by: Zildjian
Ilang minuto na akong tulala sa loob
ng kitchen room kung saan ako nagtago sa dalawang taong nanakit sa akin ng
sobra. Gusto ko mang umiyak ay hindi ko magawa sa sobrang galit at
panhihinayang. Hindi ko ito naramdaman noon kay Ian ng hiwalayan ako nito dahil
noon paman alam ko nang ako nalang talaga itong nagpupumilit sa sarili ko sa
kanya. Pero itong kay Dave, ibayong sakit ang naramdaman ko dahil sa umasa ako.
Umasa akong siya na ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong mag-mamahal
sa akin ng totoo. Ang taong mag-paparamdam sa akin na importante ako pero wala,
tulad rin ito ni Ian na sarili lang niya ang iniisip niya.
Hindi ko naman hiniling na paibigin
niya ako. Siya itong nagpumilit na lumapit sa akin at guluhin ang mundo ko at
ako naman itong tanga hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko. Hinayaan ko ang
sarili kong mag-mahal ulit sa maling tao. Hindi na ako nadala sa karanasan ko
kay Ian. Umulit pa talaga ako. Sadya nga atang tanga ang puso ko. Lagi nitong
pinipiling ibigin ang mga taong hindi naman karapatdapat.
Alam kong hindi lang si Dave ang dapat
kong sisihin sa ka-mesirablehan kong ito kung hindi pati ang sarili ko mismo.
Dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog na naman sa maling tao.
“Si sir Alex?” Ang wika nang isa sa
mga waiter namin habang nakadungaw ang ulo nito sa pintuan ng kitchen room.
Nakita kong inginuso ako nang aming
kusinero bilang pagsagot nito. Alam kong may pakiramdam ito na may mali sa akin
dahil hindi naman talaga ako mahilig tumambay doon lalo’t maraming tao sa
labas. Alam ng mga tauhan namin kung gaano ako ka dedicated sa trabaho ko dahil
sa ayaw kong mapahiya sa mga amo kong tumulong sa akin. Nasanay ang mga itong
lagi akong aktibo pero ngayon, kung pwedi lang sana na hindi na ako lumabas ay
gagawin ko.
“Sir Alex, hinahanap ho kayo sa labas
ni sir Red.” Sa narinig ay agad na bumalik ang katinuan ko. Nasa trabaho ako at
dapat kong gawin ang trabaho ko. Hindi ko dapat idinadamay ang bar sa personal
kong problema dahil ito ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko sa probinsiya.
I composed myself. Nagpakawala ako
nang isang malalim na buntong hininga bago ibinaling rito ang aking atensyon.
Bakas ang pagtataka at pagaalinlangan nito sa kanyang mukha. Being the manager
ay binigyan rin ako nang kapangyarihan ni sir Red sa bar na iyon na sobra kong
ipinagpasalamat. Alam kung bihira lang ang binibigyan ng pagkakataon na ganun
lalo pa’t noong i-assign ako nito ay hindi pa ako tapos sa kurso ko.
“Sige, susunod nalang ako sa labas.
Medyo nahilo lang ako kaya nagpahinga ako rito.” Pagsisinungaling ko.
Hindi ko hahayaang mawala ang tiwalang
ibinigay sa akin ni sir Red dahil lang sa isang taong makasarili na walang
ibang gusto kung hindi ang mapatunayan niya sa sarili niya na kaya niyang ma
kuha ang lahat. I thought Dave was different, iyon siguro ang dahilan kong
bakit sobrang sakit ang naramdaman ko nang malamang lahat ng ipinakita nito sa
akin noon ay puro pagkukunwari lang para mabawi nito ang natapakan niyang ego.
Matapos kong ayusin ang sarili ko
lumabas na ako ng kitchen room gamit ang dating mukha. Ang mukha nang isang
taong walang interes sa kahit na anong bagay. Isang mukha na nakasanayan ko
nang gamitin noon paman para makaiwas sa kung ano mang sakit na pweding maibigay
sa akin ng mundong ito.
Naabutan ko si sir Red kausap ang isa
sa mga kaibigan ni Dave na kung hindi ako nagkakamali ang pangalan nito ay
Niel. Nasa mesa ko si sir Red at nakaupo habang nasa harap naman nito ang
kaibigan niya.
“Hinahanap niyo raw ho ako sir?” Wika
ko dito nang makalapit ako sa kanila. Pareho naman silang napatingin sa gawi
ko.
“Ah Alex, san ka ba nagsususuot at
kanina pa kita hinahanap.” Ang nakangiting wika sa akin ni sir Red. Ganito
naman ito lagi lalo’t kung wala silang tampuhan ni sir Dorwin, lagi itong
nakangiti na animoy walang ni isang problemang dinadala. Iyon siguro ang isa sa
mga rason kung bakit ko piniling sa bar na ito manatili at hindi na mag-hanap
pa nang iba. Bukod sa sweldo ko na parang pang permanent item na sa mga malalaking
kompanya ay isa sa mga rason din ang nakakahawang kagiliwan ng aking boss.
Kung sa hitsura, lamang na lamang si
sir Red. Gwapo ito’t pinoy na pinoy ang kulay ng balat nito. Hindi na ako
mag-tataka kung bakit napaibig nito ang isa sa pinakabata’t pinakamagaling na
abogado sa lugar na iyon, si sir Dorwin.
Si sir Red at sir Rome ang nagbigay sa
akin ng dahilan para maniwalang may isang taong nakalaan na mahalin ang isang
tulad ko. Na may isang taong kayang matugunan ang ibibigay kong pagmamahal
rito. Pero ngayon, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umasa na darating
ang taong iyon.
“Pasensiya na po sir.” Nakayuko kong
sabi dahil tinamaan ako nang hiya. Hindi nga naman tamang kung saan-saan ako
nagsususuot ganitong oras ng trabaho ko.
“Ano ka ba Alex, ayan ka na naman sa
ka-si-sir mo sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na.” Nang
i-angakat ko ang tingin ko para makita ang ekspresyon ng mukha nito ay nakita
ko itong nakangiti. Pero hindi ko nakita sa ngiti niyang iyon ang ngiting
laging nagpapagaan ng loob namin. Parang may nabakasan akong pagaalala na
nagkukubli sa ngiting iyon o sadyang naprapraning na naman ako kaya kung
anu-ano na ang napapansin ko.
“He looks tired and sick pare.” Ang
sabat ng kausap nito. Nang mabaling ang tingin ko rito ay binigyan ako nito
nang isang matamis na ngiti. Pero dahil narin siguro nakataas na naman ang
depensa ko sa sarili ko ay hindi ko iyon nagawang tugunin. Natatakot na akong
tumugon sa mga ganong klaseng ngiti dahil ipinaaalala lamang nito sa akin si
Dave.
“Alex?” Pagtawag ng aking pansin ni
sir Red.
Bumaling naman ako sa kanya.
“Are you alright?” Bakas ang pagaalala
nito sa kanyang boses. “Dapat siguro hindi kanalang agad pumasok ngayon.”
“Okey lang po ako sir.”
“Namumutla ka.” Ang sabat na naman ng
kaibigan nito. Ewan ko ba pero imbes na ikatuwa ko ang pagaalala nito ay
ikinainis ko pa. Trauma? Yeah, siruguro iyon na nga ang tamang term para doon
na trauma na ata ako sa mga taong nagpapakita sa akin ng pagalala.
“Okey lang ho talaga ako sir.” Ang
tila pagod kong sagot dito. I know it was plain rude dahil nagaalala lang naman
ito sa akin pero hindi ko talaga magawang ma-appreciate ito. Ang nakakainis pa
ay aksidenteng napatingin ako sa mesa kung saan nakaupo si Dave at dahil doon
ay nakita ko itong nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha nito’t parang galit.
Ikaw pa itong may ganang magalit
ngayon? Ang lakas talaga nang sira nang ulo mong gago ka! Ang gustong gusto ko
nang maisambit sa mga oras na iyon.
“Tama si Niel Alex, namumutla ka.
Umuwi kanalang muna para makapagpahinga ka. Kami na ang bahala rito tutal
nandito naman ang buong barkada.”
“Hindi na po sir, kaya ko pa naman.”
Rinig kong napabuntong hininga ito.
“Niel pare, paki tawag nga si Dorwin.”
Wika nito sa kaibigan na agad naman siyang sinunod ng walang pagtutol.
Hindi nga nagtagal ay dumating si sir
Dorwin.
“Bakit mahal ano problema?”
“Alex is sick and I’m trying to
convince him to go home to get some rest but he’s being hard headed again.” Ang
parang nagsusumbong nitong wika sa kanyang asawa na ikinanganga ko naman sa
gulat ng ako pala ang dahilan kong bakit nito ipinatawag ang kanyang asawa.
Nabaling naman ang tingin ni sir
Dorwin sa akin dahilan para mapayuko ako sa mag-kahalong hiya at takot.
Approachable si sir Dorwin at mabait rin
pero, hindi ko maiwasang hindi mailang dito lalo’t kambal ito nang taong
dahilan kong bakit ako nagkakaganito ngayon.
“San ang bahay niyo at ihahatid na
kita.” Ang wika nito na ikinagulat ko.
“P-Po? H-Hindi na po kailangan. W-Wala
naman talaga akong sakit sir.” Ang bigla kong pagpa-panic.
“Wag matigas ang ulo Alex.” Wika nito.
“Sige na Alex, get some rest.” Ani
naman ni sir Red.
Wala na akong nagawa kong hindi ang
sumunod nalang. Maganda nga sigurong makauwi nalang muna ako para narin
makaiwas kay Dave lalo pa’t alam kong kanina pa ito nakatingin sa amin.
Malapit na kami sa pintuan ng bar ng
harangin kami ng kambal nito. Nakakunot parin ang mukha nito’t halatang
badtrip. Agad kong iniwas ang tingin ko rito na para bang hindi ko ito kilala o
anu man.
“Let me talk to Alex.” Hindi humihingi
nang permiso ang tono nito kung hindi naguutos.
Tumingin naman sa akin si sir Dorwin
napayuko naman ako.
“Talk to him some other time.” Tugon
nito sa kambal niya at tinungo na namin ang labas ng bar.
“Ihahatid ko lang si Alex sa kanila.”
Pagpapaalam nito sa mga amo kong kainuman nito. Walang pagtutol naman ang mga
ito. Sadya nga atang ma-swerte ako sa mga amo ko dahil sa kabaitan ng mga ito.
Walang imik lang akong nakasunod kay
sir Dorwin papunta sa pinag-parkingan ng sasakyan nito at no’ng malapit na kami
rito ay saka na ako nagsalita.
“Sir Dorwin, huwag niyo na po akong
ihatid sobrang nakakahiya na po iyon. Marami naman hong tricycle diyan sa may
kanto.”
Napatigil ito sa paglalakad at
bumaling sa akin. Mataman ako nitong tinitigan na para bang may kung anong
sinusuri.
“Make sure to text Red kung nakarating
kana sa inyo para hindi kami mag-alala.” Hindi ko man inaasahan ang agaran
nitong pagpayag ay hindi ko na masyado pang binigyan ng pansin. Ang importante
hindi na ako nito pinahirapan pang mag-paliwanag para lang pumayag itong huwag
na akong ihatid.
“Yes sir.” At tinungo ko na nga ang
daan papunta sa kanto kong saan tumatambay ang mga tricycle driver.
Narinig kong may tumawag ng pangalan
ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Dave. Balak sana ako nitong sundan
ng harangin ito nang kanyang kambal at ang masakit pa kita ko pang hinabol din
ito nang babeng kasama nito. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila wala
na akong pakialam ang gusto ko nalang sa mga oras na iyon ay makaalis sa lugar
na iyon nagbabakasakaling maaalis rin ang sakit na nararamdaman ko.
Ilang araw na ang nakakalipas at hindi
ko na ulit hinayaang mag-tagpo pang muli ang landas naming ni Renzell Dave.
Isang besis itong nagpunta sa bar na hindi kasama ang babae niya ngunit ng
mag-tangka itong kausapin ako ay agad akong umiwas sa kanya.
Kay hirap supilin ang totoong
damdamin. Kay hirap mag-panggap na hindi ka nasasaktan sa harap ng mga tao para
lang maipakitang malakas ka. Sabihin na nating ma pride ako, na matayog ang
pride ko pero tanging ang pride ko nalamang ang kinakapitan ko. Marahil kung
wala ito sirang sira na ako ngayon sa sobrang sakit ng idinulot sa akin ni
Dave.
Kahit na anong pilit kong hindi isipin
ang mga magagandang nangyari sa amin ay kusa naman itong pumapasok sa isip ko
na laging dahilan ng pagiyak ko. Sinubukan ko namang umiwas na maranasan ang
ganito pero siya mismo ang pumasok at gumulo sa mundo ko..
Ngayon, para nalang akong robot na
walang emosyon. Pansin ito nang mga katrabaho ko kahit ng mga amo ko. Pero ni
isa sa kanila ay walang may-gustong mag-tanong sa akin. Nakikita ko lang sa kanilang mga mata na naguguluhan sila
sa inaasta ko habang si sir Red ay awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata para
sa akin.
Taong walang emosyon. Yon ang
pinapakita ko sa lahat para maitago ang sakit sa loob ko. Mahirap pala talaga
ang sobra kang umaasa sa isang pangako at sa isang tao sobrang sakit ni hindi
ko mapangalanan ang sakit na iyon. Wala naman akong ginawang masama sa mundo
para maging ganito ang kalabasan ng buhay ko. Masama bang hilingin na sana may
isang taong mag-mamahal sayo nang totoo katulad ng pagmamahal na kaya mong
maibigay?
“Alex?” Ang pagtawag ng aking pansin
ni sir Red na sinamahan pa nito nang pagkalabit sa aking balikat dahilan para
mabalik ang isip ko sa tamang wisyo.
Nakakunot ang noo nito at bakas ang
pagaalala sa gwapo nitong mukha.
“P-Po?” Mahiya-hiya kong sagot.
“Habang tumatagal hindi kana makausap
ng matino Alex. I think kailangan mo muna sigurong mag-pahinga. Hindi naman sa
natatakot akong malugi ang negosyo ko nahihirapan din ako sa nakikita ko sayo.
I know something is bothering you at naiintindihan ko yon. ” Mahaba at
mahinahon nitong sabi.
Napayuko ako sa sobrang hiya. Kahit
pala anong pilit mong itago ang nararamdaman mo lalabas at lalabas rin ang
totoo lalo na kung wala kang ma-pagkwentuhan nito. Habang tumatagal kasi ay
unti-unti akong nilalamon ng pagsi-self-pity ko. Sobra akong naawa sa sarili ko
sa mga dinanas ko na hindi naman dapat. May pamilya’t trabaho akong umaasa sa
akin at iyon dapat ang isaksak ko sa kokote ko.
“Sorry sir.” Ang naiwika ko nalang sa
sobrang hiya.
“Gusto mo bang pagusapan natin ang
problema mo?” May bahid ng paguunawa nitong sabi.
Hindi ako sumagot rito. Siguro
makakabuti ngang may isang tao manlang akong mapagkwentohan sa problema ko kailangan ko nang outlet para maiwasang
tuluyang masira ang buhay ko. Pero, amo ko si sir Red, at bukod doon bayaw nito
ang taong dahilan ng lahat. Paano ko magagawang mag-kwento rito?
“Tara sa taas doon tayo mag-usap para
walang disturbo.” Wika nito at nagpatiuna nang umakyat sa second floor ng
seventh bar kung saan naruon ang opisina nito. “Alex?” Tawag pa nito sa akin
dahilan para mapilitan akong sumunod sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon na makapasok
ako sa opisina nito o mas tamang sabihing pangalawang bahay nito. Hindi kasi
mukhang opisina ang hitsura nito bagkus ay mukhang isang bahay. May sariling
ref, kusina at isang kwarto ito. Marahil ay sinadya nilang ipagawa iyon para
kung gusto nitong mag-pahinga ay makakapagpahinga ito. Alam kong hindi lang ang
bar ang hinahawakan ni sir Red. Meron din itong grocery store na ang kasosyo
nito ay ang kanyang ina.
Tulad ko rin ay si sir Red ang
inaasahan ng pamilya nito. Minsan ko nang nakilala ang mga kapatid at ina nito
no’ng inimbitahan kami ni sir Red sa kanila nang mag-birthday ang kapatid nito
na nagngangalang Marky. Doon ko rin napagalaman na si sir Red ang nagpapaaral
sa mga ito kaya naman sobrang bilib ako sa boss ko.
“Anong gusto mong inumin Alex?” Wika
nito at nagbukas ng ref para kumuha nang maiinum.
“H-Hindi po ako masyadong umiinum
sir.” Mahiya-hiya ko naming tugon.
“Pizza? Paborito ni Dorwin to eh kaya
bumili ako para pasalubong sa kanya mamaya paguwi ko.” Nakangiti nitong wika.
Alanganin akong umiling. Hindi pa nga
ako kumakain pero hindi naman ako makaramdam ng gutom. Masyado nang ukupado ang
utak ko para isipin ko pa ang sikmura ko.
Rinig kong nagpakawala ito nang isang
buntong hininga habang nakatingin ito sa akin na para bang hindi na nito alam
ang kanyang gagawin.
“Nagusap na ba kayo ni Dave? Alam kong
si Dave ang dahilan ng lagi mong pagkatulala at alam ko rin ang tungkol kay
Sonja. Pinagbawalan ako ni Dorwin na manghimasok sa problema nang kambal niya
pero impleyado kita’t itinuring narin naming kaibigan nina Carlo. Bukod pa don,
naapektuhan na ang trabaho mo kaya siguro naman pwedi na akong makialam.”
Mahinahon parin nitong wika.
“Pasensiya na kayo sir kung hindi ko
na magawa nang tama ang trabaho ko.” Nakayuko kong sabi. “Siguro mag-reresign
nalang ho ako.”
“Stupid.” Wika nito. “Kahit graduate
kapa’t passer na mahihirapan ka paring makahanap ng trabaho ngayon. Paano
nalang ang pamilya mong umaasa sa iyo? Wag mong sirain ang sarili mo dahil lang
sa isang tao. Hindi dapat ganun.”
“Nahihiya na po ako sa inyo sir.
Sobrang laki nang naitulong niyo sa akin tapos heto’t di ko pa magawa nang tama
ang trabaho ko.”
“Gusto mo bang mag-resign dahil sa
nahihiya ka sa akin o gusto mo lang takasan ang problema mo?”
Nakuha ko agad ang ibig sabihin ng
sinabi niyang iyon.
“Sir…”
“You know what Alex, not because hindi
mo na nakuha ang bagay na gusto mo ay titigil na ang mundo mo. Kailangan mong
matutong lumaban sa buhay at tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha
mo. Sabihin na nating nabigo ka ngayon pero di ba imbes na sumuko ka ay mas
magandang subukan mo ulit sa ibang paraan? Life has a lot of chances to offer
Alex, kailangan mo lang ng tapang. Kung noon isinuko ko ang pagmamahal ko kay
Dorwin hindi ako magiging masaya ngayon. Marami din kaming naging problema bago
kami humantong sa puntong ito. Hindi lahat ng relasyon ay nagsisimula sa tama
at nagtatapos sa isang pagkakamali.” Malalim nitong wika.
“I took my chances with Dave sir,
nagtiwala ako sa mga pangako niya sa akin.” Para akong nagsusumbong sa mga oras
na iyon.
“You did, walang duda yan pero may isa
kang nakalimutang i-consider at iyon ay ang nararamdaman ni Dave. Wag mong
isarado ang isip mo dahil lang sa nasaktan ka Alex.”
Renzell Dave
“You’re not supposed to be here.” May
bahid ng pagkaasar kong wika sa taong sobra kong kinaiinisan sa nagdaaang mga
araw.
Ilang araw na ang lumipas na laging
mainit ang ulo. Hindi ko na magawa nang tama ang trabaho ko dahil sa konteng
pagkakamali lang ng mga tao sa paligid ko ay agad na umuusok ang ilong ko.
“Oh c’mon, hanggang ngayon ba ay
mainit parin ang ulo mo sa akin?”
“Oo, kaya kong ako sayo umalis kana.”
Sabay baling ng atensyon ko sa mga papeles na nagkalat sa aking mesa.
“I never thought na magiging ganyan ka
ka harsh Renzell Dave.” Ang wika nito hindi manlang nagpagulat sa akin. Sadya
nga atang malakas mangasar ang taong ito.
“Who give you the Right to call me by
my full name?” Tugon ko na hindi manlang inabalang tingnan ito. Rinig kong
lumapit ito papunta sa may sofa at doon pasalampak na umupo.
“Geees! Ganyan ba ang pagtrato mo sa
mga taong bumibisita sayo para tayong walang pinagsamahan ah.”
“I never considered you as my visitor
anymore after you ruined everything.” Inis kong tugon rito.
“Hindi ko naman sinasadya iyon malay
ko ba namang…”
“Get out. Huwag ka munang magpapakita
sa akin ganitong mainit ang ulo ko kung ayaw mong ihagis kita sa bintana nitong
opisina namin.” Pagputol ko sa ibang sasabihin pa nito dahil sa sobrang
pagkainis lalo pa’t ipinaalala nito ang kasalanan niya sa akin na naging
dahilan kung bakit ilang araw nang mainit ang ulo ko.
“I told you I was sorry for what I did
ano pa ba ang gusto mong gawin ko para patawarin mo ako?”
“Too late for you damn sorry sayo
nalang yan. Pwedi kanang lumabas at marami pa akong ginagawa.”
“Dave naman…”
Hindi na talaga ako nakapagpigil at sa
sobrang init ng ulo gawa nang halo-halong problemang hindi ko magawan ng
solusyon ay napatayo na ako sa kinauupuan ko. Hindi ako pumapatol ng babae pero
mukhang sa oras na ito wala na akong pakialam.
“Shut up! You ruined everything alam
mo ba yon? Sinira mo ang lahat ng pinaghirapan ko at ngayon hindi ko na alam
kung anong gagawin ko para lang makuha ko ulit iyon. Wag mong sabihin na hindi
mo sinasadya iyon dahil alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Brian
matapos ko siyang bugbugin na alam mong si Alex ang taong ipinalit ko sayo!”
Itutuloy. . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment