Tuesday, December 25, 2012

Chances (04)

by: Zildjian

Talagang binilisan kong tinapos ang mga natitirang reports ko dahil sa dinner na pinangako sa akin ng kambal ko. Matagal na rin kasi nang huli kaming lumabas na kami lang at walang mga asungot na barkadang kasama. Iba parin kasi para sa akin kung pamilya mo ang kasama mong kumakain sa labas.

Pasado ala-syete ay tapos na akong magbihis pati si papa ay bakas ang tuwa nang kanina’y ibalita ko sa kanya ang tungkol sa plano namin ni kambal. Parang nawala ang pagud sa mukha nito nang marinig ang magandang balitang iyon.

Tulad nga nang inaasahan ay tinawagan kami ni Dorwin at sinabi kung saan kami mag di-dinner. Alam ko naman ang lugar ng restaurant na paniguradong pinili ni Dorwin para ma enjoy ni papa ang pagkain. Isinabay ko nalang si papa sa sasakyan ko para hindi na ito mag-maneho pa at tinungo na namin ang Sea Food restaurant kung saan naghihintay sina Dorwin at Red.


“Mukhang masaya ka pa ah.” Ang pagbasag ko sa katahimikan namin habang binabagtas ang daan papunta sa restaurant na iyon.

“Sobra anak.” Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. “Matagal na panahon narin nang makasama ko kayong magkapatid na kumain sa labas kaya napakasaya ko sa oras na ito.”

“Kung sana kasi sinabi mo nalang kay Dorwin ang totoo noon pa….”

“Dave, hindi lahat ng katotohanan ay nakakatulong, minsan kailangan mong itago ito para mas lalong ma protektahan ang mga mahal mo sa buhay.” Pagputol nito sa mga sasabihin ko pa.

Tama nga siguro si papa, may mga bagay talagang dapat itago kung gusto mong ma protektahan ang mga taong mahal mo kahit na nga ba ang kapalit nito ay ang kamesarablehan mo. Sabi ba nga nila if you really wanted to protect someone siguraduhin mong kaya mong indain ang sakit na sasaluhin mo para lang maiwasan itong masaktan.

“Ayan ka na naman pa, umandar na naman ang pagiging makata mo.” Patawa kong sabi para maiba ang atmosphere sa loob ng kotse ko.

“Kahit kailan hindi mo na talaga seneryoso ang mga sinasabi ko Renzell Dave.” May himig ng pagsuko nitong sabi. “Maiba ako, kamusta na kayo nang girlfriend mong modelo?”

Sa narinig ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Walang magandang nangyari sa amin ni Sonja sa mga nakaraang araw kung hindi bangayan sa cellphone, kwentahan sa mga pagkakamali sa isa’t isa at kung anu-anong bagay tungkol sa trabaho niya na sa totoo lang wala akong interes. Halatang ayaw pagusapan nito ang tungkol sa pagdalaw niya sa lugar ko.

“Disaster pa.” Nakangiwi kong sagot.

“Bakit naman? Aba, maganda rin ang babaeng yon at magalang pa.” Ngayon lang ito nag bigay ng interes sa mga babaeng nakakarelasyon ko kaya naman hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya.

“Matanda na ako Dave, gusto ko sana bago ako sumama sa mama mo ay makita ko manlang kayo nang kapatid mo na may mag-aalaga sa inyo kahit wala na ako. Kay Dorwin panatag na ako kasi alam kong hindi siya iiwan at pababayaan ni Red, eh ikaw? Halos lahat ata nang naging girlfriends mo isang buwan lang ang itinatagal, ngayon kalang nga ata tumagal sa relasyon eh.” Mahaba nitong sabi.

“Walang pinagkaiba ang relasyon namin ni Sonja pa. She’s a career woman at sa sobrang focused niya sa trabaho ni hindi ko manlang maramdaman na may relasyon kami. I don’t think she’s the right one for me.” Seryoso ko namang sagot sa kanya.

Rinig kong napabuntong hininga ito.

“Paano ka naman kasi seseryusohin ng girlfriend mo kung ikaw mismo hindi mo siya seneseryoso? You have all the freedom to go to Manila and be with her bakit hindi mo gawin?”

“Mas gusto ko rito kasama kayo ni kambal pa. Besides, walang magbabago kung sundan ko siya doon kasi puro trabaho ang nasaisip ng babaeng yon.”

“If you really love that woman, you will be spending your time with her yun ang gusto nang mga babae.”

“Base ba yan sa experience mo pa?” Nakangisi kong tugon sa kanya.

“Ewan ko sayo, si Dorwin na nga ang bahala sayong bata ka ang hirap mong paliwanagan.” May pagsuko nitong sabi.

Alam ni papa na walang patutunguhan ang usapan naming iyon at alam ko rin sa sarili ko na hindi ko naman talaga mahal si Sonja dahil wala akong makapang urge na makita ito kung meron man siguro dahil gusto ko lang makasiping sya.

Ilang minuto pa at narating narin namin ang Yolanda’s sea food restaurant ang nag-iisang restaurant na bukod sa masarap at presko ang mga pagkain ay maganda rin ang lugar nito. Ito lang ang restaurant sa lugar namin na nakatayo mismo sa ibabaw ng tubig dagat.

“Good evening sir.” Magalang na pagbati sa amin ng isa sa mga waiter.

“Good evening. We have a reservation here by Attorney Dorwin Nivera.” Tugon ko naman sa waiter.

“Yes sir, this way.”

Kita ko na agad ang masayang nag-kukwentohang Dorwin at Red walastik talaga ang dalawang ito hindi maubusan ng sweet moments misan tuloy di ko maiwasang mainggit.

“Pa!” Ang wika ni Dorwin at mabilis itong tumayo para bigyan ng halik ang aming ama na sinundan naman ni Red ng kaparehong pagbati.

“Ako, hindi nyo ba ako hahalikan sa pisngi pwedi rin sa lips para mas sweet.” Nakangisi kong wika sa dalawa.

Napahagikhik si Red at papa sa kalokohan ko taliwas naman kay Dorwin na agad akong binatukan.

“This place is really great Dorwin.” Si papa na bakas ang pagkamangha sa lugar. “The last time na mag-punta kami rito after meeting with the clients hindi pa ganito ka ganda ang lugar na ito.”

“It’s because iba na po ang may-ari nang Yolandas pa.”

“Talaga? Hindi na ang mga Sandoval ang may ari nito?” Wika ni papa na sinamahan pa nang paglibot ng kanyang tingin sa kabuohan ng restaurant.

“Hindi na pa. Si Claude Samaneigo na ang may-ari ng restaurant na ito, yung ipinakilala namin sayo nung Christmas party.”

“Impressive.” Nakangiting wika nito na bakas sa mukha ang pagkamangha. “Mukhang talo na nga kami nang mga kabataan ngayon.”

“Di ba yon yung lalaking boyfriend ng ka batch nyo Red?” Wika ko naman.

“Yep, siya nga yon at silang dalawa na ang nagpapatakbo ng restaurant na ito ngayon.”

“Maya na tayo mag kwentuhan habang kumakain.” Sabat naman ni Dorwin tsaka tinawag ang waiter para ibigay na ang order namin.

Masaya kaming kumain at masasabi kong walang katulad sa sarap ang restaurant na iyon talagang presko ang mga pagkain na inihahanda nila. Naging smooth din ang kwentuhan namin dahil hindi ko pinaandar ang kalokohan ko ayaw ko kasing sirain ang magandang mood na meron ang bawat isa.

Habang abala ang tatlo sa pagkukwentuhan hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan ang muling kumain sa labas kasama ang dalawang taong pinaka espesyal sa akin.

Matapos ang dinner ay napagkasunduan naming mag-inuman sa bahay kaya convoy kaming umalis sa naturang restaurant na iyon.


Kinabukasan ay napagtripan kong magpagupit sa mall. Nang matapos, naglibot-libot naman ako sa mga department store para tumingin-tingin tutal wala naman akong gagawin sa bahay. Nang makaramdam ng gutom ay napagdesisyunan kong mag pizza na sakto naman dahil nakita ko ang pamilyar na mukha ng taong ilang araw ko na ring hindi nakikita. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nakangising aso kong wika.

Hindi ako nito napansin ng pumasok ako sa loob ng food chain na iyon abala ito sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya nang may isang lalaking lumapit dito na tantya ko ay kasing edad ko lang. Medyo maputi ang lalaking iyon at singkitin ang mata. Imbes na lapitan sila ay parang may nag-udyok sa akin na umupo sa mesang malapit sa mga ito sa likod mismo ni Alex.

“Akala ko ba tapos na tayong mag-usap?” May diing wika nang lalake.

“I just wanted to make things clear Ian.” Nagsusumamong wika naman ni Alex dito.

“Make things Clear? Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat? Break na tayo Alex, kaya tigilan mo na ako.”

“Ganun nalang yon?” Mahinang wika ni Alex ngunit sapat na para marinig ko.

“Oo Alex, hanggang doon nalang yon wala na akong nararamdaman sayo kaya please lang tigilan mo na ako na pepeste na ako sa kakulitan mo!”

“M-May iba na ba?” Si Alex, alam kong tumutulo na ang luha nito sa mga oras na iyon.

Sa totoo lang nabigla ako sa mga narinig ko. Hindi ko lubos maisip na katulad rin pala ni Dorwin ang isang to talagang naglipana na sa mundo ang mga half-half tulad ng kambal ko at pinsan ko pero, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng awa sa kanya.

“Shit! Bakit ba ang kulit mo? Wala kang pakialam kung may iba na ako! leave me alone!” Ang wika nang lalaking nag-ngangalang Ian sabay tayo nito. “Wag kana ulit tatawag sa bahay kahit kailan.” Dagdag pang wika nito bago tuluyang iwan si Alex.

Hindi ko alam kung anu ang pumasok sa kokote ko sa mga oras na iyon basta kusa nalang gumalaw ang paa ko sa saktong pagdaan ng kumag na Ian na iyon dahilan para ma talisod sya. Rinig ko pang napasigaw ang ibang costumer nang makitang madapa ito.

“Shit!” Ang usal nito nang makatayo at binigyan ako nang masamang tingin.

“Wag mong isisi sa ibang tao ang katangahan mo pare.” Wika ko naman na sinalubong rin ang tingin nya.

Inihanda ko na ang sarili ko sa susunod nitong gagawin ngunit tumalikod lang ito at tuloy-tuloy nang lumabas. May mga ilang costumer ang natawa may ilan ding nagbulungan at nang maibaling ko ang aking tingin kay Alex ay nakita kong kumawala ang mga luha sa mga mata nito habang sinusundan ng tingin ang papalayong kausap nya kanina. Bakas ang sakit at pighati sa mukha niya sa mga oras na iyon. Agad nitong pinahid ang mga luha nya saka bumaling ng tingin sa akin.

“Hi?” Ang naisambit ko nalang sa kanya.

Muli nitong pinahid ang mga ilan pang luhang kumawala sa kanyang mga mata saka tumayo at deretsong lumabas sa food chain na iyon.

Did he just ignore me again?

Nakaramdam ako nang urge na habulin ito, kita kong medyo malayo-layo na ang nalakad nito kaya patakbo ko syang nilapitan.

“Hey wait!” Wika ko at maagap na pinigalan siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kaliwang kamay. “Ugali mo nabang ignorahin ako?” Dagdag ko pang wika.

Humarap ito sa akin na bakas ang galit sa kanyang mga mata na ikina kaba ko naman pero hindi ko parin binitawan ang hawak kong kamay niya. Maamo ang mukha nito pero iba pala ang hitchura nito kung galit, talo pa si Dorwin.

“Anong bang kailangan mo sa akin?!” May kalakasang wika nito dahilan para mapatangin ang ibang mga tao sa loob ng mall na iyon.

Hindi ako nakasagot dahil wala akong mahapuhap na dahilan sa ginawa kung pagsunod sa kanya.

“Kung wala kang kailangan sa akin please leave me alone.” Sabi nito at pilit binawi ang kanyang kamay na hawak ko na hindi ko naman binitiwan.

“Concerned Citizen lang ako.” May halong biro kong wika nagbabakasakaling ngingiti ito ngunit hindi napalitan ang galit nitong mukha. “I accidentally heard the conversation between you and your… your… ex? At na naisip ko na kailangan mo nang kausap.”

“Hindi ko kailangan ng kausap kaya please lang bitiwan mo ako.”

Dahil na rin sa marami nang taong nakatingin sa amin ay wala na akong nagawa kung hindi bitiwan ang mga kamay nito. Ewan ko ba pero may kung anong panghihinayang ang naramdaman ko nang bitiwan ko ang kamay nito.

Walang lingon likod itong naglakad palabas ng mall naiwan ulit akong nakatayong sinusundan sya nang tangin. Hindi ko ugaling makialam sa buhay ng may buhay pero sa Alex na ito iba ang nararamdaman ko parang gusto ko siyang sundan ulit at aluin.

Susundan ko ba yon o hahayaan ko nalang? Tanong ko sa aking sarili hanggang sa namalayan ko nalang ang kusang paghakbang ng mga paa at sinundan muli ang masungit na Alex na yon.

Swerte namang naabutan ko pa itong naghihintay nang masasakyan kaya bago pa ito muling makawala ay walang anu-ano ko itong hinawakan at pakaladkad na hinila papunta sa kung saan naka-park ang sasakyan ko.

“Anong ginagawa mo? San mo ko dadalhin?”

“I’m tired of getting ignored by you kaya kung ayaw mong magulo ang buhay mo sumunod ka sa akin ng tahimik.” May pagbabanta kong wika sa kanya.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment