Monday, January 7, 2013

Exchange of Hearts (16-20)

By: Gelo
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


[16]
Umuwi ako ng bahay na tuliro, sobrang balisa ang isip ko nung oras na iyon parang lumulutang sa ere.. pabalik balik sa isip ko kung hangang kelan sya sa probinsya nila parang gusto kong sabihin na wag nalang syang pumunta at sabihin sa kanya na hindi na ako galit na bati na kame pero hindi talaga eh ang hirap!! PUNYETA NA PRIDE to eh!!

Ng makarating ako ng bahay, laking gulat ko ng may makita akong madaming bagahe ng mga damit. Andun ang lola,pinsan ko at isang babaeng hindi ko kilala may mga edad na 30 na ata.


“anong meron dito nay?” taong ko sa lola ko.

“halika muna dito, dito natin pag-usapan.” At dinala ako ng lola ko sa taas at dun kame nag usap. Medyo kinakabahan ako sa sasabihin nya, bakit kailangan pa nya akong dalhin sa taas upang hindi marinig ng iba ang sasabihin nya.

“ganto yan.. wag ka masyadong magugulat ha??” maingat nyang sabi.

“oh ano ba yun nay?? Kinakabahan naman ako sa tono ng boses mo.”

“ahmm.. yan ang bagong babae ng papa mo..” parang nag babaan ang lahat ng dugo ko sa katawan at parang namutla sa narinig.

“ha? Ano nay?”

“oo, babae yan ng papa mo at balak ng papa mo dito daw titira satin.”

“hindi pwede nay! Papayag nalang ba kayo na ganun ganun nalang?” galit kong sabi, medyo tumataas na ang boses ko.

“shhh.. wag kang maingay baka mrinig tayo sa baba.. eh wala tayong magagawa, pare parehas tayong pinapakalamon lang dito sa bahay ng papa mo.”

“kung kayo nay wala! ako meron!” sabay deretso ko sa kwarto ko at binaksak ko ang pinto ng sobrang lakas para marinig sa baba!

Nawala sa isip ko ang huling tagpo namin ni louie sa sobrang galit ko! Sobra na talaga ang papa ko, sinabihan ko na sya if maulit na may babae sya ulit ako na ang mawawala sa kanya! Ng biglang pumasok sa isip ko. “tama! Bibigyan ko ng leksyon ang papa ko! Lalayas ako ng bahay tignan natin kung hindi sya matinag kung mawala ang pinakamamahal nyang anak!” kaya agad agad akong nag impake ng mga damit ko. Ng matapos ako mag impake napatigil ako saglit at naupo sa kama ko.

“eh?san naman ako pupunta? Kung kila ninang naman napakalapit madali akong matagpuan, naglayas pa ako diba?tapos wala pa akong pera! San ako pupunta nito?” habang nasa ganung pag-iisip ako ng pumasok sa isip ko.

“kung sumama kaya ako kay louie?”sabi ko sa isip ko lang.

“hindi!hindi! hindi pwede! Pero? Wala na talagang ibang paraan eh? Kung hindi ako sasama sa kanya?san naman ako pupunta?haaaays.. sige na nga! Bahala na!” matapos non inayos kona ang iba ko pang gamit at natulog ng maaga dahil balak ko gumising ng 4am ng madaling araw para pag alis ko walang nakakaalam.

Tulad ng napagplanuhan, maaga akong nagising at alas kwatro ako umalis ng bahay. Tulog pa ang lahat! Bitbit bitbit ang mga bagahe ko habang nag lalakad papuntang bahay nila louie nakalimutan ko ang phone ko sa kwarto binalak ko sanang bumalik pero mas maganda na ata na iiwan ko para hindi nila ako macontact, kaya deretso na ko bahay nila louie. Ng makarating ako ng bahay nila laking gulat ko ng bukas na lahat ng ilaw nila.

“hala gising na mga to?” sabi ko.

Bago ako kumatok nag buga muna ako ng isang malalim na buntong hininga.

TOK!TOK!TOK!

Nag hintay pa ako ng mga 30 seconds bago bumukas ang pinto, ng bumukas na si ninang ang nag bukas nito at gulat na gulat.

“oh!!!! Anong ginagawa mo dito sa gantong oras?”

“ah eh.. ninang..”

“oh ano? At may dala ka pang bagahe ha!”

“sasama sana ako kay louie?” alanganin kong sabi.

“ha?? Nakoo!! Nakaalis na!!”

“ha??” sabay pasok ko ng bahay tapos umupo sa couch.

“pano to??” sabi ko na parang maluha luha.

“3am sya umalis ng bahay, malamang nasa barko na iyon ngayon at paalis na dahil 4am daw ali ng barko.”

“kasi ninang eh!” na parang maluluha na ako.

“oh bakit ba?”

“si papa kasi nag dala na naman ng babae sa bahay.. hindi ko na maatim yung ganong sitwasyon kaya napag isipan kong turaan sya ng leksyon. Hindi naman pwede dito ako kasi malapit lang sa bahay madaling malalaman at alam nilang dito lang ako tatakbo.” Malungkot kong sabi yung para bang wala nang pag-asa pa.

“tsk tsk tsk!! Tarantado talaga yang tatay mo noh! Alam kong mali yang gagawin mo pero dapat lang din na turuan yan ng leksyon!”

“pano po?” sabay baling ko ng tingin ko kay ninang ng may bahid na matinding lungkot sa muka. Ng nagulat ako ng may lumabas sa pinto ng c.r. si BAYAGRA!! Hindi pa pa pala nakaalis ang kumag!

“oh!! Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman!” sabay baling ng mata nya sa bagahe ko.

“ah eh! Ninang naman eh!! Kakainis ka! Sabi mo umalis na!” sabi ko kay ninang na parang hindi narinig si louie.

“ahahaha! Jinojoke lang kita.. ayan kausapin mo kung pwede.” Sabay akyat ni louie sa kwarto niya.

“ikaw nalang ninang, nahihiya ako mag sabi eh.”

“aba! Sya ang kasama mo sa byahe hindi ako, sa kanya ka mag paalam.” Sabay punta ni ninang sa kusina upang mag luto.

“ninang naman eh.. hays.. sige na nga.” Nung tipong paakyat na ako bigla kong naisip bakit sa baba nag naligo si louie eh may c.r naman sya sa kwarto nya.

“ninang!”

“ikaw na nga kasi mag sabi!” padabog na sabi ni ninang.

“hindi iba to! Bakit dito sa baba nag c.r si bayag? Eh may c.r naman sya dun eh!”

“sira gripo nya dun kaya dito naligo.”

“ah.. sige po aakyat na ako.” habang paakyat ako sa hagdanan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasi ito yung unang beses ulit na kakausapin ko sya na ako yung unang mag aaproach. Hindi ko alam pano sya iaaproach. Bago ako pumasok kumatok muna ko pero dati hindi ko ginagawa yun pasok agad.

TOK!TOK!TOK!

“pasok!” sigaw nya mula sa loob. Ng makapasok ako tumayo lang ako sa nakasarang pinto hindi alam kung san mag sisimula as in TURETE! Nag susuot sya ng medyas nya non.

“ahmm louie?” sabi ko ng may alinlangan.

“oh?” kampante nyang sagot.

“ahmmm.. ano toh!” hindi alam anong sasabihin, tahimik naman syang nag aantay ng sagot ko habang nag aayos.

“ahmm kasi ano..pwede ba makisingit sa lakad mo?”

“anong ibig mong sabihin?” nag-aayos parin sya.

“ahmm sasama ako sa probinsya nyo, kung ok lang?” hindi naman sya sumagot yung tipong walang narinig kaya akala ko ayaw nya ata.

“ahh.. sige ayaw mo ata salamat nalang..” nung tipong lilisanin ko na ang kwarto nya bigla kong naramadam na niyakap nya ako mula sa likod ko sa aking tiyan.

“joke lang! Ito naman! Pwede ba kitang tangihan? Syempre pwedeng pwede!” masaya nyang sabi. Natuwa naman ako sa sinabi nyan iyon, humarap ako sa kanya na nakayakap parin sya sakin.

“talaga?”

“talagang talaga!!” nagkatitigan kame ng saglit mata sa mata, ang bango bango nya! Naadik na naman ako! namiss ko ang amoy na iyon! Para akong namemesmerize ng napansin kong sobra ng lapit ng mga katawan namin at pumiglas sa pagkakayap nya sakin.

“ahmm salamat.” Sabi ko ng medyo nahiya.

“ah wala yun, bakit ba gusto mong sumama?”

“sa byahe ko nalang ikwekwento.”

“hmm sige..”

“baba muna ako dun nalang kita antayin ha?”

“oh sige sige.. matatapos na din ako dito.”

Bumaba akon g may ngiti sa labi, ang saya ko at the same time kinakabahan dahil mali nga ang gagawin ko pero bahala na! dapat maturan ng leksyon si papa para matuto. Ng maka baba ako tinanong ako ni ninang kung pumayag ba si louie,tumungo lang ako at ngumiti.

Mga after 10 minutes bumaba na sya dala dala ang bagahe nya.

“oh tara na!” sabayan pa ng NGITING WAGAS!

“oh ito! Nag luto ako ng baon nyo 12 hours din kayo sa byahe. Tanghalian at hapunan yan.”

“salamat ma..” sabay lagay naman nito sa bagahe nya.

“oh aweng! Mag-ingat kayo don ha? Itong si andeng wag mong iiwan pag may nangyaring masama jan malalagot ka sakin.”

“oo naman ma iingatan ko to! Baka nga dapat ako mag-ingat dito eh! Mabangis to eh!” sabay akbay sakin. Tinignan ko ang kamay nya na nakaakbay sa balikat ko.

“ah oo ninang mag-iingat po kame.”

“oh sya! Gumayak na kayo anong oras na 6am ang larga ng barko baka mahuli pa kayo sa byahe.”

“oh sige po ma muna na kame mag-inagt kayo dito ha?.”

“wag ka mag-alala dito samin ok lang kame dito, mag pakasaya kayo dun ipasyal mo yang si andeng sa hardin natin don at palaisadaan.”

“opo ma! Ako na bahala dito.”

“oh sya ninang, alis na po kame.. ingat kayo dito ha??” sabay yakap ko kay ninang ganun din si louie.

Habang nasa taxi kame papuntang pantalan pumasok sa isip ko si joner. “hala oo nga pala!pano yung banda wala na ako! shit kailangan kong ipalalam kay joner na aalis ako at hindi makakarating sa practice, alam kong maiintindiahan ako ni joner.” Ng hinahanap ko ang cellphone ko sa bulsa ko bigla kong naalala na naiwan ko pala phone ko kaya nanghinge ako ng text kay louie.

“louie, patext naman. Naiwan ko kasi phone ko sa kwarto eh.” Sabay abot naman ng phone nya sakin.

“sino ba itetext?” habang sumisilip silip pa sa phone nya kung anong ginagawa ko.

“ah si joner.” Ng biglang kinuwa nya phone nya at nilagay sa bulsa nya.

“ay! Bakit mo kinuwa!” laking pag tataka ko.

“wala akong number nya.”

“memorize ko!”

“wow!” sabi nya na nanlaki ang mata, inaabot ko ang kamay ko para kunin sa kanya.

“wala ako load!”

“edi bumaba muna tayo para paload!”

“wag na nasa kalagitnaan na tayo ng byahe oh!” reklamo nya!

“alam mo ang damot ng ugali mo!!!” sigaw ko sa loob ng taxi napa lingon naman ang driver samin.

“isaksak mo yang cellphone mo sa BAYAG mo ha!!” sabay baling ko ng tingin sa bintana ng taxi.

Tahimik.. walang nag sasalita! At nag-iinit parin ulo ko. “sabi ko na nga ba! Dapat hindi na ako sumama dito! Papunta palang kame naiirita na ako pano a kaya kung andun na kame at magtatagal kame dun siguro mamatay ako sa kunsimisyon!”

“oh!” pag abot nya sakin ng phone nya.

“diba sabi ko sayo isaksak mo sa bayag mo yan?”

“tapos na!” natawa naman ako sa sinabi nyang iyon dahil seryoso muka nya parang sinaksak nya talaga sa bayag nya pero pinilit kong itago.

“wag na!! sayong sayo na yan!!” galit ko paring sabi.

“pag di mo ito inabot hindi mo na to mahahawakan! Dahil pag dating natin don wala ng signal.” Napatingin naman ako sa sinabi nyang iyon at napa isip ako kung aabutin ko ba, pero syempre nag mamaganda lang inirapan ko lang sya.

Ng marating namin ang pantalan, may nadama akong kaba nung nakita ko na ang mga barko.

“sigurado na ba ako sa gagawin ko?bahala na si batman!” dun ko lang napag alaman na hindi pa nakakabili si louie ng ticket dahil bumili muna sya ng ticket namin bago kame umakyat ng barko. Matapos, umakyat na kame dala dala ang mga bagahe namin. Dahil sabay na binili ang ticket magkatabi lang ang aming higaan sa baba ng isang double deck na kama. Hindi kalakihan ang barko hangang second floor lamang ito siguro may 200-300 capacity of passengers lamang ang kaya ikarga. At pansin ko parang mag kakakilala mga to dito lahat nag-uusap-usap pag may makasalubong kinakamusta. At ganun nga si louie pag may nakaka salubong kinakamusta nya o sya.

“pwet! Jan ka na muna ha? Andun kasi mga tropa ko eh uuwi din ng probinsya.” Hindi ko naman sya sinagot at inirapan lang ulit. “pwet!pwet! ka jan! Bati ba tayo ha?” sabi ko lang sa isip ko. Ng makaalis sya,tinungo ko agad ang bag nya at hinanap ang phone nya. Ng makita ko nag text ako agad habang may signal pa.

“joh! andy to.. hindi ako makakapunta ng practice pati ng gig natin nitong lingo andito na ako barko byaheng probinsya nila louie saka ko na sayo ipapaliwanag pag-uwi ko, sorry talaga ha?? Yaan mo babawi ako may pasalubong ako sayo pag uwi ko.. sana maintindihan mo.. salamat..” iyon ang text ko sa kanya. Hindi na ako nakatangap ng reply dahil maaga pa noon 6am palang malamang tulog pa sya at kung mabasa man nya wala na siguro akong signal. Nung tinignan ko sa sent items “nyeta! May number pala sya ni joner! Ayaw lang talaga mag bigay ng text!” binalik ko din agad ang phone nya sa bag nya.

Maya maya nakadama ako ng antok.. ng sinubukan kong mahimbing hindi ako makatulog dahil sa ingay ugong mula sa barko kaya kinuwa ko ulit ang phone ni louie at nag sound trip.

“pwet!pwet!” pag uyog sakin ni louie para magising.

“gising na! tanghalian na kain na tayo.” Bumgangon naman ako, nakita ko naka handa na ang kakainin namin.

“yan oh! Pinag handa na kita.” Masaya nyang sabi, pangiti ngit pa ang loko. Hindi naman ako nag salita at sumubo na din ng kain.

“anjan pala sayo yung phone hinanap ko kanina.” Inabot ko naman agad sa kanya.

“oh!” pag abot ko ng phone nya.

“hindi jan na muna sayo kung gagamitin mo pa.”

“ikaw! Hindi ka lang madamot! Sinungaling ka pa!”

“ha? Bakit?” laking gulat nya.

“sabi mo wala kang load? Tapos wala ka ding number ni joner! Eh meron nga eh!”

“ah ganun ba? Nakalimutan ko may load pala ako. hehehe”

“hehehe? Utot mo!” nginitian lang nya ako, balik kame ulit sa pag kain namin. Matapos kame kumain niyaya nya akong lumabas at tumanaw ng tanawin, madaming dolphins daw ang nag papansin sa dagat. Gusto ko sanang sumama kaso ang init tanghaling tapat eh.

“mamaya nalang sigurong hapon ang init eh!”

“hindi naman eh malakas ang ihip ng hangin hindi mo mararamdam ang init.”

“kahit na nakaka-itim parin.”

“arte naman nito! Bahala ka nga jan!” padabog nyang pag alis, habang paalis alis naman sya inaasar ko sya habang nakatalikod, dumidila dila ako sa kanya. Ng bigla syang bumalik at nag kunwari akong na parang walang ginagawa.

“akin na phone ko!” naka simangot nyang sabi.

“bakit? Wala namang signal ah!”

“phone mo yan?”

“ oh! Saksak mo sa BAYAG mo ha?!!!” sabay abot ko ng phone sa nakaabang nyang kamay!

“talaga lang!!” sabay alis nya, bwiset talaga tong kumag na to ayaw patalo! Kahit hirap maka tulog dahil sa ingay ng barko pinilit kong matulog. Mga 4pm ng hapon nagising ko at napansin ko medyo pababa na ang sikat ng araw at hindi na mainit sa labas. Kaya tumayo ako at tumanaw ng tanawin. Napahanga naman ako sa nakita ko dahil puro kabundukan ang aking nakikita at malawak na karagatan, first time ko kasing makasakay ng barko dahil laging airplane ang sinsakyan ko pag nag babakasyon ako ng manila mula probinsya namin. Kaya manghang mangha ako sa mga nakikita ko.

“ganda noh?” nasa likod ko pala si louie. Tumango lang ako.

“malapit na tayo, pag ganyang marami ka ng nakikitang kabundukan.”

“ah ganun ba? Sayang dapat dinala ko yung digi cam.”

“oh gamitin mo muna phone ko malinaw naman capture nyan eh.”

“yoko!”pag tangi ko.

“oh! Bakit na naman?”

“eh sinaksak mo yan sa bayag mo eh!” tawanan kameng dalawa.

“baliw!oh jan ka lang kukunan kita!” itinaas ko naman ang dalawa kong kamay habang kinukunan nya ako. matapos nya akong kunan lumapit sya sakin at pinakita ang capture.

“wow ang ganda naman!”

“oh tayo naman!” sabay layo nya ng phone nya at inilapit ang muka sakin. At DIKIT NA DIKIT! Tinignan ko ang pictue namin matapos nyang kunan. Parang nag kakahawig na ang muka naming dalawa. Marami ding nag sasabi na halos nagkakahawig na daw muka naming dalawa ganun daw talaga iyon pag lagi kayong nag sasama. Para kameng mag jowa sa picture dikit na dikit ang mga muka namin.

“panget!” sabay alis ko at tungo sa higaan namin.

“hindi naman ah!” sigaw nya habang papalayo ako.

Narating na namin ang probinsya ni louie, pag baba namin sumakay na kame ng jeep.. halatang halata na mag kakakila talaga mga tao dito dahil sa loob ng jeep lahat sila nag kakamustahan. Pansin ko lahat ng mata nakatingin sakin marahil nag tatannong kung sino ako dahil bago ako sa paningin nila.

“ay aweng sino ga iyang kasama mo?” medyo may tono ang pag sasalita nila sa dulo ng sentence. Parang batangeño ang tono pero not exactly.

“ah! Pinsan ko iyan tya lita. Babakasyon lang dito.” Medyo nagulat naman ako sa sinabi nyang pinsan at sa tono ng boses nya ngayon ko lang kasi sya narinig sa ganung pananalita.

“ah ganun ga? Ay sana lumigaya sya dito sa bakasyon nya.” Medyo makata ata mga tao dito ahahaha.

Narating na namin ang bahay nila louie, may kataasan. Hangang second floor din ito, Sementado. Pumasok na kame sa loob. Walang tao sa sala. Naupo naman ako sa sala.

“tiya elsie??” pag tawag ni louie habang nag lalakad paloob ng bahay nila.

“tiyo albert??”

Sunod ko nalang narinig ay boses ng isang babae mula ata sa kusina nila.

“oh! Batang ito! Hindi ka man lang napapa-abiso na darating ka!”

“hehehe, gusto ko sana kayong supresahin tiya eh! Asan nga pala si tiyo?”

“ay andun sa pala isdaan pauwi na din iyon.”

“ay sya nga pala tiya may dala akong bisita nasa sala po magandang dilag.” Nanlaki naman ang mata ko sa narinig! Baliw talaga itong kumag na to.

“ay ganun ga?”

“dito po oh!” parating na sila mula sa kusina kaya nag ayos ako ng pag ka-upo ko.

“ay sya! Hindi naman magandang dilag ire! Magandang binatilyo!” sabay ngiti sakin.

“maganda gabi po sa inyo, ako po si andeng.” Pag bati ko.

“magandang gabi din sayo iho, pasyensya na kana dito sa bahay namin ha? Hindi kagandahan at kalakihan.”

“ay wala po iyon sakin ok nga po eh.”

“sya po yung inaanak ni mama.” Pag pasok ni louie sa usapan.

“ah ganun ga? Oh sya! Tara at sakto nag luto na ako ng hapunan alam kong pagod at gutom kayo sa byahe.

Tinungo ko na namin ang kusina kung asan andun ang dinning area, pinaupo ako mismo sa gitna kung san madalas pinapaupo ang isang padre de pamilya, medyo nahiya naman ako.

“iho pasyensya kana at ito lang ang naluto ko, ito naman kasing si aweng hindi nag pasabi na darating kayo eh di sana nag katay kame ng manok.” Isda ang ulam nila na prinirito pero nag lalakihan at mukang sariwa kung titignan kung ikukompara mo sa isda ng manila.

“ah! Wala po iyon tiya, kumakain naman po ako ng kahit ano basta walang lason.” Tawanan naman kameng lahat.

“oh tara kumain na tayo, at namiss ko din gantong set up pag kakain.” sabi ni louie.

Nag simula na kameng kumain, syempre mas pinili kong mag kamay dahil nag kakamay din naman talaga ko pag prito ang ulam ganun din naman sila, ginawan ako ng sawsawan ni louie bagoong na hinaluan ng konting suka. Unang pagkakataon kong maka tikim ng ganong sawsawan at namangha ako dahil ANG SARAP!

“wow! Ang sarap naman nito!”

“talagang masarap iyan, sila tiya lang ang gumagawa nyan.” Sabi ni louie.

“wow ang galing naman, first time ko makatikim ng gantong sawsawan ang sarap!”

At habang kumakain kame, ikinuwento ko na rin kung bakit ako sumama kay louie. Hindi na ako nahiya kay tiya elsie mas mabuting alam nya ang rason ko ayoko kasing may itinatago lalo na’t sa isaing bubong lang kame mag sasama. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin dumating na ang sinasabi na tiyo albert ni louie.

“oh tiyo! Sabay ka na samin!”

“oh! Andito ka pala! Hindi ka man lang nagsabi, may bisita ka pa nakakahiya dapat nag katay tayo..”

“ay pasyensya na po, gusto ko po kasi kayong supresahin eh.”

“ay! Ikaw talagang bata ka!ay sya, kumain na kame sa pala isdaan..”

“ay sino ga itong bisita mo? Nakakahiya naman ay parang anak mayaman ang kutis oh!” napa ngiti lang naman ako.

“ay si andeng po iyan, inaanak ni mama.”

“ah ganun ga? Ay.. pasyensya kana dito samin ha? Pero matutuwa ka dito samin marami kang mapapasyalan.” Sabi ni tiyo albert.

“ay wala po iyon, tulad ng sabi ko kay tiya elsie ok na ok po ako dito wala po kayong maririnig na reklamo sakin sanay din po ako sa hirap.” Sabi ko.

“ay buti naman kung ganun, oh sya teka lang at maliligo lang ako at amoy isda ako gawa ng nangisda kame.” Sabay tungo nito sa c.r.

“oh aweng samahan mo na itong si andeng sa kwarto nyo mukang pagod na itong si andeng.” Sabi ni tiya elsie.

“oh tara, akyat na tayo.” OH MAH GOSH! Sa isang kwarto kame? Paktay!! Ahahaha

Ng marating namin ang kwarto nya, amoy luma ang loob halatang hindi nagagamit ng mahabang panahon. Medyo madaming alikabok.

“pasyensya kana pwet! Meyo madumi eh, wala kasing gumagamit dito!” sabay binuksan nya lahat ng bintana para mag labasan ang alikabok at umalingasaw ang amoy lumang kwarto.

Nag linis muna kame bago mag-ayos ng mga gamit namin, nagwalis, nag palit ng punda ng mga unan at sapin ng kama, ganun din ang mga kurtina pinalitan. Siguro mga 9pm natapos na kameng mag linis. Syempre pagod pa ako sa byahe kaya inaantok na ako.

“ligo ako, gusto ko ng matulog eh.” Sabi ko.

“oh sige teka ihanda ko lang ang c.r.” bumaba sya, mga 5 minutes bumalik din agad.

“tara! Ok na ligo kana.”

Pag pasok ko, isang lampara lamang na de gas ang gamit ang nag sisilbing ilaw sa loob ng c.r. maayos naman ang loob malinis at maayos. Buti nalang nag dala ako ng sarili kong sabon at shampoo nakakahiya naman kung pati iyon hihingiin ko pa sa kanila. Ng matapos ako kita ko agad si louie sa labas ng pinto naka abang.

“oh tapos kana? Ako na ha?”

“ah oo sige!” matapos umakyat na din ako agad sa taas para mag-ayos at mag bihis. Matapos, sinimulan ko ng humiga dahil sa sobrang pagod kaya lagpak agad ako sa kama. Maya maya dumating na itong si louie naka tapis lang hindi ko naman pinansin na kunwari tulog na ako. ng matapos sya mag bihis umupo sa tabi ko.

“pwet!”

“hmmm?” kunwari tulog na ako.

“mga tropo ko kasi nag yaya ng inom? Jan lang naman kame sa baba.”

“oh?”

“iwan muna kita dito?ok lang ba?” medyo nainis naman ako sa sinabi nya, syempre! Alam kong pagod din sya tapos inom agad! Hindi ba makapag hintay yang inom nyo! Sa isip ko lang.

“hindi ba maka hintay yang inom nyo? May bukas pa naman ah!”

“ayaw mo ba? Ok lang sabihin ko sa kanila bukas nalang.”

“bahala ka buhay mo yan! Sige bumaba kana don at matutulog na ako!” reklamo ko.

“oh sige, saglit lang naman yun eh.” Hindi naman na ako sumagot sa halip umidlip na.

Maya maya, nagisinig ako sa isang kalabog sa pag bukas ng pinto. Si bayag! Lasing na ata ng gagu! Kunwari tulog na ako at hindi umiimik pero nakamasid lang ako sa ginagawa nya. Nag hubad sya ng t-shirt at short, boxer’s short nalang ang naiwan. Ganun kasi kung matulog sya talagang boxer’s short lang ang suot. Matapos, bigla humiga sa tabi ko, yung tipong higa na pabagsak! As in na windang ang buong kama sa pag higa nyang iyon. Lasing nga ito! Hindi ko alam anong oras na iyon basta madilim pa. Maya maya yumakap sakin sa tiyan at lapit na lapit ang muka sa leeg ko, gusto ko sana sampalin kaso hinayaan ko nalang kasi may kiliti din akong nararamdaman. Pahigpit ng pahigpit ang yakap nya! Sabayan pa ng pag tanday nya ng paa nya sa hita ko! Ito ang ayaw ko dito eh pag katabi mo gagawin kang tandayan! BWISET! Pero ok lang naman sakin syempre! MAHAL KO! Ahahaha. Pag ibang tao hindi ako nag papatanday ng ganun sa kanya lang. Maya maya nag salita ang mokong!

“hmm! Pwet!”

“huy pwet!!” sinusubukan nyang magising ako, lokong to! Alam ko na mga tipong ganto eh! Nag-iinit na naman ito, ang init ng katawan grabeh! Pero syempre hindi naman na ganun ganun nalang bibigay ako agad. NOT NOW! At pagod ako! ahahaha.

“pwet! Sorry na ha? Wag mo na kasing ako awayin.. kung alam mo lang natuturete ako pag hindi mo ako pinapansin.. bati na tayo ha?” malungkot nyang sabi, naawa naman ako sa narinig kong iyon, apektado din pala sya sa sitwasyon namin. Hindi naman ako sumagot sa halip ay humarap nalang sa kanya.

“sige na nga! Tulog na nalang ikaw!” sabay halik sa labi ko! Nagulat naman ako sa ginawa nyang iyon. Ganun parin nakayakap sya sakin.. hinayaan ko lang hangang sa makatulog kame.. ang sarap ng ganto.. sana ganto nalang lagi kahit sa gantong paraan ramdam ko mahal nya din ako.

ITUTULOY..


[17]
Pagmulat na pagmulat ko ng mata ko, nagulat ako sa nakita ko! Isang MALAKING MUKA!! Sa gulat ko nasampal ko!

“ay! Bastos!” inilayo ko muka ko, nung naaninag ko, si bayag pala! Tulog na tulog! Hindi man lang nakaramadam sa sampal ko sa halip ay pag sara lang ng bibig nya na naka buka ang naging reaksyon ng pag sampla ko sa kanya.

Nakalimutan ko, nasa probinsya pala nila ako kala ko kasi nasa bahay lang ako kaya nagulat ako sa nakita ko, pinag masdan ko ng mabuti si louie, talagang ang sarap ng tulog nya. Siguro lasing na lasing to kagabe. Naka FETUS na posisyon ang porma nya nung oras na iyon. Siguro lamig na lamig ako lang kasi may gamit ng kumot nung oras na iyon, hindi man lang nya sinubukan makishare sakin sa halip ay hinayaan akong gamitin ng buo ang kumot. Kinuwa ko ang phone nya at tinignan ang oras. 6am palang pala kaya! Kaya pala sobrang lamig kahit walang electric fan.

“kawawa naman tong bayagrang to! Lamig na lamig na..” matapos tinakluban ko sya ng kumot na gamit ko kanina.

“tanga tanga ka rin noh? Dapat kasi nakishare ka sakin.” Kinakausap ko sya noon kahit alam kong tulog sya. Hehehe

Humiga ulit ako, magkaharap kameng dalawa. Ganun parin nakanganga parin sya ang baho nga ng hininga eh tuba siguro tinira nila kagabe kaya sinara ko bibig nya. Tinignan ko lang sya ng mabuti. Gutso ko tumawa na ewan! Ang gara kasi ng itsura nya non ang HAGARD! Malamang! Galing byahe eh tapos deretso inom agad. Kaya pinagtripan ko sya non. Gamit ang phone nya kumuwa ako ng mga captures na tulog sya minsan sinasabay ko sarili ko sa picture tapos tipong ituturo sya na kunwari pinag tatawanan sa picture.

Hindi pa ako nakuntento, sinuklayan ko buhok nya at hinati sa gitna yung parang kimpi style! Tawa ako ng tawa! Ang panget ng itsura nya parang kumag lang! Ayun picture ulit ako! talagang hindi matinag kahit anong gawin ko! Ganto talaga kasi to lalo na’t lasing? Sinamahan pa ng pagod? Nakoo!! Asa ka pang magigising mo ito! Pero syempre pag ako gumising nito aba! Takot lang nya! Bangon agad!

Syempre! Hindi pa ako na kuntento sa trip ko! Ahahahaha! kumuwa ako ng ballpen at sinulatan muka nya! Ahahahaha! Sobrang lakas trip! Gumuhit ako ng malaking bilog sa magkabilang mata nya yung tipong black eye ang dating, matapos sinulat ko tawagan namin sa magkabilang pisngi nya sa kaliwa BAYAG at sa kanan PWET! Ahahahaha sobrang dami kong tawa ng papigil para hindi marinig nila tiya elsie sa kabilang kwarto. Picture picture ulit! Ang saya! Ang sama ko! Ahahaha..

Maya maya, napagod na ako sa trip ko. Humiga ako ulit. Mag kaharap kame ulit. Ngayon iba naman trip ko.

“reypin ko kaya to?” tapos tawa na naman ako ng papigil.

“wag na! sobrang sama ko na non!” tapos, tinignan ko lang sya sa muka.. ayun! Naakit ako ng labi nya. Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi nya hangang sa magkadikit na ito. Hindi ko ginalaw ang labi ko nasa ganung posisyon kame ng biglang yumakap sya sakin sa leeg! Nagulat naman ako pero hindi ako natinag at lalo pang idiniin ang labi ko sa labi nya. Ng bigla kong maramdaman na unti unting gumagalaw ang labi nya, hinayaan ko lang.. ng mapansin ko bumuka na naman! Ahahaha! Kala ko papatol na! Yun pala eh ibubuka lang ang bibig nya! Ganun talaga sya pag natutulog eh! Kaya tinangal ko na din ang labi ko sa pagkakadikit nito sa labi nya kasi ang baho na naman eh! Ahahaha. Tumalikod nalang ako ng higa at inilagay ang kamay nya sa bandang tiyan ko.

Nagising nalang ako nung maramdaman kong may gumagalaw sa kama. Pag mulat ko ng mata ko at tumaligod. Si bayag gising na! naka upo at nakatingin lang sakin kaya tumalikod ako ulit.

“good morning pwet..” pag bati nya. Humarap ako sa kanya at ngumiti lang.

“tara baba na tayo, gising na iyon sila tiya at tiyo para makapag almusal na tayo. At marami din tayong gagawin sa araw na ito.” Napa isip naman ako sa sinabi nyang marami kameng gagawin sa araw na iyon.

“tara..” nung tumayo na kame para lumabas. Haharap na sana sa salamin si louie ng bigla kong hinala sya pabalik sa kama.

“oh? Bakit?” laking pag tataka nya.

“ahehehe, wag ka muna tumingin sa salamin may dumi ka pa sa muka.”

“abe! Tignan ko sa salamin!” sabay hawi sakin para umalis sa pag kakatayo sa salamin. Pero nag matigas ako at tumayo ng tuwid sa harap ng salamin.

“hala sya! Alis nga sabi! Titignan ko!” medyo inis na nyang sabi.

“wag na kasi lilinisan ko muna bago mo tignan para gwapo ka!”

“isa!” pag saway nya sakin! Kaya umalis na din ako. nung tinignan na nya muka nya sa salamin hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot kasi baka magalit sya. Ng dahan dahan nyang binaling ang tingin sakin ng may matalas na tingin!

“ANDEEEEENG!!” mahaba at matigas nyang sabi.

“sorry! Tatangalin ko nalang..” pero parang matatawa pa ako nung oras na iyon.

“tangalin mo talaga! Pag di mo tinangal to rereypin kita dito!!” pag banta nya na parang seryoso.

“ah sige ok nalang yan!” tawanan kameng dalawa! Kumuwa ako ng tisyo sa bag at alcohol. At sinimualn ko ng punasan ang muka nya.

“aw! Sakit naman sa mata nyan!”

“saglit nalang to! Tiisin mo nalang.” Nakapikit sya nung oras na iyon habang ako naman papigil ang tawa.

“badtrip ka ha! Pinag tritripan mo ako habang tulog.”

“wala kasing magawa eh!” habang tinatangal ko parin ang sulat ng ballpen sa muka nya.

“eh kung ikaw kaya pag tripan ko ngayon?” sabay mulat nya ng mata nya at tinignan ako ng isang demonyong tingin, napaatras naman ako.

“louie wag! Bata pa ako!” pinilit kong sabihin iyon sa seryosong paraan pero natatawa talaga ako kasi may naiwan pang ibang sulat ng ballpen sa muka nya at parang kumalat pa ang iba na nagpaitim sa ibang parte ng muka nya at tipong gumagapang na palapit sakin na kinatawa ko ng sobra! Para syang kriminal na palapit sakin na may balak na kung ano! Ng biglang.

“ha!” sabay hila nya sakin!

“waaaaaaaaaaah!! Hahahaha!!!!” tawa naman ako ng tawa.

“louie! Tama na!! yoko na!! ahahaha” hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at ang dalawa kong paa ay naka lock ng dalawa nyang paa at kinukuskos nya ang baba nya sa sentro ng dibdib ko na nagbibigay ng SOOOOOOOOOOBRANG kiliti na parang hindi na ako makahinga!

“waaah!! Ahahahaha!! Ayaw na!! please!! Ahahaha!”

“uulitin mo pa ha??!!” sabay tangal nya ng baba nya sa dibdib ko.

“hindi na..” hingal na hingal ako noon. At inulit nya ulit!

“isigaw mo! Uulitin mo pa?!!!”

“ahahahaha!! Ahahaha!! Hindi na nga!! Bayag pwede na!!!” ngayon ko nalang sya ulit natawag na bayag. Parang naalimasmasan naman sya sa sinabi ko at tinignan lang ako ng seryoso habang ako hingal na hingal.

“tara na baba na tayo..” ngiting wagas ang gagu! Tayo naman sya agad at iniwan akong nakahiga sa kama. Nauna syang bumaba at ako naiwan. Bagu bumaba inayos ko muna nag pinag higaan namin. Matapos ay bumaba na din ako.

“oh! Musta ang tulog mo?” tanong ni tiya elsie.

“mabuting mabuti po ang lamig po pala dito kahit walang electri fan.”

“ay! Sobrang lamig talaga kaya hindi na namin kailangan ng aircon dito, oh sumabay kana dito ng almusal.” Umupo naman ako agad samantalang si bayag kumakain na hindi man lang ako hinintay.

Matapos mag almusal, nag volunteer akong mag hugas, ayaw pa nga sana ako payagaan ni tiya elsie mag hugas eh pero nag pumilit ako kaya wala din silang magawa. Habang nag huhugas ako nasa likod ko lamang si louie may sinusulat sa mesa. Hindi ko naman masyadong pinapansin dahil naka earphone ako non habang nag huhugas.

Maya maya nakaramdam nalang ako ng batok mula sa likod ko.

“aray!!punye!” mapapamura sana ako.

“kanina pa kita tinatawag!” bulyaw ni louie.

“oh? Kailangan batukan ako? basagin ko kaya tong plato sa ulo mo?” ayaw na ayaw ko kasing binabatukan ako! feeling ko nakakabastos talaga eh alam nya iyon kaya pag naiinis sakin iyan talagang babatukan nya ako para mainis ako.

“sorry lang! Oh! Ito gagawin natin nagyong araw!” pinakita nya sakin ang sinulat nya.

Ito ang nakalagay sa sulat.

9am-11am:pag bilad ng palay sa arawan.

11am-12pm: pag papakain sa baboy.

12pm-1pm: lunch

1pm-2pm:pag linis ng bahay ng baboy.

2pm-4pm: pag tulong kay tiyo sa pala isdaan.

5pm onwards: pag kuwa ng binilad na palay.

Parang binusalsalan naman ako ng kung anong malaking bagay sa bibig na parang gusto kong maduwal sa dami ng gagawin? Parang lunch lang ang pahinga namin! At gusto matawa at sinulat pa talaga nya.

“grabeh!!!! Ang dami naman nyan!!” reklamo ko!

“may reklamo ka?”

“hmmm ano!” sigaw ko.

“oh? Bakit? Kung may reklamo ka! Bumalik ka na ng manila!” bulyaw nya sabay talikod sakin.

Matapos ko mag hugas naligo na ako para mag handa sa matinding araw na haharapin ko. Matapos nag bihis ako ng mga damit na mahahaba yung takip na takip ang buong katawan. Nakalong sleeve shirt ako at jogging pants at syempre nag lotion ako sa muka MAHIRAP NG PUMANGIT! Ahahaha!

“balot na balot ka ha!” sabi ni louie.

“syempre! Mahal magpaputi noh!”

“oh tara na! para amaaga tayong matapos!”

Dumeretso kame sa parang bodega ng bahay nila.

“oh!buhatin mo na yang isang sako!” sabi sakin ni louie.

“baliw ka ba?hindi ko kaya yan!” reklamo ko.

“ganto lang yan oh! Ilagay mo sa likod mo!” pinakita nya sakin pano buhatin.

“wait!! Grabeh ka naman bayag! Sige.. ikaw mag lagay sa likod ko.” Matapos binuhat nya ang sako ng palay at nilagay sa likod ko. Parang luluwa ang BUWA ko noon nung nailagay na ang sako sa likod ko! Feeling ko mag kakalasan ang mga buto ko! Pero syempre! Kinaya ko! Feeling ko tuloy lalake na ako! ahahaha. Naka tatlong sako din ako habang si louie naka lima.

Matapos, nilatag namin ito sa kalsada at duon ito binilad.

“sigurado ka bang dito talag ito binibilad? May dumadaan na mga jeep at motor!” sigaw ko sa kanya sa di kalayuan.

“oo! Ok lang yan!” sigaw din nya sakin. Kaya pinag patuloy ko naman ang pag kalat ng palay sa kalsada ngunit sa isang kabila lamang nito upang may dadaan pa ang mga tao at behikulo.

Grabeh!! Taas ng tirik ng araw!!! Parang kahit balot na balot ako ay tumatagos sa damit ako ang sinag ng araw! Sobrang init!!

“tapos ka na ba jan??” sigaw ni louie sakin mula sa malayo.

“konti nalang!!” sigaw ko na parang pagalit! Bwiset na ito!! Kung alam ko lang ganto gagawin mo sakin dito hindi na ako sumama sayo!! Huhuhu..

Naunang natapos si louie sa pag bilad kaya naunang syang nag pahinga sa may silong ng puno limang sako ang binilad nya samantalang sakin at tatlo lamang pero nauna pa sya sakin.

“hoy bayagra!! Tulungan mo naman ako dito!!” sigaw ko sa kanya! Parang wala naman syang narinig at nahiga lang.

“bwiset talaga to!” bulong ko habang nag bibilad.

Ng matapos ako at lumapit na ako sa kanya at umupo ng pabagsak!

“grabeh!! Ang init!! Magiging lalake ako dito!” reklamo ko habang nakaupo at nagpapahinga.

“oh tara na! magpakain na tayo ng baboy..” sabay tayo nya at tinutungo at bahay ng baboy.

“hoy!! Hindi pa nga ako nag papahinga! Pwede saglit lang?!!”sigaw ko.

“hindi!! Ang bagal mo kasi kumilos!!”

“hinayupak ka!!!!” sigaw ko!

“syempre ngayon ko lang to ginawa what do you expect me mas mauna ako sayo ha?!!”

“tumayo kana jan! Tinigilan mo ako sa mga english mo!” sigaw nya mula sa malayo. Wala na akong nagawa kundi lumapit ng padabog.

Nung makalapit na ako, tinangal nya ang isang malaking lata(lata ata ng mantika?) sa apoy. Matapos ay inilagay ito sa balde. Halo halo ang makikita mong pagkain sa balde pero dominant ang kanin. Matapos ay hinaluan nya ito ng dalawang tabong tubig at hogmas. Sanay na sanay sya sa gawain na iyon na-amazed naman ako sa ginawa nya. Maya maya ay hinalo nya ito gamit lamang ang kamay nya na kinagulat ko ng sobra! Hinahalo nya ito habnag parang dindudurog durog ang ibang parte na mamalaki. Maya maya..

“oh ikaw naman!”

“ha?? Ako?!anong gagawin ko?”

“haluin mo ng kamay mo!”

“ha?sigurado ka?”

“oo nga!bilisan mo nag-iingay na yung mga baboy oh!” kaya wala na akong nagawa kundi isalang ang kamay ko sa balde ng kanin baboy at haluin ito gamit ang kamay ko. Pikit mata ko itong hinahalo.. habang tumatagal parang nasasanay na ako kaya nagagawa ko ng idilat ang mata ko at ginagawa ang ginawa ni louie kanina na dinudurog durog ang ibang parteng mamalaki. Matapos nag hugas kame ng kamay at dinala na sa babuyan ang pagkain nila. Habang palapit palang kame nag-iingay na ang mga baboy parang alam nilang papakainin na sila. Pag lapit namin hindi ko naman nagustuhan ang amoy nito amoy pupu ang buong bahay ng babuyan. May tatlong malalaking baboy meron sila at dalawang biik. Habang nilalagay namin ang pagkain nila parang nagwawala naman ang mga baboy at nag-uunahan sa pagkain.

“yan si fatima! Pinaka nanay nila, maliit pa iyan nung huli kong nakita eh.”

“ah ganun ba? Eh yung mga biik? Mga anak nya?”

“oo, yung dalawang baboy mga pa-iyut ang tawag jan.” Parang matatawa naman ako sa sinabi nyang iyon.

“ha?pa-iyut?ano yun?”

“mga amahin ba! Minsan dinadayo pa yan sa bayan tapos igagala ni tiyo iyan tapos sisigaw ng “pa-iyot!pa-iyot kayo jan!!”.”

“hahahahaha!” tawa naman ako ng tawa!

“syempre! Pa-iyot iyon sa mga baboy lang hindi sa tao!”

“ahahaha! Nakakatuwa kasing pakingan noh? Pano kaya kung tao talaga yung hinahandog diba?siguro daming tatangkilik duon.” Tawa naman kame ng tawa.

Matapos naming magpakain ng baboy, ng hapunan na din kame. Kameng dalawa lang ang nag hapunan dahil si tiya at tiyo daw ay nasa pala isadaan na. nag luto na din si tiya ng kakainin namin bago umalis. Matapos naming maghapunan nag pahinga naman ako saglit. Nakaramdam na agad ako ng pagod.. marahil sa pag bubuhat ito ng sako ng palay nabanat ata ang katawan ko sa pag bubuhat.

Saktong 1pm nag simula na kame muling mag trabaho. Tinungo namin ang bahay ng babuyan. May host ng tubig malapit sa bahay ng babuyan kung san pwede mo gamitin pang linis. Nung una si louie ang nag linis pinakita nya sakin pano mag linis. Habang ako may hawak ng host at binubuhusan ang tubig ang winawalisan nyang dumi ng baboy. Matapos binigay nya sakin ang walis tinting at ako ang nag patuloy ng pag wawalis. Habang nag wawalis ako ang mga baboy naman ay nangunglit sakin. Medyo hindi na ako nandidiri at nasasanay na sa ganung sitwasyon kailangan kong panindigan ito dahil sumama ako sa kanya kaya dapat sumunod ako sa lahat ng gusto nya. Anyways.. masaya din naman dahil kakaibang experience ito.

Ramdam ko pa rin ang matinding init, takatak ang pawis ko sa buong muka at katawan samahan pa ng tubig na galing sa host na talagang nag papabasa sakin.

“pwet lapit ka muna dito.” Lumapit naman ako agad. Nagulat naman ako ng bigla nyang pinunasan ang muka ko gamit ang face towel na gamit nya, pinunasan nya buong muka ko gamit iyon habang ako napapapikit nalang sa ginagawa nya. Tapos pinatalikod nya ako at nilagay ang face towel sa likuran ko. Ang sweet ng mokong may nalalaman palang ganto ito? Ahahaha.. feeling ko mag asawa kame sa gantong sitwasyon.

“sige na ituloy mo na yan..” kalmado nyang sabi, yung parang normal na sa kanyang gawin yun sakin na ikinatuwa ko naman ng sobra.

“salamat po bayag..” nginitian lang nya ako.

Matapos naming mag linis ng bahay ng baboy, nag hukay sya sa medyo maputik na lupa malapit sa babuyan..na ikinagulat ko naman.

“huy!anong ginagawa mo jan?”

“humuhuli ng pain.”

“pain san?”

“pain sa isda! Tuturuan kitang mamingwit!”

“wooooooow!! Sige gusto ko yan!!” excited ko sagot.

Tinungo na namin ang palaisdaan di kalayuan sa bahay nila louie. Nakita namain sila tiyo at tiya duon. May kalakihan ang palaisadaan nila ang daming bahay isdaan na tinatawag nila, kung saan nahahati ang mga isda sa iba’t ibang klase kada kwadradong bahay tubig ng mga isda.

Hindi na kame nag patumpik tumpik pa at nag umpisa nang mamingwit dahil nga excited na akong mamingwit first ko kasi eh. Si louie ang nag lalagay ng pain na uod sa kawil habang ako naman ang humahawak sa pamingwit. Hinagis ko na ang kawil na may lamang uod sa may tubig lumutang ang parteng may goma ng pamingwit.

“pag gumalaw yang gomang nakalutang na iyan hilain mo agad may napain kana.”

“ah ganun ba?” inosente kong sagot. Hindi maalis ang mata ko sa goma na nakalutang. Tutok na tutok ang mga mata ko. Habang si louie nahiga sa may damuhan at ako naman naka tayo nag-aantay ng mapapain. 5 minutes!10minutes!15 minutes! Wala!! Wala paring napapain at hangin lang ang nag papagalaw sa goma na nakalutang. Kaya ginising ko si louie.

“bayag!!bayag!! wala naman eh!!” reklamo ko.

“edi hugutin mo! Tapos itapon mo ulit sa tubig.”

“dapat kanina mo pa sinabi! Para hindi ako mukang tanga dito!”

“eh hindi mo naman tinanong ha!” matapos hinugot ko na ang pamingwit. Pag hugot ko wala na ang uod na apin namin.

“huy, wala na yung uod! Lagyan mo ulit!” nilagyan naman nya agad ito. Tinapon ko naman agad sa tubig. Nag-antay ko.. napa-upo nalang ako kasi nangangalay na ako sa kakatayo. Ng mapansin kong gumagalaw na yung gomang nakalutang kaya nabigla ako at napasigaw!

“bayag!! Bayag!!!! Gumagalaw na!!!” sigaw ko.

“hilain mo na!!” sigaw din nya. Na parang nalimpungatan sa pag sigaw ko. Nung hinugot ko na, meron nga akong napain! Sobrang tuwa ko! Parang nanalo ako ng isang milyon!! Pero napansin ko parang makakawala na yung isda sa kawil nito habang nilalapit ko ang pamingwit.

“bayag!! Hawakan mo dali!!!” hinawakan naman nya agad ang pamingwit. Ewan ko ba! May demonyo atang bumulong sakin na tumalon sa tubig kasi makakawala na yung isda sa kawil nito. At iyon nga!! TUMALON AKO !! at hinawakan ang isda ng dalawa kong kamay.. buti nalang hindi malalim ang tubig at hangang baywang ko lang pero ramdam ko lumubog ang mga paa sa putik. Nabasa din ng konti ang muka ko gawa ng tumalsik sa muka ko ang konting tubig gawa ng pag talon ko.

“yehey!!! Nakuwa ko sya!!!” pag sigaw ko! Tinignan ko naman si louie, hindi ko maintindihan ang reaksyon nya na gulat na gulat na nanlaki ang mata na para bang sasabog na at gusto humalakhak!

“ahahahahahahahaha!!!” at iyon nga bumigay na sya sa pag tawa, gumulong gulong pa sa damuhan sa sobrang pag halakhak!!

“ahahaha!! Baliw ka pwet!! BALIW!!” tawa pa rin sya ng tawa hindi matigil. Ako naman sinubukan ko ng umahon sa tubig. Medyo nahirapan akong umahon dahil lumubog nga ang mga paa ko sa putik. Isa isa kong inangat ang paa ko habang hawak pa rin ng dalawa kong kamay ang isda.

Ng maka-ahon na ako nag hanap agad ako ng plastik at nilagyan agad ng tubig, doon ko nilagay ang isda na anhuli ko. Tilapya sya! At sinuri ko ng mabuti hindi pala bumaon ang kawil sa bunganga nya sumabit lamang siguro ito kaya kaya nitong makawala sa pagkakabitag.

“oh! Ano naman gagawin mo jan?” patawa tawa pa rin sya at nag papahid ng luha sa mata sa sobrang kakatawa.

“aalagaan ko.” Seryoso kong sabi, na nag bigay na naman ng hudyat sa kanya upang tumawa ulit! Sa inis ko hinampas ko ng hinampas pero hindi sya natinag sa halip ay naghahalakhak pa rin ang mokong!

“ano bang problema mo? Syempre unang huli ko ito noh!alalagaan ko ito!” sabi ko ng may inis!

“eh! Kahit alagaan mo iyan hindi naman mabubuhay yan sayo noh!”

“eh pano mo nasabi yan?”

“eh sa tubig lawa lang yan mabubuhay! Isang araw lang ayn sayo lulutang na yan sa tubig na nakatihaya!” nalungkot naman ako sa sinabi niyang iyon.

“ay ganun ba? Edi tubig lawa naman gagamitin ko eh!”

“kahit na.. di porket hayop iyan wala ng pakiramdam iyan, syempre tulad ng tao kailangn din ng ibang kasama iyan at environment kung san sila komportable, iba pa rin ang tunay na tahanan.” Seryoso nyang sabi. Parang natauhan naman ako sa sinabi nyang iyon. Tama nga naman.

“ganun ba?eh anong gagawin ko dito? Eh maliit pa sya hindi naman natin pwede kainin ito kawawa naman sya.” Malungkot kong sabi.

“edi pakawalan mo nalang!” sabi nya.

“edi para naman akong tanga non! Pinag hirapan kong makuwa ito tapos papakwalan ko lang din?”

“may mga bagay talaga na pinag hirapan mong abutin o makuwa pero at the end you’ll realized kailangan mo silang pakawalan kasi mas makakabuti sa kanila iyon para mabuhay sila ng mapayapa.” Seryoso nyang sabi. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Napatingin ako ng malungkot sa isda sa loob ng plastic. “oo nga! Muka syang hindi komportable at nagpupumilit makawala.” Tama nga sinabi ni louie. May mga bagay na kailangan nating pakawalan para mapunta sila sa lugar na kung san mabubuhay at sasaya sila kahit kapalit nito ang sakit na at dusa ng pagpapalaya sa kanila. Parang pag-ibig pag mahal mo talaga ang isang tao you have to sacrifice letting them go if alam mong mas makakabuti iyon sa kanila kahit kamatayan ng puso mo gagawin mo iyon kasi mahal mo eh. I guess the true sense of loving someone is by SACRIFICING .

“ang drama mo naman! Kung san san ka na napunta eh isda lang naman tong pinag uusapan natin!” pag divert ko ng usapan kunwari hindi ako apektado sa sinabi nya.

“mamili ka kainin natin yan o pakawaln mo?”

“sige pakawalan nalang natin kawawa naman sya eh.”Malungkot kong sabi. Binuksan ko ang plastik at binuhos ang tubig sa tubig lawa.

“babye fish! Huhulihin kita ulit ha pag malaki ka na!” para akong bata noong oras na iyon.

“baliw ka talaga halika na nga! Punta tayo kila tiya tumulong tayo duon.” Inakbayan nya ako at sabay naming tinungo sila tiya elsie.

Habang nangingisda sila tiyo albert kasama mga kasamahan nito at naki-osyoso na din si bayagra sa pag tulong ako naman nahiga sa bandang lilim ng puno at nag pahinga. Hindi ko namalayan ay naka idlip na pala ako. ng bigla akong magising..

“huy pwet! Gising!” pag gising sakin ni louie.

“oh?” pakuskos kuskos pa ako ng mata ko.

“may surprise ako sayo.” Nagulat naman ako sa sinabi nyang iyon. Tinignan ko mga kamay nya wala naman syang dala.

“oh?ano yun?” tumalikod sya at ayun nga, may mga bulaklak sa likod nya na nakaipit sa short nya. Napangiti naman ako! unang bese ko kasing makatangap ng bulaklak sa buong buhay ko. Hindi ko alam anong klaseng bulaklak iyon.

“oh! Kunin mo na!” kaya kinuwa ko na iyon at bigla syang kumaripas ng takbo.

“para san ba ito?” sigaw ko sa kanya.

“edi para sayo! Basta!” sigaw nya at sumakay sa bangka patungo kila tiyo albert. Natuwa namana ko sa ginawa nyang iyon! Ang sweet talaga ng gagong to! May paganto ganto pa! Maganda ang mga bulaklak na binigay nya, violet na may halong spoted white ang petals nakakabighaning tignan nakakaakit amuyin. At ayon nga inilapit ko sa ilong ko sa bulaklak!

At SHEEEEET!! NA MALAGKEEET!! Halos tangalin ko ilong ko sa SOBRANG SANG SANG NG AMOY NG BULAKLAK!! Nahilo ako sa amoy talagang nag penetrate sa ilong ko patungong utak ko!! Sa inis ko tinapon ko agad yung bulaklak!! Hinayupak talaga tong bayagrang to!! Kaya pala kumaripas agad ng takbo dahil may maitim na balak!! Kaya lumalpit ako agad sa tubig lawa.

“HOOOOOOOOOOOOOY!! BAYAGRAAAAAAAAAAA!! HAYUUUUUUUUP KA TALAGA!!!!!!!!!! HUMANDA KA SAKIN PAG AHON MO SA TUBIG!!! PAPAKAININ KO SAYO YUNG BULAKLAK!!!!” sigaw ko ng todo na may galit! Tawanan lahat sila dahil alam pala nila ang balak ni louie pati si tiya tawa ng tawa! Feeling ko tuloy pinagkaisahan ako. huhuhu

“ay ganun ga? Ay! Hindi na ako baba dito na ako titira! Marami naman akong pwedeng makain na isda dito at may maiinom na akong tubig!!!” sigaw nya din sakin na lalong nag patawa sa lahat! Hindi ko na pinansin sa halip bumalik sa lilim ng puno at natulog ulit.

“andeng.. andeng.. halika na.. balik na tayo ng bahay.” Pag gising sakin ni tiya elsie. Pag tingin ko wala na sila tiyo albert sa laot nauna na siguro at hinanap ko si louie wala na din. Sigurado ako nag tatago na iyon kaya si tiya elsie nalang ng gumising sakin.

Pag dating namin ng bahay.. wala din sila tiyo at louie duon. Sabi ni tiya nasa bilaran daw sinako na ang mga binilad naming palay. Nahiya naman ako kasi kame nag bilad noon kaya tinungo ko kung san kame nag bilad ng palay. Kakaumpisa palang ata nila dahil konti palang ang nailalagay nila sa sako kaya tumulong ako agad. Wala naman akong kibo kibo.. inis parin kasi ako sa ginawa ni louie. Ng mapuno ko na ang sako ng palay sinubukan kong ilagay iyon sa likod ko at buhatin pero hindi ko kaya. Ng biglang lumapit sakin si louie at kinuwa ang sako at tipong ilalagay sa likod nya.

“wag na! ako na! kaya ko yan..” sabi ko ng malumanay.

“hindi ako na.. mag lagay ka nalang sa sako.” Sabay buhat sa sako ng palay. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko, ganun pa rin walang kibo. Hangang matapos namin. Bigla akong nakaramdam ng sobrang pangangati sa buong katawan ko gawa nung alikabok galing sa palay.

“pwet! Dun tayo sa dalampasigan maligo para matangal yang pangangati mo.” Hindi naman ako kumibo.

“tara?” pangunglit nya. Pero hindi ako kumibo. Ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hinala para mag lakad kame.

“sorry na..” sabi nya habang naglalakd kame, ganun parin hawak nya kamay ko pero nakatalikod sya habang naglalakad. Hindi naman ko nag sasalita. Ng bigla syang huminto at humarap sakin.

“sige kunin mo yung bulaklak kakainin ko para hindi ka na magalit.”

“tinapon ko na.”

“tara kumuwa ulit tayo para kainin ko sa harap mo wag lang magalit sakin.” Pagpapaamo nya sakin.

“tara kuwa tayo.” Nanlaki naman mata nya sa sinabi ko at nagulat.

“sigurado ka?” parang nag mamakaawa ang muka nya na wag na kameng kumuwa.

“diba sabi mo?” pag susungit ko.

“oh sige.” Tutungo na sana kame para kumuwa pero pinigilan ko sya.

“saka na nga yan! Tara deretso na tayo dagat sobra na akong nangangati!”

“tara!” masigla nyang sabi.

Malapit lang din ang dagat sa kanila halos katabi lang ng palaisdaan nila. Ng marating namin ang dagat, tumalon agad ako sa tubig at nagtampisaw! Ang saya.. ngayon nalang ulit ako naka ligo sa tubig dagat. Kumuwa ako ng buhangin galing sa dagat at iyon ang pinanghilod sa nangangati kong katawan. At mabisa nga natangal ang kati sa katawan ko. Ng mapagod umahon na ako at umupo sa tabing dagat. Sumunod naman sakin si louie at umupo sa tabi ko, inaabot ng tubig dagat ang mga paa namin.

“pwet.. masaya ba?”

“hmmm.. oo! Pero nakakapagod. Pero nakakatuwa kasi simple lang ang buhay dito malayong malayo sa buhay manila. Dun magulo pero andun lahat ng kasiyahan, dito tahimik,simple ang buhay, kahit walang pera mabubuhay ka, di tulad sa manila pag wala kang pera BASURA KA..”

“balak ko nga, pagkatapos ko mag-aral at pag may trabaho na ako at nakaipon dito nalang kame mamamalagi nila mama eh, dito ko na rin sana gustong mag tayo ng pamilya ko.” Seryoso nya sabi. Medyo nalungkot naman ako sa sinabi nyang PAMILYA thing! Alam ko naman hindi ako pwede dun pag sinabi kasing mo pamilya yung may anak, tatay at nanay, eh hindi ko naman kayang ibigay sa kanya iyon kaya nalungkot ako. nahiga sya sa hita ko, hindi ko naman sya matigan gawa ng ayaw ko makita nya ang lungkot sa muka ko sa sinabi nyang iyon.

“ikaw pwet?anong balak mo pagkatapos ng pag-aaral mo?” nakatingin lang sya sakin.

“ahmm.. siguro uuwi na ako probinsya, eh yun lang naman dahilan ko bakit ako nasa manila eh. Pag –aaral ko.”

“ahmm pwet.. sana kahit tapos na tayo sa pag-aaral, magkikita pa rin tayo ha?” malungkot nyang sabi.

“hmm oo naman! Kung gusto mo bumisita ka samin, ako naman bibisita sa manila o dito paminsan minsan.”

“pwede rin.. pero basta! Kahit anong mangyari walang kalimutan!”

“ang drama mo bayag!” sabay batok ko sa nuo nya.

“ahmm pwet may tanong lang ako?”

“oh ano yun?”

“gusto mo ba si joner?” nagulat naman ako sa tanong nyang iyon.

“ha? Bakit mo natanong yan?”

“ahmmm wala lang! Curious lang ako? gusto mo nga?” pag-usisa nya.

“hmmm.. oo?”

“ah bakit?”

“ah bakit? Eh kasi unang una, MABAIT SYA!, MALAAAAAAAWAK ANG PANGUNGUNAWA!,TALENTADO!!, ANG GALING KUMANTA!! GWAPO!MATALINO PA!!! MAY KAYA SA BUHAY!!! Perpekto kung baga?” parang nabilaukan naman sya sa sinabi ko.

“eh ako?”

“ikaw?? MASAMA UGALI!ANG TIKID NG UTAK MAHIRAP UMUNAWA! PANGASAR! TAMAD GUMISING! WALANG TALENT!!”

“hala grabeh naman!! May talent naman ako! magaling akong mag basketball!” reklamo nya!

“ay oo nga pala! Yun lang ata magandang katangian mo?”

“ganun ba?” malungkot nyang sabi, parang naawa naman ako kasi todo alipusta ako sa pagkatao nya kaya bumawi ako.

“pero kaw naman yung love ko.” Pero hindi ako tumingin sa kanya at nakabaling ang mata ko sa malayo para kunwari hindi ako sersyoso. Hinintay ko reaksyon nya kaso wala! Bigal syang umupo.

“pwet ano yun?” may tinuro sya sa bandang kaliwa na napalingon naman ako agad para tinigan. Ng bigla kong naramdaman hinalikan nya ako sa labi! Hindi ko na nagawang magulat sa bilis ng pangyayari at kumaripas ng takbo ang mokong! Punyeta! Naisahan na naman ako!! pero syempre may dalang kiliti sakin iyon pero hindi ako papatlo noh! Pwede naman syang mag paalam eh hindi yung nanakaw sya ng halik pag bibigyan ko naman sya if hihingiin nya! Ahahaha! Kaya tumayo agad ako para habulin sya.

“kahit kelan ka talaga!!!”

“ahahahaha!” tawa sya ng tawa! Talagang binilisan ko ang takbo ko, kaya nahabol ko sya at naabot ko ang buhok nya at sinambutan ko sya ng todo.

“gagu ka talaga ha!!” habang sinasambutan ko parin sya.

“aray! Aray! Tama na! ahahaha sorry na!” habang patawa tawa pa rin sya.

“sorry sorry ka jan sobra ka na eh!”

“oh bawi ka nalang kiss mo din ako!”

“edi lugi naman ako non kasi alam mo!!” tawa parin sya ng tawa! Ng makakalas sya sa pagkasambunot ko sa kanya at natumba ako sa tubig dagat.. syempre hindi ako papatalo kunwari napilayan ako sa pagkatumba ko.

“aray! Shit talaga! Shit! Shit!” kunwari humahawak ako sa paa ko na napilay.

“hala! Pwet? Ok ka lang? Anong nangyari sayo?” lumapit sya agad sakin at hinawakan ang paa ko.

“ano masakit ba?” tingin sya sakin, pero tinignan ko lang sya ng demonyong tingin at ngiti. Napick up naman agad nya na nag kunwari lang ako at tipong tatayo na pero naunahan ko sya ng pag sakal gamit ang braso ko sa leeg nya at tinumba sya sa tubig at pumatong sa likod nya.

“kala mo ha!! Ahahahaha!!!” tawa ako ng tawa dahil na bitag ko sya sa balak ko.

“ano uulitin mo pa yon ha?” naka sambunot ang kamay ko sa likod ng ulo nya at nilulublob ang muka nya sa tubig dagat.

“ahahahaha! Hindi!” niloblob ko ulit muka nya sa tubig tapos iaahon ko pagkatapos ng 3 seconds.

“anong hindi??!!”

“hindi na!!” niloblob ko ulit.

“anong hindi na nga!?” niloblob ko ng mas matagal.. na eenjoy ko ang ginagawa ko hindi ko na pansin kung gano ko katagal naluloblob ang muka nya sa tubig. Ng mapansin ko hindi na sya pumipiglas at wala hindi na nag sasalita.

“hoy bayag?” wala pa rin syang reaksyon! Nalintikan na nalunod na ata! Kaya hinila ko agad sya sa tabing dagat.

“hoy bayag? Wag mo nga akong biruin ng ganyan?!!” inuuyog ko sya noong oras na iyon kaso walang reaksyon galing sa kanya.

“hoy bayag kasi??!!” naiiyak na ako ng mga oras na iyon! Hindi alam ang gagawin! Natataranta! Natatakot!! Hindi ko mawari! Kaya sinubukan ko syang iresuscitate gamit dalawa kong kamay at ipinatoong sa dibdib nya at sinimulang ipump. Pero wala talagang syang reaksyon!! Gusto ko sanang humingi ng tulong kaso walang ibang taong andun at medyo may kalayuan pa ang bahay bahay duon. Sinubukan ko ulit ipump ang dibdib nya matapos ibinuka ko labi nya at idinampi ang labi ko duon at bumuga ng hangin at humigop, inulit ko ulit iyon ng maramdaman kong may pumatong na kamay sa likod ng ulo ko at idiniin ang muka ko sa muka ni louie at naramdaman kong gumalaw ang labi ni louie at ipinasok ang dila nya sa loob ng bibig ko. Nagulat ako at bigla akong kumalas. Ng makita ko nakangisi ang hayup!!

“PUNYETA KA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!” sabay tayo nya at karipas ulit ng takbo.




ITUTULOY...


[18]
“PUNYETA KA TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” sigaw ko sa sobrang inis dahil naisahan na naman ako ni louie. Kumaripas ng takbo si louie palayo sakin papuntang bahay. Tayo naman ako agad para habulin sya. Tawa siya ng tawa habang tumatakbo samantalang ako pinagmumura ko siya habang hinahabol.

Una syang nakarating ng bahay, gulat naman sila tiya at tiyo nung makita kameng naghahabulan at hingal na hingal sa pagtakbo.

“ha!ha!ha!” hingal na hingal ako.

“halika ka dito! Tutuluyan na talaga kita!!” pag sindak ko sa kanya.

“ahahahaha! Kung kaya mo!!” sabay akyat nya sa taas ng hagdan.

“ano ba iyan aweng? Bakit nag hahabulan kayo ha??!!” laking taka ni tiya elsie.

“eh kasi po tiya!!” sabay tingin ko kay louie.

“kasi ano ha?? Sige ano!!” parang binabantaan nya ako kung sasabihin ko ba o hindi syempre nakakahiyang sabihin na kaya kame nag hahabulan kasi ninakawan nya ako ng halik!

“ano kasi!” tinignan ko sya ulit sa hagdanan at inaasar ako na panguso nguso parang pinapaalala nya sakin yung pag nakaw nya sakin ng halik! Nakakainis talaga hindi ko masabi!!

“ano?” pag-uusisa ni tiya.

“tignan mo tiya oh! Inaasar pa ako oh!! Nakakainis!!” pag turo ko kay louie sa hagdanan.

“tama na yan aweng! Bisita mo to bakit ka ganyan?!” medyo inis na si tiya elsie kay louie na nagawang nitong namahimik na parang napahiya sa sinabi ni tiya. Tinignan ko naman sya na parang pangisi-ngisi at may demonyong tingin na parang nangangasar.

“bumaba kana dito at mag banlaw ka na ng katawan matapos mag hapunan na kayo ni andeng.” Sabay namang baba nito ni aweng na parang maamong tuta. Samantalang ako ay palihim na nakangisi at tipong nangangasar sa tingin. Ng pumasok na sya ng CR bago isara bumanat pa ang gagu ng isang belat sabay sara ng pinto, para talaga kameng mga bata.

Matapos nyang maligo ako ang sumunod, walang pansinan.. matapos kong maligo ay deretso na ako sa taas upang mag bihis. Pag dating ko doon bihis na sya at nakahiga sa gilid. TAMPO TAMPUHAN!!! Sya pa may ganang umarte ha! Ng matapos na akong mag bihis nakaramdam naman ako agad ng gutom sa dami ba naman ng ginawa namin mag hapon. Nung bababa na ako para kumain bigla kong naisip na tapos na palang mag hapunan sila tiya at tiyo, ayoko namang kumin mag-isa at syempre si bayag gusto ko kasama. Wala akong choice kundi yayain syang kumain.

“hoy bayag! Tara na kumain na daw sa baba!” medyo pagalit kong sinabi iyon. Aba! Hindi sumasagot kunwari tulog!

“hoy ano ba?! Sipain kita jan!” alam ko naman kasing gising pa sya.

“sige.. hindi pa ako nagugutom.” Sabi nya. Napabuntong hininga nalang ako, ito na naman! Suyuan PORTION na naman kame! Umupo ako sa kama at tumabi sa kanya.

“tara na..” sabi ko ng malumanay.

“sige na mauna kana baka hindi ka ganahan kumain pag ako kasabay mo.” Sabi nya na may halong lungkot. Pero alam ko nag-iinarte lang to gutso lang tara nito na suyuin ko sya!! KAKAINIS!!!!

“hays!!!” lumapit ako sa kanya.

“sige na tara na.. nagugutom na ako oh! Alam ko gutom ka na rin.” Nilapit ko ang muka ko sa katawan nyang nakatagilid para silipin sya.

“sige na ok lang ako hindi pa talaga ko gutom.” Hinalikan ko sya sa pisngi ng marahan. Bigla naman siyang napalingon sakin na may lungkot sa muka.

“oh yan nakaganti na ako..” sabi ko ng malumanay.

“kulang pa.. dalawa yung nakaw na halik ko sayo.” Nakangiti nyang sabi. Aba!! Ginanahan ang kumag! NAG-ENJOY!!

“ay ganun ba dalawa?? Diba dito yung pangalawa?” matpos ay dinampi ko ang labi ko sa labi nya. Sunod kong naramdaman ay nakapatong na ang isa nyang kamay sa likod ng ulo ko at diniin ang muka ko sa muka nya. Nag halikan kame. Swabeng halikan lang yung tipong halik panglambing. Pero ang sarap, mas gutso ko yung gantong halik lang kesa yung nag-aalalab na tipong lamunin na ang labi ng bawat isa.

“oh? Ok na?”

“oo!!” nakangisi nayng sabi.

“so pwede na tayong kumain nyan?”

“sige pero busog na ako eh!”

“san ka ba nabusog?” pero alam ko naman talaga ang sagot.

“sa halik mo..” malumanay nyang sabi na pigil ang tawa.

“baliw!! Tara na!” sabay hila ko sa kanya patayo para tumayo na sya.

Sabay kameng nag hapunan dalawa, sya ang nag prisintang mag handa ng hapunan namin samantalang ako naka-upo lang at nag hihintay, pati kanin at ulam ko sya na din nag lagay sa plato ko.

“wow! Ha! Gusto mo subuan mo na din ako?”

“maya nalang pag tulog na tayo.” Pilyo nyang sagot.

“gagu!! May makarinig sayo!! Ang baboy mo talaga nasa harap tayo ng hapag kainan!” pag saway ko sa kanya.

“oh bakit? Ano bang sinasabi mo ha? Mag mimid night snacks tayo! Diba hindi ka nakakatulog pag walang mid night snacks?”

“Bakit may chichirya ba dito ha? Ano i-mimid night snacks ko tuyo ha?!”

“edi ako nalang.” Sabay tawa nya ng malakas!

Matapos kumain, sabay naming hinugasan ang pinag kainan namin. Ako taga sabon samantalang sya taga banlaw. Matapos namin mag hugas, nag paalam si louie sakin na lalabas lang daw sya at pupuntahan ang tropa nya.

“pwet, labas lang ako saglit puntahan ko sila kenet.”

“ah sige? Pero bat gantong oras na? mag aalas 10 na oh! At saka wag ka mag paalam sakin kila tiya els ka paalam.”

“nag paalam na ako, saglit lang naman ako.” medyo naiinis lang ako kasi sa pag kakaalam kong may kalayuan yung bahay ng mga tropa nya mula sa bahay kahit na may bisekleta nakakatakot parin kasi madilim sa labas walang mga street lights.

“mag-iinuman na naman ba kayo?”

“hindi ah!” pag tangi nya sabay sakay na agad sa bisekleta.

“ingat ka! Hihintayin kita ha! Hindi ako matutulog hanga’t wala ka pa!!” sigaw ko habang nakasakay sya sa biseklata, tinaas lang nya ang isa nyang kamay para ipaalam sakin na narinig nya sinabi ko.

Tingungo ko na ang kwarto upang duon nalang hintayin si louie, inayos ko na din ang hihigaan namin para pag dating nya deretso tulog nalang kame. Kinuwa ko ang cellphone nya at nag soundtrip, nag laro ng games tapos binusisi ko ang ilang messages sa inbox at outbox may mga ilang messages ako dun na naka save pa kahit ilang buwan na nakalipas yung messages na walang kwenta hindi ko alam kung tamad lang ba talaga sya mag erase ng messages o talagang hindi nya binura? Nag daan na ang ilang minuto wala parin sya, 10 minutes before 11pm wala parin sya medyo nag-aalala na ako nasa isip ko baka uminom na naman sila! Nasabi ko tuloy sa isip ko pag uminom to BAYAG lang nya walang latay sakin dahil ang sabi nya sakin ay hindi sila iinom, ng Hindi ko namalayan naka idlip na pala ako.

Ng bigla akong magising sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Si bayag! Nakauwi na.

“bat ngayon ka lang?” may biibit syang isang supot ng plastic hindi ko alam kung ano.

“anong oras na oh? 11:15pm na!” bulyaw ko pero mahina alng ang boses baka kasi marinig kame sa kabilang kwarto.

“sorry.. ito oh binili kita.” Inabot nya sakin ang supot at tumabi ng upo sakin. Ng binuksan ko laking gulat ko MGA CHICHIRYA ANG IBA AY BISKWIT!! Waaaaaaaah!! Sa tuwa ko niyakap ko sya sa leeg.

“wooooow!! Salamat!!!!” sobrang tuwa ko! Naka sanayan ko kasi talagang mag mid night snacks eh! Minsan magigisng ako ng mga alas 2 ng madaling araw pag naka ramdam ako ng gutom at mag hahanap ng makakain. Alam na alam nya ano ang gusto ko at pangangailangan ko sa buhay.

“ito ba pinunta mo sa labas ha?” tanong ko sa kanya.

“ahmmm hehehe.” Sabay kamot nya sa ulo nya.

“san ka nakabili nito? Diba malayo pa mga tindahan dito?” laking pag tataka ko.

“ahmm yung totoo sa bayan pa ako bumili nyan.. dun nalang kasi yung may bukas na mga tindahan pag gantong oras na.” na touch naman ako sa sinabi nya alam ko kasing may kalayuan ang bayan mula samin.

“kala ko ba kay kenet ang punta mo?”

“ah oo! Dumaan muna ako sa kanila upang mag pasama sa bayan, medyo nainis nga sakin kasi eh kasi dise-oras na ng gabi nang-iistorbo daw ako.”

“ganun ba? Eh anong sabi mo?”

“sabi ko lang yung bisitia ko kasing DALAGA nag lilihi ata kailangan may makain bago matulog kundi baka ako kainin..”

“gagu ka talaga!! Ahahahaha!” tawanan naman kameng dalawa.

Ang saya ang gabing iyon! Pakiramdam ko tuloy mag-asawa na kame at talagang nag lilihi ako at obligado syang bilhin ang pangangailan ng pag dadalang tao ko! Ahahaha!! Hays.. ayaw ko na tuloy umuwi sa manila parang kuntento na ako dito sa probinsya nila louie at dito nalang manirahan. Pero symepre may kailangan akong tapusin sa manila hindi lang para sa sarili ko kundi responsibilidad ko sa pamilya ko.

“kamusta na kaya sa manila noh?” tanong ni louie sakin habang kumakain kame ng binili nya.

“ewan ko lang, haays.. sana wag malaman ni mama na lumayas ako sigurado ako sobrang nag-aalala na iyon.”

“eh papa mo hindi mo ba inaalala?”

“nakoo!! Hayaan mo sya dapat matuto sya noh!”

“gusto mo bang pumunta tayo bukas ng bayan? Duon may signal ang cellphone pwede mong kontakin mama mo at ipaalam na ok ka lang.”

“oh talaga? Sige!! Bukas ng umaga ha? Punta tayo duon!”na excite naman ako sa nalaman ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng antok, sa dami ba naman ng ginawa namin ng araw na iyon bigla kong naalala na banat na banat ang katawan ko sa trabaho sa araw na iyon.

“tulog na tayo bayag? Inaantok na ako eh, sakit pa ng katawan ko.” Pag yaya ko sa kanya.

“ganun ba? Eh hindi mo pa nga ubos tong binili ko eh.”

“eh inaantok na talaga ako eh! Para bukas nalang iyan.”

“oh sige?..” tinabi na nya ang ibang natirang binili nya, ako naman humiga na.

“sakit ng likod ko! ito kasi pinabuhat ako ng isnag sako ng palay hirap tuloy matulog nito.” Reklamo ko.

“san ba ang sakit?” sumunod ay pinisil pisil nya ang likod ko ng dalawa nyang kamay.

“oh yan! Shit sakit!!” pag daing ko habang dinidiin nya ang kamay nya sa parteng masakit sa likod ko.

“dito ba?”

“oo jan! Sige diin mo pa!” hindi ko naman maiwasan mapaungol sa hatid nitong sakit at sarap na pag hilot sakin.

“shit!! Aaahh.. ahhmm..” daing ko.

“sshhh!! Tang ina wag kang umungol.. nalilibugan ako..” nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at ramdam ko ang init na binubuga ng hininga nya. Nag tayuan naman ang mga balahibo ko sa narinig kong iyon, tila nanginig mga kalamnan ko sa sinabi nyang iyon. Pero mas diniin pa nya ang pag hilot sa likod ko na nagawa nitong mas magpa-ungol sakin.

“ahhh!! Uuhhh..” ungol ko na papigil. Napa-ungol ako ulit, pero gawa na ito ng pag dila nya sa tenga ko.

“pwet hindi ko na talaga kaya..” ramdam ko ang panginginig ng kalamnan nya at init ng hininga nya mula sa tenga ko. Hindi ko na nagawang tumangi pa dahil may sarap ding idinudulot nito sakin.

Lumakbay ang halik nya patungong pisngi ko hangang sa marating nito ang aking labi, nag lapat ang aming mga labi at nag laban, gigil na gigil sya sa bawat galaw ng labi nya halos lunukin na nya ang dila ko sa pag sipsip nito. Nakapatong sya sakin nung oras na iyon, ramdam ko na ang matigas nyang alaga na tumatama sa banda kong tiyan. Inabot nya ang kamay ko at ipinasok sa nag huhumindig nyang pagkalalaki. At sa unang pagkakataon sa wakas! Sinuko ko na rin ang aking HOLY HOLE!! Kay louie..

Natulog kame ng mahimbing ng gabing iyon, yakap na yakap ako sa kanya habang underwear lamang ang suot nya at ako naman ay nakashort lang. Ito na ata ang pinaka masarap na oras ng buhay ko! Pakiramdam ko ay mag-asawa na talaga kame parang ayaw ko na nga atang matulog gusto kong maramdaman ang bawat sandali na meron kame. Pinag mamasdam ko lang ang buo nyang katauhan habang nakasaplot lamang sya. Paminsan minsan hinahalikan ko sya habang tulog tapos yayakapin. Ang sarap talaga ng ganto.

As usual nauna na naman akong magising, around 7am at maliwanag na ang kapaligaran sa labas. Sinilip ko ang labas, ang ganda ng tanawin, ang kabundukan, halamanan, palaisdaan ang buong likas yaman maari mong matanaw sa bintang iyon ang sarap gumising pag ganto ang sasalubong sa iyong tanawin sabayan pa ng awitan ng mga ibon na sumasabay sa malamig na ihip ng hangin.

Nilingon ko si louie tulog na tulog mukang sarap na sarap sa nangyari noong huling gabi at AS USUAL nakanganga na naman! Dahil excited akong pumunta ng bayan kaya ginising ko na agad si bayag.

“bayag! Gising na.. umaga na punta na tayo bayan.” Inuuyog uyog ko sya non.

“hmmm?” yun lang maririnig mo sa kanya.

“kasi! Dapat 8am andun na tayo gising na!”

“maaga pa!!”

“ayaw mo?”

“ito na nga!” sabay upo nya pero nakapikit parin, takot lang nya pag di sya bumangon agad baka pag tripan ko na naman muka nya! Ahahaha.

Matapos naming mag-almusal nag handa na kameng pumunta ng bayan para macontact ko si mama at ipaalam sa kanya na nasa mabuti akong kalagayan. Habang hinihintay ko si louie bumaba may napansin akong isang bagay sa sala nila na nakatakip ng isang malaking tela, ewan ko kung ano ang nag udyok sakin para silipin ang loob nito. Marahan kong inalis ng bahagya ang telang nakatakip duon. Hindi ako masyadong nakuntento sa nakita ko dahil hindi ko mawari kung ano talaga iyon kaya dahan dahan kong inalis ang takip na tela at bumungad sakin ang isang lumang piano.

Napahanga naman ako sa nakita ko, unang beses kong makakita ng isang tunay na piano at antique pa! Gusto gusto kong matuto ng piano dahil kung titignan kakaiba ka pag marunong ka mag piano parang napaka talented mo at sosyalin, kaso hindi ako nag kakaroon ng pag kakataon na matuto kahit na may piano kame sa banda.

“pamana ni lolo kay papa iyan.” Hindi ko napansin si louie nasa likod ko na pala.

“ah ganun ba? Ang galing naman! Ilang taon na kaya ito?” tanong ko.

“siguro? Nasa mga 100 years old na din ata iyan kasi pamana lang din ng tatay ni lolo sa kanya iyan.”

“wow!! Grabeh!! Super antique na! alam mo gusto gusto kong matuto tumugtog ng piano.” Sabay upo ni louie sa harap ng piano.

“gusto mo turuan kita?” seryoso nyang sabi.

“weh? Tumigil ka nga! Wag kang mag ambisyon! Wala kang talent sa music!” wala naman talagang talent si louie sa music alam na alam ko iyon. Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari. Tumugtog ang piano at nanlaki ang mata ko sa narinig ko!! Dahil pamilyar na pamilyar sakin ang tugtog na iyon.

“kantahin mo, alam mo ito.” Habang tinutugtog nya ang piano.

At sumunod na nangyari ay sinabayan ko ng kanta ang pag tugtog ni louie sa piano ng EXCHANGE OF HEARTS



Exchange Of Hearts - David Slater Mp3
Mp3-Codes.com


EXCHANGE OF HEARTS

One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And girl, you'd understand if your heart was mine

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance

(Instrumental)

If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts

If we had an exchange of hearts

“waaaaaaaah!! Ang galing mo naman!!! Turuan mo ako!! hindi mo naman sinabi na may alam ka sa pag tugtog ng piano?” sobrang natuwa ako, ang galing kasi habang siya ang nag piapiano ako naman yung kumakanta super perfect combination of music kameng dalawa.

“hehehe.. si papa lang nag turo sakin mag piano, actually ito yung una nyang tinuro nya sakin kasi team song daw nila ni mama ito, kaya nung unang kong narinig kang kinanta ito sa restobar nila joner natuwa ako.”

“ah ganun ba? Ang galing naman! Turuan mo naman ako please..” pagmamakaawa ko.

“oh sige dito ka sa tabi ko”

Tinuruan nya ako mag piano, tinuro muna nya sakin ang basics para hindi ako mahirapan like familiarizing of the notes. Medyo mahirap kasi ang dami.. pero dahil determinado ako at mahilig sa music medyo nakukuwa ko na at konting panahon nalang ay matututo na ako at gusto ko ang una kong matutunang tugtugin ay EXCHANGE OF HEARTS.

Mag aalas 10 na ng mapansin kong masyado na kameng nag enjoy sa piano at nakalimutan na namin ang plano sa araw na iyon. Ang pumunta ng bayan.

“hala bayag! Pupunta pa pala tayo ng bayan!” pag papaalala ko sa kanya.

“ay! Oo nga pala! Oh sige mamaya na natin ituloy ito at lumakad na tayo.”

Dali dali naman kameng umalis gamit ang bisekleta, naka-angkas ako sa likod ng bike samantalang siya ang nag mamaneho, paminsan minsan nagpapalitan kame ng pwesto pag napapagod na syang mag pedal. Ang layo pala talaga ng bayan, naisip ko tuloy ganto pala kahaba ang sinulong nya noong huling gabi makabili lang ng mid night snacks ko sa susunod hindi ko na sya papayagan na gawin yun ulit dahil alam kong malayo at delikado.

Ng marating namin ang bayan, ayun nga at may signal na nga sunod sunod na pumasok ang mga mensahe, umabot ng mahigit 30 messages! Ang ilan mga GM lang pero karamihan text mula kay kim na gf ni louie.

“oh mga text ni kim.” Inabot ko sa kanya ang phone.

“sige hayaan mo lang yan jan gamitin mo na at tawagan mo na mama mo.” Sinunod ko naman ang sinabi nya. Ilang ring lang ay may sumagod agad sa tawag ko kay mama.

“hello ma?”

“hello? Anak? Andeng?”

“ahmm oo ma ako ito..”

“anak naman!! Papatayin mo kame sa kaba dito! Asan ka na ba anak? Bakit ka lumayas?” nag cracrack ang boses ni mama alam kong umiiyak sya nung oras na iyon.

“ma wag na kayong mag alala ok na ok ako, andito ako sa probinsya nila ninang kasama si louie. Umalis ako kasi hindi ko na maatim ang ginagawa ni papa nag dala na naman sya ng babae sa bahay eh.”

“anak naman! Dapat sinabihan mo kame! Alam mo bang mula nung nalaman kong lumayas ka hirap na hirap ako sa pag tulog ko.”

“sorry talaga ma, gusto ko lang talagang bigyan ng leksyon si papa eh. Pero babalik din naman ako.”

“bumalik kana anak please nag mamakaawa ako alam mo bang hindi na mapakali ang papa mo parang gusto ng bumalik sa pilipinas para ipahanap ka lang at pinaalis na daw ang babae nya sa bahay.”

“ganun ba ma?sige ma abisuhan ko nalang po kayo pag uuwi na ako, ang hirap po kasi ng signal dito eh kailangan pumunta pa ako ng bayan. Wag na kayo mag alala sakin ma ok na ok ako dito ligtas ako. please wag mo sabihin kay papa na alam mo na kung na saan ako ha?”

“oh sige anak basta babalitan mo ako ha? Mag-ingat ka jan anak ha?”

“sige po ma, kayo din jan.. i love you..”

“i love you too anak.”

Sabay baba ko na phone. Nalungkot naman ako sa nalaman ko dahil sobrang nag-alala pala sila sakin nakaramdam tuloy ako ng matinding guilt. Naiyak ako feeling ko ang sama sama kong anak para gawin ko iyon sa magulang ko.

“tama na.. daming tao oh! Kakahiya.” Sabay akbay sakin ni louie.

“ang sama sama kong anak!”

“ano ka ba wag mong sabihin yan mabuti kang tao!” iyak parin ako ng iyak.

“ano gusto mo na bang umuwi?” tannong nya. Tinignan ko lang sya sa mata hindi ko kasi alam anong isasagot ko.

“hindi ko alam eh.”

“tara uwi na tayo?”

Umuwi na din kameng agad matapos gawin ang pakay namin sa bayan. Habang naka-angkas ako sa likod ng bike malayo ang isip ko, nalilito ako kung uuwi na ba, dalawang araw palang ako dito sayang naman kung uuwi ako agad at saka nag-eenjoy pa ako dito. Anyway alam na ni mama kung nasan ako siguro dapat mas habaan ko pa ng konti ang stay ko dito para mas lalong madala si papa at matuto. Kaya iyon napag desisyonan kong magstay pa ng ilang araw.

Ng maka-uwi na kame, sinabi ko agad kay louie ang plano ko.

“ahmm bayag, dito muna ako.. gusto ko munang mag palamig at i-enjoy ang stay ko dito.” Kitang kita ko naman sa muka ni louie ang matinding saya sa narinig nya. Hindi na sya nga salita at inakbayan ako papasok ng bahay.

Balik trabaho kame, ganun parin ang routine. Bilad ng palay, pakain sa baboy at pagpapaligo nito at tulong kila tiyo albert sa pangingisda. Maaga natapos ang mga gawain namin gawa ng kailangan daw idala agad ang mga palay sa bayan para ipakiskis ito para gawing bigas. Kaya maaga natapos ang gawain sa palaisdaan. Standby tuloy kame ni louie. Ng biglang may naisip ang kumag.

“pwet! Gawa tayo ng bahay natin para kung walang gagawin may pag tatambyan tayo?”

“ha ano? Baliw! Nursing student tayo! Hindi engineer !!”

“seryoso nga!”

“hala sya! Ano? Wala kang ng magawa buhay mo? Imagine mo gagawa tayo ng bahay? Ano naman alam natin sa pag gawa ng bahay ha??” pag susungit ko.

“ako may alam! Yung ordinaryo lang naman kasi. Baka naman kasi iniisip mo yung tunay na bahay talaga, parang kubo lang.” Seryoso nyang sabi.

“ayaw ko! Dami mong alam!” pag tangi ko.

“tara na! kesa wala tayong ginagawa!” hinawakan niya dalawa kong kamay at hinila para tumayo ako wala naman akong nagawa kundi sumunod nalang.

Umakyat sya ng mga puno ng niyog at pumutol ng maraming sanga ng tuyong dahon ng punong niyog ako naman taga salo nito sa baba. Matapos nag putol sya ng maraming kawayan at pinaghahati ito para gawing kahoy. Ng makuwa na namin lahat ng kailangan sa pag gawa ng bahay bahayan sinumulan na namin ipagtagpi tagpi ito. Sya ang kumikilos samantalang ako ay assistant lamang nya sa bawat gagawin nya parang taga abot, taga hawak, taga punas ng pawis nya! Puro TAGA! Ahahaha! Wala naman kasi akong alam sa mga panglalaking gawain eh! Babai!! Kasi ako! ahahaha.. anyways.. framework palang ang natapos namin nung araw na iyon wala pang bubong at dingding ang bahay kubo pero makikita mo na dito ang kakalabasan ng bahay.

“ilang araw kaya natin matatapos yan?” tanong ko.

“tatlong araw pa tapos na natin iyan.”

“natin? Ikaw lang! Assistant lang ako, ahahaha!” tawa ko.

“sabagay, pero hindi ko naman magagawa yan kung wala ka.”

“weh di nga? Tara na nga! At nag didilim na balik na tayo bahay.”

Nag daan na naman ang panibagong araw, nakakapagod pero syempre masaya lalo na’t si louie ang kamasa ko. Nag daan pa ang ilang araw bago kame sumabak sa trabaho ay may piano lesson muna kame ni louie for 1 hour matapos ay sabak na sa trabho at pagkatapos ng mga trabho ay tinatapos namin ang bahay bahayan namin ni louie. Tulad ng estimation ni louie nag daan ang tatlong araw ay natapos na nga namin ang bahay kubo at ang sarap tignan ito sa labas dahil sa wakas natapos na anmin ang pinag hirapan namin LALO NA NYA ang bahay kubo na mag sisilbing bahay namin ni louie. Ang saya saya!! Kulang nalang anak para pamilya na kame! Haaays.. kaso hindi ko kayang ibigay iyon sa kanya.

“wooooow!! Sa wakas tapos na din!!”

“haaay salamat!! Natapos din! Meron na tayong lugar kung san pwedeng tumambay na tayo lang dalawa.”

“tara pasok tayo!” sabay kameng pumasok, walang kalaman laman ang loob at isang bintana lamang ang nag bibigay liwanag sa loob ng bahay kubo.

“kulang nalang gamit noh? Kahit upuan lang pwede na..”sabi ko.

“oo nga noh? Sige sa susunod pag nakasahod na ako bibili na tayo ng gamit natin.” Sersyoso nyang sabi.

“ha? Ano ka jan? Sahod?”

“wala joke lang!” tawanan kameng dalawa.

Sobrang saya ng nagaing stay ko sa probinsya nila louie ang dami kong naranasan na hindi ko pwedeng mahanap sa ibang lugar. Dami ko ding natutunan lalo na ang mabuhay ng simple mas masaya pala ang ganitong klaseng buhay kesa sa manila na andun nga lahat ng kailangan mo kaso magulo. Madalas kame sa bahay kubo na ginawa namin ni louie. Halos gabi gabi din naming piang sasaluhan ang laman ng bawat isa na parang laging FIRST TIME ang lahat samin. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga meron samin ni louie. Ayaw ko ding komprontahin si louie about sa trato namin sa isa’t isa baka hindi ko magustuha ang sabihin nya at masira pa lahat ng pinag hirapan ko at saya na naranasan sa stay ko sa probinsya nila. Masaya na ako na kahit wala kameng commitment sa isa’t isa ramdam ko naman ang pag aasikaso nya sakin at trato nya sakin higit pa sa isang kasintahan. Yun nga lang wala kameng karapatang mag selos kung may kasintahan ang bawat isa o karapatang magalit kasi may kasamang iba ang isa’t isa yung bang more than bestfriends but not lovers? Tawag daw nila duon PSEUDO RELATIONSHIP. Magulo pero at the same time masaya. Nasa safiest position ka pero at the same time nasa painful position ka din.

Dumating na ang araw na kailangan ko ng umuwi ng ng manila, sabi nga nila some good things must come to an end, at ito na nga iyon kailangan ko ng bumalik ng manila at harapin ang naiwang responsibilidad ko duon. Hindi hindi ko malilimutan ang naging karanasan ko sa lugar na iyon. Masasabi kong it is one of the best things i have experienced in my life. Nag paalam na ako kila tiya at tiyo nung oras na iyon, medyo maluwa luwa pa nga si tiya nung niyakap ko siya bago umalis. Si louie naman ay nag paiwan at susunod nalang daw sya dahil may aasikasuhin pa daw syang importanteng bagay hindi naman nya sinabi sakin kung ano.

“anak! Bumalik ka ulit dito ha?” sigaw ni tiya elsie habang tumatakbo na ang jeep paalis patungong pantalan .

“opo tiya! Babalik ako! mamimiss ko kayo.” Kasama ko nuon si louie sa jeep para ihatid ako sa pantalan sa sakayan ng barko.

Ng marating na namin ang pantalan, umakyat na kame agad upang hanapin ang ang bed number. Madali namin na nahap ang kama ko. Malungkot ako dahil ako lang ang uuwi mag-isa syempre medyo kinakabahan ako kasi ako lang mag-isa although alam ko na ang gagawin ko. Pumunta kame ni louie ng cr para duon mag usap ng mabuti.

“ingat ka sa pag uwi ha? Tetext mo ako agad o tawagan ha? sa oras ng pag dating mo ng manila pupunta ako ng bayan hihintayin ko tawag mo.” Hindi naman ako sumagot sa halip ay nanahimik dahil nga nakakatampo hahayaan nya akong umuwi mag-isa at syempre mamimiss ko sya.

“huy?! Ano? Sumagot ka nga!” hinawakan nya baba ko para ibaling ang tingin ko sa kanya.

“kasi naman eh! Bakit kasi hindi ka nalang sumabay sakin?” medyo inis kong sabi.

“may importanteng nga kasi akong aasikasuhin dito, anyway makalipas ng 3 araw nasa manila na din ako.” paliwanag nya.

“ano ba kasi iyon? Bat di mo nalang sabihin sakin?”

“basta! Malalaman mo din pag dating ng tamang panahon.”

“kakainis ka naman eh! Ang korny mo!”

“basta! Mag-iingat sa pag-uwi ha? wag ka ng mag gagala dito sa barko habang nasa byahe, at pag karating na pagkarating mo ng manila tawag agad sakin ha? para alam kong naka uwi ka na ng ligtas.”

“opo.” Malungkot kong sabi. Matapos ay hinalikan nya ako sa nuo at sumumod sa labi.

Naging malungkot ang pag-alis ko sa islang iyon kung san naranasan ko ang buhay na hindi ko mahahanap sa ibang lugar. Pinangako ko sa sarili na babalik ako duon at uulitin namin ni louie ang lahat ng ginawa namin.

Tulad ng sabi ni louie hindi na ako nag gagala pa sa barko sa halip ay natulog nalang ako sa buong byahe. Nagising nalang ako sa ingay ng mga tao gawa ng nasa manila na pala kame. Hinanda ko na lahat ng gamit ko para bumaba ng barko. Pagkababa na pagkababa ko nag hanap agad ako ng pay phone station para tawagan si louie. Ng idial ko ang number nya nag ring naman ito, talagang pumunta pa sya ng bayan para hintayin ang tawag ko.

“bayag! Andito na ako sa manila.”

“mabuti naman! Ano kamusta ang byahe?”

“ok naman, natulog lang ako sa buong byahe eh, jan musta naman?”

“ok lang naman, ayon malungkot si tiya kasi umalis kana umiyak pa nga daw nung hinatid kita papunta pantalan eh.” Nalungkot naman ako sa narinig ko.

“ah ganun ba? Pakisabi babalik naman ako jan, pag balik ko madami akong dalang pasalubong para sa kanila.”

“oh sige sasabihin ko nalang.”

“oh sige, mauubos na ang oras sa pay phone, umuwi ka na din agad ha?”

“ikaw din umuwi ka na din agad.” Biglang kameng natahimik nag hihintay ng sasabihin ng bawat isa ng bigla kameng nagkasabay magsalita.

“miss you!” nag tawanan nalang kameng dalawa. Grabeh!!! Nakakakilig!!! Wooooh!!

Binaba ko ang telepono ng may wagas na ngiti sa labi ko. Bago umuwi, kila ninang ako dumeretso bago sa bahay namin. Hindi ko kasi alam pano haharap sa bahay hindi ko alam anong sasabihin ko kaya naisip kong magpasama kay ninang.

“kamusta naman ang bakasyson mo sa probinsya?” tanong ni ninang habang pinag hahanda ako ng makakain.

“ang saya saya ninang grabeh! Alam mo ba, nag bilad ako ng palay, nagpakain ng baboy at pinaliguan ang mga ito tapos nangingisda kame ni louie, tinuruan nya ako mag piano! Akalain mo iyon ninang may talent pala si louie? Ahahahahaha tapos ang pinaka masaya gumawa kame ng bahay bahayan ni bayag!” punong puno ng excitement ang sinasabi ko kay ninang at tuwang tuwa ako sa sinasabi ko.

“buti naman kung ganun, at buti naman maayso pa ang piano ng papa nya. Anyway alam mo bang tinawagan ako ng papa mo sobrang nag-aalala na sayo umiyak pa sakin syempre denial queen ako kunwari hindi ko alam! Sabi pa ng nya bumalik ka lang daw ay hindi hindi na sya mambabae basta bumalik ka lang. Naawa nga ako sa papa mo kasi sabi nya ikaw nalang daw ang meron sya tapos maiyak-iyak pa.” Seryosong sabi ni ninang.

“ganun ba ninang?” wala na akong nasabi dahil nalungkot din ako sa narinig ko mahal na mahal pala ako ni papa tapos ginawa ko pa sa kanya ito pakiramdam ko napaka suwail kong anak.

“ninang samahan mo akong umuwi ng bahay ha?”

“oh sure anak!”

Sinamahan nga ako ni ninang umuwi ng bahay namin. Habang palapit ng palapit sa bahay palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Pinindot ko na ang doorbell ng pinto. Ilang sigundo lang ay bumukas na agad ang pinto. Ang lola ko!

“sus! Señor Maria Josep!!! Bata ka!! San ka ba galing??!!” bungad agad ng lola ko sakin.

“nay sa loob na po ako mag papaliwanag.” Pumasok naman agad kame ni ninang.

Pinaliwanag ko lahat kay nanay(lola ko) ang lahat. Hindi naman nya ako pinagalitan siguro utos na din ni papa na pag bumalik ako wag na ako pagalitan para hindi na sumama ang loob ko. Kinuwento sakin ni nanay kung gaano nag-alala ang papa. Maluha luha pa si nanay habang kinukwento sakin. Halos hindi daw makatulog ang papa ko sa kaka-isip sakin. Nung araw daw na umalis ako yun din yung araw na pinaalis din agad ang babae nya sa bahay. Matapos niya ikwento sakin lahat hindi ko mapigilan sarili ko na umiyak dahil sobrang guilt at awa ang naramdaman ko sa paghihinagpis ng papa ko sa pagkawala ko at syempre sa nalaman ko na kung gaano ako kahalaga sa papa ko. Sa nalaman ko tinawagan ko agad si papa.

“hello pa?”

“anak??? Andeng???”

“opo pa ako ito, andito na po ako sa bahay sorry po.” Matapos wala na akong narinig kundi pag-iyak ng papa ko hindi na sya makapag salita sa nalamang naka uwi na ako rinig na rinig ko ang hagulgul ng papa ko. Siguro may isang minuto na umiiyak lang sya at pati ako ay nadala na din.

“anak.. nagmamakaawa ako sayo wag mo ng gagawin iyon ha? alam mo bang papatayin mo ang papa sa ginawa mo? Halos isang lingo akong walang tulog at kung sino sino ng tinatawagan ko para lang malaman asan ka pati mga tiyo mong may koneksyon sa awtoridad lahat ng iyon inabisuhan ko mahanap ka lang.” Umiiyak parin si papa.

“sorry na po pa, nag sisisi na po ako sa ginawa ko hinding hindi ko na po iyon uulitin pangako.”

“salamat anak, pangako ko din sayo hindi na ako mambabae anak! Ikaw nalang ang meron ako ngayon kaya pag nawala ka wala na ding silbi kung bakit andito ako ngayon para mag trabaho.”

“opo pa salamat din mahal na mahal ko po kayo pa mag-ingat kayo lagi jan.”

“ikaw din anak ha?sorry ulit sa nagawa ko pangako hindi hindi na mauulit iyon.”

iyon ang naging pag-uusap namin ni papa. Parang drama lang sa teleserye ng isang OFW at ng anak nya. Sobrang nakaka-iyak. Pero hindi ako nag-sisi sa ginawa ko kahit alam kong mali pero naging mabuti ito para samin at naging leksyon sa bawat isa.

Maayos na ang lahat, bati na kame ni papa at alam na din ni mama na nakauwi na ako. isa nalang ang kulang. Si BAYAG! Dalawang araw na ang naka lipas pero parang sobrang tagal ng oras at bawat minuto at sekundong tumatakbo ay tila oras ang haba nito. Grabe!! Papatayin na ata ako ng sobrang pananabik kay louie!!! Although sa dalawang araw na iyon ay pumupunta sya ng bayan para tawagan ako, iba parin na andito sya tabi ko. Natuwa naman sya sa nalaman na ok na ang lahat dito sa manila. Bukas uuwi na si bayag dito ng manila at hindi na ako makapag hintay pakiramdam ko hindi ako makakatulog nitong gabi sa sobrang excitement.

Dahil sa sobrang boring at hindi ako mapakali sa bahay naisipan kong mag mall muna kasama si faye. Sobrang na excite si faye nung nakita ako parang isang dekada akong nawala at nag sisisgaw pa sa mall na parang kame lang ang tao sa oras na iyon.

“teeeeeeeeeeeeh!!!! KAMUSTA NAMAN!!!!!!!” sabay yakap sakin ng mahigpit.

“makabati naman ito WAGAS NA WAGAS!! Ano sa school tayo ha?” pag tatary ko kasi nag lingunan lahat ng tao samin.

“ito naman! Namiss lang kita ng sobra teh! Teka!! ieew!! Look at your skin ANG ITIM MO!! Ganun ba pag inlove? Nakakaitim?” tawanan kame.

“baliw!! Nakoo! Kung alam mo lang ano ginawa ko sa probinsya! Ginawa akong barako duon ni bayag!”

“oww!! Sounds interesting!! Well anyways.. asan nga pala si bayag mo?” pag-uusisa sakin ni faye.

“bukas balik nya dito, hindi na nga ako makapag hintay eh.”

“ah ganun? Sooo? Mag kwento ka naman? Ano? May nangyari ba? Ayyiiiee!!”

“wag ka nga maingay!! May makarinig sayo!! Halika nga dito sa tabi.”

At iyon nga namasyal kame ni faye sa mall, mamili na din kame ng mga school supplies namin para sa next semester habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari sa probinsya. Binili ko na din si louie ng mga gamit nya yun din kasi bilin nya sakin at alam ko naman ang mga tipo na gamit na gusto nya kaya walang problema. Habang nag kwekwento ako itong faye hindi maiwasang mag sisigaw sa pinag kwekwento ko sa kanya wala syang pakeelam kung may nakakrinig ba o wala, babae sya pero ugaling bakla! Mas bakla pa sakin!! Habang nag kwekwentuhan kame, may nakita akong hindi ko inaasahan!

“oh mah gosh faye halika bilis dito tayo sa gilid bilis!!” nag tago kame ni faye.

“oh ano ba iyon? bat kailangan mag tago?” laking pagtataka ni faye.

“basta magtago tayo, nakikia mo ba iyong babaeng yon?”

“asan? Yung may dalang baby?”

“hindi!! Ayun oh!! Yung may ka holding hands na lalaki!” pag turo ko ng palihim.

“asan?? Ahh yon ba? Oh? Ano naman? Wag mo sabihin crush mo? Ano tomboy kana?”

“gagu!! Yan si kim GIRLFRIEND ni bayag.”

“O – M – G !!!” gulat na gulat si faye sa nalaman nya.

ITUTULOY...


[19]
“O M G!!” yun lang ang nasabi ni faye pag kakita kay Kim na may kasamang ibang lalake.

“halika dito sa tabi mag tago tayo.” Pag hila ko sa kanya sa gilid para hindi kame makita.

“wait! Kilala ko yan!”

“ha? kilala? Panong kilala?” laking pag tataka ko.

“si Kim Malvas yan!”

“oo nga! Pano mo nalaman?” atat kong tanong sa kanya.

“eh anak yan ni ma’am Malvas! Yung Prof natin sa Biochem! At balita ko yan daw ang princess ng fraternity sa school natin!”

“ha? ano? Princess? Pano?” gulat na gulat ako sa nalaman ko.

“ano ka ba! Kaya nga walang bumabanga jan sa school dahil pag may kumalaban jan sigurado hindi mo na gugustuhin pumasok ng school.”

“talaga? Eh hindi ko naman nakikita ng school yan ah!”

“nag transfer na iyan ng school, balita ko last year may nakaaway na lalake iyan sa school at tulad nga ng sabi ko sayo, binanatan ng mga brad nya sa school yung guy tapos hindi na pumasok yung guy sa school after that incident. Ang alam ko lang nakarelasyon nya yung lalake na iyon tapos niloko ata sya? Tapos nalaman ni ma’am Malvas ang tungkol duon kaya pina transfer sya pero regular parin syang member ng Fraternity dito sa school.” Medyo natakot naman ako sa nalaman ko, dahil nga maaring nasa panganib si bayag sa puder nya.

“ganun ba? Hala! Pano si bayag nyan!” sabi ko ng may pag-aalala.

“yun lang wag nya gaguhin o pahuli sa babae na yan kundi malilintikan sya!” mas nagpakalas ng kabog ng dibdib ko ang sinabi ni faye na iyon.

“halika! Alis na tayo dito baka makita pa tayo nyan.” Pag hila ko kay faye palayo sa kinatatayuan nila kim. Ngunit nung pag talikod namin napa “shit” ako dahil ilang hakbang nalang pala ang layo nila kim samin sa likuran namin hindi naman namin napansin na andun na sila. Parang naman akong nabilaukan nung nagkaharap kameng apat at mag kaholding hands pa silang dalawa, kitang kita ko rin ang reaksyon ni kim na gulat na gulat at hindi alam ang gagawin kung bibitawan ba ang kamay ng lalake o hindi. Si faye naman wala ding nasabi, wala na akong nagawa kundi hilain si faye palayo at nag kunwaring hindi kame magkakilala ni kim.

“shit!shit!shit! nakita nya tayo!! Kasi to eh!!” sabi ko na parang natataranta na hindi alam anong gagawin.

“hala sya! Ako sinisi mo?” sabi ni faye.

“ang daldal mo kasi dun mo pa kinuwento sakin pwede namang umalis na tayo duon tapos ikwento mo sakin sa malayo diba?” pag susungit ko.

“hala! Ikaw kaya ang upakan ko? Wag ka ngang paranoid! Ok lang iyon! mas mabuti iyon na alam nyang nakita natin sya para kilabutan naman sya sa ginagawa nya!”

“so pano to? Sasabihin mo ba kay louie na nakita mong may kasama ibang guy si kim?”tanong ni faye.

“ewan! Hindi ko alam! Baka naman pag sinabi ko kay bayag na nakita kong may bang kasama si kim baka ma misinterpret nya ako baka sabihin nya sinisiraan ko si kim.”

“pero teh! Papayag ka nalang bang niloloko si louie ha?” napa-isip ako saglit.

“hindi syempre!”

“oh! Anong kailangan mong gawin ngayon?”

“sabihin sa kanya?”

“tama!!” maya maya may natangap akong text galing kay kim.

“andy, wag mong sabihin kay louie na nakita mo akong may kasamang iba? Magpapaliwanang ako, please!” yan ang text ni kim.

“teh ano na?” bigla naman inabot ni faye ang phone ko at sya ang nag reply.

“ok! Bibigyan kita ng panahon na ikaw mismo mag paliwanang kay louie. Kaibigan ko si louie at kahit sino naman pag alam kong niloloko kaibigan ko hindi ako papayag na wala akong gagawin. Bibigyan kita ng isang buwan pag hindi ka pa umamin ako na mismo mag sasabi kay louie.” Yan ang text ni faye kay kim gamit phone ko. Wala namang naging reply si kim noon.

“teh! Tama ba yang sinabi mo?” sabi ko.

“oo! Tama lang iyan!”

Dumating na ang araw ng pag-uwi ni louie galing probisnya nila, actually hindi ako masyadong nakatulog bago dumating ang araw na iyon sa sobrng excited kong makita ulit ang mahal ko. 5pm ang dating ng barko sa pantalan kaya 4pm palang andun na ako at nag hihintay. Ng dumating na ang barko hindi naman ko mapakali at mapalagay sa sobrang pananabik. Unti-unti ng bumababa ang mga tao, sinubukan kong tawagan ang cellphone nya pero out of coverage ito. May mga 30 minutes ng nakalipas wala parin akong louie na nakikita. Medyo kinakabahan na ako. kaya nag tanong ako sa guard.

“kuya! May byahe ba kaninang umaga na dumating?”

“meron po, kaninang 5am.” Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig! Shit! Baka naman madaling araw ang dating nya hindi hapon? Pero bakit hinid sya agad nag text sakin if nakarating na sya? O kaya pumunta ng bahay? Nasa ganoong sitwasyon ako ng pag-iisip at pag-aalala ng bigla may humawak ng kamay ko at may pinahawak sakin ng kung ano, napalingon naman ako agad, si BAYAG!!! Parang nagtatatalon ang puso ko ng makita ko sya. Nangitim pa sya ng sobra at nakasumbrero pa sya ng oras na iyon.

“iiih!! Kakainis ka!!” hinampas ko naman sya agad sa dibdib, ramdam ko ang mas pag umbok ng dibdib nya gawa ng nabanat ito sa trabaho sa probinsya.

“oh!! Kakarating ko palang inaaaway mo na ako??” reklamo nya.

“eh kasi eh! Kala ko kaninang umaga yung dating mo kasi ang tagal mo kaya!”

“sows!! Halika ka na! nagugutom ako!” sabay akbay sakin para lumakad na, ng makita ko bag pala ang inabot nya sa kamay ko.

“kuya salamat po ha!” sabi kay kuya guard habang nag lalakd palayo.

Kumain naman kame sa pinakamalapit na MACDO favorite fastfood restaurant na kinakainan namin, ewan ko ba at kahit ilang beses kameng kumain duon hindi kame nag sasawang kumain sa macdo. At ang madalas namin iorder yang yung pang masa talaga!2 CHICKEM FILLET WITH EXTRA RICE, 2 FRIES regular and 2 HOT FUDGE kuntento na kame sa ganyang order. At ang pinaka kakaiba pag kumakain kame sa mcdo ay para maka tipid kame lalo na’t pag walang badget ay kakainan namin ng konti ang hot fudge hangang kalahati lang at iinuman namin ang coke na hangang kalahati lang din matapos ay pag hahaluin namin ito para maging instant COKE FLOAT! Ahahahaha! Minsan nga pinag titinginan kame ng mga tao kasi muka kameng mga tanga na ewan o siguro narerealized ng mga tao pwede pala iyon? ahahaha! Matapos naming kumain, umuwi na din kame agad dahil dumaing si bayag na pagod daw sya at walang tulog.

“oh bat naman wala kang tulog?” tanong ko sa kanya habang nasa byahe kame sa taxi pauwi.

“eh hindi ako makatulog eh!”

“bakit nga?”

“urong ka nga duon sa dulo” tinulak nya ako ng marahan para mapunta sa dulo ng upuan ng taxi sa likod.

“bakit?” matapos bigla syang humgia sa hita ko at inunat ang katwan para mag kasya ang katawan sa upuan.

“wow! Gawin bang unan ang hita ko?” reklamo ko.

“sige na inaantok talaga ko eh!” matapos inalagay nya ang sumbrero nya sa muka nya para matakpan ito.

“yan! Tulog tulog din kasi! Baka naman may nagpapuyat sayo kagabe kaya ka puyat ngayon?”

“oo nga eh!” medyo kinabahan naman ako sa sinabi nyang iyon. pero hindi ko naman pinahalata.

“kaya naman pala eh.” Matapos hindi na ako nag salita. Maya maya hinarap nya ang muka nya sa tiyan ko at yumakap sabay kagat ng marahan.

“aray!! Ano ba yan?” reklamo ko.

“ikaw kasi eh! Pinuyat mo ako kagabe..” bulong nya na medyo hindi ko naman naintindhan gawa ng natatakpan ng tiyan ko ang bibig nya.

“ano?” kunwari hindi ko narinig.

“wala! Kita ng utak mo oh sa ilong mo oh!” sabay tangal ng takip sa muka nya.

Nakarating na kame sa bahay. Pag kabukas na pagkabukas palang ng pinto sumigaw na agad si louie na.

“I’M BACKKK!!!” bigla namang nag lingunan ang mga kapatid nya at si ninang sa sigaw ni louie.

“KUYAAA!!!” sigaw ng dalawa nyang kapatid sabay kumaripas ng takbo patungo sa kanya upang yakapin sya.

“kuya na miss ka na namin!! Alam mo ba si ate lagi ako inaaway nung wala ka dito wala tuloy ako kakampi kasi si mama kay ate kumakampi!” sumbong ng nakakabatang kapatid nya.

“wag kang maniwala kuya si dingdong ang laging umaaway sakin! biruin mo mas matanda ako sa kanya pero lumalaban sakin!” bawi naman ni alexis.

“oh sya! Mamaya na kayo mag talo at mag bibihis muna ako pagod ako sa byahe eh, mamaya na tayo mag usap ha? pagod si kuya eh.” Hindi na umangal pa ang mga kapatid nya sa halip ay kinuwa ang mga gamit nya at tinulungan syang iakyat sa kwarto nya. Lumapit naman kame ni louie kay ninang upang mag mano.

“oh! Musta ka na?muka ka ng igurot sa kulay mo ah!” pangungutya ni ninang dahil nga nangitim itong si louie.

“hehehe.. oo nga ma eh! Dami kasing trabaho sa bukid kaya ito, di bale babalik din naman kulay ko makalipas ng ilang linggo.”

“kamusta naman sila tiya at tiyo mo?”

“ok naman sila, ayun malungkot kasi umuwi na naman ako dito sabi nga eh bumalik daw kame agad nitong si andeng. Umiyak nga iyon nung umalis si andeng eh.”

“ah ganun ba? Nakuwa mo pala agad loob ng mga tao doon.” Sabi ni ninang sakin.

“ganun po talag ninang pag MABAIT! Ahahaha!” tawa naman kame.

“ma akyat na ako sa taas pagod sa byahe eh bukas na ako mag kwekwento.” Daing ni louie.

“oh sya sige.”

Naunang umakyat si louie sa kwarto nya samantalang ako ay kinuwa muna ang mga naiwang gamit nya sa baba. Pag akyat ko sa kwarto nya nadatnan ko syang nakahilata na sa kama nya at mukang pagod na pagod.

“hoy bayag maligo ka muna bago ka matulog jan!” habang binababa ko ang mga gamit nya. Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya lumapit ako sa kanya at inulit sang sinabi ko.

“huy!! Maligo ka muna! Ang baho baho mo kaya!” inuuyog ko sya habang ginigising. Wala naman syang reaskyon nakapikit lang ang mga mata mukang pagod na pagod nga talaga.

Ayaw ko na sanang gisingin kaso amoy bukid talaga ang dating balak ko punasan nalang sya habang nakahiga mukang walang wala na syang lakas kahit tumayo. Tinitigan ko lang sya habang nakahilata sa kama nya. Sobra ko talaga syang na miss!! Imagine tatlong araw lang kameng hindi nag sama pakiramdam ko ilang buwan kameng hindi nagkita. Pinag masdan ko lang sya mula ulo hangang paa. Ganun parin lakas parin ng dating nya para sakin kahit umitim. Bawat angolo ng muka nya pinag mamasdan ko hangang maphinto ako sa labi nya. Parang may nanghihikayat sakin na siilin ko ito ng halik kahit nangitim sya ganun parin mapula ang labi nya ang sarap parin pagmasdan at halikan. Hindi ko naiitis ang tawag ng KALIKASAN!! Ayun inilapat ko ang labi ko sa labi nya ng marahan. Idiniin ko lang ito, yung tamang halik lang. Nung una wala syang reaksyon maya maya may narinig akong marahan na ungol sa kanya “hmmm” dahan dahang binuka nya ang labi nya at naglapat ang aming mga dila. Marahan lamang, swabe, cool! Yung tamang halik lang pero ramdam ko ang bawat galaw ng labi namin. At hininto ko ang aming pag hahalikan.

“tara na tayo na, ligo kana.” Sabayan ng malumanay na ngiti. Wala naman syang sagot kundi isang ngiting pagod. At tumayo na sya at nag hubad ng damit at short, boxer’s short na lamang natira sa kanya nung pumasok sa c.r. habang naliligo sya ako naman ay hinanda ang mga damit na gagamitin nya nilagay ko na ito sa kama. Ilang minuto lang lumabas na din sya ng c.r. deretso kuwa ng damit nya at nag bihis.

“ikaw ba hindi pa maliligo?”tanong nya sakin habang nakaupo sa kama nya at ako naman inaayos ang ilan nyang damit at nilalagay sa damitan nya.

“ha?” medyo nagulat ako sa tanong nya bakit nya ako papaliguin? Mabaho ba ako?

“hayaan mo na yan jan, ako na mag-aayos nyan.”

“hindi ok lang, pahinga ka na jan saglit lang naman ito.” Wala na akong narinig pang sagot sa kanya nahiga nalang sya ako naman inaayos ang damitan nya.

Ng matapos ko ng ayusin ang damitan nya, balak ko mag paalam kasi pupunta ako kay joner simula kasi nung maka balik ako ng manila hindi pa kame nag kikita ni joner alam kong kailangan ko syang kausapin ng personal dahil nga may commitment ako sa banda. Humiga ako sa tabi nya habang mukang tulog na nga ang bayagra dahil nakanganga na nga ang mokong. Hindi ko na sana gigisingin pero baka hanapin ako pag nagising. Kaya ginising ko na sya.

“bayag, bayag!” inuuyog ko sya ng dahan dahan.

“hmm?” pero nakapikit parin sya. Inuuyog ko parin sya hanggang mapadilat sya.

“oh? Bat di ka pa naliligo?” tanong nya.

“ha?ano kasi.. aalis ako.”

“oh? San ka pupunta? Anong oras na ba?”

“20 minutes to 10pm.” sagot ko.

“oh? Gabi na ha! san ka ba pupunta?”

“kay joner?” medyo alangan ako sa pagkabangit sa pangalan ni joner.

“bakit?” biglang naging seryoso ang muka nya nung narinig nya ang pangalan ni joner.

“simula kasi nung nakabalik ako dito ng manila hindi pa kame nag-uusap, nag text kasi sya sakin kanina kung pwede kame mag-usap tungkol kung kelan ako pwede bumalik sa banda.” Paliwanang ko. Ang tagal nyang hindi sumagot, tahimik lang nakatingin sakin.

“anong oras ka uuwi? At san ka uuwi?” biglang pagbasag nya ng katahimikan.

“ahmmm? Before 12?”hindi na sya sumagot sa halip ay nahiga ulit.

“huy ano?” pangungulit ko.

“ikaw bahala.” Sagot nya na parang walang pakelam.

“oh sige!” umalis na din ako agad, badtrip!! Alam ko ayaw nya ako papuntahin yung tipong mga ganun ang sagot? Kakaurat!! Buti nga nagpaalam kung tutuusin kahit hindi na ako dapat mag paalam kaso sya itong iniintindi ko baka nahapin nya na naman ako pag gising nya at magalit sakin pag hindi ako makita. Nangyari na kasi samin na kala nya katabi kame natulog tapos pag gising nya ay hindi pala nya ako katabi natulog at bonggang bonggang bulyaw ang naabot ko kabastusan daw kasi iyon hindi nag papaalam! Ang daming alam diba? Tapos pag magpapaalam nag-iinarte?

Kaya dumeretso na ako ng lakad kila joner, 30 minutes lamang nakarating na ako sa restobar nila joner. Dumeretso na ako agad sa likod ng restobar kung san kame nag prapractice, mga ganung oras kasi tapos na ang play ng banda at sa likod kame nag papahinga. Kumatok ako sa pinto. Naka tatlong katok na ata ako wala paring nag bubukas. Kaya nilakasan ko na ang katok ng biglang bumukas ang pinto. At si joner agad ang bumungad sakin!

“im back!” sabay ngiti ng wagas! Kitang kita ko ang reaksyon ni joner! Hindi mawari, magkahalong gulat, tuwa at pananabik ang makikitang emosyon sa muka nya hindi alam anong sasabihin! Bigla nalang nya akong niyakap ng mahigpit! SOBRANG HIGPIT!!

“aray aray! Ayaw mo ako yakapin ha?” sabi ko habang nakasubsob ang muka ko sa dibdib nya.

“ay sorry! Nabigla lang talaga ako, GUYSS!!! ANDITO NA SI ANDYYY!!” sigaw nya na parang natataranta. Bigla namang naglapitang ang ibang miyembro ng banda at binati ako.

“huy! Andy!!bat ngayon ka lang!! Daming nag hahanap sayong costumer natin!!” sabi ni lovely na babaeng pianista namin. Ang iba naman ang ginugulo ang buhok ko sa sobrang tuwa nila na bumalik na ako. ang saya! Ramdam na ramdam ko ang pananabik nila sakin at pagkamiss. Sa sobrang tuwa ng banda nag yaya ang mag itong uminom sagot na daw ng papa ni joner. Natuwa din ang papa ni joner sa pagbalik ko madami daw kasi ang nag hanap sakin na costumer. Grabe ang saya ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sakin ng mga tao. Nag saya kame noon, habang nag-iinuman ipinaliwanag ko naman sa lahat kung bakit ako nawala at naintindihan naman nila ang importante daw ay bumalik ako. habang nag sasaya. Hindi ko na namalayan ang oras 1am na! naalala ko ang sabi ko kay bayag na before 12am ang uwi ko! Nakoo!! Patay!! Pero hindi ko na pinansin ito sabi ko sa sarili ko bahala na tulog naman si bayagra at imposible na magising pa iyon sa tipong ganung kapagod. maya maya napukaw ang atensyon ko sa vibration mula sa bulsa ko. Pag tingin ko 20 messages at 5 missed calls! Pag bukas ko si BAYAG!! Lahat ng messages at missed calls sa kanya!! Napa shit tuloy ako! hindi ko akalayain na hihintayin nya ako kahit pagod na pagod sya kala ko naman kasi hindi na nya mapapansin dahil nga mahimbing ang tulog nya. Binuksan ko ang isang message.

“12 NA! SAN KA NA?!” naka caps lock talaga ng mga letters! Pag ganto text nito malamang galit ito! Ang ilang texts ganun din ang laman. Nag bukas pa ako ng ilang messages at nagulantang ako sa isang text nya.

“ANDITO AKO SA LABAS NG RESTOBAR! LUMABAS KA NA JAN KUNG AYAW MONG AKO PUMASOK SA LOOB!” kinilabutan ako sa nabasa ko! Alam ko pag sinabi nya gagawin nya ito baka gumawa pa ng eksena sa loob mahirap na. kaya kinausap ko si joner na samahan ako kay louie sa labas atleast may magtatangol sakin pag inaway ako ni louie.

“joh! Samahan mo ako sa labas, may tigre nag hihintay sakin sa labas baka kainin ako ng buo!” biro ko sa kanya.

“ha? sino?”

“si louie.” Bulong ko.

“oh? Bat andun sya papasukin mo,”

“hindi hindi! Wag! Tayo lalabas! Ang paalam ko kasi before 12 ang uwi ko tignan mo oh! Halos mag aalas 2 na.” kaya sinamahan na din ako ni joner sa labas. Pag labas namin nakita ko naman sya agad naka jacket na itim at moang pants nakaupo sa motorsiklo. Lumapit ako ng may alanganin, nakakayanig ang aura nya mukang gusto ng sumabog ang kanina pang naipong galit.

“oh? Bat andito ka bat di ka pumasok?” kalamado kong tanong kunwari maang maangan. Nakatingin lang sya sa sahig.

“anong oras paalam mo sakin?” kalmado nyang tanong pero ramdam mong may namumuong galit sa salita nya. Napatingin ako kay joner bago sumagot.

“ahhmm.. before 12am?” alanganing sagot ko.

“anong oras na?” unti unting tumitigas ang tono ng boses nya. Mas lalo akong kinakabahan.

“15 minutes to 2am?”medyo cracky ang boses ko ng mga oras na iyon sa kaba.

“tol ako na mag papaliwanag..” pag singit ni joner sa usapan.

“tol pasyensya na ha, pero hindi ko kailangan paliwanag mo. Tol naman! Alam mong may sakit yang taong yan! Hindi mo pwedeng isabak yan sa matagalang inuman tapos lahat pa ng mga kasamahan mo duon nag sisigarilyo!eh kung biglang sumpungin ng sakit yan? Alam mo ba pano pahupain yan? Tumawag lola nyan sa bahay ang buong akala nasa bahay namin ginising ako ni mama ang akala nasa kwarto ko natutulog wala pala! Lahat ng tao sakin hinahanap yan!!” medyo nag cracrack ang boses ni louie habang sinasabi nya iyon, halatang galit sya sa tono ng boses nya kaso pinipigilan lang nya ito. Hindi na kame nakapag salita nagulat naman ako sa nalaman ko, mali ko din naman hindi ako nag paalam sa bahay at kay ninang na aalis ako.

“sorry tol, hayaan mo hindi na mauulit itong ganto. Sobra lang kasi kameng natuwa sa pag balik nitong si andy.” Pag hingi ng dispensa ni joner, nahiya namna ako kay joner kasi wala naman syang kasalanan pati sya dinamay pa ng ugok na to!

“uuwi na kame.” Sabay suot ng helmet ni louie at sinimulang ineutral ang motorsiklo at inabot sakin ang helmet.

“joner, pasyensya kana kung pati ikaw nadamay pakisabi nalang sa iba na nauna na ako.” sabi ko kay joner na medyo maluwa luwa pa.

“oh sige, ok lang yun ako na bahala magpaliwanag sa kanila. Ingat nalang kayo.”

Sumakay na ako sa motorsiklo, biglang umandar ang motor napahawak naman ako sa likod ng motor, ayaw kong humawak sa kanya naiinis ako! syempre! Nakakhiya kay joner noh! Wala naman kasing kasalanan si joner at wala syang alam na ganun pala ang sitwasyon tapos bubulyawan nya ng ganun napakakitid ng utak ng hinayupak na ito! Sobrang bilis ng karipas ng motor pakiramdam ko lumilipad kame sa ere! Nakakatakot! Sa inis ko sumigaw ako.

“teka laaang!! Ihinto sa mo tabi!!!!” sigaw ko. Unti unting bumagala ng takbo at huminto. Tinangal ko ang helmet sa ulo ko at inabot sa kanya.

“mauna ka na! mag cocomute nalang ako.” hindi nya inabot ang helmet sakin sa halip ay tinitigan lang ako.

“oh! Kunin mo na! kung may balak kang magpakamatay wag mo akong idamay ha!” matapos ay nilapag ko ang helmet sa upuan sa likod ng motorsiklo.

“ikaw pa ngayon may ganang magalit? Ha?!! ang paalam mo sakin “ANDY” before 12 ang uwi mo! Nag alarm ako ng 12 wala ka pa sa bahay! Tumawag lola mo samin hinahanap ka ang akala nasa bahay ka pati si mama nag-alala natataranta na naman mga tao sa bahay dahil sayo tapos ikaw nag sasaya ka? Tapos ikaw pa may ganang magalit ngayon? Alam mo bang kahit diseoras na ng gabi inistorbo ko pa tito ko para manghiram ng motor para lang mapuntahan kita duon? Andy naman!!!! TANG INA OH!! Hindi ka katulad ng ibang tao jan na pwedeng mag saya saya, uminom ng marami at mag paabot ng diseoras ng gabi!! Alam mo yan!! May karamdaman ka! Pano nalang pag inatake ka ha?!! wala ako duon para sagipin ka!! Pakiusap naman oh!! Matalino kang tao!! Gamitin mo!!” para naman akong nabilaukan sa sinabi nyang iyon! lahat iyon tagos sa puso ko, tama sinabi nya hindi ako normal na ibang tao jan na pwedeng mag saya saya at abusuhin ang katawan ko. Bigla nyang inalis ang helmet nya at palihim na nag punas ng luha. Naiyak na din ako, hindi ko alam bat ako naiyak nadala na din kasi ako sa sinabi nya. Para akong tipong batang pinapagalitan dahil sa may nagawang kasalanan. Nag takip ako ng muka para matago ang muka gamit damit ko dahil sa pag iyak ko. Niyakap nya ang ulo ako at sinandal sa dibdib nya.

“Tara na uwi na tayo.” Sabay lagay nya ng helmet sa ulo ko. Sumakay na din ako sa motorsiklo sa likod nya, nakayakap ako sa bandang tiyan nya at pinatong ang ulo sa likod nya at patuloy na umiiyak. Narealized ko kasi sa sarili ko na mali na nga ako, ako pa yung nagmamatapang at duon ko naramadaman kung gaano ang pag-aalala ng mga tao sakin lalong lalo na si bayag.

Ng maka uwi kame sa bahay, dumeretso na kame sa taas dahil tulog na ang lahat. Walang nag sasalita. Nahiga lang si louie sa kama nya na parang walang nangyari. Alam kong pagod na pagod pa sya mula sa byahe tapos ako nakikisingit pa ng katangahan ko. Naligo na din ako tulad ng kanina pa nyang pinahahabilin. Damit nya ginamit ko pati brief. Matapos ay humiga na din ako katabi sya. Naka talikod sya ng higa sakin, walang imik pero alam ko gising pa sya. Nahihiya akong kausapin sya dahil nga ako may kasalanan. Pero hindi ko matiis eh! Sobra akong naguiguilty. Kaya niyakap ko sya sa bandang tiyan at nakasubsob ang muka sa likod nya at duon ang buhos ng iyak.

“bayag sorry.. sorry talaga..” iyak parin ako ng iyak. Hinawakan nya ang kamay ko at humarap sakin.

“pwede na.. tulog na tayo.. wala na yun sakin..” matapos ay hinalikan nya ako sa nuo pero hindi parin matigil ang iyak ko.

“tsk! Sabi pwede na eh.. hindi na nga ako galit.” matapos ay hininto ko na ang pag iyak ko at binigyan ko sya ng isang halik sa labi at niyakap sya. Muli pinag saluhan namin ang isa pang malamig na gabi.

Naging maayos na ang lahat, pasukan na.. balik sa dati, busy busyhan! Pero lagi kameng may oras sa bawat isa pag gagawa ng mga requirements, kahit pag review sa darating na exams magkasama kame. Masasabi kong mas naging malapit ang masahan namin matapos ang bakasyon namin sa probinsya. Madalas din may nangyayari samin pag magkasama kaming natutulog. Higit pa namin ang mag jowa parang mag asawa na nga kame eh. Hatid sundo na din nya ako sa school dahil binigay na sa kanya ng tito nya ang motorsiklo gawa ng nakabili ang tito nya ng bago nitong sasakyan. Madami kameng naging masayang pangyayari dahil sa motorsiklo na iyon. pag may vacant time kame kung san san kame nakakarating. Kahit sa pag uwi ko galing sa practice ng banda sya na din sumusundo sakin pauwi ng bahay.

Pero hindi pala sa lahat ng oras ay masaya darating at darating din ang panahon at may susubok sa pagsasamahan namin ni bayag. Biglang sumagi sa isip ko si kim at ang nasaksihan kong panloloko nya kay louie. Dumaan na ang ilang buwan halos matatapos na ang semester pero wala naman akong nababalitaan na umamin na itong si kim kay louie. Pag kakaalam ko ay sila parin pero patago silang nagkikita at nag-uusap sa pag kakaalam ko. Ang sabi pa sakin ni faye nag kikita parin daw yung guy at si kim ng palihim minsan nahuhuli nya itong nag dadate sa mall. Kaya napag desisyonan ko ng umamin kay louie about sa nalalaman namin ni faye. Pero bago iyon nag message muna ako kay kim sa text na ipapaalam ko na kay louie tungkol sa kabalastugan nya.

“gud pm, kim alam kong nag kikita parin kayo ng other guy mo bukod kay louie. Pasyensya na i gave you a long time para magpaliawanag kay louie pero wala kang ginawa. Ako na mismo mag sasabi kay louie. Sorry pero i have to do this for my friend.” Yan ang text ko kay kim ng mga oras na iyon. patungo na ako sa bahay nila louie upang ipaalam sa kanya ang nalalaman ko. Ng makarating ako sa bahay nila louie nadatnan ko syang gumagawa ng requirements namin para sa finals namin. Kinakabahan ako sa sasabihin ko hindi ko alam san sisimulan? Baka kasi ma misinterpret nya ako at isipin na sinisiran ko lang si kim lalo na’t alam nyang may nararamdaman ako sa kanya.

“oh! Ano? Tapos ka na ba sa case analysis mo?” tanong nya.

“ah?eh hindi pa eh. Kaw ba?” tanong ko naman sa kanya.

“malapit lapit na din.” Sagot nya habang nag susulat. Nanatili naman akong nakatayo sa gilid nya, hindi alam pano mag sisimula. Napansin nya atang may gusto akong sabihin.

“oh? Bat ayaw mo maupo jan?” pag uusisa nya.

“ah eh.. hehe oo nga noh?”

“ano yun?” tanong nya habang nag susulat.

“anong ano yun?”

“ano yung sasabihin mo kako!”

“ha? sino nag sabi sayo may sasabihin ako?” pag kukunwari ko.

“sasabihin mo ba o hindi?” pag sususngit nya. Kaya iyon nakakuwa na din ako ng tyiempong sabihin.

“ah kasi yung..” biglang nag vibrate phone ko naka napahinto ako sa pag sasalita. Ng makita ko galing kay kim kaya binuksan ko na din agad ang sabi.

“andy please! Can we talk personally? Please wag mo munang sabihin sa kanya kumukuwa pa kasi ako ng right time eh i’ll explain on you now lets meet at school rooftop old buliding i’ll see there after an hour, hope to see you.” Yan ang tetxt nya. Napa-isip ako kung pupuntahan ko ba sya o hindi.

“huy ano?” pangungulit sakin ni louie.

“ah eh! Ano pwede ba akong gumawa dito?” wala na akong masabi alam kong pag tatawanan ako nito. Matpos ay nilapag ko ang phone ko sa kama nya.

“parang baliw to eh! Syempre oo!! Sabi ko sayo itigil mo na yan eh!” medyo inis nyang sagot.

“ha? itigil ang ano?” pagtataka ko.

“yang pag drudrugs mo tignan mo para ka ng wala sa sarili.”

“baliw! Oh sige kukunin ko lang mga gamit ko sa bahay.”

“bilisan mo ha! bili ka na din miryenda ha?!” sigaw nya habang palabas ako ng pinto. Tinungo ko na agad ang school malapit lang naman iyon mula samin siguro 30 minutes mararating mo na iyon. habang nasa byahe ako balisa ang utak ko kung tama ba itong gagawin kong pag kita kay kim? Baka may masamang mangyari sakin if ever? Pero babae naman yun eh at lalake parin ako wala naman syang kayang gawin physically na hindi ko kakayanin mas malakas parin ako sa kanya. Pero nag sigurado parin ako, itetetxt ko sana si faye na magkikita kame ni kim ng maalala ko na nalapag ko pala ang phone ko sa kama ni louie! Badtrip! Pero bahala na! andito na ako eh.

Narating ko na ang school ng 5:30pm wala ng masyadong tao lalo na sa old building, pumunta na agad ako sa old building ng school namin sa rooftop. Actually once palang ako nakapunta duon dahil nakakatakot sa taas mababa lamang ang harang sa edges ng bawat sulok halos sing taas lamang ng tuhod ko, may fear of heights pa naman ako kaya hinid ako napunta sa rooftop. Ng marating ko na ang pinakataas ng gusali nadatnan ko agad si kim duon naka upo. Inikot ko ang paningin ko sa bawat sulok pero wala naman syang ibang kasama duon kame lang dalawa. Lumapit naman agad ako kung san sya naka pwesto sa bandang gilid ng rooftop kung san sya nakaupo.

“kim.” Napalingon naman sya agad sakin mula sa pagkataligod nya.

“andito ka na pala.” Mukang malungkot ang muka nya at pagsasalita.

“simulan na natin ito may naghihintay sakin.” pag mamadali ko dahil medyo natatakot na ako dahil may kataasan nga ang building kahit hangang 4th floor lamang ito at mababa pa ang pundasyon ng harang sa bawat sulok nito.

“andy, naiintindihan kita kung concern ka sa kaibigan mo. Pero sana hayaan mo nalang kame na mag-usap about sa bagay na ito. Balak ko naman talagang aminin sa kanya ang tungkol kay edgar kaso hindi lang ako makakuwa ng tamang tyiempo para sabihin sa kanya, mahal ko si louie. Mahal na mahal ko sya hindi ko kayang mawala sakin so please let me handle this one.” Medyo maluwa luwa ang kanyang mga mata. Nakadama naman ako ng konting awa sa narinig ko sa kanya.

“naiintindihan kita kim, pero sana naman maintindihan mo din ako na nagmamalasik lang sin ako sa kabigan ko. Oh sige lets make a deal. Sasamahan kitang sabihin mo yan kay louie for atleast andun ako at may kasama ka kahit papano may paghugutan ka ng lakas ng loob pag sasabihin mo sa kanya. Maiintindihan ka naman ni louie if ipapaliwanag mo sa kanya ng maayos ang ang rason bakita mo nagawa iyon.” pag papaliwanag ko sa kanya. Napangiti naman sya sa suggestion ko.

“talaga? Ok lang sayo iyon?”

“oo naman.” Binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

“you’re such a good friend tulad ng nababangit sakin ni louie. Pwede ka bang mahug?”

“sure!” sabay ngiti ko sa kanya. Nakadama ako ng kaluwagan sa dibdib. Mabait namna pala itong si kim di tulad ng naririnig ko. Nilabas nya ang dalawa nyang kamay na kanina pa nakatago mula sa likuran nya at niyakap ako ganun din naman ako. ng bigla may sinabi sya habang niyayakap ako.

“you’re really such a good person andy kaya ang mga tulad mo dapat kinukuwa na ng Dyos!!!!” biglang nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko! Bigla nyang hinawakan ang dalawa kong kamay at nakita ko na nakasuot pala sya ng gloves sa magkabila nyang kamay kaya pala kanina pa nya ito tinatago mula sa likuran nya habng nag-uusap kame. Hindi ko napansin ay nakatapat na pala ako sa sulok ng building kung san mababa lamang ang pundasyon ng harang habang nakahawak sya sa magkabilang braso ko. Sobrang naging mabilis ang pangyayari hindi ko na namalayan. Halatang pinaghandaan nya ang pangyayari.

“wag kang mag-alala ako na bahala sa PINAKAMAMAHAL MO KAIBIGAN! PAALAM ANDY!!” bigla nya akong tinulak, sobrang bilis ng pangyayari wala na akong nagawa!

Ng naitulak na nya ako nakagawa ako ng paraan para makahawak sa kanya, naabot ko ang buhok nya at nahila ito kasama sakin. nadala sya sa pagkatulak nya sakin. nakahawak pa ako sa dulo ng semento ng gusali habang si kim at nakahawak sa dalawa kong paa.

“OH MY GOSH!!! SOMEBODY HELP ME PLEASE!!!!” habang nakahwak sya dalawa kong paa. Ako naman hindi na makasigaw dahil sa sobrang bigat ng aking dinadala pakiramdam ko pag sumigaw pa ako mawawalan ako ng lakas at baka makabitaw ako at dalawa kameng mahulog.

Gusto ko sanang ipiglas ang mga paa ko para makabitaw sya sa pagkakapit ng kamay nya sa paa ko, pero nanaig parin sakin ang awa. Iyak sya ng iyak kaya kahit bigat na bigat na ako ay inabot ko ang isa kong kamay para makaakyat sya.

“KIM!! ABUTIN MO KAMAY KO BILIS!!!” inabot naman nya ito agad, unti unti naman syang naka-akyat hangang dalawa na kameng naka hawak sa gilid sa semento. Sinusubukan kong iangat ang katawan nya dahil hindi nya magawang buhatin ang katawan nya para mai-angat ang katawan nya.

“GrRRRhhg!! Arrrgh!! SIGE IANGAT MO KATAWAN MO!!” pag motivate ko sa kanya.

“aaargghhh!!!! HINDI KO NA KAYAAAA!!” daing nya, ako din pakiramdam ko bibitaw na ako sa bigat ng nararamdaman ko. Ng biglang may maririnig akong sumisigaw!

“ANDENGGG!!!!! ASAN KAYOO!!!” si louie! Andito sya!

“LOUIE!!!! TULONG!!! ANDITO KAME!!” sigaw ko, bigla naman sya dumating at gulat na gulat sa nasaksihan, natulala sya sa nakita nya. Hindi alam ang gagawin. Kinabahan ako sa susunod na mangyari. Ayaw ko makita ang susunod na eksena baka mas ikamatay ko pa ito kesa sa pagkahulog ko dito sa gusaling ito. Nakita kong inaabot na ni louie ang kamay nya. Ipinikit ko ang mga mata ko ayaw ko ng makita ang susunod na pangyayari. At pag dilat ko ng mata ko magkahawak na ang kamay ni louie at kim at unti-unti na nya itong inaangat. Nanlumo ako, nanghina! Nawala ang buo kong lakas sa nakita ko. Una nyang sinagip si kim kesa sakin. naiyaka ko.. matapos pakiramdam ko nawala na lahat ng senses ko nanlabo paningin ko, pati pandinig ko as in nablangko ako. nakita ko nalang para silang nagtatalo at pinipigilan ni kim si louie sa pag sagip sakin.

“PUTANG INAAAAA!! BITAWAN MO AKO KIM!!!” nag pupumiglas ng todo si louie.

“HAYAAN MO NA IYAN!!SYA ANG NAGTULAK SAKIN PARA MAHULOG AKO!” nang-aabutin na ni louie kamay ko, ramdam ko wala na akong ilalabas pang lakas para kumapit. Sunod ko nalang naramdaman ng unti unting bumibitaw ang mga daliri ko mula sa pagkapit nito.

HANGANG SA TULUYAN NA AKONG NAKABITAW SA PAGKAKAPIT KO.


Nagising ako mula sa pakiramdam na mahabang tulog. Inikot ko ang paningin ko wala ako makitang ibang tao duon. Susubukan ko sanang tumayo ng bigla akong makaramdam ng sakit ng katawan. At hindi ko maigalaw ang ulo gawa ng parang may nakaharang na kung anong bagay sa leeg ko. Ng binaling ko ang tingin ko sa ibaba nakita kong may natutulog sa gilid ko. Hindi ko masyadong makilala dahil nakatakip ang muka nito at buhok lang nakikita ko. Binuhos ko ang buo kong lakas para maigalaw ang kamay ko at mahawakan ang ulo nya. Ng mahawakan ko na ito, bigla itong gumalaw at binaling ang tingin sakin.

“pwet? Gising ka na? GISING KA NA!!” bigla syang nag sisigaw at lumabas ng pinto. Medyo nagulat naman ako sa naging rekasyon nya. Saglit lang at bumalik din naman sya kasama ang isang nakaputing lalake at ilan pang babae.

“kamusta ang pakiramdam mo?” tanong sakin.

“ang sakit ng katawan ko, ano bang nagyari?” nag tinginan lahat silang lahat na parang binagsakan ng langit at lupa sa narinig mula sakin.

“naaksidente ka, nahulog ka mula mataas na gusali. Maswerte ka parin at hindi ka bumagsak sa lupa dahil sa harang ng mga air conditioner ng gusali dun ka bumagsak.” Paliwanag sakin.

“ah ganun ba?” yun lang ang naisagot ko. May unti unting katanungan na namumuo sa isip ko. Bakit ako nahulog? At pano ako nahulog?

“bukod dun, ano pang di mo maalala?” pag uusisa muli sakin. hindi na ako makasagot dahil naguguluhan na ako sa pangyayari.

“isa pang tanong. Naaalala mo ba pangalan mo?” lahat sila nag hihintay sa sagot ko. Medyo natagalan ako sa pag sagot dahil hindi ko masyado inintindi ang tanong nya sakin dahil iba ang iniisip ko.

“Andy.” Para naman silang nabunutan ng tinik sa sinagot ko.

“ilang taon kana?”

“18 po, dok wala po akong amnesia, naaalala ko po ang lahat tungkol sakin, ang naguguluhan lang ako ngayon ay sa kung pano ako nahulog sa gusaling iyon at pano ako napunta duon.”

“woooh!!! Papatayin mo ako sa kaba pwet eh!! Kala ko naman nag ka amnesia ka eh!!” sabi ni louie.

“ay teka po, sino sya?” pag turo ko kay louie. Natulala naman si louie sa sinabi ko.

“huy! Gagu ka! Wag ka mag biro ng ganyan!”kitang kita sa muka ni louie na kinakabahan sya.

“ahahaha! Joke lang!”

“retograde amnesia ang nangyari sa kanya, isa tong klase ng amnesia na nahihirapan silang iretrieve ang memories during the incident which they suffer damage to the head.” Paliwanag ni dok samin. Dun ko lang napansin na may bandage din pala ako sa ulo ko.

“dok temporary lang naman ito diba? Maalala ko din ang nangyari?” tanong ko.

“maaring oo, maaring hindi. In some cases naaalala nila ulit ang pangyayari kung makita mo o mapuntahan mo ang yung lugar mismo ng pinangyarihan o di kaya may isang bagay na magpapaalala sayo na konektado sa pangyayari. Sa ngayon wag mo munang isipin anong nangyari, makakasama lamang sayo iyan. Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon.”

“salamat po dok.”

“oh sige, balikan ko nalang kita mamaya. Bahala na mga nurse sayo mag-alaga.” Sabay labas ni dok sa pinto.

“kamusta ka na?” tanong sakin ni louie.

“ito, sakit ng buo kong katawan. Ano bang nangyari talaga? Sino nag dala sakin dito?” pag-uusisa ko.

“anong sabi sayo ni dok? Wag mo munang isipin ang mga nangyari hindi lang makakabuti sayo ito.”

“haayss.. sige na nga.. nagugutom ako.” daing ko.

“gutom na gutom ka na ba? Parating na kasi sila mama kasama lola mo mag dadala sila ng pagkain dito.”

“ganun ba? Eh gutom na talaga eko eh!” reklamo ko.

“oh sige bibili nalang ako sa labas, ano ba gusto mong kainin?”

“hmmm pwede ba ikaw?” seryoso kong tanong.

“dito?” alanganin nyang sagot na parang gustong tumawa.

“ahahahaha! Baliw!! Joke lang!! Sa sitwasyon kong ito? Ahahahaha! Aray aray!” medyo sumasakit ang sugat pag napapalakas ng boses ko.

“ahahaha! Yan.. wag kang masyadong magalaw sasakit talaga yang sugat mo. Lugaw nalang gusto mo?”

“sige sige, yung may itlog ha? para rich in protein, promotes wound healing.”

“naks! Nurse na nurse ha! hehehe.. sige saglit lang bibili lang ako sa labas.” Bago sya lumabas humalik muna sa noo ko.

“hihirit pa eh!” pahabol ko bago sya lumabas dinilian lang ako bago isara ang pinto, kitang kita kay louie ang saya na ok na ako. ng makalabas na sya, hindi maalis sa isip ko kung pano talaga ako napunta sa gusali at nahulog? Sumasakit lang ulo ko pag iniisip ko. Kaya naidlip nalang ako saglit.

Tatlong araw lang ako sa hospital at pinayagan na ako ng doktor ko na umuwi. Maayos na ang naging kalayagayan ko, nakakalakad na ako mag-isa at nakakakilos mag-isa. At syempre hindi ko magagawa yun kundi dahil kay bayag. Sya lagi nag babantay sakin sa hospital, pagkauwi na pakauwi nya galing school deretso na sakin sa hospital upang mag bantay. Hangang maka uwi ako sya ang umaalalay sakin sa bahay. Actually nag volunteer sya na sa bahay na muna sya matutulog para lang mabantayan ako. halos dalawang lingo din akong hindi nakapasok sa school. Naging maayos ang lahat, mas napabilis ang pag galing ko dahil kay louie. Pero may gumugulo parin sa isip ko at yun ang aksidenteng nangyari sakin. hindi ko parin mawari kung paano ako napunta at nahulog sa gusaling iyon. sa tuwing tinatanong ko kay louie ang tungkol duon ang lagi nya lang sagot ay “wag mo muna intindihin iyan, ang mahalaga ligtas ka ok?” kaya hindi ko na rin sya inuusisa tungkol sa bagay na iyon.

Balik ulit sa normal, pumapasok na ako sa school at regular na din akong nag iinsayo sa banda. Ok na ulit ang lahat, masaya kame ni louie. Hatid sundo ako sa school at practice sa banda. Paminsan minsan nag-aaway kame pero hindi na tulad ng dati na grabe kung mag-away at pansin ko kahit ako may kasalanan sya ang unang gumagawa ng paraan para mag bati kameng dalawa.

Araw ng linggo, araw ng pag sisimba namin. Halos 8pm na natapos ang misa at deretso kame sa lagi naming kinakainan na lugawan.

“ay! Bayag, hangang 10pm pa naman nag sasara ang sm diba?” tanong ko kay louie.

“oo, bakit?”

“deretso tayo dun, bibili ako ng G-tech naubusan ako eh para matapos ko na yung case analysis ko.”

“sige, eh dapat sana dun nalang tayo kumain?”

“ok lang iyon, namiss ko din itong lugawan ni kuya eh!” maya maya biglang nag ring ang phone ni louie na nasa bulsa ko. Kim ang pangalan. Pinakita ko sa kanya na tumatawag si kim. Nung makita nya nanlaki ang mata nya sa nakita nya at biglang hinablot nya sakin ang cellphone nya at sinagot palayo sakin.

Laking taka ko naman kung bakit kailangan pa nyang lumayo para sagutin nya ang tawag. Alam ko naman ang tungkol sa kanila at wala naman sakin iyon. hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano? May tinatago ba sya sakin? at bakit parang gulat na gulat sya?

“tara na?” matapos nyang sagutin ang tawag. Hindi naman ako kumibo at dumaretso na sa motorsiklo. alam kong alam nya na may tumatakbo na sa isip ko sa ginawa nyang iyon. wala kameng kibuan habang nasa byahe ni hindi ko man lang sya hinahawakan instead sa likuran ng motorsiklo ako nakahawak.

“hintayin mo nalang ako dito, saglit lang naman ako.” sabi ko ng makarating na kame sa mall sa parking area. Ng paalis na ako bigla nyang hinablot kamay ko napalingon naman ako sa kanya.

“oh bakit? May ipapabili ka ba?” tanong ko.

“galit ka ba?” tanong nya na may halong lungkot sa muka.

“ha? bakit? Baliw to!” sabi ko.

“eh hindi mo ako kinakausap eh hindi ka man lang humawak sakin kanina habang nasa byahe kahit mabilis ang pagpapatakbo ko.” Gagong to! Kaya pala nya binibilisan para humawak ako sa kanya.

“paranoid ka noh? Bakit naman ako magaglit sayo! Simpleng bagay binibigyan mo ng kahulugan.” Sabi ko.

“sige, punta ka na. bilisan mo ha?” tapos hinalikan nya nag kamay ko na kanina pa nyang hawak hawak, buti nalang walang ibang tao sa parking area ng mga oras na iyon. at iyon nga! Sa simpleng halik sa kamay nawala na lahat ng tanong ko sa isip ko. Tsk tsk tsk! IM SO WEAK!! Haays..

“opo sir!” sabay banat ng isang pacute na smile, natawa naman sya sa ginawa ko.

Habang nagbabayad na ako sa cashier, naisipan kong bumili ng fruit salad na paborito nyang pasalubong ko lagi sa kanya pag napapadaan ako ng mall. Habang nag lalakad ako papuntang parking area, sa malayo palang may nakikita na akong isang nakaputi bukod kay louie. At pansin ko parang nag tatalo sila na kahit sa malayo naririnig ko ang sigaw ng boses babae. Kinabahan naman ako kaya dali dali akong nag lakad patungo sa kanila. Habang papalapit ako narinig kong sumisigaw na din si louie.

“diba sayo ko sayo! wag kang magpapakita ha? ang tigas ng ulo mo!” hindi ata nila pansin na papalapit na ako. ng biglang mag sasalita sana ang babae ay napatigil sya nung nakita na ako.

“anong problema dito?” tanong ko. Pansin ko biglang yumuko ang babae at parang hiyang hiya na makita ko sya.

“ah! Wala yun. Tara na at gagabihin na tayo nito papagalitan na tayo ni mama.” Biglang suot ni louie ng helmet at inabot sakin ang helmet.

“teka!” nilapitan ko ang babae na bahagyang tumalikod at hinawi ko ang buhok na nakatakip sa muka nito. At nakilala ko ito. Si Kim!

“oh! Kim ikaw pala iyan?” biglang tingin sakin ni kim at nanlaki ang mga mata.

“ha?” hindi nya alam anong sasagutin nya. Parang kabang kaba sya na nakilala ko sya.

“sabay ka na samin.” Sabay ngiti ko sa kanya. napatingin naman sya kay louie parang hinihintay ang sagot ni louie kung papayag ba ito.

“tara na!” bingay ko naman sa kanya ang helmet na para sakin at pina-una ko syang sumakay sa motorsiklo. ng sasakay na sya sa inabot ni louie ang kamay nya at hinila ito paakyat.

Ng biglang nanlaki ang mata ko sa nakita ko! Ang pag hawak ng kamay nilang dalawa! Parang nakita ko na iyon! may biglang sumiksik na eksena sa utak ko na magkahawak sila ng kamay. Sumakit ang ulo ko bigla. Sa sakit napaatras ako at napahawak sa ulo ko, napa upo ako sa sahig! Isa isang sumisiksik sa utak ko ang mga eksena na hindi ko maintindihan. Ang rooftop ng gusali, dalawa kame ni kim na andon, ang eksena na nakakapit kameng dalawa ni kim at ang huling eksena na magkahawak sila ng kamay ni louie para i-angat sya. Naalala ko na ang lahat! Humagulgol ako sa nalaman ko. Naka upo parin ako sa sahig habang hawak ang ulo ko sa sakit! Lumapit sakin si louie.

“huy! Andeng! Anong nangyari sayo? ok ka lang?” laking pag tataka ni louie. Hindi ako sumagot hindi ko alam kung sasagutin ko ba sya o ano, gulong gulo ako sa nalaman ko!

“andy? Ano ok ka lang?” umupo din sya sa harap ko para tignan ang kalagayan ko. Hindi ko maintindihan, sobrang galit ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. galit dahil sa haba ng panahon nag sinungaling sya sakin! hindi nya sinabi sakin ang totoong nangyari! Halos buhay ko na ang nakataya sa aksidenteng nangyari pero nakukuwa parin nyang makipag kita kay kim at makipag relasyon dito! Ang sakit! Ang alam ko lang ay sobrang poot ang nararamdaman ko ng oras na iyon! Tinignan ko sya ng may bahid ng luha at galit ang muka ko.

“oh? Bakit? Ano bang nangyayari sayo ha?” tanong nya na parang may takot habang nakahawak sa braso ko.

“bitawan mo ako..” pigil na galit kong sinabi iyon.

“ano? Ano ba! Hindi kita maintindihan! Ano bang nangyayari sayo ha?!!” napapasigaw na sya. Bago ako mag salita tinignan ko muna si kim ng matulis. Natakot naman sya sa ginawa kong iyon.

“alam ko na.. naalala ko na ang lahat..” pikit mata kong sinabi iyon. pigil na pigil ako sa sarili ko gusto ko ng pumutok. Napaatras si louie sa narinig nya sakin.

“ano bang pinag sasabi mo?”

“tapusin na natin ang gaguhang ito! Ok na! TALO na ako! napa ikot nyo na ako!” hindi sila nakapag salita marahil alam na nila kung ano tinutukoy ko.

“shiiiiiit!!!! Tang inaaaa!!! Wooooh!!” isinigaw ko nalang ang galit ko! Dahil pakiramdam ko ay puputok na ako kung hindi ko ilalabas ito.

“andy pag-usapan muna natin ito, please.. mag papaliwanag ako. calm down..” malumanay sagot ni louie.

“tang inaaa.. tang inaa talagaaa louie!!! Shiiit!! Pag-usapan? Ano pa bang pag-uusapana natin? Wala na
! nangyari na! ang haba ng panahon mo para mag sabi sakin ng totoo! Pero ano??!! Wala! Tinatanong kita kung ano ba talagang nangyari pero hindi mo ako sinasagot! Tapos ito? Malalaman ko? Despite na PUTANG INANG BABAE YAN NA KITILIN ANG BUHAY KO? NAGAGAWA MO PARING MAKIPAG USAP AT MAKIPAG RELASYON JAN??!! SHIIIT!! Louie!! Tang inaa!! Ano ba sya??!! Kumpara sakin?!! kelan mo lang nakilala iyan!! Ako?!! halos buong buhay mo kasama mo!!”

“please! Andy pag-usapan muna natin to ng maayos wag ganto please please wag ganto! Pakingan mo ako..” lumuhod na sya sa harap ko, nag simula na ding tumulo ang luha nya. Pero walang epekto sakin iyon dahil nilalamon ako ng sobrang poot at galit!

“at alam mo ba?! Bat kame andon ha?? dahil yang BABAENG yan may ibang lalaki!! Dapat sasabihin ko na iyon sayo! kaso pinipigilan nya ako dahil nag karoon kame ng kasunduan na sya mismo ang mag sasabi sayo! at sa huling pag kakataon pumayag ako sa gusto nya dahil ang buong akala ko SINCERE sya sa sinasabi nya!”

“ayaw ko na! you just prove yourself louie, SALAMAT nalang sa pag tulong sakin para maka recover at SALAMAT NALANG sa lahat! I guess you don’t know me that better. Kung sinabi mo agad sakin alam mong maiintindihan ko iyon. LET’S STOP THIS! Ayaw ko na..” malunay ang sabi ko noon, pakiramdam ko wala ng pag-asa para saming dalawa. Nanghina ako, halo halo ang nararamdaman ko ng oras na iyon. nag simula ako mag lakad kahit hindi ko alam kung san ako pupunta.isa-isa kong binitawan ang mga dala ko. Ng bigla akong nakaramdam ng mahigpit na yakap mula sa likod ko. Napapikit nalang ako.

“pwet please! Wag mong gawin ito.. hindi ako papayag please please nagmamakaawa ako.” iyak parin sya ng iyak.

“tama na louie.. lagi nalang tayong ganto. Tanggap ko na naman eh, i guess its about time na lets have a separate ways. Please hayaan mo na ako..” pikit mata kong binibigkas ang masasakit na salitang iyon.

“papayag lang ako pag sinabi mo sakin na hindi mo na ako mahal.” Napahinto sya sa pag-iyak. Matapos hinarap ko sya at sinabing.

“louie, ayaw na kitang mahalin.. ayaw ko na..” yun na ata ang pinakamasakit na salita na nasabi ko sa buong buhay ko. Hinawakan ko ang kamay nya na nakayakap sakin at piniglas ito sa pagkakakapit sa katawan ko. Ramdam ko ang panghihina ng kapit nya sa narinig nya mula sa akin.

Nag patuloy ako sa pag lalakad, hindi ko alam san ako pupunta. Wala akong pakelam sa mga taong nakakakita sakin at nag lilingunan. Hindi ko man lang alam kung nasaan na ako. iyak parin ako ng iyak hindi matigil, pinaghalong sakit at galit ang nararamdaman ko nung oras na iyon. iyon na ata ang pinakamabigat sa damdamin na naramdaman ko sa buong buhay ko. Habang nasa daanan ako biglang pumasok sa isip ko si joner. Pumara ako ng taxi papunta kay joner, hindi parin matigil ang pag-iyak ko habang nasa taxi ako. alam kong si joner lang makakatulong sakin upang mapawi ang galit ko. Ng marating ko na ang restobar agad akong dumeretso sa likod nito kung saan kame nag prapractice. pagkabukas na pagkabukas ko hindi ko inaasahan ang nadatnan ko. Nakayakap si joner kay lovely na pianista namin habang nakahawak ng gitara si lovely. Nanghina ako sa nakita ko, pakiramdam ko wala na ako malapitan ng mga oras na iyon. lahat sila may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Ganun din si faye at aldrin busy sa bawat isa.

Paralisa ang utak ko, parang lumulutang habang nag lalakad. Hindi alam anong gagawin. Pabalik pabalik ang eksenang nangyari sa parking area. Pakiramdam ko ako nalang mag-isa sa mundo walang kakampi. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon iyak lang ako ng iyak. Hindi na rin ako pumasok ng araw na iyon kahit may duty ako. parang wala na akong gana pa sa lahat ng bagay. Kahit kumain ayaw ko. Halos tatlong araw akong hindi pumasok sa school, hindi ko ata kakayanin na makita si louie lalo na’t kasama pa nya si kim baka may magawa pa akong masama sa kanila at may masaktan pa ako. araw araw din pumupunta si louie sa bahay tinatanong ako kung bakit daw hindi ako pumapasok pinapasabi ko nalang sa lola ko na may sakit kamo ako at ayaw ko makipag-usap kahit kanino man, nagpupumilit daw na maka-usap ako pero ang habilin ko kahit anong mangyari wag papasukin sa bahay. Hindi ko alam bakit ganto nalang ang nararamdaman ko, ako ang nag desisyon na tapusin na namin ang lahat samin ni louie pero ako ngayon ang hindi makabangon at lubusang nasasaktan. Pati pag inom ko ng maintainance ko sa gamot hindi ko na nagagawa, ni hindi ko man lang maubos ang 1 cup ng kanin wala na agad akong gana.

Binisita ako ni faye tatlong araw matapos ang huling pag-uusap namin ni louie. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat na nangyari, naintindihan naman nya ako at sya rin mismo nagalit kay louie sa nalaman nito. Nabalitaan ko din sa kanya na halos gabi gabi daw ay nag-iinom si louie sa onse(harap ng school kung san pwede makipag inuman ang mga studyante at tago) kasama mga varsity ng bassketball ng school. Pero wala na akong pakelam sa mga bagay na iyon basta patungkol sa kanya! Nakunbinsi naman ako ni faye na pumasok na ng school. Nagkalakas na ako ng loob para pumasok ng school, lahat ng classmate ko nag tatanong sakin kung bakit ako absent ang sagot ko lang “nag kasakit ako eh, alam nyo naman sakitin ako.” Hindi kame ang papansinan ni louie, ni hindi ko man lang magawang tignan kung anong ginagawa nya. Nag palit din sya ng pwesto ng upuan nya. Lakas loob kung kinakaya ang sitwasyon naming dalawa na parang hindi mag kakilala. Pansin ko din ang pagkamatamlay nya ni hindi man makipag kwentuhan kahit kanino. Isang beses hindi sinasadyang nagkasalubong ang aming mga tingin, biglang yuko sya hindi ko alam kung nahihiya o wala talaga syang mukang mapakita sakin. halatang punong ng kalungkutan ang buo nyang pagkatao nakakaawa kung tutuusin ngayon ko lang sya nakitang ganung katahimik na walang kibo kibo kahit kanino. Pero hindi ako nag padala sa nararamdaman ko dahil nilalamon parin ako ng galit everytime naaalala ko ang ginawa nya sakin.

Kinagabihan, matapos kong gawin requirements ko at around 12am nag ring ang phone ko. Nag-aalangan akong sagutin dahil hindi naman nakaregister sa phone ko ang number. Nag hintay pa ako ng ilang sigundo maya maya tumigil din. Ng biglang nag ring ulit kaya sinagot ko na.

“hello?!” boses lalaki, hindi muna ako sumagot instead nakinig muna ako.

“hello? Si andy ba ito?” tanong ng nasa kabilang linya.

“bakit? Sino to?” tanong ko.

“ahmm pano ba to? Kaibigan to ni louie, pwede mo bang puntahan sya dito? Eh kasi lasing na lasing, andito nakabulagta sa labas ng onse hindi namin alam san iuuwi ito.” Nagulat naman ako sa narinig ko. Syempre hindi ako nag pa-apekto baka isa lang to sa binabalak nya para maka-usap ako.

“wag ako tawagan nyo! Hindi ako nanay nyan!” pagalit kong sabi.

“actaully tumawag na po ako kanina kay aldrin bago kita matawagan ang sabi wag daw tatawag sa mama nya sayo daw tumawag.” Parang nag mamadali ang lalaki sa pag sasalita.

“teka sino ba ito ha?” pag-uusisa ko.

“sige po iwan na namin si louie dito sa labas.” Sabay baba ng tawag.

Sa totoo lang gusto ko ng kumaripas ng takbo para puntahan si louie. Pero naisip ko baka isa lang ito sa mga pakulo nya para maka-usap ako at magkabati kame. Mahina ako pag dating sa kanya yun ang totoo, kaya mas mabuti pang umiwas ako. naidlip na ako binalewala ang lahat ng narinig ko pero hindi ako pinapatulog ng kunsyensya ko na baka ng totoo na nakabulagta si louie sa labas ng onse kahit naman sobrang galit ko sa kanya hindi ko sya hahayaan na ganun ang sitwasyon nya. 12:30am hindi parin ako makatulog parang pakiramdam ko habang tumatagal hindi ako mapakali hangang umabot na ng 1am at hindi ko na natiis at sinuot ko na ang jacket ko at nag simulang lumakad. Agad agad naman akong naka kuwa ng taxi. Habang nasa byahe sinubukan kong i miss call ang phone ni louie subalit out of coverage area ito. Palapit na kame sa Onse malapit sa school namin at nanlaki ang mata ng may nakikita akong naka bulagta ng sa harap ng onse na nakaputi. Ng marating ko ang harap ng Onse, si louie nga nakasandal sa pader sa harap ng Onse. Ang dungis dungis ng itsura nya dahil nga naka uniform pa ito, hindi ko napigilan ang sarili kundi ang umiyak sa nakita ko. Sobrang nakakaawa kung titignan mo sya ang dumi dumi, ang gulo ng buhok at nakakalat ng bag. Nilapitan ko agad, inayos ko ang itsura nya. Chineck ko wala na ang cellphone nya at wallet sa bag. Kaya pala ayaw mag pakilala ng lalaki sa tawag malamang ninakaw ang phone at wallet nya, lalo tuloy akong naiyak kung hindi ko pa sya pinuntahan malamang naabutan sya ng umaga duon at makikita sya ng mga estudyante. Nag patulong ako kay manong driver para buhatin paloob ng taxi si louie.

“manong tulungan mo naman ako oh ipasok natin to.” Paki-usap ko kay manong driver. Nung bubuhatin namin sya. Bigla syang nagising at tumingin sakin inaanag ata nya kung sino nag bubuhat sa kanya. Ng makita na ata nyang ako ang nag bubuhat sa kanya biglang ngumiti at pumikit ulit.

Nakahiga sya sa hita ko habang nasa byahe sya. Maya maya biglang syang nagsalita.

“pwet! Pwet!” tinawag nya ako, mukang hirap sya sa pag sasalita sa sobrang kalasingan pero pinipilit pa rin nyang mag salita.

“pwet naman! Wag mo sakin gawin to!” medyo lumalakas na boses nya, napapalingon tuloy si manong driver samin sa likod. Kaya ang ginawa ko ay tinakpan ko ang bibig nito. Pero hindi parin nag paawat ang gagu at nag sasalita parin. Hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi nya gawa ng tinatakpan ko bibig nya, ng biglang hindi na nag salita at bigla ko nalnag naramdaman ang pagkabasa ng kamay ko. Kala ko laway, iyon pala ay luha galing sa mga mata nya. Unti unti syang humagulgol, nakakaawa syang tignan. Hindi ko maiwasan sa sarili ko na umiyak din.

“kung alam mo lang sakripisyong pinag dadaanan ko para sayo! kung alam mo lang!!!” mas lumalakas pa ang boses nya kasabay nito ang pag-iyak. Tinakpan ko ulit bibig nya para mahinto na sya sa kakasigaw pero hindi parin sya nahinto sa kakaiyak. Maya maya biglang huminto at tuluyan nalang itong nakatulog.

Pinili kong sa bahay na nila sya iuwi, ayaw ko subukan ang sarili ko na sa bahay sya patulugin masisisra lang ang lahat ng pinaghirapan ko at hinagpis na ginawa ko kapag sa bahay sya matutulog. Alam kong mali ang ginawa ko dahil papagalitan sya ni ninang sa ginawa nya pero wala na ako pakelam. Nag matigas pa rin ako, hindi pa rin maalis sa puso ko ang galit at poot na ginawa nila ni kim sakin. masakit para sakin ang ginawa kong iyon pero dapat kong tiisin dahil ito ang nararapat hindi lahat ng bagay pwede idaan sa sorry lamang lalo na’t pag tiwala mo ang nasira.

Nag daan pa ang ilang araw ganun pa rin ako wala sa tamang ulirat, pati mga exams ko sa school hindi na maganada ang resulta. Ewan ko ba! Pakiramdam ko wala ng silbi buhay ko pakiramdam ko hihintayin ko nalang mamatay ako para matapos na ang lahat kasi kahit buhay ako pakiramdam ko patay lahat ng bagay sa paligid ko, walang kahulugan at kwenta.

At dumating na nga ata ang araw na hinihiling ko, ang bawiin sakin ang buhay na pinahiram ng Diyos.

“teh! Ano ba yang itsura mo! Ang payat mo na nga mas pupayat ka pa! Hindi mo man lang maubos yang isang cup ng rice!” bulyaw sakin ni faye na katabi si aldrin.

“oo nga andy, tignan mo nga yang itsura mo, parang lagi kang namumutla walang gana tapos hinang hina. Iniinom mo pa ba mga gamot mo ha?” tumango lang ako, pero ang totoo nyan halos isang buwan na din akong walang inom inom ng gamot. Minsan sinusumpong ako ng sakit ko pero nagagawan ko naman ito ng paraan mag-isa para mapahupa ang sarili ko. Nasa bandang likuran lang namin si louie kumakain mag-isa. Pag mag kakasama kame nila faye at aldrin mas pinipili nyang hindi na dumikit samin. Alam na din ata ni aldrin ang dahilan kaya hindi na nag tatanong.

“ano tara na? hindi mo na uubusin yang pag kain mo?” sabi ni faye. Tumango lang ako.

“gamot mo?” hirit ni aldrin.

“nakalimutan ko eh.” Sabay kamot ko sa ulo.

“to talaga oh tara na nga!” ng sinimulan ko ng tumayo nilingon ko muna si louie, naka tingin sya samin. Inalis ko naman agad ang tingin ko. Ng biglang umikot ang paningin ko. Unti-unting nag didilim ang paligid. Napahawak ako kay aldrin at nagulat sya sa lakas ng hawak ko sa braso nya. Pabilis ng pabilis ang aking pag hinga, pakiramdam ko hinihiwa ang dibdib ko sa sakit at naninikip ang lalamunan ko at hindi ako makahinga! Naramdaman ko bumagsak ang katawan ko sa sahig. Naka rinig ako ng ilang sigawan, ang bilis ng pangyayari. Umiikot parin paningin ko, ang daming tumatawag sa pangalan ko. Ng dineretso ko ang tingin ko nakita ko ang muka ni louie sa harap ko. Unti-unting nawawala ang paningin ko at pandinig. Nakikita kong nag sasalita si louie na parang sumisigaw pero wala naman akong marinig, hanggang sa tuluyang nawala ang paningin ko at nag dilim ang buong paligid.


ITUTULOY..


[20]
Ako si louie, bayag kung tawagin ni Andy na pwet naman ang tawag ko sa kanya. Simpleng tao lang ako, walang extraordinary sakin. Hindi sa pag-aangat ng sariling bangko marami din naman nag kakagusto sakin mapa babae o bakla man, ewan ko ba hindi naman ako ganun kagwapuhan eh at may kaliitin pa, siguro nga may tinatawag na SEX APPEAL? Ang totoo nyan, ayaw ko noon sa mga bakla o bading. Ewan ko ba hindi lang ako komportable pag katabi sila o kausap man lang. Noon pag may lumalapit saking bakla o kakausapin ako talagang naiilang ako minsan pa nga may malapit na akong upakan dahil hinawakan ako sa braso bigla nanggigil ata sa malaki kong braso? Hehehe.. pumasok na ako sa kolehiyo mas madami pa akong na engkwentro na tulad nila, napakamot nalang ako ng ulo sabi ko pa. “bahala na nga anjan na iyan eh”. Masaya sa kolehiyo mas madaming kaibigan, syempre kasama na mga CHIKS duon. Sa kolehiyo ako nabungad sa mga bisyo, paninigarilyo at panginginom pero hinding hindi ko sinubukan ang droga kahit ganito ako pinangako ko sa sarili ko na iyon ang hinding hindi ko titikman pati bading.

Dumating ang isang araw na hindi ko naman inaasahan, isang rebelasyon na mismo ako din hindi ko alam kung haharapin ko o matatawa nalang ako dahil sa tingin ko ay pinag laruan ata ako ng tadhana kung ano pa yung ayaw ko yun pa ang binigay sakin. At ito na nga si Andy, nalaman ko na sya pala ang kababata ko nuon at kinakapatid ko. Hindi ko naman akalaing mag kikita pa kame sa kahaba haba ng panahon. Kung hindi nga kame nag kita pa ulit malamang burado na sya sa memorya ko. Nagulat din ako sa nalaman at nakita ko sa kanya, ayon nga.. haayyss.. bading sya. Hindi ko naman akalaing ganun ang mangyayari sa kanya dahil nung bata pa kame nag lalaro pa kame ng basketball at kung ano-ano pang panlalakeng laro. Dahil wala na din akong choice tinangap ko na din sa sarili ko na magkakaroon nga ako ng tropa at kinakapatid na bakla.

Hindi ko alam anong nangyari, hindi ako nakaramdam ng ilang, pandidiri o kahihiyan pag kasama ko si andy. sa halip naging sobrang gaan ang naging pakiramdam ko sa kanya yung tipong dinaig pa yung pakiramdam na pakikitungo ko sa isang bestfriend kong lalake. Hindi rin siguro imposible na ganun ang mangyari siguro nga dahil kababata ko sya at kinakapatid kaya madali saking maka adjust sa tulad nya. Pero ang totoo nyan sobrang hinahangaan ko sya, kakaiba sya sa lahat ng nakilala kong katulad nya. Nakapatinong tao nyan sa tipo ng kasarian nya na nagpahanga sakin. Matalino, masipag sa lahat ng bagay lalo sa sa gawaing bahay alam nya lahat gawin iyon mula sa pag luto hanggang sa paglalaba ng damit, matured kung mag-isip na minsan hindi ko na maabot sa sobrang taas ng level, kapag nagsalita sya hindi pwedeng hindi lahat makikinig sa kanya, napakadesente kung mag damit kung tutuusin kung nagging tunay na lalake lang sya mas matindi pa ang appeal sakin eh, soooobrang caring tipong pati balakubak ko sa ulo papakelaman nya pag natutulog na kame, at higit sa lahat mahal nya ako sa kahit sa pinaka pangit na ugali ko.

Hindi ko talaga akalain sa buong buhay ko na mag kakaroon ako ng isang sobrang malapit na kaibigan na tulad nya, na mga tulad nya na hindi ko ginusto kasama nuon. Simula ng makikila ko si pwet malaki ang nag bago sa sarili ko, tulad ng pakikitungo ko sa mga tulad nya, marami akong natutunan sa kanya sobrang na aamazed ako sa mga bagay na alam nya sa murang edad nya. Sa totoo nyan hindi ko na maalala ang mga bagay na kadalasan kong ginagawa sa pang araw araw dahil lahat iyon na takluban na ng mga bagay na pinagsamahan namin. Binuo na nya ang bawat minuto ng magiging pang-araw araw ko. Nakakatawa kung iisipin, pero wala na akong pakelam sa iisipin pa ng iba tungkol samin. Ito kame eh, alam ko na madami sa kanila ang nag-iisip ng masama sa patungkol saming dalawa ni andy pero wala na akong pakelam duon ang sinasabi ko nalang sa sarili ko. “wala kayong pwet na tulad na meron ako, ako lang” tapos ngingiti nalang ako.

Ang akala ko sa mga may relasyon lang uso ang complications. Dumating kame sa point na hindi ko inaasahan sa buong buhay na kasama ko si pwet. Kala ko puro saya nalang ang lahat, oo may mga oras nga na meron kameng hindi pag kakaintindihan, pero pinipilit kong maayos iyon bago matapos ang araw. Pero ang nangyari samin nila kim at andy, iyon na ata ang pinakamalaking problema na tinahak ko sa buong buhay ko. Duon ko lang narasan ang sobrang hirap at sakit, halos sirain ko na buhay ko para kay andy pero wala pa rin sobrang naging matigas si andy sa lahat ng bagay hindi ko rin naman sya masisi dahil alam kong may naging kasalanan din ako.

At ito na nga, hindi ko inaasahang hahantong kame sa gantong pangyayari sa buhay namin ni andy, sa naging problema namin hindi na ata kinaya ng katawan nya dahil na din sa karamdaman nya sa kanyang puso. Nasa harap ko sya, nakaratay na parang wala nang buhay. Malamig ang mga kamay nya at paa kung hahawakan, nangingitim ang mga kuko at labi, malalim ang pag hinga at walang malay. Parang dinudurog ng pira piraso ang puso ko sa sobrang sakit nakikita ko si andy sa sitwasyong ganon. Kung pwede lang ako ang humiga sa kinahihigaan nya at makadama lahat ng sakit na nararamdam nya papayag ako ng walang alinlangan. Sobra kong sinisisi ang sarili ko kung bakit nangyari kay andy ito, napakasama kong tao sa kanya wala syang ginawa sakin kundi lahat kabutihan pero nagagawa ko parin syang saktan!


“doc sanchez, ano na pong susunod nating gawin?” tanong ng lola ni andy sa doctor. Samantalang ako naman nakaupo lang sa tabi ni andy nakikinig sa usapan nila.

“nay, tatapatin ko na kayo.. critical na po nag kundisyon ng apo nyo.” Parang hinatak lahat ng dugo ko pataas sa ulo ko na parang gusto kong mawalan ng malay sa narinig ko. Napayuko nalang ako upang itago ang luha na namumo sa mata ko.

“so ano na nga susunod na mangyayari doc? May magagawa pa ba tayo?kayo?” maluha luha na din ang lola ni andy.

“halos 60% ng puso ni andy ay patay na, wala na kameng magagawa para mabuhay ang namatay na tissues sa puso nya kaya the only thing we can do is through heart transplant.” Parang nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi ni doc na may pag-asa pa si pwet.

“sige doc! Kahit magkano iyan kaya bayaran ng ama nya iyan gawin nyo lang lahat para mag survive apo ko.” Pag mamakaawa ng lola ni andy.

“opo nay wag kayong mag-alala my specialist tayo dito sa hospital para sa heart transplant, gusto ko lang din pong malaman nyong pang 19 si andy sa listahan ng Heart Donation. Sa sitwasyon po ng apo nyo kailangan na kailangan na nya ng heart transplant as soon as possible.” Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig wala akong nagawa kundi yumuko na lamang at hawakan kamay ni andy.

“Diyos ko po!! Ano po bang pwede nating gawin para mas mapabilis syang makakuwa ng Heart donor?” nagsimula ng maiyak ang lola ni andy.

“wala po, hindi naman po natin pwede iurong ang pangalan nya dahil mas madami pong nauna sa kanya, may isa pa pong paraan.” Napalingon kame kay doc sa sinabi nyang iyon.

“ang may mag volunteer na mag donate ng puso nya, pero wala naman po sigurong baliw na mag dodonate ng puso nya.”

“doc ano-ano po bang requirements para makapag donate?” tanong ko agad.

“dadaan sa maraming screening ang mag vovolunteer na mag donate para masiguro na walang magiging komplikasyon na mangyayari, pero hindi pa po tapos ang lahat duon maaring i-reject ng katawan ni andy ang pusong na transplant sa kanya. Kaya ang recommendation po na kapamilya nya ang mag donate to lessen the complications.” Lumakas ang loob ko sa narinig ko kay doc, hinawakan ko ng mahigpit ang malamig na kamay ni andy at tinignan sya sa muka.

“bakit iho? May kilala ka bang pwede mag donate?” na sakin ang atensyon ng lahat ng oras na iyon, nag hihintay sa sasabihin ko.

“ahmm..” nilingon ko muna si andy at mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay nya para makakuwa ng lakas ng loob sa sasabihin. Ng mag mamasalita na ako.

“si andeng gising na!” sigaw ng pinsan ni andy. naudlot ang sasabihin ko at na divert ang atensyon kay andy.

“ahmmm.. ang sakit..” daing nya.

“ng ano? Anong masakit?” tanong agad ni doc. Sobrang saya ko ng marinig ko boses nya parang gusto ko lumabas at mag tatalon sa tuwa. Matapos itinaas nya ang kamay nya.

“anong masakit andy? tell me.” Sabi ni doc.

“itong kamay ko.” Nakita ko namumula ang kamay nya, napakamot nalang ako sa ulo kasi sobrang higpit ata ng kapit ko sa kamay nya kaya nagising hehehe.

“ayun ba? Bukod duon ano pang masakit?” tanong ulit ni doc. Wala na syang nasagot at umiling na lamang.

“oh sige pahinga ka na ha? Dapat malakas ka ok?” sabi ni doc. Ngumiti lamang sya ng pilit kitang kita na may hirap syang pinag dadaanan. Matapos umalis si doc kasama ang nurse habang nag-uusap. Lumapit naman agad lola at pinsan ni andy para kausapin sya, habang ako nakaupo sa tabi nakikiramdam kung hahanapin nya ako.

“deng musta na? uuwi daw papa mo itong buwan para makita ka.” Sabi ng lola nya na parang walang problema.

“oo kuya, tiyak! Dami mo na naman pasalubong duon kay tito.” Ganon di ang pinsan nya na pinaparamdam sa kanya na maraming nag mamahal sa kanya para hindi sya mawalan ng lakas ng loob.

“oh, wag ka na umiyak! Ito naman, pano ka gagaling nyan?” napatayo naman ako agad nung narinig kong umiyak sya, tinignan ko umiiyak nga gusto ko sana lumapit kaso ayaw ko makisasaw sa usapang pamilya kaya pinili ko na lamang umupo.

“bakit ka umiiyak kuya? Tama na makakasama yan sayo.” Sabi ng pinsan ni andy.

“mama ko? Kelan pupunta dito?” ang hina ng boses nya na halos hindi ko marinig.

“ano kamo? Ano daw?” tanong ng lola nya sa pinsan ni andy.

“kelan ba daw uuwi si tita dito la?” pag-ulit ng pinsan ni andy para maintindihan ng lola nya.

“ah.. uuwi daw ang sabi baka sa makalawang araw sige na wag na umiyak ha?” pero ang totoo nyan hindi naman sa makalawang araw ang uwi ng mama nya baka pag nakarating na ang papa nya baka duon lang ito makarating.

“andeng, aalis lang kame ng pinsan mo ha? Bibili kame ng pagkain at gamot mo, andito naman si aweng mag babantay sayo ha?” tinuro ako ng lola nya at napalingon naman sya sakin at ako naman ay ngumiti lang at dali dali naman nyang inalis ang tingin sakin.

“weng dito ka muna ha? Bibili lang kame at uuwi kukuwa kame ng mga damit nya.” Sabi ng lola nya.

“opo la, ako na po bahala dito.” Matapos umalis na din agad lola at pinsan nya. Hindi ko alam pano lalapit sa kanya, ramdam na ramdam ang tension sa loob ng kwarto.

Tahimik ang lahat ingay lang mula sa aircon ang maririrnig. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa tabi nya. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan kamay nya, pero pinilipt nyang itago ito sa loob ng kumot nya. Mas kinabahan tuloy ako hindi ko tuloy alam pano mag sisimula pinanghinaan agad ako ng loob sa una kong hakbang palang palya na. pero hindi ako sumuko hinanap ko kamay nya at hinawakan ito ng mahigpit yung tipong hindi nya makakalas ewan ko ba! Pakiramdam ko duon ako huhugot ng lakas ng loob para makapag salita.

“kamusta pakiramdam mo?” tanong ko ng may alinlangan. Hindi hindi man lang nya ako matitigan, parang wala syang narinig sa sinabi ko. Grabe! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ginalaw galaw ko ang hinlalaki ko at hinimas himas ang kamay nya. Ayaw nya talaga mag salita.

“gagaling ka na.. wag kang mag-alala gagawin ko lahat para gumaling ka.” Napayuko ako at nag simulang namuo ang luha sa mata ko, nakita ko naming gumalaw ang ulo nya at nilingon ako.

“ok lang kahit hindi mo ako kausapin, basta hayaan mo lang ako sa ginagaw ako ha? Hayaan mo lang akong andito, hayaan mo lang akong hawakan ka para maalagaan ka kahit hindi mo ako pansinin basta hayaan mo lang ako please.” Umiiyak pa rin ako ng mga oras na iyon. Hindi naman sya nag salita pero alam kong payag sya sa gusto kong mangyari.

“nga pala, uuwi na mga magulang mo. Kaya lulubos lubusin ko na na andito kasi syempre pag andito na sila , sila na mag-aalaga sayo. Dito na ako matutulog hangang wala pa sila hindi kita iiwan dito.”

Ngumiti ako kahit my bahid ng luha sa mata ko. Nakatingin lang sya sakin, tingin na parang kinakausap ako sa mga mata ko, tingin na may bahid ng awa at paghihinagpis. Hindi ko natiis sarili ko hinalikan ko sya sa labi hindi naman sya pumalag at matapos sa nuo nag tagal ako sa parting iyon. Nung tinangal ko ang labi ko sa nuo nya. Nakapikit lang sya at may bahid ng luha ang nakapikit na mata. Pinahid ko naman agad ito ng mga kamay ko.

“wag kana umiyak, hindi makakabuti sayo yan.” Sabi ko habang pinapahid ang luha nya.

Tumigil sya sa kaka-iyak, hangang sa nakatulog na ulit. Tinititigan ko lnag sya habang natutulog. Kahit may karamdaman sya ang maliwalas parin ng muka ni andy. parang wala lang sakit na pinag dadaanan, ang di nya alam pag nagtatabi kameng matulog mas nauuna akong nagigising sa kanya napupuyat nga ako sa kakatitig sa kanya habang natutulog. Si andy na ata ang unang tao na nakita ko kung matulog na parang nakangiti pero hindi naman nakangiti? Hindi ko nga maintindihan, siguro nga kasi maganda ang mga labi nya na kahit hindi nakangiti kung titgnan mo nakangiti ito. Madalas nga pag magkatabi kameng matulog labi nya ang lagi kong pinag tutuunan ng pansin, hahawak hawakan ko ito matapos hahalik halikan hindi ko lang alam kung may alam sya sa ginagawa ko basta Masaya ako sa ginagawa kong iyon ang sarap sa pakiramdam.

Umupo ako sa upuan tabi sa kama nya habang hawak parin ang kamay nya sa kahimbingan ng tulog nya. Nagtext naman itong sila faye at aldrin na pupunta daw sila, samanatlanag si joner naman ay baka kinabukasan pa daw makakapunta gawa ng madami sila I-aadjust sa pagkawala ni andy sa banda nila. Naidlip muna ako habang hawak ko ang kamay ni andy. maya-maya nagising na lamang ako sa pagbukas ng pinto. Si mama kasama mga kapatid ko.

Sumenyas naman ako agad ng wag maingay dahil natutulog si andy. nung tinangal ko ang kamay ko sa pagkahawak gumalaw si andy nakaramdam ata na tinangal ko ang kamay ko kaya binalik ko din agad. Habang hawak ko kamay nya nag-uusap kame ni mama tungkol sa mangyayari sa kanya at ayon nga nalungkot si mama sa narinig nya na malubha na nga ang kalagayan ni andy pati sya naiyak sa niring nya.

“tanging dasal na lamang sa Diyos ang pwede natin itulong sa inaanak ko.” Matapos ay hinaplos ni mama ang ulo ni andy.

“opo ma, malaking tulong ngayon ang dasal sa kanya.”

“kelan daw balak operahan sya?” tanong ni mama.

“pag may donor nap o ma at pang 19 po sya sa listahan.” Malungkot kong sabi.

“Diyos ko po! May iba pa bang paraan?” tanong ni mama.

“opo, ang may mag volunteer na mag donate ng puso nya. Pero ang nirerecomendation ng mga doctor as much as possible ay kapamilya nya para maiwasan ang complications.”

“manalig lang tayo anak, may darating para gumaling si andeng hindi sya pababayaan ng Diyos.”

“sana nga po ma, sana..” matapos hinalikan ko kamay ni andy. maya maya din dumating na lola at pinsan ni andy. unti-unti kong tinangal ang kamay ko, hindi naman nag react si andy kaya hinayaan ko nalang. Lumabas muna ako saglit upang makapag isip-isip.

Nasa terrace ako ng hospital, ang aliwas ng paligid at mapuno ang lugar. Ang sarap mag tamby duon at makakapag-isip ka ng maayos. Napabuntong hininga ako, hindi ko inaasahan na darating kame sa puntong buhay naming na ganito halos buhay na ang mawawala. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam na hindi ko na alam anong sunod na mangyayari. Ni ayaw ko na matulog baka pag gising ko wala na sya sa tabi ko. Nasa ganung pag ninilay nilay ako ng napa tingin ako sa langit, nagulat ko sa nakita ko nag korteng puso ang ulap. Parang gusto kong umiyak, pati ang kalikasan nakiki-isa sa pangyayari. Naisipan kong pumunta sa chapel ng simbahan at duon mag hanap ng makakusap na makakatulong sakin ang Panginoong Diyos.

Lumuhod ako, nag dasal ng taintim. Ito ang unang beses na nag dasal ang ng sobrang malalim na ganto kaproblemado sa buhay ko. Nag internalize ako ng mabuti gusto ko makausap ang Diyos.

“Diyos ko, alam kong nagging makasalanan akong tao at dahil duon hinihingi ko ang iyong kapatawan at awa sa mga bagay na makasalanan na nagawa ko. Hindi na po mag papaligoy ligoy pa, nasa panganib po ang buhay ng taong pinakaimportante sa buhay ko ngayon. Panginoon ko gagawin ko ang lahat wag nyo lang sya kunin sakin, wag ngayon nakikiusap po ako sayo parang kinuwa nyo na rin po ang buhay ko pag ginawa nyo iyon. Mabuti pong tao si andy, maraming masasaktan pag nawala sya. Marami po kameng pangarap na gustong makamit sa buhay namin. Marami pa kameng balak gawin. Kahit po nag kasala kame sa inyo panginoon hindi naman po kame nag kulang sa pag dinig sa inyo. Lahat po gagawin ko kahit buhay ko ibibigay ko buhayin nyo lang sya.” Bigla naman akong napa isip sa sinabi kong “kahit buhay ko ibibigay ko mabuhay lang sya” at hindi ko rin pansin ang luha na tumulo sa mata ko. Napatayo ako at nagpasalamat dahil diningsin agad Nya ang panalangin ko.

Dumaretso na ako sa kwarto ni andy upang kamustahin sya, sa malayo palang pansin ko parang nagkakagulo ang mga staff nurse sa nurse station. At isa-isa silang pumapasok bandang dulo ng ward kung san andun ang kwarto ni andy. kinabahan ako bigla napatakbo agad ako, mas kinabahan ako nang makita ko sa kwarto nga ni andy nag papasukan ang mga nurse. Matapos nasa labas si mama at ang dalawa kong kapatid umiiyak.

“ma! Anong nangyari?” hindi ko magawang sumilip sa loob natatakot ako sa pwede kong makita.

“ma ano ba?!” napapasigaw na ako dahil hindi makasagot si mama kundi pag-iyak lang.

“kuya si kuya andy biglang huminto huminga habang nag-uusap kame tapos ang ingay nung machine kanina tapos straight line lang yung nakikita namin.” Mangiyak-ngiyak kapatid ko habang sinasalaysay ang pangyayari. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa panghihina ng tuhod ko sa narinig ko hindi ko alam anong magiging reaksyon ko sa narinig ko.

Nakabukas lang ang pinto ng oras na iyon, kitang kita sa labas kung pano nila nirerevive si andy, gustuhin ko man pumasok pero parang dumikit na ang paa ko sa kinatatayuan ko at nawalan ng lakas upang lumakad. Biglang bumagal ang lahat, bawat sigundo at minuto napakabagal nung oras na iyon. Biglang nawala lahat ng senses ko sa katawan bukod sa paningin. Wala na akong marinig ni maramdaman kahit yakap yakap ako ng kapatid ko hindi ko iyon maramdaman. Gustong gusto ko ihakbang ang paa ko papasok at hawakan si andy ngunit talagang napako na ako sa kinatatayuan ko habang kitang kita ko ang bawat eksena na binubuhay si andy.

Maya maya huminto ang lahat, hindi ko alam kung bakit. Tumigil sila sa pag revive kay andy. isa-isa nag-aalisan ang mga nurse naiwan nalnag ang doctor kausap lola ni andy. hindi ko na alam ano nangyayari pumasok sila mama at kapatid ko, isa-isa nilang niyakap si andy hindi ko alam kung bakit. Walang wala na ako sa ulirat ko, bigla ko naman nakita ang muka ni aldrin sa harap ko. Parang may sinasabi sya sakin na hindi ko marinig, parang sumisigaw sya. Hangang nakaramdam nalang ako ng isang malakas na suntok sa muka ko na gumising sakin.

“tol! Ano ba? Ano nababaliw kana? Ano nang nangyayari ha?” nilingon ko si aldrin, kasama nya si faye at joner. Hindi parin ako makasagot. Matapos umupo ako sa gilid at sumandal sa dingding at tinakpan ang muka ko at nag simulang humagulgol.

“tang ina naman eh!” sigaw ni aldrin matapos hindi ko na sya narinig mag salita, rinig ko lumakad sila palayo sakin papasok sa kwarto ni andy. paralisang paralisa ako ng oras na iyon, pakiramdam ko tapos na ang lahat. Sabi ko sa sarili ko may gantong pakiramdam palang tinatawag? Yung tipong sa sobrang bigat nawawala lahat ng pakiramdam mo na halos tumigil ang mundo at hindi ako makagalaw. Nagagalit ako sa sarili ko nung oras na iyon, ang daming kong oras na sinayang! Bakit pa ako umalis sa tabi nya! Kasalanan ko ang lahat! Sobrang sinisisi ko ang sarili ko ng oras na iyon. Inuuntog ko ulo ko paatras sa dingding kung san ako nakasandal. Maya maya naramdaman kong lumambot ang ding ding kung san inuumpog ko ulo ko. Tinangal ko ang kamay ko sa pagkakatakip nito sa muka ako. Nakita ko si joner hinarang ang kamay nito upang proteksyonan ang ulo ko.

“tol, tara na tayo kana jan, kailangan ka ni andy.” isang wagas na ngiti ang binigay nya sakin.

“tol, hindi ko kaya makita sya.. hindi ko kaya..” umiiyak parin ako.

“mas hindi mo kakayanin pag hindi mo sya makitang ok na.” nakangiti parin sya nung oras na iyon. Biglang lumaki ang tenga ko sa narinig ko at napa tayo.

“ano tol?”

“ok na sya.” Inakbayan ako ni joner at sinamahan paloob ng kwarto ni andy.

Hindi ko agad sya tinignan pagkapasok ko, lumingon muna ako kung nasan sila mama at sila aldrin. Nakangiti lang sila sakin. tumulo ulit ang luha sa mata ko sa galak na nakita silang nakangiti. Hanggang sa nilingon ko na si andy, humihinga na sya ulit pero mas malalim na ang pag hinga nya ngayon. Stable na din ang mga vital signs nya sa monitoring machines. Sobang saya ang naramdaman ko ng mga oras na iyon gusto ko mag tatalon sa saya. Ngunit wala akong magawa kundi maiyak nalang. Lumapit ako kay andy at hinawakan ang kamay nya, ramdam ko ang biglang kapit nito sa kamay ko na nagpahagulgol sakin at napaluhod ako sa sahig at yumoko sa pag-iyak. Tumayo ako at hinalikan ko sya sa nuo matapos sa labi. Wala na akong pakelam ng mga oras na iyon kung sino man nakakaita samin. Alam ko gulat ang iba sa kanila pero wala na akong pakelam. Umupo ako sa tabi ng kamay nya at kinausap sya.

“pwet, andito na ako.. sorry kung umalis ako saglit kinausap ko lang si God na wag ka munang kunin samin. Diningin naman nya ako agad. Gagaling ka na.. sorry, hindi na aalis si bayag dito. Dito nalang ako sa tabi mo ha? Wag mo na uulitin yon.” Mangiyak-ngiyak parin ako pero pinipilit kong pigilan ito upang hindi nya marinig. Ramdam ko ang pagkapit nito sa kamay ko na parang sumesensyales na naririnig nya ako.

“paumanhin pos a istorbo, sa ngayon po stable na si andy. pero hindi po natin alam kung hangang kelan. Good thing na lumalaban ang bata at gusto pang mabuhay. Praprangkahin ko na po kayo, matagal na ang isang buwan sa kanya. Kaya kung may alam pa po kayong agency na pwedeng lapitan do it as soon as possible para masalba ang buhay ni andy.” pag basag ng momento ng doctor.

“opo dok, as soon as possible makakahanap na po kame.” Sagot ko agad ng walang alinlangan. Nag lingunan naman silang lahat sakin sa sinabi ko.

“oh sige po.” Sabay alis ng doktor.

“sige aalis na din kame aweng kayo muna dito sasamahan ko si tiya upang makahanap ng agency na makakatulong kay andeng.” Sabi ni mama.

“sige ma, contact nyo ako agad kung anong balita.” Sabi ko. Agad namang alis nila mama at lola ni andy kasama mga kapatid ko. Naiwan nalang kameng mag trotropa.

“teh! Anong drama naman yan! Ang o.a mo na ha! Masyado mo ng pinapa-iyak tong si bayag!” sabi ni faye, umiiyak sya ng oras na iyon pero pinipilit nyang wag ipahalata sa boses nito.

“andy, joner to.. kapit lang ha! Kunti nalang makakahanap na kame ng Heart donor.” Sabi ni joner.

“ui andy! palakas ka lang!! gragraduate pa tayo ng Nursing oh! Dean’s lister ka pa naman! Malay mo Cumlaude ka diba?!” lahat sila nag-iiyakan ng oras na iyon pero hindi lang nila pinapahalata sa boses nila si faye naman lumayo dahil hindi na kinaya ang emosyon. Sobrang sakit ng momentong iyon na tipong nagbibigayan kame ng panlakas ng loob kay andy pero mismo kame nanghihina sa nakikita namin sa kanya.

“pinaalam na naming sa buong school ang nangyari kay andy, baka lang may makatulong at magbigay alam kung san pwede tayong makahanap ng heart donor.” Sabi ni faye.

“ako din tol, nagpa meeting kame sa brad willing silang tumulong sa pag paskil ng mga posters upang magbigay alam sa publiko.” Sabi ni aldrin.

“ang banda naman ay nag aanounce sa kada play namin ng song upang mag bigay alam kung sino ang pwede lapitan para sa may nakakalam na pwedeng maging Heart donor.” Sabi naman ni Joner. Naiyak naman ako sa lahat ng sinabi nila, dahil lahat sila may ginagawa upang makatulong samantala ako wala akong magawa.

“salamat sa inyo, laking tulong ng mga ginagwa nyo. Buti pa kayo may nagagawa ako wala!” napayuko lang ako upang itago ang luha na dumadaloy sa aking mata.

“louie.. ikaw ang may pinakamalaking role dito.. alam ko kung bakit lumaban pa si andy ngayon ay isa ka sa pinakamalaking dahilan kung bakit gusto pa nya mabuhay. Wag kang aalis sa tabi nya, dahil ikaw ang nag bibigay lakas sa kanya upang ipagpatuloy pa ang buhay nya.” Sabi ni faye. Na touch naman ako sa sinabi nyang iyon. Tama sya, dapat hindi ako umalis sa tabi nya kahit anong mangyari.

“tama tol, sayo humuhugot ng lakas si andy. tol hindi nyo man sabihin alam at pansin naming kung gano nyo kamahal ang isa’t-isa. Wag kang mag-alala tol! Hindi nakakabawas para samin mga tropa mo sa pagkalalaki mo iyon. Mas hinahangaan nga kita eh, dahil nagawa mong harapain iyan. Siguro kung ako nasa posisyon mo ngayon? Malamang mas mauuna na ako kay andy.” sabi ni aldrin na ikinagaan ng loob ko.

“basta tol ito tandaan mo. Anuman ang mangyari lahat ng ito may dahilan, planado ito ng Diyos. Harapin natin ang katotohanan. Gusto naming maging handa ka sa lahat ng pwedeng mangyari. Anuman kakasalabasan ng lahat ng ito, asahan mo walang iwanan sa tropa. Andito kame tayong lahat at ramdam ko hanggang sa huli kasama si andy gragraduate tayong sabay sabay.” Napa-iyak naman ako sa sinabi ni joner. Alam kong may hindi kame pagkakaintindi ni joner pero ngayon ko lang naramdaman na tunay kameng tropa lahat. Ganun pala talaga pa gang magkakaibigan nadadaan sa matinding problema mas tumatatag at kame iyon kahit sang dakok ng buhay kame dalhin sama sama naming iyon tutuukin.

Nagyakapan kameng apat matapos niyakap namin si andy, napatigil kame ng nakita naming may luha na tumulo sa mata ni andy kahit nakapikit ito. Dapat pala hindi kame nag-uusap sa harap nya ng mga ganung bagay baka mas makahina sa kanya ito. Agad ko naman pinunasan at nag-alibi.

“pwet, tignan mo kung gano ka naming kamahal? Kaya ikaw wag ka na malungkot ha? Hindi ka namin iiwan hangang dulo ok? Walang bibitaw! Wag kana umiyak ha? Hindi makakabuti yan sayo. Hindi ka ni bayag mo ha? Dito lang ha?” ramdam ko ulit ang pag higpit ng kapit nya sa kamay ko. Matapos hinalikan ko sya ulit sa labi.

Maya maya nagpaalam na din ang tropa, gabi na din kasi.. pero nangako silang bibista araw araw, at aabisuhan nalang daw nila ako kung anong balita sa mga tulong na ginagawa nila.

Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay, hindi natin alam kung kelan ang huling beses na pwede nating maka-usap o mahawakan ang isang taong importante satin. Matapos ang pangyayari ng gabing iyon, hindi ko na nagawang matulog o maidlip man lang. buong gabi hawak ko kamay nya at nakatitig lang sa kanya. Minsan kinakausap ko sya at pinapaalala ko sa kanya lahat ng masasayang pangyayari samin napapangiti nalang ako mag-isa tapos tatawa, parang baliw nga ako sa loob ng room pero alam kong nakikinig sakin si andy.

Hindi ko namalayan nakatulog ako habang hawak ko ang kamay ni andy. Nagising nalang ako dahil nakaramdam akong na may humaplos sa ulo ko. Pag lingon ko parang pamilyar ang ginoo na nakatayo sa likod ko. Ng ginuskos ko ang mata ko para luminaw ang paningin naanig ko at nakilala ko na ito. Si ninong pala, ang papa ni andy.

“ninong! Kamusta po? Kelan pa po kayo dumating?” nag bless agad ako sa kanya at tumayo agad.

“kaninang madaling araw lang, ng malaman ko sitwasyon ni andy agad agad akong nag pa book ng flight.” Andun na din pala lola ni andy sa loob ng kwarto hindi ko man lang napansin sa sobrang idlip ko sa pag tulog. Lumapit ang papa ni andy sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

“bilib talaga ako dito sa anak kong ito, napakatapang at matatag. Manang mana sa nanay nya. Nak, andito na si papa gagawin ko lahat gumaling ka lang kahit maubos pa lahat ng kayamanan ko at ari-arian ko. Kumapit ka lang, ikaw nalang ang meron ako.” Unang beses kong nakita si ninong na umiyak. Ramdam na ramdam ko ang sobrang hinagpis ng isang ama sa kanyang anak.

“nak sorry kung laging wala ang papa ha? Mula ngayon gumaling ka lang hindi na ako aalis sa tabi mo mag sasama sama na tayo mag tatayo nalang ko ng negosyo dito sa Pilipinas, kaya mag pagaling ka ok?”

“nong, kelan po ba ang dating ng mama ni andy?” pagbasag ko sa momento ng mag-ama.

“mamayang gabi dating nya.” Sabi ni ninong habang hinahaplos ang anak nya.

Nalungkot ako sa nalaman kong darating na din si tita ng gabing iyon, hindi ko na kasi magagawa ang solohin ang pag-aaruga sa kanya medyo nag selos ako. Madami kaming napag-usapan ni tito ng araw nay un habnag hinihintay ang pag dating ni tita, kinuwento ko sa kanya lahat ng achievements ni andy. Napapanginiti nalang sya sa bawat pagpuri ko sa anak nya lalong lalo sa pag dating sa school achievements ni andy.

“ninong pansin ko lang, bakit parang hindi ka masyadong natutuwa sa mga naabot ni andy. Kung ibang magulang pa iyon tiyak nag tatalong sa tuwa.” Tanong ko na may pagtataka.

“sanay na ako jan sa anak ko, mula nung nursery palang yan achiever na iyan.. magugulat pa ako kung hindi nakapasok sa top 3 iyan. Nalulungkot lang ako pag binabalikan ko yung nakaraan nung bata pa iyan ni hindi ko man lang yan tinuruan pag dating sa mga school assignments nya di tulad ng ibang kapatid nya. Ewan ko ba sa batang yan, pag hindi nya alam ang isang bagay sisiskapin nyang malaman yun ng mag-isa pag hinding hindi na nya alam duon lang magtatanong.” Sabi ni ninong na may lungkot sa muka nito.

“oo nga po eh, ayaw na ayaw nyang tinuturuan sya lalong lalo ng pag alam nya gawin ang bagay na iyon. Hindi ko nga po alam kung bakit ganon eh, kung sino pa yung may magandang kinabukasan at maraming nag mamahal sya pa yung sinusubok ng tadhana.” Sabi ko habang nakatigtig ako kay pwet ng oras na iyon.

Buong magdamag nag kwentuhan lang kame ni ninong di alintana ang mabilis na oras na lumilipas. Habang nag-uusap kame ni ninong my kumatok sa pintok. Alam kong si tita na iyon, kaya tumayo kame agad ni ninong.

“yan na ata sya.” Sabi ni ninong patungkol kay tita. Matapos bumukas ang pinto, si tita nga ito. Nag-salubong ang tingin nila ni ninong. Matagal sila sa ganong eksena, tila biglang huminto ang oras hindi ko alam pati ako nadama ko iyon. Marahil sa tagal nilang hindi nag kita na halos 10 taon din. Matapos nagyakap sila, kitang kita ko kung gaano nalang sila nanabik sa bawat isa ang higpit ng yakap nila at nakapikit si tita habang magkayakap sila at biglang nag salita.

“ang anak ko?” unang bigkas ng salita nya ay damang dama na ang hinagpis na matagal nyang kinimkim. Kitang kita ang namumuong luha sa mata ni tita habang sinasamahan sya ni tito na lumapit kay andy.

“nak, dito na mama.” Ayun lang ang nasabi ni tita habang haplos haplos ang muka ng anak. Tumulo ang luha nito sa kumot ni andy,unti-unti hanggag lumaki ang parte ng basang kumot gawa ng luha ni tita. Hinawakan nya ang kamay ni andy ng dalawa nyang kamay matapos ay hinalikan na pikit ang mata. Ang akala ko sa teleserye lang ang gantong eksena, pwede rin pala sa totoong buhay at kung tutuusin ay mas nakakabagabag damdamin pa ito. Hindi ko kinaya ang emosyon napatalikod ako upang punasan ang luha na nag sisimulang tumulo. Halong awa at guilty ang nararamdaman ko ngayon, dahil sakin madaming tao ang nasasaktan at naghihinagpis dahil pakiramdam ko ako ang dahilan bakit nakahiga si andy sa kamang iyon. Lumabas ako hindi ko kinaya ang sakit na nadarama ko, gusto kong pag susuntukin ang ding ding at mag wala. Gusto ko sumigaw at sumigaw upang ilabas ang galit na nadarama ko para sa sarili ko.

Dahil dito, buo na ang desisyon ko. Kung mabuhay man ako at mawala sakin si andy daig pa nito ang namatay ako kaya wala ding silbing mabuhay pa. alam kong isang malaking katangahan ang gusto kong manyari, pero wala na akong pakielam. Kung sa ikakabuti naman ng taong pinakaimportante sakin at madaming taong sasaya bakit hindi. Buong loob kong pinag desisyonan ang lahat ng ito, hindi dahil ayaw kong mabuhay ng puno ng galit at pagsisi sa sarili, gagawin ko ito dahil ito ang nararapat at ikakabuti ng lahat. Pumunta ako sa isang tahimik na lugar kung san walang makakarinig at makakakita sakin, duon sinubukan kong mag-isip ng mahinahon yung tipong hindi ako madadala ng emosyon ko sa magiging desisyon ko sa simbahan kung san kame madalas ni andy nag sisimba. Duon umupo ako kaharap ang Diyos, humingi ako ng tawad sa gusto kong mangyari alam kong mali ito sa batas Nya pero mas gugustuhin kong wag na mabuhay kesa mabuhay na wala si andy. Duon din gumawa ako ng Video para kay andy, lahat lahat sinabi at inamin ko na sa video na iyon. Buong buo na loob ko sa desisyon kong iyon.

Lumabas ako ng simbahan ng buong tapang at panatag sa aking gagawin. Tinawagan ko si mama.

“ma?” halos walang lumabas na boses sakin.

“oh bakit aweng? Anong balita kay andeng?” tanong ni mama na walang kaalam alam sa pwedeng mangyari.

“ahh.. anoo.. ok na sya ma, nakahanap na ng donor wag na kayo mag-alala.” Nag simulang tumulo ang luha ko at halos nag babasag ang boses ko pinipilit na huwag mahalata ni mama.

“Diyos ko po!! Mabuti naman at ganon anak napaka buti talaga ng Diyos.” Rinig ko kung gaano nalang kasaya ni mama sa nalaman nya.

“ma, sorry ma.. mahal na mahal ko kayo, kayong ng kapatid ko pati ni papa.” Halos hindi na maintindihan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na kinaya nag emosyon at nilamon na ako nito.

“ha ano aweng? Ano bang nangyayari sayo?” medyo napapasigaw si mama sa phone dahil hindi nya maintindihan ang sinasabi ko.

“sige na ma, mauubusan na ako ng load. Basta mahal na mahal ko kayo ma. Sorry..” matapos pinatay ko din agad ang phone ko. Naglalakad ako pabalik sa hospital biglang nakatangap ako ng text kay joner.

“tol, malapit na kame papunta jan sa hospital.” Naisipan ko namang tawagan din agad si joner.

“tol!!” bungad ko kay joner.

“oh? Malapit na kame tol, medyo traffic lang halos 5 minuto nalang anjan na kame.” Sabi ni joner.

“sige tol, hinihintay na kayo ni andy! Kayo na bahala tol kay andy ha? Wag nyong pababayaan kahit anong mangyari kundi yari kayong lahat sakin!!” halos sumisigaw ako sa sinabi ko upang hindi mahalata ang boses kong sinasabayan ng luha at dala din ng ingay mula sa sasakyan na dumadaan.

Bigla akong nagulat at may humablot sa phone ko habang nag sasalita. Pag lingon isang binata, biglang tumakbo! Hindi ko na sana hahabulin pero naisip ko andun pala ang Video na ginawa ko para kay andy kaya hindi pwedeng mawala iyon. Kumaripas ako ng takbo, saktong ang takbo nya ay patungo sa Hospital kung saan nakaadmit si andy. Naabutan ko naman sya agad sa bilis ng takbo ko, matapos at sununggaban ko agad ng suntok sa muka. Sa lakas ay natumba sya sahig at nabitawan ang phone ko.

“gago ka ha!! Sa lahat ng kukunin mo ito pa!” pag dampot ko, bigla akong nakaramdam na parang may tumusok sa likod ko. Hindi naman ako nakaramdam ng sakit pero parang nanlambot buong katawan ko at nung nilingon ko sya nakita kong may hawak syag isang matulis na bagay hindi ko mawari kung kutsilyo ba ito o isang uri ng patalim. Hawak hawak ko parin ang phone ng subukan nya itong hablutin sakin ulit, ngunit nanlaban ako! Unang pumasok sa isip ko si andy hindi pwede mawala ito kaya kahit nanlalambot ang katawan ko nagpumilit akong makipag agawan sa snatcher. Matapos kitang kita ko kung pano nya ako sinungkagaban ng saksak sa bandang dibdib matapos ay hinugot ulit at isang saksak ulit sa tagiliran ko. Wala akong naramdamang sakit. Nandilim ang paningin ko at unti-unting nahihirapan akong huminga at halos parang nalulunod ako. Nung nakalagpak na ako sa sahig susunggaban ulit ako ng snatcher ng saksak at wala na akong nagawa kundi hawakan ng maiigi ang phone ko at pumikit. Sabi ko, kung ito man ang paraan na mabubuhay si andy gagawin ko para sa kanya. Nung oras na iyon, nakakita ako ng liwanag sa pagpikit ko. Hindi ko alam kung ano iyon basta isang mapayapang liwanag na hindi ko mawari. Dinilat kong muli ang mata ko, nakita ko si joner sa harap ko may sinisigaw sya inikot ko ang paningin ko nakita ko si aldrin gapos gapos ang snatcher na sumaksak sakin.

“tol!!! Tol!!!” sigaw ni joner.

“tol, ipagpalit nyo puso namin ni andy. Ngayon na habang may oras pa.” halos ibulong ko nalang ang mga sinasabi ko sa hirap at panlalambot na nadarama ko.

“tol!! Hindi pwede!!” sigaw ni joner, nuon ko lang syang nakitag nagalit at sumigaw.

“tol!!! Utang na loob!!!” binuhos ko lahat ng pwersa ko upang maisigaw lamang ang gusto kong masabi. Agad akong binuhat ni joner, halos ilang hakbang nalang kame hospital nuon. Matapos naipasok na ako sa loob ng hospital, halos magulantang ang loob ng hospital lahat halos kumikilos. Maingay at nagkakagulo ang lahat! Hindi ko na alam anong eksaktong nangyayari at ginagawa sakin. Nakikita ko si doc Sanchez ang Doktor ni andy. Matapos umaandar ang kamang hinihigaan ko, halos liwanag lamang galing sa ilaw sa kisame ang nakikita ko. At bigla akong hininto sa isang sulok. Sinubok kong iikot ang ulo ko upang makita ang paligid, nakita kong may papalapit na stretcher sakin. Sabay na tinulak ang stretcher na nilapit sakin, sinubukan kong aninagin ang taong nakahiga duon. At nakita ko nga si andy, napangiti ako. Inabot ko ang kamay nya habang umaandar ang stretcher naming kumapit ako ng mahigpit. Naramdaman kong humigpit din ang kapit nya sa kamay ko. Tumingala ulit ako sa taas, at muli puro liwanag mula sa ilaw ang nakikita ko. Nawala ang lahat ng sakit nararamdaman ko, tumulo ang luha sa mga mata ko at pumikit ako ng may halong ngiti sa mga labi ko.

Sa wakas, gagaling na si andy. Ang pinakamamahal kong si andy. Ang pwet ng buhay ko.

No comments:

Post a Comment