Tuesday, December 25, 2012

Chances (14)

by: Zildjian

“Sa susunod na aalis ka wag mong kakalimutang mag-bilin para hindi masira ang ulo ko kakaisip kong sino ang papalit sayo sa mga iniwan mong plano.” Nagulat ako nang ang kambal ko ang mag-bukas sa akin ng pintuan. Nakakunot ang noo nito’t halatang galit.

“Ah.. ehh.. Good morning kambal.” Ginamit ko ang pamatay kong alas sa kanya para hindi ako nito tuluyang kitlan ng buhay.

“Kamusta ang bakasyon?” Sabat naman ni Red na nasa likod ng kambal ko. Nakangiti itong nakakagago halatang nangaasar ang kumag.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang ibaling ko ang atensyon ko kay Dorwin. Hindi parin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naiintindihan ko naman siya kong bakit galit na galit ito sa akin hindi nga naman kasi ako nagsabi kahit kanino na aalis ako tapos naiwan ko pa ang mga pending reports na hindi ko pa nababasa.


“Pweding kumain? Nagugutom na kasi ako eh.” Ang nawika ko nalang at sumilay sa akin ang kinakabahang ngiti. Kay papa ay hindi ako takot pero kapag si Dorwin na iba nang usapan iyon. Alam ko kung paano magalit itong kambal ko at yon ang gusto kong iwasan.

“Mag-uusap tayo mamaya Renzell Dave pagkatapos mong kumain. Na perwisyo mo ang trabaho namin ni Red dahil sa kapabayaan mo. You have your cellphone with you ano ba namang i-text mo manlang kami na hindi ka pala uuwi nang tatlong araw para na anticipate ko agad ang dapat kung gawin.” Mahaba nitong litanya. Ito na yon eh kapag ganitong galit na si kambal lumalabas ang pagiging abogado nito.

“Mahal, pagod sa byahe yan mamaya mo na sermonan kambal mo. Pakainin mo muna bago mo interrogate.” Nakangising wika ni Red na ang tingin ay nasa akin.

Mukhang tama nga ako. Hindi makakaligtas sa mga tsismosong unggoy na ito ang pagsama ko kay Alex. Oh well, alam kung matatalino ang mga ugok na ito at alam ko rin kong sino ang nagbigay ng impormasyon sa kanila kaya patay ka sa akin mamaya Brian.

“Wag ka nang tumanganga riyan at kumain kana. Puntahan mo ako sa kwarto ko pagkatapos mong kumain at marami kang dapat sabihin sa akin.” Parang tatay lang nitong sabi.

Ganyan mag-alala ang kambal ko sa akin at pustahan tayo uulanin ako mamaya nang sermon. Akalain mong sa edad naming ito nasesermunan pa ako nang kambal ko. Pero iyon naman talaga ang dahilan kong bakit mahal na mahal ko ito dahil sobra itong nag-aalala sa akin, hindi lang sa akin kung hindi pati kay papa na rin.

Oo nga pala si papa? Halos mapa-palatak ako nang sumagi sa isip ko ang mahal kong ama na kasalukuyang nasa ibang bansa para mag-pagamot. Masyado akong nawili sa presensya ni Alex na nakalimutan ko na ang papa ko.

“Dorbs…”

“Wag kang mag-alala ako na ang nag-explain kay papa kung saan ka nagpunta.” Walastik talaga itong kambal ko bukod sa magaling na ngang abogado bestfriend pa ata ni Madam Auring.

Hindi na ako umimik pa’t tahimik nalang na pumunta sa kusina kasama ang dalawang love birds para kumain. Hindi na kasi ako nakapag-agahan kanina sa bahay nila Alex dahil sa sobrang pagmamadali ko. Alas-kwatro palang ng madaling araw ng lisanin ko ang bahay nila na may ngiti sa mga labi dahil sa wakas alam ko nang nag-mamahal ako at kung hindi ako nagkakamali mahal din ako nang taong mahal ko.

Hindi ko maiwasang hindi mailang sa uri nang mga tingin ng kambal ko at nang asawa niya. Para bang may sinusukat sa akin na hindi ko mawari kung ano.

