Tuesday, December 25, 2012

Chances (11)

by: Zildjian

Alexis

Kanina ko pa hindi maintindihan kong ano ang meron sa lalaking to basta ang alam ko lang may itinatago ito sa akin base na rin sa mga ngiti nitong nanunukso kanina pa. Kung wala lang ang mga magulang at kapatid ko kanina ko pa sana siya kinumpronta.

Wala naman akong maramdamang kakaiba pagkagising ko kanina maliban sa mag-katabi kami sa maliit na kama ko at ang nakakahiya pa nakayakap ako sa kanya. Noong tinanong ko naman siya kung sino ang nagdala sa akin sa kwarto ko na dapat ay kwarto niya habang narito siya sa baryo namin ay isang nanunuksong ngiti lamang ang itinugon nito na agad ko naman ikinaasar.

Alam kung mahina ang tolerance ko sa mga inuming nakakalasing pero dahil na rin sa matagal naming hindi pagkikita-kita nang mga dati kong kaibigan ay napilit nila akong uminum na ngayon ay pinagsisisihan ko. Hindi ko alam kung ano ang mga nagawa o nasabi ko kagabi pero sigurado akong hindi iyon maganda para sa akin base na rin sa mga nanunuksong ngiti ni kolokoy sa akin.


“What the hell happened last night?” Ang pabulong kong sabi habang hinuhugasan ko ang pinagkainan namin. Katatapos lang naming mananghalin at ngayon busy na naman ang lahat sa kani-kanilang gawain dahil sa besperas na nang pista.

Si nanay ay nagpunta sa palengke para mamili nang mga kakailanganing rekados para sa mga lulutian niya sinamahan naman siya ni Ate Belenda habang sina tatay, Kuya Drigo, at Dave ay busy sa pagiihaw sa labas. Ayaw man siyang payagan ng mga magulang ko na tumulong dahil na rin itinuturing namin siyang bisita ay sadyang mapilit ang loko. Mabuti na rin iyon para makaiwas ako sa ma-pangasar niyang mga ngiti na sa totoo lang kanina pa bumabagabag sa akin.

“Kuya, sabi ni tatay ikuha mo raw nang pamunas ng pawis si kuya Dave.” Bungad naman sa akin ng bunso naming si Wil.

“Okey sige. Tapusin ko lang itong pagbabanlaw ko sa mga plato.” Tugon ko naman kahit na tutol ang loob ko. Gusto ko nalang ignorahin ang pangaasar sa akin ni Dave tulad ng dati para tumigil na ito. Alam ko kasi sa hitsura palang niya na hilig na nitong mangasar base sa obserbasyon ko at tuwing papatulan mo ang pangaasar nito lalo lang niyang pepestihin ang buhay mo.

“Nagaway ba kayo ni kuya Dave?” Wika nito dahilan para lingunin ko siya.

“Saan mo nakuha ang ideyang iyan?” Nakaunot ang noo kung wika. Alam kung malakas din ang obserbasyon nitong kapatid ko.

“Pansin ko lang. Hindi mo kasi siya kinakausap kanina at hindi mo rin siya ipinagtimpla nang kape.”

“At bakit ko naman siya ipagtitimpla nang kape?”

“Dahil kinarga ka niya mula sa plaza hanggang dito sa bahay?” Wika nito na sinabayan pa nang isang mapangasar na ngiti.

Alam nang mga kapatid ko at pamilya ko ang tungol sa kakaiba kong sekswalidad at tanggap ng mga ito iyon. Ni minsan ay wala sa kanila ang tumukso sa akin. Sobrang supportive ng pamilya ko at iyon ang dahilan kung bakit nagtratrabaho ako. Gusto kong maibalik sa kanila ang mga sakripisyo nila para makapagtapos lang ako kahit pa man ang huling dalawang taon ko sa koleheyo ay mula sa aking sariling sikap at sa mababait kong amo sa seventh bar.

“Intrigero ka narin ngayon?” May bahid ng pagkaasar kong sabi pero ang totoo nakaramdam ako nang kiliti sa sinabi nito. Dave can be totally asshole sometimes but deep inside he has this what we call sweetness. Siguro ganun talaga ang mga lalaki laging tinatago ang kakesohan sa katawan para ma maintain nila ang pride nila.

Tinapos ko agad ang pagbabanlaw ko sa mga plato’t baso na ginamit namin bago tinungo ang cabinet ko para kumuha nang bimpo para kay Dave. Hindi ko parin makuha hanggang ngayon ang rason kung bakit nagaksaya pa ito nang oras para ihatid ako sa probensya namin na pagkalayo-layo.

“Concerned citizen.” Ulit ko sa sinabi nito sa akin noong tinanong ko siya kung bakit lapit siya nang lapit sa akin.

Concerned lang ba talaga siya sa akin? Tanong ko sa aking sarili. Siguro nga ay concerned lang siya dahil sa nakita niya kung papaano ako i-dump ng lalaking una kong minahal.

Wala naman akong ibang inaasam kung hindi ang mahalin tulad ng pagmamahal nina sir Rome at sir Red sa mga partners nila. Aaminin kong nainggit ako kay sir Ace at sir Dorwin dahil sa may totoong nagmamahal sa kanila na walang pera o ano mang material na bagay na kapalit. Gusto ko sanang maramdaman iyon. Lahat naman siguro nang tao lalo na ang mga kagaya ko ay gustong maramdaman ang mahalin ka nang taong mahal mo.

Ang buong akala ko ay si Ian na ang Red at Rome ng buhay ko pero nagkamali ako. Minahal ko siya nang sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Kung kailan mag-dadalawang taon na kami saka naman siya biglang nagbago at naging malamig sa akin. Kung kailan ipinagkatiwala ko na sa kanya ang puso ko saka naman niya iyon bibitiwan. Mukhang totoo nga talaga ang kasabihin na kapag sobra mong ipinakita sa isang tao na mahal mo sila magiging unattracted sila sayo. Kaya hinding hindi na ako susugal pang muli. Aminado akong may kakaiba akong nararamdaman kay Dave kahit paman ilang araw palang kaming nagkakakilala pero, hindi ko hahayaan na masaktan akong muli. Hangang kaya ko pang iwasan ang nararamdaman ko gagawin ko iyon kung yun lang ang paraan para ma-iwasan kong masaktan.

“Punasan mo ang pawis mo.” Wika ko nang makalapit ako sa kanila na abala sa pagkakatay ng baboy. Batid kong enjoy na enjoy siya sa kanilang ginagawa wala akong makitang bakas ng pangdidiri sa kanyang magaganda’t maamong mukha.

Ngumiti na naman ito sa akin pero hindi na ang ngiting nangaasar o nanunukso kung hindi ang ngiting lagi niyang ibinibigay sa akin noon. Ang ngiting laging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Agad akong umatras sa takot na marinig niya ang pagkalabog ng puso ko.

Lintik kang puso ka behave kung ayaw mong ipatanggal kita.

“Pwedi bang ikaw nalang ang mag-lagay niyan sa likod ko ang dumi kasi nang kamay ko eh.” Wika nito at ipinakita sa akin ang kanyang dalawang kamay.

Gusto ko sanang tumutol pero lalo lang nitong mapapansin na hindi ako kumportable sa presensiya niya. Iniisip ko palang na dadampi ulit ang mga kamay ko sa katawan niya pinagpapawisan na ako nang malamig.

“Sige.” Wika ko nalang.

Agad naman ako nitong binigyan ng pamatay niyang ngiti saka tumalikod. Nanginginig pa ang kamay kong ipinasok sa loob ng kanyang T-shirt upang punasan ang pawis nito ng hindi ito matuyuan bago ko inilagay ang maliit na tuwalya sa kanyang likod.

“A-Ayan tapos na.”

“Salamat.” Nakangiti nitong wika. “Nex time wag kanang iinum kahit sino pa ang mag-painum sayo.” Dagdag pa nitong wika.

“Hindi..”

“Okey lang na uminum ka basta kasama mo ako.” Pagputol nito sa sasabihin ko na sinabayan pa niya nang isang kindat.

Bahagyang naginit ang mag-kabila kong pisngi sa sinabi nito. Parang may nahimigan kasi akong concern sa boses nito at the same time panunukso.

What the hell happened last night? Ang gusto ko sanang sabihin kaso nasa likod niya lang ang bayaw ko’t tatay ko kaya tango nalang ang itinugon ko sa kanya saka mabilisang tinungo ang loob ng bahay.

Bakit ba ganito nalang ang epekto nang mangmang na yon sa akin? Desperado na ba talaga akong may makarelasyon ulit? Pero hindi pweding sa kanya, kapatid siya nang asawa ng amo ko at hindi kami bagay. Besides hindi ang tulad niya ang mag-kakagusto sa akin. Tama, hindi siya mag-kakagusto sa akin kaya dapat lang na hindi rin ako mag-kagusto sa kanya. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

“Pweding humingi nang malamig na tubig?” Wika nito na hindi ko napansin na sumunod pala sa akin sa loob.

Nang humarap ako sa kanya ay nakaplastar na naman ang nangaasar na ngiti nito na lalong nagpadagdag ng inis ko sa aking sarili. Kung kelan kasi kinumkumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako pweding mahulog sa mapangasar na Dave na ito saka naman siya susulpot.

“Sana sinabi mo agad kanina para isinabay ko na sa tuwalya.” May pagkaasar kong wika.

“Ang sungit mo naman.” Nakangisi nitong tugon.

“Nang aasar kaba?”

“Huh? Sinong ng aasar? Humihingi lang ako nang tubig.” Maang-maangan nitong sabi kahit na halata na sa kanyang sinasadya niya akong asarin.

“Kung ano man ang mga nagawa o nasabi ko kagabi lasing lang ako noon kaya tigilan mo ako.”

“Defensive?” May bahid ng panunukso nitong wika. “Wala ka namang ginagawa kagabi maliban sa pagyakap mo sa akin pero……” Pabitin pa nito.

“Pero ano?” Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko sa mga oras na iyon.

“Pero may sinabi kang nagustohan ko and If my memory serves me well the exact words was ‘Bakit ang gwapo mo Renzell Dave?’”

Agad akong namula sa nalaman.

Did I really utter those words kagabi unconsciously? Nakakahiya!

“Wala akong maalala. Oh yan ang tubig mo.” Wika ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto nang kapatid ko. Mukhang ipinagkanulo ako nang kalasingan ko kagabi sa kanya shit!

Halos lamunin ako nang hiya sa mga pinagsasabi ko kagabi. Kahit pa man wala ako sa sarili kong katinuan nang sabihin ko iyon –kung totoo mang sinabi ko iyon nakakahiya parin. A man speak himself when he’s drunk alam nang marami ang kasabihang iyon at alam kung alam na alam ni Dave iyon.

Hindi na sana ako lalabas ng kwarto buong araw kung hindi lang ako kinatok ng kapatid ko.

“Kuya, nasa labas sina kuya Maki at kuya Jay.” Sabi nito.

Hindi ako sumagot para isipin nitong natutulog ako pero ilang sigundo lang ang dumaan ng marinig ko ang boses ng isa sa mga kaibigan ko sa labas ng kwarto.

“Alexis lumabas ka riyan sa lungga mo!.” May kalakasan nitong sabi na sinundan ng tatlong nakakabulabog na katok. Kahit sinong tulog ay magigising sa lakas ng katok na iyon.

“Hoy! Wag mo siraan ang pintuan ng kwarto.” Boses naman iyon ni Maki.

Wala na akong nagawa kong hindi ang pagbuksan ang mga ito bago pa tuluyang masira ang pintuan ng kwarto nang kapatid ko. Alam ko rin naman kasing hindi ako tatantanan ni Jay hangganggat hindi ako nito napapalabas ng kwarto. Sanay na ako sa pagiging makulit nito.

“Bakit kayo nandito?” Bungad ko sa dalawa nang mapagbuksan ko sila. Mga bata palang kami ay mag-kakaibigan na kami kaya naman welcome na welcome na sila sa bahay namin which is isang malaking pagkakamali kasi sumobra ata ang pagiging feeling at home nang mga ito. Basta kasi maisipan nilang mang bulabog sa akin gagawin nila nang walang pagaatubili.

“Makikibalita lang kami kung naiuwi kapa nang buhay ni Dave sa bahay niyo.” Nakangising wika ni Jay.

Alam kung tulad ko ay kakaiba rin ang dalawang ito maliban nalang kay Lantis at Niccollo na hindi ko alam kung lalaki ba ang trip o babae. Kakaiba kasi ang dalawang yon though may pakiramdam ako na pareho nilang gusto ang isa’t isa. Kung bakit nasabi ko iyon ay hindi ko rin alam basta yun na yon.

“Ngayong alam niyo nang buhay pa ako pwedi na ba kayong umuwi sa mga bahay niyo?”

Sanay na ang mga ito sa kasungitan ko hindi lang naman ako ang nag-iisang masungit sa aming lima nariyan din si Lantis na mas grabe pa ata sa akin.

“Hindi pa.” Sagot ni Jay sabay pasok sa kwarto ko. “Dito muna kami dahil marami pa kaming itatanong sayo.” Dagdag pa nitong wika.

“Ikaw lang. Sumama lang ako para maging referee incase na maisipan ni Alexis na ihawin ka sa sobrang kakulitan mo.” Wika naman ni Maki.

Si Maki sa aming lima ang neutral o taga saway kung may namumuong away sa amin. Laging suki siya nina Lantis at Niccollo na naging hobby na ata ang mag-asaran at mag-talo sa lahat ng bagay.

“At ano naman ang mga itatanong mo sa akin? Itanong mo na nang makaalis na kayo.”

“Hindi ka na talaga nagbago Alexis ang praning mo parin. Gusto lang naman naming malaman kung ano ang relasyon niyo nang bayaw ng boss mo?”

“Wala. Pwedi na kayong umalis.”

“Ows? Kung ganun bakit over protective siya sayo? Literal ka pa nga niyang binuhat mula sa plaza hanggang sa bahay niyo. Hindi biro ang bigat mo noh.”

“Paano mo naman nalaman na binuhat nga niya ako hanggang dito sa bahay?” Actually gusto ko lang talagang masiguro kung totoo nga bang binuhat ako nito.

“Simple! Kasi sinamahan namin siyang mag-lakad papunta dito sa bahay niyo habang karga ka sa likod niya.” Tila kinikilig naman nitong wika.

“Hindi kayo sumakay? Ang di ko maiwasang maitanong. Medyo may kalayuan din kasi ang plaza sa bahay namin.

“Hindi.” Mag-kasabay na wika nang dalawa.

“Bakit?”

“Masusuka kalang daw kapag sumakay pa kami dahil sa malubak ang daan.”

For a moment ay muli ko nanamang naramdaman ang kilig na lagi kong nararamdaman everytime na mag-papakita si Dave ng pagaalala para sa akin. Iyon ang gusto kong iwasan dahil sa tuwing mag-papakita ito nang kabaitan sa akin unti-unti akong nahuhulog sa kanya. Siguro ganun ang mga taong naghahanap ng pagmamahal kahit paman busog ako sa pagmamahal ng mga magulang at kapatid ko iba parin ang dating kapag ibang tao ang nagpapakita nang pagaalaga  at pagaalala sayo. Gusto ko kasing may mag-mahal sa akin tulad ng pagmamahal ni sir Red kay sir Dorwin.

“Hoy! Dinala ka nanaman ng pagiisip mo sa planet Mars.” Basag ni Jay sa biglaang pananahimik ko.

“He’s in love with Dave.” Wika ni Maki na parang siguradong sigurado sa sinabi niya.

“I’m not!”

“You are.” Mag kasabay na wika nang dalawa.

“I can’t love him.” Mahina kong sabi.

“Ow? At bakit naman?” Si Maki.

“Dahil he can’t love me back. Masasaktan lang ako.”

“I don’t think so.” Wika naman ni Jay. “Hindi ganun ang nakikita ko sa kanya.”

“For the first time I will agree with Jay. Tingin ko gusto ka rin ng taong yon.” Wika naman ni Maki.

Hindi ko parin maiwasang hindi isipin ang mga huling salita ng mga kaibigan ko. Mag-iisang oras nang nakakaalis ang mga ito para daw makapagisip-isip ako.

 Ako lang ba ang hindi nakakakita nang nararamdaman ni Dave? Is this the effect when Ian broke my heart? Nabulag naba ako dahil sa takot kong masaktan ulit? Mga tanong ko sa aking sarili. Ang hirap naman kasing paniwalaan na mag-kakagusto sa akin ang isang tulad ni Dave na bukod sa pagiging gwapo ay mayaman pa.

Renzell Dave

Dumating nalang ang mga kaibigan ni Alex at umalis pero hindi na ulit ito nagpakita pa sa akin. Katatapos lang naming katayin ang kawawang baboy para sa pista bukas. Hanggang ngayon hindi ko na ulit nakita pa si Alex kahit noong pumasok ako sa bahay kanina para sana tingnan kung anu ang pinagkakaabalahan nito sa loob.

Anak ng teteng naman kasi bakit kasi sinabi ko pa sa kanya ang sinabi niya kagabi mukhang nagalit nanaman tuloy ang malditang iyon.

Hindi ko lang kasi maiwasang hindi matuwa sa mga narinig ko sa kanya. Mula na mismo sa kanya na nagugwapuhan siya sa akin. At ang sabi ni Dorwin kapag daw lasing ang tao doon nila nailalabas ang totoong saloobin nila kaya tuwang-tuwa ako.

“Dave anak, mauna kanang maligo para makapagpahinga ka sabi ko naman kasi sayo na hindi mo na kailangan pang tumulong sa pagkatay eh, napagod ka tuloy.” Wika ni tatay Tonio.

“Hindi naman po ako pagod tay.” Tugon ko naman dito. Astig talaga ang nanay at tatay ni Maldita sobrang bait ng mga ito taliwas sa isang yon na hindi lang ako sinungitan kanina nag-walkout pa.

“Wil, tawagin mo nga ang kuya Alex mo sabihin mong ikuha nang damit itong si Dave nang makaligo na.”

“Ako nalang po tay.” Presenta ko naman. Pagkakataon ko nang makita ulit ito para makahingi nang despensa.

Tinungo ko nga ang kwarto kung saan sabi ni Wil ay natutulog daw si Alex. Alam kung sinadya nitong mag-kulong sa kwarto para iwasan ako. Minsan talaga natural na lang na lumalabas ang pangaasar ko na sa unang pagkakataon ikinainis ko.

“Alex?” Tawag ko sa kanya nang marating ko ang pintuan ng kwarto sinabayan ko pa iyon ng tatlong mahihinang katok.

Nakarinig ako nang ingay sa loob, doon ko napagtantong tama nga ang hinala kong hindi talaga ito natutulog kung hindi umiiwas lang sa akin.

“Alex?” Ulit ko pang pagtawag sa kanya.

“Anong kailangan mo?” Ang rinig kong wika nito sa loob ng kwarto hindi manlang ito nagabalang pagbuksan ako.

“Pwedi bang pumasok?” May bahid ng pakikiusap kong tugon. Hindi naman ako nabigo dahil ilang sigundo lang ay pinagbuksan ako nito.

“Anong kailangan mo?” Ulit nito na nakakunot na naman ang noo.

“Ah…eh… Galit ka ba sa akin?”

“Hindi.” Matipid nitong sagot.

“Galit ka eh. Sorry na.”

Napabuntong hinihinga ito.

“Hindi ako galit sayo Renzell Dave.” Iniwan ako nito pansamantala at tinungo ang naka sabit na tuwalya sa may cabinet. “Maligo kana, amoy pawis ka at amoy baboy kana.” Napangiti ako dahil ngayon wala na ang pagkakunot ng noo nito alam kong wala na itong tampo sa akin.

Inamoy-amoy ko naman ang sarili ko at kilikili ko.

“Oo nga noh, amoy baboy na nga ako.” At muli kong nakirinig ang tawa nitong talaga namang nagbibigay sa akin ng ibayong saya.

“Mabuti at alam mo. Sige na maligo kana isusunod ko nalang ang susuotin mo.” Tatawa-tawa pa nitong wika.

Itutuloy. . . . . . .

zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment