Sunday, January 6, 2013

The Best Thing I Ever Had: Season 2 (06-Finale)

By: lilvincy
Blog: avinthisismylife.blogspot.com

Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)

*any resemblance in this story is just coincidental.*

FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip

sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------

[06] Confessions Part 2 feat. Van Romero
----------------------------------------------------
"Pero bago ko sabihin sa'yo. Pwede mo ba kong samahan sa isang lugar? Doon ko gusto sabihin sa'yo ang lahat.."

Aba ang arte huh, may place pa talagang pinipili huh.



Pumayag ka na nga lang para matapos na yan.


"Bakit? Hindi ba pwedeng dito tayo mag-usap?" ang mataray na tanong ko sa kanya.

"Please..Av.. pagbigyan mo naman ako oh.." pagmamakaawa niya.

Nakakaawa talaga ang istura niya. He looks really miserable.


Hoy, let me remind you, yang taong nasa harap mo ngayon, ang taong dahilan ng pagluluksa mo noon,.


Tama. dapat wag magpaapekto.


"Fine..San ba yun?" tanong ko.

Nagliwanag ang mukha niya. Mangiyak-ngiyak siyang ngumiti sa akin. Pero hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon. "Just follow me.." Kinuha niya ang kamay ko't nagsimulang maglakad. Agad ko ring binawi ang kamay ko. I crossed my arms on my chest.

Bitter much teh?


Hello ikaw na nga nagsabi na wag magpaapekto eh. Pinanindigan ko na!


Magpapaalam na sana ako sa instructor namin pero nagulat ako ng sinabi niya kay Van na, "Just bring him back asap. We need him." Grabe, mukhang planado na talaga to ah. Lumabas kami ng school. I wasn't really paying attention on where are we going. Tulala ako't parang wala sa sarili habang naglalakad. Ano nanaman kaya ang sasabihin sa akin nitong mokong na to? Tiyak puro kasinungalingan nanaman ang sasabihin nito.


Kaya dapat, wag kang magpapahulog sa patibong niya ulit. Dahil pag nalaglag ka, patay ka na naman.


Right.


Napansin ko na lang na nasa park na pala kami. Umupo siya sa bench. The same bench where it all started. Biglang nagflashback sa akin lahat ng nangyari noon. Yung mga masasayang araw namin nuon, na magkasama kaming nakaupo sa bench na iyon, pati na rin ang masalimuot na mga pangyayari tulad ng pag-iyak ko sa bench na iyon na mag-isa't walang kasama. Parang gusto kong umiyak.

"Upo ka." ang pangyayaya niya sa akin sabay tapik sa bench.

Umupo ako't tumingin sa malayo. Nagsimula na siyang magsalita. "Naalala ko pa nung unang beses tayong magkasamang umupo sa bench na to. Dito mo ko unang tinawag na kuya, at dito rin kita unang tinawag na bunso." sabi niya.

Naalala pa pala niya. Parang gusto ko na talagang umiyak. bumabalik na naman kasi yung moments namin. Nagtatawanan kami nuon at ang saya saya namin.

Hey! Remember?! wag papaapekto!


Right,.

"Dito rin sa bench na to, na-realize ko..na mahal talaga kita." dagdag pa niya. Namumuo na ang mga luha ko. Parang gusto ko na talagang umiyak. "Dito sa bench na to--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya't nag-interrupt na ako.

"Why are you telling me this? Are you trying to hurt me?!" tanong ko. Biglang tumulo ang luha ko.

"No Av." sagot niya.

"Are you trying to push my conscience?! Are you trying to make me realize that I made a big mistake by breaking up with you?!"

"No."

"No??? Then what are you trying to do?!" tanong ko sa kanya. Patuloy na umaagos ang luha ko sa aking mga mata. Hindi siya nakasagot. Tumayo ako't akmang aalis na ngunit bigla niya akong inakap sa likod ng mahigpit. "Let go of me!!" sabi ko.

"Hindi kita papakawalan hangga't hindi mo ko hinahayaang maipaliwanag ko sa'yo ang lahat." sabi niya.

"Argggh!!!"... I had no choice. ayoko namang magsisigaw doon at mag-iskandalo just because ayaw niya akong pakawalan. "Fine! Diretsuhin mo na ako, wag ka nang magpaligoy-ligoy pa." Pinakawalan niya ako't umupo kaming muli sa bench. Mga ilang minuto rin ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Siguro'y hindi niya alam kung paano siya magsisimula kaya ako na mismo ang nag-open ng conversation. "B-bakit ka nagsinungaling sa akin?" mahina ang boses ko. Umagos nang muli ang mga luha ko.

"Patawarin mo ko Av. Alam kong nagkamali ako. Sasabihin ko naman talaga sa'yo ang totoo eh, naduwag lang ako. Naunahan ng takot. Takot na baka pag nalaman mo, mawala ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa akin Av." Nagsimula na ring pumatak ang luha niya. "Girlfriend ko nga talaga si Jenny. Noong una, akala ko, siya talaga ang taong tinitibok ng puso ko. Pero nung nakilala kita, nag-iba ang takbo ng buhay ko. Dahil ikaw na pala ang nandito." sabay turo sa dibdib niya. "Napagdesisyonan kong makipag-break na sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya mahal at ayoko nang lokohin pa siya. Ikaw. ikaw talaga ang mahal ko." tumingin siya sa akin. Tumingin din ako sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin. Mahal pala talaga niya ko.

"P-pero diba buntis siya?" tanong ko.

"Oo..." tumingin siya sa lupa. "Inimbita niya ako sa bahay nila. Gusto raw niya akong makausap. Pumunta naman ako dahil gusto ko nang tapusin ang lahat, ilang beses niya kasi akong pinipilit na balikan siya. Nung dumating ako sa bahay nila, niyaya niya akong uminom ng juice. Hindi ko alam na may pampatulog pala ang juice na iyon kaya bigla akong nakatulog. Hindi ko alam ang nangyari, basta paggising ko, nasa kama na niya ako't nakahubad katabi siya." sabi niya.

"K-kailan pa to nangyari?" tanong ko. Sinubukan  kong magpakatatag at wag mag break down.

"N-nung araw n-na maging tayo.." ang mahina niyang sagot. "at tatlong araw pagkatapos nun, nalaman ko na buntis siya. at ako raw ang ama ng dinadala niya.." umiyak siya.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" tanong ko,. nagccrack na ang boses ko. Hindi ko na talaga napigilan at umiyak na ako ng tuluyan.

"Dahil..dahil natatakot ako..Na baka mawala ka sa akin. pero maniwala ka sakin Av. sasabihin ko na talaga sa'yo ang totoo. Pero nung sasabihin ko na, nalaman mo na pala." at hinawakan niya ang mga kamay ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Bigla niya akong niyakap. "P-patawarin mo ko Av. hindi ko sinasadyang magkasala sa'yo. Hindi ko sinasadyang masaktan ka." sabi niya habang nakayakap sakin at tumutulo ang kanyang luha.

Mahal ko siya.


Alam ko. Hindi mo naman siya nakalimutan eh. Siya lang ang nilalaman ng puso mo.


"Pinapatawad na kita. dahil mahal kita." at kumalas ako sa pagkakayakap niya..

"Maraming salamat Av." sagot niya ng nakangiti. Aakapin niya sana akong muli pero pinigilan ko siya. Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanaya.

"Av wait! Where are you going?!" tanong niya.

"Ngayong nagka-ayos na tayo, tapos na to." sabi ko.

"What do you mean?? Bakit ka lumalayo sa akin? Hindi ba ayos na tayo? Hindi ba mahal mo naman ako? Bakit kailangan mong lumayo?" tanong niya.

Nilingon ko siya. "Ginagawa ko to dahil ito ang tama. Magkakapamilya ka na Van. Mas kailangan ka nila. Wala sa plano kong maging kabit." sabi ko sa kanya. Umalis na ako. Naging masaya rin ako kahit papano dahil sa nagka-usap na kami at nalaman ang totoo. Pero masakit pa rin. Masakit kasi, mahal na mahal ko siya, pero hindi na talaga kami pwede. May pamilya na siya. Wala naman sa bio data ko ang manira ng pamilya. Wala akong planong agawin siya. Dahil talo na talaga ako. Wala na akong laban. Kaya kailangan ko na lang tanggapin.

Tama. Sabi nga nila, ang pinakamasakit at pinakamahirap sa lahat ay ang tanggapin ang katotohanan.


Naglalakad ako papasok ng school ng makasalubong ko si Jenny sa gate. Masama ang tingin niya sa akin. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Pero bahala na! Marami ring mga tao doon na papalabas dahil sa lunch break na. Nakita ko rin sila Macky. Naglakad ako papunta kila Macky, tiningnan niya lang ako at sinundan ng tingin. Ng makalampas na ako sa kanya ng mga ilang hakbang, nagsalita siya.

"Ahas ka talaga." sabi niya. Huminto ako. Bigla ring natigil ang lahat ng tao at tumingin sa amin. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka ba nakokonsensiya Av? Magkakaanak na kami! Sisirain mo ba ang pamilya ko?! Gusto mo bang mawalan ng ama ang anak ko?! Ha? Ang itim talaga ng budhi mo! Ang selfish selfish mo!" sabi niya.

Biglang umakyat lahat ng dugo ko. Nag-init ang ulo ko. Gusto ko siyang sampalin pero napigilan ko ang sarili ko. Hindi ko papatulan tong babae na'to.


Tama! You're a civilized person. Hayaan mo na lang siyang magdadakdak diyan!


Pero hindi ko hahayaang tapakan niya ang pagkatao ko at ipahiya sa harap ng lahat ng tao,.


Nilingon ko siya."First of all, Ms. Mendoza, I never stole him from anybody. We both know that. Second thing, I have no plans on ruining someone else's life just for my own happiness. I'm not evil and hypocrite. And lastly, if I'm selfish, would I give him up? No! If I'm selfish, I would've told him to be with me and let you and your baby rot in hell..But I didn't do that..because I always think for what would be good for everyone,.for me,.for him.for you and your baby..So don't you dare tell me that I'm flirt, evil, hypocrite and selfish.." tumigil ako sandali para punasan ang luha ko.."Hindi mo alam kung gaano kalaking sakripisyo ang ginawa ko, para lang sa'yo at sa anak mo!" Natulala siya sa sinabi ko..Nagsimula akong maglakad palayo sa kanilang lahat. Narinig kong nagbubulungan ang mga tao't nakatingin sa akin. Pero hindi ko ito pinansin..

Napagpasyahan kong umuwi na. Wala na rin naman kaming mga susunod pang klase. Pagdating ko sa bahay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Nakahiga ako sa kama.

Am I rude for saying those things to Jenny?


Hindi. Pinaglaban mo lang ang sarili mo. At tama naman yung ginawa mo. Dahil totoo naman ang lahat ng sinabi mo.


Hayyy.. Bigla namang pumasok muli sa isip ko si Van.

Mahal mo talaga siya no?


Mahal na mahal. Pero kailangan ko siyang layuan, para wala nang masaktan.


Pero pano ka naman? Hindi mo ba sinasaktan ang sarili mo sa ginagawa mo?


Mas gugustuhin ko nang ako na lang ang masaktan. Kaysa sa isang batang walang kasalanan.


Iba ka talaga. Kahit masaktan ka, inuuna mo pa rin ang ibang tao.


Dahil yun ang nararapat gawin. That's the right thing to do.


At nakatulog na ako..

------------------------
Until the next episode,
Av.


[07] Will You Be Mine?
--------------------------------
Kinabukasan, ginawa ko ulit ang everyday routine ko. Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, tapos, papasok na. Pumasok na ulit kaming magkakaibigan pero hindi bumuka ang bibig ko at nagsambit ng kahit isang salita. Ewan ko pero, nafeel ko lang manahimik,. Napansin ito ni Marco. habang naglalakad papasok ng campus----

"Av, okay ka lang ba?" tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Habang naglalakad kami sa campus, nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Ang iba'y nakangiti sa akin. Yung iba naman, talagang head-to-toe ang ginawa.

Tusukin ko mga mata niyang mga echoserang palaka na yan eh.


Hayaan mo na sila. Mga walang magawa sa buhay yang mga yan.


Tomo.


At dahil sa insidenteng nangyari kahapon, ako na ang naging headline sa Chismis bulletin sa school.

Taray teh! sikat! Bongga!


Sari-saring chismis ang nasasagap at naririnig ko. Iba-ibang headline pa. Meron nga eh, "A preggy tortured by a faggy". O diba? San ka pa?


At ikaw pa daw talaga ang nang-torture huh?


I know right?!


Pero meron din namang positive, like. "Av is for the people" Grabe noh? parang campaign motto lang hahah.


Tatakbong presidente?


Pwede rin.


Hindi ko naman siniryoso ang mga issue na mga yan. Hindi ko na lang pinansin. Basta ang alam ko, tama lang ang ginawa ko. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Siyempre kailangan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko diba?

Tama. Wala namang mali sa sinabi mo eh. Lahat naman ng sinabi mo totoo. Kaya hindi ikaw ang masama.


Naglalakad kami papunta sa klase namin. Ihahatid raw ako ni kuya Marco. Pumayag naman ako. Sa hallway---


"Gusto mo ba bugbugin ko yung mga chismosong mga yan?" tanong ni kuya Marco. Tumawa lang ako. "O, bakit ka tumatawa? Seryoso ako,.ano?" sabi niya.

"Wow! Bakit si Superman ka ba? lakas ng tama mo kuya ha." sabi ni Macky sabay tawa.

"More like..Knight in shining armor! Bongga!" sabi naman ni Coleen.

"Tumigil nga kayong dalawa!" sabi ko sa kanila na medyo natatawa.."Kuya Marco.." huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya..."Ayos lang ako.Hayaan mo na lang yang mga tao na yan, mga abnormal yang mga yan. Wag na lang natin patulan. Baka mapatungan pa ng ibang issue kapag pinatulan pa natin eh..okay lang ba?" sabi ko.

"Ikaw lang kasi Av ang iniisip ko.." sabi niya ng malungkot ang mukha niya. "Ayokong nahihirapan ka..ayokong nasasaktan ka.." hinawakan niya ang magkabila kong balikat..

"Ang cheesy!" sabi ni Coleen.

"Ang corny!" sabi ni Macky.

Natouch naman ako sa sinabi niya. Ang thoughtful talaga nitong mokong na toh..hindi talaga mahirap mahalin..


Hindi pala mahirap mahalin eh, bakit hindi na lang siya mahalin mo?


Ewan ko..basta.. Hindi kami ang para sa isa't isa.


Bakit mo naman nasabi yun?


Hindi ko alam..basta!


"Kuya Marco, thank you pero, okay lang po talaga ako..wag mo na kong intindihin.okay?" sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Tumango lang ako. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa noo. Bigla ko na naman tuloy naalala si Van. Si Van lang kasi ang gumagawa sa akin noon. Kaya nabigla ako ng gawin niya iyon sa akin.

"B-bakit mo ko hinalikan sa noo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm..di ba ang mga matatanda, hinahalikan sa noo ang mga bata..tanda ng pagmamahal,. ayoko namang halikan ka sa pisngi o sa labi..parang hindi naman ata tama yun since hindi pa naman tayo..pero darating din tayo diyan." at kinindatan niya ako't nagpakawala ng isang pilyong ngiti.

Tinulak ko ang noo niya. "Ummmm! Ambisyoso!" sabi ko at tumawa.

"Ayyy." mukhang nadisappoint siya sa narinig.. "so ibig sabihin...wala akong pag-asa sayo?" tumingin siya sa akin ng may malungkot na mukha,.

"Bakit sumusuko ka na ba?" tanong ko.

"Hindi! hindi ako susuko sa'yo.gagawin ko ang lahat, sagutin mo lang ako." parang pursigidong pursigido siya.

Mukhang malakas ang tama sa'yo nitong isa na to ah.


Nginitian ko lang siya. "Sige kuya, punta ka na sa class mo, baka malate ka pa. Papasok na rin kami."

"Sige." hinaklikan niya ako ulit sa noo at niyakap. Aaminin ko, iba ang naramdaman ko. Kaparehas ng naramdaman ko nung niyakap ako ni Van noon. "See you at lunch!" at umalis na siya.

Bakit kaya ganun ang naramdaman ko?


Mukang nahuhulog ka na sa kanya ah.


hayy.ewan ko.ang gulo!


"Ang sweet huh!" sabi ni Coleen. "Ayiiiee! kinikilig siya!" at tinutusok tusok niya ang tagiliran ko.

"Tigilan mo nga ako!" sabi ko.

"Tigilan niyo na nga yan! Pumasok na tayo baka malate pa tayo, masermonan pa tayo." sabi ni Macky.


Pumasok na kami sa auditorium para sa acting class namin..Nagtaka ako dahil walang ilaw na nakabukas na auditorium. Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang spotlight at itinutok sa akin. Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng ilaw kaya nakaharang ang aking kamay sa bandang itaas ng aking mga mata.

"Ano to?" tanong ko. Pero paglingon ko, wala na sila Macky at Coleen sa harap ko. Lumingon akong muli sa harap ko. Biglang bumukas ang isa pang spotlight sa stage at nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa isang stool, at may hawak hawak na gitara at may nakatutok na mic. Nagulat ako ng maaninag ko kung sino ang lalaking nandoon. "Ram." ang nasambit ko. Nagsimula na siyang kumanta.

Kung ako ang may-ari ng mundo,
Ibibigay ang lahat ng gusto mo,
Araw-araw pasisikatin ang araw,
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo

CHORUS:
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...

Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay kupido,
Hindi na luluha ang 'yong mga mata,
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi,
Para sa'yo, para sa'yo,

REPEAT CHORUS


Grabe ang ganda ng boses niya,.nakakainlove talaga! Grabe kinikilig talaga ako. Habang kumakanta siya, isa isang lumapit sa akin ang mga classmates ko na may dalang tigi-tigisang rose. Grabe para akong naiiyak sa sobrang kasweetan. Kilig to the max!

Bongga teh! grabe di ko makeri!

Lumapit na sa akin sina Macky at Coleen ng nakangiti. Hinila nila ako papuntang stage. "Oi! Anung gagawin niyo?!" sabi ko.

"Sumama ka na! akyat na sa stage dali!" sabi ni Coleen. Kinikilig din tong abnormal na kaibigan ko na to.

Eh sino bang hindi kikiligin?

Well may point ka jan.

Umakyat din naman ako sa stage.

Pakipot pa kasi eh! dali lapitan mo na!

Nilapitan ko siya at nagsimulang magtiliian ang mga kaklase ko. Feeling ko nagbblush ako ng bonggang bongga, parang nag-iinit kasi ang buong mukha ko eh. Kasalukuyan pa rin siyang kumakanta, nakatingin sa akin at nakangiti habang kumakanta. Sibayan na ng mga classmates ko ang pagkanta niya na mas nagdagdag ng kilig aura sa buong auditorium.

Grabe nakakakilig talaga! Kanina si Papa Marco, ngayon si Papa Ram naman!! Bongga!

Ng matapos ang kanta niya, nagtiliiang muli ang mga kaklase ko. Grabe hindi ko alam ang gagawin ko. hindi ko alam kung paano ako magrereact. Pano nga ba?

Edi kiligin ka! Yun lang ang magiging reaction mo!

Lumuhod siya sa harap ko. Bigla siyang may kinuha sa likod niya. Isang red rose na may kasamang note.

WILL YOU BE MINE??

Hindi ko alam ang isasagot ko. nagsalita siya at kinuha ang kaliwang kamay ko. "Av, will you be mine?" tanong niya. Nagtiliiang muli ang mga kaklase ko. Lahat sila, nagsisigawan ng "YES NA DALI!".

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hoy boses pano ba to? Nakakablanko ng utak!

Ewan ko, kinikilig ako hindi ako makapag-isip!

Arrrghh pano ba toh?!

----------------------------
Until the next episode,
Av.


[08] Confused
Everybody in the room is expecting me to say yes. But I don't think that's what in my mind.

Eh ano ba kasi talaga ang nasa isip mo?


Hindi ko alam.. Nabablanko ako!

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko,. I'm not yet sure if he's the right one for me. I don't want to hurt him din naman. I don't want to humiliate him in front of everybody. Argghhh pano ba to? anong gagawin ko? Eh kung magkunyari na lang kaya akong himatayin para hindi na lang ako makasagot?


Gaga! ikaw ang sama mo talaga! bakit mo naman yun gagawin sa kanya? eh kita mo namang mahal na mahal ka niya o.


Eh anong gagawin ko?!


Sumagot ka na ng yes or no!


Arrgggghhh! Sana may bumagsak na UFO galing sa langit, or sana biglang lumidol, or terrorist attack?!


Gaga! edi ipinahamak mo naman lahat ng tao dito!


"Wag Av!" ang sabi ng boses na nanggaling sa likod ko.

O? sinong panira sa moment?


Lumingon ako. Si Van! Anong ginagawa niya dito?


"Bakit ka nandito?!" ang pasigaw na tanong ni Ram.

Nilapitan ako ni Van at hinawakan ang magkabilang balikat ko,. "Av, niloloko ka lang niya. Wag kang maniniwala sa kanya,. ginagamit ka lang niya." sabi ni Van.

Nakatingin lang ang lahat sa amin na parang isang teleserye ang pinapanood. "Ako?! niloloko ko si Av? Teka, sino nga ba satin dalawa ang nangloko sa kanya ha?!" sagot ni Ram.

Hindi ako makapagsalita,. Parang nagfreeze ang buong katawan ko sa gitna nilang dalawa. "Anong sinabi mo?!" sabi ni Van na halatang galit siya.

"Ikaw ang manloloko!" sigaw ni Ram.

Nag-init ang ulo ni Van na bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. In a split of a second, Van rushed towards Ram and gave him a punch in the face. Nagkagulo ang mga kaklase ko at dali daling umakyat sa stage. Agad ding sinuntok ni Ram si Van sa mukha. Nagbugbugan ang dalawa. Agad akong hinila nila Macky palayo sa kanilang dalawa. Sinubukang awatin ng mga kaklase ko ang dalawa ngunit sadyang malakas ang mga ito at talagang hindi natinag sa pakikipagsuntukan sa isa't isa.

Well don't just stand there! DO SOMETHING!!!!!


I finally came back to my senses. Ewan ko kung anung nangyari sa akin. "Tama na!" sigaw ko. pero hindi pa rin sila nagtigil. "TAMA NA!!!!" sigaw ko ulit. Lumapit ako para awatin sila ngunit bigla nila akong naitulak pabalik at natapilok at tumumba. Tumama ang ulo ko sa sahig. "Arrggh! Aray!" sigaw ko.

"Av!" sigaw ni Coleen at Macky,. Tinulungan nila akong makatayo.

Napigilan na ng mga kaklase ko ang dalawa. Pumipiglas piglas pa sila habang hawak hawak ng mga lalaki kong kaklase ang mga katawan nila. Parehas na may dugo sa kanilang mga labi. Tumingin sa akin si Van at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Av." sabi niya

"Epal ka talaga kahit kailan! Kita mo? Dahil sa'yo nasaktan si Av!" sabi ni Ram kay Van.

"Ikaw ang may kasalanan nito!" sabi ni Van.

"Shut up! Kung ayaw niyong tumigil! Sige! Magpatayan kayong dalawa diyan! Magsama kayo!" sabi ko sabay walk-out.

"Av sandali!" sigaw ni Van. susundan na niya sana ako ng bigla siyang harangin ng teacher ko.

"Hep hep! Anong kaguluhan to?" tanong ni Miss Mercado, ang acting class instructor namin. "Kayong dalawa! Mr. Romero and Mr. Chua! In the office now!" sabi ng teacher ko. "The rest of you, stay here and wait for me til I get back."

Paika-ika akong lumalakad palayo. "Mr. Lopez!" Tumigil ako at humarap sa kanya. Biglang kumirot ang ulo ko. Naramdaman kong may dugong lumabas dito. Lumapit siya't napansin ang dugo sa ulo ko. "Oh my gosh! Ms. Rosales! samahan mo si Av papunta sa clinic bilis!"

Hindi na ako umimik. Dinala ako ni Macky sa clinic. Agad namang ginamot ang sugat ko sa ulo ng school nurse. Pinapunta ko na si Macky sa klase dahil baka pagalitan pa siya ng teacher namin. Nung una'y ayaw pa niyang pumayag pero napilit ko rin siyang bumalik sa klase.

 Hinilot din ng school nurse ang natapilok kong paa. Hindi ko namang maiwasang hindi mapaluha sa sobrang sakit ng paa ko. "Aray!" nasigaw ko.

"Sorry pero tiisin mo lang. Sandali na lang to." sabi ng nurse.

Tumango lang ako sa kanya. Pasalamat ka gwapo kang nurse ka kung hindi! naku baka sinipa na kita! Ang sakit kaya!


Yan ang napapala! Hindi pa kasi nadala noon,.


Tumahimik ka na nga lang kung wala kang magandang sasabihin!


At hindi na sumagot ang boses. Nakaupo ako sa gilid ng kama ng biglang bumukas ang pinto. Si Marco.

"Av!" dali-dali siyang lumapit sa akin. "Nalaman ko ang nangyari, ano ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" ang alalang alalang tanong niya,. Bakas sa mukha niya ang sobrang concern para sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Natouch ako sa sobrang concern na ipinakita niya. Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko. "O bakit ka umiiyak?" tanong niya. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi.

Hindi na ako sumagot at niyakap lang siya at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, basta kusa na lang bumagsak ang mga luha ko. Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko dulot ng pagkatapilok ko at pagtama ng ulo ko sa sahig. Siguro rin dahil sa nahihirapan na ko sa sitwasyon ko ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi maprepressure diba? Ikaw ba naman ang maging dahilan ng awayan ng dalawang tao na laging nauuwi sa sakitan, hindi ka mabobother? Ang hirap kayang isiping nag-aaway ang mga tao dahil sa'yo. Parang kapag sila yung nakikita mong nasasaktan dahil sa'yo, mas masakit ang dulot nito sa'yo.


Niyakap niya rin ako't hinimas himas ang aking likod. "Sige, iiyak mo lang iyan,. Nandito lang ang kuya Marco. hindi kita iiwan." sabi niya. Hinigpitan

Ang bait talaga ni kuya Marco. Lagi siyang nandiyan para sa akin..Whenever I'm with him, I feel so secured. Yung feeling na alam mong walang mananakit sa'yo dahil ipagtatanggol ka niya,.


So naiinlove ka na sa kanya?


Mabait si Marco. Sweet.. Naiinlove? Hindi ko alam..Parang...Ata..Baka..Maybe?.


Naku!


Hindi ko alam.,basta ang alam ko, I feel peace when I'm with him.


Simbahan teh?


Che! Pero alam mo, thankful ako na lagi siyang nandiyan para sa akin. Kahit na alam niyang mahal ko pa rin si Van, hindi siya sumusuko. Kung pwede nga lang na siya na lang ang mahalin ko. Kung pwede ko nga lang burahin sa puso ko si Van.


Pwede naman eh! You just have to try. Ang problema kasi sa'yo, masyado mo siyang minahal, kaya ayan, nasasaktan ka at nahihirapang makalimutan siya,.


Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa matanggal sa puso ko yang abnormal na mokong na Van na yan eh.


Kaya mo naman eh! Ayaw mo lang!


Gusto ko kaya!


Kung gusto mo, edi sana, nakalimutan mo na siya ngayon,. eh hello? ang tagal na kaya nyong wala! Napagiiwanan ka na ng panahon!


Bakit? HELLO?????? 16 pa lang po ako, napagiiwanan ka dyan!


My point is, it's time to move on teh!


Nasa ganoon akong argument with the voice on my head ng biglang magsalita si Marco. "Sino ba sa kanilang dalawa ang gusto mong una kong bugbugin?" tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumawa. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Kuya talaga." sabi ko.

"Seryoso ako Av." Seryoso ang mukha niya. "Patay sakin yang dalawa na yan." sabi niya.

"Kuya,." hinawakan ko ang pisngi niya. "I appreciate your concern. Pero please..wag na." sabi ko sa kanya.

"Pero Av, nasaktan ka! Tingnan mo oh, nagkaroon ka ng injury dahil sa dalawang." sabi niya.

"I know kuya..Pero ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sakin toh..besides, ayoko rin namang madamay ka pa. at masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa akin." sabi ko.

"Oo, kaibigan ko sila. Pero kapag ikaw na pinag-usapan. Walang kaibigan kabigan.." sabi niya.

Ang sweet naman! Mahal na mahal ka talaga!


Niyakap ko siya. Pagkatapos ay humarap muli sa kanya. "Thank you kuya. Pero please. Wag na nating palakihin pa ang gulo. Okay?" sabi ko sabay ngiti.

Hinalikan niya ako sa noo. "Ikaw lang naman ang iniisip ko Av. Pero kung yan ang gusto mo. Sige. Pero next time na saktan ka nila o kahit sino man, magbabayad sila." sabi niya habang nakalapat ang mga palad niya sa pisngi ko.

Nginitian ko siya at tumango. Pinauwi na ako ng nurse dahil mas makakabuti daw sa akin ang magpahinga na lang. Wala naman kaming teacher sa next class ko kaya okay lang na umabsent ako. Besides, kung may teacher man, excuse naman ako kaya okay lang. Nagpasundo ako sa driver namin. Unusual nga eh, hindi naman kasi ako nagpapahatid or nagpapasundo sa driver namin. Kahit kasi pinipilit ako ng daddy na magpahatid sa driver namin, lagi kong sinasabi sa kanya na gusto ko ring matutong maging independent. Matutong mabuhay ng walang luho. Maging normal teenager. Anyway, pagdating ko sa bahay, si manang lang ang tao. Nasa work pa sina mommy at daddy. Agad akong Umakyat sa aking kwarto at natulog. Paggising ko, nakita ko si kuya Marco na nakaupo sa couch sa kwarto ko at nanonood ng tv. "Kuya Marco?" tanong ko habang kinukuskos ang mata ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko sa kama. "Sorry nagising ba kita?" sabi ni kuya Marco.

"Hindi naman.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tinawagan ko kasi ang mommy mo para sabihin ang nangyari. .Ipininakiusap niya rin sa akin na samahan daw kita dito sa bahay niyo at bantayan ka,." sabi niya.

Naku! oo nga pala! hindi ko pa sinasabi sa kanila! Patay ako kay daddy pagdating mamaya. Papagalitan na naman ako ni daddy pag dating nun! Arggh.


"Salamat kuya ah." sabi ko na lang.

Nginitian niya ako. Biglang may kumatok sa pinto. "Pasok!" sabi ko.

"Av, may bisita ka sa baba." sabi ni Manang.

"Sino daw po manang?" tanong ko.

"Si Van at Ram daw." sabi niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Marco. Nagtataka ako kung bakit sila nandito. "Sige po manang susunod na po ako sa baba." sabi ko. Naghilamos ako ng mukha at sabay kaming bumaba ni Kuya Marco. Naabutan naming nakaupo ang dalawa sa magkabilang dulo ng couch.

"Anong ginagawa niyo dito?!" ang galit na tanong ni Kuya Marco.

Lalapitan na sana sila ni kuya Marco pero hinarang ko ang kamay ko."Kuya. please." sabi ko. Nakapagpigil naman si kuya Marco sa nais niyang gawin. "Anong ginagawa niyo dito?" ang mahinahon kong tanong sa kanila.

"Nandito ako para mag-sorry sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang masaktan ka Av." sabi ni Ram. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Ako rin Av. Hindi ko sinasadyang manggulo. Ayaw lang kasi kitang masaktan. Pero, nasaktan pa rin kita. Kaya sorry." sabi naman ni Van. Malungkot din ang mukha niya.

"Pero sinaktan niyo pa rin si Av!" sabi ni kuya Marco.

"Kaya nga nagsosorry eh,." sabi ni Van.

"Bakit? sa tingin niyo ba magiging okay na ang lahat after niyo magsorry?" sabi ni Marco,.

"Teka nga, bakit ba nakikielam ka ha? Si Av ang pinunta namin dito. Hindi ikaw! Sino ka ba sa akala mo ha?" tanong ni Ram.

Biglang natahimik si kuya Marco. Napahiya siya. Naawa ako sa kanya. Ipinagtatanggol lang naman niya ako. Tumawa si Ram. I have to do something.

"Will you please stop it!" sabi ko. "Wala kang karapatan para pagsalitaan ng ganyan si kuya Marco!".sabi ko.

"Bakit? Kaano-ano mo ba siya? eh kaibigan mo lang naman yan." sabi ni Ram.

"Siya?".lumapit ako kay kuya Marco at umakbay sa braso niya. "Siya ang boyfriend ko." sabi ko.

Boyfriend?!?!.




-----------------------
Until the next episode,
Av.


[09] Love.
------------------------------------
"BOYFRIEND?!" ang sabay at gulat na gulat na sabi ni Ram at Van. Napatingin lang sakin si kuya Marco.

Teh?! ano ba yang sinasabi mo? boyfriend? bakit di ko alam yan ha?!


Mamaya ko na ieexplain, I'm in the middle of something. Can't you see??


K, Fine!


"Oo, boyfriend ko si Marco. Di ba Marco?" tumingin ako sa kanya at kinindatan siya.


Nakuha naman niya ang nais kong sabihin,."Ah oo. Kami na." sabay akbay sa akin ni Marco.Yumakap naman ako sa kanya para magmukhang sweet talaga na kami talaga. Tumingin kami sa dalawa ng nakangiti.

"Hindi! Hindi mo siya boyfriend! Nagsisinungaling lang kayo!" sabi ni Van.

Tumawa si Marco. "Gusto mo ng proof? sige." Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni kuya Marco sa labi. Nakapikit siya nung hinalikan niya ako. Napapikit din ako. Mainit at malambot ang kanyang mga labi. Mga ilang segundo ring nagtagal ang halik niya. Pagkatapos ng halik ay nagkatitigan ang mga mata namin at nagtawanan. "O ano, kulang pa ba?" Hindi nakasagot ang dalawa. "Kung wala na kayong sasabihin, pwede na kayong umalis. Marami pa kaming gagawin ng bebe ko. Diba bebe?"

"Yes babe. So please, umalis na kayong dalawa." sabi ko. Masama ang tingin ni Ram kay Marco. Ngunit ng tumingin siya sa aki'y malungkot ang kanyang mukha. Ganoon din si Van. Ng makaalis na ang dalawa, tinulak ko ang noo ni Marco. "UM!"

"Aray!" daing niya.

"BEBE?! ang corny ha! Sana naman baby man lang or something. Abnormal ka talaga kuya!" sabi ko.

"Eh yun yung unang pumasok sa isip ko eh..pero..kinilig ka naman." sabi niya ng may pilyong ngiti.at kiniliti-kiliti ako.

"Aysshh! tigilan mo nga ako kuya!" sabi ko sa kanya at tumawa.

"Naku! Lalo na nung hinalikan kita!" sabi niya. "Ano? Nagustuhan mo ba ang mga labi ko? Masarap ba?" sabay kagat labi niya.

"Yuckkk!!! Kadiri ka kuya! Bakit mo ba kasi ginawa yun?! Abnormal ka talaga!" sabi ko.

"Hmmm. Ewan ko..pero nagustuhan mo naman diba?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang buong katawan ko. Ilang inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ang mga labi ko sabay kagat ng labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


Grabe bakit ganito ang nararamdaman ko?


Nagulat na lang ako ng bigla niya akong nakawan ng halik. Bigla siyang tumakbo at tumawa ng tumawa. "KUYAA!!!!!!! Lagot ka sakin kapag na huli kita!" hinabol ko siya.

Loko tong mokong na toh!


Naku! Pero kinikilig kilig ka naman! 2nd kiss niyo na yan ah!


Kaya nga hinahabol ko siya para makakuha ako ng 3rd!


Ang lantod!!


Joke lang gaga!


Naghabulan kami sa buong bahay. As in naikot namin yung buong 1st floor ng bahay namin, except banyo. Mula sa dining area, kitchen, hanggang pabalik ng sala, maririnig mo ang takbuhan namin at tawanan naming dalawa. Hindi ko siya mahabol kaya nag-isip ako ng ibang paraan. Naalala ko ang paa ko. Okay na naman siya, hindi na siya masakit, nakakatakbo na nga ako eh.

"Aray!" bigla kong daing at tumigil at nagkunwaring masakit ang paa. "Aray! ang sakit ng paa ko!" Magaling ako sa pag-arte kaya kayang kaya kong lokohin ang mga tao. Umupo ako sa sahig.

"Oh Av anong nangyari sa'yo?" dali-dali siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Aray!" sabi ko ulit.

"San masakit?" tanong niya.

"Dito sa paa ko." sabi ko. Tumingin siya sa paa ko. Now's my chance. Pinitik ko yung tenga niya.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?!" tanong niya. mukhang iritang irita siya.

Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya sabay dila. "Bleh!" tumakbo na ulit ako.

"Ah ganon? Humanda ka sakin!".Mabilis siyang tumakbo at nahuli niya ako kaagad. "Huli ka!"

"Waaahh!!!" sigaw ko. Kiniliti niya ako ng walang tigil. "Kuyaa!!!! Tama na!" sabi ko habang tumatawa.

"Ehem ehem." biglang eksena ng boses na nanggaling sa likod namin. Si Daddy pala iyon.

Huli kayo! hahah.

 Katabi niya si mommy na nakangiti sa amin ni kuya Marco. Nag-ayos kami ng sarili.

"Hi dad!" bati ko kay daddy at niyakap siya.

"Hi anak!" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Ewan ko, basta simula nung nagsabi ako na ganito ako, parang babae na ang turing sa akin ng daddy ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, kasi tanggap pa rin niya ako.

"Hi mom!" bati ko naman kay mommy sabay beso sa kanya at yakap.

"Hello anak." tugon naman ni mommy.

"Tito.tita." bati ni kuya Marco sa mga magulang ko. Nagmano siya kay daddy at bumeso kay mommy. "Ahh ehh mauna na po ako tito,tita, may gagawin pa po kasi ako."

"Salamat sa pagsama mo dito kay Av ha?" sabi ni mommy.

"No problem po tita, anytime." sagot naman niya.

"Sige Av,." niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Nagulat ako. Oo, sanay na ko sa gesture niya na yon. Pero sa harap nila mommy and daddy????? Hiyang-hiya ako sa kanila. "Sige po tito,tita,. alis na po ako."

"Ingat ka ha." sabi ni mommy. At umalis na si kuya Marco.

Nakatingin ako sa kanya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Paglingon ko kila mommy, nakatitig sila sa akin at nakangiti.

"Bakit po?" tanong ko sa kanila. Anong meron?


Nagtinginan silang dalawa, at ngumiti muli sa akin. "Halika na nga anak! Kain na tayo! nagugutom na ang mommy mo." sabi ni daddy. At tumuloy na kami sa dining area. As I was slicing my steak, biglang nagsalita si Daddy.

"Anak." sabi niya.

"Po?" sagot ko naman. Tumingin ako sa kanya.

"Tapatin mo nga kami." sabi niya.

"Ano po yun?" tanong ko.

"Kayo na ba ni Marco?" sabi niya.

"Hindi po!" sagot ko agad.

"Eh bakit ang sweet sweet niyo?" sabi ni mommy na nakangiti sa akin na parang nanunuksong kaibigan.

"Hindi po mommy, daddy, magkaibigan lang po kami niyan. Parang kuya ko na rin po si Kuya Marco." sagot ko.

"Naku, eh jan din kayo nagsimula ni Van eh." sabi ni mommy.

"Mommy!" sabi ko.

"Alam mo anak, okay lang naman eh. Mabait naman si Marco. Lagi kang inaalagaan, maaasahan, at masipag namang mag-aral. Kaya pasado siya para sa akin." sabi naman ni daddy.

"Daddy! pati ba naman ikaw?" sabi ko.

"Anak, tama ang daddy mo. Gusto ko rin si Marco. Teka, nanliligaw ba sayo yun?" tanong ulit ni Mommy.

"Ah ehh." sabi ko. "O-opo."

"O sagutin mo na! sayang!" sabi ni mommy.

"MOMMY!!!" sabi ko.

"Hon, hayaan na lang natin ang anak natin." sabi ni daddy. Akala ko yun lang ang sasabihin niya. Pero mero pa pala. "Pero anak talaga okay na okay samin ng mommy mo si Marco." Sabay tawa.

"Dad! Please, tigilan niyo na nga po ako jan sa pag-aanu kay kuya Marco,. Friends lang po kami nun!".bigla namang kumirot ang sugat ko sa ulo. "Arggh!"

"Ay oo nga pala, montik ko nang makalimutan. Tumawag sa akin si Marco kanina, sinabi niya sa akin ang lahat ng nangyari." sabi ni Mommy.

Naku patay! Ayan na!


Patay ka talaga! hahah


Akala ko magagalit sa akin ng todo si daddy. Pero naging mahinahon lang siya. "Anak, diba sabi ko sa'yo, layuan mo na yang Van na yan? Ayan tuloy, tignan mo nangyari sa'yo. Sabi ko sa'yo diba? Masasaktan ka lang anak." sabi ni daddy at hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Tama ang daddy mo anak. Please, lumayo ka na lang. Ikaw lang naman ang iniintindi namin ng daddy mo, ayaw naming nasasaktan ka." sabi ni mommy.

"Ako naman po yung lumalayo eh, pero siya po tong lapit ng lapit." sabi ko.

Nagbuntong hininga si daddy. "Gusto mo lumipat ka na lang ng ibang eskwelahan? yung malayo dito, para hindi ka na niya malapitan ulit?"

Hindi ako nakasagot. Actually maganda ang offer ni daddy na yun. Kung lilipat ako ng school, malayo sa kanila, mas madali ang pag-momove-on ko. Pero may isang parte ng katawan ko ang ayaw lumayo dito.

"Sa tingin ko tama ang daddy mo anak. Pag-isipan mo." sabi naman ni mommy.

"Sige po pag-iisipan ko." sabi ko na lang. Tinapos ko na ang pagkain ko. Aakyat na sana ako ng hagdan papunta sa kwarto ng mapansin ko ang isang maliit na box sa couch sa living room. Agad kong nilapitan ito at nakita ko na nakalagay sa labas ng box ang pangalan ko,.Umakyat ako sa kwarto at binuksan ang box. Nakita ko yung singsing na binigay sa akin ni Van noon. Yung may naka-engrave na "Van loves Av". Tapos, may sulat ding kasama. Sa sulat:

Dear Av,
I'm sorry sa nagawa ko. Hindi ko gustong masaktan ka. Ayaw ko lang kasing mapunta ka sa isang taong tulad ni Ram. Hindi ka niya mahal Av. Niloloko ka lang niya. Ginagamit para makapaghiganti sa akin. Hindi ka niya mahal. Pinapaikot ka lang niya. Kaya mag-iingat ka sa kanya. Alam kong wala ako sa posisyon para pagbawalan ka. Pero ginagawa ko lang to dahil ayokong masaktan ka Av. Alam kong ayaw mo na akong makita o makausap. Dahil sabi mo gusto mo na akong layuan at pagtuunan na lang ng pansin ang kanya-kanyang buhay. Pero hindi ko kaya Av. Hindi ko kayang malayo sa'yo. Kahit ipagtabuyan mo man ako. Kahit mayroon ka nang iba. Nandito pa rin ako. Nagmamahal sa'yo. At hindi iyon mawawala. Ikaw lang ang mamahalin ko habang-buhay Av. May responsibilidad man ako sa magiging pamilya ko, pero ang puso ko, ay nakalaan pa rin para sa'yo. At tumitibok lang ito para sa'yo. Mahal na mahal kita Av. Sana, mahal mo pa rin ako.


Nga pala. Ibinibigay ko sa'yo ulit yang singsing na iyan. Alam kong ibinalik mo na sakin iyan noon nung magkahiwalay tayo, pero binibigay ko na ulit yan sa'yo. Yang ang tanda ng pagmamahal ko sa'yo. Ikaw na ang bahal kung isusuot mo o itatapon mo. Pero sana, wag mong itapon ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal na mahal kita Av.


-Van.


Biglang tumulo ang luha ko. Tinitigan ko ang singsing na bigay niya,. Hanggang ngayon, mahal pa rin pala niya ko.


At mahal mo pa rin siya,. Tama ba ko?


Oo, mahal ko pa rin siya. Kahit na may pamilya na siya. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na sinaktan pa niya ako. Mahal ko pa rin siya.


Ang martyr mo talaga teh!


At umiyak lang ako ng umiyak. Mahal ko pa rin siya. Isinuot ko ang singsing na binigay niya at hilakan ito. At ayon, nakatulog na ako. Kinabukasan, dahil Saturday naman, napagpasyahan kong pumunta sa resthouse namin sa Batangas. Hindi ako pinayagang umalis mag-isa kaya isinama ko sina Coleen at Macky. Nagpumilit ring sumama si Kuya Marco kaya isinama ko na rin.

Naku! pero gusto mo naman talaga isama si Marco!


Shhh! tumigil ka nga!


Medyo matagal din ang biyahe kaya nakatulog ako sa daan. Pagkagising ko, nandun na kami. Tamang-tama ang pagkakatayo ng resthouse namin, katabi ang dagat at maraming mga punong nakapaligid. Kaya fresh air talaga ang malalanghap mo. Mayroon din pool. Pagdating namin, agad nagpunta sa pool ang dalawang babae. Ako naman, naglakad lakad sa dalampasigan.

"Ang ganda pala dito."sabi ni Kuya Marco. Nagulat ako dahil sinusundan pala niya ako.

"Ah.Oo nga eh." sabi ko.

Naglalakad kami ng biglang nag-ring ang phone ko. Si Van ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?"

"Av! Matutuwa ka sa sasabihin ko!" sabi niya.

"Ano?"

"Hindi buntis si......!" sabi niya.

Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya dahil biglang may humablot sa akin mula sa likuran. 3 lalaking nakaitim. Pamilyar ang mukha ng isa sa kanila. Parang nakita ko na somewhere hindi ko lang maalala. Binuhat ako ng isang lalaki,. "Bitiwan niyo ko! Sino kayo! Bitawan niyo ko!" sigaw ko. Kahit anong pag-pumiglas ko, hindi ako makawala, masyadong malakas nag lalaki.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ni kuya Marco. Hindi siya makagalaw dahil hawak hawak siya ng isa pang lalaki. Sinubukan niyang pumalag ngunit biglang sinaksak ng isa pang lalaki ang kanyang tagiliran at sinuntok sa mukha. Biglang bumagsak si kuya Marco sa buhangin.

"Kuya Marco!!!" sigaw ko. biglang tumulo ang luha ko ng nakita ko ang dugong umaagos palabas ng katawan ni kuya Marco. "Kuya Mar- uummmppphh!!" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang takpan ng panyo ang aking mukha.. Biglang nagdilim ang lahat at nawalan ako ng malay.


-------------------
Until the next episode,


Av.


[Finale] Goodbye Av
Nagising ako. Naramdaman kong may nakatapal sa bibig ko. Parang tape or something. Nakataling magkasama ang mga kamay ko sa likod. Tumingin ako sa paligid. Nakita kong nasa loob ako ng isang kwarto. Maliit lang ang kwarto na ito, tama lang pang-isang tao. Mukhang hindi nagagamit ang kwartong ito dahil sa makikita mo ang alikabok sa kisame at mukhang faded na ang pintura ng pader. Nakaupo ako sa isang simpleng kama na may isang unan. May isang bintana ang kwarto ngunit masyado itong mataas at hindi ko maabot. Gusto ko sanang tingnan kung nasaan ako.

Nasaan ako? Sino ang nagpakidnap sa akin? At bakit niya kailangan gawin sa akin to?


Teh, natatakot ako.


Natatakot din kaya ako. Teka, Si Marco? Nasaan si Marco??? Biglang nagflash back ang lahat ng nangyari sa utak ko. Si...Marco...sinaksak...may dugo.. Biglang pumatak ang luha ko. Sana buhay pa si Marco..Lord..please..

Lalo pa akong natakot ng marinig kong may nagbubukas ng lock ng pinto. Takot na takot ako dahil hindi ko alam kung sino yon. Pagkabukas ng pinto, tumambad sa akin ang dalawang lalaki. Yun yung dalawang lalaking dumukot sa akin kanina.

Teka parang kilala ko tong isa na to.. TAMA!!! Siya yung lalaking nasa panaginip ko na gusto akong patayin!


Wait so ibig sabihin, mangyayari yung nasa panaginip mo?


Wag naman sana. hindi pa ko handang mamatay,.Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.


Napuno ng takot ang buo kong katawan. Biglang lumapit ang isang lalaki. Sa sobrang takot, sumiksik ako sa corner ng kwarto. hinablot niya ang braso ko ng mahigpit at hinila patayo. Nagpumiglas ako at nasipa ko ari ang isang lalaki. "Aray Put*ng ina!!!!" sigaw ng lalaki. Bigla naman akong sinuntok ng isa pang lalaki sa tiyan. "Uhmp!" Bigla akong nanghina, halos hindi ko maigalaw ang katawan ko at bumagsak sa sahig. Binuhat akong muli ng dalawang lalaki patayo.. Narinig ko ang mga yapak ng tao papalapit sa kwarto. Nakatingin lang ako sa may pinto at hinihintay kung sino ang taong iyon.


Malamang siya ang nagpakidnap sa akin. Pero sino naman ang gagawa sa akin nito?


Laking gulat ko ng makita kung sino ang taong iyon. SI JENNY!!


Ang demonyitang babae na yan ang salarin?! no wonder! Tunay na anak ni Satanas yang babae na yan!


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jenny. Nakangiti siya't nakatingin sa akin. "Hello Av."

"Hmmmp hmmp.hmmp!" ang nasabi ko dahil may takip ang bibig ko.

Sumenyas si Jenny sa isa sa mga lalaking nakahawak sa akin. Biglang tinanggal ng lalaki ang tape na nasa bibig ko. "Arrrghhh!" daing ko.

"You were saying?" sabi ni Jenny.

"Walanghiya ka! Bakit mo ko pinakidnap?!" sumbat ko sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at tadyakan or sabunutan pero hindi ako makagalaw sa sobrang higpit ng hawak sa akin ng dalawang bakulaw na to.

Tumawa si Jenny. "Hindi pa ba halata? Akala ko ba matalino ka Av? Bakit ayaw mong gamitin yang utak mo ngayon?" Tinusok niya ng daliri niya ang noo ko. "Inagaw mo siya sa akin."

"Wala akong inaagaw sa'yo!" sagot ko. Bigla niya akong sinampal. Aray! Lecheng babae na to. Naku kung hindi lang ako nakatali kakalbuhin ko tong babae na to at ikikiskis sa pader ang mukha.

"Inagaw mo siya!!!" punung-puno ng galit ang mukha niya. Makikita mong nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata.

Anu yun? May fire sa mata niya? di kaya mabulag yan?


Gaga! Nakita mo na ngang tinotorture to death na nga ako dito, nakuha mo pang mang-okray!


"Tahimik kaming nagmamahalan noon. Ang saya saya namin noon. Pero nagbago ang lahat nung dumating kang ahas ka!" At sinampal niya akong muli,.

Aray!!!! Naku isa na lang talaga! Kikitilin ko buhay nitong babae na to!


"Kaya nung iniwan niya ako, walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang maghiganti sa inyong dalawa. Sa pang-aagaw mo sa akin sa kanya. At ang pang-iiwan niya sa akin choosing you over me. Ano bang meron sayong bakla ka at nagustuhan ka ni Van ha? Siguro ginayuma mo siya no?" pang-aakusa niya sa akin.

Aba, woah woah woah teh, you're crossing the line. "You know what Jenny?", tumingin ako sa kanya. "Why don't you ask that yourself? Isipin mo, sa tingin mo ba titikim pa siya ng iba kung nasasarapan na siya sa kung ano ang nasa harap niya? Parehas lang tayong mga ulam Jenny. Pero hindi ko na kasalanan kung nagsawa na sa lasa mo si Van at humanap ng iba!" sagot ko sa kanya.

You go girl! Go go go teh!


Galit na galit na siya. Bigla niya akong sinabunutan at tinitigan. "Ito ang tatandaan mo Av, magkaiba tayo kaya wag na wag mong sasabihin na parehas lang tayo!"

"Tama ka. Magkaiba tayo. All you are is mean, liar, pathetic and alone in life! And I'm not." at tinawanan ko siya.

Mas nagalit pa siya sa sinabi ko. "Wag mong ubusin ang pasensiya ko Av. Baka hindi ako makapagpigil,." at itinutok niya ang baril niya sa ilalim ng baba ko. "mapatay kita kaagad!"

Bigla akong natakot. Pero hindi ko ito ipinakita sa kanya. Dahil pag pinakita kong natatakot ako, mas matutuwa pa siya. And ayokong matuwa siya. Tinanggal niya ang pagkakawak sa akin. "Anyway, may bisita ka nga pala. I'm sure you'll be happy to see him." sabi ni Jenny ng nakingiti.

Biglang may pumasok na lalaki sa kwarto. Si Ram!


Kasabwat din siya?! oh my god!


Sh*t si Ram?! Anong ginagawa niya dito?


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.Nakatingin lang siya sa baba at hindi makatingin sa akin. Pinagkitawalaan ko tong gago na to! Tapos eto igaganti niya sa akin?


"I believe you know each other." sabi ni Jenny.Napatingin sa akin si Jenny,. "O bakit parang nakakita ka ng multo diyan Av?" at tumawa siya. "Bakit? Masakit bang malamang ginamit ka lang niya? Sa tingin mo ba magkakagusto siya sa'yo?" sabi ni Jenny at humalakhak muli ang demonyitang bruhang gagang retarded.

"Iwanan niyo muna kami." sabi ni Ram. Nagkatinginan ang dalawang lalaking may hawak sa akin. "Ang sabi ko, IWANAN NIYO MUNA KAMI!!!!" sigaw niya.

Sumunod naman ang dalawang bakulaw at pati si Jenny ay lumabas ng kwarto. So ibig sabihin, si Ram ang mastermind?


Umupo ako sa kama at tumingin lang sa kanya ng masama. Tiningnan niya ako. Seryoso lang ang mukha niya. "Alam kong galit ka sa akin."

"Hello???? Hindi pa ba halata? Sige nga! Ikaw lumagay sa sitwasyon ko! You kidnapped me! And what do you expect me to do? To feel happy about it?!" sabi ko sa kanya. "Pinagkatiwalaan kita Ram! Tapos eto ang igaganti mo sa akin?!" huminto ako para habulin ang hininga ko. "Akala ko kaibigan kita Ram." sabi ko at pumatak ang luha ko..

"Ikaw din ang may kasalanan nito Av." sabi niya.

"Me?? How did it became my fault Ram? Huh?!" sabi ko ulit.

"Minahal naman talaga kita Av eh! Pero anong ginawa mo?! Binaliwala mo lang lahat ng iyon?! Oo, noong una, gusto ko lang makaganti kay Van. At ikaw ang susi para maisagawa ko ang plano ko. Naging kasabwat ko si Jenny. dahil sa gusto naman niyang maghiganti sa'yo. Ang plano dapat ay paibigin ka't iwanan ng luhaan. At palabasin na buntis siya kay Van." huminto siya sandali at nag-buntong-hininga. "Pero habang isinasagawa ko ang plano ko, hindi ko na namalayaang nahulog na ako sa'yo..Kaya nagbago ang isip ko..Pero umeksena ulit yang Van na yan..kaya ginawa ko ang lahat para lang mapasakin ka Av..Pero siya pa rin ang pinili mo..Ano bang meron sa kanya na wala sa akin Av ha? Ano?! Mayaman ako, maibibgay ko sa'yo lahat ng gugustuhin mo! Bakit siya pa ang pinili mo?! Tapos nung wala naman kayu, akala ko malaki na ang chansa ko,. ginawa ko ang lahat. pero ngayon, si Marco naman ang pinili mo! Bakit Av?! Bakit?!" sabi niya.

Aba! Anong akala niya sayo? Mukhang pera? Hello, mayaman ka rin kaya!


Shhh! Tahimik ka muna!


"I'm not looking for material things Ram. Kahit ibigay mo pa sa akin ang buong mundo, you will never have my heart." sabi ko sa kanya.

Sinampal niya ako. Sobrang sakit na ng mukha ko, ikaw ba naman sampalin ng ilang beses ng isang babae tapos eto pa dinagdagan pa ng mas mabigat na kamay ng isang lalake. Naluha ako sa sakit. Nakita niyang pumatak ang luha ko. "I'm sorry Av.." lalapitan na sana niya ako.

"Lumayo ka sakin!!" hinawakan niya ang mukha ko. "Wag mo kong hawakan! Baliw ka na Ram. Kung mahal mo talaga ako, papakawalan mo ko dito!" sabi ko.

"Papakawalan kita kung sasabihin mong ako lang ang mamahalin mo!" sigaw niya.

"Love is a very big word to use on such worthless things." Akma niyang ako'y muling sasampalin. "Sige! sampalin mo ko! Bakit? Sa tingin mo ba kapag namanhid na ang buo kong katawan sasabihin ko sayong mahal kita? Hindi ako baliw para sabihing mahal ko ang taong gustong ipahamak ang buhay ko! Patayin mo na lang ako!"

"Well I guess mabubulok ka na lang dito!" sabi niya. at lumabas na siya ng kwarto. Umupo ako sa sahig at saka nag-iiyak.


Lord..bakit ko kailangang pagdaanan to? Kung kukunin niyo na ko, please naman po, hindi ba pwedeng yung isang sakit na lang, hindi yung inuunti unti pang pinapatay ang bawat parte ng katawan ko.. Sana nandito ang mommy ko at daddy ko,.Sana nandito si kuya Marco at si kuya Van, dahil alam kong ipagtatanggol nila ako sa mga baliw na ito at hindi nila hahayaang saktan ako ng mga taong to. Sana nandito sila.


Kailangan mong magpakatatag Av. We'll get through this.


Nawawalan na ako ng pag-asa. Sa tingin mo ba makakalabas ako ng buhay dito? Nakita mo naman kung gaano sila kagalit sa akin, lalo na si Jenny, hindi yun magdadalawang isip na patayin ako on the spot!. Patuloy na umaagos ang luha ko.

Lord..bigyan niyo po ako ng lakas para malampasan ko ang lahat ng ito.Huwag ninyo po ako papabayaan.


Nakatulog akong may luha sa aking mga mata. Kinabukasan,.

Kailangan ko ng makatakas dito.


Pero pano?


Sinubukan kong galaw-galawin muli ang aking mga kamay na nakatali sa aking likuran. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa tali. First try, failed..Ginalaw-galaw kong muli ang mga kamay ko baka sakaling lumuwag ang buhol ng tali,.Medyo lumuwag na ang tali kaya pinilit kong muli na mailabas ang kamay ko. Masakit. Parang tinatanggalan ako ng balat. Konti pa..Malapit na..Agghhh! at nailabas ko na ang isa kong kamay. Pagkatapos ay tinanggal ko na rin ang isa pa. Now I just have to figure out how to get out of here. Maingat at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Tiningnan ko kung may tao sa labas. Wala. Wala yung mga bakulaw. Now's my chance. Dahan dahan akong naglakad sa hallway ng building na iyon. Ngayon ko lang napagtanto, nasa isang abandoned building siguro ako.


Will you please just concentrate on how are gonna get the heck outta here?


Right. Escape plan....Hmmm..bahala na! Naglalakad ako sa hallway ng marinig ko ang sunud-sunod na putok ng baril.

Saan kaya galing yung mga yun?


Hello?! Kumilos ka na kung ayaw mong ikaw ang tamaan ng baril!


Naglakad-lakad ako muli. Bingo! Ayun yung hagdan! Papalapit na ko sa hagdan ng lumitaw ang isang bakulaw na paakyat papunta sa akin. Wala akong nagawa kungdi ang tumakbo papalayo sa kanya. Ganitong ganito yung nasa panaginip ko.


(Bang! Bang!) Bumagsak ako sa sahig. Naramdaman kong mainit ang hita ko. Nakita ko ang dugo na umaagos palabas ng hita ko. Tinamaan ako ng bala.

Tayo! dali! tayo! nandyan na siya o! takbo na dali!

Tinry kong tumayo pero bigla akong sinuntok sa mukha ng lalaking bumaril sa akin. Iniangat niya ang ulo ko by pulling my hair.

"Any last words?" sabi niya at initutok ang baril niya sa aking ulo.

Dinuraan ko siya ng dugo ko sa kanyang mga mukha. "Put*ng ina!!." sabi niya. Tinadyakan ko siya sa tiyan, napaurong siya. Nakapa ko ang isang matigas na bagay sa aking tagiliran, kinuha ko ito at inihampas sa kanyang mukha. Tumumba siya. "Argghhh!!!" sigaw niya.


Now's my chance, kailangan ko nang makatakas sa kanya.


Tumayo ako at paika-ikang tumakbo palayo sa lalaki. Tumayo ang lalaki at hinablot muli ang buhok ko, "Saan ka pupunta ha?!" sabi niya.

"Bitawan mo ko! Arrrggh! Tulong!! tulong!!" sabi ko. Inihampas niya ang ulo ko sa pader. Parang nabasag ang ulo ko sa lakas ng pagkakahampas niya ng ulo ko. Naramdaman kong tumulo ang mainit n dugo galing sa ulo ko. Bigla akong nanghina at  tumumba. Nakaupo ako sa sahig paharap sa lalaki, habang umaagos ang dugo ko sa hita at sa ulo. Hindi na ako makatayo. Wala na rin akong lakas para sumigaw pa. Nakatutok ang baril niya sa ulo ko. "W-wag..p-please.." pagmamakaawa ko sa kanya.

(Bang!)

Biglang bumagsak ang lalaki. Tinamaan siya ng baril sa ulo. Nagtaka ako kung sino ang nakabaril sa kanya. Pagkalingon ko sa kanan ko, nakita ko si Van. Van!


"V-van.." hinahabol ko ang hininga ko.

"Av!" At niyakap niya ako. "Halika na! Aalis na tayo dito!" Binuhat niya ako at bumaba kami sa building. Sa likod kami nagdaan. "Nasa harap silang lahat kaya mas mabuting dito tayo dumaan,."

"Paano mo ko nahanap?" tanong ko.

"Simple lang, alam kong si Jenny ang nagpadukot sayo dahil siya lang nag may motibong gawin sayo ito. Kaya pinatrace ko yung cellphone ni Jenny kung nasaan siya at ayun lumitaw ang lugar na ito."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang thankful ko dahil nandito na siya muli sa tabi ko. Pero hindi pa pala tapos ang lahat. Buhat buhat ako ni Van papalabas sa likod ng building ng biglang sumulpot si Ram sa likod namin. Nakatutok ang baril niya sa ulo ni Van

"Bitawan mo si Av." sabi ni Ram. Hindi ako binitawan ni Van. "Bitawan mo siya!" sabi ni Ram ulit. Binitawan na ako ni Van. Hinablot ni Ram ang aking braso at lumakad palayo kay Van, papunta sa gubat. "Wag kang susunod, kung hindi, papatayin ko tong si Av!" tinutok niya ang baril niya sa akin. Takot na takot ako na lumuluha na ako sa sobrang takot. Sinubukang lumapit ni Van ngunit binaril siya sa balikat ni Ram..

"VAAAAANN!" sigaw ko.

"Sabi nang wag lumapit eh!" sabi ni Ram.

Lumapit siyang muli kay Van at itinutok ang baril niya sa ulo nito,. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang baril sa lupa. Agad ko itong kinuha at itinutok kay Ram.

"Ibaba mo ang baril mo!" sabi ko.

Humarap sa akin si Ram at tumawa. "Sige nga! iputok mo! Parang kaya mo kong--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng barilin ko siya sa dibdib.

Bumagsak si Ram. Patay na siya. Nabitawan ko ang baril at napaupo ako. Natulala ako. Nakapatay ako ng tao. Paano ko nagawa to??


Lumapit sa akin si Van at niyakap ako. Humarap siya sa akin. "Kailangan na nating makaalis dito." Narinig namin ang mga yapak ng mga tao at mga putok ng baril malapit sa amin. Tumayo kami at inakay niya ako papunta sa gubat para makapagtago. Habang naglalakad kami, biglang may sumigaw sa likod namin,.

"Av!! Van!!" sigaw ni Jenny,. may dala dala siyang baril at ipinutok niya ito. Muntik na kaming tamaan. Nagmadali kami sa paglalakad at tumambad sa amin ang isang tulay. Mukang hindi matibay ang tulay na ito dahil gawa lang ito sa lubid at mga kahoy. Pero wala kaming choice,. Kailangan naming magpatuloy sa pagalalakad dahil baka maabutan kami ng demonyitang bruha. Tumawid kami. Umuuga-uga ang tulay at parang magccrack na yung kahoy na tinatapakan namin. Nasa gitna na kami ng tulay at napansin naming nakalabas na ng gubat si Jenny,.

"Tingnan mo nga naman, kung suswertehin ka naman oo. Mukhang magiging libingan niyo na ang bangin na yan." sabi niya.

Napatingin ako sa ilalim ng tulay. Nasa gitna pala kami ng isang bangin. Foggy ang parteng ibaba kaya hindi mo maaaninag kung lupa ba o tubig yung nasa ibaba.

"Goodbye Av! Goodbye Van! See you in hell!" binaril ni Jenny ang isa sa mga poste na sumusuporta sa tulay kaya naputol ang lubid nito.

"Waaaahhhh!!!". Muntik na akong malalaglag. Buti na lang, nahawakan agad ni Van ang kamay ko. Ang isang kamay naman niya'y nakahawak sa kabilang lubid ng tulay na maayos pang nakakabit sa magkabilang poste. Takot na takot ako. Hindi pa nakuntento si Jenny at binaril pa niya ang isa pang poste. Kaya nalaglag nang tuluyan ang tulay at humampas ito sa mga batong dingding ng bangin. "Waaahhh!" Nakawahawak pa rin si Van sa lubid at ang isa namang kamay niya'y nakahawak sa kamay ko. Tumingin ako sa itaas at nakita ko si Jenny na nakatingin sa amin sa edge ng bangin. Nakatutok sa akin ang baril niya. "Goodbye Av!" Pero biglang may bumaril sa kanya. At dahil nasa dulo siya ng bangin, nalaglag ang katawan niya't gumulong gulong hanggang sa huminto ito sa isang part na may nakausling lupa. Patay na siya dahil hindi siya gumagalaw. At nakita kong sa dibdib siya tinamaan ng baril.

"Wag kang bibitaw!" Sabi ni Van. "Arrggh!" daing niya. Naalala kong may tama siya sa balikat.

"Wag mo kong bibitawan Van!" sabi ko habang dumadaloy ang luha ko sa aking mukha.

"Hinding hindi kita bibitawan." sabi niya sa akin.

Narinig kong nagsisimula ng maputol ang lubid na hinahawakan ni Van. Marahil ay sa sobrang bigat namin.

"Kahit anong mangyari wag kang bibitaw Av! Wag kang bibitaw!" sabi niya sa akin.

Kung hindi ako bibitaw, parehas kaming malalaglag dahil sa mapuputol na ang lubid. Ayokong parehas kami ay mamatay..


Ano ba yang pinagsasabi mo?


Kailangan ko tong gawin. Mas okay na ako na lang ang mamatay, wag lang siya.


Av tumigil ka nga!


Unti-unti akong bumibitaw sa kanya. "Av! Anong ginagawa mo?! Bakit ka bumibitaw?!" sabi niya.

"I love you Van." Umaagos pa rin ang luha ko at ngumiti sa kanya.

"No Av! don't!" nagsimula na ring pumatak ang luha niya.

Tinanggal ko ng tuluyan ang pagkakahawak niya sa aking kamay at nalaglag na ako sa bangin.

Lord kayo na po ang bahala sa akin.

"AVVVVVVVV!!!!!!" sigaw ni Van.

----------------------------------

No comments:

Post a Comment