Sunday, January 6, 2013

The Best Thing I Ever Had: Season 3 (01-05)

By: lilvincy
Blog: avinthisismylife.blogspot.com

Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)

*any resemblance in this story is just coincidental.*

FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip

sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------

[01] Alive
"Nasaan ako?" yan ang una kong nasambit sa pagmulat ng aking mata. Nakahiga ako sa isang kamang gawa sa kawayan. Nasa loob ako ng isang kwarto, sa isang bahay kubo. Gawa sa kawayan ang dingding at ang mga sahig. Gawa naman sa dahon ng anahaw ang bubong nito. Naramdaman kong may benda ang ulo ko. Ramdam ko rin ang sakit sa hita ko. May benda rin ito. Nakita ko ring nagkalat ang mga pasa't sugat ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, sa binti, sa braso, sa hita,.pati ata sa likod meron. Noon ko lang napansin na iba na rin pala ang suot kong damit. Teka nasaan na ba ko? At nasaan ang mga damit ko?



Teka, buhay pa ba tayo?


Gaga! Siyempre buhay pa AKO! ewan ko ikaw. baka patay ka na. haha


Che!


Sinubukan kong tumayo ngunit bumagsak ako sa sahig. "Aray!" daing ko.

Hahahah! Ang bilis ng karma!


Tumigil ka! Babatukan kita diyan eh!


Yeah, like that's gonna happen. hahaha


Arrrghh!


Sinusubukan ko ng tumayo ng maramdaman kong may tumutulong na sa akin. Napalingon ako sa kanya at tumambad sa akin ang isang lalaking naka sando at nakamaong na short.. Maitim siya, ngunit mapapansing gwapo ang kanyang mukha.

HOT!

"Ayos ka lang?", tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Ang ganda ganda ng mga mata niya. Gayon din ang ilong at labi niya. Mapula ang kanyang labi. Talagang natulala ako sa kagwapuhan ng nilalang na nasa harapan ko.

Hoy! Tinatanong ka niya! Masyado ka namang makatitig! Wagas!


Ay oo nga pla. "A..O-oo. S-salamat." sabi ko.Inalalayan niya ako papunta sa kama at inupo ako doon.

"Huwag ka muna gumalaw, hindi pa masyadong magaling yang mga sugat mo. Dapat magpahinga ka na lang." sabi niya.

"A eh..Uhmmm..sino ka po ba? at saka, nasaan ba ko??" tanong ko sa kanya ng puno ng pagtataka.

"Ako nga pala si Caloy." sabay abot ng kamay niya,.

Kinamayan ko siya. "Ako naman si Av."

"Nandito ka sa bahay namin, sa barrio Munting Ilog. Dinala kita rito nung isang araw. Nagpunta kasi ako sa gubat para kumuha ng mga kahoy na panggatong ng mapansin kong may tao sa tabi ng ilog walang malay. Akala ko nga patay ka na eh. Lumapit ako sa'yo para tingnan kung buhay ka pa at nakita kong humuhinga ka pa. tapos, may tama ka ng bala dyan sa hita mo tpos may mga sugat sa buong katawan, kaya tinulungan kita.   Kaya dinala kita rito sa bahay namin." sabi niya. "Ginamot na ng nanay ang mga sugat mo. Pero hindi pa rin yan lubos na magaling. Kaya magpahinga ka muna."

Wow, he's my hero pala!


Taray teh! ang gwapo ng hero mo ah! Inggit ako!


"S-salamat ah.,s-sa pagligtas ng buhay ko.." hindi ko siya matingnan ng tuwid. nakatingin lang kasi siya sa akin tapos nakangiti. Eh ewan ko ba parang nahiya ako bigla.

Ang landi mo teh! Ang sabihin mo, kinikilig ka

"Wala yun." Nginitian niya akong muli. Ang gwapo talaga niya.


At ang lantod mo talaga!


"Buti nga hindi ka nalunod sa ilog. Ano bang ginagawa mo doon? At paano ka nakapunta doon?" tanong niya.

Sinubukan kong alalahanin kung ano ang mga nangyari..Kinidnap ako nila Jenny at Ram.Nabaril ako ng lalaking bakulaw. Niligtas ako ni Van,.Nabaril siya ni Ram.Napatay ko si Ram..tapos yung tulay..tapos namatay si Jenny..tapos...nagpalaglag ako....Hindi ko napansing pumatak na pala ang luha ko..Si Van? Buhay pa kaya siya? Si Marco? Kailangan ko silang makita. Ang mommy ko..ang daddy ko..Kailangan ko na makauwi. nag-aalala na sila sa akin.


"Ayos ka lang?" ang alalang tanong niya. Hinawakan niya ang balikat ko.

Nakatulala lang ako sa sahig. "K-kailangan ko ng umuwi." sabi ko at tumingin kay Caloy.

"Hindi mo pa kaya Av. Kailangan mo munang magpagaling." sabi niya.

"Pero nag-aalala na ang mga magulang ko!" sabi ko sa kanya. "Sige na Caloy...kailangan ko ng makauwi." sabi ko sa kanya.

Nag-buntong-hininga siya. "Pero kailangan mo munang magpagaling Av. Kailangan mo muna magpalakas muli. Kapag magaling ka na, pangako, ihahatid kita pauwi sa inyo. Pero sa ngayon, dumito ka muna. Ayos ba yun Av?" sabi niya.

I really wanna go home. :(


Wag muna! Sayang yang papa oh!


Gaga! Ang lantod mo talaga! Mas iniisip mo pa yung lalake kaysa sa pamilya ko!


Ehhhh...ang gwapo kasi teh! Probinsiyanong gwapo!


Hayy nako!


Pero wala ka namang choice eh. Tama siya. Hindi mo pa kaya. Kaya mag-stay ka muna dito! Para na rin makasama mo pa ng matagal si Papa Caloy!


Fine! Arrghhh!


Nakatingin lang sa akin si Caloy. Nagbuntong-hininga ko,.


sigh*


"Sandali ikukuha lang kita ng makakain at maiinom. Ilang araw ka rin kasing walang malay. Buti nga nagising ka na." sabi ni Caloy at lumabas na siya sa kwarto.

Naiwan ako sa kwarto.

2 araw na akong walang malay? Bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Buti naman nagising pa pala ako.

Lupamit ako sa bintana at nakita ko ang isang magandang view. Makikita mo ang isang malawak na bukirin. May mga taong nagtatanim, at mayroon din nag-aararo ng lupa. Masarap langhapin ang sariwang hangin. Makikita mo rin ang isang bundok na mukhang malapit pero siguradong malayo.. Sa pagitan ng bukirin at ng bundok ay matatanaw mo ang isang lawa. Ang ganda talaga ng view. Parang ang sarap mamuhay dito sa lugar na ito. Malayong malayo sa pamumuhay sa lungsod kung saan ang makikita mo'y puro matataas na buildings. Tapos parang nakakacancer yung hangin kasi madumi ito. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa tanawin ng biglang pumasok si Caloy.

"Ang ganda pala dito sa inyo Caloy." sabi.

"Bakit? Saan ka ba nakatira? Taga-saan ka ba?" tanong niya.

"Taga-Cabanatuan City ako. sa Nueva Ecija ." sabi ko.

"Nueva Ecija? Eh diba malayo iyon dito? Paano ka naman napunta dito sa Batangas?" tanong niya.

So nasa Batangas pa rin pala ako.


"Kinidnap kasi ako.." seryosong sagot ko sa kanya.

"Ano??? Kinidnap ka????" tanong niya.

Tumango ako. at ikinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari. "Nasa resthouse namin ako nuon ng kinidnap ako..May sumagip sa akin kaya nakatakas kami sa mga kumidnap sa akin." sabi ko.

"Kung nakatakas kayo, nasaan na yung sumagip sa'yo? Bakit hindi mo siya kasama? At papaano kang napunta sa ilog?" ang sunud-sunod niyang tanong.

"Tumatawid kami ng tuloy noon, ng biglang barilin nung humahabol sa amin yung lubid na nakatali sa mga poste na sumusuporta sa tulay, Muntik na kaming malalag sa bangin.." huminto ako sandali. Tumulo ang mga luha ko. "Mapuputol na kasi yung lubid na hinahawakan namin dahil sa mabigat kami. Kaya napagdesisyonan kong ibuwis ang buhay ko..Ayokong parehas kami ay mamatay.Kaya mas mabuti na lang na ako ang malaglag sa bangin..At iyon, nalaglag na nga ako. Pero hindi ko na natandaan ang mga sumunod nangyari." sabi ko sabay pahid sa mga luha ko.

"Ang saklap pala ng nangyari sa iyo." sabi niya habang nakatitig sa akin.Makikita mo sa mga mata niya ang  pagkaawa sa akin.."Sa bangin siguro na pinaglaglagan mo, sa baba nito, ay yung ilog. Siguro inagos ang katawan mo. Buti na lang pala ay nakita kita. Kung hindi baka inagos ka na hanggang sa dagat."

"Salamat ha..Napakabait mong tao para " sabi ko sa kanya.

"Wala yun! Kahit sino naman gagawin yun!." sabi niya at ngumiti siya sa akin.

Grabe ang gwapo niya talaga! Lalo na pag nakangiti!

Makapanlaglag ba ng underwear?


Oo! lahat nalaglag na!


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Bigla ko siyang niyakap. Agad din naman akong kumalas dahil narealize ko na ang awkward ng ginawa ko.


Ayy ang tanga! Bakit ko ginawa yun?! Patay!


Patay ka talaga! Eh mukhang mas straight pa yan sa kahit anong straight line eh!


Sh*t ang tanga ko talaga!


"Ah eh sorry ha. Nadala lang ako." hiyang hiya ako sa kanya.

Nginitian lang niya ako.

Phew! Buti na lang hindi siya nagalit sa akin! Siguro naintindihan naman niya ako.


"Halika na, naghanda ang nanay ng pagkain." pag-yayaya niya sa akin.

Lumabas kami sa kwarto, inaalalayan pa niya ako kahit kaya ko ng maglakad.. Actually kulang na nga lang buhatin na niya ko eh.

Aba! Sinuswerte ka naman ata teh?


Che! inggit ka lang!


As if naman na magkakagusto sayo yan?


Malay mo? Malakas ata ang kamandag ko!


Conceited much?


Whatever!


Kumain kami. Si Aling Solidad ang nanay ni Caloy. Nakapagkwentuhan kami habang kumakain. Naikwento ko kay aling Solidad ang mga nangyari sa akin.

"Maraming salamat po sa pag-aalaga ninyo sa akin Aling Solidad." sabi ko.

"Nanay na lang ang itawag mo sa akin,.Hindi ka na naman iba." sabi niya

"Sige po nay. Salamat po ulit." sabi ko.

"Walang anuman. Buti nga at nakita ka nitong si Caloy at nadala ka niya agad rito para magamot ang mga sugat mo. Masakit pa ba?" tanong niya.

"Hindi na po masyado." tugon ko naman.

"Sige, kumain ka ng marami para magkalakas ka at gumaling na iyang mga sugat mo anak." sabi niya.

Mabait si nanay Solidad. Naalala ko tuloy ang mommy ko sa kanya. Napagalaman ko ring nag-iisang anak lamang si Caloy. 18 years old, at highschool lang ang natapos. Kinailangan kasi niyang tulungan ang nanay niya sa mga gawain dahil namatay ang tatay niya 2 taon na ang nakakalipas..At dahil sa namatay ang tatay niya, siya na ang nagtatrabaho para may maipambili sila ng makakain pati na rin ng gamot ni aling Solidad. May sakit kasi ito. Naawa naman ako sa kanila. At naantig rin ang puso ko. Kasi sa kabila ng walang wala na sila, nagawa pa rin nilang tumulong sa iba. Nagawa pa rin nila akong tulungan. Kung sino pa yung wala, ay ito pa yung nagbibigay,. Tunay na mababait ang mga taong ito. Kaya kailangan kong makabawi sa kanila.

Pagkatapos kumain ay tumulong akong magligpit ng pinagkainan,.

"Ay naku anak ako na diyan! Magpahinga ka na lang sa kwarto." Sabi ni nanay.

"Ayos lang po ako nay. Huwag niyo po akong intindihin." sabi ko.

Tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinggan. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko ulit ang magandang view na nakita ko galing sa bintana.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" tanong ni Caloy.

"Oo Caloy, kaya ko na,." tugon ko sa kanya ng nakangiti.

"Ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"16 pa lang po."sabi ko.

"Mas bata ka pala sa akin. kaya dapat kuya ang tawag mo sa akin!" sabi niya sabay akbay sa akin. Mas matangkad siya sa akin.

"Ganun?" sabi ko habang natatawa ng kaunti.

"Oo ah, bakit? mas matanda naman ako sa'yo kaya dapat lang, kuya ang tawag mo sa akin!" sabi niya.

"Sige sige, baka sabihin mo pa, porket sa siyudad lang ako lumaki eh wala na akong galang sa nakakatanda sa akin." sabi ko. "Sige po kuya Caloy."

Nginitian niya lang ako. Dahil sa medyo okay na naman ang pakiramdam ko, nilibot ako ni kuya Caloy sa kanilang lugar. Maganda talaga ang lugar nila. Isinakay pa niya ako sa kalabaw. Grabe, that was my first time na sumakay ako sa isang animal, at sa kalabaw pa talaga ha?

"Sasakay tayo diyan?" tanong ko.

"Oo, wag kang mag-alala, mabait naman itong is Itim, kaya hindi ka malalaglag, isa pa, kasama mo naman ako eh,." tugon niya ng nakangiti.

"Itim?" tanong ko ng may pagtataka.

"Oo! Itim ang pangalan niya." sabi niya.

Natawa ako ng kaunti.

"O bakit ka tumatawa?" tanong niya.

"Wala lang,." sabi ko. "Sigurado ka bang safe yan?" tanong ko.

"Oo, akong bahala sa'yo." sabi niya with his killer smile.

Eh kung ganyan naman ang smile na makikita ko eh di sige go na!


Ganon? ang landi mo talaga!

Nakasakay kaming dalawa sa kalabaw, I mean kay Itim. Nasa harap ako at siya nama'y nasa likod ko, baka raw kasi malaglag ako pag nasa likod ako kaya sa harap niya ako pinaupo. Parang nakaakap siya sa akin dahil nakalagay ang mga kamay niya sa harap ko para hawakan ang tali na magkokontrol kay Itim. Medyo nailang naman ako ng kunti sa set-up namin.

Naku! Naiilang ka ba? Or kinikilig!


Ewan ko! Pero iba nga ang nararamdaman ko nung time na yun. Parang yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Van or si Marco. Yung bang feeling of security. Alam kong kakikilala lang namin pero, magaan na kaagad ang loob ko sa kanya. Siguro nga dahil sa sinagip niya ang buhay ko and I thank him for that.

Magkadikit ang katawan namin,.Pero hindi ako nagpatukso sa set-up naming iyon. Ibinaling ko na lang nag tingin ko sa magandang tanawin habang umuusad na si Itim. "Ang ganda talaga dito kuya Caloy." sabi ko.

"Malayong malayo ito sa siyudad. Kaya ibang-iba ang itsura." sabi niya. "Dati akong nag-aaral sa Maynila,.Nakatira ako sa bahay ng tiya ko. Tapos nagtatrabaho rin ako dun para na rin may maipadala akong pera kina nanay at tatay. Nakagraduate ako sa tulong ng tiya ko. Umuwi ako rito sa amin, pero pag-uwi ko malubha na pala ang sakit ng tatay ko. Hindi naman nila sinabi sa akin na may sakit pala ang itay. Sinubukan kong lumapit sa mga kamag-anak namin para manghingi ng tulong sa pagpapagamot sa itay ngunit sabi ng doktor, hindi na daw kaya pang gamutin ang tatay, dahil sa lubha na ang sakit niya." tumigil siya sandali. Nilingon ko siya at nakita kong pumatak ang luha niya. "Namatay ang tatay ko. Nasaksihan ko ang paghihirap niya,. Walang araw na hindi ako umiiyak habang nakikita ko siyang dumadaing at nasasaktan. Kaya kahit masakit para sa akin ang mawala siya, masaya na rin ako dahil ngayon, alam kong maayos na ang kalagayan niya sa langit. Pero, masakit pa rin talaga..Tapos ngayon, ang nanay ko naman ang may sakit. Kaya tumigil ako sa pag-aaral para magtrabaho. Para may maipanggamot ang nanay ko. Ako lang kasi ang inaasahan ng nanay,." sabi niya at tuluyan na siyang umiyak.

Ang sakit din pala ng pinagdaanan nitong si Caloy. Kawawa naman siya.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa tali na nagkokontrol kay Itim. Kinuha ko ito at iniyakap sa aking tiyan. Niyakap naman niya ako ng tuluyan. "Sige kuya, iiyak mo lang. Nandito ako, para samahan ka." sabi ko sa kanya, paglingon ko, halos magdikit ang mga labi namin. Umaagos ang luha niya galing sa kanyang mga mata. Nginitian ko lang siya at lumingon muli sa harapan.

Inilapit niya ang mukha niya sa aking tenga at sinabing, "salamat ha."

"Wala iyon, tinulungan mo ko, sinagip mo ang buhay ko. Kaya tama lang na ibalik ko sa'yo ang pagtulong mo. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako at makikinig sayo." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"O kuya huwag masyadong mahigpit ah, baka hindi na ko makahinga niyan,." sabi ko sabaw tawa,.

"Sorry,." sabi niya sabay tawa.


Nakarating kami sa ilog. Namangha ako sa nakita ko. Ang linis ng tubig na umaagos sa ilog na ito. Hindi ganoon kabilis ang agos. At may mga bato sa gilid.  "Tara ligo tayo!" sabi niya.


Nagsimula siyang maghubad ng pang-itaas niya. Hindi ko namang maiwasang mapatitig sa kanya. Ang ganda ng katawan niya,. Ang macho,.Walang taba sa katawan, lahat muscles talaga, yung bang parang nag-wowork-out talaga..Sobrang gwapo na talaga niyang tingnan.

Hoy teh! Masyado ka namang makatitig! baka malusaw na siya niyan!


Ayy oo nga.


"Huy maghubad ka na rin at maligo na tayo!" pangyaya niya sa akin.

"Ahh ehh, ikaw na lang kuya." sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"Ahh ehh," sabi ko

"Sige na! 2 araw ka nang hindi naliligo! ang baho mo na!" sabi niya sabay tawa.

"Ang yabang mo! Hmmmp! Diyan ka na nga!" tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.

Hinabol niya ako at pinigilan. Hinawakan niya ang kamay ko. "Uy Av, ito naman hindi na mabiro." panunuyo niya sa akin. "Sorry na..Please..." pagmamakaawa niya.

"Oo na! Sige na! Baka sabihin mo pa ang sama sama ko." sabi ko.

"Yehey! lika ka na ligo na tayo!" sabi niya.

Parang tinatawag ako ng ilog. Parang sinasabi sa aking maligo na ako.

Hala! Mukang nabaliw ka na! Pati ilog kinakausap mo na!


Gaga! Basta! Mahirap iexplain!


Hinawakan ko yung tubig. Hindi naman ito ganun kalamig.

Ngayon ko lang nalaman, nahahwakan na pala ang tubig ngayon hahaha


Che! Tumahimik ka nga muna! Kontrabida ka talaga!


Ah ganon? Sige jan ka na!


At hindi ko na ulit nagsalita ang boses.

"O halika na ligo na!" paglingon ko, nakaunderwear na lang si Caloy. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin palayo sa kanya. Napalunok ako.

OMG, ano toh? bakit ganito? Arggghh. Calm down Av, calm down,.Breathe in,breathe out. Wag papatukso!


Sinubukan kong pigilan ang tawag ng lamang loob ko. Kailangan kong pigilan,. Kailangan hindi niya malaman na isa akong girl!


Lumusong siya sa tubig, ngayon, wala na talaga siyang suot.. It was my first time na makakita ng isang lalaking naka-hubo't bubad. Kung itatanong niyo kung nakita ko na si Van na nakahubad, sorry pero hindi ako pinagbigyan ni Lord,.hahaha. kaya first time ko talaga ito.

"Halika na ligo na!" ang nakangiti niyang pangyayaya sa akin.

No choice,.ughh. ayaw ko namang maging KJ,. chaka isang beses lang naman, pagbigyan na itong mokong na to,.


Nagsimula na rin ako magtanggal ng pang-itaas ko. Pero itinira ko yung shorts na suot ko. Na hindi naman nakalusot sa kanya.


"O hubarin mo na rin yan! Gusto mo bang basa ang damit mo pauwi?" sabi niya,

"Ah ehh." sagot ko

"Parehas naman tayong lalaki ah. Wag ka nang mahiya!" sabi niya

Hahaha! Ikaw lalaki?


Gaga! di ba sabi ko tumahimik ka!


Sorry hindi ko lang mapigilan, paano mo lulusutan ngayon yan? hahah.


Bahala na! Ang alam niya, lalaki ako, kapag hindi ko tinanggal to, mabubuking ako. Arrrggghh pano ba to?


So ayun, nawalan ako ng kahit anong palusot na maisip,. For the first time in my life, nablanko ng mga palusot ang utak ko,. So no choice na,. Hinubad ko na ang shorts ko. "Talikod ka! Wag ka maninilip!" sabi ko.

Tumawa siya at tumalikod naman siya kaagad. Agad kong tinanggal ang underwear ko at lumusong sa tubig,.

Lord, wag niyo po ako hahayaang magkasala,.


Hanggang dibdib ang tubig Medyo lumabo naman ang tubig dahil sa kumalat at nagalaw ang mga buhangin. Maya maya'y binasa na niya ako ng tubig sa mukha at tumawa. Gumanti ako. At ayun, para kaming mga batang nagbabasaan sa ilog, naghahabulan at hindi alintana na wala kaming mga saplot na suot. Buti na lang ay walang tao. Wala kang maririnig kundi ang tawanan lang naming dalawa.

Maya maya'y tumigil siya't nakatingin sa akin at nakangiti.

"O bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko.

"Wala lang." sabi niya. "Gustong-gusto ko kasing magkaroon ng kapatid,. Kaya lang hindi na nagkaanak pa ang mga magulang ko." sabi niya.

"Parehas pala tayo, nag-iisang anak din ako." sabi ko.

"Talaga?"sabi nya.

Tumango ako sa kanya.

"Pwede ba ikaw na lang maging utol ko?" sabi niya.

"Sige ba kuya!" sabi ko.

"Yehey!" lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "Utol!" sabi niya.

And ayun, officially, I had my second big brother. The first one was Van, kung natatandaan niyo pa.

Tinapos namin ang pagligo namin at umuwi na kami. Kinagabihan, nag-ayang uminom ang mga kaibigan ni kuya Caloy. At dahil hindi naman ako umiinom, nagpasiya na lang akong magpahinga. Nakatulog ako. Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako na may nakayakap sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si kuya Caloy. Sa paglingon ko, halos magdikit na ang labi namin. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. Gwapo talaga siya. Naamoy ko sa hininga niya ang amoy ng lambanog na iniinum nila kagabi. Napansin kong wala siyang pang-itaas. Mukhang wala namang nangyari sa amin. Kasi maayos pa rin naman ako, nakadamit at walang masakit. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hatakin pabalik.

"uuuuummmmm...dito..ka muna.." bulong niya habang nakayakap sa akin. magkaharap kami.

"Kuya,.."at hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi., Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw,.

"i love you..." bulong niya..

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Totoo ba ang narinig ko?


Lasing lang yun teh! wag kang masyadong OA jan!


Tama, lasing lang siya't hindi niya alam ang ginagawa niya.


Lumipas ang mga oras at nagising na rin si kuya Caloy.

"Aray! ang sakit ng ulo ko!" daing niya.

"Ayan kasi! naglasing lasing pa kasi kagabi! ayan tuloy!" sabi ni nay solidad.

Tumawa lang ako at tumawa rin si nanay. Kumain kami ng agahan. Hindi ko na binanggit ang nangyari kanina. Pagkatapos kumain ay dinala ako ni kuya Caloy dagat.

Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang nakapunta na ako sa lugar na ito. Pero bakit hindi ko matandaan ng lubusan?


Nakatulala akong nakatingin sa malawak na dagat ng biglang nagtanong si kuya Caloy. "O bakit parang ang lalim ng iniisip mo tol?"

"Para kasing napuntahan ko na tong lugar na to,..hindi ko lang matandaan kung kailan." sabi ko ng may pagtataka.

"Bakit nakapunta ka na ba dito?" tanong niya.

"Hindi ko alam.. sa tuwing pupunta kasi kami dito sa Batangas, eh sa resthouse lang namin kami nagpupunta.." sabi ko.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang may lumapit sa aking lalaki,. mas matangkad siya kaysa sa akin, maputi, matangos ang ilong at nung tinanggal niya ang shades niya, nakita ko yung asul niyang mga mata. Foreigner at ito.

"Sam?" tanong niya,.pinagmasdan niya ang mukha ko,.

Sam? ano raw?

"Excuse me?" sabi ko.

"Sam! ikaw nga!" sabi niya sabay akap sa akin.

Hala! sino tong tao na to? At bakit may yakap pang kasama? Chaka sino yung Sam na sinasabi niya?




---------------------------
Until the next episode,
Av.


[02] Am I Really Av Lopez?
"Sam!", sabi niya, masayang masaya siya at halos maiyak siya sa tuwa. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Hala! sino toh?! Aba! hindi porket gwapo ka eh magpapayakap na ko kaagad sa'yo!


Naku kunyare ka pa!


He's a complete stranger,..pero..para ngang kilala ko siya,.parang iba yung feeling ko sa kanya eh.


ano? natatakot ka? masaya ka ba? or...nalove at first sight ka na?!


Gaga!


Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. "Uhmm, excuse me but you might have mistakenly thought I was someone else.." sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "No, I can't be wrong. YOU ARE SAM!" sabi niya.

Aba! ang kulit! Sabi nang hindi ako yung Sam na sinasabi niya eh,. naku isa pang pamimilit eh saSAMpalin ko na to!

"I'm sorry but I'm not that 'SAM' you're talking about." at talagang in-emphasize ko yung pangalan na Sam.. "My name's Av,. not Sam. okay?"  ang medyo inis kong sabi sa kanya.

"But.." at hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang lumapit ang isa pang lalaki.

"Kuya Ken, we have to.." hindi din natapos ang sasabihin niya ng biglang napako ang tingin niya sa akin. Nagulat ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata namin ni kuya Caloy. Kamukhang kamukha ko siya! As in parang pinagbiyak na mangga! The eyes, the nose, the lips.

OMG.Bakit kamukha ko siya?


Magkaiba lang kami ng haircut. Semi-kalbo ang buhok niya, ako naman, nakamohawk, yung parang may palong ng manok sa ulo, haha..

Wow teh! gwapo ka pala kung naging lalaki ka!


Tama naman ang boses..Parang nabighani ako sa itsura nung taong kamukha ko. Gwapo siya. Astig tignan. Lalaking lalaki. Mas malaki ang katawan niya sa akin ng kaunti at mas matangkad ng mga ilang inches.  Mas dark ng kaunti ang skin tone niya kaysa sa akin.

"Sam.." bulong ng lalaking kamukha ko..

Naku eto pang isa na to. Sam ng Sam, hindi naman ako si Sam.


Pero hindi mo ba naisip kung bakit kayo magkamukha?


Natahimik ako..Maya-maya'y may lumapit na isang babae.."Mga anak, come on! We have to go now! May pupun-" hindi rin natapos ang sasabihin niya ng mabaling sa akin ang tingin niya..Tumingin siya sa lalaking kamukha ko.."Oh my gosh.." sabi niya.. biglang nagtubig ang mga mata niya.."Sam..anak ko.." sabi niya,. lalapit na sana siya sa akin ngunit bigla akong tumakbo palayo sa kanila. Sinundan naman ako ni kuya Caloy.

"Anak ko! sandali! bumalik ka!" sinubukan niya akong habulin, pero hindi siya nagtagumpay. Narinig ko ring sumisigaw yung Ken ng, "Sam! Wait!" ngunit hindi ko sila pinansin lahat. Naiwang nakatayo't nakatulala lamang ang lalaking kamukha ko.

Patuloy akong tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. May side sa pagkatao ko na gusto ko silang yakapin. Pero may side din naman na pumipigil sa akin na gawin ko iyon. Hindi ko pinapansin ang buong paligid ko..Nagulat na lang ako ng biglang may isang sasakyang bumusina sa harap ko.

"Av!" sigaw ni kuya Caloy.

Parang biglang nagising ang buong diwa ko. Muntik na pala ako masagasaan ng isang sasakyan. Buti na lang ay nakapagpreno ang driver kaagad. Biglang pumatak ang luha ko. Nilapitan ako ni kuya Caloy at hinawakan ang magkabila kong braso. "Bakit ka tumawid? Muntik ka na masagasaan!" sabi niya. Pero hindi pa rin ako nagsasalita at patuloy na pumapatak ang aking mga luha. Niyakap niya ako't itinabi sa daan. Nanghingi na rin siya ng paumanhin sa driver ng sasakyan. Buti naman at mabait ang driver at hindi na nakipag-away pa. Umuwi kami sa bahay nila ngunit hindi pa rin ako nagsasalita. Nakita ako ni nanay Solidad at nagtanong kung anung nangyari ngunit hindi pa rin ako sumagot at tumuloy sa kwarto. Naupo ako sa sulok ng kwarto.

Bakit ko siya kamukha? Bakit nila ako tinawag na Sam? At bakit niya ako tinawag na anak?? Ampon lang ba ako? Pero...hindi...hindi pwede...anak ako ng mommy at daddy ko..I am Ace Vince Raven Lopez.. I'm not Sam.


Pero paano kung hindi nga talaga ikaw si Av Lopez? Paano kung ikaw nga talga yung sinasabi nilang Sam? Baka kakambal mo yung nakita mo..Hindi naman siguro pwedeng basta kamukha mo lang siya, diba?


Kailangan ko nang makauwi.Kailangan kong malaman ang totoo. At makakasagot lang nito ay ang mga magulang ko.


Paano kung ampon ka nga lang talaga? Anong gagawin mo?


Hindi ko alam...


Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng biglang lumapit sa akin si kuya Caloy at naupo katabi ko. "Kilala mo ba yung mga tao na yun? Sila ba ang pamilya mo?" tanong niya.

"Hindi ko sila kilala.." sagot ko.

"Eh bakit kamukhang kamukha mo yung isa dun? At bakit ka tinawag ng babae na anak ka niya? At isa pa, diba Av ang pangalan mo? Bakit ka nila tinatawag na Sam?" sunud-sunod niyang tanong.

"Hindi ko alam..." yung lang ang nasagot ko.

Hindi na muling nagtanong si kuya Caloy.. Siguro naramdaman niyang hindi ko talaga alam kung bakit nga ganun.

"Kailangan ko ng umuwi kuya..."sabi ko.

"Pero Av,." sabi niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya't tinignan siya sa mga mata. "Kuya please..." sabi ko habang tumutulo ang luha ko..

Pinunasan niya ang mga luha ko't sinabi. "Sige,. ihahatid na kita pauwi."

"Salamat kuya pero huwag ka ng sumama kuya, kailangan ko tong gawing mag-isa..Ituro mo na lang sa akin ang sakayan..Dito ka na lang. bantayan mo na lang si nanay Solidad." sabi ko.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Sige." sabi niya.

"Salamat kuya." at niyakap ko siya.

Inihanda ko na ang aking sarili. Kinuha ko yung mga dati kong damit, ipinahiram naman sa akin ni kuya ang mga damit niya para iyon na lang daw ang suotin ko. Hindi na kasi natanggal ang stain ng dugo sa mga dati kong damit. Nagpaalam na ako kay nanay Solidad pero sinabi ko naman sa kanyang dadalawin ko rin sila. Hinatid ako sa sakayan ni kuya Caloy. Naisipan ko munang dumaan sa resthouse namin. Nagbabakasakali akong may tao doon, since doon ako huling nakita ng mga tao.

"Kuya pwede mo muna ba akong samahan sa resthouse namin?" tanong ko. Pumayag naman siya. Sinabi ko kung saan ang resthouse namin at napag-alaman kong malapit lang din pala iyon. Mga ilang barrio lang ang lalampasan at naroon na kami.

Pagdating sa resthouse namin, nakita ko na kaagad ang sasakyan namin sa labas. Agad akong kumatok sa pinto. "Mommy! Mommy!" sigaw ko habang ako'y kumakatok sa pinto.

Ng bumukas ang pinto'y nakita ko si Daddy. "ANAK!" tuwang tuwang sabi ni daddy. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Daddy!" sabi ko naman. Pumatak muli ang luha ko. Ang saya-saya ko. Biglang nawala lahat ng mga katanungan ko sa aking isip. Napalitan ito ng saya dahil nakita ko ng muli ang aking mga magulang..

"Thank God at buhay ka anak ko!" sabi ng daddy ko habang yakap yakap niya ako. Hinalikan niya ako sa noo. "Rosalie! Rosalie! Halika dito! Nandito na ang anak natin!"

Agad namang pumunta si mommy papunta sa amin. "Anak!!!!" sigaw ni mommy. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang tuwa. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Mommy!" sabi ko. Umaagos na talaga ang mga luha ko ngayon. Namiss ko ng sobra ang mga yakap ng mga magulang ko. "Anak ko..salamat sa Diyos at hindi ka niya pinabayaan. Araw-araw kong pinagdadarasal na sana ay nasa mabuti kang kalagayan." sabi ni mommy. Mga ilang minuto rin ang nakalipas ng biglang mapansin ni daddy si kuya Caloy.

"Av anak, sino tong kasama mo?" tanong ni daddy.

"Mommy, Daddy, si kuya Caloy po, siya po ang nakakita't nag-alaga sa akin nung nahulog ako sa bangin." sabi ko.

"Magandang araw po!" bati ni kuya Caloy kina mommy at daddy.

Kinamayan ni daddy si kuya Caloy, "Maraming salamat sa'yo at hindi mo pinabayaan ang anak namin. Babawi kami sa'yo," sabi ni daddy.

"Naku huwag na po, ayos lang po iyon." sagot naman ni kuya Caloy.

Nginitian lang ni daddy si kuya Caloy. "Basta babawi kami sa iyo,."

Ngumiti lang din si kuya Caloy. Nilapitan naman siya ni mommy. Niyakap siya ni mommy. "Maraming salamat. Napakabait mong tao."

"Wala pong anuman. Mabait rin naman po ang anak ninyo kaya hindi naman po ako nagsisisi na tinulungan ko po siya." sagot naman ni kuya Caloy. "Sige po mauna na po ako, hinihintay pa po kasi ako ng nanay ko."

"Sige mag-iingat ka ha." sabi ni mommy.

Nilapitan ko si kuya Caloy at niyakap ko siya. niyakap rin naman niya ako. "Salamat kuya. Utang ko sa'yo ang buhay ko."

"Wala yun tol! Dadalawin mo kami ni nanay ha?" sabi niya.

"Ou, dadalawin ko kayo ni nanay Solidad. Kapag maayos na ang lahat. Pangako." sabi ko.

"O sige na. Hinihintay na ko ni nanay. Ingat ka dito ha?" sabi niya.

Tumango ako. "Ingat ka rin kuya!" sabi ko. At umalis na si kuya Caloy.

Pumasok na kami sa loob. Dumirecho ako sa kwarto ko dun at naligo. Habang naliligo ako, biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari sa beach kanina. Napatulala tuloy ako habang nasa harap ako ng shower. Umaagos ang malamig na tubig galing sa shower papunta sa katawan ko habang nakatulala lang ako doon na parang statwa't hindi gumagalaw.

Kailangan ko na talagang malaman ang totoo.


Tama. kailangan mong malaman ang mga sagot sa mga tanong mo.


Totoo bang anak ako nina mommy at daddy? At kung ampon lang ako, paano ako napunta sa kanila? Pinaampon ba ako? Pinamigay? Ako ba talaga si Sam?


Bakit hindi mo iyan itanong sa mga magulang mo?


Tama. kailangan ko ng mga sagot nila.


Agad kong tinapos ang pililigo ko't nagbihis. Bumaba ako papunta sa dining area. Nakahanda na ang pagkain namin at nakaupo na ang daddy at mommy ko. Umupo na rin ako. Habang kumakain,.

"O anak, hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo, hindi ka ba nagugutom?" tanong ni mommy.

"Mommy..Daddy..may itatanong po ako sa inyo..sana po sabihin niyo po sa akin ang totoo.." sabi ko habang nakayuko.

"O sige anak, ano ba yung itatanong mo?" tanong ni Daddy.

Itinaas ko ang mga mukha ko. "Mommy...Daddy...Anak niyo po ba talaga ko?" tanong ko. biglang pumatak ang luha ko,.

Biglang nagtinginan sina mommy at daddy. "S-siyempre naman anak! Anak ka namin ng mommy mo!" sabi ni daddy.

"May nakita po kasi akong babae kanina. Tinawag niya akong anak. Anak daw niya ako. Tapos, may nakita rin po akong lalaking kamukhang kamukha ko.." sabi ko.

Natahimik ang mga magulang ko sa sinabi ko.

"Mommy, daddy, please...sabihin niyo po sa akin ang totoo." sabi ko habang umaagos ang luha ko. "I want to know the truth!"

Nilapitan ako ni mommy at niyakap ako. "I'm sorry anak..I'm sorry.." at umiiyak na rin si mommy.

"Pauwi kami ng mommy mo noon sa bahay natin sa Cabanatuan galing dito." sinimulang kinuwento ni daddy ang nangyari. "Malakas ang ulan. Nakasakay kami sa kotse. Habang binabaybay namin ang kalsada sa isang bayan sa Cavite, biglang napansin ng mommy mo ang isang bata sa tabi ng daan..Huminto kami at bumaba ang mommy mo. Nakita ka niyang basang-basa, nanginginig sa lamig at umiiyak. Mga 2 taong ka pa lang nuon. Kinuha ka ng mommy mo at dinala ka namin sa ospital dahil mataas ang lagnat mo.." huminto si daddy para magpahid ng luha.

Pinagpatuloy naman ni mommy ang kwento. "Ipinagamot ka namin..Sabi ng mga doctor, buti raw ay naipagamot ka namin kaagad, dahil kung hindi ay baka raw mas malala pa ang naging kalagayan mo. Habang nasa ospital ka kasama ko, napagpasiyahan naman ng daddy mo na hanapin ang mga magulang mo. Ngunit siya'y nabigo. Ilang araw rin ang nakalipas at nailabas ka na rin namin sa ospital. Niyakap mo nga ako at tinawag mo akong mommy. Ang saya saya ko nung araw na iyon. Wala kasi kaming anak ng daddy mo. Hindi kami biniyayaang magkaroon ng anak. Hanggang sa dumating ka." Hinawakan ni mommy ang magkabila kong pisngi at ngumiti sa akin habang parehas na pumapatak ang mga luha namin,.

"Kaya napagpasyahan naming ampunin ka." sabi ni daddy,."Kaya naaalala mo ba nung bata ka pa? Nung tinatanong mo samin kung nasaan ang mga baby picture mo?"

"Opo..ang sinabi ninyo sa akin ay nasunog lahat ng iyon dahil nasunog ang bahay natin nuong dalawang taong gulang pa lang ako." sagot ko.

"Tama.." sagot ni daddy. "Patawarin mo kami anak." nilapitan niya kami ni mommy at niyakap ako.."Hindi naming intensyong saktan ka..Hindi rin namin intensyong itago sa'yo ang lahat..Sasabihin naman talaga namin sa iyo,. hindi lang kami makahanap ng tamang oras. Pero ngayong alam mo na. Sana huwag kang magalit sa amin ng mommy mo." sabi ni daddy.

"Hindi naman po ako nagagalit sa inyo daddy. Nagpapasalamat pa nga po ako sa inyo. Dahil naging napakabait niyong magulang sa akin. At itinuring niyo akong isang tunay ninyong anak. Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo." sagot ko.

"Mahal na mahal ka namin anak." sabi ni mommy.

"Mahal na mahal ko rin po kayo mommy, daddy." sagot ko. at niyakap ko si mommy ng mahigpit at tuluyan ng humagulgol,.Nakayakap naman sa likod ko si daddy. Lahat kami'y umiiyak habang nakayakap sa isa't-isa.

Kinagabihan, nagpunta ako sa dalmpasigan at naglakadlakad.

Paano na kaya ako ngayon?. Ngayong alam ko nang ampon ako, sino talaga kaya ako? Ako kaya talaga si Sam?


Ikaw nga talaga siguro si Sam.


No..I'm not Sam.. I'm Av.. I'm Av Lopez. Anak nina Vincent at Rosalie Lopez. at hindi yun magbabago.


Pero kailangan mong tanggapin ang totoong ikaw. Ikaw si Sam. Anak nung babae kanina. Kakambal nung gwapong lalaki. At siguro eh kapatid ka ni kuyang gwapo na mukhang foreigner!


Nag-isip ako ng matagal,. Tama ka. kailangan ko ngang tanggapin..Pero paano? Iyan ang tanong na bumabagabag sa utak ko hanggang sa aking pagtulog.

Paggising ko, naghilamos ako't bumaba sa sala. Nagulat ako sa aking nakita. Naroon si kuya Caloy at ang mga magulang ko na nakaupo. Naroon rin yung babae kahapon. May kasama siyang isang lalaking foreigner, na possibly eh asawa niya, and possibly tatay ko. May kasama rin silang 3 lalaki pa, yung dalawa kahapon at may isa pa, ang mga possible brothers ko. Nakatingin lang silang lahat sa akin. Parang nanigas ang buo kong katawan habang nakatayo sa hadganan.

This is it teh!


Pwede bang mag-back-out? Or pwede time-out muna? Wait lang kukuha muna ko ng lakas ng loob sa bag ko.


Gaga! Harapin mo na! It's now or never!


Ugghh..Pano toh?! Somebody help me!




--------------------------
Until the next episode,
Av? or Sam?


[03] Sam Wilson
Para akong matutunuaw sa mga titig nilang lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..Parang hindi ako makahinga..

OMG..hindi ko pa talaga kaya ata to eh..


Kayanin mo! batukan kita jan eh! Arte mo!


Gaga! sige nga palit tayo ng pwesto!


Nilapitan ako ni mommy. "Anak..sila ang tunay mong pamilya.." sabi niya. Bakas sa boses niya ang lungkot ngunit tpilit niya itong itinatago.

"Paano naman po kayu nakakasiguro na sila nga po ang totoo kong pamilya?" tanong ko kay mommy. Siyempre kahit alam ko sa loob ko na sila na nga talaga ang tunay kong pamilya, hindi ko pa rin fully tanggap.

"We are your real family.." sabi nung "tunay na tatay" ko. (ata)

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. He's a foreigner. Kano. He's tall, blonde ang buhok, matangos ang ilong. Tapos yung mga mata niya, kulay blue, katulad nung sakin at dun sa kamukha ko, na kakambal ko. (ata)
Naka-simple casual attire lanag siya. Maputi siya. Gwapo siya actually, kaya siguro nagbunga din ng mga gwapong anak.

At isang magandang anak.


Ha? ano? sino maganda?


Edi ikaw! mukhang ikaw ang only girl sa mga anak niya!


Gaga!


"Sila ang tunay mong pamilya anak ko..at kung gusto mo ng pruweba, ayan.." tinuro niya yung lalaking kamukha ko. "Siya ang kakambal mo, di ba siya yung nakita mo kahapon?."

Nagkatitigan lang kami ng kakambal ko. I still feel uncomfortable with everything. Siyempre hindi ako sanay na may kakambal ako, kamukhang kamukha ko, na nakaharap sa akin. Basta! parang ang weird kasi parang nakaharap sa salamin..tininingnan ko lang siya na bakas sa aking mga mata na uncomfortable pa rin ako. Pero iba yung sa kanya. Hindi ko nakita yung saya sa mga mata niya ng makita niya ako. Kasi yung dalawa kong kapatid, nakangiti sa akin.. pero siya, parang wala nga akong mahagilap na emosyon sa mga mata niya..

"We're here para bawiin ka Sam." sabi ng tunay kong nanay.

"NO!" sigaw ko bigla. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kasi babawiin na nila ako..ibig sabihin, mawawalay na ko kina mommy and daddy.. Biglang tumulo ang luha ko.

"Anak.." sabi ni mommy. nanggigilid na rin ang mga luha niya. Kinakalma niya ako na parang sinasabing maghinay-hinay muna ako sa mga salita ko..dahil sila nga ang tunay kong mga magulang at hindi ko dapat gawin yun.

Bigla akong nagwalk-out at tumakbo sa may beach.. Tumigil ako at biglang bumigay ang mga paa ko't napauopo ako sa buhangin.. Patuloy pa ring dumadaloy ang luha ko. Nakatingin lang ako sa malayo.. Hinahayaang pumatak ang mga luha ko, kasabay ng paghampas ng alon.

NO! This can't be happening! Ayoko! ayoko!!!


Pero Av..sila ang tunay mong pamilya.


I don't care kung sino ang tunay kong pamilya at hindi! I can't go with them! I don't want to go with them! I'm staying here with my mom and my dad. Sila ang pamilya ko!


Av..You have to face the fact na sila ang totoo mong pamilya. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin..


Alam mo na masakit?! Bakit?! naranasan mo na ba to ha?! Hindi mo alam kung gaano to kahirap! Hindi mo alam kung gaano kasakit! Hindi mo alam!!!!


You're right..maybe I really don't know how it feels. Pero hindi mo ba naisip yung punto ko? Hindi mo ba gustong makilala yung totoo mong mga magulang? Totoo mong pamilya? Don't you feel uncomplete?


I'm contented with what I have right now. I'm not asking for more. Kumpleto na ang buhay ko ng kasama ko ang mommy and daddy ko!


Pero hindi ang pagkatao mo!


Tama siya..Hindi nga buo ang pagkatao ko..dahil kalahati lang or 1/4 pa yata ng buong pagkatao ko, ay si Av Lopez..yung natitira, si Sam na..Parang sasabog yung utak ko sa lahat ng mga bagay na bumabagabag dito.. Sinasabi ng boses sa utak ko, ako si Sam. Sabi ko naman, ako si Av.. ang gulo!!!


Nasa ganoon akong pag-eemote sa beach, ng biglang lumapit sa akin si kuya Caloy.

"Tol." sabi niya. Hinawakan niya ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong malungkot din ang mukha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sige,.ilabas mo lang iyan..nandito lang si kuya Caloy mo.." sabi niya habang nakayakap sa akin. Tuluyan naman akong umiyak at humagulgol sa kanya..

"Sorry ha..Ako kasi ang nagsabi sa kanila kung nasaan ka..Nagpunta kasi sila sa bahay kanina..Hinahanap ka..Naawa ako dun sa babae, kasi umiiyak siya at nagmamakaawang sabihin kung nasaan ka. gustung-gusto ka raw kasi niyang makita..mayakap..makasama..kaya wala na akong nagawa kungdi ang sabihin na lang kung nasaan ka..." tumigil ng bahagya si Kuya Caloy.. "Kung alam ko lang...kung alam ko lang na masasaktan ka ng ganito...edi sana hindi ko na sinabi sa kanila kung nasaan ka..patawarin mo ako Av..I'm sorry." sabi niya..umiiyak na rin siya..

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.. "Wala kang kasalanan kuya.." nginitian ko siya. "Tinulungan mo lang sila...ginawa mo lang kung ano ang tama.."

"Pero nasaktan ka Av." sabi niya,.

"Oo, nasaktan ako.." tumigil ako sandali, naisip ko ulit yung sinabi ng boses sa utak ko..at narealize ko na tama siya.. ".masakit malaman ang totoo..pero kailangan ko tanggapin..kahit mahirap,..kahit masakit..kailangan ko tong tanggapin...dahil yung ang dapat gawin..." sabi ko.

"Tama ka Av..Yun ang dapat mong gawin..karapatan mong malaman ang totoo...karapatan mo ring makasama ang tunay na pamilya mo..at karapatan din nilang makasama ka, pagkatapos ng ilang taong nawalay ka sa kanila..Kaya sana..bigyan mo sila ng pagkakataon para maging parte ulit ng buhay mo..bigyan mo sila ng chance para maging pamilya mo..bigyan mo sila ng chance para mahalin ka nila.." sabi ni kuya Caloy. natahimik lang ako.."kaya buksan mo yang puso mo..buksan mo yan para sa kanila..."

Tama si kuya Caloy..kailangan ko nga sila bigyan ng pagkakataon..para makilala ko sila, at makilala rin nila ako.

O ano? naniniwala ka na?


Oo na..tama ka na...mali na ako!


Mali ka nga. pero hindi naman kita masisisi...natural lang din naman ang naging reaksyon mo..nahihirapan ka, nasasaktan..nadala ka ng mga emosyon mo..pero wag mong kakalimutang buksan ang isip mo..kailangan mong tanggapin ang totoo.kahit masakit..kahit mahirap..


Oo na po! Sinabi ko nga rin yan diba? Paulit-ulit? Parrot lang teh?


Gaga! Dagukan kita diyan eh! Ikaw na nga lang dinadamayan diyan! Che! Diyan ka na nga!


Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa boses ng utak ko ng biglang lumapit yung mga kapatid ko.

Wow! How can you be so sure na kapatid mo silang lahat??


Manahimik ka na nga lang diyan? wag ka na makielam okay?


"Ah sige Av, maiwan ko muna kayo,." sabi ni kuya Caloy..nagpaalam siya sa amin.

Tumayo ako at nagpagpag ng mga buhangin sa katawan.. Nakatingin lang ako sa kanila at nakatingin lang naman silang tatlo sa akin..Nakangiti sa akin yung Ken..tpos yung kakambal ko naman,..ewan ko..hindi ko maintindihan..iba yung aura niya..

Wow! Psychic ka na rin ngayon? grabe te ha! may aura aura ka pang nalalaman!


Shhh! Shut up!


Lumapit sa akin si Ken.."Sa- I mean Av.. I'm Ken..Kristoff Ezekiel Nicholas Wilson.." iniabot niya sa akin yung kamay niya.

Hindi ko alam kung bakit pero, parang gusto ko siyang yakapin..Ewan!

Naku! ang sabihin mo, gusto mo lang chansingan yang kuya mo!


Gaga! kapatid ko yan! Abnormal ka talaga!


Naku naku!


Inabot ko ang kamay ko't nakipagkamay sa kanya..

So wait..Wilson?? So I'm Sam Wilson??


Tumpak!

Sumunod namang lumapit yung isa pa..

"I'm Max. Marc Anthony Xyrus..your other kuya." at nginitian niya ako. "kuya Ken's older than me by the way." nakipagkamay din ako sa kanya.

Gwapo rin si kuya Max. Matangkad din..moreno..HOT.

Ang landi mo! may HOT HOT ka pang nalalaman!


Che! Anyway. Matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, brown ang mga mata niya katulad ng kay kuya Ken..makapal ang kilay..brown ang buhok..sa mga features nia, makikita mo kaagad at malalamang half pinoy siya. Ay oo nga pala, nakalimutan ko yung pinakacute na bagay sa kanya,.. yung dimples niya..ang cute kasi tingnan..mas lalo siyang gumagwapo.

Hala! Nainlove sa sariling kuya? Ganyan ka na ba ka-obsessed sa lalaki at pati kadugo mo tataluhin mo?


Bugak! Dinedescribe ko lang yung tao!

Huling lumapit si kakambal ko.."Hi,." sabi niya.

"Hi.." sabi ko naman at nginitian siya.

"I-I'm..I'm Sai..Stephen Ace Isaac..I'm your twin brother Sam.." Pero hindi niya ako kinamayan, sa halip, nginitian niya lang ako..

Ganun? Taray naman ng kambal mo! Pero infairness, gwapo silang lahat!

We went inside the house..Nilapitan ako nung tunay kong nanay at tatay..

"Sam anak.." nilapitan ako ng tunay kong ina..Iba yung naramdaman ko..Parang ang gaan nga ng loob ko sa kanya..

Hello? Siyempre! Nanay mo yan eh!


Whatever!


Niyakap ko rin siya..humarap siya sa akin.."Ako nga pala ang mama Amy mo.." Sumunod naman akong niyakap ng tunay na ama ko. "My son..I miss you so much.." naiyak naman ako..hindi ko alam kung bakit pero, parang nararamdaman ko yung pagmamahal ng tatay ko sa akin.."By the way, I'm your papa Jim."

After ng mga yakapan, nakita ko ang mommy at daddy ko na umiiyak. Pero nakangiti sila parehas sa akin..

"Kung hindi ka pa handa..naiintindihan namin..tutal alam naman naming nasa mabuti kang kalagayan, mapapanatag na rin ang loob namin.." sabi ni mama Amy..

"Iyon din po sana ang hihilingin ko sa inyo..mama.." sabi ko.

Bigla siyang nangiti at niyakap akong muli ng marinig ang salitang "mama"..."Anak ko.."

"Don't worry Mr. and Mrs. Wilson, hangga't nasa poder namin si Av..Sam..ay aalagaan namin siyang mabuti at hinding hindi papabayaan." sabi ni daddy.

"We're not worried at all. We know he's in good hands..and we would like thank you for taking good care of him and loving him like your own..Maraming salamat.." sabi ni papa Jim. Natawa naman kami sa pagkakasabi niya ng "maraming salamat" kasi slang yung pagkakasabi niya. Yung tipong hindi pa talaga siya marunong magtagalog pero mukhang nakakaintindi naman siya.


"No problem..I know you would do the same if our son was in his situation." sagot naman ni daddy.

Niyakap na nila ako isa-isa, pwera kay Sai, kay kambal ko...Siguro naninibago pa rin sa lahat..gaya ko..kambal nga talaga kami, pati nararamdaman parehas..Paalis na ang mga Wilson ng biglang may sinabi si kuya Ken..

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ma, Pa..can I........"




------------------------
Until the next episode,
Sam.


[04] Kuya :)
"Ma, Pa..can I stay here with Sam?"

Nagulat ako sa sinabi ni kuya Ken.

Why does he wants to stay here?


Maybe he wants to know you more!


Wow! Hindi ka naman ba nag-nose bleed sa sinabi mo? English!


Gaga!!


Anyway,..


"Hmmm. If it's okay with Mr. and Mrs. Lopez, why not?" sabi naman ni Papa Jim.

"Mr. and Mrs. Lopez, can I stay here with Sam?" tanong ni kuya Ken kina mommy and daddy.

"You can call me tito." sabi ni daddy at nginitian niya si kuya Ken.."Sure! you can stay."

"Thank you po tito!" para siyang isang batang napagbigyan ang kahilingan.. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti din naman ako sa kanya.

Shocks! Ang gwapo niya talaga! Grabe!


ehem ehem! Paalala lang po,.. KUYA MO PO YAN!


Ayy ou nga pala...Sayang!


Sayang ka jan! Ang landi mo talaga!


"Can I stay too???" tanong naman ni kuya Max.

"Sure!" sagot ni mommy. Natawa naman kami.

"What about you Sai? Hindi ka ba sasama sa mga kuya mo at kay Sam dito?" tanong ni mama Amy.

"Uhhmm..Maybe next time..I have a lot of things to do.." sabi ni Sai.

Naku! palusot lang yan!


Hayaan na lang natin siya..Sabi ko nga, baka naninibago pa rin siya.. Ako rin kaya naninibago,.


And so ayun nga, nag-stay sina kuya Ken at si kuya Max sa resthouse namin. Pinag-stay din naman hanggang hapunan si kuya Caloy..Naglalakad kami ni kuya Caloy sa dalampasigan,. Sina kuya Ken naman, nasa loob kausap sina daddy at mommy.

"Mukhang dapat Sam na ang itawag ko sa'yo ngayon." sabi ni kuya Caloy.

Tumigil ako at tumingin sa malawak na karagatan...Habang nasa harap ako ng isang magandang sun-set at nilalanghap ang sariwang hangin, napabuntong-hininga ako..

"Bakit? May problema ka ba tol?" tanong niya..

"Si Sam ang hinahanap nila..pero si Av ang natagpuan nila.." sabi ko.

"Av,..Sam..Parehong ikaw yun." sabi ni kuya Caloy.

Tama si Caloy!


Haaayy..

"Hindi ko alam kung paano maging si Sam, ni hindi ko nga alam kung gugustuhin ko pang maging si Sam eh." sagot ko naman.

Inakbayan niya ako.."Hindi mo naman kailangang gawin yun eh..sa simula pa lang, ikaw na si Sam..kaya ang ikaw ngayon ay si Sam..nagpalit ka man ng pangalan, ikaw pa rin si Sam Wilson.."

Tama siya..Sa simula pa lang, ako na talaga si Sam Wilson,..hindi ko lang alam..kaya kung ano man ako ngayon, ako pa rin si Sam Wilson..


Tama!!!


Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya..Niyakap niya ako..niyakap ko rin siya.,Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang dumating yung mga kapatid ko.

"Ehem ehem." sabi ni kuya Ken.. Natawa naman si kuya Max sa ginawa niya.

Bigla kaming nagkalas ni kuya Caloy at nag-ayos ng mga sarili..

"Caloy, tito needs to talk to you inside,." sabi ni kuya Max..

"Ah eh ganun ba? sige.."sabi ni kuya Caloy.."Sige, pasok muna ko tol,..Ken, Max." paalam niya, tumango siya kina kuya at pumasok na sa loob.

Pagkaalis ni kuya Caloy, nakatingin lang sakin sina kuya at nakangiti..

Anong problema ng mga tao? Ganyan makangiti?


Para kasing may meaning yung mga ngiti nila..

"B-bakit?" tanong ko..

"Nothing.." sabi ni kuya Ken,. nakangiti pa rin siya sa akin.

Lumapit sa akin si kuya Max at inakbayan ako.

"Sam..bunso.." sabi ni kuya Max.

Parang biglang tumalon yung puso ko ng narinig ko yung word na "bunso". Ewan ko kung bakit pero, ganun yung effect sakin kapag tinatawag akong "bunso". Lalo na ngayon na mga tunay na kapatid ko na talaga ang tumatawag sa akin ng ganun.

"So I'm the youngest one pala.." bulong ko.

"Oo..Ikaw ang bunso namin..eventhough you and Sai are twins, mas matanda pa rin siya sa'yo. Since he was born first.." sabi naman ni kuya Ken.

"Bunso..." sabi ni kuya Max.

"Yes po kuya??" sabi ko naman.

Aba! At career na talaga huh! Kuya na talaga?!


Siyempre! Kapatid ko nga diba? Ikaw ang shunga mo talaga!


Che!


"Tell me the truth..." sabi ni kuya Max.

"We're not going to be mad naman.." sabi naman ni kuya Ken.

Bigla naman akong kinabahan,. Ano naman kaya itatanong ng mga to sakin?


"Ano po yun kuya?" tanong ko..napalunok ako..

"Kayo na ba ni Caloy?" tanong ni kuya Max.

Hahahahaha! Buking ka!


Hala! anong sinasabi nito?!


"A-ano kuya???" sabi ko.

"Are you and Caloy,.together???" tanong ni kuya Ken..

"Hindi po!" depensa ko kaagad..

Which is totoo naman..Hindi naman talaga kami ni kuya Caloy.


"Bakit niyo naman po nasabi yan kuya??" sabi ko.

"Wala naman..We just notice na ang close close niyo sa isa't-isa..tapos naikwento na rin sa amin nila tito and tita, everything about you.." nakangiting sabi ni kuya Max.

"Everything?!" nabigla ako.

"Yes..EVERYTHING.." sabi naman ni kuya Ken.. Nakangiti pa rin sila sa akin..

Parang biglang gumuho ang mundo ko.

OA naman!


Che!


"Don't worry..Sabi nga namin, hindi kami magagalit." sabi ni kuya Ken.

"S-so ngayon alam niyo na..." sabi ko.

"Sam..It's okay..At least ngayon meron na kaming kapatid na...uhmm..girl????" sabi ni kuya Max sabay tawa..

Siniko ko siya sa tiyan.. "Uhmm!"

"Easy! Joke lang!." sabi niya.

"Okay lang yun Sam..Tama si Max..at least ngayon, meron na talaga kaming baby,.na proprotektahan namin..aalagaan.." sabi naman ni kuya Ken..

Natouch naman ako sa sinabi niya..Ganito pala feeling kapag may mga kuya ka talaga,.


Napag-pasyahan naming maupo sa buhangin habang pinapanood ang sun set. Ang cute ng pose namin. Sa kanan ko, nakaakbay sa akin si kuya Ken at nakapatong naman ang ulo ko sa balikat niya..Sa kaliwa ko naman, nakahiga sa buhangin si kuya Max at nakapatong ang ulo niya sa hita ko..

"Ang sarap pala ng ganito.." sabi ni kuya Ken..

"Huh? What do you mean kuya?" sabi ko..

"Kasi kapag kaming tatlo nila Sai ang magkakasama, hindi namin to nagagawa.." sabi niya..

"Ang alin??" tanong ko.

"Eto..yung ginagawa natin ngayon.."

"Bakit po? Hindi po ba kayu okay ni Sai?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganun..Okay naman kaming magkakapatid..Mas close nga lang kami nitong si kuya Max mo..basta!."sabi niya.

Napa-okay na lang ako,.

So ano ibig sabihin niya? Kasi lalaki silang lahat kaya hindi nila nagagawa to??


Ayaw mo ba nun? tanggap nila kung ano ka! Yung iba nga jan eh, binubugbog..pero ikaw kita mo naman, talagang babae na ang tingin nila sa'yo.


Hayy nako..


Natahimik kaming tatlo..mga ilang minuto rin ang nakalipas ng magsalitang muli si kuya Max.

"Talaga bang hindi mo na kami natatandaan Sam?" seryosong tanong niya..

"Hindi po eh..." sagot ko naman..

"Ang swerte mo Sam. ang malas ko, kasi ikaw..hindi ka namin nakalimutan.." sabi niya..may lungkot sa boses niya nung sinabi niya sa akin yun.

"Bakit mo naman po nasabing malas yun kuya?" tanong ko.

"Eh kasi..nung nawala ka sa amin..nalungkot kaming lahat..nangulila sa'yo..kahit 6 years old pa lang ako noon..tandang-tanda ko pa kung paano umiiyak si mama dahil sa hindi ka nila makita...swerte ka kasi hindi mo natatandaan ang lahat...hindi mo kailangang pagdaanan ang lahat ng sakit..ng lungkot..na pinagdaanan naming lahat noon.." sagot niya..

Bigla akong natahimik sa sinabi niya..

Mahal ka talaga nila..


Oo nga eh..nararamdaman ko nga..


"Stop the drama Max!" sabi ni kuya Ken at tumawa siya.."What's important is nandito na si Sam ngayon..katabi natin..And I'm sure na hindi na siya mawawala.."

"You're right..hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ang bunso natin ulit!" sabi ni kuya Max.

Wow naman..katouch naman yang mga kuya mo..


Oo nga eh..muka lang mga mayayabang pero, malambot din pala puso..


Niyakap nila akong dalawa ng mahigpit..Halos mapipit na ko sa sobrang higpit ng yakap nila..

"Mga kuya...teka lang..hindi ako makahinga!!" sabi ko..

Tumawa silang dalawa at sabay na nag-sorry sa akin..Bumalik kami sa posisyon namin kanina..bigla namang pumasok sa utak ko na tanungin sila kung ano talaga ang nangyari sa akin nung bata pa ako..


oo alam kong napulot ako ni mommy sa tabi ng kalsada..Pero paano ako napunta dun? Di ba?

Oo nga noh?! pano ka nga ba napunta dun?


"Uhhm kuya Ken??" sabi ko..

"Hmmm??" sabi niya.

"I have a question..." sabi ko..

"Ano yun?" tanong niya.

"Paano po ba ako nawala?? Ano po bang nangyari noon?" sabi ko.

Natahimik si kuya Ken..Hinintay ko ng mga ilang segundo ang sagot niya.."Ako ang may kasalanan kung bakit ka nawala Sam.." sabi niya. Nakita kong tumulo ang luha niya.

"P-paano po??" sabi ko.

At sinimulan nang ikwento ni kuya Ken ang nangyari.."7 years old pa lang ako noon..you were 2 years old..we were at the beach..naglalaro tayo nila kuya Max mo ng buhangin nung time na yun..Tinawag ni mama ang kuya Max mo nuon..Kaya naiwan lang tayong dalawa..tapos, tinawag naman ako ni papa para tulungan siyang magdala ng mga gamit..iniwan kita malapit sa cottage natin..sabi ko pa nga sa'yo na 'wag kang aalis diyan Sam at babalik si kuya'..pinuntahan ko si papa..Pagbalik ko sa pinag-iwanan ko sa'yo..."  tumigil siya para magpunas ng luha.. "wala ka na dun..sinubukan ka naming hanapin..pero..hindi ka namin nahanap..akala namin, nalunod ka, tinangay ng alon..o kaya naman kinid-nap..kaya lahat ng pwede naming lapitan at hingan ng tulong, pinuntahan namin..But we really can't find you.."

"Kuya...." sabi ko at niyakap ko siya..

"Mama and papa almost gave up finding you...Pero hindi kami tumigil ng kuya Max mo.." sabi niya.

"We did all we can, para lang mahanap ka...and buti na lang..nakita ka na namin.." sabi naman ni kuya Max. "Hindi nga namin alam ni kuya Ken kung bakit ganito kami sa'yo..Since the day you and Sai were born, mas parang naging malapit kami ni kuya Ken sa'yo..hindi naman kami ganito kay Sai..maybe because ikaw ang bunso namin.."

"Actually, when we found out that mama's pregnant, we were wishing for a baby sister..pero kamabal na lalaki ang lumabas..Pero yun nga, as your kuya Max have said, mas malapit ang loob namin sa'yo.." sabi ni kuya Ken. "Yun pala, kasi..our wish came true..to have a little sister.." sabi niya sabay tawa..

"Little sister pala huh." at siniko ko siya sa tiyan. "Umm!"

"Joke lang Sam!" sabi niya sabay tawa..tumawa rin si kuya Max.

"Sorry na.."sabi niya..

"Hay nako, kung hindi lang kita kuya!" sabi ko naman.

"That's why I love my little Sammy.." sabi niya at niyakap niya ako,.

Ayiiiee! Sweet naman!


Pagkatapos noo'y naghapunan na kami..Masaya ang naging kwentuhan namin..Napag-alaman kong, may girlfriend na pala sina kuya Ken at kuya Max..

Ouch! wala ka nang pag-asa!


Gaga! ano naman ngayon?! Eh diba nga kapatid ko sila! Abnormal ka talaga!


Ayy oo nga pala..sorry naman, hindi pa kasi ako nakaka-adjust sa Sam life mo.

Nagtapos ng architecture si kuya Ken..Si kuya Max naman, nakapagtapos ng civil engineering..Si Sai naman, kasalukuyang kumukuha ng course na business administration/management..Napag-alaman ko ring may-ari pala ang pamilya namin ng maraming hotels around the country, and also sa America..

Wow bongga!


Oo nga eh. Sosyal di ba?


Ang yaman niyo pala!


Sa kwentuhan din namin, nabanggit ni daddy na pag-aaralin raw niya si kuya Caloy at ipapagamot si nanay Solidad,. kapalit ng pagtulong nila sa akin noon..

"Naku! Nakakahiya naman po! Huwag na po!" sabi ni kuya Caloy.

"Tanggapin mo na Caloy! Kapalit ng pag-alaga mo sa anak namin noon. Sige na.." sabi ni Daddy,.

"Oo nga naman kuya Caloy..di ba gusto mo rin namang gumaling si nanay?" sabi ko.

Hindi pa rin sumasagot si kuya Caloy.

Hinawakan ko ang kamay niya at kinulit-kulit siya,. "Sige na kuya Caloy..tanggapin mo na..para rin naman sa'yo to kuya..at para rin sa ikagagaling ni nanay Solidad.." sabi ko.

"Sige na nga.." at nginitian niya ako..ngumiti rin ako sa kanya..

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na si Kuya Caloy dahil babalikan na niya si nanay Solidad..Nakatulog rin naman ako kaagad. Katabi kong sa higaan yung dalawang kuya ko..nakapagitna ako sa kanila.. BTW, walang nangyari sa amin. hahaha


Kinabukasan, napagpasiyahan naming umuwi na sa bahay namin sa Cabanatuan..Kasama pa rin namin yung dalawa kong kuya dahil gusto raw nilang makita yung lugar kung saan ako lumaki,.Habang nasa sasakyan, nakatulog yung dalawang mokong. nakapatong yung mga ulo nila sa magkabila kong balikat.

Grabe naman tong dalawa na to! Tinotorture ako!


Naku!!! gusto mo naman!!


Gusto ka diyan! nangangawit na nga yung balikat ko eh!


Hahahah

Narating namin ang bahay namin..Ng pumasok kami sa bahay namin, laking gulat ko ng makita ko kung sino yung nasa loob..

OMG.....




------------------------
Until the next episode,
Sam.


[05] I'm Back
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa loob ng bahay namin..

Van!


Papa Van!!


Papa? Inaagaw mo teh?


Ayy sorry, na-carried away lang.


"AV!" dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Maging ako'y yumakap sa kanya ng mahigpit..Sabik na sabik akong makita siya..ang saya-saya ko kasi nandiyan na ulit siya sa tabi ko..Halos maiyak ako sa tagpo naming iyon..Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi..

"Thank God you're alive Av! Akala ko mawawala ka na sa akin ng tuluyan.." sabi niya. nakangiti siya habang pumatak ang mga luha niya.

"I missed you kuya.." sabi ko ng nakangiti..pumatak na rin ang luha ko..

Nginitian niya akong muli at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi..Hindi ko na rin siya napigilan.. Sa totoo lang, namiss ko rin yung halik niya kaya ninamnam ko na lang ang mga pangyayari..mga ilang segundo rin ang itinagal ng halik niya..ng kumalas siya'y muli niya akong niyakap ng mahigpit..

Na-miss ko siya..sobra...


Halata nga eh, parang ayaw mo na pakawalan.


Hayy nako inggit ka lang!


Ewan ko sa'yo!


Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang magsalita si daddy.

"Ehem ehem," sabi ni daddy.

Bigla kong naalala na kasama pala namin sila kuya Ken and kuya Max..Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at humarap kila kuya Ken.. Nakangiti lang silang lahat sa akin.

"Uhmm..right...Ah eh..Kuya Van..si kuya Ken, chaka si kuya Max.." sabi ko.

"Hi I'm Van.." sabi ni Kuya Van, sabay abot niya ng kanyang kamay kay kuya Ken.

"Hi! So you're Van..nice to finally meet you..I'm Ken, and this is Max..We're Av's brothers.." sabi ni kuya Ken.

"Huh?! brothers?!?!" tanong ni kuya Van at punung-puno ng pagtataka.

"Uhhmmm yeah..they're my brothers.." sabi ko naman..

"Kapatid mo sila?! Pero...Pe..Pa..Paano?" tanong niya.

Umupo kami sa couch at doon namin ikinuwento sa kanya lahat..mula sa pag-survive ko sa mga nangyari noon, hanggang sa pag-survive ko nung nalaman ko na ang totoo.,

OA mo naman teh! Parang it's a matter of life and death naman ang nangyari nung nalaman mo ang totoo! OA mo talaga!


OA ka jan! Hello?! Totoo naman na halos hindi ako nag-survive dahil parang sasabog yung utak ko sa kakaisip nung nalaman ko na yung totoo!


Whatever!

Hindi naman makapaniwala si kuya Van sa kanyang natuklasan..

"So,..you're Sam Wilson??" tanong ni kuya Van..

"Opo..Ako po si Sam Wilson.." sagot ko naman.

"And they're your brothers..Ken..Max..but wait...diba sabi mo, may kakambal ka? nasaan siya?" tanong niya..

Sinagot naman siya ni kuya Max.. "He's busy so wasn't able to come with us...but you'll meet him soon.."

"Ohh..okay.." tanging tugon ni kuya Van..marahil ay mejo confused pa rin siya sa mga happenings.

Mga ilang segundo rin siyang natahimik.."So Sam na pala dapat ang itawag ko sa'yo ngayon.." sabi niya..

"Well sort of...but you can still call me Av kuya.." sabi ko sa kanya ng nakangiti..

Niyakap niya akong muli.."Na-miss talaga kita bunso ko.." bulong niya..

"Na-miss din kita kuya.." sabi ko naman.

"Ehem..Ehem." singit ni kuya Ken..

Natawa naman si kuya Max sa ginawa ni kuya Ken..

Napatigil sa pagkakayakap si Van sa akin at tumingin sa mga kapatid ko.."B-bakit po? bawal po ba?.." tanong niya,.

"Siyempre, bago magkaroon ng boyfriend ang bunso namin,.. sa amin munang mga kuya niya dadaan.." sabi ni kuya Ken..hinimas-himas niya ang kanyang kanang kamao, at tinatakot si kuya Van.

Tumawa naman bigla si daddy.. "Naku Van, mukhang hindi lang ako ang dadaanan mo ngayon, mayroon pang 2.." sabay tawa ni daddy..

Tumawa na lang din si kuya Van.. "Ano po ba ang dapat kong gawin? Sabihin ninyo lang po at gagawin ko! Mapatunayan ko lang pong malinis ang hangarin ko kay Av.." sabi niya..at tumingin siya sa akin.."at mahal na mahal ko siya.." sabi niya..

Kinilig naman ako sa pagkakasabi niyang iyon. Talagang tiningnan pa niya ako.. eye-to-eye contact..at sinabi niyang mahal na mahal raw niya ako..

Ayiiiiieee! Haba ng hair!! Ikaw na! Sige na ikaw na!


Talagang ako na!


Binulungan ni daddy si mommy.. Nagtaka ako kung ano ang sinabi niya kay mommy..Mga ilang segundo ang nakalipas, tumango lang si mommy at nakangiti niya akong inaya sa kusina para magluto.."Anak, halika tulungan mo muna akong magluto."

"Ah sige po mommy.." tugon ko naman. Tumayo ako at lumapit kay mommy,.

"Tulungan ko na po kayo tita!" sabi ni kuya Van..tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni daddy..

"Hep hep!!" pag-aawat ni daddy kay kuya Van.. "Dito ka lang..mag-uusap tayo..lalaki sa lalaki.." sabi ni daddy..

"Ah eh ganun po ba tito? Sige po.." sabi na lang ni kuya Van..Halata naman sa mukha niyang kinakabahan siya..Bago ako tumuloy sa kitchen, nagkasalubong pa muna ang aming mga mata..Nginitian ko siya sabay kindat.. Binuka niya ang kanyang bibig at sinabi ang "I love you"..tinugunan ko naman ito ng "i love you too.." Nakita iyon ni daddy kaya naman sinabi niyang, "Av anak sige na, tulungan mo na ang mommy mo dun.."

"Opo daddy.." sabi ko..natatawa ako dahil nahuli kaming ginagawa iyon..maging si Van ay natatawa-tawa rin...

Dumiretso na ako sa kusina para tulungan si mommy..

"Mommy,.alam niyo po ba kung ano ang pag-uusapan nila?" tanong ko..

"Naku anak, hayaan mo na lang ang daddy mo't mga kuya mo.." sabi naman ni Mommy.."Kung ano man ang pag-uusapan nila, wag na tayong makialam,."

"Sige po mommy.." tugon ko,.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?


Hello? Hindi pa ba obvious? Ikaw ang pinag-uusapan ng mga yun.


Ako? Bakit naman ako?


Hay nako Sam, ang slow mo talaga? Hindi mo pa ba na-gets kung bakit sinabi ng daddy mo na usapang lalaki sa lalaki? Edi siyempre it has something to do with your relationship with Van!


Malay ko ba! hindi naman kasi ako nakapag-pay attention sa sinabi ni daddy na un.


Eh paano kasi, puro kalandian yang nasa utak mo! Nakita mo lang si Van, ayan, kumikerengkeng ka na naman!


Gaga! Hindi ako lumalandi ano! Ano bang ginawa ko ha?


May pa-i love you too i love you too ka pa jan!


Eh anong pakialam mo? As I've said earlier, inggit ka lang!!!


Whatever!


Nasa ganoon akong pakikipagtalo sa boses ko habang naghahalo ng sabaw ng sinigang na baboy nang biglang dumating si kuya Ken.. "Hmmmm...ang bango naman ng niluluto niyo..Smells delicious!" sabi niya.

"Oh kuya, jan ka pala.." sabi ko.

Ayy hinde, hindi siya yan! Picture niya lang yan!


Hayy nako! Tumahimik ka na nga lang!

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako sa likod.. "Pasado na si Van sa akin..Mukha namang mahal ka niya..at mukhang mahal mo rin siya.." sabi ni kuya Ken..

Nginitian ko lang siya..Hinarap ko siya at niyakap ko rin siya.."Thanks kuya.." sabi ko..Hinalikan niya ako sa noo..

"You're welcome bunso..basta kapag pinaiyak ka niyang mokong na yan, just tell me at bugbog sarado sa akin iyan.." sabi niya..

Tumawa kaming parehas ni mommy.."Kuya talaga.." sabi ko..

"I'm serious Sam..Walang pwedeng magpaiyak sa little Sammy ko!" sabi niya..

Wow naman! kakataouch naman si kuya Ken mo.


Ou nga eh...bait bait talaga sakin.


Niyakap ko siyang muli at sinabing, "thanks kuya Ken.."

Pagkatapos magluto ay kumain na kami..magkatabi kami ni kuya Van sa upuan. Patuloy namang nagkukuwentuhan sina daddy, kuya Ken, kuya Max at kuya Van hanggang sa matapos kaming kumain...Habang nagkukuwentuhan sila, nakatago sa ilalim ng table na magkahawak ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ni kuya Van..Mahigpit ang pagkakahawak niya rito na parang ayaw na niyang pakawalan.. Minsan pa'y titingin siya sa akin ng nakangiti kaya ngingiti lang din ako sa kanya..They talked about school..politics..work..lahat! grabe, hindi sila naubusan ng topic..And the whole time, magkahawak lang ang mga kamay namin..

Ang sweet naman! Kainggit!


Dapat lang na mainggit ka noh!


Aba at ang taray! Edi sige na! ikaw na mahaba buhok!


Bleh! :P


Matapos kumai't magkwentuha'y nagpaalam na sina kuya Ken at kuya Max para umuwi sa bahay nila..I mean namin pala..

"Sige po tito, tita..uwi na po kami ni kuya.." sabi ni kuya Max..

"Ipapahatid ko na kayo sa driver." sabi ni mommy.

"Sige po, thank you po tita.." sabi naman ni kuya Ken.

Lumapit sa akin sina kuya Max at kuya Ken..

"Bunso, uwi muna kami ni kuya Max mo ha? Baka kasi hinahanap na kami nina Mama at Papa.." sabi ni kuya Ken.

"Behave ka dito ah..babalikan ka namin ni kuya." sabi ni kuya Max..niyakap niya ako.

"Opo mga kuya." sabi ko..sunod naman akong niyakap ni kuya Ken.

"Ingat ka dito ha?." sabi ni kuya Ken.

"Opo kuya, ingat din po kayo pauwi..Pakisabi na lang po kay mama at papa na okay lang po ako dito kasama sina mommy and daddy.." sabi ko,.

Nakatingin si kuya Max kay Van ng sabihin niyang, "kapag may nagpaiyak sa'yo dito, sabihin mo lang samin ni kuya ha? at lagot sa amin ni kuya iyan..We're gonna tear his body apart."

Natawa naman ako bigla.Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin.. Kuya Max and kuya Ken are black belters on taekwondo..nasabi rin nila ito kay kuya Van..ng tingnan ko si kuya Van ay parang kalmado pa naman siya..

"Kuya talaga,." sabi ko habang natatawa.

"No Sam, I'm dead serious!" sabi niya..

Niyakap ko siya at naglambing at binulungan siya,."kuya, wag mo naman pong takutin..baka naman bigla akong iwanan niyan kasi na-intimidate niyo na ni kuya Ken." bulong ko sabay tawa.

"Edi kung iwanan ka niya, it just mean na hindi ka talaga niya mahal." sabi ni kuya Max..nginitian ko na lang siya..

"O sige na, baka gabihin pa kayo sa biyahe niyo." sabi ko sa kanila.

Lumapit sa amin si Van. "Wag po kayong mag-alala,.pangako po..hinding hindi ko papaiyakin si Av..este Sam.." sabi niya.

"Wag kang mangako..just do it!." sabi ni kuya Ken. tumango naman si Van sa kanya.

"I got my eyes on you." sabi ni kuya Max. tinutok niya ang dalawang daliri niya sa kanyang mga mata at ibinaling ito pointing Van.. natawa naman ako sa ginawa niya.

"Bye kuya." sabi ko,.hinalikan nila ako sa noo bago sila tuluyang nagpaalam samin..May konting lungkot din akong naramdaman nung umalis sila.. Siyempre kahit saglit lang kami nagkasama-sama nung dalawang mokong yet sweet kong kuya, mamimiss ko pa rin sila.


Grabe naman! Magkikita pa naman kayo! Malay mo bukas lang nandiyan na sila ulit!


Sa bagay,..Anyway.


Pagkaalis nila kuya ay hinatak na kaagad ako ni Van papunta sa kwarto ko.."What's the rush kuya?" tanong ko habang paakyat kami sa second floor..Pagkapasok namin ng kwarto ay inilock niya kaagad ang pinto at kaagad akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa labi..Gumanti naman ako sa mga halik niya..parang ngayon lang kami nagkasama ulit..actually, ngayon ka lang kami nagkasama ulit..kaya sabik na sabik kami sa isa't-isa..Harsh, wild, and full of love..yan ang description ko sa halikan naming iyon..dahan dahan kaming naglalakad patungo sa kama ko at napahiga na lang kami sa kama na nakapatong ako sa kanya..ng kumalas kami sa halikan nami'y nagkatitigan kami at ngumiti sa isa't-isa.

"Mukhang na-miss mo talaga ako ah." biro ko.

"Oo..na-miss talaga kita...sobra.." seryosong tugon niya..Hinalikan niya akong muli ngunit mga ilang segundo rin ito..pagkatapos ay humiga ako sa gilid niya..Nakayakap ako sa kanya't gayun din naman siya sa akin.Naalala ko tuloy nung unang time na ganito ang set-up namin..iyon yung araw na naging kami..Hindi ko maiwasang hindi maluha ng maalala ko yung time na iyon..akala ko kasi hindi na ulit iyon mararanasan..pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin..hindi ko na inaasahang mangyayari pa samin ulit ang set-up namin na iyon.

"O bakit ka umiiyak bunso ko?.Naku! Patay ako niyan sa mga kuya mo!" sabi niya.

Tumawa naman ako.."Masaya lang ako kuya..na nandito ka na ulit sa tabi ko.."

"Masaya rin ako dahil kayakap na ulit kita..at hinding-hindi na ulit kita papakawalan.."sabi niya..hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Natahimik kami.

"Bunso???"

"Po??"

"Does this mean na tayo na ulit??" tanong niya.

"Hmmmm"..nag-isip muna ako.

Kaloka! Ang lantod mo naman! Pinag-isipan mo pa eh "OO" rin naman ang sasabihin mo!


Shhhh! Tumahimik ka nga! hindi ako makapag-isip ng mabuti!


Haay nako kahit kailan talaga..Maarte ka na nga, malantod ka pa!


Shut up!


"Hmmm???" tanong niya.

"Nanligaw ka na ba?" tanong ko.

"Ha?! Kailangan pa ba kitang ligawan?!" sabi niya.

"Aba siyempre naman! Sa panahon ngayon, noodles and coffee na lang ang instant!" sabi ko sabay tawa.

Tumawa rin naman siya.."O di sige, liligawan na kita.".

Si kuya Marco ko nga niligawan ako eh, kaya kailangan siya rin...Ayy oo nga pala..si Marco..asan na kaya siya? Okay lang kaya siya???


"Kuya, nasan na nga po pala si kuya Marco? Okay lang po ba siya?" tanong ko.

"Ah eh...bunso..." sabi niya.

Bigla naman akong kinabahan sa tono ng pagkakasabi niya nuon.. "Bakit po kuya may nangyari po ba?" bakas sa boses ko ang pag-aalala.

"Kasi bunso..si Marco..."



--------------------------
Until the next episode,
Sam.


No comments:

Post a Comment