Tuesday, December 25, 2012

Chances (07)

by: Zildjian

Matapos ang palitan namin ng ngiti kanina nang madalitang Alex na iyon Well, hindi na siya maldita dahil ngitian na niya ako kaya pagiisipan ko ang bagong itatawag ko sa kanya ay may kakaibang damdamin na pilit na umaalipin sa akin ang kaso ay hindi ko ma-decipher ang damdamin na iyon kaya isinangtabi ko nalang muna.

Nasa loob parin ako nang bar ngunit iniwan ko na itong abala sa kanyang ginagawa ayaw ko na rin munang maasar ito sa akin sayang naman ang ngiting binigay niya kanina kung mapapalitan ulit iyon ng pagkasuklam. Yeah right suklam na suklam siya sa akin at sa tingin ko para hindi na humaba pa ang kalbaryo niya sa akin ay pilit nalang niyang intindihin ang sayad ko. Mukha talagang seryoso sa buhay ang isang yon tulad nalang ng sabi ni Red.

Gayon pa man hindi ko masasabing peki ang ngiting iyon na sumilay sa kanyang palaging galit na mukha kahit ba dalawang beses ko lang nasilayan yon matapos kasi naming magpalitan ng ngiti ay focus na ito sa ginawagawa niyang trabaho at hindi na muli akong tinignan.


Mataman ko lang itong pinagmamasda mula sa aking kinauupuan. Mukhang ang bar counter na nang naturang bar na iyon ang favorite spot ko dahil ngayon dito na naman ako nakapwesto kung bakit, isa lang ang sagot diyan, sa pwesto kong ito malaya kong nababantayan ng tingin si Alex na walang makakahalata.

Minsan, di ko maiwasang mapangiti sa tuwing makikita ko itong kinakagat ang dulo nang kanyang gamit na ballpen animoy hirap na hirap ito sa kanyang ginagawang pag-compute sa lahat ng pumasok na pera sa bar ng bayaw ko. Napakaganda sa aking paningin ang ganung gesture niya. Cute.

The `hell? San ko napulot ang salitang iyon? Kelan pa ako na cute-an sa isang katulad kong lalaki? Sita ng isang bahagi ng isip ko.

Half-half naman yan kaya pwedi. Katwiran naman ng isa.

“Mukhang tuluyan na ata akong nabaliw.” Ang pabulong kung wika.

Para namang umabot sa tenga nito ang sinabi kong iyon nang mapalingon ito sa akin. He may be grumpy to me pero dahil rin doon nakuha nito ang atensyon ko at mukhang naka adikan ko na ang pagpapapansin rito.

Sinuklian ko nang isang magandang ngiti ang tingin niyang iyon inaakalang muli kong masisilayan ang magandang ngiti nito ngunit ayun at bigo ako dahil muli lang nitong itinuon ang kanyang pansin sa ginagawa.

Again, I was been ignored! Napapalatak kong sabi sa sarili.

“Ang aga naman atang paglalasing yan pinsan.” When I turned to the person who distracts me I saw Ace greeted me with his evil smile. Tama, evil smile iyon para sa akin dahil sa tuwing ngingiti ito sa akin ay alam kung may kabulastugan itong naiisip.

“At anong masamang hangin ang nasinghot mo para lumabas ka sa hawlang ginawa sayo nang boyfriend mong katulad mo rin ay sira ang ulo?” Oh yeah! Isa si Ace sa mga taong effective ang pangaasar ko at ang mag-papatotoo nito ay ang pagkunot ng mukha nito sa akin.

“Hindi ako ikinukulong ni Rome, masama ang mag-paratang nang tao nakakamatay yon. At bakit ka nag tatanong kong bakit ako nandito? `Natural na nandito ako kasi bar namin to.” Mataray nitong sabi sabay pukol sa akin ng nakakamatay na tingin.

Ngising nakakagago lang ang isinagot ko sa kanya sabay tunga nang hawak kong bote ng beer.

Ibinaling nito kay Alex ang kanyang tingin saka iniwan ako para lapitan ito. Hindi ko masyadong marinig ang sinabi ni Ace rito nagtaka nalang ako nang tumingin ito sa akin na nakakunot na naman ang mukha.

Nang makabalik si Ace sa akin ay nakaplastar na sa mukha nito ang ngiting nakakagago.

“What did you tell him?” Bakas sa boses ko ang panunumbat alam ko kasing may ginawang hindi paborable sa akin ang pinsan kong ito. Ace maybe a reserved type but he can be evil depends on situation. Gustong gusto nito ang makaganti sa pangaasar ko sa kanya at sa boyfriend niyang halatang dead na dead sa kanya.

Bago ako nito sagutin ay um-order muna ito nang maiinum sa barista nila. At imbes na sagot ay isang tanong ang ibinigay nito sa akin.

“Why are you so affected?” Nakangising wika nito sa akin.

Bakit nga ba ako affected? Siyempre nagpakahirap akong paamuhin ang isang iyon tapos ngayon pakiramdam ko galit na naman ito sa akin dahil may sinabing kagaguhan itong pinsan ko.

“Umayos ka Arl Christopher Earl kung ayaw mong balian ko nang buto ang boyfriend mo.” May pagkaasar kung wika sa kanya na bago sa akin dahil ni minsan hindi nito nagawang asarahin ako, laging ito ang naasar sa akin.

Pinukol ko ito nang masamang tingin.

“Ano ang sinabi mo sa manager niyong iyon?” This is really not me. Lantaran na akong nagpapakita nang interes sa manager na iyon at ang masama pa nito ay sa pinsan ko pang may malaking kinikimkim na paghihiganti sa akin.

Pero bago pa ako nito masagot ay saka naman ang pagdating ng hinayupak nitong boyfriend. Binati pa ako nito na tinugunan ko lang ng isang masamang tingin.

“Bakit badtrip si kuya Dave?” Tanong nito sa kanyang asawa  slash ‘kuno’.

“Wag mo siyang pansinin. Halika sa labas hubby doon natin hintayin ang iba may ikukwento ako sayo.” At walang anu-anong iniwan ako nang dalawang kumag hindi manlang nagpasindak sa akin.

Ngalingaling ibato ko sa mga ito ang hawak kong bote sa sobrang pagkaasar ayaw na ayaw ko pa naman na nalalamangan ako sa asaran kaya sinundan ko ang dalawa para itanong kay Ace kung anong kabulasugan ang sinabi nito kay Alex malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa akin.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng bar nang makita ko ang iba pang meyembro nang seventh bar. Napalatak ako nang maalalang sabado ngayon at ngayon ang araw ng bonding ng mga hudyo.

Nakangising aso na sa akin ang dalawang baliw nang makalapit ako sa mesa kung saan lagi nilang pinu-pwestohan kung nagiinuman sila.

“What?” Asar kong wika.

“Nothing!” Sabay na wika nang dalawa at sabay ring humagikhik ang mga ito dahilan para lalo akong maasar. These two is obviously annoying me at hindi maganda ito dahil ako lang dapat ang magaling sa larong iyon.

“Magugunaw na ba ang mundo?” Bungad sa amin ni Angela. “And hello Renzell Dave.”

“Dave.” Walang kabuhay-buhay kong pagtatama sa kanya.

“Himala! Naunang dumating ang dalawang laging late.” Wika naman ni Tonet.

“Kaya nga ako nagtanong kung magugunaw na ba ang mundo. Dali kunin niyo ang mga cellphones niyo at sabay sabay nating markahan sa calendaryo ang himalang ito.”

Lahat kami ay natawa sa kagagahang sinabi ni Angela maliban kay Ace na pinukol ito nang masamang tingin. Oo nga naman big deal sa lahat ang nangyaring ito dahil ito ang unang pagkakataon na naunang dumating ang dalawa.

“Na bored lang si Wifey sa bahay natapos na kasi namin ang linalaro namin sa ps3.” As usual ipinagtangol na naman ni Rome ang aking demonyitang pinsan.

“Pahiram ako di ko pa nalalaro yon.” Wika naman ni Carlo.

“Ako muna pare, matagal ko nang hinihintay na matapos nila yon eh.” Sabat naman ni Chad.

“Pockie ninja nalang ang laruin nyo astig pa. Di ba mahal?” Sabat naman ni Red.

No wonder na naging magkakabarkada ang mga unggoy na ito pare-parehong mga baliw at mga sira ulo hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang nagustohan ng mga misis at mister ng mga ito at sila pa ang napiling pakasalan at sa kasamaang palad mukahang nahawa na ang kambal ko sa mga ulupong na to.

“At bakit ka nandito Renzell Dave?” Pagpansin sa akin ng kambal ko.

“Bakit? Hindi ba ako welcome rito?”

“Bawal ang may sayad sa negosyo nang mahal ko baka malugi pa ito.” Hindi ko talaga lubos maisip kong bakit sa mga kaibigan namin si Dorwin ang binansagang anghel eh mukhang mas wala itong budhi kumpara sa akin.

Aalma pa sana ako nang sumunod sa labas ang isang waiter at si Alex.

“Sir Red na evaluate ko na po ang lahat paki basa nalang po nito.” Wika nito sabay abot ng isang folder sa bayaw ko.

“Salamat Alex maasahan ka talaga. Yung hinihiling mo sa akin kanina sa text mo granted na yon enjoy your two weeks’ vacation.”

“Maraming salamat po sir Red.”

“Ikaw talaga Alex ilang beses ko bang sasabihin sayo na Red nalang. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin sayo.” Ngingiti-ngiti namang wika nito.

Nakakunot noo ko itong tinginan. Bakit humingi ito nang two weeks’ vacation? Dahil ba sa pagod na ito sa kanyang trabaho at gustong mag-pahinga o dahil sa pakikipaghiwalay ng boyfriend nitong mukhang paa?

Saan ka pupunta? Ang gusto ko sanang isatinig kung wala lang sa harap ko ang mga boss nito. Ngayon pa’t nagsisimula na ako nitong pansinin saka naman ito lalayo. Pero siguro nararapat lang naman din na mag-pahinga ito hindi biro ang laging pagpupuyat nito isama mo pa ang kasawian niya kamakailan lang.

“Ehem!” Malakas na tikhim na nagmula kay Rome.

Doon naputol ang pagtitig ko sa taong ngayon ay papasok na ulit sa bar para tunguhin ang pwesto niya. Nang maibaling ko ang tingin ko sa mga kasama ko sa lamesa lahat sila sa akin nakatingin na para bang isa akong kriminal.

“Sabi sayo hubby eh.” Wika ni Ace na sinabayan nito nang nakakalokong ngiti sa akin.

Alam kung hindi makakabuting bigyan ko pa sila nang pansin dahil sa mga oras na iyon ay asar na asar na ako hindi lang para sa pinsan ko kung hindi pati na rin kay Alex. Bakit pa kailangan nitong makipagngitian sa akin gayong lalayasan lang naman pala ako nito?

Teka nga Renzell Dave? Bakit ka ba apektado sa pagalis niya? Napapailing nalang ako sa kung anu-anong kalokohang nabubuo sa aking isip.

Kasalukuyang pinapanood ko ang naglalarong mga pamangkin ko sa garden ng bahay ng lola’t lolo ko. Hindi ko man gustong um-attend sa family day namin ay wala rin akong nagawa nang puntahan ako mismo ni Dorwin at kaladkarin palabas ng kwarto ko. Hindi pa kasi napapalis ang kabadtripan ko mula kagabi sa dalawang kumag na magkasintahan isama mo pang hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataong makausap ulit si Alex dahil sa presenya nang buong meyembro nang seventh bar.

Naroon ang mga pinsan ko’t mga asawa nila sa isang mesa abala sa paglalaro ng basaraha habang nagkukwentohan. Wala ako sa mood na makinig sa mga kalokohan nila kaya pinili ko nalang na humiwalay at mag-kunwaring may hangover.

“Lintik na buhay to.” Pabulong kong wika. Badtrip na badtrip talaga ako.

“Anong drama mo?” Napatitig ako sa kambal kong tumabi sa akin sa duyang gawa sa kahoy na kinapupwestohan ko.

“Drama ka diyan. Ikaw lang naman ang mahilig nun.” Tugon ko sabay agaw sa hawak nitong baso nang coke adik sa coke ang kambal ko.

“Lokohin mo nalang lahat wag lang ako Renzell Dave.” At binawi muli nito ang baso nang coke sa akin.

“Bumalik ka na ngalang doon sa asawa mong hilaw.”

Inaasahan ko nang dadapo ang mabibigat nitong kamay sa bunbunan ko ngunit hindi nang yari ito napatingin tuloy ako sa kanya at doon ko nakitang mataman pala ako nitong tinitignan. Seryoso ang mukha nito na animoy pilit binabasa ang nasa utak ko.

“Is it possible?” Wika nito na ipinagtaka ko naman.

“What?”

“Wala.” Ang wika nito sabay tayo. Ang weird talaga nitong kambal ko, minsan concerned at most of the time halos ilibing na ako nang buhay.

I know I act strange lately at aware ako doon ang kaso hindi ko alam ang rason kung bakit. Nangyari lang naman ang lahat ng ito nang makilala ko ang malditang Alex na iyon. Ako ang tipong hindi basta-basta nagkaka-interes sa mga bagay na wala naman akong mapapala but for Alex who gave me this kind of feeling nakakatakot parang hindi ko na tuloy kilala ang sarili ko.

Minabuti ko nalang umuwi tutal wala rin naman akong mapapala kung magtagal pa ako itutulog ko nalang itong kabadtripan ko ngayon sa mundo mas gugwapo pa ako.

“Mauna na ako sa inyo masakit pa talaga ang ulo ko.” Pagpapaalam ko sa mga pinsan ko.

“Nandito ka pala?” Sarkastikong wika naman ni Ate Claire. “Hindi ka kasi namin maramdaman ngayon.” Dagdag pa nitong wika.

“Wala ako sa mood makipagasaran sa inyong mga kurimaw kayo.” Asar kong sabi sabay talikod sa kanila narinig ko pa ang ang iba’t ibang reaksyon ng mga ito.

“Anong problema nun?”

“Aba! Mataray ang lolo niyo.”

“Si Dave ba talaga yon? Parang hindi eh.”

Iiling-iling nalang ako sa kalokohan ng mga pinsan ko. Sabagay di ko naman sila masisisi hindi sanay ang mga ito na nagseseryoso ako mas sanay silang inaasar ko sila.

Nang mapadaan ako sa isang grocery store pauwi nang bahay ay may nahagip akong pamilyar na tao si Brian iyon at mukhang katatapos lang mag-grocery ng kumag agad akong tumabi sa kalsada at pasigaw na tinawag ito.

“Uhuy! Kamusta ang buhay-buhay?” Bati nito sa akin ng makalapit.

“Kasing gulo mo parin. Kelan ka pa natutong mag-grocery?”

“Kanina lang nang magising ako’t mabasa ang iniwang sulat ng katulong namin na uuwi muna siya sa kanila dahil may sakit ang anak niya.”

“Ano ang feeling?” Pangaasar ko sa kanya.

“Okey lang, marami akong nakitang chikas at nakita ko rin sa loob ang manager ng bayaw mo. Mukhang papakyawin ata ang buong laman ng pobreng grocery store.”

Sa sinabi nitong iyon ay agad na napalis ang pagkayamot ko sa mundo at napalitan ng kakaibang pakiramdam. Para akong battery na biglang na recharge.

“Si Alex? Nasa loob pa rin ba siya?” Paninigurado ko.

“Oo bakit? Di ba hindi ka intersado sa pangalan niya bakit mo naalala?”

Imbes na sagutin ang patutsada nito ay mabilisan akong bumaba nang aking sasakyan.

“I-park mo nga muna ang sasakyan ko nang may silbi ka naman sa akin.” Wika ko sa kanya at mabilisang tinungo ang loob ng grocery store.

Sumilay ang ngiti sa aking mukha at muling bumilis ang aking puso habang hinahanap sa mga taong abala sa pamimili ang mukha ni Alex. And there he is abala sa pamimili nang kung anu-ano at tama nga ang sabi ni Brian mukhang balak nitong bilhin lahat ng produktong pweding mabili sa loob ng grocery na iyon sa sobrang dami ng laman ng cart nito.

Dahan-dahan kahit may kaba akong lumapit sa kanya.

“Fancy meeting you here.” Ang bati ko sa kanya.

Halatang nabigla ito nang makita ang nakangiti kong mukha.

“Dave?”

The moment that he uttered my name I know that it will never sound the same. Teka parang lyrics nang kanta yon ah. Naku! Basta talaga nasa harap ko ang kumag na to kung anu-ano nalang kabalbalang pumapasok sa kokote ko.

“Hi.”

“Anong ginagawa mo rito?” Muling nangunot na naman ng maamo nitong mukha.

“Ayan ka na naman. Bakit ba kapag nakikita mo ako awtomatikong nagsasalubong ang kilay mo?” May himig ng pagtatampo kong sabi.

I knew it! May crush talaga siya sa akin dahil nakita ko na namang napataas ang mag-kabilang dulo nang labi nito he’s suppressing a smile kasi nahihiya siyang ipakita iyon sa akin. Ganun naman talaga ang mga taong may crush di ba?

Utuin mo ang sarili mo Renzell Dave! Mukha ngang ikaw pa itong may crush sa half-half na yan eh!  Kontra agad ng isang bahagi ng utak ko.

“Balak mo bang bilhin lahat ng laman ng grocery store na ito?” I know corney pero yon lang ang kinaya nang utak ko sa mga oras na iyon.

Bumakas ang pagtataka nito sa kanyang mukha kaya naman itinuro ko ang cart nitong punong-puno nang laman and boom! He smiled at me.

Itutuloy. . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment