by: Zildjian
“Lintik naman itong si Dorwin,
mag-tatatlong oras na ako dito pero di ko pa nakikita si Alex.” Ang asar na
asar kong wika habang nasa waiting area ng airport.
Matapos kumain at makapagbihis ay agad
akong pumunta sa airport para salubungin si Alex. Ilang erpolano na ang
nakalapag sa airport na yon ay walang anino ni Alex ang nakita ko. Hindi naman
kalakihan ang airport sa lugar namin kaya sigurado kong hindi makakatakas si
Alex sa akin.
Wala rin akong makitang Red sa airport
tulad ng sabi nito na siyang nakatakdang sumundo kay Alex. Mukhang naisahan na
naman ako nang mga kurimaw sa pagkakataong ito.
Agad kong tinawagan si Dorwin sa
sobrang pagkaasar.
“Sigurado kabang ngayon ang uwi ni
Alex galing Manila? Almost 3 hours na ako dito sa airport pero wala akong
makitang Alex . Pakana na naman ba ito nang asawa mo’t mga kaibigan niyang
tarantado?” May bahid ng inis kong wika. Para na akong tanga at halos humaba na
ang leeg ko tuwing may darating na eroplano nagbabakasaling sakay na nito si
Alex.
“Wala pa ba?” Maang-maangan nito wika.
Batid ko sa boses nito na sinasadya ako nitong inisin. “Hmmm… teka lang
tanungin ko ulit si Red kung ito ba ang araw ng uwi ni Alex hindi ko talaga
maalala kahit na si Lor ang nag-book sa flight niya eh.”
“Wag kang mangasar Dorwin naiinis na
talaga ako. Sabihin mo na sa akin kung anong oras ba talaga darating si Alex o
kung darating ba talaga siya kung ayaw mong sunugin ko ang bahay mo.” Rinig
kong may nagpipigil ng malakas na tawa sa background nito.
Great! Pinagkakaisahan talaga ako nang
mga ungas!
“Damn it Dorwin, hindi na magandang
biro itong ginagawa niyo sa akin. Kung sino man yang tumatawa diyan papatayin
ko siya kapag walang Alex na dumating ngayon dito!” May kalakasan kong sabi dahilan
para mapalingon sa akin ang ibang taong naroon sa airport na iyon.
Shit! Ngayon kriminal na ang tingin sa
akin ng mga tao.
Hindi ko alam kung anong flight ang
sinakyan ni Alex ni hindi ko nga alam kung anong klase ng eroplano ang sinakyan
nito kaya hindi ako makapagtanong. Ginagawa talaga akong gago ng mga kumiraw na
yon.
“Sinong nagsabi sayong ikaw ang
tinatawanan ni Red? Nanonood kami ng movie wag mo siyang pagbintangan. Hmmm…
teka tanungin ko si Red kung ano ba talaga ang exact flight ni Alex.”
Halatang-halata nang ginu-goodtime ako
nang mga ito. Kanina lang ay sabi niyang si Red ang susundo kay Alex tapos
ngayon katabi niya itong nanonood? Hindi nalang ako nag-react sa bagay na iyon
dahil paniguradong kapag nag-react ako mas lalo akong pahihirapan ng kambal ko.
Saglit itong nawala sa linya sa tingin
ko ay in-hold ako nito.
“Diyan ka pa?” Muling wika nito sa
kabilang linya.
“Yes, what time daw ba darating?”
Yamot na yamot kong wika.
“Sabi ni Red kanina pang umaga
dumating si Alex.First flight pala ang sinakyan nito. Nasa probinsya na raw
nila ito ngayon.”
Marahil kung kaharap ko sila sa mga
oras na iyon isa na sa kanila ang nasuntok ko. Sinadya nilang papaghintayin ako
sa wala para lalo akong pahirapan. Hindi ko alam kung gumaganti ba ang mga ito
sa akin sa mga kalokohang nagawa ko noon o sadyang maiitim lang ang budhi nang
mga ito.
“Dammit!” May bahid ng pagkaasar kong
wika. “All along naghintay lang ako sa wala? Wala talaga kayong mga puso!”
“You’re welcome Renzell Dave.”
Sarkastikong tugon nito. “Sige na, sinisira mo ang bonding namin ng asawa ko.”
Sabay putol nito nang linya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang
dali-daling tunguhin ang kotse ko. Wala akong pakialam kung ilang kilometro ang
layo sa akin ni Alex ngayon. All I want is to see him so I can explain
everything to him. Wala nang pweding humadlang sa akin ngayon kahit pa bagyo o
landslide hindi ako mapipigilan.
Habang tinatahak ko ang daan papunta
kina Alex, ay napaisip ako kung ano ang pwedi kong dalhin para kahit papaano ay
mabawasan man lang ang galit nito sa akin. Alam kong hindi magiging madali ang
mag-paliwanag sa taong iyon dahil sa sobra itong mataray isama mo pang best
talent nito –ang ignorahin ako. I should come up with a good idea para makuha
ang atensyon nito’t pakinggan ang mga paliwanag ko.
Kung may isang tao mang pwedi kong
mapag-tanungan sa bagay na ito iyon siguro ang taong agad na pumasok sa kokote
ko. Agad kong tinawagan ang numero nito.
“Oi kuya Dave, kamusta ang
pakikipagsapalaran mo sa daan?”
Talagang pinagkaisahan nila akong
lahat. Iiling-iling kong wika sa sarili ko.
“Kung ayaw mong masama sa mga taong
papatayin ko pagbalik ko, sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo tuwing
sinusumpong ang asawa mong sira ulo.” Tanong ko dito.
“Si Ace? Hmmm… sandali kuya iisipin ko
pa.” Nang-aasar nitong wika.
“Wag mo akong gaguhin Rome, kanina pa
mainit ang ulo ko.” May pagbabanta kong sabi.
Rinig kong tumawa ito sa kabilang
linya. Hindi na kataka-takang matulad ito sa pinsan ko’t masiraan narin ng
bait. After all, likes is known by like.
“Kapag may sumpong si Supah Ace lagi
ko itong binibigyan ng mga bagay na gusto nito.” Tatawa-tawa nitong wika.
“Like? Be specific idiot! I’m not good
with this, dammit!”
“Easy lang kuya, try to give Alex what
you think he likes most. Something na ma tri-trigger mo ang soft side niya para
mabawasan mo ang galit niya sayo.”
“Iyon nga ang problema ko. Hindi ko
alam kung anong bagay ang gusto ni Alex.” Frustrated kong sabi. “I didn’t had
the chance to ask him things that he likes.”
“Patay tayo diyan kuya. Pero kung
sincere ka talaga sa gagawin mo hindi mo na kailangan pang suhulan si Alex.
Ipakita mo lang na totoo ang sinasabi mo sa kanya, mapapatawad ka nun. Besides,
Alex is the type na hindi nagpapasuhol, baka ikapahamak mo pa yan.”
Kahit pala papaano ay may katinuan
pang natitira kay Rome. Rome is a bit different kay Red, dahil si Rome ang
tipong hindi mo pweding biruin kapag may away ito nang asawa niya. Masyadong
mahal nito ang pinsan ko na sa tingin ko kapag nawala sa kanya pwedi nitong
ikabaliw. Tanging si Ace lang din ang may alam kong paano ito amuhin kapag
tinamaan naman ng sayad.
Dumiretso na ako papunta sa probinsya
nila Alex. I know, am not that good with words especially kung pagpapahayag na
ng nararamdaman ko, bahala na si Doreamon sa akin kung paniniwalaan ako ni
Alex.
Nang lumiko na ako para pumasok
papunta sa baryo nina Alex, muling nanariwa ang mga ala-ala naming dalawa doon.
Ang mga taong naging maganda ang pagtrato sa akin; ang mga maliligalig din
nitong mga kaibigan at pinsan; at syempre ang mga masasayang sandal na aming
pinagsamahan.
Kung hindi pa ako nag-desisyon na
ihatid si Alex papunta sa baryo nila noon hindi ko makikilala ang mga taong
malapit sa buhay niya. Maraming bagay akong nakita sa munting baryo nilang ito
at dito ko rin naramdaman noon ang kakaibang saya na hindi ko pa nararamdaman
sa tanang buhay ko.
Sa mga ala-alang nagbalik sa akin ay
napangiti ako. There’s no way na isusuko ko si Alex, ngayon pa’t alam ko nang
mahal ko na ito. Kahit pahirapaan pa niya ako ay gagawin ko because he’s worth
it. Siya ang taong nagturo sa aking magmahal ng totoo, siya ang taong nagtuwid
sa paniniwala kong walang ibang tao akong pweding pagkatiwalaan maliban kay
kambal at sa papa ko.
Pasado ala-syete na ng gabi nang
marating ko ang bahay nila. Tulad ng unang punta namin doon tahimik na ang
lugar. Tanging mga insektong pang-gabi na lamang ang maririnig mo.
Kaba, excitement, ang nararamdaman ko
sa mga oras na iyon. Kaba dahil hindi ko alam kung anong klaseng pagtanggap
ngayon ang makukuha ko mula kay Alex at excited dahil sa wakas ay muli ko na
namang makikita ang masungit pero walang dudang mahal kong si Alex.
Hindi pa man ako nakakalapit ng
tuluyan sa pintuan ng bahay nila nang bumukas iyon. Nakakunot na mukha ni nanay
Marta ang bumungad sa akin. Marahil ay pilit na inaaninag nito ang taong
dahilan ng mga tahol ng aso sa kalapit bahay nila.
“Dave? Anak ikaw ba yan?” Wika nito
nang makilala ako.
“Ako nga po nay, magandang gabi po. Si
Alex ba narito?” Walang paligoy-ligoy kong tanong.
Mataman ako nitong tinignan na para
bang nag-aalangan ito.
“N-Nasa kwarto niya nagpapahinga.”
Tila ba hindi ito komportable sa kanyang sinabi.
“Pwedi ko ba siyang makausap nay?
Kailangan ko talaga siyang maka-usap ngayon.” May pagsusumamo kong sabi.
Muli ako nitong mataman na tinignan
bago tumango nang marahan.
Sumunod ako dito papunta sa kwarto ni
Alex pero hindi pa man kami nakakarating doon nang muli itong huminto at
bumaling sa akin.
“Pwedi ba muna tayong mag-usap anak
bago mo kausapin si Alex? May gusto sana akong sabihin sayo.” Wika nito.
Wala akong nagawa kung hindi ang
tumango rito. Kahit anong gusto kong agad na makausap si Alex ay hindi ko
pweding tanggihan ang ina nito lalo pa’t bakas ang pagkaseryoso’t pagaalala
nito sa mukha.
“May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni
Alex?” Walang anu-anong tanong nito sa akin. Sadya nga atang malakas ang
pakiramdam ng mga inang tulad nito. “Kung ano man yang problema niyong dalawa
sana ay maayos niyo agad yan. Ayaw kong nakikitang malungkot ang anak ko Dave.
Masyado naming mahal ng tatay Tonio mo si Alex. Ayaw naming nasasaktan siya.”
“Kaya nga po ako nandito nay.”
Nakayuko kong sabi. Nakaramdam ako nang ibayong hiya sa mga oras na iyon.
“May namamagitan ba sa inyo ni Alex?”
Walang ka-abug-abog nitong tanong. Para akong nasa hot seat sa mga oras na
iyon. “Nakita ko ang nangyari sa inyo no’ng magkatabi kayo sa kwarto niya.
Hindi ako tutol sa kaligayahan ng anak ko Dave pero, natatakot ako na baka
masaktan lang ang anak ko. Alam ko’t alam mong hindi normal ang damdamin na
meron kayo ng anak ko.”
“No’ng magpunta ka rito alam kong si
Alex ang sadya mo. Alam din namin na wala na siya sa pinagtatrabahuan niya pero
hinintay namin ng tatay Tonio mo na ikaw mismo ang magsabi sa amin ng totoo.”
“Sorry nay, ayaw ko lang na mag-aalala
kayo kay Alex.”Mahina’t nahihiya kong wika. Alam na pala nila ang tungkol sa
naging problema namin ni Alex noon pa mang magpunta ako roon at magpanggap na
napadaan lang pero hindi ako sinumbatan ng mga ito.
“Alam kong hindi ganun kadali ang
sitwasyon nyo anak, pero sana lang huwag mong sasaktan si Alex namin. Gusto
namin ng tatay Tonio mo na lumigaya siya at sana ikaw na ang taong
makakapagbigay ng kaligayahang iyon. May tiwala ako sayo Dave, huwag mo sanang
sirain ang tiwala kong iyon.” Wika nito sabay marahang hinaplos ang aking
pisngi. Naramdaman ko ang pagmamahal ng
isang ina sa kanyang anak.
“Hindi po ako mangangakong maiiwasan
kong masaktan siya pero, nangangako po akong hindi ko siya bibitawan kahit na
ano pa man ang mangyari.”
Sumilay ang magandang ngiti sa mukha
nito at napatango. Alam kong sa mga oras na iyon nakuha ko na ang tiwala nito.
Tanging si Alex na lang ngayon ang problema ko.
“Pasukin mo nalang siya sa kwarto
niya. Kanina pa hindi lumalabas yan mula nang dumating dito.” Si nanay Marta
sabay abot sa akin ng isang susi. “Kilala ko ang anak ko, hindi ka papapasukin
niyan sa kwarto niya kaya iyan ang susi.”
Wala na akong sinayang na oras at
mabilisan ko nang tinungo ang kwarto nito. Ang kwartong naging saksi sa lahat
ng bagay na nangyari sa amin ni Alex.
Isang malalim na buntong hininga ang
pinakawalan ko nang pihitin ko ang seradura. Nakapatay ang ilaw sa loob ng
kwarto. Alam kong naroon lang sa loob si
Alex dahil amoy ko ang pabango nito.
“Alex?” Pagtawag ko sa pangalan niya
sabay kapa nang switch ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang
pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko si Alex na nakadamapang nakahiga sa
maliit na kama nito.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
Kung possible lang sigurong matanggal ang puso ng isang tao kanina pa siguro
natanggal ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Magkahalong kaba at pananabik ang
nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Hihimasin ko na sana ang ulo nito nang
mabilis nitong tapikin ang kamay ko’t sabay balikwas ng higa at nagsumiksik sa
gilid ng kama.
“Anong ginagawa mo rito? Paano ka
nakapasok sa kwarto ko?” Kunot noo nitong sabi.
“Ah.. ehh….”
“Umalis ka na Dave, pagod ako sa
biyahe kaya sana naman papagpahingahin mo ako.” Putol nito sa sasabihin ko.
“Let’s talk Alex.” May bahid ng
pagmamakaawa kong sabi. “I’m here to clear things out. Gusto kong magpaliwanag
sa mga kasalanan ko.”
“Sa pulis ka mag-paliwanag huwag sa
akin.” Mataray nitong wika.
“Alex naman…”
“Sobrang pasakit at sakit ng ulo na
ang binigay mo sa akin Dave, hindi pa ba sapat iyon para layuan mo na ako?
Nakaganti ka na at nakuha mo na ang natapakan mong ego so, ano pa ang
pag-uusapan natin?”
“Marami pa. Marami pa akong sasabihin
sayo kaya will you please listen first?”
“Hindi ako makikinig sayo. Isa pa,
pagod ako at gusto kong magpahinga.”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kaya
tayo hindi nagkakaunawaan dahil sobrang tayog ng pride mo. Makinig ka nga muna
bago ka magmaldita diyan.”
Akmang tatayo sana ito para siguro
iwasan ako pero maagap ko itong napigilan. Funny, ganito kami noon ang
pinagkaiba lang sa ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit lagi ko siyang
pinipigilan. Kung bakit gustong gusto ko ang atensyon nito.
“Not so fast! I’ve been looking for
you since the day you disappear sa bar dahilan para hindi ako makatulog ng
maayos. Para akong tanga ng naghintay sayo sa airport kanina for almost 3 hours
dahil sa kalokohan ng mga boss mong sira ulo at ginawa kong apat na oras ang
anim na oras pagpunta rito para lang makausap kita tapos lalayasan mo lang ulit
ako? Hindi pwedi yon!”
Ayaw ko mang maging brutal sa kanya
pero wala akong choice. Masyadong mahirap paamuhin ang isang ito at hindi uubra
sa kanya ang santong dasalan.
“Sa ayaw mo’t sa gusto, makikinig ka
sa akin kung ayaw mong itali kita sa kama mo.”
“Pwedi kitang kasuhan sa ginagawa mo.”
May pananakot nitong sabi.
“Do it kung kaya nang abogado mong
talunin ang kambal ko.” Maangas ko namang wika sa kanya na sinamahan ko pa ng
ngising aso.
Napatahimik ko ito pero bakas na sa
mukha nito ang pagkairita’t pagkapikon sa akin.
“Now, are you ready to listen?”
Pinukol lang ako nito nang masamang
tingin pero hindi na ulit nag-salita. Ito marahil ang paraan ng pagsagot niya
nang oo. Ano pa nga ba ang ini-expect ko sa malditang ito.
“What happened sa bar no’ng makabalik
ka sa ay isang malaking pagkakamali. I know I shouldn’t have brought Sonja
there lalo pa’t naroon ka…..”
“Wala akong pakialam sa mga babae mo.”
Sabat nito.
“Shut up! I’m trying to explain myself
here kaya makinig ka muna.” Sita ko naman sa kanya.
“Mahal kita Alex, sayo ko lang nasabi
iyan kaya sana paniwalaan mo. Ikaw lang ang taong nagpagulo sa isip ko. Alam
kong hindi ko naipakita sayo ang tunay nanararamdaman ko dahil sa natakot ako.
Bago sa akin ang lahat ng nararamdaman ko para sayo, I’ve never been so
attached to someone maliban sa papa at sa kambal ko.”
“Tell that to the marines.” Bara nito
sa akin pero di ko na pinansin pa dahil sa nakikita ko na ulit sa mga nito ang
Alex na minahal ko.
“I was afraid to commit myself to you
not because ayaw kong i-commit ang sarili ko. Natatakot akong baka masaktan
lang kita. Natakot ako na baka mali pala ako sa nararamdaman ko. I don’t want
to see you hurt at lalong ayaw kong ako ang mananakit sayo.”
“Pero nasaktan mo parin ako.”
“I know kaya nga ako narito di ba?”
“Malay ko sayo kung bakit ka nandito.”
Ewan ko kong nangaasar ba siya o sadyang galit lang ito sa akin.
“Seryoso ako Alex, I’m here to correct
my mistake and to take my chances with you dahil yon ang sinasabi ng puso ko.
Kung mali man, gagawin ko itong tama para sayo.”
Hindi ito nakaimik siguro hindi agad
nito na absorb ang mga sinabi ko.
“Papaano ako makakasiguro na totoo
iyang mga sinasabi mo? Marami na akong pasakit na nakuha dahil sa paghahanap ng
pagmamahal Renzel Dave. Hindi na ganun kadaling paniwalaan ang mga sinabi mo.
Narinig ko na mga yan.”
“I know. Hindi mo naman kailangang
paniwalaan ako eh. Just give me time and take your chances with me at gagawin
ko lahat ng aking makakaya upang hindi mo pagsisihan ito. I will give you the
love that you craved for, that you longed for … ‘coz you deserve it. I want you
to be happy … with me.” Seryoso’t may paglalambing kong sabi.
“Paano kung masaktan mo lang ulit
ako?”
“Mahal mo ba ako?” Ang nanunuyo kong
tanong sa kanya.
Isang tango ang nakuha kong tugon
galing dito.
“Sapat na ba ako para sa pagmamahal
mo, at para sumugal na kasama ako?”
“Renzell Dave…”
"Kasi ako, alam ko ikaw lang... ikaw
lang ay sapat na. Gusto kitang pasiyahin Alex sa abot ng makakaya ko. Gusto
kong sumaya ka...kasama ako." Putol ko sa iba pang sasabihin nito. “Just
give me the chance to prove to you that everything I’ve said is true. Isang
chance lang Alex.” May pagmamakaawa kong sabi. Call me desperado or what ganyan
naman talaga kapag nagmamahal ka nagiging desperado ka.
Mataman ako nitong tiningnan.
Nakipagsukatan ako sa kanya nang tingin para ipaalam sa kanya na ngayon,
sigurado na ako sa nararamdaman ko. Na ngayon kaya ko nang pangatawanan ang mga
sinabi ko dahil sa kanya alam kong liligaya ako.
“Mahal kita Renzell Dave at sa tingin
ko sapat na ang pagmamahal na iyon para paniwalaan kita at sumugal kasama ka.”
Sa mga narinig sa kanya sumilay sa
akin ang napakagandang ngiti dahil alam kong nakuha ko na ulit ang puso nang
taong mahal ko.
“That settled then.” Nakangiti kong
sabi sabay kabig ng batok nito para angkinin ang premyo ko sa araw na iyon.
Sa mga pagtugon nito sa mga halik ko
napagtanto kong hindi nga ako nagkamali sa pinili kong mahalin. I can feel the
overwhelming joy sa loob ng katawan ko. Isang pakiramdam na sa tingin ko hindi
kayang ibigay sa akin ng kahit na sino man bukod kay Alex.
“Sama ka na sa aking umuwi? Doon na
tayo sa bahay mag-honeymoon, mas malaki ang kama ko doon.” Nakangisi kong wika
sa kanya.
Agad namang namula ito.
“Marinig ka ni nanay eh!” Wika nito
pero huli na dahil narinig namin ang tila kinilig na mga tawa sa likod nang
pintuan ng kwarto nito.
“Kanina pa sila nakikinig.” Nakangisi
kong wika. “So, tara na sa bahay ng ma i-take home na kita para maka 1st base
na rin ako.” Pilyo ko paring sabi.
“Ang bastos mo talaga.” Kita ko ang
sobrang pamumula nang pisngi nito kasunod noon ang pagkawala nang isang luha sa
kanyang kaliwang mata.
“Bakit ka umiiyak?” Nag-aalala kong
wika.
“Sino ba ang hindi maiiyak sayong
kumag ka. Pinahirapan mo ako masyado mabuti nalang at nakinig ako kay Francis.”
“Sino naman si Francis?”
“Boyfriend ng kaibigan mo. Sa kanya
ako pinatira ni sir Red.”
“Boyfriend ni Niel? Buti hindi ka
natalsikan ng kabaliwan nun.” Ngingisi-ngisi kong sabi.
Isang batok ang natanggap ko mula
dito.
“Masakit yon ah. Idol mo pala si Ace?”
Pareho kaming napatawa sa kalokohan namin.
“Tara?”
“Saan tayo pupunta?”
“Sasabihin natin kay Red at Claude na
hindi kana mag-tratrabaho sa kanila. Sa akin kana ngayon mag-tratrabaho dahil
gusto ko araw-araw kitang nakikita.” Nakangiti kong wika.
“Bolero!” Wika nito na ikinatawa
naming lahat pati nang mga taong nasa likod ng pintuan ng kwarto nito at
masayang nakikitsismis sa amin.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment