by: Zildjian
Alexis
“So, kamusta ang ibigin ng isa sa mga
kambal Alex?” Ang nakangiting wika ni Laurence. Nasa welcome party kami ngayon
ng papa ni Dave at sir Dorwin.
“Kung gaano ka-ligalig ang isang yon
siya namang tino nito pagdating sa ‘yo.” Nakangising wika ni Francis. Ito ang
partner ng isa sa mga kaibigan ni Dave na si Niel. Pinaluwas pa talaga ito mula
sa Manila nang kanyang kasintahan dahil daw sa isa itong espesyal na araw para
best friend nito at dati naring kasintahan na si Dorwin.
“Hindi naman. Mabait naman si Renzell
Dave, sadyang may sayad lang talaga siya.” Balik kong sagot sa mga ito.
“Sa dalawang kambal na iyon kay Dave
lang nawawala ang katinuan ko.” Wika ni Laurence na sinamahan pa nito nang
pagtaas ng kilay habang nakaupo kami sa lamesang inihanda sa amin ng aming mga
maliligalig na partner. Busy ang magkakaibigan sa pakikipag-usap sa mga
business partners nila habang kami namang mga baguhan ay nakaupo lang at masaya
silang pinanunuod.
“Sakit sa ulo iyang si Dave sabi pa
nga ni Niel ko. Kaya nga iniiwasan ko lagi yan kapag nabibisita ako dito sa
lugar nila. Mas baliw pa siya kesa kay Brian at mas brutal.” Si Francis habang
umiiling.
Napangiti nalang ako nang pilit sa mga
ito. Alam ko naman may pinaghuhugutan ang mga komento nila dahil ako man ay
nakaranas din ng sayad ng kumag na Dave na ito. Nakakatawa nga lang isipin na
mahuhulog ako sa taong lubos kong kinaiinisan noon.
“At least ngayon may pagkakaabalahan
na siya. Nabawasan na tayo ng sakit ng ulo, sumaya pa si Alex.” Nakangiting
wika ni Laurence.
Kung tutuusin, dapat nakakarelate sa
akin si Laurence dahil tulad ni Dave mahirap ding espelengin ang ugali ni
Claude, ang mayaman nitong asawa.
“Tama!” Natatawang wika ni Francis.
“Mabuti na lang at nakinig ka sa mga payo ko sayo.” Baling nito sa akin.
“Oo nga eh. Kung hindi mo sinabing
umuwi ako dito at subukang bigyan ng pagkakataon ang ugok na ‘yon walang
mangyayari sa love life ko.” Nakangisi kong wika.
Ilang lingo na ang nakakaraan nang
maging kami ni Renzell Dave at napagtanto kong tama ang desisyon kung sumugal
kasama nito dahil ngayon ramdam ko na talaga na may taong nagmamahal sa akin at
kayang ibalik ang pagmamahal ko. Kahit may sayad pa ito.
Masaya ako sobra, dahil nakikita kong
tanging ako lamang ang binigyan ng pagkakataon ni Dave na makapasok ng tuluyan
sa buhay nito. Sa loob ng ilang lingo ay nakita ko ang mapagmahal na Renzell
Dave na hindi nakikita nang mga kaibigan nito. Call me crazy but I find it
sweet knowing na tanging sa akin lang nailalabas nito ang totoong siya.
“Malakas talaga ang tama mo sa isang
yon noh?” Nakangising wika ni Laurence na agad namang sinangayunan ni Francis
sa pamamagitan ng paghagikhik.
“Huh? Anong pinagsasabi niyo?”
Maang-maangan kong sagot kahit paman nakaguhit na sa mukha ko ang ebidensiya.
“Wag mong masyadong titigan yan at
baka maumay ka.” Nangaasar na wika ni Laurence.
Hindi ko pweding i-deny sa sarili ko
ang saya lalo pa’t ngayong nakikita ko ang taong mahal ko na masayang nakikipagkwentuhan
sa mga bisita’t mga pinsan nito. Napakasarap sa pakiramdam na kahit sa malayo
ay naipaparamdam pa rin nito sa akin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng
panaka-nakang pagsulyap sa akin at pagkindat.
“Nakakatuwa talagang tingnan ang mga kurimaw
na yan. Parang walang mga sayad lang ngayon kung makipag-usap sa mga kleyente
nila. Noong unang makilala ko ang mga yan hindi ko magawang mapaniwalaan na mga
seryoso sa buhay ang mga yan. Mga isip bata kasi.” Nangingiti ring wika ni
Francis.
“Sinabi mo pa. Mga ka-klase ko dati
ang iba sa kanila at ako man ay nabigla no’ng muli kaming magkita-kita. Sobrang
laki na kasi nang ipinagbago nila mula sa pagiging mga kingkoy at bully naging
makatao at makabansa na ang mga ugok at mga negosyante pa.”
“Nakita ko silang nagsimula hanggang
sa magkapamilya na ang iba sa kanila. Nakita ko rin kung papaano sila nasaktan,
umibig, masiraan ng bait at higit sa lahat nakita ko kung papaano nila
sama-samang hinarap ang lahat ng problema. One of a kind ang barkadahan ng mga
yan.” Nakangiti ko ring wika sa mga ito.
Kung may bagay man akong natutunan sa
mga dati kong amo ay iyon ay ang harapin ang problema nang walang takot. Totoo,
may mga problemang hindi mo kayang lampasan na mag-isa lang kaya kailangan mo
nang mga kaibigan na handang damayan ka sa lahat ng bagay.
“Masyado yata kayong seryoso diyan.”
Ang nakangiting wika ni Claude. “Misis, sabi nang mama ni Red masarap daw ang
mga luto mo. Sabi ko naman sa ‘yong hindi pagsasayang ng pera ‘yong mag-aral ka
ng culinary eh.” Baling nito sa kanyang asawa na siyang kinuha ni Attorney
Dorwin na magcater sa welcome party na iyon.
“Oo na, kunwari naniniwala ako sa
pambobola mo.” Nakangiting tugon naman ni Laurence dito na tinugon naman ni
Claude ng isang halik.
“Sweet naman!” Singit naman ni Niel.
“Kain na tayo babes nagugutom na si ako.” Halatang gumaganti ito nang
pangiingit na ginagawa nang dalawa.
“Hindi pa nga nagsisimula ang kainan
uunahan mo na ang mga bisita.” Ngingisi-ngising balik naman ni Francis dito.
“Ginutom mo kasi ako kanina.” Sabay
nakaw nito nang halik sa kanyang
kasintahan. “Alex, asan ang parents mo? Hindi niyo ba sila inimbitahan ni
Dave?” Balik nito sa akin.
“On the way na raw sila, ipinasundo na
ni Renzell Dave sa driver nila.” Tugon ko naman dito.
“Mukhang magiging masaya ngayong gabi
ah. Di ba pareng Claude?” Nakangising wika nito.
“Exciting pare!” Tugon naman ni Claude
sabay high five ng dalawa.
“Ano na namang kabulastugan ang
nasaisip niyo?” Si Laurence.
“Wala naman, may kaabang-abang lang na
magaganap mamaya.” Nakangiting wika nito na sa akin nakatingin.
“Layuan niyo si Alex kung ayaw niyong
lasunin ko kayong dalawa.” Biglang singiti ni Dave.
“Naks! Knight in shining armor ang
banat mo ngayon?” Pangaasar ni Claude dito na tinawanan naman ni Niel.
Hindi nito pinansin ang pang-aasar sa
kanya ng mga kaibigan.
“Alex, nasa labas na sina nanay at
tatay, halika salubungin natin sila.” May bahid ng paglalambing nitong wika.
“Yes! Magsisimula na rin ang kainan.”
Singit ni Niel.
Dave can be an asshole to his friends
pero pagdating sa akin sobrang sweet nito. Isang bagay na gustong gusto ko sa
kanya dahil pakiramdam ko tunay nga ang pagpapahalaga sa akin nitong
ipinapakita n’ya sa iba’t ibang pamamaraan.
Ilang lingo na mula nang maging kami
at paunti-unting nakikilala ko na nang tuluyan ang ugali nito. Hindi naman siya
mahirap intindihin tulad ng laging puna sa kanya ng mga kaibigan at mga pinsan
niya. Sadyang ayaw lang nitong ipakita ang ibang bahagi ng pagkatao niya sa
ibang tao.
Lumabas nga kami ni Dave para
salubungin ang aking mga magulang na talagang pinasundo pa nito sa probinsya
dahil gusto raw itong makilala ng kanyang papa. Naikwento daw niya rito kung
ang magandang pagtanggap ng mga magulang ko sa kanya no’ng magkasama kaming
pumunta sa bayo at manatili siya doon hanggang sa pista.
Gusto man ni Dave na sa kanila ako
tumuloy mula nang maging kami ay hindi ako pumayag. Nahihiya ako sa sasabihin
ng papa nito at ng kanyang kambal. Kaya napagdesisyunan naming dalawa na habang
hindi pa ako nakikilala nang kanyang papa at hindi pa nabibigyan ng basbas ang
relasyon namin nito ay hindi kami titira sa iisang bubong. Respeto ko na rin sa
kanyang magulang at kapatid.
Ngayong gabi ang nakapagkasunduan
naming araw para maipakilala ako sa papa nito at kanina pa kumakabog ang puso
ko sa sobrang kaba. Sino ba ang hindi kakabahan kung ipapakilala kana sa
magulang ng taong mahal mo.
“Mabuti naman at nakarating kayo nay,
tay.” Nakangiting bati nito sa mga magulang ko na sinamahan pa nito nang
pagmano.
Bakas sa mukha ng mga magulang ko ang
hiya. Hindi ko nga alam kong papaano napilit ni Dave ang mga ito na mapapunta
sa party na iyon. Huli ko na ngang nalaman na may inutusan na itong driver para
sunduin ang mga ito.
“Masyado atang maraming tao anak.” May
bahid ng hiya at pag-aalangan na wika ni nanay dito na ang tingin ay nasa loob
ng gate ng bahay ng mga Nivera.
“Kung hindi lang sa sinabi mo hindi
talaga ako sasama rito anak nakakahiya.” Wika naman ni tatay.
“Naku tay huwag kayong mahiya sa mga
yan wala silang panama sa inyo.” Nakangiting biro nito na kinagat naman ni
tatay dahil sa napangiti rin ito. Masasabi kong magkasundo talaga ang dalawa.
“Anak, ano ba naman iyang suot mo
bakit na gusot yan.” Wika ni nanay sa akin saka marahang inayos ang nagusot kong
¾ na polo.
“Nagpapanic po yan kanina pa kaya iyan
ang kinalabasan.” Nakangising wika ni Dave na tinugon ko naman ng pagtaas ng
kilay dito. “Tara na sa loob at kanina pa kayo hinihintay ni papa at mga tita
ko.” Wika nito at sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.
Ang buong akala ko ay kami lang nina
nanay at tatay ang mag-sasama-sama sa isang mesa ngunit sadya atang gusto
talaga akong i-torture ng mokong na ito. Kasama namin ngayon sa mesa ang papa
nito, mama ni sir Red, at syempre ang kambal niya at ang partner nito.
“Kayo pala ang magulang nitong si
Alex, nabalitaan ko kay Dorwin na sa inyo daw napadpad ang isa sa kambal ko,
mabuti at hindi naging pasaway sa inyo si Dave.” Pagsisimula nang usapan ng
papa nito.
“Papa naman.” Angal naman ni Dave dito
na animoy nahiya pa.
“H-Hindi naman sir. Sa katunayan
napakabait na bata nitong si Dave.” Ang mahiya-hiyang tugon ni nanay dito.
“Masyado naman ata tayong pormal.”
Nakangiting wika nang papa nito. “Ruben nalang, ipinasadya ko talaga kayong
ipinasundo para makilala ko kayo nang personal. Sabi nitong anak ko malugod
niyo raw siyang tinanggap sa bahay niyo at nagpapasalamat ako ng lubos sa
inyo.”
“Walang ano man.” Tugon naman ni tatay
dito. “Hindi mahirap na bisita ang anak mo, sa katunayan ay tumutulong pa ito
sa amin.”
Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng
papa ni Dave animoy hindi ito naniniwala sa kanyang mga narinig. May
pagtatanong itong napatingin kay Dave na tinugon naman nito nang pagkamot sa
ulo na parang nahihiya.
“Tulad ng ano Tonio? Hindi ko alam na
matulungin pala itong si Dave ko. Ang alam ko magaling sa pagrereklamo ang
isang ito.” Nakangising wika nito na ang tingin ay nasa kay Dave halatang
sinasadya nitong biruin ang anak.
Nakita kong lihim na humagikhik ang
kambal nito at si sir Red. Mukhang tuwang-tuwa ang dalawa sa nangyayari pero
agad itong tumigil nang pukulin sila nang masamang tingin ni Dave.
“Masyado mo naman akong pinapahiya sa
kanila papa nakakatampo ka na.” Tampu-tampuhan nitong wika na dahilan para
tuluyang humagalpak ng tawa si attorney Dorwin.
“Papa, wag mong masyadong asarin si
Dave sensitive yan ngayon.” Wika ng kambal nito.
“Binibiro lang kita anak ito naman.”
Ngingiti-ngiting wika nang papa nito.
Napangiti kami sa nangyayaring kulitan
ng tatlo makikita mo talaga na mahal na mahal ng mga ito ang ama nila. Kahit
ang mama ni sir Red ay napapangiti sa mga nangyayari. Walang mag-aakalang may
ganitong side ang matinik na abogado at maangas na enhenyerong ito.
“So, ready to tell me the big secret
anak?”
Doon muling kumabog ng malakas ang
puso ko dahil sa muli ko na namang naramdaman ang sobrang kaba. Nabaling ang
tingin sa akin nina sir Red at attorney Dorwin nakangiti sa akin ang mga ito na
sinuklian ko naman ng isang kabadong ngiti.
“About that pa, hmmmm..” Wika nito at
saka inabot ang kamay ko sa ibabaw nang mesa. Ang mainit na palad ni Dave ang
pinagkuhanan ko ng lakas ng loob sa mga oras na iyon. “Nakita ko na ang taong
mamahalin ko at aalagaan ko.”
Kita kong napatingin ito sa
magkahugpong naming mga kamay bago pabaling-baling na tumingin sa amin ni Dave.
Pagkalito at pagkabigla ang nakikita kong reaskyon sa mga mata nito.
“I know this is not what you dreamed
for me pero di ba ikaw din ang nagsabi sa akin na kung saan ako masaya doon
ako? Alex is my happiness pa, maraming mga nangyaring kakaiba sa akin no’ng
umalis ka para magpagamot at isa sa mga iyon ay ang magmahal ako nang tulad ni
Dorwin.” Walang ka abug-abog na pagtatapat nito sa kanyang ama.
“Dorwin?” Ang tila paghingi nang
paliwanag ng papa nito sa kanyang kambal.
“Hindi ko sinabi ang tungkol sa bagay
na ito sayo pa dahil sa tingin ko si Dave ang dapat magsabi nito sa iyo.”
Muling napatingin ito sa amin na
animoy sinusuri ang lahat ng pwedi nitong makuha. I can tell na masyado itong
nabigla sa nabalitaan at naiintindihan ko naman ito. Kahit naman kasi sinong
ama ay mabibigla kong ang inaasahan mong anak na magbibigay sayo nang apo ay
heto’t lalaki na rin ang nagustuhan.
Hindi ko magawang makipagtitigan dito
gawa ng hiya. Nahihiya ako dahil ako ang dahilan ng pagkasira nang mga pangarap
nito sa kanya anak.
“Alex iho?” Pagtawag nito sa akin.
Napilitan akong harapin ito mata sa mata. “Renzell Dave is not the typical guy
na pwedi mong makasalamuha araw-araw. May ugali ang anak kong ito na hindi
kayang intindihin ng ibang tao.” Seryoso nitong wika sa akin.
Naintindihan ko naman ang sinabi nito.
Alam kong hindi ganun kadaling intindihan ang ugali ni Dave ang hindi ko lang
makuha ay kung saan papunta ang mga sasabihin nito.
“I made a mistake once.” Bakas sa
mukha nito ang lungkot. “And I don’t make the same mistake again dahil matanda
na ako.”
Wala akong makitang emosyon sa mga
mata nito kung hindi ang pag-aalala at
sigurado ako kung para kanino ang pag-aalalang iyon. Para sa kanyang anak.
“N-Naiintindihan ko po kayo sir.”
Kabadong sagot ko.
“Tulad ng mga magulang mo, mahal ko
ang mga anak ko. Ang tanging bagay lang naman na gusto naming mga magulang niyo
ay ang masigurong kapag wala na kami ay may taong mag-aalaga sa inyo. Rezell
Dave can be as hard headed as he wants to be. Sobrang matigas ang ulo niyang
anak ko. Hindi mo pweding ipilit sa kanya ang mga bagay na ayaw niya.”
Rinig kong napahagikhik si attorney
Dorwin sa tinuran ng ama nito.
“Wag kang tumawa Dorwin dahil isa
karing matigas ang ulo.” Saway ng ama nito. Para silang mga batang
pinapangaralan ng kanilang ama sa hitsura nilang dalawa sa mga oras na iyon.
Walang dudang tanging ito at ang mga taong pinayagan lamang nilang makapasok sa
buhay nila ang taong pweding mag-control sa kanilang dalawa.
“Alam ko pong mahirap paniwalaan ang
sasabihin ko at naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo.” Hindi ko alam kung
saan nanggaling ang lakas ng loob kong iyon para mag-salita. I also have to do my part. Hindi lang puro si
Dave ang laging sasalo sa akin sa mga sitwasyon na tulad nito. Partners kami we
have to work together to make this all work.
Agad namang napako ang tingin ng mga
ito sa akin. Maski ang mga magulang ko ay napatingin na rin sa gawi ko. Kita ko
sa mukha nila ang encouragement na ipaglaban ko ang gusto ko at iyon ay si
Dave.
“Matigas ang ulo ni Dave alam ko po
yon pero sapat na po ang pagmamahal ko sa kanya para intindihin siya. Hindi ko
babaguhin ang kinagawian niya dahil doon siya komportable. Ang tanging magagawa
ko lang ay bawasan ito.”
“I love Alex pa, to the point na kaya
kong baguhin ang mga nakasanayan kong ugali para lang maiwasan ang masaktan
siya. I want to proctect him just like what you always do to us. I want him to
be happy… with me.”
Tila parang musika sa aking pandinig
ang mga sinabi nito. Renzell Dave is really is sweet in his own way kaya siguro
nahulog ako sa mayabang, mapangaasar at higit sa lahat mapagmahal niyang ugali.
Napabuntong hininga ito sa mga narinig
at natahimik na tila ba malalim ang iniisip.
“Papayagan ko ang relasyon niyo sa
isang kondesyon.” Maya-maya’y wika nito. “Dito kayo sa akin maninirahan at
hindi kayo bubukod ng bahay hanggang sa mamatay ako.”
Agad na gumuhit ang ngiti mukha nang
mag-kambal. Pati si nanay at tatay ay napangiti na rin.
“Ayaw mo lang palang magpaiwan dito
pinahirapan mo pa ako.” Wika ni Dave. Bakas sa mukha nito ang saya.
“Wala akong balak mag-isa sa bahay na
ito. Ngayon, kung hindi niyo ako mapagbibigayan eh di kalimutan niyo na ang
basbas ko.”
“Hindi ka parin talaga nagbabago
Ruben.” Wika ng mama ni sir Red na nakangiti. “Iyang ugali mo ang nagustuhan
sayo ng mama nila.”
“Marta, Tonio, huwag sana kayong
magalit sa kondisyon ko sa dalawa. Gusto ko lang sulitin ang natitirang buhay
ko sa mga anak ko. Huwag kayong mag-alala itra-trato ko si Alex bilang isa na
rin sa mga anak ko.”
Renzell Dave
“Himala! Nagsawa kana ba kakabuntot
kay Alex at naisipan mong mag-paramdam?” Nakangising bati ni Brian sa akin.
“Hindi ko pagsasawaan ang isang yon
kaya wag kanang umasa pa.” Tugon ko naman dito.
“Ang akala namin magiging maganda ang
matali kana dahil makakapagpahinga na kami sa sayad mo pero mukhang nakakamiss
karin pala pare.” Wika naman ni Chuckie.
“Hindi ko kayo na-miss.” Tugon ko
naman dito na tinawanan lang nito.
“So, what brings you here? Akala ko ba
nasa Manila ka?” Si Brian.
“Kadarating ko lang.” Walang gana kong
tugon dito.
“Si Alex asan?”
“Pauwi palang galing probinsya nila.”
Kanina pa ako asar dahil sa hindi
manlang ako nito tinext simula kahapon. Kung hindi ko pa ito tinatawagan hindi
ko malalaman na umuwi pala ito nang probinsiya. Ang masama pa, hindi ito
nagpaalam sa akin na luluwas siya sa baryo nila.
Kadarating ko lang galing Manila ako
ang inutusan ni papa na makipag meeting sa mga bagong kleyente namin doon at
ngayon dahil sa asar ako naisipan kong sa mga barkada ko mag-palamig imbes na
mag-pahinga sa bahay.
Ika-pitong buwan na nang relasyon
namin ni Alex at sa loob ng pitong buwan na iyon ay naging masaya ako sa piling
nito. Ngayon lang ako naasar dito dahil sa hindi nito pag-papaalam sa akin na
hindi naman nito gawain.
“May LQ?” Nangaasar na wika ni Niel.
“Huwag niyo akong asarin at baka sa
inyo ko ibuhos ang galit ko.” May bahid ng pagbabanta kong sabi.
“Saan galing ang galit mo? Share mo
naman sa amin.” Malokong wika ni Brian.
“Hindi ko naman siya pinagbabawalang
bisitahin ang mga magulang niya sa probinsya. Ang sa akin lang naman sana
mag-paalam siya sa akin. Kung hindi pa ako tumatawag di ko pa malalaman na wala
pala akong Alex na madadatnan paguwi ko.” Tila pagsusumbong ko sa mga ito.
“Tinanong mo ba siya kung ano ang
rason at bakit di siya nakapag-paalam sayo?” Si Chukie.
“Yes, at ang rason niya ay mamaya ko
pa raw malalaman pagdating niya.” Walang gana kong tugon dito.
“Ayon naman pala eh. Hintayin mong
mag-paliwanag ang tao bago ka umusok sa galit diyan. Im sure Alex has his
reason kung bakit siya di nakapagpaalam sayo.” Si Niel.
“Bakit kailangan ko pang mag-hintay
kong pwedi naman niyang sabihin sa akin over the phone?” May bahid ng pagkaasar
kong wika.
“Stupid.” Wika ni Chuckie. “Mas
madaling mag-paliwanag kapag kaharap mo ang taong pagpapaliwanagan mo. Alam ni
Alex na hindi uubra sayo ang paliwanagan gamit ang telepono dahil matigas ang
ulo mo. Kaya para maisalba niya ang sarili niya na ulitin ang mag-paliwanag
sayo pinili nalang niyang hintayin mo siya so he can personaly explain to you.”
“Tumpak ka pareng Chuckie!” Wika naman
ni Brian. “Kung ako sayo umuwi kana at doon mo hintayin ang irog mo sa kwarto
niyo.” Nakangising baling nito sa akin.
Sakto naman sa sinabi ni Brian ng
makatanggap ako nang text galing kay Alex at nasa bahay na raw ito. Dali-dali
na akong umalis para makausap ito. Sa totoo lang na miss ko ang pagiging
maldita at malambing nito. Limang araw ko rin itong hindi nakita, nayakap at
nakatabing matulog dahil sa lintik na mga meetings ko sa mga kleyente namin.
Gusto ko mang isama si Alex sa akin ay hindi pwedi dahil sa may trabaho rin
itong kailangang tapusin.
Halos paliparin ko ang sasakyan mula
sa bahay nila Brian pauwi. Naiinis ako kay Alex dahil sa hindi nito pagpapaalam
sa akin pero mas lalo namang nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya.
Nang dumating ako sa bahay ay hindi na
ako nagabala pang ipasok sa garahe ang sasakyan masyado na akong sabik na
makita ito para mag-sayang pa nang oras. Naabutan ko ito sa sala na nakaupo
marahil ay hinihintay ako.
Humalukipkip lang ako sa may main door
na animoy hinihintay itong mag-paliwanag. Kunyari galit ako sa kanya kahit
paman sa loob ko gusto ko na itong yakapin at halikan.
Inilabas nito sa bag niya ang laptop
na ibinigay ko sa kanya bilang regalo sa nagdaang birthday nito. Gusto ko sanang mag-tanong kong ano ang
gagawin niya pero pinili kong hintayin ang susunod nitong hakbang.
Ilang sandali lang ay tumayo na ito
bitbit ang laptop niya at lumapit sa akin sabay iniharap sa akin ang screen ng
laptop.
“Nag-sent ako sayo nang message sa
facebook mo dahil hindi kita ma-contact kahapon siguro nasa meeting ka at dead
spot ang kinalalagyan mo. I-login mo ang facebook mo para makita mo ang message
ko.”
KInuha ko sa kamay nito ang laptop
pero hindi na ako nagabala pang mag-login. Alam ko namang nagsasabi ito nang
totoo.
“You could have atleast try again to
call me. Alam mo namang minsan lang ako mag-open ng fb kapag nasa travel ako di
ba?”
“I did, been calling you couple of
times kaso out of coverage ang phone mo hanggang sa mag-empty nalang ang phone
ko.”
“Bakit hindi mo ako tinext manlang ng
makarating ka sa baryo?” May bahid ng pagtatampo kong sabi.
“Blackout doon hanggang kaninang hapon
kaya ngayon lang ako nakapagcharge. I was about to call you pero naunahan mo
ako.”
“Sana hinintay mo nalang akong makauwi
para sabay tayong bumisita kina nanay at tatay. Hindi kana sana nag-bus papunta
doon.”
“Weekend, na bored ako dito sa bahay
kaya naisipan kong dalawin nalang muna sila habang nasa Manila kapa. Sorry na.”
May bahid ng paglalambing nitong sabi.
“Ayaw ko nang sorry mo.” Wika ko sabay
bigay dito nang isang pilyong ngiti. Hindi ko talaga kayang magalit dito.
Napatawa narin ito sa kolokahan ko.
“Mahalay ka talagang tao ka. Mamaya na
yang mga binabalak mo paghahanda muna kita nang pagkain dahil paniguradong
hindi kapa kumakain.”
“Iyan ang na miss ko sayo habang nasa
Manila ako.” Malambing kong wika dito sabay nang pagkabig ng batok nito para
bigyan siya nang halik. “Maliligo nalang muna ako habang naghahanda ka nang
pagkain para ready na ako mamaya.” Dagdag ko pang wika nang mag-hiwalay ang
aming labi.
Hindi ako nagsisisi sa taong pinili
nang puso kong mahalin dahil ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. Maldita
siya minsan oo, pero dahil din sa pagiging maldita niyang iyon ay nagulo niya
ang isip ko na humantong sa pagmamahal ko sa kanya.
Wala na akong hihilingin pa. Nasa akin
na ang lahat ng bagay na hihilingin ng lahat ng tao. Kontento na ako sa buhay
ko kasama ang mga taong mahal ko. It was the right choice taking my chances
with Alex hindi lang ako nito pinapasaya araw-araw, nakuha rin nitong gawing
kompleto ang buhay ko.
“Tulad ng promise ko sayo
mag-babakasyon tayo next weekend para ma-i-celebrate natin ang monthsary nating
dalawa.” Malambing ko wika dito na sanamahan ko pa nang mga damping halik sa
labi nito.
“Saan naman tayo pupunta ngayon?”
Tugon naman nito sa akin.
“Saan mo ba gusto?”
“Hmmmm… hindi ko alam eh. Wala akong
maisip.”
“Saka na natin isipin yan marami pa
naman tayong oras. Sa ngayon makiki-round two muna ako.” Nakangisi kong wika na
ikinahagikhik naman nito.
“Kahit hanggang round five game ako
ngayon. Na miss kasi kitang pilyo ka.”
“Ows? Walang bawian yan ah. Tara
simulan na natin at baka abutan tayo nang sikat ng araw.” Wika ko at muling
naghinang an gaming mga labi.
Mula sa banayad na halik ay naging
mapusok, mapangangkin ang mga halik ko sa kanya dahil na rin siguro sa sobrang
pagkamiss ko rito. Hindi naman ako nito binigo at tinumbasan naman niya ang mga
halik kong iyon. Nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa aking likod at sa
bawat haplos nito sa akin ay nagbibigay ng kakaibang kiliti sa aking buong
katawan.
Halos mawalan ako nang bait ng
magsimulang mag-lakbay ang dila nito pababa. Bagay na kahit na sinong babae ay
hindi pa nagagawa ang ganitong pagpapasarap sa akin lalo na nang maabot nito
ang maselang parte ng katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapasabunot sa
kanya at mapaungol sa ginagawa nitong pakikipaglaro sa alaga ko. Alex never
fails to give me the pleasure that will satisfy me. Muli ko siyang iginaya para
muling mag-lapat ang aming mga labi.
“Hindi mo talaga ako binibigo kahit
kailan.” Nakangisi kong wika dito nang mag-hiwalay ang aming mga labi.
“I have to satisfy you para hindi kana
mag-hanap ng iba.”
“Kahit kailan hindi kita ipagpapalit
sa iba kasi mahal kita.”
“Bolero ka talaga.” Basag nito sa
paglalambing ko.
“Ready na ikaw baby maldita?” Pilyo
kong sabi.
“Always naman akong ready basta ikaw
ang partner ko.” Ganting panunukso nito sa akin.
“Good!” Wika ko at sa isang iglap ako
na ang nakaibabaw sa kanya.
Ibayong saya ang naramdaman ko nang
malaman na ako ang unang naka angkin sa kanya. Sa akin lamang niya
ipinagkatiwala ang buong katawan niya. Wala naman sa akin kung may nakauna na
sa kanya dahil hindi iyon mababago ang pagmamahal ko kay Alex pero tuwa ang
naramdaman ko na ako pala ang una nito.
Dahan-dahan walang pagmamadali ang
aming mga galaw. Alam kong nahihirapan parin itong tanggapin ang kabuuhan ko
pero lagi kong sinisigurado na hindi lang ako ang maliligayahan sa bawat
pagtatalik namin. Ipinadadama ko sa kanya na sa bawat galaw ko ay naroon ang
pagiingat at pagmamahal dahil alam kong iyon ang bagay na matagal na niyang
inaasam at ako ang taong nakatakdang mag-bigay ng mga iyon sa kanya.
“I love you baby Maldita.” Masuyo kong
wika.
“I love you more kumag.” Tugon naman
nito sa akin at pareho kaming napahagikhik.
Maraming tao sa mundo ang takot
sumugal sa pagibig, dahil takot tayong masaktan at makipagsapalaran. Ako man ay
natakot rin noon pero kung nagpaalipin ako sa takot ko hindi ko makukuha ang
taong mahal ko. We have to learn to take some risk dahil kung hindi tayo
susubok hindi natin makukuha ang gusto natin. Huwag tayong matakot na masaktan
dahil doon tayo natututo. Wag tayong matakot na sumugal kung sa tingin mo worth
it ang taong iyan to take chances with.
-----Wakas-----
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment