by: Zildjian
Kanina pa tumatakbo ang sasakyan at
simula nang sumakay si Alex ay hindi manlang ito nagbitiw ng kahit anong
salita. Tahimik lamang itong nakatingin sa bintana nang aking sasakyan marahil
ay hanggang ngayon ay nahihiya parin ito sa nangyari kanina nang ihatid ko ito
sa kanila para kunin ang kanyang mga damit na dadalhin para sa bakasyon nito sa
bayan ng ama nito.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa
isip ko’t nagdesisyon akong ihatid ito sa napakalayong probinsya nang kanyang
ama. Siguro ay dahil alam kong kailangan niya nang taong makakausap ngayon.
Hindi biro ang mapahiya ka sa harap ng mga tao lalo na sa ugali nitong kasing
tayog pa ata nang Great Wall of China ang pride.
Bilib din ako sa pasensya nang taong
ito. Kung sa akin nangyari kanina ang ganun baka siguro nasapak ko na ang taong
gumanon sa akin. Harap-harapang pang-gagamit ang ginagawa nang tiyahin nito sa
kanya pero, ito pa mismo ang humingi nang paumanhin. Balak ba nitong maging
isang santo?
“Bakit hinahayaan mong ganunin ka nang
tiyahin mo?” Ang di ko maiwasang maitanong. Only a full fledge idiot will allow
himself to be insulted in front of many people. At hindi naman siguro ito ganun
ka stupid para hindi mapansin ang na pinagkakaperahan na siya nang tiyahin
niya.
Lumingon ito sa akin nang nakakunot
ang noo bakas ang galit sa kanyang mga mata. Hindi siguro nito nagustohan na
muli kong ipinaalala ang kahihiyang dinanas nito kanina. Pero wala akong balak
na manahimik dahil sa totoo lang hindi ko nagustohan ang ugali nang tiyahin
nito at gusto kong malaman ang rason kung bakit niya ito hinahayaan.
“Three thousand pesos sa isang buwan
ang renta mo sa bahay na iyon? Ni daga mahihiyang tumira doon tapos pumayag ka?
Ang akala ko ba tiyahin mo iyon, bakit ka pinagbabayad ng renta?” Sunod sunod
kung wika na hindi nagpaapekto sa naging reaksyon nito.
“Wala nang libre ngayon.” Mahina pero
ramdam ko ang galit na wika nito.
“Sinong nagpauso niyan? Ang tiyahin
mong mukhang pera at ang tingin sayo ay banko?” Iritado ko namang balik sa
kanya. Lalo lang kasi nitong ipinapaalala sa akin ang bagay na ayaw na ayaw ko
– ang mga taong manggagamit. Mga taong gumagamit ng ibang tao para lang masunod
ang mga luho nito. Sabagay walang taong mangagamit kung walang taong
mag-papagamit at sa kasamaang palad isa ang maldita, suplado, laging iritadong
Alex na ito sa mga nagpapagamit.
Hindi agad ito nakasagot sa akin.
“Obligado akong tumulong dahil sa
kanila ako nakatira.” Kapag kuwan ay wika nito.
Ngalingaling batukan ko ito para
magising sa kanyang katangahan. Hindi masama ang tumulong sa kapwa alam ko iyon
pero ang ginagawa nang tiyahin nito ay hindi paghingi nang tulong kung hindi
panggagantso. It’s obvious that they were taking advantage on him just because
may trabaho siya.
“Hindi ko alam na ganun ka pala ka
bait at katanga noh? Halata nang pinagkakaperahan ka pero ayos parin sayo. A
very saintly move.” May bahid ng sarkasmo kong wika.
“Hindi ako tanga….” Pagdedepensa nito
sa kanyang sarili pero hindi ko na siya hinayaang matapos.
“Hindi ka nga tanga sobrang tanga
lang.”
“Bakit ba lagi kang nakikialam?! Ikaw
ba ang pinagkakaperahan? Don’t act as if you knew everything about me dahil
wala kang alam.” Galit na galit nitong wika.
Aminado akong nagulat ako sa naging
reaksyon nito. Hindi kasi ako sanay na pinapansin nito ang pang-aasar ko.
Pansin ko ang galit nang pansamantalang iwanan ko nang tingin ang binabaybay
naming kalsada para makita ang reaksyon ng mukha nito.
Tama naman talaga ito wala akong
karapatang panghimasukan ang personal nitong buhay dahil hindi ko pa naman ito
kilala. Ni kanina nga lang ata kami nagkaroon ng walang pagtatalong usapan na
hindi manlang tumagal ng isang oras.
Hindi na ako umimik pa, mukhang
nakapuntos na naman ito sa akin. Bakit ba naman kasi apektado ako nang sobra
kung involve siya? Alam kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya ang
kaso hindi ko mabigyan ng pangalan ang pakiramdam na iyon.
Mag-aalas-syete na nang gabi at
mahigit tatlong oras na kaming walang kibuan nito sa loob ng sasakyan. Sa loob
rin ng tatlong oras na iyon wala akong ibang ginawa kung hindi ang
paminsan-minsang sulyapan ito. Nang makakita ako nang isang kainan na marahil
ay stop over ng mga bus na paluwas ng manila ay nakaramdam ako nang gutom.
Nakakagutom pala ang isang byaheng alam mong may kasama ka pero ang kaso hindi
mo naman makausap. Agad kong itinabi ang sasakyan.
“Kumain na muna tayo malayo-layo pa
byahe natin.” Wika ko sa kanya.
“I-I’m sorry.” Mahinang wika nito pero
sapat na para marinig ko. “Hindi kita dapat sinigawan ng ganun. Ikaw na nga
itong nagmagandang loob para ihatid ako tapos ako pa itong malakas ang loob na
magalit sayo.” Dagdag pa nito.
Alam kong simpleng sorry lang ang
sinabi nito pero sa simpleng sorry na iyon nagawa nitong mapangiti ako’t
palisin ang pagod ko sa araw na iyon.
“Ako dapat ang nagso-sorry sayo. Hindi
ko dapat pinanghimasukan ang personal mong buhay.” Nakangiti kong wika sa
kanya.
Ilang sigundo rin kaming nagkatitigan
at sapat na iyon para ma-pagmasdan ko ang maamo nitong mukha –ang mukha ng
isang inosenteng tao na hindi ko nakita noon dahil sa nakakubli ito sa palaging
pangungunot nito tuwing mag-kikita kami.
Naputol lamang ang lahat ng iyon nang
may marinig akong ingay na nagmula sa kanyang tiyan.
“Ano yon?” Wika ko na pinipigilan ang
humagalpak ng tawa. Kanina pa pala ito gutom pero tiniis lang nito iyon marahil
dahil nahihiya itong kibuin ako. Kakaiba talaga ang isang ito.
“Elepante yon.” Doon na kami tuluyang
humagalpak ng tawa. Mababaw na kung sa mababaw pero iba talaga ang dating niya
sa akin sa tuwing nakikita ko siyang masaya.
“Kumain na tayo bago pa umungol muli
ang mga alaga mo.” Tatawa-tawa ko paring sabi. Ang gaan sa pakiramdam na sa
wakas narinig ko rin itong tumawa.
Naging maganda naman ang takbo nang
hapunan namin kahit na alam kong naiilang parin siya sa akin. Alam ko namang
hindi ganun kadaling makuha ang loob nito’t lalo pa’t hindi naging maganda ang
simula nang pagkakakilala namin.
“Kapatid mo pala si sir Dorwin.” Kapag
kuwan ay wika nito nang maubusan na ako nang itatanong sa kanya.
“Medyo.” Nakangiti kong sabi.
“Actually kambal kami.”
“Kaya pala pareho ang mata niyo.” Wika
nito at bahagya pang namula.
Sa naging reaksyon nito ay agad akong
napangisi. Ibig sabihin may kakaibang epekto talaga ako sa kanya kahit na lagi
ako nitong sinusungitan.
“B-Bakit?” Nauutal nitong wika.
“You’re blushing.” Nakangisi ko paring
wika.
Lalo naman itong namula sa hayagan kong
pangbubuko sa kanya. Hindi ko alam pero ikinatuwa ko talaga ang reaksyon nito.
This is the main reason why I wanted to be with him -kung bakit kahit alam kung
malayo ang pupuntahan nito ay nagpumilit parin akong samahan siya. Dahil sa
simpleng reaksyon nito nagagawa niya akong pasayahin ng todo.
Ang cute niya. Di ko maiwasang sabihin
sa aking isip. I never find someone as cute as him when blushing even my ex’s
hindi ko ito nakita sa kanila. Sa maldita, sensitive at masungit na Alex ko
lamang iyon nakita.
“Tara na.” Wika nito at agad na tumayo
at tinungo na ang sasakyan. Ngingiti-ngiti naman akong sumunod sa kanya.
Nang muli naming ipagpatuloy ang byahe
ay naging tahimik itong muli. Hindi ko na siya kinulit pa at baka mauwi na
naman sa kung anu mang bangayan ang nagsisimula nang gumandang samahan namin.
“Matulog kanalang muna gisingin nalang
kita kapag hindi ko na alam ang daan.” Wika ko sa kanya sabay ng pag-on ng
stereo car.
“Ang pangit naman noon kung tutulugan
kita sa byahe. Salamat nga pala Renzell Dave.” Ang nakangiti nitong wika sa
akin.
Sa kauna-unahang pagkakataon ikinatuwa
kong marinig ang buo kong pangalan. Ayaw na ayaw ko kasing may tumatawag sa
akin gamit ang buo kong pangalan dahil tanging si Dorwin at ang papa ko lang
ang hinahayaan kong tumawag sa akin ng ganun.
“Tama ba ang dinig ko? Tinawag mo ako
sa buo kong pangalan?” Nakangiti kong wika sa kanya.
“Siguro.” Tugon naman nito.
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“I mean bakit mo ako tinawag sa buo
kong pangalan?”
“Kasi maganda ang pangalan mo?”
Muli akong napatingin sa kanya at
nakita kong muli ang pamumula nito’t nakangiting mukha.
“Is that a statement or a question?”
Ngising pilyo kong sabi.
“Both.” Wika nito na sinamahan rin
nang kaparehong ngisi ko. Pareho kaming napatawa sa kalokohan namin. Masasabi
kong sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon dahil sa wakas naging
maganda na rin ang pakikitungo nito sa akin.
Iyon lang ba talaga ang rason Renzell
Dave?
Matapos ang mahigit anim na oras na
byahe at pakikipag-buno sa malubak na kalsada ay narating din namin ang bahay
nila. Simple lang iyon na ang tanging naging bakud ay ang malalagong
bugambilia. Madilim na ang loob ng bahay sabagay alas-dyes na nang gabi
malamang tulog na ang mga tao.
Ito ang pangalawang baryo sa bayan na
iyon marami-rami ring bahay ang nadaanan namin kaya masasabi kong maraming
naninirahan doon taliwas sa iniisip ko habang papunta palang kami. May
naririnig din akong ingay di kalayuan na hindi ko nalang binigyan ng pansin.
Dahil narin siguro sa ingay ng mga aso
nabulabog namin ang ibang natutulog nang kalapit na bahay. Nagsibukasan kasi
ang mga ilaw nito pati narin ang bahay nila Alex.
“Tara sa loob?” Masayang paanyaya sa
akin ni Alex marahil ay na miss talaga nito ang kanyang pamilya.
“Hindi ba nakakahiya?” Ang naisatinig
ko naman.
“Asus! Ngayon kapa nahiya eh nandito
na tayo.” Sabay baba nito nang sasakyan. “Tara na sa loob baka kunin ka nang
aswang dito.”
Hindi pa man ako nakakasagot sa
halatang pananakot niya nang lumabas ang isang babae sa bahay nila. Hindi ko
agad naaninag ang hitsura nito dahil narin sa may kadiliman ang parte ng bahay
nila’t malayo na sa poste ng ilaw. Doon ko lamang naaninag ang hitsura nito
nang lumapit ito sa nakaparada kong sasakyan katapat ng bahay nila. Halatang
nabulabog ang tulog nito.
Nang maibaba ni Alex ang tainted kong
bintana ay agad na rumehestro sa babae ang sobrang tuwa.
“Alex anak?” Ang di makapaniwalang
wika nito.
“Magandang gabi po nay.”
“Bakit hindi ka manlang nagpasabing
uuwi ka? Naku ikaw bata ka.” Halatang masaya itong makita ang kanyang anak.
Nakaramdam ako nang lungkot, bigla ko
kasing na miss si papa. Ganitong ganito kasi ang naging reaksyon nito nang
surpresahin ko siya noong paguwi ko mula sa Manila.
“Tonio! Tonio! Gumising ka riyan at
nandito ang anak natin!” Malakas na tawag nito marahil sa kanyang asawa.
Nang muling bumaling sa akin si Alex
ay nakangiwi ito’t bakas ang paghingi nang paumanhin sa kanyang mga mata.
“Pagpasensyahan mo na ang nanay ko.”
Ngiti at tango ang itinugon ko sa
kanya. Wala pala akong dapat ipagalala sa kanya dito sa kanila halatang mahal
na mahal ito nang kanyang mga magulang. Iyon lang naman ang gusto kong malaman
kaya ako sumama sa kanya –ang masigurong walang taong pweding manakit sa kanya.
Over protective kana masyado sa kanya
Renzell Dave. Wika nang isang bahagi ng utak ko.
Oo, over protective na kung over
protective masiguro ko lang na walang mananakit sa damdamin nito. Nang makita
ko kasi itong masaktan kanina may kung anung damdamin ang parang agad na
nagsabi sa akin na protektahan ito.
“Tara na sa loob Renzell Dave, wag
mong alalahanin ang sasakyan mo safe yan rito basta isara mo lang ang mga
bintana.”
Hindi na ako tumutol pa sa sinabi
nito’t agad na ngang sumunod sa kanya sa labas. Hinintay pa ako nitong
makalapit sa kanya’t sabay naming tinungo ang pinutan ng kanilang bahay.
Kasama na ang tatay nito nang
salubungin kami sa pinto nang nanay niya. Agad nitong yinakap ang kanyang anak
na sinundan naman ng kanyang ama. Nang siguro ay mapansin ako ay nabaling sa
akin ang tingin ng dalawa.
“Si Dave po nay, tay. Kapatid po siya
nang uhmmm…” Napakamot ito sa kanyang ulo marahil ay hindi makahanap ng tamang
pangalan sa relasyon na meron ang kapatid ko’t amo niya.
“Kapatid po ako nang asawa nang
may-ari ng pinagtratrabahuan niya.” Ako na ang nag dugtong sa sasabihin nito
sabay ng pagmano sa kanila bilang pagbati’t paggalang. “Maganda gabi po.”
“Magandang gabi naman po sa inyo sir.”
Balik bati sa akin ng dalawang matanda.
“Dave nalang po.” Nakangiti kong
pagtatama.
“Halika sa loob nang maipaghanda namin
kayo nang makakain paniguradong pagod kayo sa byahe.”
Hindi na sana ako papasok pa sa loob
dahil nasigurado ko na namang magiging okey si Alex sa kanila kung hindi lang
ako nito hinila papasok.
“Nay asan po ang mga kapatid ko?” Si
Alex, nang makapasok kami sa bahay nila.
“Nasa sayawan sa plaza.” Iyon pala ang
naririnig kong ingay kanina. May sayawan palang nagaganap sa baryong iyon.
“Dave iho, paniguradong magiging
masaya ang pagbisita mo sa pista namin.” Wika nang tatay nito.
“Ahh… eh…. Ang totoo po niyan kasi ay
inihatid ko lang si Alex. Hindi ko po alam na pista nyo pala rito.”
Nag-aalangan kong wika.
“Hah? Akala ko kasama ka nang anak
namin para dumalo sa pista sa meyerkules.” Sabi nang nanay nito. “Sayang naman
kung uuwi kapa gayong malapit na ang pista. Dumito ka muna kahit manlang
hanggang sa matapos ang pagdiriwang.”
Ang totoo lang pabor sa akin ang
suhestyon ng nanay nito dahil ibig sabihin nun tanggap nila ako sa pamamahay
nila. Ang problema nga lang wala akong dalang kahit na isang damit maliban sa
suot ko ngayon alanga namang hindi ako maligo sa loob ng dalawang araw, ngayon
pa ngalang malagkit na ang pakiramdam ko.
“Salamat po sa paanyaya pero gustuhin
ko man wala po akong dalang damit.”
“Wag mong problemahin yan anak, kasya
naman siguro sayo ang damit ng asawa ng anak ko.” Singit naman ng tatay nitong
may kung anung iniinit na ulam.
Napatingin ako sa gawi ni Alex para
sana humingi nang tulong na mag-paliwanag sa mga magulang nito hindi ko talaga
kasi makayanang tumanggi kapag ganito kabait ang mga tao sa akin.
“Kakasya kaya sa kanya ang damit ni
Kuya Erwin tay?” Wika nito na nakangisi sa akin.
Nagulat ako sa tinuran nito. Akala ko
kasi ay tutulungan ako nitong mag-paliwanag sa mga magulang niya pero mukhang
nakisakay pa ang kumag.
“Panigurado yan anak malaking tao rin
naman ang kuya Erwin mo.” Tugon naman ng ama nito.
Pinukol ko siya nang nagtatakang
tingin na tinugon lang nito nang isang nang-aasar na ngiti.
Hindi ko na nagawang tumangi sa kanila
gawa na rin na gusto ko naman talaga ang makasama pa nang matagal si Alex para
mas lalo ko pa itong makilala nang lubusan ito na siguro ang pagkakataon kong
makilala ang tunay na Alex – ang Alex na laging nagtatago sa likod ng
kasungitan niya.
Tuwang-tuwa ako sa magandang
pagtanggap ng mga magulang niya sa akin. Wala pa mang isang oras kong
nakakausap ang mga ito ay masasabi ko nang mababait at maaalalahanin silang
tao. Nalaman ko ring hindi lang pala para sa tindahan ang mga pinamili ni Alex,
para rin pala sa ihahanda nila sa nalalapit na pista. Tuloy, hindi ko maiwasang
humanga sa taong ito na sa likod nang pagiging suplado’t pagiging maldita nito
ay nagtatago ang mabait niyang pagkatao.
Ang buong akala ko ay bato ang Alex na
ito. Walang alam kung hindi ang mag-sungit at baliwalain ako pero ngayon sa
harap nang mga magulang nito nakikita ko ang kakaibang Alex. Marami pa pala akong
hindi alam sa kanya at lahat ng iyon ay gusto kong alamin.
“Hindi ka ba makatulog?” Nagulat ako
nang malingunan ko siya. Kanina pa bumalik ang mga magulang nito sa dreamland
dahil marami pa raw silang aasikasuhin bukas, anti besperas na kasi nang pista.
Ibinigay ni Alex sa akin ang kwarto niya kahit na sinabi kong okey lang naman
kahit sa kotse ko na ako matulog hindi na ako nagpumilit na kontrahin ito’t
baka kung saan pa ma uwi. Tatabi nalang daw siya sa isa niyang kapatid.
“Akala ko aswang na.” Nakangisi kong
sabi.
“Funny.” Tumabit ito nang upo sa akin
sa upuang gawa sa kawayan sa labas ng bahay nila. “So, bakit hindi kapa
natutulog?”
“Hindi pa kasi ako inaantok. Ikaw?”
“Nakita ko kasing bukas ang pinto
akala ko naiwang bukas ni nanay.” Tugon naman nito.
“Ikaw pala itong takot na mapasok ng
aswang.”
“Hindi ako takot sa aswang kung hindi
sa mag-nanakaw.” Wika nito na ikinahagikhik ko naman. Halata kasi ang pagiging
defensive nito.
“Pweding mag-tanong?” Seryoso nitong
wika.
“Ano yon?”
“Bakit gustong gusto mo ang inaasar
ako?”
“Hmmm… Teka isipin ko lang ang rason.”
Inirapan ako nito pero hindi ito nagsalita marahil ay gusto rin nitong marinig
ang sagot ko. “Siguro dahil ikaw lang ang nagiisang taong may guts na ignorahin
ako.”
Tumango-tango ito na parang kontento
sa naging sagot ko.
“Ako, pweding mag-tanong?”
“Dependi sa tanong mo.”
“Bakit ang sungit mo sa akin?”
“Hmmm…” Panggagaya nito sa akin.
“Maybe because you were the only person na nakarinig nung hiwalayan ako nang
boyfriend ko?”
“Is that a statement or a question?”
“Dependi.”
“Ang taray talaga.” Pabulong kong
sabi.
“May sinasabi ka?”
“Wala! Guni-guni mo lang yon.”
Nakangiti kong wika.
Alam kong may mga bagay pa akong hindi
alam tungkol sa kanya. Alam ko rin na hindi pa ito ang tamang oras para itanong
sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa aking isip. I know naiilang pa siya sa
akin at gagawin ko ang lahat mawala lamang ang pagkailang niyang iyon kung yon
lang ang tanging paraan para makuha ko ang loob niya.
“Tara na sa loob, mahamog na dito baka
mag-kasakit kapa.” Maya-maya’y wika nito.
“Sino ka? Anong ginawa mo kay Alex the
maldita?”
Isang nagbibirong batok ang itinugon
nito sa akin saka tatawa-tawang pumasok na siya sa loob.
“Renzell Dave pasok na.” Muling tawag
nito sa akin.
“Andyan na po nanay!” At ayon na nga
sumunod na ako sa maldita, mataray, mahirap espelinging tao na nagpapagulo sa
aking nararamdaman.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment