by: Zildjian
Matapos ang mainit na halikan
namagitan sa amin ay hinayaan kong makatulog si Alex na nakaunan sa aking
dibdib. Aaminin kong bago sa akin ang lahat kasama narin ang kakaibang
pakiramdam na nararamdaman ko ngayon pero,
di ko maikakailangang nagustohan ko ang lahat ng nangyari sa amin.
Sa katunayan nga ay kung pwedi pang
lumalim sa halikan ay malugod akong mag-papaubaya pero lalo lang akong bumilib
kay Alex ng ito na mismo ang tumigil nang maramdaman niyang nadadala na ako sa
mga hagod at romansa niya sa akin na taliwas sa mga naririnig ko sa mga
kaibigan ko tungkol sa kanila. Lalo ko tuloy napagtanto na hindi dapat agad na
husgahan ang mga half-half, bakla, tomboy o kung anu pa mang pweding itawag sa
mga kasariang hindi tangap ng karamihin dahil kung hahayaan mo lang ang
sarili mong kilalanin sila ay makikita mong tulad ng mga tinatawag
nilang “Normal” ay karapat-dapat rin silang respetuhin at igalang.
Habang tinitingnan ko siyang mahimbing
na natutulog ay di ko maiwasang mapangiti. Taliwas kasi sa papgiging masungit
nito ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Napaka-inosente nitong tingnan.
Payapa ang ekspresyon ng mukha nitong nakaunan sa akin.
“Sana lagi ka nalang mabait sa akin.
Sana lagi nalang tayong ganito.” Ang di ko maiwasang maibulong sa kanya habang
masuyo kong hinahagod ang kanyang likod.
Mahirap mang aminin tanging si Alex
lamang ang taong may kakayahang mag-patibok ng malakas sa aking puso. Doon ko
tuloy na alala ang sinabi sa akin ni Brian.
“Possible rin na matulad ka kay Red at
Niel.”
Katulad na nga ba ako nina Red at Niel
na piniling mag-mahal ng isang kapwa lalake? Mahal ko na nga ba itong masungit,
maldita at higit sa lahat pinaka mahirap espelinging tao sa mundo?
Siguro dahil narin nag-travel na naman
ang isip ko sa planet Mars hindi ko na napansin na gising na pala ang taong
tanging nagpapagulo sa utak at puso ko. Tulad ko ay nakatingin ito sa akin.
“Good Morning.” Ang bati ko sa kanya
na sinabayan ko nang isang mabining halik. Doon lamang sumilay ang matamis
nitong ngiti.
Oh great! No wonder na naadik ako sa
taong to. Ngiti palang niya nawawala na ako sa katinuan.
“Good Morning din.” Balik naman nitong
bati sa akin.
Nang aktong tatayo ito sa pagkakahiga
ay maagap ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap ko sa kanyang bewang
ng mahigpit.
“Dito kalang muna maaga pa naman.” May
bahid ng pakikiusap at paglalambing kong sabi.
Bahala na talaga si Doraemon sa akin.
Wala rin naman akong magagawa kung i-deny ko tong nararamdaman ko lalo ko lang
pahihirapan ang sarili ko.
“Renzell Dave, kailangan kong tulungan
sina nanay mag-handa.” Ani naman nito sa malambing na boses na ikinasinghap ko.
Wala sa mga kaibigan kahit sa mga pinsan ko ang pinapayagan kong tawagin ako sa
buo kong pangalan maliban kay papa at Dorwin. Pero kapag si Alex na ang
tumatawag sa akin ng ganun kakaiba ang pakiramdam ko parang may kuryente ang
hatid nito sa akin.
“Alam mo bang maliban sa papa at sa
kambal ko ikaw lang ang nag-iisang taong pinapayagan kong tawagin ako sa buo
kong pangalan?” Masuyo kong sabi sa kanya na sinamahan ko pa nang aking
mapagpalang ngiti.
Kita ko naman ang pamumula nito
dahilan para mapahagikhik ako. He may not be that vocal when it comes to his
real feelings for me pero alam ko sa uri palang nang pagtitig nito sa akin na
may espesyal din syang nararamdaman sa akin pareho lang siguro kaming natatakot
na aminin ang totoo sa isa’t isa.
“Renzell Dave, maligo kana at
mag-bihis na may mga bisita na sa loob nakahanda na ang tuwalya sa banyo. Yung
mga damit mo nakahanda na rin sa kwarto.” Ang wika ni Alex sa akin habang
kasama ko sa likod ng bahay nila ang bayaw nito’t tatay niya. Tumulong akong
mag-ihaw at mag-luto ng ibang putahe.
Kung may pagbabago mang nangyari dahil
sa nangyari sa amin ni Alex sa nagdaang gabi ay iyon ay ang pagiging maalaga
nito sa akin. Kung noon ay kailangan pang sabihin ng tatay nitong dalhan ako
nang tuwalya para pamunas ng pawis ko ngayon ay kusa na ako nitong dinalhan.
Syempre halos naman masiraan ako nang
bait sa tuwa lalo pa’t hindi na nito hinintay na i-request ko sa kanya na siya
ang mag-punas ng likod kong basang-basa nang pawis. Ngingiti-ngiti lang ang
tatay nito’t bayaw habang pinapanood kami.
“Yes boss.” Nakangiti kong tugon sa kanya
na sinuklian naman niya nang isa ring ngiti bago pumasok ulit sa loob ng bahay.
Gaya nang mga nakagawian dumating ang
mga bisita pasado alas-onse. Maraming naging bisita sina Alex, ang iba ay
galing sa kabilang baryo habang ang iba naman ay galing pa sa malalayong lugar.
Hindi ko na itinanong kay Alex kong sinu-sino ang mga iyon basta’t sa tuwing
ipapakilala sa akin ang mga iyon ni nanay Marta ay malugod ko namang hinaharap.
Di ko maiwasang lihim na mapangiti
kong may mga dalagang hindi maalis ang tingin sa akin tuwing ipapakilala ako sa
mga magulang nila. Suot ko ngayon ang tanging damit na dala ko no’ng ihatid ko
si Alex sa probinsya nila. Ito ang ipinasuot sa akin ni Alex ngayon para daw
maging komportable ako sa harap ng kanilang mga bisita.
“Dave anak, sabay na kayong kumain ni
Alex hindi ka pa ata kumakain. Mamaya mag-iinuman na naman kayong walang laman
iyang tiyan mo.” Wika nang napakabait na si nanay Marta.
Sa totoo lang nagutom ako sa
pakikipagkilala sa lahat ng bisita nila. Halos lahat ata nang bisita nila ay
nakilala ko na para na nga akong tatakbong kapitan sa baryo nila talagang gusto
akong ibida nang nanay ni Alex. Pakiramdam ko tuloy para na akong manugang
nito.
Naks! Naghalikan lang kayo nang anak
nila ngayon manugang na agad? Ni hindi mo pa nga ata alam kung in-love kana nga
sa tao o sadyang malakas lang ang trip mo.
Sa lahat ata nang sinabi nang
maligalig kong isip iyong huli ang hindi ko nagustohan. Hindi ko magagawang
ma-pagtripan si Alex at sa lalim ng nararamdaman ko sa kanya masasabi kong
hindi lang trip iyon.
So in love kana Renzell Dave?
Sa pumasok na katanungang iyon sa akin
doon ko lang napagtanto kung ano ang dapat itawag ko sa kakaibang damdamin na
nararamdaman ko na hindi ko mabigyan ng pangalan noon.
Yes, I think I’m in love with him.
Sa ginawang pagamin ko sa totoo kong
nararamdaman ay gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking mukha. Parang
gumaan ang aking pakiramdam nang aminin ko sa sarili kong mahal ko na ang
malditang iyon. Pero, may kaunting takot
parin ako para sa aming dalawa. Alam ko namang hindi lahat ng taong nasa
gano’ng relasyon ay maganda ang kinahihinatnan. Oo nga’t naging maganda ang
ending ng relasyon ng kapatid ko’t pinsan ko pero hindi ibig sabihin nun na
matutulad rin kami ni Alex sa kanila. Lalo’t naka gapos pa ako sa relasyon
namin ni Sonja.
Tama, kailangan ko nang tapusin ang
relasyon ko kay Sonja bago ako mag-tapat kay Alex. Iyon ang unang gagawin ko
pagkabalik ko galing sa bakasyon na ito.
Pinuntahan ko nga si Alex na masayang
in-entertain ang dalawang kaibigan nitong nakilala ko no’ng mag-inuman kami sa
plaza nila.
“Lantis, hindi ko alam na okey na pala
kayo ni Niccollo ngayon.” Ang narinig kong wika nito nang sinamahan nito ang
kaibigan sa mesa nang mga pagkain. May dalawa itong platong dala.
“Saan mo naman nakuha gaguhang iyan
Alexis?”
“Ayan nga’t dalawa ang platong dala
mo. Ikukuha mo siguro nang pagkain si Niccollo.” May bahid ng panunuksong wika
ni Alex dito.
“That’s the most stupid idea that I’ve
heard from you. This is not for Niccollo, may kamay at paa ang taong iyon kaya
kumuha siya nang pagkain niya mag-isa.” Tila namang asar na wika ni Lantis.
“Eh para kanino yang isang platong
yan?” Nakangiti paring wika ni Alex. Marahil ay hindi ito naniwala sa sinabi
nang kaibigan.
“This is for Karupin.”
Gusto kong humagalpak nang tawa nang
makita kong mapangiwi si Alex sa kabaliwan ng kaibigan nito. Doon na ako
lumapit sa kanila.
“Kain na tayo?” Wika ko kay Alex nang
makapalit ako sa kanila.
Nabaling naman sa akin ang atensyon ni
Lantis at binigyan ako nito nang mapanuring tingin bago ako tinanguan at muling
itinuon ang atensyon sa pagkuha ng pagkain.
“Sige, ako na kukuha nang pagkain
natin samahan mo nalang doon sa mesa si Niccollo.” Nakangiti nitong sabi.
“Alright.” Isang matamis na ngiti ang
ibinigay ko sa kanya bago ko puntahan ang mesa kung saan nakaupo ang isang
kaibigan nito.
Kakaiba talaga ang dalawang ito. Kung
si Maki at Jay ay madaling pakisamahan itong Lantis at Niccollo naman ay tulad
rin ni Alex na mahirap espelengin. Naabutan ko sa lamesa si Niccollo na
linalaro-laro ang pusang dahilan ng laging bangayan nila ni Lantis. Mukhang
wala itong balak tumayo para kumuha nang pagkain.
“Hindi ka pa ba kukuha nang pagkain?”
Hindi ko maiwasang maitanong dito.
“Mamaya na siguro walang mag-babantay
kay Kerochan.”
Ngalingaling batukan ko ito. Inuna pa
talaga ang pusa kesa sa kanyang sikmura.
“Karupin.” Biglang sulpot ni Lantis.
“Akin na yan at papakainin ko na.”
“Hindi, ako ang mag-papakain sa kay
Kerochan. Bantayan mo lang siya at kukuha ako nang pagkain naming dalawa.”
Sabay abot nito sa enosenting pusa.
Kung titingnan mo ang dalawang ito
masasabi kong dinadahilan lang nila ang pagbabangayan para laging makuha ang
atensyon ng isa’t isa. Parang kami lang ni Alex noon kailangan may asaran na
mamagitan sa amin para lang makapagsimula nang usapan.
Walang duda mga kaibigan nga niya ito.
Nang dumating si Alex dala ang pagkain
namin ay sabay-sabay na kaming kumain. Wala namang masyadong usapan ang naganap
dahil sa laging pagbabangayan ng dalawa. Napapailing nalang si Alex sa mga ito
habang ako ay lihim na napapangiti. Nakikita ko kasi sa kanilang dalawa ang
sarili ko ang diskarte nilang una ko nang ginamit noon kay Alex.
Naging masaya ang pista nina Alex. Kasama
ko sa mesa ang mga kaibigan nito’t sa kanila ako nakipaginuman. Dumating naman
bandang gabi na sina Jay and Maki na tulad rin ni Alex ay pista rin sa kanila.
Tanging si Lantis at Niccollo lamang ang taga ibang baryo sa kanilang lima.
Na puno nang tawanan at kulitan ang
mesa namin dahil narin sa pagiging madaldal ni Jay katulad talaga ito ni Brian
at Angela na malakas ang sense of humor dahilan para mawala ang pagkailang ko
sa kanila. Sina Lantis at Niccollo naman ay nag-ceasefire muna sa kanilang bangayan
at nakisaya sa bonding nilang mag-kakaibigan.
Doon ko rin napag-alaman na tulad ni
Alex half-half din pala ang mga kaibigan nito. Lumabas na kasi ang mga tunay
nitong kulay nang medyo matamaan na ang mga ito nang alak. Naging madaldal lalo
si Jay at naging kakaiba naman ang turingan nina Niccollo at Lantis na
nakalimutan na ata ang pinakamamahal nilang pusa.
Mga bandang alas-dyes na ata iyon nang
gabi at ako man ay medyo tinamaan na rin ng alak dahil na rin siguro pagod ang
katawan ko sa buong araw na iyon isama mo pang hindi ako pinatulog ni Alex
dahil sa nangyari sa amin sa nakaraang gabi.
“Kanina pa kayo nagnanakawan ng tingin
baka pweding i-share niyo naman sa amin kung ano ang meron sa tinginan niyong
iyan?” Biglang wika ni Jay.
“Anong nakawan ng tingin pinagsasabi
mo? Lasing kana siguro kaya kung anu-ano na napapansin mo.” Tatawa-tawa namang
wika ni Alex.
“Napapansin rin namin iyon ni Niccollo.
Di ba?” Wika naman ni Lantis na tinugon naman ni Niccollo nang isang tango at
ngisi.
“Kayo nga diyan ang kakaiba ang
kinikilos. Di ba hindi kayo dapat nagkakasando sa mga ideya niyo? So, ano
ngayon ang drama niyo? Mortal enemy turned to be best couple?” Buska naman ni
Alex sa dalawa.
Kita kong bahayang namula si Lantis
habang si Niccollo naman ay napayuko marahil ay nahiya. Mukhang may namamagitan
ngang kakaiba sa kanilang dalawa.
“Na tumbok mo sila.” Pabulong kong
wika kay Alex.
“Mukha nga.” Balik naman nitong bulong
na sinamahan pa niya nang nakakalokong ngiti.
“Bawal ang mag-Joint force. Isang
napakalaking pandaraya iyan.” Nakangiti namang wika ni Maki nang makita ang
bulungan namin ni Alex.
“Naks! Nagsalita naman ang hindi
madaya. Eh yung tagay mo kanina pa pending eh. Natunaw nalang ang sampong yelo
na linagay ko di mo pa iniinum.” Si Jay.
“Ako na ba? Di mo naman kasi sinabi
agad.” Pangaasar naman ni Maki dito. “Maiba ako Alex kelan matatapos ang
bakasyon mong ito? Bakasyon nga ba ito o honeymoon?” Malokong wika ni Maki na
ikinangisi ko naman. Ayos talaga itong mga kaibigan niya nasasabayan ang sayad
ko.
“Eh kung ipakain ko kaya itong
lalagyan ng ice sayo nang makita mo ang hinahanap mo.” Asar namang wika ni Alex
na ikinatawa naming lahat.
“Relax, relax umuusok na naman iyang
ilong mo eh. Seriously hanggang kailan ang bakasyon mo?” Nakataas pang kamay na
wika ni Maki.
“Two weeks ang hinihingi kong bakasyon
kay sir Red.”
“Aba, two weeks, mukhang mahaba-haba
pa pala ang bakasyon mo mabuti kapa. Kami kasi sa makalawa na ang balik namin
sa mga trabaho namin kaya dapat lang na sulitin natin ang gabing ito. Di ba mga
kalugo?” Sabay Taas nito nang kanyang tagay na sinundan naman namin.
“Atleast di ka malulungkot kahit wala
na kami since na sasamahan kanaman ni Dave.” Malokong ngisi ang ibinigay ni Jay
sa aming dalawa.
“Hanggang bukas lang si Dave dito may
mga obligasyon rin naman siya sa kanila.” May nahimigan akong lungkot sa boses
nito kahit pa man nakangiti ito nang sabihin iyon. Ako man ay medyo nakaramdam
rin ng lungkot dahil hanggang pista nga lang pala ako sa kanila.
Kung kailan naging maganda na ang
samahan namin ni Alex saka naman ang uwi ko pabalik sa magulong mundo ko.
Paniguradong hindi na ulit ako mabibigyan ng ganitong pagkakataon na ma-solo si
Alex pero, tama naman siya, may mga obligasyon akong naiwan sa mundo ko na
kailangan kong tapusin dahil nakaasa ang mga iyon sa akin –ang kompanya at ang
mga plano nang mga lintik na Engineer namin na hanggang ngayon kailangan pa nang
supervision ko bago ma-aprobahan.
Mag-aala-una na nang madaling araw
nang mag-siuwian ang mga kaibigan ni Alex. Matapos mapagusapan ang tungkol sa
pag-alis ko ay hindi na nangulit pa ang mga kaibigan nito. Walang ni isa ang
nagbigay ng komento nang sabihin ni Alex na mauuna akong bumalik sa kanya bigla
kasing binago ni Jay ang paksa nang usapan.
Kahit pa man nakikitawa’t nakikigulo
sa kulitan sa mga kaibigan niya si Alex ay hindi ko magawang paniwalaan na
masaya siya. Para kasing nagiba ang aura nito na hindi ko maintindihan.
Pagdating talaga kay Alex ay nagiging sensitibo ako lalo na kung tungkol sa
nararamdaman niya.
“Pweding tabi ulit tayong matulog
ngayon?” May himig nang pakikiusap kong sabi habang tinutulungan ko siyang
iligpit ang mga plato’t baso na ginamit namin.
Wala na akong pakialam kong anu man
ang iisipin niya sa pakiusap kong iyon basta’t ang gusto ko lang sa huling
pagkakataon ay makatabi ko siyang matulog para mayakap ko siya ulit bago
manlang ako umalis.
Natuwa naman ako nang tumango ito.
Hinintay ko siyang matapos hugasan ang
mga natitirang platong naiwan ni nanay Marta at sabay na kaming pumasok sa
kanyang kwarto. Pareho kaming tahimik habang mag-katabi sa kanyang kama para
kaming nagpapakiramdaman na ewan.
“Alex?” Tawag ko sa kanya nang hindi
na ako makatiis sa nakakabinging katahimikang namayani sa amin. “Sabihin mo
lang kung ayaw mo pa akong umuwi at hindi ako uuwi.”
“Wala akong karapatang pigilan ka
Renzell Dave.”
Sa sinabi niyang iyon ay napayakap ako
sa kanya. At sa tulong na rin nang mumunting ilaw ay nakita ko ang lungkot sa
mga mata niya.
“Binibigyan kita nang karapatang
pigilan ko.” May bahid ng panunuyo kong wika. “Sabihin mo lang at hindi ako
aalis mamaya.”
Umiling ito. “Alam kong kailangan ka
na nang kompanya niyo. Sobra-sobra na ang perwisyo ko sa iyo ayaw ko nang
dagdagan pa.”
“Pwedi ko namang.…”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko
nang siilin ako nito nang halik.
“Mag-kikita pa naman tayo pagbalik ko
doon di ba?” Nakangiti na nitong sabi, Wala na akong nagawa basta’t ngumiti na
ito hindi ko na magawang mag-protesta pa kaya napatango nalang ako.
Lalo lang tuloy akong nahuhulog sa
kanya. Ang pagiging maalaga niya at pagiging maalalahanin niya ay ang mga
katangian na hindi ko makita noon sa mga nakarelasyon. Alam kong ayaw pa ako
nitong umuwi. Tulad ko ay gusto pa nitong namnamin ang pagkakataong ibinigay sa
aming dalawa para mas lalong makilala at mas lalong mahalin ang isa’t isa pero
hindi niya pinili ang pangsarili niyang kapakanan. Inuna niya ang mga taong
naghihintay sa akin ang mga taong nakadependi sa akin sa mundo ko.
“Hihintayin kita sa pagbalik mo.” Ang
nasabi ko nalang kapag kuwan.
“Basta’t siguraduhin mo lang na
pagbalik ko hindi na kayabangan ang ibubulaga mo sa akin kung ayaw mong
ignorahin ulit kita.” Nakangiti nitong sabi.
“Promise.” Nakangiti ko na ring sabi
at muling naghinang ang aming mga labi.
Alam kong hindi pa ngayon ang tamang
oras para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Pero sa pamamagitan ng mga
halik ko sa kanya ipinaramdam kong may taong mag-hihintay sa pagbabalik niya na
may taong handa siyang mahalin ng totoo sa tamang panahon at sa tamang
pagkakataon.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment