Sunday, January 6, 2013

The Best Thing I Ever Had: Season 2 (01-05)

By: lilvincy
Blog: avinthisismylife.blogspot.com

Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)

*any resemblance in this story is just coincidental.*

FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip

sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------

[01] Love Hurts
Av Lopez
hayy buhay. Minsan sobrang saya mo na kaya mong talunin ang langit. Minsan naman sobrang lungkot mo na parang gusto mo nang ibaon ang sarili mo sa lupa. Minsan naman, sobrang bait mo na daig mo pa ang isang anghel sa kabutihan. Minsan naman sobrang galit ang nararamdaman mo na mas mainit pa sa impyerno yang ulo mo.. Grabe.. Nakakaloka talaga ang buhay. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. haayy..



Ano to maalala mo kaya? Ate Charo ikaw ba yan??


Gaga! Hayaan mo nga akong magmoment dito! Panira ka talaga eh nuh?!




Of course! That's my job! ang sirain ang buhay mo! Mwahahahaha!


Batukan kita jan eh.


Joke lang teh! hahaha


--------------------------------------
So there I was. Sitting inside my room, facing my laptop, thinking of what to write for the first part of season two of my awful story.

Teka, si Av ka ba talaga?


Ayy sorry umepal pala ako sa story na to.. ok ok.. back to Av.
--------------------------------------

Nakaupo ako sa isang bench sa park. The same bench where all started. Naaalala ko pa nung sinabi niya na siya na lang daw ang maging kuya ko. Ang saya saya namin nung araw na iyon. Grabe. Nakakaiyak isiping ang saya saya namin noon, pero heto ako ngayon, nag-iisa, nangungulila sa kanya, na kahit masakit yung ginawa niya sa akin, mahal ko pa rin siya.

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. 2 linggo pa lang ang nakakalipas simula nung insidenteng nangyari sa kwarto ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng mga pangyayari. Nung sinampal ko siya. Nung sinabi ko sa kanya na alam ko na ang lahat. Nung sinabi niya na....m-m-mahal daw niya ako. At umiyak na ko ng tuluyan. Wala akong pakielam sa mga taong nakatingin sa akin.

Tama, wag mu silang pansinin, mga usisero lang yang mga yan, mga walang magawa sa buhay. joke.


At ayun. mag-isa lang ako. Trying to cope everything that happened in my life.

Chaka huh! ang drama! xD Anung mag-isa! hello?! nandito po ako.


Ehhh, hindi ka naman tao eh..I mean, boses ka lang kaya, hindi ka human thingy,.


Well may point ka jan. pero hello?! nandito pa rin ako kaya may kasama ka.


Ok fine. So ayun nga, I was with this weird voice in my head na nakaupo sa bench at nakatingin sa kawalan. Hinahayaang pumatak ang luha ko at hindi alintana ang mga taong nakatingin.


Aba? ako pa talaga ang weird huh?!


Anyway, nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng may tumapik sa aking balikat. "Kuya Van?" sabi ko sabay lingon. Akala ko, si Kuya Van ang taong tumapik sa aking balikat. Hindi pala. Si Marco.




Marco Rosales
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ng makita ko si Av sa park na umiiyak at nag-iisa, parang gusto ko siyang lapitan at kausapin. Hindi ko alam kung bakit pero nung makita ko siyang umiiyak, parang may tumutusok sa dibdib ko. Argghhh!! bakit ko ba nararamdaman toh?! Hindi ko dapat maramdaman to!


Wow pare, inlove ka!


Hinde! Hindi ako pwedeng ma-inlove kay Av. Lalaki siya, at lalaki din ako. Kaya hindi pwede!


Wag mo nang pigilan ang nararamdaman mo, dahil kahit anong gawin mo, hindi mo na yan maiaalis, kasi mahal mo siya.


Argghhh!! basta ewan ko!


Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Kuya Van?", sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng tusok sa puso ko nung narinig kong si Van ang inaasahan niya. Teka, bakit ganito ang nararamdaman ko?


Kasi nga mahal mo siya.


"Ahh. ikaw pala kuya Marco." sabi niya. parang nadisappoint siya ng makita niya na hindi ako si Van.

"Uhhmm..a-ayos ka lang?" tanong ko at umupo sa tabi niya.

Wow pare, umiiyak nga yung tao, sa tingin mo, ok lang siya? okay ka lang? hahaha


Teka bakit nga ba may boses sa utak ko ha?


Malay ko?! tanong mo sa author, siya ang salarin hahaha.


Ayoko baka tanggalin pa ako ng author sa kwento na to. Anyway.


Tumango lang siya pero patuloy pa rin ang daloy ng luha niya. Dahan dahan kong hinimas ang kanyang likod habang nanginginig ang akin mga kamay. Kinakabahan kasi ako, kasi ngayon ko pa lang mahahawakan si Av.

"T-tahan na..O-okay lang yan Av.." sabi ko. Tiningnan niya ako. Nakita ko ang kanyang  blue eyes na parang isang kano, ang mapula niyang labi na parang tinutukso akong halikan siya. Arghhh bakit ba ito ang iniisip ko??


I told you, hindi mo na mapipigilan yan. hahah.


shhh! Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya. Hindi naman siya nag-react about it. After ng pagpunas ko ng mga luha niya,.

"Uhmm kuya Marco,.." sabi niya habang tumutulo ang luha niya.

"O?" tanong ko.

"P-pwede pong pa-hug?"..nakakaawa ang mukha niya.

Hindi ko alam kung anung isasagot ko.

Pumayag ka na! Wala namang masama eh! Parang hug lang eto naman oh.


Bahala na!. "S-sige" ang kabadong sagot ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at saka siya umiyak ng umiyak. Bumilis ang tibok ng puso ko. Wala na akong nagawa kungdi ang akapin na lang din siya. "Sige, iiyak mo lang yan, nandito lang ako para samahan ka..wag kang mag-alala, hindi kita iiwan." hindi ko alam kung anung pumasok sa utak ko kung bakit ko nasabi ang mga iyon. Sh*t ano ba tong pinagsasabi ko? Nalason na ba ang utak ko? arrggghh!


Wala kang ginagawang masama,. You're doing great actually. hahaha.


Hindi naman siya nag-react. Phew! Buti na lang inignore lang niya. Lumipas ang ilang minuto at kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin.

"T-thank you kuya ha?" sabi niya.

"Anytime, basta kailangan mo ng kausap or karamay, don't hesitate to call me." sabi ko na lang.

Nginitian naman niya ako. "Uwi na tayo?" tanong ko.

"Sige kuya." at hinatid ko na siya sa bahay nila. Pagkatapos ko siyang ihatid, umuwi na rin ako sa bahay namin. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko yung time na niyakap niya ako. Ang saya sa feeling. Feeling ko na gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at hindi na pakawalan pa sa mga bisig ko. Waaaaa! ano ba toh? arrgghh hindi dapat ako nag-iisip ng ganito!


Ayiiieee!!! inlove siya! hahaha


Tumahimik ka nga!


Avie and Marco sittin in a tree, K-I-S-S-I-N-G!


at talagang nang-iinis ka huh! Dyan ka na nga!


Aba at tinulugan ako ng mokong na to.






Av Lopez
Hinatid ako ni kuya Marco pauwi ng bahay namin. agad akong tumuloy sa aking kwarto. Wala ang mga parents ko dahil may pinuntahan sila. Day-off naman ni manang ngayon kaya mag-isa lang ako sa bahay. Feeling ko, kung sinabi ko kay kuya Marco na mag-isa lang ako, sasamahan pa ako nun hanggang makarating sina mommy. Ganun kasi siya, thoughtful na tao. Lalo na nung simula ng malaman niyang nagkaroon kami ni kuya Van ng hindi pagkakaunawaan. Lagi siyang nandiyan para sa akin. Kumbaga parang hindi pa rin nawala si kuya Van.


O so si Marco na talaga ang bagong papa?


Tumigil ka nga! Nagmamalasakit lang yung tao nuh!


Hay nako,.if I know..may tinatagong pagmamahal yang Marco na yan, tignan mo na lang in the future.


Hayy nako. Ewan ko sayo. Humiga ako sa kama. Bigla namang nag-flashback ang mga nangyari kanina. Naalala kong niyakap ko pala si kuya Marco kanina. Teka bakit ko nga ba ginawa yun?


Ewan ko sayo.


Hmmm.ganun talaga siguro pag malungkot ka.


Bigla ko namang naalala yung sinabi niya sa akin kanina na "Sige, iiyak mo lang yan, nandito lang ako para samahan ka..wag kang mag-alala, hindi kita iiwan."

Napaisip ako. May meaning kaya yung sinabi niya? Sa sobrang kaka-moment ko dun nakalimutan ko ng mag-react.hmmm..


May gusto nga rin sayo yun!


Hindi! Lalaki yun, imposibleng magkagusto sa akin yun.


Eh bakit siya ganun sayo.


Nagmamalasakit lang yung tao no.


oh well, whatever.


"Mahal na mahal pa rin kita kuya Van. kahit gaanon kasakit ang ginwa mo sa akin, mahal pa rin kita.." tumulong muli ang luha ko.


Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog na ako agad. Marahil ay dala ng pagod kakaiyak.

Ganyan naman lagi eh!




Van Romero
Nakahiga ako sa kama ko. Nakatingin sa kisame. Hindi ko maialis ang nakita ko kanina sa park:

Naglalakad ako pauwi at naisipan kong dumaan sa park. Gusto kong puntahan yung bench na lagi naming inuupuan ni Av. Ewan ko kung bakit, basta gusto ko lang siya mapuntahan. Medyo malayo pa lang ako sa bench, nakita ko na may nakaupo doon at kilala ko siya. Umiiyak siya. Gusto ko siyang lapitan para makausap siya, yakapin siya, halikan siya at humingi ng tawad. Wala pa rin kasi akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat.

Lalapitan ko ba siya?


Lapitan mo na! baka mawala pa yan! sige ka maunahan ka pa ng iba!


Argghh! bahala na!


Papalapit na ako sa kanya ng makita kong may isang lalaking lumapit sa kanya. Si Marco.

Anong ginagawa ni Marco dun?


Oh ano? sabi ko sa'yo diba? Ang bagal mo kasi eh! naunahan ka tuloy!


Nakita kong umupo si Marco sa tabi ni Av. Nag-usap sila at nakita ko na lang na niyakap ni Av si Marco. Parang tinusok ng 100 times ang puso ko sa nakita ko.

Teka lang Van, mali ang iniisip mo, hindi naman siguro sila ni Marco.


Malay mo!


Tumahimik ka nga!


Ok ok.Chill! ang hot mo masyado eh.


Kahit paanong ipasok ko sa utak ko na hindi sila ni Marco, nakakaramdam pa rin ako ng matinding selos sa nakita ko. Laking gulat ko ng nakita kong inakap na rin ni Marco si Av. Parang sasabog ang ulo ko sa selos. Parang gusto kong sugurin silang dalawa.

Hep hep!!


O bakit na naman?!


Nakalimutan mo na ba? Wala na kayo ni Av. kaya wala ka na ring karapatan sa kanya. Wala kang magagawa kung ano man o sino man ang piliin niya ngayon. Nakalimutan mo na ba yon? at sigurado ko, na ikaw ang dahilan ng pagluluksa niya ngayon. Sa tingin mo ba mas magiging masaya siya kung makikita ka niya ngayon?


Tama ang sinabi ng boses sa utak ko. Wala na akong karapatan sa kanya. Pero kahit anong mangyari, mahal ko pa rin siya. at ipaglalaban ko iyon. Wala akong pakielam kung sino man ang haharang sa amin, basta ang mahalaga, ang makuha ko siyang muli. Dahil alam kong mahal pa rin niya ako.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya. "Mahal na mahal kita Av. Gagawin ko lahat, makuha lang kita muli. Alam kong mahal mo pa rin ako..kailangan ko lang makaisip ng paraan kung paano kita kakausapin at ipapaliwanag sa'yo ang lahat...sana maintindihan mo ako..I love you Av." naramdaman kong pumatak ang luha ko.

Mahal na mahal mo talaga siya no?


Oo, kahit buhay ko itataya ko para sa kanya. lahat gagawin ko para mapatawad lang niya ako at maging kami muli.


O sige, tutulungan kita,.
 At nakatulog na ako..

-------------------
Until the next episode,
Av, Van and Marco.
:).


[02] Chance??
Hingal na hingal akong tumatakbo sa hallway ng school namin habang hinahabol ako ng isang lalaking hindi ko kilala. At obvious na obvious naman na gusto niya akong patayin.

Whatcha dooooin?


I'm running for my life, WHAT DOES IT LOOK LIKE?! Kainis ka huh!


(Bang! Bang!) Bumagsak ako sa sahig. Naramdaman kong mainit ang hita ko. Nakita ko ang dugo na umaagos palabas ng hita ko. Tinamaan ako ng bala.

Tayo! dali! tayo! nandyan na siya o! takbo na dali!

Tinry kong tumayo pero bigla akong sinuntok sa mukha ng lalaking bumaril sa akin. Iniangat niya ang ulo ko by pulling my hair.

"Any last words?" sabi niya at initutok ang baril niya sa aking ulo.

Dinuraan ko siya ng dugo ko sa kanyang mga mukha. "Put*ng ina!!." sabi niya. Tinadyakan ko siya sa tiyan, napaurong siya. Nakapa ko ang isang matigas na bagay sa aking tagiliran, kinuha ko ito at inihampas sa kanyang mukha. Tumumba siya. "Argghhh!!!" sigaw niya.

Lara Croft teh? Bongga!

Now's my chance, kailangan ko nang makatakas sa kanya.


Tumayo ako at paika-ikang tumakbo palayo sa lalaki. Tumayo ang lalaki at hinablot muli ang buhok ko, "Saan ka pupunta ha?!" sabi niya.

"Bitawan mo ko! Arrrggh! Tulong!! tulong!!" sabi ko. Inihampas niya ang ulo ko sa pader. Parang nabasag ang ulo ko sa lakas ng pagkakahampas niya ng ulo ko. Naramdaman kong tumulo ang mainit n dugo galing sa ulo ko. Bigla akong nanghina at  tumumba. Nakaupo ako sa sahig paharap sa lalaki, habang umaagos ang dugo ko sa hita at sa ulo. Hindi na ako makatayo. Wala na rin akong lakas para sumigaw pa. Nakatutok ang baril niya sa ulo ko. "W-wag..p-please.." pagmamakaawa ko sa kanya. Ipinutok niya ang baril niya.


Nagising akong hinahabol ang aking hininga. Kabadong kabado kong kinapa ang buo kong katawan. "Panaginip lang pala." Nakahinga ako ng maluwag. I sat up and tried to relax. Well that was a weird and creepy dream.


I know right? Bakit naman may gustong pumatay sa'yo sa panaginip mo?


I have no idea. Well, it's just a dream anyway, so no need to panic.


Tama, just forget about it.


I stood up and about to go to the bathroom when my phone rang. Number lang ang nakalagay, walang caller ID. Sino naman kaya to?


Sagutin mo kaya ng malaman mo!


Sinagot ko yung tawag,. "Hello?"

"Hi Av!" masayang bati ng taong tumawag sa akin.

"Do I know you?" tanong ko.

"Ayy sorry, si Ram to." sabi niya.

"RAM?! Pano mo nakuha ang number ko?"

"Uhhmm. hindi na mahalaga yun..may itatanong kasi ako sa'yo."

Macky! Ewan ko pero I have a feeling na si Macky ang nagbigay ng number ko. Lagot ka Macky sa akin mamaya.


"Oh anu naman yang itatanung mo?" ang mataray na tanong ko sa kanya.

Grabe naman tong magtaray! Akala mo kung sinung maganda!


Oo, maganda ako.


Sige goodluck. hahaha


"Ahh ehh, pwede ka ba ngayon?" tanong niya.

"What do you mean?"


"I'm asking you kung gusto mong lumabas...with me.... kung okay lang."

"So you mean,... a d-date?"

"Actually think of it as a getaway. I bet gusto mong pumunta sa isang lugar na tahimik para makapag-isip isip ka, para...makapag-move on.."

Kinabahan naman ako sa sinabi niya."H-how did you know about what happened?"

"Wag mo nang isipin yun,.so ano? are you up for my..uhhmm..offer??"

"I already made plans. I'm sorry." palusot ko na lang.

Plans? Sosyal teh!


"Ganun ba? hindi ba pwede kahit this day lang?"

"I'm really sorry Ram. but thanks for the offer."

"Ok, sige..next time na lang." ang malungkot na sabi niya.

"Sige bye." ibinaba ko na ang phone.

Ikaw alam mo nakakainis ka!


O bakit na naman?


Ikaw na nga nilalapitan ng grasya, tinatanggihan mo pa!


Grasya ba tawag mo dun?


Oo, a handsome and hot blessing.


Ang landi mo talaga!


Matagal na!


Buti alam mo!


Pumunta ako sa bathroom para maghilamos, pagkatapos ay bumaba na ako para makapag-almusal. Naabutan kong nakaupo na sa hapag-kainan si daddy na nagbabasa ng newspaper with a cup of coffee beside him. Si mommy nama'y naglalagay na ng mga pagkain at plates sa mesa.

"Good morning anak!" bati sa akin ni mommy.

"Morning mommy, morning daddy.." ang matamlay kong sabi sa kanila. Hinalikan ko si mommy sa pisngi at naupo na.

"Looks like someone woke up at the wrong side of the bed." sabi ni daddy.

"I just had this bad dream...but don't worry, I'll be fine." sagot ko na lang.

"Are you sure anak?" tanong ni mommy.

"Opo mommy."

"Ok sige kain ka na anak."

Kumain kami sabay sabay. I took a toast, omelet, and 2 pieces of hotdog. Then drank a cup of hot choco. After eating, nagpunta ako sa terrace para magpahangin.

"Av anak, may naghahanap sa'yo." sabi ni mommy.

"Sino po?" tanong ko.

"Ram daw."

Na-shock naman ako sa sinabi ni mommy. Si Ram? anung ginagawa niya dito sa bahay namin??


Ayiiie! manliligaw!!


Pumunta kami ni mommy sa sala at naabutan ko doon na nakaupo si Ram at parang kinakabahan. Nakatayo naman ang aking daddy at matulis ang tingin niya kay Ram.

"Ram!" sabi ko. Tumingin siya sa akin at nagliwanag ang kanyang mukha.

"Av." sabi niya ng nakangiti sa akin.

"Av, anak, manliligaw mo ba to ha?" matigas na tanong ni daddy sabay turo kay Ram.

"H-hindi po. kaibigan ko lang po si Ram daddy."

"Lahat ng manliligaw sa anak ko, sa akin muna dadaan. Kaya kung may plano kang manligaw sa anak ko, mabuti pang umuwi ka na lang." sabi ni daddy.

"Honey! Anu ka ba!" ang natatawang sinabi ni mommy sabay tapik ng kanyang kamay sa dibdib ni daddy.

Natawa na lang ako sa sinabi ni daddy. Napansin ko ring napangisi si Ram.

"O bakit? Syempre, ngayong meron nang manliligaw sa anak ko, kailangan, kilatisin munang mabuti ng daddy niya. Hindi katulad ni." at naputol na ang nais sabihin ni daddy dahil sa pag-awat ni mommy.

"Honey!" sabi ulit ni mommy.

I know na si Kuya Van ang pinapatamaan ni daddy. Hindi ko na lang ito pinansin. Also, natouch din naman ako sa mga sinabi niya,. I never thought na magiging ganito sa akin si daddy. Ang swerte ko talaga!

"Uhhm..so, Ram, why are you here?" tanong ko kay Ram at umupo sa harap niya.

"Gusto ko sana ikaw ipagpaalam sa mga magulang mo." sabi niya.

"Sabi ko na nga ba eh, manliligaw ka no? Kunyari ka pa." sabi ng daddy.

Tumawa si Ram. "Hindi pa po este hindi po. Gusto ko lang po kasing ipagpaalam sa inyu si Av, gusto ko po kasi siyang isama sa resort namin, birthday ko po kasi. Kung ayos lang po sa inyo." sabi niya.

"Hindi!"sagot agad ni daddy,

Nagulat kaming lahat sa sagot niya. "Honey!" sabi na lang ni mommy. "Alam mo Ram, wag kami ang tanungin mo diyan, kung gusto ni Av, edi sige." sabi ni mommy. "Ano Av, gusto mo ba?"

"Uhmmm.." nag-isip muna ako.

"Please? Sige na, birthday ko naman eh." panunuyo ni Ram.

Sasama ba ko?


Sige sumama ka na teh! Ito na ang pagkakataon para matikman mo si Ram!


Gaga! matikman ka diyan! kung sasama naman kasi ako sa kanya, para naman akong kaladkaring babae na porket gwapo siya sasama ako sa kanya. diba?


Edi let's put it this way na lang. Kung sasama ka sa kanya, tulad nga ng sabi niya kanina, think of it as a getaway, para makalimutan mo muna lahat ng nangyari. Para makapag-isip isip ka naman. Diba?


Well, may point ka.


So sumama ka na!


I guess there's nothing wrong nmn kung papayag ako diba?


Tama! So go for it na! Grab the opportunity! hahah


Tumingin muna ako kila mommy. Nakangiti sa akin si mommy, at si daddy naman, parang sinasabi  sa akin na, "ikaw bahala."

"Ok sige, sasama na ako." sagot ko.

"YES!" tumayo siya at nilapitan ako,. niyakap niya ako, "Thank you! thank you!" sabi niya.

"Ehem ehem." sabi ni daddy. Natigil naman si Ram sa pagkakayakap niya sa akin.

"S-sorry po sir." sabi ni Ram.
---
Naghanda na ako ng mga damit ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami doon kaya nagdala ako ng maraming damit. Mas mabuti na yung sure and ready.

Sumakay kami sa kotse niya at umalis ng bahay. Sa kotse niya--

"Why are you doing this?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Doing what?"

"This, yung pagyaya mu sa akin. And yung pagpunta mo sa bahay para ipagpaalam ako. And yung pagsisinungaling mo na birthday mo. Alam kong hindi mo birthday. tama ba ako?"

"Paano mo naman nalaman? Nireresearch mo ba ako?" Tanong niya ng may pilyong ngiti sa mukha niya.

"That's not the the answer for my question Ram." seryoso kong sagot.

"I just wanna help you......to forget about him, to feel happy again,. Namimiss ko na kasi yung old Av na kapag nakikita ko, laging nakangiti and happy."

"You shouldn't worry about me Mr. Chua, I can handle these things on my own.."sabi ko sa kanya sabay tingin sa labas. "Don't you think you're kinda uhmm... crossing the line?"

"Ok sige na, may gusto ako sa'yo..At gusto kong maging tayo..pero para mangyarin yun, kailangan mo muna siyang makalimutan, at tutulungan kitang mangyarin yun." sabi niya sabay hawak sa aing kamay.

"I'm afraid that won't be possible Mr. Chua." tinignan ko siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Let's just see." nginitian niya ako. "You should take a nap, it's gonna be a long drive."

Tumingin na lang ulit ako sa ibang direksyon.

"Don't worry, I won't do anything bad to you." sabi niya sabay tawa. "not if I can't help it." tumawa siya ulit.

Tinignan ko siya muli at itinaas ang kilay ko.

"Joke lang!" sabi niya..pinisil niya ang aking pisngi, "Ummm! ang cute mo talaga!" sabi niya.

Tumalikod ako sa kanya dahil feeling ko nag-bblush ako. Kainis naman kasi, kailangan pang ilagay sa katawan ang pagbblush!


Ayiiie!! kinikilig naman siya!


Tumigil ka! Hindi ako kinikilig ah!


Naku pakipot pa! Ok sige na.


Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at nakatulog ako. Ng magising ako, nagulat ako sa aking nakita. Nasa loob ako ng isang kwarto. Maganda ang kwarto na iyon, eleganteng elegante ang dating. Nakita ko ang bag ko sa isang tabi.

"Nasaan ako??" tanong ko,.

--------------------------
Until the next episode,
Av. <3


[03] Catch Me I'm Falling Inlove
"Nasaan ako?" ang unang tanong na lumabas sa aking bibig. Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita ko si Ram na nakahiga sa tabi ko, nakapikit pa ang mga mata niya. Wala siyang shirt na suot. Nakaboxer shorts lang. Nakapatong sa noo niya ang kanyang braso. Kitang kita ang six pack niyang abs.

Sh*t ang hot niya. Ayyy ano ba tong iniisip ko?

Grab the opportunity na teh! dali!

Gaga! Hindi ako rapist hano! Siguro ikaw, but not me! Over my dead body!

Chaka mo teh! Wala naman makakakita eh.

Bigla kong napansin na wala akong suot na damit. Nakaboxer shorts lang din ako.

OMG nasaan ang mga damit ko?!

Ow Em! dont tell me?! may nangyari sa inyo?!

"NO!!!!!" napasigaw ako.

Nagising si Ram sa sigaw ko. "O bakit may sunog ba?" ang gulat at nagpapanic na tanong niya.

"Anong ginawa mo sakin?!" pagalit kong tanong sa kanya.

"Wait lang, before you think of anything bad, let me explain." hinawakan niya ang kamay ko.

Tinanggal ko ang kamay niya at hinampas siya ng unan. "Aaaahhh! Lumayo ka sakin! Aaaaahh!" sigaw ko ng nakapikit habang hinahampas siya ng unan.

"Aray!!! Teka lang Av! Aray! Please! Stop it!" sabi niya. Hinablot niya ang unan mula sa akin ngunit hindi ko ito binitawan. Nag-agawan kami sa unan hanggang sa napalakas ang hatak niya at dahil dun, sumama ang katawan ko sa unan at sumubsob sa kanya. "Waaaa!"

"Aray!" Nagkauntugan kami at dahil nasa edge na kami ng kama, nalaglag kami sa sahig. Naglapat ang aming mga labi nung nalaglag akong nakapatong sa kanyang katawan. Nakahawak ako sa dibdib niya at ang mga kamay naman niya'y nakalagay sa magkabilang side ng baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko siyang nakapikit.

Oh, my,gosh..Aaaaaaahhhhh!!!!!! Grabe teh!!!! ikaw na talaga!!!!!

Tumayo ako agad at umupo sa kama."Uhhmm..I-I'm s-sorry." sabi ko.

Tumawa lang siya.."Ayos lang..Nag-bblush ka ah." sabi niya.

Sh*t ano ba to! hindi ako pwede magblush! Argghh! kainis na katawan to oh!

Tumalikod na lang ako sa kanya dahil nahihiya ako.

"Anyway, about nga sa...uhhmm..kung bakit nakahubad ka,.Nabasa ko kasi yung damit mo kanina, buti na lang hindi ka nagising, kasi tiyak magagalit ka sa akin." tumawa ulit siya. "Kaya tinanggal ko muna yung mga damit mo at inihiga dito sa kama ko,."

"E-eh bakit pati ikaw n-nakahubad?".tanong ko..

"Ahh ehh, hindi kasi ako, nakakatulog ng nakadamit. Mas sanay ako na underwear lang ang suot ko." sagot niya. "Siguro iniisip mo na may nangyari sa atin noh?" lumapit siya sa akin at inakbayan niya ako.

Ayiiee!!

Hindi na lang ako sumagot. Eh anong gusto niyang isipin ko? Na may pictorial lang sa kwarto niya, endorsing underwears? Hayy nako.

Pwede bang nude pictorial na lang?!

Ikaw ang landi mo talaga! tumigil ka na nga!

"Teka, nasaan ba tayo?" tanong ko.

"Nandito ka sa beach resort namin." sabi niya. "Tayong dalawa lang dito." at binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti.

"T-tayong d-dalawa lang?" tanong ko.

"Oo, gusto kasi kita ma-solo eh,." sabi niya.

Ang sweet naman nito,. Ayy ayan na naman ako, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? hindi pwede  to! Arggghhh..

"O nagbblush ka na naman." at tumawa siya.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang nanigas lang ako sa kinauupuan namin na nakatitig sa isa't isa. Biglang inilapit ni Ram ang kanyang mukha at akmang hahalikan ako sa labi. Lumingon ako sa ibang direksyon.

Natigil naman siya at inilayo ang kanyang mukha. "I'm sorry." sabi na lang niya.

"O-ok lang." sabi ko na lang.

Bakit mo inilayo yung mukha mo?! Ano ka ba?!

Abnormal ka ba?! Hindi ako pokpok na magpapahalik lang sa kung sino sinong lalaki hanu!

Kahit na sa isang gwapo, macho, matangkad at mabait na tao katulad niya?

Oo. Ibibigay ko lang ang labi ko sa taong mahal ko.

At si Van yon? Yung mokong na echoserang palaka na yun?

OO!.

Ang martyr mo talaga teh! Gusto mo iuntog kita sa pader para naman maliwanagan ka sa paligid mo?! Hello, sinaktan ka niya teh,. Kaya mag-move on ka na!

Hindi na lang ako sumagot. Nasa ganung posisyon kami ni Ram ng mag-yaya siyang kumain.

"Hindi man ka man lang magbibihis?" tanong ko.

"Tayong dalawa lang naman ang nandito eh kaya okay lang." sabi niya ng nakangiti at lumabas ng kwarto para maghanda ng pagkain sa ibaba.

Kumuha ako ng isang t-shirt at isinuot iyon. Bumaba na ako at nakita ko siyang naghahanda ng pagkain. Habang kumakain,

"Uhmm..Av." sabi ni Ram.

"Hmmmm?"

"Pwede humingi ng favor?" tanong niya

"Ano yun?"

"Pwede habang nandito tayo,. pwede bang kalimutan mo muna ang lahat ng nangyari nuon..pwede bang, kalimutan mo lang muna si Van..kahit ngayon lang.,." seryosong tanung niya.

Napatigil ako sa pagkain at tumitig sa kanya. Nagmamakaawa ang mukha niya, na parang sinasabing "Please".

Sige na pagbigyan mo na yung tao! Concern lang naman siya eh.

Concern ba yun? Parang gusto na niyang controlin ang buhay ko.

Av, just trust him.

Yeah, trust the person you found naked beside you in bed. Diba?

Av, that's not the point,. Why don't you give him a chance? He seems like a nice guy.

Pare-pareho lang lahat ng mga yan. Sasabihin sayong mahal ka sa una, pagkatapos, sasaktan ka lang din, at iiwanang luhaan at basag ang puso.

Oh so it's you that has the problem. Kalimutan mo na yung Van na yun. Mag-kaiba silang dalawa. Baluktot naman kasi yang paniniwala mo. Bakit hindi mo buksan ang puso mo ulit? Matutuong mag-mahal ulit,. Hello? Wag mo naman hayaang forever ka na lang mag-isa noh.

Which made me realize, tama ang sinasabi ng boses. Why don't I give Ram a chance?

Nagbuntong-hininga ako, at tumango kay Ram. Nginitian naman niya ako at hinawakan ang aking kamay. "Thank you." sabi niya.

After namin kumain, dahil medyo maaga pa naman, inilibot niya ako sa beach resort. Nag-swimming kami sa pool. Naglakad din kami sa tabing-dagat while watching the sunset. Ang sarap sa feeling parang ayaw ko nang umalis sa lugar na iyon. Ang tahimik kasi, parang nakakatanggal ng mga problema. Parang ang nasa isip mo lang, ay ienjoy ang magandang view at ang masarap na simoy ng hangin.

"Ang ganda ng view noh?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malawak na dagat at pinapanood ang magandang sunset.

"Oo nga eh, ang ganda ganda ng view."sabi niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin.

Ibig bang sabihin nito,..AKO yung sinasabi niyang magandang view??

WOW! kapal huh! pero kakilig to max!

"O, bakit ganyan ka makatitig?" tanong ko sa kanya.

"Ang cute mo kasi. I can't take my eyes off you." seryosong sabi niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko,."Halika na nga! nagugutom na ko! balik na tayo sa bahay." pangyaya ko sa kanya.

Kainis ka talaga! Ang sweet sweet na nga ng tao sa'yo tapos dedma ka lang.

I know what I'm doing.

Whatever.

Bumalik na kami sa resthouse nila at kumain. 3 araw din kami nag-stay doon. Wait lang, alam ko iniisip niyo, may nangyari ba samin? Wala huh.

Umuwi na kami sa bahay namin. Tinawagan ko na sina mommy para pagbuksan kami ng gate. Pumasok na kami sa bahay. Sa sala, habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa ni Ram--

"O anak kamusta ang naging bakasyon niyo?" tanong ni mommy.

"Ayos lang naman po mommy." sagot ko.

"Uhmm..Mr. and Mrs. Lopez, may gusto po sana akong itanong sa inyu."

"Ano yon?" tanong ni daddy.

"G-gusto ko po sanang manligaw sa anak ninyo."

Nashock ako. Hindi ako nashock sa sinabi niya. Nashock ako kasi hindi pa pala siya nanliligaw sa akin nung dinala niya ako sa resort nila. sasagutin ko na sana siya joke hahaha

Tiningnan ako nina mommy at daddy. Mukhang kalmado naman si daddy hindi katulad noong 3 araw na ang nakakalipas. "Bakit hindi si Av ang tanungin mo niyan? Alam kong sinabi ko sa'yo na sa akin ka muna dadaan, pero tinatakot lang kita nung time na yun, tine-test kung talagang gusto mo ang anak ko. Nasa kanya pa rin ang desisyon,." sabi ni daddy.

"Uhmmm.Av?" tumingin siya sa akin. "Pwede ba akong manligaw?"

Yes na dali!

"Ahhh ehhh.."


-----------------------
Until the next episode,
Av, :).


[04] One is Good, Two is Better, Three is the Best!
------------------------------------------

"Ahh ehh".. hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Cge na! Manliligaw lang naman eh! Hindi naman sa mag-yeyes ka na gusto mo na siyang maging bf or anything.


Well yeah your right. But still, I'm still not ready to get in a relationship. Ayoko siyang paasahin.


Come on! He's hot, cute, rich, nice. what more could you wish with a guy like that?


*sigh.


Give the guy a chance! Kung hindi man kayo mag-work-out, then wag siyang sagutin para maging bf mo, but still, bigyan mo naman siya ng chance kahit ligaw lang.


Fine..ugggh.


"S-sure. I g-guess there's nothing wrong w-with that.." sabi ko.

"YES!" ang maligayang sigaw ni Ram. Parang sobrang happy niya sa sagot ko. Grabe, sinabi ko lang na pwede siyang manligaw pero parang ang reaction niya, sinagot ko na siya bilang bf ko.


----------------------------------------------------------------------


It has been 2 weeks. 2 weeks na niya akong nililigawan. So far, he had been a sweet guy to me. Lagi siyang dumadaan sa bahay if he have free time. One time nga, binigyan niya ako ng flowers and chocolates. Hindi na ako magsisinungaling sa inyo, kinilig ako nung time na yun. Siyempre, sino naman ang hindi kikiligin kung may isang gwapong manliligaw sa'yo with matching flowers and chocolates pa. Para ngang isang fairytale eh. Lagi niya akong tinetext. Everytime I wake up in the morning, the first thing I'll see on my phone is his name, saying I got a message from him. Pati bago matulog. Aaminin ko, sweet siya.

So ano? Is he the one? Sasagutin mo na ba siya?


Well I'm not sure yet.


What do you mean you're not sure yet?


I'm not sure kung mahal ko na siya. Actually, hindi naman siya mahirap mahalin eh, mabait siya, sweet,.gwapo. Nasa kanya na ang lahat sa listahan ng mga qualities ng ideal boyfriend.


O, so what's stopping you then?


I'm just not sure if he's the right one for me.


If you're still thinking about Van, would you please forget him already? Move on!!


I am not thinking about him! I have totally moved on.


Weh? Di nga?


Arggh. Ok fine! Yes, I haven't move on na todo todo as in wala na talaga. But I'm gettin there!


Well you should do it fast before your prince charming find another princess.


Edi maghanap siya ng iba. Kung mahal talaga niya ako, tulad ng sinasabi niya, he's going to wait for me.


Hayy nako whatever.


---------------------------------------
Classes had began. I still went to the same University. As a freshie, I didn't find it hard to blend in with the people. It's like everyone know me, maybe because I was the president of the student council in the HS Dept. last year. And some of my classmates last year, ay classmates ko pa rin sa mga classes ko ngayon. I decided to take performing arts. Dahil na rin siguro sa punung-puno ng drama ang buhay ko, madali na lang sa akin ang pag-arte. And I like acting, dancing, and singing rin kasi, kaya ito ang nag-push sa akin to take the course. Bata pa lang ako, dream ko nang mapasama sa isang musical. Pare-parehas kami ng course nila Macky and Coleen. Marco,Ram and Van naman took civil engineering.

Sa Canteen-------

"Ui Av, kamusta na kayo ni papa Ram?" ang panunukso ni Coleen.

"Oo nga. Kayo na ba? Ayiiee!" dagdag pa ni Macky.

"Tigilan niyo nga ako. Hindi ko pa siya sinasagot noh." sagot ko naman.

"Bakit naman? Gwapo naman siya, mabait," sabi ni Coleen.

"Oo nga naman. Ano pa bang hinihintay mo? Sige ka aagawin namin ni Coleen yan sa'yo." sabi ni Macky sabay tawa nilang dalawa.

"Edi sainyo na lang. Sainyong sainyo na." sabi ko.

Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang sumulpot si Kuya Marco.

"Hi Av!" umupo siya sa tabi ko. "Hi Coleen! Hi my annoying little sister!"

"Oh well hello my obnoxious big brother." sagot naman ni Macky. Tumawa lang kami ni Coleen.

"So what brings you here Marco?" tanong ni Coleen.

"Wala lang. Na-miss ko lang tong si Av." inakbayan niya ako.

"May ganon?" tanong ko.

"Bakit? di mo ba ko na-miss?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

Kumuha ako ng icing sa cake na kinakain ko at ipinahid sa ilong niya. "Ummm..Abnormal ka talaga no? Magkapatid talaga kayo nitong si Macky,. At bakit naman kita mamimiss?" sabi ko at tumawa.

"Ahay! Ah ganyanan pala huh. sige." kumuha din siya ng icing at ipinahid sa pisngi ko.

"Waaaah! Bakit mo ginawa yun?"

"Eh ikaw nauna eh. Ano gusto mo pa?" sabi niya sabay tawa.

"Tigilan niyo nga yan! Kadiri kayo!" sabi ni Macky.

Nagtinginan kami ni Kuya Marco. Nag-ngitian. "Kadiri pala huh!" Tumayo kami at pinahiran din si Macky ng icing sa mukha. I was aiming for her forehead pero dahil pumiglas siya, napunta sa pisngi niya ang icing. Sa baba naman nilagyan ni Marco

"Ahhhh!" tumili si Macky at tumawa lang si Coleen. "Ang mean mean niyo talaga!" Nagtawanan lang kami. "Pero siyempre, unfair naman kung tayong tatlo lang ang meron diba?" sabi niya at tumingin kaming lahat kay Coleen na nakangiti.

"No!!!!!" sigaw ni Coleen. Hinawakan ni Kuya Marco ang mga kamay ni Coleen para hindi niya ito maiharang sa kanyang mukha. "Waaaa!" sigaw ni Coleen. Nilagyan namin ni Macky si Coleen ng icing sa ilong at sa pisngi. "Ang bad bad niyo! pati ako dinadamay niyo sa mga trip niyo!"

Napuno ng tawanan naming apat ang area na inuupuan namin. Nakatingin ang mga tao sa amin at nakangiti. Siguro sinasabi nila na malakas ang tama naming apat. Pero ignore lang kami. Walang basagan ng trip! Kung naiinggit kayo, gumaya kayo! hahah


Umupo kami't nagpunas ng mga mukha.

"Av, may anu ka pa sa mukha." sabi ni kuya Marco.

"San?" tanong ko. Nagulat ako ng siya mismo ang nagtanggal ng icing sa labi ko. Naramdaman ko ang daliri niya na dumulas sa labi ko nung tinanggal niya ang icing. At eto pa, imbis na ipahid niya sa tissue ung daliri niya, nashock ako ng isinubo niya ang daliri niya at nginitian ako.

"Yuck!" sabay na sabi ni Coleen at Macky.

"Hmmm. Strawberry.." sabi ni kuya Marco ng nakangiti at umakbay sa akin.

What's up with him??


Oh ano, diba sabi ko naman sa'yo, may gusto sayo yang Marcong mokong na yan eh.


Could it be??


Could it be could it be ka jan! Arte mo teh! English english ka pa.


Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang dumating si Ram.

"Hi Ram!", sabi ni Coleen.

"Ehem ehem. Pare, parang sa akin yang akbay-akbay mo ha." sabi ni Ram na masama ang tingin kay kuya Marco.

"Bakit? Hindi ba pwedeng umakbay sa kaibigan ko." at inilapit pa niyang mabuti ang katawan ko sa kanya. Inaasar talaga niya si Ram.

"Bok, walang talo-talo!" sabi ni Ram.

Wow! Gerald Anderson and Jake Cuenca? taray!


So I'm Kim Chiu?


Oo, ikaw si Kim Chiu..Kim Chiu-gi! Dahil Chuchugiin na kita! KFC!


KFC? ano ko? fried chicken?


KFC. Kapal ng Face Chaka!


Anyway, mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Nagkatinginan lang kami nila Coleen. Parang sinasabi nila sa akin na, "Yo! Do something!!!".. tinignan ko ang relo ko at sakto naman ang oras sa naisip kong palusot. "Oh look at the time. Malapit na ang next class namin,. We better go now. Macky, Coleen tara na baka mapagalitan pa tayo ni Miss Minchin este ni Miss Barcelos." Tumayo kaming tatlo.

"Hahatid na kita Av." sabi ni Marco.

"Hindi, ako ang maghahatid sa kanya." sabi naman ni Ram.

"Ako!" sigaw ni Marco.

"Ako!" sabi naman ni Ram.

"Stop!" sigaw ko naman. Nakakairita yung pagtatalo nila, para sing mga batang nag-aagawan sa lollipop.

Pero todo kilig ka naman kasi pinag-aagawan ka ng mga papa.


Shut up!


"Why don't you two just go to your own classes na lang. Kaya ko naman pumunta ng klase ko eh. Besides, kasama ko naman sila Coleen and Macky. Kaya please, tigilan niyo na ang pagtatalo."

"Pero Av.." sabi ni Ram.

"No more excuses! Now get your asses up and go to your classes!" sabi ko.

Nagulat sina Macky sa sinabi ko. Well pati ako nagulat pero hindi ko na kasi napigilan eh. "I-I'm sorry." nasabi ko na lang,. hiyang hiya ako sa sinabi ko, I was rude dahil nasigawan ko sila ng ganun.

"Kami dapat ang mag-sorry sayo.. sige, pupunta na ako sa klase..See you later.." sabi sa akin ni Ram at niyakap niya ako.

Hindi rin naman nagpahuli si Marco, niyakap niya rin ako at hinalikan sa noo. Isang bagay na ikinagulat ko. Dahil si Van lang ang gumagawa sa akin nuon.

May gusto ba talaga sa akin to?


Hay nako bahala ka na, tutal ayaw mo rin namang maniwala sa akin.


Argggh..


-----------------------------
Natapos ang klase namin at umuwi na ako. Sabay-sabay kaming umuwing tatlo nila Coleen and Macky. Pagdating ko sa bahay, pumasok ako kaagad sa kwarto ko't nahiga,. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Si Marco ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag niya.

"Oh kuya Marco, napatawag ka." sabi ko.

"Ayy natutulog ka na ba Av? sorry kung naistorbo kita, sige next time na lang." sabi niya.

"Hindi okay lang.. bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.

"Ahh ehh.. may sasabihin kasi ako sa'yo." sabi niya.

"Anu yun?" tanong ko..

"Hindi ko alam kung papaano ko to sasabihin sayo. Pero eto na.." sabi niya..

---------------------------------
Until the next episode,
Av. :P


[05] Confessions
"Ano ba yung sasabihin mo kuya Marco?" tanong ko.

"Ahh eh..Av..wag ka magagalit ha?" sabi niya. Parang kinakabahan siya.

"Kuya Marco, magagalit ako sa'yo kapag hindi mo pa sinabi yang sasabihin mo. Sabihin mo na kasi." pamimilit ko. Gusto ko na kasing bumalik sa pagtulog. Kasi naman tong si kuya Marco eh, sasabihin lang eh ang dami pang acheche-acheche. hay nako. Istorbo pa tuloy sa beauty rest ko. *sigh

"Av..." tumigil siya ng saglit at huminga ng malalim. "May..may.."

"May?????" tanong ko.

"G-g-g..g-gusto kita Av." sabi niya.

Napatigil ako sa sinabi niya. Gusto niya ko? as in gusto talaga?


Hay nako, that's what I keep on telling you pero ayaw mo maniwala.


Natulala ako ng mga ilang segundo. Parang nagfreeze ang paligid.

"Av?? Av nandyan ka pa ba?" tanong niya.

"Ah.o-oo.,."

"S-sorry ha.." sabi niya.

"Bakit ka naman nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."

Wala talaga! Dahil ikaw ang may kasalanan!


Kasalanan? Oo, kasalanan ko, kasalanan kong naging sobrang cute and attractive ako. tama?


Che! Kapal mo!


"Sinubukan kong tanggalin sa sarili ko to. Dahil alam kong hindi tama..at alam kong may mahal ka nang iba..si Van...pero hindi ko na talaga mapigilan eh..matagal ko ng itinatago sa'yo to..matagal ko na ring gustong sabihin pero, nauunahan ako ng takot..takot na baka layuan mo ko.." tumigil siya sandali at huminga ng malalim. "kaya naman nung nalaman ko na wala na kayo ni Van.lumakas ang loob ko, dahil nakita kong may chance na ko sa'yo..mahal kita Av."


Naramdaman ko ang sincerity ni kuya Marco.. Naiintindihan ko kung gaano ito kahirap para sa kanya Ganyan din ang naramdaman ko noon kay Van, natakot akong sabihin sa kanya dahil baka layuan niya ako.Naduwag akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. At ngayon, si Marco ang nasa ganoong sitwasyon..


"Sorry Av.." sabi niya.

"Kuya, hindi ka dapat magsorry.." sabi ko na lang.


"K-kung ganon okay lang sa'yo??"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Okay nga lang ba sakin to? Bahala na!


"Ahh ehh..o-oo naman kuya. Okay lang yun." ang nasabi ko na lang.


Sh*t bakit ko sinabing ok lang? Argh. Kainis ka tlga Av!!!

"Talaga?! Salamat Av! Ang bait mo talaga!" tuwang tuwa siya.

"Ahh ehh kuya Marco, magpapahinga na ko..bukas na lang tayo mag-usap..inaantok na kasi ako eh." sabi ko.

"Ahh sige,. Goodnight Av! Sweet Dreams!" sabi niya.

"Sige kuya, goodnight. bye!." ibababa ko na sana ang phone ko ng marinig ko ang pabulong niyang sinabi na "I love you.".. "Ano yon?" tanong ko.nagkunwari akong hindi ko nadinig.

"Ahh eh wala, sige tulog ka na. see you tomorrow!" sabi niya.

"Sige, bye." at ibinaba ko na ang phone ko.

Actually, hindi naman talaga ako inaantok. Parang nawala yung antok ko at nagising ang katawang-lupa ko dahil sa conversation naming iyon. Grabe. ganito ba talaga ako kaattractive para magkagusto sa akin tong mga lalaki na to. Una si Van, tapos si Ram, tapos ngayon si Marco na? Sino kaya susunod? Buong student body na magkakagusto sa akin?


Grabe teh huh! ang kapal mo talaga! Kalerky ka! Aminin mo nga sa akin? Ginayuma mo yang mga yan no?


Gaga! Hindi ako witch para mang-gayuma no! Kung meron mang witch satin dalawa, ikaw yun! Witch pati ugali!


Hay nako. Whatever. Pero eto huh. I must say, ANG HABA NG HAIR MO TEH!


I KNOW RIGHT?


Daig mo pa ang hair ni Rapunzel sa sobrang haba ng hair mo! Biruin mo, nawalan ka nga ng prince charming, may dumating namang iba. at take note, 2 pa yung dumating!


Napangiti tuloy ako. Pero maya-maya, napalitan din ito ng isang malungkot na mukha.

O ano namang drama mo? You should be happy! Let's celebrate and party party! say Unkabogable!!


Vice ganda teh?


Oo! anyway, so bakit nga super sad ka ever ka nanaman?


Napaisip lang kasi ako. Diba nga may gusto yung dalawa sa akin.


O?


Paano kung hindi ko naman maibalik sa kanila yung pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Ayokong may masaktan sa kanila. or even worse, ayokong parehas sila eh masaktan ko.


Bakit sino ba kasi talaga ang mas gusto mo?


Ewan ko.,.Ram had been so nice, sweet ang thoughtful to me since the day I met him.. Marco was always there for me especially nung time na kailangan ko talaga ng makakapitan. Parehas silang naging sobrang bait sa akin. At ayokong may masaktan ako sa kanila.


Mahirap nga yan. Pero pwede wag mo munang isipin yan? Sa ngayon, just go with the flow ka muna. Tapos chaka ka na magdecide.


*sigh.  At nakatulog na ako.

The next day, I did the same routine na ginagawa ko every school day. Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, tapos papasok na. Sabay-sabay kaming pumasok sa klase nina Macky, Coleen, Marco, at yung isa pa naming kaibigan na si Ella. Sa daan, hindi mawawala ang tawanan namin dahil sa pagka-random ni Ella. Ewan ko pero basta ang random random ng mga sinasabi niya. Kapag siya na nagsalita, laging off-topic pero nakakatawa. Para nga siyang si Cat Valentine ng Victorious sa sobrang pagkarandom. (Para po sa mga hindi nakakakilala kay Arianna Grande a.k.a. Cat Valentine of Victorious, i-google niyo na lang po. lol)

One time nga, nag-uusap kami about sa kung mag-aaudition ba si Macky para sa lead ng isang play sa school.
----memory recall------

"Kayang kaya mo yan!" sabi ni Coleen.

"Ehh kinakabahan ako. mukhang maraming mas magaling sa akin eh." sabi ni Macky.

"Alam mo Max(Macky), talented ka. Yakang-yaka mong patumbahin yang mga yan. Kaya go lang ng go!!" pag-ch-cheer-up ko kay Macky.

"Kung gusto mo ng gulong!" singit ni Ella..

Nagkatinginan kaming tatlo nila Coleen at sabay-sabay naming nasabi. "Anu raw?!?". Nagtawanan kaming lahat. "Go lang ng go, kung gusto mo ng gulong!" Corny pero natawa kami ng bonggang bongga.

Anyway, back to the present. Nagpunta na kami sa klase namin. Nagrerehearse kami ng isang song number nung araw na iyon para sa isang program sa school. Break namin ng may lumapit sa aking kaklase ko.

"Av, may nagpapabigay sa'yo o." sabi ng kaklase kong si Emmee, sabay abot sa akin ng isang red rose na may ribbon at kasamang envelope.

"Sino daw ang nagpapabigay?." tanong ko sa kanya.

"Ayaw ipasabi eh, basta ibigay ko na lang daw sa'yo."sabi ni Emmee.

"Okay, sige salamat ha." sabi ko na lang. Pumunta ako sa likod ng stage at sumunod sa akin sina Macky at Coleen.

"Ayiiieee! Sino naman yang admirer mo?" tanong ni Coleen,. Parang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.

"Hindi ko nga alam eh. Ito may sulat tingnan natin." sabi ko.

Sa sulat :

Av,

Seeing your face completes my day,
You always make me smile in every single way.
Simple, cute and funny,.the things I like in you.
Also, those are the thing that made me fall inlove with you.
I wish you'll give me a chance to prove to you.
That I really really love you.

Love,
M.R.


"M.R.?" tanong ko.

Marco Rosales!
OMG.


"That's my obnoxious big brother..Hindi ako pwedeng magkamali, yan ang pirma niya. Hay nako, kahit kailan talaga, ang corny talaga ng kuya ko,." sabi ni Macky.

"Corny? Ang sweet nga eh..diba Av?" ang kinikilig kilig na sabi ni Coleen.

"Abnormal talaga yang kuya mo Max! Talagang magkapatid kayo!" sabi ko sabay tawa. Pero sa loob loob ko, kinikilig ako. Ang sweet kaya! Ikaw ba naman bigyan ng ganun? Hindi ka kikiligin? diba?


In fairness, sweet yang papa Marco mo.


"Siya lang ang abnormal no!" depensa ni Macky.

"Okay sabi mo eh." sabi ko na lang.

Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang may tumapik sa likod ko. Si Van. laking gulat ko ng makita ko siya.


"Van.." sabi ko.

"Av..

"Anong ginagawa mo dito ha?!" ang mataray na sabi ni Coleen. "Umalis ka na nga dito kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!"

"Oo nga,.Ang kapal rin naman ng mukha mo para magpakita pa kay Av pagkatapos ng nangyari! Umalis ka na nga kung ayaw mong kalbuhin kita!" sabi naman ni Macky.

"Girls, stop. Iwan niyo muna kami. please." sabi ko.

"Sure ka Av?" tanong ni Macky.

"Yes. I'll handle this."

"Sige. Coleen, tara na." sabi ni Macky.

"Oras lang na malaman kong pinaiyak mo tong kaibigan namin, ihanda mo na yang sarili mo." pananakot ni Coleen kay Van.

Hindi naman sumagot si Van. "Coleen. please. iwan mo na kami. ako nang bahala dito." sabi ko. At umalis na ang dalawa. Napansin kong nag-iba ang itsura ni Van. Parang pumayat siya. At wala na rin yung masigla niyang mukha. Napalitan na ito ng lungkot. Para akong maiiyak sa nakita kong lagay niya.

Wait lang Av, magpakatatag ka, wag kang magpapa-apekto.


Tama. Dapat hindi ako magpa-apekto sa kanya.


"Bakit ka nandito?" and tanong ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Gusto sana kitang makausap,."sabi niya. Mararamdaman mo rin ang lungkot sa boses niya.

Dapat wag magpa-apekto, kaya mo to Av. Ajah!.


"Gusto kong malaman mo ang totoo." sabi niya.

--------------------
Until the next episode,
Av.

No comments:

Post a Comment