by: Zildjian
Napakislot siya ng dumapi ang mainit
na hininga nito sa kanyang tenga. Animoy para siyang kinuryente ng ilang
boltahe.Gano’n katindi ang naging epekto ng mainit na hininga nito sa kanya.
“Totoo ‘yon. Noon pa man ay
gustong-gusto ko na kapag kumikislap ang mga mata mo sa tuwing pupurihin kita.
Kaya nga palagi na akong pumupunta sa bar na pinagta-trabahuan mo, eh.”
Pagpapatuloy nito na nilakipan pa ng nang-aakit na ngiti.
Hindi niya alam kung papaano
magre-react dahil hindi niya alam kung seryoso ba ito sa mga sinasabi nito o
sadyang malakas lang ang trip nito. Pero ayaw niyang mapahiya. Ayaw niyang
makita nito na tinablan siya sa mga pang-aakit nito sa kanya kaya naman pabiro
niyang hinampas ang braso nito.
“I-Ikaw talaga ang lakas mo talagang
bumanat.” Ang hindi niya maituwid-tuwid na wika rito dala ng matinding
pagkalabog ng kanyang puso.
Nalintikan na!
“Hindi ako bumabanat ngayon, Andy.
Sinasabi ko lang ang matagal ko nang hindi masabi-sabi sa’yo dala ng palagi
akong nauunahan ng hiya. I’m fascinated with that glimmer in your eyes. Dahil
sa tuwing nakikita ko iyan, gumagaan lalo ang pakiramdam ko at tumitibok ang
puso ko ng tulad nito.” Sabay gaya nito ng kamaya niya sa dibdib nito.
Ramdam nga niya kung gaano kabilis ang
tibok ng puso nito na para bang katatapos lang nitong tumakbo ng ilang
kilometro. Pero siguro ay dala ng magkahalong kaba at kakaibang damdaming
sumasakop sa kanya sa mga oras na iyon ay maagap niyang inilayo ang palad
niyang nakadampi sa dibdib nito.
“Nhad, huwag kang ganyan. Alam natin
pareho ang dahilan kung bakit biglaan tayong naging malapit sa isa’t isa.” Ang
pagpapa-alala niyang wika rito sa rason kung papaano sila nauwi sa gano’ng
estado.
Ngumiti ito sa kanya, iyong ngiting
palaging gumugulo sa kanyang buong sistema. Mukhang wala talaga itong balak na
tantanan siya at talagang nakakabaliw ang ginagawa nitong lantarang pang-aakit
sa kanya.
Lasing na siguro ito.Naiwika niya sa
kanyang sarili habang hindi pa rin nagpapalit ang ekspresyon ng kanyang mukha
at iyon ay ang pagkakunot ng kanyang noo.
“Oo nga. Dumikit ako sa’yo dahil kapag
kasama kita nawawala sa isip ko lahat ng problema ko. Napapagaan mo ang
damdamin ko ng walang kahirap-hirap.” Ang wika nito.
“Exactly.”Maagap naman niyang wika.
“Kaya alam ko na hindi p’weding mahu ––”
“At dahil ikaw ang pumapalis sa mga
masasamang nakaraan ko, hindiimposibleng mahulog ako sa’yo di ba?” Pagputol
nito sa kanya na para bang wala itong interes sa iba pa niyang sasabihin. “You
are my cure Andy and you’re the reason why I’m still here in this world. Hindi
mo ba naisip na baka sinadya ng pagkakataon na pagtagpuin tayo ulit sa isang
sitwasyon na pareho nating hindi inaasahan?”
“Hindi ko gusto ang pupuntahan ng
usapan nating ito Nhad.” Hanggat kaya niya pang supilin ang kanyang damdamin ay
gagawin niya. Mahirap iyon sapagkat ang taong umaakit sa kanya ngayon ay ang
tao ring minsan nang pumukaw ng kanyang interes.
“Bakit, saan ba sa tingin mo patutungo
ang usapang ito?” Wika nito sa nang-aakit na boses na nilakipan pa nito ng
isang kindat.
Lalo lamang siyang nag-panic at lalo
lamang nagrigodon ang kanyang puso.Iniisip niyang kapag nagpatuloy pa ang
gano’ng klaseng usapan nila ay `di malalayo’t tuluyan na siyang bibigay.Kaya
bago pa iyon mangyari ay humakbang siya paatras dito.
“Lasing ka lang Nhad.” He said. Wala
siyang balak magpadala sa mga salita nito dahil alam niyang hindi pa ito handa
sa isang relasyon. “At sigurado akong bukas pagkagising mo, hindi mo na maiisip
ang mga sinabi mo sa akin ngayon. Excuse me, CR lang ako.” Saka niya ito iniwan
na hindi na hinahayaan pang makapagsalita.
Nang marating niya ang banyo sa loob
ng bahay ay agad niyang binasa ang kanyang mukha. Nagbabakasakaling sa
pamamagitan niyon ay mawawalang parang bula ang hatid na damdamin ng mga
narinig niya sa lalaking wala na yatang ibang alam kung hindi gulatin siya ng
todo.
Aaminin niya.Hati ang kanyang
nararamdaman. Dahil kahit pa man ilang araw pa lang silang nagkakasama ng
lalaking kinabog ang kanyang sistema ay hindi niya maitatanging bumabalik ang
pagkagusto niya rito lalo pa’t napaka-lambing nito sa kanya isama mo pa ang mga
banat nitong walang katulad. Pero, may isang bahagi naman sa kanya na
nagsasabing hindi siya p’weding umasa. Siguro dahil natatakot siyang masaktan.
Oo, hindi ako p’weding umasa sa kanya
at lalong hindi ako p’weding mahulog sa isang iyon.Naiwika niya sa kanyang
isipan saka muling binasa ng tubig ang kanyang mukha. Tama lang ang ginawa ko,
hindi pa siya handa at hindi pa ako handang masaktan ulit kung
sakali.Pangungumbinsi pa niyang lalo sa sarili.
Mukha namang nakatulong sa kanya ang
ginawang paghihilamos para ma-relax ang kanyang sarili. At nang matapos niyang
punasan ang kanyang mukha ay lumabas na siya ng banyo para balikan si Nhad.
Hindi naman tama na iiwan niya na lang ito basta-basta.
Nang makabalik siya sa labas kung saan
naroon ang mga bisita ay napansin niyang tapos nang tumugtog ang banda at
naghahanda na ito para sa pangalawa nitong set. Binalingan niya ang mesa kung
saan sila kanina lang nakap’westo ni Nhad at nakita nga niya ito subalit hindi
na ito nag-iisa tulad ng kanyang inaasahan. Masaya na itong nakikipagtawanan sa
mga kumpare ng kanyang dakilang kapatid.
Bago tuluyang lumapit sa mga ito ay
nagpakawala muna siya ng buntong hininga saka nagplastar ng ngiti sa kanyang
mukha. Doon naman siya magaling, sa pagtatago ng kanyang tunay na damdamin.
“Narito na pala ang babes mo.” Ang
nakangiting wika ng kanyang kuya Red habang sa kan’ya napatingin.
Ano daw?
“Ayos pala itong boyfriend mo Ands,
kalog din tulad namin.” Ani naman ng kanyang kuya Rome.
“Boyfriend?”Takang tanong naman
niya.“Sinong boyfriend?”
“Siya.” Ang nagkakaisang wika naman ng
mga ito sabay turo sa ngingisi-ngising si Nhad.
“Unang tingin ko pa lang talaga sa
inyo kanina alam ko nang hindi lang kayo magkaibigan, eh. Bakit niyo pa kasi
kailangang itago, eh ayos lang naman sa amin iyon. Suportado namin ang relasyon
niyo.“Wika ng kanyang kuya Ace.
“Hindi po kami mag-boy ––”
Di na niya naituloy ang kanyang iba
pang sasabihin dahil muli, inakbayan na naman siya ng lalaking sa mga oras na iyon ay halata sa mga mata ang
pagkagiliw.
“Babes, medyo tinamaan na ako.Saan ba
tayo matutulog?” Wika nito sa kanya na nilakipan pa nito ng pagpapapungay ng mata.
Anak ng tinapa! Ano ang pinagsasabi
nito?
“Malamang napagod ka sa pagmamaneho
‘no?” Pagsali naman ng kanyang kuya Dorwin saka nito binalingan ang kasintahang
naka-akbay rin dito.“Mahal, puntahan mo si Angela at sabihin mong gusto ng
magpahinga nitong si Andy at Nhad.”
Agad namang tumalima ang kanyang kuya
Red at nang makabalik na nga ito ay bibit na ang kanyang dakilang kapatid
habang naka-alalay naman rito ang kanyang bayaw.
“Anong nangyari sayo?”May pagtataka
niyang naitanong rito.
“Sampalin kaya kita ng alak na gawa
mong beki ka nang malaman mo kung gaano kalakas ang tama niyon.” Nakairap
namang tugon nito sa kanya. “Umiikot na ang mundo ko. Hon, dalhin mo na ako sa
k’warto.”
“Buti nga sa’yo. Sugapa ka kasi sa
alak kaya ‘yan ang napala mo.” Ani naman ng kanyang kuya Ace na sinigundahan
naman ng kanyang kuya Dave.
“Tigil-tigilan niyo ako’t masakit na
ang ulo ko.” Nagbabanta naman nitong wika sa dalawa saka ito bumaling sa
kanilang dalawa. “Kaloka! Akbayang walang humpay! Sumunod na kayo sa amin kung
gusto niyo ng magpahinga.”
“Mga pare, hatid ko lang itong asawa
ko.” Pagpapaalam naman ng kanyang bayaw sa mga kaibigan nito.
“Nhad pare, yung usapan natin, ah.”
Ang ngakangiti namang wika ng kanyang kuya Red na tinugon naman ng magaling
nalalaki ng isang tango at ngiti.
Kailan pa sila naging close?
Tuluyan na nga nilang tinungo ang loob
ng bahay habang hindi pa rin inaalis ang pagkaka-akbay sa kanya ni Nhad.
Palihim niya itong siniko para sana sawayin ito pero hindi nagpatinag sa kanya
ang loko. Saktong pagkapasok napagkapasok nila sa loob ng silid na nakalaan
para sa kanilang dalawa ay siya na mismo ang nagtanggal ng kamay nitong
naka-akbay sa kanya.
“Anong pinagsasabi mo sa mga
iyon?”Nang-aakusa niyang tanong rito.
“Wala.” Nakangisi naman nitong tugon
sa kanya.
“Wala? Kung gano’n bakit biglang
naging magkasintahan at bakit babes ka ng babes sa akin? Ang lakas mo ring
makapang-trip ‘no?”
“Aba malay ko. Sila ang nag-assume na
magkasintahan tayo. Sumakay lang ako.” Hayon na naman ang pilyong ngiti nito na
talagang malapit na niyang kainisan.
“Bakit mo `di itinama?”May diin at
halatang nagpipigil niyang tanong rito. Ewan ba niya, di naman siya gano’n
kadaling mapikon pero sa nakikita niya ngayon dito na parang nananadya ito ay
talagang nagpapakulo ng dugo niya. Isama mo pa’t kilala niya ang mga kaibigan
ng kapatid niya. Malamang bukas, alam na ng ate niya ang tungkol sa kalokohan
nitong isang `to at paniguradong uulanin siya ng tanong ng kapatid.
“Bakit ko naman itatama? Eh gusto
ko‘yong ideyang boyfriend kita.” Nakangiti pa rin nitong tugon sa kanya. “Ikaw
ba, ayaw mo bang maging boyfriend ako?Sabi nga nila bagay daw tayo.”
Halos mapa-palatak siya. Suko na
talaga siya sa lakas nitong humirit. At nararamdaman na niyang malapit na
siyang bumigay lalo pa’t nakaplastar na naman ang kinagigiliwan niyang ngiti
nito. Kaya bago pa siya tuluyang madala sa mga salita nito ay pinutol na niya
ito.
“Lasing ka lang Nhad, itulog mo iyan
at bukas babalik ka rin sa tamang huwisyo.” Wika niya at akmang tutunguhin na
sana niya ang higaan para doon sumapa ng pigilan siya nito at pihitin papalapit
dito. Ang sunod na lamang niyang naramdaman ay magkahugpong na ang kanilang
labi.
Hindi siya agad nakakilos dala ng pagkagulat.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito habang nito naman ay agresibo
siyang hinahalikan hanggang sa wala na siyang nagawa. Tuluyan na nitong naibuka
ang kanyang mga labi at ang malala pa, ay nadala na rin siya, sa halik nito.
“Ganito ba humalik ang isang lasing?”
Hinihingal nitong naisambit nang sa wakas ay maghiwalay ang mga labi nila.
“God! Such a good kisser you are Andy.”
At doon na siya parang binuhusan ng
napakalamig na tubig. Ipinagkanulo siya ng kanyang pinipigilang damdamin dito dahilan
para wala sa sarili siyang gumanti ng halik. Dala ng ibayong hiya ay dali-dali
siyang padapang sumampa sa kama. Narinig pa niya itong napahagikhik subalit
wala na siyang lakas ng loob na muli pang balingan ito.
Hindi na namalayan ni Andy na nakatulugan
na pala niya ang hindi inaasang pangyayari kagabi. Kung hindi pa siya
nakakaramdam na may mabigat na bagay na nakayakap sa kanya ay hindi pa siya
magigising. At nang inimulat niya ang kanyang mata ay siya namang kanyang
ikinagulat ng husto.
Nakayakap sa kanya si Nhad, habang
siya naman ay nakayap rin dito. Ngunit hindi lang iyon, wala itong suot na
pangitaas. At ang malala pa ay sobra ang pagkakadikit ng kanyang mukha sa
matipunong dibdib nito. Amoy na amoy niya ang pabangong ginamit nito na dahilan
para matuyuan siya ng laway.
Maingat at halos pigil ang paghinga
niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kanya. Ayaw niyang magising ito dahil
paniguradong isang malaking kahihiyan kung makikita nito ang pamumula ng
kanyang pisngi at ang matinding panginginig ng kanyang tuhod sa hitsura nila sa
umagang iyon. Nagtagumpay naman niya at mabilisang inilayo ang mukha sa dibdib.
Nang sa wakas ay nakatayo na siya ay
doon lamang siya tuluyang nakahinga. Kumakalampag na rin ng husto ang kanyang
puso sa matinding kaba. Hindi niya maiwasang hindi ito pakatitigan. Napakaamo
ng mukha nito habang natutulog isama mo pa ang nakakapanghinang hubog ng
katawan nito. Broad shoulder, powerful chest, at ang flat belly nito na kahit
walang abs ay hindi naging hadlang para hindi siya mag-init at manuyot ang
kanyang lalamunan.
Damn he’s hot! Paano nagawa ng Kenneth
na iyon na pakawalan ang isang ito?
Marahan itong gumalaw upang magpalit
ng posisyon na kanya namang ikinangiti.
Ang cute talaga ng mokong na ‘to.At
ang sarap pa niyang humalik.Ang kanyang naisatinig habang wala sa sariling
napakagat labi.
Nagpasya na siyang lumabas ng k’warto
para sana uminum ng tubig subalit, hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng
hagdan nang makarinig siya ng pagtatalo. Napahinto siya at ipinasyang makinig
kungsino ang mga iyon at kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito.
“Gees! Pinapalala niyong lalo ang
hangover ko.” Boses iyon ng kanyang kapatid at halatang hindi na maganda ang
timpla nito.
“Ikaw lang ang nagpapalala ng
sitwasyon, Angela. Ano bang pumasok sa kokote mo at pinapunta-punta mo pa ang
baklang iyon dito?” Ang tinig naman na nasisiguro niyang sa kanyang ina.
“Nahiya naman ako sa tawag mo sa
kanya. Baka nakakalimutan mong anak mo at kapatid ko ang BAKLANG sinasabi mo.
Iyan ba ang itinuturo sa inyo sa mga prayer meeting na pinupuntahan niyo? Ang
maging mapanghusga?”Tila nanggagalaiti namang wika ng kanyang kapatid.
Noon pa man ay ito na talaga ang
palaging nagtatanggol sa kanya sa kanilang mga magulang. At aaminin niyang
nanikip ang puso niya sa narinig sa kanyang ina. Napakasakit pa rin sa kanya
ang katotohanang hindi na talaga siya gusto pang makita ng kanyang mga
magulang. Na pinandidirihan siya ng mga ito.
“Hindi tanggap ng diyos ang mga bakla
Angela, iyan ang sabi sa bibliya! He’s a disgrace to our family! Nagsama pa
siya ng lalaki dito at ikaw naman, sinuportahan mo pa ang kabaklaan niya.Nahawa
kana sa mga kaibigan mong makasalanan!”
Tuluyan ng pumatak ang mga luhang
kanina pa niya pinipigilan. Parang hinampas siya ng kawayan sa mga narinig na
masasakit na salita mula sa bibig ng kanyang ina. Hindi niya tuloy maiwasang
maitanong sa kanyang sarili kung gano’n ba talaga katindi ang kanyang naging
kasalanan sa mga ito para halos isuka na siya ng mga magulang.
“Ang hindi tanggap ng diyos ay kayong
mga taong kasing kitid ang utak ng uod! Si Andy, kahihiyan ng pamilya? Baka
kayo ang kahihiyan sa pamilya natin. Anak niyo, hindi niyo matanggap. At huwag
na huwag niyong idadamay sa usapang ito ang mga kumpare at kumare ko dahil mas
tao silang tingnan kesa sa inyo.” Ang narinig niyang muling wika ng kanyang
kapatid at bakas na dito ang matinding galit.
“Angela!” Ang nagbabantang boses naman
ng kanyang ama.
“What?Pinipilit niyo akong patulan
kayo. This is my house. Sasabihin ko ang kung ano mang gusto kong sabihin.At
walang p’weding kumuwistyon sa akin kung sino mang hudyo ang patutuluyin ko
rito. Ngayon, kung ang ipinunta niyo lang sa bahay ko ay para lamang
lait-laitin ang kapatid ko sa harapan ko, you better leave. Baka hindi niyo
magustohan pang lalo ang mga lalabas sa bibig ko. But allow me first to have a
word with you, huwag niyong hintayin na kung kailan nahihingalo na kayo, doon
niyo pa mare-realize iyang mga kamalian niyo. At huwag niyo ring hintayin na
tuluyan ng mawala ang respeto naming magkapatid sa inyo.”
Ang sunod niyang narinig ay ang
padabog na mga yabag palayo at ang pagbukas ng main door. Ito ang talagang ayaw
niyang mangyari –ang siya ang magiging dahilan para magkasira ang kanyang
nakakatandang kapatid at mga magulang. Ayaw na ayaw niya na may nagkakagulo ng
dahil sa kanya kaya siya nagpasyang lumayo noon.
Rinig niya kung papaano
nanggagalaiting napasigaw ang kanyang kapatid. Alam niyang hindi nito ginusto
ang patulan ang mga magulang ngunit para maipagtanggol siya ay ginawa nito
iyon. Lalo lamang tuloy bumigat ang
kanyang pakiramdam. Ipinasya na niyang tuluyang bumaba, gusto niyang humingi ng
tawad dito sa gulong inihatid niya.
Nakita niya itong pasalampak na kaupo
sa couch nito habang hapo ang ulo.
“Ate..”
Agad naman itong napabaling sa kanya.
“Ate, I’m sorry.”Ang nakayuko at
humihikbi niyang wika. Kung may tao man siyang pinapakitaan ng kanyang tunay na
nararamdaman ay sa kanyang ate iyon. Ang taong naging tagapagligtas niya at
tanging kakampi niya.
“Gaga ka talaga.Bakit ka
nagso-sorry?Ikaw na nga itong nasaktan nila.”
“Dapat talaga di na lang ako nagpunta
rito.Napilitan ka pa tuloy awayin sina mama.” Ang wika niya sa likod ng
paghikbi.
Narinig niya ang mga yabang nito
papalapit at kanya at ang sumunod na nangyari ay yinayakap siya ng kapatid.
“Makinig ka Andy, hindi mo kasalanan
at lalong hindi mo ginusto ang kung ano kaman ngayon. At walang masama sa buhay
na pinili mo. Kaya kita pinapanigan dahil iyon ang paniniwala ko.”Ang nang-aalu
nitong wika.
“Pero ate, nagugulo ko na ng lalo ang
pamilya natin.”
“Hindi ikaw ang gumugulo sa pamilyang
ito kung hindi sila. Stop blaming yourself for pete’s sake. Matuto ka namang
ipaglaban ang desisyon mong magpakabaklang adik ka. Takbo ka lang ng takbo, eh.
Ipakita mo sa kanila na hindi mali ang pinili mong buhay. Bakla ka na nga
emotera ka pa. Tahan na nga’t ang pangit mo pa naman kapag umiiyak ka.”
“Ate naman, eh!”
“Anong magagawa ko eh talaga namang
ang pangit mong umiyak noon pa man.Siya, itigil na natin ang kadramahang ito. I
had enough for this day.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang
kanyang luha. Kahit talaga baliw ang kapatid niyang ito, hindi naman niya
maitatanggi sa kanyang sarili na napakas’werte dito. “Hayaan mo na sila mama,
pasasaan ba’t mauuntog rin ang mga iyon sa kabaliwan nila.Ang importante,
narito ako, ang pamangkin mo at ang kuya Vincent mo,okey?”
Napatango na lamang siya rito. Secured
talaga siya kapag nasa piling siya ng kanyang kapatid na para bang kahit anong
sakit ang maramdaman niya ay makakaya niyang malampasan basta’t kasama niya
ito.
