Blog:
avinthisismylife.blogspot.com
Author's
note:
Hi! ako nga
po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure
fiction. I hope ya'll like it :)
*any
resemblance in this story is just coincidental.*
FORMAT:
Italicized
words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold
Italicized words = mga boses sa aking isip
sana po
maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------
[06]
Ralph
Alexander Michael Chua o mas kilala sa tawag na Ram.
Grabe ha!
ang hilig mo sa mahaba ang pangalan!
Anyway.
Ka-batch lang namin siya. Tulad ni kuya Van, isa rin siyang varsity sa
basketball team sa Dickinson University, ang school namin. Isa siya sa mga
basketball hotties. Magaling siyang magbasketball gaya ni kuya Van. Sila ngang
dalawa ang pinakamagagaling sa team nila. Pero pag nasa court na, mas
nag-shi-shining shimmering splendid si kuya Van kaysa kay Ram. Siguro dahil sa
mas cute si kuya Van sa kanya or mas hot or somthing. Ewan ko. Kasi sa tingin
ko naman eh parehas lang silang gwapo. Ayun, dahil nga sa "inggit"
daw, naging no.1 enemy ni kuya Van si Ram. Kumbaga super villain ang set-up.
joke.
Over! Grabe!
Anung over
ka jan?
Over! ang
Chismosa mo, lahat alam mo! haha.
Che! Hindi
ako chismoso no! Naririnig ko lang yan!
Anyway, back
to the real world. Nadulas nga ako, nasapo niya ko.
"Ayos
ka lang?" tanong niya sa akin, habang nasa braso pa rin niya ang mga
katawan ko.
"O-oo.
salamat." tumayo na ko at nag-ayos ng sarili.
"You're
welcome..Av, right?" sabi niya.
"Yep.
and you are?" siyempre kahit alam ko yung pangalan niya, parang gusto ko
na magpakilala siya sa akin. Ewan ko kung bakit, siguro malakas lang trip ko or
malakas lang talaga tama ko.
Pagpasensyahan
ninyo na po, kalalabas lang ng mental.
Shh! Shut
up!
"I'm
Ram." ngumiti siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay.
"Nice
to meet you Ram. Salamat nga pala sa..uhmm...pag-sapo mo sakin." sabi ko
sa kanya, at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Habang nasa ganoon kaming
situation, tinawag ako ni kuya Van mula sa aking likuran.
"Av!
Halika na!" ang mejo mataas na tono ng boses ni kuya Van.
Tumingin ako
sa likod ko at nakita kong nasa kabilang dulo ng aisle si kuya Van pero mukhang
galit siya.
"Uhhm..opo!
nanjan na po!" sagot ko naman.
Humarap ako
kay Ram at nakita ko na masama ang tingin niya kay kuya Van."Uhmm Ram,
salamat ulit ha? I have to go. See ya around! Thank you ulit!" at naglakad
na ako papunta kay kuya Van.
Nginitian
naman niya ako. Habang naglalakad ako patungo kay kuya Van, hindi pa rin maalis
sa kanilang mga mukha ang masamang tingin sa isa't isa.
Anung meron
sa dalawa na to? Ganito ba talaga sila? talagang nemesis talaga ang turingan sa
lahat ng bagay at kahit saan?
Hindi ko pa
kasi nakikita sila na nag-encounter or something kaya kahit sa mga narinig ko
na magkaaway daw sila eh hindi ko naman alam na ganito pala kalaki ang galit
nila sa isa't isa.
Nang
makalapit na ko kay Kuya Van, "Halika na!". Hinablot niya ang braso
ko at saka hinahatak habang naglalakad.
"Aray!!
teka nga lang kuya! masakit!" kinuha ko ang kamay ko sa kanya at tumingin
sa kanya ng masama.
Hindi na
siya sumagot. Binayaran namin ang aming mga nabili at lumabas na sa grocery.
Habang naglalakad kami, hindi pa rin kami nag-uusap, basta lakad lang.
Nakarating na kami sa bahay at ibinigay na namin kay mommy ang aming binili.
Dumiretso siya ng kwarto ko.
"Oh
anung problema ng kuya mo? nag-away na naman ba kayo anak?" tanong ni
mommy.
Ganun kasi
si kuya Van, parang bahay na rin niya ang bahay namin dahil na rin sa sinabi ng
mga magulang ko na "feel at home" daw siya dahil anak na rin ang
turing nila sa kanya. anyway,
"Hindi
ko nga rin po alam eh. Kakausapin ko na lang po ma." sabi ko kay mommy.
Dumiretso ako sa kwarto at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakaupo sa
isang chair at nakaharap sa akin, matulis ang tingin niya sa akin..
Nakakunot
naman ang noo ko at nagtataka kung bakit siya ganon. Parang ngayon ko lang kasi
siyang nakitang ganoon ang ayos.
"Anong
problema mo?" tanong ko sa kanya, nakatayo ako sa harap niya.
"Bakit
mo kausap yon?" tanung niya. Halata na galit siya pero pinipilit niyang
maging mahinahon sa pagtatanong sa akin.
"Sino?"
tanong ko.
"Si
Ram!" na may pagdidiin sa pangalan niya.
"O,
nadulas ako, nasalo niya ko, nag-thank you ako dun sa tao. teka bakit ba? bakit
parang galit na galit ka?" tanong ko sa kanya.
Natahimik
siya.. Yung bang parang nag-coo-cool-down. After a minute, nagsalita na ulit
siya. "Wag ka na ulit makikipag-usap sa tao na yon." ang mahinahon
niyang sagot.
"At
bakit naman?" ang mataray na sabi ko sa kanya. "Eh mukha namang
mabait yung tao ah."
"Basta,
masama siyang tao, hindi mo siya kilala, hindi mo alam ang pwede niyang gawin
sa'yo. Kaya layuan mo siya." sabi niya.
"Bakit?
Wala na ba kong karapatan ngayon para makipag-usap sa ibang tao?! Hindi ko na
ba pwedeng kausapin ang isang tao dahil galit ka sa kanya?! ha?!" sabi ko
sa kanya, mejo lumakas ang boses ko.
Tumayo
siya,"OO! dahil masama siyang tao! kaya layuan mo siya!" pasigaw na
sabi niya.galit na galit siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kagalit.
Natahimik
ako,.nakatitig ako sa galit na galit niyang mukha. Feeling ko namutla
ako,.Habang nakatitig ako sa mga mata niya na punung-puno ng galit, bigla na
lang tumulo ang luha ko. Siguro sa sobrang takot ko sa kanya or nasaktan ako
dahil sinigawan niya ako. Unti-unting nawala ang galit sa kanyang mukha at
napuno ng pag-sisisi.
Hinawakan
niya ang magkabila kong braso. Bigla ko inilayo ang aking mga braso na parang
isang batang natatakot sa isang tao. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang
masigawan ka bunso, I'm sorry,.sorry talaga bunso."
Tumango na
lang ako ngunit patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko, nakatingin ako sa
sahig. Niyakap niya ako. "Bunso, sorry talaga.hindi sinasadya ni kuya.i'm
really really sorry."
"O-ok
lang kuya.sige na.magpapahinga na ko." kumalas ako sa hug niya at nahiga
sa kama.
Lumapit siya
sa akin, pinunasan ang mga luha ko, at saka hinalikan ako sa noo. "I'm
sorry talaga bunso."
Tumango lang
ako sa kanya at ngumiti.
Nung
makalabas na siya sa kwarto ko, nakatingin pa rin ako sa kisame. Umaagos pa rin
ang luha ko.
Bakit siya
ganun? bakit ang laki ng galit niya kay Ram? bakit niya ko kailangan pagbawalan
kausapin siya? Mukha namang mabait yung tao ah.
Siguro,
iniisip lang niya kung anung makakabuti sa'yo.
Wow, mabaet
ka na ngayon? mukhang nagbago ka huh. pinagalitan ka ba ni God at sinabing
maging mabait ka na sakin at nagiging mabait ka na?
Seryoso ako
Av.
Fine. But
that's not the point. Mukhang mabait naman yung tao ah. Tinulungan pa nga ako.
What makes him think na may gagawing masama sakin si Ram?
I know pero,
intindihin mu na lang siya, hindi naman siguro niya gagawin yun kung masasaktan
ka diba? mukha namang mahal ka ng kuya mo.
Mahal?
Talaga lang huh. Baka yung girlfriend niya lang ang mahal niya! Shit! ayan,
bumabalik na naman sa isip ko yung gf nung mokong na yun.
At dahil sa
naalala ko ulit ang nangyari earlier this day, umiyak na naman ako ng bonggang
bongga.
Look Av,.
Stop! I
don't wanna hear it! kung pagtatakpan mu lang yang si kuya Van eh wag ka na
lang magsalita! I had enough of him!
Ayan.yan.yan
ang problema sa'yo. masyado kang OA.
Kung OA ang
tawag sa isang taong nasaktan dahil sa mahal na mahal niya ang isang tao at
nalaman na lang niya na may gf na pala yung taong mahal mo ng hindi mo alam,
edi sige, OA na kung OA.
Umiyak lang
ako ng umiyak at hindi na nagsalita ang boses.
"Arrgggghhhhhh!!!!!!!!!!!!!
Bakit ba kasi minahal ko pa siya!" gigil na gigil ako. tinapon ko ang unan
ko.
Iyak ako ng
iyak.
Habang
umiiyak ako, biglang may nagtext sa cellphone ko. hindi ko ito pinansin. Hindi
ko namalayang nakatulog na pala ako. Marahil ay napagod na rin ako sa lahat ng
nangyari ngayong araw na to.
I deserve a
good night sleep.
The next
day, I woke up with a headache.
"Arrrgghh!
ang sakit ng ulo ko."
Tumayo ako
sa kama at dumiretso sa bathroom, para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba ako
para mag breakfast.
"Oh my
gosh anak! you look sick! okay ka lang ba?" ang alalang alala na tanong ni
mommy.
"Masakit
lang po ang ulo ko mommy pero magiging okay din po ako." sagot ko naman.
Ayoko na kasing mag-alala sa akin ang aking mga magulang.
"Ok
sige anak, kumain ka muna at uminom ka ng gamot pagkatapos."niyaya ako ni
mommy papuntang dining area, at umupo ako paharap sa kanya.
"Mommy,
si daddy po?" tanong ko sa kanya.
"Maagang
umalis may aasikasuhin lang. o sige anak kumain ka na."
"Ok
po." nag-simula na akong kumain. Kumuha ako ng dalawang hotdog, at omelet,
pagkatapos ay kumuha ng konting kanin.
Habang
kumakain kami, "Anak, dumaan nga pala dito sila Macky at Marco, inaaya ka
nila na manood daw ng liga mamaya dyan sa may kanto." sabi ni mommy.
By the way,
sina Macky and Marco ay kapitbahay namin, magkasing edad lang kami ni Macky, at
mas matanda sa akin si Marco ng isang taon. Magkapatid silang dalawa at parehas
ko rin naman silang mabubuting kaibigan. Mga kababata ko sila. Babae si
Macky,nga pala.hahaha.
"Ah
ganun po ba? Titingnan ko po kung makakasama ko." sabi ko na lang.
Nang matapos
na ko kumain, nagpaalam ako kay mommy at umakyat ako sa kwarto ko. Tiningnan ko
ang cellphone ko at nakita kong may 3 messages.
Una, galing
kay kuya Van, kagabi pa pala yung message na yun, siya pala yung nagtext sa
akin.
"Bunso,
sorry talaga ha? sorry sorry sorry. :("
nireplyan ko
siya kaagad:
Good morning
kuya! sorry hindi ko po kayu nareplyan kagabi. nakatulog na po kasi ako..Ok
lang po yun kuya.kalimutan mo na po yun. :)
Yung pangalawang
text, galing kay kuya Marco:
Ui Av! Sama
ka samin ni Macky mamaya, nood tayo ng liga!
nireplyan ko
rin siya.
Uhmm. sige
kuya. anong oras ba?
nagreply din
siya agad.
mga alas
kwatro. sunduin ka na lang namin jan. ok?
nireplayan
ko siya ulit.
okay kuya.
Tiningnan ko
yung pangatlong text. galing kay Macky. mga 15 minutes ago.
Ui Av!!!!!
may nanghihingi ng number mo!!!
nireplyan ko
cia:
Huh? cno?
nagreply
siya agad.
Si Ram!
nireplyan ko
cia:
Ano?? wag mu
ibibigay.
nagreply cia
ulit.:
okay.sige,
kita na lang tayo mamaya.
Hindi na ko
nagreply. Natulala ako sa nalaman ko.
Bakit
hinihingi ni Ram yung number ko? Hmmm..
Sige na!
ikaw na maganda!
Wow! You're
back!
You're back
ka jan! Hindi naman ako nawala no! Anu yon? nag-abroad ako?
Gaga! I
mean, echoserang kontrabida ka na ulet! akala ko kagabi nagpakalalaki ka na eh!
hahaha
Over my dead
body! Nagpaka-serious lang ako kagabi no!
Okay..
Inialais ko
na sa isip ko ang mag-isip kung bakit hinihingi ni Ram ang number ko.
Tiningnan ko
ang oras. 11 na pala. Naisipan kong manood ng tv. Showtime na! lagi kasi akong
nanunuod ng showtime. Gandang-ganda kasi ako kay Anne Curtis at tuwang-tuwa
naman ako kay Vice Ganda and kay Ryan Bang. Natawa naman ako sa mga jokes at
okray ni Vice sa mga tao.
After kong
manuod ng Showtime, kinuha ko ang laptop ko. At syempre as usual, Facebook.
Nakita ko na may isang friend request. Si Ram. Iniisip ko kung i-aaccept ko ba
or hindi.
Ayiiieee!
pakipot pa! hahah
Shhh!
Cnlick ko n
lng yun "Not Now" button at pagkatapos ay nag-log out na ko,. hindi
ko na chineck yung mga notifications ko.
Nahiga na
lang akong muli sa aking kama. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.
Nagising ako, 3:30 na. Agad akong kumuha ng damit at pumunta sa bathroom. 4:00
ang usapan namin nila kuya Marco kaya kailangan ko ng magmadali at baka magalit
pa sakin yung dalawa na yun. Naligo ako at nagpalit ng damit.
Nagring ang
phone ko,.si kuya Marco.
"Hello
kuya?"
"O Av,
nakagayak ka na?"
"Oo,
san na kayo?"
Tumawa siya.
"Nandito kami ni Macky sa sala niyo! hahaha"
"Ay
ganon? O sige bababa na ko."
Bumaba ako
at hindi nga siya nagsisinungaling. Nasa sala na sila ni Macky.
"O kuya
Marco, Macky, ano, alis na tayo?" tanong ko sa kanila.
"Sige
halika na."
Gwapo rin si
kuya Marco,. matangkad, well-built ang katawan, pero dark ang skin tone.
kumbaga, tall, dark and handsome plus, mabait pa and matalino. Kaya complete
package. swerte ang mga babaeng magiging girlfriend niya.
O, naiinlove
na ka ba kay Marco? Bagong Papa na naman yan ha. Ang kati mo!
Gaga!
dini-describe ko lang po yung tao.
Well.
Anway,
Si Macky
naman, maganda at matangkad pero maputi siya hindi katulad ng kuya niya. Kaya
minsan, nagugulat ang mga tao na magkapatid pala silang dalawa.
Nang
makarating kami sa court, konti pa lang ang mga tao. Nga pala, mahilig akong
manuod ng mga basketball games pero ayaw kong mag-laro, hindi kasi ako sanay
and wala rin naman akong planong pag-aralan ang larong to.
Naisipan ko
rin naman kasing sumama dahil gusto ko namang malibang kahit saglit lang. Puro
iyak na lang ako.
Naghanap
kami ng mauupuan. Tiningnan ko ang cellphone ko, nakita kong may message galing
kay kuya Van.:
Bunso asan
ka?
Hindi ko
muna siya nireplyan. Kahit kasi na sinabi ko sakanyang okay lang yung ginawa
niya sakin, nasaktan pa rin ako.
Habang
nakatitig ako sa cellphone ko, nagulat ako ng may tumabi sa akin. Si Ram.
"Hi
Av!" nakangiti siya sa akin.
"Hi!"
ngumiti na lang din ako sa kanya. napansin ko ang suot niyang jersey at
sapatos. "Kasali ka sa liga?"
"Oo.
hindi ba halata?" sarcastic na tugon niya.
Hindi na
lang ako sumagot at tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti siya
sa akin at nakatitig.
"O
bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya.
"Ang
cute mo pa rin kasi kahit nagtataray ka." sabi niya.
Medyo
kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon.
"O so
nainlove ka sakin niyan?" tumawa ko ng malakas.
"Paano
kung sabihin ko sa yong, oo, papayagan mo ba kong manligaw sa'yo?" tanong
niya.
"Gago!
Ligaw ka jan! ano ko? babae?"
Ngumiti lang
siya. "Anyway, bakit ayaw mong ibigay yung number mo?"
"Bakit
ba kasi hinihingi mo?" tanong ko.
"Wala
lang, bawal ba?"
Hindi na
lang ako sumagot.
"Okay
ganito na lang. Kapag nanalo kami sa game namin, ibibigay mo sa akin yung
number mo, pero pag natalo kami, hindi ko na hihingin. ok ba yun?"
Nag-isip
muna ako. "Okay sige deal."
"Ihanda
mo na sarili mo dahil mamaya lang, ibibigay mo na ang number mo sa akin. Sure
win na kami, ako pa!" nakatingin siya sa akin with his devilish smile.
"Uhmm
ilang page ka?" tanong ko sa kanya.
"Ano?
anong page?" tanong niya ng may pagtataka.
"Ang
kapal mo kasi eh, daig mo pa yung pinagsama-samang volume ng
encyclopedia." sabi ko.
Pinisil niya
ang pisngi ko."Ummm! ang cute mo talaga!"
Umalis na
siya dahil magsisimula na ang game.
Mananalo
kaya sila??
---------------------------------------------
Until the
next episode,
Av. 귀여운
Episode 7 -
Two Is Better Than One
---------------------------------------------------
Nag-umpisa
ng ipakilala ang dalawang team. Palakpakan at hiyawan ang mga tao. Nasa black
team si Ram. Nakita ko pa siyang kumakaway at tumingin sa akin ng nakangiti.
Assuming ka
talaga teh! feeling mo naman sa'yo nakatingin!
Che!
Mukha namang
magagaling yung mga teammates niya. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa
sarili ko na gusto silang manalo.
Grabe ang
landi mo talaga teh!
Tumigil ka
nga! Inggit ka lang!
Hoy excuse
me, mas marami akong papa sa'yo.
Oh talaga?
Sige nga isa-isahin mo.
Hindi na
nakasagot ang boses. Tumawa ako. Napansin ito ni kuya Marco.
"Oh
bakit ka tumatawa?" ang pagtatakang tanong ni Marco.
"Ah eh,
wala, may naalala lang ako." palusot ko na lang.
Nginitian na
lang ako ni Kuya Marco.
Ipinakilala
na rin ang kabilang team.
"And
here's their opponent! The White Team!" sabi ng announcer.
Hiyawan ulit
ang mga tao pati na sina Macky at Marco.
"Go
Van!" sabi ni Macky.
Nagtaka
naman ako bigla. Van? Sinong Van ang tinutukoy nito? Agad kong tiningnan ang
mga players ng white team at laking gulat ko ng makita ko ang isa sa mga
players.
Si Kuya VAN!
Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita ko siya. Naka jersey siya na white
and then basketball shoes.
Parang may
hinahap siya sa mga audience.
"Van!
Nandito siya!" sigaw ni Kuya Marco sabay turo nilang dalawa ni Macky sa
akin.
Huh? Anung
nangyayare?
Nagkita ang
mga mata namin at parang nabuhayan ang istura ng mukha niya nung makita niya
ako.
Conceited
much??? grabe ang kapal mo talaga teh!!
As I've said
earlier, inggit ka lang!
O sige na!
Ikaw na maganda! Ikaw na!
Tumakbo si
Kuya Van papunta sa kinaroroonan namin. "Bunso! Buti naman dumating
ka!" ang masayang masaya niyang bati sa akin. Binigyan niya ako ng mahigpit
na hug.
Wow! Kilig
to the max ka na naman! Ang haba talaga ng hari mo teh!wait lang aasug lang ako
baka matapakan ko hair mo.
Hindi na ko
magsisinungaling, kinilig nga ako. Pero slight lang huh!
Naku! Slight
pa raw kunyari! Eh halos mamatay-matay ka na sa sobrang kilig jan!
"Salamat
Marco, Macky!" sabi ni Kuya Van.
"Wala
yun, sabi ko sa'yo eh, sasama samin yan!" sabi naman ni Macky.
"Huh?
Wait lang" tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin. "Bakit ka
nag-th-thank you sa kanila?" ang tanong ko na may bonggang pagtataka.
"Kasi,
nakiusap sa amin si Van na isama ka daw namin dito. Buti na lang pumayag ka
kaagad kung hindi kakaladkarin kita papunta dito. joke!" sabi ni Macky
sabay tawa ng dalawang mokong.
"Ah so
kakunchaba pala kayo ng mokong na to. Lagot kayo sakin mamayang dalawa."
ang mataray na sabi ko sa kanila.
"Mokong
na cute." sabay pa-cute ni Kuya Van.
"Cute?
ang sabihin mo, pa-cute! Nakakata-cute ka kaya!" sabay tawa ko ng malakas.
Pinisil niya
ang pisngi ko. "Ummm! ang cute cute talaga ng bunso ko! Pakiss nga si
Kuya!"
Akala ko
nagjo-joke lang siya nun. Pero HINDE! hinalikan niya ko sa pisngi!. Nagulat
talaga ako sa ginawa niyang iyon. Buti na lang, walang nakakita kungdi si Macky
lang at Marco. Hindi ako makapag salita. Nakangiti siya sa akin. Tumingin ako
kila kuya Marco. Nakangiti lang si Marco at Macky nama'y parang kinikilig na
hindi ko malaman.
Grabe teh!!!
I'm gonna die! OMG! OMG! OMG!!!!! grabe! IKAW NA TALAGA!
Grabe hindi
ko alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kung paano ko magrereact. Baka pag mali
ang reaction ko, baka kung ano isipin nila. bahala na!
Tinulak ko
ang noo ni kya Van. "Umm! Bakit mo ginawa yon?" sabi ko sa kanya.
"Ewan.
Hmmm..lucky charm I guess??" sabi niya.
"Abnormal
ka talaga kuya Van hanu?" tumawa na lang ako kunyari. Syempre hindi ko
dapat ipakita na naapektuhan ako kasi baka kung anung isipin nila Marco.
Patay ka
sakin Kuya Van mamaya.
Ayyiiiee!!
anung gagawin mo? gagantihan mo rin siya ng halik?! sa lips?!
Gaga!
tumigil ka nga!..On the second thought,.Pwede rin!. ayy! ano ba tong sinasabi
ko? arrggghh! erase erase!
"Tol
tara na magsisimula na yung game!" ang pangyayaya ng kateam-mate ni kuya
Van.
"O
sige," aalis na sana si kuya Van, "Ay teka lang pala." Tinanggal
niya ang singsing niya sa kamay niya at kinuha niya ang kaliwang kamay ko.
Isinuot niya sa daliri ko ang singsing.
Wow! Kasalan
na!
Bugak!
Kasalan? Ni hindi pa nga nag-po-propose kasal na agad? and isa pa, hindi pa nga
nanliligaw kasal na agad?
Ewan ko.pero
alam ko, kinikilig ka na ng bonggang bonggang major major!
Shhh! Wag mo
ko ilaglag!
"Ano
to?" tanong ko sa kanya.
"Uhhmm.
Sa'yo muna para hindi mawala." Ngumiti siya sa akin. Hinalikan niya ako sa
noo. "Wish me luck bunso." at umalis na siya para pumunta sa team
niya.
Habang
tinitingnan ko siya papunta sa team niya, bigla kong napansin si Ram. Masama
ang tingin niya kay kuya Van. Pagkatapos ang tumingin siya sa akin at malungkot
ang mukha niya.
Bakit ganun
siya makatingin? Nakita kaya niya na hinalikan ako ni Kuya Van? Nagseselos kaya
siya?
Nagseselos?Grabe!
Eh Bakit naman siya magseselos? Ang kapal mo talaga teh!
Ayy oo nga
noh. sorry naman. eh bakit ba kasi ganun siya makatingin. Tuloy ang iniisip ko,
parang nag-seselos siya.
Anyway, so
the game started. Sa first quarter, lamang ang team nila Ram. Sa second, lamang
naman ang team nila kuya Van. Sa third, tie na ang scores nila. Now, sa fourth
quarter, 6 seconds na lang nang natitira. lamang ng 2 points ang team nila Ram.
Sa team nila kuya Van ang bola. Kinakabahan ako dahil baka matalo sila.
Nagsimula na silang gumalaw muli. Pasa dito, pasa don. 5 seconds na lang.
4..3..2. nagshoot si kuya Van..1...
"3
POINTS!" sigaw ng announcer.
Naka 3
points si kuya Van. Hiyawan lahat ng tao. Nag puntahan na lahat sa gitna para mag
celebrate. Nagkamayan ang mga players ng magkabilang team. Ng sina Kuya Van na
at si Ram ang magkakamayan, bigla akong kinabahan. Iniabot ni Kuya Van ang
kamay niya. Nagulat ako ng biglang suntukin ni Ram si Kuya Van. Biglang
nagkagulo ang mga tao. Gumanti ng suntok si Kuya Van. Tumakbo ako papunta sa
kanila. Sinubukang awatin ng mga tao ang dalawa.
"Kuya
tama na!" sigaw ko.
Naipaglayo
silang dalawa, katabi ko si Kuya Van. "Ano bang problema mo ha?" ang
galit na galit na tanong ni kuya Van kay Ram.
Hawak hawak
ng dalawang ka-teammate ni Ram ang kanyang mga braso. In a split of a second,
biglang nakawala si Ram at akmang susuntuking muli si Kuya Van. Hindi ko naman
alam kung bakit pero bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa. Tinaamaan ako sa
gilid ng noo ko. Ang lakas ng suntok ni Ram at dahil sa lakas ng suntok niya,
bumagsak ako sa sahig at tumama ang ulo ko dito. Naririnig ko pang tinatawag ni
kuya Van ang pangalan ko pero bigla na lang nag-black ang paligid.
At iyon ang
huli kong naalala.
----------------------
Until the
next episode,
Av.
Episode 8 -
Headache
I woke up
with a headache. The worst one ever. The first thing went onto my mind was that
weird dream I had. Nag-away daw si Van and Ram tapos tinamaan daw ako ng suntok
ni Ram tapos nag-collapse ako tapos..arrrghh! this headache is killing me!
Gaga! totoo
lahat ng nangyare! Tumingin ka nga sa paligid mo!
So tumingin
naman ako sa paligid ko. Nakita ko na nakahiga ako sa isang kama na may puting
bedsheet at puting unan. Nakita ko rin ang mga simple medical equipments like
thermometer, stethoscope, etc. Naramdaman kong malamig ang noo ko, may ice pack
palang nakalagay. So I'm in the clinic.
Hinde, nasa
heaven ka na! Bugak! edi syempre nasa clinic ka! Bakit san mo ba gusto? sa
sementeryo? grabe ka! kaloka ka teh!
Tigilan mo
nga muna ko,masakit pa ulo ko kaya wag ka munang mambwisit please.
Okay! Fine!
So there I
was, sa clinic ng baranggay namin. Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong
bumagsak. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ako makalakad at makatayo ng maayos.
Sinubukan ko pa ring tumayo pero, BOOM! bagsak ulit. Sa ikalawang bagsak ko,
narinig ko ang mga nagmamadaling paa mula sa labas ng kwarto papasok ng clinic.
Habang nakadapa ako sa sahig, hawak hawak ang aking noo, may lumapit na tao.
"Av!
Bunso! Bakit ka tumayo agad? Dapat tinawag mo na lang ako." itinayo niya
ako at inalalayan paupo sa kama."Kamusta na yang ulo mo?" tanong ni
Kuya Van habang kinukuha ang ice pack at inilagay sa aking noo."Kawawa
naman ang bunso ko." Hinaplos niya ang mukha ko at isinandal ang ulo ko sa
kanyang balikat. "Wag kang mag-alala, gugulpihin ni kuya yang Ram na yan."
sinarado niya ang kamay niya na parang may gustong suntukin.
Hinawakan ko
ang kamay niyang iyon at ibinukas ang palad. "Kuya..." biglang
kumirot ng ulo ko. "Kuya..please..wag..hindi naman niya sinasadyang
masuntok ako..ako ang may kasalanan,..ako yung humarang sa gitna,..kaya
please..wag na..okay kuya?" tiningnan ko siya ng seryoso pero cute na
parang bata.
"Wag mo
nga akong tingnan ng ganyan." sabi niya sa akin at tumingin sa ibang
direksyon.
"Bakit
naman?" tanong ko.
"Alam
mo namang, I can't resist to anything you say kapag ganyan ka tumingin sa akin
eh." sabi niya.
Ngumiti lang
ako sa kanya. "Thank you kuya." niyakap ko siya.
Habang
nandun kami sa posisyong iyon, biglang may pumasok sa pinto. Si Ram.
Biglang
tumayo si Kuya Van. "Bakit ka nandito? Ang kapal rin naman ng mukha mo
no?"
"G-gusto
ko lang makausap si Av. wala akong planong makipag-away sa'yo." sagot
naman ni Ram.
"Kuya!..
arrrrghhh!" biglang kumirot ang ulo ko. "please kuya,..iwanan mo muna
kami.."
Tumingin sa
akin si Kuya Van. Tiningnan ko ulit siya nung sinasabi niyang face ko na
"he can't resist".
Ay wait
teka. bakit parang may kulang? hello? boses? nandiyan ka ba?
OO! nandito
ko bruha kang malandi ka! meron ka pang face "he can't resist" na
nalalamang kaartehang kaokrayang kachuvaness!
bleh! :P
Anyway, so
nagwork naman ang powers ko kay kuya Van, napalabas ko naman siya ng kwarto.
Pero masama ang tingin niya kay Ram nung papalabas siya. Nang makalabas na si
kuya Van,
"Uhhmm..Av..I-I'm
sorry." nakayuko niyang sinabi.
"Okay
lang yun, hindi mo naman kasalanan." tumawa ako ng kunti, " ako tong
tangang humarang sa gitna, kaya ayun. heheh. pero kalimutan mo na yun."
"S-sorry
talaga." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
Agad kong
binawi ang aking kamay sa kanya, "Ano ka ba, sabi ng okay lang yun
eh." tumawa ulit ako.
Ngumiti siya
sa akin. "Babawi ako sa'yo.uhhmm..gagawin ko lahat ng iutos mo sa akin.
lahat ng chores mo ako na gagawa, lahat lahat, kahit ako pa magpaligo sa'yo,
gagawin ko, makabawi lang ako sa nagawa ko." sabi niya.
"Naku
wag na! Okay lang, wag mo na intindihin ang pag-bawi mo sa akin. ayos
lang." ngumiti din ako sa kanya.
"Ang
bait mo talaga." sabi niya.
IKAW?
MABAIT? Grabeh! maldita ka kaya! sinungaling pa! mabait ba tawag mo dun?
Shhhhh!
Tumigil ka nga!
"Hindi
naman, konti lang." biro ko pa sa kanya.
"Cute
pa, matalino. swerte ang taong mamahalin mo." hinawakan niya ulit ang
kamay ko.
Oh my
gosh.bulag ba toh? cute? ikaw? please,.
Binawi ko
ulit ang aking kamay. "Ahhh eh Ram. uhmm.may sasabihin ka pa ba?"
sabi ko na lang. Baka kasi kung saan pa mapunta tong usapan na to.
Nakuha naman
niya ang gusto kong mangyari.."W-wala na. yun lang. s-sorry ulit ha."
tumayo siya at humarap sa pinto. Bago siya lumabas, nginitian muna niya ako at
tuluyang lumisan.
Pumasok
naman bigla si Kuya Van right after Ram left.
"Kuya..uwi
na tayo." yaya ko sa kanya.
"Okay.
kaya mo na bang maglakad?" tanong niya.
"Uhmm.medyo,
sakay na lang tayo sa tricycle." sabi ko.
"Hmmm..I
have a better idea." ngumiti siya sa akin at lumapit. umupo siya patalikod
sa akin. "Pasan ka na lang kay kuya." yaya niya.
"Huh?
ayoko nga! chaka mabigat kaya ako! baka hindi mo ko kaya! mahulog pa ko jan!
tricycle na lang tayo." sabi ko.
Naku! ayan
na naman si pakipot queen. kunyare ayaw pero sa loob, sumisigaw na, "Sige
kuya Van! pasan mo ko! Halika na!".
Well, hindi
ko naman talgang makakaila na gusto ko talaga pero, nahihiya naman ako kay
kuya.
"Sige
na! Wag nang umarte pa! gusto mo bang umuwi or hinde?" pananakot niya sa
akin.
"Gusto...
pero."
"wala
nang pero pero! halika na! nangangawit na ko o!" sabi niya.
haayy,
bahala na!. Pumasan ako sa likod niya. Nakapalupot sa leeg niya ang aking mga
braso at hinawakan naman niya ang dalawa kong hita. Nun ko lang napansin na nakajersey
pa rin pala siya.
"Pasensiya
na bunso ah. amoy pawis si kuya driver mo." sabay tawa.
"okay
lang manong driver." tumawa din ako.
I really
don't mind if may pawis pa siya. Hindi naman mabaho, actually mabango pa nga
ang pawis niya dahil sa humalong amoy ng pabango niya.
Wow! aso ka
na pala ngayon ha? umaamoy ka na ng mga bagay bagay! may future ka teh!
Gaga!.
"Teka.
Higpitan mo naman ang hawak mo, baka malaglag ka niyan eh." ang concern na
tanong niya.
At
hinigpitan ko naman.magkalapit na halos magkadikit na ang mga mukha namin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG. Ok, Av, relax.
Grabe!
kinikilig ako!
"Okay,
ayan." Lumingon siya sa akin at halos magdikit ang mga labi namin.
Tiningnan niya ako at ngumiti. Ngumit na lang din ako. Grabe! hindi ko na
talaga ma-take to!
Nag-umpisa
na siyang lumakad papalabas ng kwarto. Paglabas ng kwarto'y nakita namin ang
doctor at nagpasalamat kami. Malapit lang ang bahay namin sa clinic kaya pwede
lang talagang lakarin. Bago kami umalis sa clinic, nakita ko pa si Ram na
nakatingin sa amin ni kuya Van na mukhang malungkot. Nang mapansin niyang
nakatingin ako sa kanya, bigla siyang ngumiti ng pilit.
O bakit
ganito na naman to? anong meron sa kanya?
Oh ano?
sasabihin mo na naman na nagseselos siya ha?
Ehh hindi mo
naman ako masisisi kung yun nga ang iniisip ko,.
Anyway.
7 o'clock na
ng gabi at madilim na ang langit, pero maliwanag ang kalsada dahil sa mga ilaw
sa poste. Para akong batang nakasabit sa likod ng kuya niya. Ang cute naming
tingnan.
"Kuya, sila
Macky nga pala?" tanong ko.
"Pinauna
ko na sila para sabihin sa mommy mo kung anong nangyare sa'yo." sabi niya.
"okay."
sabi ko na lang.
"Okay
ka lang ba baby ko?" sabi niya habang naglalakad.
Nagulat ako
sa sinabi niya. "baby?!" tanong ko.
Ayiiieee!
baby daw! nakakaloka kinikilig na talaga ako ng bonggang bongga grabe!
"Ahh
eh, b-baby bro. baby brother. diba?" sabi niya.
"ahh
ok..hmm.ok lang naman po ako kuya..ikaw hindi ka ba nahihirapan sakin? sa
tingin ko kaya ko ng maglakad, kaya pwede mo na ako ibaba." sabi ko na
lang. alam kong nagpalusot lang siya.
At pano mo
naman nalaman yon aber?
Hello?
nakalimutan mo na ba? expert ako sa pagpapalusot kaya lahat ng style alam ko.
So anong
gusto mong palabasin? na baby talaga ang gusto niya itawag sa'yo? grabe teh ha,
ang lakas ng hangin dito.
Ewan
ko.basta..
haayy.whatever.
"Hindi
na, malapit na tayo o. hayaan mo na kong ipasan ka hanggang sa bahay."
sabi niya.
Malapit na
nga naman kami sa bahay. "Okay sige, ikaw bahala." sabi ko.
Nakarating
kami sa bahay. Nakapasan pa rin ako sa kanya nung pumasok kami. Ibinaba niya
ako sa sofa at tumabi siya sa akin.
"Naku
anak! Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni mommy habang papalapit siya
sa amin.
Sige nga!
ikaw suntukin, sa tingin mo magiging okay ka lang? hayy nako mommy mo talaga.
Shut up!
"Okay
lang po ako mommy. wag na po kayo mag-alala." sabi ko na lang.
Niyakap ako
ni mommy. "Sigurado ka anak?" tanong niya habang hinahaplos ang mukha
ko.
"Opo
mommy." sagot ko.
"Sino
may gawa sa'yo niyan? Ipapabugbog ko! Sabihin mo!" sabi ni daddy.
"Dad,
wag na po. ako po ang may kasalanan sa nangyari, and okay na naman po ako kaya
po dad, please." sagot ko kay daddy.
"Sigurado
ka anak? kayang-kaya kong ipabugbog sarado yung gumawa sa'yo niyan.dila lang
niya ang walang pasa." dagdag pa ni daddy.
"Dad.please."tumingin
ako kay daddy ng may pagmamakaawa.
Nag-buntong-hininga
si daddy. "okay sige. magpahinga ka na sa taas para hindi na sumakit yang
ulo mo."
"Okay
po, goodnight." humalik ako kay mommy at humalik naman si daddy sa aking
ulo. Umakyat na ako sa kwarto ko. At tinumbok ang higaan. Hindi na ako
nakapagpalit ng damit dahil sa gusto ko na talagang magpahinga. Nakatulog ako
kaagad.
Paggising
ko, naramdaman kong kumirot muli ang ulo ko. At napansin kong mayroon akong
katabi sa higaan. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa
madilim ang kwarto. Nakapatong ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib at hawak
hawak ito ng kanyang kaliwang kaway. Nakapatong din ang aking paa sa kanyang
tiyan. Nakapatong naman ang akong ulo sa kanyang braso na parang unan. Hindi ko
alam kung bakit pero parang gusto ko siyang halikan. Pamilyar ang init ng
katawan niya, ang pagkakahawak niya sa aking kamay, at ang amoy ng kanyang
hininga. Ilang inches lang ang agwat ng mga labi namin.
Sino kaya
itong tao na to? Wala naman akong naaalalang katabi ko kagabi. Siguro panaginip
lang to. Oo, tama. panaginip lang to.
Naka-set na
sa mind ko na panaginip lang ang lahat. Kaya wala naman sigurong epekto kung
hahalikan ko ang lalaking nasa harap ko. Hinalikan ko siya. Gumanti naman ito
ng halik sa akin.
Ang
weird.bakit parang totoo? it feels real. hayy nako. basta.panaginip lang to Av.
it's just a dream so it's ok.
Kumalas ako
sa halikan naming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo. ngunit hindi ito
nagsalita. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at natulog muli.
Laking gulat
ko ng magising ako. katabi ko pa rin ang lalaking nasa panaginip ko.
So ibig
sabihin, hindi panaginip yon? so ibig sabihin totoo lahat ng nangyare? pati
yung..halik? OMG. this can't be.
Napalunok na
lang ako. Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.
------------------------
Until the
next episode,
Av. 두통
Episode 9 -
F*ckin Perfect.
Nagising ako
sa bisig ni kuya Van.
"Waaa!"
ang sigaw ko at bigla akong napatayo. Na-out of balance ako kaya tumumba ako sa
sahig. "Aray!" daing ko.
Sh*t! sana
hindi talaga totoo ang mga nangyare kagabi! grabe.mamamatay ako kung totoo man
yun. anong gagawin ko? please Lord.please,
sana panaginip lang ang lahat ng nangyare..
Dali dali
namang tumayo si kuya Van at pinuntahan ako. "O ayos ka lang?".
Itinayo niya ako. "Sorry kung nagulat kita." tumawa siya.
"A-ayos
lang. s-salamat." sagot ko na lang. hindi ako makatingin sa kanya ng
maayos. "B-bakit ka nga pala..." hindi ko pa tapos ang tanong ko at
naunahan na niya kaagad ako.
"Nag-paalam
ako kila tito't tita na dito na ko matutulog. Naabutan kitang tulog na kaya
hindi na kita ginising pa. Para makapag-pahinga ka na." sagot niya.
"Bakit? labag ba sa loob mo na patulugin ako dito?" tanong niya with
his sad face.
Sh*t ang
cute niya talaga. ayy! ano ba toh! Kailangan kong turuan ang sariling kong wag
ma-fall sa kanya. May gf na siya, at chaka isa pa, hindi naman kami magiging, u
know, magjowa. maybe in my dreams, but in reality, that aint gonna happen.
"Ilang
beses ka na kaya natulog dito, kahit tumanggi pa ko eh matutulog ka pa rin
dito. Ang pinagtataka ko lang is..b-bakit ka..." tinuro ko ang kama.
Ilang beses
nang natulog si kuya sa kwarto ko pero never kaming nagtabi sa kama. Lagi
siyang naglalatag ng isa pang kutson sa lapag at doon siya natutulog habang ako
nama'y nasa kama ko. So nagtataka ako bakit paggising ko ay katabi ko siya.
Mukhang
nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Ahh yun ba? Eh kasi, kagabi, sa
lapag naman talaga ako natutulog kaya lang, nagising ako, umuungol ka.
Binabangungot ka yata kaya lumapit ako sa'yo para gisingin ka sana. Tapos nung
malapit na ko sa'yo, bigla mo naman akong inakap. Parang takot na takot ka sa
panaginip mo kaya hindi ko na lang tinanggal ang pagkakayakap mo sakin."
OMG.
Nakakahiya. ako pa pala tong yumakap sa kanya.
Tama! Ikaw
ang lumandi sa kanya! Ikaw ang salarin! Ikaw ang ahas!
Tumigil ka
nga!
Hiyang hiya
ako sa kanya. Feeling ko namutla ako. "Ahh.ganun ba? s-sorry ha." ang
nakayukong sabi ko sa kanya.
"Ayos
lang yun." Inangat niya ang mukha ko."O namumutla ka ah. ayos ka lang
ba? may masakit ba sa'yo? kumikirot pa rin ba yang ulo mo?" alalang tanong
niya.
Ayyy!
napansin niya.patay.
"H-hindi
ok lang ako." sabi ko na lang. "Uhhmmm k-kuya..W-wala na ba kong
ibang ginawa sa'yo kagabi?" ang kabadong tanong ko sa kanya.
"Tulad
ng ano?" tanong niya.
Kinakabahan
ako. Pano ba to? Oi boses, tulungan mo naman ako.
Woo! ayoko
nga! lusutan mo yang mag-isa,. hahaha!
Ang sama mo
talaga! Arggh!
"Uhhmmm..
h-hina..h-hina..hinaaaaaaaaaampas ba kita?" sabi ko.
"Hindi
naman. behave ka nga kagabi eh." Binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti.
Napalunok na
lang ako.
OMG..totoo
nga kaya? na hinalikan ko talaga siya? please...sana hindi totoo.
Hahaha!
Wag kang
tumawa! Papatayin kita jan eh! Nagpapanic na nga ako dito tapos tatawa tawa ka
pa jan!
Nagkatitigan
kami. Nakangiti siya sa akin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Ang pula pula
pa ng mga labi niya. Parang ang sarap talagang halikan. Nasa ganoon akong
pag-aadmire sa kagwapuhan niya ng bigla niya akong halikan. sa labi! Nagulat
ako sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko. Parang namanhid ang buong katawan
ko dahil hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Nakatayo kaming dalawa. Mga
ilang segundo din ang halik na iyon. Pagkatapos ng halik niya,
"B-bakit
mo ginawa yon?" tanong ko.
"Hindi
ba pwedeng mag-good morning kiss ang boyfriend mo?" tanong niyang
nakangiti.
Anu
raw???????????????? BOYFRIEND?!
OMG!
boyfriend?!?! Hindi pwede to!
Bakit hindi
pwede?
Wala lang
trip ko lang.Walang basagan ng trip!
"A-ano?
b-boyf-friend????" nanlaki ang mga mata ko.
"Oo.
Boyfriend mo na ko. Dahil hinalikan mo na ko, tayo na." Nakangiti niyang
sagot.
"So
ibig sabihin...." tumigil ako ng saglit. "totoong hinalikan
kita....." natulala ako at napaupo ng nakayuko..tumulo ang luha sa aking
mata.
Lumapit
siyang muli at inangat ang ulo ko. "Bunso, wag kang mag-alala,...gusto ko
rin naman yung nangyari eh." sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"G-gusto?
anong ibig mong sabihin??" tanong ko sa kanya.
"ahh
eh..kasi ano..uhmm..kasi.." sabi niya.parang natatataranta siya at hindi
alam kung anung palusot ang sasabihin.
"Kasi
ano???" tanong ko.
Nag-buntong
hininga siya. "May nararamdaman ako para sa'yo.."
Tama ba ang
pagkakarinig ko? May gusto siya sa akin???
OMG i can't
believe this..may gusto siya sayo???? grabe! nananaginip lang ba ako???
"At
alam kong ganon ka rin sa akin.. di ba?" sabi niya.
Manghuhula?
astig ang side line nito ah. magpahula nga ako minsan dito.
Shhhh!
Tinitigan ko
siya. Nakatitig lang din siya sa akin. "M-mahal mo ko??" tanong ko sa
kanya.
Hinawakan
niya ang mga pisngi ko."Mahal na mahal. Ang saya saya ko nga nung
hinalikan mo ako eh. Dun ko na-prove ang hinala kong mahal mo rin ako. At hindi
ko na kailangan mangamba na baka hindi mo ko mahal at masaktan lang ako."
sabi niya.
Parang
matutunaw ang puso ko. Ang saya saya ko nung narinig kong mahal niya ako. Halos
tumalon talon ang puso ko sa tuwa.
Grabe, wala
ako masabe. Ikaw na talaga! ikaw na ang reyna! Pero teka, diba may gf siya??
ayy oo nga
no.
"Pero
kuya, pano na si Jenny?" tanong ko.
Tumawa lang
siya. Nagtaka naman ako. "Hindi ko girlfriend si Jenny."
"Ano?!
Eh bakit..."
"Palabas
lang ang lahat.sinet-up kita. Para mapaaming may nararamdaman ka rin para sa
akin. At tama nga ako. Meron nga." tumawa siya ulit. "Alam kong
nag-seselos ka nung time na yon. At alam ko rin na umiiyak ka nung araw na
iyon. Kahit na sinabi mo na nanood ka lang ng nakakaiyak na movie, hindi pa rin
ako naniniwala sa'yo noon...and sorry kung nagawa ko yun..yun lang kasi naisip
kong paraan para mapaamin ka."
So ibig
sabihin..All this time..pinaniwala niya ako na may gf siya. pero palabas lang
pala ang lahat??? at nasaktan ako sa palabas niyang yon. At alam niya na
nasaktan niya ako.
Hindi ko
alam kung matutuwa ba ako sa nangyari o magagalit sa kanya dahil nagsinungaling
siya.
"At
saka hindi ka pa ba nakakahalata? Kung bakit ang sweet sweet ko sa'yo. Kung
bakit kita hinalikan sa basketball court kahapon. at yung pagtawag ko sa'yo ng
babe. ang slow mo naman." at tumawa lang siya.
"Inakala
kong normal lang lahat. Hindi ko inaasahang magkakagusto ka sa akin. Basta ang
alam ko, lalaki ka. kaya hindi tayo pwede." seryoso kong sagot.
"Well
ngayon alam mo na.na mahal kita so wala ka nang dapat ipangamba pa ok?"
sabi niya.
"Pero,
pano sila mommy? pati na ang mga parents mo. Paano pag nalaman nila?"
tanong ko.
"Huwag
mo munang isipin yang mga bagay na yan. Sa ngayon, i-enjoy na lang natin to. Na
kasama ang isa't isa." Tinitigan niya ako. "Nga pala nakita mo na ba
yung nakasulat sa singsing?" tanong niya.
Oo nga
pala.hindi niya kinuha sa akin yung singsing niya. napansin kong suot ko pa rin
iyon. Tinanggal ko ito at napansing may nakasulat sa inner part.
Van loves Av
OMG..bakit
hindi ko napansin to? Grabe.. kinikilig ako!!!!!
Kinikilig
din ako!!!
"K-kuya..I-I
don't know what to say." biglang pumatak ang luha ko..Hinalikan ko siya sa
labi. isang mainit at punong-puno ng pagmamahal na halik. Gumanti naman siya sa
halik ko. Ang saya saya ko. Ang kuya kong crush ko, na mahal na mahal ko. Na
napapanaginipan ko lang. Na akala kong sa panaginip ko lang siya mahahalikan.
Ay eto ngayon, kahalikan ko na. "I love you kuya,."
"I love
you too bunso." sabi niya.
"hmmm."
"hmmm??"
tanong ko.
"So..."
sabi niya.
"So????"
tanong ko ulit.
"Tayo
na?" nakangiting tanong niya.
"Nag-i
love you-han na nga, naghalikan na nga eh. tinatanong pa ba yan? Eh ikaw pala
kuya ang slow eh!" sabi ko sabay tawa.
"Ahh
slow pala huh." sinimulan niya akong kilitiin. Tumakbo ako palayo sa
kanya. Naghabulan kami sa kwarto ko hanggang sa nakorner niya ako. "Ano?!
slow pa ba ko?!" tanong niya ng nakapilyong ngiti.
"Hindi!
Hindi na po! joke lang po yun." sabi ko.
Tumawa siya
at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga! Ummm! Kaya ako na-inlove
sa'yo eh." sabi niya.
Kinilig
naman ako sa sinabi niya. Tinulak ko ang noo niya, "Ummm! kahit kailan ka!
Bolero!!". Niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako. "I love you
kuya."
Hinalikan
niya ang noo ko. "I love you too bunso." sagot niya.
And once
again, halikan time! Lol.
Grabe ang
haba talaga ng hair ng lola ko!
I know,.haha
Ang saya
saya ko. Sana hindi na matapos tong araw na to. Sana ganito na lang kami
forever. I've never been this happy in my life. This is effin perfect!
-------------------
Until the
next episode,
Av-Van <3
lol.
No comments:
Post a Comment