Tuesday, December 25, 2012

Chances (03)

by: Zildjian

“Naku pare, ayan ka na naman ha!” Ang wika ni Brian ng makita nito ang nakakagago kong ngiti.

“What?” Maang ko namang sagot.

“Yang ngising aso mo alam ko ang ibig sabihin niyan.” May panunuya nitong sabi.

“I like that person, what was his name again?” Pagiiba ko nang usapan. Wala namang rason para mag deny o umamin ako kay Brian dahil alam kong hindi ako nito papaki-alaman kahit ano pa ang gawin ko.

“Oh? Why the sudden change of mind? Akala ko ba hindi ka intersado sa pangalan niya.” Ngumisi ito sa akin na para bang may ibig sabihin.

“Anong ibig sabihin ng ngisi mong yan?” Ang may bahid ng pagka-pikon kong sabi.


“Naisip ko lang kasi pare, since na kambal kayo ni Dorwin pwedi ring…”

“Sige, try mong dugtungan yang sinasabi mo at lalapat sa nguso mo tong kamao ko.” Ang agad kong pagputol sa sasabihin nya.

Tumawa ito nang nakakagago.

“Easy lang pre, alam ko kung gaano ka kahayok sa babae kaya imposible. Pero..” Ang may pambibitin pa nyang sabi na sinamahan pa nang pagkamot-kamot sa kanyang baba na animoy nag-iisip.

“Anong pero?” Di na makapaghintay kong wika.

“Pero, possible rin na matulad ka kay Red at Niel.”

Akmang susuntukin ko na sana ito nang mabilisang lumayo si gago dahilan para mapatingin sa amin ang ibang costumer. Para kaming mga bata kung mag-kulitan ni Brian sabagay pareho kaming may sira sa ulo kaya normal lang para sa amin ang ganung asal kahit pa sa harap ng mga tao.

“Easy lang pare, biro lang yon noh.” Wika nito at muling bumalik sa dati nitong kinauupuan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng makabalik sa may counter ang barista nang bar na iyon. Hindi na muling lumapit pa sa amin ang manager nila, nanatili lamang ito sa may casher table habang kami naman ni Brian ay nagsimula nang mag-inuman.

Hindi ko maiwasang minsang mapatingin sa manager na hanggang ngayon ay wala paring mababakas na ekspresyon sa mukha. Kahit na maraming tao at nag-sisimula nang tumugtog ang banda’t nag-sisimula na ring dumating ang mga tao ay parang wala parin ito sa sarili. Nakatanga lang ito na para bang malalim ang iniisip.

“Pare, masyado kanang obvious.” Ang pagpansin ni Brian sa akin.

Agad ko namang binawi ang tingin ko sa manager na iyon at nag-kunwaring nakikisabay sa kanta.

“Anong obvious?” Kunot noong tanong ko sa kanya.

“Kanina mo pa tinitingnan yang manager ng bayaw mo ah. Na love at first sight ka ba?” Wika nito na sinamahan pa nang nakakaasar na tawa.

“Ulol!” Ang natawa ko na ring sabi.

Alam ko sa sarili ko kung ano ang gusto ko kaya walang dahilan para mapikon ako sa sinabi ni Brian. Siguro kaya hindi ko mapigil ang mapatingin sa manager na iyon dahil sa hindi nito pamamansin sa pang-aasar ko na bago para sa akin.

Medyo may tama na kami pareho ni Brian. Nakailang shots na rin kami nang alak at nakakadalawang set na ang bandang tumutugtog. Medyo na enjoy namin ni Brian ang second set dahil halos mga paborito namin ni ang kinanta nang vocalist. May mga bago at syempre mga lumang kanta na nag-papaalala sa amin nung nasa college pa kami.

Natapos ang pangalawang set ng banda at napalitan na nang mga jazz songs na naging trademark na ng seventh bar. Masasabi kong henyo ang kung sino mang nakaisip sa ganung setup, marerelax ka talaga kung papasok ka sa bar nilang iyon. Kaya siguro isa na ito ngayon sa mga dinadayong bar sa syudad.

“Hey handsome guys.” Pareho kaming napalingon ni Brian at bumungad sa amin ang isang babae. Maganda ang hubog ng katawan nito’t maumbok din ang dibdib –mga  katangin na hinahanap ko sa mga babae pero sa mga oras na iyon nawalan akong ganang makipag-flirt na bago na naman para sa akin.

“Yes?” Ang walang kagana-gana kong wika.

“Uhmmm.. I’m just wondering if you would mind me doing this to you.” Wika nito at mabilisan kinabig ang aking batok at siniil ng halik. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakapag-react agad para akong na estatwa.

Rinig kong may nagpalakpakan at nagtiliang mga kababaihan sa isang mesa hindi malayo sa kinauupuan namin ni Brian.

Magaling syang humalik halatang sanay itong makipag-laplapan at nag-sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako tinablan sa halik na iyon. Ilang sigundo rin ang itinagal ng halikan namin ng unknown girl na iyon.

“Wow! Such a good kisser.” Wika nito nang mag-hiwalay an gaming labi. Binigyan ko naman siya nang aking pamatay na ngiti.

Ang sunod nitong ginawa ay kinuha ang palad ko at may isinulat na mga numero doon. Batid kung iyon ang paraan nya nang pag-bibigay ng number nya sa akin.

“Call me when your free, game ako sa lahat ng bagay.” Wika nito at muli akong dinampian ng halik bago tumalikod at bumalik sa lamesa nang mga kasama nitong nag-titilian.

Sa di malamang dahilan ay nabaling ang tingin ko sa manager ng bar at nahuli ko itong nakatingin sa akin. Binigyan ko sya nang ngising nakakagago dahil nakaramdam ako nang pagka-bilib sa aking sarili sa ginawang paghalik sa akin ng babae na tinugon naman nya nang dalawang iling bago muling ibinaling ang kanyang atensyon sa ibang dereksyon.

“Nak ng pucha pare, mukhang may maikakama ka ngayon ah.” Ang pang-aalaska ni Brian sa akin.

“Gago! Wala akong balak makipag kantutan ngayon baka ikaw gusto mo?” Tugon ko naman sa kanya na hindi parin iniiwas ang tingin sa manager ng bar na iyon.

“No thanks, not interested with women who do the 1st move walang thrill.”

Ganyan ang ugali ni Brian at siguro yan ang dahilan kung bakit ko sya nagustohan bilang kaibigan. Wala sa listahan namin ang mga babaeng gumagawa ng 1st move nakaka-turn off ang ganun mas trip namin ang mga babaeng pa demure, yung tipong kahit alam mong type ka ay mag-papakipot parin.

“Oh san ka pupunta?” May pagtatakang tanong nito nang tumayo ako.

“Makikipag-kilala kay Mr. Manager.” Nakangisi kong tugon sa kanya.

“Kung ako sayo ipag-paliban mo nalang muna yang mga plano mo, mukhang wala sa mood ang taong makipag-biruan ngayon baka masapak kapa nyan.”

“He wouldn’t do that.” At tinungo ko na nga ang pwesto nang kauna-unahang lalaki bukod kay Dorwin at papa na kumuha nang interes ko.

Habang papalapit ako sa kanya ay nakaramdam ako nang konteng kaba. Para akong natakot o mas tamang sabihing nahiya sa di malamang dahilan. Hindi ko naman ito masasabing dahil sa takot na masapak nito dahil kampante ako sa pagiging black belter ko. Kakaiba, yon lang ang tanging alam kong salita na angkop sa nararamdaman kung sa mga oras na iyon.

Hindi nito napansin ang pag-lapit ko sa kanya dahil nasa calculator at mga bills ang atensyon nito.

“Mukhang hindi na malulugi ang bar na to ah.” Pagkuha ko nang pansin nya, hindi naman ako nabigo dahil napatingin ito sa akin yon ngalang agad na nagsalubong ang kilay nito. “Relax, gusto ko lang mag-pakilala, i’m Dave.” Sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

Tiningnan lang nito ang nakalahad kong kamay.

“Anong kailangan mo sir?” Kunot noo parin ito.

“Hindi mo naman lang ba tatanggapin ang pagkikipag kamay ko?” Taas ang isang kilay kong wika.

Muli nitong ibinaling ang kanyang tingin sa kamay kong nakalahad parin sa kanya saka may pagaalangan itong tinanggap.

“Mukhang hindi karin na trained na kapag may nakikipag-kamay sa iyo at ibinigay ang pangalan niya’y obligado karing ibigay ang palangan mo.” May halong sarcasm kong wika sa kanya.

In-expect ko nang mapipikon na ito sa akin at sasabihin nyang naibigay na nya ang pangalan nya kanina ngunit na bigla ako nang ngumiti ito sa akin iyong ngiting alam mong walang kalaman-laman.

“Alexis Vanzuela.” At muli na nitong ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa

Ito ang pangalawang beses na pang-ignora nito sa pang-aasar ko sa kanya at talaga namang hindi na nakakatuwa.

“Sir, siguro mas maganda kung bumalik kana sa pwesto mo so you can enjoy the rest of your night.” May pag galang  nguni walang gana nitong sabi.

Sa puntong iyon para akong binuhusan ng malamig na tubig nakaramdam ako nang pagkapahiya hindi lang dahil sa pang-iignora nito pati na rin ang hayangang pagpapalayas nito sa akin sa harapan nya. Mukhang bumaliktad ata ang sitwasyon dahil sa puntong iyon ako ang nainis at napahiya.

“Sure, it was nice meeting you.” Ngiting pilit ang ibinigay ko sa kanya bago tumalikod. Hindi ko palalampasin ito kukuha muna ako nang bwelo saka ko sya babalikan.

Hindi pa tayo tapos Alexis Vanzuela wala pang taong nakakalamang sa akin.

Lumipas ang dalawang araw at hanggang ngayon ay hindi parin mawala-wala sa isip ko ang huling paguusap namin ng kauna-unahang taong napahiya ako. Tinawagan ko si Rome at pasimpleng nag tanong tungkol sa bar nila hanggang sa makakuha ako nang background ng Alexis Vanzuela na iyon na hindi nito nahahalata at hindi ako nabigo dahil nakakuha ako nang kaunting impormasyon sa taong iyon.

Sabi ni Rome si Alexis o mas kilalang Alex ay dati nilang waiter sa bar na iyon ang pinag-tataka ko lang ay kung bakit hindi ko ito ma-alala sabagay mabibilang lang sa kamay ko ang pagpunta ko sa bar nila. Hindi naman talaga kasi ako mahilig sa mga acoustic bars dahil ayaw ko nang senti na kabaliktaran namin ni Dorwin dahil ang gusto ko ay mga lugar na malalakas, yung maiingay ang tutog katulad ng mga disco bars.

Dahil na rin sa marami pang mga pending na reports ang naghihintay sa akin kaya naman ipinag-paliban ko lang muna ang plano kung paghihiganti at inuna munang tapusin ang mga bagay-bagay bago ko simulan ang plano ko para wala nang sagabal.

Ilang araw pa ang lumipas at sa wakas ay natapos ko nang lahat ang mga reports na pwedi kong gawin sa sobrang busy ay hindi ko na minsan magawang sagutin ang mga tawag ni Sonja. Umiskapo nga ako nung nakaraang family day namin na laging ginaganap tuwing lingo para lang agad na matapos ang lahat nang sa tuluyan ko nang maisakatuparan ang aking mga balak.

“Anong masamang elemento ang sumapi sayo at hindi ka raw nagpapadisturbo?” Bungad ni kambal sa akin sa kwarto habang nakadapa sa kama’t nag-babasa ng huling apat na reports ng mga EE namin sa kumpanya.

Binigyan ko lang ito nang magandang ngiti at muling ibinaling ang atensyon sa aking binabasa.

“Aba! Dedicated ang loko sa ginagawa. Ilang araw ka na raw hindi lumalabas ng kwarto mo sabi ni papa sa akin. Wag mong sabihing may balak kanang pakasalan ang imaginary girlfriend mo kaya ka nagpapakakuba sa trabaho.” May himig nang pang-aasar nitong sabi nang makaupo sa kama po.

“Imaginary girlfriend ka dyan. Trip ko lang tapusin ang lahat para tuloy-tuloy ang pahinga ko.” Nakangiti kong tugon sa kanya.

“Kung gusto mong tuluyang mamahinga pwedi kitang tulungayan.” Pang-aasar pa nito sa akin.

“No thanks sayang ang lahi ko. Kung nag-punta kalang dito para guluhin ang pananahimik ko’y pwedi kanang umalis kailangan ko pang tapusin to.”

“Hindi ko na kailangang mag-aksaya nang panahon para guluhin ka dahil matagal nang magulo ang buhay mo. Pumunta ako rito dahil ipinagluto kita nang ulam kasi sabi ni nanay isang beses kanalang kumakain sa isang araw.”

Sa sinabing iyon ni Dorwin ay agad akong napangiti at napatingin sa kanya gamit ang nagpapacute kung tingin. Napataas naman ito nang kilay sa reaksyon ko at pabiro akong pinatokan.

“Tara na sa baba sabay tayong kumain.” Aya nito sa akin at agad nang tumayo’t tinungo ang pintuan ng kwarto ko.

“Una na kayo nang asawa mong hilaw tapusin ko lang ito.” Tugon ko sa kanya na nasa mga papel na ulit ang aking tingin.

Naramdaman ko ulit na umupo si Dorwin sa kama kaya naman may pagtatakang napatingin ako sa kanya hindi kasi ugali nito ang mangulit at lalong lalo na hindi nito ugali ang mamilit.

“Oh may kailangan kapa kambal?”

Ngunit imbes na sagutin ako nito ay inagaw nya sa akin ang hawak kong mga reports pati na rin ang laptop ko.

“Katakot takot na paliwanag ang ginawa ko kay Red kung bakit hindi ko sya pweding sabayang kumain ngayon kaya tumayo kana dyan at sabay tayong kumain kung ayaw mong itapon ko itong laptop mo sa labas ng bahay.” Sabay tayo nito at tuluyan ng lumubas sa aking kwarto.

Naiwan akong nakangiti sa bruskong paglalambing sa akin ni Dorwin walang maniniwalang half-half talaga ang kambal ko dahil tulad ko piling tao lang ang pinapakitaan nito nang kanyang emosyon maski nga sa akin na kambal nya ay pilit pa nyang itinatago. Tanging si Red lamang ang tanging taong nakakaalam sa totoong Dorwin, ganun kagaling mag-tago ang kambal ko.

“Bibilang ako nang tatlo! Pag di kapa nakababa rito umpisahan mo nang i-revise ulit ang mga reports na nagawa mo dahil sa kalsada pupulutin itong laptop mo!” Pasigaw nitong sabi.

Tatawa-tawa naman akong bumaba at mas lalo pa akong napangiti nang makitang Adobo ang ulam na nakahain sa hapag nagpapatunay lang na kahit laging asar sa akin ang kambal ko mahal na mahal parin ako nito.

“Ubusin mo to ha.” Wika nito habang linalagyan ng kanin ang plato ko.

“Ginawa mo naman akong patay gutom nito.” Reklamo ko naman dahil sa halos gabundok nang kanin na ang nasa plato ko.

“Para makabawi ka sa mga araw na hindi ka bumaba para kumain kumag ka.”

Hindi na ako nag-reklamo at inumpinsan nalang na kumain bago ko pa tuluyang maasar na naman si Dorwin. Nahuli ko pa itong napangiti nang makitang linalantakan ko ang linuto nitong adobo.

“Finish your works before dinner para doon tayo kumain mamaya sa labas  isasama natin si papa para maiba naman.” Wika nito.

“Ows? Libre mo?”

“Hindi, libre namin ni Red conjugal naman ang pera namin.” Tila kinikilig pa nitong wika.

“Landi mo!” At sabay kaming nagtawanan.

This is the only reason why I love my family more than anyone else dahil sila lang ang taong tunay na nagbibigay sa akin ng ibayong saya at pag-aalaga na hindi ko makita sa mga naging girlfriends ko. Wala pang sino man sa kanila ang nakakatiis sa kabaliwan ko at wala pang sino man ang nakakayanang mapangiti ako nang abot tenga kundi ang kambal ko lang at syempre ang papa ko.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment