by: Zildjian
May pagtataka pa rin siya kung
papaanong napaka-natural ng pagtawag ni Ken kanina sa kanyang pangalan. Wala
siyang maalalang pormal sila nitong nakapagkilala. Ang tanging alam lang nito
ay isa siyang barista. Hindi nga ba’t iyon ang naging reaksyon nito nang muli
silang magkita sa hospital?
Hindi naman gaanong marami ang bisita
sa loob ng bahay na iyon. Sa tingin niya, mga ka-opisina at kaibigan lamang
iyon nina Ken at Martin. Pero ang talagang kumuha ng kanyang pansin ay ang
grupo ng babaeng maingay at halatang pinagnanasaan ang kanyang kasintahan na
siyang kasama nila sa mesa. Kahit nakakaramdam siya ng kaunting kaba sa
presensiya ng mga taong hindi niya masyadong kilala, sinikap pa rin ni Andy na
maibalik ang mga magagandang ngiting binibigay ng mga ito sa kanya.
“Hindi ko talaga akalain na
tototohanin mo ang pagpunta rito Nhad.” Ang nakangiting wika ng isa sa mga ito
na nagngangalang Rachalet.
“Nangako ako kay Ken na darating kami.”
Ang tugon naman nito saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti.
“Sabi na nga ba’t `di lang siya isang
simpleng bantay mo sa hospital, eh.” Ani naman ng madaldal na si Chelsa.
Ngiming ngiti ang ibinalik niya rito.
“Actually, sa pagiging bantay niya sa
akin nagsimula ang lahat.” Ang magiliw namang pagku-k’wento ni Nhad sa mga ito.
“Ngayon, ang puso ko na ang binabantayan niya.”
“Taray!” Ang naisambit naman ni Chelsa
at Rachalet sa naging banat ng kanyang magaling na kasintahan. Habang ang mga
lalaking kasama naman nila ay napasipol.
Ibayong kiliti ang kanyang naramdaman
sa walang kyimeng pagyayabang ni Nhad sa kanya sa mga ito. Ganito ang matagal
na niyang inaasam –ang may isang taong hindi siya ikakahiya sa madla.
“Pormal mo naman kaming ipakilala sa
kanya.” Ang sabat naman ng isa sa mga lalaki na kung `di siya nagkakamali ay
Jay ang pangalan.
Hindi pa nga pala siya pormal na
naipapakilala ng kasintahan sa mga ito dahil simula ng makaupo sila sa mesang
iyon ay hindi na ito tinigilan ng mga kaibigan. Masasabi niyang tunay ngang
na-miss ng mga ito ang kanyang kasintahan.
Ipinakilala nga siya sa mga katrabaho
ni Ken na minsan na niyang nakitang dumalaw sa hospital na sina Rachalet, ang
boyfriend nitong si Rex, ang babaeng madaldal na si Chelsa at si Jay na
nag-resign na raw sa pagiging call center agent.
“Sila naman, ang mga kaibigan ni Ken
at Martin dito sa lugar namin. Bestfriends sila ni Jay. Si Lantis, dating
nakasama ni Ken sa apartment. Si Nicollo na boyfriend na niya ngayon, at si
Maki.” Patukoy naman nito sa apat na lalaki na kasama rin nila sa mesang iyon.
Isa-isa siyang kinamayan ng mga ito.
“Actually lima kami.” Ang nakangiting
wika ni Maki sa kanya. “Kaso, busy ngayon si Alex sa kanyang irog.”
Ngumiti na lamang siya rito bilang
pagtugon. Hindi pa talaga siya gaanong komportable sa mga presensiya ng mga
ito.
Ilang saglit pa ay nakita na niya si
Kenneth na pabalik na sa kanilang mesa kasama na nito ang kasintahan na si
Martin. Iniwan sila nito kanina sa mga kaibigan nito para hayaan muna silang
makakain habang inaasikaso naman nito
ang iba pang bisita ng mga ito kasama syempre ang mga magulang ng dalawa.
Ibang-iba ngayon ang aura ni Ken
kumpara noong makita niya ito sa hospital. Bakas sa mga mata nito kung gaano
ito ngayon kakuntento sa buhay. Pasimple niyang binalingan si Nhad para tingnan
kung ano ang reaksyon nito at doon niya nakitang nakangiti itong nakatingin sa
papalapit na magkasintahan na para bang ayos na talaga itong makita ang dating
minamahal kasama ang boyfriend nito.
“Nhad pare, mabuti dumating ka.
Mag-iinuman tayon ngayon, ah.” Ang pagbati ni Martin saka siya nito binalingan
ng may matamis na ngiting nakaguhit sa mga labi. “So, hindi ako nagkamali sa
assessment ko sa inyo noon sa hospital. Hi Andy.”
“Hi.” Balik naman niyang bati rito
sabay abot ng kamay nitong nakalahad sa kanya.
Ngayon niya nabigyan ng pansin ang
lalaking ipinalit ni Kenneth sa kanyang kasintahan. Tulad ni Nhad, g’wapo at
halatang galing ito sa may kayang pamilya. Maganda rin ang pangangatawan nito
at hindi rin ito pahuhuli pagdating sa porma.
Bagay sila. Ang naikumento niya sa
kanyang isipan sa dalawa. Tulad ng magkasintahang Lantis at Nicollo, may
kakaibang dating sa kanya ang mga ito kapag magkatabi. Iyon bang parang sinadya
talaga ng tadhana na maging kapareha ng mga ito ang isa’t isa.
Nang ilahad ni Martin ang kamay nito
Kay Nhad ay agad naman iyong tinanggap ng kanyang kasintahan na nakangiti.
“Matt pare, ang ganda naman nitong
bagong bahay ninyo.” Si Nhad.
“Ang mga magulang ko ang may pakana
nito.” Ang nakangiti naman nitong tugon.
“Sabi nga sa akin ni Ken. So, does it
mean na dito na kayo maninirahan sa lugar namin?”
“Narito ang trabaho ni Ken at dito
namin naisipan ng pinsan ko na magtayo ng negosyo. So yeah, dito na kami
maninirahan.”
“Ayos `yan.” Magiliw na sagot dito ni
Nhad. “Si Kuya Claude ba ang magiging kapartner mo?”
“Yeah, si kuya Claude. Mas marami na
siyang kakilala rito kumpara sa akin dahil sa restaurant nila ni kuya Lance.”
Pamilyar ang mga pangalan na
pinag-uusapan ng mga ito sa kanya lalo na nang marinig niya ang tungkol sa
restaurant kaya hindi niya naiwasang sumabat.
“Hindi naman siguro si Kuya Laurence
at Kuya Claude Samaniego ang tinutukoy mo ‘di ba?”
“Sila nga. Kilala mo sila?” Ang tila
naman hindi makapaniwalang naitanong sa kanya ni Matt.
“Mga kaibigan sila ng ate ko at pareho
silang ninong ng pamangkin ko.”
Lalong bumakas ang pagtataka sa mga
mata nito.
“Don’t tell me you’re connected to one
of the members of seventh bar?” Ngayon, bakas na ang amusement sa mga bata nito
habang nakatingin sa kanya.
Medyo may pag-aalangan siyang tumango
rito.
“Wow!” Naibulalas nito saka binalingan
ang tahimik lang na nakikinig na mga kasama nila sa mesang iyon. “Kilala niya
ang mga kaibigan ni Dave at Alex.”
“Kilala mo si Renzell Dave?” Ang tila
hindi makapaniwalang naitanong sa kanya ng lalaking nagngangalang Nicollo.
“Siya ba ang Renzell Dave na nakilala
ko nang sumama ako sa birthday ng ate mo? Yung kambal ni Attorney Dorwin
Nivera?” Takang-tanong naman sa kanya ni Nhad.
Dahil hindi niya alam kung kaninong
katanungan ang una niyang sasagutin ay napatango na lamang siya sa mga ito.
“Small world.” Naibulalas ni Lantis na
agad namang sinang-ayunan ng mga kaibigan nito.
“Ngayon ko lang naalalang binanggit
nga ng ate mo sina Kuya Laurence.” Ang naiwika sa kanya ni Nhad. “Hindi ko
masyadong nabigyan ng pansin kasi masyado akong focus sa ’yo sa gabing iyon.”
Dagdag pa nitong wika na nakangiti sa kanya
Inulan sila ng tukso mula kay Ken at
Martin pati na rin ang mga kasama nila sa mesang iyon.
Dahil sa natuklasan ng mga ito na
konektado pala siya sa mga sa mga taong malalapit rin sa mga taong kasama niya
mesang iyon ay lalo lamang naging interesante ang mga ito sa kanya at unti-unti
siyang naging komportable sa mga ito. Doon lang din niya napatunayan na kung
gaano siya nagkamali sa naging assessment niya kay Kenneth. Hindi pala ito ang
taong inaakala niya. Mabait ito at wala siyang mabakasang pagkukunwari sa mga
ipinapakita nito sa kanya. Nhad was right, si Kenneth ang taong madaling
mahalin at ngayon nakikita niya na kung bakit. It was because of his natural kindness and his
expressive eyes.
Nalaman din niya na naik`wento na pala
siya ni Nhad dito. No wonder na comfortable siya nitong tinawag sa kanyang
pangalan kanina. Nagpasalamat ito sa kanya sa ginawa niyang pag-aalaga kay Nhad
and again, muli niyang narinig dito ang nagsusumamo nitong paghingi ng tawad
kay Nhad.
Hindi rin matatawaran ang sweetness ni
Nhad sa kanya sa harap ng mga kaibigan. Ramdam niya kung papaano siya nito
ipagmalaki at kung papaano nito ipakita ang pagmamahal nito sa kanya ng walang
pag-aalinlangan sa mga taong kaharap nila. Ayon kay Ken, iyon daw talaga ang
tunay na Nhad. Sobra daw itong maalaga at malambing noon pa man, kaya naman
nawala sa kanya ang agam-agam na sinasadya lamang nito iyon para ipakita sa
dati nitong kasintahan na nakapag-move on na ito.
Nasa kasagsagan sila ng masayang
pagkuk`wentuhan nang mag-ring ang kanyang cellphone. Agad naman siyang
nagpasing-tabi sa mga ito at lumabas ng bahay para sagutin iyon.
“Bakit Miles?” Ang bungad niya sa kaibigan.
“Nasaan ka? Nagpunta kami sa bar
kanina pero sabi ng mga kasamahan mo hindi ka raw pumasok.” Ani naman nito sa
kabilang linya.
“Nasa isang party. Kasama ko si Nhad.”
“Wow! Nagkabalikan lang kayo halos
hindi na kayo mapaghiwalay. Saang party ba iyan?”
“Sa bahay ng ex niya.” May ngiti
niyang wika.
“The hell?” Ang tila nagulat nitong
turan.
“He finally moved on, Miles. Sa
katunayan ang saya namin dito. Akalain mo bang konektado sa ate ko ang mga
kaibigan ni Ken?”
“Mabuti naman kung gano’n pero sino si
Ken?”
“Siya ‘`yong ex ni Nhad.”
“Ah.” Ang tila wala sa sarili nitong
tugon.
“So, bakit niyo ako pinuntahan sa bar?”
Pag-iiba niya ng usapan.
Bahagya muna itong natahimik sa
kabilang linya.
“Miles?” Untag niya rito.
“We badly need your help, Ands.”
Seryoso nitong turan.
“Sino iyang kausap mo?” Ang biglang
pagsulpot ni Nhad. Bahagya pa siyang napa-igtad sa gulat.
“Nakakagulat ka naman, si Miles.”
Tugon niya rito.
“Hinahanap ka na nila sa loob.”
Seryoso ang mukha nito ni wala siyang nabakasang paglalambing sa boses nito na
kanya ng nakasanayan.
“Mukahang nadisturbo ko `ata ang
moment niyo. Sige Ands, tatawagan na lang kita bukas.” Ani naman ni Miles sa
kabilang linya kasabay ng pagbaba nito ng tawag.
May pagtataka na lang niyang inialis
sa kanyang tainga ang telepono. Gusto pa sana niyang itanong rito kung ano ang
problema ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon. Ito rin ang
kauna-unahang pagkakataon na humingi ng tulong sa kanya ang mga kaibigan na
siyang lubos niyang ipinagtaka.
“I would really appreciate it if you
can turn off your phone while you’re with me. Ayaw ko ng may ibang kumukuha ng
atensyon mo kapag kasama mo ako. Your friends can wait.” Seryosong wika ni
Nhad.
“P-Pasensiya na.” Ang nakayuko na
lamang niyang tugon rito.
Isa ito sa mga pagbabago nito simula
ng magkabalikan sila at malaman nito ang tungkol kay Jasper. Nawala ang tiwala
nito sa kanyang mga kaibigan. SInubukan niyang kahit papaano ay magpaliwanag
rito na hindi dapat nito padudahan ang kanyang mga kaibigan subalit nabigo
lamang siya.
“Kaibigan sila ni Jasper. At sigurado
ako na mas papanigan nila ang kaibigan nila kesa sa akin na bago lang nilang
nakilala kaya wala na akong tiwala sa kanila.” Ang mga salitang binitiwan nito
sa kanya.
Umaasa na lamang siya na darating ang
araw na matutunan na rin nitong magtiwala ulit. Na magagawa niyang papaghimulin
ang sugat na nilikha ng masama nitong nakaraan. He promised not to give up on
him at iyon ang gagawin niya.
“Tara sa loob.” Aya nito sa kanya.
Nakabalik nga sila sa umpukan ngunit
masyado na siyang binagabag sa kung anuman ang p`wedeng problema ng kanyang mga
kaibigan. Hindi niya naman magawang pumuslit ulit at tawagan ito dahil simula
ng makabalik sila ni Nhad ay hindi na nito pinakawalan ang kanyang kamay na
para bang sinasabi nito na hindi na siya p`wedeng tumayo.
Natapos ang inuman nila na halatang
masayang-masaya ang kanyang kasintahan. Hindi na siya kumontra rito at
ikinatuwa na lamang niya na tuluyan na nga nitong pinakawalan ang dating
kasintahan. Siya naman ay nakapaggaanan na rin ng loob si Ken at ang mga
kaibigan nito. In fact, nagplano ulit ang mga ito ng bonding sa darating na
sabado at imbitado sila ni Nhad.
Habang tinatahak nila ang daan pauwi
ay binasag ni Nhad ang katahimikang namayani sa kanilang dalawa.
“Doon ka na lang matulog ngayon sa
bahay, babes.” Wika nito at iginaya ang kanyang kamay sa labi nito para bigyan
ng isang masuyong halik. Mukhang nawala na ang sumpong nito.
“Hindi ba’t may trabaho ka bukas?”
“1pm pa naman.” Nakangiti nitong wika
sa kanya. “Na-miss ko na kasi ang ginagawa natin kapag magkatabi tayo sa kama
at na-miss ko na ang ipagluto ka ng lunch.”
Nahuli na lamang niya ang sariling
sumasang-ayon dito. Mahirap talaga itong matanggihan kapag ganitong
naglalambing na ito sa kanya. Isama mo pa ang katotohanang hinahanap-hanap niya
na rin ang maramdaman na nasa loob niya ito.
Kinabukasan, agad na gumuhit ang ngiti
sa kanyang mga labi nang pagmulat niya ay ang g`wapong mukha ni Nhad ang
kanyang mabungaran. Binigyan siya nito ng isang damping halik sa kanyang labi.
Akala niya kanina, nanaginip lang siya na may humahalik-halik sa kanya.
“Wake up na sleepy head. Nakahanda na
ang lunch natin.” Ang may paglalambing nitong wika sa kanya. “Napagod ba kita
ng husto kanina?” Dagdag pa nitong wika.
Lalo lamang lumuwag ang kanyang ngiti
ng ma-alala ang pinagsaluhan nila na lalong tumagal dahil sa naging epekto ng
alak dito. Oo, halos abutin sila ng sikat ng araw dahil sa tagal nitong labasan
dala ng alak. Ang akala nga niya ay hindi na sila nito matatapos.
“Hindi naman. Ayos lang.” Ang
naisambit niya riito. “Ano ba ang linuto mo ngayon?”
“Yung paborito mo.” Nakangiti nitong
turan sa kanya at sa muling pagkakataon ay binigyan siya nito ng masuyong
halik. “Bihis kana. Naghihintay na sa atin si Lola sa hapag.”
Tulad nga ng sabi nito ay naroon na
nga ang Lola nito sa hapag ng makababa sila. Magiliw naman siya nitong binati
at inanyayahang umupo para kumain. Mabuti na lamang at hindi mahirap
pakisamahan ang Lola nito at hindi rin ito nagtatanong patungkol sa pakikitulog
niya roon. Matapos ang masarap na tanghalian at pakikipagk`wentohan sa Lola
nito ay naghanda na ito para sa kanyang duty.
Nagpumilit pa rin si Nhad na ihatid
siya sa kanyang apartment kahit anong tanggi niya. Nang tuluyan siyang
makapasok sa kanyang apartment ay agad niyang tinungo ang kanyang k’warto para
muling magpahinga nang maalala niya si Miles. Mabilis niyang kinuha ang kanyang
cellphone na naka-off at in-on iyon. Ilang saglit lang ay sunod-sunod na text
galing kay Miles ang kanyang natanggap na halos pare-pareho lang ang laman at
iyon ay kung nakauwi na ba siya.
Agad niya itong tinatawagan.
“Mabuti naman at nagparamdam kana.”
Bungad nito sa kanya.
“Nag-lowbat ako, ngayon ko lang
nagawang mai-charge ang cellphone ko.” Ang pagsisinungaling niyang tugon rito.
Sa abot ng kanyang makakaya ay gusto niyang ilihim sa mga ito ang katotohanang
pinagbawalan siya ni Nhad na i-on ang cellphone niya.
“Kaya pala hindi kita ma-kontak.” Ani
naman nito sa kabilang linya.
“Ano `yong sinasabi mo kagabi?”
Deretsahang pagtukoy niya rito sa kanyang pakay.
Narinig niya itong napakawala ng
buntong hininga. Sa puntong iyon ay alam niya ng hindi basta-basta ang problema
ng mga ito.
“Hindi ka na dapat namin piniperwisyo
sa problema naming ito dahil kami naman talaga ang dahilan kung bakit nagkagulo
ang lahat. Pero wala na kaming makitang ibang paraan, Ands. As much as I hated
to admit it, hindi ko na alam ang gagawin. Kailangan na namin ang tulong mo
bago pa mapatay ni Jasper ang sarili niya.”
Ilang minuto matapos nilang
makapag-usap ni Miles sa telepono ay dumating ito sa kanyang apartment. Halatang
masyado itong nababagabag dahil hindi man lang ito nagawang ngumiti sa kanya.
Agad siyang sumakay sa kotse nito na agad naman nitong pinaharorot.
“Hindi namin siya p’weding iwan ng
matagal because the last time that we did, he almost killed himself. Kung alam
ko lang na ito ang kalalabasan ng lahat, sana hindi na lang kami nakialam.
Hinayaan na lang sana namin kayo.” Miles said with so much regrets.
Alam niyang posibleng lumikha ng
malaking gulo sa pagitan nila ni Nhad ang kanyang gagawing pakikipagkita kay
Jasper dahil ipinagbabawal nito iyon sa kanya subalit hindi niya naman kayang
hayaan na lang ang kaibigan.
“Ginawa na namin ang lahat para
maipaliwanag sa kanya ng mabuti ang sitwasyon but he refuses to listen. Ang
tingin niya sa amin ay mga kaaway niya.” Pagpapatuloy nito habang napapa-iling.
“Hindi ba’t parang mali yata kung ako
ang haharap sa kanya? Baka lalong magwala iyon.” Ang may pag-aalala naman
niyang tugon rito.
“He will listen to you.” Ang tila
sigurado nitong wika.
“Papaano ka naman nakakasiguro?”
“Mahal ka niya. Maniniwala siya
sa’yo.” Tugon nito sa kanya. “I’m sorry Ands, hindi dapat ganito ang
kinalabasan ng lahat.”
Siya naman ang napailing.
“Malaking gulo ito kapag nalaman ni
Nhad itong ginawa ko Miles.”
“I know Ands, I’m sorry.” Ramdam niya
ang sinseredad nito.
Hindi na siya muli pang nagsalita.
Hindi rin naman niya magagawang tumanggi. Kaibigan rin naman niya si Jasper at
sa tingin niya siguro nga ay panahon na para tapusin ang lahat. Pero papaano
kung hindi siya magtagumpay na maipaintindi rito ang lahat?
Nang huminto na sila sa tapat mismo ng
bahay nina Jasper ay doon na siya talaga nakaramdam ng matinding kaba. May
maitutulong nga ba siya rito o mas lalo lamang niyang palalalain ang problema?
Doon na siya tila nakaramdam ng pagdadalawang isip. Kung tutuusin ay p`wedi pa
siyang umatras pero ang problema ay hindi niya kaya. Hindi niya basta p`wedi na
lang talikuran ang mga kaibigan.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay
agad niyang nakita ang iba pa nilang kaibigan sa sala. Binigyan siya nang mga
ito ng isang matamlay na ngiti tanda ng pagbati.
Ganito na ba talaga kalala ang lahat?
“Nasa k’warto siya. Ayaw niya kaming
pagbuksan.” Wika ni Miles.
Napakunot ang noo niya rito.
“Don’t worry buhay pa siya. From time
to time sinusubukan namin siyang katukin at nagagawa pa naman niya kaming
sigawan kaya sigurado kami na humihinga pa siya.”
“Subukan mo siyang kausapin Ands. At
least mapapayag lang natin siyang buksan ang k’warto niya.” Ang wika ni Marx.
Tumango na lang siya sa mga ito at
tinungo ang k`wartong naging saksi noon kung papaano niya ibinigay ang
lahat-lahat para sa taong wala siyang ibang hiniling kung hindi ang mahalin
siya. Pero ngayong nabaliktad na ang takbo ng kanilang k`wento, ano ang
mangyayari?
Tatlong mahihinang katok ang kanyang
pinakawalan.
“Lumayas kayo sa pamamahay ko! Wala
kayong mga k`wentang kaibigan!”
Napapikit siya nang marinig ang galit
na galit na boses ni Jasper. Liningon niya ang mga kaibigan na nakatayo sa
kanyang likuran. Huminga siya ng malalim para mabawasan ang matinding kaba na
kanyang nararamdaman.
“Toper, si Andy `to. Bukasan mo ang
pinto at mag-usap tayo.” May himig ng pakiki-usap niyang wika.
Nakarinig siya ng ingay sa loob ng
k`warto nito hanggang sa marinig niya ang mabibigat na yabag sa loob papalapit.
Ang sumunod na nangyari ay ang pagbukas ng pinto ngunit halos hindi siya
makapaniwala sa taong bumungad sa kanya. He was not the same Jasper that he
knew. Halatang napabayaan na nito ang sarili ngunit ang mas nakakabiglang
nangyari ay nang bigla siya nitong hawakan sa kanyang kamay at hilahin papasok
sa k`warto nito kasabay ng pagsarang muli ng pintuan.
“Oh shit! Andy!” Ang narinig pa niyang
pagpa-panic ng kanyang mga kaibigan sa likod ng pintuan.
Itutuloy. . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment