by: Zildjian
“Dito siya nakatira? Hindi halata ah.”
Ang wika ni Brian nang nasa tapat na kami nang bahay na tinutuluyan ni Alex.
Pinukol ko naman ito nang masamang
tingin.
“I-zipper mo yang bibig mo kung ayaw
mong dumugo yan.” Pagbabanta ko dito na tinugon naman nito nang pag-muwestra
nang pag-zipper nang kanyang bibig. Talagang may sayad ang isang to at hindi na
naging seryoso sa buhay.
Parang hindi ka katulad niya noh? Like
is known by like kaya nga kayo mag-kaibigan at mag-kasundo kasi pareho ang
ugali niyo. Kontra agad ng maligalig kong isip. Tama nga naman ito; ang
magnanakaw ang tinging makakakilala sa kapwa magnanakaw.
“Katukin mo na para matapos na
kalbaryo mo.” Wika nito nang mapansin sigurong medyo nag-aalangan ako.
“Dinadaga ka? Aba bago yan ah dinadaga si Renzell Dave Nivera.”
“Wag kang mangasar Brian wala ako sa
mood ngayon.” Asar kong wika rito sabay pakawala nang isang malalim na buntong
hininga.
Sasabihin kong dinadaga nga ako sa mga
oras na iyon. Hindi ko parin kasi alam kung ano ang unang sasabihin ko kay
Alex. Marami akong bagay na gustong sabihin at dahil sa sobrang dami ay tila di
ko alam saan magsisimula at kung paano ito umpisahan.
I’ve never been so sure in my life
until i met Alex. Ang dami kong hang ups, marami akong hindi alam sa mundo
dahil sa nakatali ang isip ko sa kambal at papa ko dahil noon ay tanging silang
dalawa lang ang tanging pinahahalagahan ko. But when i met Alex marami akong
naranasang kakaiba sa akin. Natuto akong matakot, natuto akong mag-alinlangan
at higit sa lahat natuto akong mag-mahal. Alex was the person who taught me to
take my chances and i want to take it with him kahit mali man iyon sa maraming
tao ay gagawin kong tama. Dahil iyon ang alam kong magpapasaya sa akin.
But how can I say all these things I
have in mind kung ayaw ako nitong kausapin. Papaano ko magagawang ipaalam sa
kanya ang nararamdaman ko if he won’t even give me a chance? Alam kong nasaktan
ko siya at handa akong mag-paliwanag sa kanya.
Nabalik lang ako mula sa malalim na pagiisip
nang marinig ko ang tatlong sunod-sunod na malalakas na katok ni Brian. Halos
mag-kandaugaga akong pigilan ito pero huli na ang lahat dahil bumukas na ang
pinto at bumungad sa amin ang mala demonyong anyo nang tiyahin nito.
Naka-daster lang ito at nasa buhok na naman nito ang mga kolorete na sa tingin
ko ay para pangkulot ng buhok.
Pinukol kami nitong nang tingin mula
ulo hanggang paa at nang siguro ay magustohan nito ang nakita ay ngumiti ito sa
amin. Ngiting alam mong may ibig sabihin o mas tamang sabihin na ngiting
pagkakaperahan. Sadya nga atang mukhang pera ang isang ito taliwas sa mama ni
Alex na ubod ng bait.
“Ano ang kailangan niyo mga iho?
Narito ba kayo para mag-hanap ng mauupahang bahay? Three thousand ang bawat
kwarto. Two months deposit at one month advance.” Agad nitong wika di pa man
kami nakakasagot sa unang tanong nito.
Walang duda mukhang pera nga ang isang
to.
Nakita kong bahagyang napangiwi si
Brian. Sino nga ba ang hindi mapapangiwi sa presyo ng kwarto nito na sa tingin
ko maski ang daga ay mahihiyang tumira. The place is a total mess halos isang
bagyo nalang ata eh bibigay na ito. Isama mo pa ang lugar na squatters area na
kahit ano mang oras ay pwedi i-demolish ang mga bahay na nakatayo doon.
“We’re looking for Alex, dito ba siya
nakatira?” Sabi ni Brian alam kong sinadya nitong hindi na mag-paligoy-ligoy pa
para makaalis na sa lugar na iyon.
Mula sa pagkakangiti ay gumuhit ang
galit sa mukha nang matanda.
“Kaya ba kayo nandito at nang-istorbo
sa ganitong oras ng gabi para lang hanapin ang baklitang Alex na yon? Wala na
siya dito, wala na rin lang siyang trabaho kaya pinalayas ko na. Masyado nang
maraming palamunin sa bahay na ito para dumagdag pa siya.” Mataray nitong wika.
Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila
nito kaya ako na ang sumagot rito.
“Mabuti naman kung ganun, hindi naman
talaga bagay sa isang tao ang tumira sa bahay nyo. Ewan ko nga ba kung bakit
may nagpapaloko sa inyong umupa diyan eh.”
“Abat bastos ka ah!” Galit na galit
nitong wika at nang akmang mag-sasalita pa sana ito ay muli akong nagsalita.
“Matanong ko lang, may business permit
ka ba sa pagpapaupa mo rito? Ingat-ingat lang baka bukas pulis na ang kumatok
sa pintuan nyo at hindi mo kayanin ang mga kasong pweding isampa sa inyo ng
gobyerno.”
Batid kong tinamaan ito sa mga sinabi
ko dahil bumakas ang pagpa-panic sa mukha nito. Hindi ata ito sanay na may mga
taong may alam sa mga ganoong bagay. Ikaw ba naman ang maging kambal ng isang
napakagaling na abogado kung hindi ka mahawa sa kapraningan nito pagdating sa
mga batas at legalidad.
“Naku ale, hindi maganda ang tumatakas
sa buwis, tiyak makukulong ka niyan.” Gatong pa ni Brian na sinamahan pa nang
isang nakakagagong ngiti. “Tara na pare, wala na pala ang irog mo dito baka
bumaho pa mga kamay natin kapag nagtagal pa tayo.”
Umalis nga kami agad sa lugar na iyon.
Napagdesisyunan naming puntahan si Red at tanungin kung may alam ito tungkol sa
bagong tinutuluyan ni Alex. Hindi naman kasi agad ito uuwi nalang ng
basta-basta lalo pa’t alam kung ayaw na ayaw nitong maging pabigat sa mga
magulang niya.
“Imbes na sayangin mo ang oras mo sa
pag-iisip bakit hindi mo subukang tawagan ulit?” Wika ni Brian. Ito ang
nagmaneho nang sasakyan sa mga oras na iyon.
Para naman ako puppet na sumunod dito
ngunit sa muling pagkakataon bigo na naman ako nakapatay parin ang cellpohone
nito.
“You’re hopeless. Ganyan ba talaga ang
mga taong nai-in love? Buti hindi pa ako na in love nakakatakot pala. He! He!”
Wika nito nang marinig ang buntong hininga ko.
“Mag-drive ka na nga lang diyan!” Asik
ko dito. “Bakit ba kasi sinisante pa nang mga kumag na yon si Alex eh.”
Paninisi ko sa mga ulupong na dahilan kung bakit hindi ko ngayon mahanap si
Alex.
“You can’t blame them. Negosyante ka
rin di ba? Alam mong kapag hindi na naging productive ang isang tauhan mo wala
kang choice kung hindi sisantehin ito kung ayaw mong maghirap. Hindi biro ang
na invest ng mga yon sa seventh bar at hindi rin biro ang posisyon ni Alex
doon.”
May point naman ang ugok na to. Ganun
na ba talaga ang naging epekto ko kay Alex para masisante ito. Lalo lang tuloy
nadadagdagan ang guilt ko sa mga nangyari.
“Lintik namang buhay to!” Ang naiwika
ko nalang sa sobrang frustration.
“Ay naku itong batang ito, anong
nangyari dito sa kwarto mo?” Wika ni nanay nang makita nito ang nagkalat na
bote sa loob ng kwarto ko.
“Pakilinis nalang po nay.” Tinatamad
kong wika sabay padapang humiga sa kama.
Mag-iisang linggo na mula nang
puntahan namin ni Brian si Alex sa bahay ng tiyahin nito kung saan ito umuupa
at hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita. Nang tanungin namin si Red kung
alam nito kung saan ang bagong tinutuluyan ni Alex ay hindi rin daw nito alam.
Halos araw-araw ko itong hinanap sa
lahat ng pwedi nitong puntahan o pag-apply-an ng trabaho mula sa mga bars sa
lugar namin pati na sa mga restaurants. Maski ang mall hindi ko pinalampas pero
hindi ko talaga ito mahanap.
Sumadya rin ako sa kanila
nagbabakasakaling umuwi ito pero maski ang mga magulang nito ay wala ring alam.
Ni hindi nga alam ng mga ito na wala na sa puder ng bayaw ko si Alex kaya para
hindi mag-alala ang mga ito ay sinabi ko nalang na galing lang ako sa kalapit
na bayan para sa isang meeting at naisipan kong dumaan doon para bisitahin sila.
Mabuti nalang at bumenta ang palusot kong iyon.
Sa loob ng isang linggo; pagsisisi,
pagaalala at pagkadismaya, ang lagi kong nararamdaman sa tuwing uuwi ako sa
bahay na bigo sa paghahanap sa kanya. Napunta lahat ng paninisi ko sa mga
ulupong na kaibigan ng pinsan at kambal ko dahil sa kung hindi sana nila
tinanggal si Alex hindi sana ako mahihirapan. Dahil doon ay hindi ako nagpakita
sa mga ito, pati sa kambal ko ay hindi ako nagpapakita o nakikipag-usap man
lang.
Sa mga kaibigan ko naman tanging si Brian
ang laging sumasama sa akin kapag wala na itong masyadong ginagawa sa family
business na iniwan ng mga magulang nito sa kanya.
Who would have thought na sa simpleng
pangasar ko noon sa maldita, arogante at higit sa lahat mataray na Alex na iyon
ay hahantong sa ganito. I admit no’ng una hindi ko alam kong ano ang gagawin ko
sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya. I tried to flirt with him maybe because
it is my way of denying the true feelings I have for him. Na-trigger niya ang
pagiging protective ko dahil sa nakita ko sa kanya ang kabaliktaran ko. Alex
and I were so different in many ways: kung ako ang malakas siya naman ang
mahina, kung ako ang mapang-asar siya naman itong ignorante.
Isa pa sigurong dahilan kung bakit pa
umabot ang lahat ng ito sa ganitong punto dahil natakot ako noon. I’ve never
been so attached to anybody except sa papa ko at sa kambal ko. Natakot ako sa
nararamdaman ko to the point na masyado akong naguluhan. Masyadong mabilis ang
nangyari sa amin ni Alex at lahat ng iyon ay bago sa akin. Natakot ako na baka
hindi ko pa pala siya tuluyang kilala at sa huli ay magkamali ako. It’s so easy
to say na handa ka na but once you got the chance to think about the thought of
committing yourself, nakakatakot pala.
Pero noong makita ko ulit si Alex doon
ko napagtanto na willing akong isugal ang lahat para lang sa kanya. Seeing him
talking to his ex made my mind cooperate with my heart. Doon ko napagtanto na
mas takot pala akong mawala siya sa akin, but it was already too late. Ngayon
hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin, halos nawawalan na ako ng
pag-asa.
“Tumayo ka diyan!” Ang naramdaman kong
malakas na pagyugyog sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na
pala ulit ako. Ilang gabi na rin na lagi akong kulang sa tulog sa sobrang
pag-iisip kay Alex. Ayaw ko mang aminin na karma na ata ito sa mga
pinaggagagawa kong kalokohan noon.
Pupungas-pungas kong inaninag ang
taong umistorbo sa pagtulog ko and I saw Dorwin giving me a discomforted look.
“Anong nangyayari sayo Renzell Dave?
Amoy beer ang buong kwarto mo. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi mo
rin daw tinatawagan si papa.”
Imbes na sagutin ito ay muli lang
akong dumapa sa kama sabay takip ng unan sa ulo ko. Wala akong balak na
kausapin ang kambal ko ganitong inis na inis ako sa ginawa ng asawa nito’t mga
kaibigan kay Alex.
“Kausapin mo ako nang matino Renzell
Dave. Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo. You’re in such
a huge mess.”
Hindi pa rin ako sumagot sa kanya,
rinig kong napabuntong hininga na lang ito.
“Galit ka ba sa akin dahil sa
tinanggal nila Red si Alex sa bar at hindi ko sila pinigilan? Is this the
reason why you are avoiding my calls?” Naramdaman ko nalang ang paggalaw ng
kama ko hudyat na umupo ito doon.
“I warned you about this Dave, hindi
ganito kadali ang relasyon na pinili mo. Naiintindihan ko kung bakit galit ka
sa amin pero sana rin intindihin mo na hindi lang naman dahil sa negosyo ang
rason kung bakit tinanggal ni Red si Alex. Alex needs time to think at hindi
makakabuti sa kanya kung mananatili pa siya sa bar.”
“So sinasabi mo ngayon na makakabuti
ang ginawa niyo?” Bigla kong sabat dito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na
sumagot ako kay Dorwin ng pabalang na walang halong biro. “Alam niyong si Alex
lang ang inaasahan ng mga magulang at kapatid niya at alam niyo rin kung gaano
kahalaga sa kanya ang trabaho niya. How can you say na you just did what is
best for him?”
“Don’t talk like kami ang mali rito
Renzell Dave. It is you who messed up his life.” May diin din nitong sagot.
“Mahal ko si Alex! Bakit ba ayaw mong
paniwalaan yon?”
“Paano mo kami mapapaniwala kung ikaw
mismo hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? You were hesitant before Dave.
Hindi mo ba naisip na baka iyan ang dahilan kung bakit mo nasaktan si Alex?”
“I broke up with Sonja. Isn’t it
enough proof?”
“Hindi porket nakipaghiwalay ka sa
girlfriend mo ay na prove mo na, na mahal mo siya. You need to show some effort
kung gusto mong paniwalaan namin, ni Alex, yang nararamdaman mo. Hindi kami ang
dapat mong i-convince about that Dave, kung hindi si Alex. Ask yourself, ano na
ang nagawa mo para kay Alex to make him believe na mahal mo talaga siya?”
I was caught off-guard sa huling
sinabi nito. Ano na nga ba ang nagawa ko para mapatunayan ko sa kanya ang
nararamdaman ko. We just simply kissed and I promised him na hihintayin ko ang
pagbabalik niya. Pero alam kong para sa kanya hindi ko natupad ang pangakong
iyon nang makita nito kami ni Sonja na magkasama.
“Hindi mo sinadya pero nasaktan mo
siya. Pina-asa mo si Alex, pinangakuan, at lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya …
the very reason why he got hurt. He felt betrayed.”
“Pero mahal ko siya Dorbs.” Sa mga
reyalisasyong iyon nakita ko ang pagkakamali ko. I was the person to blame sa
lahat ng nangyari. Hindi ko dapat isinisi sa kanila ang mga kamalian ko.
Oo, hindi ko pa nasabi kay Alex ang
tunay kong nararamdaman sa kanya at iyon ang malaking pagkakamali ko. Ang lakas
ng apog kong sabihin sa sarili ko na mahal ko siya kahit noong hindi ko pa
talaga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay hindi
lang dahil sa gusto mo ang isang tao o may nararamdaman kang kakaiba sa kanya.
Kailangan mo ring matutunan na ipaglaban ang pagmamahal na iyon. You have to
learn how to overcome your fears, take the risk and to take chances. Kapag
natutunan mo na ang lahat ng iyon that’s the time na pwedi mo nang sabihin na
nagmamahal ka. Being in love is not just enjoying the feeling and notion of
being in love but being with the other, having the responsibility and the sense
of accountability for the other because you love the person.
Mataman akong tiningnan ni Dorwin as
if he was reading what’s on my mind. Nang sumilay ang ngiti sa mga mata nito
alam ko nang naniniwala na ito sa mga sinabi ko.
“Kung sigurado ka na talaga diyan
prove it to him.” Wika nito sabay tayo at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Naiwan naman akong napatunganga.
How am I going to prove it kung hindi
ko siya mahanap? Sa naisip, ay doon lang nagsink-in sa akin ang lahat.
Agad akong napatayo sa kama at
patakbong lumabas ng kwarto. Alam kong alam nila Dorwin at ng ibang ulupong
kong nasaan si Alex.
Naabutan ko si Dorwin na patungong
kusina nang makalapit ako dito ay agad ko itong yinakap nang mahigpit, isang
gawain ko tuwing may hihingin akong pabor sa kanya.
“Dorbs, sabihin mo sa akin kung nasaan
si Alex, kailangan ko siyang makausap.” May bahid ng pasusumamo kong sinabi.
“Hindi ko maalala kong nasaan siya
eh.” Alam kong hindi ito nagsasabi ng totoo base narin sa ngisi nito sa mga
oras na iyon. “Pero kung kakain ka baka sakaling maalala ko.”
Sa sinabi nito ay napangisi na rin
ako’t napatango at magkasabay kaming pumunta sa kusina. Lalo naman akong
napangiti nang makitang adobo ang nakahandang pagkain sa lamesa. Doon ko
napagtanto kung gaano ako kamahal ng kambal ko kahit pa man lagi itong
asar-talo sa akin.
“Hindi porket ipinagluto mo ako nang
paborito ko ay palalampasin ko na ang ginawa niyong pagtago kay Alex sa akin.
Hindi biro ang ubusin ko ang lahat ng bar at restaurant sa lugar natin para
lang mahanap siya.” Tampu-tampuhan kong sabi.
“Nasabi nga sa akin ni Laurence at
Claude na dumaan ka raw sa Yolandas at hinanap si Alex doon.” Nakangisi nitong
sabi.
“Remind me to kill those two along
with your husband and his friends kapag naging okey na kami ni Alex.”
“Not because you’re a black belter ay
di ka kakayanin ni Red ko.” Nangaasar naman nitong wika. “And how sure are you
na patatawarin ka pa ni Alex?” May bahid ng panunubok nitong sinabi.
“Honestly, I’m not that sure but I
will do everything just to win him over. Kung kinakailangan kong ligawan ulit
ang malditang yon ay gagawin ko.”
“What if nauntog na siya?”
“Eh di i-uuntog ko ulit siya para
mabalik ang pagmamahal niya sa akin.” Nakangisi kong tugon rito.
“How about Sonja, natapos mo na ba ang
issue mo sa kanya? I don’t like the attitude of that girl mabuti naman at
natauhan ka sa isang ‘yon.”
“Tinapos ko na ang lahat ng meron kami
sa Manila pa. There’s no need for me to explain myself over and over. Alam na
niyang hindi ko na siya mahal.”
“But I can see that she still wants
you.”
“Yes, she wants me but she doesn’t
love me.”
“How about Alex?”
“He’s attracted to me physically.”
“And?”
“But he’s different.” Nakangiti kong
wika. Naalala ko kasi ang tagpo sa kwarto niya no’ng nasa baryo nila ako. “He
can’t seem to control his attraction to my gifted body.” Sabay tawa ko nang
malakas.
“Mas sabog ka pa yata kay Red.”
Napapailing nitong sabi. “Darating sa Airport si Alex ngayong hapon galing Manila.”
“Anong ginawa niya sa Manila?” Kaya
pala hindi ko ito mahagilap dahil sa Manila pala ito tinago nang mga kulugo.
“Siya ang pinaharap ni Red at Claude
doon para sa bagong negosyo nang dalawa.”
“So hindi niyo tinanggal talaga si
Alex?”
“Basically tinanggal na siya ni Red sa
seventh bar at kung hindi mo siya mapapaamo, he will be transferred in Manila
para hawakan ang bagong negosyo nila.”
“Walang hiya talaga ‘yang asawa mo,
gusto talaga akong pahirapan.”
“Gumaganti lang si Red sa ginawa mo sa
kanya noong palabasin mong nakipagtanan ako kay Niel.” Sabay tawa nito na para
bang nangaasar lang. “Maligo kana Renzell Dave kung ayaw mong maunahan ka ni
Red sa airport.”
“What the hell? Sabihin mong ako ang
susundo kay Alex. Teka anong oras ba?”
“No, hindi ko sasabihin kay Red dahil
magagalit yon na sinabi ko sayo ang totoo. And another no, hindi ko sasabihin
kung anong oras darating ang eroplano ni Alex para mahirapan ka. Bagay lang yan
sa ‘yo. Ha! Ha! Ha!”
Anak nang tupa! Kambal ko ba talaga
ito?
Itutuloy. . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment