harvey..
“Ha? Paanong hindi magiging fake yan?! Hindi naman tayo naghalikan ah!” sagot ko agad.
“Ako nga ang nasa picture,..pero hindi naman ikaw ang nasa picture Sam!” sabi niya.
Nagtaka ako.. “Ano? Anong ibig mong sabihin?”
“Tingnan mo.” Sabay pakita sa akin ni Harvey ng picture.. “May butas sa tenga yung nasa picture,..wala ka namang butas sa tenga diba?” sabi ni Harvey.
Oo nga! Bakit hindi koi to napansin kaagad?!
“Teka, so ibig sabihin…si…” sabi ko.
“Tama…hindi ikaw to..ang kakambal mo to…at alam ko na kung kalian nangyari ito..” sabi niya..
“Si Sai…” ang nasabi ko na lang..
Lintik na Sai na yan!Walangya siya! Sisirain pa niya relasyon namin ni Van! Hindi na talaga siya nakontento!
Bwisit talaga yang kakambal mo! Naku kung ako sa’yo papatayin ko na yan!
Arrgghhh!!
Kaagad kong tinext si Van about it dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko..sa text ko:
Kuya, hindi ako yung nasa picture. Si Sai po yun..tingnan mung mabuti, may butas sa tenga yung nasa picture, wala naman akong butas sa tenga diba?. Si Sai yun kuya..hindi ako..please maniwala ka.. L
Sinubukan kong hanapin si Sai ngunit sabi ng mga kaklase niya sa mga una niyang mga klase ay hindi ito pumasok..Dahil wala na naman akong klase, umuwi na ako kaagad para tingnan kung nasa bahay nga siya.Sinabi sa akin ni manang na naroon nga siya sa kwarto niya..Kaagad akong dumiretso patungo sa kwarto niya at kinatok ang kanyang pinto.
“Sai! Sai! Lumabas ka jan!” sigaw ko.
--------------------------------------------------------------------
Sai Wilson
Simula pa nung bata pa ako, ni hindi ko nakitang nagging masaya para sa akin si mama..at alam ko kung bakit, dahil sa tuwing makikita niya ako, si Sam ang naaalala niya..Lagi siyang nalulungkot dahil nararamdaman kong hinihiling niya na sana ay hindi na lang nawala ang kakambal ko..Ni hindi nga ako kayang tingnan ng mabuti ni Mama eh, dahil lagi niyang nakikita ang kakambal ko sa akin..Pero kahit ganon, pinilit ko pa ring mapalapit sa Mama ko. Ginawa ko ang lahat para matuwa siya sa akin..Lagi ko siyang pinagsisilbihan, ipinagluluto ng pagkain, ipinaghahanda ng paborito niyang juice.. Pinagbutihan ko rin ang pag-aaral ko.. I always try to be the best in class, para maipagmalaki ako ng Mama.. Naging valedictorian ako nung elementary..Ang saya saya nina kuya at ni Papa..Pero si Mama, umattend nga siya ng graduation ko, nararamdaman ko pa ring hindi siya masaya..Nakangiti nga siya ngunit hindi talaga siya masaya..When I graduated highschool, salutatorian lang ako..pero gaya ng inaasahan, hindi pa rin siya nagging masaya para sa akin..
Simula nga noong bata ako, nagkakaroon ako ng mga panaginip, dreams that seems like explaining me what happened that day, the day when we lost Sam..Sa panaginip ko, may dalawa raw magkakambal na bata..naglalaro sila ng buhangin..pagkatapos ay umalis raw ang isa para kumuha ng tubig sa dagat..paglingon nito, nakita niyang may isang lalaking hawak-hawak ang kakambal niya..Agad itong tumakbo papunta sa lalaki at pinagpapalo ng dadala niyang plastic na timba na may tubig dagat. Ngunit itunulak siya ng lalaki at natumba ang bata..iyak ito ng iyak, tinatawag ang pangalan ng kakambal..mabilis nakalayo ang lalaki at naiwan lang ang isang bata roon na iyak ng iyak….
Sa tuwing gigising ako at napapanaginipan ko iyan, lagging tumutulo ang luha ko.. I’m not really sure kung iyon nga ang nangyari kay Sam dati dahil hindi ko na ito naalala..
Lahat ng ito’y sinasabi ko kay Harvey..Bestfriend ko noon si Harvey…Sa kanya ko sinasabi lahat ng problema ko,.Siya ang laging tinatakbuhan ko..Sa kanya ako umiiyak..isang mabuting kaibigan si Harvey..parang magkapatid na nga ang turingan namin niyan..pero nung sinabi niya sa akin na gusto niya ako, itinaboy ko siya..dahil ayokong maging bakla ako..pero nung nawala na sa akin si Harvey, hindi ko alam kung bakit pero, lagi ko na lang siyang hinahanap-hanap..Lagi ko siyang namimiss. Kahit na hindi ko siya pinapansin sa school, paraan ko lang yun para kalimutan ang kung ano mang nararamdaman para sa kanya..Dahil hindi ako bakla..hindi ko siya pwedeng mahalin..hindi ako ganun..HINDI!!
Pero hindi ko napigilan ang nararamdaman ko para sa kanya…Mahal ko na yata siya..Alam kong mali ito..at alam kong magagalit sina mama sa akin ang mga magulang ko..Pero buo na ang loob ko..sasabihin ko na kay Harvey na gusto ko rin siya..At manghihingi sa kanya ng tawad sa pagtaboy sa kanya noon..Sana’y matanggap niya ako..Pero sasabihin ko ito pagkatapos ng birthday ko.
Dumating ang birthday ko..ang birthday namin ni Sam..Every year, idinadaos namin ang aking kaarawan sa lugar kung saan nawala si Sam, dahil yun din ang araw na nawala siya, sa araw ng birthday namin nung 2 years old kami..14 years na ang nakakalipas, pero hindi pa rin nakakalimutan ng lahat ang nangyari..kaya umaasa pa rin kaming makikita namin si Sam, lalo na ang mga kuya ko..Si Sam raw kasi ang bunso namin..kaya mahalaga para sa mga kuya, lalo na sa panganay namin na si kuya Ken, dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Sam..Ang wish ko noon nung birthday ko, ay sana, makita na namin si Sam,..Wala pang ilang oras ang wish ko, nagkatotoo na,..nakita na namin si Sam. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako.. Lahat sila, gusting makuhang muli si Sam. Nakita kong muli ang mga ngiti ni Mama na matagal kong hindi nakita nung nakita namin si Sam..
Simula ng dumating si Sam sa bahay, napunta na sa kanya lahat ng atensyon.. Lagi silang nagkukulitan nina kuya, lagi siyang may pasalubong galing sa kanila, laging tumatawa si Mama, lagi siyang isinasama ni Papa sa labas.. Feeling ko, hindi ako nag-eexist sa bahay.. Kahit na kinakausap nila ko..Iba pa rin sila kay Sam.
Bakit ganun sila kay Sam? Bakit sakin hindi? Anong meron kay Sam na wala ako? Ginawa ko naman ang lahat para maging masaya sila..ginawa ko ang lahat! Pero bakit kulang pa rin?! Bakit?! Akala ko pag dumating si Sam magiging okay na ang lahat…pero bakit ako ang nakalimutan? Bakit?! Sana hindi na lang bumalik si Sam! Siya ang may kasalanan nito! Mas okay pa nung wala siya. Kesa ngayon na binabaliwala na lang ako ng lahat..Sana namatay na lang siya noon!
Pati sa school, siya ang bida.. Siya na lang palagi.. Inagaw pa niya sa akin si Harvey..Hindi ako nakapagtapat kay Harvey dahil sa pagdating ni Sam. At ng malaman kong magkatulad pala kami ng sekswalidad, mas lalo akong nabahala dahil baka agawin nga niyang tuluyan sa akin si Harvey..Lumipas ang mga araw at linggo, unti-unti kong napapansing mas napapalapit sila sa isa’t-isa. Kaya napagdesisyunan ko ng lapitan muli si Harvey, bago pa siya mawala sa akin ng tuluyan.. Isang araw, hinintay ko si Harvey sa labas ng gate sa school after class. Buti na lang, hindi niya kasama si Sam.
Malayo pa lang siya’y natatanaw ko na siya..Nakita niya ako ngunit ako’y kanyang iniwasan..Kaya hinabol ko siya’t pinigilan.
“Harvey!” sigaw ko sa kanya.
“What?!” sagot naman niya.
“Can we talk? Please?”.
Pumayag naman ito kahit na kitang kita ang pagkairita niya sa akin..Pumunta kami sa isang park malapit sa school,.doon kami dati naglulunch palagi..bibili lang kami ng food sa Mcdo, tapos dun kami kakain.
Pagkaupo naming sa isang bench..
“Harvey…I’m sorry..” nakayukong sabi ko sa kanya..
Hindi siya sumagot kaya inulit ko muli ang aking sinabi.. “Harvey…I’m sorry..please forgive me for what I’ve done before..i want my bestfriend back..” at tumingin ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin, ngunit matulis ang tingin niya sa akin..
“Sorry? Itinaboy mo ko Sai! Pinandirihan dahil ganito ako! And now you’re here telling me you want me back? Anong nakain mo? O baka naman nabagok yang ulo mo?” sabi niya.
“Look Harvey, I’m here in front of you, nagsosorry..nanghihingi ng tawad para sa nagawa ko..hindi para makipag-away sa’yo.” Sabi ko.
“Well save those for someone else instead…Hindi ko kailangan yan.. It’s too late Sai..” at tumayo na ito at naglakad palayo sa akin..
Hinabol ko siya.. “Bakit si Sam nakakusap mo?! Bakit siya sinasamahan mo?! Ngayon mo lang naman siya nakilala ah?! Bakit ako?! Ako na bestfriend mo! Bakit mas gusto mo pa siya kaysa sakin?!”
Napatigil siya at lumingon siya sa akin.. “You know why I like Sam? Because he’s not you!” sabi niya.
Halos gumuho ang buong mundo ko ng marinig ko ang sinabi niya..So galit na galit pa rin siya sa akin..At pagkatapos ngayon aagawin siya sa akin ni Sam.. Mang-aagaw talaga yang Sam na yan! Lahat inagaw niya sa akin! Humanda siya!
Kinabukasan, sa school, naglalakad ako papuntang cafeteria,.Inis na inis pa rin ako kay Sam..At mas naasar ako nung tinawag niya ako. Ayaw niya akong tigilan kaya sinuntok ko siya sa mukha..Para madala siya..Nakita ko kung paano siya tinulungan ni Harvey..Alalang alala si Harvey para sa kanya..Mas tumindi ang galit ko sa kanya..Kailangan kong makaisip ng paraan para makaganti kay Sam..At nakaisip na ako kung paano..Humanda ka Sam..sigurado akong pagsisisihan mong bumalik ka pa sa buhay namin..
Sabado, tamang tama ang araw na to para isagawa ang plano ko..Siyempre, isasama ko na sa paghihiganti ko si Harvey, magsama silang dalawa ni Sam..humanda sila..
Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabi sa kanilang ayain makipag-inuman sa kanila si Harvey..Madali naman nilang napapayag si Harvey…Hindi alam ni Harvey na naroon ako.
Sige Harvey, ikaw ang gagamitin ko para mapabagsak si Sam.
Madaling nalasing si Harvey kaya naisagawa ko kaagad ang aking plano..Pinabuhat ko si Harvey sa mga kaibigan ko at ipinapasok sa isang kwarto,. Ng mailock ko ang kwarto, nilapitan ko siya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa..Hinalikan ko siya at kinuhanan kami ng litrato habang magkalapat ang labi namin.
Habang nakatingin ako sa litrato, nakangiti ako..Tumingin ako kay Harvey. “Ang tanga tanga mo talaga Harvey..Ngayon, magbabayad kayo ni Sam,.”
I cropped the picture.. ang tinira ko lang, yung mukha naming dalawa, tinanggal ko yung part ng buhok ko dahil magkaiba kami ng buhok ni Sam, kaya mahahalata agad kung hindi ko ito tatanggalin.. “Ayan okay na, bukas, isesend ko na to..” sabi ko tumawa..Natulog ako ng masayang masaya..Dahil sa wakas, makakaganti na rin ako kay Sam..at kay Harvey.
Kinabukasan, sinend ko ang litrato kay Van, sa boyfriend ni Sam..Sa message..
(yung picture)
Eto ba ang sinasabi mong loyal?? Pinagpalit ka na niya! Kawawa ka naman.
Pagkasend ko, tumawa lang ako. Minabuti kong wag nang pumasok. At nagstay sa bahay..Hindi naman malalaman ni Sam na ako ang gumawa nun..wala silang pruweba..at kahit si Harvey, walang magagawa..
Ang galing ko talga! Umpisa pa lang to Sam…Humanda ka pa sa mga susunod..
Nakatulog pala ako at nagising sa lakas ng katok sa pinto..
“Sai! Sai! Lumabas ka jan!” si Sam..
-----------------------------------------------------------------------------------
Sam Wilson
Lumabas si Sai ng kwarto niya. “Ano ba ha?! Natutulog ako ang ingay ingay mo!” sigaw niya sa akin.
“Bakit mo ako sinisiraan kay Van ha?!” sabi ko.
Oo alam kong masamang magbintang pero may proof ako kaya nasa lugar ako para gawin to.,
Sige teh!Go go go! Let’s go Ateneo! Este Ate lang pala!
Tumahimik ka nga muna!
Anyway,
“Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa mga sinasabi mo!” pagdedepensa niya sa kanyang sarili at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan.
Hinarang ko siya, nasa likod ko ang hagdan,. “Alam kong ikaw ang may gawa nito! Dahil ikaw yung nasa picture! Ayan oh! May butas ba ko sa tenga?! Wala naman diba! Pero ikaw! Ayan!” turo ko sa picture pagkatapos ay tinuro ang tenga niya.. Hindi siya nakasagot at natulala lang sa picture.
“Bakit ba galit na galit sakin ha?! Ano bang ginawa ko sa’yo!” nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.
“Hindi mo alam kung bakit?! Hindi mo alam?!” Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.. “I hate you Sam! Dahil simula ng dumating ka, inagaw mo na ang lahat sa akin!”
“Wala akong inaagaw sa’yo Sai, alam mo yan.” Sagot ko sa kanya.
“Mang-aagaw ka Sam! Inagaw mo sakin ang mga magulang natin, ang mga kuya natin, at pati na si Harvey!” sumbat pa niya. “Lahat ng pagmamahal, napunta na sa’yo! Wala nang natira sa akin! Alam mo minsan nga hinihiling ko na lang n asana ako na lang yung nawala, para ako yung minamahal, ako yung binibigyan ng atensyon.. Ang swerte mo nga eh! Ang dali dali ng buhay mo!” tumulo na rin ang luha sa kanyang mga mata.
“Bakit sa tingin mo ba naging madali lang sakin ang lahat?! Ha?! Kinailangan kong iwanan ang mga taong mahal ko..para lang sumama sa inyo!” sumbat ko naman sa kanya,. “Sa tingin mo madali lang ang buhay ko? Hindi moa lam ang mga pinagdaanan ko! Nalagay na ko sa bingit ng kamatayan,..Humarap na rin ako sa maraming problema, kasama na ang pagtanggap na ampon lang ako ng mga kinalakihan kong mga magulang..Ang hirap! Ang sakit! Pero kinaya ko!”
“Araw-araw kong kailangan harapin ang buhay ko na inagaw mo sa akin lahat! Ikaw ang mahal, ikaw ang bida, ikaw ang magaling!” tinutulak niya ako habang sinasabi niya sa akin ang tatlong linyang kanyang sinabi.. Hanggang sa nadulas ang paa ko at nalaglag ako sa hagdan.. Tumama ang ulo ko sa mga steps at nagdilim na lang ang buong kapaligiran at iyon ang huli kong naalala.
---------------------------------------------------------
Sai Wilson
“SAM!!” sigaw ko.. Hindi ko sinasadyang itulak siya sa hagdan..Wala akong intensyong itulak siya..Hindi ko alam na ganun ang mangyayari…. Kaagad akong kumaripas papunta sa kanya, na ngayo’y nasa sahig na ng unang palapag..nagpagulonggulong siya mula sa 2nd floor hanggang sa 1st floor.
Ng itaas ko ang ulo niya, mabilis na umagos ang dugo.. “Sam! Sam! Wake up Sam!” sabi ko habang tumutulo ang luha ko..
“SAM!” sigaw ng tao sa likuran ko. Si kuya Ken..kaagad itong lumapit sa amin at kinuha si Sam sa akin.. “Anong nangyari?!” nangagalaiti ang mukha ni kuya.
“K-kuya..I’m s-sorry..hindi ko sinasadya..” nakayuko kong sabi sa kanya..
“Sh*t Sai!!” at tumayo ito dala dala si Sam.. Sumunod ako sa kanya..tinulungan ko siyang maisakay si Sam sa kanyang kotse..Mabilis na pinatakbo ni kuya Ken ang kanyang kotse papunta sa ospital.
Nakatitig lang ako kay Sam, nakapatong ang ulo niya sa aking mga hita, habang pumapatak ang luha ko sa kanyang mukha..
Sam please be okay..please..
Nakarating kami sa ospital at kaagad dinala si Sam sa emergency room..punong-puno pa rin ng dugo ang aking mga kamay at ang shorts ko..Nakatulala lang akong naghihintay roon habang pumapatak ang luha..Si kuya Ken naman, hindi mapakali sa kakalakad..maya maya’y dumating na sila Mama, Papa, at kuya Max..
“Anak! Asan si Sam?! Where’s my son?!” alalang alalang tanong ni mama kay kuya Ken.
“He’s still inside ma..” sagot naman ni kuya..
“Ano bang nangyari?!” galit na tanong ni kuya Max.
Natatakot ako pero sumagot pa rin ako..kasalanan ko naman kasi talaga… “It’s my fault..I-I’m sorry..” sabi ko habang humahagulgol.
Nagulat na lang ako ng biglang hablutin ni kuya Max ang kwelyo ko’t itinayo ako at idinikit sa dingding,. “Put*ng in aka Sai!” galit na galit si kuya Max.
“Max tama na!” pagpipigil ni kuya Ken.
“Oras lang na may masamang mangyari kay Sam, magbabayad ka Sai.” Pagbabanta sa akin ni kuya Max. Pagkatapos ay binitawan na niya ako..
Napaupo lang ako dun at humagulgol..Natatakot man ako sa sinabi ni kuya Max, nilagay ko na rin sa utak ko na I deserve it..
Nilapitan ako ni papa at inangat ang ulo ko..pinunasan ang mga luha ko..Niyakap ko si papa.. “I’m sorry pa..I’m so sorry..” at humagulgol sa kanya.
“Shhh..tama na anak..let’s just hope n asana walang masamang mangyari sa kanya..okay?” sabi naman ni Papa.Tumango na lang ako..
Ilang minuto ang nakalipas, lumabas na ang doctor..
“Doc, how’s my son? Is he going to be okay?” tanong kaagad ni mama..
“Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya..Kailangan siyang masalinan ng dugo as soon as possible..” sabi naman ng doctor.
“Ako po! Ako po ang magdodonate, we’re twins, kaya I’m sure na match na match ang mga dugo namin.” Presenta ko kaagad..Napatingin sa akin silang lahat..Buo na ang loob ko..gagawin koi to…kung ito lang ang mkakaligtas ng buhay ni Sam, gagawin ko..
“Alright,..” tumawag siya ng isang nurse.. “Sumunod ka na lang sa nurse para makuhanan ka na ng dugo.”
Sinundan ko ang nurse at sinamahan ako ni papa..pumasok kami sa isang kwarto at kinuhanan ako doon ng dugo.. 2 bag ng dugo ang kinuha sa akin..sinabi sa akin ng nurse na magpahinga muna raw ako dahil baka hindi ko pa raw kayaning tumayo..sinunod ko naman siya..mejo nahihilo rin kasi ako..hindi ko namalayang nakatulog pala ako..
-----------------------------------------------------
Sam Wilson
Nagising ako sa isang sementeryo.
Teka, bakit ako nandito?! Anong ginagawa ko dito?Patay na ba ko?
Tumayo ako at tumingin sa paligid..pagtingin ko sa kinatatayuan ko, nasa harap ako ng isang lapida.. ang nakasulat..
Baby Steve Ace Vincent Wilson
Sav Wilson? Sino to?
“Ako yan..” sabi ng isang pamilyar na boses..
Paglingon ko, laking gulat ko sa aking nakita..kamukhang kamukha ko siya..
“Sai?” tanong ko.
“Hindi ako si Sai..I’m Sav..your other twin brother..” sabi niya.
“What?!.” Ang tangi kong nasabi.
----------------------------------
like the first 2 seasons, the 10th episode is the finale..so the next episode would be the last..
Catch the last episode of The Best Thing I Ever Had entitled “Everyone is Meant to Say Goodbye”
Don’t miss it! Mwah!
See ya at the last episode,
Sam.
contact me @:
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com
[Finale]
Episode 10 - Everyone is Meant to Say Goodbye - The Finale
SAM WILSON
“I’m Sav..your other twin brother..” sabi ng lalaking nasa harap ko na kamukhang kamukha ko.
“Ano?! Kakambal din kita? I thought dalawa lang kami ni Sai,..” sabi ko…Bakit hindi nila ako pinakilala sa kanya??
“Matagal na tayong magkakilala..” sagot naman niya.
Teka, coincidence lang ba ito? Bakit niya nasagot yung tanong ko? Eh nasa isip ko lang naman yung tanong ko?
“Dahil nababasa ko yung iniisip mo Sam..” sagot ulit niya,.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.. “This is so creepy…”
“Wala pa yan,..meron pang mas creepy jan..” sabi niya ng nakangiti,.
Sh*t ano ba to?? Bakit ganito…natatakot na ko…Boses? Boses? Asan ka?
Pero walang sumagot na boses..sa halip, si Sav ang sumagot.
“Nandito ako..sa harap mo Sam..” sabi niya.
“Ano??” nagtatakang tanong ko.
“Hindi mo ba nakikilala ang boses ko?” sabi niya.
Nagi-isip ako.. Pamilyar nga ang boses niya, pero hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig..
Nagbuntong hininga siya.. “Ano ba teh?! Nakakaloka ka huh! Chuchugiin na kita jan eh!”
Nagulat ako sa narinig ko.. “Ikaw?!” sabi ko.
“Tumpak teh! Ang slow mo huh! Kung hindi pa ko magsalita ng ganito hindi mo ko makikilala!” sabi niya.
“Ikaw yung boses sa utak ko…pero…pero paano?”
“Okay, ieexplain ko sayo..Halika.” yaya niya sa akin..
Inabot niya ang kamay niya sa akin, hinawakan ko naman ito.. Pagkatapos ay bigla na lang nagliwanag ang paligid. Nasilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ang mga mata ko, ng mawala ang liwanag, nakita ko na lang na nag-iba ang paligid..nasa ospital kami..nakatayo kami sa tapat ng nursery..May tatlong bata na nasa loob..
“Si Sai yan..” Turo niya sa isang malusog na bata.
“Ako yan..” turo naman niya sa baby sa gitna na may iba’t ibang apparatus na nakakabit sa katawan.
“Ako tong huli?…” tanong ko..sabay turo sa isa pang baby na katulad ng nauna, ay may mga apparatus din na nakakabit sa katawan..
“Oo Sam..ikaw yan..” sagot niya.. “Parehas tayong mahina ang puso nung pinanganak tayo..Si Sai lang ang malusog at maayos nung pinanganak..”
Napatitig lang ako sa 2 baby..Nakakawa nga silang tingnan..Maya maya, biglang dumating si Papa..Nakatingin siya sa mga baby..tahimik lang siya, maya maya’y nag-umpisa nang pumatak ang kanyang mga luha..Habang nakikita ko si papa na umiiyak, parang gusto ko siyang yakapin..
“Papa..” sabi ng isang bata na lumapit kay papa.
“Si kuya ken…” sabi ko.. Nasa apat o limang taon pa lamang siya noon..Nakilala ko siya kaagad dahil hindi nagbago ang ichura niya, lumiit lang, tapos mas cute..
Binuhat siya ni papa.. “Look Kenny, these are your little brothers, Sai, Sav, and Sam..” sabi ni papa sabay turo sa aming tatlo..
“Sam!!” sabi ni kuya Ken..
Parang nanlambot yung puso ko..Ewan ko..kasi pangalan ko yung binanggit niya..Naiyak ako..
“Baby pa lang tayo, mahal ka na talaga ni kuya Ken..” sabi ni Sav.
Hindi na ko nakasagot..nakatitig lang ako kila papa at nakangiti habang pumapatak ang aking mga luha..
“Papa, what’s that?” tanong ni kuya sabay turo sa mga tubong nakakabit sa aming katawan..ang cute ng boses niya..
“Uhhm..those things are tubes connected to your brothers’ body to help them breathe..” sagot ni papa.
“hmmm?” sabi ni kuya ken na mukhang litong-lito, mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ni papa..
Natawa na lang si papa at niyakap siya ng mahigpit..
“Can I hug Sam?” tanong ni kuya Ken, na lalo naman nagpaiyak sakin..
“Iyakin ka talaga.” Singit ni Sav.
“Alam mo ikaw, panira ka talaga ng moment!” sumbat ko sa kanya.
“Oh sorry na po..” sabi niya.
“Yes you can hug Sam..You can hug him after he get out of the hospital.” Sabi ni papa ng nakangiti.
“Yehey!” sabi ni kuya Ken..
Nasa ganoon akong pagtitig sa mag-ama ng biglang nagsalita ulit si Sav.
“Namatay ako noong baby pa tayo..Nabuhay ka..nung namatay ako, naging mabuti ang kalagayan mo..mahirap mang paniwalaan,..pero nagsakripisyo ako para mabuhay ka..dahil gusto kitang mabuhay..ikaw ang bunso namin Sam..sa ating magkakapatid, ikaw ang pinakapinahahalagahan naming lahat..kaya hindi rin ako nagsisisi sa ginawa ko..” pagsasalaysay ni Sav.
Napatitig ako kay Sav..niyakap ko siya ng mahigpit at nag-iiyak sa kanya.. “Thank you Sav..thank you..kuya..”
“Anu ba yan! Ang drama mo! Pati ako naiiyak sayo eh..” sabi niya..
Natawa naman ako sa sinabi niya.. “Utang ko pala sa’yo ang buhay ko..”
“Naku, wag mo na isipin yun..ginawa ko lang kung ano ang dapat..kung hindi ko ginaw ayun, marahil parehas tayong namatay,.” Sabi niya.
“So paano ka naging boses sa utak ko?” tanong ko.
“Nung mamatay ako, hindi talaga ako tuluyang namatay, kasi, kaya ka nabuhay, sumanib ako sa’yo..” sabi niya.
“Ha? Ang gulo naman..” sabi ko sabay punas sa mga luha ko.
“Diba nga mumu na ako dahil nga tigok na ko, para mabuhay ka, pumasok ako sa body mo. Basta! Mahirap iexplain!” sabi niya.
“Hmmm..sa tingin ko mejo gets ko na..” sagot ko.
“Kaya ako’y ikaw,..at ikaw ay ako..” sabi niya.
“Pelikula lang teh?”
“Gaga! Tumigil ka nga! Seryoso ko no!”
“okay.”
Natahimik kaming dalawa..
“Teh, wag kang masyadong seryoso, di bagay sau, nagmumuka kang lesbiana!” bulong ko.
Binatukan niya ako.. “Uuum!! Lesbiana pala huh! Gusto mong bawiin ko buhay mo?! Halika na nga!”
Tumawa na lang ako..Nagliwanag muli ang buong paligid at bumalik na kami sa sementeryo kanina..
“Teka, patay na ba ko?” tanong ko..Kasi, kanina pa kami magkasama tapos ngayon ko lang naalala kung anong nangyari.
“Hindi pa..Buhay ka pa..” sabi niya.
“Kung buhay pa ko, bakit ako nandito?” tanong ko..
“Nandito ka, para papiliin..”
“Papiliin? Papiliin saan?”
“Aalis na kasi ako sa katawan mo..kailangan ko nang pumunta sa langit..” sabi niya.
“Sa langit ka pupunta teh?” sarcastic na tanong ko sa kanya.
Nakatanggap ulit ako ng isang matinding batok.. “Ummm!! Pasalamat ka magkapatid tayo! Kung hindi, naku!!”
Napatawa na lang ako..“So what does that have to do with me?” tanong ko.
“Ikaw ang shunga mo talaga..okay, diba nga parte ako ng katawan mo, so pag umalis ako jan, magiging mahina na yung katawan mo, pwede kang mamatay..”sabi niya.
“Teka, mamatay ako??”
“Oo nga! Paulit-ulit? Parrot teh? O unli lang?”
Napatulala lang ako..
“Pero wait lang..pwede ka pa rin namang mabuhay,..kaya lang may kundisyon..” sabi niya.
SAI WILSON
Ng imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang sarili ko sa isang lugar na kung saan ay puti ang buong kapaligiran.. Wala kang maaaninag na bagay, siguro nga’y walang kahit anong bagay na narito. Lumingon lingon ako sa aking paligid..
“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko..
Paglingon ko sa likod ko, nakita kong may isang lalaking nakatayo, nakatalikod siya..
Teka, parang kilala kita..
“Sam?” tanong ko sa lalaking nakatalikod..Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa akin..nakapikit siya’t umiiyak..
“Sam!” sabay yakap ko sa kanya.. “I’m sorry Sam…hindi ko sinasadya.. I’m sorry..” nag-umpisa na ring pumatak ang aking mga luha..
Umiiyak siya ngunit ako’y nagulat ng bigla niya akong itulak palayo sa kanya.
“You killed me Sai!” sabi ni Sam. Punung-puno ng galit ang kanyang mga mata habang pumapatak ang kanyang mga luha.. noon ko po lang siya nakitang magalit ng ganoon katindi.. “You killed me!!”
“No Sam..hindi ko sinasadyang masaktan ka..please forgive me..” pagmamakaawa ko sa kanya.
Lumapit siya bigla sa akin at sinakal ako..
“Sam, I can’t breathe!” sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ngunit masyado siyang malakas..parang hindi si Sam ang nasa harap ko..
“You’re gonna pay Sai!!!”
Nagising akong niyuyugyog ako ng isang tao.. “Sai! Sai!”
Pagbukas ng mga mata ko, nakita ko si Harvey na nakahawak sa magkabila kong balikat. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.. “I’m sorry…I’m sorry…I didn’t mean to..I’m sorry..” at humagulgol ako sa kanya.
Niyakap naman ako ni Harvey.. Tumingin ako sa kanya.. “I’m sorry Harvey..I’m really sorry..”
Pinunasan niya ang mga luha ko at nginitian niya ako.
“Hindi ka galit sa akin?” tanong ko.
“Magalit man ako sa sa’yo ngayon, wala ring saysay kung mag-aaway pa tayo, sa ngayon, kailangan tayo ni Sam..” sagot naman niya..
Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya kahit na alam kong may galit pa rin siya sa akin.. “I’m really sorry Harvey..sa lahat ng ginawa ko…I’m sorry..”
“Bakit mo ba kasi nagawa yun? Wala namang ginagawa sa’yong masama si Sam eh..” sabi niya.
Napayuko ako..
“Nagseselos ka ba?” tanong niya. Inangat niya ang mukha ko.
Tumango ako sa kanya.
“Hindi mo kailangan magselos, sa binibigay na atensyon ng mga tao sa kakambal mo Sai..ilang years niyo siyang hindi nakasama..siyempre gusting mag-catch up ang pamilya mo sa mga oras na hindi nila nakasama si Sam..Hindi yun rin naman ang gusto mo noon pa? Ang makita na ulit ang kakambal mo? Pero bakit mo ginawa to?”
“Kaya nga nag-sisisi na ko Harvey..Mali ako..Naging masama ako kay Sam..hindi naman siya ang may kasalanan ng lahat ng to..Pero siya pa rin ang sinisi ko..Kaya gusto kong manghingi ng tawad sa kanya..at itama ang lahat ng mali ko..sa kanya..at sa iyo na rin..”
Niyakap niya ako..
“Does this mean na okay na tayo?” tanong ko.
“Oo..Just don’t this again..Please??”
Tumango ako.. “Thank you..”
Pumunta kami ni Harvey sa tapat ng kwarto ni Sai..nasa ICU pa rin siya..unstable pa rin siya..Sa labas ng kwarto ni Sam, naroon sina mama, papa, at sina kuya. Nilapitan ko si mama..
“Mama I’m sorry…”
“No anak…I’m sorry..” at pumatak ang luha ni mama.. “Dahil sakin kaya ka nagkaganito..”
“No ma, it’s my fault..I’m sorry..”
“Shh…ako ang may kasalanan..kung hindi ko lang siguro ipinikit ang mata ko, sana nakita kita..kung hindi ko sana hinayaang mabuhay ako sa nakaraan, hindi ka siguro magagalit kay Sam..I’m sorry anak ko..” at niyakap ako ni mama. “I missed my son..”
“I love you ma..” habang umiiyak kaming magkayakap.
“I love you too anak..” at yumakap na rin sa amin si papa at sina kuya..
Gumaan ang loob ko dahil dito..Pero hindi pa rin tapos ang lahat.. Sabi nina mama, Sam had fractures on his legs and arms,tapos nag-internal bleeding pa raw siya dahil sa pagkakabagok ng ulo niya..Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang tinitingnan ko siya..may benda ang ulo niya..pati na rin ang braso niya..Habang tinititigan ko siya, mas nagi-guilty ako sa ginawa ko..
Dapat hindi kosa kanya ibinunton ang galit ko..wala siyang kasalanan.. Lord..iligtas niyo po ang kakambal ko..please..
SAM WILSON
“Kundisyon?” tanong ko.
“Oo..”
“Ano?” tanong ko.
“Mabubuhay ka, pero…pero…”
“Pero????” lumapit ako sa kanya.
“Atat lang teh?” sabi niya.
Binatukan ko siya.. “Umm!! Just go straight to the point!”
“Pero mawawala ang ala-ala mo!” sigaw niya sakin.
“Galit ka?!”
“Hindi, nagpapaliwanag lang..” sabi naman niya.
Napatahimik ako…Nun ko lang narealize na dapat pala nashock ako sa narinig ko..o kaya naman eh, nalungkot..ito kasing si Sav eh, panira talaga.
“Aba at ako pa ang panira huh?” singit niya.
Ayy oo nga pala naririnig niya ang mga sinasabi ko sa utak ko..tanga ko talaga..
“Tanga ka talaga!” sabi niya sabay tawa.
Nakatikim siya ulit ng isang batok.. “Umm!”
“Aray ha, nakakailan ka na!”
“Pwede ba tumahimik ka muna just for once?”
At hindi na siya nagsalita..tumalikod muna ako sa kanya at naupo..tumingin sa malayo,.Mga ilang segundo rin ang nakalipas bago ko maclear-out ang isip ko..
Gusto ko pa rin namang mabuhay…pero mawawala lahat ng ala-ala ko..para na rin akong namatay nun..so dapat ba piliin ko na lang mamatay at sumama sa kanya sa langit? O pipiliin kong magstay na lang sa lupa, at harapin ang kung ano mang mangyayari sa akin doon? Mahihirapan ako..since nga mawawala na lahat ng ala-ala k..and what’s worst is, it’s permanent..wala nang way para maibalik ko lahat ang ala-ala ko..so magsstart na naman ako ng panibagong buhay ko? Sayang naman ang mga masasayang ala-ala diba? Eh kung mamatay na ko, madadala ko lahat ng ala-alang iyon sa kabilang buhay..yun nga lang, malulungkot silang lahat kapag nawala ako..mamimiss ko silang lahat…pero kung mabubuhay naman ako, para na rin akong nawala..nandun nga ang katawan ko, wala naman ang sarili ko…yung totoong ako.. hay..bakit ba kailangan ko pang pagdaanan toh?? Arrgghhhh..
Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang sumingit si Sav.
“Oh ano? Nakapagdecide ka na ba?”
“Mukha ba kong nakapagdecide na? Kita mong isip ako ng isip dito eh!”
“Sorry naman!”
Biglang sumagi sa isip ko si Van.. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?galit pa kaya siya sa akin??
VAN ROMERO
“Sam please answer the phone…please…” Ilang beses kong tinatawagan si Sam pero hindi siya sumasagot..
Ang tanga tanga ko kasi! Bakit hindi ko napansin kaagad na hindi siya yung nasa picture? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? Anong klase akong boyfriend!! Arrgggg!! Wala kang kwenta Van!!Wala kang kwenta!!!
Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang mag-ring ang phone ko..
“Hello?”
“Van!” parang pamilyar ang boses niya.
“Harvey?” tanong ko.
“Ako nga.. Did you know about what happened?”
“Oo, alam ko na.kasama mob a si Sam ngayon? I want to apologize to him..” sabi ko..
“Sam’s in the hospital!”
“Ano?!” gulat na tanong ko.. “Anong nangyari sa kanya?!”
“He fell off the stairs..Pumunta ka na lang dito sa ospital.” Sabi ni Harvey.
Sinabi na sakin ni Harvey ang ospital kung saan dinala si Sam at kaagad akong nagpunta roon..Ilang oras rin ang biyahe..Pero ang nasa isip ko lang, ang makarating kaagad kay Sam..Pagkadating ko sa ospital, nakita ko kaagad si Harvey na naghihintay sa akin sa lobby ng ospital.
“Van! Buti naman nandito ka na..” Bati sa akin ni Harvey
“Asan siya?” tanong ko.
“Halika, sumunod ka sa akin.”
At sinundan ko agad si Harvey.. Nakailang ikot rin kami at narrating na namin ang kwarto niya.. nasa ICU pa rin siya..pero makikita mo siya mula sa malaking bintana ng kwarto..nasa labas naman lahat ang pamilya niya..
Hindi ko maiwasang maluha sa aking nakita..nagsimula na akong umiyak at naramdaman ko na lang na may tumapik sa likod ko.. Si kuya Ken..
Ibinigay niya sa akin ang singsing na ibinigay ko kay Sam noon..
Sa pagkakakita sa singsing, lalo akong napahagulgol..Kinuha ko ito at tinitigan..hinalikan ko ang singsing..
Bunso ko…wag kang susuko…nandito lang ang kuya…please bunso..wag mo kong iiwan..mahal na mahal kita…
SAM WILSON
“Ano na?” tanong ni Sav.
“Sandali lang!” sagot ko naman.
“Aba! Anong petsa na teh?!”
“Atat ka naman! Sa tingin mo ba madali para sa akin to ha?!”
Natahimik naman siya..
Nag-isip muli ako…makalipas ang ilang minuto..
“Nakapag desisyon na ko..” sagot ko..
SAI WILSON
Pumunta kaming lahat sa chapel ng ospital para doo’y magdasal..Naiwan si Van kay Sam..alam kong may kasalanan pa ko kay Van.. At nagsorry naman ako sa kanya..hindi niya ako sinagot ngunit inintindi ko na lang siya…sana lang ay mapatawad nila ako ni Sam..
Habang nakaluhod ako sa chapel,.
Lord..alam ko pong marami akong naging kasalanan..sa inyo, sa pamilya ko, sa ibang tao..at lalo nap o sa kapatid ko…sa kakambal ko…sa sarili kong kadugo..Patawarin ninyo po ako...Hindi ko po sinasadyang masaktan si Sam..Hindi ko po sinasadya..I’m not religious..pero sabi nila pag humiling ako sa iyo, ibibigay mo..kakapalan ko na po ang mukha ko..Isa lang naman po ang hinihiling ko..Please let my brother live..please…wag niyo po kunin si Sam sa amin.. Mahal na mahal po namin siya..please Lord..nagmamakaawa po ako sa inyo…Wag niyo po siyang kunin..
Umiiyak ako habang nagdadasal.
VAN ROMERO
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sam..nakasuot ng mga damit na parang sa mga doctor kapag nag-ssurgery..Nilapitan ko si Sam..hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at idinikit ito sa pisngi ko..
“Bunso…si kuya to…” habang tumutulo ang luha ko.. “Kung naririnig mo man ako ngayon,..I’m sorry.. I’m sorry kasi hindi kita pinaniwalaan..I’m sorry kung hindi ako nagtiwala sa’yo..I’m sorry bunso ko..sana mapatawad mo pa si kuya..”
Ngunit wala siyang kahit anong response.
“Bunso ko…wag kang susuko…wag kang bibitiw…wag mo kong iiwan..please…mahal na mahal kita bunso ko…mahal na mahal kita…”
Umiiyak ako doon ng mag-umpisang humingang malalim si Sam..Bigla akong nabahala.
“Sam!”
Tinignan ko yung machine kung saan makikita mo ang heartbeat niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, pagkatapos ng ilang segundo’y nagging straight yung line..wala na siyang heartbeat..
“Sam! Sam! NO! Sam!”
Tumawag kaagad ako ng doctor..kaagad namang dumating ang mga doctor…dumating rin ang mga Wilson..
“What’s happening? Sam! Sam!” sigaw ng mama ni Sam.
Nakatingin lang kaming lahat,.lahat ay umiiyak..
Sam please…don’t leave me…please…
Ngunit hindi siya nabuhay…Tumigil na ang doctor..tumingin siya sa amin at umiling..
“Time of death, 3pm.” Sabi ng doctor..
“Sam!!!” sigaw ng mama ni Sam..
“bunso ko!” sigaw ko naman..
Kaagad akong lumapit sa kanya..
“Bunso!! Bakit mo ko iniwan?! Bakit?!!” habang umiiyak ako sa tabi niya..
Umiiyak rin ang mga Wilson..
Biglang lumabas ang mama ni Sai..sinundan naman siya ng asawa nito at ni Sai..
Nilapitan ako ni Ken at hinimas ang likod ko..
“Akala ko ba mahal mo ko?! Bakit mo ko iniwan?! Bunso!!!” humahagulgol pa rin ako habang nakahawak sa kamay niya..
Nasa kalagitnaan kami ng iyakan..ng nagulat kami ng biglang umubo si Sam na parang nasamid at umangat ang ulo nito..Kaagad siyang humigop ng hangin at bumukas ang kanyang mga mata..
“Sam!!!” sabay sabay naming sigaw nina Max at Ken.
SAM WILSON
Para akong nalunod ng magising ako..Pagbukas ko ng mata ko, nakita ko kaagad ang kisame ng isang kwarto..naramdaman kong may mga nakahawak sa akin..pagtingin ko, nakita ko ang mga kuya ko na nakangiti ngunit may luha sa kanilang mga mata, at si Van..
Teka, bakit natatandaan ko pa rin sila? Sav? Sav??
Hiniling ko sa Diyos na huwag na lang kunin ang ala-ala mo..Para na rin hindi ka mahirapan..kapalit na rin ito ng oras na nagkasama tayo..
Thanks Sav…thank you! I love you!
I love you too bunso…pakabait ka ha? Alagaan mo ang sarili mo..pangalawang buhay mo na ito, kaya ingatan mo..
Paano ka?
Aalis na ko..Kaya mo na naman ang sarili mo…
Thank you talaga! Iniligtas mo nanaman ako…Utang ko talaga sa’yo lahat, simula pa nung baby pa tayo..hindi ko alam kung paano ako makakapagpasalamat sa’yo..
Wag mo nang intindihin yun..basta alagaan mo na lang ang sarili mo at ang mama..
Opo..kuya..
Paalam na bunso ko..
Paalam kuya..i love you!
Mahal din kita bunso…mahal na mahal..
Naluha ako sa pag-alis ni Sav...
Napakabait niya,..simula pa nung baby pa kami, isinakripisyo niya ang sarili niya para sa akin..pagkatapos ngayon, hiniling pa niya na wag na lang mawala ang ala-ala ko..Ang bait talaga niya..nakakainis man siya minsan, malambot pa rin talaga ang puso niya..Kungdi dahil sa kanya, wala ako dito ngayon..
Tumingin ako kay Van.. “Kuya..”
Kaagad niya akong niyakap..“Bunso ko!!” ang higpit ng yakap niya.
“Max! Call mama and papa!” sabi ni kuya Ken..
Humarap sa akin si Van at hinawakan ang magkabila kong pisngi..hinalikan niya ako sa noo.. “bunso ko…”
Nginitian ko siya..
Sunod naman akong niyakap ni kuya Ken.. Maya-maya’y dumating na sina mama kasama ng mga doctor.. gulat ang mga mukha nilang lahat.
“It’s a miracle!” sabi ng doctor… “Paanong??” taking taka ang doctor.
“Anak!!” kaagad akong niyakap ng mga magulang ko..
“Ma..Pa..”
Pagkatapos ay sinuri ako ng doctor… “This is unbelievable...” hindi pa rin makapaniwala ang doctor.. “Paano kang nabuhay? You just died!”
Natawa naman ako sa reaksyon ng doctor.
It’s a long story..
Lumipas ang mga araw at unti unting gumaling ang mga sugat na natamo ko.. Himala ring naghilom at gumaling ang mga nabali kong buto..sa loob ko, marahil ay gawa rin ito ni kuya Sav..Alam kong siya ang nagpagaling ng mga ito..
Okay naman kami ni Sai..hindi naman ako nagalit sa ginawa niya..abot nga ang paghingi ng tawad niya sa akin..sinabi ko naman sa kanya na okay na kami.. Dinalaw rin ako sa ospital nina mommy, daddy, Marco, Macky at Coleen.
Dumating na rin ang araw ng paglabas ko sa ospital..Magaling na ang mga sugat ko..pati ang mga pilay ko…ang galing nga eh, ang bilis kong gumaling..Thank you talaga sa kakambal ko na nasa heaven! Hiniling kong dumaan muna sa puntod ni Sav bago kami umuwi..Sinamahan ako nila akong lahat..
Kuya..okay na ko..thank you talaga ha…Utang ko sa’yo lahat..babawi ako sa’yo kuya..promise…
Naiwan kami ni Sais a puntod at nauna na sa kotse sina mama.
“Sam..”
“hmmm?”
“Sorry…sa lahat..” sabi niya..
“Sai..diba napag-usapan na natin toh?”
“Oo pero..gusto ko lnag ulit manghingi ng tawad..ang dami kong kasalanan sa’yo..sorry talaga..”
“Kalimutan na lang natin ang mga nangyari okay? Wag mo nang alalahanin yun..” sabi ko sabay ngiti..
Niyakap niya ako..tinugon ko naman ang yakap niya.. “Thank you Sam..ang bait mo talaga..thank you!”
Habang kayakap ko si Sai, naramdaman ko ang malamig na hangin na umihip..
Kuya Sav..alam kong naririnig mo ko ngayun..gusto ko ulit magpasalamat sa’yo..thank you talaga..
At ayun..okay na kami ng kambal ko..okay na ang lahat..okay na kami ni Van..hindi nga siya umalis sat abo ko nung nasa ospital ako eh..at nung dumating kami sa bahay namin, nandoon din siya, hinihintay ako..magkakasama kaming kumain..magkatabi rin kaming natulog ni Van noon…sa kwarto,
“Bunso ko..” sabi niya habang magkayakap kaming dalawa..
“Yes po kuya ko?”
“Sorry ha…”
“Sorry po saan?”
“Sorry kasi hindi ako naniwala sa’yo noon..na nagpadalos dalos ako sa mga ginawa ko..sorry talaga..”
“Kuya, kalimutan nap o natin yung nangyari noon..Wala na po yun..Wag mo na pong intindihin yun..” Wala na naman kasi talaga sa akin iyon..tapos nay un eh..what’s important is what we have now..
Niyakap niya ako ng mahigpit.. “Thank you bunso..I love you..”
“I love you too kuya ko…”
At hinalikan niya ako sa labi.. at magkatabi kaming nakatulog.
Lumipas ang mga araw, at bumalik na sa dating takbo ang buhay ko..Hindi na masungit sa akin si Sai..actually, sweet na siya sa akin ngayon..kapag may nang-aaway sa akin, siya ang umaaway..silang dalawa ni Harvey. Ay oo nga pala! Sila na! oo! Sila na! O diba bonnga? Masayang masaya pa nga silang dalawa ng ibinalita nila sa akin na sila na.. Kapag may problema silang dalawa, sa akin sila tumatakbo at humihingi ng advice..tinutulungan ko naman sila…
Kami naman ni Van, maayos ang relationship namin..may mga misunderstandings minsan pero naaayos naman kaagad..Ang promise pa nga niya sa akin, kapag naggraduate kami ng college, pupunta kami sa America..dun kami maninirahan at papakasalan daw nya ako doon..
Naging maayos na ang buhay ko..wala ng away..wala ng gulo…naranasan ko ng magmahal..ang mahalin..ang masaktan..ang sumaya..ang malungkot..ang matakot..ang mamatay..ang mabuhay muli..at sa lahat ng karanasan ko..isa lang ang masasabi ko..kahit na ganito ang nagging buhay ko,
THIS IS THE BEST THING I EVER HAD..
-------------------------
Goodbye!
Sam / Av.
Again, thank you po ulit!!! MWAH!
contact me @:
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com
No comments:
Post a Comment