“So, bakit kayo nandito?” Nakangiti kong tanong sa kanilang dalawa para ipakitang hindi ako apektado sa mga nanunuri nilang tingin.

“Finish you’re breakfast and we will talk.” Agad na sagot ni Dorwin saka tumayo. “Puntahan mo ako sa kwarto ko pagkatapos na pagkatapos mong kumain.” Dagdag pa nito bago tuluyang lumabas ng kusina.

“Ano problema nun?” Di ko maiwasang maitanong kay Red.

“Isang hearing lang naman ang pina-move niya para maayos ang mga naiwan mong trabaho sa opisina niyo.” Nakangising wika ni Red.

Doon na ako napangiwi. Ang pinakaayaw ni Dorwin ay maiba ang schedule nang trabaho nito nang walang sapat na dahilan. Si kambal ang taong dedicated masyado sa trabaho niya kahit sino walang pweding makasira sa schedule nito kung ayaw mong masampahan ka nang kaso. Sa aming dalawa si Dorwin ang laging organize.

I’m dead. Di ko maiwasang maisambit sa sarili.

Kung pwedi lang akong tumakas ay kanina ko pa ginawa pero alam kong mahahagilap rin naman agad ako ni Dorwin since na pareho ang circle of friends namin. Kakaiba kasing mag-interrogate ang kambal ko parang NBI lang eh. As much as possible kasi ayaw ko munang ipalam kahit kanino ang tungkol sa nararamdaman ko. Marami pa akong bagay na dapat tapusin at isa na doon ay ang makausap ko si Sonja to be fair with her.

Tatlong mahihinang katok ang ginagawa ko sa pintuan ng dating kwarto ni Dorwin. Katabi ito nang kwarto ko no’ng hindi pa ito nakakabili nang sarili niyang bahay. Rinig ko ang mahihinang yabag papalapit. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni kambal.

“Kambs, wag kana magalit oh.” Gamit ang pamatay kong alas sa kanya ang nagpapaawang mukha.

“Stop it Renzell Dave. Pumasok ka’t mag-uusap tayo.” Wika nito.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya sa loob. Ok lang naman kung sasabihin ko kay kambal ang totoo ito lang naman talaga ang tanging taong napapagsabihan ko nang mga saluobin ko noon paman.

“Now tell me, where have you been?” Pagsisimula agad nito.

“Sa isang probinsya.”

“Sa probinsya nila Alex?”

Hindi na ako sumagot. Sabi nga nila silence means yes.

“Can you give me a satisfying reason why you didn’t inform me na mawawala ka nang tatlong araw.”

“Nawala sa isip ko Dorbs sorry.” Ang mahina kong sagot. Alam kong may kasalanan ako at alam ko ang point ni Dorwin. May sariling trabaho rin ito na naperwisyo dahil sa walang pasabi kong pagalis.

Rinig kong napabuntong hininga ito. Marahil ay tanda nang pagsuko at pagtanggap sa paliwanag ko. Ganon naman palagi si Dorwin basta’t pagdating sa akin madali itong mag-patawad.

“May sasabihin ka bas a akin tungkol sa inyo ni Alex?” Balik na naman sa pagiging seryoso ang boses nito. Alam ko namang kahit i-deny ko malalaman rin ni Dorwin ang totoo kaya napagisipan ko nalang na sabihin ang totoo sa kanya. After all katulad ni Alex half-half din si kambal kaya maiintindihan kami nito.

“I think I like him. No, not just like, I think I’m in love with him.” Ang walang ka-abug-abog kong pagamin sa kanya.

Alam kong nagulat ito sa sinabi ko base na rin sa ekspresyon ng mukha nito ngayon. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Nakangitin lamang ito sa akin na para bang nanghihingi nang mas malalim na paliwanag.

“Hindi ko alam kung paano nangyari basta’t naramdaman ko nalang na mahal ko na siya.” Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

“How sure are you na in love kana nga kay Alex? What made you think na in love kana sa kanya? May girlfriend ka Rezell Dave at hindi ang tipo ni Alex ang dapat mong pagtripan.”

“Hindi ko siya pinagtritripan.  Im in love with him at yun ang totoo!” Di ko maiwasang mapataas ang boses ko. Ayaw kong may nagsasabing pinagtritripan ko lang si Alex, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya at yon ang gusto kong paniwalaan niya at nila.

“Then what about your girlfriend? Kaya mo ba siyang hiwalayan para kay Alex?”

“Hihiwalayan ko siya.” May paninindigan kong sabi.

“Kaya mo bang pangatawanan iyang nararamdaman mo? Kaya mo bang masikmura ang mga sasabihin ng mga tao sayo, sa kanya? Kung sa tingin mo ay kaya mo ang mga iyon then I don’t have the right to stop you malaki kana alam mo na ang dapat at hindi. Pero kung hindi mo kayang ipaglaban yang nararamdaman mo then I suggest na layuan mo na si Alex habang hindi kapa nakakasakit ng tao.” Mahaba nitong sabi saka lumabas ng kwarto.

Napaisip ako sa mga sinabi nang kambal ko. Tama siya, I take it lightly ni hindi ko manlang inisip kong kaya ko nga bang panindigan ang magiging relasyon namin tulad ng nagawa nina Red, Rome at Niel.  Alam kong maraming taong kukwestyon sa relasyon namin kung sakali. Ang tanong kaya ko bang baliwalain ang lahat ng iyon? Paano kung hindi? Ano ang mangyayari sa amin ni Alex? Ano ang mangyayari sa kanya?

Kaya ko nga bang manindigan sa gano’ng uri nang relasyon?

Sa sobrang pagiisip at siguro sa pagod na rin gawa ng ilang oras na byahe mula sa probinsiya na anim na oras ang layo ay nakatulog ako sa kwarto mismo nang kambal ko. Hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong niyang iyon. Doon ko lang napagtanto kung gaano ka kumplikado ang gano’ng klaseng relasyon.

Alam kong mahal ko si Alex at alam kong malalim ang pagmamahal ko para sa kanya. Napatuyan ko na iyon sa sarili ko. Pero kahit paman alam kong mahal ko siya sapat ba ang pagmamahal na iyon para magawa ko siyang maipaglaban sa mga taong kukwestyon sa relasyon namin?

Kahit anong isip ko ay hindi ako makahapuhap ng sagot sa mga tanong ko. Hindi ko alam kung handa na nga ba akong pasukin ang gano’ng klaseng mundo.

Hindi ko pweding isisi kay Dorwin kung bakit nagkaroon ako ngayon ng pag-aalinlangan. Alam kung gusto lamang nitong masiguro ko sa sarili ko kung handa na nga ba ako. Kung kaya ko nga bang panghawakan ang kakaibang relasyon na papasukin ko.

Natatakot akong masaktan ko si Alex ayaw ko itong masaktan at lalong lalo na ayaw kong ako ang makakapanakit sa kanya. Ganun ko siya ka mahal, hindi ko siya kayang i-sugal.

Hindi ko na naabutan pa sina kambal at Red. Sabi sa akin ni nanay ay bumalik na raw ang mga ito sa bahay nila tutal nakabalik na ako. Doon pala sila tumuloy habang nasa baryo ako nina Alex. Hindi na ako tinantanan ng mga pinagusapan namin ni Dorwin halos sumakit na lang ang ulo ko pero wala akong makuhang sagot sa sarili kong katanungan.

How can be this relationship so complicated? Hindi ba pweding maging simple nalang ang lahat?

Wala akong ginawa buong araw kung hindi ang mahiga sa kama ko’t subukang makahanap ng sagot. Mauubos nalang ang buhok ko wala pa rin akong maisip. Pabalik-balik lang sa utak ko ang tanong sa akin ni Dorwin.

“Kaya mo bang pangatawanan iyang nararamdaman mo? Kaya mo bang masikmura ang mga sasabihin ng mga tao sayo, sa kanya?”

“Shit!” Napapalatak kong sabi sa sobrang frustration. Ayaw ko mang isipin ay pilit na pumapasok ang mga katanungang iyon sa aking isip.

“Renzell Dave.”

Hindi ko alam kung paano nangyari pero biglang pumasok sa akin ang boses ni Alex na sinasambit ang pangalan ko. Ang uri nang pagsambit nito na laging nagpapangiti sa akin at siyang dahilan ng pagririgudon ng aking puso.

Doon lang muling pumasok sa akin ang mga ala-ala namin ni Alex simula nang mag-kakilala kami. Ang mga pagusungit nito’t pagi-ignora sa akin, ang laging nakakunot nitong mukha, ang pagaalaga nito sa akin at pagpupunas ng pawis ko sa likod ko, ang malokong tawa nito at higit sa lahat ang pinagsaluhan naming maiinit na halikan.

“Alex...” Pagtawag ko sa pangalan niya na para bang sa pamamagitan nun ay  matutulungan akong mahanapan ng sagot ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Muli kong naramdaman ang pangungulila sa isang tao na nangyari lang noong mawala sa amin si mama. Hindi ko na talaga pweding maikaila pa mahal ko na si Alex at kahit ano pa mang sabihin ng mga tao tungkol sa amin wala na akong pakialam. Paninindigan ko ang pagmamahal ko sa kanya dahil alam kong siya ang hinahanap ng puso ko.

Sumapit ang sabado dalawang araw na ang nakakaraan ng makabalik ako sa lugar namin at sa nagdaang araw ay sinimulan kong tapusin ang mga bagay na naiwan ko noon. Mabuti nalang at nariyan ang kambal ko at ang bayaw ko na saktong pareho ang tinapos namin. Napagalaman ko sa sekretarya ni papa na ang mga ito ang tumapos sa mga bagay na kaya nilang tapusin maliban na lamang sa mga pipirmahang mga plano at mga reports dahil tanging ako lamang ang may kakayahang gawin iyon.

Sa dalawang araw ring nagdaan ay doon na buo ang desisyon ko, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Alex dahil iyon ang sa tingin ko ay tama at dapat kong gawin. Si Alex ang nagbigay ng kakaibang damdamin sa akin. Si Alex ang tanging taong gumulo sa tahimik at maligalig kong mundo. Sa kanya ko naranasan ang mga bagay na hindi ko alam na pwedi palang mangyari.

Dahil na rin sa ibinigay nito sa akin ang number niya ay panaka ko siyang tinatawagan kapag nakakaluwag ako sa sangkatirbang reports na nakapatong sa lamesa ko. Iyon lamang ang tanging nagbibigay sa akin ng dahilan at gana para tapusin ang lahat ng trabaho ko para sa pagbabalik niya ay mabibigyan ko siya nang sapat na oras. Balak kong pagbalik nito mula sa bakasyon ay yayain ko muli siyang umalis para makapag-solo kami’t mapagusapan ang tungkol sa amin.

Sinubukan kong tawagan si Sonja para makausap ito pero laging out of coverage ang cellphone nito kahit sa bahay nila ay sinubukan ko siyang tawagan ngunit laging ang katulong lamang nila ang sumasagot sa akin at laging sinasabing may shoot daw ito. Binalak kong lumuwas ng manila para puntahan ito’t pormal na makipaghiwalay.

“Oh Dave.” Bungad sa akin ni Red ng sadyain ko sila sa lungga nila nang kambal ko.

“Saan ang kambal kong masungit?” Nakangiti kong tugon sa pagbati nito.

“Nasa taas nagbibihis alam mo namang Saturday session namin ng barkada ngayon. Hintayin mo nalang at bababa na iyon.”

Hindi ko alam paano napanatiling malinis ang bahay na ito nang kambal ko. Ang alam ko kasi kahit pa man magaling itong abugado ay may kahinaan din siya at iyon ay ang paglilinis ng bahay. Ayaw na ayaw nitong naglilinis siya nang bahay kaya lagi itong napapagalitan ni papa noong mga bata pa kami.

“Kamusta si Alex?” Nakangisi na namang tanong ni Red. Marahil ay na kwento na ni kambal sa kanya ang napagusapan namin.

“Mataray pa rin.” Nakangisi ko ring sagot.

“Hindi ko akalaing seseryosohin mo ang sinabi mo noon.”

“Alin doon? Marami na akong nasabi simula bata pa ako.” Pangaasar ko sa kanya na tinawanan lang nito. Ito ang bagay na gusto ko sa personalidad ng bayaw ko cool lang ito parati na animoy walang problema kahit paman alam ko ang mga pinagdaanan nito noon. Bakit ko nalaman? Aba’t syempre kasabwat ako nang mga kaibigan nito nang itago namin si Dorwin sa kanya para paghandaan ang birthday niya. Para na itong ulol noon kakahanap sa kambal ko lalo na nang sabihin kong baka nakipagtanan na ito kay Niel.

“Kahit kailan gago ka talaga. Hindi ka makausap ng matino no wonder lagi kang nasusungitan ni Alex.” Tatawa-tawa nitong sabi.

“Paano ba mahalin ang mga katulad nila?” Ang bigla kong seryosong tanong sa kanya. Kung may tao man akong dapat pagtanungan tungkol sa nararamdaman ko kay Alex iyon ay si Red. Pareho ata ang guhit ng palad namin ng hunghang na ito ang ma in love sa masusungit na tao.

Gumuhit ang ngiti sa mga mukha nito sa tanong ko.

“Mukhang nakapagdesisyon kana.” Wika nito. “Kung hindi mo gagawing komplekado magiging smooth lang ang lahat pare. Tanggapin mo lang na nagmamahal ka at lahat ng nagmamahal walang batas na sinusunod.”

Anak ng teteng ano raw?

“Saang libro mo nakuha iyan nang mabasa ko’t maintindihan ko ang sinabi mo.” Sarkastiko kong sabi sa kanya na nginisihan lang nito.

“Paano mo nalaman na mahal mo na ang kambal ko?” Sunod kong tanong sa kanya nang makita kong wala itong balak na ipaliwanag ang sinabi niya.

“The time that when I accepted his worst. Kapag natanggap mo na ang lahat ng pangit sa kanya doon masasabing totoong nagmamahal ka nga.” Nakangiti nitong wika.

Ayaw ko mang aminin pero mukhang tama ang ugok na ito. No’ng iwan siya ni Dorwin para bigyan ng pagkakataon ang una nitong minahal ay malugod niya parin itong tinanggap dahil mahal niya ito. Sa totoo lang bumilib ako sa kanya sa ginawa niyang iyon dahil kung sa akin mangyayari ang bagay na iyon hindi ko alam kung kaya ko itong tanggapin.

“Wag mong masyadong pagisipan ang sinabi ko. Hindi ang klaseng iyon ang makukuha mo ang sagot sa isang minutong pagiisip lang. Eventually matututunan mo rin iyon on the process kaya easy lang.” Wika pa nito.

“Mukhang naligaw ka nang bahay Renzell Dave.” Biglang wika nang kambal ko na pababa na nang hagdanan.

Nginitian ko ito at binati.

“What brings you here?”

“I’ve decided to go to Manila to talk with Sonja.”

“Pinagisipan mo na ba nang mabuti iyan? Handa ka bang harapin….”

“Look Dorbs, I’ve made up my mind. Wala na akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao basta’t ang alam ko mahal ko si Alex at paninindigan ko ang pagmamahal na iyon.” Pagputol ko sa mga sasabihin niya.

“Paano si papa?”

“Alam kong maiintindihan niya ako.” May bahid ng kompyansa kong sabi. Dahil alam ko namang kahit sinong piliin naming mahalin ni Dorwin ay susuportahan kami nang aming ama.

Napabuntong hininga ito.

“In love na nga ang kambal ko.” Tila sumusuko nitong sabi na ikinangiti nang asawa nito. “Siguraduhin mo lang na hindi sasakit ang ulo ko sayo kung hindi ako pa mismo ang mag-papakulong sayong kumag ka.”

“Ano kaya ang magiging reaksyon nito ni Ace noh, at ng ibang barkada?” Ang nakangising wika ni Red.

“Tingan natin mamaya.” Tugon naman ng kambal ko na nakangiti na rin. “Kailan ang flight mo Renzell Dave?” Wika pa nito.

“Tomorrow, first flight. Babalik din ako agad sa hapon.”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment