by: Zildjian
Alexis
Tulad ng ipinangako ko kay Dave, nang
matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin sa probinsya namin ay umuwi na ako
pabalik sa trabaho ko kung saan naghihintay sa akin ang taong naging pangulo
nang buhay ko. Ang taong naging misyon na ata sa mundo ang asarain ako na ang
kinahantungan ay pareho kaming na hulog sa isa’t isa.
Noong una ay hindi ko lubos na
mapaniwalaan na ang tulad ni Renzell Dave Nivera ang bubunto’t sa akin kahit
saan ako mag-punta. Kahit noong una ko palang siyang makita nang pumasok ito sa
bar ay may naramdaman na akong kakaiba sa kanya. Ang tindig nitong lalaking
lalaki, ang galaw nitong kita mo ang confidence na lalo nagpapadagdag sa tikas
nito. Ngunit nang makita ko itong nakipag laplapan sa isa sa mga costumer naming
babae noon ay agad na nawalang parang bula ang paghanga ko sa kanya. Lalo na
nang lumapit ito sa akin at mag-yabang.
Who would have thought na ang taong
nakarinig kong paano ako hiwalayan ng taong una kong minahal ay ang taong sunod
na mamahalin ko. Ang kaso nga lang hindi ko talaga maiwasang hindi
mag-alinlangan tuwing maalala ko ang estado nito sa buhay na malayong-malayo sa
akin. Kung baga suntok sa buwan na may isang tulad niya ang iibig sa isang
tulad ko.
Binago ang lahat ng pagaalinlangan
kong iyon nang kahit sa maikling panahon ay makilala ko ito. Lalo akong nahulog
sa kanyang maginoo pero bruskong paguugali na laging lihim na nagpapangiti sa
akin. He maybe a childish sometimes but that doesn’t change the fact that
Renzell Dave has lots of things to be proud of. His looks, his overwhelming
confidence at higit sa lahat ang sweetness nitong laging nagpapakilig sa akin.
“Sir Alex, nakabalik na pala kayo.”
Ang bati sa akin ng isa sa mga tauhan ng seventh bar.
“Kamusta ang kita?” Nakangiti kong
balik dito sabay tungo agad sa pwesto ko kung saan sabi ni Sir Red ay naruon
ang mga reports sa nagdaang dalawang lingo. Ito ang una kong dapat gawin kaya
maaga akong pumasok ngayon kahit medyo bangag pa ako sa alikabok na nasinghot
ko sa ordinary buss na nasakyan ko.
“Si Sir Ace po ang nag-manage ng bar
habang wala kayo. Na busy rin daw po kasi si Sir Red sa pagaasikaso sa negosyo
nang asawa niya.”
Alam ng lahat ng tauhan sa bar ang
relasyon ng mga amo namin dahil hindi nila iyon tinatago sa mga tao. Proud na
proud pa nga ang mga ito na ipakilala sa mga kaibigan at costumers nila ang mga
partners nila na isa sa kinaiingitan ko noon.
Nagsimula akong mangarap na may isang
taong darating sa buhay ko na tulad ni Sir Red at Sir Rome na mamahalin ako
nang totoo. Inakala kong si Ian na iyon ngunit sadyang mailap ang totoong
pagmamahal sa mga katulad ko. Bukod sa wala na nga akong maipagmamalaki maliban
sa deploma ko na kung hindi pa dahil sa mababait kong amo ay di ko makukuha ay
mababaw pa ang self-esteem ko. Siguro dahil mula pagkabata ay naging tampulan
na ako nang tukso. Bakla, bading, ilan lang yan sa maraming tawag sa akin ng
mga kalaro ko noon sa akin.
Pero imbes na mag-mukmok ako sa isang
tabi ay nagsumikap akong makapagtapos para maipakita sa kanila na kaya ko ring
gawin ang nagagawa nang mga “Normal” na katulad nila. Nasanay akong ignorahin ang mga taong walang
magandang masasabi o walang maitutulong sa akin. Binaliwala ko ang mga taong
mag-bibigay lang sa akin ng ibayog sakit dahil ayaw ko nang masaktan. Nagsawa
na ako sa iba’t ibang klaseng pasakit na naranasaan ko noon.
“Sige, tapusin niyo na agad ang
paglilinis para makapagbukas na tayo. Nakakahiya kay Sir Red kung maabutan pa
niya tayong naglilinis ganitong mag-aalas-sais na.” Ang pagtatapos ko nang usapan
namin para makapagsimula na akong basahin ang mga reports na iniwan sa akin ni
sir Ace.
Tulad ng inaasan hindi ako pinahirapan
ni sir Ace sa reports na iniwan nito. Halatang alam na alam nito ang ginagawa
kahit paman hindi management ang profession nito kaya naman madali ko itong
natapos. Iba na rin ang seventh bar ngayon medyo may kahirapan na rin lalo’t
marami na ang naidagdag sa mga items namin.
Dumating si sir Red gaya nang sabi
nito.
“Good evening po sir Red.” Bati ko
dito.
“Sabing Red na lang eh.” Nakangiti
nitong sabi. “Good evening din sayo. Kamusta ang iniwang reports ni Ace natapos
mo na ba?” Sabi pa nito.
“Tapos na sir, pero bukas ko nalang po
i-submit sa inyo i-review ko muna siya at baka may mali ako sa computation.”
“Walang problema. Paki reserve pala
ang VIP table para sa mga kaibigan ni Dorwin.”
“Sige po sir Red.”
“Red.” Pagtatama nito. “Dapat masanay
kanang tawagin ako sa pangalan ko dahil… uhmm oh well kailangan ko pa palang sunduin si Dorwin. Sige Alex,
see you later.” Sabay talikod nito sa akin at madaliang lumabas ng bar.
Dahil na rin sa araw iyon ng sabado ay
agad na napuno nang tao ang seventh bar sa acoustic band na tumutugtog tuwing
Friday at Satuday. Ito ang mga araw na kailangan talagang hands on kaming lahat
sa trabaho namin.
Nagsisimula palang ang bar na ito ay
empleyado na nila ako. Mabuti nalang at nasabihan ako nang dati kong ka-klase
no’ng college na may isang bar na bagong bukas at nag hahanap ito nang mga crew
kaya naman agad akong pumunta at nag-apply. Swerteng ako ang kauna-unahang
taong natanggap ng mga ito.
Nasubabay-bayan ko lahat ng pangyayari
sa loob ng bar na ito. Ang proposal ni sir Carlo kay maam Tonet, ang walang
kamatayang sweetness ni sir Red at sir Dorwin. Ang pagiging late lagi nina sir
Rome at sir Ace, ang panunuyo ni sir Vincent kay maam Angela at ang surprise
birthday party ni sir Chad kay maam Mina. Lahat ng magandang kaganapan na iyon
ay nasaksihan ko sa pananatili ko sa seventh bar.
Malaki ang naging utang na loob ko sa
mga amo ko dahil kung hindi sa tulong nila ay hindi ako makakapagtapos. Kaya
ipinangako ko sa sarili ko na hanggat sa kailangan nila ako ay ibibigay ko sa
kanila ang serbisyo ko.
“Excuse me.” Pagtawag sa aking pansin
ng isang costumer na kung hindi ako nagkakamali ay ang kasama noon ni Dave nang
unang makilala ko ito sa bar. Ito rin ang kasama nito noong mag-kita kami sa
grocery store bago ako umuwi nang probinsya.
“Y-Yes sir?” Ang medyo nabigla kong
pagtugon.
“According to Red may-reservation na
raw kami rito.” Nakangiti nitong wika sa akin.
Kung titingnan ang hitsura nito’t
porma masasabi mong nabibilang rin ito sa mga taong nagmula sa karangyaan.
Gwapo rin ito’t maganda ang pangangatawan laging nakangiti ang mga mata nito na
animoy nangaakit palagi.
“Ah kayo po ba ang mga kaibigan ni sir
Dorwin? Yes sir, naka-reserve na po ang VIP table sa inyo. Samahan ko na po
kayo.”
“Cool. Salamat.”
Sinamahan ko nga ito at doon ko lang
naalala na dati na rin pala itong nagpupunta sa bar noon. Sadyang mailap kasi ang
mga ito sa tao at lagi nilang pinipili na sa labas pumuwesto tuwing pupunta
sila nang bar. Siguro gawa nang marami akong inaasikaso ay hindi ko na nabigyan
ng pansin ang grupo nila. Hindi naman kasi sila ang tipo nang grupo na
nagpapapansin.
“Siya ba yung tinutukoy mo Brian?”
Wika nang isa sa mga kasama nito.
“Walang duda siya nga.” Nakangising
wika naman ni Brian.
Napakunot tuloy ako nang noo dahil sa
sobrang pagtataka. Alam kong ako ang tinutukoy ng mga ito dahil lahat sila ay
sa akin nakatingin.
“Uhmmmm….” Wika naman nang isa na
sinamahan pa nito nang paghimas-himas ng kanyang baba.
“C’mon baby, don’t make him feel
uncomfortable” Wika nang isang babae na kasama nang mga ito.
“Oo nga naman Chuckie.” Ani naman ng
isa.
“By the way Alex these are my friends
Chuckie, his Wife Lexa, and Niel. Guys, meet Alex, the manager of seventh bar.”
Pagpapakilala nito sa akin sa mga kaibigan niya.
May pagaalinlangan kong inabot ang mga
nakalahad nitong kamay sa akin dahil ang totoo talagang naging uncomfortable ako
sa mga ito. Lalo na sa mga ngiti nila na para bang nanunukso at nangaasar.
“It was nice to finally meet you
Alex.” Wika nang babaeng nagngangalang Lexa.
“Nice to mee you din po maam.”
Mahiya-hiya kong sabi. “Our waiters will be the one to take your orders. Enjoy
the night.” Pagpapaalam ko sa mga ito. Hindi ko na talaga kasi matagalan ang
mga nakakagagong ngiti nang mga kasama nito.
“What do you think of him guys?” Ang
narinig ko pang wika ni Brian. Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na
marinig ang magiging pagtugon ng mga kaibigan nito. Hindi talaga ako sanay na
ako ang pinaguusapan ng kahit na sino. Nasanay ako sa tahimik kong mundo na
walang nakikialam sa akin at pumapansin.
Nagsimulang tumugtog ang banda at
nagsimula na rin dumagsa ang tao. Naging busy kaming lahat sa pag-assist sa mga
costumer namin. Dumating sina sir Dorwina at sir Red kasunod ang iba ko pang
amo ito ang araw ng bonding nilang mag-kakaibigan.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa
hindi pa dumarating ang taong hinihintay ko. Mag-iisang lingo naring hindi
tumatawag sa akin si Dave. Inisip kong busy ito masyado sa kanyang trabaho gaya
nang lagi nitong reklamo tuwing tatawag siya sa akin.
“Sir Alex, gusto ho kayong makausap ng
isa sa mga costumer.” Ang wika sa akin ng isa sa mga waiters namin.
“Bakit, anong problema?”
“Hindi ko po alam sir.” Wika nito.
“Sige, samahan mo ako sa mesa nila.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong
matuwa o dapat akong maasar nang makita ko ang taong gustong makipag-usap sa
akin. Aaminin kong hindi ko inaasahan na mag-kikita pa kaming muli at hindi ko
inaakalang makakaramdam ako nang kirot sa muli naming pagkikita. Ang akala ko
ay sapat na ang dalawang lingong bakasyon para makalimutan ko ang damdamin ko
sa kanya pero mukhang nagkamali ako.
Pinilit kong huwag ipakita ang sakit
na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. I know somehow tanggap ko nang wala na
kami pero iba parin pala kapag nakikita mo ang taong dati mong minahal na may
kasamang iba habang ikaw ay nakakulong parin sa nakaraan niyo.
Pero nang maisip ko si Dave, parang
nabawasan ang kirot na iyon. Si Dave ang sumalo sa akin no’ng panahon na
inakala kong wala na akong silbi sa mundo. Ang simpleng pangaasar at
pagpapansin nito sa akin ang naging dahilan para makalimutan ko ang sakit na
ibinigay sa akin ni Ian noon.
Dave was the person who manage to
accept my worst kaya siguro lang na dapat sa kanya ko rin ibigay ang buong ako.
Kung ano man ang nakaraan namin ni Ian that was part of the past at ngayon
kailangan ko nang tanggapin na hindi na talaga kami pwedi sa isa’t isa. Tulad
niya, may iba na ring laman ang puso ko ngayon at yon lang dapat ang
iintindihin ko hindi ang pride kong nasaktan noon.
“Gusto mo raw akong makausap?” Pormal
kong tanong sa kanya.
“Ah Alex, kamusta?” Ang wika nito.
“Okey naman ako. May problema ba sa
orders niyo kaya mo ako pinatawag?”
Alam kong nabigla siya sa ipinapakita
kong formality sa kanya. Siguro ay inaakala nitong ako parin ang dating Alex na
habol ng habol sa kanya. Ang Alex na laging nagpapakita nang interes sa kanya.
“Ah, wala naman. Gusto ka lang
makilala nang boyfriend ko.” Wika nito marahil ng makabawi sa pagkabigla.
I’m fully aware of what he’s trying to
do. Gusto niyang makita na umiyak ako’t mag-makaawang bumalik siya sa akin.
Well, di ko naman siya masisisi dahil iyon naman talaga lagi ang ginagawa ko
noon. Kay tagal na panahon ko na palang ipinilit ang sarili ko sa isang
relasyon na ako nalang ang nagmamahal. Kung hindi pa dumating sa akin si Dave,
marahil ay habol na naman ako nang habol ngayon sa kanya.
Ibinaling ko ang tingin ko sa kasama
nitong mataman akong tinitignan. Binigyan ko ito nang isang ngiti na tinugon
naman nito nang isang ngiwi.
“Hi.” Bati ko dito sabay lahad ko nang
kamay sa kanya.
Alanganin nitong tinanggap ang
pakikipagkamay ko.
“Edrick.”
“Alexis.” Pagpapapkilala ko rin dito.
“Balik muna ako sa pwesto ko. Sabihin niyo nalang sa waiter kong may mga orders
pa kayo.” Pormal kong pagpapaalam sa mga ito na tinugon naman nila nang tango
at pilit na ngiti.
Mag-sisinungaling ako kung sasabihin
kong hindi ako nasaktan dahil ang totoo may konteng sakit akong naramdaman pero
I have to move on. Tapos na ang mga araw ng pagpapakatanga ko kay Ian. Dapat ko
nang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa’t isa. Life’s what you make it.
It is always your choice if you’re going to let yourself be stuck on your agony
or take another chances of life.
Alam kong sa akin parin nakatingin si
Ian dahil nararamdaman ko ito pero hindi na ako muling bumaling pa sa kanya.
Ayaw ko na ring pahirapan pa ang sarili ko. Nagawa ko na ang bagay na di ko
kayang gawin noon ang tanggapin sa sarili ko na may mga bagay talagang hindi
nakalaan sayo.
Natapos ang unang set nang banda.
Napuno nang palakpakan ang loob ng bar dahil sa magandang performance nila.
Sakto namang naaninag ko ang pamilyar na bulto ni Dave. Muli kong naramdaman
ang pagwawala nang aking puso. Kakaibang tuwa ang aking naramdaman ng muli ko
siyang makita pero, agad na napalitan ng pagtataka ang tuwang iyon ng mapansin
ko ang magandang babaeng nakalingkis sa braso nito.
Sino ang kasama niya? Ang di ko
maiwasang maitanong sa sarili ko.
Lumapit ito sa mesa kung saan nakaupo
ang mga amo ko. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng selos habang masaya
itong nakipagbatian sa mga kaibigan ng bayaw nito hanggang sa biglang nabaling
ang tingin nito sa akin at mag-tama ang aming tingin.
Ako na mismo ang unang nagbawi nang
tingin sa kanya. Ewan ko ba pero, kahit wala naman akong karapatan ay
nakaramdam ako na ibayong selos at insecurity sa kasama nito. Bukod kasi sa
maganda ito’t pang modelo ang tangkad ay masasabi kong kahit sa malayo ay bagay
na bagay sila.
Ilang minuto pa ang lumipas at kasama
na nito ang mga kaibigan niya sa VIP table habang ako ay hindi na alam kong ano
ang gagawin ko.
“Alex.” Bahagya pa akong nagulat ng
nasaharapan ko na pala si Ian
“Anong kailangan mo?” Nakakunot noo
kong tanong sa kanya. Hindi ko na kasi maitago ang pagkairita ko lalo’t sa
nakikita kong lampungan ni Dave at ng kasama nito.
“There! Yan ang na miss ko ang
pagiging mataray mo.” Nakangisi nitong sabi.
“Kung may kailangan ka sa waiter mo
sabihin.”
“It’s obvious that you are trying to
get rid of me. Bakit, may iba ka na bang kinababaliwan ngayon?” Maangas nitong
sabi.
“Look Ian, may boyfriend kana kaya
kung ako sayo siya nalang ang atupagin mo.” Pagtataboy ko pang lalo sa kanya.
“Is that the reason why you’re
avoiding me? Paano kung sabihin ko sayong hindi ko siya boyfriend at
mag-kabarkada lang kami?” May bahid ng panunukso nitong sabi. Hindi ko alam
kung ano ang gustong palabasin nito ang alam ko lang nagsisimula na akong
maasar sa kanya.
“What are you trying to prove Ian?” Di
ko maiwasang maitanong sa kanya.
“That you are still madly in love with
me at ayaw mo lang ipakita iyon. Hindi ko ine-exepect ang reaksyon mo kanina. I
was expecting….”
“Na iiyak ako sa harapan mo at
mag-mamakaawa?” Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. “I’ve change Ian, for the
better. Ngayon ko lang kasi narealize how stupid I was for falling in love with
a self centered beast like you.”
Alam kung hindi nito inaasahan ang
maanghang na salitang isasagot ko sa kanya. Siguro ay hindi nakayanan ng pride
nito na wala manlang akong reaksyon ng may ipakilala ito sa aking boyfriend
niya kuno. Kaya ito nandito ngayon sa harapan ko.
“Anong ginagawa mo rito?” Biglang
sabat ng isang pamilyar na boses at nang ibaling ko ang tingin ko dito ay
bumungad sa akin ang galit na mukha ni Dave.
“At sino naman itong pakialamerong
to?” Maangas na balik naman ni Ian dito.
“Dahan-dahan ka sa pananalita mo kung
ayaw mong basagin ko yang bungo mo.” May bahid ng pagbabantang wika ni Dave.
“Bakit siya nandito Alex?” Baling nito sa akin.
“Open sa lahat ang bar na ito kaya
natural lang na nandito siya.” May pagkasaar kong wika. Hindi ko nagustohan ang
tono nang pagtatanong nito sa akin.
“Narinig mo? Kaya kung wala ka nang
sasabihin umalis kana’t naguusap pa kami ni Alex.” Wika naman ni Ian dito.
Isang nakakamatay na tingin ang
ipinukol nito kay Ian.
“Sweety, saan ang CR nila rito?”
Biglang singit ng babaeng kasama nito kanina sabay lingkis muli nito sa kanyang
braso.
Sweety? Ibig sabihin may relasyon
sila?
Sa narinig ay tuluyan ng umapaw ang kanina
ko pang tinitimping galit. Wala itong ipinagkaiba kay Ian isa rin pala itong
manloloko at mahilig mag-paasa nang tao.
“S-Sonja.” Medyo nabigla ito sa
paglapit ng babaeng ang pangalan pala ay Sonja. Bumaling ang tingin nito sa
akin na animoy gustong mag-paliwanag pero bago pa ito makapagsalita ay inunahan
ko na siya.
“Kung may kailangan pa po kayo sa
waiter niyo nalang sabihin.” At madalian akong pumasok sa kitchen room kung
saan tanging kami lamang ang pweding makapasok.
Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi
ko akalain na sa isang gabi lang, ang parehong lalaking minahal ko ay parehong
ring sasaktan ako. Umasa ako kay Dave, umasa ako sa pangako niyang hihintayin
niya ako’t bibigyan namin ng pagkakataong makilala ang isa’t isa.
Kaya siguro hindi na ito nagparamdam
sa akin dahil sa may babae na pala siya. All was just for a show para makabawi
ito sa pang-iignora ko sa kanya noon. Wala itong ipinagkaiba kay Ian, parehong
sarili lang nila ang iniisip nila. Wala itong pakialam kong may tao man silang
masasaktan basta’t mapatunayan lang nila ang gusto nilang mapatunayan sa
kanilang mga sarili.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment