Sunday, January 6, 2013

My Wooden Heart (01-05)

By: Cielitoe
Youtube Channel: www.youtube.com/timclarify
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com

=================================
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, character, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.

[01]
1. Ang taong in love, parang may LBM… ano mang pigil ang gagawin mo lalabas at lalabas din… minsan maamoy pa!

2. Kapag nagmahal ka… para ka lang nagsanla, may interes!

3. Wag ka masyadong seryoso sa pag-ibig… ang mga seryoso sa ICU ang diretso!


4. Masarap daw umibig… parang paborito mong ulam, wag lang sana abutin ng pagkapanis.

5. Ang pag-ibig parang bingo, kahit isang numero na lang ang kulang, minsan natatalo pa!

6. Madaling mauto ang nagmamahal… ingat ka lang kasi nakakasanay.

7. Kapag broken hearted ka, tiisin mo, nag-enjoy ka din naman!

8. Hindi madaling ma-in love, magastos! Magnegosyo ka na lang!

9. Kung hindi ka handang mabaliw, wag ka na lang sumugal sa pag-ibig

10. Ang pag-ibig parang ipis, akala mo patay na… yun pala buhay pa!



Yan ang 10 commandments of love na binuo ko. Marami nga ang nawi-wierduhan dahil never pa naman ako na-in love. Let’s just say, never been kissed, never been touch ang level ko. Late bloomer na nga akong maituturing. I actually just turned 25. Pero kung nagtataka kayo kung paano ko nagawa ang 10 commandments ko… simple lang. Dahil sa mga nakita at napanood kong love stories na lahat eh sa hiwalayan lang din naman ang punta! And just to make things clear… if you are looking for a romantic love story to read, mabuti pang itigil niyo na lang ang pagbabasa… THIS IS NOT A LOVE STORY! Kwento ito ng realidad… kung hindi niyo matanggap, eh di sorry!

By the way, I’m Timothy pero tawagin niyo na lang akong Tim. Now, I work as a writer for a cable TV show. Simple lang ako… hindi ako katulad ng mga nagta-trabaho sa mga network na daig pa ang mga artista kung makaporma. Hindi naman kasi ako lumaki sa magarbong pamumuhay. Sabihin na nating, sakto lang… hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. OFW kasi si Dad kaya kahit papano eh maayos naman kaming namuhay.

When it comes to looks, I’m honest to say that I’m not the “head turner” type. Sapat lang ba! Moreno, katamtaman ang height at katawan, pero ang sabi ng iba konting ayos lang eh matatalbugan ko din ang mga artista sa network namin. Siyempre hindi naman ako naniniwala… alam mo naman sa showbiz, madaming plastic! But one thing that makes me exceptional among others is that I’m comfortable with what I am… kung paano ako manamit, kung ano ang hitsura ko… kung ano ako! By that, many people like me.

And speaking of being comfortable, hindi ko rin ikinahihiya na isa akong gay… not bi! Hindi naman kasi ako kasing ipokrito ng iba na nagkukunwari pang bisexual kahit since nag-out naman sila eh puro lalaki lang ang pinatulan nila. 5 years old pa lang ako ay tanggap na ng mga pamilya kong hindi ako straight na lalake. In fact, they took care of me as if I’m a girl. Alagang alaga lalo na’t bunso ako ng pamilya. Pero hindi rin naman ako diva o drag queen type dahil puro lalake ang mga kapatid ko… I’m the type of gay na astig pa rin kung pumorma… mas gwapo pa nga ata arrive ko sa mga kuya ko!

So that’s all about me… tipikal pero weird… kung hindi niyo ma-gets, wag niyo na ipilit. Mababaliw lang kayo.

Anyways, I grew up in a way that my parents are in control of my life. Mataas ang respeto ko sa kanila kaya naman lahat ng gagawin ko ay iniisip ko muna kung magugustuhan ba nila ito. I can say, very family oriented ang lahat ng bagay tungkol sa akin. Actually, up to now, I live with my mom dahil na rin sa naging dependent ako sa kaniya from washing my own clothes, cooking my food hanggang sa pagbibigay ng payo kung ano ba dapat kong gawin.

With that set-up, madalas ay inaasar ako ng mga kaibigan ko na para na nga daw akong dalaga. Kahit kasi saan kami magpunta ay nagpapaalam muna ako kay Mommy. Maniniwala ba kayo na never pa akong nakapunta sa mga bar para gumimik dahil sa ayokong mag-alala ang nanay ko. Ganoon din ang nangyari sa pagpili ko ng trabaho dahil ayaw nila akong mag-full time sa mga malalaking TV network kaya nagkasya na lang akong mag-home based job at sumulat ng mga script sa isang cable TV show. Pumupunta na lang ako sa office kapag may taping o di kaya may meetings. Manang na manang di ba!

Hindi ko na itatanggi na inosente ako sa maraming bagay. Inosente sa totoong buhay, inosente sa night life, inosente sa pag-ibig… inosente sa sex! Well, technically ay hindi naman 100% innocent but if you think of it, wala talaga akong experience sa mga karanasang dapat na napagdaanan na ng mga nasa edad ko.

But there is one thing na handa akong suwayin ang magulang ko para maranasan ay ang magmahal! Hindi naman ako alien para hindi magwish na masubukang ma-in love kahit minsan lang. In fact, if I’ll die tomorrow, ngayon na ngayon eh hahanap ako ng lalake na makakapagpatibok ng puso ko para lang bago ako ma-tegi e naranasan ko naman yung feeling na may nagmamahal.

Baliw baliwan nga lang ako dahil kahit minsan meron na mga nagpaparamdam, dinedema ko! Ewan ko ba, siguro dahil hindi ako ready. Iniisip ko kasi kung paano ipapakilala sa mga magulang ko… sa mga kuya ko na tingin pa lang eh pumapatay na. Well, siguro naman eh matatanggap din nila eventually kung magdadala ako ng lalake sa bahay… ngayon ko lang nga na-realize… I’m not single because I’m  neither prepared to be committed nor it was a personal choice… single ako hanggang ngayon dahil duwag ako. Takot akong magmahal… takot ako na masaktan… ganun naman kasi ang lovelife ng mga homosexuals di ba? Walang tumatagal, puro panandalian lang… ayoko ng ganun!

Kaya naman heto, I live the life that I know “love exist” but not in my weird and wicked world. Siguro kung ako yung natanong ng question ni Venus Raj sa Miss Universe na if there is one biggest mistake that I ever did in the past… ang isasagot ko, “The bigget mistake that I did in the past is that I believed in Disney movies’ happily ever after endings!”  Hindi naman kasi totoo yun. And I admit… isa akong malaking coffee bean, as in BITTER!

So if you’ll ask me how to live in the life of Tim? Well simple lang. Gigising sa umaga, kakain ng breakfast, magtatrabaho… kakain, ulit trabaho tapos tulog… gising ulit blah blah blah! Ano ba naman kasi magagawa ko? Kahit chatmate nga wala ako? And speaking of chatmate… may nag-PM!

April 12 1:00PM

Jerek:  “TFTA!”

Hala! Sino to? At hindi siya Pinoy kasi sa nasa Singapore siya… In fairness, pang  Asianovela ang hitsura! Maputi, KPOP ang style ng buhok, matangkad, chinito at halatang hindi Pilipino. Jerek Yang ang pangalan from Singapore, 27 years old… bukod dyan wala na kong masagap na info. Lumalabas tuloy ang pagiging stalker ko. Siyempre in spirit of friendliness and goodwill eh sinagot ko din naman ang message niya.

April 12 1:15 PM
Tim: Welcome! I just wonder, do we know each other?

Oh di ba, bukod sa di ko kilala mga ina-add ko sa FB, ang tagal ko pa magcomment back... Eh paano ba naman ginoggle ko pa kung ano yung “TFTA.” Sorry but I don’t chat that often and I hate net terms, nakakahilo! At ayan, sumagot agad si chekwa!



April 12 1:15 PM
Jerek: No, we haven’t met yet but I saw your videos on Youtube. I love your voice. That’s why I searched for you here on Facebook.

Tim: Oh, really? Thanks! I really don’t sing professionally. It’s just my hobby.

Jerek: You should consider singing… you are actually magaling!

Tim: You know how to speak Tagalog? How come?

Jerek: Ahmm, I teach piano lessons here on Singapore. Many of my students are Filipinos and I learn just a little from them.

Tim: Interesting, so what else do you know?

Jerek: Like, maganda ka! and mahal kita!

Tim: You’re good ha! Magaling… I can teach you more next time. But for now I have to go, I'm running late for work. :(

Jerek: Aww… okay! I really hope we could talk more often… I want you… to be my friend!

ABA! Sandali… “I want you!” ka dyan! Haaaaay… hihimatayin ata ako Lord! Hindi na ko magpapaka-plastik pa ha… kinikilig ako! Ang gwapo naman kasi eh. By the way, hobby ko din kasi ang mag-upload ng videos sa Youtube... kanta kanta lang panlabas ng stress.

Sandali... anong isasagot ko? Siyempre pa-Kim Chiu effect muna ko kasi unang beses lang namin mag-usap. Hooy! Tim sagot na dale!


April 12 2:00PM
Tim: Oh sure, we will! I’m glad to meet you:)

Jerek: Me too :) Ok you go now! Wo Ai Ni! Bye!


“Wo ai ni?!” Ano yun? Loko yun ha! Ma-google nga mamaya sa office!


(To be continued)


[02]
     “Kapag nagmahal ka… para ka lang nagsanla, may interes!”


Gaya ng palagi kong ginagawa, pumunta ako sa studio para sa taping ng show namin. Kailangan kasi nila ako para kapag may adjustment o revision sa mga sinulat kong script eh magawan ko agad ng paraan. Habang naglalakad ako at dala ang mga kopya ng script na ipapasa ko eh lutang pa rin ang isip ko. Naalala ko kasi yung ka-chat ko kanina.

“Wo Ai Ni?! Ano kayang ibig sabihin non? Bakit kasi hindi ko sineryoso yung subject naming na international studies! Ang hirap hirap naman kasi pag-aralan languages ng ibang bansa noh!”

Nasa ganun akong pag-iisip ang pagka-usap sa sarili ko ng biglang may bumangga sa akin… Well, actually ako yung bumangga sa kaniya…hehehe!

Hindi ko agad nakita na may tao pala sa harap ko. Habang nakatalikod siya ay dire-direcho naman ako sa paglalakad kaya ayun. Nag-bounce ako pabalik at tumilapon lahat ng papel na dala ko. Haaiiist! Nakakahiya kasi ang akward ng pagbagsak ko. Ang dami pa nakakita! Hindi pa yan ha… pagbagsak ko sa sahig eh pagkamalas malas na natumba din sa harap ko yun nakabanggaan ko! Dahil sa magkahalong inis at pagkapahiya eh wala akong ibang choice kundi magalit-galitan na lang.


“Aray ko!”


“Ayyy… sorry po ma’am!” sagot ng hindi ko pa kilalang lalake.


“Nang-iinis ka ba? Ma’am ka dyan?” singhal ko naman


“Ayyy, sorry po Sir!” sagot niya ulit habang itinatayo niya ako.



Kahit kasi out na out ako eh ayoko pa rin na may tumatawag sa akin na Ma’am, Ate, Miss o kahit na anong pa-girl na pantawag! Masakit kaya sa tenga at parang degrading. Hindi mo alam kung pinupuri ka dahil maganda ka’t mukhang babae o inaasar ka na? Kaya naman una pa lang naming pagkikita ng lalaking ito eh 180 over acting na agad ang blood pressure ko.



“Naku, yung mga script ko… Tignan mo yang ginawa mo!” sumbat ko


“Ano pong ginawa ko eh kayo ang nakabangga sa akin?”



Habang dinadampot ko isa isa ang nagkalat na mga papeles eh tinulungan niya naman ako. Pero patuloy pa rin kami na nagtatalo.



“Eh sandali, sino ka ba?” tanong ko.


“Wesley del Rosario po… OJT!” sabay tayo at inabot ang kamay niya.



Patuloy lang akong nagpupulot at nagkunwaring di ko napansin na gusto niyang makipag- shake hands. Nang hindi ko siya pansinin ay tinulungan niya na lang ulit ako sa pagpulot ng mga script ko hanggang sa nakuha na naming lahat.



“Ma’am este Sir, tulungan ko na po kayong magdala ng gamit niyo.” magalang niyang alok sa akin.


“Wag na, baka kung ano na naman ang mangyaring kamalasan! O siya, tabi na… I’m late! Kainis!”



Pag-akyat ko sa second floor kung saan nandun ang studio naming ay napansin kong sumunod siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil OJT daw namin siya. So, obviously eh pareho kami ng pupuntahan. Business as usual lang pagtuntong ko sa studio. I handed my papers to the director and after he saw it, naghintay na lang ako na tawagin in case na kailanganin nila ako.

I went straight to my office. Though, I spend most of my time working at home, meron din naman akong sariling opisina sa studio namin. Medyo mataas na din naman kasi ang position ko. I’m a head writer now and I work for two TV shows kaya nagdemand na din ako na magkaroon ng opisina. Maliit lang pero pwede na. Yun bang tipong kapag inikot mo ang paningin mo eh yun at yun pa rin ang makikita mo. Hehehe… But at least I have my own office table, chair, locker and my own CR. Respectable place to work at.
Laking gulat ko naman ng pag-upo ko ay sumulpot na naman si Wesley, yung nakabangga ko kanina.



“O anong ginagawa mo dito?” tanong ko


“Ahmm, OJT po ako… trainee for junior writer.” Sagot niya habang nakangiting pilit.



Tignan mo nga naman pag pinagtampuhan ka ng tadhana oh! OJT meaning 300 hours of service, meaning 300 hours ko makakasama tong mokong na to?



“Eh bakit dito ka nagpunta sa opisina. You should have joined them in the studio and observe. Anong matututunan mo dito sa pagtambay. For God sake, don’t you at least have an idea what OJT is all about?” walang hinto kong sinabi.


“Eh, sabi po kasi ni Direk dito daw muna ako para makilala ko kayo, bukas na lang daw ako sasama sa taping habang ino-orient niyo ako.” Sabay kamot sa ulo.



Supalpal na naman ang lola niyo! Siyempre hindi ako pwedeng mapahiya kaya naman inasar ko lalo si loko. Pinagtimpla ko na lang ng kape at pinabili ng breakfast habang ako naman eh dun na sa studio nag stay para mahimasmasan. Ewan ko ba at parang ang bigat asar na asar ako kay Wesley. Wala naman siyang ginagawa sa akin? Basta… para akong babaeng may dalaw na ayaw tantanan ng mood swings. Anyways para maaliw eh nakipagkwentuhan na lang ako sa mga kasamahan ko sa studio.



“Hi Odie!” pagbati ko sa PA namin.



Kung ako eh bading na pa-mhin, si Odie naman ang dyosa ng studio! Daig pa niyan si Bebe Gandanghari kung makapag-ayos. Medyo nakakaloka lang eh prompter at cue cards lang naman ang inaasikaso niya kuntodo make-up with eyelashes pa! Well, I love her that way kasi nakaka-tanggal talaga ng stress. Super bait naman niya sa akin kaya ok na rin kahit masakit talaga sa mata ang mga outfit niya.



“Hey Tim! O kamusta si Boss?” tanong ni Odie.


“Huh? Sinong boss… Eh andyan  sa Direk sa booth ah!” sagot ko.


“Tangek, si Boss… Boss Wesley!”


“Boss Wesley? Wesley… yung OJT?”


“OO bakla ka!”



Para naman akong tinadyakan ni Petrang kabayo ng maalala ko nung nagpakilala siya sa akin… Wesley- Wesley del Rosario daw ang pangalan niya! Shet! Wesley del Rosario as in youngest son our our Big boss Juanito del Rosario! OH MY GOSH!

Bigla akong kinabahan kasi pinagsungitan ko siya’t kung anu- ano ang pinagawa ko imbes na i-orient siya. Naku, baka mawalan ako ng trabaho niyan? Lagot na!



“Hoy! Tim, ano nasan na si Sir Wesley?” sabay tapik sa akin ni Odie.


“Ha? Ahmmm sandali may kailangan pala akong gawin. Sige ha!” palusot ko at mabilis ko agad binalikan ang opisina ko.



Pagdating ko sa opisina ay nakita ko na kararating lang niya. Inutusan ko kasi siyang bumili sa Pancake House na mga ilang metro din ang layo sa studio. Pawisan at mukhang pagod pero nakangiti pa rin siya sa akin. Dali dali naman akong pumasok at sinara ang pinto. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko, anong sasabihin ko o magso-sorry ba ako?



“Ahmm, sir eto na po yung pinapabili niyo. Eto na din po yung sukli.” pagbasag niya sa katahimikan.


“Pawis na pawis ka… you better fix yourself first before we start. You can use my extra towels at the locker.”  dedma na lang ako, kunwari wala akong alam.



Agad naman siyang nagpunta sa CR at inayos ang sarili. Well in fairness gwapo si Wesley. Edad 23, height 5’9”, weight 160 pounds… UP graduate of ComArts, currently taking up his second course, Business Management major in Media and Advertising…  fair skin, parang nangungusap ang kulay dark brown na mga mata, itim na itim ang buhok at mala- Diether Ocampo ang itsura. Wag na kayong magtaka kung bakit alam ko ang mga detalye dahil binabasa ko ngayon ang resume niya… mga eksaherada!

Pagbalik niya galing CR ay inayos ko na ang table ko, may dalawang cups of coffee, dalawang plato at inayos ko na din yung pinabili kong pagkain. Pagkita niya eh parang nagulat naman siya. Hindi niya siguro ineexpect dahil ang sungit ko kanina.



“You may take your seat now!” utos ko. “ So before anything, my important rule whenever I’m in charge to supervise you is that we should eat our meal first. I don’t want you to start working with an empty stomach. Baka hindi ka lang mag-function ng maayos and I hate inefficient staff! Clear?” mataray pa rin ang tono ko.


“Yes Sir…?” putol niyang sagot na tila tinatanong ang aking pangalan.


“You may call me Tim, it’s better that way dahil ayokong tinatawag na sir. Nakakatanda!” sabay ngiti at napatawa din naman siya. “So shall we?”


“Okay!” sagot niya.


“So, ikaw pala si Wesley del Rosario… the son of our big boss? What brings you here? Pwede ka naman sa ABS-CBN or GMA pero bakit dito pa, alam naman ng dad mo na small time lang kami dito. You can learn more things in the big networks.”


“Ah, kasi po…” hindi pa siya tapos e pinutol ko muna ang pagsasalita niya.


“Omit the ‘po,’ you are making me older! Wag ka na mailang dahil dapat nga kami ang magbigay ng respect sa’yo. But since I’m your immediate supervisor, I can’t give you that pleasure… I’ll make your OJT a worthwhile experience!”  sabay singkit ng aking mata na tila nang-aasar.


“Ok! Ganito kasi yun, ang gusto ni dad e ma-familiarize ako sa bawat aspect ng negosyo namin. Since lagi naman ako sa main office, dito niya naman ako inassign. Actually first time ko nga nakarating dito. Cool naman. Medyo bad vibes lang ata first day ko!” sabay ngiti niya.


“By the way, sorry nga pala kanina. I’m just so much in a rush. Di ko din naman kasi alam na ikaw pala si “THE” Wesley del Rosario. Natarayan ata kita. Anyways, di na mauulit unless work related ha! Hindi naman actually nakaka-stress dito sa office, we treat each other like siblings. I call them ate and kuya, I call Direk ‘directed by’ tapos tawag niya sa akin ‘written by’… biruan lang palagi kaya wag ka masyadong formal!”


After namin mag-breakfast ay nagkapalagayan naman kami ng loob. Actually mabait siya! Humble kahit na anak mayaman. He treat us as his superiors kahit na anak siya ng boss namin. Weird nga eh! But just to be professional e junior writer talaga ang trato ko sa kaniya.

And we called it a day. Tapos na naman ang isang araw at uwian na sa wakas. Nauna na umalis sa akin ang lahat kasi may tinapos pa ako sa office. Inayos ko muna at umalis na rin para umuwi. Nilalakad ko lang mula studio hanggang sa sakayan ng taxi kasi mga isang kanto lang naman ang pagitan. Habang naglalakad ako eh biglang may nagbusinang kotse sa likod ko. Sa gulat ko eh para akong estatwa na napahinto sa gitna ng kalsada. Sabay naman na sinigawan ako ng driver ng kotse.



“Tim! Sabay ka na?” si Wesley pala!


“Uyy, ikaw pala boss!” sagot ko.


“Boss ka dyan” bumaba siya ng sasakyan para buksan ang pinto ng kotse niya at sabay nilapitan ako. “Iba ka din noh? Kung kelan nasa labas na tayo ng studio eh tsaka ka pa tatawag ng boss?” sabay tawa.


“Yun na nga, you’re OJT service hours is done kaya ngayon boss na kita!” sabay ganti ko naman ng ngiti sa kaniya.


“Wag na yun! Wesley na lang kasi hindi pa naman ako ang boss niyo. Si dad lang yun!” hinila na niya ko para pasakayin sa kotse. Sa harap na din ako umupo dahil nakakahiya naman kung sa likod. Para lang akong pasahero. Tuloy naman ang kwentuhan namin.


“I insist to call you boss because it’s more proper. Baka may makarinig na Wesley ang tawag ko sa’yo, mawalan naman ako ng trabaho bigla!” seryoso kong sinabi


“Okay if you insist, then I’ll call you boss as well! Deal?”


“Ayoko nga ng may pantawag sa akin… it’s making me feel so old!”


“Then you call me Wesley! I’ll call you Tim… Settled!”


“NO!” sabay taas ko ng kilay.


“Yes!” mabilis naman niyang sinabi.


“Kulit mo din eh noh?”


“Parang ikaw din Boss!”


“Ok fine, Boss!” medyo sarcastic kong sinabi.


“Boss!” pangungulit niya.


“Yes boss!” sabay tawanan lang kami hanggang mahatid niya ako sa bahay.


“Boss, pasensya ka na hindi kita ma-invite sa loob kasi magulo yung bahay. My mom went to the province kaya hindi nakakapag-ayos ng mga gamit. Nakakahiya naman sa’yo.” Sabi ko na may halong hiya .


“Ok lang naman sa akin, hindi din naman maayos yung kotse ko Boss!” sagot niya.



Well, totoo nga naman, kung anong ganda ng kotse niya eh yun din ang gulo nito sa loob. May throw pillows, bag ng damit, mga plastic bottle ng mineral water at may rubber shoes pa… halatang lalakeng lalake!



“Alam mo Boss, parang nagugutom ako?” sabi niya sabay himas sa kaniyang tyan.


“Ah ganun ba? If you want I can treat you dinner… dun na lang sa resto na malapit, I really can’t invite you inside kasi magulo nga!” sabi ko with my face looking confused kung paano ko malulusutan ang halata namang pangungulit ni Wesley!


“Parang gusto ko ng lutong bahay eh!? I can cook if you want!” sabay ngiti niya na parang bata.


“Okay fine… obvious naman yang mga hirit mo Boss! Pasensya ka na kung parang binagyo ang bahay ko.”



So inayos niya na ang parking ng kotse niya at sabay pasok naming sa bahay. Sa totoo lang, I felt weird about his actions. Wala naman sa akin yung magpapasok ng bisitang lalake sa bahay, honestly, it has no meaning to me pero sa isang banda kakaiba kasi yung mga ginagawa ni Wesley. I never expected him to be that low profile. Malayong malayo sa inaasahan ko.

Pagpasok namin sa bahay ay inayos ko muna ang mga kalat sa sala at pinaupo siya.



“Boss, upo ka… pasensya na talaga ha! Wala naman kasi kaming maid para maglinis dito sa bahay.”


“54!” sambit niya.


“54?! Ano yun?” tanong ko…


“54 times ka na humihingi ng pasensya boss… tigilan mo na nga yan! Ok lang ako, baka pag nakita mo yung bahay ko mas magulo pa dito…hehehe!” sabay tawa niya


“Ikaw talaga, so what do you want… coffee, tea, softdrinks?” pag-aalok ko.


“Water lang, I was joking lang naman kanina na nagugutom ako. Curious lang ako kung ano itsura ng bahay mo sa loob! Hehe.”


“Haaay, sabi ko na nga ba! But I insist, you should have dinner here! Pinasok mo na lang din naman ang bahay ko e lubusin mo na.” sarcastic kong sinabi na may halong biro.


“Okay! So what do you have?”


“Pili ka, do you want pasta, pizza or sandwhich?” tanong ko habang naghahanap ng maluluto sa ref.


“You don’t eat rice? Kaya pala payat ka. Joke! Pizza would be fine… hindi rin naman ako kumakain ng rice sa gabi.”


“Okay, dinner will be served in 15 minutes… just suit yourself! You can open the TV if you like.”



Pagkatapos ko i-prepare ang pizza (well, instant dough lang ang gamit ko dahil ang totoo hindi ako marunong magluto), ay inayos ko na ang lamesa. Pinaupo ko si Wesley at kumain na kami at pinagpatuloy ang aming kwentuhan.



“You told a while ago na you live with your mom?” tanong ni Wesley.


“Ah, oo kasi bunso ako and all of my Kuya have their own family na. Kaya eto ako na lang ang single, ako na lang din ang kasama ng parents ko. My Dad works abroad kaya kami lang dalawa ni Mom dito. She just have to do something sa province. May mga farm land kasi kami dun na inaasikaso niya.”


“I hope you don’t mind me asking… well, do they know that you are…?” pabitin niyang tanong.


“…That I’m gay? Haha! OO naman! I actually find it weird. Wala naman kasi kaming open up thingy. Basta bata palang ako ganito na ko. I just don’t go over the boundaries dahil puro nga lalaki kapatid ko, I respect them kaya I don’t do silly things like cross dress or something. Nakakahiya din kasi!” paliwanag ko.


“You know, I like you! Astig ka kasi boss! Kanina nga na-intimidate ako sa’yo kasi you sound very professional… Ui, wag mo kong papabayaan sa office ha! Kapag pumalpak kasi ako baka papuntahin akong States, ayoko dun!” tuloy lang ang kain niya habang nagsasalita


“Nakakatawa ka talaga… ako astig? That’s the least word I can associate to myself! Hahahaha!” tawa lang kami ng tawa hanggang sa matapos kami kumain.



Mukhang nagustuhan niya naman ang experiment ko na pizza. Halos maubos nga namin. Agad din naman siya nagpaalam na aalis na kaya inihatid ko siya sa gate.



“Paano boss, kita tayo bukas sa studio!” pagpapalam niya.


“Ayy, I forgot to tell you Boss… I don’t go to the office everyday. Home based lang kasi ako. I just go there during tapings.” paliwanag ko.


“Well, now that I’m your OJT and same time your Boss, I command you to train me everyday sa studio. Sige na, 300 hours lang naman. Ikaw pa lang kasi ang ka-close ko at yung iba kasi parang wala naman time para turuan ako, busy sila lahat. At least ikaw, after you finish your scripts pwede mo na ko tulungan. Please!!!” sabay hawak sa kamay ko na parang nangungulit na bata.


“Eh ano pa nga ba magagawa ko! I have to follow the big boss’ son’s orders! Sige! See you tomorrow!”


“YES!!! Sunduin na lang kita kasi dyan lang naman ako nakatira…” sabay turo niya sa kabilang subdivision.


“HUH? Saan?” tanong ko na may halong pagkagulat.


“Dyan sa Timberland subdivision. I have my own town house kasi ayoko sa bahay ni Dad. I want a peaceful place.”



Wala na nga akong nagawa pa… Pumayag na lang ako sa hiling niya. Umalis na din si Wesley pagkatapos niya akong mapa-OO… OO as in tungkol sa trabaho, wag kayong echosera! We’re just friends… Charot! Pero cute niya talaga ha! Hahaha… I just trash down the idea na magkakagustuhan kami dahil ‘hello!’ anak siya ng big boss ng company namin. Hindi naman ako ganon ka ambisyosa.

So I fixed the house, fixed myself and get ready for bed. May susundo kasi sa akin ng maaga kaya hindi pwedeng magpuyat… Pero pagkaupo ko sa kama, bigla ko na naman naalala yung ka-chat ko nung umaga… Yup, si Jerek! Kinuha ko agad ang laptop ko at nag-internet… Ano nga pala yung sinabi niya kanina? “Wa…Wo… WO AI NI!”

I checked on google and look for the English translation. “Wo Ai Ni… in English… I LOVE YOU?”
Meganon!?

(Itutuloy)


[03]
    “Madaling mauto ang nagmamahal… ingat ka lang kasi nakakasanay.”


“Wo Ai Ni… in English… I Love You?”


Meganon!?

Ano naman kayang pumasok sa isip nong si chekwa at sinabihan ako ng I love you kanina? Mahirap na talaga siguro ang panahon ngayon at pati eyesight ng mga taga-Singapore eh naapektuhan? Sa dinami dami pa naman ng tao e sa akin pa mahuhumaling si Jerek? Well… hayaan mo na nga… sabi nga nila, walang basagan ng trip!

Nasa ganon akong pag-iisip nang bigla naman may nag-send sa akin ng PM (personal message). Aba! Speaking of the super hot devil, si Jerek pala to! Online si loko… nakaramdam ata?


April 12 9:00PM

JEREK: Hi Tim, I just wanted to say goodnight

ME: Oh! Likewise… do you mind me asking you something?


Siyempre naman hindi na ko nakapagpigil pa. Hindi kasi ako yung tipong paliguy ligoy pa. Gusto ko straight to the point! Ganun din naman yun di ba? Kaya naman tinanong ko na si Jerek kung ano beh?


APRIL 12 9:02PM

JEREK: Nope! What is it dear?

ME: What do you mean when you told me ‘wo ai ni’ this morning?

JEREK: Ahmmm that!? Are you mad?

ME: Hmm, how can I be mad with something that I don’t know… so tell me, what do you mean about it?

JEREK: Well, I like you! I hope we could be really close. But if you prefer us to be friends for the mean time, it’s fine with me.


WAAAHHH! Haba naman bigla ng hair ko! Ingat lang mga kapatid, baka maapakan niyo! Lord, ito na ba ang bunga ng paghihintay ko ng 25 super duper long years? Kung magkaganun man… deserve ko to! DESERVE na DESERVE ko to! Siyempre pinagpatuloy ko ang paglalandi este pakikipag usap kay Papa Jerek.


April 12 9:20 PM

ME: Umm… I think it’s better for us to know each other first. Like, we’ve just known each other a few hours ago.

JEREK: Me too… I’m not in a rush! I want us to be friends and get to know more about you. Btw, is your video call settings on?

ME: Yes?! Why?


Aba si mokong, kakasagot ko pa lang eh biglang tumawag… Thanks to the power of technology at pagsasanib pwersa ng FB at Skype! LOL… Endorsement lang? Well, so eto na… This is it! Makikita ko na kung totoo bang tao itong si Jerek Yang na to. Bilis!!! At pinindot ko na nga ang answer button. In fairness… bongga pala tong video call service ng internet ha!

Lumabas na nga ang maliit na window sa monitor ng laptop. Medyo madilim noong una hanggang sa lumiwanag at unti-unti ko syang nakita. Ganon din naman ang itsura niya katulad sa kaniyang profile picture. Mukhang K-POP star, singkit at mapungay ang mata, maputi, mapula ang labi at rosy din ang pisngi. Kung hindi nga siya gumagalaw eh aakalain mong anime lang. Hehehehe! Pero cute talaga siya!

Agad ko din naman binuksan ang webcam ko. Buti na lang kakaligo ko lang at mukhang fresh ang beauty ko. LOL! At nagsimula na nga kaming mag-usap.



“Hi!” pagbungad ko.

“Hello! You look lovely on camera.” Sagot naman niya na mukhang nahihiya pa.

“Oh stop it, I know you’re just being nice!”

“No… I’m not giving you compliments, I’m stating a fact!” seryoso niyang sagot.

“Well, thank you!” at binigyan ko naman siya ng bonggang bonggang ngiti. “By the way, how come you’re very good in English?” pahabol ko.

“Actually, I grew up in the States. But when my dad died I have to move back here in Singapore to live with my mom.”

“Oh I see… sorry about that!”


At matagal tagal din kaming nakapag-kwentuhan. Nalaman ko na marami kaming pagkakapareho ni Jerek. We’re both youngest in the family. Kasama niya din ang mama niya sa bahay at bukod siyan pareho din kaming mahilig sa music. Sinampolan niya pa nga ko ng isang Chinese na kanta. Hindi ko man naintindihan eh ok naman ang boses niya. Lalaking lalaki ang tunog kaya naman kinilig din ako! Aba, si loko pina-sample din ako. Bilang first time namin mag-usap eh pinagbigyan ko na din siya. Kinantahan ko siya ng Para Sa’Yo ni Manny Pacquiao… weird noh? Eh sa yun yung unang pumasok sa isip ko. Gantihan lang kasi naman hindi ko naintindihan kanta niya… e di pahirapan ko din siyang umintindi ng Tagalog… Hahaha!


In general, ok naman ang naging pag-uusap namin. I thought he’s nice. Very friendly and polite, mukha din naman sincere siya. But of course, I didn’t gave him false hope or whatever. Naisip ko din naman kasing imposible yung sinasabi niya. Wala sa plano kong makipag-long distance relationship. But in spirit of hospitality and friendliness eh kinaibigan ko na din si Jerek.

Mga bandang alas onse ng gabi ng nagpaalaman kami. Naalala ko kasing papasok na ako sa opisina araw araw para i-train si Wesley. I then turned on my alarm clock para magising ako on time at direcho na sa pagtulog.

Kinaumagahan, mga 5AM, nagising ako para magprepare sa pagpasok. Medyo late na kasi matagal akong maligo at mag-ayos ng sarili kaya naman hindi na ako kumain ng breakfast. Nakakahiya naman kasi kung sakaling dumating nga si Boss Wesley gaya ng sinabi niya kagabi. So, I fixed myself as fast as I could. By 6:30 prepared na ako… actually, iniisip ko na mauna na lang sa pagpasok pero saktong paglabas ko ng pinto ay may bumusinang kotse sa harap ng bahay… KORAK! Si Boss Wesley nga!


“ Sakay na!” sigaw niya.

“Sino ka, si Ate Shawie… Super Ferry lang?” biro ko naman.

“Ikaw talaga… ang dami mong baon na joke!” sabay ngiti niya sa akin… o baka assuming lang ako?


At agad na nga akong sumakay sa kotse niya. Ewan ko lang kung may ibig sabihin ang lahat pero parang talagang pinaghandaan niya ang pagsundo sa akin. May dalawang French vanilla coffe sa cup holder niya plus may cinnamon bread sticks pa. Agad naman niya inalok yun sa akin at tuloy lang ang biyahe namin.

Ayos naman ang lahat. Astig nga sounds ng oto niya na hindi ko napansin noong gabi. Hindi naman kasi siya nagbukas ng music last night… well, bet ko yung mga choices niya ha! Jason Mraz, Amy Winehouse, Fiona Apple, John Mayer… mga paborito ko kaya naman napapakanta din ako. Napansin niya naman na napapasabay ako sa tugtog kaya bigla niyang pinatay at tumingin sa akin habang nakangisi.


“Oh bakit ganyan tingin mo sa akin boss?” tanong ko.

“Galing mo palang kumanta ha… ikaw na lang music ko!”

“Baliwag ka talaga… on mo na lang Boss!” palusot ko dahil sa medyo nahihiya na ko.

“Sige na boss… mas maganda boses mo eh!” pangugulit niya.

“Eiee… nahihiya ako! Sige na ako na magbubukas…!”


Habang akmang ibubukas ko ang audio set niya eh nagkasabay ang mga kamay namin. Very teleserye-like pero yun ang nangyari eh! Parang eksena sa mga pelikula… hindi ko nga ma-take! Kaya binawi ko na lang ang kamay ko at iniba ang topic.


“So… mahilig ka pala sa mga jazz type na music?” habang nakatingin ako sa labas ng salamin ng kotse.

“Medyo!” tuloy lang siya sa pagda-drive ng sasakyan.


Bigla na lang kaming natahimik hanggang sa makarating kami sa studio. Business as usual. Tinuruan ko siya ng mga pasikot sikot sa operations namin from taping hanggang editing. Mga bandang hapon naman ay inutusan ako ni Direk na pumuntang recording studio sa ground floor para kunin ang sound clips na kakailanganin for editing. Hinahanap ko si Wesley that time para masama siya at matuloy namin ang kaniyang training pero dahil sa hindi ko siya makita ay tumuloy na lang ako mag-isa.

Pagbaba ko sa recording booth ay madilim. Ako na lang ang nagbukas ng ilaw para hanapin ang pinapakuha sa aking CD ni direk. Laking gulat ko naman ng pagbukas ko ng ilaw ay nakaupo sa loob si Wesley.


“Ayyy gagamba!!! Ano ba yan Boss… ikaw lang pala yan!” gulat kong nasabi.

“Hahaha… OA ka naman maka-react! Para kang nakakita ng multo!” hindi niya naman mapigil ang pagtawa sa naging reaksyon ko.

“Kapag nagulat multo agad? Hindi ba pwedeng magnanakaw muna? Eh ano nga palang ginagawa mo dito? Hinahanap kita kanina!”

“Ah… eh… inayos ko yung recording booth, meron kasing magrerecording ngayon.” Paliwanag niya

“I see, sino?” pag-usisa ko.

“Ikaw!” mabilis niyang sinabi.

“HA! Ikaw boss puro ka biro… Oh sige akyat na ko! Galingan mo dyan!”


Paalis na dapat ako ng hawakan niya ang aking kamay at pilit na hinila papasok ng booth. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak na parang nakakapanghina. Mainit ang kaniyang palad kahit na todo ang bukas ng aircon. Malambot din ito dahil na nga siguro anak mayaman.


“Ui, boss ano ba talaga to?” tanong ko kay Wesley na may halong pagkalito kung ano ba talaga ang nangyayari.

“Well, dahil sa hindi mo ko pinagbigyan kanina sa kotse eh dito mo na lang ako kakantahan… ok!”

“Hindi ok! I have work to do… Actually, we have work to do!” palusot ko.


Sinubukan ko ulit mag-walk out nang bigla niya akong hinila at napatumba. Awkward moment na naman dahil sa nasalo niya ako na para ba kaming nagsasayaw ng tango. Agad din naman niya akong itinayo.


“Ayan kasi, pagbigyan mo na ko boss!” pangungulit ni Wesley.

“Haaay naku, spoiled brat ka talaga boss… oh siya para matapos na to… GO! Bilisan lang natin at hinihintay ako ni Direk!” sambit ko naman na may halong konting inis.

“Yehey!!! Ano bang gusto mong kantahin boss?” tanong niya.

“Kahit ano… bilisan lang natin.”


Nagulat din ako kay Wesley that time dahil ang dami niya palang alam! Sabagay, tapos na nga pala siya ng Communication at second course niya na ang pinag-aaralan ngayon. That time, he entered the control room at sinenyasan ako na sisimulan na namin ang recording. Siya na ang pinapili ko ng kanta. Medyo madami din naman akong alam kaya keri lang. He chose the song “I’ll be” by Edwin McCain. Dahil sa kabisado ko naman eh tuloy lang ang pagkanta ko.




“Oh ayan, happy ka na ba boss?” tanong ko na medyo mataas ang tono ng boses.

“Oo naman… galing mo pala talaga Boss! All around!” Para siyang bata na nakakuha ng premyo sa paboritong chichirya.


Dali dali naman akong umakyat sa 2nd floor at iniwan si Wesley sa recording studio habang nagmi-mix pa siya ng nirecord naming kanta. Pagkatapos kung ibigay kay Direk ang CD, laking gulat ko ng hilahin ako ni Odie sa aking opisina.



“Oh Odie… bakit te? Para kang baklang di mapakali dyan…” tanong ko.

“Saan ka galing dengs !? Bakit ang tagal mo?” pag-usisa niya.

“Sa baba, sa recording… bakit?”

“Eh bakit ang tagal mo? Anong ginawa mo? Sinong kasama mo? May nangyari ba?” tuloy tuloy niyang tinanong sa akin…

“Ano to Odz, THE BUZZ?... Tell all interview ang peg.  Well, nagpunta po ako dun para kunin yung pinakisuyo ni Direk. Kasama ko si Boss Wesley, at si mokong pinilit akong magrecording kaya napasabak ako sa kantahan! Ok? Malinaw na ba? Eh sandali ano bang meron?” tanong ko rin sa kaniya!

“Sigurado ka bang mic lang sa booth ang ginamit mo? Wala nang iba?” panunukso niya

“Gagsy! Are you trying to insinuate something?”

“Hoy ikaw Tim, atin atin na lang to pero ingat ka dyan kay Boss Wesley… balita ko, may pagka-loko loko yan. Kwento kasi ng friend ko sa main office, madalas yan makipag-close sa mga empleyado na sa tingin niya eh ikaaasar ng papa niya. Rebelde daw kasi yan kaya nanggagamit siya ng mga tao na para mabwiset si Big Boss!” pabulong na kwento ni Odie.


Panandalian akong natahimik habang nag-iisip ng sasabihin. Aminin kong nagulat ako sa sinabi ni Odie. May halong inis din dahil sa posibilidad na baka mabiktima ako ni Wesley. But I remained calm.



“ Well… if that’s the case, sorry siya te! Hindi ko siya bet! Tsaka, purely professional ang samahan namin. Nothing to worry about! Thanks sa warning ha!” pagmamatigas ko.


Nasa ganon kaming kwentuhan ng bigla namang pumasok sa office si Wesley. Umarte naman kami ni Odie na parang wala lang. Nginitian ko naman si Wesley trying to be as normal as I can matapos ng mga nalaman ko.

Lumabas na si Odie ng opisina habang ako naman eh umupo na sa table ko. Si Wesley naman ay umupo na rin sa mini sofa na pinalagay ko sa office habang ngumingiti ngiti at ipinapakita sa akin ang CD ng nirecord namin.

Tahimik lang ako… nag-iisip. Kahit na sinabi ko kay Odie na wala siyang dapat ikabahala, hindi ko naman maiwasang isipin kung ano nga ba ang tumatakbo sa utak ni Wesley? Paano kung totoo nga na balak niya kong gamitin para sa personal niyang interes?

(Itutuloy)


[04]
“Ang taong in love, parang may LBM… ano mang pigil ang gagawin mo lalabas at lalabas din… minsan maamoy pa!”


Tahimik lang ako… nag-iisip. Kahit na sinabi ko kay Odie na wala siyang dapat ikabahala, hindi ko naman maiwasang isipin kung ano nga ba ang tumatakbo sa utak ni Wesley? Paano kung totoo nga na balak niya kong gamitin para sa personal niyang interes?

Kahit na may mga narinig akong chismis tungkol kay Boss Wesley, hindi ko pinansin ang mga iyon. Sa tingin ko kasi ay lalo lang makahalata yung tao kung biglang magbabago ang pakikitungo ko sa kanya. Besides, harmless pa naman siya ngayon kaya hangga’t wala naman siyang ginagawa ay hindi ako dapat mabahala di ba!?

Lumipas ang mga araw na normal lang ang lahat. Madalas ay sinusundo pa rin ako ni Wesley sa bahay sa umaga at hinahatid naman sa gabi. Wala namang malisya dahil on the way nga lang ang bahay ko sa tinitirhan niya. May mga bulong-bulungan na sa opisina pero hindi ko pinapansin yun. Minsan ay nasabihan na din ako ni Odie na para daw akong manhid sa pinapakita ni Boss Wesley. Eh sa wala naman talagang kahulugan sa akin ang mga yun… at dahil diyan, pinangalanan nila akong si Wooden Heart na para naman trending sa twitter. All of a sudden yun na ang tawag ng lahat ng crew at staff sa akin.

Tuloy tuloy din naman ang communication namin ng cyber suitor ko na si Jerek. Yun ang may malisya para sa akin! Hehehe! Well, hindi naman sa tinotodo ko ang pagpapakadalaga ko pero iba na rin yung may nagpapangiti hindi ba? Kahit papano kasi ay nagugustuhan ko na din siya. Mabait naman kasi yung tao at super sweet kapag nagkakausap kami. Minsan kapag wala akong time para makipag chat o skype sa kaniya eh pinapadalhan niya ako ng email. Eto pa ha! One time, I challenge him to write a letter for me and send it by snail mail. Aba! Kumagat nga si loko… oh davah! A for A-ffort!

So ayun ang set-up, para akong doble kara. Nagpapaka-manhid sa taong kaharap ko habang inuuto ko naman ang sarili sa lalakeng sa internet ko lang nakikita. Baliw noh? But that’s me. I’d rather do that, at least kapag nasaktan man ako eh alam kong ako ang may kasalanan at hindi kagagawan ng ibang tao.

From his 300 hours of OJT service, 150 na lang ang bubunuin ni Wesley. Ganun pa rin naman ang lahat. Aaminin ko na hanggang ngayon ay lutang na lutang ang kakaiba niyang pakitungo sa akin compared sa mga kasamahan namin. Pero bilang Wooden Heart ang peg ko eh binaliwala ko lahat… One morning, sinundo ako ni Boss sa bahay. Casual lang! Binati ko siya ng good morning… nandun pa rin ang French Vanilla coffee at cinnamon bars at ang nakakalokong ngiti niya sa akin. Siyempre, nagkunwari naman akong wala lang ang lahat, sa halip ay nagpasalamat na lang ako.

While he’s driving, binuksan niya ang sounds ng oto niya. FM lang kaya nagulat ako. Hindi naman siya nakikinig ng radio dahil laging CD ang sinasalang niya. Pagkatapos niyang mamili ng radio station ay patuloy lang siya sa pag-drive at hindi umumik. Dedma naman ako sa kakaiba niyang actions… not until nagsalita ang DJ…


“Magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang umaga mga listeners! Isang nakakaloka, nakakawindang at nakakakilig na morning na naman ang ating pagsasamahan… Naku, tambak ang mga request mula sa ating mga avid followers! At hindi na natin patatagalin pa ha! For the very first time ay may ligawan na magaganap sa atin dito sa 92.9 Radyo Mo To! And to cut it short heto ang song na dine-dedicate ng listener natin na si Wesley from Rizal para sa kaniyang iniirog… sana daw ay mapansin mo naman kaniyang effort!... wag na nating patagalin pa… here we go!” energetic na spiel ng DJ.




Matapos ang hyper na hyper na DJ ay sumunod na ang song request ng listener na hindi ko na pinansin kung sino… medyo lutang pa kasi isip ko kaya hindi ko pinapakinggan ng mabuti ang mga pinagsasabi ng DJ. Tila naman ako si Snow White na hinalikan ng prinsipe at nagising ng marinig ko ang kanta sa radio… “Anak ng…” sabi ko sa sarili.

Kanta ko ang pinatugtog ng DJ. And kantang ni-record namin ni Wesley. Bakit???

Magkahalong lito at kaba ang naramdaman ko noong oras na yun. Mga ilang segundo akong natahimik. Naramdaman ko na lang na huminto ang sasakyan. That time, para akong nagbalik sa katawang tao ko at nagising ang diwa. Wala na si Wesley sa tabi ko at naramdaman kong binuksan niya ang pinto ng sasakyan kung saan ako nakaupo. Pagtingin ko sa aking gilid ay nasa tapat kami ng isang bahay… hindi naman kalakihan pero halatang pangmayaman dahil sa ganda ng fascade nito.



“Tara na.” pag-anyaya ni Wesley habang nakangiti sa akin.



Dahil sa naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari ay sinunod ko na lang siya at bumaba ng kotse. Inalalayan naman niya ako papasok ng bahay. Parang baliw lang noh? Ilang minuto ako sa loob ng kotse na tulala at narating namin ang lugar ng wala akong kamalay-malay. Pero para malinaw lang, hindi ako nagda-drugs ha!



“Nasaan tayo?" tanong ko.


“Sa bahay ko.” sagot niya.


“Sandali lang, bakit tayo nandito? May pasok tayo today… We can’t be late! Halika na!” sabay talikod ko dahil alam kong may something sa mga kinikilos niya.



Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito hanggang sa mapaharap muli ako sa kaniya. Ewan ko ba kung anong magic meron ang kamay na yun. Hindi kaya may lahing stunt man si Wesley kaya napakalakas ng muscles niya? Anyways, hindi na nga ako nakapag-walk out pa kaya naman dineretso ko na sya.



“Boss, hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin… nakatira ka ba ng drugs o ano? Pero gusto ko lang linawin na kung ano man ang trip mo eh wag mo na ko isali. I’m a busy person and I have to go!” nagtaas ako ng tono habang sinasabi yun.



Aktong aalis na ako at tutungo sa pinto ng bigla siyang sumigaw.



“TIMOTHY CABRERA! I command you to stay! Boss mo ko at may karapatan akong utusan ka! Malinaw?” pasigaw niyang sinabi.



Nakatalikod na ako that time at sa gulat ay hindi na nakagalaw pa. Lumapit siya sa akin at inikot ang aking katawan paharap sa kaniya. Diretso ang tingin niya sa aking mata. Seryoso na tila gustong pasukin ang isipan ko. Ako naman ay pilit na nilalabanan ang magkahalong kaba at kilig na nararamdaman ko. Hindi naman ako bato para hindi malaman na gustong maglevel up ni Wesley noh! Sinubukan kong tumingin sa gilid pero hinawakan na ni Wesley ang magkabila kong pisngi…


Tahimik.




“Ano ba kasing….” hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan. Actually, gusto ko man i-explain eh hindi ko din maintindihan! First kiss ko kasi naman yun… intindihin niyo naman na wala akong idea kung mainit, wet, dry o kung ano man ang paghalik niya sa akin. Basta matagal! Hahaha… Pagkatapos ng halikan portion eh tinitigan na naman niya ako muli sa mata.




“Boss! Malinaw na ba?” tanong niya.


“Ang ano?” sinagot ko naman siya ng tanong din.



Ewan ko ba kung ano talaga nakain ni Wesley at hinalikan ulit ako. That time, naramdaman ko na! masarap pala…LOL! Malambot yung labi niya at mainit init ang feeling. Well, noong una eh sinubukan ko syang itulak kaso nga lang ay nakahawak siya sa batok ko. Hard naman di ba! Kaya go na lang… mauubusan din naman ng hininga yan sa isip isip ko lang. Muli na naman siyang tumigil at nagsalita.



“Ano Boss hindi mo pa din ba gets?” muli niyang tanong sa akin…


“Ano nga?” sagot ko ulit.



Muli na naman niyang hinawakan ang pisngi ko nang buong lakas kong kinalas ang pagkakahawak niya sa akin.



“Hoy, Mr. Wesley del Rosario… unang una, kidnapping tong ginagawa mo dahil dinala mo ako sa bahay mo ng wala akong pahintulot. Pangalawa, makaka-3 points ka na kaya technical foul na yan!.. AT PANGATLO, kung ano man yang gusto mong palabasin eh tantanan mo na! I heard a lot of things about you and I don’t wish to be part of your game! Malinaw… kung ayaw mo sumama papuntang opisina eh mag-isa na lang akong papasok!” tuloy tuloy kong sinabi na may halong pagtataray.



Sa totoo lang ay kinakabahan ako noong sinasabi ko yun. Siyempre, anak pa rin siya ng may-ari ng kompanya kaya pumasok pa rin sa isip ko na dapat ay igalang siya. Pero siguro kahit sino man ang nasa kalagayan ko eh ganun din ang mararamdaman.


Tahimik lang siya habang nagsasalita ako. Hindi ko na pinansin kung ano pa ang reaksyon niya basta tuloy tuloy lang ako na umalis hanggang sa marinig ko na sumunod siya sa akin. Magkasabay pa rin kaming pumasok pero hindi kami nag-iimikan the whole time.


Naging malinaw na sa akin na may meaning lahat ng pagiging mabait at caring niya. Ang hindi lang malinaw ay kung malinis ba ang intensyon niya o may hidden agenda siya gaya ng kwento ni Odie.


Nang mga sumunod na araw ay mas maaga akong umaalis sa bahay, hindi ko na hinihintay ang oras na dumating si Wesley para maiwasan ko na maka-encounter pa siya. In fairness ay sweet pa din siya sa akin. He still brings me coffee and cinnamon bread every morning. Pinipilit pa rin niya akong sumabay sa kaniya pauwi at lagi siyang may note na iniiwan sa office. Nandyan yung nagso-sorry siya sa ginawa niya... promise daw na hindi na mauulit at gagawin daw ang lahat basta maging ok lang kami.


Pinilit kong lumayo sa kaniya. Pinilit kong iwasan siya pati na ang masagi siya sa isip ko. I tried to keep my wooden heart as hard as it is. Lagi kong sinasabi sa sarili na ayokong masaktan. Mas mabuti na iwasan si Wesley at magkasamaan kami ng loob kaysa ako yung talo sa huli… Pero parang totoo yung sinabi nila, “The more you hate, the more you love!”


Mga isang lingo kong hindi inimik si Wesley. Hindi ako kumakagat sa mga pag-aalok niya na sumabay sa kaniya. Pero napapansin kong kasunod ng taxi na sinasakyan ko ang kotse niya… everyday! ANO BA TALAGA!!! Lord, sumpa ba to?! Kinikilig kasi ako!


Sa mga panahong yun, si Jerek ang nakakausap ko. Though alam kong gusto ako ni Jerek ay naging open ako sa kaniya tungkol sa mga nararamdaman ko. Doon ko napatunayan ang sincerity niya. Ang payo kasi niya sa akin ay sundin kung ano ang nararamdaman ko.


April 30 9:35 PM

ME: Jerek, I’m sorry!

JEREK: Sorry for what?

ME: Sorry because I can’t force myself to return your kindness… your love for me.

JEREK: It’s fine… we’re friends right? That’s what friends are for! But can I ask you a favor?

ME: What? Anything!

JEREK: Tim, please don’t let me stop loving you.

ME: But you deserve to be happy

JEREK: It’s you who makes me happy… I’m happy whenever you chat and you share your thoughts to me. That is why I advice you to follow your heart because I believe that if you truly love a person, you’ll set him free and find his happiness.

ME: Thank you very much Jerek.  You are one of the most special guy I met!



Naluluha naman ako dun! Kung pwede lang ipasa-load ang nararamdaman ng puso eh kay Jerek ko na nilipat ang nararamdaman ko para kay Wesley! Pero ano ba talaga ang nararamdaman ko kay mokong? Susundin ko ba ang payo sa akin? Will I give him a chance? Sandali… MAY NAGTEXT!


Hala! Si Wesley…



“Boss, nandito ako sa labas ng bahay mo… kapag hindi ka lumabas, kakatok ako para manligaw sa nanay mo!” sabi niya sa text.



Aba! Tignan mo tong lokong to… idadamay pa si Mommy. Baka magka-world war 3!..


(ITUTULOY)


[05]
"Kung hindi ka handang mabaliw, wag ka na lang sumugal sa pag-ibig"


MAY NAGTEXT!


Hala! Si Wesley…



“Boss, nandito ako sa labas ng bahay mo… kapag hindi ka lumabas, kakatok ako para manligaw sa nanay mo!” sabi niya sa text.



Aba! Tignan mo tong lokong to… idadamay pa si Mommy. Baka magka-world war 3!..


Sa takot ko na pati si Mommy eh madamay sa mga happenings ng buhay ko ay agad kong nilabas si Wesley. Dalawang bagay kasi ang iniiwasan ko dyan. Una, ang magiskandalo si Wesley at pangalawa ang mag-iskandalo ang nanay ko.


You have no idea what my mom could do! Ewan ko ba kung kalahi namin si Gabriela Silang o ano pero sobrang tapang ni Mommy. One time, dumating ang panganay kong kuya na may dalang babae at ipinaalam sa kaniya na buntis na ang hitad… aba si mudak eh nahabol yung dalawa ng itak! Ganun kalupit si Mommy kaya iwas na iwas akong mag-akyat ng gulo sa bahay. Siguro naman gets niyo na kung bakit hanggang ngayon eh single pa ko?


So ayun na nga, lumabas ako ng bahay at nagpaalam kay Mom na may bibilhin lang. Sa tapat pa lang ng gate ay nandun na si mokong. Mukhang lasing na ewan kaya naman parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hinila ko sya papasok ng kotse niya at dun kami nag-usap.



“TIM, please naman!..” pagmamakaawa niya.


“Please sa ano? Boss, Mr. del Rosario, itulog mo na yan. Lasing ka lang.” mabilis kong sagot.


“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako napapatawad. Hangga’t hindi tayo nagiging okay. Please naman.” Noong pagkakataong yun ay hinawakan niya ang magkabila kong kamay at patuloy ang pangungulit.


“Boss, okay na… sige! Basta umuwi ka na at bukas na lang tayo mag-usap.” Yun na lang ang nasabi ko para maiwasan ang gulo. Pero hindi ko inaasahang bigla na lang niya ako hinila at pilit na namang hinalikan. Halatang wala siya sa sarili dahil iba ang paghalik niya compared noong una. Para siyang nababaliw na ewan. Sa pagkagulat ko ay bigla ko siyang nasampal.


“Mr. del Rosario, lasing ka lang! Umuwi ka na.” sabay labas ko ng kaniyang kotse. In fairness, nakaka-artista yung eksena namin ha! Never pa akong nakasampal ng kahit na sino kaya naman nabigla din ako. Parang eksena sa teleserye… award winning! But kidding aside, hindi ko sinasadya ang nangyari. May guilt din akong naramdaman at takot na baka kung anong gawin ni Wesley. Lasing pa naman yung tao.



Paglabas ko ng pinto ng kaniyang kotse ay sumunod naman si Wesley. Pero eto ang nakakaloka… Saktong palapit sa akin si mokong eh lumabas naman ng gate si Mommy… Patay kang bata ka! Bisto! Tahimik lang ako at nakiramdam sa kung anong magiging reaksyon ni Mom.


Noong una ay tahimik lang din si Mommy hanggang sa nilapitan niya ako.




“May bisita ka pala?” pagbasag niya sa katahimikan.


“Ahh, Ma! Si Boss Wesley po, napadaan lang siya. Siya po kine-kwento kong tine-train ko ngayon.” Sagot ko.


“Magandang gabi po Ma’am.” Magalang niyang pagbati pero halatang wala siya sa katinuan dahil sa kalasingan.


“Good evening din Sir, bakit hindi muna kayo pumasok at mukhang nakainom po yata kayo? Magkape muna tayo.” alok ni Mommy.



At that moment, I know Mom is up to something. Iba kasi mga tingin niya sa akin. Alam na alam ko ang mga titig niyang yun at tono ng boses niya na parang hindi naman sincere ang mga sinasabi. Haaaiist!


Ano kaya naman ang palabas nito?


Pagpasok naming tatlo ay agad pinaupo ni Mommy sa sala si Wesley. Ako naman ay padiretso na sana sa kwarto ko ng pigilan ako ni Mom.




“Oh, Tim anak, may bisita ka… saan ka pupunta?” tanong nya na tila nag-aasar.


“Ah… naiwan ko kasi yung laptop ko na bukas. I’ll just fix my things.” Palusot ko.


“Mamaya na yan… nakakahiya naman kay Sir, ano nga ba ulit pangalan mo iho?” tanong ng nag-uulyanin kong ina… LOL!


“Wesley po, Wesley del Rosario.” Sagot naman ni Boss.



At ayun, hindi ako nakalusot sa plano ni Mom na hindi ko talaga ma-gets kung ano. Tahimik lang ako habang nagke-kwentuhan ang dalawa. Akala mo close kahit nun lang sila nagkita. Lakas pa maka-bwiset ni Wesley dahil ang tagal tagal ubusin ang kape niya. Ako naman ay pilit na ngumingiti sa kanilang dalawa. Ewan ko ba, ready na sana akong patawarin si Wesley pero tuwing nangungulit siya eh lalo lang akong naaasar sa kaniya.


Sa wakas ay naubos din naman ang kape at kwento nila. Tila naman ako nabunutan ng tinik sa gums ng magpaalam na si Wesley. Hinatid naming siya sa gate at pumasok na din kami ni Mommy sa bahay. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay tila naman may masamang hangin na nakiraan at bigla na lang nagsalita si Mom.




“Nanliligaw siya sa’yo, alam ko… aminin mo na!” bigla niyang sabi habang nakatalikod pa sa akin.


“Ah… eh… san naman nanggaling yan?” kunwari’y clueless ako sa sinasabi niya.


“Wag ka nang magtago sa akin, alam mo naman na tanggap kita kahit noon pa. Just be open with me and everything will be fine.” Kalmado naman niyang sinabi at sabay na humarap sa akin at hinaplos ang aking pisngi.


“Basta Ma, ayoko… I’ll keep my promise! Di ba nagpromise ako kay Dad na never akong magkakaroon ng boyfriend!” paglalambing ko naman sa kaniya.


“ Alam mo bunso, hindi ako magagalit sa’yo . Kung may nagkakagusto sa’yo eh anong magagawa ko? Lahi tayo ng magaganda…hehehe… Pero joking aside, gusto ko na magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo.

Tungkol naman dyan kay Wesley, sa totoo lang ay ayaw ko sa kaniya. Siya kasi yung tipong pinipilahan, anak. Ayokong masaktan ka. Kung ako ang masusunod, ok lang na magpaligaw ka pero ayokong pumasok ka sa relasyon.” Paliwanag niya.


“Bomalabs ka naman Mom eh! Magpapaligaw tapos wag papasok sa relasyon. Hindi mo na lang pinasimple na wag na lang!” singhal ko.


“Eh kasi naman anak, hindi ko naman mapipigilan yang si Wesley. Alangan naman ikulong kita dito?” sagot niya.


“Eh paano kung maging kami nga? Hypothetical lang naman…" tanong ko.


“Kung magkaganun, ihahanda ko na ang itak ko… hindi para sa’yo kundi para sa taong makakapanakit sa bunso ko.”



Doon ko nalaman na talaga palang tanggap ako ni Mommy. Ganun niya pala ako kamahal. Ginawa niya yun kanina para makilala si Wesley at malaman ang katotohanan. Hindi ko inaasahan nag anon ang magiging reaksyon niya. Buong akala ko eh magiging kontrabida siya sa love life ko… well she prove me wrong!


Kinabukasan ay patuloy lang ang buhay. Papasok na ako ng biglang may bumusina sa tapat ng gate.




“Hindi kaya si mokong yun? 5:30 palang ah? Early bird?” tanong ko sa sarili.



Hindi nga ako nagkamali. Si Wesley nga! Pagsilip ko sa bintana ay mukhang good vibes si loko. Baka naman sineryoso niya yung sinabi kong okay na kami? Eh patola pala siya eh as in mapag-patol sa mga sinasabi ko. Hindi naman ako sincere nung sinabi ko yun. Ikaw ba naman ang kulitin ng lasing, hindi ba’t mapipilitan ka na lang din pagbigyan ang trip niya?


Ewan ko ba kung anong kamalasan ang dumating sa akin at dinatnan pa doon ni Mommy si Wesley na  na noon ay kakagaling lang mula sa pagbili sa bakery. Ngiting ngiti si  mokong habang binati si Mom at sabay tanong kung hindi pa daw ba ako nakakaalis. Siyempre… no choice na naman ako kundi lumabas ng bahay at magpakita. Hindi niyo natatanong eh may kakaibang powers si Mom pagdating sa akin. Alam niyang kung nakaalis na ba ako, kung anong nangyayari sa akin o kung nagsisinungaling ako sa kaniya… mother’s instinct ba?


Paglabas ko ng bahay ay pinagpaalam ako ni Wesley kay Mommy kung pwede ba niya akong isabay papasok. Sa isip isip ko naman, “nagkakaintindihan na ba tong dalawang to? Binugaw na ba ako ng ina ko?”  Haaay, mababaliw ako kung iintindihin ko pa kung anong tumatakbo sa isip nila. Gustuhin ko man tumanggi eh um-oo na si Mommy kay Boss. Basta sabi ko na lang sa sarili ko na magiging casual lang ang pakitungo ko kay Wesley.


Gaya ng dati, may coffee at cinnamon bars pa rin siyang nakahanda. Tahimik lang ako sa buong biyahe namin. In fairness eh behave naman si mokong. Kahit dulo ng daliri ko eh hindi tinangkang hawakan. Nanibago nga ako bigla. Ano to? Silent movie?


Pagdating sa opisina ay tuloy lang ang trabaho naming. Purely professional at walang halong kahit anong palabok! Pati nga mga kasamahan naming eh nanibago sa mga actions ni Wesley. Parang sweet pero hindi? Get’s niyo ba? Basta, ang hirap ispelling-en! Hindi tuloy napigilan ni Odie na lapitan ako…



“Hoy, Timmy anong nakain nun?”sabay nguso kay Boss na noon ay malayo at nakatalikod sa amin.


“Aba ewan! Basta ako, okay na okay ako…as in! Sa wakas eh makakahinga na ko ng maluwag dahil tinantanan na niya pangugulit niya sa akin!” Bigla naman akong binatukan ni Odie.


“Eh gaga ka din naman… Wooden Heart ka talaga! Hindi ba obvious? Nire-reverse psychology ka niyan! Oh di ba, nun kinukulit ka eh ayaw mo siyang lapitan… baka naisipan niyang mag-iba ng diskarte?” pabulong na kwento sa akin ni Odie.


“Ganun ba yun te? Ah basta, hindi ako kukuha ng batong ipupukpok sa ulo ko. Manigas siya!” pagmamatigas ko.


“Pero yung totoo Tim, kinikilig ka… ayan oh kitang kita! Blooming, rosy cheeks, hindi mapigilan ang ngiti… OA na OA… ano may nangyari na noh?” pag-uusisa ng dambulang bading!


“Grabe naman yun… may nangyari agad? Hindi ba pwedeng napadami lang make up ko?.. Tsaka ano ka ba! Amo pa din natin yan… baling araw, iba na level niyan. Sino ba naman ako…heller?”


“Ah basta, wag kang magsalita ng tapos my dear! Tulak ng bibig…” pabitin niyang sinabi.


“OO, tulak ng bibig… ingat ka kasi baka mabulunan! Ah ewan!!!” sigaw ko habang papasok na siya sa loob ng studio.



Natapos ang buong araw ng hindi kami masyadong nagpapansinan ni Wesley. Para kaming mag-jowa na may silent war. We talk about work but not for personal stuffs. Magkasabay kaming naglunch at dinner pero hindi kami nag-iimikan. Ewan ko kung anong palabas nito.


One, two, three days… ganon pa din siya. Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Odie? Waaah, bahala na basta kakausapin ko siya para magkalinawan lang. Kapal naman ng face niya kung siya pa ang may tampo sa akin! Siya nga tong bigla bigla na lang nanghahalik! Ok lang naman sana basta magpaalam man lang siya, I’m not prepared that time… Charrr!


So ayun na nga! Pagpasok naming sa opisina ay hinarap ko na si Wesley.




“Mr. del Rosario, may I speak with you?” mahinahon kong tanong.


“About what MR. CABRERA? with matching emphasis sa aking pangalan.


“Aba! Sandali nga, bakit ganyan ang tono mo? OO, anak ka ng amo ko pero ‘ANAK’ ka lang… you’re my OJT… I deserve some respect?” nagtaas na din ako ng tono.


“I don’t mean anything Mr. Cabrera.” sagot naman niya habang nakangiti pa.


Nilapitan ko sya that time… Ewan kung bakit. Siguro para prepared kung saka-sakaling bet ko syang krompalen! Nakakapikon kasi!


“Hoy Mr. del Rosario. Magkalinawan nga tayo… ano bang gusto mong palabasin? Bakit weird ka nitong mga nakaraan? Kung galit ka, sabihin mo lang para naman may clue man lang ako kung anong nasa isip mo! Anong akala mo sa akin, si Madam Auring na isang tingin lang alam ko na kung anong tumatakbo sa utak mo… and besides, as far as I remember eh wala naman akong kasalanan sa’yo. Ikaw nga itong may kasalanan sa akin!” walang tigil kong sinabi.


“Eh wala ka naman palang kasalanan… eh di okay!” tatalikod na dapat siya nang hinila ko siya paharap sa akin at hindi ko na napigilan ay nasampal ko siya. “O, para san naman yun? Bakit mo ko sinampal?” Tanong niya.


“Para yan sa hindi mo pagpansin sa akin nitong mga nakaraang araw…” sabay sampal ko ulit.


“Bakit na naman?” habang hawak hawak niya ang pisnging sinampal ko.


“Para naman yan sa panggugulo mo sa buhay ko!” dapat ay sasampalin ko sya ulit nang hinawakan niya na ang magkabilang braso ko at niyakap ako. Matapos nun ay bigla na lang niya akong hinalikan. Medyo matagal din iyon. That time, tuluyan ko na kinalimutan ang sarili ko. Nagpaubaya ako kung anong gusto niyang mangyari at marahil ay kung ano din ang sinisigaw ng puso ko.“Para saan naman yun?” tanong ko sa kaniya ng niluwagan na niya ang pagkakahawak sa akin.


“Para sa panggugulo mo din sa buhay ko… inagaw mo kasi, ngayon ikaw na ang buhay ko!” diretso ang titig niya sa akin at seryosong seryoso ang mukha.



Pakkk! Muli ko na naman siyang sinampal.



“Bakit na naman!?” tanong niya sa akin na parang natatawa dahil nasira ang pagda-drama niya.


“Para sa paghalik mo nang bigla bigla! Next time, magpaalam ka naman! Anong akala mo sa lips ko, bangketa na bigla bigla ka na lang magpa-parking! Hooy Mr. del Rosario, NO ID NO ENTRY!” sumbat ko.


“Okay sige, ngayon pwede na ba kitang halikan?” tanong niya habang nagpapa-cute pa.


“May magagawa pa ba ko? Attack!”



Muli kaming naghalikan at nagyakapan. Laking gulat ko na lang na bukas pala ang pinto ng opisina at bongga… may live audiences kami! Nakakaloka! Nakangiti naman sa amin ang lahat… ewan ko kung talaga bang masaya sila para amin o pina-plastik lang nila kami dahil anak nga ng big boss si Wesley. Well, dedmatology na lang ako… basta ang alam ko Masaya ako noong oras na yun! I never felt that happy in my entire life.


Hindi naman maiwasan na marami pa ring bumabagabag sa akin. Ano kayang sasabihin ni Mommy, ni Dad at ng mga Kuya kong barbaric! Kebs lang naman siguro dahil ano pa nga bang magagawa nila eh nandyan na!


Para naman mabawasan ako ng alalahanin ay sinamahan ako ni Wesley pauwi sa amin. Personal niyang hinarap si Mommy at pinaalam ang tungkol sa amin. Super awkward nun dahil hindi naman kami showbiz na pamilya… we hate drama! Kahit nga I love you eh hirap na hirap kaming magsabihan kaya natatawang ewan ako ng hingin ni Wesley ang approval ni Mommy.


Blanko lang ang mukha ni Mom nang ipaalam naming sa kaniya na kami na. Alam ko na may inaalala din siya kaya naintindihan ko yun. Ang tangi lang niyang nasabi ay kung ano man daw ang desisyon naming ay siguraduhin naming wala kaming pagsisisihan sa huli. Ganon naman si Mommy palagi. She give us the right to decide for ourselves pero lagi siyang may mga payo.


Pagkaalis ni Wesley ay kinausap ako ni Mom.




“Anak, sure ka na ba dyan?” tanong niya!


“Ahhmmm… yung totoo? Hindi! Nabibilisan nga ako sa mga nangyayari pero ito yung nararamdaman ko eh… kaya game na!” pabiro kong sagot.


“Eto lang advice ko bunso, hindi madali ang umibig. May mga pagkakataon na masasaktan ka. Madaming pagsubok kaya naman dapat handa ka sa kung anuman ang darating!” seryoso niyang sinabi.


“Naiintindihan ko Mom. Thank you po ha! I thought you’ll get mad kasi I broke my promise. Si dad kaya at sina Kuya?” biglang sumagi sa isip ko ang mga original na lalaki sa buhay ko.


“Ako na bahala dun sa mga yun. Sasabihan ko na wag naman masyadong bugbugin si Wesley.” Sabay tawa.


“Eiiee… Mommy naman, baka ma-byuda agad ako! Mamahalin ko pa yun eh!” Tumawa na lang din ako.



Matapos ang usapan namin ni Mom ay pumasok na ako sa kwarto ko. Napansin kong bukas ang ilaw ng phone ko. 14 missed calls… sino kaya to? Hindi local number eh! Meron ding text…



“I’m finally here! I’m excited to meet you. – JEREK”


(ITUTULOY)

No comments:

Post a Comment