“Good girl.” Nakangisi nitong
wika.“Kamusta pala ang hunky fafa mo?Bungga ba ang performance level kagabi?
Nakailang rounds ba kayo?”
Dahil sa mas mataas siya kumapara dito
ay pabiro niya itong binatukan.
“Puro ka talaga kalaswaan.” Ang
napapangiti na niyang wika.
“Chusera! Sinilip ko kaya kayo kanina.
In all fairnerr ang ganda ng posisyon niyo, ha.” Bakas ang panunukso sa boses
nito.
Pinamulhan siya. Nakalimutan niyang
dakila rin pa lang tsismosa ang kapatid niya.
“Sa susunod mag-lock kasi kayo ng
pinto para di ko kayo mabobosohan. Pero kafatid, ang g’wapo ng jowa mo, ah?Siya
na ba ang pamalit mo kay Jasper?”
“Hindi ko siya boyfriend sabi, eh.”
Alma naman niya kahit pa man pulang-pula na siya sa panunukso nito lalo pa’t
hayon na naman at ginugulo na naman ang isip niya sa nangyaring halikan sa
kanila ng magiting na lalaki.
“Kapal talaga ng face mo. Ikaw pa
itong may lakas ng loob mag-deny sa kanya. Hoy Andrew Miguel, kung ako sa’yo,
hawakan mo ng mabuti iyong hunky fafa mong iyon.Ikaw rin, baka maagawan ka.”
Saka siya nito iginaya sa kusina. “Manang, pakigising nga ang magaling kong
asawa at paki sabi na rin sa yaya ni Geoff na bumababa na sila. Feel ko ngayon
ang family breakfast.”
Mabilis na dumaan ang oras sa araw na
iyon at inubos niya ito sa pakikipaglaro sa kanyang dalawang taong pamangkin at
pakikipagk’wentuhan sa kapatid. Kung baga, sa buong araw na iyon ay itinuon
niya ang kanyang atensyon sa kapatid at sa kanyang pamangkin dahilan para hindi
sila gaanong makapag-usap ni Nhad at nakikita naman niyang naiintindihan nito
ang pangungulila niya sa kanyang kapatid at pamangkin.
Kinagabihan ay niyaya sila ng kanyang
kapatid na pumunta sa seventh bar –ang bar na isa ito sa mga may-ari. Iyon daw
ang napagkasunduan ng mga ito kagabi. Napag-alaman din niya na pati pala si
Nhad ay naimbitahan sa Saturday session ng mga kaibigan ng kanyang kapatid at
nakapangako itong pupunta sa kanyang kuya Red na siyang nagma-manage sa
naturang bar.
“Ito pala ang sikat na seventh bar.”
Naiwika sa kanya ni Nhad ng marating nila ang naturang bar. Bakas sa mukha nito
ang paghanga. Kumapara kasi sa mga bars sa lugar kung saan ito lumaki ay di
hamak na mas advance ang seventh bar. Maikukumpara na ito ngayon sa mga sikat
na bar ng Manila at iyon ay dahil sa kanyang kuya Red at mga kaibigan nito.
“Ito nga wala ng duda.”Ani naman ng
kanyang kapatid.“Saan niyo gustong pumuwesto? Dito sa labas o doon sa loob? But
im sure mas gusto ni Andy sa loob dahil tutugtog ngayon ang bandang tumugtog
kagabi sa party.”
Nasa gano’n silang pag-uusap ng
dumating naman ang ilan pang kaibigan ng kanyang kapatid. Ang kanyang kuya
Carlo, at Ate Tonet kasunod ang kanyang Kuya Chad at Ate Mina.
“Part two ito ng party natin kagabi.
Di tayo masyadong nakapag-usap-usap.” Nakangiting wika ng kanyang ate Tonet
sabay beso sa kanyang kapatid at bayaw. “Hello Andy, and Andy’s boyfriend.”
Bati nito sa kanila ni Nhad.
“Hey Love birds.” Bati naman sa kanila ng
kanyang ate Mina. “You really look good together. Pareho kayong yummy.”
Anak ng tinapa! Bakit ba mag-boyfriend
ang tingin ng mga ito sa amin?
“On the way na sila pareng Chuckie
kasama nina pareng Niel at Brian. Si Dave at Alex, on the way na rin daw.”Sabat
naman ng kanyang bayaw.
“Si pareng Red?”Ani naman ng kanyang
kuya Carlo.
“Sinundo si Attorney. On the way na.”
Tugon naman ng kanyang kuya Chad.“Sina Ace at Rome, kilala na natin ang
dalawang iyon.”
Walastik at kamangha-mangha talaga ang
samahan ng mga kaibigan ng kanyang kapatid. Simula noon highschool pa lamang ay
magkakasama na ang mga ito at heto nga’t may ilan pang dumagdag sa mga ito at
iyon ay ang mga kaibigan ng mga asawa nito.
Isa-isang nagsidatingan ang iba pang
mga meyembro ng seventh bar hanggang sa ma-kumpleto ang mga ito. Walang
pagbabago, kasing kulit pa rin ang mga ito noon.Sa loob rin nila napiling
pumuwesto para ma-enjoy niya ang bandang tutugtog sa gabing iyon.
“Ganito pala talaga kasikat itong bar
niyo.” Ang naiwika ni Nhad sa mga ito. “Ang daming tao.”
“Syempre, magaling ang humahawak.”Ang
nagyayabang namang tugon ng kanyang kuya Red.“At dahil na rin sa likas naming
kabaitan at kakisigan.Di ba mga kumpare?”
Nagkaka-isa namang sumang-ayon ang mga
tinutukoy nito dahilan para makatanggap ito ng tig-iisang batok mula sa mga
asawa nito.
“Pero siyempre, di namin magagawa ang
lahat ng ito kung hindi kami ginabayan ng mga mahal namin.” Ang bumabawi namang
wika ng kanyang kuya Red sabay bigay nito ng nakaw na halik sa katabi nitong
asawa. “I love you Damulag ko.”
Kita niya kung papaano gumuhit ang
ngiti sa mukha ng kanyang katabing si Nhad saka siya nito binalingan.
“Do you think magiging masaya tayo
tulad nila kung sakaling maging tayo?”
Natural nabigla na naman siya sa
ginawa nito dahilan para mapatanga na lang siya dito.
“Teka teka!” Pagkuha ng pansin ng
kanyang ate Mina. “Ang gulo, eh. Hindi ba’t kayo na?”
Umiling naman rito si Nhad.
“Ayaw niyang sumubok sa akin, eh.
Siguro napapangitan siya sa akin.”
“Wala akong sinasabing pangit ka,
ah!”Protesta naman niya.
“Ayon naman pala, eh.”Ani naman ng
kanyang kuya Red. “Kung gano’n bakit ayaw mo sa kanya, eh mukha namang gusto mo
siya?”
“Yeah Andy, why are you holding back?”
Sigunda naman ng kanyang kuya Rome.
“Nag-iinarte lang iyan.” Pagsali naman
ng kanyang ate Angela. “Nagfi-feeling maganda.”
“Hindi ako nag-iinarte, bakit ba
pinagkakaisahan niyo ako?”Alma naman niya.
“Sige nga, kung di ka talaga
nag-iinarte, sagutin mo siya ngayon.” Panunukso naman sa kanya ng kanyang kuya
Dave na as usual sinigundahan naman ng kanyang kuya Brian.
“Ako na naman ang nakita niyo.” Ang
tila naman nagtatampo niyang wika sa mga ito saka niya binalingan si Nhad.
“Ikaw kasi, eh!”
“Siya siya. Huwag na natin silang
pilitin. Pasasaan ba’t doon din sila mauuwi.” Ani naman ng kanyang ate Tonet.
“At paano ka naman nakakasiguro
girl?”Ang kanyang Ate Mina.
“Dahil henyo ako.”Tugon naman nito
sabay tawa ng nakakaloka.
Madaling araw na nang matapos sila.
Kulitan, kuwentohan at kung anu-ano pang kalokohan ang pinaggagawa nila sa bar.
Muli rin niyang nakita at personal pang nakilala ang apat na meyembro ng
Skyband na sina; Tommy, ang bokalista. Markus Iñigo, ang leadguitarist. Lexin,
ang base.At Emman ang drummer. Bawat isa ay masasabi niyang may angking tikas
pero sa kanya, tanging si Nhad lamang ang kayang kumabog ng kanyang sistema.
“Ayaw mo ba talaga akong maging
boyfriend, Andy?” Kapagkuwan ay tanong sa kanya ni Nhad ng pareho na silang
makahiga.
Heto na naman kami. Ang naisambit niya
sa kanyang isipan.
Nagpakawala siya ng buntong hininga.
Marahil ay dapat na rin niya itong tapatin para matapos na ang lahat at hindi
na rin siya lumabas na nagi-inarte.
“Nhad, hindi sa ayaw ko sa’yo o
nagi-inarte ako. Hindi ka pa handa para sa relasyon, kagagaling mo lang sa
hiwalayan na halos sumira ng buhay mo. Ayaw kong maging panakip butas at lalong
ayaw ko ring masaktan sa huli. Aaminin ko, oo gusto rin kita. Infact matagal na
kitang gusto. But I guess this is not the right time for us.” Mahaba niyang
pagpapaliwanag rito.
Gumalaw ito at naramdaman na lamang
niya ang pagyakap nito sa kanya.
“It may not be the right time for us
pero gusto ko pa ring subukan natin Ands. Gusto kong maramdaman kung papaano
maging masaya katulad ng mga kaibigan ng ate mo. Ikaw ba, ayaw mo bang sumaya
kasama ako?” May bahid ng paglalambing nitong wika.
“Sinabi mo na matagal mo na akong
gusto di ba? Kung gano’n, puwedi bang iyan ang maging rason mo para subukang
sumaya kasama ako? You maybe right na hindi pa ako handang makipagrelasyon ulit
pero ang kagustohan kong sumaya kasama ka ang magiging dahilan para maging
handa ulit ako.” Pagpapatuloy pa nito.
Ramdam niya ang sensiredad sa boses
nito at aaminin niyang nadala siya sa mga sinabi nito. Lalo na ang huling mga
salita nitong binitawan. Nakuha niya kung ano ang ibig sabihin ng mga huling
salitang binitiwan nito. Handa itong sumugal kasama siya at ang iwasang
masaktan siya ang magiging daan para tuluyan itong makalimot sa masalimuot
nitong nakaraan. At hindi niya maiwasang makadama ng kiliti.
“Paano kung hindi tayo mag-workout
Nhad?”Kapagkuwan ay naitanong niya.
“It will work out. I know it will.”
Ang tila sigurado naman nitong sagot.
Tinimbang niya sa kanyang sarili kung ano ba
talaga ang gusto niya. Kung handa nga ba siyang makipagsapalaran kasama ito.
Kung kaya nga ba niyang masaktan ulit kung sakali.
Parang video na bumalik sa kanyang
ala-ala ang mga ngiti nang lalaking noon ay lihim na niyang hingaan. Ang mga
ala-ala nila habang dinadalaw siya nito sa kanyang apartment at ipinagluluto ng
mga paborito niyang pagkain. Kung papaano siya nito napapangiti at kung papaano
nito napapabilis ang tibok ng kanyang puso. Sino nga ba ang ayaw sumubok at
sumugal sa pag-ibig? Lahat naman ng tao ay handang masaktan sumaya lamang at
hindi siya naiiba sa mga ito lalo pa't ang kasama niyang susugal ay ang taong
minsan na niyang hinangaan.
I guess he’s worth the risk. Wala
naman sigurong nagbabawal na sumugal ulit. Naisambit niya sa kanyang sarili
kapagkuwan at inabot ang palad nito para iyon ay paghugpungin.
“Gusto ko ring sumaya, Nhad. Kasama
ka.”
Para naman itong nabigla sa kanyang
naging pagtugon dahil bigla itong napabalikwas ng higa.
“S-Sigurado ka?” Ang tila hindi
makapaniwala naman nitong naisatinig.
Ngayon naman ay gusto niyang matawa.
Mukhang hindi lang ito ang magaling manggulat sa kanilang dalawa.
“Ayos lang kung ayaw mo.” Nakangisi
naman niyang tugon rito.
“Hindi, ah! S’yempre gusto ko.”
“Akala ko ayaw mo, eh.” He said while
grinning.
Pero imbes na sumagot pa ito ng salita
ay bigla itong pumatong sa kanya at siniil siya ng halik na wala namang
pagdadalawang isip niyang tinugon. Radam niya pangangailangan ng pagtugon sa
mga halik nito hanggang sa biglaan nitong papagpalitin ang kanilang posisyon.
Siya na ngayon ang napapaibabaw rito.
“So, I guess I can call you babes now
right?” Ang humihingal na wika nito.
“Siguro.” Nakangiti naman niyang
tugon.
“Great!” Ani nito at muling inangkin
ang kanyang labi.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .. .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment