by: iamDaRKDReaMeR
“Hello po good afternoon si Christian
po?” Ito ang tanong ko sa mga kasamahan nito sa bahay nung pagbuksan ako ng
pinto.
“Ay ikaw pala. Wala na si Christian
dito lumipat na sya ng bahay. Hindi ba
nasabi sa 'yo?” ang paliwanag sa akin ng isa sa mga tao sa sala.
“Ay ganon po ba? Kaylan po ba sya
dumating? Hindi po kasi sya tumawag sa akin eh.”
“Last week pa. Last Thursday sya lumipat kaya lang di ko
alam saan sya nakatira ngayon eh.”
“Sige po maraming salamat.”
Agad akong umalis dahil dama ko na
anumang saglit ay bubuhos ang luha ko at hindi nga ako nagkamali. Nakakailang hakbang pa lang ako ay malaya ng
dumadaloy ang tubig sa aking mga mata tungo aking pisngi. Halos manlabo ang aking paningin dahil sa mga
luhang dumadaloy sa aking mga mata.
“Bakit nagawa nyang maglihim sa akin? Bakit hindi nya sinabi na
nakabalik na sya? Nasan na kaya sya ngayon?” ang paulit ulit na tanong na
tumatakbo sa aking isipan. Katanungang
hindi ko pa alam ang kasagutan. Huminto
ako sa isang taxi stand at agad kong kinuha ang aking telepono sinubukan kong
tawagan ang number ni Christian ngunit not working number na ito. Makailang ulit kong sinubukan ngunit wala
talaga, hindi na gumagana ang number nya.
Nawawalan na ako ng pag-asa hanggang sa naisip ko na puntahan ang
opisina kung saan sya nag tatrabaho kaya naman agad akong pumara ng nagdaang
taxi at tinungo ito. Kinakabahan ako sa
aking gagawin hindi ko alam kung ano ang maaari kong madatnan sa aking
pupuntahan pero lakas loob pa rin akong tumuloy.
Bago pa man ako bumaba ng taxi ay
inayos ko muna ang aking sarili upang hindi mahalata ni Christian na umiyak
ako. Ito ang muli naming pagkikita, kaya
kaylangang maayos ako. Miss ko na
sya. Ilang minuto pa ay narating ko na
rin ang opisina nila.
“Hi! Good afternoon, may I talk to
Christian? Christian del Rosario.” Ang magiliw kong tanong sa receptionist na
naabutan ko.
“I’m sorry to tell you Mr. Christian
left the company. He filed his immediate
resignation last week.” Ang tugon nito sa akin.
“Do you know why did he resign?” ang
curious kong tanong.
“I think it’s too personal to
discuss. Sorry sir.” Ang simpleng tugon
nito.
Muli ay pinipigilan ko ang mga luha na
namumuo na sa aking mga mata.
“Thank you for the information.”
Agad akong tumalikod at umalis. Lutang ang aking isipan sa kadahilanang
madaming bagay ang nangyari ngayon na hindi ko alam kung bakit nya iyon
nagawa. Una na rito ang hindi nya
pagtawag sa akin na dumating na sya mula sa bakasyon. Sumunod ay ang hindi nya pagsasabi na lilipat
na sya ng bahay. At ang huli ay ang
hindi nito pagsasabi sa akin na magreresign pala ito sa kanyang trabaho. Ano bang pahirap ang ginagawa sa akin ni
Christian? Bakit ba ganito ang
nangyayari sa amin? Hahayaan nya na lang bang magkahiwalay kami? Kung magakakahiwalay kami kaylangan ba walang
formality? Halos pumutok na ang utak ko
sa kaiisip sa mga bagay bagay na nangyayari sa akin, sa amin ni Christian.
Malakas na pag-ihip ng hangin ang
sumalubong sa akin habang ako ay naglalakad na lutang pa rin ang isip.
Nagpatangay na lang kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Hanggang
masumpungan kong nasa isa akong parke at umupo na lang sa bench na naroon.
Habang nakaupo ako ay inaaalaala ko ang mga masasayang sandali na nasa tabi ko
siya. Ang mga katangang "Nandito lang ako...mahal na mahal kita" ay
paulit ulit na umaalingawngaw sa aking isipan. Nangako siyang hindi niya ako
hahayaang mag-isa at masaktan ngunit ano itong ginagawa niya sa akin ngayon?
Siya ang nagturo sa akin upang
kalimutan ko si Lee. Siya din ang taong nagturo sa akin kung paano magmahal
muli; na buksan muli ang puso ko at magmahal ngunit asan siya ngayon?
"Mahal na mahal kita Ron" umaalingawngaw pa rin na pagsingit sa aking
isipan sa mga binitawang salita sakin ni Christian. Hindi talaga ako makaapuhap
ng dahilan kung bakit niya ito sakin ginagawa. "Kung mahal niya ako, bakit
niya kailangang gawin ang ganito? Bakit niya ako pinahihirapan ng gusto? Bakit
wala siya dito sa tabi ko gaya ng kanyang pinangako sa akin? Bakit niya ako
nagawang iwan? Asan siya?"mga katanungan sa aking isip habang patuloy pa
rin ang pag-agos ng aking mga luha. Tila wala na akong pakialam sa makakakita
sa akin na umiiyak ako. Gusto ko lang maipalabas ang sakit na nadarama ko sa oras
na iyon. Hindi ko alintana kung pagtawanan ako ng mga nagdaraan. Maski ang oras
ay hindi ko na napansin. Madilim na ang paligid gaya ng nararamdaman ko sa mga
panahong iyon. Umiiyak pa rin ako sa bigat ng nararamdaman ng may biglang
tumawag sa akin.
"He-llo" ang pilit kong
pag-aayos ng boses ko ngunit halata pa rin ang pagkagaralgal nito.
"Ron, umiiyak ka ba? Bakit ganyan
ang boses mo?” ang nag-aalalang tinig ng nasa kabilang linya.
“Ok lang ako. Nandito ako ngayon sa
Dubai.”
“Gabi na bat parang nasa daan ka pa
rin?”
“Ha? Anong oras na ba?”
“It’s almost twelve midnight at nasa
daan ka pa at mukang problemado. Kasama mo ba si Christian?” hindi ako makasagot sa huling sinabi ni Lee
hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung ano ang tunay nangyayari
sa amin ni Christian at kung dapat ba nyang malaman pa matapos ang mga sakit na
naidulot nya sa akin. Nanatili lang
akong walang imik.
“Ron are you still there?”
“Huh, Oo dito pa ako. Hindi ko sya kasama ngayon. Mag aalas-dose na pala sige balik na ako ng
Abu Dhabi.”
“It’s too late para umuwi ka pa ng Abu
Dhabi at isa pa wala ng bus pabalik.
Kung pipilitin mo namang umuwi mag tataxi ka it would be costly. Dito ka na lang sa bahay alam mo naman ang
papunta dito diba? Hintayin kita and I will not take no for an answer.” Ang
utos nito sa akin na tila naging sunud-sunuran ako.
Agad akong pumara ng taxi upang
magtungo sa bahay nila Lee. Dahil sa
totoo lang pagod na ako kakaisip at gusto ko ng magpahinga. Ilang saglit pa ay narating ko na rin ang
bahay nila. Agad kong tinawagan si Lee.
“Lee dito na ako sa baba ng building.”
“Ok, sige I’ll be there in a minute.”
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko
agad si Lee gusto kong ayusin ang sarili ko ngunit huli na. Nakita agad ako ni
Lee at agad niya akong niyakap. Alam niyang umiyak ako dahil pa pamumugto ng
aking mata na hindi ko na natago pa.
"Okay ka lang? Anong nangyari
sa'yo?" Tanong niya sa akin ng may pag-aaalala.
Agad niya akong inaya papasok sa
building. At ng makapasok kami sa loob
ng elevator hindi na niya napigilan pa ang sarili nya, hinawakan niya ang aking
kamay. Pinaramdam niya sa akin na hindi
ako nag-iisa sa mga panahong iyon; na may karamay ako. Hindi ko tuloy maiwasang
pumatak na naman ang luha sa aking mga mata. Nakita niya iyon. Masuyo naman
niya itong pinahid ng kanyang mga kamay. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Tama na Ron. Wag ka ng umiyak.
Please. Ayokong nakikita kang umiiyak."
Sa mga narinig kong salita galing sa
kanya gusto kong muli syang sumbatan ngunit wala na akong lakas para makipag
diskusyon pa ang tanging nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay gusto ko ng
magpahinga. Ngunit habang ninanais ko yun tila parang napaka bagal ng oras.
Nakarating na kami sa loob ng bahay
nila Lee at katulad ng sabi nito walang tao sya lang mag-isa. Wala ng paalam at
nagtungo agad ako sa sofa upang makaupo at makapagpahinga. Alam kong nakatingin
lang sya sa mga kilos at galaw ko. Nagmamatyag lang kung ano ang susunod kong
gagawin. Habang nakaupo ako ay tumabi ito sa akin.
"You seemed problematic. What’s
this all about? Come on Ron spill it.”
Ngunit nanatili akong tahimik at
walang imik. Dahil hindi ko talaga alam kung paano sya sasagutin sa tanong nito
sa akin.
"Alam ko it’s about Christian.
Tama ba ako?”
At ng marinig ko ang pangalan ni
Christian. Automatic na pumatak ang mga luha ko. Parang itong may sariling
buhay na pag narinig ko ito ay kusa ng pumapatak ang mga luha ko. Nang makita
ni Lee ang mga luha na dumadaloy sa aking mga mata ay muli niya itong
pinunasan.
“Sssshhhh… tama na diba sabi ko sa yo
ayaw ko na nakikita kitang umiiyak. Tama na yung ako na lang ang huling tao na
iniyakan mo. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo ngayon dahil mas nasasaktan
ako.” Ito ang salitang kanyang binitawan sabay yakap sa akin ng mahigpit. Wala
akong ginawa kundi ang umiyak sa kanyang mga balikat habang yakap nya ako.
“Bakit kung kaylan minahal ko na sya
tsaka naman nya ako iniwan mag-isa? Sobrang sakit Lee alam mo ba yun? Kung
kalian nakalimutan na kita dahil sya ang laging nariyan para sa akin tsaka pa
kami nagkaganito. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanya. Dahil kahit pa
kami na ikaw pa rin ang laman ng isip ko kahit na ang laman na ng puso ay sya
na. Mas nanaig ang sigaw ng utak ko mas naging focus pa rin ako sa nangyaring
paghihiwalay natin. Iniisip ko pa rin bakit mo nagawang ipagpalit ako. Pero
lahat ng iyon inintindi nya dahil nga mahal nya ako. At ngayong hindi na nya
kinaya pa ng malaman nya na may konting puwang ka pa rin para sa akin. He gave
me time and space to think over the things that confuses me. Pero hindi na ako
confused I know what I want, and it is him.” ang mahaba kong pahayag habang
patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa aking mga mata.
“Ron everything happens for a reason.
You might not know now. But time will come, you will realize why it happened to
you. As of now try to divert your attention on something which will make you
productive. I know you’ve been through heartache before and that was because of
me, I admit. And now you are experiencing it again and still it is because of
me. I know Ron kahit hindi mo sabihin sa akin ako ang dahilan bakit ka
nagkakaganyan ngayon and I can feel it. Is it because of the text message I
sent to you before? Tama ba ako? Sorry I ruined your life. Babawi ako sa yo and
I will do my very best to make your life better.”
Wala na akong lakas pa upang sagutin
pa ang pahayag ni Lee. Sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko ng magpahinga
kaya naman inalalayan na niya ako papuntang kwarto. Hindi ko na nagawa pang
magpalit ng damit dumiretso na ako sa kama at natulog. Hindi ko na alam kung
saan natulog si Lee dahil paglatag ng katawan ko sa kama ay tila binayo ako at
biglang nakatulog. Marahil ay dala na rin ng pagod at pag-iyak simula ng
malaman kong wala na si Ron sa bahay na tinutuluyan nya.
Nagising dahil sa sinag ng araw na
tumama sa aking mukha. Tanghali na pala ng ako ay magmulat. Agad akong bumangon
at hinanap si Lee. Nakita ko itong nakaupo sa sala at nanonood ng show sa TV.
“Gising ka na pala. Sarap kasi ng
tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising. Tara kain na tayo.” Ang bungad
nito sa akin.
Tila isang robot ang kinausap ni Lee
walang ginawa kundi sumunod lang sa kung ano ang sinabi niya. Nasa hapag na
kami, masarap ang ulam, favourite ko pero wala akong gana. Sumubo lang ako ng
konti at hinintay na lang na matapos si Lee sa kanyang pagkain. Masigla syang
nagkukwento. Alam kong ginagawa niya ito para gumaan ang loob ko ngunit hindi
mababago ng pagiging masigla nya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Doble pa
sa sakit na naramdaman ko ng iwan nya ako. Walang pagsidlan ang sakit ngayon
dahil sa tuwing matatahimik ang kapaligiran naalala kong muli ang mga alaala
naming dalawa ni Christian.
Nang matapos na si Lee sa pagkain ay
pinapunta na niya ako sa sala upang makapag pahinga daw ako. Agad ko naman
itong sinunod. Hinintay ko lang matapos si Lee sa ginagawa nya upang makapag
paalam na ako na uuwi na ako ng Abu Dhabi.
"Lee balik na ako ng Abu Dhabi.
Hindi ko rin naman alam kung saan ko hahanapin si Christian." ang
malungkot kong pagpapaalam dito.
"Bakit hindi ka na lang muna
magpahinga mukhang di mo pa kaya magbyahe sa itsura mong yan. Mag-aalala lang
ako para sa yo."
"Hindi na. Kaya ko ang sarili and
you don't have to worry about me."
"Hindi ihahatid na lang kita sa
Abu Dhabi. Sige na maligo ka na para maihatid na kita."
Nang makapag-ayos ay agad naming
tinungo ang station papuntang Abu Dhabi. Halos wala akong nasa isip ng mga oras
na nagbabyahe ako kundi si Christian. Hindi pa rin maalis sa akin ang ginawa
nya. Ang hindi pagsasabi sa akin kung nasaan na sya at kung bakit biglaan ang
pagreresign nya sa pinagtatrabahuhan nya. Bakit?
Nakatayo ako sa pintuan marahan ko
itong binuksan, and to my surprise I saw him standing in front of me.
"Buddy, Saan ka ba galing?
Alalang-alala ako sa yo, kanina pa kita hinihintay dito sa room mo. Buti na
lang nakita ako ni Jane sa labas kaya nakapasok ako."
Natulala ako sa aking nakita si
Christian nakatayo ngayon sa harapan ko wala akong ibang naging kilos kundi ang
pagmasdan ang kanyang mukha na matagal kong ng inasam na makitang muli.
Natulala ako ng mga sandaling iyon, pawang patak lang ng luha ako ang tugon sa
kanyang mga tanong.
"Buddy hindi mo ba ako
namiss?" ang tila malungkot na tanong nito.
Wala na akong inaksayang oras agad ko
siyang niyakap dahil sobrang miss ko na sya. "I miss you so much Budz.
Bakit mo ko pinahirapan ng ganon? Hindi mo ba alam na hindi ko alam ang gagawin
ko nang nawala ka. And now you are here.
I won't waste even single moment na maiparamdam ko sa yo kung gaano kita
kamahal. I Love You Christian!"
"Don't worry nandito na ako at
hindi na kita iiwan pang muli. Mahal na
mahal kita Ron at hindi magbabago ang feelings ko para sa yo." ang sarap pakinggan ng mga salitang ito.
"Ron... Ron... Ron..."
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment