By: Cielitoe
Source:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
================================
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, character, places and incidents either are
products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance
to actual events or locales or persons, living or dead is entirely
coincidental.
[06]
“Hindi
madaling ma-in love, magastos! Magnegosyo ka na lang!”
Matapos ang
usapan namin ni Mom ay pumasok na ako sa kwarto ko. Napansin kong bukas ang
ilaw ng phone ko. 14 missed calls… sino kaya to? Hindi local number eh! Meron
ding text…
“I’m finally
here! I’m excited to meet you. – JEREK”
Ha? Si Jerek
nandito sa Pinas? Wala naman siyang nakwento na papunta siya dito ah. Takang
taka talaga ako noong oras nay un kung ano naman pumasok sa isip niya’t
napalipad siya ng di oras. Well, thinking that his job is on Singapore, di ba
parang biglaan naman.
Hindi kasi
basta basta si Jerek sa bansa nila. Ayon sa mga kwento niya sa akin, isa siyang
music teacher sa Singapore. Pero bukod sa pagtuturo ng music lessons ay isa rin
itong singer, hindi “lang” singer kundi sikat na singer. Well, he might not be
internationally known pero sa bansa nila ay kabi-kabila daw ang singing
engaments nito. Madami din itong videos sa internets na talaga namang naghi-hit
sa mga viewers. Dun nga kami nagkakilala dahil nagkataong related ang videos
niya sa mga personal videos na na-upload ko sa Youtube. Kaya naman nagulat
akong iniwan ni Jerek iyon ng ganun ganun na lang.
Para naman
masagot ang mga katanungan ko ay agad kong tinawagan ang number na gamit niya.
Buti na lang at roaming pala iyon… sosyal! So, ayun na nga, nag ring na ang
phone at may sumagot dito. Lalakeng lalake ang boses at English ang salita.
“Hello?!”
patanong kong bati.
“Hello… is
this Tim?” tinanong niya rin ako pabalik.
“Yes… Jerek!
When did you arrive?” excited kong tanong
“Just
tonight. I think, 1 hour ago.” Sagot niya.
“Ahmm… where
are you staying? Tell me, I’ll come over as in now!”
Hindi na ako
masyadong nagtanong pa dahil tanging tumatakbo sa isip ko noon ay makita siya
ng personal. Ewan ko ba at bakit parang excited din ako na makaharap siya.
SIguro dahil matagal na rin kaming nagkausap sa internet lang, siyempre iba
yung harp harapan diba? At yun na nga, sabi ni Jerek ay nasa isang hotel sila
sa bandang Global City. Medyo malayo pero pinilit kong puntahan siya. Hindi
naman na kasi iba sa akin yung tao. In fact, dapat nga ay maging mabait talaga
ako sa kaniya… he helped me decide tungkol sa amin ni Papa Wesley di ba!
Nagtaxi na
lang ako papunta sa hotel niya. Mga bandang 10PM na nun. Buti na lang pinayagan
ako ni Mom. Dahil sa gabi na nga ay wala nang traffic kaya mabilis akong
nakarating. Agad kong tinungo ang reception area at nagtanong sa front desk.
Pinaghintay na lang ako sa lobby dahil bababa na daw si Jerek.
Hindi ko
alam kung anong nararamdaman ko that time. Kaba, excitement… kilig?! Naku,
hindi pwede Tim!!! Remember, kayo na ni Wesley. I then controlled my emotions
hanggang sa may lumapit sa king lalake at binanggit ang pangalan ko. Matangkad,
mga 5’10”, maputi, singkit, mapula ang labi at rosy ang cheeks, sakto lang ang
tangos ng ilong… in general, para siyang KPOP star! SHET!!! It’s Jerek in the
flesh! "Sayang ka!" biro ko sa sarili.
Tumayo ako
para batiin siya. Iaabot ko na sana ang kamay ko ng mabilis siyang naglakad
palapit sa akin at niyakap ako. Well, hindi ko naman binigyan ng malisya yun
dahil sa isip-isip ko ay baka excited lang din yung tao. Grabe! Ang tigas… ng
mga muscles! Wag kayong palaka! Matigas talaga ang mga muscles niya sa katawan…
hindi naman buff pero lean lang ba! Para nga siyang modelo kung tumindig.
After our
yakapan portion. Kinamusta ko sya at niyaya sa malapit na coffee shop. Dun na
lang naming pinagpatuloy ang kwentuhan namin.
“So how was
your flight?” tanong ko.
“Tiring but…
rewarding because now I see you” nakangiti niyang sinabi.
“By the way,
why did you come here without any notice? I was actually shocked! You should
have told me so that I’ve fetched you in the airport.” Sabi ko sa kaniya.
Haaay, nakaka-nosebleed naman kausap si Jerek!
“Well,
first… I came here because one of my band members who’s also a Filipino booked
a gig here in the Philippines… and second, I wanted to see you. And now that
you’re here, I’m very happy!”
Matapos
niyang sabihin yun ay hinawakan niya ang aking kamay. Iniwasan ko naman agad
ito dahil biglang pumasok sa isipan ko si Wesley.
“Ahmmm,
Jerek, I have something to tell you… remember when we last talk? About me and
my boss?” Biglang napalitan ng lungkot ang ngiti sa kaniyang mukha. Siguro e
gets na niya kung ano ang susunod kong sasabihin. Hindi ko na tinuloy ang
kwento ko dahil alam ko na ang nararamdaman niya.
“Jerek, are
we still good? Friends?” sabay abot ng kamay ko sa kaniya.
“Of course!
Friends… but please keep your promise!” hawak naman niya sa aking kamay. Alam
ko na ang sinasabi niyang promise… na hindi ko siya pipigilan na mahalin ako.
Hard naman maging maganda… Char!
“Okay…
promise! But will you promise me that you’ll also give yourself the chance to
be happy?” nginitian ko na lang siya.
“Promise!”
sabi niya at sa puntong yun ay binigyan ko siya ng friendly hug! Promise…
friendly lang! Mamatay man kayo! Hehehe…
Madami pa
kaming napagkwentuhan gaya ng kung anu-anong gagawin nila dito sa Pilipinas.
Saan sila magkakaroon ng show at inimbitahan ko na din sila na mag-guest sa
show namin. In general ay naging masaya naman ang first meeting namin. After we
talked, nagpaalam na akong uuwi. Sana ay ihahatid pa niya ako pero pinilit kong
ako na lang mag-isa. Bukod kasi sa istorbo sa kaniya ay baka may ibang
makakita. Mahirap na, ayokong maging Britney Spears ang love life ko… yun bang
kinabukasan, hiwalayan agad!
Pasado
ala-una ng madaling araw na ako nakarating sa bahay. Agad kong chinek ang
cellphone ko dahil sa buong oras na magkasama kami ni Jerek ay hindi ko ito
pinansin. Shockss… tumatawag pala si Wesley! Ano ba naman yan! Daig ko pa yung
mga Kuya ko na nambabae… anong sasabihin ko nyan! Ah basta, I’ll tell the truth
para walang gulo.
Tinawagan ko
si Wesley agad agad… walang sumasagot? Isa, dalawa, tatlong beses… wala pa din
sumasagot. Baka tulog na? Sige text ko na lang!
“Good night
boss… mwaaahhhugs! :*”
Kinaumagahan,
sinundo pa din ako ni Wesley. Tahimik lang siya. Ako naman eh todo puri sa
French Vanilla coffee at cinnamon bars niya na akala mo noon lang ako nakatikim
non. Wa-epek pa din?
“Pull
over!...” malumanay kong sinabi. Pero hindi siya huminto diretso pa din siya sa
pagda-drive at walang imik.
“I SAID PULL
OVER!” nilakasan ko ang boses ko. Nun ay inihinto na niya ang kotse sa gilid ng
kalsada. I think bandang Batasan Ave kaya naman walang masyadong tao!
Pagtigil ng
sasakyan ay tahimik lang kami.
“Boss!”
paglalambing ko habang hinahaplos ang mukha niya. Wa epek pa rin te!
“Boss, ano
ba?!” hindi pa rin niya ako pinapansin. Dahil sa inis ay mabilis akong
kumandong sa kaniya. Halatang nagulat siya sa pagiging agresibo ko. Well, ako
din naman nagulat sa ginawa ko…hahaha!
Nang nakaupo
na ako sa kaniyang kandungan ay tinitigan ko siya sa mata at mabilis na
hinalikan ang kaniyang labi. Naramdaman kong nasa bewang ko ang kanan niyang
kamay habang nasa batok ko naman ang kaliwa. Bigla din nagising si Jun Jun...
si Jun Jun, alam niyo na yun! Nang hawak na niya ako ay bigla akong kumalas sa
paghalik sa kaniya… Pang-asar lang ba…
“Oh ano
papansinin mo na ba ko?” Tanong ko sa kaniya habang nagpapa-cute ang aking
mukha.
“Ahmmm…
hindi na lang… ganyan ka pala kapag hindi kita papansinin!” sabay smack sa
aking labi.
“Uhmm… eto
pa hard to get ka pa!” sabay tapik ko sa kaniyang noo. “Okay, sorry na Boss.
Alam ko namang inis ka dahil hindi ko nasagot ang mga tawag mo kagabi. But will
you let me explain?”
“Explain,
explain… namanhid na mga daliri ko kaka-dial! Eh bakit nga ba hindi ka
sumasagot?” pina-andar ko na sa kaniya ang sasakyan para on the way na lang
kami mag-usap.
“Well,
ganito kasi. Meron akong friend na Singaporean na close na close ko. Last
night, bigla siyang nagtext na nandito na siya sa Manila kaya pinuntahan ko
siya agad. Eh, napasarap yung kwentuhan namin kaya hindi ko na na-check yung
phone ko agad agad.” Paliwanag ko.
“Eh sino ba
yang friend mo na yan? Gabing gabi na eh pinuntahan mo pa?” Inis pa rin ang
tono ng kaniyang boses.
“Kapag
inamin ko ba sa’yo hindi ka magagalit?" Tanong ko.
“Bakit naman
ako magagalit?”
“Kahit
sabihin kong lalake yung friend ko? Kahit na sabihin kong dati ko siyang
manliligaw… hindi ka magagalit?” diretsahan kong tanong.
Hininto na
naman niya ang kotse at hinarap ako.
“MR.
CABRERA… Seryoso ka ba?” Mr. Cabrera ang tawag niya sa akin kapag galit siya
kaya naman medyo na-tense na ako.
“Halika nga
dito boss…” hinila ko ang mukha niya at
muli siyang hinalikan. Hindi naman siya nanlaban pero blangko lang ang reaksyon
ng mukha niya. “Mr. Wesley del Rosario… Boss… Kung ano man yung sa amin ng
kaibigan ko eh wala yun. Kaibigan ko lang siya! Clear… At yan ba namang gwapo
mo na yan eh na-iinsecure ka pa!?”
Pinapak ko
siya ng smack sa palibot ng mukha mula noo, pisngi, ilong, labi hanggang baba…
Medyo napatawa ko naman siya dun kaya nakahinga ako ng malalim.
“ Oh heto
ang promise ko Boss… ipapakilala kita kay Jerek, yung tinutukoy ko na friend,
para naman mawala na lahat yang pagdududa mo! Okay! For now, go na tayo sa
office.” sabi ko.
Mukhang
na-convince ko naman si Wesley kaya the whole day ay sweet naman siya sa akin.
Kinagabihan ay tinawagan ko si Jerek. I ask him kung libre ba siya para
maipakilala ko siya kay Wesley. Good timing naman at pwede daw ito kaya sinundo
na lang naming siya sa hotel.
And the dusk
came, inayos ko na ang office ko at magkasama na kami ni Wesley papunta sa
hotel ni Jerek. Tahimik lang ako na nakasakay sa kotse habang on the way kami. Lutang lang… ang dami ko
kasing nai-imagine na mangyayari.
Nakaupo kami
sa isang restaurant ni Wesley. Palihim kaming magkahawak ng kamay sa ilalim ng
lamesa dahil nahihiya din naman ako sa mga tao. Nasa ganun kaming pagkukulitan
ng dumating si Jerek. Tumayo ako para batiin ito. Tumayo din naman si Wesley
bilang paggalang. Paglapit ni Jerek ay niyakap ako nito imber na ordinaryong
kamayan lang… hindi ko na napansin na bigla itong sinuntok ni Wesley… Ayyy,
nagjombagan ang mga boylet!!! Nakakaloka!
Oooppsss…
Praktis lang! Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Panaginip lang
pala yun. Ang tanong, panaginip nga lang ba o babala para sa akin? Haaay, kung
anu-ano naman kasi yang naiisip ko. Basta casual lang dapat. Dapat maipakita ko
kay Wesley na siya lang ang only one ko at si Jerek eh matalik ko lang talagang
kaibigan… Right?
So finally,
nakarating na kami sa Hotel para sunduin si Jerek. Nasa lobby na ito that time,
I texted him kasi na malapit na kami kaya baka nag-abang na siya. Nung
magkakaharap na kaming tatlo ay parang may dumaan na anghel… tahimik bigla! I
break the silence by introducing them to each other.
“Ahhmmm…
Boss Wesley, this is Jerek my friend from Singapore and Jerek this is Wesley,
my…” hindi pa ako tapos magsalita ay pinutol ako agad ni Boss.
“I’m Wesley,
his partner, boyfriend… and soon to be husband.” Sabay abot ng kaniyang kamay
para makipag-hand shake.
Pasimple ko
namang siniko si Boss…. Nakakawindang naman kasi! Soon to be husband daw? Try
niya kayang magwelga mag-isa sa Senado! Saan naman kami papakasal, sa dagat?
Pero aminado ako na nakaka-dalaga yung mga sinabi niya ha!
“Hi, I’m
Jerek Yang… Tim’s long time friend, super special friend.” May kakaibang dating
ang pagkakasabi nito. Para bang nakikipagyabangan na ewan.
“Ehheem,
eheemmm… I think we should go now? Hindi ba Wesley?” sabay hatak ko sa kaniya.
“Eh ang
yabang naman pala nitong chekwa na to!” bulong niya naman sa akin.
“What do you
mean? Yabang?” tanong ni Jerek.
“Ahmm…
nothing. He was just kidding… Let’s go… Our reservation is waiting!” pag-aaya
ko sa dalawa.
Hindi pa
diyan natatapos ang pagpapaka- girl ko teh! Hanggang sa parking lot eh
pasimpleng nag-iiringan ang dalawa. Mag-unahan ba naman sa pagbukas ng pinto ng
kotse? Well they left me with no choice. Aba, ang ginawa ko eh sila na lang
pinagtabi ko sa harap at ako ang umupo dun sa likod… Eh di solb!
Well, ok
naman ang naging group date namin, para nga lang laging may tug of war yung
dalawa at ako ang lubid! But I think I served my purpose. Napakita ko naman kay
Wesley na wala naman talagang anything sa amin ni Jerek. Naawa nga lang ako dun
sa isa dahil sa binasted ko na nga, parang napamukha ko pa sa kaniya na happy
ako na hindi siya ang pinili ko… siguro maiintindihan naman din yun.
It was a long
night kaya naman nagpaalam na kami kay Jerek. Happy naman ako at behave yung
dalawa kahit papano. Naiwasan din ang pagdanak ng dugo.LOL!
While we are
driving home. Bigla na lang akong nagulat kay Wesley.
“Boss, sa
bahay tayo dumirecho!?” pagbasag niya sa katahimikan.
“Huh? Bakit
naman? May sarili naman akong bahay.” Sagot ko… pero that time nase-sense ko na
kung anong ibig niyang sabihin… Salbaheng bata!
“Wala lang,
para mas mahaba yung bonding natin. Kasi kapag sa opisina, puro tayo work. Pag nandun
naman ako sa inyo, limitado yung galaw ko. Ayoko atang umuwing kulang ang
daliri dahil sa tapang ng mama mo. Gusto ko naman sana yung tayo lang dalawa.”
Paliwanag niya habang nakatitig sa akin.
“Hoy Mr. del
Rosario! I can read your mind, at alam ko yang mga titig na yan. Bumenta na
yan.”
“Bakit?
Hindi mo ba ko love?” paglalambing niya.
“Love! Pero
hindi naman ganun ganun lang yun. Kapag hindi ako umuwi… what will Mom say? At
kapag nagreact si Mom domino effect na yan. Pati mga Kuya kong barbaric eh
makiki-issue na! Hindi mo naman siguro gusto mangyari yun? At ikaw… what if may
makakita sa’yo na iuuwi mo ko sa bahay mo? Ano yun, nakitulog lang?” paliwanag
ko.
And there he
goes again… Kita ko na naman ang trademark niyang pa-cute na mukha kaya naman
binigyan ko na lang siya ng bonggang bonggang kiss! Aba si loko, nagtake
advantage at nagpaka-torrid pa! Hindi ko na lang masyadong i-eexplain kasi baka
ma-MTRCB tayo! hehehe…
“Basta, lagi
mong iisipin Boss na lahat lahat, itataya ko para sa’yo. Just be patient ha!
Lalo na yang si Jun Jun.” sabay nguso ko sa kaniyang harapan (dun sa
teeeeteee…) “Wag ka maiinip ha! Promise mo sa akin!”
“Promise!”
at muli niya akong hinalikan.
Natigil ang
paglalakbay naming sa seventh heaven ng biglang mag-ring ang phone ni Wesley.
Parang disoriented ang mukha niya ng mabasa sa screen kung sino ang tumawag.
Agad itong bumaba sa kotse at sinagot ang tawag. Lumayo siya kaya hindi ko
narinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Nang tanungin ko naman siya kung sino…
maikling “wala” lang ang sagot niya. Well, hindi naman kasi ako mausisa
pagdating sa cellphone niya kaya dedma na lang.
Kinabukasan,
ready na ako para pumasok. Hinihintay ko na lang si Wesley dahil lagi naman
siya dumarating ng ganoong oras… 15 minutes, 30 minutes… 1 hour… hinintay ko
sya ng ganoon katagal. Pero ni “ha” ni “ho” wala akong narinig sa kaniya.
Walang Wesley na dumating…
(ITUTULOY)
[07]
“Wag ka
masyadong seryoso sa pag-ibig… ang mga seryoso sa ICU ang diretso!”
Kinabukasan,
ready na ako para pumasok. Hinihintay ko na lang si Wesley dahil lagi naman
siya dumarating ng ganoong oras… 15 minutes, 30 minutes… 1 hour… hinintay ko
sya ng ganoon katagal. Pero ni “ha” ni “ho” wala akong narinig sa kaniya.
Walang Wesley na dumating…
I then
decided to go to work alone. While I’m on the way, patuloy kong kino-contact
ang phone niya pero walang sumasagot. “Ano na naman kayang drama nun?” sabi ko
sa sarili. Bigla kong naisip na dumaan na lang sa bahay nila at baka may kung
anong nangyari. Dahil sa kabilang subdivision lang naman siya ay hindi naman
nagalit ang taxi driver na pinaikot ko pa siya. Buti na lang!
Pagdating ko
sa bahay niya, parang wala namang tao. Doorbell ako ng doorbell pero walang
lumalabas. Paalis na sana ako ng dumating naman ang isang matandang babae.
“Ah, Sir
sino pong hinahanap nila? Katiwala po ako dyan sa bahay…” sabi ng matandang
babae.
“Ah, eh,
manang nandyan po kaya si Wesley? Kaibigan niya po ako. Nagtataka lang kasi ako
hindi siya sumasagot sa mga tawag at text ko kaya dinaanan ko na lang.” sagot
ko naman.
“Eh sir ang
bilin sa akin ng Papa niya ay iiwan na daw nito ang bahay. Dun na daw siya ulit
titira sa bahay nila sa Makati. Kaya nga po eto, ako na po ulit ang
mangangalaga sa bahay pansamantala.” Kwento nito.
Nagpaalam na
ko sa matandang babae at tumuloy na papuntang trabaho. Lutang ang isip ko kung
ano ba ang totoong nangyayari. Para kasing kakaiba. Una, hindi niya ako
sinundo, pangalawa hindi man lang siya magtext at huli eh lumipat na pala siya
ng bahay?
Narating ko
din ang opisina at as usual pumunta agad ako sa office. Pero habang naglalakad
ako eh tila may dumi sa mukha ko. Bakit sila nakatingin sa akin lahat? Ito nab
a ang sign na dapat mag-artista na ko?
Pagbukas ko
ng pinto ay dun na nasagot lahat ng gumugulo sa isipan ko! Nandun si Big Boss
aka Juanito del Rosario aka Papa ni Wesley. Tumayo ako ng tuwid at binati ito.
“Ah… Good
Morning Sir, we are glad that you came to visit!” nginitian ko ito, pero siya
ay mukhang seryoso. Nilapitan naman ako ni Direk mula sa aking likod.
“Ahmm, Sir
eto na po pala si…” biglang pinutol ni Big Boss ang pagsasalita ni Direk.
“No need to
introduce him… I know him so well… Mr. TIMOTHY CABRERA, head writer of two of
the shows in MY production company!” may emphasis ang kaniyang pagsasalita.
“Okay Direk, will you please leave us in private. Marami kaming pag-uusapan.”
Pumasok na
ako ng tuluyan sa opisina at naupo sa mini-sofa habang si Big Boss naman ay
nakapwesto sa aking lamesa.
“I heard a
lot of things about you Mr. Cabrera. You’ve been training my son Wesley… your
future Boss… for quite a time. And I’m thankful for that, honestly! Nakita ko
kasi na nag-improve siya at seryoso sa trabaho.” ang bongga naman ng intro ni
Dad… este Big Boss pala!
“And since
matatapos na ang training niya… tinatapos ko na din ang serbisyo mo sa aming
kompanya. I’ll be pulling out all your shows in my network and that is
effective today. I’m sorry Mr. Cabrera but you are FFFF….” Napatigil ng
pagsasalita si Big Boss ng may pumasok sa pinto. ShHHHEET! Si Wesley!
Hindi ko
alam kung dapat ba akong matuwa o ano? Pero mas gumaan ang pakiramdam ko ng
makita siya.
“PA!?”
Maikli niyang sinabi.
“Oh bakit ka
narito? Hindi ba’t in-assign kita sa
ibang department?” matapang nitong sinabi.
“PA?! No…
sumunod ako sa usapan natin!” pagmamakaawa nito sa ama, ako naman e gulong gulo
kung anong pinag-uusapan nila.
“I’m sorry
to interrupt Sir, I just want to make this clear? I’m fired? For what? Okay
lang po na mawalan ako ng trabaho pero wag niyo naman tanggalan ng trabaho pati
mga staff ko… and Wesley, ano to?”
“SIGE!
Sabihin mo Wesley… ipaliwanag mo kung ano itong palabas na to!” mas lalong
lumakas ang sigaw nito.
“PA…
please!” parang naluluha na si Wesley noong mga oras na iyon.
“NO Wesley!
Tell this faggot what’s really happening. Sabihin mo na ginagamit mo siya para
galitin ako! Well, congratulations dahil nagtagumpay ka! Hindi ko pinangarap
magkaroon ng anak na bakla! Pero hindi ako papatalo sa’yo son! Now, I made my
decision… Mr. Cabrera you are fired!” tuloy tuloy niyang sinabi.
Para akong
binuhusan ng tubig. Hindi ako umiyak pero iba yung nararamdaman ng dibdib ko.
Parang sumisigaw na “Putang ina niyo… magsama kayo ng tatay mong kamukha ni Rez
Cortes!” Of course I have to redeem my self kaya naman sinagot ko ang Papa ni
Wesley.
“E ganun
naman pala eh! E di fired kung fired! At ikaw Wesley, dyan ka na sa tatay mong
mukhang kontrabida sa teleserye. Hoy! Ikaw naman Mr. Juanito del Rosario… bagay
na bagay yung pangalan mo sa’yo… mukha ka kasing Anito! Hmmph… maka-alis na nga
dito sa bulok mong studio! AT eto lang ang huli kong masasabi… Subukan niyo
lang tanggalin ang mga shows ko at tanggalan ng trabaho mga kasamahan ko,
magkakasubukan tayo! Lalabas ako sa press at ipagkakalat lahat ng mga nangyari
sa loob ng opisinang to.” Mataray kong
sinabi.
Agad ko
naman tinungo ang pinto at tinulak si Wesley na noon ay nasa tabi. Kasalubong
ko naman sina Direk, Odie at ang iba pa sa daan.
“Ui te,
babalitaan niyo ko kung anong mangyayari dito ha! Once they pulled out the
show, hihilahin ko din bigote nyan si Big Boss!” seryoso kong sinabi.
“Ikaw talaga
bakla ka, hanggang sa ganito ba naman joke time pa rin? Sige na… mami-miss
kita! Paano ka na?” tanong ni Odie.
“I’ll be
fine… eventually!” mahina kong sinabi. “Oh sige na. Bye… salamat sa inyong
lahat! Tuloy lang ang trabaho ha! Kung kailangan niyo tulong ko, tawag lang
kayo. Hindi ako maniningil!” Niyakap ko sila isa isa at tila naman ako na-evict
sa bahay ni Kuya. Nag-iyakan silang lahat pero ako nanatiling matatag. Hindi ko
sasayangin luha ko sa mag-among Hudas na yun.
Puro galit
ang nararamdaman ko ng oras na yun. Hindi ko na inintindi kung may nakakarinig
sa pagwawala ko o ano. Nakalabas na ko ng studio at naglalakad papuntang taxi
station. Para namang dejavu ang nangyari dahil narinig ko na may bumusinang
kotse. “Wesley?” sabi ko sa sarili. Kaya naman lumingon ako at nanatiling
nakasimangot ang mukha.
“TIM… I
found you!” guess who? Tumpak, si Jerek nga!
“Oh bakit ka
nandito… este why are you here?” biglang nagbago ang reaction ng mukha ko at
nagtaka kung bakit parang si Superman naman itong dumating sa panahon na down
na down ako.
“TIM…
BOSS!!!” narinig ko naman sa di kalayuan. Letse! Si Wesley pala na tumatakbo
papalapit sa akin. Dapat ay sasakay na ko sa kotse ni Jerek pero hinintay kong
lumapit si Wesley.
“TIM, let me
explain…” naputol ang pagsasalita ni Wesley ng bigla ko siyang sinuntok sa
mukha. In fairness, para akong sinapian ni Mommy Dionisia.
“Talagang
hinintay lang kita para naman makaganti ako kahit konti… kulang pa nga yan!
From now, I don’t want to see your face not even your shadow!” sabay sumakay
ako sa kotse ni Jerek.
Hindi na
noon nakapagsalita pa si Wesley, sinabihan ko naman si Jerek na paandarin na
ang kotse. Aray ko po! Hindi pala madaling magpaka-lalake. Masakit sa kamay.
Well, worth it naman! Kung nandun nga lang si Big Boss aka Rez Cortes the
Junior eh sinuntok ko din yun!
Ito naman si
Jerek eh imbes na magtanong kung ano ba ang nangyayari, aba bigla na lang
tumawa!'
“Why are you
laughing?” tanong ko habang seryoso pa rin.
“Nothing… I
never thought you could be that brave! Hehehe…” tawa pa.
“Of course I
can, do you wanna try!?” sabay tutok sa kaniya ng kamao ko na namumula pa.
“Oh… does
this hurt?” si loko, hinalikan ang kamay ko. Bigla naman akong nag-blush dun
kaya binawi ko ang aking kamay.
“It’s fine…
really! Super fine… Do you want to eat? I’m hungry.” Binago ko agad ang topic.
“Sure… what
are we going to eat?” tanong niya.
“What do you
want? My treat!”
“I want to
try Filipino food. Do you know how to cook?”
Patay! Dale
ako dun ha! Siyempre naman wala kasi akong alam na luto no! Well, bahala na si
Mom. Kaya naman dumirecho na kami sa bahay. Si Mommy naman e gulat na gulat ng
makita ako at may bonus pa… si Jerek!
“Ah Mom, si
Jerek nga pala kaibigan ko… Jerek this is my mom.” Pakilala ko sa isa’t isa.
“Mano po…
tita!” aba, sino naman nagturo sa kaniya nun?
“Aba… You
know how to greet older people ha! Very good! I like you!” ngiting ngiti naman
si Mommy pero agad nagbago ang mood nito. “Oh Tim, bakit ka nga pala nandito?
Hindi ba’t may pasok ka?” pag-usisa niya.
“Haay naku
Ma, mamaya na yan dahil mahabang mahabang kwento. For now, let’s cook your specialty
for Jerek. Gutom na kasi kami.” Iniba ko na lang ang usapan.
“Oh sige.
Dyan muna kayo ni Jerek ha… magluluto lang ako. Feel at home Jerek.” Sabay
talikod na ni Mom papuntang kitchen.
“Salamat
po!” maikli namang sagot ni Jerek.
Niyaya ko
naman si Jerek sa aking kwarto para dun na lang siya tumambay habang nag-aayos
ako. Pumunta muna ako sa banyo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit
habang si Jerek ay nagba-browse ng aking mga photos sa computer. Aba si chekwa,
tuwang tuwa. Pagkatapos ko sa banyo ay agad ko din naman siyang binalikan
“You ha!
You’re laughing at my pictures!” umupo
na rin ako sa kama mula sa kaniyang likuran.
“You are so
cute here… look! Hahaha.” Sabay turo sa screen ng laptop.
“By the way,
how come you saw me on the office and whose car are you using?” tanong ko sa
kaniya at dun ay humarap na siya sa akin.
“That car?
It’s my manager’s car. I ask him if I could stroll around to look for your
place. I just ask my friends how to get there. Good thing I saw you!” nakangiti
niyang sinabi.“Now it’s my turn to ask. What happened… what happened with you
and Wesley?”
“That? Ahmm…
a lot of things happened. I lost my job… I lost my boyfriend… and I got no
where to go now! In short, I’ll start from scratch again!” blangko lang ang
reaksyon ng aking mukha. Hindi kasi talaga ako yung taong nagpapakita ng
emosyon.
“ Hmm… never
mind! I’m at your back! We’ll do something about that!” muli niya akong
nginitian habang hawak ang aking kamay.
Naputol
naman ang kwentuhan namin dahil tinawag na kami ni Mom. Pagbaba namin ay agad
kaming umupo sa dining table. Doon ay nakwento ko na din kay Mom ang lahat
lahat ng nangyari. Noong una ay histerical pa siya pero ng i-kwento ko sa
kaniya ang mga naging reaksyon ko at panununtok kay Wesley ay parang bigla
siyang naging proud sa akin… Meganon? So join force na ko sa lahi ni Gabriela
Silang? Ganon!
Enjoy naman
sa pagkain si Jerek. Nilutuan kasi siya ni Mom ng specialty niya na palabok at
puto. Hindi niyo naitatanong eh frustrated caterer si Mom. She could cook
anything you want. Ganon siya kagaling kaya naman pag birthday ko eh suguran
lahat ng workmates at kaibigan ko sa bahay. Mga PG- Patay Gutom… JOKE!!!
After we
ate, hindi ko napigilan si Jerek na tulungan si Mommy sa pagliligpit ng pinagkainan
namin. Ok din naman to si loko. Masasabi kong mabait talaga siya. Mukha ngang
nagkakapalagayan na sila ng loob ni Mom. Ako naman eh nagpahinga lang sa sala…
nag-iisip isip kung ano ang susunod kong gagawin. Saan ako mag-aapply at mga
future plans sa buhay.
Pagkatapos
mag-ayos nila Mom ng pinagkainan ay niyaya na ako ni Jerek.
“Let’s
go!..” sabi niya
“Huh?
Where?” maikli kong tugon.
“Somewhere…
I’m in charge… I already asked your mom’s permission… I’m sure you’ll enjoy
this!” nandyan na naman yung pambato niyang ngiti na halos hindi na makita ang
mata niya dahil sa sobrang singkit.
“Ma ha!
Binubugaw mo na naman ako!” pambibiro ko kay Mom.
“Sige na
anak, I know you’re stressed and you need to relax a bit. Sumama ka na kay
Jerek!” pambubuyo naman ni Mommy.
“Sabagay…
sige na nga… I’ll just fix myself. Ahmmm Jerek, what should I wear?” tanong ko.
“Wear
something nice… anything… we’ll be rocking the night!” ah ewan kung ano ba
pinagsasasabi niya. Kaya ayun nagsuot ako ng outfit na pang-gimik. Dark tight
fit pants at rugged long sleeves… sakto lang. Hindi naman loud pero pak na pak!
At gumora na
nga kami ni Jerek. Laking gulat ko ng sa isang bar kami nagpunta. Ano naman
kayang gagawin namin dito?
“What are we
doing here?” tanong ko sa kaniya.
“We’ll sing…
now you have a new job!” ngiti na naman siya.
“Wait… I
can’t!” patalikod na dapat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
“Of course
you can… you’re a great singer!” pagbibida niya.
Well, hindi
niyo kasi naitatanong eh meron akong stage fright. Noon kasing bata ako eh
hindi suportado nila Mom ang hilig ko sa pagkanta. O baka naman nag-aassume
lang ako? Hindi kasi sila uma-attend sa mga contest na sinasalihan ko. Kaya
ayun nagkasya na lang ako sa palihim na pagkanta thru youtube. Hindi ko na din
tinuloy yung pangarap ko na maging singer.
“I really
can’t Jerek. What if I choke… what if I make a mistake… besides I’m really
shy!” palusot ko.
“AND FOR
TONIGHT WE’LL HAVE A SPECIAL GUEST… LET’S WELCOME ON STAGE… TIM CABRERA!” sabi
ng voice over. Waaaahhh… patay kang bata ka!
Hindi ko na
nga nalusutan pa ang pagtawag sa akin. Nakatutok na din kasi ang spotlight sa
amin. Eto pala naman kasing si Jerek eh kinuntsaba yung mga kabanda niya para
pakantahin ako sa stage. Bahala na si batman sa isip isip ko.
So, kinanta
ko na lang yung pinakamaikling kanta na alam ko… Kinausap ko na yung DJ at buti
na lang madami silang choices ng kanta. GO!!!
Tahimik lang
ang lahat pag-akyat ko sa stage. Siyempre hindi naman kasi ako sikat para pansinin
nila! Nanginginig talaga ang tuhod ko that time. Pumikit na lang ako para
kunwari feel na feel ko lang ang kanta pero ang totoo ayaw ko makita ang
reaksyon nila para mabawasan ang kaba ko. Rinig ko naman ang palakpak ni Jerek
mula sa aking gilid. Pati ang mga kabanda niya nag-chi cheer para sa akin.
Eto na yung
tugtog…
Haay…
Diyosme! Lalong lumalakas ang pintig ng puso ko pero sa katagalan ay
nabawas-bawasan din. Pagdating ng chorus ng kanta ay unti-unti kong binuksan
ang aking mga mata. Nakatitig silang lahat sa akin. SHOCCCKKKKS! Nakatitig ba
sila dahil nagustuhan nila ang boses ko o dahil gusto nilang pababain ligwakin
na ko sa stage? Pero nagulat na lang ako ng unti- unti silang napasayaw sa
kanta ko. Slow beat ang song kaya naman partner partner silang nagsayawan.
Akala mo JS Prom dahil akbayan pa ang mga mag-partners. It was so liberating!
Feeling ko, ito na ang bagong mundo ko. Baka tama nga si Jerek na dapat i-try
ko naman ang ganitong trabaho.
After my
song… nagsigawan ang lahat… “More! More! More!” Hala! Natuwa sila sa pagkanta
ko! Nakakaloka naman… Nakatatlong kanta din at pagkatapos ay umupo na kami ni
Jerek sa katabing table ng mga kabanda niya.
“I told you,
they will love you!” tuwang tuwang papuri sa
akin ni Jerek.
“Really? Thank
you ha!” pasalamat ko naman.
“So what do
you think… will you join our group?”
Nasa
kalagitnaan kami ng pag-uusap ng lumapit sa amin ang isang lalake na pormal ang
kasuotan. Medyo may edad na. Sabi ni Jerek ay yun daw ang owner ng bar. Nagulat
naman ako ng inalok niya ako na maging regular act sa bar nila. Well, hesitant
pa ako magsolo kaya hiniling ko na baka pwedeng mag-join na lang ako sa grupo
nila Jerek. Pinilit pa rin nito na mag-solo ako pero tinanggihan ko talaga…
Siguro ay nagustuhan niya talaga ang performance ko kaya pumayag na rin siya,
pero sabi niya sa oras na ready na daw akong magkaroon ng sariling set ay
sabihin ko lang.
Grabe,
napaka-ironic ng araw na yun. Punong puno ng kabwisitan ang umaga ko habang ang
saya saya naman ng gabi ko! AKO NA TALAGA!!!
Hindi kami
agad umuwi ni Jerek. Nag-enjoy muna ako habang pinapanood naman ang
performances ng kanilang banda. In fairness, bongga talaga sila! Ang husay ni
Jerek. Para siyang Chinese version ni Arnel Pineda. Astig!
Nagkakwentuhan
din kami tungkol sa mga career plans niya. 3 months pala siya dito sa Pinas.
Ngayon ay nag-o-audition sila sa mga recording labels at nagbabakasakali na
dito nila makuha ang break sa mainstream music industry. If ever ay baka
working Visa na ang kunin niya para dito na manirahan. Mukhang enjoy naman siya
kahit napalayo sa pamilya niya. Balak nga daw niya na kapag talagang stable na
ang career niya dito ay kunin na din ang mama niya.
Masasabi
kong masayang masaya ako ng gabing yun. Kahit papano ay nakalimutan ko ang
sakit at galit dahil sa ginawa sa akin ni Wesley. Pero siyempre, mga mga
sandaling natutulala pa din ako kapag biglang bumabalik sa alaala ko ang mga
nangyari kaninang umaga. Sa mga pagkakataong yun, bigla na lang akong tatapikin
ni Jerek at ngingitian. Iba din power ng ngiti niya ha!
Mag-uumaga
na ng ihatid niya ako pauwi. Dumirecho na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Haaaayyy, kapagod pala yung trabaho ng mga nagbabanda. Buti pa nung writer pa
ako eh pwedeng sa bahay lang ako magtrabaho. Pero kung si Big Boss aka Rez
Cortes lang din naman ang amo eh wag na lang!
Biglang
tumunog ang cellphone ko… may nagtext! Si Wesley!
“Congrats,
ang galing mo kanina… can we talk?”
Bahala siya
sa buhay niya. Hindi ko na sasayangin ang energy ko sa kaniya at baka atakihin
lang ako sa puso. Hindi ko pinansin ang text na yun. Pinatay ko ang aking ilaw
at humiga na sa kama.
“Tao po? Tao
po?...” Shet! May tao sa labas! Kilala ko na kung sino yun!
(ITUTULOY)
[08]
“Kapag
broken hearted ka, tiisin mo, nag-enjoy ka din naman!”
Biglang
tumunog ang cellphone ko… may nagtext! Si Wesley!
“Congrats,
ang galing mo kanina… can we talk?”
Bahala siya
sa buhay niya. Hindi ko na sasayangin ang energy ko sa kaniya at baka atakihin
lang ako sa puso. Hindi ko pinansin ang text na yun. Pinatay ko ang aking ilaw
at humiga na sa kama.
“Tao po? Tao
po?...” Shet! May tao sa labas! Kilala ko na kung sino yun!
Agad akong
tumayo sa aking kama at lumabas ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto ng
aking kwarto ay siya din naman labas ni Mommy ng kwarto niya. Aba! Si mudak
hawak na ang mahiwaga niyang itak!
“Oh ano yan
ma? Gabing gabi magbibiyak na ng niyog?” biro ko pero siya naman ay seryosong
seryoso.
“Huwag mo ko
daanin sa ganyan TIMOTHY! Alam mo ang kaya kong gawin.”Palakad na siya ng
pinigilan ko ito agad.
“Ma, wala
tayong datung ngayon kaya pag nakulong ka eh wala tayong pambayad ng bail.
Pwede bang ipa-exorcist mo muna yang kaluluwa ni Gabriela Silang na sumasapi
sa’yo. Keri ko to. Ako na bahala.” Paliwanag ko. Siguro na-realize niya din na
tama ako kaya hinayaan niya na akong ang humarap kay Wesley. Lumabas na ako ng
bahay at tinungo ang gate.
“Boss… usap
naman tayo… Please naman!”pakiusap niya habang nasa kabilang side siya ng aming
gate.
“Usap? Sa
ganitong oras… anong akala mo sa akin, call center agent?! Hoy Mr. del Rosario,
wala tayong dapat pag-usapan dahil malinaw na malinaw na ang lahat sa akin. And
don't tell me sinusundan mo ako kung saan ako nagpupunta? Ano ka stalker!? At
kung ikaw eh hindi pa satisfied sa pangbi-bwiset ko sa tatay mo, aba try mo
naman yung iba… lumang luma na strategy mo!” mataray kong sinabi.
“Hayaan mo
naman akong magpaliwanag Boss… mali ang pagkakaintindi mo sa lahat. OO, noong
una ginamit kita dahil alam kong makakarating at makakarating kay Dad ang
tungkol sa atin pero mahal kita Boss… yun ang totoo.” Paliwanag naman niya.
“I’m not
buying it Wesley. You better leave bago ako magpatawag ng tanod. Go!!!
Leave!!!” pantataboy ko sa kaniya. Tumalikod na lang ako dahil hindi ko na
naiintindihan ang nararamdaman ko. Pilit ko mang buksan ang pag-iisip ko para
sa kaniya ay tinatalo ito ng galit. Pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing
mahal ko pa rin siya.
“TIM… Boss!
Kapag hindi mo ako hinayaang ipaliwanag ang lahat hindi ako aalis dito!” sigaw
niya.
“Eh di wag
kang umalis! Kita na lang tayo bukas!” sinigawan ko din siya. Alam ko naman
kasi na hindi niya tototohanin yun. Sino ba naman ang tutunganga ng magdamag
para sa wala?
Pero eto ang
THE HEIGHT te! Kinaumagahan, nandun pa si mokong. Lalabas na kasi ako noon para
mag-jogging. Naisipan ko kasing magpapayat ng konti, both to look good and to
develop my breathing, siyempre singer na ko…LOL! Eh di yun na nga, nakasandal
lang si Wesley sa gate namin. Nakita ko ang paa niya mula sa ilalim kaya naman
sinadya kong biglaan itong buksan para mapabagsak siya mula sa pagkakasandal.
SUCCESS! Nagising si mokong na parang disoriented ang mukha.
“Eh talaga
naman ding malaki sapak mo sa ulo noh? Anong ginagawa mo dyan?” tanong ko
“Hinhintay
ka… usap naman tayo Boss.” Makulit na naman niyang paki-usap. Haaay, ayan na
naman yung pa-cute niyang mukha pero sorry waley na yan sa akin.
“Ang kulit
mo din noh… sige mag-usap tayo ngayon. Dito mismo… para matapos lang ang lahat,
didiretsahin na kita. Ayoko na sa’yo, break na tayo… PERIOD. Gets?” mabilis
kong sinabi.
“Pero
boss….” Naputol naman ang kaniyang pagsasalita ng biglang may dumating na
kotse. Tumpaktita, si Jerek nga!
“Oh Jerek?
I’m happy you’re here na… Let’s go!” Hinalikan ko ito… dapat sa pisngi lang
kaso na-aksidenteng lumanding sa lips… nagkunwari lang ako na expected ko si
Jerek pero ang totoo… malay ko bang darating siya…hahaha! Halatang lito naman
si Jerek pero dahil sa hinila ko na siya ay sumunod na lang ito.
Sumakay na
kami sa kotse ni Jerek at iniwan si Wesley. Tinignan ko naman siya mula sa side
mirror. Napaupo ito sa tapat ng gate namin. Nakayuko… parang malungkot!?
Aaminin ko na may kurot sa puso ko pero ganun ata talaga. Hindi naman kasi
totoo yung “break it to me gently” effect. Mas lalo lang magiging mahirap sa
amin.
Pagharap ko
kay Jerek ay nginitian ako nito. Para bang alam na niya kung anong nagyayari.
“Ahhmm Tim,
may I ask you something?” tanong niya.
“Sure!”
sagot ko naman.
“Can I be
your doctor?” ano to pumi-pick up line? Sinakyan ko na lang!
“What do you
mean?”
“Can I heal
your heart? Can you give me a chance?”
Tahimik.
“Jerek… you
are special to me. I don’t want to hurt you. You know that!” malumanay kong
sinabi.
“Let’s just
try… If it didn’t work, it’s fine with me! I promise not to push it too hard.”
Pakiusap nito.
Tanging
ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba
siya matatanggihan. Super bait kasi niya sa akin ever since. Ilang beses na ako
nag-hindi sa kaniya pero hindi siya nagsawa. Mabuti din naman siyang kaibigan
kaya siguro kung ita-try namin eh magiging okay naman.
Pagbalik
naming sa bahay ay wala na doon si Wesley. Nalaman ko na lang na kinausap daw
ni Mom at kusa na ito umalis. Pasalamat naman ako sa Dyos at walang nagkalat na
tulo ng dugo sa paligid… at least iwas kulong!
Gaya ni
Wesley ay si Jerek din ang nagpaalam kay Mom ng set up namin. Pinayuhan siya ni
Mom na maaari siyang masaktan. Alam kasi nito na hanggang ngayon ay hindi pa
ako nakaka-get over sa break up namin ni mokong. Tanggap naman daw iyon ni
Jerek at ang sa kaniya lang ay gusto niya akong alagaan… Caregiver ang peg?
Sabagay, kung ganyan ba naman kagwapo at kabait ang caregiver eh araw araw
akong magpapapaligo! Hehehe…
Ilang buwan
na ang nakalipas since huling nangulit si Wesley at naging kami naman ni Jerek.
Normal naman ang takbo ng buhay ko bilang singer sa bar. By the way, nag-solo
na din ako bilang advice ni Jerek. Nilakasan ko na lang ang loob ko kasi sayang
din naman ang TF, mas malaki kung solo lang ako. Everything seems fine hanggang
sa makatanggap ako ng text.
“TIMMY,
pwede ka bang makausap? Call mo ako ha! – ODIE”
Huh? Bakit
naman napatext tong si bekz? Agad ko siyang tinawagan para alamin kung anong
problema.
“Hello,
Odie?” bati ko.
“Hello
Bakla… kamusta ka na?” tanong niya
“Okay naman
ako… kayo, sila Direk? Miss ko na kayo!”
“Yun na nga
eh, nahihiya man ako pero wala na kasi akong malapitan. Nandito ako ngayon sa
ospital. Naka-confine si Direk. Tumawag kasi sa akin yung asawa niya, ang sabi
eh inatake daw sa puso. Humihingi ng tulong sa akin eh walang wala din naman
ako. Wala na din kasi kami pare-parehong trabaho.” Kwento niya.
“HA! Paanong
nangyari… May kinalaman ba yung tatay ni Wesley na kamag-anak ni Lucifer dito?”
galit kong tanong.
“Kailangan
pa bang i-memorize yan? Noong una kasi eh ayaw ka na sana naming idamay sa gulo
kaya hindi namin sinabi. Pero biglang ganito na nga…”
“Okay… sige
punta na ko dyan. Nasan bang ospital si Direk?”
Matapos
niyang ibigay kung saan naka-admit si Direk na para ko nang tatay eh agad akong
pumunta. Nagpahatid na ako kay Jerek para mabilis. Agad ko namang nakita si
Odie at niyakap ako’t biglang umiyak.
“Oh bakit
te? Ikaw ba ang asawa ng pasyente?” malumanay pero pabiro kong sinabi.
“Ikaw naman
Timmy eh, nalulungkot lang talaga ako. Alam mo namang parang tatay na natin si
Direk. Kapag may nangyari dyan syempre affected ako.” Parang batang
nagsusumbong. “Saglit… sino naman yang baon mo?” sabay nguso nito kay Jerek.
“Ahh… si
Jerek nga pala… Odie this is Jerek, Jerek this is my abnormal bestfriend Odie.”
Pagpapakilala ko sa isa’t isa. Nagngitian naman sila. Si Odie naman gusto pa
atang maka-score at aktong bebeso pa… “Oh sandali… akin na yan eh! Cha-chow ka
pa! Hanap ka na lang ng nurse dyan!” sabay harang ng palad ko sa mukha ni Odie.
“You mean…
ikaw te… naka-dagit ka agad? TFC subscriber pa!” para siyang gulat na ewan.
“Haaay… tama
na nga yan, nasan na ba ang doctor ni Direk at kakausapin ko.” At pinuntahan ko
na nga si Dok!
Ayon sa
doctor ay kailangan daw maoperahan ni Direk. Buti na lang at kumpleto ng
insurance si Direk… kailangan na lang niya ng konting halaga para sa iba pang
bills sa ospital. Bilang ako naman eh nakaka-luwag luwag eh ako na ang sumagot
sa bayarin. Hindi naman magkaubos- ubos ang thank you ng wife ni Direk.
Sa
kalagitnaan ng thank you portion namin eh hindi naman maiwasan na bumalik sa
isipan ko ang sinabi ko kay Big Boss noong huli kaming nagkaharap… Isinumpa ko
na kung idadamay niya pati ang mga kasamahan ko sa galit niya sa akin ay hindi
ko ito palalampasin. Ngayon dahil sa ginawa niya… kilay niya lang ang walang
ganti! Iisa-isahin ko talaga bigote nun ni tanda! Haaaissst!
Napansin ata
ni Odie na malalim ang iniisip ko. Alam niyo para na kasi kaming magkapatid
niyan ni bakla kaya kabisado niya ang takbo ng utak ko. Siguro niya naiisip
niya ang naiisip ko… B1 at B2 lang ang peg! Pero siyempre mas maganda naman ako
sa kanya noh! Peace…
“Hoy bekz,
alam ko yang mga pag-iinarte mong yan.” Biglang sabi ni Odz.
“Anong
sinasabi mo dyan?” pagkukunwari ko naman.
“Kung ano
man yang pinaplano mo eh kalimutan mo na… ok naman na si Direk kaya hayaan mo
na sila! Mayayaman yun, makapangyarihan… baka ikaw lang ang mapahamak sa huli.”
Payo niya.
“Konting
pang-aasar lang naman eh… slight lang te!” dinaan ko na lang sa biro.
“Gaga…
parang beer lang yan, kahit konti o madami pareho lang ang amoy niyan sa bibig!
Eh teka, ano bang iniisip mo? Magpapasabog ka ng bomba sa bahay nila?
Ipapakidnap mo si Big Boss… share naman!”
“Eh mas gaga
ka pala! Hardcore naman ng mga pinagsasabi mo! Basta, wala naman akong plano.
Ipagdasal na lang nila na wag mag-krus ang mga daan naming!” pagbabanta ko.
“Basta ingat
ka te! Alam mo naman yang mga yan… kung maka-asta, akala mo eh nabili nila ang
buong Pilipinas.”
“Bahala na
si Batman Odz. Oh sige kayo na bahala kay Direkted by ha. May gig pa ko mamaya
eh. Baboo!”
"Sige
bye bye din… salamat ulit!” At nagpaalaman na kami.
Medyo lutang
ako ng gabing yun. Buti na lang at hindi naman masyadong naapektuhan ang
trabaho, kundi nakakahiya naman sa may-ari ng bar! The night ended at pauwi na
sana kami ni Jerek. Saktong palabas na kami ng bar ng harangin kami ng aming
manager na si Tito Jugs.
“TIM! Wait…”
bungad nito.
“Bakit po
Tito Jugs?” tanong ko naman.
“May raket
kasi ako para sa inyo. May naghanap kasi ng banda na magpe-perform para sa
isang party. Mga bigatin ang bisita at panay executives kaya naman ang gusto
nila eh mga classic music ang repertoire. Big band style ba? Kaya mo ba? Mga 4
songs lang naman… banatan mo ng Moon River, The Last Time, I’ll Take Care of
You tsaka The Way You Look Tonight. Okay?” paliwanag nito.
“Ahhmmm…
Sige basta sila Jerek na lang back up ko ha! Mas gamay ko sila kasama eh.”
“O sige… sa
Linggo na to. Since sosyalan to eh formal attire. Coat and Tie… alam mo na
siguro yun!”
“Okay po!”
Umuwi na
kami after ng pag-uusap naming nila Tito Jugs. 2 days pa ang preparation naming
para sa raket naming kaya naman pinagplanuhan na naming ang pag-eensayo. First
time ko kasing maging event singer kaya naman nagtanong tanong din ako kung ano
ba dapat ang paghandaan ko. Buti na lang nandyan si Jerek at hindi ako
pinabayaan.
Unti- unti
na talagang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Feeling ko mahal ko na din siya.
May mga oras lang na kapag sinabihan niya ako ng “I Love You” ay hindi ako
makasagot. Bigla kasing sumasagi sa isip ko si Wesley, tapos ayun naba-blanko
na ko. Buti na lang at very patient si Jerek sa akin. Kung sa iba siguro eh
matagal na akong iniwan. Wala din naman kasi akong ma-offer sa kaniya… in fact,
wala pa ngang nangyayari sa amin… yung sa ano ba!
Nakalipas na
nga ang 2 araw at ready na kami para sa kauna-unahan kong event singing stint.
In fairness eh wala naman akong kabang nararamdaman. Siguro nasanay na din ako
sa gabi- gabi naming pagpeperform sa bar.
Hinatid kami
ni Tito Jugs sa lugar na paggaganapan ng party. Bandang Makati iyon, isang
malaking mansion. Pagbukas ng gate ay makikita ang malawak na malawak na
garden. Naka-set na ang mga tables at sa gitna naman ay naglagay ng stage. Agad
kaming nag-ayos ng mga gamit naming para makapag-sound check.
Nang
naka-set up na kami ay may lumapit sa amin. Siya daw ang event coordinator at
sinamahan kami sa loob ng bahay para kumain muna. Bonggels ang mga pagkain…
Yung mga kabanda naming eh lafuk kung lafuk! Ako naman eh tumikim lang dahil
hindi ako makakantan ng maayos kapag marami akong nakain. Pagkatapos naming
kumain ay bumalik na ang event coordinator. Magsisimula na daw kasi ang party
at nandyan na ang mga bisita.
Paglabas
namin ng bahay, kita ko agad ang maraming tao. May mga ilang familiar faces
akong nakita… mga taga- dos, siyete… may mga artista at ilang kilalang
personalidad. Aba! Totoo nga na bigatin pala tong party na to? Hinarap ko naman
agad ang event coordinator… Bilang dati akong showbiz writer eh inusisa ko siya
kung sino ba ang host ng party…
“Ah, si Mr.
Juanito del Rosario… birthday niya ngayon!” parang nagpantig ang tenga ko sa
sinabi niyang yun.
Hindi ko
alam kung ano ang dapat kong gawin… Hindi ako makaurong dahil nakataya ang
pangalan ng manager namin. Hindi kasi ako yung tipong nang-iiwan basta basta sa
ere dahil sa personal issues. Nahalata naman ni Jerek na aligaga ako kaya
tinanong niya ako kung bakit. Hindi na lang ako umimik at nginitian siya.
“Salang na
kayo sa stage, kanta muna kayo habang naghihintay yung mga bisita sa host ng
party.” Sabi ng event coordinator.
No choice
ang lola mo! Isa… dalawang kanta… ayan na! Bigla nang nagsalita ang voice over
para i-welcome ang mga host ng party.
“Good
Evening Ladies and Gentlemen… May we all stand to welcome our tonight’s host
and birthday celebrant MR. JUANITO “BIG BOSS” DEL ROSARIO!..”
Nagpalakpakan
ang lahat… ako naman ay tahimik lang.
(ITUTULOY)
[09]
“Masarap daw
umibig… parang paborito mong ulam, wag lang sana abutin ng pagkapanis.”
“Good
Evening Ladies and Gentlemen… May we all stand to welcome our tonight’s host
and birthday celebrant MR. JUANITO “BIG BOSS” DEL ROSARIO!..”
Nagpalakpakan
ang lahat… ako naman ay tahimik lang.
Hindi ko
alam kung anong gagawin ko noong mga panahong yun. Bababa na ba ako ng stage at
aalis? Pero pano si Tito Jugs? Paano yung mga kabanda ko? Nasa kalagitnaan ako
ng pag-iisip ng makita kong kasunod na
naglalakad ni Big Boss si Wesley… SHet! Lupit naman oh! Ano to package deal na
problema?
Hindi na ko
nakapag-isip pa… si Jerek naman eh napansin na din si Wesley na naglalakad.
Hinawakan na lang nito ang aking mga kamay na para bang sinasabing “relax ka
lang.” Yun na nga ang ginawa ko. Inisip ko na lang na trabaho lang ang ginagawa
naming kaya nagawa kong magstay na lang sa stage. Papalapit naman ng papalapit
ang mag-amang impakto. Pero aaminin ko, gwapo talaga ni Wesley… laman tyan te!
Sayang nga lang, sinira niya ang tiwala ko.
Pag-apak ni
Big Boss at Wesley sa stage ay halatang gulat ang mga ito nang makita ako.
Dedma naman ako, siyempre nakakahiya kung eeksena ako noh! Para naman nagising
sa bangungot si Big Boss nang muli itong maglakad. Nung nasa tapat ko na siya
ay bumulong siya sa akin, “Ang kapal din ng mukha mo na pumunta dito.”
Aba!
Papatalo ba naman ako. Saktong nakaharap na siya sa mga tao nang bumulong din
ako mula sa kaniyang likuran. “Hiyang hiya naman ako sa nipis ng balat niyo!”
Lumingon
siya sa akin sabay nginitian ko naman. “Happy Birthday po!” pang-aasar ko pa.
“Pa! not
here… not now!” bulong naman ni Wesley na nasa tabi niya. Tumingin din sa akin
si Mokong pero iniba ko ang direksyon ng aking mga mata.
Iniabot na
ng event coordinator ang mic kay Big Boss at binati nito ang mga bisita. Akala
mo tatakbong senador si Rez Cortes… este si Big Boss. Ang haba ng sinabi eh ang
main point lang naman ng mala-nobela niyang speech ay thank you!
Akala ko
patapos na siyang magsalita ng may pahabol pa ito.
“And let me
just share this to everyone. I want to thank my son Wesley for always being an
obedient child. Salamat anak at nanatili kang masunurin sa akin at pinili mo
ang landas na tama! Sana patuloy kang maging matuwid at iwasan ang mga bagay na
makapagpapa-HAMAK sa iyo.” Sabay tingin sa akin at inemphasize pa ang mga
sinasabi.
Sandali nga…
para naman sinabi nitong si tanda na pahamak ako? Sino ba ang pahamak sa amin…
ako na nagparaya para maisalba ko ang mga kasamahan ko sa trabaho o siya na
pilit tinggalan ng trabaho ang mga tauhan niya para lang mapasunod ang anak
niyang puppet sa gusto niya?
Muling
kumulo ang dugo ko sa galit. Bigla na lang may pumasok sa isip ko… asaran lang
pala ang labanan dito ha!?
Umupo na
silang mag-ama sa sosyal na upuan na inilagay sa bandang gilid ng stage. Iyon
kasi ang bahagi ng programa kung saan dapat ay kakantahin ko ang paborito
niyang kanta na Moon River. Pero dahil sa nabwiset ako eh kinausap ko ang
banda. Pinapalitan ko ang kanta… Baklaan lang din naman eh di babaklain ko ang
party niya.
“Dude, Put
Your Records On tayo…” sabi ko sa mga kabanda ko.
“Tim, wala
yun sa line-up?” sabi naman ng isa.
“Basta, ako
bahala…” sagot ko. Tinignan ko naman si Jerek… “Do you trust me?” tanong ko sa
kaniya.
“Yes… why?”
tanong din niya.
“Just trust
me… promise me!” seryoso kong sinabi.
“Okay,
promise!” mabilis naman niyang sinabi.
At bigla
kong iniba ang reaction ng mukha ko… Nginitian ko sila Big Boss at Wesley na
para bang may masama akong balak… well in fact meron! Hahaha…
At heto na
nga… nagsimula na tumugtog ang banda.
Three little
birds, sat on my window.
And they
told me I don’t need to worry.
Summer came
like cinnamon
So sweet,
Little girls
double-dutch on the concrete.
Maybe
sometimes, we’ve got it wrong, but it’s alright
The more
things seem to change, the more they stay the same
Oh, don’t
you hesitate.
Girl, put
your records on, tell me your favourite song
You go
ahead, let your hair down
Sapphire and
faded jeans, I hope you get your dreams,
Just go
ahead, let your hair down.
You’re gonna
find yourself somewhere, somehow.
‘Twas more than I could take, pity for pity’s
sake
Some nights
kept me awake, I thought that I was stronger
When you
gonna realise, that you don’t even have to try any longer?
Do what you
want to.
Girl, put
your records on, tell me your favourite song
You go
ahead, let your hair down
Sapphire and
faded jeans, I hope you get your dreams,
Just go
ahead, let your hair down.
Girl, put
your records on, tell me your favourite song
You go
ahead, let your hair down
Sapphire and
faded jeans, I hope you get your dreams,
Just go
ahead, let your hair down.
Oh, you’re
gonna find yourself somewhere, somehow
Habang kinakanta
ko iyon ay hinubad ko ang aking coat. Para bang simbolo na naglaladlad ako.
Alam ko naman kasing malaki ang galit ni Big Boss sa mga bading… eh ano siya
ngayon! Nag-level up pa ako at nilapitan silang mag-ama. Hindi ko alam kung
dapat ba akong matakot o matawa dahil talagang pulang pula ang mukha ni Big
Boss sa mga pinaggagagawa ko.
Si Wesley
naman hindi maintindihan kung anong gagawin niya para wag magkaroon ng
eskandalo sa party ng papa niya. Tuloy lang ang kanta ko hanggang sa napatayo
na si Big Boss sa kaniyang kinauupuan. Ayyy… nag-walk out! Hahaha! SUCCESS!
Mga isang
kanta pa at tapos na ang set namin. Hinihintay na lang naming si Tito Jugs na
kausap noon ng event coordinator nang lapitan naman ako ng isa sa mga maid nila
Wesley.
“Sir,
pinapatawag po kayo ng amo namin. Sunod na lang po kayo sa akin.” Sabi niya
“Huh? Bakit
naman ako?” duda kasi ako, baka ipa-salvage ako bigla!
“Gusto daw
po kayong makausap.” Giit nito at sabay tumalikod at naglakad na.
Nagpaalam
naman ako kay Jerek at sumunod na sa maid. Pumasok kami sa loob ng bahay at dun
ko nakita si Big Boss. Nakatayo at nakatalikod sa akin.
“Bakit niyo
naman ako pinatawag… tapos na trabaho namin dito!” matapang kung sinabi.
“Ang kapal
din naman ng mukha mo na pumunta sa pamamahay ko at sirain ang party ko!”
humarap na siya sa akin.
“Aba, hoy
Mr. del Rosario… unang una, hindi kami nagvolunteer na pumunta dito dahil hindi
naman charity work to! At pangalawa kung alam ko lang na birthday party niyo
to, malamang eh hindi ko na tinanggap pa… ni hindi ko nga alam na pinanganak ka
pala… sa sama ng ugali mong yan, galing ka pala sa sinapupunan ng isang tao?!”
patuloy kong pagsagot.
“PA… Tim…”
biglang sumulpot sa likuran ko si Wesley.
“Oh siya…
kung wala na ho kayong baon na punch line eh aalis na ko! Salamat sa bayad
niyo! Happy Birthday na lang… enjoy, baka last niyo na yan!” Tatalikod na ko ng
hinawakan ako ni Wesley.
Aalisin ko
na dapat ang pagkakahawak niya sa braso ko ng makita ko ang reaksyon ng Papa
niya… Galit na galit na naman si Rez Cortes. Ewan ko ba kung anong pumasok sa
isip ko at bigla kong hinalikan si Wesley. Naisip ko na madadagdagan yung
pagkayamot ng matanda. Effective nga!
“WESLEY!”
Sigaw ni Big Boss. Kumalas na din ako sa paghalik kay Wesley… Bitin! Charot!
“Ah… bago ko
nga po pala makalimutan… para yun sa pagtanggal niyo ng trabaho sa mga
kasamahan ko na bumuhay sa luma mong studio sa loob ng mahabang panahon! Si
Direk… ayun, nasa ospital! Kung ikaw eh may puso… sana naisip mo na hindi lang
sa inyo umiikot ang mundo. O baka naman pati konsensya niyo eh pinalayas niyo
na din? Hindi ako o si Wesley ang nakakahiya kundi kayo! Wala kayong puso!”
Tinuloy ko na ang pag-alis habang tahimik naman silang mag-ama.
Phhheeewwww…
That was a hell of a night! Buti at nakalabas pa ko ng buhay. Medyo pinagalitan
nga lang ako ng manager namin dahil pansin niya din ang mga kakaiba kong kilos.
Pinaliwanag ko na lang sa kaniya ang lahat at naintindihan din naman niya.
Kinabukasan
nabalitaan ko kay Odie na bumisita daw kay Direk si Big Boss… Weh di nga? Baka
naman tinamaan sa mga sinabi ko sa kaniya? Anyways… hindi pa din sapat yun…
What’s done is done!
Ako naman eh
patuloy pa din sa mga ginagawa ko… trabaho…pag-asikaso kay Jerek. Okay naman
ang lahat. Walang kontrabida… Naku, mukhang nausog! Hindi ko inaasahan na
muling mangungulit si Wesley sa akin matapos ang party.
Isang umaga
ay mag-isa lang ako noon sa park habang nagjo-jogging. Sa hindi kalayuan ay may
napansin akong lalake na nakaupo sa bench. May hawak na tumbler at isang paper
bag na maliit. Habang papalapit ako ay parang pamilyar ang tindig nito… PAKK!
Si Wesley nga. Ano na naman ba!? Hindi na ba nila ko papatahimikin?
Nang nandun
na ako sa tapat nito ay patuloy lang ang jogging ko na kunwari ay hindi siya
nakita. Aba si mokong eh naki-jogging na din. Prepared pa ha… Naka-sando at
jogging pants din. Takbo lang ako ng takbo… hindi nagtagal eh nabwiset na din
ako sa pagsunod niya sa akin.
“Ano ba…
delivery boy ka na ba ngayon?” sigaw ko.
“Ha? Bakit…
sinong nagsabing sa’yo tong dala ko?” sabay ngiti.
“Aba! Kita
mo tong…” wala na kong masabi dahil napahiya ako dun! For the first time ha,
na-waley ang punch line ko.
Patuloy pa
din akong tumakbo at patuloy din naman siyang sumunod… kulang na lang sabihin
kong “Habulin mo ko!” Waaaah! Ano na naman bang drama niya?
“Mr. del
Rosario… what are you up to now?” nakasimangot kong sinabi.
“Bakit mo
ako hinalikan noon sa party?” diretsahan niyang sinabi.
“Ah yun…
tinikman ko lang kung anong lasa ng handa niyo. Hindi kasi ako kumain eh!”
sarcastic kong sagot.
“Sabihin mo
na kasi yung totoo! Mahal mo pa ko noh?” nginitian na naman niya ko.
“Tanga ka
ba? Pagkatapos ng ginawa niyo sa aking mag-ama, sa tingin mo magpapaka-gago pa
ko sa’yo?”
“Eh bakit mo
nga ko hinalikan?” pangungulit ni Wesley.
“Wala yun…
kalimutan mo na yun! Walang halong emotions yun!” pagde-deny ko.
“Wala!... di
nga… na-feel ko eh!”
“Eh baka
ikaw lang basta ako hindi… Hindi na kita mahal… I have Jerek and I’m happy…
Tapos!” Sabay daan naman ng taxi at pinara ko ito at agad na sumakay. Si Wesley
naman eh panandaliang natulala ng nabanggit ko ang tungkol sa amin ni Jerek.
Nang mapansin niyang sumakay ako sa taxi ay patuloy niya akong hinabol… Meteor
Garden ang peg… feeling ko tuloy ako si San Chai!
Todo habol
si Wesley at rinig ko na sinisigaw niya ang pangalan ko. SInabihan ko naman ang
driver na bilisan ang takbo.
“Naku po…
Sir yung humahabol sa inyo!” biglang sigaw ng driver.
Potek!
Pinahinto ko agad ang taxi sa pag-iisip na baka napaano si Wesley. Waaahhh…
baka nasagasaan o ano! Bumaba ako ng taxi at tumakbo pabalik. Kitang kita ko na
nakahiga sa kalsada si Wesley. Hindi ito gumagalaw. Agad akong tumakbo paputa
sa kaniya. Mga ilang metro din ang layo ng aming pagitan. Nang malapitan ko
siya ay tinapik tapik ko ang kaniyang mukha.
“Wesley…
Wesley… Boss! Gumising ka!” alalang-alala ako ng mga oras na yun. “BOSS!
Gumising ka… hindi ka pwedeng mamatay… mamahalin pa kita! Shet naman oh!”
naluluha kong sinabi.
Tatawag na
dapat ako ng tulong nang bigla naman siyang dumilat!
“Tulong!...
Tulo….” naputol ang aking pagsigaw ng halikan niya akong bigla sa labi.
“Ano,
tatanggi ka pa?” yan na naman ang pamatay niyang ngiti!
“Eh gago ka
talaga noh! Nababaliw ka na ba?” galit kong sinabi. Tumayo ako bigla pero
hinila niya ang braso ko at napahiga kaming dalawa.
“Ano nga…
mahal mo pa ko? OO o HINDI!” Matalim ang pagkakatitig niya sa mata ko.
“HINDI!!!
Hindi nga!” pagmamatigas ko. Gustuhin ko mang tumayo ay yakap yakap niya ako.
“Yung totoo
Mr. Cabrera? Bakit sinabi mo kanina mamahalin mo pa ko? Ako, mahal pa rin kita!
Mahal na Mahal!” seryoso nitong sinabi. “Akala ko ba itataya mo lahat para sa
akin? Ngayon ako naman ang pupusta, alam kong mahal mo pa ko!”
“OO!!! Mahal
pa rin kita! MAHAL na MAHAL! Pero hindi na pwede… iba yung noon, iba na rin
ngayon.” Pinilit kong makakawala sa kaniya. Ramdam niya siguro na seryoso ako
kaya hinayaan niya akong makaalis.
Muli akong
bumalik sa taxi at umuwi. Ayan tuloy… ang laki ng patak ng metro… oh davah, yun
pa rin talaga ang nasa isip ko? Toooinnnks!
But kidding
aside, litong lito na ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin. Alam ko na mahal
ko si Wesley pero hindi ko din kayang
saktan si Jerek. Naging mabuti siya sa akin kaya naman hindi ko ata kakayanin
na iwanan na lang siya. Pero ano ba ang tama? Magmahal ako ng isang tao dahil
lang sa kabutihan na ipinakita niya sa akin… o harapin ko ang katotohanan kahit
na merong mga tao na masasaktan?
Ang hard
naman! Sa kalagitnaan ng pag-iisip eh nakita ko na lang ang sarili ko na
mag-isa sa tapat ng LRT station sa Marikina Riverpark. Dun ako naglalagi kapag
may problema ako at malalim ang iniisip. Gustong gusto ko kasi nakikita ang
galaw ng tren. Minsan dun ko ibinabase ang mabibigat na desisyon ko sa buhay.
Gaya noong pipili ako ng kurso sa kolehiyo… gusto kasi ni Dad ay Engineering
ang kunin ko habang Masscomm naman ang gusto ko. Ang ginawa ko inabangan ko ang
galaw ng tren… kapag naunang lumagpas ang tren na papuntang Recto ay
Engineering ang kukunin ko at kapag pa-Santolan naman ang unang dumaan eh
Masscomm ang pipiliin ko… At yun na ng nauna angpa-Santolan Station kaya
nag-Masscomm ako.
Try ko kaya
ngayon? Kapag pa-Santolan Station ang unang dumaan, I’ll stick with Jerek pero kapag papuntang
Recto naman ang nauna eh bibigyan ko ng second chance si Wesley….
(ITUTULOY)
[10]
“Ang
pag-ibig parang bingo, kahit isang numero na lang ang kulang, minsan natatalo
pa!”
Ang hard
naman! Sa kalagitnaan ng pag-iisip eh nakita ko na lang ang sarili ko na
mag-isa sa tapat ng LRT station sa Marikina Riverpark. Dun ako naglalagi kapag
may problema ako at malalim ang iniisip. Gustong gusto ko kasi nakikita ang
galaw ng tren. Minsan dun ko ibinabase ang mabibigat na desisyon ko sa buhay.
Gaya noong pipili ako ng kurso sa kolehiyo… gusto kasi ni Dad ay Engineering
ang kunin ko habang Masscomm naman ang gusto ko. Ang ginawa ko inabangan ko ang
galaw ng tren… kapag naunang lumagpas ang tren na papuntang Recto ay
Engineering ang kukunin ko at kapag pa-Santolan naman ang unang dumaan eh
Masscomm ang pipiliin ko… At yun na ng nauna ang pa-Santolan Station kaya
nag-Masscomm ako.
Try ko kaya
ngayon? Kapag pa-Santolan Station ang unang dumaan, I’ll stick with Jerek pero kapag papuntang
Recto naman ang nauna eh bibigyan ko ng second chance si Wesley….
Ayan na…
nandyan na ang tren!!! Pa-Santolan? Ibig sabihin si Jerek ang dapat kong
piliin. Hindi ko na itatagong may lungkot akong naramdaman. Pero yun ang sabi
ng sign kaya dapat sundin ko na lang. Haaay… ganito ba talaga kapag in-love?
Ang gulo gulo.
Sa puntong
yun ay naisipan ko na lang sumakay mismo ng LRT. Matagal na din kasi akong
hindi nakakasakay ng tren… college days ko pa ata since huli akong nag-LRT.
Nilakad ko na lang papuntang train station. Effort di ba! Tulala pa din ako
habang naglalakad… Wesley o Jerek, Jerek o Wesley. Kung meron lang life line na
phone a friend eh ginawa ko na siguro. Nakarating na nga ako sa station pero
saan naman kaya ako pupunta?
Naisip ko na
pumunta na lang sa RECTO. Masulit lang ba yung haba ng biyahe. Agad akong
bumili ng ticket at naglakad papuntang elevator. Nakaka-babae kasi kapag dun ka
sumakay, di ba pang buntis lang yun… Hahaha! Pero hindi pa man ako nakakarating
ng elevator, may bigla akong nakita.
SHETTT! Si
WESLEY!
Nakita din
niya ako kaya agad niya akong nilapitan.
“Boss… dito
ka lang pala nagpunta. Bakit mo ako iniwan kanina. Please naman mag-usap pa
tayo.” pakiusap nito.
“Wag mo nga
ko ma-Boss Boss diyan… excuse me may lakad pa ko.” Pagsusungit ko.
“Eh anong
tatawag ko sa’yo? Kuya?” pabiro nitong sinabi.
“Gago ka
talaga! Eh bakit ba hanggang dito eh sinusundan mo ko… hindi ba nagkalinawan na
tayo?”
Nang
tanungin ko siya ay ipinakita niya sa akin ang kaniyang ticket.
“Oh ano
naman yan?” tanong ko.
“Ticket?!
Going to RECTO… bakit bawal?” tanong din niya.
Parang
biglang huminto ang takbo ng mundo ng marinig ko ang sinabi niyang
‘RECTO.’ LORD! ANO BA TALAGA? Wala na
nga akong nagawa pa. Since pareho kami ng sasakyan na tren eh hindi na niya ko
tinantanan. Sinubukan kong layuan siye pero si mokong eh parang aninong sunod
ng sunod. Naupo na nga ako sa bandang gilid ng tren, sa four seater at tumabi
din naman siya sa akin. May dalawa pa kaming nakatabi, yung isa ay babaeng may
edad na at isa naman madre.
“Good
morning po mother!” bati ni Wesley sa madre
“Good
Morning din iho.” Binate din naman siya.
“Ano to talk
show? Bigla bigla na lang may batian portion?” sabi ko naman sa sarili.
“Ahhmmm,
mother pwede po ba akong magtanong?” aba si mokong pinanindigan ang
pagpapaka-Boy Abunda.
“Ano naman
yun iho.” Humarap na sa kaniya si Mother.
“Kunwari po
may taong nagkasala sa akin, medyo mabigat po yung pagkakasala niya. Ngayon eh
humihingi po siya ng tawad. Ano po bang dapat kong gawin.” Tanong ni Wesley.
“Ah, iho
dapat ay patawarin mo siya. Hindi maganda ang nagtatanim ng galit sa puso. Lagi
nga nating sinasabi na kung ang Diyos ay nakapagpatawad, sino ba naman tayong
mga tao lamang para ipagdamot ito sa ating kapwa. Imbes na galit ay dapat
pag-ibig ang iganti natin sa mga nagkakasala sa atin.” Paliwanag naman ni
Mother.
“Thank you
po Mother.” Sabay lingon sa akin at nginitian ako. Nagkunwari naman akong hindi
nakikinig sa usapan nila.
Aba! Si
mokong naghanap pa ng kakampi. Ginamit pa ang Diyos… But I must admit, may
point si Mother… CONGRATULATIONS! May tama ka!!!
Bumaba na
ang madre at ang katabi niya kaya naman kami na lang naiwan sa upuan.
“Boss…”
pagbasag niya sa katahimikan. Hindi ko siya pinansin.
“Boss, alam
mo ba nung nagalit ka sa akin. Hirap na hirap ako. Mahal na mahal kasi kita.
Naipit lang ako sa sitwasyon.” Patuloy lang ang pagsasalita niya at ako naman
ay tahimik lang.
“ Noong
nalaman ni Dad ang tungkol sa atin, pinapili niya ako. Lalayuan kita o
idi-dissolve niya ang production team niyo. Alam ko kung gaano mo kamahal ang
trabaho mo… kung gaano mo kamahal ang buong staff. Pinili ko kung anong
makakapagpasaya sa’yo kahit na kapalit nun eh magalit ka sa akin. Hindi ka
nawala sa puso ko, sa bawat gagawin ko ikaw lang ang naiisip ko. Mahal kasi
kita eh!” Seryoso nitong sinabi.
“DING
DONG!... Arriving at Recto Station… Paparating na sa Recto Station!” Letse
naman… panira ng mood!
Bilang drama
queen ako eh agad akong tumayo at iniwan siya habang feel na feel pa niya ang
page-emote. Binilisan ko ang lakad hanggang sa hindi niya na ko makita dahil sa
dami ng taong nauna sa kaniya.
Parang
telserye ang eksena te! Napahinto ako sa paglakad sa kalagitnaan ng platform.
Nang mawala ang bulto ng tao ay lumingon ako. Nakatayo lang din siya.
“Gago ka
talaga BOSS!!! Gago ka!!!” sinigawan ko siya at tumakbo naman siya papunta sa
akin at parang automatic na ang lahat.
Hinalikan
niya muli ako. Niyakap. Matagal… Tumulo bigla ang luha ko nang hindi ko
namamalayan… At ang nakakaloka… nakatingin sa amin ang mga tao sa kabilang
linya ng train station…HAHA! Keber!
“Oh ano…
tayo na ulit? Boss?” tinitigan niya ako sa mata at nginitian.
“Gago ka
talaga… OO na!” sabay tango ng aking ulo.
“Nakaka-ilang
gago ka na ha!... ginago mo puso ko eh!”
“Jologs
naman ng pick-up line mo… wala bang bago?” pabiro kong sinabi.
“Exam ka
ba?” tanong niya.
“Bakit?”
“Kasi gusto
kitang i-take home eh!” sabay tingin sa akin with matching naughty looks…
“HOY! Mr.
del Rosario ha! Baka gusto mong bawiin ko promotion mo… nakakahiya ang daming
tao.” Sabay tapik ko sa kaniyang noo.
“Ito naman
oh… kung makakalusot lang.”
“Oh e
di palusutin…” sabay takbo ko…
“Weh… di
nga!” sigaw niya habang nakatayo pa din at tila natulala sa sinabi ko.
“Hoy… anong
tinatayo tayo mo dyan? Gusto mo bang makalusot o hindi?” sigaw ko.
“Sandali
lang… Humanda ka! Batang Cobra energy drink yata to… Waaahh!” at tumakbo na din
siya papunta sa kin.
Dinala na
nga niya ako sa kaniyang bahay at dun na naganap ang sangkatutak na lusutan!
Hahaha… Ayoko na i-detalye… amin na lang yun! Nag stay muna ako dun sandali,
nakahiga lang kami sa kama habang yakap ang isa’t isa.
“Boss… I
love you!” bigla niyang sabi.
“Ayoko!”
“Anong
ayoko? Ikaw ang dami mong pasabog!” sabay siko sa akin.
“Ayoko kasi
ang hirap mong mahalin eh… Try mo magmahal ng katulad mong gwapo, mayaman…
kilala…” pinutol niya ang sinabi at biglang hinalikan.
“Ang dami mo
naman kasing sinasabi. Alam ko na yun… hehehe… gusto ko sabihan mo naman ako ng
I Love You… sige na” parang bata na nagmumukmok.
“I Love you…
pero…” pabitin kong sinabi.
“Meron na
namang pero?”
“…Pero paano
ang Papa mo. Sukdulan pa naman galit sa akin nun! Kung anu-ano pa naman ang
pinagsasabi ko sa kaniya.” Hiyang hiya kong sinabi.
“Ah… si
Papa… sigurado ipapa-salvage ka non… madami pa namang kilala yung sindikato na
pwedeng magkidnap sa’yo tapos ipapatay ka. Palalabasin na aksidente lang yung
nangyari.” Seryoso nitong sinabi.
“Gago ka
talaga… tinatakot mo ko eh!”
“De… joke
lang yun… pero siyempre ipagtatanggol kita!” sabay kiss na naman sa aking noo.
“Pero alam mo ba Boss, bilib na bilib si Papa sa’yo!”
“Weh? Yung
ganong reaksyon ng mukha niya? Bilib? Parang ayoko na abangang kung anong
itsura niya kapag galit.”
“Oo… noong
gabi ng birthday party niya, nag-usap kami. Actually, hesitant ako na kausapin
siya pero hindi ko talaga mapigilan. Hiniling ko sa kaniya na sana matanggap
niya kung ano yung totoo kong nararamdaman…”
“Owws… anong
sabi niya.”
“Nagulat nga
ako eh… bigla na lang niyang sinabi na bibisita daw kami kay Direk. Pakiramdam
ko na-realize niya na tama ka.”
“Ui… Boss,
pasensya ka na nga din pala sa akin… alam ko na mahal mo din ang Papa mo kaya
kung ano man yung mga sinabi ko sa kaniya, hindi ko sinasadya yun!” sabi ko.
“Hehe… alam
mo proud na proud ako sa’yo! Ikaw lang kasi nakasagot kay Papa ng ganun. Lahat
ng tao, maid, driver, pati mga executives sa kompanya eh takot dun… ikaw lang
ang nakapag-taray ng malupit sa kaniya!” sabay tawa ni Wesley.
“Loko ka
talaga… tawa pa? Eh paano nga si Papa mo? Nahihiya akong harapin siya.”
“Oh, ayan
pala si Papa!” biglang tingin niya sa pinto… Gago talaga wala naman pala!
“Siraulo ka
talaga… seryoso na kasi!”
“Sa tingin
mo gagawin ko lahat to kung hindi ako binigyan ng blessings ni Papa. Siya mismo
ang nagpayo sa akin na sundin ko ang puso ko. Pinapasabi din niya na sorry daw.
At sina Direk at Odie at yung iba pa, ibabalik na din niya sa trabaho.”
“Talaga!
Salamat naman… at least hindi na ko magi-guilty na nadamay sila sa gulo ko.”
“Eh ikaw
Boss… paano yung Jerek mo?” sabay simangot nito.
“Ahmm… since
natikman na kita… try ko naman siya tapos mamimili na ako sa inyong dalawa!”
sabay ngiti ko na parang nang-aasar.
“Ah ganun
pala ha… pwes papatikimin kita ng hindi mo malilimutan! Waaah!!!” naghabulan
kami sa palibot ng buong bahay. Hanggang sa mahuli niya ko sa bandang sala.
“Eto wala
nang joke Boss! Ako na bahala dun kay Jerek… mabait naman yun kaya siguro
maiintindihan niya rin naman.”
Pagkatapos
ay inihatid na niya ako sa bahay. Hindi ko na siya pinapasok dahil baka hindi
pa ready si Mommy at ma-byuda ako ng maaga.
“Kotse ni
Wesley yun hindi ba?” tanong ni Mom.
“Ah… ehh..”
pautal utal kong sagot.
“Naku po!!!
Ayan na nga ba ang sinabi ko… Ano Wooden Heart? Na-grinder na ba yang matigas
mong puso?” diretsahan niyang tanong.
“Alam mo
minsan pinagtataka ko kung bukod kay Gabriela Silang eh sinasapian ka din ni
Zenaida Seva! Ang lupit ng psychic powers niyo Ma!” pabiro kong sagot. Hindi
lang alam ni mom hindi lang puso ko ang na-grinder… hahaha!
“Wag mo ko
daanin sa biro Timothy ha! Paano na si Jerek niyan? Ang bait na bata pa naman
nun”
Umupo muna
ako sa sala at napabuntong-hininga… Paano nga ba?
“Basta anak,
maging totoo ka lang sa sarili mo. Gumawa ka ng tamang desisyon dahil walang
madaling paraan kundi ang masaktan ang isang tao pag ganiyang sitwasyon.
Mabuting tao si Jerek kaya alam kong maiintindihan niya.” Payo sa akin ni Mom.
Pero paano
ko nga ba sasabihin kay Jerek ang lahat… tipong “Jerek, alam mo ba nagkita kami
kanina ni Wesley. Hinalikan niya ko, hinalikan ko din siya tapos may nangyari
na sa amin. Kami na ulit. Sorry!”
Dyosko, baka
jombagin ako nun ang laki pa naman ng braso niya! Waaahh… paano nga ba?
Sumapit na
nga ang gabi. Gaya ng nakagawian ay sinundo ako ni Jerek papasok sa bar. Work
mode lang. Pagkatapos ng set ko ay sila naman kaya watch lang ako sa kanila.
Para naman
akong binagsakan ng barbell ng kuamnta na si Jerek… ano ba to nananadya? Break
It To Me Gently talaga?
Do you think
that your smile
Could hide
what's on your mind?
No matter how
I tried
I just
couldn't be so blind
We've been
close but people grow
And they
sometimes grow apart
There's just
one thing I ask you
If you've
had a change of heart
Break it to
me gently
If you have
to, then tell me lies
Break it to
me gently
At least leave
me with my pride
Try to spare
my feelings
If the
feelings have to die
Break it to
me gently
If you have
to say goodbye
Tulala lang
ako habang pinapanood siya. Lumapit siya sa akin pagkatapos ng set nila at
tinitigan lang ako. Tahimik. Hinawakan niya ang aking mukha… naiilang ako sa
ginagawa niya dahil nagi-guilty talaga ako.
“My 3 months
here is over…” pagbasag niya sa katahimikan.
“Huh? I
thought you’ll stay here for good?” pagtataka ko.
“I know you
Tim… I know you so well because I love you.”
“What do you
mean Jerek?”
“You don’t
need to hide anything… remember my promise? I promised not to push too hard!”
nakangiti niyang sinabi. “I know what you feel… I’m here but it seems that you
see someone else… I understand that!”
“Jerek…” maikli
kong tugon.
“All I ever
wanted was to take care of you Tim… you kept your promise to let me love you
and so it’s time that I do my share. I love you so much that I want you to find
your true happiness… and that’s not me.” Tuloy tuloy niyang sinabi.
“He’s here!”
sabay tingin ni Jerek sa bandang entrance ng bar... nandun si Wesley...
(ITUTULOY)
No comments:
Post a Comment