By: Gelo
Source:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[11]
“Here.”
Sabay abot
sa kanya nang towel.
“Sige kuya
una na ako mag-shower huh.”
Habang
naghihintay sa pagbabalik ni Francis ay nahiga muna ako at nagmuni-muni. Hindi
ko maintindihan bakit lahat na lang mga taong nagmamahal sa akin eh palaging
hindi ganap na pwedeng maging akin. Masyado ba akong hopeless romantic at lahat
na lang ng nagpapakita nang pagkagusto sa akin ay nagugustuhan ko na rin? Hindi
kaya nagiging unfair na ang tadhana sa akin.
Si Arnel na
naging best friend ko simula pa lang nung high school. Siya na nakapalitan ko
nang ilang malalambing na mga sandali ngunit hindi maging ganap dahil siya ay
takot sa ama niyang sundalo kaya mas pinili ang ‘tuwid’ na daan. Ngayon, heto
si Francis. Very vocal naman siya sa pagsasabing gusto niya ako at dahil dun
nagustuhan ko rin siya. Kagaya nang kay Arnel, may hadlang din sa aming dalawa,
si Jie. Hays, hindi ko na alam gagawin ko.
Nagulat na
lang ako sa mga bisig na pumulupot sa akin.
“You look scared
kuya.” Sabay tawa.
“Loko ka
kasi eh. Bakit ka naman nanggugulat?”
“I’m not
masyado ka lang preoccupied.”
“Preoccupied?
Siguro nga.”
“Ano ba kasi
gumugulo sa’yo? Care to tell me?”
“Hindi pa
ako sigurado kung magsasalita ako ngayon sa’yo but I just want you to be here
with me. Don’t leave me.”
“What are
you saying kuya?”
“Masakit ang
maiwanan Francis, I tell you.”
“Hindi kita
maintindihan.”
“You don’t
have to.”
“Ang labo
mo.” Sabay kalas sa pagkakayakap sa akin.
“Uto! Hala,
magsa-shower muna ako.”
Bago ako
lumabas ng kuwarto ay tiningnan ko muna siya. Mukhang malalim din ang iniisip.
Sa ngayon,
napagpasyahan kong hayaang ipaanod sa tubig ang lahat ng mga bumabagabag sa
akin. Naisip kong walang saysay na ipagtabuyan si Francis gaya nang ginawa ko
kay Arnel. Tama na ang minsang nagkamali ako.
Pagbalik ko
ay nakahiga pa rin ito at mukhang sarap na sarap sa pagtulog. Matapos magbihis
ay nilapitan ko ito.
“Francis,
I’m so happy that you came into my life. You brought me happiness that only you
can give. I know na in the near future, magkakaroon tayo nang mga pagtatalunang
bagay habang lumalalim ang pinagsamahan natin but let me assure you this mahal
na kita.” ‘But I can’t promise you na magiging tayo.’ Sigaw ng isip ko. “Let’s
cherish everything we had. Huwag tayong magmadali. Ayokong isang araw maging
stranger na tayo sa isa’t isa.” And I gave him a kiss.
Tumabi na
ako nang higa sa kanya sa kama. Maya-maya pa ay yumakap na ulit ito sa akin.
Nang sipatin ko ang mukha nito ay naaninag ko ang ngiti sa mga labi nito.
--
“Dhen!”
Napalingon
ako sa tumawag sa akin. Ngayon ay papalapit na ang taong sanhi nang paglayo ko
kay Arnel.
“Oh Jessa!”
“Hi! Are you
busy?”
“Uhm, not
really. Why?”
“Let’s have
snack together.”
“Sure. I’ll
just fix this.”
“Take your
time.”
Bakit ganun,
it’s so sudden na lumapit ito sa akin. Ayokong mag-isip na may kailangan ito sa
akin but I can’t help myself na this has something to do with him.
“Okay let’s
go.”
Dumiretso na
kami sa cafeteria. Usually, hindi ako kumakain dun dahil kapitbahay lang naman
namin ang school aside sa mahal ang billihin dun. Matapos maka-order ay agad
nang nagsimula si Jessa.
“How are
you?”
“Doing just
fine. Ikaw?”
“Great! Uhm.
. .” Medyo napansin kong may gusto siyang sabihin but hindi niya magawa-gawa.
“Is there
something you want to ask me?”
Tumango lang
ito.
“Okay ka
lang ba?”
“Yeah.”
“Ano nga
pala itatanong mo?”
“Ano mo si
Arnel?”
I’m
dumbfounded.
“Ano? What
do you mean?”
“Huwag na
tayong maglokohan dito. I know there’s something about you two.”
I kept my
silence.
“Pansin ko
kasi na iba ang closeness niyo. You care a lot sa isa’t isa and most of the
time lagi kang bukambibig nun na kesyo ganito, ganun. Sometimes nga
pinagseselosan na kita pero iniisip ko na lang na magbest friends kayo and
normal lang iyon. Pero lately pansin ko ang pagiging tahimik niya. Yes we go
out on dates pero parang ang layo nang iniisip niya. Naba-bother ako lalo pa
nang minsang nasabi niya na huwag ko raw mababanggit pangalan mo. Then one time,
nagsasalita siya habang tulog at ang sabi Dhen don’t do this to me. Ngayon
sabihin mo sa akin, ano mo siya?”
Bigla akong
pinanlamigan. Nakakaramdam na kaya ito?
“Best
friend.”
Simpleng
sagot ko. Walang anu-ano ay bigla niya akong sinampal. Nagulat ako.
“What the?!
Bakit mo ako sinampal??”
“Pinagkatiwalaan
kita. I never thought na papatol si Arnel sa mga kagaya mo. I’m expecting this
,that you’ll deny having an affair with my boyfriend.”
“Dahil yun
ang totoo.”
“No it’s
not. You can’t fool me. You can’t FOOL ME! Akala mo hindi ko pansin? Nung una
pa lang kitang makita, I knew already na bakla ka. Kahit ipangalandakan mo sa
buong mundo na hindi ka bakla, nararamdaman ko. What’s so special about you eh
wala ka namang dapat ipagmalaki dahil kahit kailan hindi mo siya mabibigyan ng
anak. You’re dreaming if maagaw mo siya sa akin?” Nag-iba bigla ang tahimik at
mabait na si Jessa.
She’s
starting to get on my nerves. Ayoko makipagtalo dahil una nasa public kami pero
her words are enough to make me to do so.
“You know
what? Insecurity kills.” Sabay tayo ko at alis ng cafeteria.
Bago ako
makalabas ay narinig ko pang tinawag niya akong BAKLA. Gusto kong umiyak pero
ayoko naman ipangalandakan sa lahat na talunan ako. Ayoko naman masyadong
i-down sarili ko. Tama na yung mga sinabi ni Jessa sa akin.
Siguro
nagawa niya yun dahil sa nasasaktan siya pero tama ba namang saktan ako? Umiwas
na ako. Lumayo pero bakit kailangan pa akong habulin? Dumiretso ako nang banyo
at nagkulong sa isa sa mga cubicles. Doon, inilabas ko lahat ng hinanakit ko.
Hindi ko na napansin ang takbo nang oras. Pag-check ko nang phone ko, tadtad
ako nang text messages galing sa mga kaibigan ko. Tinatanong kung bakit absent
daw ako. Hindi ako nagreply.
Paglabas ko
nang cubicle ay laking pagsisisi ko dahil sa nasa loob din si Arnel.
Pagkakataon nga naman.
“Dhen,
umiyak ka?”
Umiling lang
ako. Niyakap niya ako bigla. I pushed him away, alam ko napahiya siya.
“Anong
problema?”
I composed
myself.
“Leave me
alone.”
Nakita ko sa
mga mata niya ang pagkahabag sa akin.
“Huwag mo
akong kaawaan! I don’t need those. I told you to stay away from me.”
Pangtataboy ko sa kanya.
“But Dhen
kailangan mo ako.”
“HINDI KITA
KAILANGAN!!!”
Gulat siya
sa naging reaction ko. Bago pa man siya muling magsalita ay tuluyan na akong
lumabas ng CR.
Just imagine
the heavy day with matching rains. Grabe, it sucks! I’ve seen this in movies
and I can’t believe na mangyayari ito sa akin. I stayed in the rain long enough
to feel its comfort. Napaupo ako sa isang bato dahil sa sobrang bigat ng
nararamdaman ko.
“Huy girl,
anong emote mo dito at nagpapakabasa ka?”
“Febbie!” At
napayakap ako sa kaibigan ko. Wala itong pakialam kahit mabasa man ito. She
hugged me back.
“Anong
nangyari?”
“Marami.”
“Umpisahan
mo na.”
Mag-uumpisa
na sana akong magkuwento nang mag-alburoto yung tiyan ko. Napatawa kami bigla.
“Hala, tara
uwi muna tayo at ng makameryenda ka saka ka magkuwento. Dami mong pinagdadaanan
ngayon eh.”
“Sinabi mo
pa. Teka si Xyza?”
“Sinundo ni
Ruben?”
“Oohh, may session
pala sila ngayon.”
“Yeah.”
“Oh ikaw,
bakit ka nandito? Paano mo ako nakita?”
“Kasi
nagpunta ako sa CR kanina tapos nakita ko na may taong nagpapaulan sa may baba.
I just knew na ikaw iyon kaya naman agad kong kinuha payong ko then hayun Coco
Crunch!”
“Talagang
naisingit ang Coco Crunch eh.”
“Naman.
Gutom na rin kasi ako girl eh.”
“Hindi
halata.”
At sabay pa
kaming tumawang dalawa.
“Mamaya,
punta raw si Xyza sa bahay niyo. Jamming tayong tatlo. Nagpabili ako nang iced
tea tsaka pulutan.”
“Ambilis
naman ng mga kamay mo at naitext mo agad si Xyza.”
“Ako pa.”
“Teka nga,
iinom kayo sa bahay namin? Respeto naman. Walang umiinom dun.” Sagot ko.
“Gaga, anong
inom? Food trip tayo mamaya habang ume-emote ka.”
“Ah ganun,
so ako pala ang main course? Eh bakit hindi na lang kayo ang magchikahang
dalawa at matutulog na lang ako.”
“Sorry ka
hindi pwede yun. On the way na raw siya eh.”
“Walastik.
Baka gusto niyo na ring magdala nang bihisan niyo at dun na rin kayo matulog
mga nyeta kayo.”
“Ay oo nga. Teka,
hatid kita sa inyo then uwi ako saglit kukuha lang ako nang bihisan ko.”
Nagsisi pa
ako dahil sa sinabi kong iyon. Dapat hindi na lang ako nagsalita pero salamat
pa rin sa mga ito dahil ready sila laging makinig sa mga kadramahan ko.
Gaya nang
sabi niya, matapos akong maihatid ay umuwi agad ito para kumuha nang mga damit
niya. Wala pang isang oras ay halos sabay na dumating yung dalawa. Agad ko
naman silang pinapasok.
“Idiretso
niyo na mga gamit niyo sa kuwarto.” Sabi ni mama.
“Okay po
tita.” Sabay na sagot nung dalawa.
“Oy girl,
bakit nasaan yung kama mo?” Gulat na tanong ni Febbie dahil carpet tsaka
comforter lang ang nasa kuwarto.
“Inilabas ko
muna. Ayoko namang sa kama ko kayo tapos ako sa lapag? Aba, wala nang gentleman
ngayon lalo pa sa inyo.” Seryoso kong sagot.
“Nyeta ka
talaga kahit kalian. Ah basta sa akin yung kulay pink.”
“Alam ko,
kay Feb naman yung may pagong na print.”
“Ambait mo
talaga girl kahit kalian.” Sarcastic na sabi nito.
“Thank you.”
At ibinaba
na nga nila mga gamit nila.
“Teka, ano
yang dala niyo?”
“Pagkain
tsaka iced tea.”
“Hindi yun,
ayan oh.” Sabay turo sa isang boteng nakatago sa may likod ni Xyza.
“Ah eto ba?
Mag-spin the bottle kasi tayo later.”
“Patingin
nga?”
Nanlaki mata
ko nang makitang Red Horse pala yun at ang matindi grande pa.
“Mga gago
talaga kayo. Sabi ko di ba hindi tayo iinom? Alam niyo naman na hindi ako
umiinom ng ganyan.”
“Eh di wag
kang makiinom. Sa amin na lang ito ni Febbie, di ba girl?”
“Hay naku,
basagin ko pa sa mga ulo niyo yan eh.”
Tumawa na
lang yung dalawa.
“Mag-uumpisa
na ba tayo?”
“Teka
saglit, magluluto lang muna ako.”
“Girl, wag
seafoods huh.” Pareho kasing may allergy yung dalawa run.
“Sure!”
“Ano bang
iluluto mo?”
“Pusit.”
Kita kong
napangiwi si Xyza samantalang nanlaki ang dati nang may kalakihang mata ni
Febbie.
“Girl, okay
na kami rito wag ka nang mag-abala.” Biglang bawi ni Xyza.
Natawa na
lang ako sa reaction nila. Tuluyan na nga akong lumabas para magluto.
“Tagal ka pa
ba diyan?”
“Pwede naman
siguro maghintay Xyza di ba?”
“Nagtatanong
lang garampang (malandi)!”
“Gutom ka
na? Umpisahan niyo na nang makatulog na kayo.”
“Partakam
kitdi (Bilisan mo)!”
“Okay.”
Kakapasok ko
lang sa kuwarto nun dala yung niluto ko nang tawagin ako ni mama dahil may
bisita raw. Agad ko naman nilatag yung niluto ko bago ko hinarap yung bisita.
“Anong
ginagawa mo rito?”
“Can we
talk?”
“Para saan?”
“Sa
nangyayari sa’yo.”
“Bakit?
Hindi ba sabi ko sa’yo layu---“
“Pagtatabuyan
mo na naman ako?”
“Bakit hindi
mo papasukin yang bisita mo?” Walastik talaga timing ni mama.
“Opo ma.”
Wala sa ilong na sagot ko kay mama. “Pumasok ka raw.”
Pumasok
naman siya. Umupo muna ito sa sofa. Pumasok naman ako saglit sa kuwarto para
tingnan yung dalawa.
“Hoy mga
durbab (matakaw), hindi ulam yan! Mga buwisit kayo at talagang kumuha pa kayo
nang kanin huh!”
“Nagutom
kami girl eh tsaka ang sarap kasi nito.”
“Sige marami
pa sa kusina. Tinadtad ko nga nang hipon yan eh.”
“Keber!”
Sabi pa nung dalawa.
“Sino pala
bisita mo?”
“Si Arnel.”
“Talaga?”
Sabay tayo ni Xyza at lumabas ng kuwarto.
Natawa ako
sa hitsura nito na puno ang bibig tapos may kanin kanin pa. Ano kayang reaction
ni Arnel pagkakita dito? Can’t wait.
Paglabas ko,
nag-uusap yung dalawa. Dumiretso muna ako sa kusina para lagyan ulit yung bowl.
Pagdaan ko sa sofa wala na yung dalawa yun pala nasa kuwarto na.
“So it seems
may bago tayong ka-jamming. Welcome pare.” Sabi ni Febbie.
Ngumiti lang
ito. Waring nahihiya pa.
At umupo na
ako paharap sa kanya. Katabi ko sa kanan si Xyza, si Febbie sa kaliwa.
Inumpisahan na naming magkuwentuhan, bangkaan. Nakakamiss pala yung ganito.
Wala pa naman akong napapansing paparating na confrontation. All’s flowing
smoothly. Nang medyo nalalasing na yung tatlo, dun na nag-umpisa ang lahat.
“So girl,
anong emote mo kanina sa ulan?”
Nanlaki yung
mata ni Xyza samantalang may pag-aalala sa mukha ni Arnel. Hindi ako lasing at
hindi ako nakiinom kaya kaya ko itong lusutan.
“Ah yun ba?
Wala naman. Gusto ko lang maligo sa ulan.”
“Boo! Maligo
sa ulan mo your face.” Si Xyza.
Tahimik pa
rin si Arnel.
Bumuntong
hininga muna ako. Sinimulan ko nang magkuwento. Maingat ako sa bawat salitang
lumalabas sa mga bibig ko. Ayoko namang palabasing masama si Jessa sa harap ng
bf nito. Takot ko lang na maresbakan. Para akong nasa talk show dahil nasa hot
seat ako. Puro sila pilit na sabihin ko raw kung sino iyong babaeng iyon pero
ang sagot ko na lang eh hindi ko kilala. Hanggang sa dumating sa point na
iniiwasan kong mangyari.
“So hindi mo
talaga sasabihin yung name?”
“Hindi ko
kilala eh.”
“Okay.”
“Mababaw na
reason yun kung bakit ka nagpaulan kanina.”
Tahimik ako.
Nakikiramdam. Hindi ko alam kung sasagot o hindi.
“Dahil sa
akin.” Walang pakundangang sabi ni Arnel.
Sabay na
tumingin yung dalawa kay Arnel.
“What do you
mean dahil sa’yo?” Tanong ni Febbie.
“Nasa CR ako
kanina nang lumabas siya sa cubicle. Kagagaling niya lang nun sa iyak. Nung
sinubukan kong mag-offer ng tulong, pinagtabuyan niya ako then nagkaroon kami
nang pagtatalo at ayun na.”
“Nag-away na
naman kayo?”
Tumango lang
ito pero ako tahimik lang. Mas ninais ko na lang na uminom ng iced tea.
“Anong
pinagtalunan niyo?”
“Tinanong ko
kung bakit siya umiyak pero hindi siya sumagot. I insisted pero pinagtabuyan
niya ako.”
“Dahil ayoko
nang dumagdag ka pa. Masyado nang maraming nangyayari sa akin at nakakapagod
na.” Hindi ko na napigilang hindi magsalita.
“Then why
ask me to leave? You know I can help.”
“That’s the
least you could do to help me.” Malungkot kong sabi.
“NO! Kung
dati hindi kita nagawang panindigan, this time I’ll do everything to win you
back.”
“Everything
you said? Kaya mo bang ipagtapat sa tatay mo na you’re into guys? Kaya mo bang
ipangalandakan sa lahat na ako ang pinili mo? At lalong lalo nang kaya mo bang
saktan si Jessa just to please me?” Sunod sunod kong tanong.
Tumahimik
siya.
“I expected
this from you Arnel, you’re as coward as before.”
“I’ve
changed.”
“Really?
Since when?”
“Since the
day you told me not to hinder your way.”
“Why? I
didn’t ask you to change for me!”
“Because I
have to.”
“Because you
have to?”
“Oo dahil
I’m so lost without you. I’m not the same person as to when I’m with you.”
“Stop it! I
don’t want to listen.”
Pero hindi
tumigil ang mokong.
“I want to
bring back the times when you’re still mine.”
“I was never
yours damn!” I was starting to turn red at mukhang nag-eenjoy ang dalawa sa
nakikita nila sa akin. Pangiti-ngiti sila.
“Bakit kayo
ngumingiti ngiti dyan. Is there something funny?”
“Meron.”
“Ano??”
“Ikaw!!!”
Sabay tawa nang dalawa.
“Fuck you
both!” Lalo lang tumawa yung dalawa napansin ko rin naman ang mga ngiti ni
Arnel.
“And you,
why are you smiling?”
“You’ve
never changed Dhen.”
“You want me
to change? You should be ready for that.” May banta sa boses ko.
“But Dhen,
I’m just joking.”
“This isn’t
the perfect time for you to throw a joke on me. You knew how much I HATE you!”
Then
suddenly, he bursted. Umiyak siyang bigla. That’s the first time I saw him
cried na wala nang bukas. He tried to hide his face away pero hindi niya magawa.
Natahimik naman yung dalawa sa kakatawa dahil doon.
Nakonsyensya
ako sa nangyari pero I have my grounds. Pag inalo ko siya, lalaki na naman ulo
nito at iisiping okay na kami ulit and I won’t let it happen… for now.
Nang medyo
nagpacify siya nang konti, nagulat na lang kami nang kinuha niya yung bote nung
Red Horse at tinungga yung natira. Medyo may karamihan pa iyon kaya naman lahat
kami napa-woah sa ginawa niya.
Pinigilan
namin siya pero ayaw patigil. Nag-aalala rin ako sa kanya dahil baka mapaano
siya.
Napahinto si
Febbie and Xyza sa sumunod kong ginawa. Inagaw ko yung bote sa kanya at agad
siyang hinalikan sa labi. Natapon yung laman nun sa amin gawa nang marahas kong
pag-agaw dito. Kumapit siya sa batok ko at idiniin pa ang mga labi ko sa kanya.
Hindi ako lasing or ano pero this is something what my heart’s been longing
for. Agad din akong bumitaw at agad bumalik sa upuan. Tulala siya sa ginawa ko
pero nagawa niyang ngumiti.
Napapalakpak
naman yung dalawa naming kasama sabay sabi nang live show.
Hindi na
nagpatumpik-tumpik pa si Arnel at tumabi na sa akin. Papakipot pa ako na
kunwari ayaw ko siyang makatabi pero nung inakbayan niya ako hindi ko naman
magawa itong tanggalin. Kinikilig naman yung dalawa sa postura namin.
“Dhen, I
have to tell you something.” Si Arnel.
(itutuloy…)
[12]
“Hey kuya!”
Rinig ko ang
pagtawag na iyon ng isang pamilyar na boses sa may likuran ko. Hinarap ko ito.
“Oh
Francis.”
“Hi! Kamusta
ka?”
“I’m looking
good naman sa tingin ko. Hindi ba ako ganun sa tingin mo?” Seryoso kong tugon.
“Loko ka
kuya. Medyo may katagalan na rin kasi nung last time na nagkasama tayo kaya
gusto kong mag-catch up tayo sa isa’t isa.” Halos matawa sa sagot ko.
“Matagal na
ba ang three days?”
Tumango lang
ito.
“Really?”
“So let’s hang
out after ng meeting.”
“Meeting?
Teka anong meeting yan?” Naguguluhan kong tanong.
“Hindi ka ba
na-inform? Nagpatawag si gov ng meeting mamayang 5:30pm sa may second floor ng
nursing office.”
“Talaga?
Bakit hindi ako in-inform?” May tampong usal ko.
“Huwag na
magtampo kay gov. Busy yun tsaka nasabihan naman na kita di ba kaya smile na
dyan.”
Hindi pa rin
ako mangiti. Trip lang.
“Pag hindi
ka ngumiti, hahalikan kita.”
Bigla akong
natilihan kaya naman ngumiti na ako. Ayokong ma-issue ulit in public. Tama na
yung isang beses. Napalis ang ngiti ko agad at napalitan ng walang emosyong
maskara ang pagkatao ko nang masilayan ang paglapit ng kontrabida.
Umakbay ito
kay Francis sabay salita.
“Dude, don’t
forget yung lakad natin mamaya after class huh.” Pagpapaalala nito kay Francis.
“Mamaya na
ba iyon? Naku naman, pwede pass muna?”
Tumingin
muna nang matalim sa akin si Jie bago sumagot.
“Pass na
naman? Naku, lagi na lang ganyan. Nakakatampo ka na sobra.”
“Hindi naman
dude. Nagpatawag kasi si gov ng urgent meeting kaya hindi ako makakasama mamaya
sa’yo.”
“Lagi naman
eh. Ako na lang lagi ang last priority.” At nag-walkout na ito nang tuluyan.
Naku naman,
ako na naman ang sisisihin nung gagong iyon. Ano ba naman iyan. Ako na lang
lagi ang may mali. Nakakainis na sobra.
“Huy kuya!”
“Oh?”
“Natulala ka
dyan.”
“Hindi kaya.
O siya sige na, una na ako sa’yo at may klase pa ako.”
“Sige kuya.
See you later.”
Tumango na
lang ako.
Lukot ang
mukha ko habang binabagtas ang pasilyo papunta sa room. Iniisip kung bakit sa
dinami-rami nang taong pwedeng dapuan ng malas eh ako pa talaga. Maya-maya pa
ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ko yung nangyari sa pagitan
naming dalawa ni Arnel nung nakaraang gabi.
“Dhen, I
have to tell you something.”
“Sige ano
iyon?”
“Break na
kami ni Jessa.”
Nagulat ako
sa sinabi niya. Agad ko naman iyon binawi dahil baka drawing lang yung sinabi
niya. Mahirap ng umasa. Sabi nga nila, never expect never assume.
“What’s with
that look?” Tanong niya.
“Why?”
“Ginawa ko
lang yung alam kong tama.”
“Mali ka.
Alam ko kung gaano mo kamahal si Jessa. Huwag na sana tayong maggaguhan.”
“Maniwala ka
naman sa akin, kahit ngayon lang.” May tinig ng pagsusumamo na sambit niya.
“Nabartik
kan (Lasing ka na).” Pag-iwas ko sa usapan.
“Haan pay
(Hindi pa).”
“Oo kaya.
Namumula ka na.”
“Hindi
kaya.”
“Wen (oo).”
“Madi
(Hindi).”
“Tumigil na
nga kayong dalawa dyan. Baka gusto niyong pag-untugin ko kayo.” Pagsaway ni
Xyza.
“Tumigil ka
na raw.” Sabi ko rito.
Ngumiti na
lang ito.
“Anyway,
let’s play.” Pag-aya ni Febbie.
“Anong laro
yan?” Tanong ko.
“Jungle
book.”
“Wala na
bang mas luma pa dyan? Gusto ko yung teks na lang meron pa ako dyan.”
Sarkastiko kong banat..
“Dali na
huwag ng maarte.”
“Teka,
lagyan natin ng twist.” Suggestion ni Xyza. “Instead na sabihin natin yung mga
crush natin eh magtatanong tayo nang kung anu-ano sa natalo. What do you
think?”
“Pwede yan.
Gusto ko iyan. Ikaw ba Dhen ayos lang sa’yo?”
“Ayos lang
sa akin.” Sumagot agad si Arnel.
Ramdam ko na
nakatuon na naman sa akin ang atensyon nila kaya naman labas sa ilong akong
sumagot.
“May
magagawa pa ba ako?”
Napangiti
naman ang tatlo sa sagot ko.
Sa umpisa
nang game eh medyo mga pa-tweetums pa ang mga tanong pero nung lumaon ay medyo
seryoso na at kumplikado.
Sadyang
mapang-asar ang pagkakataon dahil madalas na sa akin tumapat ang huling letra.
Wala kasing iwasan ng kamay gaya nang nakasanayan.
“Nakailang
talo ka na Dhen? Baka gusto mong magbigay sa amin?” Pang-aalaska ni Xyza.
“Dali na,
dami pang satsat.” Sabi ko.
“Sige ako
una magtatanong.” Si Febbie.
“Okay.
Bilisan mo lang huh.”
“Sige eto
na.” Tumigil saglit sa pagsasalita si Febbie. May pa-bitin effect pang
nalalaman. “Mahal mo ba si Francis?”
Putakti!
Heto na, bumanat na ang bunganga nang isang tsismosa. Kita ko naman ang
pagkagitla sa mukha ni Arnel.
“Next
question please.” Paiwas kong sagot.
“Andaya,
walang ganun. Ang usapan ay usapan.”
“Fine.”
Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy. “ Gusto ko si Francis.” Pa-safe
kong sagot.
Bumakas sa
mukha ni Arnel ang lungkot at sakit. Bagama’t ramdam ko na gusto niyang itanong
sa akin kung bakit pero nanatili siyang tahimik. Hindi ko naman gusto na
magpaliwanag pa dahil kalabisan na iyon. Isang tanong isang sagot lang.
“Bakit?”
Follow-up question ni Febbie.
“Ooopps, one
question lang per tao.” Pagpapaalala ko sa kanila.
“Ah ganun
pala huh, sige ako magtatanong nun. Bakit ‘gusto’ mo lang siya at hindi mahal?”
SI Xyza.
Tumingin
muna ako sa ngayo’y blangko nang itsura ni Arnel. Sinisipat kong maigi kung
dapat ko ba itong sagutin o hindi. “Kasi ayokong masaktan ulit at magmahal ng
may sabit. Mas safe nang sabihin ang gusto kesa mahal para iwas disgrasya.”
Nakita ko
siyang bumuntong-hininga.
“Kaya mo ako
binitiwan.” Malungkot na sabi nito.
“Oo.”
Nanaig ang
katahimikan sa aming apat. Hindi naman nakatiis yung dalawa kaya naman inalis
nila yung awkwardness sa paligid.
“O siya,
tuloy na natin yung laro.”
Naghawak-hawak
na kami ulit ng mga kamay at nagpatuloy sa laro. This time, hindi ko na mahawakan
ng maigi yung kamay ni Arnel. Nahihiya? Hindi naman siguro. Tama lang yung
ginawa ko. Nagi-guilty? Hindi ko alam. Natigil lang ako sa kakaisip ng
nagsalita si Xyza.
“Naku, paano
ba yan Arnel ikaw na ang nasa hot seat pasensyahan na lang huh.”
Tumango lang
ito.
“Bakit kayo
nag-break ni Jessa?” Hindi napigilan ni Xyza na maitanong.
“Dahil kay
Dhen.”
Patay na!
Ayoko nang ganito.
“Anong bakit
kay Dhen?”Wala sa sariling pag-follow up niya.
“Gusto ko na
kasing palayain yung sarili ko. Hirap na akong magpanggap.”
“Magpanggap?”
Si Xyza ulit. Dumadami na tanong nito ah.
“Oo.
Magpanggap na lubos akong masaya sa piling ni Jessa kahit na alam kong mas
sasaya ako sa piling ng iba.”
“At si Dhen
yung tinutukoy mong iba?” Tanong pa ulit ni Xyza.
Tumango lang
si Arnel.
“Dhen,
masuwerte ka. Ang dami naghahabol sa’yo. Ano bang meron ka?”
“A-aba malay
ko. Huwag mo akong tanungin wala akong alam dyan.” Depensa ko.
“Hindi ako
nagsisisi sa desisyon ko dahil sa ginawa ko lang kung ano yung alam kong tama.”
“Ano naman
iyon?” Umatake na naman pagiging slow ni Febbie.
“Sinasabi
kasi nang puso ko na makipaghiwalay na kay Jessa para bigyang daan yung taong
matagal ko nang mahal.”
Hindi ko
alam kung anong mararamdaman that time pero iisa lang ang sigurado ako, may
saya akong naramdaman sa sinabi niyang iyon.
“Eh di…”
Magtatanong pa sana si Febbie pero pinigilan ko na.
“Huy,
nakakarami na kayo nang tanong ah. Isa-isa lang di ba?” Pagsaway ko sa dalawa.
Napaismid
naman sila.
“Huwag kang
magpadala sa sinasabi nang puso mo, i-workout mo relationship niyo ni Jessa
dahil iyon ang tama sa maraming bagay.” Biglang litanya ko na ikinagulat nila
maging ako.
“Anyway,
turn ko na magtanong di ba? Hmmmm. How do you see yourself 5years from now?” Sa
tingin ko safe ako sa tanong na iyon kasi I’m referring sa career niya pero
nagkamali ata ako.
“5years from
now, I’ll be happy with someone I’ve loved since we became best friends.”
“Earth
calling Dhen! Earth calling Dhen! Mayday! Mayday!” Parang ewan na bungad sa
akin ni Xyza.
“Huy, andyan
pala kayo.”
“Wala,
espiritu lang itong nakikita mo.” Pambabara ni Xyza. Napatawa na lang ako.
“Hay naku,
hanggang ngayon ba naman girl di ka pa rin nakakamove-on? Matagal pa ang
5years.” Pang-aalaska ni Febbie.
“Ewan ko sa
inyo! Kung anu-ano mga pinagsasasabi niyo.” Hindi pa rin maalis-alis sa mga
labi ko ang ngiti.
“Hay naku,
bakit kasi kailangan pang i-deny yung totoo ehh kitang kita naman ang
ebidensiya sa mga ngiti mo. Blooming ka kaya girl.” Si Xyza.
“Oo nga.”
“Weh di
nga?” Sagot ko. “Hay naku, gutom lang iyan.”
“Hindi rin
girl. Teka nga, nakita ko nag-usap kayo ni Francis sa may baba kanina. Anong
meron?” Usisa ni Xyza.
“Wala naman.
Sinabi lang niya na may meeting kaming mga officers mamaya.”
“Ay, so
hindi ka makakasama sa session namin?” Si Febbie.
“Mukhang
ganun na nga.”
“Sayang,
tatambay pa naman kami sa McDo.”
“Re-sched
niyo yan mga hayup kayo!”
“Bahala na.”
Sabay pa nilang sabi.
At tuluyan
na kaming pumasok sa classroom.
5:15pm. Time
check. Mukhang walang balak tong prof namin na magpauwi ah. Dapat hanggang 5pm
lang kami sa kanya pero ginanahan ata na magturo. Sabagay wala naman kaming
magawa kasi major subject namin iyon kaya sapilitang makinig na lang.
Mukhang
napansin naman niya na drained na kami kaya naman dinismiss niya na kami pero
nag-iwan pa nang lintik na assignment. Walastik lang eh. Walang patawad.
Maya-maya pa ay biglang nag-vibrate phone ko. Pagtingin ko ay nag-alarm yung
note ko.
Dali-dali na
akong nag-ayos ng gamit at pumunta na sa meeting namin. Ilang lakad lang ay
nasa office na ako. Wala pang masyadong tao pero ine-expect ko na sunud-sunod
ng dadating yung mga iyon. Hindi nga ako nagkamali. Nag-reserve ako nang upuan
para kay Francis kasi 6pm pa out nun sa class eh
Hindi ko
namalayan yung oras at 6:30pm na pala. Tiningnan ko phone ko kung may text si
Francis pero wala, ni miscall wala rin. Tinext ko siya kung nasaan siya, pero
lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang reply. Medyo nabadtrip ako.
Kahit na
sabihin kong sinusubukan kong mag-focus eh hindi ko iyon magawa nang ganap.
Lumilipad kasi isip ko. Hindi man lang siya nagtext na hindi pala siya
makakarating. Eksaktong 7pm ng tapusin na ni gov yung meeting. Isa-isa na
kaming lumabas ng office. Nagpahuli ako dahil ayokong kausapin si gov. Baka
kung anu-ano na naman ang mapag-usapan namin.
Pagbaba ko
ay may humila sa kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay nasuntok ko siya.
“Aray!”
Daing niya. “Bakit mo ako sinuntok?”
“Gago ka
pala eh! Bakit ka kasi nanggugulat?”
“Sorry!
Hinintay kasi kita eh.”
“Huh?”
“Huwag
bingi-bingihan Dhen. Mamaya matuluyan ka dyan.”
“Ewan ko
sa’yo. Teka bakit ka pa nandito? Kanina pa tapos klase mo huh?”
“Eh hinintay
nga kita di ba?”
“Bakit mo
ako hinihintay?”
“Gusto ko
kasi ayain kang mag-dinner.”
“Dinner?
Anong meron?”
“Wala
naman.”
“Ewan ko
sa’yo. “
“Tara na.”
Wala na
akong nagawa pa dahil hawak-hawak niya kamay ko. Sa sobrang higpit ay mahihiya
ang katawan kong hindi sumama. Kahit na medyo naiinis pa rin ako sa hindi
pagsipot ni Francis, unti-unti naman iyong pinapalis ni Arnel.
“Hop in.”
Pag-imbita niya.
Umangkas na
ako sa motor niya. Banayad ang takbo namin sa highway dahil sa may mga
itinatanong si Arnel sa akin. Napag-alaman ko rin na nasabi pala nung dalawa
kong kaibigan kung nasaan ako nang mga oras na iyon kaya pala nandun siya.
“Saan ba
kasi tayo pupunta?” Tanong ko.
“McDo.”
“Wow, ang
romantic mo huh.”
“Romantic
pala huh. Sige kapit ka.” At pinasibad niya agad yung motor niya.
Binagtas
namin ang daan papuntang simbahan. Nagtaka ako.
“Bakit dito?”
“Basta,
huwag ka nang magtanong.”
Akala ko sa
simbahan talaga kami tutuloy pero nilagpasan namin iyon. Ilang metro lang ang
layo nang huminto na kami.
Ngayon ko
lang nakita tong lugar na ito.
“Kelan pa
ito rito?”
“Matagal
na.”
“Bakit hindi
ko alam.”
“Paano mong
malalaman eh school-bahay-McDo ka lang naman.”
Nagandahan
ako sa ambience nung lugar. Napaka-cozy. Coffee shop siya pero pwede na ring
maging lover’s nest. Medyo may kalayuan ang distansya nang mga tables kaya
naman malayang makakapag-usap ang mga couples o groups na pupunta rito.
“Teka, bakit
dito mo ako dinala?”
“Don’t
worry, may tea sila rito and warm white chocolate drink.”
“Aba, siguro
madalas kayo rito mag-date ni Jessa ano kaya alam mo.” Biglang nagbago
expression ni Arnel.
Me and my
big mouth. Natahimik na lang ako. Para makabawi eh ako na ang naghanap ng
table. Umakyat ako sa second floor. Pinili ko yung pwestong malapit sa may
bintana. Kahit papaano kasi magandang pagmasdan ang mga view sa labas.
Ilang
sandali pa ay papalapit na si Arnel dala ang tray ng order niya. Nang mailapag
niya ito sa mesa ay laking gulat ko sa nakita ko.
“Paano mo
nalaman na paborito ko ang blueberry muffin?” Nitong college ko na lang kasi
nagustuhan yung pagkain na iyon.
“Ano pa at
naging best friend mo ako kung hindi ko malalaman iyan.” May pagmamayabang sa
tono nito.
“Ang sabihin
mo, tinanong mo sila Febbie about dyan.”
Napangiti na
lang siya.
“Alam mo,
hindi ka pa rin nagbabago. Maparaan ka pa rin sa mga bagay na gusto mong
malaman.”
“Siyempre
naman. Sabi nga nila kung gusto maraming paraan…”
“Kung ayaw
maraming dahilan.” Pagsabat ko sa kasabihan niya.
“Dhen?”
“Hmmm.”
Bago siya
muling nagsalita ay hinawakan na nito ang kamay ko.
“Ngayong
libre na ako at sa tingin ko ay libre ka rin, may pag-asa na bang maging tayo?”
Natameme ako
sa tanong niya. Hindi ako makahagilap ng maisasagot.
“Ah, eh.
Ahm.”
“Sige hindi
kita mamadaliin. Gusto ko makilala mo ako hindi bilang best friend mo kundi
bilang isang taong magmamahal sa’yo higit pa sa pagiging best friend.”
Natahimik
ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Sa sobrang tahimik naming dalawa ay
rinig na rinig namin ang tawanan ng mga taong papaakyat sa hagdan.
Napalingon
ako sa kanila na siyang pagkakamali ko. Muling nabuhay yung inis na akala ko’y
naiwaglit ko na sa isip ko. Naramdaman ko na lang ang pagdiin ng pagkakahawak
ni Arnel sa kamay ko kasabay nun ang biglaang pagtahimik nung mga bagong
dating.
“Lipat tayo
nang ibang shop.” Nasabi na lang nung isa.
Hindi siya
nagpatinag sa paanyaya nang kasama niya.
“Kuya?” May
pag-aalala sa tono nito.
Pinilit kong
itinago ang totoong saloobin ko pagkakita sa kanya. “Yes?” Sabay bitaw ng pilit
na ngiti.
“I’m so…”
“You don’t
have to. Malaki ka na. May sarili ka nang isip at marunong ka na rin
magdesisyon para sa sarili mo kaya huwag kang humingi nang tawad sa akin kung
iyon man ang balak mong gawin.”
“Alam ko may
mali ako kuya. Ni hindi man lang ako nakapagtext to inform you na hindi na ako
makaka-attend sa meeting.”
“It’s fine.”
Nagpalabas ako nang isang malalim na hininga bago muling nagsalita. “Arnel tara
na.”
Tumayo na
ako ganun din si Arnel. Naramdaman kong hindi agad ito sumunod sa akin kaya
tiningnan ko ito.
“Walang
patutunguhan yan.” Kita ko ang pagkuyom ng palad ni Arnel. Nagbabadya nang
isang gulo. Buti na lang napigilan ko.
Pagkababa ay
dumiretso na ako sa may motor niya at sumakay. Agad naman niya itong in-start
at lumakbay na kami pauwi.
“Antayin mo
ako rito. Saglit lang ako.” Paalam ko sa kanya pagkababa ko.
Dumiretso na
ako sa kuwarto at nag-impake nang ilang mga gamit. Balak ko kasing magpalipas
ng gabi kila Arnel. Kilala ko na si Francis. Gagawa iyon ng paraan para
makapag-usap kami ngayong gabi at hindi ko hahayaang mangyari yun ngayon.
“Ma,
mag-overnight ako kila Arnel.”
“Hindi ka na
nahiya. Mang-iistorbo ka pa.” Sagot ni mama.
“I love you
ma!”
“Kayo
talagang mga bata kayo. Kung ano maisipan agad ginagawa. O siya, heto kunin mo
para may panggastos ka.”
Inabot ko
naman agad yung perang bigay ni mama. Dali-dali na akong lumabas.
“O, anong
ibig sabihin niyan?” Gulat na tanong niya.
“Dun ako
makikitulog sa inyo tonight. Trip lang.”
Alam ko
hindi siya kumbinsido sa rason ko pero hindi rin siya tumutol.
Habang nasa
daan ay panay ang vibrate ng phone ko. Pagsilip ko, si Francis. Gaya nga nang
nasabi ko, hindi ko siyay bibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.
“Hindi mo ba
sasagutin yung tumatawag sa iyo?”
“Mag-drive
ka na lang diyan. Huwag ka nang makialam pa.” At iginapos ko ang mga bisig ko
sa katawan niya.
Malamig ang
hangin na dumadampi sa mga pisngi ko pero tila ba walang tatalo sa lamig na
nararamdaman ko kay Francis. Kung tutuusin, mababaw lang ang dahilan pero pilit
kong pinapalaki.
(itutuloy...)
[13]
“May gusto
ka bang sabihin sa akin?” Bungad niya pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto
niya.
“Huh?”
Pagmamaang-maangan ko.
“Hay naku
Dhen, huwag kang magkunwari sa akin. Alam kong may problema ka kaya sabihin mo
na baka makatulong ako sa’yo.”
“I don’t
want to drag you in. Tsaka hayaan mo akong resolbahin ito. Enough na muna yung
pagiging knight in shining armor mo. Let me learn the hard way.”
“Okay sabi
mo eh. Basta if you want to talk, I’m just here.”
“Sure. O
siya mag-shower ka na. nangangamoy ka na eh.”
“Igiban mo
naman ako.” Paglalambing niya.
“Aba’t
sinuswerte ka ah.”
“Sige na. O
kaya samahan mo na lang ako sa may poso. Takot ako eh.”
“Uto! Takot
ka dyan. Kelan ka pa natakot sa multo?”
“Just now.”
“Baliw! Hala
sige na maligo ka na.”
Ayaw talaga
paawat ni gago. Hinablot ako bigla at diniretso sa may poso. Wala na akong
nagawa pa kasi binasa na niya ako.
“Walanghiya
ka!” Gumanti na rin ako sa pagbasa sa kanya.
Para kaming
mga bata na nagbabasaan. Sa totoo lang, miss ko itong mga ganitong pagkakataon.
Kasi ba naman wala akong kapatid na lalaki kayak ay Arnel ko naibuhos yung
pangungulila ko sa kapatid na lalaki.
Ipinagpatuloy
lang namin ang paglalaro sa poso hanggang sa naisipan naming tapusin na ang
ginagawa dahil palalim na ang gabi at lumalamig na ang paligid. Hirap na baka
dapuan pa kami nang sakit.
“Na-miss ko
ito.” Hindi ko napigilang hindi maibulalas.
“Miss din
kita Dhen, sobra.”
Napalingon
ako sa kanya. Parang nasa pinilakang tabing lang ang eksena eh. Ikinulong niya
ako sa mga bisig niya at unti-unting inilalapat ang labi niya sa akin. Gusto
nang isip ko na kumawala ako pero mismong katawan ko ang trumaydor sa akin.
Sa una ay
banayad ang mga halik niya pero di naglaon ay unti-unting nagiging marahas.
Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili kong hindi gumanti sa paglapastangan ni
Arnel sa mga labi ko. Naglalakbay na ang diwa ko sa mga pangyayari. Nais kong
samantalahin ang nararamdaman kong ligaya dahil hindi ko alam kung kelan ito
mage-expire.
Kapwa kami
hinihingal ng putulin namin ang halikang iyon.
“You’re lips
are the softest lips I ever kissed. Sobrang saya ko, matagal ko nang gustong
muling maramdaman ang mga halik na ganun.”
“Bolero.”
Sabay tampal sa dibdib nito.
Napangiti
lang ito at muli pa’y hinagkan ako. Saglit ngunit madamdamin.
Kita ko
naman na hindi magkamayaw ang cellphone ko sa pag-vibrate. Nang tingnan ko ito
ay laking gulat ko nang si mama ang tumatawag kaya naman dali-dali ko itong
sinagot.
“Hello ma!”
“Ano po?”
“What the?!
Sige po ma.”
Badtrip
talaga! Kainis.
“Len, alis
muna ako saglit. May puntahan lang ako.”
“Saan ka
punta?”
“Basta.”
“Hatid na
lang kita.”
“Hindi na.
Kaya ko ito.”
“Sige.
Babalik ka huh.”
Tumango na
lang ako at agad nagbihis.
Bago ako
makalabas ng bahay ay binigyan ako ulit ng halik ni Arnel sabay bulong ng I
Love You. Napangiti na lang ako.
Ano na naman
ba naisip nitong taong to? Hindi na naawa sa akin. Hay buhay nga naman. Buti na
lang at nakasakay ako agad ng tricycle. Habang nasa daan ay buwisit na buwisit
pa rin ako. Gusto ko sana pagdating ko eh sapakin siya pero hindi ko ata kaya
tsaka baka masaktan kamay ko.
Buti na lang
umayon ang takbo ni manong driver kaya naman wala pang 20minutes ay nasa bahay
na ako. Kita ko naman agad yung sasakyan niya sa labas. Pagkabayad ko ay may
mga kamay agad na yumapos sa akin na siya ko naman agad inalis.
“Kuya, I’m
sorry.”
“Uminom ka?”
“Sorry.
Patawad po.” Pagsusumamo nito.
“Ma andito
na po ako. Sorry po sa istorbo. Ako na bahala rito. Matulog na po kayo.” Hindi
ko pinansin muna yung sinabi niya. Nagbigay lang ng ilang paalala si mama bago
pumasok sa silid nito.
“Ano bang
problema mo?” Nang humarap ako sa kanya.
“Alam ko
galit ka sa akin kuya. Sorry talaga.” Hindi na nito napigilang umiyak. Sa halip
na maawa ay mas nainis pa ako.
“Puro ka
sorry. Di ba sinabi ko na sa’yo kanina na wala kang dapat ihingi nang sorry?”
“Kuya naman
eh. Alam ko kung ano mali ko please babawi ako sa’yo.”
“Francis,
umuwi ka na muna. Saka na tayo mag-usap.”
“Kelan mo
ako kakausapin kuya?” Maiyak-iyak pa rin nitong sabi.
“Pag hindi
ka na lasing. Kapag nasa tama ka nang huwisyo.”
“No, sa ayaw
at sa gusto mo ngayon tayo mag-uusap.” Nabigla ako sa naging sagot niya.
“Fine. Sige
ngayon magsalita ka. Ipaliwanag mo bakit mo ako iniwan sa ere?”
Hindi ito
umimik. Nakatingin ito sa loob ng bahay. Pagsilip ko ay nakita kong
nakikisawsaw yung kapatid ko sa eksena.
“Ikaw,
pumasok ka na sa loob kung ayaw mong isumbong kita kay .” Pagsaway ko sa
kapatid ko.
Dali-dali
naman itong tumakbo paloob.
“Doon tayo
sa kotse mo mag-usap.”
Sumunod na
lang ito sa gusto kong mangyari. Pagkapasok naming dalawa ay wala pang gustong
mag-umpisa. Naisip ko bigla si Arnel na naghihintay sa pagbabalik ko. Dapat
matapos ko na ito agad.
“Tutunganga
na lang ba tayo rito o uumpisahan mo nang magpaliwanag?” Malamig kong tanong sa
kanya.
“Sorry kuya
kung iniwan kita sa ere.” Halos pabulong na nitong bigkas pero malinaw pa naman
sa pandinig ko.
“Hindi mo
man lang naisip na magtext.” Panunumbat ko.
“Nawaglit sa
isip ko.”
“Nawaglit?
Sabagay, may point ka nga naman. Siyempre kailangan mong i-enjoy yung bonding
niyo ni Jie kaya ayos lang na mawaglit sa’yo na may naghihintay sa’yo.”
“Sorry.” Sa
mas lalo pang huminang boses nito.
“You should
know Francis kung ano ba mga priorities mo sa buhay nang hindi ka nakakatapak
ng tao. Tanggap ko naman na hindi ako ang priority mo, andyan pamilya mo, mga
kaibigan mo, mga taong nagmamahal sa’yo.”
“Hindi kuya.
Priority kita.”
“That’s
bullshit Francis! Kahit kailan hindi ako ang naging priority mo. Alam nating
pareho na hindi totoo yang sinasabi mo kaya please lang, maging tapat ka naman
sa sarili mo.”
“Sorry.”
Nakayuko ito na waring hiyang-hiya.
“Sorry na
naman? Nakakasuka na yang sorry mo. Pwede ba magpaliwanag ka nang maayos!”
“Okay fine!
Gusto mong magpaliwanag ako sa’yo sige magpapaliwanag ako.” May kataasang
sumbat nito sa akin.
Tumahimik na
lang ako.
“Excited ako
kanina na pumunta nang meeting dahil makakasama ulit kita. Pansin iyon ni Jie
dahil ilang ulit niya akong nasita. Kaso nung matapos yung klase namin ng
bandang 5:30pm, hindi na ako tinigilan ni Jie na mag-jamming kami. Humingi ako
nang konting extension kahit maka-attend lang sana sa meeting pero hindi ako
pinagbigyan. Lagi na lang daw ako busy sa org. Kaya pumayag na ako para hindi
na siya magtampo.”
Nagtaas siya
nang tingin sa akin pero hindi ko sinagot yung tingin niya. Sa halip iginawi ko
ang mga mata ko sa labas. Nagpatuloy siya.
“Kuya gusto
kong magtext sa’yo or tumawag man lang para ma-inform ka kaso nagagalit si Jie
pag hawak ko phone ko. Wala na akong magawa. Sinakyan ko na lang lahat ng trip
niya para iwas gulo hanggang sa tuluyan ko nang hindi naalala na magsabi sa’yo.
Kung hindi pa kita nakita sa may coffee shop kanina hindi ko maaalalang may
kasalanan ako sa’yo. Gusto kong magpaliwanag pero nahihiya ako kay kuya Arnel.
Ngayon, matapos kong ihatid si Jie sa bahay nila dumiretso na ako agad dito.”
Dun na ako
napatingin sa kanya. Mas naintindihan ko na ngayon na mas matimbang pa rin pala
talaga si Jie kaysa sa akin. Alam ko na.
“Uminom muna
ako saglit bago gumawi rito. Umaasang madadagdagan yung lakas ng loob ko para
kausapin ka. Kaso pagdating ko rito sinabi sa akin ni tita na wala ka raw sa
bahay niyo. Nagmakaawa ako kay tita, sabi ko gusto kitang kausapin. Naawa
siguro si tita sa akin kaya tinawagan ka niya. Kuya, sorry talaga.”
“Tapos ka na
bang magpaliwanag? Aalis na ako. May taong naghihintay sa akin. Ayoko siyang
paghintayin sa wala.”
“Sana kuya
mapatawad mo ako.”
“Alam mo
Francis, kung tutuusin eh sobrang babaw lang naman ng nangyari eh. Huwag mo
nang palalimin. Oo nasaktan ako sa ginawa mo pero ano bang magagawa ko. Tapos
na iyon eh. I’m thinking on the brighter side na lang. Ngayon ko na-realize
kung ano ako sa’yo. Ngayon mas malinaw na sa akin kung saan ako sa’yo at dahil
dyan, salamat. Maraming salamat!”
“You’re not
thinking of giving up on me di ba?”
“Hindi ko
alam Francis. Give me some space, I want to sort things between us. Sana sa mga
panahong iyon, malaman mo kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari.”
Hindi ko na
siya binigyan pa nang pagkakataong magsalita. Tuluyan na akong bumaba sa kotse
niya at sumakay ng tricycle pabalik sa bahay nila Arnel. Alam ko nasaktan din
siya sa naging desisyon ko pero it will help us both.
Nakatanggap
pa ako nang text message galing sa kanya habang nasa byahe ako. isang simpleng
sorry. Masyado akong naging rude sa kanya sa totoo lang pero wala akong
magagawa. Masakit kasi yung katotohanang kahit na ilang beses niyang sabihing
mahal niya ako at handa siyang gawin lahat para sa akin kung madadaig naman
iyon ni Jie. Ayoko magmukhang kaawa-awa sa bandang huli.
Pagdating ko
sa bahay nila Arnel ay nakita ko itong nanunuod ng tv.
“Kamusta
lakad mo?”
“Hindi ko
alam.”
“Nagkaayos
na kayo?”
Napatingin
lang ako rito.
“Tinawagan
ko si tita at sinabi niya sa akin yung nangyari kanina.”
Hindi ko
magawang magpaliwanag. “Nakakapagod.” Yun na lang ang nabitiwan kong salita.
“Dhen, sa
tingin ko naman mabait na bata iyong si Francis kaya huwag mo sana siyang
itulak palayo sa iyo.”
“Bakit mo ba
ako minahal?” Bigla kong tanong sa kanya.
This time,
humarap na siya sa akin.
“Minahal
kita kasi mas madali kong nakita yung hinaharap ko kapag ikaw yung kasama ko.”
“Bakit?”
“Una dahil
kilala na natin ang isa’t isa. Pangalawa, payag si mama sa gusto kong
mangyari.”
Nanlaki mata
ko sa huli niyang sinabi.
“Oo Dhen,
sinabi ko na kay mama pero hindi pa kay papa. Natatakot pa rin kasi ako eh.”
“Bakit mo
ginawa iyon?”
“Dahil gusto
kong patunayan sa’yo na seryoso ako sa’yo.”
“Paano na
ang pangarap mong magkaroon ng sariling pamilya?”
“Saka ko na
iisipin iyan ang mahalaga eh maintindihan mo kung bakit ikaw ang pinili ko.”
“Ewan ko
sa’yo.”
“Aba, hindi
ka naniniwala? Huh? Hindi ka naniniwala?” Tumayo ito at agad akong inundayan ng
isang libong kiliti.
“Arnel,
tigilan mo yan!!!” Napapapitlag ako sa ginagawa niya.
Enjoy na
enjoy naman ito sa ginagawa. Halos magmakaawa na akong tigilan na niya yung
pagkiliti sa akin pero mas lalo lang nito ipinagpatuloy. Nang magkaroon ako
nang pagkakataon, hinawakan ko yung itlog niya at bahagyang piniga. Napasigaw
ito sa sakit. Tatawa-tawa naman akong lumayo sa kanya.
“Kasalanan
mo yan. Pinagsabihan na kita kaso masyado kang makulit ayan tuloy napala mo.”
“Dhen naman,
paano tayo makakabuo nang pamilya nito kung babasagin mo yung itlog ko.”
“Tarantado!
Pamilya ka dyan. Wala akong matres.” Sabay irap dito.
“Ang sakit
talaga Dhen.” Pinandilatan ko lang siya.
“Teka, may
canton ka ba?”
“Tingnan mo
sa may lagayan.”
Agad akong
naghalungkat. May nakita naman akong ilang pakete.
“Gusto mo rin
ba?”
“Iba gusto
kong kainin eh.” Sabay ngiti nang may pagkapilyo.
“Tumigil ka
dyan. Gusto mo tuluyan ko na yang basagin?” Pagbabanta ko.
“Kaya mo
ba?”
“Aba, huwag
mo akong hamunin.” Akmang lalapit na ako nang bigla itong tumakbo palayo. “Kala
mo nagbibiro ako ah.”
Kumuha ako
nang ilang pakete at saka nagluto. Habang naghihintay na kumulo iyong tubig ay
may mga kamay na yumapos sa akin. Naglalambing na naman itong taong to.
“Mainit,
lumayo ka muna.”
“Ayan,
pinapalayo mo na naman ako. Bakit ka ba laging ganyan?”
“Anong emote
mo? Ang sabi ko, layo ka muna dahil mainit. Pagpapawisan ako.”
Bahagya
nitong niluwagan pagkakayakap niya.
“Hay naku
naman, ang hirap magluto kapag ganito.”
Tatawa-tawa
lang ito sa likuran ko.
“Len?”
“Hmmm?”
“Bigyan mo ako
nang sapat na oras para makapagdesisyon. Ayokong magmadali dahil ayokong may
pagsisihan tayo sa bandang dulo.”
“Naiintindihan
ko. Hayaan mo lang ako na mahalin ka araw-araw.”
“Len?”
“Hmmm?”
“Ang corny
mo!”
“Mahal mo
naman.”
Tumahimik na
lang ako. Ayokong mag-comment baka iba pa lumabas sa bibig ko.
Ilang minuto
pa ay sa wakas nailuto ko na rin yung canton. Konting ritual pa ay handa na
yung pagkain. Agad ko itong dinala sa may lamesa sa harap ng TV. Kumuha naman
si Arnel ng mga tinidor at naglabas na rin ng pan de sal.
“Buti naman
may stock ka pa niyan.”
“Araw-araw
kaya akong bumibili nito.”
Umupo na
kami at nag-uumpisang mag-jamming.
“Ano ba yang
pinapanuod mo! Len hanap ka naman ng magandang palabas.” Utos ko rito. Tumalima
naman ito.
“Ayan. Di ko
pa napapanuod yan.” Sabi ko rito.
“Ano? Hindi
mo pa napapanuod yang A Walk to Remember?”
“Kung
makatanong ka eh ano, school-bahay lang po kasi ako. At kapag nasa bahay ako,
sa Hero Channel ako nanunuod.”
“Kaya pala
takbo nang isip mo eh anime na.” Pang-aalaska nito.
“Shhhh.
Huwag kang maingay.” Saway ko rito.
Kapwa na
kami natahimik nung nag-umpisa na yung palabas. May konting lambingan pero pag
nararamdaman kong sumosobra na eh sinasaway ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko
na lang na dumikit siya sa akin at umakbay.
Hinayaan ko
na lang siya. Tutok na tutok kasi ako sa pinapanuod eh. Napaka-romantic ng mga
scenes sa pelikula. Ewan ko ba pero tagus-tagusan yung mga emotions sa pelikula
eh. Naiyak pa ako nung dinala ni Shane West si Mandy sa may border ng dalawang
state. Sobrang touch ako run. Ewan ko ba. Pinahid naman ni Arnel luha ko.
Tiningnan ko
ito. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla akong nagnakaw ng halik
dito.
“Aba’t kelan
ka pa natutong magnakaw ng halik?”
“Just now.”
“Sana sinabi
mo para hindi ka na magnanakaw.”
“Mas may
thrill kasi pag ganun.”
“Thrill
thrill ka dyan. Papakipot ka pa kasi eh alam ko naman na gusto mo lang makaisa
sa akin.”
“Tumigil ka
dyan!”
Tatawa-tawa
lang ito. Muli ko nang itinutok yung atensyon ko sa pinapanuod. Nung matapos na
yung palabas, talaga namang umagos luha ko. Pagsilip ko kay Arnel, aba himbing
na himbing na sa pagtulog. Walastik, tinulugan ako.
Hinaplos ko
ang buhok nito at dinampian ng masuyong halik sa labi.
“Hindi ko
alam Len pero natatakot pa rin ako. Gusto kita pero alangan ako sa kung ano ang
mangyayari pag naging tayo. Hindi rin ako sigurado kung deserve mo ba ang isang
kagaya ko. Marami akong mga tanong kaya salamat at pinagbigyan mo ako na
pag-isipang maigi itong sitwasyon natin.”
Matapos kong
maglitanya ay inakay ko na si Len papunta sa kuwarto nito. Inayos ko na rin
yung mga ginamit namin bago ako sumunod sa kuwarto nito at natulog.
(itutuloy...)
[14]
Tinatamad pa
akong bumangon kaya naman ninais ko munang mag-stay pa sa higaan. Alam ko rin
na sa mga oras na ito ay gising na si Arnel at malamang ay may ginagawa na ito.
Hindi ako nagkamali dahil narinig kong may parang nagsisibak ng kahoy sa
likuran.
Gusto ko
mang mag-isip-isip pero hindi ko naman magawa kasi maingay nga sa labas kaya
naman sapilitan akong bumangon. Dumiretso ako sa banyo at nag-ayos ng sarili
bago tumungo sa hapag para kumain. Ginutom ako bigla eh. Buti na lang at may
nakahanda nang pagkain.
Matapos kong
mag-almusal ay agad ko nang pinuntaha si Arnel. Kasalukuyan pa rin itong
nagsisibak at waring hindi ako napansin. Nagulat na lang ito nang malamang
pinapanuod ko siya. Aba, nagpasikat pa lalo itong si mokong.
“Sige,
igihan mo pa. May ilang kahoy pa na sisibakin duon oh.” Sabay turo sa may imbakan
nila.
“Sige basta
para sa’yo.”
“Uto!”
Tumawa lang
ito.
“Kumain ka
na ba?” Tanong nito sa akin.
“Oo. Ikaw ba
nagluto?”
“Hindi, si
mama.”
“Sabi ko na
eh. Masyado kasing masarap kung ikaw may gawa nun.”
“Ang sweet
mo huh!” Sarkastiko nitong tugon.
“Pikon ka
talaga!”
“Humanda ka
sa akin mamaya at sisibakin kita.”
“Ang bastos
mo! Isusumbong kita kay tita. Tita!” Sabay tawag sa mama niya.
Narinig
naman ako nito at sumagot.
“Si Arnel po
kasi ang aga-aga eh kung anu-ano pinagsasasabi.”
Narinig kong
pinagsabihan nito yung anak niya.
“Buti nga
sa’yo. Sa susunod na gumanyan ka, ako mismo sisibak sa’yo.” Nang may
pangiti-ngiti kong banta.
Natahimik
naman ito pero kitang-kita mo sa kanya na may binabalak siya. Hinayaan ko na
lang siya atleast early in the morning eh naka-one point na ako. It’s a good
start. Medyo matagal pa ang araw kaya naman kailangan kong maghanda para
makabawi ako sa mga atake niya.
Habang
naghihintay sa kanya ay naisipan ko na lang na manuod muna nang TV. As usual,
anime pinapanuod ko. Basta morning lagi kong inaabangan paglabas ng mga cute na
fairies (kung familiar kayo sa Mirmo De Pon). Sa totoo lang memorize ko yung
kanta nila with matching dance pa.
Nakarinig na
lang ako nang mga impit na tawa sa likuran ko. Napalingon ako rito at bigla
naman ang pag-akyat ng hiya sa akin.
“Ang galing
mo pala sumayaw Dhen. Paano ulit yun?” Pang-aasar niya kasabay ng paggaya niya
sa sayaw.
Napahiya man
ako ay nakabawi agad ako.
“Ulol! Huwag
ka nang sumayaw diyan. Kawawa naman yung tugtog sa’yo, maawa ka.”
Pero wala
itong narinig at itinuloy pa rin ang pagsasayaw. Nakakatawa siyang pagmasdan
habang sumasayaw. Kasi ba naman parehong kaliwa paa niya. Iba ang galaw ng
katawan sa paa niya. Nakakatawa talaga. Napansin niya naman ako na tumatawa
kaya naman tumigil na siya.
“Ang yabang
mo naman.”
“Bakit
inaano ba kita?”
“Sige ikaw
na ang magaling sumayaw.” May pagkapikon na nitong sabi.
Mas lalo
lang akong naengganyong asarin pa siya. Asar-talo pa rin siya sa akin ever
since.
“Halika dali
ituro ko sa iyo kung paano yung sayaw.” Pang-aasar ko pa rin sa kanya.
“Ewan ko
sa’yo.”
“Ay
nagtatampo ka na sa lagay na yan?” Di pa rin ako tumitigil.
Aba’t
nag-walkout ang mama. Pinabayaan ko na lang ito dahil sigurado ako maya-maya eh
okay na naman kami. Habang naghihintay sa kanya ay naisipan kong ipagpatuloy
yung pinapanuod ko. Kaso isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito
bumabalik.
“Tita, si
Len po?” Tanong ko nang dumaan si tita.
“Hindi ba
nagpaalam sa iyo? Alam mo ba saan siya pumunta?” Sunod-sunod na tanong ni tita.
“Hindi po
tita.”
“Umalis eh
dala yung motor niya.”
“Huh? Ano ba
naman yan. Iniwan ako.”
“Babalik din
iyon mamaya.”
“Sige
antayin ko na lang po tita pagbalik niya.”
Medyo
nabadtrip ako sa ginawa ni Arnel. Iniwan ako buti na lang kahit papaano ay
andyan si tita. Kita ko naman na may ginagawa si tita sa kusina kaya naman
nag-volunteer na akong tumulong para naman hindi ako ma-bored since nawala yung
mood kong manuod.
“Sige maigi
yan para naman may katulong ako.”
“Teka tita,
ano po palang meron? Kasi ang aga gumising ni Len tapos kanina nagsibak pa ng
kahoy eh.”
“Ah,
birthday ng tito mo ngayon kaya naman maghahanda kami.”
“Talaga po?
Naku sige tutulong po ako para mapadali itong pagluluto.”
“Buti na
lang at andito ka. Hindi ko kasi maasahan yang si Arnel sa pagluluto eh.”
“May
taga-sibak naman po kayo nang kahoy kaya naman bawi kayo dun.”
“Tama ka
dyan. O siya alam mo naman paano magluto nang igado di ba?”
“Opo naman
tita. Ako na bahala diyan.”
At sinimulan
ko na nga maghiwa nang mga karne at laman-loob na kasama sa putaheng iluluto
ko. Enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko kaya naman hindi ko na halos napansin
yung oras. Kahit papaano rin ay nawaglit sa isip ko ang inis na nararamdaman
ko. Hindi ko rin maiwasang mapakanta pampatanggal boredom.
“Naku Dhen,
hindi ka makakapag-asawa niyan.” Pagpuna sa akin ni kuya Arn.
“Loko ka
kuya. Makakapag-asawa ako siyempre.”
“Sabagay,
para na nga kayong mag-asawa eh.”
Pinamulahan
ako nang pisngi dahil sa sinabi niya.
“Ano ba yang
sinasabi mo kuya? Hindi ko pa nakikita mapapangasawa ko.” Defensive kong sagot.
“Hindi pa
ba? Akala ko kasi nasa tabi-tabi lang siya.”
“Tumigil ka
dyan Arn. Iniistorbo mo kami rito sa kusina.” Saway ni tita kay kuya.
‘Buti na
lang at sinalo ako ni tita.’ Nginitian ko na lang si tita.
Sige pa rin
ako sa pagtulong sa pagluluto sa kusina nang dumating si Arnel at ang hindi
inaasahang bisita.
“Hi po
tita!” Malugod nitong bati. Bahagya pa itong nagulat pagkakita sa akin. “Hi
Dhen!” At bumeso pa.
Hindi ko
maramdaman na sincere siya sa ginawa niya.
“Hello hija,
buti nakarating ka.”
“Opo,
sinundo po kasi ako ni Arnel eh.” Sinadya niyang ilakas yung sinabi niya para
inisin ako..
‘Eto pala
way mo nang paghihiganti Len huh? Sige tingnan lang natin kung sino ang
susuko.’ Usal ko sa sarili ko.
“Ah ganun
ba? Maigi na rin iyon para may representative ang mga kabataan sa birthday
nitong tatay nitong si Arnel.”
Nangiti na
lang si Jessa at kumapit pa sa braso nito. Ako naman na kasalukuyang naghihiwa
ay hindi ko naiwasang hindi mapalakas yung tunog ng kutsilyo sa chopping board.
Napatingin naman sila sa akin.
“Sorry tita.
Hirap kasi hiwain nito eh.” Palusot ko rito.
Alam kong
hindi iyon bumenta kay Jessa. Sa ngayon hahayaan ko na muna siya sa moment nila
ni Arnel pasasaan ba at makakaganti rin ako. Matapos naming magluto ay agad na
akong nag-ayos para naman maging presentable ako sa mga bisita nang tatay ni
Arnel.
Minadali ko
ang paliligo dahil malapit ng dumating ang mga bisita ni tito at walang katuwang
si tita na eestima nang mga bisita. Matapos kong magbihis ay dumiretso na ako
ulit sa kusina para tumulong.
“Happy
birthday tito!” Bati ko rito nang dumating ito.
“Naku
salamat balong (hijo). Buti naman dumating ka.”
“Naku tito,
kagabi pa po ako rito hindi lang po tayo nagpang-abot.”
“Ah ganun
ba? Naku, ikaw talaga bakit mo naman hinayaang magpagod yung bisita natin?”
Sumbat nito sa asawa nito.
“Wala kasi
akong aasahan sa bunso mo tsaka marunong din pala magluto itong si Dhen eh kaya
naman pinatulong ko na.”
“Naku
salamat ulet Dhen huh.”
“Wala po
iyon tito. Actually, hindi ko po alam na birthday niyo po ngayon. Hindi po kasi
nabanggit ni bunso sa akin eh.”
“Hayaan mo
na yon. Baka nakalimutan niya lang sabihin.”
“Tama po
kayo tito. Andun nga po pala sila ni Jessa sa may sala.”
At umalis na
nga si tito sa kusina at dumiretso na sa may labas para asikasuhin ang mga
bisita nito. Kami naman ni tita ay salitang nagse-serve nang pagkain ng sa
gayon ay hindi nakakahiya sa mga bisita. Dahil na rin sa nakatoka ako sa kusina
ay hindi ko na halos magawa pang kumain gawa nang nabusog ako kakatikim.
“Dhen,
palagay naman ako nang igado sa may lamesa. May dumating pa kasing mga bisita.”
“Ah sige po
tita ako na po bahala rito.” Busy na kasi si tita sa pag-aasikaso sa labas.
Habang
dala-dala iyong putahe ay hindi ko naiwasang hindi masilayan iyong mga bagong
dating. Literal akong napahinto nang makilala kung sino iyong bisita. Kung
hindi pa ako tinawag ni tita ay hindi ako gagalaw. Lumapit na ako sa lamesa
para ma-refill yung ulam. Napansin naman ako agad nung bisita.
“Uy Dhen,
andito ka rin pala?”
“Ah, eh,
o-opo tita.” Pagsagot ko rito.
“Buti naman
at hindi mabo-bored yung kasama ko.”
‘Patay na,
mukhang kasama pa siya ni tita.’ Sa loob-loob ko.
“S-sino po?”
Kabado kong tanong.
“Si Francis.
Andun siya sa kotse ayaw bumaba kasi mabo-bore nga raw siya rito. Teka tawagin
ko lang.”
Kung
mamalasin ka nga naman. When it rains, it pours nga talaga. Sunud-sunod na
malas. Ano ba ito! Ang tagal bumalik ni tita. Pagbalik nito ay kasama na nga
nito si Francis ngunit pansin mo rito ang galit. Galit? Bakit?
Dahil sa
napansin ko ay hindi ko magawang makipag-usap sa kanya. Parang umurong dila ko.
“Son, sama
ka muna kay Dhen huh makiki-umpok muna ako.” Tango lang sagot nito.
Tahimik
itong kumukuha nang pagkain niya. Hindi ko talaga magawang magsalita.
“Magkakilala
pala mama mo at tatay ni Arnel nuh?”
“Oo.”
Maikling sagot nito.
“Dahil ba
ito sa kampanya?”
“Oo.”
Mukhang
galit nga ata talaga ito sa mundo. Nang…
“Baaaakkkklllllaaaaaa!!!”
Nagulantang ako sa familiar na boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Buti
na lang busy ang mga tao kaya hindi gaano pansin ang pagtawag sakin nito.
Humarap ako
at humangos naman ito papunta sa akin sabay pose. Natuwa naman ako sa ayos ni
Xyza. Kahit papaano kasi eh nawala pansamantala yung tension na nararamdaman
ko. Histrionic kasi ang dating ng loka, yung tipong gusto laging siya ang
center of attraction. Naka-casual dress ito tapos may headband na may malaking
butterfly, may dalang malaking bag at lahat ng iyon ay puro kulay pink.
“Ayos ang
porma natin huh? Saan ba ang fashion show?”
“Kinnam
(fuck you)!”
Natawa lang
ako rito.
“Ang lakas
talaga nang pang-amoy mo ah. Akalain mo hanggang dito kila Arnel naamoy mo yung
pagkain!” Pang-aasar ko rito.
“Siyempre
naman girl! Ako pa. Basta lafang, game ako riyan kahit saan pa iyan.
Laman-tiyan din iyan.”
“Gagatil
(malandi)!”
“Uy, andyan
ka pala Francis! Hi!” Bati nito sa katabi ko.
“Hello ate!”
At nagbigay ito nang tipid na ngiti.
Awkward ng
feeling para sa akin dahil eto ang unang pagkakataon na nagkaharap-harap kami
nila Jessa, Arnel, at Francis. Buti na lang at andyan si Xyza para maging
mediator naming lahat. Siya ang bumabangka.
Tumayo ako
saglit at dumiretso sa kusina. Hindi ko namalayan ang pagsunod ni Francis.
Nagulat na lang ako na nasa likuran ko pala ito.
“Let’s
talk.” Maikli nitong sabi ngunit ramdam mo ang authority.
Ayokong
makita kami ni Arnel na nag-uusap kaya naman lumabas kami sa may kusina.
Dumiretso kami kung saan naka-park yung sasakyan niya.
“Dito na
tayo sa labas mag-usap.”
Nagbuntong-hininga
siya bago muling nagsalita.
“Bakit mo
ginawa sa akin iyon?”
Natameme
ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin.
“Minahal mo
ba talaga ako o pampalipas oras lang?”
“Anong
sinasabi mo?”
“Nasabi na
sa akin ni Jie ang lahat. Sinabi niya sa akin na hindi mo naman daw ako totoong
minahal at pinapaasa mo lang ako. Pinaglalaruan mo lang daw ako dahil ang totoo
si kuya Arnel talaga ang mahal mo at dahil sa may gf siya kaya naman ginamit mo
ako. Totoo ba iyon kuya?”
Nasaktan ako
sa tanong nito. Akala ko ramdam nito na totoo ako sa pinakita ko sa kanya pero
mukhang hindi pa pala at ang masakit pa run ay ang katotohanang napaikot na ni
Jie si Francis sa mga kasinungalingan nito. Hindi ko na napigilan ang sarili
ko.
“Daw???
Meaning hindi siya sigurado? Pero sa tono mo parang naniwala ka na sa kanya.”
Tahimik ito
ngunit kita mo sa mata nito ang galit.
“Gusto mong
malaman yung totoo?” Galit na rin ako dahil natapakan yung ego ko.
Tahimik pa
rin siya.
“Oo Francis
pinaglaruan lang kita!!! Ayan gusto mo marinig di ba?” Hindi ko na napigilan pa
ang pagdaloy ng luha ko.
Kita ko
naman ang pagrehistro nang galit sa maamo niyang mukha at agad niya akong
sinuntok.
“How could
you do this to me? Minahal kita pero bakit mo ako pinaglaruan! Tama si Jie,
nagkamali talaga ako na ikaw pa ang minahal ko. Maraming tao ang mas deserving
kong mahalin. Sinayang mo lahat ng effort ko! Napaka-walang kwenta mong tao!
All this time nag-eeffort ako sa wala. Shit!” Nanggagalaiti nitong sumbat sa
akin.
Sobrang
sakit ng mga binitawan nitong salita sa akin. First time kong nakarinig ng mga
ganitong bagay mula sa kanya kaya naman parang dinurog ako nang pinung-pino.
Tumayo ako
at pinunasan yung labi kong pumutok dahil sa suntok niya. Kahit basang basa na
nang luha yung mga pisngi ko ay nagawa ko pang lumapit sa kanya.
“Sige
suntukin mo pa ako. Galit ka sa akin di ba dahil ginamit kita? Sige sa kabila
naman para pantay.” Sabay abot ng kabilang parte nang mukha ko sa kanya.
Pinilit kong ipinakita sa kanya na balewala lahat ng sinabi niya.
Kinuyom nito
ulit yung palad niya at handa akong suntukin ulit. Handa na rin akong tanggapin
yung kasunod na suntok pero laking gulat ko na hindi niya itinuloy.
“I shouldn’t
have wasted my time in you. Kung itinuon ko na lang sa iba yung nararamdaman ko
eh di sana masaya ako ngayon. I never imagined na ganyan ka pa lang tao. I
don’t want to see your face ever again.” At umalis na ito sa harap ko.
Dahil sa
panlulumo at sakit na nararamdaman ay napasandal ako sa may kotse nito.
Itinuloy ko ang pagtangis. Bahagya pa akong nagulat ng may kamay na humaplos sa
likod ko.
“Xyza!” At
hindi ko na napigilang itodo yung iyak ko.
“Ilabas mo
lahat ng sama nang loob mo girl. Andito lang ako hindi kita iiwan.”
Dahil sa
sinabi niya ay mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkahabag.
“Xyza, iuwi
mo na ako sa bahay. Ayoko na rito.” Nagmamakaawa kong pakiusap sa kanya.
“Gaga ka!
Hindi ako marunong mag-drive.”
“Sige na please!”
“ Anong
gusto mo magtricycle tayo? Look at my dress naman, sayang kung idi-display mo
lang sa trike!” Maarte nitong sabi.
“Shuta ka!
Emote na ako rito o nakuha mo pang alalahanin yang damit mo. Mas mahal mo ba
yan kesa sa akin?” Seryoso kong sumbat ditto.
“Shutanginames!
Hampasin kaya kita nang headband kong may butterfly!”
“Bahala ka
na nga! Uuwi na lang ako mag-isa. Sana walang mangyaring masama sa akin.”
Pagpaparinig ko sa kanya.
“Tanamew!
Hayop ka talaga! Papakamatay ka? Sige idaan mo sa ganyan at pag natuluyan ka
mas lalong hindi ka tatanggapin sa langit. Imagine, bakla na nga tapos
nagpakamatay pa! Ay imberna sobrang pasaway mo girl!” Litanya nito.
Tiningnan ko
lang ito. Hindi pa rin ito tumitigil sa mga litanya niya kaya naman maingat akong
bumalik sa loob at dumiretso sa kuwarto. Agad kong inayos yung mga gamit ko at
isinilid sa backpack ko. naabutan naman ako ni Arnel na nag-aayos.
“Saan ka
pupunta?”
“Uwi na ako.
May emergency daw sa bahay.” Pilit kong pinakalma yung boses ko.
“Ihatid na
kita.”
“Hindi na.
Asikasuhin mo na lang yung mga bisita niyo.”
“Hintayin mo
ako saglit lang ako kunin ko yung susi.”
“Sinabing
huwag na eh!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses.
Aksidente
naman na nahagip nito ang mukha ko.
“Anong
nangyari sa mukha mo?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Wala ito.
Nasugatan lang kanina sa kusina nung nagluluto.” Pagsisinungaling ko.
“Nagsisinungaling
ka Dhen. Ano nga nangyari sa’yo?” Pagpupumilit niya.
Ayoko na
talagang sumagot. Gusto ko nang umeskapo.
“Pakisabi na
lang kila tito at tita na umalis na ako. Salamat nga pala sa pagpapatuloy.”
Pipigilan
niya sana ako nang magsalita mula sa labas si Jessa. Agad na akong lumabas ng
pinto at dumiretso sa kalsada para mag-abang ng masasakyan. Walang lingon-likod
kong tinungo ang daan.
“Bakla!”
Napalingon
ako sa pinanggalingan ng boses. Si Xyza, nakasakay na sa van nila at inaaya ako
na sumabay sa kanila. Naisip ko, mas magandang umiyak sa van kesa sa tricycle
kaya naman sumakay na ako roon.
Sinabi naman
ni Xyza sa mama niya na idiretso kami sa bahay namin. Hindi ko naman magawang
umiyak dahil nakakahiya kay tita. Nang makarating na kami ay bumaba na ako
matapos magpasalamat. Akala ko ay hindi na bababa si Xyza pero nagsabi ito sa
mama niya na sasamahan lang daw ako. Touched naman ako sa ginawa nito.
Buti na lang
busy si mama kaya hindi na ako nito napansin na maga ang mata at may putok pa
sa labi. Kaawa-awa naman talaga ako. Sa dinami-dami nang taong pwedeng
makaranas nito eh sa akin pa talaga ibinigay.
“Girl, bakit
ka nagsinungaling?”
“Kung nakita
mo lang sana yung galit sa mga mata niya maiintindihan mo rin kung bakit ko
ginawa iyon.” Seryoso kong tugon.
“Sana
nag-explain ka man lang.”
“Para saan
pa? Talo na ako Xyza. Nahusgahan na ako bago pa man mag-umpisa ang trial.”
“Eh ano na
balak mo?”
“Wal…”
“Ay shuta!
Hala, sige labas! Kakain tayo. Ano bang meron sa kusina?” Sunod-sunod nitong
litanya. Nagreklamo kasi sikmura ko gawa nang kadramahan ko plus hindi ako
nakakain ng mabuti kanina.
Nakakatuwa
lang na msimong siya pa nag-asikaso sa akin.
“Girl,
touched ako sa gestures mo! Best friend talaga kita.”
“Gaga, may
suhol to. Um-order na ako sa McDo at ikaw ang magbabayad.”
“Nakaalis na
ba si tita?” Bigla kong tanong sa kanya.
“Oo bakit?
May naiwan ka ba sa van?”
“Wala akong
naiwan, may ipapauwi lang sana akong taong buwisit!” Sabi ko rito.
Kahit
papaano eh andyan pa rin si Xyza para damayan ako. Nakakabawas ng bigat sa
dibdib. Natawa lang siya. Akala ko talaga eh sa McDo siya um-order, yun pala sa
coffee shop na pinagbibilhan ko nang paborito kong blueberry muffin.
“Hala girl!”
Bigla nitong nasambit matapos makuha yung order niya.
“Oh anong
banat mo?”
“Yung
headband ko nawawala!!!” Halos nagwawala nitong sabi sa akin.
“Eh ano ba
kasing meron sa headband na iyon at ganyan ka kung makareact?”
“Gaga! Yung
butterfly ko!! May sentimental value yun eh.” Ngayo’y mangiyak-ngiyak na nitong
sabi sakin.
“Heto.”
Sabay abot ng cellphone ko.
“Aanhin ko
ito? Ilalagay ko sa ulo ko kapalit ng headband ko?”
“Para kang
tanga, siguro kasabay ng pagkahulog ng headband mo yung pagkahulog ng utak mo.
Siyempre tawagan mo nanay mo baka naiwan mo sa van.”
Nagliwanag
mukha nito at agad na tumawag kay tita. Tuwang tuwa nitong ibinalita sa akin na
nahulog daw sa sasakyan yung pinakamamahal niyang headband. Di ko maiwasang
mag-roll eyes.
“Masaya ka
na?”
“Naman!”
“Dali na,
baka lumamig na yung muffins ko leche ka!”
At idinaan
na nga naming dalawa sa pagkain ng muffins.
(itutuloy...)
[15]
Ilang araw
na ring hindi nagpaparamdam si Francis makalipas ang naging encounter namin.
Naiintindihan ko naman yung galit niya pero sana hindi siya basta-basta
naniwala sa mga paninira sa akin. Totoo ko siyang minahal at wala akong
pinagsisihan doon. Siguro nga lang, sa ganitong paraan magwawakas ang kung
anumang special na namamagitan sa amin.
“Hey girl,
pansin ko na hindi na kayo madalas magkasama ni Francis.” Bungad ni Febbie.
“Busy siya
sa studies girl. Alam mo naman may hinahabol na grade, running for Cum Laude
ata yun eh.” Si Xyza na ang sumagot.
“Ah ganun
ba? Nakaka-miss kasi mga panlilibre niya eh.”
“Ah kaya mo
pala siya hinahanap kasi magpapalibre ka ulit.”
Nanatili pa
rin akong tahimik.
“Siyempre
naman nuh, laman tyan din yun tsaka makakatipid pa tayo nun.”
Natawa si
Febbie sa sinabi nito pero bakit hindi ko magawang matawa or mangiti man lang.
Hurting? Siguro, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang malabo na ang lahat sa
amin.
Naglalakad
kami sa hallway nun pabalik sa classroom ng hindi inaahasang makakasalubong namin
si Francis at Jie. Medyo na-tense ako. Kita ko naman ang biglaang pagbabago
nang mukha ni Francis pagkakita sa amin.
“Hi
Francis!” Bati ni Febbie sa kanya pero parang hangin lang ito na hindi pinansin
ni Francis.
“Ay hindi
pinansin!” Pang-aasar ni Xyza.
Sumimangot
lang ito.
“So paano ba
yan mukhang wala nang libre si Francis sa’yo!” Patuloy na pang-aasar ni Xyza.
“Bakit hindi
siya namansin?” Nahihiwagaang tanong ni Febbie. “Dhen, nag-away ba kayo?”
Nabigla ako
sa tanong nito. Medyo malayo kasi iniisip ko.
“H-huh?”
“Ang sabi
ko, nag-away ba kayo ni Francis at maging ikaw eh hindi man lang niya pinansin?
Ang layo kasi nang iniisip mo eh.”
Hindi ko
alam kung sapat na ba ang ilang araw na nakalipas para masabi ko na ang
dahilan. Kinapa ko ang sarili ko pero napagtanto kong hindi ko pa pala kaya.
“Ah girl,
lapit na ang time dalian natin. Ayoko masabunan ni Mr. Cristobal.” Pagbabago ko
sa topic sabay hila kay Xyza. Mahirap na baka madulas pa ito.
“Teka
naman!”
“Dalian mo
kasi lumakad. Umatake na naman kasi pagiging pagong mo eh.” Pambawi ko para
ipakita na hindi ako apektado.
“Fuck
you!!!” Sigaw nito.
At dahil sa
pagsigaw na ito ni Febbie, bigla na lang lumabas sa kung saan yung teacher na
nanghahabol ng sinturon.
“Bullshit
nursing students! You don’t know how to show respect to others then I’ll give
you what you deserve.” At ayan na naman, binubunot na naman niya ang mahiwaga
nitong sinturon habang dada pa rin ng dada.
Dahil sa
nasaksihan, aba, namalayan na lang namin si Febbie na dumaan sa harapan namin.
Para itong si The Flash sa pagtakbo dahil na rin sa takot. Tawang-tawa kami sa
hitsura nito nang madatnan namin sa classroom.
“Ayan,
sumigaw ka pa ulit dun sa klase ni tanda tingnan ko lang kung maka-hirit ka
pa.” Pangbubuska ni Xyza.
Hindi pa rin
ito makaimik bagama’t nakakaawa ang reaction nito.
“Huy Febbie,
wala na si tanda. Pwede ka nang bumalik sa dati mong kulay.” Pang-asar ko pa.
“Kabuwisit
talaga kayong dalawa!” Inis nitong sumbat.
“Aba’t sino
ba kasi nagsabing sumigaw ka at itataon mo pa sa tapat ng klase niya.” SI Xyza.
“Alam ko ba
kasi.”
“Eh sana sa
susunod bago ka sumigaw ng ganun eh tingnan mo muna kung may nagkaklase.”
Panunumbat ko.
“Hay naku,
buti na lang nakatakbo ako.”
“Oo nga,
nagulat nga kami sa nangyari eh. Dapat pala lagi kang hahabulin ng sinturon ni
tanda eh.”
“Tama ka
dyan girl!” Sabay bigay namin ng nakakalokong tawa.
Ramdam
naming dalawa ni Xyza na hindi pa rin moved on si Febbie sa nangyari kaya naman
patuloy lang namin siyang inaasar. Kakagulat naman na unti-unti na rin itong
gumaganti.
Maya-maya pa
dumating na ung prof namin at nag-umpisa na naman magturo. Walang kamatayang
pakikinig na naman sa isang boring na kagaya niya. Gustuhin ko mang making eh
hindi ko talaga maiwasang hindi mag-daydream. Mas maigi na siguro iyon kesa
naman makatulog ako kakapakinig sa kanya.
“Okay class!
That’s all for today. We’ll be having our departmental meeting in 10minutes.
Please read your notes and we’ll be having a graded recitation tomorrow.”
At dahil sa
narinig kong iyon ay biglang pumalakpak tenga ko sa sobrang kasiyahan. Sa wakas
maaga niyang tinapos yung klase. Unang beses itong nangyari kaya naman iba
talaga ang hatid nitong tuwa sa akin.
“Anyway, Mr.
Lopez, you are expected to be there in the meeting.”
“Sir?” Biglang
naputol yung kasiyahan ko.
“You have a
business in the said meeting since you are a part of our department student
council.”
‘What????
Ano naman itong kalokohan na ito gov!’ Sigaw ng utak ko na sinisisi si gov.
“I’m
expecting you there Mr. Lopez.”
Napatango na
lang ako.
“Ambilis
talaga nang karma. So paano girl una na kami sa’yo.” Pambabawi ni Febbie.
“Fuck!”
nasambit ko na lang.
Sa lahat
kasi nang ayaw ko ay um-attend ng faculty meetings dahil sa sobrang boring nun
plus the fact na baka andun si Francis. No choice ako, ayoko naman na
pag-initan ako ni Sir Cristobal bukas dahil sa hindi ako um-attend ng meeting.
Masama ang
loob ko habang tinutungo yung daan papunta sa office. Bakit pa kasi ako sumali
sa org na ito eh. Andami na ngang masalimuot na pagkakataon itong idinulot sa
akin.
Nakasabay ko
naman si gov at maging siya ay nagulat ng malamang kasama kami sa meeting.
Nakita ko rin ang pagdating ng iba pa naming mga kasama, pati si Francis.
“Bakit hindi
kayo magkatabi ngayon ni Francis? Magka-away kayo nuh?” Pabulong na sabi ni
gov.
“Gov,
chismoso ka talaga. Kalalaki mong tao eh ganyan ka.”
“Confirmed.
So anong pinag-awayan niyo?”
“Shut up!
Baka marinig ka ni dean mapagalitan pa tayo.”
“Magkuwento
ka sa akin mamaya.”
“Ayoko!”
Pagtanggi ko rito.
Pero hindi
nagpatalo si gov. Pinabayaan ko na lang siya. Badtrip na badtrip naman kaming
mga officers dahil hindi naman pala para sa amin yung meeting pero bakit kami
pinatawag. Sana kasama ko mga kaibigan ko ngayon at nag-eenjoy.
Lukot talaga
mukha ko sa sobrang banas habang bumababa nang office. Buti na lang nauna na si
gov. Di sinasadyang matapunan ko nang tingin yung isang taong dahilan ng
matinding away namin ni Francis sa di kalayuan. Bigla naman ang pagsikdo nang
inis sa akin. Gusto ko itong sugurin pero pinilit kong maging kalmado.
Nakakahiya.
Gusto kong
i-compose sarili ko kaya naman dumiretso ako sa banyo para makapag-ayos man
lang. Naghilamos lang ako saglit then tumingin sa salamin. Matama kong
sinisipat ang mukha ko nagbabakasaling inagos na nang tubig ang pagkainis ko.
Napahinto
ako sa may kanto nang banyo dahil sa dalawang pamilyar na boses na nag-uusap.
“Hindi ko
alam kung anong nangyari pero malakas ang kutob kong ikaw ang dahilan ng
biglaang pag-alis ni Dhen sa bahay.”
“Ano naman
sa’yo kung ako nga? Dapat lang sa kagaya niya yung ganun.”
“Wala kang
karapatang husgahan siya dahil hindi mo siya ganap na kilala.”
“Ah I see.
Alam mo, sa iyo na siya kasi bagay kayo. Ang drama niyo pareho eh.”
“Tarantado
ka pala eh!”
“Susuntukin
mo rin ako? Sige, ipamukha mo sa akin na ikaw nga ang knight in shining armor
niyang best friend mong manggagamit!”
“Kahit
kalian hindi ko naramdamang ginamit lang ako ni Dhen at kung gagamitin man niya
ako handa akong maging kasangkapan niya para matupad mga gusto niya dahil mahal
ko siya hindi kagaya mo na walang paninindigan.”
“You have no
right para sabihing wala akong paninindigan! Nakakaawa ka Arnel. Harap-harapan
ka na ngang ginagawang tanga pero mahal mo pa rin yung tao? How pity!”
Hindi ko na narinig
pa yung mga sumunod na pag-uusap nila dahil sapat na ang mga narinig ko mula
kay Francis para lisanin yung lugar. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko
dahil sa nalaman ko kung gaano kagalit sa akin si Francis. Hindi ko naman
napansin na may kasalubong pala ako at nabangga ko siya.
“Aray! Watch
where you’re going freak!” Sabi nito sa akin.
Napatingin
ako rito.
“Awww, ikaw
lang pala yan Dhen.” May halong pangungutya sa tinig nito.
Tatalikod na
sana ako nang muli itong magsalita.
“Umiiyak ka?
Bakit? Dahil nag-away kayo nung best friend mo? Ginagamit mo rin ba siya?”
Sunod-sunod na tanong nito.
Humarap ako
rito at agad siyang inundayan ng suntok sa mukha. Sapul siya.
“Tangina!
Bakit mo ako sinapak!”
“You deserve
it! One, for stitching up stories para siraan ako kay Francis and secondly
dahil sa paninirang puri mo sa amin ni Arnel. I can sue you for that!”
“Sue me?
Wow, come on! Kaya mo ba? May pera ka ba?”
“Siguro nga
wala akong yaman ng kagaya sa inyo pero atleast maipagmamalaki ko na hindi ko
kailangang gumawa nang story at palabasing manggagamit ang ibang tao para lang
makuha ko iyong gusto ko. Mas mabuti pa si Courage (the Cowardly Dog)
nagagawang harapin problema niya nang patas unlike you!”
“Bakit?
Totoo naman na ginamit mo lang si Francis dahil alam mong may gusto siya sa iyo
para pagselosin yung best friend mong uto-uto eh!” Panunumbat niya.
“Hindi ko na
kasalanan na ako ang nagustuhan ng best friend mo at hindi ikaw. Subukan mong
tumingin sa salamin at tanungin sarili mo bakit hindi na lang ikaw?” Sumbat ko
sa kanya. “At isa pa, hindi ko na kailangang manggamit ng tao dahil sobra-sobra
ang natatanggap kong pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan ko!”
Kita ko
naman ang biglaang pagbabago nang expression ng mukha nito. Saglit kong nakita
ang lungkot sa pagkatao nito bago nito muling binuhay ang isa pa nitong
pagkatao.
“Sa tingin
ko ikaw ang mas nakakaawa sa ating dalawa dahil pilit mong isinisiksik yung
sarili mo sa mga taong gusto mo. Alam ko rin na dahil doon kaya ginawan mo ako
nang storya na nanggagamit ako dahil sa katotohanang natatakot ka na tuluyang
mawala iyong taong pinakamamahal mo.” Pagpapatuloy ko.
“Successful
ba ginawa ko?” Sabay bitaw ng isang malakas na tawa. “Naku sorry huh. Kung nung
una pa lang sana eh iniwasan mo na siya di sana hindi humantong sa ganito.
Tsaka di ba sinabihan na kita dati pa na gagawin ko ang lahat mapasaakin lang
si Francis?”
“Nakakaawa
ka!” Sabay duro ko rito.
“Sino ang
mas nakakaawa sa atin ngayon? Ako o ikaw na talunan?”
“Jie?” Boses
na nanggaling sa likuran niya.
Napatahimik
kaming pareho at napaharap rito. Bumakas naman ang takot sa mukha ni Jie.
“K-kanina ka
pa diyan?”
“Oo at
narinig ko ang lahat.”
“I can
explain Francis.” May pagmamakaawa sa boses nito.
“Hindi na
kailangan. I already had enough, tama na.”
Akma itong
lalapit sa akin pero pinigilan ko nang iling. Bagama’t bakas sa mukha nito na
gusto nitong magpaliwanag, mas minabuti ko na lang na maglitanya.
“Don’t try
to justify anuman mga nagawa mo. Like you, I already had enough. Mao-overload
na utak ko sa kung ano pa ang mga sasabihin mo.”
“Tara na.”
Bahagya
akong nagulat sa pagsulpot ni Arnel sa likod ko.
“Tutunganga
ka na lang diyan? Uuwi na tayo dumbass!”
Aba kung
makautos kala mo siya ang boss. Binatukan ko nga.
“Aray ko!”
Sabay kamot sa parteng tinamaan ko.
Tiningnan ko
si Francis sa huling pagkakataon bago tuluyang nilisan yung lugar. Narinig ko
pa ang pagmamakaawa ni Jie na pakinggan siya ni Francis ngunit isang matunog na
mura lang ang natanggap nito.
Nakaramdam
ako nang pangungulila sa nasirang pagkakaibigan namin. Hiniling ko na sana
panaginip lang ang lahat pero hindi. Tuluyan na ngang winakasan ng pagkakataon
ang masalimuot na story naming dalawa ni Francis.
Umakbay
naman si Arnel sa akin at pilit na ipinaparamdam na hindi niya ako papabayaan.
I felt security and comfort sa gesture niya na iyon. Ninanamnam ko ang
kasalukuyang nararamdaman ng magsalita ito.
“Ginagamit
mo ba ako?”
Bigla kong
nailayo sarili ko sa kanya.
“Ganyan na
rin ba tingin mo sa akin? Geez, magsama-sama kayo!” At tumakbo na ako palayo
rito.
Nakalimutan
kong mas mabilis nga palang tumakbo si Len sa akin kaya naman naabutan niya
agad ako.
“Bitawan mo
ako!” Pagpupumiglas ko sa yakap nito.
“I won’t.”
At walang
pasintabi ako nitong pinaharap at inangkin ang mga labi ko. Sa pagkagitla ay
hindi ako maka-react. Overwhelmed pa rin ako sa mga naganap pero sapat na ang
halik niya para tunawin ang kung ano mang agam-agam na namamahay sa dibdib ko.
Gumanti na rin ako sa mga halik nito.
“Dhen, I
love you!” Sabi nito matapos ang halikan.
“Salamat sa
pagmamahal Len.”
“Wala iyon.
Alam mo namang high school pa lang tayo mahal na kita di ba?”
“Bilang best
friend, oo.”
“Uto!
Nagka-aminan na nga tayo sa resort nung 4th year eh.”
“Huh? Hindi
ko maalala yun ah.” Pagsisinungaling ko.
“You’re
still not good in lying.”
“Ewan ko
sa’yo.”
“Saan mo
gustong umuwi? Sa bahay niyo o sa bahay namin?” Pagbabago nito sa topic.
“Sa bahay
namin siyempre.”
“O sige, uwi
muna tayo sa bahay. Kuha lang ako nang bihisan ko at doon tayo matutulog sa
bahay niyo.”
Hindi na
lang ako tumutol.
Matapos
naming makapunta sa bahay nila, konting paalam at pagkuha nang mga gamit ay
umuwi na kami sa bahay. Diretso nang kuwarto ang drama ni Len dahil napagod daw
ito. Pinabayaan ko na lang.
“Len,
mag-shower ka na muna.”
“Maya na.
Pinagpapawisan pa ako.”
“Ikaw
bahala.”
Tumabi naman
ako sa kanya sa kama. Niyakap niya ako.
“Len,
salamat sa pagtatanggol kanina.”
Nakatingin
lang ito sa akin.
“Narinig ko
yung pag-uusap niyo ni Francis.”
“Ah, ganun
talaga. Mahal kasi kita kaya ayokong may manakit sa’yo.”
“Kasi gusto
mo ikaw lang.” Banat ko.
“Uto!
Magtigil ka nga!” Saway nito.
Natawa naman
kami pareho.
“Dhen?”
“Hmmm?”
“Pa-kiss.”
“Ayaw ko
nga. Nakakarami ka na eh.”
“Gusto mo
naman pakipot ka pa.”
“Pakipot mo
your face.” At hinampas ko ito nang unan.
“Ah gusto mo
pala pillow fight huh, sige pagbibigyan kita.” Gumanti rin ito nang hampas sa
akin.
Nakailang
palitan kami nang hampas ng bigla akong napuruhan at napatumba. Hindi ko na
alam ang mga sumunod pang pangyayari dahil nagdilim ang buong paligid. Hindi ko
rin alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero iisang bagay lang ang
nagpagising sa akin.
“Hayop ka
talaga Len! Mapagsamantala ka!” Pambungad ko sa kanya.
“Eh kasi
naman, napasarap tulog mo eh. Para kang si sleeping beauty. Di ba halik lang
ang magpapagising sa kanya kaya sinubukan ko at hayun nga effective naman.”
“Effective
ka dyan! Ang sabihin mo, nagtake advantage ka.”
“Gusto mo
naman.”
Natahimik
ako. Gusto ko nga rin kasi ang may humahalik sa akin. Madali akong mahulog sa
mga taong humahalik sa labi ko gaya ni Francis at nito ngang si Len.
“See? Hindi
ka na makapagsalita kasi totoo.”
“Uto! Ayoko
nang mga nakaw na halik, mas gusto ko pa rin yung may pasabi.”
Napatango
ito. “Pwede ba kitang halikan? O ayan ah nagpaalam ako.”
Napangiti
ako sa simpleng gesture niya na iyon. Hinablot ko yung shirt niya para
mapalapit sa akin at sinamsam ang mga labi niyang sabik (daw) sa mga labi ko.
----
Dumating ang
weekend, ewan ko kung anong tumakbo sa isip ni Arnel at dumating ito sa bahay
na naka-motor at nakaporma.
“Saan ang
lakad at naka-get up ka?”
“Aakyat sana
ako nang ligaw!”
“Uto! Ligaw
ka dyan. Tumigil ka nga.” Saway ko rito pero deep inside eh kinikilig ako.
“Hi tita!”
Bati nito kay mama nang makita niya ito.
“O Arnel,
pasok ka.”
“Naku hindi
na po. Medyo nagmamadali eh.”
“Mukha nga,
saan ba lakad mo?” Tanong ni mama.
“May
pupuntahan po kasi kami ni Dhen ngayon eh. Di po ba siya nagpasabi?”
Nanlaki mata
ko sa sinabi nito.
“Hindi naman
marunong magpaalam yan eh.”
“Magpaalam
ka kasi.” Sabi sa akin. Gusto ko na talaga itong upakan.
“Oh bakit
hindi ka pa naghahanda riyan? Anong oras na.” Pamumuna ni mama sa akin dahil
hindi pa rin ako makakilos.
Hindi ko man
alam kung saan pupunta pero kailangan ko na lang sakyan trip nitong si gago.
Sinabihan ako ni Len na magdala nang extra na damit kaya yun ginawa ko. Wala
talaga akong idea sa gagawin namin.
Bago lumabas
ay saka pa lang ako nakapagpaalam kay mama. Binigyan naman ako nito nang pera
kalakip ng ilang bilin.
“Hoy gago!
Saan mo na naman ako dadalhin?” Pakikipag-usap ko rito habang nagda-drive siya.
“Basta,
mag-eenjoy ka run promise!”
“Siguraduhin
mo lang dahil kung hindi ibubunton ko sa’yo yung sermon ni mama.”
“Just sit
back and relax. Kapit kang maigi dahil in a few minutes andun na tayo.”
Nahihiwagaan
pa rin ako kung anong tumatakbo sa isip ni Arnel. Alam ko naman na ginagawa
niya ito dahil pareho na kaming malaya pero bakit hindi ko maramdaman ng ganap.
Iba kasi ang alam sa nararamdaman eh.
Patuloy pa
rin ako sa pag-iisip ng mamukhaan ko yung tinatahak naming daan.
“Len papunta
ba tayo nang resort?”
(itutuloy...)
No comments:
Post a Comment