Tuesday, December 25, 2012

Chances (06)

by: Zildjian

Mula sa aking kotse ay aninag ko na ang mangilan-ngilang tao sa loob ng seventh bar. Mag-lilimang minuto na akong nakaparado sa parking space nila pero hindi pa ako lumabas sa aking sasakyan gusto ko muna kasing obserbahan ang mga tao sa loob. Kanina pa rin hinahanap ng mga mata ko ang malditang Alex na iyon at sa kasamaang palad hindi ko ito makita.

“Hmmm. Ang gwapo ko talaga.” Ang wika ko habang nanalamin sa rear view mirror ng aking sasakyan. Imbes na mag-patalo nang lungkot dahil sa karamdaman ni papa ay pinili kong pasayahin ang buhay ko sa pamamagitan ng pakikipag-asaran sa malditang manager ng bar ni bayaw.

Nang matapos ayusin ng konte ang sarili at masiguradong pogi ako ay tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at tinungo ang entrance ng seventh bar. Alam kong kanina pa ako inaasahan ni Red tulad ng sinabi nito kanina nang tawagan ko siya para ayaing makipag-inuman.


Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa bar na iyon nang mahagip ng mga mata ko mula sa glass wall ng seventh bar ang masayang nakikipag-usap na si Alex. May kakaibang damdaming agad na umalipin sa akin parang nainis ako na hindi ko mawari sa nakikita kong mga ngiti nito habang may kausap na isang costumer kung hindi ako nagkakamali.

Mag-kasalubong ang kilay na pumasok ako sa naturang bar. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Alex ng magawi sa akin ang tingin nito. Lalong kumulo ang dugo ko nang hindi manlang ito mag-bigay ng kahit na anong reaksyon sa akin para bang isang normal na tao lamang ang pumasok sa loob ng bar na iyon.

Well, hindi ako normal na tao! Gwapo ako, may marangal na trabaho at wala pang sinunaman ang humihindi sa kamandag ko maliban sa ulupong na to.

“Buti naman at nandito kana.” Ang wika ni Red na siyang sumalubong sa akin. Alam kong walang ideya ang mga tauhan nito sa seventh bar kung anu ang koneksyon ko sa boss nila kaya bahagyang napatutok ng tingin sa akin si Alex dahilan para lihim akong mapangiti.

Ganyan. Papansinin mo akong kumag ka kung ayaw mong magulo ang buhay mo.

Tila naman na pansin ni Red ang ginawa kong pagtitig sa manager niya na sa ngayon ay muling ibinaling ang atensyon sa kanyang  kausap na lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 23 o mahigit. Halatang nag-eenjoy ang mga ito sa isa’t isa.

“Tara na at baka kung saan pa mapunta ang mga titig mo sa manager namin. May pagka-sensitive ang isang yan kaya wag mong aasarin kung ayaw mong `isumpa ka ni Dorwin.” Wika ni Red at iginaya na ako nito sa may bar counter kong saan siya ring naging pwesto namin ni Brian noong huling dalaw namin sa bar na iyon.

“Ano, ang iinumin mo?” Tanong nito nang makaupo kaming pareho.

“San mig light lang ako ngayon.” Simpleng tugon ko rito. Wala akong balak mag-pakalasing sa mga oras na iyon para mabigyan ng katuparan ang mga plano ko. Isinumpa ko sa aking sarili na ngayong gabing ito matitigil ang hindi pamamansin sa akin ng Alex na iyon. Pero, kailangan kung mag-ingat kung ayaw kong ma ban sa bar na ito, panigurado kasing isang maling move ko lang ay makakarating agad ito kay Dorwin.

Nang makapag-simula na kaming maginuman ni Red ay panakang sinusulyapan ko ang malditang manager niya na ngayon ay tahimik nang nakaupo at abala sa kanyang ginagawa. Medyo napalis ang inis na naramdaman ko kanina nang makita ko ang pamilyar na ekspresyon nito. Hindi ko talaga alam kung ano ang meron sa taong ito at pinag-aaksayahan ko siya nang oras. Sobrang simple lang kasi nito mula sa kanyang pananamit hanggang sa kanyang kilos. Very Typical kung baga.

“Pambihira! Don’t tell me yung kambal ko nanaman ang katext mo?” Sita ko kay Red nang makita itong abalang kinakalikot ang kanyang cellphone.

Ngumisi ito sa akin ng parang gago lang.

“Natutulog ang mahal ko, napagod sa trabaho. Si Rome at Carlo ang katext ko papunta raw sila rito.” Wika nito.

“Good! The more the better mas marami akong mapagkakaabalahan.” Nakangisi kong sabi.

Napapailing nalang itong tinunga ang kanyang hawak na bote. Alam kung pagod rin ito sa kanyang trabaho at pinagbigyan lamang ako nito hindi lang dahil nagpapalakas ito sa akin kung hindi gusto rin ako nitong damayan. Kaso, ako ang tipo nang taong hindi iniinda ang problema, may tiwala akong babalik ng ligtas si papa at wala rin namang magagawa kong mag-mukmok ako sa isang tabi hindi iyon makakatulong para mapagaling ang ama ko.

Hindi nga nagtagal ay dumating ang dalawang may-ari rin nang Seventh Bar. Nagpagdesisyunan naman naming sa labas nalang pumuwesto dahil nagsisimula na namang dumami ang tao. Hindi na ata talaga na uubusan ng costumer ang bar na hinahawakan ng bayaw ko.

Naging paborable naman sa akin ang pagdating ng dalawang hunghang dahil hindi nalang sa akin naka focus ang atensyon ni Red kaya malaya ko nang nasusundan ang mga ginagawa ni maldita sa loob ng bar. May mga ilang lalaki at babaeng costumer ang lumapit pa rito na mas lalong nagpapaasar sa akin dahil sa bawat lapit ng mga ito ay sinasalubong niya nang magandang ngiti na hindi niya ginawa sa akin kahit na inihatid ko siya noong huli kaming magkita.

Abala ang tatlo sa kwentohang walang kwenta na minsan ay sinasabayan ko para hindi nila ako mapansin na wala sa kanila ang atensyon ko. Nang medyo enjoy na enjoy na sila sa kanilang kwentuhan ay nag-paalam ako sa mga ito na gagamit ng CR.

Alam kung nabaling ang tingin nito sa akin ng mapadaan ako sa may gawi niya pero linampasan ko lang muna siya para tunguhin ang CR.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kailangan kong pag-isipan kung ano ang unang hakbang na gagawin ko para lamang makuha ang pansin ng kurimaw na yon. Hindi ko na nga alam kung para saan ba itong effort na ginagawa ko eh wala naman akong mapapala sa kanya kung sakali. But something inside me is telling me that I need to win this person, i need this person to acknowledge my existence. Pride? Yeah, maybe, dahil sa pride ko na natapakan niya kaya ganito nalang ako sa intersadong makuha ang pansin nito.

Hindi Half-Half ang mag-papabagsak sa akin! Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin na sinabayan ko pa nang isang ngiting napakaganda. “Ito yon eh! Itong ngiti kong to ang rason kung bakit wala pang sinumang taong nakakahindi sa charm ko.” Parang baliw kong pakikipagusap sa repleksyon ko.

Gamit ang magandang ngiti na regalo sa akin ng panginoon ay linapitan ko ang malditang manager na sa ngayon ay nakakunot na ang noong nakatingin sa akin.

“Kamusta na ang taong hindi manlang marunong mag-pasalamat sa taong naghatid sa kanya?” Wika ko rito na hindi tinatanggal ang ngiting abot tenga.

“Me I remind you sir na ikaw ang kumaladkad at namilit sa akin para sumakay sa kotse mo. Walang rason para pasalamatan kita.”

As expected ay tinarayan na naman ako nito na labis kong ikinaasar pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. What’s wrong with this guys? Bakit kung sa ibang costumer kaya nitong makipagngitian pero pagdating sa akin lagi nalamang nagsasalubong ang kilay nito.

Nginisihan ko ito para ipakitang hindi ako apektado sa patutsada niya.

“Pweding ko bang malaman ang rason kung bakit kasing init ng kumukulong tubig ang dugo mo sa akin? Sa ibang costumer mabait ka pero, pagdating sa akin ang init ng ulo mo.”

Mukha namang tinamaan ito sa sinabi ko dahil biglang nagiba ang ekspresyon nito. Parang batang na ito ngayon na nabuko sa kanyang mumunting sekreto. Lihim akong napangisi sa naging reaksyon niya.

“So, mukhang tama ako. Talagang sinasadya mong hindi ako pansinin, bakit?” Wika ko pa rito na sinamahan ko pa nang ngiting nakakaloko. Sasamantalahin ko ang pagkakataon na ibinigay nito sa akin.

Pero mukhang matatag ang isang ito saglit lang itong natahimik at nang muling bumalik sa pagkakunot ang noo nito, alam ko nang magsisimula na ang kapanapanabik naming ingkwentro.

“Look Mr,…”

“I told you its Dave.”

“Dave na kung Dave. Isn’t it `obvious? I don’t like you. Ayaw ko sa mga taong mayabang, mapangasar at higit sa lahat pakialamero kaya kung pwedi lang bumalik kana sa mesa mo kung saan ka nararapat wag mong disturbohin ang trabaho ko.”

“Ouch! Double `ouch!” Eksaherado pa akong napahawak sa aking dibdib na animoy nasaktan talaga sa mga sinabi nito. “Nakakasakit naman sa damdamin ang mga sinabi mo, pero atleast hindi mo na ako ngayon in-snoob.” Wika ko pang sinamahan ng pamatay kong ngiti.

Ngalingali na ako nitong batukan sa ekspresyon ng mukha nito ngayon. Animoy dragon itong handa nang bumuga nang apoy.

“You know what?”

“What?” Inilapit ko pa nang konte ang mukha ko sa kanya. Agad naman itong napaatras na para bang natakot sa paglapit ng mukha ko.

“Ayon! Kaya siguro galit na galit ka sa akin dahil crush mo ako. Sabi ko na nga ba’t the more you hate the more you love eh.” Wika ko pang sinamahan ng isang malokong ngisi. “Wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit ka may crush sa akin dahil talaga namang kahit na sinong babae, bading at half-half ay mahuhumaling sa angkin kong kagwapuhan.”

Napahawak ito sa lamesa na ipinagtaka ko naman.

“Anong ginagawa mo?” Kunot noo kung tanong sa kanya.

“Hindi pa ba obvious? Kailangan kong kumapit ng mabuti para hindi matangay sa kahanginan mo.”

Anak ng pating! Aba’t talagang malakas ring mang-bara ang isang to ah!

Pero hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong makabawi sa akin kaya imbes na ipakitang tinamaan din ako sa pangaasar niya ay binigyan ko nalang siya ang sarkastikong tawa.

“Ganon? Hindi maganda ang mag-sinungaling, alam mo ba yon? Hindi ka tatangapin sa langit but don’t worry pwedi naman kitang dalhin sa langit kung gusto mo talagang makarating doon.” Wika ko sabay taas baba ng aking dalawang kilay.

Kahit na dim light sa loob ng bar na iyon hindi nakatakas sa akin ang pamumula nito. Ako man ay hindi ko alam kung bakit yon ang salitang pumasok sa kokote ko pero hindi ko pinag-sisisihan iyon dahil kita kong may epekto ang sinabi ko sa kanya.

“You’re imposible!” Wika nitong pasimpleng hinilot ang kanyang ulo maharil para itago ang nahuli ko nang pamumula niya.

“So, do you want to go to heaven with me?” Alam kung sobrang pag-fli-flirt na ang ginagawa ko sa kanya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung patulan nito iyon. Basta masaya lang ako na sa wakas ay nakuha na ako nitong pansinin kaya bahala na si Doreamon sa akin.

“Dave, kanina ka pa namin hinihintay. Akala namin na flush kana sa loob ng banyo.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Red sa aking likuran.

“Kinukumusta ko lang itong manager niyo.” Nakangisi kong sabi.

“Mag-kakilala kayo ni Alex?” Wika nito na sa manager nila nakatingin.

“Hindi sir.” “Oo.” Ang mag-kasabay ngunit mag-kaiba naming tugon sa kanya dahilan para mangunot ang noo nang bayaw ko.

“Mag-kakilala kami niyan, close nga kami eh. Di ba Alex?” Ang nakangiti kong wika.

Hindi ito sumagot sa akin bagkus ay napayuko ito na para bang nahiya sa kanyang amo sa nabukong pagsisinungaling nito. Nang ibaling ni Red sa akin ang kanyang tingin ay bakas ang pagtataka sa mga mata nito sa inasta nang kanyang supladong manager. Kibit balikat naman ang isinagot ko sa kanya.

“Tara na sa labas at kanina kapa hinahanap nina Rome. Alex, I need the report tomorrow.” Wika ni Red at mag-kasabay na kaming tinungo ang naghihintay naming mga kainum.

Kinabukasan ay bakas ang saya sa akin na hindi nakatakas sa aming kasambahay na naging ina na namin ni Dorwin simula nang mamatay si mama.

“Mukhang masaya ka ngayon anak ah?” Wika nito habang ipinaghahanda ako nang agahan.

Isang tao lamang ang dahilan kong bakit ganito ako ngayon kasaya at iyon ay si Alex. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tuwa. Tanging sina Dorwin at Papa lang kasi ang mga taong kinikilala kong nagbibigay sa akin ng ibayong saya ngunit ngayon may Alex na.

Nang makabalik kami ni Red kagabi sa umpukan namin sa labas ng bar nila ay hindi na nawala sa mukha ko ang ngiti – ngiti nang tagumpay dahil sa wakas alam ko na kung papaano ko makukuha ang atensyon ng malditang Alex na iyon. Alam ko rin na kahit papaano may epekto ako sa kanya at yon ang dahilan kong bakit ang saya saya ko sa araw na ito dahil sa wakas may alas na ako.

“Sobrang saya nay, daig ko pa ang nanalo sa lotto.” Wika ko naman.

“Hala sige kung ganun ay tapusin mo na yang kape mo para makapag-almusal kana at nang makaligo ka, mukhang hindi kana nakaligo kagabi nang makauwi ka.”

“Opo nay.” Nakangiti kong wika sa kanya.

Ganyan kamaalalahanin ang kasamabahay namin na kahit kailan ay hindi namin tinuring na kasambahay lang kung hindi isa na ring meyembro nang pamilya namin. Nag-iisa nalang kasi ito ngayon sa buhay dahil ang kaisa-isang anak nito ay nasa malayong lugar na kasama ang pamilya nito. Ang asawa naman nito ay matagal nang pumanaw.

Matapos maligo ay binalingan ko naman ang mga reports na hindi ko pa nababasa. Nakatulong din sa magandang mood ko ang tapusin ang mga reports na kinatamaran kong bigyan ng pansin. Lahat ata nang kinatamaran kung gawin noon ay ginawa ko sa araw na iyon hyper na hyper akong tapusin ang lahat.

Nang matapos makapag tanghalian ay saka ko naman tinawagan si papa para kamustahin ito. Tulad ko ay mukhang masaya rin ang araw nito sa states kasama ang kanyang kapatid. Walang bakas sa boses nito na may sakit siya. Marami itong ibinilin sa akin tungkol sa kumpanya. Iba talaga ang ama ko may sakit na nga pera parin ang nasa isip parang si Dorwin lang.

Pasado alas singko ay masaya kong tinungo ang  seventh bar alam ko kasing ito ang oras ng pagbubukas ni Alex ng naturang bar. Mukhang adik na talaga ako sa isang yon kasi halos hilahin ko na ang oras para muling makita ang Alex na iyon. With him kasi kahit may pagka-abnoy ding sumagot ito ay hindi ko makikakailang napapasaya nya ako.

Sakto namang pagdating ko ay bukas na ang seventh bar at abala ang ibang crew nito sa paglilinis.

“Ang sisipag niyo naman.” Bati ko sa kanila. “Hindi lugi ang bayaw ko sa ipinapasweldo niya sa inyo.”

Napatingin naman ang mga ito sa akin at napangiti.

“Sarado pa kami sir.” Wika ng nakakunot nanamang noo nang malditang manager nila. “Bawal pong pumasok ang mga costumer habang naglilinis kami, magagalit si sir Red.

“Hindi magagalit iyon, takot lang niya.” Nakangisi kong tugon rito.

Nang makalapit ako sa kanya ay nakita kong busy ito sa pag-gawa nang report marahil iyon ang sinasabi ni Red kagabi na kailangan niya kaya imbes na mangulit ay mataman ko nalamang siyang pinagmasdan habang busy sa kanyang ginagawa.

Sa totoo lang, kung hindi lang ako nito susungitan may posibilidad na kaibiganin ko ito. Hindi lang kasi pareho silang half-half nang kambal ko mukhang may kapareho rin sila nang paguugali ni Dorwin, parehong malihim at parehong mahirap espelingin mga taong gustong gusto ko kasi may challenge.

Marahil napansin nito ang pagtitig ko sa kanya kaya naman nagtaas ito nang tingin at nang magsalubong ang aming tingin ay muli kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam tuwing mag-kikita kami. Nagsimulang maging kakaiba ang tibok nang aking puso para bang kinakabahan ako na hindi naman.

“Bakit ka nandito?” Basag nito sa lumipad kong isip.

“H-Hah?” And for the first time in the history of animals na tanga ako.

“Bakit ka nandito?”

Agad kong binawi ang katinuan ko para makasagot ng tama. Hindi pwedi ang ganito isa itong malaking pandaraya!

“Wala, gusto ko lang bakit may angal ka?”

Sa sinabi ko ay muling nangunot ang mukha nito at mataman akong tiningnan na wari moy pilit binabasa ang kung ano mang pwedi niyang mabasa sa isip ko.

Lintik na! Bakit ba yon ang nasabi ko? What are you thinking Renzell Dave? Kahit sinong bata hindi papauto sa dahilan mong yon!

“What?” Usal ko nalang para pagtakpan ang kapalpakan ko.

“Aside from you being a flirt may pagkaweird karin pala.” And there it goes! Tumaas ang magkabilang dulo ng labi nito as if surpressing a smile.

Dahil sa nakita ko ay napalis agad ang inis ko sa sarili. Binigyan ko siya nang aking pinagpalang ngiti at doon na tuluyang gumuhit ang ngiti sa mukha nito. Hindi iyon ang unang beses na makita ko ang ngiti niyang iyon pero ito ang unang beses na sa akin niya ito ibinigay kaya naman halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa sobrang saya.

Itutuloy. . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment