Tuesday, December 25, 2012

Chances (02)

by: Zildjian

“Ang dami naman nitong dapat hiwain, dinner lang naman ito ah.” Ang wika ko habang tinutulungan ang hilaw kung bayaw sa kusina.

Abala ito sa kanyang niluluto na beef stake na alam kong paborito ni Dorwin. Kahit kambal kami ay may mga bagay parin na hindi kami pareho, tulad nalang sa pagkain. Kung si Dorwin ay mahilig sa beef steak ako naman mas gusto ko ang adobo.

“Monthsary kasi namin ngayon ng kambal mo.” Nakangiting tugon nito sa akin.

Ito ang gusto ko kay Red, noon pamang una ko itong makilala nang dalhin siya ni Dorwin sa family gathering namin ay agad ko siyang nakasundo dahil sa ugali nito – yung tipong kahit alam mong hindi niya nagugustohan ay ngingiti lang siya. Alam ko naman ang tunay na ugali ni Red base na rin sa mga kaibigan nito. Siya ang tipong hindi ka papalusutin kapag may hindi siya nagustohan sayo.


“May Monthsary pa kayo? Ano kayo mga teenager?” May bahid ng panunuya kong sabi na sinamahan ko pa nang nakakalokong ngisi.

“Wag ka nalang kumontra, ganun talaga pag-nagmamahal ka lahat gagawin mo para mapasaya ang taong mahal mo.” Nakangiti naman nitong balik sa akin.

Napataas ako nang kilay. Ewan ko, para sa akin ang corny nitong lalaking to.

“Corny mo!” Sabay kaming napatawa.

“Hindi kapa siguro kasi nag mamahal pre, once na mag-mahal kana promise, natural nalang ang pagiging corney at based sa experience naming mga tinamaan ni Kupido hindi naman ganun ka sama, mas malala pa nga si Rome sa akin eh.” Tatawa-tawa nitong sabi habang tinitikman ang kanyang niluluto.

Hindi ako naniniwala sa ganun. Para sa akin, choice mo kung magiging anu ka. Kung trip mong maging corney, magiging corney ka. Kanya-kanyang trip lang yan, hindi ibig sabihin na in love kana eh masisira na nito ang naging nakasanayan mo at sa totoo lang ayaw kong maging corney, nakakasuka.

“Si Rome maiintindihan ko ang isang yon ikaw ba naman ang mapares sa isang baliw, kung hindi ka rin masiraan ng bait.” Ang nakakagago kong wika patukoy kay Ace.

Tumawa nalang malakas si Red sa tinuran ko. Alam kong minsan ng minahal nito ang tamihik ngunit tulad ni Dorwin tigre kung pinsan na si Ace.

“Pare, di ba dead na dead ka kay Ace noon?” Wala lang, trip ko lang balikan ulit ang nakaraan gusto ko kasing makita kong anu ang magiging reaksyon niya.

“Noon pare oo. Ngayon, ang kambal mo na ang taong pinakamamahal ko at si Ace ay kaibigan ko nalang.” Nakangiti nitong tugon sa akin.

Ang swerte talaga nang kambal ko, bukod sa magandang karera bilang isang abogado ay ito’t my bunos pang kumag na mahal na mahal siya. Who would have thought na possible palang mangyari ang ganito – ang may totoong pagmamahalan na mabubuo sa isang relasyon na kontra ang maraming tao.

Malapit na talagang magunaw ang mundo! Naku!

“Kayo na ang in love sa isa’t isa.” Ang nang-aasar ko nalang na wika’t baka makagat pa ako nang langgam sa sobrang ka sweetan ni kumag.

Ipinag patuloy ko nalang ang paghiwa nang mga rekados na gagamitin ni Red sa kanyang mga niluluto. Minsan di ko rin maiwasang mapangiti sa nakikita ko kay Red. Kung titingnan mo kasi, katulad ko ito malaki ang katawan at tigasin walang mag-aakalang isang lalake ang kinakatakutan nito half-half pa.

“Wow, ang bango naman nyang linuluto mo mahal.” Bungad naman ni Dorwin.

“Hindi bagay rito ang mga taong madaling mapikon. Doon kanalang sa sala at pagtiisan mong kausapin si papa habang hindi pa kami tapos dito.” Singit ko naman. Wala lang, gusto ko lang asarin ulit si Dorwin ito lang kasi ang paraan ko nang paglalambing sa kanya.

“Eh kung isaksak ko kaya sayo ang hawak mong kutsilyo nang mawalan na ako nang sakit ng ulo? Alam mo bang Monthsary namin ngayon at dapat nasa bahay kami habang pinagluluto ako nang asawa ko?” Sabi na eh, madali talagang maasar itong si kambal ko mukhang naka one point na naman ako sa kanya.

“Eh ano ba sa tingin mo ang ginagawa ngayon namin, di ba nag-luluto naman kami dito at ipinagluluto kana ng ‘ASAWA’ mo slash ‘KUNO’ nang paborito mong ulam.” Pang-aasar ko pang lalo sa kanya.

“Malaki ang pinag-kaibihan dahil sa bahay para sa akin lang ang linuluto niya eh dito ayan at sumasawsaw kang kumag ka. Kung gusto mong pagbigyan pa kita sa mga katarantaduhan mo umayos ka Dave.” Pikon na talaga siya. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako deadbol.

Mabuti nalang at to the rescue naman ang hilaw kong bayaw. Agad itong lumapit kay kambal at masuyong hinalikan sa labi.

Mga walang hiya, di na ata kayang makapaghintay at sa harap ko pa talaga nag lalampungan.

“Hoy! Tigilan nyo nga yan sinisira niyo ang walang bahid ng kamunduhang isip ko!” Sita ko naman sa kanila na hindi manlang nagpa-tinag. “Sus, kaya pala high blood kasi gustong maka-gawa ng kamunduhan idinahilan pa ang pagkain.” Bubulong-bulong ko pang dagdag.

“May sinasabi ka?” Taas ang isang kilay na wika ni Dorwin.

“Wala! Nag dadasal ako na sana ilayo ako sa mga masasamang elementong tulad nyo.” Sa sinabing iyon ay naramdaman ko nalang ang pag-tama ng kutsara sa likod ko. Binato na pala ako ni Dorwin sa sobrang pagkaasar sa akin.

“Mahal, wag mo na patulan yang kambal mo. Malapit nang maluto ito, tawagin mo na si papa.” Pasimpleng saway naman ni Red dito.

Bago tuluyang tumalikod si Dorwin ay binigyan muna ako nito nang nag-babantang tingin na sinagot ko naman nang nakakagagong ngiti sabay kibit balikat.

Pinili ko nalang munang manahimik sa hapag habang abala ang tatlong kolokoy sa pag-uusap tungkol sa kung anu-ano lang na maisipan nilang pag-usapan. Nakakatuwang makita si papa na masayang masaya na nakikipag-kwentuhan kay Dorbs at Red. Nakapag-decide na kasi ang dalawa na mag-hanap ng babaeng pweding maging surrogate Mother ng kanilang anak.

Alam kong excited na si Papa na mag-kaapo, kahit na wala itong sinasabi ay nararamdaman ko iyon. Kami ni papa ang naging mag-kasanga nang tuluyang iwan kami ni Dorwin noon kaya naman alam na alam ko lahat sa kanya sa isang tingin palang.

“Himala, tahimik ka ngayon.” Basag ni Dorwin sa aking pananahimik.

Nginitian ko ito nang isang klaseng ngiti na parang sinasabi na gustong gusto ko ang nakikita ko. Nakuha naman agad ni Dorwin iyon at tinugon ako nito nang kaparehong ngiti.

“You know what?” Wika ni Dorwin sa akin.

“What?”

“Mas gusto ko ang maingay at kingkoy na Renzell Dave.” Sabay tawa nito na sinabayan naman ng dalawa.

Agad naman akong napasimangot sa pang-aasar nito sa akin. Pero ang totoo sa loob ko ay masayang masaya ako para sa kapatid ko. Noong una kasi nang malaman ko ang tungkol sa sexuality niya ay natakot ako, hindi para sa sasabihin ng mga tao kung hindi, natakot ako na baka masaktan lang ang kapatid ko kapag nag mahal na ito. Ayaw na ayaw ko itong nasasaktan dahil tulad ng papa ko, mahal na mahal ko si kambal.

“Ayaw ko lang na maasar ka sa akin  para tumagal pa kayo rito. Balak ko kasing makipag-inuman sa bayaw ko eh.” Nakasimangot ko paring sabi.

“Hindi pwedi, moment namin ngayon iho kaya wag kang umepal.” Ang nang aasar naman nitong wika.

“Moment? Eh sa iisang bahay at iisang kama na nga kayo lagi eh.” Reklamo ko naman agad sa kanya.

“Monthsary namin remember? At kahit naman nasa iisang bahay lang kami, di naman ibig sabihin nun na lagi na kaming may time sa isa’t isa. I’m working and been busy these past few days pati si Red ay busy sa bar since sa kanya na ibinigay ang pangangalaga sa bar ng anim na ulupong isama mo pa ang grocery store nila.” Mahabang paliwanag nito sa akin.

Aalma pa sana ako nang bigla namang sumabat si papa.

“Bigyan mo sila nang time anak. Importante sa isang relasyon ang oras para sa isa’t isa para lalo pa itong maging matatag.” Nakangiting wika ni Papa.

Napasimangot nalang ulit ako’t padabog na ipinag-patuloy ang pagkain. Napa iling-iling nalang si papa sa inasal ko. Basta talaga sa pamilya ko nailalabas ko ang pinakatatago kong ugali – ang pagiging isip bata minsan at spoiled.

Natapos ang dinner namin at agad na nagpa-alam sina Dorwin at Red si papa naman ay siguro dahil na rin sa edad nito ay agad nang pumasok sa kanyang kwarto para mag-pahinga. Naiwan tuloy akong mag-isa. Kaya naman naisipan kong tawagan si Brian, isa sa mga kaibigan namin ni Dorwin.

“Hello pre, inuman tayo. Asan ka?” Bungad ko agad kay Brian hindi paman ito nakakapagsalita sa kabilang linya.

“Wala, gusto ko lang uminum ngayon. Bakit, pag nag-yaya ba ang isang tao nang inuman may problema na agad?”

“Bakit doon? Mas madaming chikas sa mga disco bar.”

“Ulol! Sige na nga tagal ko na ring di nakakapunta sa bar na iyon.”

“Sige, sige. See you there then after 30 minutes.” At agad ako nang pinutol ang linya.

Mabilisan akong naligo at nag-bihis nang matapos ay pinuntahan ko si papa sa kanyang kwarto para mag-paalam. Kanina ko pa talaga gustong uminum at dahil nga hindi ako napagbigyan ni kambal at Red ay si Brian nalang ang i-istorbuhin ko.

Nang dumating ako sa bar na ngayon ay ang bayaw ko nang hilaw ang may control ay agad kong nakita si Brian sa may bar counter. Alam kong wala si Red doon ngayon dahil abala na ito ngayon sa kamunduhan nila nang kapatid ko. Alam kong malibog ang dalawang yon hindi na kataka-taka kung bakit nila ako tinangihan sa inuman.

Talagang napalago na nilang pito ang bar na ito katulad nalang ng mga waiter nito na naka uniform na, ang bouncer nilang mukhang paa at ang pangalawang palapag kung saan naroon ang opisna ni Red. Alam kong tulong-tulong sila minsan pero, mas malaki ang naitulong ni Red sa pamamahala sa naturang bar dahil kung hindi dahil sa kanya paniguradong hindi nito maaabot ang kasikatan na meron ito ngayon dahil ang ibang myembro ay busy na sa kani-kanilang negosyo at buhay pamilyado.

“Ang tagal mo naman. Ikaw ang taya ngayon ha, dahil ikaw ang nag-yaya.” Agad na bungad ni Brian sa akin nang makalapit ako’t makaupo sa katabi nyang upuan.

“Kung nakakatamay lang ang pagiging kuripot siguro matagal kanang patay hayup ka.” Buska ko sa kanya na tinawanan lang nito.

Si Brian ang pinaka-close ko sa mga kabarkada namin ni Dorwin dahil siguro pareho kaming may sira sa ulo at nasasabayan nito ang mga kalokohan at trip ko sa buhay kaya okey na okey kami.

“Bakit di ka pa um-order?” Ang wika ko. “Penge nga nang lason para sa kasama ko at whisky naman para sa akin.” Wika ko sa taong nasa loob ng bar counter.

“Wait lang po sir, may emergency call lang po ang bartender namin.” May galang na tugon sa akin ng isang empleyado na kakaiba ang uniform sa mga waiter.

Di ko ugaling bigyan ng pansin ang mga kapwa ko lalaki pero ang isang to ay nakuha akong mapatitig sa kanya nang matagal. Masasabi kong maamo ang mukha nito, sa kilos palang nito alam ko nang isang tapik ko lang sa likod niya ay susuka na agad ito nang dugo para kasing mahina ang dating nya parang.. parang walang buhay? Walang buhay? The fuck?! Bago yon sa akin ah. Kaya bago pa kung anu-ano ang pumasok sa kokote ko pina andar ko nalang ang pagiging abnormal ko at agad  napag-tripan ang pobreng sa tingin ko ay ang manager ng bar na iyon.

“Ikaw ba ang manager dito?” Ang may angas kong tanong sa kanya.

“Yes sir, I’m Alexis Vanzuela.” May bahid ng hiya nitong pag-papakilala sa kanyang sarili na sinamahan pa nito nang isang nag-aalangan na ngiti marahil na takot sa akin ang kolokoy.

“I don’t care about your name. I want my drink and so give it to me now.” Pangaasar ko pang lalo gusto ko kasing makitang maasar ito. Medyo naging misyon ko na ata sa buhay ang mang-asar ng tao pag wala ang kambal ko na paborito kong asarin.

Narinig kong napahagikhik sa tabi ko si Brian malamang natunugan na nito ang trip ko sa gabing iyon. Ang pobreng manager naman at tila ba natilihan ngunit panandalian lamang iyon dahil agad na bumalik ang walang ekspresyon nitong mukha.

“Sorry sir but I was not been trained to creat wines or any kind of drink.” Sabay talikod nito sa akin.

Napanganga ako sa ginawang pagtalikod na iyon sa akin ng manager na iyon na hindi naman nakalampas kay Brian dahil tumawa ito nang malakas na sinamahan pa nang tatlong palakpak na para bang ng aasar.

“Ano ka pare, di tumalab ang pagiging sira ulo mo sa isang yon ah. Wala na pare, mukhang laos kana ata.” Tatawa-tawa parin nitong wika.

Hindi ako nakapagsalita agad para kasing na insult at natuwa sa inastang iyon nang manager ng bar. Natuwa? Ewan ko kung bakit ako natuwa siguro dahil bukod kay Red may isa pa palang taong hindi agad nag-papaapekto sa akin para tuloy akong na challenge.

Mukhang masaya ito ah. Sabi nang demonyo kong isip at gumuhit ang isang nakakagagong ngisi sa aking mukha.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment