by: Zildjian
Hindi mawari ni Andy ang nararamdaman.
Para siyang naiihi na ewan habang nasa banyo at naliligo sa katotohanang nasa
sala lamang niya ang taong hanggang ngayon ay kakaiba pa rin ang epekto sa
kanya.
Damn those smiles! Naibulalas niya sa
kanyang isipan. Paulit-ulit kasi ang imahe nito na nakangiti at hindi niya
maiwasang lalong magrigudon ang kanyang puso.
Hindi na siya nakatanggi kanina nang
yayain siya nito ng lunch. Wala kasi siyang maisip na idadahilan lalo pa’t
halata naman sa hitsura niya na kababangon pa lamang niya kaya hindi niya
p’weding sabihin na tapos na siyang kumain.
Asus! Ang sabihin mo, talagang hindi
mo lang siya kayang tanggihan. Ang animoy nang-aasar pa na wika sa kanya ng
isang bahagi ng kanyang isipan.
Aaminin na niya, talagang hindi niya
nakuhang mahindian ito dahil sa mga ngiting ibinigay nito sa kanya kanina.
Walang pagbabago, nakakahumaling pa rin ang mga ngiti nito lalo na ang mga mata
nitong singkitin na habang nakikipagtitigan sa kanya ay para siyang nahihipnotismo.
Nhad is no doubt one of the
irresistible creatures that god created. Kakaiba ang dating nito, kaya nitong
palisin ang lahat ng kanyang negatibong damdamin. Lalo na kapag nakangiti ito
na animoy nang-aakit kahit hindi naman. Hindi niya tuloy maiwasang maitanong sa
sarili kung bakit pinakawalan ito ng dating kasintahan.
G’wapo rin naman kasi ang bagong
boyfriend niyon. Muling usal ng isang bahagi ng kanyang isip.
Tama ito. Kahit hindi niya gaanong
binigyan ng pansin ang kasama nitong lalaki na tinawag nito sa pangalang
Martin, ay hindi pa rin nakatakas sa matalas niyang mga mata ang angkin nitong
kisig. Pero para sa kanya, iba pa rin ang dating ng lalaking nasa sala niya
ngayon. Unang tingin mo pa lang dito ay makukuha na nito agad ang atensyon mo. Gano’n
ang nangyari sa kanya noon. Unang pasok pa lamang nito sa bar na
pinagta-trabahuan niya ay hindi na niya naiwasang nakawan ito ng tingin. Gano’n
kalakas ang epekto nito sa kanya.
Agad niyang tinapos ang pagligo.
Aabutin siya ng siyam-siyam kung hahayaan niyang lunurin siya ng kanyang mga
iniisip sa loob ng banyo. Baka bigla pang mapurnada ang lunch nila ng taong
pormal na ngayong nagpakilala sa kanya.
“Pasensiya kana kung matagal akong
maligo, ah.” Hinging paumanhi niya nang madaanan niya ito sa sala. Hindi kasi
gaanong kalakihan ang apartment na kinuha niya. Tutal, mag-isa lang naman siya
doon at ginagamit lang naman niya iyon para may matulugan siya, kaya naman
hindi na niya inabala ang sarili na maghanap ng mas maganda.
Simpleng apartment lang iyon na may
isang kwarto, maliit na sala, kusina at banyo. Hindi na rin siya nag-abalang
bumili ng mga gamit. Tama na ang may kama siyang mahihigaan, lamesang
makakainan, mga mumurahing pinggan at baso na sakto lang para sa kanayang mga
barka. Ganyan siya katipid sa buhay niya.
“Ayos lang.” Nakangiti naman nitong
tugon sa kanya at hayon na naman, bigla na naman siyang na-conscious sa uri ng
tingin na ibinigay nito sa kanya. Ewan ba niya kung napa-praning lang siya pero
parang pakiramdam niya ay lihim siya nitong tinatantya o mas tamang sabihing
pinag-aaralan.
“Ah… S-Sige, bihis lang ako.” At
dali-dali siyang pumasok sa kanyang silid.
Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang
pagiging uneasy. Hindi siya ang tipo ng taong mahiyain o madaling gulatin sa
mga patitig-titig lang. Alam naman niyang kahit papaano ay may ibubuga siya
pagdating sa hitsura at katawan, pero bakit pag ito ang kaharap niya,
tinatakasan siya ng lakas ng loob at bilib sa sarili? Ano ba ang meron dito?
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makakita at kausapin siya ng isang
g’wapo. Sa katunayan nga, simula ng magbinata siya ay napaligiran na siya ng
mga g’wapitong nilalang. Ang mga barkada ng ate niya, at ang mga kaibigan niya
ngayon na hindi rin maitatangging may mga angking tikas.
Isinawalang bahala na lamang niya ang
mga katanungang iyon at nagbihis. Tutal, wala naman siyang makapang sagot kaya
imbes na pahirapan ang sariling mag-isip, minabuti na lamang niyang mag-ayos
na. Gutom lang siguro siya kaya kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang kokote.
Pagkalabas niya ng k’warto ay naabutan
niya si Nhad na nakatayo na at inaaliw ang sarili sa kanyang mga naka-display
na wine bottles sa ibabaw ng isang maliit na aparador na nagsisilbing divider
ng kanyang sala at kusina. Mula iyon sa bar na pinagta-trabahuan niya na dinala
niya sa kanyang apartment para gawing pang-display.
“Tubig lang ang laman niyan.”
Nakangiti niyang pag-agaw ng pansin nito. “Kesa itapon ay hiningi ko na lang sa
boss ko para gawing pang-display. Para naman kahit papaano ay may makitang
kaaya-aya dito sa apartment ko.”
“Matagal ka na bang naninirahan dito?
I mean dito sa apartment na ‘to?” Kaswal naman nitong tanong na nasa mga bote
pa rin ng alak ang tingin.
“Magdadalawang taon na.” Tugon naman
niya rito.
Napatango-tango ito.
“So, sa loob ng halos dalawang taon ay
sa bar na iyon ka na nagta-trabaho?”
“Oo, simula ng mapadpad ako rito ay
doon na ako nagtrabaho.” Ang kaswal naman niyang sagot.
Napalingon ito sa kanya. There’s a
slight of sadness visible in his chinky eyes.
“Isa ka rin pa lang dayo rito sa lugar
namin.” Maski ang boses nito ay may himig ng lungkot.
“Oo.” Tugon niya. “B-Bakit, may
problema ba?” Hindi niya maiwasang maidagdag.
“Wala naman. Katulad mo rin kasi si
Ken na dayo lang dito.”
Mukhang hindi pa rin nito tuluyang
natatanggap ang lahat. Sabagay, hindi naman talaga dali-daling makakapag-move
on ang isang tao. Ang importante ay sinusubukan na nito. Kaya bago pa mauwi sa
kung saan ang lahat ay inilihis na niya ang usapan.
“So, tara? Medyo nag-aalburuto na kasi
ang mga alaga ko sa tiyan, eh.” Patawang kalbo niyang wika na sinamahan pa niya
ng paghimas-himas ng kanyang tiyan nagbabakasakaling mapapalis niya ang
biglaang lungkot na naramdaman nito.
Mukhang hindi naman siya nabigo. Muli
itong napangiti sa kanya.
“Yep, tara.”
Ang nasa isip niya na pagdadalhan nito
sa kanya ay yung sa mga nakasanayan lamang niyang kainan simula ng dumating
siya sa lugar na iyon –ang mga fast food chains na palagi niyang pinupuntahan
para kumain sapagkat hindi siya biniyayaan ng kakayahang magluto. Ngunit iba sa
inaasahan niya ang pinagdalhan nito sa kanya. Isa iyong restaurant na sa mga
oras na iyon ay may mangilan-ngilan paring taong kumakain kahit pasado ala-una
na.
“I’m sure magugustohan mo ang mga pagkain
dito. Hindi man ito ang pinakapaborito kong restaurant, masasabi ko namang
masarap din ang mga luto nila.” Nakangiti nitong wika sa kanya.
“Hindi naman ako mapili sa pagkain,
eh.” Nakangiti naman niyang tugon rito. “Sa katunayan nga, mabibilang pa lang
sa kamay ko ang makakain ng totoong pagkain, eh.” Nakangiti rin naman niyang
tugon.
“What do you mean?”
“Simula kasi ng dumating ako dito
bihira lang akong makakain ng may kanin. Kung hindi kasi palabok o pasta ay
burger at fries ang palaging laman ng tiyan ko.”
Nangunot naman ang noo nito at napuno
ng pagtataka ang mga mata.
“Di ka nagluluto? Para saan ang kusina
mo kung gano’n?” Ang nagtataka nitong wika.
Umiling naman siya.
“Hindi ako marunong magluto. Yung
kusina ko, nagagamit ko lang iyon kapag bumabangon ako ng maaga sa nakasanayan
kong gising at pag nakakapag-grocery ako ng mga pagkaing madali lang lutuin
tulad ng ham, noodles at hotdogs.” Ang kanyang pag-amin dito.
“Buti hindi ka nagkakasakit?” Naiwika
nito.
Napangiti siya at medyo nakaramdam ng
kiliti. Nagustohan kasi niya ang may halong pag-aalalang tono nito. Ngunit agad
naman niyang pinigilan ang sarili. Hindi magandang binibigyan niya ng ibang
kahulugan ang mga sinasabi at pinapakita nito.
“Noong hindi pa ako nakakapag-adjust
ay oo, nagkakasakit ako at nakakaramdam ng pamimigat ng katawan pero ngayon,
nakasanayan ko na rin.”
Naputol lamang ang usapan nila ng
lumapit sa mesa nila ang isang waiter at binigyan sila ng menu. Agad siyang
natakam ng makita ang iba’t ibang klaseng masasarap na pagkain.
“Ano’ng gusto mo, Andy?”
Mula sa paglalaway sa masasarap na
litrato ng pagkain sa menu ay na baling ang tingin niya rito. The way he utter
his name gives him an overwhelming feelings. Para bang napakaganda ng palayaw
niya kapag ito ang bumibigkas.
“Andy?” Untag nito sa kanya.
Para tuloy siyang nabuhusan ng tubig
at agad na nagbawi ng tingin dito.
Lintik! Kung saan-saan kasi napupunta
ang atensyon ko! Sana hindi niya napansin na nakatulala ako sa kanya. Naisambit
niya sa kanyang isipan at nagkunyaring namimili ng pagkain sa menu.
“L-Lahat naman dito sa menu mukhang
masarap. Ikaw na lang ang bahala kung ano ang order natin tutal libre mo
naman.” Ang tugon niya rito kapagkuwan.
Wew! Sana makalusot!
“Alright.” Nakangiti nitong wika sa
kanya saka binalingang ang waiter na sa mga oras na iyon ay palipat-lipat ng
tingin sa kanilang dalawa. “Since na bihira lang daw makakain ng ‘totoong’
pagkain itong kasama ko, bigyan mo kami ng…” At isa-isa na nga nitong sinabi ang
mga napili nitong pagkain.
“Ang dami mo namang in-order.”
Nag-aala niyang wika ng matapos itong makipag-usap sa waiter.
“Ayos lang iyon, para matikmann mo
lahat.” Nakangiti nitong turan.
“Sobra-sobra naman yatang pagbawi
itong ginagawa mo.” May bahid ng hiya niyang sabi.
“I don’t think so. Kulang pa ang mga
order ko sa laki ng naitulong mo sa akin and really, thank you Andy and I’m
sorry for the troubles that I have caused you.” Sincerity was in his voice.
“Troubles? Eh ako nga ang dahilan ng
pagkakadisgrasya mo, eh. Kung hindi sana ako tatanga-tanga no’ng gabing iyon,
hindi ka sana ma-a-aksidente.”
Nawala ang nakaguhit na ngiti nito at
medyo napalitan iyon ng pagseseryo.
“You’re wrong.” Kapagkuwan ay wika
nito sa seryosong tono. “As a matter of fact, you saved me.”
Siya naman ang naguluhan ngayon sa
tinuran nito.
“Di kita maintindihan.” Pagsasabi niya
ng totoo.
“That night, I was really planning to
kill myself. Hinihintay ko lang na makahanap ako ng babanggaan sa mga oras na
iyon pero noong makita kitang tumatawid, bigla akong napa-preno. Ayaw kong may
mapahamak na tao ng dahil lang gusto kong kitlin ang buhay ko. Pero masaydong
mabilis ang takbo ko, na kahit nakatapak na ako sa preno alam kong masasagasaan
pa rin kita, kaya kinabig ko na lang para maiwasan ka.” Mahaba nitong
pagsasalaysay.
Hindi siya nakaimik medyo nagulat siya
sa mga narinig.
“ You see, kung wala ka doon sa
kalsadang iyon, baka patay na ako ngayon. Sa totoo lang, naasar ako sa’yo noong
iniligtas mo ako. I was really desperate to end the pain I was feeling at ang
pagkakamatay ang naisip kong paraan para makatakas sa sakit. Pero after nating
makapag-usap noong huling dumalaw ka sa akin, you made me realize a lot of
things. You also reminded me about my promise to myself na hindi ako tutulad sa
mga pinsan ko. You made me see my worth
sa kabila ng mga kagaspangang ipinakita ko sa’yo.” Pagpapatuloy nito.
“Wala naman sa akin iyon. Ang totoo,
pati ako ay naliwanagan rin sa mga nasabi ko sa’yo.” Pag-amin naman niya rito.
“Kaya ba hindi ka na muling dumalaw pa
sa akin sa natitirang araw ko doon sa hospital?”
Binigyan niya ito ng isang ngiti.
“Let’s just put it that way.”
Napabuntong hininga ito na para bang
nabunutan ng tinik.
“Akala ko tuluyan ka ng nagalit sa
kaarogantehan ko kaya di kana bumalik, eh.”
Natawa siya.
“Hindi ako marunong noon. ‘Tsaka
naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkagano’n.”
Binigyan siya nito ng napakagandang
ngiti na talaga namang nagpasinghap sa kanya. Kakaiba talaga ang dating ng
ngiti nito napaka-notorious.
“Weird.” Kapagkuwan ay wika nito.
“Tulad ng huli nating pag-uusap, napagaan mo na naman ang loob ko.”
Ngiming ngiti ang itinugon niya sa
sinabi nito sapagkat sa mga oras na iyon, iba’t ibang pakiramdam ang bumabalot
sa kanya.
Dumating ang mga pagkaing in-oder nila
at kahit na kumakain ay nagpatuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan. Mga kaswal na
pag-uusap na para bang dahan-dahan nilang ipinakikilala ang bawat isa. Aaminin
niyang ikinatutuwa niya ang biglaang closeness nilang dalawa at hindi rin niya
maitatangi ang pagiging komportable niya rito.
Nang matapos ang lunch nilang iyon ay
muli siya nitong inihatid sa apartment niya para daw makapagpahinga pa siya
bago pumasok sa trabaho. Maalalahanin itong tao, hindi na siya magtataka kung
bakit napakaraming tao ang nag-alala para dito noon kahit pa man sa kabila ng
pagsusungit at kaarogantehan nitong ipinakita.
“Andy, ayos lang ba kung
paminsan-minsan ay puntahan kita sa bar niyo o dito sa apartment mo?” Naitanong
nito ng huminto na sila sa tapat ng kanyang tinutuluyan.
Napatingin naman siya rito. The
expression of his eyes was familiar to him. Iyon ay ang ekspresyon ng taong
nangangailangan ng karamay, kaibigan at tulong. Agad na lumambot ang puso niya
rito lalo na’t ang taong nangangailangan ngayon sa kanya ay minsan rin niyang
kinailangan at iyon ay noong mga panahon na naguguluhan siya sa kung ano ba
talaga ang gusto niya sa kanila ng dati niyang minahal.
Nginitian niya ito.
“Walang kaso.”
Kita niya kung papaano bumakas ang
tuwa sa mga mata nito dala ng galak.
“Great!”
Hanggang sa kanyang higaan ay hindi pa
rin napapalis sa kanyang isipan ang imahe ni Nhad. Ang mga ngiting ibinigay
nito sa kanya kanina at ang galak sa mukha nito bago sila maghiwalay.
He’s doing good. Naisambit niya sa
kanyang isipan patukoy sa nakita niya kaninang pagpupursige nitong makalimutan
ang lahat ng masasamang nangyari dito.
Nakikita niya tuloy ang sarili niya
dito noong mga panahon na nasa gano’n siyang sitwasyon. Kung papaano siya pilit
na bumangon para muling subukan ang buhay. Kung papaano niya inaliw ang sarili
para lamang hindi na niya maisip pa ang lahat. Kaya naman gusto niya itong
matulungan.
Nakatulog siya na ito ang laman ng
kanyang isipan.
“Wala ka na bang mas maganda pang
dahilan diyan?” Wika niya sa kanyang kaibigang si Miles na sa mga oras na iyon
ay siya’ng tanging costumer niya.
“Bakit, ano pa bang dahilan ang p’wedi
kong maibigay sa’yo?” Nakangisi naman nitong guton kasabay ng pagsimsim ng
iniinum nitong alak.
“Kilala kita Miles, hindi ikaw ang
tipong nagbibigay ng ganyang ka walang kwentang dahilan. Ano kamo? Wala kang
magawa sa bahay kaya napadayo ka uli rito? Utuin mo na lang lahat, ‘wag lang
ako. Di bebenta iyan sa akin.”
“Eh sa nakaramdam ako ng boredom, eh.
Ano’ng magagawa ko?”
“Binabantayan mo ba ako?” Hindi iyon
tono ng pagtatanong kung hindi nang-aakusa niyang wika rito.
“Huh?” Maang-maangan naman nitong
naibulalas. “Pagkakaalam ko, mga bata lang ang binabantayan Andy.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin na
tinugon naman nito ng nakakagagong ngisi.
“Okey okey!” Bulalas nito na nilakipan
pa ng pagwagayway ng basong hawak nito sa ere. “We just wanted to make sure na
hindi na guguluhin pa ulit ni Jasper ang utak mo.” Kapagkuwan ay wika nito.
Sabi na nga ba niya’t may matinding
rason kung bakit naroon ngayon sa bar na pinagta-trabahuan niya ang isa sa
kanyang maliligalig na kaibigan.
“Hindi niyo na naman kailangang
bantayan pa ako. Nakapag-usap na kami di ba? Sa harap pa mismo ninyo. Wala na
akong balak na makigulo sa relasyon nila ni Ivy.”
“Di naman ikaw ang inaalala namin kung
hindi siya. Alam namin na kaya mo ng panindigan ngayon ang desisyon mo pero si
Jasper? May kakaiba sa kanya.”
Napuno naman siya nang pagtataka sa
sinabi nito dahilan para mangunot ang kanyang noo.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Sumimsim muna ito bago siya nito
muling binalingan.
“Hindi pa kami sigurado Andy. Pero we
think it’s better na ilayo ka muna namin kay Jasper pansamantala.” Seryosong
turan nito.
“Di kita maintindihan Miles.”
Pagsasabi niya ng totoo. “At bakit kailangan niyo akong ilayo sa kanya? May
balak ba siyang patayin ako?” Patawa niyang dagdag.
“ Uma-adik ka na naman Andrew Miguel.”
Napapailing naman nitong tugon. “Bunga ba iyan ng lunch date mo kanina?”
Nanunukso pa nitong dagdag.
Nagulat siya. Papaano nalaman nito ang
lunch niya kanina kasama si Nhad?
“Nakita ka ni Keith.” Nakangisi nitong
wika na para bang nabasa ang katanungang namutawi sa kanyang isip.
Napa-palatak siya. Pambihira talaga.
Sa dinami-rami ng p’weding makakita sa kanya, bakit isa pa sa mga tsismoso
niyang kaibigan? At kung alam na ito ni Miles, nasisiguro niyang kumalat na
iyon sa lahat ng kabarkada niya.
“Kala mo makakalusot ka?” Pagpapatuloy
pa nito. “So, ayos na kayo ng dati mong pinagpapantasyahan. Ibig bang sabihin
niyan ay may aasahan na kaming bagong pakikisamahan?” Miles said while
grinning.
“Hindi ko yata gusto ang tumatakbo
riyan sa kokote mo Miles.” May pagbabanta niyang sabi na ikinatawa nito.
Damn you Keith!
“Mas mabuti pa ngang iyon na lang muna
ang pagkaabalahan mo Andy. Mukhang may mapapala ka doon. Kaso mag-iingat ka
lang. Galing sa isang masaklap na breakup ang lalaking iyon. Ayaw mo naman
sigurong magamit ulit di ba?”
Tunay nga niyang kaibigan ang mga ito
sapagkat kahit pa man nagbibiro ang tono nito ramdam naman niya ang pag-aalala
sa likod niyon.
“Hindi na ulit mangyayari iyon Miles.”
Nakangiti niyang sabi rito.
“Dapat lang.” Ang nakangiti na rin
nitong tugon sa kanya. “Siya nga pala Andy, wala ka bang balak na bumisita sa
pamangkin at Ate mo?”
“Wala pa akong matinong dahilan ngayon
para bisitahin sila.”
“Kailangan ba meron? Matagal-tagal ka
na ring hindi umuuwi sa inyo, ah.”
“Kahit naman umuwi ako wala rin namang
magbabago. Hindi pa rin ako kikibuin ng mga magulang ko.” May bahid ng lungkot
niyang tugon dito.
“Bakit hindi mo subukan? I mean, it
has been almost two years Ands. Malay mo, iba na pala ang nararamdaman nila
ngayon.” Pangungumbinsi pa nitong lalo sa kanya.
“I doubt that.” Mapait niyang wika.
“Dahil kung totoo iyan, matagal na sana nila akong tinawagan. Ni hindi nga nila
kinukumusta ang lagay ko dito. Kahit no’ng nag-daang pasko, wala akong
natanggap na text o tawag man lang galing sa kanila. Mabuti pa si Ate.”
“Kaya ba hindi ka na ulit nagpupunta
roon kahit anong pilit ng Ate mo sa’yo?”
“Siguro.” Ang wika niya na nilakipan
pa niya ng isang ngiming ngiti. “Ayaw ko na kasing makita ulit sa mga mata nila
na wala na silang pakialam sa akin.”
Nagpakawala ito ng isang malalim na
buntong hininga.
“You’re brave Ands.” Kapagkuwan ay
wika nito. “Kaya ka namin gustong-gusto sa grupo, eh. Ikaw ang pinakamagandang
example ng taong matatag kahit pa man chumu-chupa ka.” Nakangisi nitong wika.
“Gago!” Sabay bato niya rito ng
nilamukos na tissue na ikinatawa nilang pareho.
Nagtagal pa ang kaibigan niya sa bar
nila. Hinintay pa talaga nito ang pagsasara ng bar at ito pa mismo ang
naghatadi sa kanya. Totoo mang minalas siya nang piliin niya ang isang klase ng
buhay na hindi tanggap ng nakararami ay hindi naman niya maitatanging sinuwerte
naman siya sa mga napili niyang kaibigan. Dahil kahit mga sira ulo, tsismoso at
minsan ay pakialamero ang mga ito, ramdam naman niya ang sekyuridad kapag kasama
niya ang mga ito.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment