Sunday, January 6, 2013

Exchange of Hearts (11-15)

By: Gelo
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


====================================================================
[11]
"ANDY!! ANDY!! GISING!! GISING!!" bigla akong nagising sa lakas ng uyog at sigaw sakin para magising nang namulat ko ang aking mata si BAYAG!! naka tuwalya lang walang pang itaas at mukang bagong ligo.

"ay bastos! anong oras na?" gulat ang pagkagising ko napatitig ako sa orasan at nakita ko 6:30 am na.


"hala! yung gamot mo dapat kanina mo pa inimon!!" sabay hanap sa gamot at lagay ng tubig sa baso.
"pwet.. ok na.. magaling na ako, salamat ha? hindi mo ako iniwan kagabe." sabay hawak nya sa kamay ko para itigil ang pag kuwa sa gamot, napa tigil naman ako napatingin sa kanya.
"ah ganun ba? magaling ka na? buti naman.. wala yun kaw nga hindi mo rin ako iniwan nung nahospital ako eh"
"pero iba yung kagabe" matapos umupo sya sa tabi ko.
"sobrang alaga mo sakin umiyak ka pa nga eh, ay oo nga pala bat ka umiyak kagabe?" pag baling nya ng tanong.
"umiyak ako? ah eh.. hindi ah! kung umiyak man ako siguro tears of joy yun."napatngin ako sa orasan malapit na mag 7am magbibihis pa ako.
"ay sya uwi na ako mamalate na tayo nyan eh" sabay tayo ko. ng malapit na ako sa pinto bigla akong niyakap ni louie sa likod ko.
"andy salamat ha?"napa ngiti nalang ako.
"oo na.. geh na ok na yun sus! kaw pa lakas mo sakin eh"

umuwi na ako ng bahay para mag-ayos, natapos ako ng mga arosund 7:45am at dumeretso na kame school.

"tol balita ko nag tampisaw daw kayo kahapon sa ulan ha!" sabi ni aldrin.
"oo nga eh sayang umuwi kayo agad mas masaya sana kung madami tayo."sab ni louie.
"eh kasi naman itong si faye eh nag yaya sa sm nagpasama kaya maaga kameng umalis"
"hay nakoo! buti ng hindi na rin kayo sumama sa pag ligo kundi pati siguro tong si faye na perwisyo mo din" banat ko kay aldrin.
"oh bakit?"
"nilagnat yang si bayag kagabe at syempre si pwet to the rescue kala ko nga mamatay na yan! lakas ng loob mag yaya ng sa ulan hindi naman pala kaya!" hindi naman magkanda mayaw sa tawa itong si aldrin at faye si joner naman palihim na tumatawa.
"grabeh naman to! lagnat lang mamatay na?" pag bawi ni louie.
"oo!! kung makita mo lang itsura mo kagabe parang gusto mo ng mamatay." pag susungit ko.
"oh talaga? kaya pala todo iyak ka?" banat ni louie.
"oh mah GOSH! umiyak ka teh? ang O.A mo ha!" sabi ni faye. tawanan naman silang lahat.
"ahahahaha! tiganan mo si andy oh namumula na naman oh ahahaha"pangangasar ni aldrin.
"hoy excuse me! umiiyak ako kagabe hindi dahil nahihirapan ka TEARS OF JOY YUN!" tawanan silang lahat ulit.
"pero pasalamat talaga ako dito kay andy todo alaga to sakin kagabe eh kulang nalang pati pwet ko hugasan eh! kung wala nga to siguro nga patay na ako. pwet noh?" sabay akbay sakin.
"uiiiiiii...yun naman pala eh ayieeeeeee!" pangungutsa ng lahat.
"si andy oh mas namumula" turo ni aldrin, sabay tangal ko sa kamay ni louie sa balikat ko.
"hmmpt!" pero nangiti ako noon kinikilig kasi din ako.
"ui punta kayo maya b-day ko ha? sa bahay ko lang tayo may handaan ako syempre inuman! i expect everyone to be there ha?" singit ni ate donna ang pinaka matalino sa klase pero hanep pag datng sa inuman, kahit pala inum sya pag dating sa mga exams hanep!! IMORTAL nga tawag ko dun eh.
"oo naman ate dons! kaw pa bibiguin namin? pero wala kameng pang gifts ha? ahahahah" sabi ni faye.
"oo wag na! sus tanda tanda ko na para sa mga regalo2x na yan!"
"ito naman si ate dons binibiro ka lang namin eh! tutal sayo na ng galing edi wag na!" banat ni louie.
"oh sya2x mauna na ako at madami pa akong aayusin may mga bisita na daw kasing dumatng eh, 6pm ha? dapat andun na kayo para mahaba haba ang inuman!"
"sige ate dons ingat ka asahan mo punta kame."
"oh 6pm daw ha? kita kita nalang tayo mcdo sa harap ng school ha? mga 5:30pm." sab ni aldrin.
"ah eh.. hindi ako sure if pupunta ako? kasi baka hindi ako payagan eh!" sabi ni joner.
"nako tol sayang naman sana makapunta ka alam mo namang crush na crush ka ni ate dons eh mas maganda sana if andun ka!" sab ni aldrin.
"hehehe.. susubukan ko text ko nalang kayo if makakapunta ako"
"oh sige sige, eh kayo tol 5:30 ha?"
"oo naman gusto mo ngayon na? ahahhaha" sabi ni louie.
"hoy! lakas naman ng loob mo? sigurado ka ba papayagan tayo ni ninang ha?" sabi ko.
"ako bahala at saka minsan lang naman to eh"


alas kwatro ng hapon nakauwi na kame ni louie sa bahay nila. nagpaalam na din sya at laking bilib ko at pinayagan kame, galing kasing mambola nitong bayagra pinangakuan lang niya si ninang ng pasalubong na fruit salad at yun bumigay din naman si ninang. 5:45 andun na kame sa pinag kasunduan. pag dating namin dun kame nalang ang wala at laking tuwa ko ng makita ko si joner. yung totoo lang na amazed ako sa itsura ni joner nung oras na yun, simple lamang ang porma nya, naka wihte t-shirt at short at de tsinelas lamang pero ang lakas ng dating nya nung oras na iyon kahit hindi kaputian pero LAKAS NG SEX APPEAL!!
"buti naman joner pinayagan ka ng papa mo?" sabi ko.
"oo nga eh! pero hangang 10pm lang daw ako dapat maka uwi na din ako." sabi ni joner.
"ah ganun ba? ok na yun ang mportante andito ka matutuwa si ate donna nito."
"oh ano pa inaantay nyo?" sabi ni louie.
"pasko? gusto mo?" sagot ko.
"tara na tol yaan mo na nga yang mga yan jan." sabay lakad nila ni aldrin si faye naman naiwang nakaupo at nag tinginan kameng dalawa sabay tawa syempre alam na! si BAYAGRA nag-iinarte na naman, si joner naman parang batang inosente at di alam bakit kame natawa ni faye.
"tara na teh" yaya ni faye.
"tara joh" yaya ko naman kay joner.

nilakad lang namin papunta kila ate donna non kasi malapit lang ang bahay nila mula roon. sila louie at aldrin nasa unahan namin samantalang kameng tatlo ay nasa likod, ako ang nasa gitna.

"teh nag-iinarte na naman yang bayag mo!" sabi ni faye.
"ewan ko nga jan eh bakit ang init ng ulo nyan dito" sabay nguso ko kay joner pero pabulong lang kameng nag-uusap hindi naman din siguro kame naririnig ni joner kasi naka head set sya nung oras na yun.
" eh baka naman teh nag seselos?"
"selos naman san?"
"eh san pa ba? sa inyo!"
"samin? as in kame? ano bang meron samin?"
"ewan! pansin ko lang naman eh kasi diba? pag nag-uusap kayo doon lang naman nag-iinarte yan!"
"bahala nga sya! wag nya ako artehan dahil pag ako nag inarte baka magsisi sya."
"jan talaga ako bilib sayo teh! pambihra yang POWERS mo!"
"NAMAN!" tawanan kameng dalawa nabigla naman si joner at tinangal ang nakalagay na head set sa tenga.
"bakit? ano yun?"sabi nya.
"wala! i love you! ay este ayun na yung bahay nila ate dons oh bilis!" sabay hila ko kay faye at tumatawa ng palihim.. naiwan naman si joner na nakatayo at nag takang taka.

"hi ate dons happy b-day! pasyensya kana dito ha? mumurahin lang eh!" pag bati ko kay ate donna sabay yakap ganun din si faye.
"salamat ito naman nag abala pa kayo sabi ko kahit wag na basta pumunta kayo ok na ako don, ahmmm asan si joner? hindi ba pinayagan?" sabay lingon lingon nya sa likuran namin ni faye.
"hi ate dons happy b-day" pag bati ni joner mula sa likod ni ate donna. napapikit naman sa kilig si ate donna at saka humarap kay joner.
"kala ko hindi ka darating eh, salamat dito sa gift mo ha? nag abala ka pa!" halatang halata na kinikilig si ate donna. hinanap ko sila louie at aldrin hindi ko sila makita kaya tinanong ko na kay ate donna.
"teh don sila louie asan?"
"ay nako andun na sa loob umiinom na!"
"ganun? apurado?" pumasok na kame ni faye sa loob si joner naman naiwan kay ate donna. ng makapasok kame nakita naman namin agad sila aldrin at louie kasama ng iba naming calssmate at batchmate nagtotoma na agad sila ni hindi pa nga ata kumakain.
"huy bakla! andito ka pala!" bungad sakin ni ate mae classmate namin dati pero nag stop na sya.
"oo buti nga pinayagan ako! musta kana? huy pumapayat ka ha!"sabi ko.
"eto naman binola mo pa ako! ay sya nga pala asawa ko, hayme si gelo at faye" pag papakilala ni ate mae sa asawa nya.
"IMPERNEZ ate mae ang gwapo ng asawa mo ha!"sabi ni faye. gwapo nga naman talaga.
"nakoo! babaero naman!" sabi ni ate mae " kumain muna kayo dun tapos deretso na kayo dito nomo na tayo!'
"oh sige sige" deretso na kame ni faye sa mesa upang kumuwa ng makakain, si faye naman kinuwaan si aldrin ng makakain.
"huy yung bayag mo hindi mo ba kukuwaan? hindi kumain mga yun! sige ka kaw din baka kargahin mo yan pauwi!"sabi ni faye.
"ay nako faye yaan mo sya! kung gusto nyang gumapang pauwi bahala sya swerte nya?" matapos namin kumain deretso na kame ni faye sa inuman kung san sila naka upo. dala dala ni faye ang pag kain para kay aldrin, umupo sya sa tabi ni aldrin si faye, tinignan ni louie pano bingay ni faye yung pag kain kay aldrin at napatngin sya sakin siguro hinahanap yung pag kain na dapat dala ko para sa kanya. nung tipong uupo na ako sa sa tabi nya bigla syang tumayo.
"tol teka lang ha yosi lang sa labas." pag papaalam ni louie kay aldrin, tinginan naman kame ni faye. ngumuso si faye sakin na ibig sabihin sundan ko palabas.
"sabi ko sayo dapat dinalhan mo ng pag kain eh." bulong sakin ni faye. napa buntong hininga nalang ako at tumayo at napailing. kumuwa ako ng pag kain at lumabas para ibigay sa kanya. nakita ko sya agad sa labas nag yoyosi naka upo sa gilid ng bahay sa sahig lang. mukang malalim ang iniisip. lumapit ako.
"louie kumain ka muna" sabi ko ng malumanay. habang sya naka upo parin at nakatitig lang sa sahig. hindi pinansin ang alok ko.
"kakainin mo ba to o itatapon ko to sa harap mo?" medyo inis na ako hindi ko kasi alam anong inaarte ng hayop na to! napatingin sya sakin at nakipag titigan, galit ang mga mata nya parang nanlilisik. medyo natakot naman ako kaya sinubukan ko ng maging mahinahon.
"sige na oh! baka malasing ka nyan agad hindi ka pa kumain" nakatitig parin sya sakin pero hindi na galit. inabot ko ng isang kamay ko ang yosi nya at tinapon at inabot ko ulit ang kamay nya para hawakan ang pag kain. hinawakan naman nya to, umupo ako sa harap nya.
"kumain kana please" naka smile ako ng mga oras na yon para mapawi ko kung ano man ang dinadala nya sa loob loob nya. sabay tayo ko at tipong papasok na sa loob ng bahay.
"dito ka lang samahan mo ako kumain" sabi ni louie." umupo na ako sa tabi nya at sinamahan syang kumain.
"oh? ano toh? bat nilagyan mo ako ng pansit? eh daming gulay nito oh! alam mo ng hindi ako kumakain ng kulay eh!" reklamo nya.
"arte mo ha! buti nga dinalhan kita eh! edi lagay mo lang jan ako kakain!" sabi ko.
"ano bang inaarte mo ha?" pag baling ko.
"inaarte san?" kunwari inosente sya sa mga pinag sasabi ko.
"nako! tigilan mo nga ako louie! kilala kta simula ulo mukang paa!" medyo natawa naman sya sa sinabi ko.
"oh! kumain ka nalang" akmang sinusubo sakin ang pansit.
"ako na!" sabay abot ko sa tinidor na hindi naman ni binibigay.
"tsk!" napahinto sya.
"ako na nga eh! ano kakainin mo to o itatapon ko sa harap mo?" sabi nya.
"bwiset! kailangan talaga sinusubuan ganun?" bgla nyang sinubo sa bibig ko ang pansit habang nag sasalita ako.
"dami pang satsat eh!" natawa naman ko sa ginawa nya. matapos naming kumain pumasok na din kame sa loob at nakihalubilo sa iba.
"oh? san kayo galing?" tanong ni ate donna.
"jan lang ate dons nag paammo ng mabangis na hayop!" sabi ko. bigla nag iba muka ni ate donna at nag taka sa sinabi ko.
"ha ano?"
"wala.. hehehe tara inuman na!" pag yaya ko.
mabilis na tumakbo ang oras at hindi namin napansin na 11pm na ang iba ay nag sipag uwian na samantalang si joner paktay! knock down! sobrang nalasing nalowbat nalang ang phone nya sa kakatawag ng tatay nya. si faye naman nauna ng umuwi syempre hinatid ni aldrin na ang sabi babalik din daw pero hindi na din bumalik. so ang naiwan ako, si louie, ate mae at dons at joner.

"ate mae asan na nga pala asawa mo? biglang nawala ha!"
"hayaan mo na yun tyak nangbabae na naman tang ina talaga ng hayop na yun!" lasing nyang sabi.
"eh pano to si joner? knock down na?" sabi ko.
"dalhin nyo nalang dun sa kabilang kwarto andy pero walang kama dun ha? mag latag nalang kayo ng kutsyon." medto lasing na din si ate donna. ako naman hindi pa hilo lang kasi hindi ako masyadong pinapatagay dahil alam nila sitwasyon ng kalusugan ko. si louie naman medyo lasing na. inakyat na namin si joner sa taas sa kabilang kwarto at nag latag ng kutsyon.
"louie dito na rin tayo matulog hindi natin pwedeng iwan si joner mag-isa dito."
"oh sige kaw bahala basta kaw mag paliwanang kay mama ha?"
"sige sige." inayos na namin ang tutulugan namin, ako ang sa gitna ganun ang posisyon namin. mga 5 minutes after may biglang kumatok sa pinto ng kwarto binuksan ko naman agad. si ate mae.
"andy pwede ba ako makitulog dito? eh kasi nakakahiya naman kay donna eh andun boyfriend nya sa kwarto nya syempre motmot yung dalawang yun"
"ah sige po ate mae pero medyo masikip tayo dito ha?" sabi ko.
"ok lang" higa naman agad si ate mae sa tabi ni louie at ako naman bumalik sa pwesto ko sa pagitan nila louie at joner.

tahimik.. malamig ang paligid, hindi ako makatulog ewan ko bakit si bayag alam ko gsing pa to kasi kilala ko pag tulog sya. maya maya biglang yumakap si ate mae kay louie hindi naman pumalag itong si louie. pero nakatagilid lang ako nakatitig sa kanila samantalang si louie nakataas ang kamay at ginagawang unan ang kamay. pansin ko dahang dahang bumababa ang kamay ni ate mae medyo kinakabahan na ako sa nangyayari napapalunok na ako ng laway. hangang sa nakita ko ng naabot na ni ate mae ang pagkalalake ni louie dun ako naturete, hinawi ni louie ang kamay ni ate mae at tumagilid paharap sakin pero hindi nag paawat si ate mae yumakap parin kay louie at inaabot ang bandang pagkalalake nito pero hinawakan na ni louie ang kanyang ari pero pinipilit ni ate mae ipasok ang kamay nya sa loob nito. lalo pang lumapit si louie sa pag kahiga nya sakin at hinawakan ang nya ng isa nyang kamay ang kamay ko para gisingin ako ang akala nya kasi tulog ako. pinisil pisil nya ang kamay ko ginantihan ko din naman ng pisil upang ipaalam sa kanya na gising ako. nilapit nya ang ulo nya sa tenga ko at bumulong ng ganito.
"si ate mae"
"ssshhh.. alam kohh" bulong ko din pero patuloy parin si ate mae sa ginagwa nya.
"andy hindi ko na kaya"
"maawa ka louie maawa ka may mga anak at asawa yan"
"ahhh shiit!"
"please maawa ka" naiiyak na ako dahil baka bumigay si louie at baka hindi ko kayanin na sa harap ko pa nila gagawin yun.
"maawa ka please" paulit ulit kong binubulong iyon pero ang ibig ko talagang sabihin sa maawa ka ay maawa ka sakin hindi dahil maawa ka sa pamilya nya. nagulat ako sa sunod na ginawa ni louie tumalikod sya sakn at tipong aakmahan na ang babae pero nagawan ko ng paraan hinila ko ang katawan nya pabalik harap sakin.
"please.. please!" hinawakan nya ang dalawa kong kamay ng mahigpit.
"andyyy.. piglan mo ako wag mo ako hayaan please" pag mamakaawa nya sakin hindi ko na alam ang gagawin ko naiiyak na ako ewan siguro nasaktan ako na kung hindi ko sya napigilan kaya nyang gawin yun sa harap ko despite na alam nyang mahal ko sya. magkalapit ang mga muka namin sobrang lapit. ganun parin hinawakan ni ate mae ang ari nya alam kong matinding pag pipigil ang ginagawa nya dahil lalake sya at sobrang hirap ang dinadaanan nya ngayon wala na akong ibang maisip kung ang pumatong sa harap nya at halikan sya para tumigil na si ate mae sa ginawa nyang pang seseduce kay louie. hinalikan ko sya at pumatol din naman sya maalab sobra hingal na hingal si louie sa bawat halikan namin parang nang gigil inalis naman ni ate mae ang kamay nya kay louie at nagulat sa nasaksihan nya! hinawakan ko ang ari nya at nakalabas na ito sa pantalon nya hinimas himas ko to habang nag hahalikan kame matagal ang halikan namin hangang sa napatigil ng halik sakin si louie at napabuntong hininga at naramdaman ko may mainit na likido ang dumapo sa kamay ko. napatigil ako sa ginagawa ko at humiga ulit sa tabi nya sya naman ay parang na relief at napawi ang kanina pang nag pipigil ng init sa katawan. niyakap nya ako at ganun din niyakap ko din sya.
"galing.. tama yung ginawa mo talino mo talaga." bulong nya sakin. hindi na ako sumagot pero laking gulat ko nga yumakap parin si ate mae sa kanya!
"tang ina hindi natitinag.." bulong ko.
"teka lang papatulan ko na to!" yun ang pagkarinig ko pero hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nya dahil malabo. at bigla nga syang humarap kay ate mae!

ITUTULOY..


[12]
at tuluyan na ngang humarap si louie kay ate mae,para akong nang lumo sa nakita kong pag talikod nyang iyon sakin.
para akong sinampal ng tabla sa muka non. napapikit nalang ako sabay ng luha na tumulo sa aking mga mata.pinilit kong humiga at
manatili saking kinahihigaan pero hindi ko kayang magtagal doon at makita o marinig man lang gagawin nila. hndi ko na kinaya at tumayo ako
para lumabas. pero nung nakatayo na ako biglang hinila ni louie pababa ang isa kong kamay para humiga ulit pero nahila ko ang
kamay ko at hindi nakapag tiis.
"lumabas ka! sa labas tayo mag-usap" sabi ko ng medyo mahina pa ang boses pero halatang gilgil sa galit.
"hindi mo naiintindihan" pag papaliwanag ni louie na nagpipigil ng boses.
"sabi ko lumabas ka dun tayo mag-usap!" tipong naka turo ang kamay ko sa pinto at nakatayo, tumayo din naman agad sya at unang lumabas sakin. tinignan ko ng masama
si ate mae bago ako makalabas. ng maka labas na ako andun sya nag aabang sakin sa labas.
"ano?kulang pa ba? tigang na tigang ka na ba ha? ha!!! halika!! dun tayo sa cr round two tayo gusto mo!" bulyaw ko sa kanya.
"ano bang inaarte mo ha?!" galit nyang sabi.
"anong inaarte ko? eh gago ka pala eh! binigay ko na nga yung gusto mo hinayaan ko na ang sarili kong ibigay sayo sa harap ni ate mae na kahit na
alam ko na pwede nya itong ipagkalat sa lahat!! cause i want to save you! sabi mo sakin wag kitang hayaan sa pwedeng mangyari at ito ginawa ko na
nga para lang mapiglan ka tapos ito pa? hindi ka pa nakuntento?" medyo lumalakas na ang boses ko hindi alintana na nasa ibang bahay kame at tulog na ang lahat.
"hinaan mo nga yang boses mo! gago ka ba? ano bang sabi ko sayo ha?" pigil sya sa boses nya para hindi lumakas.
"ang sabi mo PAPATULAN! louie sobra kang nakakabastos! alam mo ba yun ha? alam mo ba yun?" nag simula ng tumulo ulit ang luha ko sa mga mata at pinupunasan ko ito
habang umiiyak.
"eh gago ka pala eh! ang sabi ko andy PAPATIGILIN!! PAPATIGILIN!! Hindi PAPATULAN!!" galit nyang sabi. sa sinabi nyang iyon napahinto ako sa iyak at napatingin sa kanya.
"ha? papatigilin kamo? ah, eh kasi pag karinig ko PAPATULAN? mag katunog kasi eh parehas na may PAPA?" napahinto ako sa pag-iyak na nanalaytay sa buo kong
katawan ang hiya.
"tignan mo yan! ngayon ok ka na ba? ok na noh?" at tipong mag wawalk out sya pababa ng hagdanan at napigilan ko naman agad sya sa pag hawak ko ng braso nya.
"ui sorry na oh! kala ko kasi papatulan eh, ang hirap naman kasi ng sitwasyon natin diba? nag bubulungan tayo dun kaya hindi ko masyadong naririnig. bayag
wag kana magalit kasi!!"pag mamakaawa ko.
"eh bakit mo ako hinalikan ha?"
"eh bakit ka pumatol?" ganti ko.
"eh wala na eh andun na.."
"kunwari ka pa nasarapan ka lang sa halik ko!"
"ulol!" sabay batol sakin. alam ko sa ganung salita nya hinid na sya galit.
"eh pano na tayo nito? san tayo matutulog? pano kung ipag sabi ni ate mae ang nangyari satin?" sabi ko.
"hindi ko nga alam eh, bahala na basta pag pinag kalat man nya, pag kalat din natin na gusto nya akong gapangin mas nakakahiya naman yun para sa
part nya dahil pamilyado sya!" nagulat naman kame ng biglang bumukas ang pinto. si JONER!!! gising!! shit! baka nakita nya ang nangyari samin ni louie!
yun agad ang pumasok sa isip ko.
"oh joner? bat ka nagising?" tanong ko ng may laking pagtataka.
"eh may umapak ata sa muka ko kaya ako nagising eh!" reklamo nya.
"ay muka mo ba yung naapakan ko? sorry ha kala ko kasi unan?" pag papaliwanag ko.
"ah ikaw ba? wala yun hindi naman masakit eh." pero alam ko masakit yun eh nagawa nga syang magising sa apak ko na iyon tapos sasabihin nyang hindi masakit?
sadyang malakas lang talaga ako sa kanya? charot!
"anyway.. bat andito kayo sa labas?" tanong nya.
"ah eh kasi mag ccr ako?"
"oh bat kasama pa si louie?"
"ah eh kasi matatakutin ako?oo mamatakutin ako kaya ginising ko sya para samahan ako. hehe" sabi ko.
"ah ganun ba? nakapag cr ka na ba?"
"hind pa nga eh tara samahan nyo ako sa baba." pag yaya ko sa baba. sumama naman silang dalawa sakin. matapos kong mag cr sumunod din silang dalawa nag cr din.
umupo muna kameng tatlo sa baba sa kusina tapos nakakita kame ng mga tirang handa sa mesa pinapak na din namin.
"pano ka na nyan joh bukas? anong sasabihin mo sa papa mo? magalit kaya yun?" sabi ko.
"ahmm oo syempre galit yun.. pero madali lang diskartehan yan, isang beses lang din naman ako papagalitan matapos nun wala na."
" ahmmm oo nga naman, pero senya na ha? kasi ano.. yun nga nalasing ka tapos hindi ka nakauwi, yan tuloy pag uwi mo papagalitan ka nyan." pag hinge ko ng paumanhin.
"wala yun andy, ako naman may gustong pumunta dito hindi nyo naman ako pinilit diba? kaya kung papagalitan man ako bukas walang dapat sisihin" sabay ngiti.
dito talaga ako humahanga kay joner napaka lawak ng pangunawa at pag-iisip, sobrang bait di tulad ng bayagrang ito ugok ugok mahina pangunawa! pero mahal ko naman ahahaha ewan ko ba!
"tara na akyat na tayo" pag putol ni louie sa usapan namin.
"ha? aakyat? dito nalang tayo tulog pwede?" sabi ko.
"ha? bakit? may problema ba sa taas?" sabi ni joner.
"ah wala naman, mainit kasi?"
"edi sayo nalang natin itutuk yung electric fan?kung ok lang kay louie?"
"ah eh hindi! kasi ano.. ahmmm.. hindi ako komportable sa taas? parang ang sikip?" para talaga akong tanga ng mga oras na yun hindi alam ang sasabihin nauutal pa.
lumapit sakin si louie at bumulong.
"wag ka ngang pahalata."sabay kurot sa tagilran ko.
"aray!" napasigaw ako sa sakit pero tinakpan ko din naman agad ng kamay ko.
"tara na akyat na tayo." yaya ni louie.
"pwede namang bumulong lang diba? may kurot pa talaga noh?" nag sasalita ako habang paakyat kame sa taas.tinignan naman ako ni louie ng masama na nagawa naman akong
patahimikin sa tinigin nyang iyon.
"bakit? anong problema?" tanong ni joner na may pagtataka.
"ah wala nag lalambingan lang kame. hehehe ang sweet nya noh?" sarcastic kong sabi,
"hehehe kaw talaga andy palabiro." sabay akbay sakin na kinagulat ko naman. ng marating namin ang kwarto. nakahiga parin si ate mae at nasa dulo ng kama nakatagilid
kung san namin sya iniwan.
"dito na ako tatabi." sabi ko, tumabi ako sa tabi ni ate mae pero may konting distansya sya mula sakin. sinadya ko yun para hindi na sila mag tabi
ni louie baka ano pang mangayari ulit baka kagera na sa loob ng kwarto. ngayon si joner nasa dulo parin at si louie nasa gita namin ni joner. 3am na non hindi pa ako
natulog agad to make sure that everything is okey, mga around 4am natulog na din ako dahil wala namang kakaibang nangyayari sa paligid kaya natulog na din ako.

 mga around 8am nagising na ako, wala! nagising nalang ako agad body clock ko na ata na magising ng maaga kahit walang gumigising. inikot ko ang mga mata ko
pero wala akong makitang ate mae na katabi namin kagabe, grabe miserable ang gabing iyong daig pa ang eksena sa penikula kaloka! maaga atang nagising si ate mae
hindi ko alam kung umuwi na ba o nasa baba lang. pinag masdan ko lang ang dalawa habang natutulog, feeling ko mga jowa ko tong mga tong tapos kakatapos
lamang namin mag siping at ito pagod na pagod silang dalawa! ahahahaha nakakatawang imahinasyon ko. pero sa totoo lang mas gwapo naman talaga tong si
joner eh, kitang kita naman oh! tangkad,gwapo!matiponong matipono ganun din naman si louie kaso nabitin lang ng konti sa hieght? ahahahaha pero mas malakas
talaga ang APPEAL nitong si louie compared dito kay joner. gustong guto ko ang ilong ni joner dahil ang tangos nakaka insecure talaga dahil ako hindi naman
katangusan ang ilong pero hindi naman ako pango.tumayo ako at lumipat sa tabi ni joner at umupo sa tabi nya.tinitigan ko ng mabuti muka ni joner ng mabuti
naantig talaga ako sa muka nya, gusto kong hawakan ilong nya kasi nakakasawa na kasi na laging ilong ni louie ang hinahawakan ko para magising sya. unti unti
kong nilalapit ang hintuturo ko sa ilong nya. palapit ng palapit, palapit! hangang sa konting konti nalang madididkit ko na yung hintuturo ko sa ilong nya napahinto
ako sa ginagawa ko ng bigla bumukas ang isang mata ni joner. natulala ako hindi ko alam anong sasabihin o gagawin. nasimento ako sa posisyon kong iyon
at dahang dahan na inalis ang kamay ko sa harap ng muka ko. binuksan na din nya ang isa nyang mata. tumayo naman ako agad.
"bakit?" tanong nya habang nag pupunas ng mata.
"ah eh kasi ano yung ano sa ano mo may ano" sobrang natataranta ako hindi alam ang sasabihin.
"ano?"
"may dumi?" hays nasabi ko din!
"ah! san?" pinunasan naman nya agad ang ilong nya.
"meron pa ba?"
"ah wala na, hehehe.. gising na kayo para makauwi na tayo maaga."
"oo nga, tol tol gising na" pag gising nya kay louie. naka ilang uyog na sya pero hindi parin magising si louie.
"hindi kasi ganyan, ganto oh!" sabay kurot sa ilong nya gising naman agad si louie sabay kuskuos sa ilong nya.
"ano ba?" nagalit sa pagka gising sa kanya.
"anong ano ba? wala tayo sa bahay! uwi na tayo!" bulyaw ko.
"bwiset naman eh natutulog pa ako." reklamo nya. at humiga ulit.
"sige jan ka lang ha? uwi na kame! bahala ka wala na ako para pag tangol ka ikaw din.." bangon naman sya agad.
"sabi ko nga tara na uwi na tayo." tayo naman agad sya.
 nag paalam na kame kay ate donna na uuwi na kame, sabi nya si ate mae daw maaga umuwi mga 6am kaya hindi na din ako nag taka kung bakit wala na sya nung
magising ako. nagkahiwalay na kame ng landas ni joner dahil iba ng way ng daan nya sa uwian namin. habang nasa jeep kame nag mememorize na ako ng sasabihin
ko kay ninang dahil bongang bongang bulyawan ang magaganap pag-uwi namin lalo na't wala kameng pasalubong? PAKTAY NA! nakarating na kame ng bahay nila louie.
bago kumatok nag tinginan muna kame ni louie sabay tawanan ng biglang bumukas ang pinto.
SI NINANG!! patay!

"oh buti naman naisipan nyong umuwi noh?" bungad agad ni ninang.
"ninang sa loob na po kame mag papaliwanag please?" pag mamakaawa ko. at pumasok na nga kame sa loob, si louie naka tingin lang sakin ng may takot.
"kaw na bahala, galingan mo ha?" bulong ni louie.
"so?bat ngayon lang kayo naka uwi ha?" pag tataray ni ninang.
"ninang.. kasi may nangyaring hindi inaasahan eh." napatingin sakin si louie kala nya siguro ang sasabihin ko ay yung nangyari tungkol kay ate mae.
"ahmmm kasi po si joner eh.."
"oh? anong meron kay joner?"
"eh kasi nalasing sya kagabe, hindi na namin magising sa kalasingan kaya yun nag decide kame na dun nalang patulugn kila ate donna. eh hindi naman pwedeng iwan nalang namin sya mag-isa dun baka magalit sya pag gising nya wala kame." paliwanag ko. natahimik lang si ninang
nag-iisip kung pasado ang palusot ko.
"hmmm.. i need to talk to joner." sabi nya.
"sure ka ninang?kung gutso mo talaga sige po papapuntahin namin si joner dito" grabe talaga tong si ninang. sa isip isip ko lang.
"oh sige2x buti nalang at lingo ngayon at wala kayong pasok kundi kahit anong rason nyo hindi ko kayo papalampasin!"
"salamat ninang love mo talaga kame" sabay yakap kay ninang at lingon kay louie para kindatan sya na ibig sabihin PANALO! ngumiti lang si louei sakin.
"oh sya sya! maligo na kayo! at amoy mga alak kayo."


 buti nalang at nakaligtas kame, at pag ako naman ang nag papaliwanag kay ninang naniniwala naman sya kaysa kay louie kaya minsan naiinis sya sa mama nya
kasi mas naniniwala mama nya sakin ahihihi.. umuwi na ako para maligo, sa bahay naman hindi na nag tatanong lola ko kung bakit hindi ako
naka uwi kagabe dahil pag hindi ako natutulog sa bahay ang akala nila kila louie ako natutlog kaya ok lang kahit hindi na ako magpaliwanag.matapos ako
maligo dinatnan naman agad ako ng antok dahil nga wala din kameng maayos na tulog kagabe gawa ng kalandian ni ate mae. nag simula akong matulog ng 12pm
at nagising ako ng mga alas 5 dahil sa alarm ng phone ko dahil nga mag sisimba kame ni louie non. nag text na ako kay louie na maligo na sya dahil mga 5:30pm
darating na ako sa bahay nila at deretso na kame ng simbahan. tulad ng sabi ko sa text ko mga 5:30pm nasa bahay na nila ako.
"ninang!!! si louie tapos na mag-ayos?"
"ha? wala sya, lumakad nakabihis eh, baka nauna na sa simbahan?" sabi ni ninang.
"ah.. ganun po ba? hindi man lang sya nag sabi na mauuna na sya nag text pa naman ako sa kanya." pero laking taka ko bakit nauna na sya dahil dati rati kahit
sobrang late na ako aantayin ako nyan pero ngayon nauna sya. baka naman may ibang lakad? pero bakit hindi ko alam? hmmm..
"sige po ninang mauna na po ako baka malate pa ako sa simba" paalam ko kay ninang.
"oh sige ingat! umuwi agad ha? dito kana mag-dinner."
"oh sige po."

 nakarating na ako sa simbahan, kakasimula pa lang ng misa. lingon ako ng lingon kung san san hinahanap ko si louie. pumunta ako sa lugar kung san kame lagi
umuupo pero wala sya. baka nga may ibang lakad kaya hindi na ako nag atubiling hanapin pa sya. mga ilang minuto lamang bigla akong napalingon sa di kalayuan.
si bayag!! kaya umalis agad ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. nung tipong lalapit na ako napatigil ako sa nakita ko kasi may palapit na babae sa kanya
galing atang cr at tumabi sa kanya. nag-usap sila kaya siguro talagang kasama nya nga.napa atras ako. hindi ko nang binalak pang lumapit. naupo ako sa bandang likuran
nila hindi ako nag papahalata na nasa ligod nila ako. natulala lang ako.. tang ina!! bat ganto nararamdaman ko? ang sakit!! kaya pala hindi na nya ako inantay
para mag simba dahil may iba syang kasama.hindi ko ma explain nararamdaman ko kinakabahan na ewan! basta! parang ang init sa loob na hindi ko mapaliwanag bakit ganto?
basta ang alam ko ang sakit.hindi ko ng makuwang makinig ng maayos sa misa as in lipad ang utak ko. hindi ko maiwasang tumingin ng tumingin sa kanila gusto ko malaman
ang bawat ginagawa nila kahit masakit ewan ko ba bakit kahit ang sakit gusto kong tigan gusto ko malaman lahat ng ginagaw nila! AMA NAMIN na ang kinakanta
sa misa, nag hawak sila ng kamay na dati rati ako ang may hawak sa kamay niya samantalang ako dito mag-isa walang kahawak sabayan pa ng malungkot na tono ng
kanta hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumulo. pero tiniis ko ang sakit matapos lamang ang misa. natapos na ang misa umuwi agad ako. habang nag lalakad ako
natutulala lamang ako sa daanan. naka rating na ako sa bahay nila ng balisa.
"oh andeng nag kita ba kayo ni aweng sa simbahan? bat di kayo mag kasama?"
"ha? eh ano po, wala eh hindi ko nakita" pag sisinungaling ko.
"ah ganun ba? oh tara sumabay kana dito kumain na." yaya ni ninang. dumeretso na ako sa mesa para kumain. nag lead na nga prayer si dingdong nakakabatang kapatid
ni louie. kumain na kame. nung susubo na ako para kumain.
"hindi nyo naman ako inantay."
"oh anak halika sumabay kana samin kakasimula lang namin." si louie kakarating lamang. hindi ko naman nagawang lingunin sya ewan ko ba galit o selos ang nararamdaman ko
sa nasaksihan ko kanina. umupo na si louie sa bandang harapan ko.
"aweng san ka ba galing ha? bat hindi mo inantay si andeng mag simba?" tanong ni ninang. napatingin sakin si louie habang kumukuwa ng kanin.
"ah.. ahmmm may pinuntahan lang ako ma." paliwanang ni louie.
"san nga?"
"ahmmm nag pasama lang yung high school friend ko." deadma lang ako.
 binilisan ko ang pag kain ko dahil mas nasaktan lamang ako sa narinig ko na pag sisinungaling nya, hindi ako nag sasalita as in tahimik. nakikita ko si louie
palingon lingon sakin.
"pwet! tapos mo na yung assignment?" tanong ni louie.
"wala!" sabay tayo para ilagay yung pinag kainan ko sa lababo.
"ninang uwi na po ako may gagawin pa po ako eh salamat po sa hapunan." pag papaalam ko.
"ah teka samahan kita umuwi." sabay tayo ni louie kahit hindi pa sya tapos sa kinakain nya. hindi ko naman sya inantay pa sa halip ay lumabas na agad ng bahay nila.
sumunod naman agad si louie, habang nag lalakad kame hindi ako nag sasalita ganun din sya kasi alam nyang may kasalanan sya.
"ahmmm pwet? pakopya ako ng assignment ha?"
"ok"
"kala ko ba hindi ka pa nakakagawa?"
"oo nga." walang emosyon.
"so bukas nalang?" hindi na ako nag salita.
"pwet? huy? may problema ba?"
"wala. dapat ba meron?"
"oh bat ganyan ka mag salita? kilala kita ano nga?" pangungulit nya.
"wala!" sabay tingin ko sa kanya. natahimik lang kame. hangang sa nakarating na kame sa bahay at biglang nag salita si louie.
"nakita mo kame, right?" natahimik lang ako.
"kaya ba ganyan ka? galit ka ba?."
" hindi..bakit naman ako magagalit? sino ba ako para magalit?"
"oh bat ganyan ka? kailangan ba mag paalam pa ako sayo pag iba kasama ko mag simaba?"
"hindi! pero hindi mo kailangan mag sinungaling." sabay pasok sa bahay.

ITUTULOY..


[13]
Pumasok ako ng bahay ng may dalang sama ng loob. medyo napa-isip din naman ako sa sinabi nyang kailangan pa ba nyang mag paalam kung magsisimba

sya na iba ang kasama, medyo sumama ang loob ko sa sinabi nyang iyon parang pinamumuka nya sakin na wala akong karapatan na pag bawalan sya sa lahat ng gagawin nya.Oo totoo! wala akong karapatan na pigilan sya sa lahat ng gusto nya dahil isa lang akong di HAMAK na KAIBIGAN lamang at KAIBGAN LAMANG! at yun ata ang masakit na hangang kaibigan lamang kame at darating din ang panahon na hahanapin nya ang sarili nya at hindi sakin yon KUNDI SA IBA at nag sisimula na atang mangyari iyon ANG PAGBABAGO na kinakatakutan kong mangyari, pagbabago sa pagitan namin ni louie. Iniisip ko palang ang sakit na pano pa kaya kung mangyari na talaga? simple palang yung nasaksihan ko sa simbahan pero ang sakit sakit na pano pa kaya kung makita ko mismo sa harap ko na nag hahawak kamay sila, sweet sweetan! o mas malala mag kiss sa harap ko? TANG INA sakit talaga iniisip ko palang shit!hayss.. dumeretso nalang ako sa kama at humiga.


“hirap naman matulog.. pano ba to?” sabi ko habang nakahiga. Hirap na hirap ako matulog nung oras na yun ng bigla kong naisip na hindi ko pa pala nagagawa ang assigngment ko kaya sinimulan ko nalang ang assignment ko. Habnag gumagawa ako ng assignment minsan napapatigil nalang ako at napapatulala ng saglit. Bigla bigla kasing pumapapsok sa isip ko ang eksena sa simbahan. Matapos kong gawin ang assignment ko nahiga ako ulit para matulog na. pero hindi pa rin eh ang hirap naman ng ganto na gusto mo ng matulog pero may gumugulo sa isip mo. Iniisip ko kung dadaan ba ako bukas kila louie papunta school. Hayss.. bahala na nga.


Kinabukasan..


Natapos na ako mag-ayos at mag bihis para pumasok sa school hindi ko parin mapag desisyonan kong dadaan ba ako kila bayag para sumabay sa kanya ng pasok o papanindgan ko ang pag-iinarte ko at papasok ng mag-isa. Tumingin ako sa orasan at 7:30am na kaya gumayak na ako at nag simula ng lumakad.


TOK!TOK!TOK!

Katok ko sa pinto nila louie, hindi ko matiis eh! Bahala na nga! Eh tanga lang anong magagwa ko? Si louie ang nag bukas ng pinto.


“kala ko hindi ka na dadaan dito.” Sabi ni louie ng nakangiti.

“bakit naman? Ikaw talaga! Halika kana malalate na tayo nyan eh” sabay hawak ko sa braso nya para hilain syang palabas ng bahay.

“ninang! Alis na po kame!!” sigaw ko mula sa labas ng bahay nila.


Habang nasa pedicab kame..

“hindi kana galit?” tanong ni louie.

“ako? Galit? Sino nag sabi? Hindi naman ako nagalit ha!”

“weh? Eh ano yung inaarte mo kagabe? Drama?”

“tampo?”

“tampo? San?”

“basta! Tara na anong oras na!” sabay baba namin sa pedicab.

“ano nga kasi?” pangungulit nya habang nag-aantay kame ng jeep.

“dami mong tanong noh?gusto mo mag-inarte nalang ako ulit ako para wala nang tanong tanong?” pag tataray ko.

“oh sige na nga!” sabay sakay namin sa jeep.


Binalewala ko nalang ang lahat, hirap din naman kasi na hindi ko sya papansinin dahil andyan lang sya lagi malapit sakin ako lang din mahihirapan. Ganun naman diba pag nag mamahala ka? Natututo kang mag paraya, mag bulag bulagan at MATUTUTONG MAGING TANGA! Hayss..

Pansin ko tong mga nag daang araw, nagiging masyado syang busy sa pag tetext. Minsan habang nag klaklase kame lalabas sya at sasagot ng call at madalas nag tatago ng tet habang may klase na dati rati naman hindi nya ginagwa dahil hindi naman talaga sya mahilig mag text. Siguro nga dahil dun sa babaeng nakasama nya nung nag simba sila. Unti-unti kong nararamdaman ang pag babago kahit pilit nyang gawin na walang mag bago ramdam ko parin nag sisimula ito sa mga maliliit na bagay na hindi nya pansin na unti unting nag babago ewan! Siguro nagiging over SENSETIVE ako at kahit maliit na bagay napapansin ko. Tulad ng pag uwian need ko pang mag-antay ng ilang oras sa Seven Eleven bago kame maka uwi dahil aantayin ko pa sya duon, dahilan nya kesyo ganyan kesyo ganto hindi ko nalang pinapansin pero alam kong dahil yun sa babae nya siguro hinahatid pa nya pauwi. Minsan nga naabutan ko ni joner sa Seven Eleven nag-aantay.


“ui andy bat andito ka pa? kanina pa out natin ha?” sabi nya.

“ah.. eh kasi.. may inaantay lang ako.”

“inaantay? Sino?”

“ahmm.. si louie.”

“si louie? Bat asan ba sya?”

“ewan..” malungkot kong sabi tapos sinandal ko baba ko sa maliit na mesa kung san ako naka-upo.

“alas sais na oh! Alas kwatro pa out natin so ibig sabihin kanina ka pa talaga dito?” napatingin ako sa orasan, oo nga alas sais na! hindi ko man lang napansin na halos dalawang oras na ako nag-aantay dito hindi alam kung anong oras darating yung inaantay ko.

“pwede naman na umuwi ka mag-isa diba? Na hindi na kasama si louie.” Napatingin ako kay joner non, napa-isip ako. Oo nga pwede pala ako umuwi kahit wala si louie at mag-isa lang ako. Napaiyak ako.. napag-isip ko na masyado ko ng tinali ang sarili ko kay louie may mga bagay na hindi ko na magawa pag wala sya na pwede ko namang gawin kahit mag-isa ako.

“oh! Bat umiiyak ka?”

“wala.. daig ko pa kasi lumpo nito! Nakalimutan ko nakadikit pala mga paa ko sakin, kaya ko pala umuwi mag-isa.” Habang pinupunasan ang luha sa mga mata. Sabayan pa ng music mula sa Seven Eleven na ang tittle EXCHANGE OF HEART isa sa mga paboritong kong songs lagi ko ngang pinapatugtug sa computer ko yan eh medyo nakakarelate kasi sa lyrics at sobrang emotional ang kanta yung tipong pang emo, pag gusto mong mag emote iplay mo lang yung music sasabayan ka nito sa drama mo.


“hays.. lika ka nga dito.” Sabay upo n joner sa tabi ko at inakbayan ako.

“ok lang ako..”

“ok ka lang? tapos umiiyak ka? May ganun ba? Ok lang yan.. sige labas mo lang pwede mo naman ako labasan ng sama ng loob.” Ang bait talaga nito ni joner kaya crush ko to eh.

“talaga?”

“oo naman! Kaw pa! eh lakas mo sakin eh. Ano bang problema?”

“eh kasi.. si louie.”

“oh? Anong meron kay louie?” natahimik ako saglit.

“parang wala na kasing oras sakin.”

“pano mo nasabi? Eh lagi naman kayo mag kasama, pag dating sa bahay nyo mag kasama din kayo. Oh? Pano mo nasabi na wala ng oras?”

“hindi eh, hindi mo naiintindihan.. ewan ko ba! Kung sya yung may mali o ako kung nag oover react lang ba ako o talagang may mali, ewan!” sabay kamot sa ulo. Natahimik lang kame ng biglang nag salita sya.

“mahal mo?” napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mga mata nya. Hindi ako makapag salita kung sasabihin ko ba o hindi. Napa yuko nalang ako at umiyak.

“ok lang yan.. ganyan talaga, part ng pag mamahal ang masaktan at umiyak at pag hindi mo narasanan yun hindi mo masasabi na nag mamahal ka.” Sabay kuskos nya sa buhok ko.

“bat sinabi ko bang mahal ko sya?”

“oh bat ka umiiyak kung hindi mo sya mahal?” natameme lang ako sa tanong nyang iyon. Umiyak lang ako habnag naka yuko. Ang sakit na kasi wala pa akong malabasan ng hinanakit si faye kasi busy sa jowa nya buti nalang andto si joner na pwedeng mag comfort sakin.

“hays!” pag buntong hinika ko.

“pwede na nga ito!! Uuwi na ako! Ako lang! mag-isa!” napa ngiti naman si joner.

“yan! Dapat ganyan! Matuto kang lumaban dahil walang ibang tutulong sayo sa huli kundi sarli mo lang.” sabay punas ko ng luha at sinabayan ko ang kanta sa huling chorus nito.

“if we had an exchange of heart then you know why I fell apart, you’d feel the pain when the madness start if we had an exchange of heart..”


tumngin ako kay joner bago tapusin ang kanta. “if we had an exchange of heart” napatingin lang sakin si joner at tipong natulala. At laking gulat ko ng pumalakpak sya ng malakas!


CLAP!CLAP!CLAP!


“andy!! Ang galing mo!! Ang ganda pala ng boses mo?!!” gulat nyang sabi.

“ha? Hindi naman ito talaga!! Ikaw ang maganda ang boses jan diba kumakanta ka sa mga contest?”

“oo pero ngayon ko lang narinig ang boses mo! Hindi sa pag bibiro ang ganda ng boses mo bat hindi ka sumasali sa mga contest o kaya sa school choir natin?”

“ah eh kasi.. nahihiya ako? At saka hindi naman ganun kagandahan ang boses ko eh”

“ano ka ba! Maganda nag boses mo PROMISE!”sabay angat nya ng kanan nyang kamay na tipong pumapanata.

“talaga? Hehehe salamat.. ikaw unang nag sabi nyan sakin..” sabay ngiti.

“sama ka sakin?may ipapakita ako sayo.”

“ha? Ano yun?”

“basta!” sabay hila nya sa kamay ko palabas at sumakay kame sa kotse nya.


Habang nasa kotse kame kunga ano ano ang tumatakbo sa isip ko kung ano ipapakita nya sakin? At bigla sumagi sa isip ko, baka naman ipapakita nya sakin ang ano nya? OH MAH GAZ! Ahahaha yung mga instruments nya! Sabi nya kasi sakin madami syang instruments for music at lahat yun alam nyang tugtugin. Huminto kame sa harap ng isang parang restobar. Pero madaming tao may mga banda, maganda ang paligid medyo solemn at maganda ang ambians nakakarelax. Parang classic resto bar sya.


“joner? Asan tayo? Bat dito mo ako binaba?” laking taka ko habnag bumababa.

“restobar namin to kame ni papa ang napapalad nito.”

“kayong dalawa? As in kasama ka?”

“oo! Sinasanay na kasi ako ni papa sa trabaho dito dahil darating daw ang panahon ako na mamalakad nito.”

“ah.. sosyal ha! Yaman!”

“ay teka teka! Eh dapat business ad nalang kinuwa mo bat nursing?” pag-uusi ko pa.

“pangarap kasi ni mama dati pa, tara na nga dami mong tanong. Sabay akbay nya sakin papasok. Pero sa bandang likod kame dumaan. At may pinasukan kameng isang pinto na sa labas palang nito may naririnig na kame mga tugtugan ng mga drums and guitars. Pag pasok namin nasaksihan ko ang mga ilang kalalakihan at isang babae na tumutugtog ng mga drums and guitars.


“oh joner kanina ka pa namin inaantay ah!” lumapit samin ang isang lalaki na may kahabaan ang buhok.

“pasensya na eh may dinaan lang tol. Sya nga pala si andy classmate ko.” Sabay shake hand sakin ng lalaki inabot ko naman agad ang kamay nito.

“paul..” pag papakilala nya.

“nice to meet you.” Pag galang ko.

“guys! Guys! Stop for a while please!!” at hininto nila ang pag tutog. Sabay akbay sakin ni joner.

“I want you to meet guys andy, and his gonna play a song for us!” parang gusto kong maduwal sa sinabi ni joner sa gulat! Hindi ko expect na sasabihin nya yun at wala yun sa usapan namin. Nag tinginan ang lahat ng mga myembro ng banda ang iba mukang nag tataka at iba napangiti sa narinig.

“teka joner! Ano bang pinag sasabi mo? Wala sa usapan to!” pigil kong salita para hindi marinig ng ilan ang sinasabi ko.

“wag ka mag alala they are my band tumutugtog kame sa restobar namin every Sunday mababait ang mga yan. Gusto ko kumanta ka tulad ng ginawa mo kanina.”

“pero joner! I told you hindi ako magaling!” pag insist ko.

“magaling ka andy! Believe me.. diba sabi mo sakin from now on tatayo kana sa sarili mong paa? Then now is the time.. prove your self you can do it alone.. alone withoout him.” Parang nahimasmasan naman ako sa sinabi nyang iyon, lumakas ang loob ko.. tama ang sabi ni joner ito na ang oras na patunayan ko sa sarili ko na kaya ko mag-isa! Mag-isa na wala si louie.

“go ahead!” sabay abot nya sakin ng mic at umakyat ng mini tage nila. Nakatingin lamang ako kay joner non at nakangiti lamang sya sakin at parang confident na confident sa gagawin ko, ako naman sobrang kinakabahan nanginginig ang mga kamay ko at ang bilis ng hininga ko parang aatakihin ata ako dito!

“anong song kakantahin mo?” pag lapit sakin nung babae nilang myembro sa banda.

“ahmmm..’ lumingon muna ako kay joner ngumiti lang sya ulit.

“alam nyo ba yung EXCHANGE OF HEART?”

“ok..” at kinausap na nya ang iba nilang myembro at tumango lang sila. Nung nag simula ang piano na tumugtog lalong lumakas ang kabog ang dibdib ko parang gutsong lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.





Exchange Of Hearts Unknown

One-sided love broke the see-saw down

I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And girl, you'd understand if your heart was mine

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance



If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

If we had an exchange of hearts



Alanganin ako sa unang word na kakantahin ko marahil sa sobrang kaba. Nag simula na akong kumanta. Medyo nanginginig nga boses ko eh pero nung nag simula na ang chorus at tumugtog na ang drums kinilabutan ako na nag bigay ng lakas sakin ng loob na pag butihan. Sa wakas nakakanta ko na ng maayos ang kanta at nawawala ang nginig sa boses ko. Napapapikit na ako sa bawat lyrics na binubuka ng mga labi ko sa pag kanta. Habang kumakanta ako may lumapit na ginoo kay joner at kinausap sya habang nanonood sakin. Napapatungo ang ginoong iyon. Naka ngiti lang sakin si joner na nagbibigay naman sakin ng lakas ng loob na mas pag butihan ko pa ang pankanta ko. Ang galing!! Kaya ko palang kumanta kasama ang isang banda!! Ni minsan hindi ko naisip na makakanta ako na kasama ang banda. Natapos ko ang kanta ng mabuti dun ko lamang napag tanto na may boses nga ako! Maganda ang boses ko! Ng natapos ko na ang kanta tahimik.. ng bigla pumalakpak ang ginoong katabi ni joner. Sumabay naman ang ibang myembro ng banda. Lumapit sakin ang mga myembro ng banda at nagpakilala.

“ako nga pala si derek! Base ng banda! Galing mo!” sabay shake hands.

“ako si harold, drumer.”

“jason, lead guitarist.”

“ako pala si lovely pianist ng banda.. ang galing mo ha!!” natuwa naman ako sa sinabi nilang magaling ako.. at hinila naman ako ni joner papunta sa ginoong kasama nya kanina. Nung makalapit na kame tinitigan ko ng mabuti ang ginoo, kamukang kamuka ni joner!

“andy papa ko nga pala, pa si andy classmate ko.” Pag papakilala ni joner saming dalawa.

“nice to meet you iho, you’re very good iho!! Would you mind to sing with them this coming Sunday?”

“ha?”

“kumanta ka daw samin this Sunday.”

“oo naintindihan ko! Nag-iisip pa ako diba?” sabi ko, nagulat kasi ako sa sinabi papa nya.

“anyway, im roberto sa restobar ko kayo tutugtog may talent fee naman sa bawat kanta mo kaya if I were you grab the oppurtunity.” Sabay ngiti ng papa ni joner na kuwang kuwa naman ni joner.

“ahmmm sige po..”

“well.. welcome to forsims band!” sabay kamay sakin ng papa ni joner ang iba naman ay nag palakpakan. Ang sarap ng feeling ng ganto. First time ko kasing makasali sa gantong banda. sandali namang nawala sa isip ko si louie buti nalang at dinala ako ni joner dito at nahanap ko ang sarili ko.


“andy, sabi ko sayo eh! Magaling ka. Natuwa si papa sa kinanta mo ang galing mo daw simula bukas mag sisimula na tayong mag practice pa ng ibang songs ha? Ako na din mag hahatid sayo pauwi baka kasi gabihin na tayo sa mga practice natin eh.”


“oh sige sige basta wag kang aalis sa likod ko ha? Always guide me.”

“oo naman! Gusto mo dito kana dinner? Masarap mga pag kain namin dito.” Yaya nya sakin.

“ahmm sige..”


ang sasarap nga ng mga pag kain nila duon pang sosyalin!! Medyo class kasi tong restobar nila joner halata naman sa klase ng mga pagkain at uniform palang ng mga waiter kabog na. mga9pm na kameng natapos kumain at hinatid na din nya ako pauwi. Ng nasa way kame pauwi dun ko lang napansin na may 8 messages na pala ako galing kay louie.


“asan ka? Andito na ako..”

“huy! Ano ba? Kanina pa ako dito!”

“bahala ka uuwi na ako!”

“sige! Bahala ka jan!” ang iba paulit ulit nalang ang sinasabi. Hindi ko na pinansin at binura ko nalang at napabuntong hininga. Napansin naman si joner yun habang nag dridrive sya ng kotse nya.


“anything wrong?”

“wala.. si louie nag text.”

“oh anong sabi?”

“kanina pa daw sya nag-aantay sa seven eleven.”

“oh anong sabi mo?”

“wala! Hindi ko na nireplyan.” Hindi na sya sumagot.


Binaba na ako n joner sa bandang tapat mismo ng bahay. Hindi na din sya nag tagal at anong oras na din dahil may pasok pa kame bukas. Nahiga ako sa kama ko ng mga ngiti sa labi ilang gabi na din akong nag-eemote dito sa kwarto dahil kay louie. Ang saya ko ng araw na iyon laking pasalamat ko kay joner dahil sa kanya nabigyan ako ng lakas ng loob na lumaban para hindi na masaktan at ipamuka kay louie na kayang kong tumayo sa sarili kong paa na wala sya na AKO LANG! pero sa kaligtnaan ng pag-iisip ko naiisip ko parin si louie at nag sisimula namang bumalot ang kalungkutan sa kwarto ko. Siguro nga hindi ganun kadali ang lumimot lalo na pag mahal mo ang isang tao pero alam ko sa sarili ko darating ang araw na kakayanin ko din to at masasanay na wala na sya sa bawat gagawin ko lalong lalo na sa tulong ni joner.. hays.. sang sarap maging MAGANDA!! Ahahahahaha.. natulog ako ng gabing iyon na may ngiti at maluwag ang damdamin.


Kinabukasan..


Hindi na ako dumaan kila louie para sumabay ng pasok sa kanya siguro dito ko dapat simulan ang pag babago kahit masakit dapat masanay para sakin din naman ito eh. Nag text na ako sa kanya na mauuna na akong pumasok nag dahilan nalang ako na sumabay ako sa lola ko dahil mamalengke ito. Ng makababa ako ng jeep sabay namang dating ng kotse ni joner at huminto sa harap ko at bukas ng bintana.


“good morning.. sabay kana.”

“ay di na! medyo malapit lang naman ang lalakarin eh.”

“sige na..” pag pupumilt nya.

“sige na nga kulit mo eh!” sabay sakay ko naman sa kotse nya. Nung pag baba namin ng kotse nya pinunasan ko muna ang sapatos ko ng tisyu dahil medyo naputikan ito ng matapos ko linisan at nag simula ng mag lakad nakita ko agad sila louie nasa tambayan namin naka upo habang nag-aantay ng klase at naka tingin silang tatlo nila faye at aldrin samin ni joner. Naki-upo na din kame sa kanila.


“ wow naman teh! May taga hatid ka na pala ngayon ng may kotse ha!” sabi ni faye.

“hatid ka jan! nag kataon lang!” sabay lagay ko ng bag ko sa mesa.

“kala ko ba sumabay ka ng alis sa lola mo papuntang palengke?” sabi ni louie. Napa lingon naman ako kay joner.

“ah oo tol napadaan kasi ako dun kanina papunta dito nakita ko sya nag aabang ng jeep kaya sinabay ko na.” palusot ni joner.

“ah oo nakita nya lang ako.”

“ah ok! Defensive ha!” medyo sarcastic na sabi ni louie.

“tara na baka andun na si ma’am hernandez.” Sabi ni aldrin. Tumayo naman agad kameng lahat. Habang nag lalakad papuntang klase nilapitan ako ni louie.


“ang tagal kong nag-antay sayo kahapon ha!”

“mas matagal ako! Ang tagal mo kasi kaya nauna na ako.”

“edi sana nag text ka para man lang hindi na ako bumalik dun.”

“ay sorry, wala kasi akong load. Kala ko kasi wala ka ng balak balikan ako dun.”

“pwede ba yun?”

“pwede kung gusto mo.” Sabay pasok na sa room ng klase namin. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng samahan namin ni louie alam kong ramdam din nya iyon.


Natapos na ang lahat ng klase at uwian na. sinabihan ko si joner na sa labas nalang mag-anaty sakin.


“louie, hindi na ako mag-aantay sa seven eleven mauna na ako.”

“bakit? Ahmmm sige wag kana mag-antay uwi na tayo ngayon.”

“hindi ok lang. nakakahiya naman sa girlfriend mo kung ako sasamahan mo sa pag uwi kesa sa kanya.”

“girlfriend? Sino naman nag sabi sayo na girlfriend ko sinasamahan ko sa pag uwi?”

“don’t make me stupid louie, I know whats going on.. sige una na ako.” Hindi na sya nakapag salita sa sinabi ko at umalis na din ako agad para wala na syang samasabi.



Nagpatuloy ang ganung set up namin hindi na ako sumasabay ng punta ng school sa kanya at uwi. Ito na nga nag sisimula na ang PAGBABAGO na kinakatakutan ko. Masakit kung sa masakit pero dapat masanay para hindi mag mukang pinag-iwanan, mag mukang lugi at mag mukang TALO. Pero kahit anong tago ko kay louie ang tungkol sa pag kanta ko sa banda sadyang wala talagang pwedeng itago sa mundo ito malalaman at mamalaman din. Sabado non isang araw bago ang pag kanta ko kasama ang banda ng tinext ako ni louie na pumunta sa bahay nila.



“bakit mo ako pinapunta dito? may problema ba?”sabi ko.

“wala naman.”

“oh wala naman pala eh bat mo ako pinapunta?”

“bakit? Dati rati ka naman pumupunta dito ha!”

“dati yun, iba na ngayon.”

“alam ko..” napa tingin ako sa sinabi nyang iyon.

“alam ko.. at dahil iyon kay joner.”

“joner? Pano naman napasok sa usapan si joner dito ha?”

“wag ka na ngang mag maang magaan andy! Alam ko na ang lahat! Kaya hindi kana sumasabay ng uwi sakin dahil kay joner ka sumasabay at sumasama ka sa banda nya!” medyo mataas na ang tona nya.

“oh ano naman ngayon sayo? Bakit pinapakelaman ba kita kung may iba kang kasamang umuwi ha? Hindi naman diba? Kahit nga nag mumuka na akong tanga sa kakahhintay sayo sa Seven Eleven ok lang kasi gusto ko kasabay tayo umuwi kahit nag mumuka na akong TANGA dun sa kakahintay sayo!may reklamo ka bang narinig sakin? Diba wala?” galit kong sabi.

“pero andy hindi mo pa lubos na kilala si joner bago lang natin syang naging classmate at nagagawa mong sumama sa kanya?”

“exactly the point louie.. I don’t know him as much as I know you right? Bago ko lang sya nakilala hindi ko pa alam ang lahat kay joner pero tapat sya sakin, sinasabi nya lahat sakin at higit sa lahat hindi sya NAGSISINUNGALING sakin pero ikaw? Mula dulo ng hibla ng buhok mo papuntang talampakan mo kilalang kilala pero ikaw?” hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko sa halip ay naiyak na lamang ako. Natahimik nalang sya sa sinabi ko.


“ang daya mo louie! Ang daya mo! Sabi mo walang magbabago!! Ang daya mo..” patuloy parin ang pag-iyak ko.


“ikaw ang nag bago andy hindi ako.”

“ako? Oo!! Pero sayo nag simula ang pagbabago hindi sakin!! Ginawa ko yon dahil gusto ko protektahan sarili ko para hindi ako maiwan! Malugi! Matalo!! Dahil patagal ng patagal unti unti pinaparamdam mo sakin na nag-iisa nalang ako!! Kala mo gusto ko itong nararamdaman ko? Kung may magic lang ako na tangalin tong nararamdaman ko matagal ko ng tinangal to dahil puro sakit lang binibigay nito sakin! Kasalanan ko to eh sana hindi ko nalang sinabi sayo na mahal kita..sana hindi tayo nag kakaganto!” lalong bumuhos ang aking emosyon.


“sinubukan ko naman eh..”


“louie sabi ko mahal kita! Hindi ko sinabing mahalin mo din ako!siguro tama ngang mag kanya kanya muna tayo hanapin mo sarili mo ng wala ako at ganun din ako kung may malasakit ka talaga sakin pagbibigyan mo ako sa gusto ko.” Tinigil ko ang pag iyak ko at pinunasan ang luha ko. Napatingin sakin si louie sa sinabi kong iyon.


“tama na andy.. pwede na.. itigil mo kasi yan.. tignan mo? Pati pag kakaibigan natin nasisira!!! Tama na yan.. mapapagod ka lang.. mapapagod ka lang na mamahalin ka din.” Nakita ko sa mga mata nya ang luha na tumulo na kanina pa nyang pinipigilang bumuhos.


“alam mo louie.. ni kahit kailanman hindi ko naisip na nakakpagod kang mahalin, hindi kailanaman napagod akong mahalin ka..Alam mo” nag simulang bumuhos ulit ang luha sa aking mga mata.



“ngayon lang..” sabay tayo ko at labas ng kwarto nya.




ITUTULOY..


[14]
Lumabas ako ng kwarto ni louie na may dalang mabigat na saloobin, sinubukan kong wag mag pakita ng bahid ng luha pag ka baba ko ng bahay nila upang hindi makita ni ninang na umiyak ako, pero sa sobrang sakit na nararamdaman ko hindi ko nagawang itago ito.


“deng? umiiyak ka ba? Ano inaway ka na naman ni aweng ha? Teka nga!” tipong aakyat si ninang ng kwarto ni louie.

“ hindi po ninang wag nyo na po sya pagalitan wala po ito sige po uwi na ako.” lumabas na ako sa pinto nila nakalimutan ko pa ngang isara ang pinto sa pag mamadali kong lumabas dahil gusto ko ng marating ang kwarto ko at dun ibuhos ang sasabog kong emosyon.

Habang nag lalakad ako pauwi napapakagat ako ng labi upang pigilan ang pag daloy ng luha sa mata ko, punong puno na ang mga mata ko ng luha ngunit naiipon lamang ito sa loob ng mata ko, malabo na ang nakikita ko, blured dahil sa luha na namumuo sa mata ko. Hindi ko na masyadong makilala ang mga nakakasalubong kong tao kung kilala ko ba o hindi. Yumoko ako ng pag lalakad upang hindi mapansin ng mga tao na umiiyak ako ng biglang.


PAK!!!!

May nabundol akong tao, sa pag kabundol kong iyon tuluyang bumuhos ang luha saking mga mata. Hinawakan ako ng taong nabundol ko sa balikat at napatingin ako sa kanya ng may bahid ng luha ang muka.

“andy!! Anong nangyari ha?” si joner pala ang nabundol ko. Hindi na ako nag salita sa halip ay niyakap ko na sya agad at nag tago sa bisig nya at dun ibinuhos ang matinding sama ng loob. Hindi na nag salita si joner sa halip ay dinala nya ako pauwi habang nakatago parin ang sa bisig nya at nag-iiniyak doon. Nakikita akong mga paa ng mga tao habang nag lalakad kame pauwi siguro ang iba ay nakatingin samin kung bakit ganun nalang ang pagkayakap sakin ni joner at nag tatago ako sa bisig nya. Ng makarating kame ng bahay tumakbo ako agad sa kwarto at iniwan ang pinto na hindi naka lock upang hayaan na makapasok si joner. Naka-upo lamang ako sa sahig at nakasandal ako kamay at ulo ko sa kama ko at doon nag-iiniyak. Ang sakit sobra!! Hindi ko maintindihan! ako namang tong may gusto na mag hiwalay muna kame ng landas ngunit ako itong humahagulgol sa iyak, siguro nga dahil sa sobrang naipon sa loob ko ang mga salita na nasabi ko kanina kay louie kaya ganto nalang ako kung umiyak. Sa tala ata ng buhay ko ito yung pinaka grabeng iyak ko na tipong nasisinok na ako sa sobrang iyak na parang hindi maka hinga kala ko nga aatakihin ako sa puso nung oras na yun. Naramdaman ko naman na biglang pumasok si joner sa kwarto at naka upo sa couch sa aking kwarto.

“andy? Ano bang problema?” maingat nyang tanong. Umiling lang ako.

“wala? Tapos kung makaiyak ka kala mo hindi na pwedeng umiyak bukas?”

“kasi eh!!!”

“kasi ano?”

“kasi.... “ iyak parin ako ng iyak parang wala ng maintindihan sa sinasabi ko. Umupo si joner sa sahig kung san ako naka upo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako sa mata.

“andy.. kasi ano??” hindi naman ako tumingin sa kanya dahil nakakahiya ang itsura ko para akong batang naagwan ng ice cream. Napa tahan naman ako sa ginawa nyang iyon.

“eh kasi si louie eh..” medyo relax na ako mag salita pero hindi parin ako maka tingin sa mata nya. Paminsan minsan pinupunasan ko ang muka ko.

“oh anong nangyari sa inyo ni louie?”

“nag decide muna kasi kame na wag muna kame mag-usap o magsama.” Nag sisimula na naman ako humagulgol sa nasabi ko.

“hay.. kala ko ano na nangyari, kala ko naupakan na kayo o nagkasakitan kaya ganyan ka nalang kung umiyak.”

“eh kasi naman eh ang sakita kaya!” sabay tingin ko sa kanya.

“hay nakoo.. ano kayang gagawin ko sa kaibigan kong to!” sabay yakap nya sa ulo ko upang i comfort ako. umiyak lang ako dun basang basa na nga damit nya eh nag halo ang luha at sipon ko dun pero ok lang sa kanya. Unti-unti namang humupa ang pag-iyak ko. At umupo ako sa kama ko at sya naman din ay ganun din.

“salamat joner ha? Pasyensya kana kung lagi akong nag dradrama sayo unang pag kikita palang natin umiiyak na ako hangang ngayon umiiyak parin ako sayo.” Sabay punas punas ko sa luha at sipon ko.

“sus ok lang sakin yun! Sanay na ako sayo noh! At saka ano pa’t silbi ng pag kakaibigan natin kung hindi mo naman ako pwedeng iyakan diba?” tinignan ko lang sya.

“salamat talaga joner..”

Tahimik.. puro pag singa ko lang ng sipon at sinok sa sobrang pagkaiyak ko ang maririnig sa aking kwarto. Nang naisip ko kung bakit napadpda si joner dito sa lugar namin.

“anyway bat ka nga pala napunta dito sa lugar namin? Sino palang pupuntahan mo?” pag tatanong ko.

“ah oo nga pala nakalimutan ko sabihin sayo na inurong yung time ng play ng banda bukas sa halip ng 9pm, 7pm daw tayo mag start kasi hindi makaka rating yung unang banda na dapat tututog.”

“ah ganun ba? Eh bakit pumunta ka pa dito pwede namang itext mo ako diba? Nag abala ka pang pumunta dito.”

“eh mas mabuti na yung nakaka sigurado na makarating sayo. pati ito pa, dapat daw mag dag dag tayo ng kanta bukas kasi nga tayo lang ang tututog bukas.”

“ha??!! Edi pano yan?? Eh iilan lang yung na practice natin? Kukulangin tayo?” pag ka bigla ko sa narinig ko sa kanya.

“kaya nga personal akong pumunta dito upang maka-usap ka eh, balak sana ng banda na mag dagdag ng kanta? Kung maari mga 8am nasa resto na tayo para mag practice?” alanganin nyang tanong. Tinignan ko muna sya sa mata parang nag tatanong kung kakayanin ba namin ito.

“sige sige.. darating ako sa oras.” Sinuklian ko lamnag sya ng isang malungkot na ngiti.

“pasyensya kana kung naabala kita andy ha?”

“hindi! Ano ka ba ok lang! At saka masaya ako sa ginagwa ko noh! Atleast may pinag kakaabalahan ako lalo na’t sem break na ayaw ko naman na nakatunganga lang ako dito sa bahay noh!” nginitian lamang nya ako.

“oh pano ba yan? Maiwan na kita dito?”

“oh sige sige! Mag inat ka sa pag-uwi ha?”

“sure ka ba na ok lang na iwan kita dito?”

“oo naman! Ito talaga! Ok na ako!( kahit hindi! ) pag iniyak ko na tapos na yun!”

Hinatid ko na sya pababa ng bahay. Nahirapan akong makatulog ng gabing iyon. Pabalik balik ang huling eksena namin ni louie sa kwarto nya. Ala una, alas dos! Hangang mag alas tres na gising parin ako!

“hays... hirap naman ng ganto! Kala ko nakakabaliw lang ang mainlove nakaka INSOMNIA rin pala!” sigaw ko sa isip ko.

Nagising ako ng alas syete, medyo masakit ang ulo ko dahil nga kulang sa tulog. Pag harap ko sa salamin hindi ko alam kung matatawa ba o maawa sa sarili dahil sa sobrang maga ang mata ko parang kinakat ng ipis ang magkabilaang mata ko at PULANG PULA! Napailing nalnag ako. natapos akong mag ayos mga around 8 ng biglang napukaw ang atensyon ko ng isang busina ng kotse sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana. Isang itim na kotse. SI JONER! Nakadungaw sa bintana ng kotse nya. Sumenyas naman ako ng teka lang. At dali dali bumaba na din ako.

“taas ng araw ha!” pag puna nya sa shades ko dahil nga namamaga ang mata ko.

“gusto mo paabot ko sayo?” pag tataray ko.

“ay sungit!”

“tara na!” sabay ngiti ko at pisil pisngi nya.

“para san yun?” tanong nya nung naka sakay na ako sa kotse nya.

“anong ano?”

“yung pag pisil mo sa pisngi ko?”

“ah edi para sayo!”

“ah ok..” hindi na sya nag tanong sa halip ay nag maneho nalang ng kotse.

Nakarating na kame sa resto at wala kameng sinayang na oras. Nag dagdag ako ng isa pang kanta na ang tittle ay “INCOMPLETE”by back street boys na napahanga ko naman ang banda sa pinakata kong husay at taas ng boses sa pag abot ng tono may kataasan kasi ang kanta.

Matapos, isa nalang ang music na dapat idagdag upang ma cover up namin ang oras na dapat yung isang banda ang gumawa. Dalawang song na ang naidagdag ni joner. Ng bigla ko naisip na ipakita pa ang isang talent ko na hindi ko pa pinapakita sa lahat. Actually kaya kong mag boses babae pero pag boses babae medyo mag kakapalan ang boses ko yung tipong Jessa Zaragosa pero not exactly na ganun yung quality mas makapal kasi yung kay Jessa yung akin naman ganun lang ang Timbre ng boses ko.

“guys.. may ipaparinig ako sa inyo baka lang magustuhan nyo.” Napahinto naman ang lahat sa ginagawang pag pratice ng mga kanya kanyang instrumento at napatingin ang lahat sakin. Sinimulan ko na ang pag kanta. Dear Lie ang tittle na kinanta ko hindi popular song pero sinasabi dito kung ano ang epekto ng PAGSISINUNGALING sa relasyon ng bawat isa. Nung kumakanta ako walang umiimik, walang nag sasalita mabuti nilang pinapakingan ang pag kanta ko.

Nang matapos ko ang chorus ng kanta huminto na ako. lumapit sakin si joner at nag tanong.

“anong tittle ng kanta na yan?” seryoso nyang tanong.

“Dear Lie, ok lang ba?” hindi na nya ako pinansin at kinausap si paul.

“Paul! Paki search nga pano iplay tong song na Dear Lie itututog natin mamaya.” Pag sigaw nya kay paul sa di kalayuan.

“ha? Play agad natin yun? Try ko lang naman yun eh.”

“you always surprise me andy! Hindi mo naman sinabi na kaya mong mag boses babae? Ano ba meron jan sa lalamunan mo at bakit ganyan ang lumabas ha?”

“buksan mo ng malaman mo?” tawanan ang lahat! Ang iba ay lumapit sakin at hinawakan ako sa ulo na parang bata na kinukuskos ang buhok.

“Imortal ka ata eh!” sabi ni lovely ang pianist ng grupo.

“siguro, pero ayaw kong maging bampira o lubo ha!” tawa naman sya sasinabi ko nirelate ko lang iyon sa telesryeng IMORTAL.

Nag simula kame ulit mag practice ng huling kanta, madali namang nakuwa ng lahat dahil hindi naman masyadong gamit lahat ng instruments actually piano lang at drums ang kailangan sa kantang Dear Lie kaya madaling nakuwa ng lahat.

6pm na, palapit ng palit ang oras! Mas nadadama ko na ang tensyon, habang palapit ng palapit ang oras kala mo’y kulay papel nalang ang pag mumuka ko sa kaba at basa ang paa at kamay dahil pinag [a[awisan ako ng malamig kahit naka air-con naman kame sa dressing room. Naka settle na ang lahat, ang stage at ang instruments ok na. ako nalang ata hindi? Ahahaha. Napansin ni joner na kinakabahan ako kaya kinausap nya ako.

“alam mo ganayn na ganyan din ako nung unang kong play sa banda, mas sobra pa nga jan eh! Pero nagyon lang yan, sinsabi ko sayo pag apak mo ng stage at nag simula ka ng kumanta at nakikita mo ang bawat reaksyon ng isa na tahimik at mabuting nakikinig sayo, unti unting mawawala yang kaba mo at lalo na pag narinig mo silang nag palakpalakan.” Nahismasmasan naman ako sa sinabi ni joner. Sinuklian ko na lamang sya ng isang ngiti na may halong nerbyos.

“at pag kakataon mo na to ipakita sa sarili mo at kay louie kaya mo na ikaw lang, IKAW LANG na hidni sya kasama.”

“oo ako lang, ako lang..” sabi ko ng malumanay.

Ito na dumating na ang oras ng play, nasa back stage lang kame nun habang sumisilip silip ako sa loob, PUTCHA DAMING TAO!! Mga parang sosyalin ang dating!! Mas lalo tuloy ako kinabahan. Hinawakan ni joner ang dalawa kong kamay at pinisil.

“chill.. you have the guts! So be confident ok? Dito ka lang sa likod after ng first song introduce kita sa lahat ok?”

“ok ok..” tumungo lang ako at siil din sa kamay nya.

Nag umpisa ng tumutog si joner at ang banda, habang ako nasa likod parang walang naririnig at kinakabahan at hindi mapakali. Tayo, upo lakad dito lakad don. Ng biglang natapos na ang unang play at naririnig kong nag sasalita na si joner.

“i would like to thank all of you guys for coming to “Forsims” Restobar, just enjoy the night okey? Order lang ng order kame na pong bahala sa saya at aliw habang kumakain at umiinom ang iba, ok ba yon?”

Konti lang ang sumagot sa tanong nya.

“ok, kung na enjoy kayo sa play ko ngayon well i think you’ll be MUCH MORE entertained by this NEW member of our band. To tell you guys MALUFET ITO! First time nyang mag perform sa gantong klaseng entablado but hindi mo aakalaian na baguhan! Well.. hindi ko na papahabain pa, ITS MAY PLEASURE TO INTRODUCE TO YOU LADIES ANG GENTLEMEN THE NEW MEMBER OF THE FORSIMS BAND!! ANDYYYY!!”

Nagpalakpakan ang mga tao, namatay ang ilaw, bumaba si joner para kunin ako.

“make everyone proud ok? You can do it.” Habang hawak nya ang dalawa kong kamay. Tumango lang ako. bago ako umakyat ng stage humugot muna ako ng isang malalim na hininga.

Ng nakatayo na ako sa stage biglang bumukas ang ilaw at lumantad sa lahat ang kagandahan ko, ay este ako lang pala. Ahahaha. Nilingon ko ang banda sa likod ko ang sumenyas na simulan na. inikot ko ang mata ko medyo nasisislaw ako sa spotlight pero naaninag ko parin ang mga muka ng mga tao. Tama nga sabi ni joner pag nakaapak ka na sa stage unti unting nawawala ang kaba. Ngunit ang akala ko ay unti unti na itong mawawala ng may makita akong muling nag bigay hudyat sa dibdib ko para kumabog ng malakas! Si LOUIE andito at nakatayo sa di kalayuan! Nakangiti lang sya mula sa bandang entrance. Lalo akong kinabahan pero naisip ko dapat lalo ko pang galingan para patunayn ko sa kanya ano ang naabot ko na wala sya sa tabi ko, na ano ako ngayon at ano ako dati nung nasa tabi pa nya ako. ngumiti ako pag papakita sa lahat ng confident ako sa gagawin ko. Nasa bandang gilid sa harapan lamang si joner nanonood sakin nakangiti rin. Nag simula na akong kumanta. Ako man ay kinilabutan sa sa unang linyang kinanta ko. Hangang sa tuluyan na ngang nawala ang kaba sa dibdib ko at hinugot ko ang mic mula sa stand nito nung matapos ang unang chorus. MAS CONFIDENT ako ngayon mas dama ko ang kanta. Paminsan minsan napapatingin ako kay louie naka ngiti lang sya. Dumating na ako sa climax ng kanta at tinaasan ko ang tono na nagawang mag palakpakan ang mga tao. Hangang sa matapos ang kanta. Palakpakan ulit sila.




Exchange Of Hearts Unknown

One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And girl, you'd understand if your heart was mine

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance

(Instrumental)

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

If we had an exchange of hearts



Tuloy tuloy lang ang flow ng play namin, walang naging problema. Nakukuwa namin ang aliw ng mga tao. Kinanta ko na din ang Deal Lie na lalong nag patindi ng palakpakan ng mga tao.




Tlc - Dear Lie

Dear Lie, you suck
You said, you could fix anything
Instead, I?m fucked
You made things even worse for me
If I had balls I?d tell you get away from me
Guess, I?m not smart
I let you unnerve me, I let you control me
Afraid the truth would hurt me
When it?s you that hurts me more

Get outta my mouth
Get outta my head
Get outta my mind
Stop putting? words in my head
Get outta my mouth, you?re nothing but trouble
Get outta my life, get out of me
Out of me, out of me
Out of me, out of me, Lie
Lie, Lie, Lie, Lie, Lie

Dear Lie, you?re dumb
You think, you?ve got the best of me
You think, you won
Misread my vulnerability
I?ve got your walls
Now get the hell away from me
I?ve learned your art
Won?t let you unnerve me
Won?t let you control me
The truth will only free me
And your lies won?t hurt no, no more

Get outta my mouth
Get outta my head
Get outta my mind
Stop putting? words in my head
Get outta my mouth, you?re nothing but trouble
Get outta my life, get out of me
Out of me, out of me
Out of me, out of me, Lie
Lie, Lie, Lie, Lie, Lie, Lie

I?ve got your walls
Now get the hell away from me
I learned your art
Won?t let you unnerve me
Wont? let you control me
The truth will only free me
And your lies won?t hurt no, no more

Get outta my mouth
Get outta my head
Get outta my mind
Stop putting? words in my head
Get outta my mouth, you?re nothing but trouble
Get outta my life, get out of me
Out of me, out of me
Out of me, out of me, Lie
Lie, Lie, Lie, Lie, Lie, Lie

Dear Lie
Lie, Lie, Lie, Lie, Lie Lie
Dear Lie

Tapos na namin ang play at nag aanounce lang ng ilang inpormasyon si joner tungkol sa next play ng banda ng bigla may sumigaw na.

“DUET!DUET!DUET!” sumunod ang iba sa pag sigaw, padami ng padami! Palakas ng palakas! Napahinto si joner sa sinasabi nya at lumigon sakin parang nag tatanong kung pag bibigyan ba namin ang mga tao eh wala naman kameng practice na duet song. Tumango lang ako at ngumiti na ibig sabihin payag ako. bumulong ako sa kanya kung alam na bya yung “Nothing’s gonna stops now” alam naman daw nya at alam iplay ng banda kaya naka pag decide na yun na lamang. Syempre ako ang female version at sya ang male version. Palapakpakan ang lahat ng nag simulang tumugtg ang banda ang iba ang nag hiyawan. Ang saya sa pakiramdam feeling ko tuloy ang HABA ng HAIR Ko!! Ahahahaha!! Nakakakilig alam mo yun? Nag simulang kumanta si joner tahimik lang mga tao. Nung ako na nag simulang kumanta biglang palakpakan mga tao ang iba nag hiyawan. Nung nag chorus na lumapit sakin si joner at tipong sinuntok ang ng mahina sa pisngi ko nag hiyawan naman ang lahat. Kinilig naman ko ng sobra at i’m sure pulang pula na naman muka ko non! Inakbayan nya ako habang sabay naming kinakanta ang chorus sabay tipong sabay naming ginagalaw ng pagewang gewang ang katawan pakaliwa at pakanan sumasabay di ang mga ulo namin. Nung natapos ang chorus sabay sabay na pumapalakpak ang mga tao na tinatayming naman sa beat ng kanta. Ang saya! Sobraa!!! Girl na girl ang dating ko dito! Piling ko tuloy ayaw ko ng mag-aral at kakanta nalang ako. kame ni joner.. napatingin ako ulit sa kinatatayuan ni louie kanina pero nawala na sya dun, inikot ko ang mata ko sa buong resto bar pero hindi ko parin sya na natanaw pero hindi ako nag paapekto baka masira ang performance namin ni joner. Nabaling naman ang mata ko sa papa ni joner na nakatayo lamang sa may cashier corner. Itinas nya ang dalawang nyang kamay at na two THUMBS UP na ibig sabihin pinupuri nya ang performance namin. Mas lalo akong ginanahan sa pag kanta ko. Hangang sa natapos namin ang kanta palakpakan ang mga tao ang iba may tumayo pa. Ang sarap sa pakiramdam na may napapasaya ka dahil sa ginawa mo.



Nothing’s Gonna Stop Us Now – MYMP Song Lyrics

Looking in your eyes I see a paradise
This world that I found is too good to be true
Standing here beside you, want so much to give you
This love in my heart that I'm feeling for you

Let 'em say we're crazy, don't care 'bout that
Put your hand in my hand baby, don't ever look back
Let the world around us just fall apart
Baby, we can make it if we're heart to heart

And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now
Woh woh oh

I'm so glad I found you, I'm not gonna lose you
Whatever it takes, I will stay here with you
Take it to the good times, see it through the bad times
Whatever it takes is what I'm gonna do
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/m/mymp/nothings_gonna_stop_us_now.html ]
Let 'em say we're crazy, what do they know
Put your arms around me baby, don't ever let go
Let the world around us just fall apart
Baby, we can make it if we're heart to heart

And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us

Ooh, all that I need is you
All that I ever need
And all that I want to do
Is hold you forever, forever and ever

And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us
Woh oh oh-oh-oh
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now
Hey baby

And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now




Tinapos na namain ang play naging ok ang lahat too much to what we expect pa! Habang nag kakamayan ang lahat kasama ang papa ni joner biglang sumagi sa isip ko si louie. Habang nakikipagkamay ako sa kapwa kabanda ko umiikot naman ang mata ko sa buong restobar pero hindi ko makita si louie. Lumapit sakin si joner at niyakap ako ng mahigpit!

“ikaw ang dahilan bakit ganun nalang kasaya ang buong restobar ngayon! Salamat ng marami!”

“hui! Wag mo ngang sabihin yan! Lahat ng hirap noh kaya hindi lang ako!” pag tangi ko.

“oh sige na! pero ikaw ang pinakadahilan!”

“ahmm joner.. nakita ko si louie kanina?”

“ah.. oo andito sya kanina.. ininbitahan ko sya para makita ka, makita ang bagong ikaw.”

“galing ha!” napalingon ako sa likod ko kung san nag mula ang boses. Si Louie. Sinuklian ko lang si ng ngiting pilit.

“oh tol! Buti namna nakarating ka.” Sabi ni joner.

“ah oo naman! Pwede ba akong tumangi? Baka may magalit?” tawa sila ni joner.

“hoy excuse me wala po akong kinalaman sa pag-inbita sayo at kahit hindi ka pumunta wala akong pakelam sayo! Hinayupak na to mag salita close kame?” sigaw ko lang sa isip ko.

“nga pala tol teka lang.” Lumakad sya konti papuntang likuran at pag balik may kasama, BABAE.

“tol, si Kim. Kim si Joner at Andy mga classmate ko.”inabot ni joner ang kamay nya upang makipag shake hands kaso tinignan lamang nya ito. SUPLADA ANG IMPAKTA!

“ah ehehe, girlfriend mo tol?” pag uusisa ni joner at di nalang pinansin ang pagtangi sa kamay nya.

“ah..” tinignan muna ako ni louie.

“ah oo tol..” parang humampas ng malakas sa drum at sa tenga ko iyon nakatutuk na parang nabinge ako sa sinabi nya!sobrang lakas ng kabog ng psuo ko na although alam kong may gf nga sya pero iba yung pakiramdam na nasa harap mo na at mag kasama sialang dalawa! Maganda sya, maganda ang katawan at makinis ang balat MAPUTI! Pero mukang ingrata!!

“ah ganun ba.. balak nyo ba mag stay dito? Bibigyan ko kayo ng discount.”

“sure ka tol? Kung ganun man lang eh oorder na nga kame.”

“maganda yan oh sige pa assist ko nalang kayo sa waiter dito ha?” sabay tawag nya sa waiter at pina assist nga sila Louie.

Kahit na alam kong may girlfriend nga sya pero iba yung makita mo sa peronal yung parang paulit ulit na dinudurog puso ko. Namumuo na naman ang luha sa mata ko. Napansin naman agad ni joner kaya hinila nya ako sa back stage.

“andy, hindi dito please!”

“no, no! Don’t mind me!”

“wag ka mag pakita sa kanya ng kahinaan andy, masasayang lahat ng pinundar mo kanina.”

“yah i know..woooooooh!!!”nag buga ako ng malakas ng hininga upang ilabas ang matinding emosyon na nag sisimulang sumabog sa loob loob ko.

“inom tayo!” sabi ko. Sabay labas ko ng back stage at hinanap kung san banda naka pwesto sila louie. Nung makita ko kung san sila nakapwesto lumapit ako at umupo sa kabilang table kung san sila nakaupo. Napatingin agad sakin si louie parang gulat na ewan. Ganun din ang babae napatingin sakin at parang nag tataka. Sinuklian ko na lamang ng ngiting pilit.


“ahmm.. andy join ka na samin dito.” Alanganing sabi ni Louie.

“ah? No, no, no! I’m ok here. At saka masyadong maliit yung table na yan para sating tatlo.” Although malaki ang table. Napatingin naman ang girl sa table nag tataka bakit ko nasabi na maliit ang table. Sabay dating naman nitong si joner na may dala ng isang bucket ng RH kasama ng waiter na may dalang dalang pulutan. Isang plato Calamares na paboritong paborito ko at yung isang plato naman ay assorted ang pulutan may fried chicken,fries,fish fillet at etc. Natakam naman ko sa nakita ko parang ayaw ko ng uminom food trip nalang. Maya maya dumating na din ang inorder nila Louie. Hindi ko na intindi sa halip ay binanatan ko na agad yung dinala ni joner at sabay tonga na din! Lagok ako ng lagok! Nakatigtig lang sakin si joner, hindi ko naman pinapakelaman sila louie sa kabilang table. Maya maya.

“tol, join na kayo dito samin malaki naman dito eh!” sabi ni joner, napatingil naman ako sa pag lagok ng bote sa beer sa narinig ko at tinignan si joner.

“nangangasar ata tong si joner!” sa isip-isip ko lang.

“ah..ok lang ba? Baka kasi..” napahinto sya sa saabihin nya nung umentra agad ako.

“ok lang.. join us here.” Sabi ko na habang nakatitig sa stage. Lumipat naman agad silang dalawa sa table namin. Magkatabi kame ni joner habang nasa harap namin sila. Maya maya lumapit papa ni joner sa kanya at may binulong hindi ko naman masyadong pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag lagok ng beer. Sa totoo lang nahihilo na ako kasi nakaka limang bote na ako samantalang si joner nakaka isang bote palang. Matapos bulungan si joner ng papa nya bumulong din itong si joner sakin.

“andy, may isang costumer willing daw mag bayad ng 5 thousand pesos nag papa request sayo kumanta ka daw ng kantang paborito nya ok lang ba? Sana pag bigyan mo kasi regular costumer namin yan dito ewan ko nga laging andito yan kahit mag-isa lang.” Tinignan ko lang si joner ng seryoso pinag iisipan ko kung papayag ba ako sa gusto nya kasi medyo nahihilo na ako eh baka hindi nya magustuhan yung kanta.

“hmmm sige sige.. bet na yan.. sayang 5k..” tumayo kame at pinuntahan namin yung mama na nag request sakin upang kumanta.

“hello, i’m andy..” pag papakilala ko. May katandaan na yung lalake.

“yah i know, i have heard you sing a while ago singing.. and you’re amazing..” sabay abot nya ng kamay para makipag skake hands, inabot ko naman agad ganun din si joner at umupo.

“i’m Alejandro, matagal na akong costumer dito sa Forsims restobar pero now lang kita nakita at narinig kumanta. May request sana ako sayo.. and i’m willing to pay 5 thousand pesos, if its ok for you?” nag tinginan kame ni joner.

“anong kanta po ba?”

“ahmm funny to hear it from me as a man pero i really love this song and it relates a lot for me.. i’ll never get over you, getting over me ang tittle.” Siguro broken hearted tong mamang ito kaya ganun nalang ang request nya, buti nalang alam ko ang kanta. Alam din naman ni joner kaya sumalang na ng banda sa stage.

“for a special request from a our regular costumer namely Mr. Alejandro, Forsims band is now back for a special song with our new member andy..” napukaw naman ang lahat sa announcement ni joner.

Nag simula ng tumugtog ang banda. Tahimik ang lahat. Lahat ay nag hihintay sa unang tinig na lalabas sa aking bibig. Mga 3 seconds bago ako nag simulang kumanta.. tahimik sobra! Nasa gitnang gitna ang table namin kung saan andun sila joner at louie saktong sakto kung saan ako nakatao sa stage. Nakatitig lang ang dalawa sakin ganun din ako sa kanila.. napaka lungkot ng kantang ito.



I’ll Never Get Over You Getting Over Me – MYMP Song Lyrics

I hear you're taking the town again
Having a good time
( nabsag ang katahimikan ng nag palakapakan ang mga tao)
With all your good time friends
I don't think that you think of me
You're on your own now
And I'm alone and free


I know that I should get on with my life
But a life lived without you could never be right

As long as the stars shine down from the heaven
As long as the river runs to the sea
I'll never get over you getting over me
(napapapikit ako sa pag kanta dahil damang dama ko ang bawat liriko ng kanta at dahil na din sa kalasingan.)

(nag simulang tumugtog ang drums, mas nadama ko ang kanta, namumuo ang luha sa mga mata ko lalo na’t pag nakikita ko si louie na katitig sakin ng mabuti na parang may halong lungot at pagmamakaawa ang pinapahiwatig sa mga mata nya)
I tried to smile so the hurt won't show
Tell everybody I was glad to see you go
But the tears just won't go away
Loneliness found me looks like it's here to stay
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/m/mymp/ill_never_get_over_you_getting_over_me.html ]
I know that I ought to find someone new
But all I found is my self always thinking of you

As long as the stars shine down from the heaven
As long as the river runs to the sea
I'll never get over you getting over me

(sa part ng climax ng kanta na ito mas bumubuo ang luha sa mga mata ko, piling ko any moment babagsak na ito.. ang sakit sobra!! Hindi ko mapigilan ang luha ko bahala na! ito ako eh anong gagawin ko?)
Oh no matter what I do
Each nights a life time to live through
I can't go on like this
I need your touch
You're the only one I ever loved
(at iyon na nga hindi ko na napigilan ang luha ko na bumagsak ng pumikit ako.. palakpakan naman mga tao)

And as long as the stars shine down from the heaven
As long as the river runs to the sea
I'll never get over you, getting over,
I'll never get over you,
I'll never get over you getting over me...
(palakpakan ang lahat.. sabay tingin ko kay louie. Nakatitig lang sakin parang naluluha din ang mga mata nya.. malungkot ang muka..)
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.. kung saan naka upo sila joner, louie at kim. Tahimik lang akong umupo, tumunga ako agad. Hindi sila makapag salita marahil nakita nilang umiyak ako sa harap ng stage. Pero hindi makatiis si joner at tinanong ako.
“ok ka lang andy?” maingat nyang tanong.
“ako? sus!! Ahahahaha ok na ok! Ano ka ba!! Saya nga oh!! Shot pa!” sabay tows ko ng bote ng beer sa bote nya.
“andy pwede na lasing ka na oh!” pag pigil sakin ni joner.
“ano ka ba joner? Ngayon nga lang tayo mag sasaya ng ganto KJ ka pa! Ang dami pang inumin oh let’s PARTEY!!” aminado ako lasing na ako, itinaas ko ang bote ko na tumilapon naman ang ibang laman nito na tumama sa kanila.
“ihhhhhh!! Is he drunk??!!” reklamo ni kim.
“pasyensya kana kim medyo nakainum na eh..” depensa ni joner.
“hoy!! Babae!! Don’t english me! I’m not school!!” sabay tawa ko ng malakas, parang matatawa din naman si joner at louie sa sinabi ko na mas lalong ikinainis ni kim.
“let’s go home!” sabay tayo ni kim at kinuwa ang bag.
“teka lang tol ha! Hatid ko lang ito..” pag papaalam ni louie.
“go!go!go away!! Ahahahaha!” pangangasar ko. Inirapan lang ako ni kim. At ng makalabas na sila dun na naman at nag-iiniyak na naman ako..
“kasi ikaw eh!! Dinala dala mo pa yang hinayupak na yan dito tignan mo tuloy!!” reklamo ko kay joner..
“sorry.. sorry..” sabay tunga ko na naman ng beer na pinigilan ulit ni joner. Nag tagumpay naman syang pigilan ako dahil sobrang lasing na nga ako at nanghihina na. binuhat na ako ni joner patayo, inilagay nya ang kamay ko sa balikat nya upang alalayan tumayo. Ng makalabas na kame.
“oh tol! San mo dadalhin yan?” andun pala si louie siguro pinag taxi nalang ng gf nya.
“ah eh, inuuwi ko na sa kanila.”

“hindi pwedeng iuwe sa kanila yan ng ganyan ang sitwasyon nya, pag nalaman ng papa nya yan malilitikan yan.” Sabi ni louie.

“ah ganun ba? Sa inyo nalang?”

“mas lalo namang hindi! Baka gulpihin lang yan ni ninang nya!”

“edi san?”

“sa inyo nalang? Pero sasama ako.”

“oh sige sige isakay na natin to.” Nakikinig lang ako sa usapan nila hindi na ako makasagot dahil sa sobrang kalasingan.

Nasa likod kameng dalawa ni louie habang si joner na dridrive. Nakahiga ako sa hita ni louie at pinipilit kong alisin ang ulo ko sa hita nya dahil nga BITTER AKO! ahahaha.. sa pag pupumilit ko nahulog ako sa baba.

“yan kasi eh!! Daming arte hindi nalang humiga!” at inilagay nya ulit ang ulo ko sa hita nya, hindi na ako pumalag kasi nakakapagod eh wala na akong lakas pang pumiglas.

Ng makarating na kame sa bahay nila joner, si louie ang umaalalay sakin paloob. Habang sinusundan namin si joner paloob ng bahay nila. Talagang sobra kong kalasingan at hindi na ako makalakad at makatayo ng maayos kaya tumutumba ako sa sahig, hindi naman akong magawang itayo ng maayos ni louie dahil mas mabigat ako sa kanya. Kaya ang ginawa ni joner ay binuhat nalang ako yung tipong parang bagong kasal.. ahahahah tapos pupunta na kame ng kwarto namin upang mag HONEY MOON! Ng makarating kame ni kwarto inilapag agad ako sa kama.

“tol! Pasuyo naman oh pakuwa ng maligamgam na tubig at face towel, hindi kasi to nakakatulog ng hindi nag pupunas ng katawan.” Natouch naman ako sa sinabi ni louie na iyon, gusto ko sana tumangi kaso wala talaga akong magawa.

Hinubaran na ako ni louie at natira lamang ay brief ko na ikinainis ko ng TODO! Syempre nakakahiya kay joner noh, sa isip isip ko lang humanda ka sakin bayagra ka bukas pag may lakas na ako! at iyon nga pinunasan na ako ni louie sa buong katawan hangang kasingit singitan ko. Ng biglang naramdaman ko nahihirapan akong huminga! SHET!! Inaatake na naman ako ng sumpong! Napansin naman agad nilang nahihirapan akong huminga at kaya nataranta ang dalawa.

“tol! Pano yan? Dalhin na natin hospital?” takot na takot na boses ni joner.

“hindi! Alam ko pano ito, teka..” may hinahanap sya sa bag ko marahil ang gamot ko. At nung nakita nya sinalpak nya agad ang inhaler sa bibig ko na ang bigay ginhawa sa pakiramdam ko. Bawat singhot ko sa inhaler at tinatakpan nya ang bibig at ilong ko every 10 seconds upang mag absorb ang gamot sa lungs ko. Alam na alam nya ang gagawin nya dahil pang inaatake ako ng sumpong sya ang laging anjan upang to the resque.

Habang ginagawa namin yun naiiyak ako.. hindi ko mawari bakit.. siguro namiss ko lang yung gantong sitwasyon namin na sobrang alaga sa sarili pag kailangan ang bawat isa. Pinupusan nya ng kamay nya ang bawat patak ng luha na lumalabas sa aking mga mata.

“iyan kasi!! Alam ng bawal kang uminom ng marami!! Iinom inom ka! Hindi mo naman kaya!!” bulyaw nya sakin pansin ko nag cracrack ang boses nya na parang nag pipigil ng luha.

“wala kang pakelam kahit yung bote pa lagukin ko!! Diba wala na tayong pakeelaman?” nagawa kong mag salita kahit hina hina na ako! hindi na nyang nagawang mag salita sa halip ay tumalikod sakin. At nakita kong nag pahid ng luha gamit ang damit.

Ang hirap ng sitwasyon namin na ganto, ang sakit!! Sobra!! Yung parang anjan sa sya tabi mo gusto mong yakapin at hagkan pero hindi mo magawa kasi hindi pwede at may pinag usapan kayo. Mas masakit pa ito sa long distant relationship eh kasi atleast iyon malayo talagang hindi mo mahahawakan eh yung andito abot kamay mo na pero hindi mo magawang hawakan man lang! Yun ang mas masakit.

Humarap sya sakin uli’t, hindi na nag salita at dali dali akong binihisan gamit ang pinahiram na damit ni joner. Si joner naman ay naka higa lang sa tabi ng kama nya at nakikinig ata. Nakapikit na ako noon at patuloy parin ang luha sa mga mata ko. Iginitna na ako ni louie ng higa at sya naman tumabi sa tabi ko. Bale nasa gitna ako ni louie at joner.

Tahimik.. walang nag sasalita.. tumalikod ako ng higa kay louie at humarap kay joner. Dahil hindi ako makatulog ng walang yakap yakap, sinubukan kong itanday ang kamay ko sa dibdib ni joner.. wala naman syang reaksyon kaya pinag patuloy ko lang.. medyo may kadiliman pero maninag ko ang paligid dahil sa konti liwanag galing sa lamp shade. Ng maramdaman kong may dumampi sa kamay ko at hinila ito patalikod ni louie upang makaharap ako sa kanya. Magkaharap ang mga muka namin.. magkadikit ang katawan at ilong. Ramdam ko ang bawat hinga nya, mainit ito at mabilis.. niyakap nya ako.. at sunod ko nalang naramdaman..

Dumampi ang labi nya sa labi ko..

ITUTULOY..


[15]
Siniil nya ng halik ang labi ko, hindi ko mapigilang hindi pumatol sa halik na iyon dahil nag dadala ito ng kiliti at sarap sa bawat pag galaw ng labi nya. Mas humihigpit pa ang yakap nya sakin, sobrang higpit! Ng subukan nyang ipasok ang dila nya sa bibig ko biglang pumasok sa isip ko ang sakit na nadarama ko patungkol sa kanya. Ang pag sisinungaling nya sakin, pagtatago, at huling eksena kung saan napag desisyonan namin na wag na muna mag-usap o mag sama. Hinawakan ko sya sa magkabilang muka nya at dahang dahang inalis ko ang labi ko sa labi nya sabay namang tumulo ang luha ko ng mga oras na iyon. Mabilis lang na hininga nya ang naririnig ko.

“please.. please..” yun lang ang nasabi ko.. tumungo lang sya sabay naman ng pag talikod ko. Ang buong akala ko hindi ko na mararamdaman ang halik na iyon na para sakin ang pinakmasarap na halik, buti nalang at kumalas ako kundi sa halik palang mawawala na lahat ng pinag hirapan ko sa wala at baka mapatawad ko na sya sa ginawa nya.

Nabigla ako nung maramdaman kong medyo basa ang kamay ko nung inalis ko ang kamay ko sa muka nya. Marahil luha din ito hindi ko alam bakit sya umiyak atleast alam ko hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon naming ito. Mabilis akong nakatulog dahil na din sa sobrang kalasingan ko noon.

Pag mulat ko ng mga mata, wala akong joner na nakita na nakahiga sa tabi ko. Dahil nga ang huli kong natatandaan bukod sa halikan namin ni louie ay kay joner ako humarap ng pag higa pero hindi ko sya nakita doon. Sunod kong napansin ay may kamay na nakapatong sa bandang tiyan ko, pag lingon ko si louie! Nakanganga pa ang LOKO! Agad ko namang inalis ito sa pag ka patong ng kamay nya sa tiyan ko at umupo. Biglang kong naramdaman ang sakit saking ulo at medyo tipsy pa ang pakiramdam ko. Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto. Malaki at maaliwalas ang paligid at maayos ang bawat gamit. Noong susubukan ko ng tumayo napa upo ako sa nakita ko. Si joner kakalabas lang ng CR at nakatapis lamang at walang pang itaas! “DIYOS KO PO ANG SARAP NA PANGHIMAGAS NAMAN ITO!” bulong ko sa sarili ko! Unang beses kong makita na walang pang itaas si joner . namangha ako sa nakita kong katawan nya. Kahit hindi masyadong kurbado ang mga abs pero panalo sa dibdib at kinis ng balat! Konting work out nalang pang model na ang tindig nito.

“oh! Kanina ka pang gising?”

“ah eh.. bago bago lang din.” Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil baka kung san san umabot ang mata at mapansin nya LINTEK NA!

“ah.. hindi ko na kayo ginising eh kasi sarap ng tulog nyo. Nakayakap pa itong si louie sa sayo.” Sabay tingin ko naman kay louie ng masama. Oo nga pala nakayap pa ang ugok na to sakin FEEL NA FEEL TALAGA ANG PAG TABI!

“ah ganun ba? Ahmm joner? Pasyensya kana kagabe ha? Kung yung..” habang naglalakad sya papauntang kabinet at kumukuwa ng susuotin.

“wala yun! Ano ka ba! Naiintindihan ko.. dapat nga ako ang mag sorry eh kasi kung hindi ko dinala yan kagabe sa bar edi sana walang nangyaring ganun.” Habang nag bibihis sya, hindi naman ako maka tinigin sa kanya baka sabihin nya binobosohan ko sya.

“ah.. tama lang yung ginawa mo.”

“tara? Almusal tayo? Nag paluto na ako almusal bago maligo.” Nakatayo sya sa harap ko non at sentrong sento naman ang pagkalalaki nya sa muka ko noon. Duon ko unang binaling ang tingin sabay akyat ng tingin sa muka nya na naka ngiti lang sakin.

“ako hindi nyo ba yayayain?” pag entra ni Louie. Gising na pala ang hinayupak!

“tara almusal na tayo JONER!” sabay tayo ko at hawak sa braso ni joner.

“baka gusto mo mag mumog muna?” hirit ni joner habang nag lalakad kame palabas ng kwarto nya habang sya nakalingon ng tingin kay louie na nakahiga pa.

“ay hindi ok lang! Kumakain ako kahit hindi nag mumog!” biro ko pero hindi naman totoo yun para lang makalabas na kame ng kwarto.

Habang nag lalakad kame papuntang dinning area, napahanga naman ako sa bahay nila joner! TALAGANG PANG MAYAMAN! Gantong ganto yung nakikita ko sa mga american styles ng bahay sa mga t.v. nung narating na namin ang dinning area. Nakahanda na ang almusal sa lamesa. May hotdog,ham,sunny side up na fried egg, tinapay at etc. PATAY! Walang kanin! Almusal ko kasi kanin talaga eh hindi ako nag titinapay.

“sir upo na po kayo kanina pa po nag-aantay ang almusal baka lumamig na.” sabi ng katulong nilang may katandaan na din.

“ah salamat manang.. sumabay na po kayo samin manang.”

“ay sir hindi na po mamaya na po ako nakakahiya sa bisita nyo.” Sabay kamot sa ulo nito.

“ok lang po manang sabay kana samin.” Binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

“oh.. sabi ko sayo ok lang eh mabait yan, sya nga pala manang si andy bagong lead singer ng banda yan.”

“ah ganun po ba? Wow siguro po ang ganda ng boses nyo sir?”

“ay hindi naman syempre mas maganda ang kay joner at saka wag mo na akong sinesir manang nakakailang po eh andy nalang.” Ngiti ko ulit.

“bait naman pala nitong kaibigan mo sir.” Habang nilalagyan ng pag kain si joner sa plato nito.

“oo naman! Bait bait nito eh!” sabay kurot sa pisngi ko. Nilagyan na ni manang ang baso ko ng kape na gusto ko sanang tangihan kasi hindi ako umiinom ng kape pero nakakahiya kasi nasa ibang bahay ako. if ever man mainom ko ito mabubura ang record ko na 10 years na ng huli akong uminom ng kape.

“hindi po umiinom ng kape yan.” Napalingon naman kameng lahat kung san nang galing ang boses na iyon. Si Louie.

“oh tol! Upo kana sumabay kana samin.” Sabi ni joner. At umupo naman sa harap ko si louie. Pero syempre dahil nga nasa ibang bahay ako at baka sabihin din ni joner at manang na maarte ako sinimulan kong hawakan ang baso at tipong ihiihipan ang kape sa baso at ininom. Pinilit kong wag mag pakita ng reaksyon na hindi ko na gustuhan ang lasa at tinititigan ko si louie habang iniinom ang kape, pang asar ba! Tinititigan lang din nya ako tipong parang sinasabi. “gusto mong kape ha? Sige! Inumin mo!” at sabi ko naman “ kala mo hindi ko kaya ha! Kahit isang litro nito kaya kong ubusin!” para kameng nag-uusap sa mata ng mabasak ang aming momento ng nag salita si joner.

“oh tol kain na!”

“ah sige sige..” nung nakalagay na ang pag kain sa plato nya biglang humirit itong bayagra!nung makita nyang hindi ko alam anong gagawin kung pupuruhin ko ba ang hotdog at itlog o ilalagay palaman ito sa tinapay kasi nga talagang kanin ako eh KANIN! Patay gutom ako! ahahaha!

“tol! May kanin ba kayo?” biglang napatigil ako sa ginagawa kong pag lalagay ng itlog sa tinapay at nanlaki ang mata at binalin ito sa kanya!

“not again!” sigaw ko lang sa isip ko. Napa tingin naman si joner kay manang na parang nag tatanong kung meron ba.

“hindi kasi kumakain ng tinapay yan eh, kanin talaga almusal nyan.” Sabay duro ng nguso nya sakin.

“meron iho, ito naman si andy hindi nag sasabi eh.” Sabay tayo ni manang at tipong kukuwa ng kanin.

“hindi po manang, ok na ako dito wag na kayo mag abala.” Sabay kagat ko sa tinapay na may palaman na itlog at tingin kay louie. “bweset na ito! Dalawang beses na bumibingo sakin ha! Isa pa! Baka palunok ko sayo yang plato mo!” sigaw ko sa isip ko habang nakatingin kay louie ng masama.

Tahimik ang lahat, walang nag sasalita. Pag lapag lang ng baso sa lamesa na salamin ang maririnig ko paminsan ingay ng kutsara sa plato. Ng biglang magsasalita na naman ang bayagra at inunahan ko agad ng pag apak sa paa nya baka ano na naman ang sabihin!

“aray!” pigil na sigaw ni louie, sabay tingin kay louie ng masama.

“oh tol? Napano ka?” pag tataka ni joner.

“ah eh kasi..” tinignan ko lang sya ng masama at itinaas ang kilay.

“ah eh kasi naiwan ko ata cellphone ko s kotse mo kagabe eh hindi ko makita.”

“ah yun ba, sige check natin mamaya.”

Matapos namin mag-almusal nag handa na din kame para umuwi,andun nga ang cellphone ni louie sa kotse ni joner. mga 10am ng umaga non ng nasa byahe kame habang si joner nag mamaneho.

“ahmm joner, sa harap ng bahay nila louie mo kame ibaba ha?”

“ok..” napalingon naman sakin si louie parang nag tatanong bakit pati ako don baba.

“ako na mag papaliwanag kay ninang bakit inumaga ka na umuwi, nakakahiya naman sayo.” Sabi ko habang deretso ang tingin sa daan.

“hindi mo naman kailangan gawin yon.”

“hindi ko gagawin yon para sayo, gagawin ko yun para kay ninang alam kong nag aalala yun bakit hindi ka umuwi baka hindi pa maniwala sayo yon.” Ganun parin parang walang emosyon. Hindi na sya nag salita.

Ng makarating kame sa harap ng bahay nila louie sabay naman agad na labas ni ninang ng bahay.

“joner salamat ha? Pasyensya ulit..” sabi ko.

“ano ka ba!sabi ko sayo wala iyon sakin..”

“tol salamat ulit.. ingat sa byahe..” sabi ni louie.

“sige, tita mauna na po ako..” senyas naman si ninang kay joner.

Sabay naming nilingon ni louie ang bahay nila kung san naka tayo si ninang. Pumasok na ako agad at hindi na inantay si louie.

“ninang sa loob na po ako mag papaliwanag.” Sabay namang pumasok sakin si ninang. nakaupo na kame at nasa harap namin si ninang na nakatayo naman.

“ninang sorry po kung inumaga ng uwi si louie, galing po kame ng resto bar pagkatapos po ng Gig sinumpong ako kaya minabuti nilang dalhin nalang ako sa bahay nila joner at duon mag palipas ng gabi, sorry po kung hindi namin kayo nasabihan ng maaga tungkol dito.”

“alam ko..” sabi ni ninang na kinagulat namin ni louie. Nilingon ko si louie ng palihim kung may kinalaman sya dito.

“tumawag si joner kagabe sakin, ipinaalam kayong dalawa sakin. Mabuti na rin at sayo nangaling yan atleast confirm nga na ganun ang nangyari.”

“sabi ko sayo hindi mo na kailangan gawin yan eh!” sabay tayo at akyat sa kwarto nya.” Bwiset na to alam pala nyang nag paalam na si joner hindi man lang sinabi sakin gusto lang talaga na sabay kameng bumaba sa harap ng bahay nila.” Sabi ko lang sa isip ko.

“ah ganun po ba? Buti naman po at alam nyo na at hindi na ako mag papaliwanag ng bongang bonga!”

“anyway.. bati na ba kayo ni aweng?”

“po?ahmmm wala naman po kameng problema.” Ayaw ko ng sabihin pa kay ninang ang nangyayari samin ni louie na meron kameng di pagkakaunawaan for short LQ? Ahahahhaha.

“ah ganun ba? Buti naman kung ganun! Ayaw ko kasing nalalaman na may samaan kayo ng loob.” Sinuklian ko lamang sya ng isang ngiti.

“sige po ninang, mauna na po ako medyo nahihilo pa ako eh.” Sabay akmang tatayo na ako.

“oh sige, ayaw mo ba mag pahatid kay aweng?”

“wag na po, malapit lang naman.”

“oh sige sige mag ingat ka anak..”

Ng marating ko ang bahay, agad agad akong naligo feeling ko kasi ang baho baho ko na.. habang naliligo biglang puamsok sa isip ko ang halikan namin ni louie nung huling gabi.. napa isip ako bakit nya ginawa iyon at may bahid ng luha ang kamay ko, hindi mawari kung luha ba o pawis lang? Pero naka aircon naman eh at basang basa? Pawis? Well anyway.. bahala sya.. pero sa totoo lang kaya din ako naiyak kagabe ramdam ko ibang iba ang mga halik na yun, puno puno ng pananabik! Na may halong lungkot at nag pagsusumamo. Siguro nahihirapan din sya sa sitwasyon maing ganto pero mas mahihirapan naman ako if hindi ko ginawa iyon tulad nga ng sabi ni joner sakin “walang ibang pwedeng tumulong sa huli kundi SARLI MO LANG!” hay!! Ang hirap.. hangang kelan kaya na ganto sitwasyon namin? Sa totoo lang miss ko na sya! Sobra! Lalo na pag tinatawag ko syang “hoy BAYAG!” at ako pag tinatawag nyang “PWET!!”..

Nag daan ang araw na ganun parin ang set up habang ako abala sa pag prapractice sa banda at balita ko abala naman daw si louie sa liga sa basketball, habang kasaganahan ng sem break namin kanya kanya kame ng buhay! Lakad, pati pinag kakaabalahan. Bago umuwi lagi akong dumadaan sa bahay nila may dalang pasalubong kay ninang galing sa restobar pero hindi na din ako nag tatagal duon dinadahilan ko nalang ay pagod ako.

habang pauwi ako galing practice pansin ko daming tao halos hindi na ako makadaan sa dami naisipan kong wag na dumaan duon at lumiko nalang ng daan pauwi ng may marinig akong bulungan ng mga babae at nag mamadaling tumatakbong papuntang court.

“girl!! Bilis bilis!! 4th quarter na daw malapit ng matapos! At team nila louie ang nag lalaro!”

“ow talaga?!! Tara bilis!! Mag cheer tayo sa team nila fafa louie!” parang hindi magkanda ugaga ang mga babae sa pag takbo na parang kinikiliti ang mga CLITORIS!

Imbes na lumiko ako ng daan demeretso na ako ng daan para sumilip.. ang daming tao grabeh! Rinig ko sa iba championship na daw kaya matindi ang laban halos isang puntos lang lamang ng kalaban. Nag pumilit ako pumasok hangang marating ko ang harapan. Kakaloka! May mga parang cheering squad pa ang team nila louie ha! At karamihan KABAKLAAN! Ahahaha tawa naman ako ng tawa sa nakita ko ang iba puros kay louie nag chicheer! DAMING FANS!terno pa ang mga suot lahat naka VILOET at may hawak pang long baloons na gamit pang cheer At ganto ang mga sigaw nila!

“GO FAFA LOUIE!!”

“AWENG!! I love you!!” sigaw ng iba pag sya nakaka shoot.

“FAFA LOUIE MAG INGAT KA!! ANG GWAPO GWAPO MO!!” palong palo!! Ahahaha natatawa nalang ako sa kanila sa isip ko lang..

At may yell pa sila pag nakakashoot si louie “go louie!go louie! Go go louie! Aaaaaaaaaahhhhhhhh!! Ha!ha!ha! we love you fafa LOUIE!” na nakakapukaw naman ng atensyon ng lahat! Ako naman natatawa lang! ahahaha

“sorry kayo! Natikman ko na sya!” sigaw ko sa isip ko! Ahahaha ng biglang nasira ang AURA ng cheering squad ng bumulagta si louie sa sahig mula sa pag talon. Nagkabangaan sila ng myembro ng kabilang team. Parang mababaliw ang mga cheering squad ng team nila louie at napag kaalaman ko na sya ang star palyer ng team kaya parang lugmok ang mga tao na kampi sa team nila. Binuwat si louie ng dalawang nilang ka team at dinala sa tabi kung saan andun ang iba nilang kateam. Hindi magkanda mayaw ang mga kababaihan at kabaklaan sa pag sisigaw kala mo’y nagugunaw na ang mundo nila. Hindi ko rin maiwasan mag-alala dahil kitang kita ko sa muka ni louie ang tindi ng sakit na nararanasan! Nakahawak lamang sya sa paa nya at sakit na sakit ang itsura! Sinubukang lumapit ng ibang myembro ng cheering squad kay louie pero hinaharang sila ng ibang team. Parang hindi nila alam kung anong gagawin ang iba natataranta ang coach nila ay parang namumutla sa takot dahil nga malaking kawalan si louie if hindi sya makakalaro lalo na’t 3 minuto nalang at tapos na ang game, abante pa ang kalabang ng 2 puntos. Hindi ko na mapigilan kundi ang lumapit at tumulong. Pag lapit ko sinubukan pa akong harangin ng isa nilang kateam.

“hindi kayo pwede lumapit!” pag harang sakin ng kateam nila.

“nursing student po ako baka makatulong ako, at classmate ko si louie.” Sabi ko. Agad naman akong hinatak paloob palapit kay louie. Ng makita ko sya naka upo sa sahig at hawak hawak ang paa at kahit kalmado kitang kita ang sakit na nararamdaman nya. Lumapit ako agad hinawakana ng paa nya.

“saan ang sakit? Sa laman o buto?” tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nung hinarap nya ako ng tingin parang gulat na gulat at hindi makapag salita ang mokong!

“huy! Ano sagot?” bigla naman syang natauhan sa sinabi ko.

“ah eh.. sa laman ata!” parang alanganin nyang sagot.

“tiisin mo ha? Ipupush ko! Baka pinulikat ka lang!” dahan dahan kong pinush ang paa nya kitang kita sa muka nya ang sakit na nadarama habang tinutulak ko ang paa nya paharap sa kanya.

“may may telang bandage ba kayo? yung mahaba ha!” tanong ko sa isa nilang ka team, agad namang inabot sakin. Agad ko namang binandana ang paa nya buti nalang nung high school ay sumali ako sa isang FIRST AID tranning at alam ko ang mga ganto. Hinigpitan ko ang pag bandana dito. Pinainom ko din sya ng isang bote ng gatorade.

“kamusta pakiramdam?”

“ok na ok na! eh ikaw ba naman gumamot eh!” sabay ngiti sakin.

“balak ko nga putulin na eh!” sabay irap ko sa kanya at tingin sa play ng basketball. Ng nagulat ako biglang tumayo at tumalon talon at kinausap ang coach nila. Sunod na narinig ko ay tumunog ang ring at nakipag sub sya sa isang kateam nila hiyawan naman ang mga tao at lalong lalo na ang cheering squad nila ang iba parang gustong mag lumpasay sa sahig sa ka OAyan! Bagu tumungo sa play ay palihim pang lumingon sakin at kinindatan ako ng LOKO! Gago talaga! May paganun ganun pang nalalaman? Pero IMPERNEZ super kilig ang lola nyo! Ahahahaha! Parang nakita ata ng mga cheerinig squad ang ginawa ni louie at paran halos lamunin ako sa mga tingin kulang nalang lapitan ako at kalbuhin ang buhok ko gamit lang mga kamay nila!

Tuloy ulit ang game.. ngayon isa nalnag ang abante ng kabilang team! 1 minute left! Sobrang tense ang laban! Lagi tumatawag ng time out ang bawat team.. since andun ako banda sa malapit sa team nila louie pag nag tatime out at kinakausap sila ni coach nila palihim na tumitingin sakin si louie na pag nahuhuli naman nya akong tumitingin ay agad ko binabaling ang tingin sa iba. Balik ulit sa game! Halos 30 seconds nalang at ganun parin 1 puntos ang lamang ng kabilang team.. 20 seconds! 15 seconds! Hangang! 10 seconds nalang at si louie may hawak ng bola! At tatlo tatlo ang bantay! Kaloka!! Feeling ko gusto ko din sumigaw at maki cheer sa cheering squad!

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3 seconds..

SHOOT ang bola sa ring! At panlo sila louie! Talunan lahat ng taga suporta ng team nila louie lahat ng ato pumunta sa ginta ng court ganun din ang lahat ng kateam ni louie. Ako nalang ata mag-isa naiwan sa bandang gilid kung saan ako nakatayo. Ang saya ng lahat! Bukod sa natalong team.. binuhat nila si louie at inikot sa buong court. Habnag ganun ang eksena pinili ko ng umalis at umuwi na. masaya kahit papano nakatulong ako. habang nag lalakad ako pauwi nagulat nalang ako ng may ilang kababaihan at KABAKLAAN ang humarang sakin.

“hoy! Mahaderang, eksenadorang, mukang palakang, splakang bakla! Anong eksena mo kanina ha?” laking gulat ko naman sa sinabi nyang iyon parang gusto kong matawa eh sya itong mukang palaka!

“ang alin ba?”

“ay!! Kabog ito teh!! Kunwari wiz knows!!” sabi pa ng isang bakla!

“yung eksena mong charity epek kanina nung napilayan si fafa louie ha?!!” pag tataray nya.

“ah yun ba? I’m just trying to help..” sabay nung tipong aalis na at hinawakan ako sa braso ko para bumalik saking kinatatayuan.

“hoy! Wag mo kameng ma english englishin ha! Kala mo hindi ka namin maiintindihan ha!!?”

“ano teh? Jumbagin na natin itechiwa?” napa atras naman ako nung narinig ko ang sinabi nyang iyon kahit gusto ko lumaban eh ang dami kaya nila lugi ako.

Palapit sila ng palapit, paatras na naman ako ng paatras. Hangang sa ding ding nalang ang naramdaman ko sa aking likuran at hindi na ako maka atras at napapalibutan na ako. tinakpan ko nalang ng bag ko ang muka ko upang kung mabugbog man ako hindi gaanong mapuruhan ang muka ko. Ng bigla may nag salita sa likuran nila.

“wag nyo sya saktan kundi sakin kayo mapupuruhan!” sigaw mula sa likod nila na nagawang mapukaw ang atensyon nila at mapalingon.

“ay! Fafa louie!” sigaw ng isang bakla.

“tabe!” sabay hawi ni louie sa mga bakla at babae na nakapalibot sakin.

“sa sususnod na gawin nyo to sa kanya hindi ko na kayo papayagan na mag cheer sa team namin!” galit na sabi ni louie.

“ah.. eh.. ito kasi eh!” sabay sisi nung isang bakla sa babae.

“ano?!” sabi ni louie na galit parin.

“ah oo fafa louie hindi na..”

“mag sorry kayo sa kanya!”

“ui sorry teh ha!” sabi ng isa.. sumunod naman ang iba. At isa isa naman silang umalis na parang nakatago ang buntot paharap.

“ok ka lang?” sabay baling nya sakin.

“ok lang..”

“hindi ka naman nila sinaktan?”

“ hindi naman..” ewan ko ba! Umiral na naman ang kaartehan ko at iyon naiiyak na naman ako.. feeling ko kasi talagang mabubugbog na ako ng oras na iyon pag hindi pa sya dumating sirana sana ang kagandahan ko ngayon!

“oh! Bat umiiyak ka? Yung totoo sinaktan ka nila noh? Babalikan ko mga yun!” sabay hawak nya sa panga ko para tingan ang muka ko kung umiiyak ba talaga.

“wala nga kasi..” pag mamaktol ko sabay buhos ng luha sa mata ko.

“oh?bat ka umiiyak?”

“eh kasi!!! Kalako mabubugbog na talaga ako kung hindi ka pa dumating..” sabay takip ko ng muka ko kasi talagang bumuhos na ang luha sa mata ko. Niyakap nalang nya ako at dun ko pinagpatuloy ang pag iyak.

“sorry.. tama na.. wag na iyak.. alam mo namang ayaw kong umiiyak ka eh! Yaan mo hindi ka na ulit masasaktan ng mga yun kahit sino dito! Kahit saan basta andito ako! tama na..”

Kinalas ko ang sarili ko sa pagkayakap nya sakin dahil may ibang mga taong nakamasid ang mga mata saming dalawa.

“salamat.. uuwi na ako.”sabay pahid ko sa muka ko.

“hatid na kita..”pag alok nya.

“wag na! malapit nalang man din..” pero hindi sya nakinig sumunod parin sya ng lakad sakin, hindi ko na din sinaway alam ko namang kahit sawayin ko sya hindi makikinig iyon. Nasa may bandang likod ko sya habang nag lalakad kameng dalawa.. tahimik, walang nag sasalita. Hangang sa makarating kame sa bahay.

“salamat..”sabi ko, hindi naman ako makatingin sa mata nya.

“ako nga dapat mag pasalamat eh!” sabi nya.

“para san?”

“sa pag resque sakin! Kung hindi mo ako tinulungan kanina eh marahil nakabangko lang ako kanina at hindi kame nanalo. Gusto ka nga sana pasalamatan ni coach ng personal kaso hindi na kita nakita matapos ng game.”

“ah yun ba? Wala yun! Concern citezen lang.” Para kameng mga estranghero sa pag-uusap namin. Yung bagong bago lang nag kakilala at nag kakapaan ng mga ugali.

“concern? So concern ka sakin?” pag-ulit nya.

“kahit sino naman sa team nyo ang may kailangan ng tulong ko ay tutulungan ko eh, sige aakyat na ko at pagod ako sa practice.”

“ah sige sige.. salamat ulit.” Nung tipong isasara ko na ang pinto bigla sya may pahabol na sasabihin.

“ah andy teka!”

“oh?”

“ahmmm.. sige di bale nalang.” Binalingan ko na lamang sya ng isang ngiting pilit. Ng naisara ko na ang pinto sinilip ko sya sa bintana habang nag lalakad pabalik sa kanila, pakamot kamot pa ng ulo habang nag lalakad yung tipong may gusto talaga syang sabihin kaso napangunahan ng hiya. Napangiti nalang ako at tinungo ang kwarto at lakda agad sa kama.

Habang naka tihaya ako sa kama at nakatingala sa dingding, iniisip ko ang eksena namin sa court kung saan nilalagayan ko sya ng bandana sa paa kasi habang ginagawa ko iyon pansin ko nakatingin lang sya sakin yung tipong walang sakit na iniinda sa paa. Nung napalingon ako sa kanya hindi parin sya natinag at talagang titig na titig tila may sinasabi ang mga mata nya sakin na hindi ko lang mawari kung ano iyon. Tinungo ko na ang cr upang mag punas ng katawan at deretso tulog na din ako marahil sa sobrang pagod sa practice hindi ko na nagawang mag muni muni pa, ganun kasi ako aabutin ako minsan ng 1-2 oras bago makatulog lalo na nitong nag daang araw.

Kinabukasan matapos ang practice namin sa banda. Deretso ako agad ng simbahan dahil lingo noon. Mga 7pm huling misa sa simbahan samin. At ang kina-uurat ko ay hindi mapakali ang mata ko sa kaka-ikot nito, tinatanaw ko si louie kung nag simba ba o hindi. Tuloy hindi ako masyadong nakikinig sa misa. Maya maya nung tangapan ng na Ostya hindi ako pimila sa may pari mismo dahil pag kame ni louie ang nag sisimba gusto nya dun kame mismo pipila sa pari at tumangap ng Ostya. Sinadsya ko yun para makita kung nag simba nga sya o hindi. At iyon nga nakita ko sya ng pumila sa linya ni father at sya lang mag-isa hindi ata kasama ang girlfriend nya. Naka black jacket sya noon dahil tag-ulan ng mga oras na iyon at may kalamigan, ako man ay nilalamig din. Napag isip-isip ko lang bakit kaya hindi nya kasama gf nya? Hmmmm.. anyway.. ok na ako kaya hindi na umikot ikot pa ang mata ko kung saan saan dahil alam ko na san sya naka pwesto.

Matapos ang misa agad agad akong lumabas para hindi ko sya makasabay ng paglalakad pauwi. Nung nasa labasan na ako laking gulat ko nung narinig kong tinawag nya ang pangalan ko, balak ko nga sana hindi na lumingon at kunwari hindi ko narinig eh nagawang mag lingonan ng mga kasabay ko sa pag lalakad imposible naman na ako hindi ko narinig.

“ANDY!!!” sigaw nya ulit. Wala na akong nagawa kundi ang lumingon.

“oh?”

“ah.. eh wala lang.. sabay na tayo pauwi? Ok lang ba?” alanganin nyang tanong. Tinignan ko lang sya, “nangangasar lang ba ito? Parang wala kameng pinag usapan ha!” sa isip ko lang.

“oh sige, ayaw mo ata eh.”

“halika na!” sabi ko Nung tipong aalis na sya. Gulat ako sa reaksyon! Kala mo naka inom ng energy drink at biglang sumigla ang LOLO mo! Abot tenga ang ngiti! Parang gusto ko nga tumawa eh kaso baka naman sabihin nya FEELING CLOSE ako sa kanya! Well.. yun nga nag lakad kame ng sabay pero hindi ako nag sasalita. Nung napa daan kame sa GOTOHAN kung san kame madalas kumain ng Lomy ay medyo kinabahan ako dahil baka yayain ako nito, at yun nga nag yaya!

“andy? Lomy tayo? Sagot ko?”

“ah.. salamat nalang.. kumain na ako sa restobar kanina bago umalis busog ako, baka ikaw gusto mo antayin nalang kita.”

“ah hindi na rin baka sakali lang, busog din naman ako.” “bakasakali lang na ano? Ahahahah na pumayag ako? EXCUSE ME MATAAS PRIDE KO at pwede ba?” Sa isip isip ko lang! Ahahaha

“ui! Aweng! Hindi na kayo kumakain dito ah! May iba na kayong kinakainan noh?” sabi ni nong tindedro.

“ay wala po kuya! Kayo lang po suki namin.. sunod nalang po.”

“ah sige sige..”

“oo nga noh? Tagal na din nating hindi kumakain don hehehe.” Pag basag nya sa katahimikan namin, pero hindi ako naimik.

“ahmm musta nga pala practice nyo?” pangungulit nya ulit.

“ok naman.” Yun ang huli kong sinabi hindi naman sya nag salita pa ulit marahil naramdaman na nyang ayaw kong makipag-usap. Ng malapit na kame sa bahay ko bigla ulit syang nag salita.

“ahmmm andy.. uuwi pala ako bukas ng probinsya baka matagalan ako duon.” Malungkot nyang sabi. Parang nauntog naman ako at nagising saking kaartehan ng sinabi nyang MATATAGALAN gusto ko sanang tanungin kung gano katagal! 1week? 1 month? 1 year? Ano??!! Pero wala akong lakas ng loob para tanungin iyon sa halip nagkunwari paring walang pakeelam.

“ah ganun ba? Sige happy trip.. dito na ko dadaan.” Sabay lihis ko ng daan at naiwan syang nakatayo doon, ramdam ko an lungkot na dala nya sa damdamin nya. Gusto ko syang yakapin bago man lang sya makaalis! gusto ko sabihin na miss na miss ko na sya! Pero wala! Kinakain parin ako ng EGO ko na sinasabing TAMANG SAKTAN MO SARILI MO NA LUMALAYO SA KANYA KESA PATAYIN ANG SARILI MO NA KATABI SYA..

ITUTULOY..

No comments:

Post a Comment