Tuesday, December 25, 2012

Chances (05)

by: Zildjian

“Saan mo ba ako dadalhin?!” Ang may kalakasan nitong wika nang makapasok kami sa loob ng aking kotse.

“Sa langit.” Wika ko na sinamahan ng ngising nakakagago.

Para akong na excite bigla na ngayon ay sakay ko ang nag-iisang taong halos tatlong beses akong inignora. Sa puntong ito hindi ko na sya hahayaan pang ignorahin ako bahala nang makasuhan ako nang kidnapping hindi naman siguro ako papabayaan ni kambal.

Isang masamang tingin ang ipinukol nito sa akin na animoy lalamunin ako nang buo nakakatakot ang hitchura nito wala na ang bakas ng mahinhin at walang emosyon nitong mukha.

“Wag mo akong bigyan ng ganyang tingin. Ihahatid lang kita sa inyo dahil nga concerned citizen ako.” Sabay paandar ko nang makina nang sasakyan.


Ang akala ko ay kokontra pa ito ngunit nagkamali na naman ako. Talagang napaka-hirap intindihan ang isang to ang bilis mag-palit ng mood.

Habang umaandar ang sasakyan ay wala itong imik.

“Saan ang daan papunta sa bahay nyo?” Tanong ko sa kanya para basagin ang katahimikan.

“Sa seventh bar mo nalang ako ihatid tutal malapit nang mag-alas-sais.” Walang bahid ng emosyon nitong tugon sa akin na ang kanyang tingin ay nasa katabi nyang bintana.

Ewan ko kung bakit sinasayang ko ang oras kong kulitin ito eh wala naman akong mapapala sa kanya. May kung anu lang sa loob ko ang nagsasabing dapat ko siyang kausapin. Ang weird ng feeling sobrang bago ito sa akin.

Pinili kong itikom ang bibig ko para hindi ito lalong mainis sa akin. Para mawala ang nakakabinging katahimikan na iyon ay pinaandar ko nalang ang car stereo ko at pumili nang isang pang disco na tugtog. Wala manlang itong naging reaksyon at nanatili lang syang nakaharap sa bintana.

“Mag-kaka-stiff neck ka niyan sa ginagawa mo. Misyon mo na ba talaga sa buhay ang ignorahin ang mga taong gustong makipag-kaibigan sayo?” Wika ko nang hindi na talaga makatiis sa hindi nito pamamansin sa akin. Kaming dalawa na nga lang sa loob ng sasakyan hindi parin ako nito pinapansin.

“Wala akong sasabihin sayo at wala akong balak na kaibiganin ka.”

“Aray! Ako na nga itong nagbabait-baitan ikaw pa itong matigas. Nakakasakit ka nang damdamin alam mo ba yon?”

Since na alam kung half-half din ito tulad ng kambal ko ay sinumulan kong mag-pacute rito para makuha ang pansin nya at hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito sa akin iyon nga lang isang masamang tingin ang ipinukol nito.

Atleast  nakuha ko ang attensyon niya. Pakipot lang tong isang to eh.

“Oh relax! Wag mo akong bibigyan ng tingin na ganyan kasi baka ma in love ka sa akin sabi pa naman nila the more you hate the more you love.” Pangaasar ko pang lalo sa kanya para lalong makuha ang atensyon nito.

“Hindi pa ako ganun ka desperado!” Singhal nito sa akin sabay baling ulit nito nang tingin sa bintana.

Ekseherado akong napatawa nang malakas.

“Bakit, hindi ka ba sanay ma-humaling sa mga taong biniyayaan ng diyos nang gwapong mukha?” May panunudyo kong wika.

“Alam mo Mr. Unknown…”

“It’s Dave..” Pagtatama ko agad sa kanya.

Muli itong tumahimik na para bang wala manlang interes sa pangalan ko dahilan para makaramdam ako nang pagkaasar. Wala pang ni isang taong inignora ako nang tulad ng ginagawa niya sa akin nakakasar lang.

“Alam mo kaya siguro…”

“For pete’s sake tigilan mong kausapin ako dahil wala ako sa mood makipaglokohan sayo!” Pasinghal nitong wika.

Masasabi kong nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito sa akin bakas ang galit at pighati sa mga mata nito dahilan para matameme ako bigla. Unang beses na hinayaan kung sigawan ako nang isang tao na hindi ko manlang kilala isang bagay na mas lalong nagpagulo sa akin.

Wala nang namagitan pang bangayan sa loob ng sasakyan na iyon hanggang sa marating namin ang seventh bar. Nang makaparada ako ay walang anu-ano itong lumabas at deretsong tinungo ang bar. Mataman ko lang siyang sinundan ng tingin mula sa loob ng aking kotse at hinayaan nalang munang mapagisa ito.

Hahayaan muna kita ngayong makalamang sa akin dahil alam kong may dinadala kang kumag ka pero babawi ako sa susunod nating pagkikita.

Imbes na lalong maasar sa huling encounter namin ni Alex the maldita minabuti ko nalang bisitahin ang mga barkada ko para sa kanila nalang bumawi. Talagang nakakaasar isipin na naka puntos na naman sa akin ang masungit na manager na iyon. Hindi manlang ito nagpasalamat sa akin bago bumaba nang sasakyan talagang pinanganak na ata itong walang pakialam sa mga taong hindi nito gusto at wala pang taong hindi nagkagusto sa akin kaya humanda sya sa susunod naming pagkikita.

“Himala! Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?” Bungad sa akin ni Chuckie.

Alam kung dito ko lang sila mahahanap sa mga oras na ito sa bahay nila Brian kung saan naging hobby na nang mga itong gawing tambayan tuwing wala silang mga trabaho. May mga hawak ng bote ng san mig light ang mga ito habang naglalaro ng billiard.

“Wag kang mang-asar kung ayaw mong ikaw ang gawin kung mother ball.” Tugon ko naman sa kanya sabay tungo sa ref na nasa likod ng bar counter nila brian para kumuha ng beer.

“Mainit ang ulo ah, siguro barado ka na naman ni Dorwin noh?” Ani naman ng isa sa mga nakadali sa pitong ulupong ng seventh bar na si Vincent.

“Malamang! Si Dobs lang naman ang may kakayahang barahin si Dave.” Ani naman ng ex boyfriend ng kambal ko na ngayon ay turned to be bestfriend na si Niel.

“Isa kapang kumag ka. Bakit di mo nalang buntutan ang syota mong sira ulo dahil pinatulan ka.” Balik pangaasar ko naman dito.

“Hindi sira ulo si Francis, gwapo lang talaga ako tsaka busy sa manila ang isang yon wag mo syang idamay baka magkamali pa yon sa pagturok sa pasyente niya.” Patukoy nito sa kanyang kababatang ngayon ay ang may-ari na nang puso nya na nurse sa manila.

Matapos makapagpatawaran ang kambal ko at si Niel ay nagawa narin naming patawarin sya ni papa sa mga kagaguhan niya noon nung sila pa ni Dorbs. Ayon kay papa wala nang rason para magalit pa kami sa kanya since na masaya na ngayon ang kambal ko. Si Dorwin lang naman ang prinu-protektahan namin.

“Wala akong paki sa hitchura mong mukhang pasas.” Bara ko sa kanya na tinugon lang nito nang nang aasar na tawa.

Immune na ang mga ito sa ugali ko at alam nilang wala silang mapapala kung sasabayan nila ang kabaliwan ko dahil paniguradong sa kanila lang babalik ang lahat ng itatapon nilang pangaasar sa akin. Walang sino man sa mga kaibigan namin ni Dorbs ang may kakayahang talunin ako sa asaran.

“So, anong pang babara ang ginawa sayo ngayon ni Dorwin para kami ang pagbuntunan mo nang galit mo?” Si Brian.

“Hindi mainit ang ulo ko kung hindi sobrang init kaya kung ako sa inyo wag na kayong mag-tatanong kung ayaw nyong ipalamon ko sa inyo ang mga bola ng billiard na yan.”

“Anong kaguluhan ito?” Bungad naman ng hilaw kong bayaw. Marahil ay tinawagan ito nang mga kumag.

“Pareng Red, buti at dumating kana asan si Dorbs?” Bati ni Niel ito sabay high five nang dalawang ungas. Parang wala lang sa kanila ang nangyari sa nakaraan na muntik nang makasira sa relasyon ng kambal ko at ngayon ng bayaw kong hilaw.

“Nahiya naman ako sa closeness niyo.” Pangaasar ko sa dalawa.

“Dave, dito ka pala.” Nakangising aso nitong pagpansin sa akin.

“Malamang! Mga kabarkada ko ito eh. Asan ang kambal kong may sungay?”

“Hindi ba’t ikaw ang evil sa inyo?” Nakangising sabat naman ni Chuckie na tinugon ko lang nang masamang tingin.

“May hearing yon ngayon.” Tugon ni Red sabay kuha nang inabot na bote ng san mig light ni Brian.

“So, hindi ka na naman mag-tatagal kung ganun.” Wika ni Vincent.

“Ayaw ni Dorwin na umuuwi siya nang bahay na wala ako. Alam niyo naman ang asawa ko masyadong emo kung di ako nakikita agad.”

“Hayop!” Sabay-sabay na kumento ng mga ugok na tinawanan lang ni Red.

Nakakaingit talaga ang kumag na Red na ito. Walang reklamo sa mga ayaw at gusto ni kambal halatang mahal na mahal niya ito. Siguro pagsinabi ni Dorwin na tumalon ito sa bangin tatalon ang isang to nang walang pagaalinlangan.

Nagsimula na ang nakagawiang laro namin. May limang baraha ang ibibigay sa bawat isa at ang makukuhang numero namin ay ang mga bolang dapat namin maipasok. Paunahan ng pagubos ng limang baraha at kapag may kaparehong numerong hawak ang dalawa ay dapat maunahan nito dahil kung ang isa ang makauna ay mapipilitang kumuha ulit ng isa pang baraha ang naunahan. Iyon ang lagi naming linalaro para makalaro kaming lahat.

Konteng kwentuhan ang nangyari habang naglalaro at lamang ang kantyawan, kayabangan tuwing may matatalo at sorry nalang sila dahil lagi akong panalo sa laro namin kaya ako ang nakalamang sa kantyaw at pangaasar. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang inis na nararamdaman ko kay Alex the maldita.

Pasado alas- syete ng magpaalam na umuwi si Red dahil tinawagan na ito nang kambal ko na pauwi na ito. Sinubukan pa itong pigilan ng iba ngunit sadyang hindi na nagpapigil pa si bayaw na sinabayan naman ni Vincent na tinawagan na rin ni Angela dahil sasamahan nito ang misis na magpacheck-up bukas. Alam kung magiging boring na ang lahat kaya naman sumunod na rin akong umuwi sa kanila.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Hindi ako sanay na may mga ganong ingay sa bahay dahil tatlo lang naman kami nina papa at nanay na nakatira sa bahay.

Napakunot noo ako nang makita ang pinsan kong si Ate Claire kasama ang kapatid nitong si Kuya Dan at dalawang anak ni Tita Laura na sina Ate Veronica at Kuya Archie. Bihirang may dumalaw na pinsan ko sa bahay kaya alam ko na agad na imporante ito.

“Anong meron at ang iingay nyo?” Bungad ko sa kanila na abala sa kwentohan.

Nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin at mataman akong tiningnan na para bang isa akong experiment sa laboratory.

“What?” May pagtataka kong wika.

“What your face. Wat-watin ko mukha mo eh.” Isa pa sa mga dragon kung pinsan si Ate Claire the Anoying dragon.

“Kay agang katarayan naman yan ate, iyan na ba ang epekto kapag malayo ang asawa mo?” Ekseherado pa akong napangiwi para lang mas convincing ang pangaasar ko.

Kita kong napangising aso si Kuya Archie at Kuya Dan habang si Ate Veron naman ay napataas ang isang kilay – ang nag-iisang pinsan ko na kung pwedi lang ibaon ako nang buhay ay gagawin nito. Namana nito sa mommy niya ang pagiging aburido pero hindi yung kasamaan ng ugali.

“Evaporate asshole!” Asar na wika ni Ate Claire na ikinatawa na nang kapatid nito at ni kuya Archie.

Nice! Simula palang ng araw ko may naasar na akong tao. Hihihihi

“Bahay kaya namin to. Teka, what brings you insects here?” Pangaasar ko panglalo. “Nanay, pagtimpla mo naman ako nang kape.” Wika ko sa napadaan naming long live na kasambahay.

“Kay laking katawan pero kape lang di magawang gawin. We’re here because we have to discuss an important matter.” Si Ate Veron.

“Regarding?” Nakapamewang kong wika.

“Tito Ruben.” Sabay-sabay nilang wika.

“What about my paps?” Takang tanong ko naman sa kanila. Basta sina kambal at papa ang pinag-uusapan agad akong nagiging intersado.

“Hintayin natin si Dorwin on the way na siya.” Seryosong wika ni Kuya Dan.

Nakaramdam ako nang kaba sa di malamang dahilan isama mo pa ang pag-summon nila kay kambal sa ganitong oras ay paniguradong hindi biro ang pag-uusapan namin.

Pinili kong manahimik nalang muna at isiping hindi naman siguro ganun ka-sensitibo ang paguusapan namin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narinig namin ang paghinto nang sasakyan na malamang kay kay Dorwin na. Humahangos ito at halatang kagigising lang nang bumungad ito sa pintuan ng bahay.

“Relax Dorbs.” Ang wika ko sa kanya na pilit itinatago sa loob ko ang pagaalala.

“Ate Claire, how sure are you about sa sakit ni papa?” Wika nito ni hindi manlang ako pinansin.

Tumingin si Ate Claire kay Kuya Dan senyales na ito ang sasagot sa mga tanong namin ni Dorwin.

“According to Tito’s doctor which happened to be my wife’s uncle that Tito Ruben has this illness matagal na, ayaw lang nyang ipaalam kahit sa mga parents natin. He is suffering a lung cancer at stage 2 na ito.”

Bigla akong namutla sa narinig mauulit na naman ba sa pangalawang pagkakataon na kukunin ng lintik na cancer na ito ang natitirang magulang namin ni Dorwin.

“Paano nang yari ito? Matagal nang nag stop si papa manigarilyo di ba? Baka nagkakamali lang ang uncle ng asawa mo kuya?” Bakas na rin sa mukha ni Dorwin ang pag-aalala.

“Pangalawang doctor na ni Tito Ruben ang uncle nang asawa ko.” May bahid ng lungkot na wika ni kuya Dan. “Kaya kami nagpunta rito para ipaalam sa inyong dalawa, alam naming pilit itatago ito ni Tito Ruben sa inyo and the reason why we tell you this is for you guys to convince tito to undergo a treatment. Hindi ang klase ni tito ang makikinig sa mga kapatid niya the only boy sa side ng family ni mama was as hard headed as his twins.” Mahabang wika ni kuya Dan.

Namayani ang katahimikan na para bang mahihiya ang kahit na langgam na gumawa nang ingay.

“Ano ang advice ng doctor kuya Dan?” Maya-maya’y wika ni Dorwin.

“Stage two palang naman pwedi pang maagapan kaya naman much better kung ma convince niyo si tito mag-punta nang states para doon magpagamot. Mas magagaling ang mga doctor doon at mas advance ang mga facilities nila.”

“Kung kailangang kaladkarin ko si papa ay gagawin ko mapagamot lang siya.” Ang agad kong wika sabay tayo para kunin ang cellphone ko. Balak kong tawagan ito para agad na kaladkarin papuntang states hindi ako makakapayag na pati ang papa namin ay mawawala.

“Saan ka pupunta?” Si Dorwin.

“Tatawagan si papa para kaladkarin para mag-pagamot.” Seryoso kong wika.

Hindi pa man ako nakakailang hakbang ng maramdaman kong may kamay na humawak sa aking balikat. When I turned to see kung kaninong kamay iyon ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Dorwin.

“Kambal, hayaan mong ako na muna ang kumausap kay papa para sa atin.” May bahid ng pagsusumamo nitong wika.

Alam kung mas lamang ang lungkot na nararamdaman ngayon ni Dorwin sa akin dahil kung tutuusin ilang taon din nyang hindi nakasama si papa at ngayong okey na ang lahat saka naman sisingit ang lintik na cancer na iyon. Gusto kong pagbigyang makabawi ngayon si Dorwin na iparamdam sa ama namin na mahal na mahal siya nito.

“Pag nagmatigas sabihin mo agad sa akin at mag-katulong natin siyang kakaladkarin para magpakagamot. Gawin mo ang nararapat kambal.”

Ngumiti ito sa akin at tumango bakas sa mukha ang pagpapasalamat sa kanyang mga mata.

“Call us when you guys need our help.” Wika ni Ate Claire. “Kami naman ang bahalang kausapin ang mga magulang namin pilitin nating itago kina lolo at lola ang tungkol sa bagay na ito hindi makakabuti sa kanila kung malalaman ito.”

“Lalo na kay mommy alam nyo namang walang break ang bibig nun.” Dagdag pang wika ni Kuya Archie.

Ilang araw din ang lumipas at sa awa nang diyos na convince namin si papa na mag-pagamot sa states sa tulong narin ng mga kapatid nito. Si tita Wila ang nag volunter na sumama kay papa sa states sa lalong madaling panahon para doon mag-pagamot at ako naman ang naatasang pumalit sa posisyon ni papa sa companya nang pamilya habang wala ito.

Pareho kaming nakahinga nang maluwang ni Dorwin sa pagpayag ni papa hindi ko alam kung anu ang deskarting ginawa ni Dorwin para mapapayag ito basta’t ang importante hindi ito nagmatigas.

Habang hinihintay namin ang pag-alis ni papa ay todo alaga ang ginawa namin ni Dorwin dito. Pansamantalang bumalik si Dorwin at Red sa bahay at doon muna tumira habang hindi pa nakakaalis si papa para todo maalagaan ito.

Makalipas ang dalawang lingo ay tuluyan na itong umalis kasama ang Tita Wilma namin para mag-pagamit sa ibang bansa. Hindi naman kami nag-alala dahil sa kaibigan ng mommy at daddy ni Rome na magaling sa field ng sakit ni papa ang hahawak dito nangako ito sa amin ni Dorwin na magiging okey ang lahat kaya nabawasan ang pag-aalala namin ni kambal.

Bumalik sa normal ang buhay namin ni Dorwin na may pag-asang pagbalik ni papa ay wala na itong sakit. Si Dorwin at Red ay muling umuwi sa bahay nila at ako naman ay muling naiwan sa bahay namin.

Isang gabi nakaramdam ako nang boredom kaya naman naisipan kong gumala at makipag-inuman. Tinawagan ko ang mga kabarkada ko at niyaya ang mga ito ngunit lahat sila ay busy maliban kay Red na sinabing magkita nalang kami sa bar nila. Doon lang ulit pumasok sa akin si Alex at ang naunsami naming pagtutuos.

Pwedi nang balikan ko ang isang iyon para naman ma intertain ang boring kung buhay. Ang nakangisi kong wika habang binabaybay ang daan papunta sa naturang bar kung saan naghihintay sa akin si Red.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment